(Dula) Lipunan (Hango sa TEF)

Page 1

TEATRO UMALOHOKAN “TEF” Konsepto nina: Gab Carreon, Andrew Estacio, Irvin Robles Isinulat ni: Andrew Estacio

Tauhan: *Kantatero, CAS, ‘11 *MariongMakiling, CFNR, ‘11 *Mariposa, CEAT, ‘10 *Katipunera, CHE, ‘12 *Meangirl, CDC, ‘13 *Ate Lights on kay Ateng lumalakad papuntang gitna ng entablado, may hawak na Ipad, tila busy sa binabasa niya. Maya-maya’y tatawa at pagkaraan ay matatahimik at unti-unting malulungkot, para bang may Bipolar. Ate: Right click! Select search tab and type. Open the page, scroll down. Read. Ang dami, dami, dami! Grabe, oo, ang saya-saya, nakakatawa, nakakabaliw, nakakaantig, nakaka-LSS, nakakaloko, nakaka-horny, nakakainis, nakakatakot, nakaka-pamulat, nakakapagbago, nakaka-pampawala sa sarili. Ano pa bang adjectives? Basta naghalu-halo yung mga ‘yon habang nagbabasa ako ng…bakit ko nga ba sasabihin? Eh ‘de baka malaman niyo yung mga boldest and fiercest secrets ng mga “iskeylar ng beyen”. So many confessions to share with you, guys! Ngayon, ang dami ko nang nalalaman. Hasang-hasa ang mura kong kaisipan. Latest news? Check! Latest gossip? Double check! Latest chika na hinango sa ex ng kabit ng jowa ng blocmate niya? Check na check! Minsan iniisip ko kung totoo ba ‘tong sinusulat ng mga taong ‘to. 5 notifications. Ay! Nag-announce na naman si Sir sa FB group. Mamaya na yang acads na ‘yan! Nakaka-stress at nakakapagod. Libang-libang din pag may time! Halika’t tayo’y humarap sa screen ng katotohanan. Titig, baba, scan, skim. (Mapapatigil sa biglang nabasang post) “Kating-kati ako sa…” Ay! Si koya nag-iinit? Heto na naman tayo sa… wait, scroll down, scroll down pa, sige pa (emotion na para bang malapit na “sa tuktok ng kaluwalhatian”) Papasok si kuyang Kantatero sa side. Hindi mapakali, halatang kakaiba na ang nararamdaman


Kantatero: …oo, sige pa! ‘Posted: 22 hours ago, Public’ Hiyaw ni grlfriend. Gusto kasi niyang ginagawa namin ang pagriritwal kapag mag-isa ako sa dormitoryo. Ayos! Wala si roommate, umuwi yata sa probinsya. Eh, malapit na kasi noong magbakasyon. May requirements pa akong dapat ipasa kaya nasa Elbi pa ko. Eh, kaso wala rin pala si GF. Tsk. *Sigh* Sa sobrang boredom, nilabas ko na laptop ko at hinalungkat yung mga videong-alam-nang-pinapanood-kapag-nag-iisa. Segway pa si ate Peyborit kong gawain ang mag-“tut” when I watched my 1-Gig-sized movie. So ayun, skip, skip, skip, ‘yan! ‘Eto hehehe. Okay na sana ang lahat, masaya na, mainit na, ng biglang *click* sabay bukas ng pinto at pasok ni roomie. “Um . . .” sabi ni roomie “Ay dre sorry!” sagot ko kay roomie sabay tinago si junjun. Akala ko magkaka-awkward silence. Akala mag-fefacepalm siya. Akala lalakad siya palayo. Pero hindi! Unti-unti siyang lumapit kasabay ng pagtikim niya sa kanyang mga labi. Ako naman, palayo nang palayo hanggang sa nahiga. Pumaibabaw siya sa akin; ang mukha niya malapit sa’kin, ang kanyang dibdib sa dibdib ko. Ramdam ko ang paghinga niya. Hanggang sa . . . At ayun, inabot ng isa’t kalahating oras ang pagriritwal. Hindi ko alam pero parang nagenjoy ako. Okay din naman si roomie; masaya kasama, pogi, may katawan . . . Argh! Naguguluhan na ako. May GF na ako. Alam ko sa sarili na straight ako pero bakit nahuhulog ako sa kapwa kong lalaki? Kadiri! Yuck! Masarap. Argh! Hindi ko na alam anong gagawin ko. Sorry GF kung may iba akong nakaka-make out. Eh, hindi ko rin naman kasi kasalanan. Nadala ako sa aking kalibugan. I still love you bhe. Pero sorry. I got laid with a guy. Ate: from Kantatero, CAS ’11. 98 likes, Click for comments. (babasahin) ‘‘The *fudge* did I just read?’’/“Eh, may iba rin naman palang binibinyagan si boy!”/ “Virginity does not exist anymore”/ “Girls becoming whores for boys’ past-time” / “I smell a bi here” Reload page, new entry, posted a minute ago. Pasok sa entablado si meangirl, mayabang, pa-konyo, maarte Meangirl: Sa lahat ng nakababasa nito, whether you like it or not, wala akong pakialam. Just wanted to share how I feel: OMG! UP has always been my super-duper dream university! And now, yey! I can already see Manong Oble ready to embrace me with his wide arms. So happy, happy talaga! It’s like studying in Harvard University yet in Philippinized version! (tatawa na parang Kris Aquino) And now, It’s me version Iskolar ng Bayan dash 2.0. K! Oh my God, I have to study really hard and best all other students here so that my parents could afford me my new Mercedes pink car freshly from other country, not here of course! Pero, OMG! Mukhang magiging ilusyon na lang kasi pumapalya ako sa Stat 1. Nakakahiya naman for such an elite girl


like me. Kailangan kong galingan sa Acads kasi sabi ni kuya, pagdating ng araw, I could have my new Mercedes pink car with matching Gandingan trophy in it. ‘Di ba ang galing ko, I’m a UP Stud! Kasi ‘pag graduate ka ng UP, my God, ang bilis kong yayaman at matutupad ang mga pangarap kong sumikat. Stat 1, please don’t delay me. Meangirl from CDC, batch ’13. Ate: Hit like! Now 101 likes, 100 comments, scroll down. From ate B, “Te! Ganyan na ba kakipot isip mo kung bakit ka nag-aaral? Shame on you, with matching pak yow!” Mula kay Kuya A, “Eh kasing walang hiya ka pala’t kalahati ng mga pulitikong nagpapayaman ng kaalaman sa pagnanakaw ng pera! Where’s honor and excellence?” Sabi ni Ms. C, “the best you Gandingan trophy. Sarap ihampas sa mukha mo.” Papasok si Katipunero, aktibista, palaban Katipunera: Mga Kapwa ko Iskolar ng Bayan, ating paglingkuran ang sambayanan! Talamak ang isyu ng pagpababawal sa mga Org na mag-recruit ng mga Freshmen. Ito ay pagpipigil sa freedom and privilege na maranasan nilang matuto at mahubog bilang mga iskolar na may mas malawak nang perspektibo sa unibersidad at sa bayan. Patuloy bang lalasunin ang mura nilang kaisipan sa marupok na sistema? Now is the time for us to take action! Huwag na sana pang mag-discourage ng mga taong sana’y magbibigay ng kanilang potensyal at kakayahan. Huwag na sana pang ipamukha ang inequality sa sangkaestudyantehan, “na ang upper lang ang may kaya at ang Freshmen ay hindi pa” Tumimo sana sa isipan na ang UP ay isang malayang Unibersidad. Pero saan ang kalayaan kung ikaw ay pinagbabawalan?! Fight for the right to organize! Ako si Katipunero, mula sa CHE, batch 2012. Ate: Comments: “Bilang Freshie, nararapat na ituring silang kagaya ng mga estudyante sa UP!”/ “Rules are rules! Wag nang paka-pasaway, aral muna di ba, di ba!” /“’Di ba highly discouraged lang naman daw, may existing right to organize ang mga freshie!”/ “Orgs are a family to you, nage-enjoy ka na at the same time, natutunan mong magbalanse ng oras.” Papasok si MariangMakiling, opposed sa activism, masyadong makasarili, mainit ang ulo MariangMakiling: Para sa kaklase kong full-pledged aktibista. Hindi sa minamasama ko pagiging aktibista mo, pero girl, subukan mo naman kayang mag-aral. Pinag-aral tayo ng mga magulang natin sa UP tapos ikaw lagi kang absent. Eh kasi naman, nasa daan ka, nakiki-rally, nakiki-sigaw, eh sa huli’t huli, wala naman ding napala. Estudyante ka rin! Kung tunay kang naglilingkod sa bayan, responsibilidad mong mag-aral nang mabuti para naman balang araw,


mapaunlad mo rin ang bansa natin. Ako nahihirapan sa’yo eh, feeling ko drop ka na sa marami mong subjects. Learn to prioritize! Pinababayaan mo sarili mo. Tandaan, hindi lang sa rally nadadaan ‘yang adbokasiya mo. Please. MariangMakiling of CFNR batch 2011 Ate: showing comments, here, one says, “tama, bullshit ang mga rally ngayon kung laging bingi ang gobyerno noh…”/ “Sorry kung nasa rally siya, ipinaglalaban kasi niya Edukasyon mo eh.” The other says, “this is so pathetic. Are you not gonna appreciate what he/she does for the sake of everyone’s justice? Protest actions are an eye-opener, a strong foundation that can move and change the wrong ideology. Without these, Martial law and impunities could have been perpetuated, or even your privilege to study might vanish into thin air. Then you’ll say walang napapala sa ginagawa niya/ “Kuya, hanggang kalian ka uupo at tututok sa libro mo? Iskolar ng bayan, ngayon dapat lumaban!” Entrance si Mariposa, bakla, bigay na bigay, OA sa pagka-effeminate, maraming gustong sabihin at ipaglaban Mariposa: Hello! Sana ma-post ‘to ng admin. Insert inhale, exhale here. Bata pa lamang ako binu-bully na ako. Tinutukso-tukso ako ng mga kaklase ko noon sa school. Naalala ko noong dumaraan ako sa may gate namin, ibo-bombard na ko ng mga nakakainis na tukso. Tapos ginagaya pa nila kung paano ako lumakad na may kasamang kembot, yung pagtikwas ng mga kamay ko, yung pagtikom ko ng aking mga hita, at ang mahinhin kong pananalita. Hindi ko talaga mapigilang sabihin ito: (tapos biglang bibigay) kasi sirena akech! Oo, sobrang sama naman nilang husgahan kung sino ako. Dahil ba I don’t perform what the society wants to a being born with a ‘lil birdie? Catch-basin na yata ako ng maraming salitang magpapasugat sa puso ng isang paru-parong bakla. Alam niyo, natatakot na ‘ko kasi akala nila lalaki talaga ako. Akala nila I like girls. Pero hindi, mahirap aminin kasi baka saktan na naman ako. Ngayon, balot ako ng maskara. Ang hirap magkunwari gayong nahahalata naman ng iba. Lalo na si...secret! Clue: nagdo-dorm din siya sa taas, at malapit kami sa isa’t-isa.Yeah, inspirasyon ko siya, mahal ko siya. Sorry kung pinagnanasahan kita. I am a guy who loves a guy. Go LGBT! Equality din pag may time. The end. Insert butterfly wings here. Fly, fly! Mariposa ng CEAT ‘10 Ate: Ay! Super Like! View comments: “don’t be afraid of showing them who and what you are as long as you don’t hurt others.”/ “Fuck society for its heteronormativity! World is too small for LGBTs to have their own space and respect!”/ “Koya, kapag mananatiling kang nagtatago, mas lalo kang mapapahamak.char!”/ “Okay lang naman yang pagka-bakla, kaso sana ‘wag ka lang lalandi nang todo sa mga guys haneh?” / “Beki power! LOL” Gigitna si ate habang ang iba’y nakatalikod, haharap na sa audience.


Dami, dami, dami! Taas, baba, pindot, basa. (Each side shows different facial expressions regarding the characters. Kada sabi, haharap ang isang character mula sa pagkakatalikod.) Harap sa kanan, harap sa kaliwa, sa likod, sa gitna. (serious na rito) Iba’t-ibang mukha ang naglalarawan sa tago nitong pagkakakilanlan. Sinu-sino kaya yang mga taong yan? Dami pang inarte, dami pang satsat, dami pang salitang gustong bitawan, mga pagaming hindi naisingaw kung walang… (tingin sa Ipad). (Babasa sa Ipad) “Kasi nakakikita ako ng hubad, hubad na katotohan. Alam mo ‘yun? Ang daming mukha na nagpapakita ng anyong baligtad sa nakikita ng dalawa mong mga mata. Para ba itong humaharap sa repleksyon niyang nailalarawan sa basag na salamin. Ang nagmamalinis ay narurungisan, ang narurungisan ay lumilinis sa mata ng katotohanan…”

Magsisingitan ang mga characters sa kanilang sinasabi Kantatero: …katotohanan ba kamo? yung masagwang katotohanan na pumatol ako sa binabae? Sagwa ‘di ba? Eh, na-overwhelm eh. Masyadong mapanukso, mga salot nga naman kung makalason ng libog sa malinis kong utak… Mariposa: Hindi salot sa lipunan ang mga beki! Nasaan na ang pagiging makatao sa lipunan? Diskriminasyon na naman ba? Tatapakan na naman, babatikusin, tataasan ng mga kilay. What the hell! Nasaan ang tulong para sa amin? Katipunera: Nasaan ang pagkakapantay-pantay? Karapatan ng mga estudyante, Freshie man o hindi, na matuto at makilahok sa mga bagay na alam niyang makatutulong sa kanya katulad na lamang ng mga Orgs. Maliban diyan, talamak na po ang maraming suliranin sa edukasyon: budget cut, komersyalisasyon, large class system, tuition increase, samantala ang ating pasistang burukrasya, ang ating gobyerno ay nagpapakasarap sa pangungurakot at nagpapakainutil sa pagbuo ng bulok na Sistema. Mariong Makiling: …komersyalisasyon, buru-burukrasya, eme, eme, what da?! Ulit-ulit na lang. Anong nangyayari? Hanggang salita na lang eh. Wave your red flags and die. Nagtayo lang ng banga, komersyalisasyon na? boom. Big word! Where’s the perspective of the positive side of it? Hahanap at hahanap ng lusot upang makapanira at mag-ingay. Kayo ang umupo sa burukrasya at magpaka-perpekto. Have a sense of appreciation! Meangirl: Stat 1, LE bukas, exer sa Math 11, shet yung LRP ko, humihinga pa ba? Inhale, exhale. Acads and everythaaang! Ermeghed, magsusunog ako ng kilay mamaya. Oh my! My future of becoming a Ramon Magsaysay awardee, the cameras capturing a supreme celebrity, the smell of fame – I want all of that. FB Status: eating acads.


Indirect interaction, sarcasm Mariong Makiling: Mag-aral nang mabuti’t huwag magpapabaya. Sabi ng parents -- quote “wag sasali sa mga kung anu-anong protesta, ganyan, kasi magulo. Baka umanib ka pa riyan sa mga org, takaw oras lang yan. Mag-aral nang matulungan ang pamilya ha.” unquote Katipunero: … mag-aral nang matulungan ang sambayanan. Huwag magpakulong sa masikip na kaisipan. Mariong Makiling: Dapat maganda ang transcript mo para pagdating ng araw, you’ll get the highest rank in the office or whatsoever. Katipunero: Ang UP ay hindi dapat maging pugad ng mga baboy na magpapayaman lamang. Kantatero: Eh pugad na nga rin ‘to ng mga makakating iskolar sa bansa. Maski ang pinakabata sanay na sa kama. Hindi na nga lang M to F, uso na ang F to F, at M to M. Yak! Mariposa: Matanong ko lang kung may problema ba sa same-gender sex? Sex is the ultimate expression of love. Love does not seek any gender! Go LGBT! Kantatero: What if sex was not love at all, but became an abuse? I blame that guy! Mariposa: What if, kung mali yung iniisip na abuse ng tao na nagco-confess na ‘yun? At the back of his mind, it was actually pleasure, gratifying, orgasmic, worth-tasting, arghh! That intense euphoria! One can never be so sure if what he/she confesses is true or not. Kantatero: ‘Yan! ‘Yan na nga ba ang sinasabi kong baho. Sumingaw din ang maruming intensyon! I knew it! Notorious na talaga mga bakla noh, nagkalat sa mga posts. Mariposa: Hello Admin! I had done “it”—it with a guy when we were alone in his room. But damn him! He was deliberately kissing me and doing “it” intentionally. Now, he is making up a wrong accusation – abuse! So pretentious! Meangirl: Sabi nila maraming nababastusan sa akin dahil sa micro-*pkpk* shorts ko. Ano naman?! Don’t judge me on what I wear! Nag-aaral ako nang mabuti hindi para mabastos. ‘Wag niyo na kong pagnasahan, I am taken, I already have a boyfriend. Kantatero: Sorry girlfriend kung bastos ako, pumatol ako sa iba. Meangirl: Actually I don’t know anything about him yet. Basta ako, nakatutok muna sa pagrereview. Org recognition? Commercialization? Budget cut? What about that? Hindi ko alam


yun. Hahaha. By the way, para saan yung kulay na sinasabi nilang red, yellow, blue? Ain’t aware. Mariong Makiling: …mga bagay na magugulo, hindi na dapat pang pake’laman. Katipunero: …dapat magkaroon tayo ng pakialam sa lipunang ginagalawan, kun’di patuloy na mabubuhay ang ignoransya. Matutong lumaban… Mariposa: Ipaglaban ang karapatan! (repetition ng confessions, agad na papasok ang kasunod na character ‘pag malapit nang matapos ang nauna) Mariong makiling: . Eh kasi naman, nasa daan ka, nakiki-rally, nakiki-sigaw, eh sa huli’t huli, wala naman ding napala. Kantatero: Unti-unti siyang lumapit kasabay ng pagtikim niya sa kanyang mga labi. Ako naman, palayo nang palayo hanggang sa nahiga. Katipunera: Hindi ba’t pagkitil ito sa kalayaan at pribilehiyong maranasan nilang matuto at mahubog bilang mga iskolar na may mas malawak nang perspektibo sa unibersidad at sa bayan? Meangirl: So happy, happy talaga! It’s like studying in Harvard University yet in Philippinized version! And now, It’s me version Iskolar ng Bayan dash 2.0. K dot! Mariposa: Oo, sobrang sama naman nilang husgahan kung sino ako. Dahil ba I don’t perform what the society wants to a being born with a ‘lil birdie? Sabay-sabay with harmony Mariong makiling: Estudyante ka rin! Kung tunay kang naglilingkod sa bayan, responsibilidad mong mag-aral nang mabuti / para naman balang araw, mapaunlad mo rin ang bansa natin. Kantatero: Pumaibabaw siya sa akin; ang mukha niya malapit sa’kin, / ang kanyang dibdib sa dibdib ko. Ramdam ko ang paghinga niya. Katipunera: Patuloy bang lalasunin ang mura nilang kaisipan sa marupok na sistema? / Fight for the right to organize!


Meangirl: Oh my God, I have to study really hard and best all other students here so that my parents could afford me my new Mercedes pink car freshly from other country, not here of course! Mariposa: Catch-basin na yata ako ng maraming salitang magpapasugat sa puso ng isang paruparong bakla. Ang hirap magkunwari gayong nahahalata naman ng iba. Ngayon, balot ako ng maskara. 3 seconds Lahat magkaka-gulo-gulo, magsasalitaan ng kung anu-ano Ate: Tama na! (titili, hihiyaw with fierce conviction) Oo! Aamin na ‘ko. Sila! Sila ay ako! Silang naglabas ng sikreto, silang sumigaw, natawa, nagalit, nahiya, natukso, lumaban, silang may iba’t-ibang mukha, ako rin ang may gawa. Ako ang kanilang mukha! Hangga’t may iii-ingay, mag-iingay. Gan’to ako ngayon kapag wala nang maskara -- magulo, marumi, masaya, wala nang pakeelamanan. Taas, baba, pindot, basa. Sino ako? Batch anonymous, college anonymous, pseudonym: Lipunan. END


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.