3 minute read
OPINYON
Anahaw
EDITORYAL Pagsuong ng Kabataan sa Panibagong Digmaan
Advertisement
Kasabay ng paghupa ng Covid-19 at ng biglaang pagbubukas ng faceto-face classes sa Pilipinas ang paglitaw ng maraming suliranin at pagsubok na kinahaharap ng mga mag-aaral ng Pilipino.
Nagsimula ang labis na nakahahawa at nakamamatay na virus na pinangalanang Covid-19 sa China ngunit mabilis itong kumalat sa mga karatig bansa tulad ng Pilipinas at hindi nagtagal kumalat na rin ito sa buong mundo.
Dahil sa lubos na nakahahawa ang nasabing virus napilitang isara ng gobyerno ang mga paaralan sa bansa at ipatupad ang distance learning sa loob ng dalawang taon.
Taong 2022 nang magbukas ang full face-to-face classes sa bansa sa ilalim ng new normal na ikinabigla ng mga mag-aaral na nasanay sa distance learning o online class.
Tumaas ang depression at anxiety rate ng mga kabataan sa bansa dahil sa biglaang pagsabak nila sa face-to-face classes kung saan makihahalubilo sila sa
B. AGNES
HEIDE MAE H. PIMENTEL
MARVIE ANN G. LEGASPI
PATNUGOT SA EDITORYAL
SELINA F. FLORES
ANN CHEIZELL B. ILUSTRE
PATNUGOT SA OPINYON
FRANCIS S. GONZALES
ALYSSA P. CARBONEL
PATNUGOT SA PAG U-ULO NG ARTIKULO
ROGELIO G. URIAN
STEPHANY F. REYES
DIBUHISTA
CEL BRYAN O. MONTERICO
PRINCESS ANGEL B. SENERES
TAGAKUHA NG LARAWAN
EDERLYN C. FACUN
MICHAELLA G. PACULGIN
CHRISTINE G. DANGKULOS
JESSAN CLAIRE A. CABALDE
ZAIRA MAE J. BONCODIN
ANNA TERESA M. DELA CRUZ
PRINCES PEARL O. ALVARO
ANGELICA V. CASITA
CHERELYN M. SUMABAT
SHIRLEY PASCUA
KHEVYN KIEL D. POTENCIANO
HERMIONE AEVRIL S. DE GUZMAN
MGA MANUNULAT
JESSICA A. IMPERIAL PhD
JANINA LARA T. CABRERA TAGAPAYO
TERESITA M. CIRCA
JOCELYN T. LEONARDO PhD
KASANGGUNI
Guro, bawal nga bang maging kaibigan?
Isipin mo ang gubat na wala kahit isang puno, parang mundong walang guro.
"Guro ang pangalawang magulang" banggit ng marami ngunit dahil sa Department of Education (DepEd) order No. 49 series of 2022, nabago ang pakikitungo ng guro at estudyante sa isa't isa.
Tungkol sa order na inilabas, ang di-umanong guro ay dapat iwasan ang relasyon, pakikipagugnayan,pakikipagkaibigan, komunikasyon sa labas ng paaralan at kabilang ang pag-follow sa social media sa mga mag-aaral para sa setting ng paaralan, maliban kung sila'y magkamag-anak. Gayundin upang maiwasan ang pagkakaroon ng krimen na maaring mangyari. Kaysa sa pagpapatupad ng mga ito bakit hindi na lamang mas tugunan pa ng pansin ang kakulangan ng guidance counselors para sa mental needs at mabigyan ng abiso ang mga mag-aaral. Tulad ko na estudyante ang komunikasyon sa aking guro ay mahalaga sapagkat ito ang isang paraan ng aking pagkatuto sa loob man o sa labas ng paaralan kaya't hindi makatarungan para sa akin ang di-umanong ipinatitupad na ito. Nagiging usap-usapan ang mga isyu ng guro at estudyante ngunit sapat ba na ang DO 49 na ito upang siyang makapagpipigil sa diumanong maling gawain. Marahil ang ilan ay sumasang-ayon sa utos na ito ngunit nahihinuha ko na ito'y magiging pahirap lang sa aming mga estudyante dahil kailangan din naman namin ng gabay ng aming guro kahit sa labas pa ng paaralan.
Ilan sa mga guro ay nagkakaroon ng bias sa kanyang mga estudyante, ang ilan pa ay sila-sila na rin ang nagkakasakitan na pinagmumulan ng mabigat na krimen. Tulad ng isang estudyante at guro na nagiinuman nang biglang saksakin ng estudyante ang kanyang guro.
Sa ganitong pangyayari may tiyansa na mapigil ng DO 49 ang ganitong klaseng krimen ngunit ang kasalanan ba ng isa ay kasalanan nang lahat? Hindi ito maaari sapagkat ang bonding sa aming guro ay kailangan namin dahil isa rin ito sa paraan upang mas mabuo ang aming samahan para sa matagal na panahon. napakaraming tao araw-araw sa kabila ng nakasanayan nilang home-based classes na mag-isa o pamilya lamang ang kanilang nakakasama.
Marami ang gurong talagang nakatutulong sa kanyang estudyante, ilan dito ay kinukupkop na ang mga ito, pinapakain at binibihisan. Kung ang ugnayan ba na ipinaiiwasan, resulta'y nasasabing dapat na ring itigil ang pagtulong?
Lumalabas sa ipinatupad na order na tinatanggalan ng karapatan ang mga guro na magkaroon ng pagkakaibigang turingan sa labas ng paaralan dahil sa kasalanan na parang kasalanan nang lahat?
Guro-Turo, kailan kaya tayo mabubuo?
Tumaas din ang rate ng mga mag-aaral na palaging nahuhuli sa klase sapagkat hindi pa sila sanay na gumising nang maaga, gumayak sa pagpasok sa paaralan dahil sa online learning pupwede silang hindi na maligo o dumalo sa klase kahit kagigising lang.
May mag-aaral ding masayang bumalik sa klase dahil magkakaroon na sila ng pagkakataon na makipagkaibigan ngunit hindi na nila kinikilatis kung mabuting impluwensya ba o hindi ang kanilang kaibigan.
Maraming mag-aaral din ang pumapasok dahil sa baon ngunit pagdating sa paaralan tatakas sila at ibibili ng kung ano-ano ang perang binigay ng kanilang magulang tulad ng sigarilyo at alak.
May pagkakataon din na hindi sapat ang kahandaan ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase at nagkakaroon ng kapabayaan sa loob mismo ng paaralan tulad ng mag-aaral na tumatakas sa oras ng klase at mga taong-labas na may masamang intensyon ang nakapapasok nang malaya sa loob ng paaralan na nagdudulot ng kapahamakan sa mga batang nasa loob ng nasabing institusyon. Hindi natatapos ang pagsubok ng mga mag-aaral sa paghupa ng Covid-19 at ng pagbubukas ng klase sa Pilipinas sa halip, nagsisimula pa lang ang panibagong digmaang kahaharapin ng kabataang Pilipino kaya nararapat lamang na mas paigtingin pa ang pagbabantay sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral ng Pilipinas.