Filipino 2023 Broadsheet | Tomo 12 - Bilang 1

Page 6

Anahaw

Ang Opisyal na Pahayagan ng Caanawan National High School

TOMO 12 BILANG 1 | Mula Agosto 2022 - Marso 2023

PATABA SA BINHI

Punongguro ng Caanawan, nagkamit ng karangalan

Nakatanggap ng parangal ang punongguro ng Caanawan National High School na si Jocelyn T. Leonardo, PhD, matapos makamit ang ikaanim na pwesto sa idinaos na Regional Search For Most Outstanding Teacher and School Heads of DepEd Region lll...

PAHINA 4 | BALITA

Special Program in Journalism: bagong seksyon sa Grade 7

Binuksan ng Caanawan National High School ang Special Program in Journalism (SPJ) San Jose City – Isang bagong seksyon ang idinagdag para sa grade 7 ng school year 2022-2023, noong Agosto 22, 2023...

PAHINA 5 | BALITA

3 Caanawenian, Namuno sa Lungsod San Jose

PANATA SA TAGUMPAY. Panunumpa ni Lee Yan Ostique mula sa 7–Panagbenga sa naganap na pagpapasinaya ng Rural Farm School sa Caanawan National High School nitong ika–23 ng Disyembre taong 2022. -CEL BRYAN MONTERICO

Lumahok ang tatlong estudyante ng Caanawan National High School sa ginanap na Linggo ng Kabataan 2023 na programa ng San Jose City, Nueva Ecija Local Government Unit nitong ika-17 hanggang ika-21 ng Oktubre 2022...

PAHINA 5 | BALITA

PANATA SA TAGUMPAY

PANATA SA

Kauna-unahang Rural Farm School sa Dibisyon, Inimplementa sa Caanawan

Inilunsad ang opisyal na pagbubukas ng kaunaunahang Rural Farm School sa Dibisyon ng San Jose City sa Caanawan National High School (CNHS) na pinamumunuan ng punongguro na si Dr. Jocelyn T. Leonardo at mga Techonology, Livelihood Education teachers, na may temang “Increasing the Farm Productivity through Technological Updates and Entrepreneurial Activities” nitong Disyembre 13, 2022.

Naitatag ang Rural Farm School alinsunod sa RA 10618 na naglalayon na magkaroon ng mga non-traditional schools sa ilalim ng pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon na maglilinang sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pangangalaga ng mga hayop,

OPINYON

pagtatanim ng mga gulay at iba’t ibang halaman at pangangasiwa ng mga ito hanggang maging produkto para sa industriya at kalakalan. Matagumpay na naipatupad ang programa sa pagtutulungan nina Regional Education Program Supervisor EPP/TLE/TVL-CLMD, Reynaldo G. Castillo, Curriculum Implementation Division Chief, Veronica Paraguison, PhD., Schools Division Superintendent, Gng. Johannah Gervacio, at ng pamunuan ng Caanawan National High School sa pamumuno ni Jocelyn T. Leonardo, PhD. at Gng. Sheila Marie Baluran, Rural Farm School Coordinator, mga kaguruan ng CNHS, mga magulang, at 30 piling mag-aaral mula sa Grade 7.

Ayon kay Gng. Glaiza Wagan, SHS teacher na nagwagi bilang isa

sa Regional Writers on Crafting of Rural Farm School Curriculum Guide and Self–Learning Modules, ang pagkakaroon umano ng space for agriculture ang naging dahilan kung bakit ang Caanawan NHS ang nagpasimula nito sa buong dibisyon.

“Nag–qualified tayo riyan kasi may space tayo, supported tayo ng LGU [at] ng Division Office,” saad ni Gng. Wagan.

Inaasahan na mako–kumpleto ng mga piling mag–aaral mula sa Grade 7 ang apat na bahagi ng RFSC; Agriculture, Fisheries, Animal Poultry, at Food Processing. Layunin nito na hindi lamang mga estudyante ang makikinabang sa programa, gayundin ang komunidad. Sapagkat maaaring ibenta sa merkado ang mga

Go, Sis! Girl Power! Sulong Kababaihan!

maaaning mga gulay, karne, isda, at palay na kung saan makatutulong itong masolusyunan ang magiging kakulangan sa suplay.

Ayon pa rin kay Gng. Wagan, inaasahan umano nila na magiging skilled at equip ang mga bata na nagnanais maging future farmers ng paaralan at komunidad.

BUNGA NG PAWIS. Caanawan National High School, muling nakamit ang Search for Best Implementers of Oplan Environment as per Division Memo. No. 448, s 2022 sa ikalawang sunod na pagkakataon. -Cel Bryan Monterico

CNHS, muling nanguna sa Oplan-E

Nasungkit muli ng Caanawan

National High School (CNHS) sa pangatlong sunod na pagkakataon ang kampeonato sa isinagawang Search for the Best Implementers of Oplan

Environment sa Dibisyon ng San Jose noong ika-17 ng Pebrero, taong kasalukuyan.

Pinamunuan ni School Oplan

Environment Coordinator, Ariel

B. Santiago, isang guro sa CNHS na nagtuturo ng asignaturang

Technology and Livelihood

Education (TLE) Agriculture, hindi umano niya inaasahang magtatagumpay silang makamit

ni John Lester R. Montales

ang pagiging kampeon. Isang malaking karangalan ito hindi lang para sa kaniya kundi pati na rin sa paaralan ani ni Santiago, dahil animnaput isang (61) pampubliko at pribadong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya ang nagpaligsahan sa pag-iimplementa ng Oplan Environment.

“When there is unity, there is victory” ani pa ni Santiago, hindi aniya nila makakamit ang pagkapanalo kung hindi dahil sa tulong ng mga guro at estudyante ng paaralan.

LATHALAIN SUNDAN SA PAHINA 6-7
| 02
MAKATAO BALITANG TOTOO
12
PANITIKAN Pokus sa Goal! ISPORTS
PAGSUONG... EDITORYAL
SERBISYONG
3 10
Ang Namulat, Hindi na Muling Pipikit

OPINYON

EDITORYAL Pagsuong ng Kabataan sa Panibagong Digmaan

Kasabay ng paghupa ng Covid-19 at ng biglaang pagbubukas ng faceto-face classes sa Pilipinas ang paglitaw ng maraming suliranin at pagsubok na kinahaharap ng mga mag-aaral ng Pilipino.

Nagsimula ang labis na nakahahawa at nakamamatay na virus na pinangalanang Covid-19 sa China ngunit mabilis itong kumalat sa mga karatig bansa tulad ng Pilipinas at hindi nagtagal kumalat na rin ito sa buong mundo.

Dahil sa lubos na nakahahawa ang nasabing virus napilitang isara ng gobyerno ang mga paaralan sa bansa at ipatupad ang distance learning sa loob ng dalawang taon.

Taong 2022 nang magbukas ang full face-to-face classes sa bansa sa ilalim ng new normal na ikinabigla ng mga mag-aaral na nasanay sa distance learning o online class.

Tumaas ang depression at anxiety rate ng mga kabataan sa bansa dahil sa biglaang pagsabak nila sa face-to-face classes kung saan makihahalubilo sila sa

CLYDE RYU B. AGNES

PATNUGOT SA ISPORTS

HEIDE MAE H. PIMENTEL

MARVIE ANN G. LEGASPI

PATNUGOT SA EDITORYAL

SELINA F. FLORES

ANN CHEIZELL B. ILUSTRE

PATNUGOT SA OPINYON

FRANCIS S. GONZALES

ALYSSA P. CARBONEL

PATNUGOT SA PAG U-ULO NG ARTIKULO

ROGELIO G. URIAN

DIBUHISTA STEPHANY F. REYES

CEL BRYAN O. MONTERICO

PRINCESS ANGEL B. SENERES

TAGAKUHA NG LARAWAN

EDERLYN C. FACUN

MICHAELLA G. PACULGIN

CHRISTINE G. DANGKULOS

JESSAN CLAIRE A. CABALDE

ZAIRA MAE J. BONCODIN

ANNA TERESA M. DELA CRUZ

PRINCES PEARL O. ALVARO

ANGELICA V. CASITA

CHERELYN M. SUMABAT

SHIRLEY PASCUA

KHEVYN KIEL D. POTENCIANO

HERMIONE AEVRIL S. DE GUZMAN

MGA MANUNULAT

JESSICA A. IMPERIAL PhD

JANINA LARA T. CABRERA

TAGAPAYO

TERESITA M. CIRCA

JOCELYN T. LEONARDO PhD

KASANGGUNI

napakaraming tao araw-araw sa kabila ng nakasanayan nilang home-based classes na mag-isa o pamilya lamang ang kanilang nakakasama.

Tumaas din ang rate ng mga mag-aaral na palaging nahuhuli sa klase sapagkat hindi pa sila sanay na gumising nang maaga, gumayak sa pagpasok sa paaralan dahil sa online learning pupwede silang hindi na maligo o dumalo sa klase kahit kagigising lang.

May mag-aaral ding masayang bumalik sa klase dahil magkakaroon na sila ng

pagkakataon na makipagkaibigan ngunit hindi na nila kinikilatis kung mabuting impluwensya ba o hindi ang kanilang kaibigan.

Maraming mag-aaral din ang pumapasok dahil sa baon ngunit pagdating sa paaralan tatakas sila at ibibili ng kung ano-ano ang perang binigay ng kanilang magulang tulad ng sigarilyo at alak.

May pagkakataon din na hindi sapat ang kahandaan ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase at nagkakaroon ng kapabayaan sa loob mismo ng paaralan tulad ng mag-aaral na tumatakas sa oras

ng klase at mga taong-labas na may masamang intensyon ang nakapapasok nang malaya sa loob ng paaralan na nagdudulot ng kapahamakan sa mga batang nasa loob ng nasabing institusyon. Hindi natatapos ang pagsubok ng mga mag-aaral sa paghupa ng Covid-19 at ng pagbubukas ng klase sa Pilipinas sa halip, nagsisimula pa lang ang panibagong digmaang kahaharapin ng kabataang Pilipino kaya nararapat lamang na mas paigtingin pa ang pagbabantay sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral ng Pilipinas.

Teka! Timeout Muna, Guys, Chill lang!

mga mag-aaral.

Mapalad

BOSES NG CAANAWENIAN

Tanong sa piling mag-aaral, sumasang-ayon ka ba sa mga canteen outside oo o hindi?

TAG-INIT NA NAMAN, ANO BALAK MO NGAYONG MAINIT? TARA SWIMMING?!

Maraming Caanawenian ang nahuhumaling sa pagkain na mabibili sa School Cafeteria, iba’t ibang klase ng mga tinapay, lumpiang gulay at sari-saring pritong pagkain. May lutong ulam din at pansit na mas kilalang ‘bahog’. Malinamnam at masusustansya naman ang mga tinda sa canteen. Sulit sa bulsa ang mga paninda nila.

Dahil sa dami ng mga magaaral naglitawan ang mga malilit na tindahan na animo talipapa na matatagpuan pagpasok ng Caanawan. “Canteen Outside” ang maituturing sa kanila. Katulad ng school canteen nagtitinda rin sila ng sari-saring pagkain gaya ng milktea at iba pang produkto na wala sa school canteen. Subalit sa likod ng satisfaction ng mga magaaral ay ang mga basurang nagkalat sa paligid ng Caanawan na siyang dahilan kung bakit nilimitahan ang oras ng pagtitinda ng mga outsider. Kahit na ang mga ito ay may sapat na pahintulot mula sa Baranggay Caanawan at dumaan sa proseso upang legal na makapagsilbi sa

Kumikita ang mga tindahan sa labas at naging daan ito pang matustusan ang pangagailangan ng kani-kanilang pamilya, subalit kaakibat nito ang responsibilidad na dapat naman gampanan ng mga nagtitinda, walang iba kundi ang kaligtasan ng kanilang mga consumer mula sa preparasyon hanggang sa makain ito ng mga mag-aaral. Kinakailangan ding panatilihing malinis ng mga tindahan ang paligid bago at pagkatapos ng pagtitinda at hindi dapat ito sagutin ng paaralan.

Maaari silang magtinda pagtapos ng klase sa kampus at kapag uwian na, subalit kailangang mapanatiling malinis ang paligid upang maging kaiga-igaya itong tingnan. Laging tandaan, na ang Caanawan National High School ay isang ligtas na paaralan, sa loob man o sa labas at karapatan ng bawat isa na magkaroon ng pangalawang tahanan na malinis, maaliwalas, mabango at ligtas sa lahat ng oras.

Oh, Teka, out ka muna riyan. Sumunod ka lang ay okay na. Dapat responsable ka kaibigan.

GUHIT NI : STEPHANY F. REYES

02
SUMUNOD KA! ni Hermione Aevril S. De Guzman “
ang sumusunod, gantimpala nito’y pagunlad. Anahaw PATNUGUTAN T.P. 2022-2023 VINDREL G. VELASCO PUNONG PATNUGOT OWIE LEIRA LAPUZ PANGALAWANG PATNUGOT ALYSSA P. CARBONEL TAGAPAMAHALANG PATNUGOT GLAIZA MAE A. CABALDE BLESSILYN R. MEDINA ADRIAN LLOYD JUSI TAGAPAMAHALA NG SIRKULASYON APRILYN A. BIENDIMA CYPER JETHROE M. ORDONIA TRISTAN JON M. BALMADRID PATNUGOT SA BALITA JOHN LESTER R. MONTALES TAGAPAG-ANYO MILAGROS M. OLIVAR PATNUGOT SA LATHALAIN RUBIE M. DELA CRUZ JIREH T. ORENCIA PATNUGOT SA AGHAM IRENE R. VILLANUEVA JOHN JOSEPH P. FERMIN
Para sa inyong komento, suhestiyon o kintribusyon, maaari kayong magpadala ng liham sa patnugutan ng ANAHAW. I-scan ang QR code o iabot lamang ito sa inyong kakilalang patnugot o manunulat ng ANAHAW o ipadala sa aming Facebook page. Maaari naming i-edit ang inyong isusumiteng artikulo.
Oo Hindi

Guro, bawal nga bang maging kaibigan?

Isipin mo ang gubat na wala kahit isang puno, parang mundong walang guro.

"Guro ang pangalawang magulang" banggit ng marami ngunit dahil sa Department of Education (DepEd) order No. 49 series of 2022, nabago ang pakikitungo ng guro at estudyante sa isa't isa.

Tungkol sa order na inilabas, ang di-umanong guro ay dapat iwasan ang relasyon, pakikipagugnayan,pakikipagkaibigan, komunikasyon sa labas ng paaralan at kabilang ang pag-follow sa social

media sa mga mag-aaral para sa setting ng paaralan, maliban kung sila'y magkamag-anak. Gayundin upang maiwasan ang pagkakaroon ng krimen na maaring mangyari. Kaysa sa pagpapatupad ng mga ito bakit hindi na lamang mas tugunan pa ng pansin ang kakulangan ng guidance counselors para sa mental needs at mabigyan ng abiso ang mga mag-aaral. Tulad ko na estudyante ang komunikasyon sa aking guro ay mahalaga sapagkat ito ang isang paraan ng aking pagkatuto sa loob man o sa labas ng paaralan kaya't hindi makatarungan para sa akin ang di-umanong ipinatitupad na ito.

Nagiging usap-usapan ang mga isyu ng guro at estudyante ngunit

sapat ba na ang DO 49 na ito upang siyang makapagpipigil sa diumanong maling gawain. Marahil ang ilan ay sumasang-ayon sa utos na ito ngunit nahihinuha ko na ito'y magiging pahirap lang sa aming mga estudyante dahil kailangan din naman namin ng gabay ng aming guro kahit sa labas pa ng paaralan.

Ilan sa mga guro ay nagkakaroon ng bias sa kanyang mga estudyante, ang ilan pa ay sila-sila na rin ang nagkakasakitan na pinagmumulan ng mabigat na krimen. Tulad ng isang estudyante at guro na nagiinuman nang biglang saksakin ng estudyante ang kanyang guro.

Sa ganitong pangyayari may tiyansa na mapigil ng DO 49 ang ganitong klaseng krimen ngunit ang

kasalanan ba ng isa ay kasalanan nang lahat? Hindi ito maaari sapagkat ang bonding sa aming guro ay kailangan namin dahil isa rin ito sa paraan upang mas mabuo ang aming samahan para sa matagal na panahon. Marami ang gurong talagang nakatutulong sa kanyang estudyante, ilan dito ay kinukupkop na ang mga ito, pinapakain at binibihisan. Kung ang ugnayan ba na ipinaiiwasan, resulta'y nasasabing dapat na ring itigil ang pagtulong?

Lumalabas sa ipinatupad na order na tinatanggalan ng karapatan ang mga guro na magkaroon ng pagkakaibigang turingan sa labas ng paaralan dahil sa kasalanan na parang kasalanan nang lahat?

Go, Sis! Girl Power! Sulong Kababaihan!

PSST! TEKA!

Vindrel G. Velasco

Babae Ka, Hindi Basta

Ngayong buwan ng Marso, ginugunita ang “National Women’s Month” na taon-taong selebrasyon sa mga kababaihan. Lingid sa ating kaalaman ang mga babae

sa panahon ngayon ay isa lamang “babae lang” na pilit dinudungisan ng mga mapangaping kapwa sa lipunan na ganap ang karahasan sang panig man ng mundo. Batay sa datos nitong taong 2022 ng Philippine Statistics Authority (PSA), 17.5% na kababaihan edad 15-49 ang nakararanas ng pang-aabuso, pisikal, sekswal o emosyonal man sa buong bansa.

Guro-Turo, kailan kaya tayo mabubuo?

ipinaglalaban ng gobyerno, ang diskrimisnasyon sa kababaihan. May batas na nga ito ang kilalang VAWC o "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004" laban sa mga mapangabuso. VAWC ang sigaw ng masa idagdag pa ang gender equality para tahimik at masaya ang bawat isa, para ang buwan ng Marso ay araw talaga nila. Hindi lang sila basta babae, kundi babae sila.

Dito sa ating bansa, hindi na maitatangging karamihan ay nakararanas na ng karahasan sa kababaihan. Ganito na lang ba ang tingin natin sa babae? Ang alam nila na mahina, hindi nila kaya ang ginagawa ng mga lalaki at dramatic pa nga raw tingin ng iba.

Kawawa ang mga babae sa totoo lang. Tulad ng nanay ko, simula

nang isinilang niya ako marami na siyang ibinuhos na pagmamahal sa akin. Danas ko ang isang kalinga ng nanay. Sa tingin ko mapagmahal ang babae, hindi lang sila basta parang basura sa lipunan. Galit ako sa mga mapang-abuso sa mga babae dahil ramdam ko ang isang kalinga ng babae. Basura man ang tingin sa kanila ng ibang kapwa. Basta ako, hindi lang sila babae. Wakasan na natin ang kurokurong mahina sila. Wakasan ang pang-aabuso, pagmamaltrato sa kanila. Gender equality nga, ‘di ba? Dapat pantay tayong lahat. Mabigat sa kanilang damdamin na parang may nakadagan sa kanilang dibdib na pilit sumisigaw na itigil na ang gender inequality at simulan nating bigyang liwanag ang dilemmang ito. Ilang beses na itong

Babae Lang! Kailanma’y hindi nakabase ang respeto sa kung anong tunay mong kasarian. Sapagkat ang respeto’y balanse — makatarungan.

Karera sa tagumpay, buhay ang nakasalalay

Naghihintay sa dulo ng tulay ang tagumpay

Benefits o Danger Law

Benipisyo o sakit sa ulo? Usap-usapan ang

Subscriber Identify Module (SIM) na agad namang nasundan ng batas bilang 11934 o mas kilala bilang Sim Card

Registration Law. Maaaring marami ang pumapabor dito upang maprotektahan ang kanilang privacy o makaiwas sa scam ngunit talaga nga bang maiiwasan ito?

Noong ika-10 ng Oktobre 2022, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Batas Republika Blg. 11934. Ang batas na ito'y isang paraan upang palakasin ang hakbangin ng gobyerno labas sa mga scam na ginagawa sa pamamagitan ng text at online na mga mensahe na naging mas laganap sa mga nakaraang taon.

Sa aking pag-oobserba napansin ko na marami rin ang hindi pumapabor dito tulad ko. Nahihinuha ko na ang batas na ito'y maaaring maging kumplikado sa ating mamamayan. Nasasabi na ito'y para makaiwas sa scam ngunit wari ko rito na dahil sa mga taong mauutak, maaaring magkaroon ng security breaches kahit gaano pa katindi ang security ng mga

telecom companies, maaaring mapasok at magamit ang mga impormasyon na inilalalagay sa registration. Tulad din ni Mary

Grace Maramdilla Santos, siya ay hindi sumasang-ayon dito at sabi pa nya na ang pagpaparehistro ng mga SIM card ay may potensyal na ilagay sa peligro and seguridad at kapakanan ng mga mamamayan kaya ito'y mas maraming panganib kaysa benipisyo.

Sa panahon ngayon nahihinuha ko na ang registration na ito'y isang abala at pahirap pa sa mga taong walang android phone at sa mga walang internet. Kabilang din dito ang mga Senior Citizen na hindi kayang intindihin ang paggamit ng android phone upang magrehistro ng kanilang SIM card.

Mas nakabubuti pa na umiwas na lamang sa anumang mensaheng imposible na natatanggap galing sa text na posibleng bogus para makaiwas din sa nasabi. Pag-isipan din ang mga hakbang na gagawin upang hindi magkaroon ng atake ang mga scammer, mas mainam na huwag na lamang pansinin o magbigay ng impormasyon sa mga nagte-text na hindi naman totoo gaya ng nanalo ka raw sa raffle kahit wala ka namang sinalihan.

POWER!!!

Palarong susubukin ang iyong lakas at tibay sa isang mahabang distansya na tatakbuhin. Maraming kalahok na kakarera para sa iisang layunin, upang masilayan ang katapusan ng linya at tanghaling kampyon. Sa pagpatuloy ng marathon maraming pangalan ang umusbong sa iba't ibang panig ng mundo. Sa pagtakbo naipapakita

nila ang kanilang lakas at tibay laban sa mga pagsubok tulad ng panahon at siklab ng araw. Bakit mahalagang ipagpapatuloy pa ang marathon? maraming taong gustong mapasama sa larangang ito at maging matagumpay sa buhay, ang iba naman ginawa itong hanapbuhay upang maitaguyod at maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Hindi lang iyon ang benepisyo ng pagtakbo bagkus napapalakas nito ang ating sistemang imyuno, tibay na lakas-pisikal at talas ng pag-iisip.

Magandang halimbawa ito sa mga kabataan na wagas sa paggamit ng selpon, magbibigay inspirasyon ito sa kanila upang

tumakbo. Tulad ko, kailangan ko ito upang manatiling matatag ang aking kalusugan.

Matatayang dalawang katao ang namamatay kada 256,000 na kalahok at sa 127 taong pamamalakad nito, 47 lamang ang inilalathalang namatay. Ngunit dahil ba may mga namatay kailangan na itong itigil? Kung gayon ang pinagkukuhanan ng hanapbuhay ng iba'y ititigil na rin?

Sa mga impormasyon na iyan masasabing matagumpay ang kanilang sistema. Kaya bakit ito ititigil? Maaari namang konsultahin ang bawat kalusugan ng manlalaro, nang mabawasan o maiwasan ang pagkawala ng buhay ng mga tatakbo.

OPINYON | 03 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL Anahaw Agosto 2022 - Marso 2023 | TOMO 12 BILANG 1
ISPORTS OPINYON
Selina F. Flores Francis S. Gonzales
SANDIGAN Selina F. Flores

TATAK CAANAWENIAN

Punongguro ng Caanawan, nagkamit ng karangalan

Nakatanggap ng parangal ang punongguro ng Caanawan

National High School na si Jocelyn T. Leonardo, PhD matapos makamit ang ika-anim na pwesto sa idinaos na Regional Search For Most Outstanding

Teacher and School Heads of DepEd Region lll noong ika–4 ng Oktubre, taong 2022.

Nakatunggali ni Dr. Leonardo ang siyam na kwalipikadong kalahok sa una at ikalawang bahagi ng patimpalak na mula sa iba’t ibang school division sa buong Region lll.

Mayroong tatlong bahagi ang nasabing patimpalak; Paper Screening, Validation and Background Investigation, at Demonstration Teaching, para sa kategorya ng mga guro at School Leadership Assessment at Interview naman para sa punongguro.

Layunin ng nasabing patimpalak ang magbigay ng komprehensibong sistema ng pagbibigay pagkilala sa pagiging produktibo, malikhain at etikal na pag–uugali ng mga empliyado sa pamamagitan ng monitory at non–monitory awards at incentives.

“Isang malaking karangalan

Tree Planting sa Caanawan, Isinagawa

Nagsagawa ng Tree Planting Activity at Adopt a Barangay Program ang Caanawan National High School Faculty and Staff upang makatulong sa pagsagip sa kalikasan dulot ng nangyayaring global warming sa daigdig, pinalawig ng paaralan ang adbokasiya nito sa Oplan Kalikasan noong Enero 20, 2023, sa Sitio Cumabol, Caanawan, San Jose City.

Nais ng aktibidad na makapagbigay ng suporta sa paglaban sa global warming sa Barangay. Walong boluntaryong mag-aaral at dalawang guro na sina Manuel V. Reyes, Jr. at Cristina F. Pablo mula sa Caanawan National High School ang nakiisa sa nasabing programa.

Isa sa mga susi sa pagligtas ng kapaligiran ang pagtatanim ng mga puno na nakatutulong sa pagbaba ng epekto ng pagbabago ng klima.

“Nag-volunteer ako sa tree planting activity para makatulong sa pagkontrol ng klima at para mapalitan ang mga punong naputol dahil sa mga iligel na gawain,” wika ng isa sa walong nagboluntaryong mag-aaral sa Tree Planting Activity at Adopt a Barangay Program.

Pinaniniwalaang napakahalaga ng isang puno para labanan ang global warming.

Naging matagumpay ang isinagawang aktibidad gawa nang pagtutulungan ng mga guro at magaaral ng Caanawan National High School, mga opisyal ng Barangay Caanawan sa pamumuno ni Chieftain Bernardo Manocdoc, at konsehala Merly Quinto.

na ako’y napili ng ating Division na maging entry sa ating Regional Search For Most Outstanding

Secondary Head ngayong taon na ito at mas malaki ang aking pasasalamat sapagkat tayo ang napabilang na finalist sa ating Search For Most Outstanding Secondary School Heads. Itong paggawad na ito ng karangalan sa amin ay magbibigay pa lalo ng inspirasyon sa akin upang lalo pang pagbutihin ang pagsisilbi sa lahat ng ating mag–aaral,” pahayag ni Dr. Leonardo. Dagdag pa nito, “Magsilbi nawang inspirasyon sa mga katulad kong namumuno sa bawat paaralan na makabuo ng magagandang gawain at adhikain para sa ating mag–aaral, na nabibibyayaan ng ganitong recognition mula sa ating Department of Education.”

Sa huling bahagi ng patimpalak, binigyan lamang ng ilang minuto ang mga kalahok upang ilaan ang kanilang pagtataya at pahayag na nagsilbing basehan sa pwesto ng mga kalahok na nagkamit ng karangalan.

Ikinararangal ng buong Division ng San Jose City ang mga school head at ang mga guro na nagpapakita ng dedikasyon at husay sa serbisyo ng pagtuturo mapa–new normal man o face-to-face classes.

Bahagdan ng Nagpatala, Bahagyang Bumaba

Pumalo sa 1681 ang enrollees ng Caanawan National High School ngayong taong panuruan 2022–2023 mula sa 1815 noong nakaraang SY 2021–2022.

Nabawasan ang bilang nang mahigit sa pitong porsyento.

Grade 8 ang may pinakamalaking bilang ng nagpatala na may kabuuang bilang na 345 na hinati-hati sa walong seksyon. Sinundan ito ng Grade 9, 312, Grade 10, 299, Grade 7, 280, Grade 11, 262 at ng Grade 12 na may kabuuang 183 enrollees.

Binubuo ang 1681 ng 799 na kababaihan at 882 na kalalakihan.

Ayon kay Learners Information System Coordinator, Gng. Andrea

Mga Inobasyon sa CNHS, Itinanghal sa Division Curriculum Innovation

Showdown

Nagtanghal ang mga guro ng Caanawan National High School (CNHS) at ang punongguro nito, Jocelyn Leonardo, PhD., sa idinaos na 1st Division Curriculum

Innovation Showdown noong Oktubre 28, na kung saan nakapag-uwi sila ng mga parangal para sa kanilang mga proyektong inobasyon.

Nilikha ang programa upang makahikayat ng mga paaralan na maghanap ng paraan para mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa panahon ng COVID-19.

Nabigyang pansin ang ilan sa

mga inobasyon mula sa CNHS katulad ng Project CNHS ni Jocelyn Leonardo, Project iRest ni Shiela Marie Baluran, at Anahaw Tri-Media nina Jessica Imperial at Janina Cabrera.

Ayon kay Jessica Imperial, isa sa mga gurong gumawa ng mga inobasyon, pinapahusay ng Anahaw Tri-Media ang abilidad sa larangan ng pagsulat ng mga mag-aaral at guro, para ipaalam sa komunidad ang mga sariwang programa ng paaralan.

Dahil dito hinihikayat ang mga guro ang hinihikayat na bumuo at magbigay ng kanilang sariling mga inobasyon.

L. Nario, ang pagbubukas umano ng mga pribadong paaralan ang nakikita nilang dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng enrollees sa Grade 7.

“So dati, may mga nagsara na private school kaya karamihan lumipat sa public, kaya ganoon nalang ang epekto nito ngayong panuruan” ani ni Nario.

Malaki ang naging epekto ng pandemya sa bilang ng enrollees ngayong taon, dagdag nito. Ang paglipat din umano sa ibang lugar o tirahan at paaralan na nag–aalok ng kanilang gustong strand ang dahilan kung bakit bumaba naman ang bilang ng nag–enroll sa Senior High School.

BALITANG PAMPAARALAN 04
ni Cel Bryan O. Monterico ni John Lester R. Montales
White Eagles, dinagit ang ginto sa volleyball... sundan sa pahina 11 Anahaw
ni John Lester R. Montales Mga guro at punongguro ng Caanawan NHS nagtanghal sa idinaos na 1st Division Curriculum Innovation Showdown noong ika–28 ng Oktubre, taong 2022. -Cel Bryan O. Monterico MAPAGKAWANGGAWA. Si Gng. Jocelyn T. Leonardo, pasok sa Most Outstanding School Head sa Rehiyon III, noong ika-4 ng Oktubre, 2022. -Cel Bryan O. Monterico

NA PAHAYAGAN NG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Mga istratehiya sa Pagtuturo, ibinida sa Division Action Research

ni Cel Bryan O. Monterico

Tumugon ang mga guro ng Caanawan National High School sa naging hamon ng Dibisyon ng San Jose na makabuo ng action research matapos nila itong matagumpay na madepensahan, nitong Enero, 13-17 2023.

Nagsilbing panels sina Assistant School Division Superintendent (ASDS) Donato B. Chico, Darius P. Tolentino, EPS, Science, Diwata D. Duran, Evelyn C. Nocum, EPS, TLE, Chief Veronica Paranguison ,Curriculum Implementation Division (CID), Ma’am Sierma Corpuz, EPS, Mathematics, Marcos C. Vison, EPS, English,

Chief Romeo Viemudo, School Governance Operation Division (SGOD), Dr. Sheralyn Allas, Ma’am Beatriz Martinez, Allan Moore Cabrillas, Dr. Marissa Allas at Sir Exlan Timbol. Kaugnay ng Division Memorandum No. 030, 2023 o “Presentation of Submitted Research and Innovation Proposal and Final Research Output, 16 guro mula sa CNHS ang dumalo sa tinawag na “Action Research Defense”.

Pinangunahan naman ng punongguro na si Dr. Jocelyn Leonardo na sinundan nina Gng. Reginilda Rosendo, Shiela Marie Baluran, Christine Joy Fernandez, Jhoanna Marie Valdez at Jin Orpha Dela Cruz ang mga sumabak sa unang grupo.

Sinundan naman ng ikalawang grupo sa ikalawang araw nina Gng. Jessica Imperial, Mary Ann Enriquez, Andrea Nario, Maricel Doyongan at Kriza Lea Cabico. Pinangunahan naman nina Lorelie Rebustillo, Princess Joy Baniqued at Honeylyn Corpuz ang pagsabak ng ikatlong grupo. Kabilang naman sa ikaapat na grupo sina Jennifer Bulaong, Elenor Vallangca, Eliseo Peralta, May Joan Videz, Elgin Bautista, Alvin Oliveros at Roseanne Tiburcio.

Layunin ng “Action Research” na masolusyunan ang mga suliranin na nararanasan ng mga mag-aaral at makatuklas ng bagong Teaching Straretegies na makakatulong sa pagkamit ng quality education.

Bakuna para sa Pandemya Infomercial, kampeon sa One Health Week ng Dibisyon

Caanawenians, namuno sa Lungsod San Jose ni Vindrel G. Velasco

Lumahok ang tatlong estudyante ng Caanawan

National High School sa ginanap na ‘Linggo ng Kabataan 2023’ na programa ng San Jose City, Nueva Ecija Local Government

Unit nitong ika-17 hanggang ika21 ng Oktubre 2022.

Kasama sina Supreme Student Government (SSG) President

Owie Leira Lapuz, SSG Vice President Vindrel G. Velasco at Barkada Kontra Droga President

Alyssa P. Carbonel, sa highlights ng programang ito, nagkaroon ng botohan kung sino ang tatanghaling

Little City Officials na nakamit ni Lapuz ang pangalawang puwesto para sa Little City Councilor, Itinalaga naman si Carbonel bilang

Little City Chief of Police Officer at si Velasco naman tumayo bilang

Little City Licensing Officer Head III.

Nanungkulan din noon si Carbonel sa ibang lugar kung kaya’t nanibago raw siya sa mga aktibidad na inilatag ng Lungsod San Jose.

“Marami akong in-expect dito sa San Jose, tapos ngayong nasama ako sa Linggo ng Kabataan office activities malayo siya sa ginawa namin sa Baguio City noon na nanungkulan din ako bilang City Official,” saad ni Carbonel.

Layunin ng ‘Linggo ng Kabataan’ na pahusayin ang pamumuno ng mga kabataan, palawakin pa ang kanilang kaalaman at matugunan ang kahalagahan ng kabataan sa komunidad sa isang linggong panunungkulan sa City Hall.

Special Program in Journalism, bagong

Seksiyon sa Grade 7 ni Jessan Claire A. Cabalde

Nagkamit ng unang pwesto ang Caanawan National High School bilang Best COVID-19 Vaccination Advocacy Infomercial sa idinaos na One Health Week 2022 nitong ika-18 ng Nobyembre.

Nilahukan ng iba’t ibang paaralan ang patimpalak na naglaban-laban ang mga nasa elementarya at sekondarya kasama ang CNHS na nilahukan nina Vindrel G. Velasco, Aprilyn Biendima at Adrian Lloyd Jusi.

Sa patuloy na pandemya, marami ang nakararanas ng kawalan ng katiyakan at pagkabalisa tungkol sa halos lahat ng bagay mga tao, pagkain, kapaligiran, at lalo na ang mga bakuna.

Narito ang ilang impormasyon mula sa tatlong minutong infomercial na isinumite ng paaralan: Una, Ang COVID-19 ay isang sakit na dulot ng coronavirus. Nakakaapekto ito sa mga baga, daanan ng hangin, at iba pang bahagi ng katawan.

Pangalawa, Ang mga namamatay ay dahil sa COVID-19 at hindi sa bakuna. Ang kanilang

pagbabakuna ay walang kinalaman sa mga naiulat na namatay sa Covid-19. Ang dami ng oras na maaari kang mabakunahan ay depende sa iyong edad o kalusugan.

Pangatlo, Para sa edad na lima hanggang 11, dalawang dosis ang kinakailangan; Para sa edad na labindalawa at mas matanda: tatlong dosis ang kinakailangan; Para sa mga health worker, senior citizen, at immunocompromised: apat na dosis ang kailangan. Maraming vaccination site sa bansa, makipag-ugnayan sa inyong LGU para malaman kung saan ang vaccination site sa inyong lugar.

Mahalagang malaman ang kahalagahan ng pagiging bakunado. Sinasanay ng mga bakuna ang ating immune system na kilalanin ang target na virus at lumikha ng mga antibodies upang labanan ang sakit nang hindi nakukuha ang sakit mismo.

Pagkatapos ng pagbabakuna, ang katawan ay handa na upang labanan ang virus kung ito ay nalantad sa ibang pagkakataon, sa gayon ay maiwasan ang sakit.

PAGIBANG DAMARA SA

BAYAN NG SAN JOSE

Ipinagdiriwang ang Pagibang

Damara Festival sa San Jose City, Nueva Ecija bilang paraan ng pasasalamat sa masaganang ani sa buong taon sa tuwing sasapit ang ikatlong linggo ng buwan ng Abril.

Kabilang sa mga palatuntunan sa Pagibang Damara Festival ngayong taon ang Mr. & Ms. San Jose City, na kung saan magtatagisan ang mga piling kalahok ng ganda at talino, ang trade fair, senior’s night, gabi ng mamamayan, colour run at street concert kasama ang dalawang pinakamahusay na banda ng bansa; This Band at Kamikazee.

Bagamat wala ang nagpapasigla ng pista at ang nagpapanabik sa mga mamamayan, ang streetdancing competition na nilalahukan ng mga pribado at pampublikong paaralang sekondarya ng lungsod, inaasahan pa rin na malulugod ang bawat isang San Josenio at magbibigay ng kasiyahan na tatatak ang Pagibang Damara Festival bilang isang hindi malilimutang

Binuksan ng Caanawan National High School ang Special Program in Journalism (SPJ) San Jose City, isang bagong seksyon ang idinagdag para sa grade seven learners ng CNHS sa pagsisimula ng school year 20222023, noong Agosto 22, 2022.

Tumatanggap na ngayon ang CNHS ng mga naghahangad na mag-aaral at gustong matuto kung paano magsulat ng iba't ibang uri ng mga artikulo.

Sa panayam ng isa sa mga mag-aaral ng SPJ, Aliya Isabella Tintero, na maganda ang nasabing seksyon dahil nakakatulong ito sa kanilang pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa pagsulat ng iba’t ibang balita, "As a student po na parte ng bagong section ng SPJ, Maganda po siya kase po mas lalong lumalawak yung kaalaman

namin about sa journalism at sa pagsusulat na rin po ng mga balita,” ani niya.

Ipinahayag din ni Tintero na sa una ay hindi niya matukoy kung ano ang kaniyang mararamdaman dahil hindi rin niya inaasahan na magiging bahagi siya ng seksyong tinatawag na SPJ.

“Noong una po hindi ko po talaga alam mararamdaman ko, kasi wala rin po akong experience sa pagsusulat ng mahahabang balita, tapos ngayon po kasama na po ako sa SPJ is marami na po kaming naisusulat so medyo nakaka–surprise rin po,” saad nito.

Ayon pa sa kaniya, ngayon na nasa landas na siya ng pagiging isang mamamahayag, ipagpapatuloy niya ang kaniyang nasimulan.

BALITA | 05
OPISYAL
ANG
ni Vindrel G. Velasco TUMINDIG. SSG President Owie Leira Lapuz, matapos ang isinagawang special session ng Sangguniang Panlungsod (SP), Oktubre 20 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2022-CelBryanMonterico kaganapan sa buong taon.
Anahaw Agosto 2022 - Marso 2023 | TOMO 12 BILANG 1
GRADE 7-SPJ. Isang bagong baitang na binuksan sa Caanawan NHS upang palawakin ang kaalaman sa pamamahayag. -Cel Bryan O. Monterico NGITING TAGUMPAY ANG CAANAWENIAN NA SI VINDREL G. VELASCO, MATAPOS MANGUNA SA GINANAP NA ONE HEALTH WEEK 2022 NITONG IKA-18 NG NOBYEMBRE, 2022. -Cel Bryan O. Monterico Larawan mula sa LGU San Jose City - PIO

Makiindak sa Dalang Galak

Ang Galaw Pilipinas ay isang National Calesthenics Exercise Program na halaw sa mga katutubong sayaw ng Pilipinas, festival movements at arnis stances bilang pagpupugay sa National sport ng bansa.

“Sumabay sa galaw, walang bibitaw,” makigalaw at makisabay sa tugtuging inilahad. Halina’t sumaya sa ehersisyong nakabubuti sa ating pangangatawan.

Dulot nito’y kagalakan sa mga mag–aaral maging mga guro at punongguro, tugtog pa lang ay nakakapukaw na ng atensyon, “attention seeker” kung baga.

Ang “Galaw” ay sumisimbolo sa iba’t ibang mga paggalaw mula sa mga iniingatang katutubong sayaw ng bansa, kultura, at tribo, gayundin ang ilang mga paninindigan mula sa pambansang isport, arnis.

Samantala, ang mga galaw mula sa mga katutubong sayaw at tribo ng Pilipinas tulad ng Rigodon Royale, An Marol (Hapay), KiwelKiwel, Maglalatik, Atraca, Lapay at Sinulog ay pinagsama-sama upang tipunin ang mga gawain ng “Galaw Pilipinas”. Ang Atraca, Lapay at Sinulog ay pinagsama-sama upang tipunin ang mga gawain ng “Galaw Pilipinas”.

Ang “Galaw Pilipinas” ay isang apat na minutong calisthenics routine na dapat mag-ambag sa 60 minuto ng katamtaman hanggang sa masiglang pisikal na aktibidad na inireseta araw-araw para sa mga bata na lima hanggang 17 taong gulang Ito ay magiging bahagi ng pang-araw-araw na gawain sa pag-eehersisyo sa mga paaralan at mga sentro ng pag-aaral ng komunidad.

Ang Galaw Pilipinas din ay binibigyang–diin ang halaga at pangangailangan ng ating mga mag–aaral, guro, at mga opisyal ng paaralan na bigyang–pansin hindi lamang ang ating mga cognitive at affective pursuits, kundi pati na rin upang matiyak na ang ating mga kakayahan sa bodily–kinesthetic ay lumalakas”.

Ang pag–eehersisyo tuwing umaga kahit ang simpleng pag–uunat lamang ng buto ay makatutulong na rin sa ating pangagatawan, kalusugan at mapabubuti ang kalakasan, flexibility, cardiovascular endurance, koordinasyon at balanse, pahuhusayin din ang kamalayan sa kultura sa pamamagitan ng pagsasama–sama ng mga kultura ng Pilipinas sa pagsasanay sa calesthenics at itanim ang nasyonalismo, pagkakaisa at disiplina.

May ilan na lumikha ng patimpalak sa ehersisyong ito, upang ito ay bigyang pansin at maalala ninuman.

Isa na rito ang Caanawan National High School na pinangunahan ng mga guro at punongguro, nakamit ng mga nasa Grade 12 ang kampeonato, matapos magpakitang gilas sa buong paaralan. Suot–suot ang pinakamagandang kasuotan na nagpahanga rin sa marami.

Ang Department of Education (DepEd) ay naglabas ng kalakip na Guidelines on Galaw Pilipinas: The DepEd National Calisthenics Exercise Program, na naglalayong isulong ang aktibong pamumuhay para sa mga Pilipino na makikinabang sa kanilang pisikal at socioemosyonal na kagalingan, mapabuti ang lakas, flexibility at cardiovascular.

Tumalon Sumayaw Pumadyak Sumigaw...

Isa, Dalawa, Tatlo, Apat Anumang

galaw pwedeng ibanat

Lahat dito sa bagong lipon

Gawing masaya ang umaga!

PATABA SA B

Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malalaking ugat na hindi mabubuwag ang pagkakakapit sa lupa. Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na mga sanga kung saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki nitong bunga.

Inanunsyo nitong Enero 30, 2023, ni Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Sara Zimmerman Duterte–Carpio ang paglunsad ng MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa; nagtatakda ng bagong direksyon ng ahensya at mga stakeholder sa pagresolba sa mga hamon sa basic education.

“Magra-rally kami para sa mas pinabuting sistema ng pag-aaral sa bansa. Sama-sama tayong mag-rally para sa bawat batang Pilipino. Para sa isang MATATAG na Bayan. Para sa ating mahal na Pilipinas,” pahayag ni VP Duterte.

Ayon kay Duterte, ang MATATAG ay magkakaroon ng apat na sangkap:

1. MAke the curriculum relevant to produce competent and job-ready, active, and responsible citizens is the first component that will ensure a more strengthened literacy and numeracy programs. “We will reduce the number of learning areas in K to 3 from 7 to 5 to focus on foundational skills in literacy and numeracy in the early grades, particularly among disadvantaged students,” turan niya.

2. TAke steps to accelerate the delivery of basic education facilities and services is the second component that plans to build more resilient schools and classrooms in 2023, the allocated budget will build around 6,000 classrooms.

3. TAke good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education, and a positive learning environment is the third component that

BANSANG MAKABATA

Lingid sa ating kaalaman, ang pagkakaroon ng family day ay isa sa pinakamabisang paraan upang mas mapatibay ang relasyon at samahan ng bawat isa sa pamilya.

Ang buhay ay hindi natin hawak kaya habang may oras ating samantalahin ang pagmamagandang loob ng bawat isa. Hindi natin alam na sa bawat sandali ng pagsasama ay napakahalaga dahil hindi natin hawak ang ating buhay. At habang lumalaki ang ating mga anak, sila ay may kaniya-kaniya ring pangarap at minimithi sa buhay na siyang dahilan kung bakit mapalayo sila sa atin.

Ang family day ay parang holiday na isinasagawa ng isang pamilya sa loob ng bawat isang linggo na paglaanan din natin ng oras. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakataon ang bawat miyembro ng pamilya na mapagbonding at maipadama ang pagmamahalan ng bawat isa. Masasabi rin natin na hindi lang paglabas at pamamasyal ang tinatawag na family day. Pwede rin ganapin sa loob ng bahay o paaralan at bigyan ng oras ang bawat isa. Pwede ring ganapin ito ng simple lamang. Maraming paraan ang pagsasalo-salo ng family day.

Diskarte at Bayanihan sa Paaralan. Ang hangarin ng backyard camping ay maturuan at matuto ang bawat estudyante ng mga basic skills, hindi lamang sa scout pati na rin sa mga araw-araw na ginagawa natin; kagaya na lamang sa pagiging makakalikasan ng scout dahil iyan ang isa sa mga importante na dapat malaman at taglayin ng isang scout. Sapagkat hindi lang naman sa pagiging handa, makikita ang pagiging scouts ganoon din ang matibay na samahan sa iba at upang mabuo ang panibagong lider. Inaalala natin ano nga ba ang totoong spirit ng scouting? At ang physical, mental, at spiritual ng kabataan ay hinuhubog din sa pamamagitan ng scouting. Kaya naman, napakahalaga ng backyard camping, hindi lang naman ito kasiyahan na nangyayari, lahat ng ginagawa sa backyard camping ay may dahilan para sa ikakaunlad ng kabataan at ng bayan natin. Maraming magagandang pangyayari sa hayskul. Sabi nga sa kanta ni Sharon Cuneta na may pamagat na High School Life, “High school life, ba’t ang high school life ay walang kasing saya?” ito ay nangangahulugan na ang mga pangyayaring nagaganap sa high school life ay hindi mapapantayan at makakalimutan kailanman.

Family

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL LATHALAIN 06
Anahaw Agosto 2022 - Marso 2023 | TOMO 12 BILANG 1

NHI

Si Rubie ay nagsimulang maging peryodista nang siya’y nasa Grade 6. Hilig niya ang pagbabasa at pagsulat ng mga tula at prosa. Isa ring consistent honor student mula kindergarten.

will undertake initiatives to provide schooling many more children and youth in situations of disadvantage, regardless of gender, abilities, psycho-emotional and physical conditions, cultural and religious identity, and socio-economic standing.

“We will work with legislators and local government units through the Literacy Coordinating Council to eradicate illiteracy at the city, municipal, and barangay levels through relevant policy issuances, and community literacy program interventions,” paliwanag ni Duterte.

4. Give support to teachers to teach better. This is in terms of innovative, responsive, and inclusive teaching approaches following the Philippine Professional Standards for Teachers (PPST).

“We will capacitate our teachers and learners in utilizing technology in remote learning to maximize the benefits of digital learning,” dagdag pa niya.

Matapos ang paglulunsad ng MATATAG, ilang mahahalagang tao sa bansa ang nagpabigay ng pagsuporta sa bagong programa ng DepEd kabilang na si; Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, Senate President Juan Miguel Zubiri, Senator Sherwin Gatchalian, Rep. Roman Romulo, at iba pang education partners.

Nilalayon ng bagong battle cry ng Basic Education Sector na ito na solusyunan ang mga suliranin sa edukasyon para sa mas MATATAG na bayan para sa maunlad na paaralan.

Ang mga magulang ang nagtanim ng binhi. Ang binhi ang mga mag–aaral, at ang pataba ang Kagawaran ng Edukasyon na kung saan sila ang tutulong sa mga binhi na balang araw ay lalago’t magbubunga nang masagana at aanihin hindi lamang nila, kundi ng mundo. Sila ang tagapagsulong ng EduKalidad (Kalidad na Edukasyon) at ang pataba sa binhi.

BATANG MAKABANSA

Gunita at Aruga

ALKANSYA: Pag-iipon ng hindi malilimutang karanasan Scouts take my command! Recite the Scout Oath move!

On my honor, I will do my best to do my duty to God and my country, the Republic of the Philippines, and to obey the Scout Law, to help other people at all times, to keep myself physically strong, mentally awake and morally straight.

Bagong simula sa bagong kabanata. Liliparin muli ang langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. Liliparing muli ang mga blankong espasyo’t lalagyan ng bagong panimula. Bagong panimula na naman muling nagbabalik ang mga kabataan na kung saan laging handa, kabataang matapat, matulungin, mapagkaibigan, magalang, mabait, masunurin, masaya, matipid, matapang, malinis, at higit sa lahat ay makadiyos. Kabataang kung saan ang kanilang samahan ay itinuring na nilang pamilya at habang tumatagal ang panahon ay mas lalong tumitibay ang kanilang mga pagsasama.

Halo–halong emosyon ang mararamdaman at mararanasan mo kapag ikaw ay lumahok upang maging scouts. Nandyan ang saya, lungkot at makakarinig ka ng iba’t ibang halakhak na nanggagaling sa iba’t ibang kabataan. Ngunit ang isa sa pinakadahilan kung bakit naiiba ang scouts ay ang karanasan na kung saan ay hindi mo malilimutan, karanasan na maaring magpasaya at magpaiyak sayo at karanasan na maaring magbago ng pananaw sa buhay mo at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang turo at aral ng aming guro na nagsilbing ina sa amin.

Kasiyahan o Kalungkutan

Maraming nagiging aktibidad ang aming samahan nandiyan ang paglalaro, palaisipan at pagtuturo ng mga kanilang dapat gawin at pamamalakad sa kanila dahil sila ang itunuturing na susunod na lider o pinuno ng ating henerasyon, ngunit kasiyahan nga ba na maituturing ang aming ginagawa o nagbibigay lamang ng lungkot para sa amin? Nagiging balanse ang pagkakaroon namin ng aktibidad, hindi maiiwasan ang kasiyahan at kalungkutan. Palagi kaming nagiging masaya para mabalik-balikan namin ang alaala na iyon at iniipon namin iyon dahil alam namin na ang iba ay hindi na magtatagal o aalis na sa amin kaya nararapat lamang na sulitin namin ang bawat oras na magkakasama kami pero nariyan pa rin ang kalungkutan dahil hindi naman palaging masaya ngunit hindi naman sinabi na kapag kalungkutan ay lungkot lamang ang naroon nandiyan pa rin ang aral na magtuturo sa atin kung bakit kailangan mangyari iyon dahil nararapat lamang na matuto tayo sa mga mali natin, sa pamamagitan niyan ay nagiging matatag tayo.

Uulitin ko ang katanungan kasiyahan nga ba o kalungkutan? Nakadepende iyan kung paano ninyo ilalaan at igugugol ang oras ninyo na magkakasama.

Pagbabago ng Pananaw

Iba’t iba ang paniniwala ng isipan ng scouts sa amin ngunit hindi naman nagiging hadlang upang magkaroon kami ng tamang pasya at pagkakaintindihan. Ngunit habang tumatagal ay nababago at naiiba ang pananaw ng mga kasama ko at kapwa kong officer ng scout. Kagaya na lamang ng pananaw nila na hindi nila kaya at wala na silang iba pang magiging kasama, at takot sila na mawala ang mga lider nila. Nabago iyon bawat oras dahil paulit ulit naming binabanggit sakanila na kaya nila dahil may sari–sariling kakayahan na magbubuo at maghuhubog sa kanila upang mabago at mas lumago pa ang kanilang samahan at magsilbing lakas nila at alam namin na normal lang matakot na mawalan ng kaibigan at mga lider na nagsilbing kapatid sa kanila ngunit oras naman nila upang maging panibagong pinuno na magtataguyod sa scouting at oras na rin nila upang makakilala ng mga bagong kaibigan na magbibigay rin sa kanila ng mga alaala at mapagbabahagian nila ng mga plano nila para sa hinaharap at iisang hahangarin.

Natuto ako kay titser.

Hindi naman lahat mangyayari ang aming mga ginagawa o naranasan kung wala ang aming guro na nagsilbing ina, nanay, mama at tinatawag naming “mame” na si Ma’am Vanesa Balbin Pedalizo. Siya ang gumabay sa mga nakaraang scout at patuloy na gumagabay sa amin at nagtuturo sa amin ng aral na tumatatak para sa amin. Si titser ang humubog sa amin at sa bawat scout na maging isang produktibo at maging isang magaling na titser. Napakalaki ng pasasalamat namin dahil sa tuwing magkakamali kami ay may nagtuturo nang tama sa amin at sumusuporta sa amin sa tuwing may laban at nagkakaroon kami ng parangal. Siya na rin ang naging pundasyon ng scouting. Sa pagsasama–sama namin ay nakabuo at nakaipon na kami ng mga alaala na kailanman ay hindi namin malilimutan at dadalhin namin sa mga susunod pa na taon upang balik–balikan at magpaalala sa amin kung gaano kasaya ang maging estudyante at maging sa scout sa paaralan na Caanawan.

Nagkakaroon ng kasiyahan at pagkakaisa sa aming samahan dahil “ WE ARE ONE IN CAANAONE”

B
Family Day 2022 Backyard Camping 2023
ni Cyper Jethroe M.
LATHALAIN | 07 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL Anahaw Agosto 2022 - Marso 2023 | TOMO 12 BILANG 1

Paulit-ulit, papalit-palit, Palipat-lipat ang usapusapan sa bahay-bahayan ng mga tao-tauhan sa mga barabarangay ng kung ano-anong may biglang nagsunog-sunugan.

SUNOG!!! SUNOG!!!

Kunwa-kunwariang mga paslitpaslitan na naglalaro ng bahaybahayan sa mga bara-barangay.

Hay, naku naman!...

Alam kong iniisip ninyo na laro o katuwaan lamang ang mga nangyayari sa mga sinabi ko ngunit talaga nga ba na handa tayo sa mga mangyayari kapag ang sunog ay nasa harap na natin? Lagi nating tandaan na ang isang maliit na posporo ay kayang lumikha ng isang malaki at nag-aalab na apoy na kayang kainin ang kabuuan ng isang kabahayan.

Huwag tayong magpakampante lahat ay posibleng mangyari ngayon. Kaya halina't talakayin at itaas ang kamalayan tungkol sa mga sanhi at panganib ng sunog. Ang Marso ay ginugunita bilang Fire Prevention Month dito sa Pilipinas – isang perpektong oras upang talakayin at itaas ang kamalayan tungkol sa mga sanhi at panganib ng sunog.

Sa bisa ng Proclamation No. 115-A, na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, at Proclamation No. 360 noong 1986, ang buwan ng Marso ay idineklara bilang “Fire Prevention Month” o “Burn Prevention Month.”

Ang kampanya sa buwan ng pag-iwas sa sunog, ayon sa panukala, ay nagtataguyod ng “kamalayan sa kaligtasan sa

Kapabayaan? Tuldukan na ‘yan!

ating mga tao araw-araw ng taon bilang isang positibong paraan ng pag-iwas sa isang problema na maaaring malutas sa pamamagitan ng higit na pag-iingat, pagbabantay at paggalang sa batas.”

Ang buwan ng Marso ay unang buwan matapos ang taglamig. Nararanasan ang mainit at tuyong hangin sa bansa. Kaya’t nagbibigay ng tips at paalala ang kagawaran ng Bureau of Fire and Protection upang maiwasan ang sunog.

Ang masunugan ay isang masaklap na pangyayari sa buhay ng tao. Sabi nila mas magandang manakawan kaysa masunugan. Bawat biktima nito ay nahihirapang makabangong muli. Kaya naman, ngayong panahon ng tag-init, narito ang ilang tips na dapat tandaan upang maiwasan ang sunog: Ilayo ang posporo o lighter sa mga bata.

Madalas din nating marinig sa balita ang mga bata ang kadalasang pinagmumulan ng sunog dahil sa naglaro ito ng posporo o lighter. Kaya naman siguraduhing maitabi ang mga ito sa mga lugar na hindi nila maaabot o mabubuksan. Turuan din sila na hindi dapat paglaruan ng mga ito dahil maaari itong pagsimulan ng sunog.

Patayin ang mga kandila bago matulog.

Kapag nag-brownout o kaya naman ay gumagamit ng kandila sa iba pang bagay, siguraduhing hindi ito iiwan nang nakasindi kapag matutulog na. Maaari kasing pagmulan ng sunog kapag ito ay aksidenteng natumba o nasagi. Isa ito sa mga madalas na sanhi ng sunog.

Magandang alternatibo sa

kandila ang flashlight o emergency light para hindi na kailangan pang magsindi, at maiwasan na rin ang panganib ng sunog.

Iwasang i-overload ang mga saksakan.

Ang pag-overload ng mga saksakan ay maaaring mangyari kapag sobrang daming appliances ang nakasaksak na hindi na kayang suportahan ang dumadaloy na kuryente. Madalas nangyayari ang overload kapag gumagamit ng octopus connection, at ang sabay-sabay na paggamit ng mga appliances na malakas sa kuryente.

Patayin ang gas pagkaluto ng pagkain kapag natapos naman magluto, ugaliing patayin ang gas at kalan. Kapag nag-leak ang gas sa ating mga kalan, o kaya naman ay pinaglaruan ng mga bata, isang kislap nito ay madali nang maging sanhi ng sunog.

Ang panghuling fire prevention safety tip ay siguraduhing may fire extinguisher sa bahay para kapag nagsimula ang sunog ay agad itong maapula at hindi na lumaki pa. Mainam din kung may mga smoke detector para malaman agad kapag may sunog sa loob ng bahay, at para mai-report ito agad bago pa lumawak.

Kapag hindi naapula ang maliit pang sunog ay agad na itawag sa bumbero upang maaksyunan agad. Huwag nang hintayin pang lumaki ang sunog bago tumawag ng tulong.

Ang mga nabanggit na safety tips ay hindi lamang para sa Fire Prevention Month kundi para sa buong taon. Isang malaking trahedya ang maidudulot ng sunog kaya naman ay dapat nating gawin ang lahat upang maiwasan ito.

Ayon sa datos ng

2,000

Naitalang insidente ng sunog sa pagpasok ng 2023. may kabuuang

1,984

Enero 1 hanggang Marso 1, 2023 ay fire incidents. bahagyang bumaba ito ng

21%

kumpara sa

2,520

na insidente ng sunod sa parehas na buwan ng EneroMarso ng taong 2022.

BALITANG AGHAM

KASO NG HIV SA

BANSA, PATULOY ANG PAGTAAS

ni Zaira Mae F. Boncodin

na salot ni Irene G. Villanueva

Madami ngayon ang mga kabataang napapariwara ang buhay dahil sa pagsuway sa mga magulang. Napapariwara ang mga kabataan dahil sa kagustuhan nila. Ang buhay natin ay parang delubyo kapag napapariwara, hindi alam kung saan patungo, dahil mas ginustong mapariwara ang buhay kaysa maging maayos.

Napapariwara ang mga kabataan dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Karamihan ng gumagamit nito ay mga kabataan, gumagamit daw sila nito upang maging masaya, saya nga ba ang dulot sa bawat paggamit ng droga? marahil may sayang nadarama, subalit ang ating buhay ay nasa peligro. Kapag tayo'y labis na gumagamit ng droga, unti-unti tayong nilalamon nito at sinisira ang buhay na rati'y kay saya, subalit ngayon puro hirap, takot at kaba.

Pagtaas ng kaso ng

Human Immunodeficiency Virus

(HIV) sa Pilipinas, humigit kumulang 1500 ang naitala ng Department of Health nitong nakaraang Enero.

Itinala ng DOH ang sexual contact ang pinakakaraniwang paraan ng transmission na may 1431 kaso at nasa 39 na katao ang namatay dahil sa impeksyon.

Ayon sa nasabing ahensya, ang National Capital Region (NCR) ang may pinaka maraming bilang ng kaso na may 397 apektado ng nasabing impeksyon at susunod naman ang Calabarzon na may 233 kataong apektado. Dagdag nito, "These regions comprised 69 percent of the total number of cases in this period,” sa report ng DOH mula 1984 hanggang 2006, natuklasang naipapasa ang sakit sa pamamagitan ng hindi maingat na pagkikipagtalik sa pagitan ng mga lalaki at mga babae.

Mula ng maiulat ang kaunaunahang kaso ng HIV sa bansa noong Enero 1984, nakapagtala na ang Pilipinas nang humigit 110,000 na kaso ng nasabing impeksyon.

Ang mga epekto ng droga sa ating katawan ay ang pagbabago ng itsura, behavior, at pagconcentrate. Ayon sa Republic Act 9165 ang parusang matatamo sa paggamit ng labis na droga ay ang panghabangbuhay na pagkakakulong. Ang mga gamot na ating iniinom kapag tayo'y may sakit ay isa ring droga ngunit ito at legal at naipayo ng doktor.

Maraming uri ng droga ngunit ang madalas maibalita ay ang Methampethamine Hydrochloride o shabu, Marijuana (canabis), at Ecstacy. Lahat yan ay mariing ipinagbabawal dahil kapag nasobrahan ay maaaring makaapekto sa pag-iisip, at kalusugan.

TEKA! Pigilan ninyo ako!

ni Vindrel G. Velasco

“Hay naku sobrang init naman! Gusto ko magpakalunod sa tubig, ang init sa ulo”

Inanunsyo kamakailan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dry season sa bansa, maraming dumaraing na rito dahil sobrang init nga naman talaga ng season na ‘to kaya nga dry season. Hudyat ito na wala nang epekto sa bansa ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan na simula nito’y pumapanahon na ang tag-init. Sinabi rin ng PAGASA na maaring mas mainit ang dry season ngayong taon kumpara noong nakalipas na mga taon.

Samantala, kaliwa’t kanan ang pag po-post ng mga netizen sa kanilang social media na mainit na tila raw sila ay nasa impyerno. May iba rin na gumawa ng alternatibong pamatid-uhaw tulad ng mga juice at sari-saring inuming malamig. Hudyat na rin na swimming season na, gaano pa man kalayo ang mga dagat sa ating mga lugar tulad ng mga nasa kapatagan, hindi alintana ang byahe na sobrang tagal para lang masilayan ang tubig-alat.

Hey, Hey, Hey! Baka nalilimutan mo na ang lotion palagi, sunblock ang sagot sa kutis nating kayumanggi para hindi masunog at lalong mag-dry. Ingat kaibigan, matagal-tagal pa ang kalbaryong haharapin, mainit pa rin, inom ka lang ng tubig every day, para ikaw ay hydrated very well.

ni Cyper Jethroe M. Ordonia Bureau of Fire Protection (BFP) Gamot
OPLAN ENVIRONMENT SA PAARALANG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL GINTONG KAMAY... SUNDAN SA P. 09 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL AGHA-LOHIYA 08 AGHA M AT TEKNO LOHIYA Anahaw Agosto 2022 - Marso 2023 | TOMO 12 BILANG 1
KAALAMAN AY KAYAMANAN. Pinangunahan ng BFP San Jose ang pagsagawa ng fire drill sa mga mag–aaral sa Caanawan National High School nitong ika–28 ng Marso. -Cel Bryan O. Monterico

PANG-AGHAM

Anihan ng Sama ng Loob

Kasabay ng pagdating ng anihan ng sibuyas at bawang ang malakihang pagaangkat ng mga kooperatiba mula sa mga magsasaka sa murang halaga upang gumawa ng artipisyal na kakulangan ng suplay at mapanatili ang mataas na presyo ng sibuyas at bawang sa merkado.

Dumarami na ang sitwasyon na minamanipula ang suplay ng mga pangunahing bilihin tulad ng sibuyas at bawang upang pataasin ang presyo at bentahan nito sa merkado. Ginagawa nila ito sa paraan ng pagtatago ng mga inaangkat nilang sibuyas at bawang sa murang halaga mula sa mga magsasaka upang pataasin ang demand at pababain ang suplay ng mga nasabing pangunahing bilihin.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga taong nasa likod ng kakulangan ng sibuyas at bawang kaya inatasan ni House Speaker Romualdez ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon ukol dito at magsilbi na ring babala sa mga kooperatibang sangkot sa pagmamanipula ng suplay ng sibuyas at bawang.

Isang pananabutahe sa ekonomiya ang ginagawang malakihang pagaangkat ng mga kooperatiba sa sibuyas at bawang mula sa mga local farmers sa murang halaga at itatago ito para lang makagawa ng artipisyal na kakulangan ng suplay at pataasin ang bentahan sa merkado.

Tinaon nila ang pananabutahe na ito sa panahon ng anihan at samantalahin na mataas ang demand ng sibuyas at bawang sa bansa. Isa ito sa mga nakagawiang paraan ng mga kooperatiba upang magpayaman at lokohin ang mga lokal na magsasaka.

Napapanatili ng kooperatiba ang mataas na presyo ng sibuyas at bawang sa kabila ng pag-aangkat nito sa murang halaga kaya nararapat lamang silang papanagutin mula sa kanilang pang-aabuso sa mga magsasaka at normal na konsyumers na hindi pa nakababangon mula sa pandemya habang nagpapakasasa sila sa mataas na halagang bumabalik sa kanila kumpara sa orihinal na presyo ng sibuyas at bawang mula sa mga magsasaka ng bansa.

DAPAT ALAM MO!

1. Ang salitang “TYPEWRITER” ang pinakamahabang salita na maaaring mabuo lamang sa isang hilera sa Computer Keyboard.

2. Alam mo ba na ang lamok ay may ngipin din tulad ng tao.

3. Ang puti at itim ay hindi kinokonsindera na sila ay kulay ayon sa mga eksperto.

4. Kada 1-10 na babaeng Pilipino, edad 15-19 ay isa nang ganap na magulang.

5. Base sa 2020 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), 7.0 na porsyento ang nagkakasakit o na i-injured sa Pilipinas.

6. 179,046,852 na ang bakunang naiturok laban sa COVID-19 sa buong bansa.

7. Ang pinakamahabang naitalang paglipad ng isang manok ay tinatayang may labing tatlong segundo ( 13 seconds ) ang itinagal sa ere.

8. Nasa mahigit 23.7 percent ang naitala noong 2021 ng PSA o Philippine Statistics Authority ang poverty incidence among population, or the proportion of poor Filipinos.

Fact-na-Fact

Ang mga Sibuyas ay may Antioxidant at AntiInflammatory Properties. Tulad ng maraming mga gulay, ang mga sibuyas ay naglalaman ng antioxidants.

Ang compounds na ito ay nakatutulong na labanan ang free radicals sa pamamagitan ng pag-delay ng oxidative na pinsala na maaaring mangyari sa cells at tissues ng katawan. hellodoctor.com.ph

Gintong Sangkap ni

Nanay ay kapirasong sibuyas lamang.

LABAN SA MAPANAKIT NA KAIBIGAN ni Vindrel G. Velasco

Kay gandang pagmasdan ng mga tanim. Kay sarap langhapin ng sariwang hangin na nagmumula rito. Mga tanim na maraming benepisyo sa ating paaralan. Sa mga paaralan kailanman ay hindi ito nawala. Isa ito sa mga kaagaw-agaw ng pansin lalo na sa mga bisitang nagpupunta sa Caanawan National High School.

“Mata’y pumapait sa agos ng pawis, hindi ramdam ang init sa katawang manhid. Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik, tila sumasaliw sa pintig ng dibdib.”

Ganito ang buhay ng mga estudyanteng may gintong kamay. Hindi iniinda kahit naghihirap na. Sila ang namumuno, at nangangalaga ng mga tanim sa demo farm upang maging malinis, maganda, at maaliwalas ito. Hindi

Gintong Kamay: Pagbibigay kulay at buhay sa luntiang tanim

lamang mga gulay, prutas, at halaman ang matatagpuan rito, maaari ring matagpuan dito ang Fish pond ng paaralan.

Luntian.

Mga luntiang dahon na sa atin ay umaakit. Bawat ihip ng hangin ang mga luntiang dahon ay sumasabay sa bawat indayog ng hangin. Kay sarap pagmasdan dahil sa mga mabeberdeng mga tanim na narito.

Maraming mga benepisyo na naibibigay sa atin nito. Unanguna, nakakatulong tayo sa kalikasan na maging malinis at maayos ang paligid. Ikalawa, napapaganda at nabibigyan nito ng kulay ang paaralan. Higit sa lahat nakakatulong ito sa mga estudyante na matutong pangalagaan ang ating kalikasan.

Ang pagtatanim ng mga halaman ay maraming benepisyo tulad na lang ng masustansyang

gulay at paraan na rin ito para magehersisyo.

“Nakakakuha tayo ng vitamin D mula sa araw. Ang pagtatanim ay isang magaan na paraan ng pag-ehersisyo na may koneksyon sa ating mundo o kalupaan.” –Calverley

Kabilang sa benepisyo ng pagtatanim ng kahoy o halaman ay ang cooling effect sa kapaligiran at nagbibigay din ito ng tabing o shade. Nakatutulong din ito para salain ang hangin at nararamdaman mo ito kapag napalibutan ka ng kahoy o anumang mga halaman. Mahalaga ang mga tanim dahil kung wala ito ay paano tayo? Kung wala ang mga mabeberdeng tanim sa ating mundo ay mawawalan tayo ng suplay ng oxygen na siyang nagsisilbi nating hininga sa bawat segundo ng ating buhay.

Mahal kong kaaway, Naaalala mo pa ba ako? Mga pinagsamahan natin nang ilang taon, nakabaon pa rin ba sa iyong alaala? Hanggang ngayon nandito pa rin ako, sumusubaybay sa iyo. Pilit na nakakalimutan ng karamihan. Naaalala mo pa ba ang mga alaala nating kumukupas na, ilang taon na makalipas nung ako’y lumabas sa publiko. Oh, giliw ko naaalala mo pa ba ako?

Lumipas na ang ilang taon, marami na ang galit sa akin dahil sa akin nagsarado ang mga parke, pamilihan at higit sa lahat ang edukasyon tila napilayan ang mga guro at mag-aaral nung ako’y naghimagsik ng sakit. Palapit na ang araw ko ngunit hindi masaya ang lahat sa akin bakit? May nagawa kaya akong masama sa mga taong nakapaligid sa akin?

Magulo ang isip ko, hindi ko alam kung bakit sila galit sa akin. Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko? Sana ay maayos sila. Itago mo na lamang din ako sa pangalang Covid, isang mamamayan sa Wuhan, China. Isa akong sakit na kumikitil sa buhay ng lahat. Alam ko na kung bakit sila galit sa akin.

COVID-19 o mas kilalang

Coronavirus 2019 isang

pandemyang nagpalagas sa mga buhay ng iba’t ibang tao sa mundo. Isang salot eka nga nila sa akin. “Oo, totoo nga ‘yun,..” salot pa sa salot ang aking dulot noong kumalat ako ay grabe ang epekto nito sa mundo pati parke at paaralan sarado isama mo pa

ang face mask na nagrereklamo sila na hindi raw sila makahinga. Kaaway nga ang tingin sa akin tulad nga ng mga nabanggit ko na ako ay salot sa karamihan. Hanggang magbago ang lahat, malapit na akong mawala rito sa mundo ng mga tao. Tila ganito ata ang parusa sa akin ng mga scientist.

Parusa sa akin ay ang mabilisang pagbabakuna sa mga tao, nariyan ang Pfizer-BionTech, Moderna, at Astrazeneca ilan lamang sa mga bakuna na pupuksa sa akin pero ganito na rin siguro ang tadhana, buhay muna ng tao ang uunahin ko mas makakagalaw sila nang maayos sa bawat gusto nila gawin. Pawala man ako ngunit mananatili pa rin akong ngingiti sa mga nagagawa ng tao na malaya dahil humihina na ako. Sana ay hindi pa rin kaaway ang tingin sa akin. Ako si Covid, nandito pa rin sa paligid mo. Mag-iingat ka sa akin kung ayaw mo mawala at ayaw mo maging malaya.

Face mask at face shield pa rin ang kailangan para maging ligtas kayo mula sa akin. Bawat minuto ay mahalaga sa lahat, maging mapagmatyag at maging ligtas sa lahat ng oras dahil sa isang pagkakamali ay baka may mawala sa paligid mo. Malapit na akong lumisan sa mundo, mahal kong kaaway sana napatawad mo na ako, sana ay bitbit mo ang alaala ng pinagsamahan natin.

Nagtatapos, Coronavirus.

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
NA EDITORYAL
Anahaw Agosto 2022 - Marso 2023 | TOMO 12 BILANG 1
Dibuho ni: Rogelio Urian

Ang Namulat, Hindi na Muling Pipikit

Kahit anong unos ang dumating, sa matinding ragasa ng baha, sa mga nagliliparang yero sa tuwing nananalasa ang hangin at ulan dala ng bagyo, o sa pagyanig ng lupa, maging sa panahong humarap sa hindi makitang kalaban — ang pandemikong COVID–19, hindi magpapasupil ang pusong sabik, ang kaloobang nais iparating, at ang katotohanang nagpupumiglas ay walang takot at pag–aalinlangang isisiwalat.

Ang Republic Act 7079 o mas kilala bilang Campus Journalism Act of 1991 na naaprubahan at naisabatas noong ikalima ng Hulyo, 1991, ay naglalayong protektahan at isulong ang malayang pamamahayag. Ang batas na ito ang pinakaugat na dahilan at legal na basehan kung bakit kailangang isulong ang presensiya ng dyornalismo.

Napakalaki ng ambag ng pampaaralang–pahayagan hindi lamang sa pagkakakilanlan kundi pati na rin sa pagmulat sa bawat mag–aaral sa katotohanan. Kaya’t hindi dapat ikinakahon ang kakayahan ng mga mag–aaral — mamamahayag, bagkus ay binibigyan dapat sila ng pagkakataong mahasa ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pagbukas ng oportunidad na naayon sa kanila, katulad na lamang ng DSPC, RSPC, at NSPC.

GURONG PILIPINO, KAAKBAY SA PROGRESO AT PAG-ASENSO

Huwaran.

Ang pinakaakmang salitang maaaring gamiting panghambing sa pangalawang magulang na nagsasakripisyo’t nagtatayo nang matibay na pundasyon upang maging maganda ang kinabukasan. Huwaran ang mga guro.

May nakilala akong modernong bayani. Nakikipagtipan hindi sa kaguluhan bagkus nakikipagdigma sa pagod, sa puyat, sa init, at sa maghapong trabaho sa apat na sulok ng silid–aralan. Iisa lamang niya kumpara sa daan–daang estudyanteng kaniyang minumulat ang isipan sa mundo at tinuturuan ng mga bagong araling kanilang madadala sa hinaharap.

Siya si Ginoong Ariel B. Santiago. Limampu’t limang taong gulang. Isang natatanging guro sa asignaturang Technology and Livelihood Education (TLE) sa pampublikong paaralang sekondarya ng Caanawan, Dibisyon ng San Jose. Bunga ng pagmamahalan nina Ginoong Virgilio Santiago at Ginang Pacita Bancuyod. Isinilang noong ika–1 ng Enero, 1968, sa lungsod ng Cabanatuan, probinsiya ng Nueva Ecija.

Dala niya ang kulay ng isang tunay na Pilipino. May mala-parisukat na hugis ng mukha. Manipis na kilay. Hindi katangusang ilong. At katamtamang nipis na ang buhok. Itim na buliga ng mata. Ang katawa’y may kalakihan. Unipormeng pantaas na hapit na hapit sa kaniyang mga braso. At may makisig na tindig sa tuwing naglalakad.

Dahil salat sa salapi, hindi niya naipagpatuloy ang kaniyang nais na propesyon, ang maging obygyne o doctor sa obaryo. Siya ay nakapagtapos ng Computer Science sa Asian College of Science & Technology, sa Quezon City, Philippines.

Ang kaniyang kabiyak umano ang nagtulak sa kaniya upang maging isang guro sapagkat ang kaniyang asawa na si Gng. Lanie F. Santiago ay isa ring guro sa pampublikong paaralang elementarya ng Abar Primero. “Bakit hindi i–try,” aniya. May kasiyahan naman daw sa pagtuturo.

Ang gulong ng buhay ay hindi parating nasa ibabaw. Darating ang panahon na mapupunta’t mapupunta ka sa ibaba. Ganoon din sa pagtuturo. Dumaan din umano siya sa matinding kritisismo mula sa iba ngunit hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sa kaniyang nag–aalab na damdamin sa pagtuturo.

Sa pamamagitan ng dyornalismo, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamahayag na imulat ang diwa ng bawat estudyanteng mambabasa sa katotohanan, lalo na sa modernong panahong ito na ang mundo ay umiikot at pinamamahalaan ng teknolohiya. Social media ang takbuhan at libangan ng ilan sa atin. Laganap na ang maling impormasyon dito.

Peryodismo at peryodista ang babago sa mundo.

Mga mamamahayag ang magsisilbing tulay at boses ng sambayanan na nakakaranas ng pang–uusig at kalupitan. Ang siyang maglalatag ng katotohanan, mga istoryang nakakubli sa likod ng lipunang nakabatay sa salapi, mga taong inosenteng dumanak ang dugo, at maging ang mga baho na nais ikubli ng nasa gobyerno.

Kalakip ng press freedom ang karapatan ng bawat mag–aaral sa tapat at malayang pamamahayag — pluma at papel na sagisag ng kamalayan, katarungan, at katapatan.

Kahit anong unos ang dumating, sa matinding ragasa ng baha, sa mga nagliliparang yero sa tuwing nananalasa ang hangin at ulan dala ng bagyo, o sa pagyanig ng lupa, maging sa panahong humarap sa hindi makitang kalaban — ang pandemikong COVID-19, hindi magpapasupil ang pusong sabik, ang kaloobang nais iparating, at ang katotohanang nagpupumiglas ay walang takot at pag–aalinlangang isisiwalat.

per‧yo‧dis‧ta | pangngalan -academia.edu

Isa sa may pinakamahalagang papel sa ating lipunan na ang pangunahing layunin ay maghatid ng makabuluhang balita at impormasyon.

Pagpapahalaga sa kapwa kababaihan ni Rubie M. Dela Cruz

TITINDIG, TAYO’Y KAIBIG-IBIG

Sapat ka—hindi ka kulang, hindi ka sobra, Eksakto ang ’yong pagkatao mula ulo hanggang paa, Natatangi ang bawat mong anggulo at sistema, Wala kang katumbas at kakaiba ka.

Sa abalang iskedyul at tambak na trabaho ay nagagawa pa rin niyang balansehin ang kanyang oras para sa kanyang asawa. Isa marahil sa nakatulong na salik ay ang pareho silang nasa larangan ng pagtuturo.

“Magaling po siyang magturo, at the same time bolero siya. Kumbaga ayun ’yung way niya para buhayin ang natutulog naming diwa, kasi 3–5 PM ang class namin sa kaniya noon, so nakakaantok talaga,” naging estud’yante ni G. Santiago noon.

Huwaran, ang pinakaakmang salitang maaaring gamiting panambing sa pangalawang magulang sa paaralan. Huwaran ang mga guro. Sila ang tsuper na madalas na nagmamaneho’t nagbababa sa isang istasyon o terminal patungo sa pangarap ng kabataan. Ang tulay at daan patungo sa inaasam–asam na tagumpay. Ang mga gurong Pilipinong kaakbay sa progreso at pag-asenso.

Ang karikitan mo ma’y hindi mala–Maria Clara ngunit tandaan mong kahanga–hanga ka, Ang kulay mo ma’y matingkad, ang ’yong ilong may hindi katangusan ikaw ma’y hindi katangkaran, Subalit maganda ka sa sarili mong paraan.

Huwag mo sanang isipin na pangit ka dahil hindi ka maputi, Tandaan mong ang kagandaha’y hindi nasusukat sa nakakasilaw na binti, Ikaw may mayroong peklat sa balat o sugat sa katawan mananatili kang kabiha–bighani.

Hindi baleng ’di makinis, kung malinis naman ang budhi, Ikaw ma’y mayroong buhok sa kilikili o wala normal ito’t hindi makababawas ng pagka-binibini, Puno man ng tigyawat ang mukha, hindi ito kapintasan sa sarili. Kahit hindi maayos ang ngipin at may pagitan, mananatiling kaaya-aya ang ’yong ngiti.

Kaya’t huwag mo ng hayaang hindi mangiti kahit sa sarili mong kiliti.

Kung hindi ka man nagagandahan sa iyong sarili kapag humarap ka sa salamin, tandaan mong mas malinaw ang aking paningin kaysa sa iyong kapintasan kapag nasa harap ng salamin.

Isa kang obra maestra, ang dalawang kamay ko’y handang pumalakpak, sumaludo’t humanga.

PANITIKAN 10 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
“Emphasize and consider negative as a blessing and motivation,” dagdag niya.
ni Rubie M. Dela Cruz ni Rubie M. Dela Cruz
Anahaw Agosto 2022 - Marso 2023 | TOMO 12 BILANG 1
SULAT PARA MAMULAT: Caanawenian Campus Journalist Christine G. Dangkulos sumulat upang ipahayag ang katotohanan -CEL BRYAN O. MONTERICO
Kaya’t sa mga sa katotohana’y namulat, huwag na muling pumikit.

Paubaya nga ba?

Sa tapatan ng defending champion na Blacklist International at ECHO Phillipines, isang propesyonal na e-sports team lamang ang nagkaroon ng tyansang ibandera ang Pilipinas sa Mobile Legends, Bang Bang (MLBB) World Championship (M4), dahilan para maging usap-usapan ang naganap na laro.

Naagaw ng ECHO ang korona mula sa defending champion, nang inukit nito ang 4-0, panalo, sa best-of-seven game, na siyang naging kontrobersya para sa mga agents (fans of blacklist), dahil kaya naman daw nilang depensahan ang korona ngunit bakit tila pinaubaya ito ng Blacklist?

Usap-usapan ang pag-upo ng iba’t ibang Pilipinong koponan sa unang puwesto sa MLBB world tournament mula pa noong M2, unang nakaupo ang BREN E-sports, na sinundan ng Blacklist International (M3), at ECHO naman sa M4.

Sa ganitong pangyayari, mahihinuhang kagustuhan ng mga Pilipinong ML players na paikutin ang korona sa mga koponan ng Pilipinas. Maaari itong isa sa dahilan kung bakit natalo ang Blacklist kontra sa ECHO, dahil hangad nitong Pilipinas ang manguna sa larangan ng e-sports.

Dagdag pa ang pagiging bokal ni Tristan “Yawi” Cabrera ng ECHO na gustong-gusto niya talagang magkampeon, na maaaring dininig ng kabilang koponan kaya hindi na sila umiskor at pinaubaya ang 4-0 panalo, kasama ang titulo.

Kilala ang Pilipino sa pagkaka-isa na maaaring dahilan ng pagkatalo ng Blacklist, sa kagustuhang maiangat ang bawat Pilipinong koponan sa nasabing e-sports. Ngunit hindi rin maitatangging mahusay ang laro ng ECHO sa naganap na laban.

Ang tagumpay nga ba’y nakamit dahil pinagsikapan o dahil pinaubaya ng kalaban?

PAMPALAKASAN:

mananatiling buhay saan mang panig ng daigdig

Sa mundo ng pampalakasan, kinikilala ang iba’t ibang klase ng laro kabilang ang mga larong indoor at outdoor sports

Napapalibutan ang indoor sports ng mga laro na ginaganap sa loob ng isang tahanan o pasilidad. Ito ay kinabibilangan ng mga laro tulad ng badminton, table tennis at mga board games. Ang mga larong ito ay karaniwang ginagamitan ng isang bola o shuttlecock at ginaganap sa isang masikip na lugar tulad ng isang gymnasium o indoor places.

Samantala, nangangailangan naman ng field ang mga outdoor sports. Kabilang na rito ang mga

larong basketball, volleyball, football, baseball, at hockey. Ang mga larong ito ay kinakailangan nang malalaki o malalawak na lugar upang maisagawa ang mga nasabing laro.

Sinasabing naging sikat ang mga larong indoor sports ng magsimula ang pandemya at paghihigpit sa mga tao na bawal lumabas, maraming manlalaro ang hindi magawa ang kanilang gusto sa labas kaya marami rin ang naglibang at naglaro ng mga indoor sports, katulad ng chess na talaga namang nagsilbing libangan ng mga taong-bahay habang may pandemya.

White Eagles, dinagit ang ginto sa volleyball

Tinangay ng Grade-12 White Eagles ang gintong medalya matapos daigin ang Grade-9 Purple Army sa Intramurals 2023 Volleyball Finals, 21-6, 2523 sa Caanawan National High School, Enero 14.

Itinumba ng Grade-12 ang dalawang grupo mula sa iba't ibang baitang kabilang ang kapwa Senior High na Blue Warriors matapos pumalo ng 25-13, upang maagaw nito ang natitirang pwesto sa finals. Sa kabilang banda,unang nakaupo sa pwesto ang Grade-9 sa finals nang harangan nito ang Blazing Red sa pag-upo,25-21.

"Hindi ko ine-expect na mananalo kami kasi kayang-kaya makipagsabayan nung kabilang team, bonus nalang siguro yung

nanalo kami,” saad ni Jesus “Jess” Galle. “Basta nag-enjoy kami at pinanatili namin ang unity sa team,” dagdag pa nito.

Samantala, ginulantang ng Eagles ang depensa ng Army nang sunod-sunod itong pumukol ng service ace na bumuo ng 7-0 run sa simula ng 1st set, 10-1.

Tuluyan nang nagiba ang depensa ng Purple Army matapos bumuo ng 5-0 run ang White Eagles at nagpakawala ng service ace na tumapos sa unang set, 21-6.

Pagpasok ng 2nd set, sinasabayan nang Purple Army ang pag-lipad ng White Eagles at nakikipagpalitan ng palo ngunit lumamang pa rin ang Agila matapos pumukol ng 5-0 run, 13-8.

Humabol ang Grade-9 sa dulo

ng 2nd set matapos nitong habulin ang iskor at tinabla ito, 20-20, ngunit hindi nagpatinag ang mga Agila nang pumalag ito at nakipag sabayan hanggang sa makamtan nila ang kampeonato, 25-23.

"As a team captain, masaya ako sa laro namin kanina pero nakakakaba kasi senior yung nakalaban namin," pagtatapos ni John Lester Celestino, Purple Army.

Samantala, nanguna man ang White Eagles, sina Galle, Celestino, Jhier Venturina, Ruzel Herrera, Arnold Alviar at Clyde Agnes o ang six mythical players lamang ang nagkaroon ng oportunidad na irepresenta ang paaralan sa Division Athletic Meet, sa Pebrero 8-10.

Matapos ang ilang buwan ng paghihintay, masayang ibinalita ni Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez, sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang pagbabalik sa volleyball matapos magkaroon ng knee injury sa isang laban

“Nakakatuwa na makabalik na ulit sa volleyball at makapaglaro kasama ang aking ani ni Valdez sa “Hindi madali ang pinagdaanan ko noong nagkaroon

Sa loob ng maraming taon, ang basketball ay isa sa mga tinatangkilik na isport sa ating lungsod. Ang mga high school, community center at ang mga lokal na patuloy na umuunlad at lumalago ay patuloy na dumarami ang mga nagkakainteres sa laro. Bagong henerasyon ng mga manlalaro ang lumilitaw, na nagdadala ng panibagong hilig at lakas sa isport.

Ang Mayor Kokoy InterTown Basketball League ng District 2, ang naging daan upang mapagsasama-sama ang mga komunidad sa Pamamagitan ng Sports. Ang basketball ay isa sa pinakatanyag na sports sa Pilipinas. Ito ay nilalaro sa mga paaralan, parke, at maging sa mga lansangan. Ito ay hindi lamang isang laro, ngunit isang hilig na nagbubuklod sa mga komunidad.

Ito ang obhektibo ni Mayor Kokoy Salvador ng itatag niya ang Inter-Town Basketball League District 2. Kabilang dito ang mga lungsod ng San Jose City, Muñoz, Lupao, Pantabangan, Carranglan, Rizal, Talugtog, at Llanera.

ako ng injury, pero salamat sa mga tao sa paligid ko na patuloy na sumusuporta at nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.”

Bago ang kaniyang pagbabalik, maraming mga fans at kritiko ang nagtatanong kung kaya na ba ni Valdez na bumalik sa kaniyang dating kalagayan sa volleyball. Ngunit siniguro ni Valdez na siya ay handa na at nakahanda na makipaglaro kasama ang kaniyang mga teammates. “Matapos ang mahabang panahon ng pagpapagaling,

Nagsimula ang liga noong 2018 bilang paraan upang maisulong ang sportsmanship, health fitness at para makahikayat ng maraming kabataan sa mga bayan sa District 2 ng lalawigan. Ang liga ay binubuo ng mga koponan mula sa iba't ibang bayan, na may mga manlalaro mula sa mga teenager hanggang sa matatanda.

Ang liga ay naging isang pinakainaabangang kaganapan sa lugar, na humahatak ng atensyon ng mga tao na mahilig sa basketball mula sa iba't ibang bayan upang manood ng mga laro tuwing hapon sa nasabing basketball schedule.

Sa mga bagong coach at pasilidad, ang programa ay umakit ng maraming mahuhusay na manlalaro na determinadong mahubog ang kanilang husay sa paglalaro upang magpakitang gilas sa lungsod.

Maraming mahuhusay na manlalaro na umusbong sa iba't ibang lungsod. Mula sa magaspang na mga panlabas na court hanggang sa mga organisadong liga sa mga sentro ng komunidad, ang basketball ay patuloy na umuunlad na bahagi ng ating kultura.

nakabalik na ako sa training at nakapaglaro na rin sa ilang practice games,” dagdag pa niya.

“Kahit hindi pa ako sa aking 100% na kondisyon, handa na ako na bumalik at magpakita ng aking galing at husay sa court.”

Hindi lang si Alyssa ang nagpapakita ng determinasyon at kagustuhan na bumalik sa kaniyang sport matapos masaktan. Sa kaniyang mga tagahanga, siya ay isang huwarang modelo ng mga atleta na hindi sumusuko sa harap ng pagsubok.

At hindi lang ang mga manlalaro ang gumagawa ng pagbabago. Ang mga lokal na nangangasiwa ay tinanggap din ang isport, ang mga basketball court ay patuloy na pinapalaganap para pasayahin ang mga manlalaro at mga koponan.

Umangat din ang mga negosyo, nag-sponsor ng mga team at nagdonate ng pera para tumulong sa pagpopondo ng mga bagong pasilidad at kagamitan.

Ang hinaharap ng basketball sa ating lungsod ay hindi kailanman magiging mas maliwanag. Sa isang bagong henerasyon ng mga baguhang manlalaro sa isport, ang siyang magpapatuloy sa pagsigla ng ating kultura.

Sa huli, ang liga ay nagsisilbing paalala na ang sports ay maaaring maging isang makapangyarihang sandata para sa pagsasama-sama ng mga tao at pagbuo ng mas matibay na komunidad. Tunay na naging realidad ang pananaw ni Mayor Kokoy Salvador na gamitin ang basketball para magkaisa ang mga taga District 2, at ito ay patunay ng kapangyarihan ng sports na lumikha ng pagbabago sa mga lungsod.

Ngayon, hindi lang ang kaniyang mga tagahanga ang nag–aabang sa kaniyang pagbabalik sa larangan ng volleyball, pati na rin ang kaniyang mga kasamahan sa team at mga katunggali. Sa kaniyang mga magagandang performance at nakaka–inspire na kuwento ng pagbangon mula sa injury, siguradong patuloy na aabangan at susuportahan si Alyssa Valdez sa kaniyang volleyball journey.

ISPORTS | 11 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
ni Blessilyn R. Medina Henerasyon ng mga manlalaro ni John Joseph P. Fermin
Anahaw Agosto 2022 - Marso 2023 | TOMO 12 BILANG 1
Valdez, muling magpapakitang gilas ni John Joseph P. Fermin BAGONG OPORTUNIDAD. Binuksan para sa manlalaro mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng District II sa Nueva Ecija - Intertown Basketball League ni Mayor Kokoy Salvador. - CEL BRYAN O. MONTERICO Larawan mula sa Kokoy Salvador Basketball League Facebook Page Larawan mula sa www.spin.ph Larawan mula sa Blacklist Twitter Account

ISPORTS Anahaw

SERBISYONG MAKATAO | BALITANG TOTOO

PAMPALAKASAN: mananatiling buhay... sundan sa pahina 11

BALITANG KAMPUS

Grade 12, itinanghal na Overall Champion sa Intrams 2023

Bumida ang Grade-12 White Eagles sa palarong pampaaralan matapos manguna sa kartada na may tatlong gold, tatlong silver, at dalawang bronze, dahilan para masungkit ang titulong Overall Champion kalakip ang tropeyo sa Intramurals 2023, sa Caanawan National High School noong ika-14 ng Enero.

Napasakamay nila ang kampeonato sa Volleyball boys, Tug of War boys at kadang-kadang girls na siyang nagpauna sa kanila sa liderato.

Tangan naman ng Grade-10 Orange Blasters ang ikalawang pwesto, matapos nitong ilista ang anim na gold, apat na silver at isang bronze, habang nakaupo naman sa ikatlong pwesto ang Grade-11 Blue Warriors bitbit ang apat na gold, tatlong silver at anim na bronze.

Samantala, hindi man nakasilat ng pwesto sa overall ang ibang baitang, nagawa naman nilang sikwatin ang ilang karangalan sa naganap na palaro.

Valdez, magpapakitang gilas... P. 11

Henerasyon ng mga manlalaro...

Paubaya nga ba?... P. 11

LATHALAING PANG ISPORTS

POKUS SA GOAL!

Determinado para sa ginto. Ang pinakaakmang salitang maaaring gamiting panghambing sa mga batang atleta ng Caanawan National High School na nagsasakripisyo’t nagtatayo ng matibay na pundasyon upang makamtan ang titulong pinapangarap.

Determinado ang mga atleta. May nakilala akong mga pursigidong estudyante. Babangon sa umaga at makikipagdigma sa pagod, sa puyat, sa init, at sa maghapong ensayo sa loob ng paaralan.

Determinado na mahubog. Ilan lamang sila na, imbis sa loob ng silid, ay sa labas sila nakalagi, kumpara sa daan–daang estudyante na pagsusulit at mga asignatura lamang ang kinaharap.

Determinado na maiuwi ang karangalan. Ito ay sina Claire Portacio, Erica Marcos, at Rheashin Tagaro. Mga natatanging estudyante sa pampublikong paaralang sekondarya ng Caanawan, Dibisyon ng San Jose. Portacio. Bunga ng pagmamahalan nina Ginoong Romel Portacio at Ginang Virginia Portacio. Isinilang noong ika-10 ng Agosto 2007, sa Lungsod ng San Jose. Kasalukuyang nasa ika-siyam na baitang (9-Integrity), dala ang kasabihang “Matutong bumangon, kapag nadapa,” na siyang naging susi sa biyahe patungong CLRAA. Nakakapagod man daw ang ensayo, para sa kaniya ay masaya ang dulot ng pagtakbo sa kaniyang pakiramdam. Naniniwala pa umano siya na sa paghubog ng atleta, kailangang tulong-tulong, “I can make a great athlete through teamwork.”

Pawis na Tumagaktak, umani ng Palakpak

Isa si Carlos Yulo sa nagpapakinang sa ating bansa,isa siyang Filipino artistic gymnast na nanalo ng bronze at gold sa World Artistic Gymnastics Championships.

Siya ang unang Pilipinong lalaki na Southeast Asian gymnast na nanalo sa World Artistic Gymnastics Championships sa kanyang floor exercise bronze medal finish noong 2018, at ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas noong 2019 sa parehong apparatus.

Sinimulan ng men’s vault final ang kompetisyon, at si Yulo, ang nagiisang Filipino gymnast na nakakuha ng medalya sa worlds, at nagdagdag sa pamana ng ating bansa sa pamamagitan ng pagkapanalo ng titulo. Matapos ang halos walang kamali-mali na pagtatangka ng Kasamatsu double twist at isang Dragulescu, tinalo ng 21-anyos ang pitong iba pang mga atleta sa vault finals.

Naungusan niya si Yonekura Hidenobu ng Japan, na pumangalawa na may 14.866, at si Andrey Medvedev ng Israel, na pumangatlo na may 14.649. Ito ay maaaring dobleng ginto para sa “golden boy” habang nagdagdag siya ng silver medal sa parallel bars sa world championship.

Pumapangalawa si Yulo sa score na 15.300, na sinundan ni Hu Xuwei ng China sa score na 15.466. Sa iskor na 15.066, pumangatlo sa kategorya si Shi Cong mula sa China.

Muling pinatunayan ni Yulo na ang determinasyon at tiyaga ang susi sa pagkamit ng pangarap. Hindi man gaanong nakatuon ang Pilipinas sa kanyang napiling isport, hindi siya nagkulang na ipakita sa mundo ang puso ng isang atletang Pilipino. Nawa’y maging inspirasyon ang paglalakbay ni Carlos Yulo sa bawat Pilipinong atleta.

Marcos. Ang hilig sa pagtakbo mula noong elementarya ay nagbunga ng tiket sa CLRAA. Sa 17 taong pamamalagi sa mundo, nagsimula siyang makipagsapalaran sa larangan ng isports noong siya ay sampung taong gulang, sa kagustuhang patunayan ang sarili sa kaniyang mga kamag-anak na marami siyang mapapala at malayo ang kaniyang mararating sa paglalaro ng isports. Para sa kaniya, ang track and field ay parte na ng kaniyang buhay, dahil dito marami na siyang nakilalang tao, mga lugar na napuntahan at iba’t ibang aral na natutunan.

“Tiwala at kumpiyansa sa sarili,” iyan daw ang puhunan niya sa pagiging atleta. Maliban sa pagtakbo, hilig niya rin daw ang pagguhit at pagpinta, ngunit dahil sa kakulangan sa oras ay hindi niya ito nagagawa. Tagaro. Nag-iisang CNHS shuttler na lalarga patungong CLRAA. Nagsimula ang kaniyang interes sa larangan ng badminton noong siya’y nasa ika-apat na baitang, at napagdesisyunang ipagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Sa paglalaro daw, nararamdaman niyang malaya siya sa katotohanan, kumabaga “escape” niya ang badminton. Suportado naman siya ng kaniyang mga magulang na sina Jonathan Tagaro at Niña Ailyn Tagaro sa kaniyang pagsali sa mga paligsahan. Sa kabila umano ng panalo, nais pa niyang hubugin ang kaniyang talento sa badminton.

Determinado na makuha ang titulo. Buong pusong kakamtin ang pangarap sa pampalakasan, walang makakapigil sa determinasyong nakakabit sa mga batang atleta na nais sumiklab sa larangan ng isports.

Mga medalya na nakamit ng mga Caanawenian sa idinaos na Division Meet 2023

6 GOLD

11 SILVER

9 BRONZE

Nakamit din ng CNHS ang Overall 1st Runner-Up sa kategorya ng babae.

CNHS, bumida sa Division Athletic Meet 2023

Humakot ang mga kalahok mula sa Caanawan National High School (CNHS) ng 26 na medalya sa Division Athletic Meet 2023 sa San Jose City National High School na may temang "Shaping the Future through Sports", nitong ika-walo hanggang sampu ng Pebrero.

Kabilang sa mga nagkamit ng ginto sina Claire Portacio sa 100m sprint, Katrina Ramos sa 9 balls, Jazmine Ramento sa 8 balls

billiard secondary girls, John Mark Ortiz sa 9 balls at 8 balls billiard secondary boys at Rheashin Tagaro sa badminton secondary girls. Nagkamit rin ng silver medal sina Erica Joy Marcos sa 800m miller at 400m miller, CNHS sepak takraw na sina Jaylloyd Bermudez, Yuri Fronda, Bonjayboy Balacaoc, Mart Angelo Cruz, at John Darold Garcia, si Carl Ian Jay Ocampo naman sa badminton secondary boys, at si Portacio sa long jump,

dagdag pa ang kay Ramos sa 8 balls at kay Ramento sa 9 balls.

Hindi rin nagpahuli ang mga bronze medalist na sina Prince Albert Estayo sa javelin throw, Keirt Lawrence Vigilia sa badminton secondary boys at sa 100m relay na sina Jenard Lambinicio, Jervie Bejarin, Aldrin Rivera at Estayo, kasama muli si Marcos sa 200m sprint, si Rivera sa 400m miller at si Lambincio sa 100m sprint. Lumikom ng isang ginto at

isang silver si Portacio, dalawang silver at isang bronze naman ang nilimbag ni Marcos, at isang ginto naman ang ibinulsa ni Tagaro, dahilan para makuha ang 2nd place Overall Secondary Girls at makuha ang tiket patungong Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA).

Ayon sa sprinter na si Portacio, inasahan niyang malalakas ang kaniyang kalaban ngunit siguro dahil na rin sa kaniyang karanasan,

Division

hindi niya ito inalintana at nagpatuloy lang kumarera.

"Sobrang nakakatuwa na kasali ako sa CLRAA dahil magmula nung ako ay maglaro ng track and field, ngayon ko palang mararanasan ang maisali sa CLRAA," pahayag ni Marcos. Samantala, ipagpapatuloy naman ng mga aabante sa CLRAA ang pag-e-ensayo upang muling umani ng karangalan para sa CNHS.

ni Marian Vergel De Dios Blessilyn R. Medina ni Blessilyn R. Medina
“Determinasyon ang tulay, daan at susi patungo sa inaasam–asam na tagumpay.”
ABANTE BABAE. TATLONG CAANAWENIAN PASOK SA CLRAA MATAPOS MAG-UWI NG KARANGALAN SA DIVISION ATHLETIC MEET 2023 NITONG PEBRERO 8-10. -CEL BRYAN MONTERICO TAKBO PARA SA PANGARAP. Dugo’t pawis ang ibinuhos ng Caanawenian athletes upang mapalapit sa karangalang minimithi sa Atheletic Meet 2023. -CEL BRYAN O. MONTERICO Larawan mula kay Kim Kyung-Hoon

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.