5 minute read
Teka! Timeout Muna, Guys, Chill lang!
mga mag-aaral.
Go, Sis! Girl Power! Sulong Kababaihan!
Advertisement
PSST! TEKA! Vindrel G. Velasco
BOSES NG CAANAWENIAN
Tanong sa piling mag-aaral, sumasang-ayon ka ba sa mga canteen outside oo o hindi?
TAG-INIT NA NAMAN, ANO BALAK MO NGAYONG MAINIT? TARA SWIMMING?!
Maraming Caanawenian ang nahuhumaling sa pagkain na mabibili sa School Cafeteria, iba’t ibang klase ng mga tinapay, lumpiang gulay at sari-saring pritong pagkain. May lutong ulam din at pansit na mas kilalang ‘bahog’.
Malinamnam at masusustansya naman ang mga tinda sa canteen. Sulit sa bulsa ang mga paninda nila.
Dahil sa dami ng mga magaaral naglitawan ang mga malilit na tindahan na animo talipapa na matatagpuan pagpasok ng Caanawan. “Canteen Outside” ang maituturing sa kanila. Katulad ng school canteen nagtitinda rin sila ng sari-saring pagkain gaya ng milktea at iba pang produkto na wala sa school canteen. Subalit sa likod ng satisfaction ng mga magaaral ay ang mga basurang nagkalat sa paligid ng Caanawan na siyang dahilan kung bakit nilimitahan ang oras ng pagtitinda ng mga outsider.
Kahit na ang mga ito ay may sapat na pahintulot mula sa Baranggay Caanawan at dumaan sa proseso upang legal na makapagsilbi sa
Kumikita ang mga tindahan sa labas at naging daan ito pang matustusan ang pangagailangan ng kani-kanilang pamilya, subalit kaakibat nito ang responsibilidad na dapat naman gampanan ng mga nagtitinda, walang iba kundi ang kaligtasan ng kanilang mga consumer mula sa preparasyon hanggang sa makain ito ng mga mag-aaral. Kinakailangan ding panatilihing malinis ng mga tindahan ang paligid bago at pagkatapos ng pagtitinda at hindi dapat ito sagutin ng paaralan.
Maaari silang magtinda pagtapos ng klase sa kampus at kapag uwian na, subalit kailangang mapanatiling malinis ang paligid upang maging kaiga-igaya itong tingnan. Laging tandaan, na ang Caanawan National High School ay isang ligtas na paaralan, sa loob man o sa labas at karapatan ng bawat isa na magkaroon ng pangalawang tahanan na malinis, maaliwalas, mabango at ligtas sa lahat ng oras.
Oh, Teka, out ka muna riyan. Sumunod ka lang ay okay na. Dapat responsable ka kaibigan.
GUHIT NI : STEPHANY F. REYES
Ngayong buwan ng Marso, ginugunita ang “National Women’s Month” na taon-taong selebrasyon sa mga kababaihan. Lingid sa ating kaalaman ang mga babae sa panahon ngayon ay isa lamang “babae lang” na pilit dinudungisan ng mga mapangaping kapwa sa lipunan na ganap ang karahasan sang panig man ng mundo. Batay sa datos nitong taong 2022 ng Philippine Statistics Authority (PSA), 17.5% na kababaihan edad 15-49 ang nakararanas ng pang-aabuso, pisikal, sekswal o emosyonal man sa buong bansa. Dito sa ating bansa, hindi na maitatangging karamihan ay nakararanas na ng karahasan sa kababaihan. Ganito na lang ba ang tingin natin sa babae? Ang alam nila na mahina, hindi nila kaya ang ginagawa ng mga lalaki at dramatic pa nga raw tingin ng iba. Kawawa ang mga babae sa totoo lang. Tulad ng nanay ko, simula nang isinilang niya ako marami na siyang ibinuhos na pagmamahal sa akin. Danas ko ang isang kalinga ng nanay. Sa tingin ko mapagmahal ang babae, hindi lang sila basta parang basura sa lipunan. Galit ako sa mga mapang-abuso sa mga babae dahil ramdam ko ang isang kalinga ng babae. Basura man ang tingin sa kanila ng ibang kapwa. Basta ako, hindi lang sila babae. Wakasan na natin ang kurokurong mahina sila. Wakasan ang pang-aabuso, pagmamaltrato sa kanila. Gender equality nga, ‘di ba?
Babae Ka, Hindi Basta Babae Lang! Kailanma’y hindi nakabase ang respeto sa kung anong tunay mong kasarian. Sapagkat ang respeto’y balanse — makatarungan.
Dapat pantay tayong lahat. Mabigat sa kanilang damdamin na parang may nakadagan sa kanilang dibdib na pilit sumisigaw na itigil na ang gender inequality at simulan nating bigyang liwanag ang dilemmang ito. Ilang beses na itong ipinaglalaban ng gobyerno, ang diskrimisnasyon sa kababaihan. May batas na nga ito ang kilalang VAWC o "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004" laban sa mga mapangabuso. VAWC ang sigaw ng masa idagdag pa ang gender equality para tahimik at masaya ang bawat isa, para ang buwan ng Marso ay araw talaga nila. Hindi lang sila basta babae, kundi babae sila.
ISPORTS OPINYON
Karera sa tagumpay, buhay ang nakasalalay
Naghihintay sa dulo ng tulay ang tagumpay
Benefits o Danger Law
Benipisyo o sakit sa ulo? Usap-usapan ang Subscriber Identify Module (SIM) na agad namang nasundan ng batas bilang 11934 o mas kilala bilang Sim Card Registration Law. Maaaring marami ang pumapabor dito upang maprotektahan ang kanilang privacy o makaiwas sa scam ngunit talaga nga bang maiiwasan ito?
Noong ika-10 ng Oktobre 2022, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Batas Republika Blg. 11934. Ang batas na ito'y isang paraan upang palakasin ang hakbangin ng gobyerno labas sa mga scam na ginagawa sa pamamagitan ng text at online na mga mensahe na naging mas laganap sa mga nakaraang taon. Sa aking pag-oobserba napansin ko na marami rin ang hindi pumapabor dito tulad ko. Nahihinuha ko na ang batas na ito'y maaaring maging kumplikado sa ating mamamayan. Nasasabi na ito'y para makaiwas sa scam ngunit wari ko rito na dahil sa mga taong mauutak, maaaring magkaroon ng security breaches kahit gaano pa katindi ang security ng mga telecom companies, maaaring mapasok at magamit ang mga impormasyon na inilalalagay sa registration. Tulad din ni Mary Grace Maramdilla Santos, siya ay hindi sumasang-ayon dito at sabi pa nya na ang pagpaparehistro ng mga SIM card ay may potensyal na ilagay sa peligro and seguridad at kapakanan ng mga mamamayan kaya ito'y mas maraming panganib kaysa benipisyo.
Sa panahon ngayon nahihinuha ko na ang registration na ito'y isang abala at pahirap pa sa mga taong walang android phone at sa mga walang internet. Kabilang din dito ang mga Senior Citizen na hindi kayang intindihin ang paggamit ng android phone upang magrehistro ng kanilang SIM card. Mas nakabubuti pa na umiwas na lamang sa anumang mensaheng imposible na natatanggap galing sa text na posibleng bogus para makaiwas din sa nasabi. Pag-isipan din ang mga hakbang na gagawin upang hindi magkaroon ng atake ang mga scammer, mas mainam na huwag na lamang pansinin o magbigay ng impormasyon sa mga nagte-text na hindi naman totoo gaya ng nanalo ka raw sa raffle kahit wala ka namang sinalihan.
POWER!!!
Palarong susubukin ang iyong lakas at tibay sa isang mahabang distansya na tatakbuhin. Maraming kalahok na kakarera para sa iisang layunin, upang masilayan ang katapusan ng linya at tanghaling kampyon. Sa pagpatuloy ng marathon maraming pangalan ang umusbong sa iba't ibang panig ng mundo.
Sa pagtakbo naipapakita nila ang kanilang lakas at tibay laban sa mga pagsubok tulad ng panahon at siklab ng araw. Bakit mahalagang ipagpapatuloy pa ang marathon? maraming taong gustong mapasama sa larangang ito at maging matagumpay sa buhay, ang iba naman ginawa itong hanapbuhay upang maitaguyod at maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Hindi lang iyon ang benepisyo ng pagtakbo bagkus napapalakas nito ang ating sistemang imyuno, tibay na lakas-pisikal at talas ng pag-iisip.
Magandang halimbawa ito sa mga kabataan na wagas sa paggamit ng selpon, magbibigay inspirasyon ito sa kanila upang tumakbo. Tulad ko, kailangan ko ito upang manatiling matatag ang aking kalusugan. Matatayang dalawang katao ang namamatay kada 256,000 na kalahok at sa 127 taong pamamalakad nito, 47 lamang ang inilalathalang namatay. Ngunit dahil ba may mga namatay kailangan na itong itigil? Kung gayon ang pinagkukuhanan ng hanapbuhay ng iba'y ititigil na rin? Sa mga impormasyon na iyan masasabing matagumpay ang kanilang sistema. Kaya bakit ito ititigil? Maaari namang konsultahin ang bawat kalusugan ng manlalaro, nang mabawasan o maiwasan ang pagkawala ng buhay ng mga tatakbo.