4 minute read

BATANG MAKABANSA Gunita at Aruga

Next Article
NHI

NHI

Ordonia

ni Cyper Jethroe M. Ordonia

Advertisement

ALKANSYA: Pag-iipon ng hindi malilimutang karanasan Scouts take my command! Recite the Scout Oath move!

On my honor, I will do my best to do my duty to God and my country, the Republic of the Philippines, and to obey the Scout Law, to help other people at all times, to keep myself physically strong, mentally awake and morally straight.

Bagong simula sa bagong kabanata. Liliparin muli ang langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. Liliparing muli ang mga blankong espasyo’t lalagyan ng bagong panimula. Bagong panimula na naman muling nagbabalik ang mga kabataan na kung saan laging handa, kabataang matapat, matulungin, mapagkaibigan, magalang, mabait, masunurin, masaya, matipid, matapang, malinis, at higit sa lahat ay makadiyos. Kabataang kung saan ang kanilang samahan ay itinuring na nilang pamilya at habang tumatagal ang panahon ay mas lalong tumitibay ang kanilang mga pagsasama.

Halo–halong emosyon ang mararamdaman at mararanasan mo kapag ikaw ay lumahok upang maging scouts. Nandyan ang saya, lungkot at makakarinig ka ng iba’t ibang halakhak na nanggagaling sa iba’t ibang kabataan. Ngunit ang isa sa pinakadahilan kung bakit naiiba ang scouts ay ang karanasan na kung saan ay hindi mo malilimutan, karanasan na maaring magpasaya at magpaiyak sayo at karanasan na maaring magbago ng pananaw sa buhay mo at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang turo at aral ng aming guro na nagsilbing ina sa amin.

Kasiyahan o Kalungkutan

Maraming nagiging aktibidad ang aming samahan nandiyan ang paglalaro, palaisipan at pagtuturo ng mga kanilang dapat gawin at pamamalakad sa kanila dahil sila ang itunuturing na susunod na lider o pinuno ng ating henerasyon, ngunit kasiyahan nga ba na maituturing ang aming ginagawa o nagbibigay lamang ng lungkot para sa amin? Nagiging balanse ang pagkakaroon namin ng aktibidad, hindi maiiwasan ang kasiyahan at kalungkutan. Palagi kaming nagiging masaya para mabalik-balikan namin ang alaala na iyon at iniipon namin iyon dahil alam namin na ang iba ay hindi na magtatagal o aalis na sa amin kaya nararapat lamang na sulitin namin ang bawat oras na magkakasama kami pero nariyan pa rin ang kalungkutan dahil hindi naman palaging masaya ngunit hindi naman sinabi na kapag kalungkutan ay lungkot lamang ang naroon nandiyan pa rin ang aral na magtuturo sa atin kung bakit kailangan mangyari iyon dahil nararapat lamang na matuto tayo sa mga mali natin, sa pamamagitan niyan ay nagiging matatag tayo.

Uulitin ko ang katanungan kasiyahan nga ba o kalungkutan? Nakadepende iyan kung paano ninyo ilalaan at igugugol ang oras ninyo na magkakasama.

Pagbabago ng Pananaw

Iba’t iba ang paniniwala ng isipan ng scouts sa amin ngunit hindi naman nagiging hadlang upang magkaroon kami ng tamang pasya at pagkakaintindihan. Ngunit habang tumatagal ay nababago at naiiba ang pananaw ng mga kasama ko at kapwa kong officer ng scout. Kagaya na lamang ng pananaw nila na hindi nila kaya at wala na silang iba pang magiging kasama, at takot sila na mawala ang mga lider nila. Nabago iyon bawat oras dahil paulit ulit naming binabanggit sakanila na kaya nila dahil may sari–sariling kakayahan na magbubuo at maghuhubog sa kanila upang mabago at mas lumago pa ang kanilang samahan at magsilbing lakas nila at alam namin na normal lang matakot na mawalan ng kaibigan at mga lider na nagsilbing kapatid sa kanila ngunit oras naman nila upang maging panibagong pinuno na magtataguyod sa scouting at oras na rin nila upang makakilala ng mga bagong kaibigan na magbibigay rin sa kanila ng mga alaala at mapagbabahagian nila ng mga plano nila para sa hinaharap at iisang hahangarin.

Natuto ako kay titser.

Hindi naman lahat mangyayari ang aming mga ginagawa o naranasan kung wala ang aming guro na nagsilbing ina, nanay, mama at tinatawag naming “mame” na si Ma’am Vanesa Balbin Pedalizo. Siya ang gumabay sa mga nakaraang scout at patuloy na gumagabay sa amin at nagtuturo sa amin ng aral na tumatatak para sa amin. Si titser ang humubog sa amin at sa bawat scout na maging isang produktibo at maging isang magaling na titser. Napakalaki ng pasasalamat namin dahil sa tuwing magkakamali kami ay may nagtuturo nang tama sa amin at sumusuporta sa amin sa tuwing may laban at nagkakaroon kami ng parangal. Siya na rin ang naging pundasyon ng scouting. Sa pagsasama–sama namin ay nakabuo at nakaipon na kami ng mga alaala na kailanman ay hindi namin malilimutan at dadalhin namin sa mga susunod pa na taon upang balik–balikan at magpaalala sa amin kung gaano kasaya ang maging estudyante at maging sa scout sa paaralan na Caanawan.

Nagkakaroon ng kasiyahan at pagkakaisa sa aming samahan dahil “ WE ARE ONE IN CAANAONE”

Paulit-ulit, papalit-palit, Palipat-lipat ang usapusapan sa bahay-bahayan ng mga tao-tauhan sa mga barabarangay ng kung ano-anong may biglang nagsunog-sunugan.

SUNOG!!! SUNOG!!!

Kunwa-kunwariang mga paslitpaslitan na naglalaro ng bahaybahayan sa mga bara-barangay.

Hay, naku naman!...

Alam kong iniisip ninyo na laro o katuwaan lamang ang mga nangyayari sa mga sinabi ko ngunit talaga nga ba na handa tayo sa mga mangyayari kapag ang sunog ay nasa harap na natin? Lagi nating tandaan na ang isang maliit na posporo ay kayang lumikha ng isang malaki at nag-aalab na apoy na kayang kainin ang kabuuan ng isang kabahayan.

Huwag tayong magpakampante lahat ay posibleng mangyari ngayon. Kaya halina't talakayin at itaas ang kamalayan tungkol sa mga sanhi at panganib ng sunog. Ang Marso ay ginugunita bilang Fire Prevention Month dito sa Pilipinas – isang perpektong oras upang talakayin at itaas ang kamalayan tungkol sa mga sanhi at panganib ng sunog.

Sa bisa ng Proclamation No. 115-A, na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, at Proclamation No. 360 noong 1986, ang buwan ng Marso ay idineklara bilang “Fire Prevention Month” o “Burn Prevention Month.”

Ang kampanya sa buwan ng pag-iwas sa sunog, ayon sa panukala, ay nagtataguyod ng “kamalayan sa kaligtasan sa

This article is from: