2 minute read

Tulay sa Tuwid na Daan, LakbAI ang Sagot Diyan!

/ Trisha Dacumos

Hindi kayang bilangin ng ating mga daliri ang sandamakmak na numero ng behikulong panlupa. Mula dapit-umaga hanggang hatinggabi, ating masasaksihan ang di maudlot na daloy ng transportasyon ng bawat indibidwal. Ngunit kung ikaw ay tatanungin, Kamusta ba ang huling biyahe mo? Narating mo ba ang iyong destinasyon sa eksaktong oras at lokasyon? Kaya tara’t sumakay sa aking sasakyan tungo sa isang ekspedisyong tiyak na kapupulutan mo ng aral at solusyon.

Advertisement

Bumida ang paksang ito sa pananaliksik na pinamagatang “Feasibility Study of LakbAI: A GPS-Integrated Mobile Application Guide for Commute Transportation in Lapu-lapu City” na isinagawa ng apat na mag-aaral mula sa institusyong Science and Technology Center (STEC) noong Hunyo 2022. Nais nilang bigyang diin ang iba’t ibang karanasan ng mga pasahero sa Lungsod ng Lapu-lapu sa pang araw-araw na buhay. Isang tunguhin ng kanilang pag-aaral ay walang iba kundi ang mapabuti ang estado ng pampublikong transportasyon sa kinabibilangang lokalidad bagkus isang inobasyon ang kanilang maihahandog na siyang tinatawag na “LakbAI,” isang GPS-integrated Mobile Application bilang gabay tungo sa isang matiwasay na daloy ng pampublikong transportasyon.

Ayon sa isang artikulo, ang Lungsod ng Lapu-lapu ay kilala sa tawag na “highly urbanized area” kung saan kaloob nito ay ang malawak na sektor ng transportasyon. Tulad na lamang ng pedicab, traysikel, habal-habal, PUJ o Public Utility Jeepney o di kaya’y mga e-jeep na siyang kadalasang nakikita sa ating mga daanan bilang pangunahing kalakaran ng transportasyon. Nagtataglay ito ng mahigit kumulang 490,000 na mamamayan na siyang nagmamay-ari ng pribadong behikulo (80%) at pampublikong transportasyon (10%). Kung susumahin, naitalang may 3.5 milyon katao ang kabilang sa commuters sa nasabing lugar.

Ang LakbAI ay isang mobile application na aksesibol at libre sa mga gadget users nang walang anumang edad na basehan. Kaugnay nito ay ang tinatawag na GPS o Global Positioning System kung saan natitiyak na mas eksakto ang lokasyon at detalyado ang bawat ruta na dadaanan ng behikulo. Nilalaman ng app na ito ay ang sumusunod:

(1) Programming using Visual Studio Code at (2) Gathered Transportation Route Data in Lapulapu City.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa rin ng isang sarbey na naglalayong masukat ang kanilang mga komento sa nasabing aplikasyon. Sila ay nagkalap ng 60 na respondente upang sumagot sa mga katanungan at nagkaroon ng isang Google Meet session kasama ang mga eksperto upang magkaroon ng demonstrasyon kung paano gamitin ang nasabing app. Sa mga opsyong Concept, Usability, Flexibility at Overall Quality, “Satisfied” ang naging reaksyon ng mga eksperto at sinasabing dapat lamang gamitin ito sa mga metropolitan areas na may malawak na kalakaran sa transportasyon.

Sa kabuuan, natuwa ang mga eksperto sa naging resulta ng inobasyong ito. Sana ay sa pagdaan pa ng mga susunod na henerasyon ay tuluyan ng maagapan ang suliraning ito upang ating makamit ang matiwasay, magaan sa bulsa at ligtas na daloy ng pagbiyahe. “Para lang po!” at narating mo na ang iyong destinasyon. Huwag kalimutang magbayad para bayad rin ang pawis at pagod ni manong drayber. Ikaw, saan pa ang iyong punta?

This article is from: