1 minute read

BANSANG MAKABATA

Next Article
PATABA SA B

PATABA SA B

Lingid sa ating kaalaman, ang pagkakaroon ng family day ay isa sa pinakamabisang paraan upang mas mapatibay ang relasyon at samahan ng bawat isa sa pamilya.

Ang buhay ay hindi natin hawak kaya habang may oras ating samantalahin ang pagmamagandang loob ng bawat isa. Hindi natin alam na sa bawat sandali ng pagsasama ay napakahalaga dahil hindi natin hawak ang ating buhay. At habang lumalaki ang ating mga anak, sila ay may kaniya-kaniya ring pangarap at minimithi sa buhay na siyang dahilan kung bakit mapalayo sila sa atin.

Advertisement

Ang family day ay parang holiday na isinasagawa ng isang pamilya sa loob ng bawat isang linggo na paglaanan din natin ng oras. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakataon ang bawat miyembro ng pamilya na mapagbonding at maipadama ang pagmamahalan ng bawat isa. Masasabi rin natin na hindi lang paglabas at pamamasyal ang tinatawag na family day. Pwede rin ganapin sa loob ng bahay o paaralan at bigyan ng oras ang bawat isa. Pwede ring ganapin ito ng simple lamang. Maraming paraan ang pagsasalo-salo ng family day.

Diskarte at Bayanihan sa Paaralan. Ang hangarin ng backyard camping ay maturuan at matuto ang bawat estudyante ng mga basic skills, hindi lamang sa scout pati na rin sa mga araw-araw na ginagawa natin; kagaya na lamang sa pagiging makakalikasan ng scout dahil iyan ang isa sa mga importante na dapat malaman at taglayin ng isang scout. Sapagkat hindi lang naman sa pagiging handa, makikita ang pagiging scouts ganoon din ang matibay na samahan sa iba at upang mabuo ang panibagong lider. Inaalala natin ano nga ba ang totoong spirit ng scouting? At ang physical, mental, at spiritual ng kabataan ay hinuhubog din sa pamamagitan ng scouting. Kaya naman, napakahalaga ng backyard camping, hindi lang naman ito kasiyahan na nangyayari, lahat ng ginagawa sa backyard camping ay may dahilan para sa ikakaunlad ng kabataan at ng bayan natin. Maraming magagandang pangyayari sa hayskul. Sabi nga sa kanta ni Sharon Cuneta na may pamagat na High School Life, “High school life, ba’t ang high school life ay walang kasing saya?” ito ay nangangahulugan na ang mga pangyayaring nagaganap sa high school life ay hindi mapapantayan at makakalimutan kailanman.

Family

This article is from: