Information in Filipino on Joining

Page 1

Impormasyon tungkol sa Pagsali sa Ibang Mga Wika Maligyang pagdating sa Mga Silid-aklatan ng Lungsod ng Wellington: Malugod na tinatanggap ang lahat sa mga Silid- aklatan ng Lungsod ng Wellington! Mayroon kaming 14 sangay na silid-aklatan sa Wellington, hanapin ang pinakamalapit dito. Ang bawat silid-aklatan ay mayroong mga libreng computer at Wi-Fi, pati na rin mga libreng kaganapan para sa mga sanggol, bata, at matanda, kabilang ang libreng mga grupo sa Pag-aaral ng Ingles.

Pagsali sa mga Silid-aklatan ng Lungsod ng Wellington: Walang bayad ang pagsali sa mga Silid-aklatan ng Lungsod ng Wellington. Mangyaring magdala ng pagkakakilanlan tulad ng iyong pasaporte, lisensya sa pagmamaneho o ID ng estudyante at tutulungan ka ng aming mga katiwala sa aklatan na sumali. Ang aklatan ay may mga libro, magasin, CD, DVD, at iba pang mga item tulad ng mga eBook na maaari mong hiramin. Ang mga libro ay libreng hiramin. Kapag naibalik sila bago ang takdang araw, walang bayad ito. Ang mga magasin, CD, at DVD ay may bayad kapag hihiramin. May bayad din kapag nahuli ang pagsauli sa mga item, o kapag ang mga ito ay nasira o nawala. Ang mga hindi nabayarang utang ay ipapadala sa isang ahensyang naniningil sa mga utang. Nandito kami upang tumulong: Nais naming maging masaya ang pamamalagi ninyo dito sa mga Silid-aklatan ng Lungsod ng Wellington. Kung mayroon kayong mga katanungan, mangyaring tanungin kami – nandito kami upang tumulong! Serbisyong Pagsasalin: Ang mga Silid-aklatan ng Lungsod ng Wellington City Libraries ay may serbisyong pagsasalin, at mayroong mga tagapagsalin para sa mahigit 60 na mga wika. Kung nais mong gumamit ng isang tagapagsalin habang nandito ka sa silid-aklatan, mangyaring magsabi sa isang kawani ng silid-aklatan at sila ay magsasaayos ng pag-uusap sa telepono kasama ang isang tagapagsalin.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.