8 minute read
TATAK CAANAWENIAN
Punongguro ng Caanawan, nagkamit ng karangalan
Nakatanggap ng parangal ang punongguro ng Caanawan
Advertisement
National High School na si Jocelyn T. Leonardo, PhD matapos makamit ang ika-anim na pwesto sa idinaos na Regional Search For Most Outstanding
Teacher and School Heads of DepEd Region lll noong ika–4 ng Oktubre, taong 2022.
Nakatunggali ni Dr. Leonardo ang siyam na kwalipikadong kalahok sa una at ikalawang bahagi ng patimpalak na mula sa iba’t ibang school division sa buong Region lll.
Mayroong tatlong bahagi ang nasabing patimpalak; Paper Screening, Validation and Background Investigation, at Demonstration Teaching, para sa kategorya ng mga guro at School Leadership Assessment at Interview naman para sa punongguro.
Layunin ng nasabing patimpalak ang magbigay ng komprehensibong sistema ng pagbibigay pagkilala sa pagiging produktibo, malikhain at etikal na pag–uugali ng mga empliyado sa pamamagitan ng monitory at non–monitory awards at incentives.
“Isang malaking karangalan
Tree Planting sa Caanawan, Isinagawa na ako’y napili ng ating Division na maging entry sa ating Regional Search For Most Outstanding
Nagsagawa ng Tree Planting Activity at Adopt a Barangay Program ang Caanawan National High School Faculty and Staff upang makatulong sa pagsagip sa kalikasan dulot ng nangyayaring global warming sa daigdig, pinalawig ng paaralan ang adbokasiya nito sa Oplan Kalikasan noong Enero 20, 2023, sa Sitio Cumabol, Caanawan, San Jose City.
Nais ng aktibidad na makapagbigay ng suporta sa paglaban sa global warming sa Barangay. Walong boluntaryong mag-aaral at dalawang guro na sina Manuel V. Reyes, Jr. at Cristina F. Pablo mula sa Caanawan National High School ang nakiisa sa nasabing programa.
Isa sa mga susi sa pagligtas ng kapaligiran ang pagtatanim ng mga puno na nakatutulong sa pagbaba ng epekto ng pagbabago ng klima.
“Nag-volunteer ako sa tree planting activity para makatulong sa pagkontrol ng klima at para mapalitan ang mga punong naputol dahil sa mga iligel na gawain,” wika ng isa sa walong nagboluntaryong mag-aaral sa Tree Planting Activity at Adopt a Barangay Program.
Pinaniniwalaang napakahalaga ng isang puno para labanan ang global warming.
Naging matagumpay ang isinagawang aktibidad gawa nang pagtutulungan ng mga guro at magaaral ng Caanawan National High School, mga opisyal ng Barangay Caanawan sa pamumuno ni Chieftain Bernardo Manocdoc, at konsehala Merly Quinto.
Secondary Head ngayong taon na ito at mas malaki ang aking pasasalamat sapagkat tayo ang napabilang na finalist sa ating Search For Most Outstanding Secondary School Heads. Itong paggawad na ito ng karangalan sa amin ay magbibigay pa lalo ng inspirasyon sa akin upang lalo pang pagbutihin ang pagsisilbi sa lahat ng ating mag–aaral,” pahayag ni Dr. Leonardo. Dagdag pa nito, “Magsilbi nawang inspirasyon sa mga katulad kong namumuno sa bawat paaralan na makabuo ng magagandang gawain at adhikain para sa ating mag–aaral, na nabibibyayaan ng ganitong recognition mula sa ating Department of Education.”
Sa huling bahagi ng patimpalak, binigyan lamang ng ilang minuto ang mga kalahok upang ilaan ang kanilang pagtataya at pahayag na nagsilbing basehan sa pwesto ng mga kalahok na nagkamit ng karangalan.
Ikinararangal ng buong Division ng San Jose City ang mga school head at ang mga guro na nagpapakita ng dedikasyon at husay sa serbisyo ng pagtuturo mapa–new normal man o face-to-face classes.
Bahagdan ng Nagpatala, Bahagyang Bumaba
ni Rubie M. Dela Cruz
Pumalo sa 1681 ang enrollees ng Caanawan National High School ngayong taong panuruan 2022–2023 mula sa 1815 noong nakaraang SY 2021–2022.
Nabawasan ang bilang nang mahigit sa pitong porsyento.
Grade 8 ang may pinakamalaking bilang ng nagpatala na may kabuuang bilang na 345 na hinati-hati sa walong seksyon. Sinundan ito ng Grade 9, 312, Grade 10, 299, Grade 7, 280, Grade 11, 262 at ng Grade 12 na may kabuuang 183 enrollees.
Binubuo ang 1681 ng 799 na kababaihan at 882 na kalalakihan.
Ayon kay Learners Information System Coordinator, Gng. Andrea
Mga Inobasyon sa CNHS, Itinanghal sa Division Curriculum Innovation
Showdown
Nagtanghal ang mga guro ng Caanawan National High School (CNHS) at ang punongguro nito, Jocelyn Leonardo, PhD., sa idinaos na 1st Division Curriculum
Innovation Showdown noong Oktubre 28, na kung saan nakapag-uwi sila ng mga parangal para sa kanilang mga proyektong inobasyon.
Nilikha ang programa upang makahikayat ng mga paaralan na maghanap ng paraan para mapabuti ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa panahon ng COVID-19.
Nabigyang pansin ang ilan sa mga inobasyon mula sa CNHS katulad ng Project CNHS ni Jocelyn Leonardo, Project iRest ni Shiela Marie Baluran, at Anahaw Tri-Media nina Jessica Imperial at Janina Cabrera.
Ayon kay Jessica Imperial, isa sa mga gurong gumawa ng mga inobasyon, pinapahusay ng Anahaw Tri-Media ang abilidad sa larangan ng pagsulat ng mga mag-aaral at guro, para ipaalam sa komunidad ang mga sariwang programa ng paaralan.
Dahil dito hinihikayat ang mga guro ang hinihikayat na bumuo at magbigay ng kanilang sariling mga inobasyon.
L. Nario, ang pagbubukas umano ng mga pribadong paaralan ang nakikita nilang dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng enrollees sa Grade 7.
“So dati, may mga nagsara na private school kaya karamihan lumipat sa public, kaya ganoon nalang ang epekto nito ngayong panuruan” ani ni Nario.
Malaki ang naging epekto ng pandemya sa bilang ng enrollees ngayong taon, dagdag nito. Ang paglipat din umano sa ibang lugar o tirahan at paaralan na nag–aalok ng kanilang gustong strand ang dahilan kung bakit bumaba naman ang bilang ng nag–enroll sa Senior High School.
Na Pahayagan Ng Caanawan National High School
Mga istratehiya sa Pagtuturo, ibinida sa Division Action Research ni Cel Bryan O. Monterico
Tumugon ang mga guro ng Caanawan National High School sa naging hamon ng Dibisyon ng San Jose na makabuo ng action research matapos nila itong matagumpay na madepensahan, nitong Enero, 13-17 2023.
Nagsilbing panels sina Assistant School Division Superintendent (ASDS) Donato B. Chico, Darius P. Tolentino, EPS, Science, Diwata D. Duran, Evelyn C. Nocum, EPS, TLE, Chief Veronica Paranguison ,Curriculum Implementation Division (CID), Ma’am Sierma Corpuz, EPS, Mathematics, Marcos C. Vison, EPS, English,
Chief Romeo Viemudo, School Governance Operation Division (SGOD), Dr. Sheralyn Allas, Ma’am Beatriz Martinez, Allan Moore Cabrillas, Dr. Marissa Allas at Sir Exlan Timbol. Kaugnay ng Division Memorandum No. 030, 2023 o “Presentation of Submitted Research and Innovation Proposal and Final Research Output, 16 guro mula sa CNHS ang dumalo sa tinawag na “Action Research Defense”.
Pinangunahan naman ng punongguro na si Dr. Jocelyn Leonardo na sinundan nina Gng. Reginilda Rosendo, Shiela Marie Baluran, Christine Joy Fernandez, Jhoanna Marie Valdez at Jin Orpha Dela Cruz ang mga sumabak sa unang grupo.
Sinundan naman ng ikalawang grupo sa ikalawang araw nina Gng. Jessica Imperial, Mary Ann Enriquez, Andrea Nario, Maricel Doyongan at Kriza Lea Cabico. Pinangunahan naman nina Lorelie Rebustillo, Princess Joy Baniqued at Honeylyn Corpuz ang pagsabak ng ikatlong grupo. Kabilang naman sa ikaapat na grupo sina Jennifer Bulaong, Elenor Vallangca, Eliseo Peralta, May Joan Videz, Elgin Bautista, Alvin Oliveros at Roseanne Tiburcio.
Layunin ng “Action Research” na masolusyunan ang mga suliranin na nararanasan ng mga mag-aaral at makatuklas ng bagong Teaching Straretegies na makakatulong sa pagkamit ng quality education.
Bakuna para sa Pandemya Infomercial, kampeon sa One Health Week ng Dibisyon
Caanawenians, namuno sa Lungsod San Jose ni Vindrel G. Velasco
Lumahok ang tatlong estudyante ng Caanawan
National High School sa ginanap na ‘Linggo ng Kabataan 2023’ na programa ng San Jose City, Nueva Ecija Local Government
Unit nitong ika-17 hanggang ika21 ng Oktubre 2022.
Kasama sina Supreme Student Government (SSG) President
Owie Leira Lapuz, SSG Vice President Vindrel G. Velasco at Barkada Kontra Droga President
Alyssa P. Carbonel, sa highlights ng programang ito, nagkaroon ng botohan kung sino ang tatanghaling
Little City Officials na nakamit ni Lapuz ang pangalawang puwesto para sa Little City Councilor, Itinalaga naman si Carbonel bilang
Little City Chief of Police Officer at si Velasco naman tumayo bilang
Little City Licensing Officer Head III.
Nanungkulan din noon si Carbonel sa ibang lugar kung kaya’t nanibago raw siya sa mga aktibidad na inilatag ng Lungsod San Jose.
“Marami akong in-expect dito sa San Jose, tapos ngayong nasama ako sa Linggo ng Kabataan office activities malayo siya sa ginawa namin sa Baguio City noon na nanungkulan din ako bilang City Official,” saad ni Carbonel.
Layunin ng ‘Linggo ng Kabataan’ na pahusayin ang pamumuno ng mga kabataan, palawakin pa ang kanilang kaalaman at matugunan ang kahalagahan ng kabataan sa komunidad sa isang linggong panunungkulan sa City Hall.
Special Program in Journalism, bagong
Seksiyon sa Grade 7 ni Jessan Claire A. Cabalde
Nagkamit ng unang pwesto ang Caanawan National High School bilang Best COVID-19 Vaccination Advocacy Infomercial sa idinaos na One Health Week 2022 nitong ika-18 ng Nobyembre.
Nilahukan ng iba’t ibang paaralan ang patimpalak na naglaban-laban ang mga nasa elementarya at sekondarya kasama ang CNHS na nilahukan nina Vindrel G. Velasco, Aprilyn Biendima at Adrian Lloyd Jusi.
Sa patuloy na pandemya, marami ang nakararanas ng kawalan ng katiyakan at pagkabalisa tungkol sa halos lahat ng bagay mga tao, pagkain, kapaligiran, at lalo na ang mga bakuna.
Narito ang ilang impormasyon mula sa tatlong minutong infomercial na isinumite ng paaralan: Una, Ang COVID-19 ay isang sakit na dulot ng coronavirus. Nakakaapekto ito sa mga baga, daanan ng hangin, at iba pang bahagi ng katawan.
Pangalawa, Ang mga namamatay ay dahil sa COVID-19 at hindi sa bakuna. Ang kanilang pagbabakuna ay walang kinalaman sa mga naiulat na namatay sa Covid-19. Ang dami ng oras na maaari kang mabakunahan ay depende sa iyong edad o kalusugan.
Pangatlo, Para sa edad na lima hanggang 11, dalawang dosis ang kinakailangan; Para sa edad na labindalawa at mas matanda: tatlong dosis ang kinakailangan; Para sa mga health worker, senior citizen, at immunocompromised: apat na dosis ang kailangan. Maraming vaccination site sa bansa, makipag-ugnayan sa inyong LGU para malaman kung saan ang vaccination site sa inyong lugar.
Mahalagang malaman ang kahalagahan ng pagiging bakunado. Sinasanay ng mga bakuna ang ating immune system na kilalanin ang target na virus at lumikha ng mga antibodies upang labanan ang sakit nang hindi nakukuha ang sakit mismo.
Pagkatapos ng pagbabakuna, ang katawan ay handa na upang labanan ang virus kung ito ay nalantad sa ibang pagkakataon, sa gayon ay maiwasan ang sakit.
PAGIBANG DAMARA SA
BAYAN NG SAN JOSE
Ipinagdiriwang ang Pagibang
Damara Festival sa San Jose City, Nueva Ecija bilang paraan ng pasasalamat sa masaganang ani sa buong taon sa tuwing sasapit ang ikatlong linggo ng buwan ng Abril.
Kabilang sa mga palatuntunan sa Pagibang Damara Festival ngayong taon ang Mr. & Ms. San Jose City, na kung saan magtatagisan ang mga piling kalahok ng ganda at talino, ang trade fair, senior’s night, gabi ng mamamayan, colour run at street concert kasama ang dalawang pinakamahusay na banda ng bansa; This Band at Kamikazee.
Bagamat wala ang nagpapasigla ng pista at ang nagpapanabik sa mga mamamayan, ang streetdancing competition na nilalahukan ng mga pribado at pampublikong paaralang sekondarya ng lungsod, inaasahan pa rin na malulugod ang bawat isang San Josenio at magbibigay ng kasiyahan na tatatak ang Pagibang Damara Festival bilang isang hindi malilimutang
Binuksan ng Caanawan National High School ang Special Program in Journalism (SPJ) San Jose City, isang bagong seksyon ang idinagdag para sa grade seven learners ng CNHS sa pagsisimula ng school year 20222023, noong Agosto 22, 2022.
Tumatanggap na ngayon ang CNHS ng mga naghahangad na mag-aaral at gustong matuto kung paano magsulat ng iba't ibang uri ng mga artikulo.
Sa panayam ng isa sa mga mag-aaral ng SPJ, Aliya Isabella Tintero, na maganda ang nasabing seksyon dahil nakakatulong ito sa kanilang pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa pagsulat ng iba’t ibang balita, "As a student po na parte ng bagong section ng SPJ, Maganda po siya kase po mas lalong lumalawak yung kaalaman namin about sa journalism at sa pagsusulat na rin po ng mga balita,” ani niya.
Ipinahayag din ni Tintero na sa una ay hindi niya matukoy kung ano ang kaniyang mararamdaman dahil hindi rin niya inaasahan na magiging bahagi siya ng seksyong tinatawag na SPJ.
“Noong una po hindi ko po talaga alam mararamdaman ko, kasi wala rin po akong experience sa pagsusulat ng mahahabang balita, tapos ngayon po kasama na po ako sa SPJ is marami na po kaming naisusulat so medyo nakaka–surprise rin po,” saad nito.
Ayon pa sa kaniya, ngayon na nasa landas na siya ng pagiging isang mamamahayag, ipagpapatuloy niya ang kaniyang nasimulan.