1 minute read

Makiindak sa Dalang Galak

ni Christine G. Dangkulos

Ang Galaw Pilipinas ay isang National Calesthenics Exercise Program na halaw sa mga katutubong sayaw ng Pilipinas, festival movements at arnis stances bilang pagpupugay sa National sport ng bansa.

Advertisement

“Sumabay sa galaw, walang bibitaw,” makigalaw at makisabay sa tugtuging inilahad. Halina’t sumaya sa ehersisyong nakabubuti sa ating pangangatawan.

Dulot nito’y kagalakan sa mga mag–aaral maging mga guro at punongguro, tugtog pa lang ay nakakapukaw na ng atensyon, “attention seeker” kung baga.

Ang “Galaw” ay sumisimbolo sa iba’t ibang mga paggalaw mula sa mga iniingatang katutubong sayaw ng bansa, kultura, at tribo, gayundin ang ilang mga paninindigan mula sa pambansang isport, arnis.

Samantala, ang mga galaw mula sa mga katutubong sayaw at tribo ng Pilipinas tulad ng Rigodon Royale, An Marol (Hapay), KiwelKiwel, Maglalatik, Atraca, Lapay at Sinulog ay pinagsama-sama upang tipunin ang mga gawain ng “Galaw Pilipinas”. Ang Atraca, Lapay at Sinulog ay pinagsama-sama upang tipunin ang mga gawain ng “Galaw Pilipinas”.

Ang “Galaw Pilipinas” ay isang apat na minutong calisthenics routine na dapat mag-ambag sa 60 minuto ng katamtaman hanggang sa masiglang pisikal na aktibidad na inireseta araw-araw para sa mga bata na lima hanggang 17 taong gulang Ito ay magiging bahagi ng pang-araw-araw na gawain sa pag-eehersisyo sa mga paaralan at mga sentro ng pag-aaral ng komunidad.

Ang Galaw Pilipinas din ay binibigyang–diin ang halaga at pangangailangan ng ating mga mag–aaral, guro, at mga opisyal ng paaralan na bigyang–pansin hindi lamang ang ating mga cognitive at affective pursuits, kundi pati na rin upang matiyak na ang ating mga kakayahan sa bodily–kinesthetic ay lumalakas”.

Ang pag–eehersisyo tuwing umaga kahit ang simpleng pag–uunat lamang ng buto ay makatutulong na rin sa ating pangagatawan, kalusugan at mapabubuti ang kalakasan, flexibility, cardiovascular endurance, koordinasyon at balanse, pahuhusayin din ang kamalayan sa kultura sa pamamagitan ng pagsasama–sama ng mga kultura ng Pilipinas sa pagsasanay sa calesthenics at itanim ang nasyonalismo, pagkakaisa at disiplina.

May ilan na lumikha ng patimpalak sa ehersisyong ito, upang ito ay bigyang pansin at maalala ninuman.

Isa na rito ang Caanawan National High School na pinangunahan ng mga guro at punongguro, nakamit ng mga nasa Grade 12 ang kampeonato, matapos magpakitang gilas sa buong paaralan. Suot–suot ang pinakamagandang kasuotan na nagpahanga rin sa marami.

Ang Department of Education (DepEd) ay naglabas ng kalakip na Guidelines on Galaw Pilipinas: The DepEd National Calisthenics Exercise Program, na naglalayong isulong ang aktibong pamumuhay para sa mga Pilipino na makikinabang sa kanilang pisikal at socioemosyonal na kagalingan, mapabuti ang lakas, flexibility at cardiovascular.

This article is from: