5 minute read

Guro, bawal nga bang maging kaibigan?

Isipin mo ang gubat na wala kahit isang puno, parang mundong walang guro.

"Guro ang pangalawang magulang" banggit ng marami ngunit dahil sa Department of Education (DepEd) order No. 49 series of 2022, nabago ang pakikitungo ng guro at estudyante sa isa't isa.

Advertisement

Tungkol sa order na inilabas, ang di-umanong guro ay dapat iwasan ang relasyon, pakikipagugnayan,pakikipagkaibigan, komunikasyon sa labas ng paaralan at kabilang ang pag-follow sa social media sa mga mag-aaral para sa setting ng paaralan, maliban kung sila'y magkamag-anak. Gayundin upang maiwasan ang pagkakaroon ng krimen na maaring mangyari. Kaysa sa pagpapatupad ng mga ito bakit hindi na lamang mas tugunan pa ng pansin ang kakulangan ng guidance counselors para sa mental needs at mabigyan ng abiso ang mga mag-aaral. Tulad ko na estudyante ang komunikasyon sa aking guro ay mahalaga sapagkat ito ang isang paraan ng aking pagkatuto sa loob man o sa labas ng paaralan kaya't hindi makatarungan para sa akin ang di-umanong ipinatitupad na ito.

Nagiging usap-usapan ang mga isyu ng guro at estudyante ngunit sapat ba na ang DO 49 na ito upang siyang makapagpipigil sa diumanong maling gawain. Marahil ang ilan ay sumasang-ayon sa utos na ito ngunit nahihinuha ko na ito'y magiging pahirap lang sa aming mga estudyante dahil kailangan din naman namin ng gabay ng aming guro kahit sa labas pa ng paaralan.

Ilan sa mga guro ay nagkakaroon ng bias sa kanyang mga estudyante, ang ilan pa ay sila-sila na rin ang nagkakasakitan na pinagmumulan ng mabigat na krimen. Tulad ng isang estudyante at guro na nagiinuman nang biglang saksakin ng estudyante ang kanyang guro.

Sa ganitong pangyayari may tiyansa na mapigil ng DO 49 ang ganitong klaseng krimen ngunit ang kasalanan ba ng isa ay kasalanan nang lahat? Hindi ito maaari sapagkat ang bonding sa aming guro ay kailangan namin dahil isa rin ito sa paraan upang mas mabuo ang aming samahan para sa matagal na panahon. Marami ang gurong talagang nakatutulong sa kanyang estudyante, ilan dito ay kinukupkop na ang mga ito, pinapakain at binibihisan. Kung ang ugnayan ba na ipinaiiwasan, resulta'y nasasabing dapat na ring itigil ang pagtulong?

Lumalabas sa ipinatupad na order na tinatanggalan ng karapatan ang mga guro na magkaroon ng pagkakaibigang turingan sa labas ng paaralan dahil sa kasalanan na parang kasalanan nang lahat?

Go, Sis! Girl Power! Sulong Kababaihan!

PSST! TEKA!

Vindrel G. Velasco

Babae Ka, Hindi Basta

Ngayong buwan ng Marso, ginugunita ang “National Women’s Month” na taon-taong selebrasyon sa mga kababaihan. Lingid sa ating kaalaman ang mga babae sa panahon ngayon ay isa lamang “babae lang” na pilit dinudungisan ng mga mapangaping kapwa sa lipunan na ganap ang karahasan sang panig man ng mundo. Batay sa datos nitong taong 2022 ng Philippine Statistics Authority (PSA), 17.5% na kababaihan edad 15-49 ang nakararanas ng pang-aabuso, pisikal, sekswal o emosyonal man sa buong bansa. ipinaglalaban ng gobyerno, ang diskrimisnasyon sa kababaihan. May batas na nga ito ang kilalang VAWC o "Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004" laban sa mga mapangabuso. VAWC ang sigaw ng masa idagdag pa ang gender equality para tahimik at masaya ang bawat isa, para ang buwan ng Marso ay araw talaga nila. Hindi lang sila basta babae, kundi babae sila.

Guro-Turo, kailan kaya tayo mabubuo?

Dito sa ating bansa, hindi na maitatangging karamihan ay nakararanas na ng karahasan sa kababaihan. Ganito na lang ba ang tingin natin sa babae? Ang alam nila na mahina, hindi nila kaya ang ginagawa ng mga lalaki at dramatic pa nga raw tingin ng iba.

Kawawa ang mga babae sa totoo lang. Tulad ng nanay ko, simula nang isinilang niya ako marami na siyang ibinuhos na pagmamahal sa akin. Danas ko ang isang kalinga ng nanay. Sa tingin ko mapagmahal ang babae, hindi lang sila basta parang basura sa lipunan. Galit ako sa mga mapang-abuso sa mga babae dahil ramdam ko ang isang kalinga ng babae. Basura man ang tingin sa kanila ng ibang kapwa. Basta ako, hindi lang sila babae. Wakasan na natin ang kurokurong mahina sila. Wakasan ang pang-aabuso, pagmamaltrato sa kanila. Gender equality nga, ‘di ba? Dapat pantay tayong lahat. Mabigat sa kanilang damdamin na parang may nakadagan sa kanilang dibdib na pilit sumisigaw na itigil na ang gender inequality at simulan nating bigyang liwanag ang dilemmang ito. Ilang beses na itong

Babae Lang! Kailanma’y hindi nakabase ang respeto sa kung anong tunay mong kasarian. Sapagkat ang respeto’y balanse — makatarungan.

Karera sa tagumpay, buhay ang nakasalalay

Naghihintay sa dulo ng tulay ang tagumpay

Benefits o Danger Law

Benipisyo o sakit sa ulo? Usap-usapan ang

Subscriber Identify Module (SIM) na agad namang nasundan ng batas bilang 11934 o mas kilala bilang Sim Card

Registration Law. Maaaring marami ang pumapabor dito upang maprotektahan ang kanilang privacy o makaiwas sa scam ngunit talaga nga bang maiiwasan ito?

Noong ika-10 ng Oktobre 2022, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Batas Republika Blg. 11934. Ang batas na ito'y isang paraan upang palakasin ang hakbangin ng gobyerno labas sa mga scam na ginagawa sa pamamagitan ng text at online na mga mensahe na naging mas laganap sa mga nakaraang taon.

Sa aking pag-oobserba napansin ko na marami rin ang hindi pumapabor dito tulad ko. Nahihinuha ko na ang batas na ito'y maaaring maging kumplikado sa ating mamamayan. Nasasabi na ito'y para makaiwas sa scam ngunit wari ko rito na dahil sa mga taong mauutak, maaaring magkaroon ng security breaches kahit gaano pa katindi ang security ng mga telecom companies, maaaring mapasok at magamit ang mga impormasyon na inilalalagay sa registration. Tulad din ni Mary

Grace Maramdilla Santos, siya ay hindi sumasang-ayon dito at sabi pa nya na ang pagpaparehistro ng mga SIM card ay may potensyal na ilagay sa peligro and seguridad at kapakanan ng mga mamamayan kaya ito'y mas maraming panganib kaysa benipisyo.

Sa panahon ngayon nahihinuha ko na ang registration na ito'y isang abala at pahirap pa sa mga taong walang android phone at sa mga walang internet. Kabilang din dito ang mga Senior Citizen na hindi kayang intindihin ang paggamit ng android phone upang magrehistro ng kanilang SIM card.

Mas nakabubuti pa na umiwas na lamang sa anumang mensaheng imposible na natatanggap galing sa text na posibleng bogus para makaiwas din sa nasabi. Pag-isipan din ang mga hakbang na gagawin upang hindi magkaroon ng atake ang mga scammer, mas mainam na huwag na lamang pansinin o magbigay ng impormasyon sa mga nagte-text na hindi naman totoo gaya ng nanalo ka raw sa raffle kahit wala ka namang sinalihan.

POWER!!!

Palarong susubukin ang iyong lakas at tibay sa isang mahabang distansya na tatakbuhin. Maraming kalahok na kakarera para sa iisang layunin, upang masilayan ang katapusan ng linya at tanghaling kampyon. Sa pagpatuloy ng marathon maraming pangalan ang umusbong sa iba't ibang panig ng mundo. Sa pagtakbo naipapakita nila ang kanilang lakas at tibay laban sa mga pagsubok tulad ng panahon at siklab ng araw. Bakit mahalagang ipagpapatuloy pa ang marathon? maraming taong gustong mapasama sa larangang ito at maging matagumpay sa buhay, ang iba naman ginawa itong hanapbuhay upang maitaguyod at maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.

Hindi lang iyon ang benepisyo ng pagtakbo bagkus napapalakas nito ang ating sistemang imyuno, tibay na lakas-pisikal at talas ng pag-iisip.

Magandang halimbawa ito sa mga kabataan na wagas sa paggamit ng selpon, magbibigay inspirasyon ito sa kanila upang tumakbo. Tulad ko, kailangan ko ito upang manatiling matatag ang aking kalusugan.

Matatayang dalawang katao ang namamatay kada 256,000 na kalahok at sa 127 taong pamamalakad nito, 47 lamang ang inilalathalang namatay. Ngunit dahil ba may mga namatay kailangan na itong itigil? Kung gayon ang pinagkukuhanan ng hanapbuhay ng iba'y ititigil na rin?

Sa mga impormasyon na iyan masasabing matagumpay ang kanilang sistema. Kaya bakit ito ititigil? Maaari namang konsultahin ang bawat kalusugan ng manlalaro, nang mabawasan o maiwasan ang pagkawala ng buhay ng mga tatakbo.

This article is from: