1 minute read

Teka! Timeout Muna, Guys, Chill lang!

mga mag-aaral.

Mapalad

Advertisement

BOSES NG CAANAWENIAN

Tanong sa piling mag-aaral, sumasang-ayon ka ba sa mga canteen outside oo o hindi?

TAG-INIT NA NAMAN, ANO BALAK MO NGAYONG MAINIT? TARA SWIMMING?!

Maraming Caanawenian ang nahuhumaling sa pagkain na mabibili sa School Cafeteria, iba’t ibang klase ng mga tinapay, lumpiang gulay at sari-saring pritong pagkain. May lutong ulam din at pansit na mas kilalang ‘bahog’. Malinamnam at masusustansya naman ang mga tinda sa canteen. Sulit sa bulsa ang mga paninda nila.

Dahil sa dami ng mga magaaral naglitawan ang mga malilit na tindahan na animo talipapa na matatagpuan pagpasok ng Caanawan. “Canteen Outside” ang maituturing sa kanila. Katulad ng school canteen nagtitinda rin sila ng sari-saring pagkain gaya ng milktea at iba pang produkto na wala sa school canteen. Subalit sa likod ng satisfaction ng mga magaaral ay ang mga basurang nagkalat sa paligid ng Caanawan na siyang dahilan kung bakit nilimitahan ang oras ng pagtitinda ng mga outsider. Kahit na ang mga ito ay may sapat na pahintulot mula sa Baranggay Caanawan at dumaan sa proseso upang legal na makapagsilbi sa

Kumikita ang mga tindahan sa labas at naging daan ito pang matustusan ang pangagailangan ng kani-kanilang pamilya, subalit kaakibat nito ang responsibilidad na dapat naman gampanan ng mga nagtitinda, walang iba kundi ang kaligtasan ng kanilang mga consumer mula sa preparasyon hanggang sa makain ito ng mga mag-aaral. Kinakailangan ding panatilihing malinis ng mga tindahan ang paligid bago at pagkatapos ng pagtitinda at hindi dapat ito sagutin ng paaralan.

Maaari silang magtinda pagtapos ng klase sa kampus at kapag uwian na, subalit kailangang mapanatiling malinis ang paligid upang maging kaiga-igaya itong tingnan. Laging tandaan, na ang Caanawan National High School ay isang ligtas na paaralan, sa loob man o sa labas at karapatan ng bawat isa na magkaroon ng pangalawang tahanan na malinis, maaliwalas, mabango at ligtas sa lahat ng oras.

Oh, Teka, out ka muna riyan. Sumunod ka lang ay okay na. Dapat responsable ka kaibigan.

GUHIT NI : STEPHANY F. REYES

This article is from: