3 minute read

LABAN SA MAPANAKIT NA KAIBIGAN ni Vindrel G. Velasco

Next Article
DAPAT ALAM MO!

DAPAT ALAM MO!

ni Irene Villanueva

Kay gandang pagmasdan ng mga tanim. Kay sarap langhapin ng sariwang hangin na nagmumula rito. Mga tanim na maraming benepisyo sa ating paaralan. Sa mga paaralan kailanman ay hindi ito nawala. Isa ito sa mga kaagaw-agaw ng pansin lalo na sa mga bisitang nagpupunta sa Caanawan National High School.

Advertisement

“Mata’y pumapait sa agos ng pawis, hindi ramdam ang init sa katawang manhid. Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik, tila sumasaliw sa pintig ng dibdib.”

Ganito ang buhay ng mga estudyanteng may gintong kamay. Hindi iniinda kahit naghihirap na. Sila ang namumuno, at nangangalaga ng mga tanim sa demo farm upang maging malinis, maganda, at maaliwalas ito. Hindi

Gintong Kamay: Pagbibigay kulay at buhay sa luntiang tanim

lamang mga gulay, prutas, at halaman ang matatagpuan rito, maaari ring matagpuan dito ang Fish pond ng paaralan.

Luntian.

Mga luntiang dahon na sa atin ay umaakit. Bawat ihip ng hangin ang mga luntiang dahon ay sumasabay sa bawat indayog ng hangin. Kay sarap pagmasdan dahil sa mga mabeberdeng mga tanim na narito.

Maraming mga benepisyo na naibibigay sa atin nito. Unanguna, nakakatulong tayo sa kalikasan na maging malinis at maayos ang paligid. Ikalawa, napapaganda at nabibigyan nito ng kulay ang paaralan. Higit sa lahat nakakatulong ito sa mga estudyante na matutong pangalagaan ang ating kalikasan.

Ang pagtatanim ng mga halaman ay maraming benepisyo tulad na lang ng masustansyang gulay at paraan na rin ito para magehersisyo.

“Nakakakuha tayo ng vitamin D mula sa araw. Ang pagtatanim ay isang magaan na paraan ng pag-ehersisyo na may koneksyon sa ating mundo o kalupaan.” –Calverley

Kabilang sa benepisyo ng pagtatanim ng kahoy o halaman ay ang cooling effect sa kapaligiran at nagbibigay din ito ng tabing o shade. Nakatutulong din ito para salain ang hangin at nararamdaman mo ito kapag napalibutan ka ng kahoy o anumang mga halaman. Mahalaga ang mga tanim dahil kung wala ito ay paano tayo? Kung wala ang mga mabeberdeng tanim sa ating mundo ay mawawalan tayo ng suplay ng oxygen na siyang nagsisilbi nating hininga sa bawat segundo ng ating buhay.

Mahal kong kaaway, Naaalala mo pa ba ako? Mga pinagsamahan natin nang ilang taon, nakabaon pa rin ba sa iyong alaala? Hanggang ngayon nandito pa rin ako, sumusubaybay sa iyo. Pilit na nakakalimutan ng karamihan. Naaalala mo pa ba ang mga alaala nating kumukupas na, ilang taon na makalipas nung ako’y lumabas sa publiko. Oh, giliw ko naaalala mo pa ba ako?

Lumipas na ang ilang taon, marami na ang galit sa akin dahil sa akin nagsarado ang mga parke, pamilihan at higit sa lahat ang edukasyon tila napilayan ang mga guro at mag-aaral nung ako’y naghimagsik ng sakit. Palapit na ang araw ko ngunit hindi masaya ang lahat sa akin bakit? May nagawa kaya akong masama sa mga taong nakapaligid sa akin?

Magulo ang isip ko, hindi ko alam kung bakit sila galit sa akin. Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko? Sana ay maayos sila. Itago mo na lamang din ako sa pangalang Covid, isang mamamayan sa Wuhan, China. Isa akong sakit na kumikitil sa buhay ng lahat. Alam ko na kung bakit sila galit sa akin.

COVID-19 o mas kilalang

Coronavirus 2019 isang pandemyang nagpalagas sa mga buhay ng iba’t ibang tao sa mundo. Isang salot eka nga nila sa akin. “Oo, totoo nga ‘yun,..” salot pa sa salot ang aking dulot noong kumalat ako ay grabe ang epekto nito sa mundo pati parke at paaralan sarado isama mo pa ang face mask na nagrereklamo sila na hindi raw sila makahinga. Kaaway nga ang tingin sa akin tulad nga ng mga nabanggit ko na ako ay salot sa karamihan. Hanggang magbago ang lahat, malapit na akong mawala rito sa mundo ng mga tao. Tila ganito ata ang parusa sa akin ng mga scientist.

Parusa sa akin ay ang mabilisang pagbabakuna sa mga tao, nariyan ang Pfizer-BionTech, Moderna, at Astrazeneca ilan lamang sa mga bakuna na pupuksa sa akin pero ganito na rin siguro ang tadhana, buhay muna ng tao ang uunahin ko mas makakagalaw sila nang maayos sa bawat gusto nila gawin. Pawala man ako ngunit mananatili pa rin akong ngingiti sa mga nagagawa ng tao na malaya dahil humihina na ako. Sana ay hindi pa rin kaaway ang tingin sa akin. Ako si Covid, nandito pa rin sa paligid mo. Mag-iingat ka sa akin kung ayaw mo mawala at ayaw mo maging malaya.

Face mask at face shield pa rin ang kailangan para maging ligtas kayo mula sa akin. Bawat minuto ay mahalaga sa lahat, maging mapagmatyag at maging ligtas sa lahat ng oras dahil sa isang pagkakamali ay baka may mawala sa paligid mo. Malapit na akong lumisan sa mundo, mahal kong kaaway sana napatawad mo na ako, sana ay bitbit mo ang alaala ng pinagsamahan natin.

Nagtatapos, Coronavirus.

This article is from: