2 minute read

PANATA SA TAGUMPAY PANATA SA Kauna-unahang Rural Farm School sa Dibisyon, Inimplementa sa Caanawan

Inilunsad ang opisyal na pagbubukas ng kaunaunahang Rural Farm School sa Dibisyon ng San Jose City sa Caanawan National High School (CNHS) na pinamumunuan ng punongguro na si Dr. Jocelyn T. Leonardo at mga Techonology, Livelihood Education teachers, na may temang “Increasing the Farm Productivity through Technological Updates and Entrepreneurial Activities” nitong Disyembre 13, 2022.

Naitatag ang Rural Farm School alinsunod sa RA 10618 na naglalayon na magkaroon ng mga non-traditional schools sa ilalim ng pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon na maglilinang sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pangangalaga ng mga hayop,

Advertisement

OPINYON pagtatanim ng mga gulay at iba’t ibang halaman at pangangasiwa ng mga ito hanggang maging produkto para sa industriya at kalakalan. Matagumpay na naipatupad ang programa sa pagtutulungan nina Regional Education Program Supervisor EPP/TLE/TVL-CLMD, Reynaldo G. Castillo, Curriculum Implementation Division Chief, Veronica Paraguison, PhD., Schools Division Superintendent, Gng. Johannah Gervacio, at ng pamunuan ng Caanawan National High School sa pamumuno ni Jocelyn T. Leonardo, PhD. at Gng. Sheila Marie Baluran, Rural Farm School Coordinator, mga kaguruan ng CNHS, mga magulang, at 30 piling mag-aaral mula sa Grade 7.

Ayon kay Gng. Glaiza Wagan, SHS teacher na nagwagi bilang isa

ni Rubie M. Dela Cruz

sa Regional Writers on Crafting of Rural Farm School Curriculum Guide and Self–Learning Modules, ang pagkakaroon umano ng space for agriculture ang naging dahilan kung bakit ang Caanawan NHS ang nagpasimula nito sa buong dibisyon.

“Nag–qualified tayo riyan kasi may space tayo, supported tayo ng LGU [at] ng Division Office,” saad ni Gng. Wagan.

Inaasahan na mako–kumpleto ng mga piling mag–aaral mula sa Grade 7 ang apat na bahagi ng RFSC; Agriculture, Fisheries, Animal Poultry, at Food Processing. Layunin nito na hindi lamang mga estudyante ang makikinabang sa programa, gayundin ang komunidad. Sapagkat maaaring ibenta sa merkado ang mga

Go, Sis! Girl Power! Sulong Kababaihan!

maaaning mga gulay, karne, isda, at palay na kung saan makatutulong itong masolusyunan ang magiging kakulangan sa suplay.

Ayon pa rin kay Gng. Wagan, inaasahan umano nila na magiging skilled at equip ang mga bata na nagnanais maging future farmers ng paaralan at komunidad.

BUNGA NG PAWIS. Caanawan National High School, muling nakamit ang Search for Best Implementers of Oplan Environment as per Division Memo. No. 448, s 2022 sa ikalawang sunod na pagkakataon. -Cel Bryan Monterico

CNHS, muling nanguna sa Oplan-E

Nasungkit muli ng Caanawan

National High School (CNHS) sa pangatlong sunod na pagkakataon ang kampeonato sa isinagawang Search for the Best Implementers of Oplan

Environment sa Dibisyon ng San Jose noong ika-17 ng Pebrero, taong kasalukuyan.

Pinamunuan ni School Oplan

Environment Coordinator, Ariel

B. Santiago, isang guro sa CNHS na nagtuturo ng asignaturang

Technology and Livelihood

Education (TLE) Agriculture, hindi umano niya inaasahang magtatagumpay silang makamit ni John Lester R. Montales ang pagiging kampeon. Isang malaking karangalan ito hindi lang para sa kaniya kundi pati na rin sa paaralan ani ni Santiago, dahil animnaput isang (61) pampubliko at pribadong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya ang nagpaligsahan sa pag-iimplementa ng Oplan Environment.

“When there is unity, there is victory” ani pa ni Santiago, hindi aniya nila makakamit ang pagkapanalo kung hindi dahil sa tulong ng mga guro at estudyante ng paaralan.

This article is from: