2 minute read
Sa Likod ng Tamis: Lakatan Banana (Musa acuminata Colla) bilang Alternatibong Bioethanol
/ Kyrone Pelegrino
Sa luntiang tanawin ng tropikal na paraiso, ang isang prutas ay nagtataglay ng isang lihim na maaaring baguhin ang ating diskarte sa pagbuo ng enerhiya. Kilalanin ang hamak na Lakatan Banana (Musa acuminata Colla), isang uri ng saging na pinahahalagahan dahil sa masarap nitong tamis at kaikibat nito sa lutuin at pagkaing Pilipino.
Advertisement
Habang ang mundo ay nakikipaglaban sa kagyat ng pangangailangan na bawasan ang ating pag-asa sa fossil fuels at pigilan ang pagpapalabas ng greenhouse gasses, ang pinagkukunang renewable energy ay naging isang sinag ng pag-asa. Kabilang sa mga alternatibong ito, ang bioethanol, ito ay nakatindig bilang isang maaasahang kapalit para sa gasolina. Ngunit paano kung sasabihin sa iyo na ang ating sariling lakatan, na manamis-namis na lasa nito, ay maaaring maging pangunahing manlalaro bilang alternatibo sa makakalikasang rebolusyong ito?
Ibinida ng apat na estudyanteng mananaliksik mula sa institusyong Science and Technology Education Center - Senior High School (STECSHS) ang kanilang pag-aaral na pinangalanang “Laka-thanol: The Analysis of the Physical Characteristics of Bioethanol Production from Lakatan Banana (Musa acuminata Colla) Peels” na naglalayong alamin ang pisikal na katangian ng balat ng lakatan bilang isang pagkukunan sa produksyon ng bioethanol,partikular na inalam ang katangian at halaga nito sa density, viscosity, flashpoint, and caloric. Sa karagdagan, binigyang-pansin sa pagaaral ang paghahambing sa bioethanol na likha sa balat ng lakatan at sa hilaw na mga gulay upang malaman kung pasok ito sa pamantayang halaga. Ang bioethanol ay isang alkohol na ginawa sa pamamagitan ng microbial fermentation, karamihan ay mula sa carbohydrates na ginawa sa mga halaman na may asukal o starch-bearing tulad ng mais at tubo. Sa nasabing punto, mahalagang tandaan na bagaman ang produksyon ng bioethanol ay pangunahing kaugnay ng mga halamang mayaman sa asukal, ang potensyal ng paggamit ng iba pang malawakang yamang pangagrikultura ay kasalukuyang pinag-aaralan. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng balat ng lakatan na saging.
Ang mga lakatan, kilala sa kanilang matamis na lasa at mataas na nilalaman ng carbohydrates, ay itinuturing sa pag-aaral na isang maaaring pagmumulan para sa produksyon ng bioethanol. Tulad ng iba pang mga halamang mayaman sa carbohydrates, ang mga lakatan na saging ay maaaring sumailalim sa microbial fermentation upang mapalitaw ang kanilang mga asukal patungo sa ethanol.
Sa pag-aaral, napagtanto na mas malaki ang halaga ng mga pisikal na katangian ng lakatan kumpara sa hilaw na gulay, partikular sa mga aspeto ng density at viscosity.
Gayunpaman, mas malaki ang halaga ng bioethanol na mula sa hilaw na gulay kapag tiningnan ang aspeto ng caloric content. Samakatuwid, pareho ang halaga ng dalawa sa flashpoint na katangian. Nangangahulugang mas maganda ang katangian ng lakatan kaysa sa gulay, ngunit mas mataas ang enerhiyang nabuo mula sa hilaw na gulay.
Sa pagtuklas ng potensyal ng lakatan mas naging makatwiran at nawa’y mas malapit sa puso ng mga Pilipino ang ideya ng paggamit ng lokal na yamang pang-agrikultura para sa pag-unlad ng renewable energy. Sa gayon, sama-sama nating tangkilikin ang sariling yamang pang-agrikultura ng bansa