10 minute read

Ang Namulat, Hindi na Muling Pipikit

ni Rubie M. Dela Cruz

Kahit anong unos ang dumating, sa matinding ragasa ng baha, sa mga nagliliparang yero sa tuwing nananalasa ang hangin at ulan dala ng bagyo, o sa pagyanig ng lupa, maging sa panahong humarap sa hindi makitang kalaban — ang pandemikong COVID–19, hindi magpapasupil ang pusong sabik, ang kaloobang nais iparating, at ang katotohanang nagpupumiglas ay walang takot at pag–aalinlangang isisiwalat.

Advertisement

Ang Republic Act 7079 o mas kilala bilang Campus Journalism Act of 1991 na naaprubahan at naisabatas noong ikalima ng Hulyo, 1991, ay naglalayong protektahan at isulong ang malayang pamamahayag. Ang batas na ito ang pinakaugat na dahilan at legal na basehan kung bakit kailangang isulong ang presensiya ng dyornalismo.

Napakalaki ng ambag ng pampaaralang–pahayagan hindi lamang sa pagkakakilanlan kundi pati na rin sa pagmulat sa bawat mag–aaral sa katotohanan. Kaya’t hindi dapat ikinakahon ang kakayahan ng mga mag–aaral — mamamahayag, bagkus ay binibigyan dapat sila ng pagkakataong mahasa ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pagbukas ng oportunidad na naayon sa kanila, katulad na lamang ng DSPC, RSPC, at NSPC.

GURONG PILIPINO, KAAKBAY SA PROGRESO AT PAG-ASENSO

Huwaran.

Ang pinakaakmang salitang maaaring gamiting panghambing sa pangalawang magulang na nagsasakripisyo’t nagtatayo nang matibay na pundasyon upang maging maganda ang kinabukasan. Huwaran ang mga guro.

May nakilala akong modernong bayani. Nakikipagtipan hindi sa kaguluhan bagkus nakikipagdigma sa pagod, sa puyat, sa init, at sa maghapong trabaho sa apat na sulok ng silid–aralan. Iisa lamang niya kumpara sa daan–daang estudyanteng kaniyang minumulat ang isipan sa mundo at tinuturuan ng mga bagong araling kanilang madadala sa hinaharap.

Siya si Ginoong Ariel B. Santiago. Limampu’t limang taong gulang. Isang natatanging guro sa asignaturang Technology and Livelihood Education (TLE) sa pampublikong paaralang sekondarya ng Caanawan, Dibisyon ng San Jose. Bunga ng pagmamahalan nina Ginoong Virgilio Santiago at Ginang Pacita Bancuyod. Isinilang noong ika–1 ng Enero, 1968, sa lungsod ng Cabanatuan, probinsiya ng Nueva Ecija.

Dala niya ang kulay ng isang tunay na Pilipino. May mala-parisukat na hugis ng mukha. Manipis na kilay. Hindi katangusang ilong. At katamtamang nipis na ang buhok. Itim na buliga ng mata. Ang katawa’y may kalakihan. Unipormeng pantaas na hapit na hapit sa kaniyang mga braso. At may makisig na tindig sa tuwing naglalakad.

Dahil salat sa salapi, hindi niya naipagpatuloy ang kaniyang nais na propesyon, ang maging obygyne o doctor sa obaryo. Siya ay nakapagtapos ng Computer Science sa Asian College of Science & Technology, sa Quezon City, Philippines.

Ang kaniyang kabiyak umano ang nagtulak sa kaniya upang maging isang guro sapagkat ang kaniyang asawa na si Gng. Lanie F. Santiago ay isa ring guro sa pampublikong paaralang elementarya ng Abar Primero. “Bakit hindi i–try,” aniya. May kasiyahan naman daw sa pagtuturo.

Ang gulong ng buhay ay hindi parating nasa ibabaw. Darating ang panahon na mapupunta’t mapupunta ka sa ibaba. Ganoon din sa pagtuturo. Dumaan din umano siya sa matinding kritisismo mula sa iba ngunit hindi ito naging hadlang upang magpatuloy sa kaniyang nag–aalab na damdamin sa pagtuturo.

Sa pamamagitan ng dyornalismo, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamahayag na imulat ang diwa ng bawat estudyanteng mambabasa sa katotohanan, lalo na sa modernong panahong ito na ang mundo ay umiikot at pinamamahalaan ng teknolohiya. Social media ang takbuhan at libangan ng ilan sa atin. Laganap na ang maling impormasyon dito.

Peryodismo at peryodista ang babago sa mundo.

Mga mamamahayag ang magsisilbing tulay at boses ng sambayanan na nakakaranas ng pang–uusig at kalupitan. Ang siyang maglalatag ng katotohanan, mga istoryang nakakubli sa likod ng lipunang nakabatay sa salapi, mga taong inosenteng dumanak ang dugo, at maging ang mga baho na nais ikubli ng nasa gobyerno.

Kalakip ng press freedom ang karapatan ng bawat mag–aaral sa tapat at malayang pamamahayag — pluma at papel na sagisag ng kamalayan, katarungan, at katapatan.

Kahit anong unos ang dumating, sa matinding ragasa ng baha, sa mga nagliliparang yero sa tuwing nananalasa ang hangin at ulan dala ng bagyo, o sa pagyanig ng lupa, maging sa panahong humarap sa hindi makitang kalaban — ang pandemikong COVID-19, hindi magpapasupil ang pusong sabik, ang kaloobang nais iparating, at ang katotohanang nagpupumiglas ay walang takot at pag–aalinlangang isisiwalat.

Paubaya nga ba?

ni Blessilyn R. Medina

Sa tapatan ng defending champion na Blacklist International at ECHO Phillipines, isang propesyonal na e-sports team lamang ang nagkaroon ng tyansang ibandera ang Pilipinas sa Mobile Legends, Bang Bang (MLBB) World Championship (M4), dahilan para maging usap-usapan ang naganap na laro.

Naagaw ng ECHO ang korona mula sa defending champion, nang inukit nito ang 4-0, panalo, sa best-of-seven game, na siyang naging kontrobersya para sa mga agents (fans of blacklist), dahil kaya naman daw nilang depensahan ang korona ngunit bakit tila pinaubaya ito ng Blacklist?

Usap-usapan ang pag-upo ng iba’t ibang Pilipinong koponan sa unang puwesto sa MLBB world tournament mula pa noong M2, unang nakaupo ang BREN E-sports, na sinundan ng Blacklist International (M3), at ECHO naman sa M4.

Sa ganitong pangyayari, mahihinuhang kagustuhan ng mga Pilipinong ML players na paikutin ang korona sa mga koponan ng Pilipinas. Maaari itong isa sa dahilan kung bakit natalo ang Blacklist kontra sa ECHO, dahil hangad nitong Pilipinas ang manguna sa larangan ng e-sports.

Dagdag pa ang pagiging bokal ni Tristan “Yawi” Cabrera ng ECHO na gustong-gusto niya talagang magkampeon, na maaaring dininig ng kabilang koponan kaya hindi na sila umiskor at pinaubaya ang 4-0 panalo, kasama ang titulo.

Kilala ang Pilipino sa pagkaka-isa na maaaring dahilan ng pagkatalo ng Blacklist, sa kagustuhang maiangat ang bawat Pilipinong koponan sa nasabing e-sports. Ngunit hindi rin maitatangging mahusay ang laro ng ECHO sa naganap na laban.

Ang tagumpay nga ba’y nakamit dahil pinagsikapan o dahil pinaubaya ng kalaban?

PAMPALAKASAN: mananatiling

per‧yo‧dis‧ta | pangngalan -academia.edu

Isa sa may pinakamahalagang papel sa ating lipunan na ang pangunahing layunin ay maghatid ng makabuluhang balita at impormasyon.

Pagpapahalaga sa kapwa kababaihan ni Rubie M. Dela Cruz

TITINDIG, TAYO’Y KAIBIG-IBIG

Sapat ka—hindi ka kulang, hindi ka sobra, Eksakto ang ’yong pagkatao mula ulo hanggang paa, Natatangi ang bawat mong anggulo at sistema, Wala kang katumbas at kakaiba ka.

Buhay Saan Mang Panig Ng Daigdig

White Eagles, dinagit ang ginto sa volleyball

Tinangay ng Grade-12 White Eagles ang gintong medalya matapos daigin ang Grade-9

Purple Army sa Intramurals 2023 Volleyball Finals, 21-6, 2523 sa Caanawan National High School, Enero 14.

Itinumba ng Grade-12 ang dalawang grupo mula sa iba't ibang baitang kabilang ang kapwa Senior High na Blue Warriors matapos pumalo ng 25-13, upang maagaw nito ang natitirang pwesto sa finals. Sa kabilang banda,unang nakaupo sa pwesto ang Grade-9 sa finals nang harangan nito ang Blazing Red sa pag-upo,25-21.

"Hindi ko ine-expect na mananalo kami kasi kayang-kaya makipagsabayan nung kabilang team, bonus nalang siguro yung nanalo kami,” saad ni Jesus “Jess” Galle. “Basta nag-enjoy kami at pinanatili namin ang unity sa team,” dagdag pa nito.

Samantala, ginulantang ng Eagles ang depensa ng Army nang sunod-sunod itong pumukol ng service ace na bumuo ng 7-0 run sa simula ng 1st set, 10-1.

Tuluyan nang nagiba ang depensa ng Purple Army matapos bumuo ng 5-0 run ang White Eagles at nagpakawala ng service ace na tumapos sa unang set, 21-6.

Pagpasok ng 2nd set, sinasabayan nang Purple Army ang pag-lipad ng White Eagles at nakikipagpalitan ng palo ngunit lumamang pa rin ang Agila matapos pumukol ng 5-0 run, 13-8.

Humabol ang Grade-9 sa dulo ng 2nd set matapos nitong habulin ang iskor at tinabla ito, 20-20, ngunit hindi nagpatinag ang mga Agila nang pumalag ito at nakipag sabayan hanggang sa makamtan nila ang kampeonato, 25-23.

"As a team captain, masaya ako sa laro namin kanina pero nakakakaba kasi senior yung nakalaban namin," pagtatapos ni John Lester Celestino, Purple Army.

Samantala, nanguna man ang White Eagles, sina Galle, Celestino, Jhier Venturina, Ruzel Herrera, Arnold Alviar at Clyde Agnes o ang six mythical players lamang ang nagkaroon ng oportunidad na irepresenta ang paaralan sa Division Athletic Meet, sa Pebrero 8-10.

Sa abalang iskedyul at tambak na trabaho ay nagagawa pa rin niyang balansehin ang kanyang oras para sa kanyang asawa. Isa marahil sa nakatulong na salik ay ang pareho silang nasa larangan ng pagtuturo.

“Magaling po siyang magturo, at the same time bolero siya. Kumbaga ayun ’yung way niya para buhayin ang natutulog naming diwa, kasi 3–5 PM ang class namin sa kaniya noon, so nakakaantok talaga,” naging estud’yante ni G. Santiago noon.

Huwaran, ang pinakaakmang salitang maaaring gamiting panambing sa pangalawang magulang sa paaralan. Huwaran ang mga guro. Sila ang tsuper na madalas na nagmamaneho’t nagbababa sa isang istasyon o terminal patungo sa pangarap ng kabataan. Ang tulay at daan patungo sa inaasam–asam na tagumpay. Ang mga gurong Pilipinong kaakbay sa progreso at pag-asenso.

Ang karikitan mo ma’y hindi mala–Maria Clara ngunit tandaan mong kahanga–hanga ka, Ang kulay mo ma’y matingkad, ang ’yong ilong may hindi katangusan ikaw ma’y hindi katangkaran, Subalit maganda ka sa sarili mong paraan.

Huwag mo sanang isipin na pangit ka dahil hindi ka maputi, Tandaan mong ang kagandaha’y hindi nasusukat sa nakakasilaw na binti, Ikaw may mayroong peklat sa balat o sugat sa katawan mananatili kang kabiha–bighani.

Hindi baleng ’di makinis, kung malinis naman ang budhi, Ikaw ma’y mayroong buhok sa kilikili o wala normal ito’t hindi makababawas ng pagka-binibini, Puno man ng tigyawat ang mukha, hindi ito kapintasan sa sarili. Kahit hindi maayos ang ngipin at may pagitan, mananatiling kaaya-aya ang ’yong ngiti.

Kaya’t huwag mo ng hayaang hindi mangiti kahit sa sarili mong kiliti.

Kung hindi ka man nagagandahan sa iyong sarili kapag humarap ka sa salamin, tandaan mong mas malinaw ang aking paningin kaysa sa iyong kapintasan kapag nasa harap ng salamin.

Isa kang obra maestra, ang dalawang kamay ko’y handang pumalakpak, sumaludo’t humanga.

Sa mundo ng pampalakasan, kinikilala ang iba’t ibang klase ng laro kabilang ang mga larong indoor at outdoor sports Napapalibutan ang indoor sports ng mga laro na ginaganap sa loob ng isang tahanan o pasilidad. Ito ay kinabibilangan ng mga laro tulad ng badminton, table tennis at mga board games. Ang mga larong ito ay karaniwang ginagamitan ng isang bola o shuttlecock at ginaganap sa isang masikip na lugar tulad ng isang gymnasium o indoor places.

Samantala, nangangailangan naman ng field ang mga outdoor sports. Kabilang na rito ang mga larong basketball, volleyball, football, baseball, at hockey. Ang mga larong ito ay kinakailangan nang malalaki o malalawak na lugar upang maisagawa ang mga nasabing laro.

Sinasabing naging sikat ang mga larong indoor sports ng magsimula ang pandemya at paghihigpit sa mga tao na bawal lumabas, maraming manlalaro ang hindi magawa ang kanilang gusto sa labas kaya marami rin ang naglibang at naglaro ng mga indoor sports, katulad ng chess na talaga namang nagsilbing libangan ng mga taong-bahay habang may pandemya.

Matapos ang ilang buwan ng paghihintay, masayang ibinalita ni Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez, sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang pagbabalik sa volleyball matapos magkaroon ng knee injury sa isang laban

“Nakakatuwa na makabalik na ulit sa volleyball at makapaglaro kasama ang aking ani ni Valdez sa “Hindi madali ang pinagdaanan ko noong nagkaroon ako ng injury, pero salamat sa mga tao sa paligid ko na patuloy na sumusuporta at nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.”

Sa loob ng maraming taon, ang basketball ay isa sa mga tinatangkilik na isport sa ating lungsod. Ang mga high school, community center at ang mga lokal na patuloy na umuunlad at lumalago ay patuloy na dumarami ang mga nagkakainteres sa laro. Bagong henerasyon ng mga manlalaro ang lumilitaw, na nagdadala ng panibagong hilig at lakas sa isport.

Ang Mayor Kokoy InterTown Basketball League ng District 2, ang naging daan upang mapagsasama-sama ang mga komunidad sa Pamamagitan ng Sports. Ang basketball ay isa sa pinakatanyag na sports sa Pilipinas. Ito ay nilalaro sa mga paaralan, parke, at maging sa mga lansangan. Ito ay hindi lamang isang laro, ngunit isang hilig na nagbubuklod sa mga komunidad.

Ito ang obhektibo ni Mayor Kokoy Salvador ng itatag niya ang Inter-Town Basketball League District 2. Kabilang dito ang mga lungsod ng San Jose City, Muñoz, Lupao, Pantabangan, Carranglan, Rizal, Talugtog, at Llanera.

Bago ang kaniyang pagbabalik, maraming mga fans at kritiko ang nagtatanong kung kaya na ba ni Valdez na bumalik sa kaniyang dating kalagayan sa volleyball. Ngunit siniguro ni Valdez na siya ay handa na at nakahanda na makipaglaro kasama ang kaniyang mga teammates.

“Matapos ang mahabang panahon ng pagpapagaling,

Nagsimula ang liga noong 2018 bilang paraan upang maisulong ang sportsmanship, health fitness at para makahikayat ng maraming kabataan sa mga bayan sa District 2 ng lalawigan. Ang liga ay binubuo ng mga koponan mula sa iba't ibang bayan, na may mga manlalaro mula sa mga teenager hanggang sa matatanda.

Ang liga ay naging isang pinakainaabangang kaganapan sa lugar, na humahatak ng atensyon ng mga tao na mahilig sa basketball mula sa iba't ibang bayan upang manood ng mga laro tuwing hapon sa nasabing basketball schedule.

Sa mga bagong coach at pasilidad, ang programa ay umakit ng maraming mahuhusay na manlalaro na determinadong mahubog ang kanilang husay sa paglalaro upang magpakitang gilas sa lungsod.

Maraming mahuhusay na manlalaro na umusbong sa iba't ibang lungsod. Mula sa magaspang na mga panlabas na court hanggang sa mga organisadong liga sa mga sentro ng komunidad, ang basketball ay patuloy na umuunlad na bahagi ng ating kultura.

Gilas

nakabalik na ako sa training at nakapaglaro na rin sa ilang practice games,” dagdag pa niya.

“Kahit hindi pa ako sa aking 100% na kondisyon, handa na ako na bumalik at magpakita ng aking galing at husay sa court.”

Hindi lang si Alyssa ang nagpapakita ng determinasyon at kagustuhan na bumalik sa kaniyang sport matapos masaktan. Sa kaniyang mga tagahanga, siya ay isang huwarang modelo ng mga atleta na hindi sumusuko sa harap ng pagsubok.

At hindi lang ang mga manlalaro ang gumagawa ng pagbabago. Ang mga lokal na nangangasiwa ay tinanggap din ang isport, ang mga basketball court ay patuloy na pinapalaganap para pasayahin ang mga manlalaro at mga koponan. Umangat din ang mga negosyo, nag-sponsor ng mga team at nagdonate ng pera para tumulong sa pagpopondo ng mga bagong pasilidad at kagamitan. Ang hinaharap ng basketball sa ating lungsod ay hindi kailanman magiging mas maliwanag. Sa isang bagong henerasyon ng mga baguhang manlalaro sa isport, ang siyang magpapatuloy sa pagsigla ng ating kultura. Sa huli, ang liga ay nagsisilbing paalala na ang sports ay maaaring maging isang makapangyarihang sandata para sa pagsasama-sama ng mga tao at pagbuo ng mas matibay na komunidad. Tunay na naging realidad ang pananaw ni Mayor Kokoy Salvador na gamitin ang basketball para magkaisa ang mga taga District 2, at ito ay patunay ng kapangyarihan ng sports na lumikha ng pagbabago sa mga lungsod.

Ngayon, hindi lang ang kaniyang mga tagahanga ang nag–aabang sa kaniyang pagbabalik sa larangan ng volleyball, pati na rin ang kaniyang mga kasamahan sa team at mga katunggali. Sa kaniyang mga magagandang performance at nakaka–inspire na kuwento ng pagbangon mula sa injury, siguradong patuloy na aabangan at susuportahan si Alyssa Valdez sa kaniyang volleyball journey.

This article is from: