LABINTATLO! Iyan ang bilang ng naipanalong medalya na simbolo ng pagtatagumpay at na naiuwi ng Ang Kaparangan at The Meadows mula sa nagdaang DSPC (Kuha ni Ericka Nicole Caigaman)
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Parang High School
kaparangan ang
Kung saan sumisibol ang katotohanan
The Meadows, Ang
SARBEY
PHS pumangatlo sa Top 16 qualifiers ng PAMAMARISAN (p.2)
Kaparangan; Humakot ng Parangal sa 23rd DSPC
Juniors mula sa PHS, kinaayawan ang Sipnayan ayon sa Sarbey
47.1%
Ang bahagdan ng mga mag-aaral na sumagot ng sipnayan builang pinakainaayawan
NDiploma o Diskarte? (p.4)
Benepisyo ng Artificial Intelligence sa edukasyon at paggawa (p.5)
amayagpag ang opisyal na paaralang pampahayagan ng Parang High School (PHS), nang magkamit ng ikaapat na puwesto ang ‘The Meadows’ at Ikatlong puwesto ang ‘Ang Kaparangan’ sa ginanap na 23rd Division School’s Press Conference sa Sto. Nino Elementary School (SNES) noong Peb. 23 hanggang Mar 9 Labing-isang parangal din ang nakuha sa iba’t ibang kategorya na pinaglabanan ng mga paaralang pampubliko at pampribado sa Lungsod ng Marikina. Sinimulan ang patimpalak para sa mga indibidwal na kategorya noong ika-23 ng Pebrero sa pagkuha ng Larawang Pampahayagan sa Marikina Freedom Park at Pagsulat ng Isports (Sepak Takraw) sa Parang High School; kasama ang mga natitira pang indibidwal na kategorya sa SNES. Muling ipinagpatuloy ang pagdaos ng patimpalak sa SNES noong ika-2 ng Marso para sa mga pangkat na kategorya. Kinilala ang mga mag-aaral
na nagsipag wagi sa indibidwal na kategorya na sina: Tricia Argenio - Editorial Writing (4th place); Lhiana Nicole Sanoy - Pagsulat ng Lathalain (Ikaapat na puwesto); Jacob Allen Cordeno - Sports Writing (4th place); Samerr Borines - Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita - (Ikalimang puwesto); Krizeah Faye Acosta - Pagkuha at Pagsasaayos ng Larawan ( Ika-anim na puwesto); Miesha Castro - Mobile na Pamamahayag (Ika-anim na puwesto); Raphael Shane Meneses - Mobile Photojournalism (6th place); Rhea Joyce Altajeros - Pagkuha at Pagsasaayos ng Larawan - (Ikapitong puwesto); at Ericka Nicole CaigamanPhotojournalism (7th place).
Nagtagumpay din sa pangkat na kategorya sina: Camille Joyce Peralta, Jean Rei Luczon, Ma. Quiristina Endielle Cac, Sofia Richel Ortega, at Patrizha May Vasquez - Kolaboratibong Paglalathala (Ikalawang puwesto); Mardy Angel Molina, Jhaleel Norinel Argudo, Mark Albert Catungcal, Nichole Yanga,
236,000!
Tila napakalaking bilang ngunit naisakatuparan dahil kalahok ang 47,678 na mga pampublikong paaralan sa Pilipinas kung saan bawat paaralan ay sabay-sabay na magtatanim ng limang puno kaya mahigit pa sa 236,000 ang kabuoang bilang ng mga punong namumunga (fruit-bearing trees) ang inaasahang tutubo at lalago sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Ika-6 ng Disyembre, 2023 nang isinagawa ang sabay-sabay na pagtatanim ng mga puno at ang lungsod ng Marikina sa pangunguna ng Punong Lungsod, Marcelino R.
at Rainier Kenn Regajal - Collaborative Desktop Publishing (3rd place); Samantha Nicole Gapan, Ma. Suzette M. Tondo, Jamaica Dean, Ariane Morata, at Christcharles Teves - Online Publishing (3rd place).
Ang ika-23rd DSPC ay may temang “The Role of Campus Journalism in Fostering DepED MATATAG: Addressing Literacy, Chartering a New Path”
Aarangkada naman sa Regional School Press Conference (RSPC) ang Pahayagang Pampaaralan ng ‘Ang Kaparangan’ at ‘The Meadows’ matapos masungkit ang ikatlo (Filipino) at ikaapat na puwesto (English).
Katuwang sa tagumpay ng mga mag-aaral ang Gurong Tagapayo at Tagapagsanay na sina Mr. Gerald Buendia (English) at Bb. Marcerin Permejo (Filipino)
-Nhicole Angela G. Olango
Teodoro at Marjorie Ann A. Teodoro, Kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina ay sumuporta sa gawaing ito na pinamahalaan ng Sangay ng mga Paaralan ng Marikina sa pamumuno ni Dr. Cynthia L. Ayles, Pinunong Nanunuparan bilang Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralan at Dr. Jennifer F. Vivas, Pinunong Nanunuparan bilang Chief Education Supervisor.
Ang Parang High School (PHS) na nakiisa sa pagtatanim ay pinangunahan ni Gng. Jeanette J. Coroza, Punong Guro II, at ng mga guro sa asignaturang Science at Technology and Livelihood Education
Ayon sa sarbey na isinagawa noong ika-5 ng Pebrero, lumalabas na sa 610 na mag-aaral mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang ng Parang High School na sumagot, tatlong asignatura ang tinatangkilik ng lahat- English, Filipino at Technology and Livelihood Education (TLE). Isang mag-aaral lamang ang lamang ng English sa Filipino. Para sa akin, walang kaso na lamang ng isang mag-aaral ang gumugusto sa asignaturang Ingles, dahil alam naman natin o sa mga nakararami na ang wikang Ingles ay pangalawang lenggwahe ng ating bansa, huwag lamang tuluyang makalimutan at pahalagahan ang una nating lenggwahe—ang Filipino.
-Sundan sa Pah. 5
(TLE) kasama ang mga gurong tagapayo at piling miyembro ng mga organisasyon ng paaralan tulad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) na boluntaryong sumama at lumahok sa pagtatanim ng higit pa sa limang puno sa bahaging malapit sa ilog na sakop ng barangay ng Malanday. Bago ang pagtatanim ay nagkaroon ng programa sa gym sa Kalye Jocson, Malanday kung saan nagtipon-tipon ang ilang paaralan ikaanim pa lamang ng umaga. -Pagpapatuloy sa Pah. 2
Itinanatim ni Kong. Marjorie Ann ‘Maan’ Teodoro ang isang puno ng langka bilang kontribusyon sa pagpaparami ng mga puno sa lungsod ng Marikina. (Kuha ni Krizeah Acosta)
2 BALITA
IKA-2 TAON NG CLUB DAY
IDINAOS SA PHS
Noong ikaapat at ikalima ng Enero, nasaksihan ng mga magaaral at guro ang ikalawang taon ng pagsasagawa ng Club Day na ginanap sa gymnasium ng Parang High School (PHS).
Ang Club Day na pinamahalaan ni John Louie Flores, Vice President ng Supreme Student Learners Government (SSLG) ng Junior High School at ni Gng. Melda Balgua, gurong tagapayo ng SSLG, ay isang okasyon sa paaralan kung saan hinihikayat ang mga estudyante na lumahok sa iba’t ibang samahan.
Ito rin ay pagkakataon upang ipakilala ang mga pinuno ng 12 samahan ng mga mag-aaral at mga miyembro nito.
Ang bawat samahan ay nagkaroon ng iba’t ibang gimik o panghihikayat para maengganyo ang mga magaaral na sumali sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalaro gaya ng perya-peryahan, tumpakners, shoot the ball, math dice, 5 vs 5 sa Mobile Legends, darts at marami pang iba.
Bukod dito nagbigay rin sila ng papremyo kagaya ng kendi, pera, tsitsirya at mga puntos na maaaring idagdag sa grado na ibibigay ng kanilang guro.
Makikita rin sa pagdiriwang na ito ang iba’t ibang klaseng serbisyo tulad ng pagmamasahe, paglilinis ng kuko at pagbebenta ng iba’t ibang klase ng pagkain,.
Isa rin sa pumatok sa mga nakisaya ay ang photo booth kung saan
pwede silang magpakuha ng litrato na maaaring i-post ng bawat club sa kanilang mga fb page at para naman sa mga magkasintahan ay mayroon ding Wedding Booth para sa kasal-kasalan.
Lahat ng ito ay dinagsa ng mga magaaral mula sa iba't ibang baitang at sinuportahan ang mga samahan na kanilang nais salihan.
Upang maging maayos ang pagpunta ng mga mag-aaral sa loob ng dalawang araw, may sinunod na oras ng pagdalo ang bawat seksyon sa bawat baitang.
Sa ganitong paraan, hindi ito nakaapekto sa daloy ng klase habang isinasagawa ito.
Nanalo ang sumusunod na samahan sa iba’t ibang kategorya:
ALAMATH -(3rd Best Booth, 2nd Student's Choice, 2nd Most Visited, 1st Best Teaser); ENGLISHEROES-(2nd Best Booth, 3rd Student’s Choice, 2nd Best Teaser); TLE CLUB - (1st Best Booth, 1st Most Visited, 1st Student’s Choice); SAIPY - (3rd Best Teaser, 2nd Best Yell); KAMFIL -(1st Best Booth, 1st Best Yell); MC – ALERT (3rd Most visited, 3rd Best yell); ICT club - (1st Best booth); SCOUTS -(1st Best yell).
Narito ang 12 samahan kasama ang kanilang mga pangulo at gurong tagapayo: ICT Club Pangulo- Jamaica Dean, Tagapayo- Donna W. Mercado; Science Adhering Intellectually Productive Youth (SAIPY) Pangulo- Kurt Cerwin Figueroa,
Tagapayo- Apple Olita; Girl Scouts of the Philipines (GSP) Pinuno- Kaye De Vera, Tagapayo- Stephanie Rose V. Valdejueza; Boy Scouts of the Philippines (BSP) Pinuno- Bryan Tejada Tagapayo- Stanley Manaog; ALAMATH Club PanguloJhaleel Argudo, Tagapayo- Randolf Byron S. Viray; Englisheroes Pangulo- Euna Macalalad Tagapayo Jackie Gonzalo; Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KamFil) Pangulo- Aliyah Mae Parol, Tagapayo- Marisa T. David; Social Studies Club Pangulo- Rainer Kenn Regajal, Tagapayo- Ronald E. Manago; Marikina City- Active Learners Emergency Response Team (MC-ALERT) of Parang High School Pangulo- Jhunnie Tiamzon Tagapayo- Feorelle C. Sison; Values Guild Pangulo- Sofia Padilla, Tagapayo Bernadeth M. Manahan; Lusog Isip ng Kabataan (LINK) Pangulo- Alexa Flores, Tagapayo Maria Theresa De Guzman; Technology and Livelihood Education (TLE) Club Pangulo- Gabriel Tapel, Tagapayo- Alfred M. Tapel; Youth for Environment in School Organization (YES-O) Pangulo- Miesha Chasley Castro, Tagapayo- Lorita A. Domingo.
Ang pagsasagawa ng pagdiriwang na ito ay naisakatuparan dahil sa inisyatibo ng punong guro, Gng. Jeanette J. Coroza.
-Jeraldine L. Victor
PHS wagi sa ika-2 pwesto sa “Timpalak sa Pagsulat at Pagbigkas”
Nagwagi ng ikalawang gantimpala si Aliyah Mae N. Parol ng 10-Knowledgeable, kinatawan ng Parang High School (PHS) sa "Timpalak sa Pagsulat at Pagbigkas" na ginanap sa magkaibang lugar sa Marikina sa dalawang Sabado ng Nobyembre, 2023. Ang timpalak sa pagsulat na unang bahagi ng paligsahan ay ginanap sa Jardin ni Lola sa Riverpark, Nob. 11.
Muling nagtipon ang mga kalahok noong ika-25 ng Nob. sa Marist School para sa ikalawang bahagi ng paligsahan, ang pagbigkas.
Ang patimpalak na ito ay inilunsad ng Samahang Rotaryo ng Marikina para sa mga piling mag-aaral sa mataas na paaralang nasasakupan ng Lungsod ng Marikina.
Sampung kinatawan mula sa iba-ibang paaralan ang naglayong makamit ang pinakamataas na puwesto.
Kabilang sa mga paaralang lumahok ay FEU Roosevelt, Santa Elena High School (SEHS) Malanday Nation-
al High School (MNHS), Conception Integrated School (CIS), Parang High School (PHS). Barangka National High School (BNHS), Marikina Science High School (MSHS), Our Lady of Perpetual Succor College (OLOPSC), St. Scholastica’s Academy of Marikina (SSAM), Fortune High School (FHS), at Marikina Catholic School (MCS).
Nakamit ng OLOPSC ang unang puwesto, PHS ang naguwi ng ikalawang puwesto at nakuha ang ikatlong puwesto ng Barangka National High School.
Pagsasamahan ng pamilya ang tema ng isinulat ni Parol at ang gurong tagapagsanay niya ay si Gng. Jasmin P. Pambid na mula sa Kagawaran ng Filipino.
-Cristelyn Jane DG. Andico
PAGPAPATULOY/Pagpaparami ng mga puno ng DepEd, Isinakatuparan sa Marikina
Ganap na ikapito nang simulan ang programa at narinig ang pananalita nina Dr. Vivas, para sa pambungad na mensahe, Dr. Ayles sa kanyang mensahe at Dr. Elisa O. Cerveza, mula sa City Government Department, na nagbigay ng oryentasyon sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno. Napaunlakan ding magsalita si Mayor Teodoro at Cong. Maan Teodoro matapos ang pagtatanim ng mga guro at mag-aaral kung saan binanggit ni Teodoro ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno at ang benepisyo nito sa kabataan at sa susunod pang henerasyon habang pagiging makakalikasan ang binigyang diin ng congresswoman.
Dumalo rin programa bilang pagsuporta ang mga taga- Division Office at lahat ng mga punong guro sa elementarya at sekundaryang paaralan. Ang gawaing ito ay hindi natatapos sa pagtatanim ng mga punong namumunga, kung hindi simula pa lamang ng mahabang proseso ng pagpapabuti ng kalikasan. Ang mga mag-aaral na nagtanim ang siyang nagsimula at magpapatuloy sa pagbabantay at pangangalaga ng mga tanim.
Ang programa bago ang pagtatanim ay dinaluhan rin bilang pagsuporta ng mga taga- Division Office at lahat ng mga punong guro sa elementarya at sekundaryang paaralan.
Mag-aaral ng STE pasok sa Top 3 sa Clash of Sci-Tech Champs
Ang PAMAMARISAN ay binubuo ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.
Naganap ang naturang kompetisyon sa Mandaluyong College of Science and Technology nitong Pebrero 10, 2024 na hatid ng Our Lady of Lourdes Hospital.
Ito ay nilahukan ng mga piling mag-aaral ng Science, Technology, and Engineering (STE) Program na sina Jan Marc Ino Yuri L. Gagarin III at Andrea Julia B. Alarcon na mula sa 10-Knowledgeable at Jilianne Raine B. Mauleon na kabilang sa 9-Mindfulness.
Nanguna sa listahan ng Top 16 Qualifiers ang Rizal High School (RHS) na pambato ng Pasig.
Ang Sta. Elena High School (SEHS) na
nasa ikalawang puwesto at ang PHS na nasa ikatlong puwesto ay parehong mula sa lungsod ng Marikina.
SI G. Guiller P. Belen ang kanilang gurong tagapapagsanay na mula sa Kagawaran Ng Agham at tagapayo rin ng STE class sa ika-10 baitang. Magaganap ang huling tagisan ng talino sa Agham at Matematika sa Marso 16, kung saan makatatanggap ng sertipiko, medalya at gantimpalang nagkakahalaga ng 20,000 hanggang 50.000 libong piso ang tatlong itatanghal na mangunguna at mananalong paaralan.
-Nhicole Angela G Olango
PAGPAPATULOY/Catch-Up Fridays, Umarangkada na
Nakiisa sa implementasyon ng Catch-up Fridays na nakasaad sa DepEd Memorandum No. 001, s2024 ang Parang High School (PHS) na sinimulan noong Peb. 2. at isasagawa sa lahat ng Biyernes na darating.
Sa araw ng Catch-up, ang unang tatlong oras ng klase ay ilalaan para sa National Reading Program (NRP) sa English at Filipino at ang huling tatlong oras ng klase ay para sa mga tiyak na aralin, Health, Values at Peace Education.
Ito ay programa ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong mapabuti pa lalo ang akademikong pagganap, partikular sa pagbabasa upang makasabay sa mga pambansa at panlabas na malawakang pagtataya sa antas ng kahusayan sa pagbasa.
Ayon pa rin sa memorandum, hangad ng DepEd na magkaroon ng de-kalidad, angkop, inklusibo at edukasyong tutugon sa pangunahing
pangangailangan ng mga mag-aaral. Kinakailangan ding mapalakas ang kaalaman sa larangan ng pagpapahalaga na may kaugnayan sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao; kalusugan na kaugnay ng aralin sa Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) at kapayapaan na kaugnay ng asignaturanag Araling Panlipunan.
Ang paghahanda ng mga guro bago ito ipatupad ay isinagawa sa ginanap na In-service Education and Training (INSET) na pinamahalaan ng administrasyon ng paaralan noong Enero 24-26 at 29-30.
Naunang isinagawa sa nakaraang tatlong Biyernes ng Enero ang pagsasakatuparan ng programang Drop Everything and Read (DEAR) kung saan ang mga mag-aaral ay pinagdala ng anumang aklat na kanilang babasahin sa paaralan.
- Jeraldine L. Victor
Pinagkakaabalahan ng mga bumisitang estudyante mula sa iba’t ibang antas ang mga pakulong inhanda ng mga club tulad ng Kamfil, Englisheroes at Alamath na isinagawa sa gym ng paaralan sa loob ng dalawang araw, Enero 5-6. Kuha mula sa PHS-The Meadows - Ang Kaparangan Fb Page
NGITI NG TAGUMPAY. Ito ang nararamdaman nina G. Guiller P. Belen, Andrea Julia B. Alarcon, Jilianne Raine B. Mauleon at Jan Marc Ino Yuri L. Gagarin III sa pagkamit ng pangatlong puwesto sa ‘Brainiac: Clash of the Sci-Tech Champs’, Enero 10. Kuha mula sa PHS-STE Fb Page
3 BALITA
Umpisa ng Leadership Camp, idinaos
Isinagawa ang unang araw ng serye ng Leadership Camp na mayroong temang ‘Lider ng Kasalukuyan, Pagasa ng Kinabukasan’ sa Parang High School (PHS) sa pamumuno ng Supreme Student Learners’ Government (SSLG) na dinaluhan ng mga opisyales ng mga samahan at organisasyon ng paaralan, Enero 13.
Inimbitahan ang dalawang tagapagsalita na sina G. Edriane Timothy Tabor, isang namumunong mag-aaral sa San Beda College at Bb. Risheill D. Guevara, Project Development Officer I, upang magbahagi ng kanilang karunungan tungkol sa pagiging isang lider.
‘Romanticize the mundane. Enjoy the day-to-day. The destination is only satisfying if we savor the journey,’ sabi
Nanguna sa paglikha ng Tangram, kinilala
ni G. Tabor habang pinag-uusapan ang kanyang leksiyon na ‘What It Takes to be a Leader’ samantalang tinalakay naman ni Bb. Guevara ang ‘ABCs on Action Planning.’
Kasabay ng naturang kaganapan ang pagbibigay ng gantimpala sa mga clubs at organizations na nagwagi sa mga timpalak sa ginanap na Club Day noong Enero 4-5 at nagtapos ito sa pamamagitan ng team building activity at mga larong sinalihan na ng mga opisyales ng bawat club.
Gaganapin ang ikalawang araw ng Leadership Camp sa darating na Pebrero 3, 2024 na may panibagong hanay ng mga tagapagsalita at iba pang aktibidad na makatutulong sa mga kalahok.
Napiling mga dekorasyon sa klasrum kinilala
Tatlong silid-aralan ang binigyan ng pagkilala ng School Parent-Teachers’ Association (SPTA) dahil sa pagkapanalo sa Homeroom Christmas Decoration Contest na isinagawa noong Dis, 2023.
Grade 11 ABM Clarity mula sa Rm. 203 ng Senior High School (SHS) Bldg. ang nanalo ng unang puwesto, Grade 12 ABM Preparedness mula sa Rm. 305 ng SHS Bldg. ang nagkamit ng ikalawang puwesto at Grade 10/9 Accountable/Accurateress na mula sa Rm. 303 ng Administration Bldg. ang nag-uwi ng ikatlong puwesto.
Si G. Jeffrey dela Cruz ang gurong tagapayo ng 11-Clarity, si Gng. Zenia B. Pulanco ang gurong tagapayo ng 12- Preparedness habang sa 10-Accountable si Gng. Ma. Aylene C. Fabillar at Gng. Maylene S. Labonete sa Accurateness.
Nagkampyon si Kurt Cerwin D. Figueroa ng 10-Knowledgeable sa Tangram Making Contest na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Junior High hanggang Senior High na idinaos sa Audio-Visual Room (AVR) noong ika-10 ng Enero.
Samantala, nakamit ni Oli S. Ingua ng 10-Disciplinable ang unang pwesto at ni Scarlett M. Del Rosario ang ikalawang pwesto na mula rin sa kaparehong seksyon.
Nagsimula ang paligsahan sa madaling lebel, sinundan ng katamtaman, pagkatapos ay mahirap na antas kung saan naglaban-laban ang natirang nangunang lima sa naging huling lebel ng kompetisyon.
Isinagawa rin ang pagbabago sa proseso ng pagpapaligsahan, ito’y ginawa nang on-the-spot challenge di tulad noong nakaraang taon upang mabigyan ang bawat estudyante ng pagkakataon na maipamalas at maibahagi ang kanilang angking talento sa publiko.
Kinilala ang mga piling magaaral na lumahok sa iba’t ibang paligsahan sa Buwan ng Agham sa idinaos na Science Month Culmination na may temang "Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan" sa Parang High School (PHS) nitong Set. 2023. Ito ang unang aktibidad ng Science Adhering Intellectually Productive Youth (SAIPY) na Science Club ng PHS na tampok ang mga patimpalak na Siyensikula, STEMtokperiments, paggawa ng poster at islogan . Nanalo sa Siyensikula, kung saan nagsagawa sila ng 3-5 minutong bidyo na may kinalaman sa Agham, si Christine Joy Alicer (8 - Skillful) na nakamit ang unang karangalan at Anjel Alonzo (10 - Respectable), ikalawang karangalan, sa Junior High School (JHS), habang nasungkit naman ni Angelica Mediane sa Senior High School (SHS) ang unang karangalan. Sa STEMtokperiments na pagsasagawa rin ng bidyo, nagkampyon si Andrea Rante (8 - Skillful), unang karangalan si Akiyah Collano (8 - Resourceful) at ikalawang karangalan sina Raphael Meneses at Jayce Pintang (8 - Re-
sourceful) at nasungkit din ni Angelica Mediane (12-Sustainable) ang unang karangalan.
Kampyon din sa paggawa ng poster sina Shanna T. Ebrada, Queen Mhaven A. Nicasio, at Keith Jillianne E. Sapinoso (10 - Disciplinable) habang sina Eunna Macalalad, Mardy Angel Molina, at Aneshka Erin Margareth Salvadora (10 - Knowledgeable) ang nagkamit ng unang karangalan at ikalawang karangalan sina Anelia Dennise A. Amacio, Ma. Jessalyn R. Coronel, at Kelly C. Eubiera (9 - Happiness).
Hindi rin nagpatalo ang tatlong estudyante na nagpakitang gilas sa paggawa ng islogan; Jemarie Hilongos (11 - Excellence) na kampyon, Kaelyn Alvarez (11 - Excellence), unang karangalan at Loraine Jabonillo (11 - Excellence), ikalawang karangalan.
Layunin ng SAIPY na ipakita ang kakayahan at talento ng mga estudyante ng PHS sa pamamagitan ng mga patimpalak sa Agham, nang sa gayon din ay mas lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante pagdating sa siyensya, teknolohiya, at inobasyon.
B. Borines
Ang paligsahan na bukas sa lahat ng antas at seksyon ay sinalihan ng 38 silid-aralan mula sa iba’t ibang gusali sa loob ng paaralan, SHS Bldg., QTech Bldg., Condazo Bldg., Administation Bldg. at Science, Technology and Engineering (STE) Bldg.
Walong silid sa SHS Bldg ang lumahok, lima sa QTech Bldg., tatlo sa Condazo Bldg., dalawa sa Admin Bldg., at apat sa STE Bldg.
Ang mga hurado ay mga opisyales ng SPTA kasama ang mga imbitadong panauhin na nag-ikot sa mga gusali noong Dis. 4, 2023.
Paggamit ng mga recycled materials sa mga dekorasyong ikakabit sa kanilang mga silid ang naging hamon sa mga lumahok sa patimpalak.
Pambungad
na programa ng
Math Club, Inilunsad para sa Buwan ng Matematika
Ipinagdiwang ang pagbubukas ng Buwan ng Matematika sa pangunguna ng mga miyembro at mga opisyal ng Math Club at ng kanilang gurong tagapayo kasama ang iba pang mga guro sa Matematika sa gym ng Parang High School (PHS),umaga ng Enero 8. Bukod sa pormal na pagsasagawa ng seremonya ng pagtanggap bilang mga miyembro ng Math Club sa pamumuno ng gurong tagapayo na si G. Randolf Byron S. Viray, hinihikayat ng programang ito na mas lumago ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga estudyante sa larangan ng Matematika na maghahatid ng malalim na oportunidad.
“Mathematics is for Everyone” ang binuksang paksa para sa taong 2024 na nagtatampok ng mga paligsahan tulad ng Tangram Making, Tesselation Making, Poster Making, Slogan Making, Da-Math Tournament, Sudoku Quiz, 3D Art Making, Spoken Poetry, Rubiks Cube, Circular Mandala Art, MathTricks, Math-Awitan, at Quiz Bee na pinamahalaan ni G. Viray kasama ang pamunuan ng samahan sa Sipnayan. Nag-organisa naman ng isang maikling palaro ang mga tagapangasiwa na naglayong subukan ang kahusayan ng mga dumalong mag-aaral sa larangan ng Matematika na sinundan ng pagtatapos na mensahe ni Gng. Maria Teresa San Andres, Tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Matematika, kung saan inihayag niya ang kaniyang pasasalamat sa mga lumahok at nakiisa sa simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Matematika.
"PISA: Ranking ng Pilipinas, Napag-iiwanan pagdating sa Math, Science, at Reading Comprehension"
Pang-anim sa pinakamababa pagdating sa Math at Reading habang pangatlo naman pagdating sa Science, iyan ang ikinadismaya ng iilan sa naging resulta ng isinagawang Program for International Student Assessment (PISA) sa mga estudyanteng Pilipino edad 15 taong gulang.
Bagama’t tumaas ng 2 puntos mula sa average na 353 puntos, halos wala itong pinagkaiba sa nagadaang resulta noong 2018 PISA at kasalukuyang ika-77 ang Pilipinas kumpara sa 81 na bansa sa buong mundo.
Tugon naman ni DepED Secretary Sara Duterte na ang resulta ng PISA ay nakababahala ngunit ito rin ay nagpapakita lamang ng kalakasan at kahinaan ng sistema ng edukasyon sa bansa.
“The PISA results are uncomfortable truth. It has shown the significant majority of our boys and girls fall below the proficiency level required for full participation in society and contributing to nation building. “aniya.
355 ang average score ng mga mag-aaral na Pilipino sa Math, 347 naman sa Reading, at 356 sa Science. Lahat ng resultang nakalap ay mababa para sa average score ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD).
Ilan sa mga posibleng aspeto na nakakaapekto sa mga estudyante ay ang pandemya, bullying, nutrisyon, at problema sa pamilya.
Dagdag naman ng Kagawaran ng Edukasyon na may mga hakbang na upang matugunan ang mababang performance sa Math, Reading, at Science tulad ng ‘MATATAG’ revised K-10 curriculum at ‘Catch-Up Fridays’ kung saan naglalaan ng isang araw sa isang lingo upang makapagbasa.
-Nhicole
-Hartzelle P. Calanuga
-Aliyah Mae N. Parol
-Cristelyn Jane DG. Andico
-Hartzelle P. Calanuga
Tinatalakay ni G. Edriane Timothy Tabor, isang lider na estudyante sa San Beda College, ang mga katangian ng isang tunay na pinuno sa Leadership Camp na isinagawa sa Audio-Visual Room (AVR) ng Parang High School, Enero 13. (Kuha ni Angelica Jade Cabungcal)
Rm. 203 SHS Building- Unang Puwesto
Nakaupo nang maayos habang lumilikha ng kanya-kanyang panlaban ang mga kalahok sa paligsahang inhanda ng Math Club sa AVR ng STE Bldg. Kuha ni Patrizha Vazquez
Angela G. Olango
Nakikinig ang mga panghapong klase sa idinaos na panapos na programa para sa Buwan ng Agham na idinaos sa gym ng paaralan (Ericka Nicole Caigaman)
4 OpiNyon
EDITORYAL
Taga-media, sinong poprotekta?
Kamakailan lamang ay naging talamak ang mga naranasang pagbabanta at pagpatay sa ilang mamamahayag mula 2022 hanggang ngayong taon. Tumaas ang kaso ng mga red-tagging o ang pagdawit sa pangalan ng mga mamamahayag sa mga NPA o pagtawag sa kanilang terorista. Naging kontrobersyal na kaso ang pagpatay sa batikang journalist na si Percival Mabasa na kilalang tumutuligsa sa administrasyong Duterte at Marcos. Ano ang tunay na motibo? Pagpapatahimik?
Matapos ang pangyayaring ito ay sunod-sunod na ang mga natatanggap na banta sa ilang taga-media dahilan upang magbunga ng takot at banta sa kanilang buhay. Napansin din ng National Union of the Philippine Journalists (NUJP) ang pagdami ng mga paratang sa mga mamamahayag. Bilang solusyon ay bumuo sila ng isang grupo ng mga abogado na dedepensa sa kanilang kampo.
Mga mamamahayag ang siyang nagiging boses ng taumbayan. Sila ang nagiging dahilan upang mapukaw ang pansin ng ilang pulitikong mataas ang tingin at nawalan ng pakialam sa nasasakupan. Boses ng mamamayan upang tulungan silang baguhin at bigyang-pansin ang ilang problema ng bayan. Sila rin ay handang ibuwis ang kanilang buhay upang makapaghatid lamang ng makatotohanang balita. Pinatunayan ito ng mga mamamahayag na nagpunta sa Marawi upang maihatid lamang ang balita patungkol sa mga kaganapan sa labanan. Hindi maikakaila ang kanilang husay at tapang para lamang makapaghatid lamang ng balitang maaasahan.
Ngunit hindi palaging sang-ayon sa kanila ang lahat. Paglabas ng mga hindi kanais-nais na baho’t katotohanan ang kinatatakot ng ilang makakapangyarihan sa mga mamamahayag. Dahilan upang sila ay patahimikin. Mapapansin din na ang ilang iniipit na mamamahayag ay tumuligsa sa gobyerno. Nangibabaw rin ang mukha ng korapsyon sa bansa dahil sa makailang ulit na pang-aagrabyado ng mga makakapangyarihan sa mga mamamahayag na tumutuligsa sa kanila. Sa pagitan ng Hunyo 2022 hanggang Abril 2023 ay mayroong 75 naitalang kaso ng mga paglabag sa malayang pahayagan na siyang ikinaalarma ng marami. Ngunit tila bakit walang batas na pumoprotekta sa mga mamamahayag? Kung mayroon man, bakit tila hindi na ito kinikilala ng ilan? Paano na lamang ang mga
Katahimikan. Tahimik ba talaga ang lugar dahil sadyang tahimik ito’t walang masasabi? O dahil ang mga taong may nais sabihin ay pilit pinatatahimik?
Ayon sa Reporters Without Borders, ang Pilipinas ay isa sa mga nakamamatay na bansa para sa mga mamamahayag. Sinasabi na ang sariling bansa ay hindi para sa mga mamamahayag dahil sa magiging dulot ng bawat letra, salita, talata hanggang sa mismong pahayag o artikulo. Sa madaling salita, maaari lamang magsalita kung hindi ito nakasasama ng reputasyon ng nakatataas. Nakalulungkot ang mga nangyayari sa paligid natin. Ang trabaho ng mga mamamahayag ay maging boses ng mga taong nasa ibaba na hindi makapagpahayag ng kanilang mga hinaing dahil sa kakulangan ng kaalaman kung paano sila maghahayag at wala rin silang kapangyarihan. Iyon ang paraan
kabataang nagnanais na maging isang mamahayag?
Paano naman ang tiwalang nabuo ng mga mamamayan at pamahaalan sa paghahatid ng makatotohanang balita at ang Kalayaan sa pamamahayag?
Respeto at proteksyon ang hangad ng mga mamamahayag. Suklian natin ang mga nagawa ng mga mamamahayag sa ikabubuti ng bayan sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagpetisyon ng isang batas na poprotekta sa boses at katotohanan ng mga mamamahayag.
ng pagtulong nila, ang maging boses sa katotohanan ng taumbayan. Ang pagsasalita at ang pagsusulat ay madaling gawin, pero para sa mga taong may tinik sa leeg, mahirap gawin. Kaya kahit mahirap, kahit alam na ang magiging resulta kung sakaling ipipilit ang pagsasalita, gagawin ng mga mamamahayag, Dahil mamamahayag sila, magsasalita sila ng katotohanan para sa bayang kanilang pinaglilingkuran.
Sinabi rin sa online article ang mga banta na ipinararanas sa mga mamamahayag. Ito ay pagbabanta sa kanilang buhay o gagamitin ang buhay ng pamilya o kung sino mang mahal nila sa buhay. Binanggit din ang pagbabantang sekswalidad sa mga babaeng mamamahayag tulad ng pambabastos sa kaniya sa mga pampublikong lugar o baka higit pa roon ang magawa, magpakalat ng edited na hubad na larawa, at pagbabanta gamit ang personal na impormasyon ng babae. Napatutunayan ng pahayag
kung gaano kahirap maging boses ang mga mamamahayag kapalit ng katotoohan sa bayan. Gagamitin ang posisyon at kapangyarihang magpatahimik alang-alang sa reputasyon ng nasa itaas. Gagamitin ang posisyon at kapangyarihan upang itago ang baho at ang tunay na kulay. Gagamitin ang posisyon at kapangyarihang mapanatili ang pekeng maskara at ang tunay na katotohanan. Mahirap maging boses ng katotohanan. Pero bilang isang mamamahayag, kahit alam ang magiging resulta, isasapubliko ko ang katotohanan para sa bayan. Sa bansa, o sa mundo, nag-umpisa ang lahat sa pagiging ignorante. O yung iba, nagpapanggap na ignorante. Maglalagay ng “pinuno” sa itaas, sa pag-aakalang ito ay matino, responsable, nakikinig at kinokonsidera ang boses ng mga nasasakupan pero ang habol lang ay kapangyarihan at awtoridad. Lahat nagpaniwala at naniwala na iba ang nasa itaas na posisyon, pero
hindi. Bilang isang nasasakupan at boses, mahirap gumalaw dahil ang bawat aksyon ay kontrolado. Mahirap magsalita dahil sa tinik na nakabalot sa leeg ng mamamayag. Mahirap magsulat sa isang puting papel dahil baka pula ang tintang magamit imbis na itim. Alang-alang sa sariling kaligtasan at sa kaniyang paligid, mananahimik na lang. Kung hindi, patatahimik na lang, sa kahit na anong paraan. Pero hindi nawawala ang dignidad at ang bugso na tumulong sa mga naaabuso ng mga mamamahayag. Tinik sa leeg, talampakan sa ulo, nakatutok man sa kaniyang ulo o pamilya, magsusulat at magpapahayag ang mamamahayag. Walang makapipigil sa mata, boses, at kamay ng mamamahayag. Sa kabilang bahagi man ng mundo o rito pa rin, isasapubliko ng mamamahayag ang katotohanan.
Lebron J. Carmona
Punong Patnugot
Aliyah Mae N. Parol Kapatnugot
Kyle Miguel S. De Jesus Tagapamahalang Patnugot
Samerr B. Borines
Patnugot sa Balita
Lhiana Nicole D.Sanoy
Patnugot sa Lathalain
Sofia Richel B. Ortega Patnugot sa Pagsulat ng Agham
Patrizha May D. Vasquez
Patnugot sa Pagsulat ng Isports
Lebron J. Carmona Patnugot sa Pag-aanyo at Grapiks
Krizeah Faye DL. Acosta Tagakuha ng Larawan
Camille Joyce S. Peralta Debuhista
Mga Kontributor
Jeraldine L. Victor
Cristelyn Jane DG. Andico Nhicole Angela G. OLango
Angelica Jade M.Cabungcal
Elisea Venice Agatha Estranero
Prince Gian Villacer
Alfred Kristian Obrero
Patrizha May D. Vasquez
Hartzelle P. Calanuga
Sharles Helsey Timbol
Bb. Marcerin R. Permejo Gurong Tagapayo
Gng. Rosanna A. Lagan
Pinuno ng Kagawaran ng Filipino
Gng. Jeanette J. Coroza Principal II
Ni Sofia Richel B. Ortega
PAGPAPATULOY/Juniors mula sa PHS, Kinaayawan an...
Nagugustuhan at Inaayawang Asignatura
Isang mag-aaral lamang ang lamang ng English sa Filipino. Para sa akin, walang kaso na lamang ng isang mag-aaral ang gumugusto sa asignaturang Ingles, dahil alam naman natin o sa mga nakararami na ang wikang Ingles ay pangalawang lenggwahe ng ating bansa, huwag lamang tuluyang makalimutan at pahalagahan ang una nating lenggwahe—ang Filipino.
TLE ang pangatlong asignaturang tinatangkilik ng mga mag-aaral dahil siguro, mas nakararami ang interesadong matuto magluto at gumaling magluto, at magkalikot o gumamit ng mga eletronikong mga bagay. Nakatutuwang marami ang mga mag-aaral— mapababae man o lalaki ay nahihilig at interesadong magluto o gumamit sa
kusina. Bukod sa mga paboritong asignatura ng mga mag-aaral, mayroon ding kinaayawan at halos makalahati nito ang pie chart sa iisang kadahilanan—mahirap ang Sipnayan. Ang Sipnayan o Matematika ay sinasabing unibersal na lenggwahe dahil sa numero nito o formula na hindi magbabago saan mang sulok ng mundo. At kahit malakas ang tukso na aralin ito dahil sa kabigha-bighaning mga numero, mahirap talagang intindihin ito ayon sa 287 na magaaral. Maski ako, hirap dito pero hindi maitatanggi na saang mang sulok ng mundo, makikita ang matematika at kahit na anong ganda ng Sipnayan, ganoon din ito kahirap intindihin. Katulad ng tao, magaganda pero hindi lahat, naiintindihan o subukan man lang intindihin.
LIHAM SA PATNUGOT
Mahal na Patnugot, Ako po ay nagagalak sa mga unti-unting pagbabagong nangyayari sa ating paaralan. Katulad ng paglalagay ng harang para magkahiwalay ang linya ng babae at lalaki sa canteen. Sa pamamagitan nito, mas maayos na nakabibili ang mga mag-aaral at walang kaguluhang nangyayari.
Dahil dito, nais ko po sanang sabihin ang matagal nang problema sa ating paaralan na hindi malutas-lutas. Ito po ang mga palikuran. Sa tuwing papasok ka rito hindi kaaya-ayang amoy ang bubungad sa iyo, isama mo pa ang mga balot ng mga pinagkainang nakakalat sa lapag. Pati na rin ang mga pinto ng bawat cubicle na walang hawakan o kundi walang lock. Idagdag mo pa ang hindi malinis na mga kubeta na minsan ay barado at may kalat pa sa loob. Wala ring mga sabon at tubig para makapaghugas ng kamay ang mga mag-aaral. Dahil dito, mas pinipili na lamang ng ibang estudyante na hindi pumunta rito at pigilan ang kanilang ihi na labis namang nakaaapekto sa kanilang kalusugan. Sino nga ba talaga ang may kasalanan nito? Ang mga walang disiplinang estudyante o ang paaralan na responsable rito?
Sa Paghakbang Tungo sa Modernisasyon, Huwag Natin
Tapakan ang Tsuper Punto de Bista
“Walang pag-unlad kung walang pagbabago.”
Pangunahing transportasyon ng mga Pilipino ang dyip at hangad ng administrasyon na paunlarin ito sa pamamagitan ng modernisasyon. Bahagi ng plano ang konsolidasyon. Ika-31 ng Disyembre, 2023 ang ibinigay na deadline sa pagkonsolida ng mga dyipni na walang prangkisa, at simula Pebrero, 2024 ay huhulihin na ang mga hindi tutupad dito. Maraming tsuper ang umalma kahit sabihin pa ng gobyerno na hindi na magbabago ang kanilang desisyon.
Ako, bilang isa ring pasahero ay sumasang-ayon sa pagkonsolida,
ngunit, gaano man kalaki ang maitutulong nito, hindi ito maaari kung ang kapakanan ng tsuper ang kapalit. Ang pagtakda ng deadline ng konsolidasyon ay parte ng modernisasyon ng public utility vehicle (PUV) na isang programa ng Kagawaran ng Transportasyon. Layunin nitong gawing organisado at maayos ang biyahe ng mga dyipni sa pamamagitan ng pagsali sa kanila sa kooperatiba—isang bagay na aking sinusuportahan. Sa kooperatiba ay itatakda ang mga araw at oras ng kanilang biyahe, pananatiliing maayos ang kalidad ng ginagamit nila pampasada at bibigyan ang mga opereytor ng nakaayos na sahod, Para sa akin, malaki ang maitutulong nito sa mga komyuter at sa mga may-ari ng sasakyan, hindi na mag-uunahan ang mga dyipni sa pagpasada at magkaroroon sila ng pananagutan sa kooperatiba. Magiging mas ligtas at maayos ang mga daan. Pero, ang mga benepisyong aking nilista ay siya ring dahilan ng pag-ayaw ng mga tsuper. Karaniwan sa sistema ng pamamasada ang paghahapit upang makakuha ng pasahero, singitan sa kalsada, pagbaba ng pasahero sa highway, paunahan magsakay sa pamamagitan ng pagsigaw ng barker na halos paos na. Sa
ganito, tugma sa kanilang sipag ang iuuwi nila sa araw-araw. Sa pagsali sa kooperatiba, hindi lang ang kanilang kita ang maaapektuhan, pati rin ang mga araw ng kanilang biyahe ay mababawasan. At upang maiwasan ang pilit na pagkonsolida, ang ilang samahan ay nagtulungan upang gumawa ng mga welga at protesta, kabilang dito ang samahang PISTON at MANIBELA. Ngunit, sa kabila ng kanilang pagsisikap, ay hindi pa rin apektado ang itinakdang deadline. Sumasang-ayon ako sa nais makamtan ng konsolidasyon ng mga PUV. Naniniwala ako na tunay na hakbang ito tungo sa pag-unlad. Ngunit, habang hindi sumasang-ayon ang mga tsuper dito ay wala itong mararating. Kailangan ng pagkakaisa ng mga tsuper at ng gobyerno. Mahalaga na matuloy ang pag-unlad, pero kailangan itong gawin sa paraan na tanggap ng lahat. Dapat malagpasan ng magkabilang panig ang pagtutunggali. Kailangang gumawa ng kompromiso kung saan maipatutupad ang konsolidasyon nang hindi nalulugi ang mga tsuper. Sa halip na gipitin, pag-unawa ang kailangan sa kanilang kalagayan.
Sa pamamagitan ng pagbili ng mga cleaning materials katulad ng sabon, walis tingting, pambomba ng kubeta, at muriatic acid maaaring masulosyunan ang problemang ito. Mapagawa rin sana ang hindi gumaganang flush, sira o tanggal nang hawakan ng pinto at mga kandado upang maiayos din ang palikuran.
Sana naman ay masolusyonan na ang matagal na problemang ito, dahil ito rin ay nakaaapekto sa kalusugan ng mga estudyanteng nag-aaral dito. Sana naman ay maisaayos ito, at sana rin magkaroon ng disiplina ang mga estudyanteng gumagamit nito.
Sumasainyo, Angelica
Mahal kong Angelica, Nagpapasalamat ako dahil kinilala mo ang ginawang pagbabago sa ating kantina. Patunay ito na may ginagawa ang mga namamahala para sa maayos na pagsisilbi sa mga mag-aaral.
Tungkol naman sa ating palikuran, nauunawaan ko ang iyong damdamin. Napakahalaga ng palikuran. Kahit saan mang establisimyento, mahalagang may maayos, malinis at nagagamit na comfort room.
Asahan mong mababago rin ang lahat. Ang mga sirang parte ng palikuran ay inaayos naman, kaya lang, sadyang hindi rin nagtatagal dahil sa kapabayaan na rin ng ibang gumagamit. Gawin din sana ng mga mag-aral ang kanilang responsibilidad. Mahalin at ingatan sana ang mga pasilidad.
Para sa ikabubuti ng ating paaralan, lahat sana ay gawin ang kani-kaniyang tungkulin.
Nagmamahal, Ang Inyong Patnugot
Teen-age
Nakalulungkot. Noong una, bale wala lang sa akin na marinig ang teen age pregnancy. Hindi naman ako apektado nito. Bakit nga naman ako matutulad sa kanila? Gayon pa man, nabasag ang pananaw kong ito nito lamang Nobyembre nang malaman ko mula sa plenaryo sa isinagawang Parent-Teachers’ Conference (PTC) na mayroong 14 na kaso ng teen age pregnancy noong nakaraang taong panuruan. Ito ay isang katotohanang ibinahagi ni Gng. Ma. Theresa de Guzman, ang guidance counselor ng paaralan. Nakababagabag na umabot sa ganitong bilang. Hanggang saan pa natin ito paabutin bago ito aksyonan? Ang pangunahing solusyon ng paaralan ay sex education. Kaalaman pa rin ang panangga sa maling akala. Nagagawa naman itong ipatupad dahil bahagi ito ng kurikulum. Simula sa ikawalong grado ay pinag-aaralan na ito sa aralin sa Health at nabibigyang diin din ng mga guro. Pero higit pa rito, kailangan ng aktibong pagkilos sa pagpigil sa pagdami ng kaso. Kabilang dito ang pagsasagawa ng mga programa, adbokasiya at awareness campaign sa loob ng eskwelahan na may layuning hindi lamang magbigay-impormasyon kung hindi
manghikayat at magbigay-oportunidad sa aming mga mag-aaral na maging bahagi ng solusyon. Hindi lamang itinuturo, dapat sinasanay rin sa pagkakaroon ng responsibilidad at pananagutan. Mahalaga ang papel ng paaralan sa pagbibigay ng mga paalala sa maagang pagbubuntis. Ngunit nararapat ding bigyan ng pansin ang mga impluwensiya at mapanganib na salik sa labas ng silid-aralan. Kailangan ng pakikipag-ugnayan ng paaralan sa mga magulang upang kapitbisig itong matugunan. Maaaring sa pamamagitan ng mga seminar workshop at malalim na pagtalakay tuwing may parent- teacher conference, maunawaan ng mga magulang ang kanilang mahalagang papel na ginagampaan at gayon din, maliliwanagan sila sa usaping ito. Hindi sapat ang implementason ng sex education sa pag-aaral. Kailangan din ng karagdagang na pagtugon sa mga problemang kinasasangkutan ng mga kabataan at pagtutulungan ng magulang at paaralan. Hindi nito ibig sabihin na walang aksyong ginagawa ang paaralan, dahil may mga hakbang na silang ginagawa subalit ang mahigpit na pagbabantay sa mga banyo pagkatapos ng klase at pagbahagi ng isyung ito tuwing may pagtitipon ay dapat na maging
bahagi ng mas malawak, aktibo, at mas komprehensibong plano sa paglutas sa matimyas na ugat ng teen age pregnancy. May pag-asa pa. Hindi dapat hayaan ang problemang ito. Ang tuluyang pagkawala ng bilang ng kaso ay makakamit pa.
Ni Kyle Miguel S. De Jesus
SILID NG KAALAMAN
Ni Nhicole Angela G. Olango
6 OpiNyon
Ni Aliyah Mae M. Parol
KAILAN ANG KATAPUSAN?
Ayon sa Deped Order No. 022, Series of 2023, ang taong pampanuruan ay matatapos sa ika-31 ng Mayo ngayong taon, araw ng Biyernes. Nakasaad din dito na bago pa man sumapit ang Mayo 31, dapat nailunsad na ang pagkilala at pagtatapos sa paaralan. Dapat din na matanggap na ng mga mag-aaral ang kanilang parangal sa nasabing araw at okasyon. Dagdag pa sa ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang boluntaryong gawain o aktibidad na ipapagawa sa mga guro simula sa Hunyo 1 hanggang sa Hunyo 30, 2024 upang maalagaan ang kapakanan at mental ng mga guro.
Bago pa dumating ang pandemya, ang buwan ng pagtatapos ng taong pampanuruan ay buwan ng Abril at nagsisimula naman ng buwan ng Hulyo. Sa paglipas ng panahon at sa rami ng mga pangyayari, naiba ang taong pampanuruan ng mga paaralan na nagtatapos tuwing Hunyo at mag-uumpisa naman ng Agosto. Ito ay nakakapanibago. Malayong-malayo kung ikukumpara sa mga nakaraang taon. Pinipilit itong ibalik ng DepEd dahil hindi tumutugma ang mga buwan na ito sa panahon ng ating bansa. Ang ugat ng pag-uusod ng taong pampanuran ay noong Marso 2020. Lumaganap ang Covid-19 sa Pilipinas, kasabay nito ay ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa dahil sa pagsasara ng mga establisyemento, negosyo, at kabilang na rin ang mga pampubliko at pribadong paaralan. Kasunod nito ay ang pagkakaroon ng blended learning na muli lang bumalik noong ika-29 ng Agosto taong 2022. Ngunit ngayong taon
PUNTO NI PAROL Liham ni sisa
Ni Jean Rei V. Luczon
ng pampanuruan 2023-2024, implementado na ng kagawaran ng edukasyon ang pagtatapos ng taong pampanuruan. Ito ay matatapos sa ika-31 ng Mayo taong 2024. Hati naman ang mga opinyon ng estudyante sa deped order na ito. Ayon sa iba, kung bibilisan ang pagtuturo ng mga aralin, hindi raw makakasabay ang ibang estudyante lalo na at naimplementa na rin ang Catch-Up Fridays. Ayon pa rin sa kanila, guro at estudyante raw ang maaapektuhan kung gagawin ito. Ayon naman sa iba, ito ay tama lang dahil may mga paraan naman upang makasabay ang mga mag-aaral sa mga aralin. Una na riyan ang pagkakaroon ng mga guro ng mga tamang estratehiya sa pagtuturo na makakatulong upang makasabay ang lahat ng mag-aaral sa mga aralin. Ikalawa, unahin ituro ang mga mahihirap na aralin at ituro ito sa pinaka madaling paraan uoang maituro ng mabilis at makasabay lahat ng magaaral.
Iba't iba man ang opinyon ng marami sa implementasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, iisa lang ang gusto ng mga katulad kong mag-aaral. Gusto kong matuto sa bawat guro ng aking asignatura nang maayos at may dangal. Inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang maagang pagtatapos ng taong pampanuruan, ipinapangako ng bawat guro na maiintindihan at makasasabay pa rin ang bawat mag-aaral sa bawat aralin na ituturo dahil ang kanilang hinaharap ay nakasalalay din sa pagtuturo ng bawat guro.
MATA SA MATA
Ni Angelica Jade M. Cabungcal
Iniwang Bakas ng Bayani, Hindi Makakaligtaan ng Nakararami
Bayani? Pangkaraniwang pangalan para sa mga pinuno na inaakala ng iba’y nagsasaya lang sa kaban ng bayan at walang ginagawang makatuwiran sa kanilang kinauupuan.
Ang pamayanan ng Marikina, bago pa man maitalagang pinuno si Bayani Fernando, ay hindi maihahalintulad sa nagbagong bersiyon nito. Tila walang buhay noong unang bahagi ng 1990's sa lungsod. Isa itong walang kabihasnan at mababang klase ng munisipalidad. Hindi kaaya-aya ang mapagmamasdan sa mga lansangan at bangketang madaraanan. Ang disiplina’t sibilidad ay hindi rin matagpuan sa pampublikong espasyo.
Lahat ng ito’y hindi nagsilbing balakid para sa taong ninais maging pagbabago sa mga nananabik para rito. Ang kuwarenta’y sais anyos na enhinyero ay sinubok lumihis at tahakin ang landas ng pamumuno, kung kaya’t nagdesisyon siya na tumakbo noon bilang pinuno ng Marikina.
Hindi na bago kay Bayani ang politiko dala ng dati ring naging pinuno ng Marikina ang kaniyang ama, si Gil Fernando. Unang beses niyang sinubukan ang kaniyang kapalaran noong taong 1987. Ang kagustuhang mapanauli ang ganda at sigla ng Marikina River ang siyang nagtulak sa kaniya rito.
Ngunit hindi pa iyon ang naging panahon niya upang isakatuparan ang pangarap. Nagwagi si Rudy Valentino laban kay Bayani Fernando. Ang naging termino ni Valentino ay hindi kuminang sa buhay ng mga mamamayan at ng bayan ng Marikina. Kalat ang krimen ng panggagahasa, nakawan, patayan, at extrajudicial killings.
Kaban ng Bayan para sa Kinabukasan ng Bayan
Publiko o pribado man, mayroong karapatang matamasa ng bawat mag-aaral ang kaginhawaan sa pinapasukang paaralan. Ang mga mag-aaral ay nais matuto sa komportableng estado. Ang mga guro ay humihiling na makapagturo sa maayos na pamamaraan. At higit sa lahat, mapapanatag lamang ang mga magulang kung nasa maginhawang kalagayan ang nag-aaral nilang anak. Dahil dito, isinasakatuparan ng Kagawaran ng Edukasyon ang makatuwirang paggasta sa kaban ng bayan. Ang pondo ay isa sa pinakaepektibong sektor sa pagpapaunlad ng pamamahala sa paaralan at makabuluhang pagtuturo sa mga estudyante. Isa sa mga pamamaraan ng paggamit nang makatuwiran sa pera ng mamamayan ay ang pagsasaayos ng mga pasilidad sa eskwela. Ang mga palikuran ay ang pinakaproblema ng karamihan. Hindi mararanasan ang ginhawa sa maduduming inidoro at sa kawalan ng pagkukuhanan ng tubig. Isa ito sa mga napupuntahan ng pondo ng paaralan o MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses).
Bukod pa rito, patuloy din ang pagpapatayo ng mga gusali upang maiwasan na ang paghihiraman ng mga silid.
Maaari kasing may mangyaring nakawan o siraan ng kagamitan sa pagitan ng mga naghihiramang klase. Bilang resulta, hindi mamamayani sa damdamin ng mga mag-aaral ang seguridad sa sarili nilang espasyo. Kung pag-uusapan naman ang mga laboratoryo at mga pasilidad na kailangan para sa mga estudyanteng kabilang sa mga espesyal na seksyon at may mga karagdagang asignatura, nagagamit din ang nasabing pondo sa pagtatayo rito.
Bukod sa mga pasilidad, naibibigay din ang mga materyales na ginagamit ng mga mag-aaral tulad ng libro, modyul, kompyuter, at iba. Ito ang ginagamit ng mga guro sa epektibong pagbabahagi ng kanilang karunungan. Kung walang epektibong pagtuturo, hindi epektibo ang pagkatuto. Ang kaban ng bayan ay nagmumula sa bulsa ng mamamayan. Nararapat lamang na ito’y maging daan sa epektibong pagkatuto ng kabataan. At bukod pa rito, nararapat na maging makatuwiran ang paggasta sa pera ng Pilipinong nagtitiwala na mahuhulma ang kinabukasan sa pamamagitan ng maayos at maginhawang paaralan.
Ito’y tila naging isang pahiwatig kay Bayani na tayuan ulit ang kaniyang naisin na maging pagbabago ng Marikina. Tumakbo ulit siya noong 1992 na may platapormang “An Industrial and Government-Friendly, Happy, Working-Class Community”. Naipahatid niya ang mensahe at ang naging kampanya ay nanalo sa puso ng masa.
Katulad na lamang ng mga nagsisimulang humakbang sa larangan ng politiko, hindi naging magaan ang naging mga pangunahing taon niya sa paglilingkod. Ngunit, naiiba naman siya sa kaniyang mga prinsipyo at pagsusumikap na patunayan ang bawat salitang namumutawi sa bibig niya sa pamamagitan ng epektibong pagkilos.
Sa pagnanais na maibalik ang kalinisan sa masisikip at maruruming lansangan, nagpasa siya ng resolusyon na naglalayong ipatanggal ang mga ilegal na imprastraktura, tindero, at mga nakaparadang sasakyan. Sa naging mandato, naging posible ang pabawi ng mga pampublikong espasyo.
Nagsagawa rin ng pag-semento at pag-aspalto ng mga daanan na may halong partikular na mga kulay at disenyo. Pinalagyan niya ng marka ang mga bangketa na may paalala at kautusan. Ilan na rito ay ang “Pantay Pantay Kung May Disiplina”, “Disiplina Nagsisimula sa Bangketa”, “Marikina: a city of government and business-friendly working-class people”, at “Marikina: a bicycle-friendly city”.
Kung iisipin ng iba, wala lang itong halaga at hindi kapansin-pansin. Subalit para sa pinuno ng lungsod at mga mamamayan, isa itong katunayan na may pamahalaan ang Marikina na nagmamasid at nag-iimplimenta ng mga patakaran at tuntunin para sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan saan man sila magpunta.
Binigyang bagong buhay din
Alapaap ng
ang mga pampublikong pamilihan at bulwagan ng lungsod. Ito’y nagbigay ng seguriad sa mga tao at nagsilbing paalala na mayroon silang sibilisadong kinaroroonan. Naging daan ito upang unti-unting dumami ang mga pamilyang nais manirahan sa bayan at magkaroon ng produktibong pamayanan. Isa rin sa mga naging prayoridad niya ay ang kalusugan at kaginhawaan ng mga Marikeño. Sinigurado ni Bayani na maitatayo nang husto ang mga health centers, satelite centers sa bawat baranggay, mga covered courts, pampublikong paaralan at imprastraktura. Nagsilbi siyang anghel sa mamamayan dahil pinagsikapan niya ang proyektong “Save Marikina River Project”. Isinaayos niya ang mga ilegal na pabrika at informal settlers na malapit sa ilog. Pinalinis niya ang nakapandidiri at puno ng polusyong kalidad ng tubig. Ginawa ring pang-edukasyonal at pang-libangan ang mga espasyo sa ilog. Patuloy itong nagbigay kaginhawaan sa mga Marikeños. Dahil din dito, mas maraming nahikayat na mga turista at mga kapitalista dala ng kaayusan at kalinisan ng lugar. Sa katunayan, nakipagsanib-pwersa ang alkalde sa iba’t ibang pribadong sektor at organisasyon upang siguraduhing iisa ang kanilang layunin na kilalanin ng lahat ang Marikina bilang disiplinado at sibilisadong lugar.
Napagkalooban si Bayani Fernando ng parangal na Konrad Adenauer Medal of Excellence noong 1999. Walang duda na nararapat lamang niyang matamasa ito sapagkat ang mga itinaguyod niyang proyekto at programa ay naging susi upang maabot ng kaniyang bayan ang pagbabagong dati pa nitong hinahangad.
Halos hindi na mailista’t mabilang ang mga natanggap na parangal at pagkilala ng Marikina sa buong termino ng magiting na pinuno. Cleanest and Greenest Town in the NCR at Second Cleanest and Greenest Town - National Level ang naging titulo ng Marikina noong 1994; Galing Pook Award for Innovation and Excellence in Local Governance, Save the Marikina River Program at Best Local Government Unit in the Philippines- National Heritage Award (PAMANA NG LAHI) noong 1995; Most Successful Program on Local Population Management and Environmental Protection in the NCR, Hall of Fame, Search for the Cleanest and Greenest Town in the NCR , at Hall of Fame, Search for the Cleanest Inland Body of Water in the NCR noong 1996.
Galing Pook Award for Innovation and Excellence in Local Governance, Politika sa Bangketa/Puno Kahit Saan/Towards a Hassle-Free Roadways at Productivity Excellence in Leadership in Local Governance noong 1997; Most Outstanding City in Population Management in the Philippines (Squatter-Free Marikina), Dr. Jesus C. Azurin Award, Most Outstanding City in Public Health in the Philippines, at Quality/Commitment Level/Bronze Award, Philippine Quality Awards sa taong 1998; Konrad Adenauer Medal of Excellence Award (KAME II) for "Best Managed City" in the Philippines for the past 3 years, Most Outstanding Highly Urbanized City (Luzon Area), at Sandugo Most Outstanding Local Government Executive noong 1999; Sentrong Sigla Awardee for Quality Health Care Service at Most Outstanding Small and Medium Enterprise Development Council in NCR sa taong 2000. Nakakahilo man ang magbasa ng naturang mga parangal, ito’y
Ni Elisea Venice Agatha I. Estranero
Pananaw ALS epektibo nga ba?
Ang paglatag at pagpapatupad ng Alternative Learning System o ALS ay labis na makatutulong sa mga estudyanteng nahuli sa pag-aaral. Sa pamamagitan nito mabibigyan sila ng oportunidad na makapag-aral pa kahit sa kanilang mga tahanan lamang. Isa ito sa mga layunin ng SDO Marikina at DepEd NCR upang makapagbigay ng edukasyon sa lahat ng bata. Ang sistemang ito ay nakadepende at nakaayon sa kung ano ang sitwasyon at kakayahaan ng isang mag-aaral. Kaya ang ganitong uri ng pagaaral ay higit na makatutulong sa mga estudyanteng hindi pa handa sa pagaaral, mga nahuhuli sa klase, walang kakayahang pinansyal at mga nagdrop out.
Ito ay nakatutulong para sa mga working students dahil hawak nila ang kanilang oras na mag-aral at hindi kinakailangan na pumasok sa paaralan. Kaya hindi na nila kailangan mag-alala pa na mapagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral. Maging na rin sa mga estudyanteng may responsibilidad at maagang nagka-pamilya na nais pang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Dahil sa programang ito mas mabibigyan ng oportunidad na makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho ang mga may edad na. Magagabayan nito ang mga mag-aaral na hindi naayon sa kanilang baitang ang lebel ng kanilang pagbasa, pag-iintindi, pananalita at kaalaman. Parang sila lamang ay nasa silid-aralan ngunit hindi sila minamadali at mas aksesibo dahil sila ay nasa bahay lamang. Hindi lamang ito makatutulong at makagagabay, ngunit sa pamamagitan nito mapapataas ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Mapauusbong nito ang kaalaman ng mga estudyante kahit nasa kanilang mga tahanan lamang at maging ang kanilang kumpiyansa sa sarili dahil sila ay makasasabay na sa takbo ng edukasyon.
ebidensiya ng kahusayan sa pamamalakad ni Bayani Fernando sa Marikina. Hindi matatawaran ang laki ng transpormasyong ipinagkaloob ni Bayani sa bayan niya, kaya naman ay hindi rin mapapantayan ang pasasalamat at pagmamahal na iginawad ng mga taong naniwala at nanindigan sa kaniya. Patuloy nila itong ipinakita sa pakikiramay nila sa pamilya ng Fernando sa ginanap na burol ng yumaong alkalde sa Loyola Memorial Park noong Septyembre 27, 2023. Ang iba’y nagdala at nagsuot pa ng mga kulay rosas na payong at salakot, na kaniyang paborito, upang ipahiwatig ang kanilang pagmamahal at pag-alala sa minsan na nilang naging Bayani. Dahil sa mga naiwang pamana ni Bayani sa minamahal niyang lungsod, hindi maitatanggi ang pagkasabik ng mga Marikeños sa isang mamumuno na maabot ang nagawa ng kanilang ginagalang at hindi makalimutang alkalde. Bayani? Bayani. Iyan ang naging papel ng pinunong tinitingala pa rin ng karamihan magpasahanggang ngayon. Siya’y ginagawang modelo ng mga pinunong hindi nagsasaya sa kaban ng bayan at nais gumawa ng makatuwiran sa kanilang kinauupuan.
7 lathalain
Ano ang iyong isinagot noong tinanong ka ng iyong guro sa elementarya kung sino ang pambansang bayani natin? Marahil karamihan ay si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang isinagot o hindi kaya’y Dr. Jose Rizal lamang sapagkat masyadong mahaba ang pangalan niya.
Ngunit, paano kung naghihintay si Gat Andrés Bonifacio y de Castro na bigkasin natin ang Andres Bonifacio man lamang kapag may ganoong tanong? Sino ang mas kikilalanin mong bayani? Ang bayaning may makapangyarihang mga salita o ang bayaning may ma-impluwensiyang mga gawa?
Intelehente, mapayapa, at makabayan. Iyan ang mga salitang maaaring maglarawan sa tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. Hindi na lingid sa atin ang mga akda niyang kakikitaan ng bakas ng marahas na kasaysayan, tulad ng “El Filibusterismo” at “Noli Me Tangere”.
Kilala si Gat Jose Rizal sa kaniyang kakaibang paraan ng pagtuligsa sa naging pang-aalipin at pananakop ng mga Espanyol. Sa kaniyang sariling pamamaraan, walang dugo ang dumanak mula sa kaniyang mga palad. Bagkus, sa pamamagitan ng kaniyang mga salita at akda, sinigurado niyang maabot nito ang kaibuturan ng puso ng mga Pilipino at magsisilbing tagapukaw ng diwang nasyonalista ng kaniyang mga
kababayan.
Tulad natin, ipinanganak din siya na walang malay sa masalimuot nating nakaraan. Pero hindi niya hinayaang mantili sa ganoong estado. Naging mulat at naging tagamulat siya sa mata ng mga naaaping kapwa. Ang kaniyang talento’y naging daan din upang ipabatid niya sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan, na mahalagang linangin ang kanilang karunungan at edukasyon. Nais niyang ipaalam na walang sinumang makapagnanakaw ng kayamanang nakaimbak sa ating mga utak, gaya na lamang ng nais niyang ipahatid na mensahe sa akdang “A La Juventud Filipina”.
Sino ba naman ang makalilimot sa kataga ni Gat Jose Rizal na, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”? Simpleng mga salita, ngunit mababatid dito ang pagpapahalaga niya sa mahal na wika ng Inang Bayan. Makikita sa bawat sinusulat niya ang labis na admirasyon at pagpapahalaga sa wikang Filipino. Nais niyang malaman ng mga Pilipino na maaaring magamit ang mayabong nating lengguwahe bilang instrumento sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin.
Ang pagbibigay diin niya sariling wika ay naging epektibo dahil nagsilbi itong inspirasyon sa ibang makata, nobelista, dramaturgo o maging manli-
likha ng pelikula na linangin at ituring na pambansang wika ang Filipino. Napalago rin ng kaniyang mga isinulat na konsepto ang kasalukuyang panitikan sapagkat ito’y naging tulay sa pagtalakay ng mga manunulat sa iba’t ibang perspektiba sa mga isyung panlipunan.
Bukod dito, nagsulong si Gat Jose Rizal ng samahang may iisang layunin na makamit ang reporma mula sa hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol, ang La Liga Filipina. Namulat ang iba sa paniniwalang tutol siya sa rebolusyon. Subalit, ang nasabing samahan ay tila kampanang nag-ingay sa isipan ng mga Pilipino at nagtulak sa kanila upang gumawa ng rebolusyonaryong mga akto.
Ang isang silid na naiilawan lamang ng lampara ang siyang nakasaksi sa naganap na sandugo sa pagitan nina Gat Andres Bonifacio at ng ibang magigiting na Pilipino na tanda sa pagkabuo ng makasaysayang samahan ng Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o mas popular sa katawagang Katipunan.
Kilala o dapat ko bang sabihin na ipinakilala si Gat Andres Bonifacio sa karamihan bilang taong padalos-dalos, mabagsik, at agresibo. Subalit, hindi lang iyan ang mga katangiang taglay ng itinuturing ng iba na bayani.
Nagpakita siya ng katapangan at pagkamakabayan sa pamumuno ng mga himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol. Bilang Supremo ng Katipunan, nagtatag siya ng mga prinsipyong panlipunan at ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng kalayaan.
Hindi man nakatapos ng pagaaral, sinikap niyang turuan ang sarili ng wikang Filipino at Espanyol. Hilig din niya ang pagbabasa ng mga libro—hindi librong pambata, nobela, at piksyon, kung hindi librong puno ng kaalaman at kalinawan ukol sa katiwalian, rebolusyon, at kalayaan na itinuturing ng mga mananakop na subersibo ang pumukaw sa damdaming nasyonalista at prinsipyo niya. Kabilang na rito ang akda ni Gat Jose Rizal na “El Filibusterismo” at “Noli Me Tangere”.
“Supremo ng Katipunan”, “Ama ng Himagsikan”, at “Dakilang Anakpawis” ang mga titulong nakalimbag na sa pangalan ni Gat Andres Bonifacio. Ngunit lingid ba sa iyong kaalaman na isa ring magiting na manunulat at makata ang huli bukod sa pagiging makatarungang mandirigma? Ipinakita niya na posibleng mahalin ang bayang sinilangan, hindi lamang sa pamamagitan ng dahas at patalim, kundi sa pamamagitan din ng pag-akda tulad ni Gat Jose Rizal.
“Decalogo”, “Ang Dapat Mabatid
ng mga Tagalog”, “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan”, at “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ang ilan sa mga likha niya na bumuo ng kumpiyansa sa puso ng mga mambabasa. Bagama’t limitado ang bilang, ang mga sinulat niya ay siya ring nagtulak sa sumunod na henerasyon na linangin ang panitikan sapagkat maaari itong maging boses ng mga naaapi.
Bukod rito, ang kaniyang sining ay nagbigay-daan din sa pagpapahalaga sa kultura at pagkakakilanlan ng wikang Filipino. Ang diwa ng nasyonalismo at pakikibaka tungo sa katarungan ang mahahalagang bakas na kaniyang itinatak sa damdamin ng mga manunulat man o simpleng Pilipino.
Tila dumaraan ang mga Pilipino sa kumpol ng mga bubog sa bawat segundong lumilipas noong sakop pa ang bansa ng mga Espanyol. Kaya naman, sikaping alalahanin at pakamahalin ang mga makasaysayang nagawa ng mga nagmahal sa Inang Bayan kapag tayo ay tinanong kung sino ang pambansang bayani—mapayapang rebolusyonaryo man o agresibong rebolusyonaryo.
Ni Elisea Venice Agatha I. Estrañero
8 LATHALAIN
Ang Kaparangan: Kung saan sumisibol
Tara na sa Marikina
Sa loob ng marikit na lungsod ng Marikina, kung saan pinalilibutan ng iba't ibang buhay at aktibidad ng magigiliw na taong bumubuo sa lungsod na ito. Kung ikaw ay mapapadayo ay paniguradong ika'y maraming matutuklasan at maipag tanto na iba iba pala ang buhay ng mga tao sa isang natatanging lugar sa Marikina, na kilala bilang "Bayan" ay iyong makikita ang mga patunay sa mga itinuran ko.
Sa bayan, kung saan naroon ang mga pamilihan, na ika'y makakikita ng mga taong masaya dahil maipamimili na nila ang kanilang sweldo o 'di nama'y mga taong problemado kung paano na naman ibabadyet ang perang nalikom mula sa pag tatrabaho. Sa bayan, kung saan naroon ang "Sports Center" na sa loob ay may
Ni Lhiana Nicole D. Sanoy
mga manlalaro o mga nag eehersisyo, na patuloy na naniniwala sa kanilang mga sarili na kakayanin nila ito. Maging pag papapayat o pag papataba man o di kaya'y pag papa-unlad sa mga karunungan sa isports ang tunguhin ng pag punta nito, hindi maitatanggi na kayo'y welcome na welcome rito! Dagdag pa riyan ang "River park" na nasa bayan din. Ang parke kung saan may iba't ibang tao na nag lilibang gaya ng mga mag kakapamilya, mag kakaibigan syempre pati narin ang mga mag kasintahan. Matanda man o bata, mag isa man o may kasama, lahat ng klase ng tao ay matutunghayan mo na nag papalipas ng oras dito. Lalo na pag papalapit na ang kapaskuhan, iyong makikita ang mga makukulay na iaw at peryahan! At ito'y
talaga namang kinagigiliwan ng karamihan dahil sa 'di maitatanggi nitong kagandahan. Ikaw? Maipagpapaliban mo ba na hindi mag tungo rito? Bukod sa napakalinis na lungsod at sa magigiliw na taong na naninirahan sa Marikina, napakarami pang mga lugar na tunay ng maipagmamalaki talaga. Marami pang kayabg ipagmalaki ang Marikina, ngunit para matuklasan ang mga ito, bumisita ka na!
Tara na sa Marikina!
DIPLOMA DISKARTE
Naguguluhan ka rin ba sa tuwing tinatanong ka kung diskarte ba o diploma? Lahat tayo’y para bang dumadaan sa pinakamahirap na punto ng pagdedesisyon sa ating buhay tuwing ito na ang pinag-uusapan. Napakahirap na sagot para sa napakahirap na tanong, dahil ang ating kasagutan ay nakadepende sa ating sitwasyon at pinagdaraanan. Diskarte na ating inaasahan sa panahon ng kagipitan. At diploma na ating panghahawakan para sa mas matagumpay na kinabukasan. Magulo at komplikado, pero sa desisyon na ito nakasalalay ang daloy ng ating buhay.
Kung ating iisipin, mahalaga na may diskarte sa buhay ang bawat tao. Diskarte na sentro ng pag-asa ng mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil dito, may mga taong pinipili na lamang ang dumiskarte sa buhay dahil sa pangangailangan o dahil sa kagustuhan at hindi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral. Ngunit, hindi ba, kung ating iisipin ay mas mahalaga pa rin na natapos natin ang ating pag-aaral bago harapin ang tunay na hamon sa buhay kapag tayo ay may trabaho na? Hindi lamang
Ni Lhiana Nicole D. Sanoy
papel ang diploma na ginagawang palamuti sa dingding o ‘di kaya’y iniingatang itago kapag natanggap na natin. Ang diplomang ito ay tanda ng ating paghihirap, kasiyahan at tagumpay bilang isang taong nag sumikap para makatapos ng pag-aaral. Paghihirap, na ating pinagdaanan sa panahon na tayo ay nag-aaral. Kasiyahan, na ating naipamalas sa ating mga sarili habang may pagkakataon tayong mag saya habang tayo ay nag-aaral pa. At tagumpay na ating matatamasa sa oras na tayo ay makapagtapos na. Sana’y ating mapagtanto na ang diskarte sa buhay ay ating matututuhan pa rin sa proseso ng ating pag-aaral, dahil marami pa tayong malalaman. At lahat ng ito ay maaari nating gamiting tungtungan sa panibagong yugto ng ating buhay. Nawa’y habang may pagkakataon ay ating sulitin na mag-aral at makapagtapos, nang sa ganon ay wala tayong pagsisising maramdaman sa hinaharap. Dahil ang diskarteng mayroon tayo ay magagamit natin sa tamang oras at panahon. Ngunit ang mga oras at panahon na ito ay maaaring masayang para matamasa ang edukasyon at kaalaman na nakalaan para sa atin
kung mas pipiliin nating dumiskarte agad. Magsisikap na rin naman tayo sa pag diskarte sa buhay, bakit hindi pa natin ilaan ang pagsisikap na ito upang makapagtapos ng ating pagaaral at magkaroon ng marami pang kaalaman.
Darating ang tamang panahon na tayo ay nakatakda upang kumita na ng salapi para sa ating mga sarili at pamilya. Kaya’t matuto tayong maghintay at mag sumikap sa ating pag-aaral habang hindi pa dumarating ang bagong yugto ng ating buhay. Kung ating pahahalagahan ang ating edukasyon, maaari itong maging isang malaking hakbang tungo sa ating mas matagumpay na kinabukasan. Huwag nating isakripisyo ang ating kasalukuyan, dahil dito nakasalalay ang daloy ng ating kinabukasan.
Ikaw? Didiskarte
ka na ba o hihintayin mong matanggap ang diploma?
Komprehensyon,
Mahalaga
Sa tuwing nagkakaroon ng pagbasa sa aming paaralan, naaalala ko na lamang ang isa sa mga sinabi ng aking guro noong ako ay nasa elementarya. Ayon sa kanya, "Oo, magaling nga kung mabilis kang magbasa. Ngunit, anong silbi nito kung hindi mo naman naiintindihan?" Mula noon, tumatak sa aking isipan na tunay na mahalagang naiintindihan mo ang iyong binabasa. At hindi lamang ito nagagamit sa simpleng pag-unawa sa mga babasahin sa paaralan. Sa katunayan, maaari itong magamit sa napakaraming bagay.
Alam mo ba na isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng Pilipinas ay ang
mababang reading comprehension? Ayon sa balita, Ika77 ang Pilipinas sa 81 bansa sa buong mundo sa isinagawang student assessment ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) para sa 15 taong gulang na mag-aaral. Hindi ba't nakalulungkot para sa ating mga Pilipino na isa tayo sa mga napag-iiwanan pagdating sa edukasyon? Dahil dito, inihayag ng Department of Education (DepEd) ang "Catch-Up Fridays" noong Enero 12, 2024, na may layuning matugunan ang agwat ng pagkatuto sa pagitan ng mga mag-aaral sa elementarya at high school.
Mahalaga ang programang ito sa katunayang hindi lamang ito nakatutok sa pag -
9 LATHALAIN
Kaparangan:
ang Katotohanan
Mahalaga sa Kabataan
babasa ng Ingles at Filipino. Tuwing Biyernes, nagtuturo rin ang mga guro ng Values, Peace, and Health Education. Ngayon, bakit nga ba isinasagawa ang programang ito?
Mula sa student assessment, nakita ang kakulangan ng komprehensyon sa mga estudyante. Isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang mga bata sa asignaturang
Math at Science ay dahil hindi nila naiintindihan ang kanilang binabasa. Halimbawa, kung naiintindihan ng isang estudyante ang binabasang word-problem sa Math, magiging madali para sa kanya na maunawaan ang tinutukoy na problema rito, hindi ba? Kung kaya't mahalagang pagkaisipin ang kahalagahan nito.
Natutuwa man tayo sa mga
batang marurunong at mabibilis magbasa, ngunit wala itong katuturan kung hindi rin naman naiintindihan ang binabasa. Ang pagtuturo ng reading comprehension sa lahat ng kabataan ay napakahalaga. Sa panahon ngayon, isa itong "tool" na nagpapahintulot sa mga mag-aaral na lutasin ang mga problema ayon sa kanilang indibidwal na antas ng kaalaman. Hindi man dito nasusukat ang talino, ngunit magiging mabisa ito upang mas mapalawak ang pang-intindi sa mga asignatura sa paaralan o kung ano pa mang babasahin.
Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, kumusta ang reading comprehension mo?
2023-2024
Saan
Lagi akong nagtataka noong bata pa ako kung bakit pinupulot pa ni Mama ang pisong nahuhulog sa kaniyang pitaka. Piso lang naman iyon. Wala naman kaming nakabubusog na pagkaing mabibili roon.
Ngunit ngayong may kamalayan na ako, bigla akong namulat sa katotohanan. Oo nga pala, ano? Hindi naman kami mayaman. Bawat sentimong mahahawakan ng aming palad, kailangan nga pala naming pahalagahan. Bukod dito, patuloy pa rin pala ang pagtaas ng mga presyo. Kaya ano pa ba ang mabibili sa piso?
Bilang estudyante, kendi na lang ata at isang piraso ng papel ang maaari kong mabili rito. Nasasabik tuloy ako noong mga panahon na dalawang bond paper pa ang matatanggap ko sa tindera kapag nag-abot ako ng piso sa kaniya.
Masyado siguro talagang mabagal ang naging takbo ng oras noong nasa pandemiya pa tayo sapagkat labis na nagbago ang presyo ng mga kagamitang pampaaralan. Kinailangan pa namin pumili ng hindi gaanong Maganda na kalidad ng mga kwaderno at panulat magkasya lamang ang badyet.
Sigurado akong ganiyan din ang kinaharap o kinakaharap ng mga kapwa estudyante ko na galing sa pamilyang may limitadong pinagkukuhanan ng pera. Mapipilitan silang manirahan na lamang sa estado na kung saan ay mababang kalidad ng mga kagamitan ang bibilhin upang hindi kapusin sa pera.
Ni Elisea Venice Agatha I. Estrañero
Mananatili sila sa pagtanggap ng mababang kalidad ng edukasyon sapagkat ano pa nga ba ang pagpipilian nila?
Minsan na akong nakatagpo ng isang kamag-aral na tinitiis ang gutom kahit na may perang baon. Dalawa lamang ang posibleng dahilan—mataas ang presyo ng mga pagkain sa kantina o hindi kaya’y nagtitipid siya upang may mailaang pera sa mga kailangan sa paaralan.
Naisasakripisyo na ng ilan ang kalusugan sapagkat hindi na nila kaya pang mag-aksaya ng kahit sentimo man. Tila umiikot na ang mundo nila sa bawat sulok ng baryang kanil ang natatamasa.
Isa pa sa kinasasabikan ko ay ang mga panahong may matatanggap pa na sukli sa tsuper kapag nagbayad ako ng sampung piso sa kaniya. Ngunit ngayon, baka tumulad na lamang ako sa iba na mas pipiliin pang mag babad sa tirik na araw habang naglal akad kaysa sumakay ng dyip o traysikel na tila ginto ang gasolina.
Hindi rin lagpas sa aking kaalaman na laganap ang estudyanteng hindi sumusunod sa dress code at hindi madalas mag-uniporme. Sinasabi ng iba na wala silang disiplina. Pero hindi rin nila tinitingnan ang
posibilidad na kaya hindi madalas makasunod sa patakaran ang iba ay dahil iisa lamang ang pares ng uniporme nila. Hindi dahil ginusto nila kundi dahil makabutas-bulsa na ang halaga ng mga uniporme ngayon. Hindi dahil gusto nila kundi dahil kahit ilang piso pa ang mayroon sila, hindi noon matutugunan ang kakapusan nila sa pera.
Lagi akong natutuwa noong bata pa ako kapag nabibigyan ng piso. Piso rin kasi iyon. Ngunit ngayong mulat na ako sa buhay, napagtanto ko na higit pa pala ang saya na aking madarama sa bawat piso na mahahawakan ng aking mga palad. Oo nga pala, ano?
10 lathalain
Ng o Nang
“Huwag kang maglakad ng mabilis, dahan-dahan lang.”
May napansin ka bang hindi wastong paggamit ng gramatika sa pangungusap?
Oo, mayroong hindi tamang paggamit ng salita sa pangungusap na iyan, at ito ay ang katagang “ng”. Marahil ang iba sa inyo’y napansin ito, at may iba ring hindi ito napansin.
Tiyak akong mas nakararami ang di nakapansin sa pagkakamaling ito.Bakit ba ang simpleng paggamit ng wastong “nang” at “ng” ay pahirapan sa maraming tao, lalo na sa mga estudyanteng kagaya mo?
Ang paggamit ng “nang” at “ng” ay isa sa napagkakamalian ng mga estudyante dahil isa ito sa mga salitang nakalilitong gamitin. Hindi ko itatanggi na kahit ako ay dating hindi marunong sa wastong paggamit ng dalawang salitang ito. Naguguluhan ang marami sa wastong gamit ng dalawang salitang
Ni Sharles Helsey Timbol
ito na kadalasan ay hindi na naitatama dahil hindi na pinapahalagahan ang tamang paggamit nito. Halos arawaraw akong nakakaengkwentro ng mga ganitong kabataan na hindi wasto ang paggamit sa dalawang salita, sa social media post man, sa text, o ‘di kaya’y sa mga sulat-kamay na aking nababasa. Sa paanong tamang paraan nga ba natin ginagamit ang nang at ng?
Sa maraming paraan natin maaaring magamit ang “nang” at “ng”. Umpisahan natin sa wastong paggamit ng “ng”. Ayon kay Sandy Ghaz na isang educational writer ng Philippine News, ito ay ginagamit kung susundan ng mga salitang pangngalan, pang-uri, o pamilang. Ginagamit din ito sa oras at petsa.
Maaari din kayong sumangguni sa mga aklat na pambalarila tungkol sa tuntunin sa wastong gamit ng “ng” at “nang”. Madali lamang itong gamitin sa isang pangungusap dahil sumasagot lamang ito sa
tanong na ano at nino. Ilang halimbawa nito sa pangungusap ay ang sumusunod: “Ito ay ang laruan ng aking pamangkin na ibinigay ko sa kaniya.”
“Ihahayag ko ang layunin ng pelikulang ipinanood ng guro ko kahapon.” Ganoon lamang kadali ang paggamit nito. Dumako naman tayo sa paggamit ng “nang”.
Ang “nang” ang salitang mas nagkakaroon ng nakalilitong paggamit para sa mga kabataan. Ito ay dahil na rin sa mayroong dalawang titik na naiiba sa nang kaysa sa ng, subalit kung paano bigkasin ang dalawa ay parehong-pareho.
Mas maraming paraan ang wastong paggamit sa “nang”. Ito ay ginagamit kung susundan ng mga salitang pang-abay, pang-angkop, at pangatnig. Ginagamit din ito sa pagsagot sa tanong na paano, kailan, bakit, at gaano. Huwag ka ring malito dahil ginagamit din ito sa pinagsamang na at ang. Ito rin ay
ginagamit bilang katumbas ng mga salitang “upang” at “para”. At ang panghuli, ginagamit ito sa dalawang salitang inuulit gaya ng lakad nang lakad at tanong nang tanong. Ilang halimbawa nito sa pangungusap ay ang sumusunod: “Dapat ka lamang manood ng balita nang magkaroon ka ng kamalayan sa mga nangyayari.”
“Kumain ako nang marami para sa byahe ko.” Marahil, sa dami ng paraan ng paggamit ng salitang ito ay dito nagsisimula ang kalituhan ng mga kabataan sa wastong paggamit nito sa pangungusap. Ngayon siguro ay mayroon ka nang ideya o alam mo na ang wastong paggamit ng dalawang salitang ito. Balikan na natin kung ano ang mali at ano ang tama sa pangungusap na aking ibinigay sa unang talata. Ang wasto rito ay ang salitang nang na dapat nating ipalit sa ng. “Huwag kang maglakad nang mabilis, dahan-dahan lang.” Bakit pagdating sa pag-
2023-2024
kakaroon ng maling gramatika sa Tagalog ay ayos lamang sa ilan? Subalit, pag dating sa pagkakaroon ng maling gramatika sa Ingles ay marami na ang pumupuna? Kung minsan nga’y sinasabihan pa ng ilan ng mga masasakit o hindi angkop na pananalita ang iba. Hindi pagpapahalaga sa ating sariling lenggwahe ang ipinapakita nito. Kung ikaw ay naglaan ng malaking oras para matuto at mag-aral ng tamang gramatika sa ibang lenggwahe, gawin mo rin ito sa sarili mong wika, kahit pa sa tingin mo’y isang maliit na bagay lamang ito para paglaanan ng oras upang pag-aralan, gaya ng “nang” at “ng”. Bilang isang kabataang Pilipino, huwag tayo pumayag na hindi natin pahalagahan ang wastong pagsulat at paggamit ng gramatika sa ating sariling lenggwahe. O ano, dahan-dahan lang, matututuhan din nang mabilis yan.
DEAR Charo, Walang dapat maiwang Pilipino
Naghahabol ang Pilipinas sa larangan ng agham, matematika, pananaliksik, at iba pa dulot ng kakulangan sa pagsulong ng mga ito. Bukod dito, may napakahalagang bahagi para sa bawat isa ang napag-iiwanan na rin; ang larangan ng maunawang pagbasa. Simpleng mga letra at mga kataga’y hirap basahin. Nauutal at nalilito sa mga salitang nais bigkasin at intindihin. Iyan ang kalbaryong kinahaharap ng karamihan sa mga Pilipino, lalo na ang mga nasa bagong henerasyon.
Tinatayang nasa 91% ang bilang ng mga Pilipinong nasa edad sampu pataas na kapos sa abilidad na bumasa ng mga teksto, ayon sa tala ng World Bank. Ito’y nagsisilbing katunayan na may deteryora-
syon sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Hindi nabibigyang pansin ang pangangailangan ng kabataan sa gabay tungo sa epektibong pag-unawa sa bawat binabasa. Hindi lingid sa kaalaman ng Department of Education (DepEd) ang kahinaan ng mga batang Pilipino, kaya naman may mga programa silang inilulunsad ukol sa isyung ito. Ang Drop Everything and Read o DEAR na nasa ilalim ng kurikulum na Catch up Fridays ay isa sa mga nasabing kilos ng DepEd. Ito’y nagsilbing tulay upang bigyang halaga at oras ng mga magaaral at mga guro ang taimtim na pagbabasa isang beses kada linggo.
Ang pagpapatupad ng nasabing programa ay
Ni Elisea Venice Agatha I. Estrañero
pinasimulan na noong Enero 12, 2024 alinsunod sa DepEd Memorandum 001 s. 2024. Ang kagawaran ay nagkaloob ng mga aktibidad na maaaring isakatuparan ng mga guro sa bawat estudyante habang ginaganap ang DEAR sa paaralan. Matapos ang tatlong Biyernes ng pagsasagawa ng DEAR ay isinunod naman ang Catch-Up Fridays Kung saan nakapaloob ang National Reading Program (NRP)
Ilan dito ay ang pag-awit, paggamit ng mga flash cards, paglalaro, at iba pang gawain upang mabigyang buhay at saya ang mga Biyernes na kahaharapin ng mga mag-aaral. Iminungkahi naman ng DepEd na magsagawa ng sabayang pagbasa, pag-uulat, at pagbabasa ng
mga pahayagan para sa mga matataas na lebel. Hangad ng pinapatatag na programa na maipakita ang mayroong oportunidad at pag-asang mapa-unlad ang kakayahan sa kritikal at analitikal na pag-iisip, pagsusulat, at pagbabasa ng bawat estudyanteng Pilipino.
Ito ang mga ginagawang prayoridad ng pamahalaan sapagkat noong Disyembre 2019, nawindang ang karamihan sa naging resulta ng naging pagsusuri ng 2018 Program for International Student Assessment (PISA) Report. Nakasaad dito na ang mga mag-aaral pang-sekondarya ay nakapanlulumong nakakuha ng mas mababang marka sa reading comprehension, matematika, at agham
kaysa sa karamihan sa mga bansa. Ang nakuhang marka ng Pilipinas na 340 puntos ay hindi man lamang nakaabot sa pinakamababang antas ng kasanayan sa pagbasa. "Subukan lang natin. Tingnan natin kung meron tayong makikita na pagbabago after we do it during the term of President Marcos Jr. Six years nating gawin. Habulin natin kung ano ‘yung mga kailangan nating habulin, na kailangang matutunan ng mga bata”. Iyan ang mga katagang iniwan ng nakaraang presidente, si Duterte. Nagsisimula pa lamang ang kilos na ito, ngunit kalaunay maaari na nating mapatunayan ang sinasabi nilang “No Filipino Child Left Behind”.
Agham at teknolohiya
Oxytocin: Hormone na makikita sa mga nagmamahal
Ni Sofia Richel B. Ortega
Naniniwala ka ba na ang pagmamahal ay hindi lang nasa puso, kundi pati na rin sa utak? Karamihan sa mga tao, narinig na ang tanong na, “Utak o puso?”, at hati ang mga sagot nila. Karamihan sa mga sagot ay puso. Pero ito ang totoo; kapag nagmamahal ang isang tao, hindi lang ang puso ang gumagana, ang utak din.
Ang oxytocin ay isang love hormone o cuddle chemical na nagmumula sa hypothalamus at ito ay inilalabas ng dugo ng pituitary gland. Ito ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng tiwala at sa sekswal na nararamdaman ng isang tao sa kaniyang iniibig. Base sa agham, ang oxytocin ng isang tao ay tumataas kapag may mayroong interaksyon sa isang tao na may halong pag-ibig at pansekswal.
Tulad ng pagyakap sa isang tao. Ayon sa pag-aaral, ang pag-akap sa isang tao kapag ikaw ay napapagod at/o nalulungkot ay napakaepektibo dahil kaya nitong alisin ang lahat pagod at lungkot sa simpleng yakap o interaksyon gamit ang katawan.
Kasama rin sa pagtaas ng oxytocin ang pakikipagtalik. Ayon sa pag-aaral, ang oxytocin ay tumataas kapag mayroon sekswal na interaksyon ang isang tao, at ito ay lalong nagpapalalim sa interaksyon ng mag-asawa.
Pero hindi lang doon pinagbabasehan ang pagtaas ng oxytocin ng tao, tumataas din ito sa tuwing nanganganak ang isang babae. Huwag kalimutan, ang oxytocin ay isang love hormone, kung kaya’t ang dahilan ng pagtaas nito sa tuwing manganganak ang isang babae ay dahil sa labis na pagmamahal ng isang ina sa kaniya anak. Idagdag pa rito ang pagpapagatas ng nanay sa kaniyang anak, isa rin ito sa mga dahilan ng pagtaas ng oxytocin ng isang babae.
Girl Scouts of the Philippines (GSP) sa kanilang paghahanda sa punong ibabaon sa lupa.
Puno ng Pagbabago
Noong ika-17 ng Nobyembre 2023, naglabas ang DepEd Memorandum No. 069, s. 2023 ng proyektong tinatawag na DepED' 236,000 trees - A Christmas Gift for the Children kung saan noong ika-6 ng Disyembre, 2023 ang buong bansa ay matataniman ng 236,000 puno. Tila napakalaking bilang ngunit naisakatuparan dahil ang lahat ng kalahok ay pawang mga pampublikong paaralan.
Ang galing isipin ang ang pagmamahal ay hindi lang sa puso, kundi sa utak din. Oxytocin, ang isang love hormone na nakakonekta sa pagmamahal at pagtitiwala na emosyon ng isang tao tulad ng simpleng yakap at hawak ng kamay, ang sekswal na interaksyon sa pagitan ng mag-asawa, kasama ang panganganak at pagpapagatas sa anak. Laging tandaan, ang pagmamahal ay hindi namimili. Ang taong tunay at totoo kung magmahal ay hindi pipili sa pagitan ng utak at puso, gagamitin itong dalawa nang tama at maayos. Ang puso ay para sa emosyon, ang utak ay para sa desisyon. At mayroon tayong oxytocin, isang hormone na pagtatagpuin ang utak at puso para sa isang destinasyon.
Nasa 47,678 na
paaralan ang lumahok at isa na rito ang Parang High School (PHS) sa lungsod ng Marikina. Ito ay pinangunahan ng ating punong-guro, Gng. Jeanette J. Coroza, at ng mga guro sa asignaturang Science at Technology and Livelihood Education (TLE). Kasama rin ang mga gurong tagapayo at piling miyembro ng mga organisasyon ng paaralan tulad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) na boluntaryong sumama at nakiisa sa pagtatanim ng higit sa limang puno sa barangay ng Malanday na malapit sa ilog.
Maganda ang layunin ng proyekto ngunit hindi ko lang mapigilang isipin, kung ang proyektong ito ay regalo para sa mga bata. Bakit hindi na lang ito idirekta sa mga bata? Bakit kailangang maghintay pa na tumubo at magbunga ang mga puno? Bakit hindi na lang kagamitan sa pag-aaral ang pinagtuunan ng pansin ng departamento? Yung mabilisang maramdaman at hindi na kailangan maghintay pa ng ilang taon o dekada. Dahil iyon ang kailangan ng mga bata. Iyon ang magagamit talaga nila. Ngunit, kung lalawakan pa natin ang pag-iisip at pag-aaralan ang mga pananaliksik, mauunawaan ding ang proyekto ay may malaking maitutulong sa napapanahong mga isyu sa bansa at may mabuting dulot para sa kinabukasan ng mga bata. Hindi ito pangmadaliang solusyon. Mabuting harapin ang pangmatagalang epekto ng pagpaparami ng mga puno sa buong bansa.
Pagtatanim ang sagot sa deporestasyon na isang malaking isyu sa Pilipinas.
Nagdudulot ito ng pagguho ng lupa, erosyon, pagbaha at iba pang suliraning pangkalikasan, at habang tumatagal ay lumalala pa ito.
Krimeng Hindi Sinasadya: Pagkuha ng Larawan sa Social Media
Ni Sofia Richel B. Ortega
Mga larawan sa social media, tama pa ba? Pag-post sa social media ng picture ng kaibigan, kamag-anak, o kakilala, mga mukha ng ibang taong hindi kakilala na hindi naka-blur ang itsura bilang background, screenshots at i-send sa ibang tao ang mga madalas gawin ng mga tao nang hindi tinatanong ang pagpayag ng indibidwal bago ipakita sa buong mundo ang kaniyang mukha o pagkakakilanlan. Maraming tao ang gumagawa nito at hindi naiisip ang potensyal na kapahamakan sa paggamit nito kahit na layunin nito ay ipakita ang nakatutuwang pangyayari o nais lang magpasaya.
Ayon sa datos mula sa Global Forest Watch, mula 2001 hanggang 2022 ay nawalan ang Pilipinas ng 1.42 Mha ng kagubatan at may 84.5 kha na nawala sa taong 2022 lamang — mas mataas ng 72.8% sa 2021.
Dahan- da hang
nauubos ang mga puno sa ating ban sa at magpapatuloy pa ito kung walang gagawing hakbang ang pamahalaan.
Lumalala ang insecurity sa pag-post sa social media ng hindi alam ng isang tao. Karamihan sa mga tao ay may insekyuridad, kaya ang pag-post nang walang permiso ay mas lalong nagpapalala sa kanilang nararamdaman. Madalas mangyari sa pagitan ng pamilya lalo na sa magkakaibigan kapag kaarawan ng isa. Alam ng lahat na ang intensyon ng poser o ang nag-post na kaibigan o kamag-anak ay batiin lang siya ngunit ang larawan ay kadalasang stolen shots o pagkuha ng larawan ng hindi niya alam. Kaya sa larawan,hindi siya handa sa harap ng kamera.
Nakaaalarma kapag ika’y nasa publiko. Katulad ng nakasaad kanina, karamihan sa mga tao ay may insekyuridad at ang pagkuha ng lawaran at ma-post sa social media ay lalong mag papalala nito, ganoon sa mga taong nahagip ng kamera nang hindi sinasadya at kapag pinost, hindi man lang na-crop o na-blurred. Maaari itong maging meme o katuwaan, na pwedeng humantong sa cyberbullying.
-Sofia Richel B. Ortega at Kyle Miguel S. de Jesus
Kasama sa cyberbullying ang mga screenshots na may potensyal na makapanakit. Madalas ito mangyari sa mga paaralan. Ang conversation o convo ay i-se-send sa o sa mga kaibigan o kaya’y na-po-post sa social media nang walang permiso ay maaaring magdulot ng cyberbullying o pang-blackmail sa isang tao. Sa dami ng maaaring mangyari sa social media, ang kadalasan sa mga tao ay nais lang magpasaya. Katulad ng pagbati sa social media ng may kasamang larawan o katutuwang pag-uusap ng magkaibigan, ang social media ay isa pa ring platform para magkaisa at magpasaya. Kahit ang layunin ng mga nagpo-post ng larawan ay magpasaya lang, ang hindi paghingi ng permiso ay may tyansang makakita sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang potensyal na makapanakit ay mababa pero hindi mawawala. Kaya sundin ang palaging sinasabi nila, “Think, before you click”. Ugaliin na natin na sa kada-post, isipin ang mga tao na maaaring maapektuhan dahil sa hatirang pangmadla o sa mas kilalang social media at teknolohiya.
TAYO’Y MAGTANIM. Ito ang mensaheng nais ibahagi ng mga miyembro ng
(Kuha ni Andrea Julia B. Alarcon)
Agham at teknolohiya
kaparangan ang
2023-2024
Pagsiklab ng E-Cigarettes sa Kabataan: Isang Pag-aalala sa Kalusugan at Kinabukasan
Ni Alfred Kristian Obrero
NBENEPISYO NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE SA EDUKASYON
Sa pagtahak natin sa digmaan ng teknolohiya, ang Artificial Intelligence (AI) ay naglalaro ng isang makabuluhang papel sa pagsusulong ng sektor ng edukasyon. Kasabay ng masusing pagsusuri ng mga pangangailangan ng bawat mag-aaral. Ang AI ay nagbibigay-daan sa personalisadong pagtuturo at nagpapahusay sa pagkatuto ng bawat isa. Tumutok ito sa pagpapalawak ng kasanayan, nag-aalok ng mga oportunidad para sa mas mataas na uri ng edukasyon at nagbibigay-daan sa mas masusing pagsasanay sa mga mag-aaral. Sa pagpapasigla ng online learning, ang AI ay nagiging daan upang mapabilis at mapadali ang proseso ng pag-aaral, maging mas abot-kamay at maging mas
AT PAGGAWA
moderno ang edukasyon para sa lahat. Hindi lamang sa edukasyon kundi pati na rin sa mundo ng trabaho, nagiging kampyon ang AI sa pag-angkop sa mga pangangailangan ng makabagong industriyalisasyon tungo sa globalisasyon. Sa pamamagitan ng automasyon ng repetitibong gawain, binibigyan ng AI ang mga manggagawa ng pagkakataon na maglaan ng oras sa mas mataas na antas ng trabaho, tulad ng pagbuo ng stratehiya at paggawa ng mga desisyon. Bukod dito, ang AI ay naglalagay ng diin sa analisis ng datos at suporta sa paggawa ng desisyon, nagtuturo ng mas mabilis at mas matalinong operasyon. Nagsilbing tulay din ito sa pagbuo ng mga bagong uri ng trabaho at nagdadala
ng mga oportunidad sa larangan ng teknolohiya at AI development. Subalit, hindi rin dapat ipagwalang-bahala ang mga potensyal na panganib ng paglaganap ng AI. Ang tamang regulasyon at pangangasiwa ay kailangan upang tiyakin ang tamang paggamit nito at upang mapanatili ang etika at moralidad sa lahat ng aspeto ng edukasyon at paggawa. Sa pangkalahatan, ang pagsasama ng AI sa edukasyon at paggawa ay isang maingat na pagtahak sa landas ng pag-unlad. Kinakailangan ang kolaborasyon ng sektor, industriya, at pamahalaan upang tiyakin na ang teknolohiyang ito ay magsisilbing kasangkapan at hindi hadlang sa pangmatagalan at makatarungan pag-usbong ng lipunan.
aeengganyo ka na rin ba sa mga nakikita mo ngayong panahon? Maraming kabataan ay madalas nang gumagamit nito. Walang mabahong usok at sosyal pa ang dating. Marahil, kahit kayo ay pamilyar sa e-cigarette. Tila nagiging isang trend ito sa mga kabataan na nagreresulta sa pagiging normal na nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Subalit sa likod ng likas na kuryosidad at pananabik ay ang mas malalim na impluwensya- na ito ay nagdudulot ng mga panganib sa kanilang kalusugan at kabutihan. Karamihan sa mga gumagamit ng e-cigarette ay mga teen ager na 18 taong gulang o higit pa, ang itinuturing na tamang edad para subukan ang ganitong produkto. Bago tayo magpatuloy sa pagpapaliwanag, linawin muna natin kung ano ang e-cigarette. Ayon kay Niña Christina Lazaro-Zamora, sa kanyang inilathalang “Kaalaman Tungkol sa Vaping: Ligtas nga ba ang Gawaing ito?” sa hellodoctor.com.ph, “Ang vaping ay ang paggamit ng vape o vaporizer, na isang device na nagpapainit at nagpapa-aerosolize ng liquid solution o tinatawag nilang “juice” (ang nicotine content) na naglalaman ng pampalasa. Ang singaw na likido ay nilalanghap, katulad nang sa paninigarilyo. Samantala, ang electronic cigarette o e-cigarette ay isang uri ng vape na gumagamit ng nicotine-based solution.”
Sa kasamaang palad, marami sa mga kabataan ang nahuhumaling na rito sa murang edad, kahit pa sa loob ng mga paaralan. Ito ay may pagkakahawig sa tradisyunal na sigarilyo, ngunit sa halip na sunugin ang tabako, ito ay gumagamit ng baterya upang painitan ang isang espesyal na likido na tinatawag na "e-juice" na naglalaman ng iba't ibang kemikal, kabilang ang nikotina at propylene glycol. Marami sa mga kabataan ang nahuhumaling na sa paggamit ng e-cigarettes sa murang edad, na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan at pamumuhay. Ayon sa Philippine Pediatric Society, 11% ng mga estudyanteng nasa edad 10 hanggang 15 taong gulang ay umamin na nakagamit na ng vape. Sa mga paaralan, nakalulungkot na makitang ang bilang ng mga mag-aaral na gumagamit nito ay patuloy na
Sa harap ng hamon ng mga nagdaang kalamidad, tulad ng super bagyong "Karding," lumulutang ang kahalagahan ng pagpapalalim ng Ilog Marikina bilang bahagi ng siyentipikong solusyon sa pagtugon sa mga epekto ng pagbabago sa
tumataas. Marami sa kanila ang nahihirapang kontrolin ang kanilang sarili, na nagreresulta sa hindi magandang impluwensya sa kanilang pag-aaral at personal na pag-unlad. Subalit hindi lamang ang mga gumagamit ang dapat sisihin sa patuloy na paglaganap nito sa kabataan. Ayon sa Institute for Global Tobacco Control, marami pa ring mga tindahan na nagbebenta ng mga produktong tabako, kabilang ang e-cigarettes, sa mga paligid ng mga paaralan, kahit pa may mga regulasyon na nagbabawal dito. Ang ganitong kalakaran ay nagpapadali sa pagkuha ng mga kabataan sa mga mapanganib na produkto na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan.
Dulot nito, ang mga paaralan natin ngayon ay punong-puno na ng mga batang walang tigil sa paggamit ng e-cigarattes upang makabawas sa kanilang mga problema. Dahil sa nakahalong nikotina nito ay nakatutulong itong magpabawas ng kaba at tensyon na nagdudulot ng mas maginhawa at kalmadong sarili. Kaya naman kapag sila ay nahihirapan ay ginagamit nila ito.
Sa harap ng ganitong suliranin, mahalaga na ang pamahalaan at mga institusyon ay kumilos upang labanan ang patuloy na paglaganap ng e-cigarettes sa kabataan. Kinakailangan ng masusing pagbabantay at pagpapatupad ng mga regulasyon sa pagbebenta ng mga ganitong produkto. Bukod dito, mahalaga rin ang edukasyon at kampanya upang ipaalam sa mga kabataan ang mga panganib ng paggamit nito at ng iba pang uri ng bisyo.
Sa huli, ang ganitong paninigarilyo ay hindi lamang nagiging isang problema sa kalusugan ng mga kabataan, kundi pati na rin sa kanilang kinabukasan at kinabukasan ng lipunan. Kailangan nating sama-sama na labanan ang ganitong uri ng bisyo upang mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng susunod na henerasyon.
Ang pagtigil sa paggamit ng e-cigarettes ay hindi lamang isang indibidwal na responsibilidad kundi isang kolektibong tungkulin na ating dapat tuparin upang mabuhay ng mas masigla at mapayapa ang ating lipunan.
Sa panahon ng labis na pag-ulan, tulad ng dinala ni Karding, ang pagpapalalim ng Marikina River ay nagdulot ng positibong epekto sa kaligtasan ng lungsod.
Sa isang pagsusuri, ipinakita ni Marikina City Engineer Kennedy Sueno na sa pamamagitan ng regu-
lar at hindi mapapantayang paglilinis ng ilog, mas naging kontrolado ang pag-apaw ng tubig, na nagbawas sa pinsalang dulot ng baha sa mga komunidad malapit sa ilog. Ang kahalagahan ng teknolohiya sa proyektong ito ay hindi maitatatwa. Sa tulong ng mga espesyalisadong kagamitan tulad ng mga amphibious excavators at landlocked backhoes, maaaring madaling ma-access at linisin ang iba't ibang bahagi ng ilog. Ang mga modernong makina at pamamaraan sa pagpapalalim ay nagpapabilis sa proseso at nagbibigay daan sa mas mabisang pagtugon sa mga hamon ng kalikasan.
Sa pangangalaga sa kalusugan ng ilog, isinusulong din ng siyensiya ang pangmata galang solusyon. Sa pamamagitan ng pagsa-
sagawa ng pagsasaliksik at pagpapatupad ng mga innovatibong paraan, tulad ng paggamit ng mga bagong materyales sa pagsusuri at pagpapalakas sa mga istruktura ng ilog, maaaring mapanatili ang kalakasan ng ekosistema at mabawasan ang epekto ng baha sa mga komunidad.
Sa kabuuan, ang pagpapalalim ng Ilog Marikina ay hindi lamang simpleng hakbang para sa pagpigil ng baha. Ito rin ay isang halimbawa ng pagtatagumpay ng siyensya at teknolohiya sa pagtugon sa mga hamon ng kapaligiran. Sa patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng pamahalaan at mga sektor ng agham, ang Marikina ay patuloy na naglalakbay tungo sa mas malakas at mas ligtas na kinabukasan.
Ni Prince Gian Villacer
Ni Prince Gian Villacer
Dibuho ni Camille Joyce S. Peralta
Dibuho ni Camille
Joyce S. Peralta
13 Isports
PHS Futsal Girls: Nag-uwi
ng Silver Medal para sa Parang High School
sa pagdepensa sa bola. (Kuha ni Vivian Crisostomo)
Nakasungkit pa rin ng medalyang pilak ang PHS Futsal Girls sa kabila ng pagkabigong maipanalo ang laban sa final game at umiskor ng 0-2 na ginanap sa La Salle Green Hills Gym, Enero 21. Ang pinaghalong koponan ng Rizal High School at Valenzuela High School ang kanilang nakasagupaan.
Gumamit ang Futsaleras ng taktikang throw and kick sa pangunguna ng kanilang Captain Ball na si Andrea Padilla, mag-aaral mula sa 12-Conservation, sa pamamagitan ng pagsipa sa naglalagalab na goal para sana sa kanilang unang puntos, ngunit sa kasamaang pal-
ad, naunahan ito ng kabilang koponan kaya nagresulta ito ng pagkatalo. Ayon naman sa kanilang coach na si Gng. Vivian Crisostomo, guro sa Kagawaran ng Filipino, ang mga manlalaro ay lubusang nagsanay para sa kanilang pakikipagbakbakan, ngunit sadyang nanaig pa rin ang mga kalaban sa naging paligsahan. Hindi rin sila nawawalan ng kumpiyansa sa mga susunod pang laban, dagdag pa niya.
- Patrizha May D. Vasquez
PHS Men’s Volleyball Team, Aarangkada sa NCR!
Page)
Matamang binabantayan ng referee ang pagdagan ni Kyle Kien Burgos ng Parang High School (PHS) ang kaniyang kalaban na si Adrian Pepito ng Industrial Valley Complex High School (IVCHS). Kuha ni Rhea Joyce Altajeros.
PHS Ibinida ang galing sa pakikipaglaban sa Wrestling.
Isinagawa ni Kien Kyle Burgos ng Parang High School (PHS) ang malakasang puwersa para sa gintong medalya laban sa 54 kilos nang kaniyang pataubin si Emmanuel Nadila ng Industrial Valley Complex , (IVC) sa Wrestling Event sa puntos na 13-3 na ginanap sa PHS, Marso 12.
Sa kabilang dako, hindi sumuko sa pakikipaglaban si Denver Veranda na ating pambato nang nagpakitang gilas pa rin sa pangalawang match sa 54 kilogram ni Julian Santos ng IVC sa puntos na 12-2.
Sa pangatlong laban, ipinakita ng Sta Elena High School, (SEHS) ang galaw na High Crotch na winalis ni Alipio Denzel laban kay Adam Mohammad ng PHS na may 62 kilos na lumalaban pa rin para sa puntos na 10-0. Pinabilib ni Adrian Pepito ng
IVCHS ang mga manonood laban sa 66 kilograms ni Kyle Santos ng PHS sa puntos na 13-12 na nagpakitang gilas pa rin habang nilalabanan ang isang puntos na kalamangan. Ibinida ng bawat manlalaro ang kanilang freestyle sa paglalaro ng wrestling upang makamit ang kanilang inaasam bilang kasapi ng koponan.
Si Kien Kyle Burgos ang nagkamit ng gintong medalya kaya pasok siya sa palarong rehiyunal. Wagi pa rin ang iba nating pambato dahil nagkamit ng pilak na medalya sina Kyle Santos at Adam Muhammad habang nagkamit ng tansong medalya si Denver Veranda.
Si G. Victor E. Bedico Jr. ang coach ng mga wrestler sa PHS.
-Jomaica Jade M. Tenorio
Sepak uso pa ba?
LATHALAIN
nyo ba siLa?
Buhay na buhay sa panahon ngayon ang gym ng paaralan dahil sa mga nag-eensayong mga manlalaro ng iba’t ibang larong pampalakasan. Makikita ang dedikasyon at kasiyahan sa kanilang ginagawa.
Para sa ating mga saksi sa mga pagpapagod ng ating mga atleta, kilalanin natin ang ilan sa mga manlalarong Pinoy at kampyon sa kanilang laban. Sana ay maging inspirasyon sila sa ating mga manlalaro gayon din sa iba pang mahilig sa isports.
Rafael “Paeng” NepomucenoKinikilala sa buong mundo bilang magaling na bowler dahil nakamit niya nang anim na beses ang pandaigdigang kampeonato. Isa ka ngang kampyon!
Manny “Pacman” Pacquiao-
Walang sino mang hindi nakakikilala sa Pambansang Kamao. Nagkampyon sa walong dibisyon sa boksing, nanalo ng sampung titulo at isa ring pulitiko.
Lydia de Vega-
Sa larangan ng takbuhan, hinding hindi mo siya mauunahan. Kinilala siya bilang pinakamabilis tumakbo sa paligsahan sa Asya noong dekada 80.
Eugene Torre-
Pinatunayang muli ng isang mahusay na koponan ng isports sa Parang High School (PHS) na karapat-dapat silang magpatuloy sa pakikipaglaban sa larangan ng balibol, matapos nilang talunin ang Fortune High School (FHS), sa labanang pandistrito noong ikadalawa ng Marso na ginanap sa Marikina High School (MHS).
Ibinandera’t ipinagmalaki muli ng koponan ang PHS nang muli itong sumabak sa kompetisyong pandistrito noong ikalabindalawa ng Marso laban sa mga koponan na nagmula sa paaralan ng Our Lady Of Perpetual Succor College (OLOPSC), na nagtala ng labanang hanggang sa ikalawang markahan. Hinarap ng PHS ang Sta. Elena High School (SEHS) kug saan nagtala sila hanggang sa ikalawang markahang paligsahan, at ang panghuli ay ang pakikipagsagupaan ng PHS laban sa koponang nagmula sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMAR) at nagtala pa
rin hanggang sa ikatlong markahang paligsahan upang makamit ang titulong kampeonato sa larangan ng balibol. Senyales naman ito na handang-handa na nilang iwagayway ang bandila ng buong Marikina para sa darating na paligsahang panrehiyon. Kasama’t kaagapay pa rin nila ang kanilang masigasig na tagapagsanay sa balibol na si Bb. Geraldine Tapit. “Patuloy pa rin ang ginagawa naming pagsasanay. Hindi kami dapat tumigil. Sa halip, paghuhusayan pa namin ang aming pagpapraktis,” ito ang winika ni Miguel Harvey Rofloc kasama ang iba pang mga manlalaro na sina Rito Bacor Jr., John Vincent Dalumpines, Jiro Chris Eclipse, Mikel Eranes, John Jeffrey Galimba, John Francis Molina, Ronaldo Puzon Jr., Miguel Harvey Rofloc, Marc Joshua Sabado, Jhomarie Salandino, at Gabriel Joseph Tapel.
-Krizeah Faye DL. Acosta
Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang nahuhumaling sa online games o di kaya sa ibang uri ng isports gaya ng basketball, volleyball at badminton, mga larong popular dahil madalas laruin o panoorin. Sa kabilang banda, ang isports na Sepak Takraw ay hindi gaanong pamilyar sa karamihan ng kabataan ngayon kung kaya ang larong ito ay hindi gaanong pinapansin. Bago ang lahat, saan nga ba nagsimula ang Sepak Takraw? Ito ay isang larong katutubo sa Timog- silangang Asya. Nagsimula ang larong Sepak Takraw sa Kuala Lumpur sa Malaysia at Thailand. Ayon sa tl.wikipedia.org, ang sepak ay salitang Malay na sipa ang kahulugan at bolang yantok ang ibig sabihin ng takraw na salitang Thai. Ang Indonesia, Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand, Laos at Myanmar ay kilala rin sa isports na ito.
Nilalaro ang Sepak sa pamamagitan ng pagsipa ng bola papunta sa lugar ng kalaban. Tatlong manlalaro ang kinakailangan sa isang koponan. Ayon sa studocu.com/ph, ang mga posisyon ng tatlong manlalaro ay tekong na tagaharang ng bola; feeder na taga-reserve ng bola at ang spiker na taga-spike ng bola. May iba’t ibang uri ng sipa na ginagamit sa larong ito tulad ng toe kick, inside kick, sun back kick, at ang sick roll spike na ginamit ng star player na si Elzid Chua, sa naganap na Exhibition Game ng sepak takraw sa pagitan ng Parang High School (PHS) at Marikina High School (MHS) na siyang nagbigay-daan
sa kanilang pagkapanalo noong Pebrero 23.
Sa larong ito, pinapayagang gamitin ng manlalaro ang kanilang paa, tuhod, dibdib at ulo para mapatalbog ang bola patungo sa kanilang kalaban. Ngayong panahon ng palarong pandibisyon, muli nating maririnig sa mga usapang pampalakasan ang larong ito dahil isa ito sa nagbibigay-karangalan sa PHS malaiban pa sa ibang larong sinasalihan ng ating mga atleta. Laging nakapapasok sa palarong rehiyunal ang PHS hanggang sa palarong pambansa.
Hindi na mabilang ang mga medalyang nahakot ng mga naging manlalaro ng sepak at dahil din sa larong ito, nakarating pa ang ilang dating manlalaro sa ibang bansa at nagtagumpay rin sa pagkamit ng medalyang ginto. Sa ngayon, pinaghahandaan na ng ating mga manlalaro ang rehiyunal na palaro dahil ang koponan ng lalaki at koponan ng babaeng manlalaro ng PHS ang nanguna sa palarong pandibisyon. Hindi rin natin matatawaran ang kahusayan mga gurong tagapagsanay, sina G. Emerardo Claridad at Bb. Maria Theresa O. Navarra, coach at assistant coach ng team. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating suportahan at kilalanin ang larong ito. Hindi man uso ito para sa karamihan, bilang taga-PHS ay nararapat na alam natin ito. Kasama na ito sa tatak natin.
-Jomaica Jade Tenorio
Siya ang unang chess Grandmaster sa Asya. Lalo siyang nakilala nang talunin niya ang isang grandmaster na si Anatoly Karpov. Mas dapat natin siyang makilala dahil itinayo sa Marikina ang kauna-unahang museo sa ahedres, ang Eugene Torre Chess Museum.
Dennis Veranda-
Hindi siyempre pahuhuli ang Parang High School. Sa wrestling nakilala ang ating pambato. Nakarating hanggang Palarong Pamabansa nitong nakaraang taon na naging makasaysayan din dahil sa lungsod ng Marikina ito nangyari. Kinilala bilang Atleta ng Taon noong 2023 sa PHS. Malamang, hindi lamang diyan matatapos ang ningning ng kanyang karera sa isports.
At sa iba pang mga manlalaro ng PHS na lalaban sa darating na palaro, ang karangalan ng isa ay karangalan ng lahat. Break a leg!
Ang mga impormasyong nakalap ay mula sa https://www. scribd.com/doc/16631162/ MGA-MANLALARONG-PILIPINO
UNA! Tagumpay na nakuha ng Parang High School Men’s Volleyball team ang gintong medalya sa Palarong Dibisyon nitong nakaraang Marso 7, 2024. (Kuha mula sa PHS Men’s Volleyball Team Facebook
Binabantayan nang mahigpit ni Andrea Padilla ang kanyang puwesto habang alertong pinanonod ang kanyang mga kakampi
TOMO 1 | ISYU 1
ENERO-PEBRERO 2024
Isports
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Parang High School T.P. 2023-2024
kaparangan ang
Tagapagsanay ng Isports sa PHS,
ipinakilala
Pormal na ipinakilala sa mga mag-aaral ang mga gurong tagapag sanay ng isports sa isang maikling programa sa gymnasium ng Parang High School (PHS), Enero 11. Pinangunahan ni G. Stanley Manaog, School Sports Coordinator ng PHS, ang pag papakilala sa mga gurong tagapagsanay at tagapag turo sa iba’t ibang isports. Ang sumusu nod ay mga gurong tag apagsanay at kanilang laro: Aaron Paul Atienza -Arnis (lalaki), Mary Grace Opeña Arnis (Babae), Rodulfo Valerio Jr. -Athletics (lalaki), Daisy C. Humamoy- Athletics (babae), Brian Pagkaliwangan- Badminton (Boys), Ma. Cleofe dela Cruz- Bad minton (babae), Gimwell M. LiraBaseball, Radin B. Escoto- Basketbol (lalaki), Lance Eresmas- Basketbol (babae), Mary Ann Gonzales- Bilyar, Armando Odevilas- Chess (lalaki), Milyn M. Cato- Chess (babae), Vivian C. Crisostomo-Futsal, Jona than Cornell- Football, Emerardo E. Claridad- Sepak Takraw (lalaki), Maria Theresa O. Navarra- Sepak Takraw (babae), Laurlyn B. Lamsen- Table Tennis (lalaki), Ma. Concepcion D. BorelaTable Tennis (babae), Rowena AdagioTaekwondo, Geraldine B. Tapit- Balibol (lalaki), Arlene A. Galotera- Balibol (babae), Victor E. Bedico Jr.- Wrestling. Isinagawa ito hindi lamang upang makilala ang mga guro at ang iba’t ibang isports na nilalahukan ng PHS kundi upang hikayatin ang bawat estudyante na maging interesado sa isports at salihan ang laro kung saan sila mahusay o kanilang napupusuan.
Ang ilan sa mga binanggit ay basketbol, balibol, table tennis at boksing na may kanya-kanyang dibisyon para sa kalalakihan at kababaihan. Ang PHS ay kabilang sa ikalawang distrito at ang una munang lalahukan ay pandistritong palaro kung saan ang mga nanalo rito ay papasok sa pandibisyong palaro.
Bago matapos ang programa, nagbigay ng mensaheng tumatak sa mga estudyanteng tagapakinig si G. Victor Bedico Jr, tagapagsanay sa boksing, sa pamamagitan ng paggamit ng akronim na SPORTS CLUB.
-Krizeah Faye DL. Acosta
PHS Eagles, dinagit ang MHS Tigers sa ipinakitang angking
PAGDEPENSA. Dinedepensahan ni Christopher Tuavis ang
sa pagtira ng
Vasquez)
" MALAKING
INSPIRASYON SA AMIN 'YUNG MGA
MAHAL NAMIN SA BUHAY PATI NA RIN
'YUNG MGA TAONG NANINIWALA NA
KAYA NAMIN AT SYEMPRE 'YUNG
ALLOWANCE NA NATATANGGAP NAMIN "
Bumida sa pagkapanalo ang Parang High School (PHS) sa pamamagitan ng makatindig balahibong pagsipa laban sa Marikina High School (MHS), 21-16 na Exhibition Game sa PHS Gym, Pebrero 23.
Sa simula ng ikatlong set agad na nagpakitang gilas si Christopher Tuavis ng PHS Eagles sa pagtira ng Sun Back Kick na hindi nasalo ng MHS Tigers na nag resulta ng unang puntos para sa PHS.
Hindi ito pinalagpas ng MHS kaya't tumira sila ng malakas na pagsipa para sa kabil- ang panig na sinubukang habulin ngunit nabigo.
Sa kalagitnaan ng ikatlong set, ‘di makapigil hininga ang naging laban sapagkat unti-unti nang nag-iinit ang bakbakan sa pagitan ng dalawang koponan na naging see-sawing game, sa iskor na 12-13.
Patuloy sa pag-abante ang PHS ng lumamang pa ng limang puntos laban sa pagsisikap ng MHS Tigers bunga ng nakakakilabot na pagtira ni Rovise Daano ng Sick Roll Spike, at kumubra ng dalawang puntos, 18-15.
Natapos ang naglalagablab na paligsahan sa puntos na 21-16 na pinanalo ni Aeron Josh
Kabuuang
Reyes, isa sa bati- kang manlalaro ng PHS Eagles, sa nakabibilib na pagtira ng Heading na sinuportahan ni Elzid Chua, Star Player ng kasalukuyang taon, sa pag set ng rattan ball.
"Malaking inspirasyon sa amin 'yung mga mahal namin sa buhay pati na rin 'yung mga taong naniniwala na kaya namin at syempre 'yung allowance na na- tatanggap namin", dagdag ni Elzid Chua, Star Player ng kasalukuyang taon.
"Ang dahilan ng pagkapanalo namin ay pagsasanay araw-araw at pagiging disiplinado at sa tingin ko malaking tulong ang pagsali namin sa Palarong Panrehiyon noong nakaraang taon", pahayag ni Jhonray Gocon coach ng PHS Eagles.
Sa kabilang banda hindi mawawalan ng pag-asa ang mga manlalaro ng MHS dahil pagbubutihan pa nila ang mga susunod na laban.
-Patrizha May D. Vasquez
PHS Pasok sa Top 20 Wellness Dance
Nagbunga ang pagpapakita ng nag-uumapaw na talento sa pagsayaw ng Wellness Dance nang makapasok sa Top 20 ang Parang High School (PHS) sa Junior High Category na nilahukan ng libo-libong paaralan sa buong bansa. Ayon sa update noong Enero 10 na inilabas ng G. Brian Carl Pagkaliwangan, namamahala at gurong tagapagsanay ng Wellness Dance Team ng PHS, nakapwesto sa pang-16 ang ating paaralan na may 4272 boto.
Hinahangad nila na mapabilang sa Top 5 National Winners, kaya naman hinihikayat ang lahat ng magaaral, guro, magulang, kaibigan at kakilala na suportahan ang ating paaralan. Magrehistro sa https:// www.barangaynestle.com.ph at upang makaboto, pindutin ang link na https:// www.barangaynestle.com.ph/hataw-sayaw-showdown. Ang mga kasapi sa grupo ng mananayaw ay mula sa 10 - Knowledegable na sina John Louie Raine Flores, Ino Gagarin, at Kirsten Mariel Bayaras, mula sa 10 - Affable sina Marielle Mandapat at Aliana Mae Diaz, mula sa 10- Charitable si Aubrey Mae San Mateo, mula sa 10 - Comprehendible sina Cypress Jean Marray at Keith Bautista, mula sa Grade 10 - Respectable si Erica Lyn Advincula at mula sa 7 - Adaptive si Jillian Ashley Mejia.
Ayon kay John Louie Raine Flores, 10 - Knowledgeable, nag-ensayo sila nang husto kasabay ang pagkukundisyon sa kani-kanilang mga sarili, upang kung sila ay palaring mapabilang sa kumpetisyon, maayos at lubos silang nakapaghanda.
- Krizeah Faye DL. Acosta
NAKAMAMANGHANG
bola
nakabibilib na Sun Back Kick, Exhibition Game sa Parang High School (PHS), Pebrero 23. (Kuha ni Patrizha
bilang ng medalya sa kasalukuyan, ika-13 ng Marso, 2024
PHS Nestle Wellness Dance Team. (Kuha ni Dylanne Daraf S. Garceron)