Ang Kaparangan │Tomo 1 │Taunang Isyu 2023-2024

Page 1


kangaparangan

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Parang High School Taong Panuruan 2023-2024

Pagbati sa mga nagsipagtapos na mga mag-aaral sa Senior High School (SHS) ng Parang High School (PHS)!

Nagtipon ang mga mag-aaral sa Baitang 12, mga guro at kawani ng paaralan at mga magulang at iba pang miyembro ng komunidad upang ipagdiwang ang seremonya ng pagtatapos para sa taong panuruan

2023-2024 sa gym ng PHS. Dumalo sa okasyon ang punong lungsod ng Marikina, Marcelino R. Teodoro, mga konsehal ng Ikalawang Distrito, punong barangay ng Parang, Tatang Zulueta, at mga kagawad gayon din ang dating kongresista, Romero Federico S. Quimbo. Si G. Galcoso C. Alburo na

siyang kumatawan sa Dibisyon ng Marikina ang kasama ng punongguro, Gng. Jeanette J. Coroza ang tumanggap at kumilala sa mga mag-aaral na tinawag at umakyat ng entablado. Ang mga mag-aaral sa Baitang 12 ay natapos ang mga strand tulad ng Science, Technology, Engineering and Mathematics

(STEM), Accounting and Business Management (ABM), Technical Vocational Livelihood (TVL) track na Food and Beverage Services (FBS), Electronic Products Assembly and Services (EPAS) at Shielded Metal Arc Welding (SMAW). Nauna nang isagawa ang pagkilala sa mga nagtamo ng karangalan noong Mayo 29.

TULOY ANG KAPISTAHAN! Pambungad na programa ng

ibang antas ang mga pakulong inhanda ng mga club tulad ng Kamfil, Englisheroes at Alamath na isinagawa sa gym ng paaralan sa loob ng dalawang araw, Enero 5-6. Kuha mula sa PHS-The Meadows - Ang Kaparangan Fb Page

IKA-2 TAON NG CLUB DAY IDINAOS SA PHS

N

oong ikaapat at ikalima ng Enero, nasaksihan ng mga mag-aaral at guro ang ikalawang taon ng pagsasagawa ng Club Day na ginanap sa gymnasium ng Parang High School (PHS). Ang Club Day na pinamahalaan ni John Louie Flores, Vice President ng Supreme Student Learners Government (SSLG) ng Junior High School at ni Gng. Melda Balgua, gurong tagapayo ng SSLG, ay isang okasyon sa paaralan kung saan hinihikayat ang mga estudyante na lumahok sa iba’t ibang samahan. Ito rin ay pagkakataon upang ipakilala ang mga pinuno ng 12 samahan ng mga mag-aaral at mga miyembro nito. Ang bawat samahan ay nagkaroon ng iba’t ibang gimik o panghihikayat para maengganyo ang mga mag-aaral na sumali sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalaro gaya ng perya-peryahan, tumpakners, shoot the ball, math dice, 5 vs 5 sa Mobile Legends, darts at marami pang iba.

Bukod dito nagbigay rin sila ng papremyo kagaya ng kendi, pera, tsitsirya at mga puntos na maaaring idagdag sa grado na ibibigay ng kanilang guro. Makikita rin sa pagdiriwang na ito ang iba’t ibang klaseng serbisyo tulad ng pagmamasahe, paglilinis ng kuko at pagbebenta ng iba’t ibang klase ng pagkain,.

Isa rin sa pumatok sa mga nakisaya ay ang photo booth kung saan pwede

silang magpakuha ng litrato na maaaring i-post ng bawat club sa kanilang mga fb page at para naman sa mga magkasintahan ay mayroon ding Wedding Booth para sa kasal-kasalan.

Lahat ng ito ay dinagsa ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang at sinuportahan ang mga samahan na kanilang nais salihan. Upang maging maayos ang pagpunta ng mga mag-aaral sa loob ng dalawang araw, may sinunod na oras ng pagdalo ang bawat seksyon sa bawat baitang.

Sa ganitong paraan, hindi ito nakaapekto sa daloy ng klase habang isinasagawa ito. Nanalo ang sumusunod na samahan sa iba’t ibang kategorya: ALAMATH -(3rd Best Booth, 2nd Student's Choice, 2nd Most Visited, 1st Best Teaser); ENGLISHEROES-(2nd Best Booth, 3rd Student’s Choice, 2nd Best Teaser); TLE CLUB - (1st Best Booth, 1st Most Visited, 1st Student’s Choice); SAIPY - (3rd Best Teaser, 2nd Best Yell); KAMFIL -(1st Best Booth, 1st Best Yell); MC – ALERT (3rd Most visited, 3rd Best yell); ICT club - (1st Best booth); SCOUTS -(1st Best yell).

Narito ang 12 samahan kasama ang kanilang mga pangulo at gurong tagapayo: ICT Club Pangulo- Jamaica Dean, Tagapayo- Donna W. Mercado; Science Adhering Intellectually Productive Youth (SAIPY) Pangulo- Kurt Cerwin Figueroa,

Math Club, Inilunsad para sa Buwan ng Matematika

Ipinagdiwang ang pagbubukas ng Buwan ng Matematika sa pangunguna ng mga miyembro at mga opisyal ng Math Club at ng kanilang gurong tagapayo kasama ang iba pang mga guro sa Matematika sa gym ng Parang High School (PHS),umaga ng Enero 8.

Bukod sa pormal na pagsasagawa ng seremonya ng pagtanggap bilang mga miyembro ng Math Club sa pamumuno ng gurong tagapayo na si G. Randolf Byron S. Viray, hinihikayat ng programang ito na mas lumago ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga estudyante sa larangan ng Matematika na maghahatid ng malalim na oportunidad.

“Mathematics is for Everyone” ang binuksang paksa para sa taong 2024 na nagtatampok ng mga paligsahan tulad ng Tangram Making, Tesselation Making, Poster Making, Slogan Making, Da-Math Tournament, Sudoku Quiz, 3D Art Making, Spoken Poetry, Rubiks Cube, Circular Mandala Art, Math-Tricks, Math-Awitan, at Quiz Bee na pinamahalaan ni G. Viray kasama ang pamunuan ng samahan sa Sipnayan.

Tagapayo- Apple Olita; Girl Scouts of the Philipines (GSP) Pinuno- Kaye De Vera, Tagapayo- Stephanie Rose V. Valdejueza; Boy Scouts of the Philippines (BSP) Pinuno- Bryan Tejada Tagapayo- Stanley Manaog; ALAMATH Club PanguloJhaleel Argudo, Tagapayo- Randolf Byron S. Viray; Englisheroes Pangulo- Euna Macalalad Tagapayo Jackie Gonzalo; Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KamFil) Pangulo- Aliyah Mae Parol, Tagapayo- Marisa T. David; Social Studies Club Pangulo- Rainer Kenn Regajal, Tagapayo- Ronald E. Manago; Marikina City- Active Learners Emergency Response Team (MC-ALERT) of Parang High School Pangulo- Jhunnie Tiamzon Tagapayo- Feorelle C. Sison; Values Guild Pangulo- Sofia Padilla, Tagapayo Bernadeth M. Manahan; Lusog Isip ng Kabataan (LINK) Pangulo- Alexa Flores, Tagapayo Maria Theresa De Guzman; Technology and Livelihood Education (TLE) Club Pangulo- Gabriel Tapel, Tagapayo- Alfred M. Tapel; Youth for Environment in School Organization (YES-O) Pangulo- Miesha Chasley Castro, Tagapayo- Lorita A. Domingo. Ang pagsasagawa ng pagdiriwang na ito ay naisakatuparan dahil sa inisyatibo ng punong guro, Gng. Jeanette J. Coroza.

Nag-organisa naman ng isang maikling palaro ang mga tagapangasiwa na naglayong subukan ang kahusayan ng mga dumalong mag-aaral sa larangan ng Matematika na sinundan ng pagtatapos na mensahe ni Gng. Maria Teresa San Andres, Tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Matematika, kung saan inihayag niya ang kaniyang pasasalamat sa mga lumahok at nakiisa sa simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Matematika.

Nanguna sa paglikha ng Tangram, kinilala

Nagkampyon si Kurt Cerwin D. Figueroa ng 10-Knowledgeable sa Tangram Making Contest na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Junior High hanggang Senior High na idinaos sa Audio-Visual Room (AVR) noong ika-10 ng Enero.

Samantala, nakamit ni Oli S. Ingua ng 10-Disciplinable ang unang pwesto at ni Scarlett M. Del Rosario ang ikalawang pwesto na mula rin sa kaparehong seksyon.

Nagsimula ang paligsahan sa madaling lebel, sinundan ng katamtaman, pagkatapos ay mahirap na antas kung saan naglaban-laban ang natirang nangunang lima sa naging huling lebel ng kompetisyon.

Isinagawa rin ang pagbabago sa proseso ng pagpapaligsahan, ito’y ginawa nang on-the-spot challenge di tulad noong nakaraang taon upang mabigyan ang bawat estudyante ng pagkakataon na maipamalas at maibahagi ang kanilang angking talento sa publiko.

Dinagsa. Pinagkakaabalahan ng mga bumisitang estudyante mula sa iba’t
- Jeraldine L. Victor
- Hartzelle P. Calanuga
- Hartzelle P. Calanuga

Mag-aaral ng STE pasok sa Top 3 sa Clash of Sci-Tech Champs

Ang PAMAMARISAN ay binubuo ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Naganap ang naturang kompetisyon sa Mandaluyong College of Science and Technology nitong Pebrero 10, 2024 na hatid ng Our Lady of Lourdes Hospital.

Ito ay nilahukan ng mga piling magaaral ng Science, Technology, and Engineering (STE) Program na sina Jan Marc Ino Yuri L. Gagarin III at Andrea Julia B. Alarcon na mula sa 10-Knowledgeable at Jilianne Raine B. Mauleon na kabilang sa 9-Mindfulness. Nanguna sa listahan ng Top 16 Qualifiers ang Rizal High School (RHS) na pambato ng Pasig. Ang Sta. Elena High School (SEHS) na nasa

ikalawang puwesto at ang PHS na nasa ikatlong puwesto ay parehong mula sa lungsod ng Marikina.

SI G. Guiller P. Belen ang kanilang gurong tagapapagsanay na mula sa Kagawaran Ng Agham at tagapayo rin ng STE class sa ika-10 baitang. Magaganap ang huling tagisan ng talino sa Agham at Matematika sa Marso 16, kung saan makatatanggap ng sertipiko, medalya at gantimpalang nagkakahalaga ng 20,000 hanggang 50.000 libong piso ang tatlong itatanghal na mangunguna at mananalong paaralan.

Mga mag-aaral pinarangalan

sa SAIPY Science Month

Culmination

Kinilala ang mga piling mag-aaral na lumahok sa iba’t ibang paligsahan sa Buwan ng Agham sa idinaos na Science Month Culmination na may temang "Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan" sa Parang High School (PHS) nitong Set. 2023. Ito ang unang aktibidad ng Science Adhering Intellectually Productive Youth (SAIPY) na Science Club ng PHS na tampok ang mga patimpalak na Siyensikula, STEMtokperiments, paggawa ng poster at islogan .

Nanalo sa Siyensikula, kung saan nagsagawa sila ng 3-5 minutong bidyo na may kinalaman sa Agham, si Christine Joy Alicer (8 - Skillful) na nakamit ang unang karangalan at Anjel Alonzo (10 - Respectable), ikalawang karangalan, sa Junior High School (JHS), habang nasungkit naman ni Angelica Mediane sa Senior High School (SHS) ang unang karangalan. Sa STEMtokperiments na pagsasagawa rin ng bidyo, nagkampyon si Andrea Rante (8 - Skillful), unang karangalan si Akiyah Collano (8 - Resourceful) at ikalawang karangalan sina Raphael Meneses at Jayce Pintang (8 - Resourceful) at nasungkit din ni Angelica Mediane

BALITANG PAMPAMAYANAN

Pagpaparami

Marikina

236,000!

(12-Sustainable) ang unang karangalan. Kampyon din sa paggawa ng poster sina Shanna T. Ebrada, Queen Mhaven A. Nicasio, at Keith Jillianne E. Sapinoso (10Disciplinable) habang sina Eunna Macalalad, Mardy Angel Molina, at Aneshka Erin Margareth Salvadora (10 - Knowledgeable) ang nagkamit ng unang karangalan at ikalawang karangalan sina Anelia Dennise A. Amacio, Ma. Jessalyn R. Coronel, at Kelly C. Eubiera (9 - Happiness). Hindi rin nagpatalo ang tatlong estudyante na nagpakitang gilas sa paggawa ng islogan; Jemarie Hilongos (11 - Excellence) na kampyon, Kaelyn Alvarez (11 - Excellence), unang karangalan at Loraine Jabonillo (11 - Excellence), ikalawang karangalan. Layunin ng SAIPY na ipakita ang kakayahan at talento ng mga estudyante ng PHS sa pamamagitan ng mga patimpalak sa Agham, nang sa gayon din ay mas lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante pagdating sa siyensya, teknolohiya, at inobasyon.

Mga pambato ng TLE, Fil wagi sa Festival of Talents

Pitong mag-aaral na kumatawan sa asignaturang Technology ang Livelihood Education (TLE) at isa mula sa Filipino ang nagkamit ng mga karangalan sa Division Festival of Talents (DFOT) na ginanap sa Barangka Elementary School (BES) at Barangka National High School (BNHS), Abril 13.

Si Steven Joseph B. Bungubung at Jose Manuel T. Perez ay nagkamit ng unang puwesto sa kumpetisyon ng Electrical Installation and Maintenance. Nasa unang puwesto rin sina Jenny Rose Taniegra at Abigail Napiza sa Dressmaking Competition.

Pasok sa ikalawang puwesto ang mga kalahok sa Food Processing Competition na sina Louise Marie R. Manalo na guma-

wa ng vegetable pickles, Sophia Carmela Y. Bahaghari para sa Spanish sardines at Andrea Dennise A. Amacio sa kanyang inihandang chicken longganisa. Samantala, nakamit ni Aliyah Mae

N. Parol ang ikalawang puwesto sa Sulat-Bigkas na paligsahan sa asignaturang Filipino.

Ang mga gurong tagapagsanay ng mga magaaral na nagsipagwagi ay sina G. Jeramil G. Moreno, G. Henry T. Gallardo Jr., Gng. Ma. Cecilia M. Grefiel, Gng. Lea L. Tabilas, Bb. Aida A. Tolentino, Bb. Maria Karolina S. Tuazon at Gng. Rosa R. Vergara, mga guro ng TLE at Gng. Jasmin P. Pambid, guro ng Filipino.

Ang tema ng Festival of Talents sa taong ito ay “Galing, Talino at Husay ng mga Batang Makabayan sa Diwa ng Matatag na Adhika”.

Tila napakalaking bilang ngunit naisakatuparan dahil kalahok ang 47,678 na mga pampublikong paaralan sa Pilipinas kung saan bawat paaralan ay sabay-sabay na magtatanim ng limang puno kaya mahigit pa sa 236,000 ang kabuoang bilang ng mga punong namumunga (fruit-bearing trees) ang inaasahang tutubo at lalago sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ika-6 ng Disyembre, 2023 nang isinagawa ang sabay-sabay na pagtatanim ng mga puno at ang lungsod ng Marikina sa pangunguna ng Punong Lungsod, Marcelino R. Teodoro at Marjorie Ann A. Teodoro, Kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina ay sumuporta sa gawaing ito na pinamahalaan ng Sangay ng mga Paaralan ng Marikina sa pamumuno ni Dr. Cynthia L. Ayles, Pinunong Nanunuparan bilang Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralan at Dr. Jennifer F. Vivas, Pinunong Nanunuparan bilang Chief Education Supervisor. Ang Parang High School (PHS) na nakiisa sa pagtatanim ay pinangunahan ni Gng. Jeanette J. Coroza, Punong Guro II, at ng mga guro sa asignaturang Science at Technology and Livelihood Education (TLE) kasama ang mga gurong tagapayo at piling miyembro ng mga organisasyon ng paaralan tulad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) na boluntaryong sumama at lumahok sa pagtatanim ng higit pa sa limang puno sa bahaging malapit sa ilog na sakop ng barangay ng Malanday.

Bago ang pagtatanim ay nagkaroon ng programa sa gym sa Kalye Jocson, Malanday kung saan nagtipon-tipon ang ilang paaralan ikaanim pa lamang ng umaga.

Ganap na ikapito nang simulan ang programa at narinig ang pananalita nina Dr. Vivas, para sa pambungad na mensahe, Dr. Ayles sa kanyang mensahe at Dr. Elisa O. Cerveza, mula sa City Government Department, na nagbigay ng oryentasyon sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno.

Napaunlakan ding magsalita si Mayor Teodoro at Cong. Maan Teodoro matapos ang pagtatanim ng mga guro at mag-aaral kung saan binanggit ni Teodoro ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno at ang benepisyo nito sa kabataan at sa susunod pang henerasyon habang pagiging makakalikasan ang binigyang diin ng congresswoman.

Dumalo rin programa bilang pagsuporta ang mga taga- Division Office at lahat ng mga punong guro sa elementarya at sekundaryang paaralan.

Ang gawaing ito ay hindi natatapos sa pagtatanim ng mga punong namumunga, kung hindi simula pa lamang ng mahabang proseso ng pagpapabuti ng kalikasan. Ang mga mag-aaral na nagtanim ang siyang nagsimula at magpapatuloy sa pagbabantay at pangangalaga ng mga tanim.

Ang programa bago ang pagtatanim ay dinaluhan rin bilang pagsuporta ng mga taga- Division Office at lahat ng mga punong guro sa elementarya at sekundaryang paaralan.

NGITI NG TAGUMPAY. Ito ang nararamdaman nina G. Guiller P. Belen, Andrea Julia B. Alarcon, Jilianne Raine B. Mauleon at Jan Marc Ino Yuri L. Gagarin III sa pagkamit ng pangatlong puwesto sa ‘Brainiac: Clash of the Sci-Tech Champs’, Enero 10. Kuha mula sa PHS-STE Fb Page
- Nhicole Angela G. Olango
Punla ng Pagbabago. Itinanatim ni Kong. Marjorie Ann ‘Maan’ Teodoro ang isang puno ng langka bilang kontribusyon sa pagpaparami ng mga puno sa lungsod ng Marikina. (Kuha ni Krizeah Faye DL. Acosta)
- Nhicole Angela G. Olango
- Samerr B. Borines

balita

Umpisa ng Leadership Camp, idinaos

Isinagawa ang unang araw ng serye ng Leadership Camp na mayroong temang ‘Lider ng Kasalukuyan, Pag-asa ng Kinabukasan’ sa Parang High School (PHS) sa pamumuno ng Supreme Student Learners’ Government (SSLG) na dinaluhan ng mga opisyales ng mga samahan at organisasyon ng paaralan, Enero 13.

Inimbitahan ang dalawang tagapagsalita na sina G. Edriane Timothy Tabor, isang namumunong mag-aaral sa San Beda College at Bb. Risheill D. Guevara, Project Development Officer I, upang magbahagi ng kanilang karunungan tungkol sa pagiging isang lider.

‘Romanticize the mundane. Enjoy the day-to-day. The destination is only satisfying if we savor the journey,’ sabi ni G. Tabor

habang pinag-uusapan ang kanyang leksiyon na ‘What It Takes to be a Leader’ samantalang tinalakay naman ni Bb. Guevara ang ‘ABCs on Action Planning.’

Kasabay ng naturang kaganapan ang pagbibigay ng gantimpala sa mga clubs at organizations na nagwagi sa mga timpalak sa ginanap na Club Day noong Enero 4-5 at nagtapos ito sa pamamagitan ng team building activity at mga larong sinalihan na ng mga opisyales ng bawat club.

Gaganapin ang ikalawang araw ng Leadership Camp sa darating na Pebrero 3, 2024 na may panibagong hanay ng mga tagapagsalita at iba pang aktibidad na makatutulong sa mga kalahok.

- Aliyah Mae N. Parol

Napiling mga dekorasyon sa klasrum kinilala

TAMIS NG TAGUMPAY

The Meadows, Ang

Kaparangan;

Umani ng Parangal sa 23rd

Namayagpag ang opisyal na paaralang pampahayagan ng Parang High School (PHS), nang magkamit ng ikaapat na puwesto ang ‘The Meadows’ at Ikatlong puwesto ang ‘Ang Kaparangan’ sa ginanap na 23rd Division School’s Press Conference sa Sto. Nino Elementary School (SNES) noong Peb. 23 hanggang Mar. 9

Labing-isang parangal din ang nakuha sa iba’t ibang kategorya na pinaglabanan ng mga paaralang pampubliko at pampribado sa Lungsod ng Marikina.

Sinimulan ang patimpalak para sa mga indibidwal na kategorya noong ika-23 ng Pebrero sa pagkuha ng Larawang Pampahayagan sa Marikina Freedom Park at Pagsulat ng Isports (Sepak Takraw) sa Parang High School; kasama ang mga natitira pang indibidwal na kategorya sa SNES. Muling ipinagpatuloy ang pagdaos ng patimpalak sa SNES noong ika-2 ng Marso para sa mga pangkat na kategorya.

Kinilala ang mga mag-aaral na nagsipag wagi sa indibidwal na kategorya na sina: Tricia M. Argenio - Editorial Writing (4th place); Lhiana Nicole D. Sanoy - Pagsulat ng Lathalain (Ikaapat na puwesto); Jacob Allen Cordeno - Sports Writing (4th place); Samerr B. Borines - Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita(Ikalimang puwesto); Krizeah Faye DL. AcostaPagkuha at Pagsasaayos ng Larawan ( Ika-anim na puwesto); Miesha Castro - Mobile na Pamamahayag (Ika-anim na puwesto); Raphael Shane Meneses - Mobile Photojournalism (6th place); Rhea Joyce Altajeros - Pagkuha at Pagsasaayos ng Larawan - (Ikapitong puwesto); at Ericka Nicole Caigaman - Photojournalism (7th place). Nagtagumpay din sa pangkat na kategorya sina: Camille Joyce Peralta, Jean Rei V. Luczon, Ma. Quiristina Endielle O. Cac, Sofia Richel B. Ortega, at Patrizha May D. Vasquez - Kolaboratibong Paglalathala (Ikalawang puwesto); Mardy Angel Molina, Jhaleel Norinel

TOFAS awardees kinilala

Tatlong silid-aralan ang binigyan ng pagkilala ng School Parent-Teachers’ Association (SPTA) dahil sa pagkapanalo sa Homeroom Christmas Decoration Contest na isinagawa noong Dis, 2023. Grade 11 ABM Clarity mula sa Rm. 203 ng Senior High School (SHS) Bldg. ang nanalo ng unang puwesto, Grade 12 ABM Preparedness mula sa Rm. 305 ng SHS Bldg. ang nagkamit ng ikalawang puwesto at Grade 10/9 Accountable/Accurateress na mula sa Rm. 303 ng Administration Bldg. ang nag-uwi ng ikatlong puwesto. Si G. Jeffrey dela Cruz ang gurong tagapayo ng 11-Clarity, si Gng. Zenia B. Pulanco ang gurong tagapayo ng 12- Preparedness habang sa 10-Accountable si Gng. Ma. Aylene C. Fabillar at Gng. Maylene S. Labonete sa Accurateness.

Ang paligsahan na bukas sa lahat ng antas at seksyon ay sinalihan ng 38 silid-aralan mula sa iba’t ibang gusali sa loob ng paaralan, SHS Bldg., QTech Bldg., Condazo Bldg., Administation Bldg. at Science, Technology and Engineering (STE) Bldg. Walong silid sa SHS Bldg ang lumahok, lima sa QTech Bldg., tatlo sa Condazo Bldg., dalawa sa Admin Bldg., at apat sa STE Bldg.

Ang mga hurado ay mga opisyales ng SPTA kasama ang mga imbitadong panauhin na nag-ikot sa mga gusali noong Dis. 4, 2023. Paggamit ng mga recycled materials sa mga dekorasyong ikakabit sa kanilang mga silid ang naging hamon sa mga lumahok sa patimpalak.

- Cristelyn Jane DG Andico

Kabilang ang anim na mag-aaral mula sa iba’t ibang antas ang pinarangalan dahil sa pagkamit ng mataas na marka sa Test of Fundamental Academic Skills (TOFAS) sa isang seremonya sa GSIS Financial Center noong Mayo 18. Sila ay sina Yvo Zavdiel R. Martin ng 7- Imaginative (STE), Janine Allysson Tenerife ng 8- Cheerful, Meura Angel C. Fernandez ng 8-Tactful, Mary Joy D. Cornejos ng 9- Awesomeness, Malik Amir D. Ali ng 9- Benevolentness at John Caezar D. Apolinar ng 9- Mindfulness (STE).

Sa paaralan, muli silang kinilala sa ginanap na Araw ng Pagkilala kasama ang kanilang mga magulang; para sa Baitang 7 noong Mayo 28, para sa Baitang 8 at 9 noong Mayo 30 sa gym ng paaralan. Ang TOFAS ay isang pagsusulit na may layuning sukatin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng Matematika na nasa Baitang 3 hanggang Baitang 10. (mula sa post ng Alamath)

LABINTATLO! Iyan ang bilang ng naipanalong medalya na simbolo ng
Ang Kaparangan at The Meadows mula sa nagdaang ika-23
DSPC (Kuha
Paghahanda. Tinatalakay ni G. Edriane Timothy Tabor, isang lider na estudyante sa San Beda College, ang mga katangian ng isang tunay na pinuno sa Leadership Camp na isinagawa sa Audio-Visual Room (AVR) ng Parang High School, Enero 13. (Kuha ni Angelica Jade M.Cabungcal)
- Nhicole Angela G. Olango

Catch-Up Fridays, Umarangkada na

pagtatagumpay at na naiuwi ng (Kuha ni Ericka Nicole Caigaman)

TAGUMPAY

Kaparangan; 23rd DSPC

Argudo, Mark Albert Catungcal, Nichole Yanga, at Rainier Kenn Regajal - Collaborative Desktop Publishing (3rd place); Samantha Nicole Gapan, Ma. Suzette M. Tondo, Jamaica P. Dean, Ariane Morata, at Christcharles I. Teves - Online Publishing (3rd place).

Ang ika-23rd DSPC ay may temang “The Role of Campus Journalism in Fostering DepED MATATAG: Addressing Literacy, Chartering a New Path”

Aarangkada naman sa Regional School Press Conference (RSPC) ang Pahayagang Pampaaralan ng ‘Ang Kaparangan’ at ‘The Meadows’ matapos masungkit ang ikatlo (Filipino) at ikaapat na puwesto (English).

Katuwang sa tagumpay ng mga magaaral ang Gurong Tagapayo at Tagapagsanay na sina Mr. Gerald Buendia (English) at Bb. Marcerin R. Permejo (Filipino)

Nakiisa sa implementasyon ng Catch-up Fridays na nakasaad sa DepEd Memorandum No. 001, s2024 ang Parang High School (PHS) na sinimulan noong Peb. 2. at isasagawa sa lahat ng Biyernes na darating.

Sa araw ng Catch-up, ang unang tatlong oras ng klase ay ilalaan para sa National Reading Program (NRP) sa English at Filipino at ang huling tatlong oras ng klase ay para sa mga tiyak na aralin, Health, Values at Peace Education. Ito ay programa ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong mapabuti pa lalo ang akademikong pagganap, partikular sa pagbabasa upang makasabay sa mga pambansa at panlabas na malawakang pagtataya sa antas ng kahusayan sa pagbasa.

Ayon pa rin sa memorandum, hangad ng DepEd na magkaroon ng de-kalidad, angkop, inklusibo at edukasyong tutugon sa pangunahing pangan-

gailangan ng mga mag-aaral.

Kinakailangan ding mapalakas ang kaalaman sa larangan ng pagpapahalaga na may kaugnayan sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao; kalusugan na kaugnay ng aralin sa Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) at kapayapaan na kaugnay ng asignaturanag Araling Panlipunan.

Ang paghahanda ng mga guro bago ito ipatupad ay isinagawa sa ginanap na In-service Education and Training (INSET) na pinamahalaan ng administrasyon ng paaralan noong Enero 24-26 at 29-30. Naunang isinagawa sa nakaraang tatlong Biyernes ng Enero ang pagsasakatuparan ng programang Drop Everything and Read (DEAR) kung saan ang mga mag-aaral ay pinagdala ng anumang aklat na kanilang babasahin sa paaralan.

PHS wagi sa ika-2 pwesto sa “Timpalak sa Pagsulat at Pagbigkas”

Nagwagi ng ikalawang gantimpala si Aliyah Mae N. Parol ng 10-Knowledgeable, kinatawan ng Parang High School (PHS) sa "Timpalak sa Pagsulat at Pagbigkas" na ginanap sa magkai bang lugar sa Marikina sa dalawang Sabado ng Nobyembre, 2023. Ang timpalak sa pagsulat na unang bahagi ng paligsahan ay ginanap sa Jardin ni Lola sa Riverpark, Nob. 11.

Muling nag tipon ang mga kalahok noong ika-25 ng Nob. sa Marist School para sa ikala wang bahagi ng paligsahan, ang pagbigkas. Ang patimpal ak na ito ay inilunsad ng Samahang Rotaryo ng Marikina para sa mga pil ing mag-aaral sa mataas na paaralang nasasakupan ng Lungsod ng Marikina. Sampung ki natawan mula sa iba-ibang paaralan ang naglayong makamit ang pinakamataas na puwesto.

Lumalabas ang mga mag-aaral ng 10- Charitable nang nakapila at tinatakpan ang mga ulo bilang pagsunod sa alituntunin sa isinasagawang unannounced earthquake drill. Ito ang unang drill na isinagawa sa taong ito. (Kuha mula sa Facebook Page ng MC- ALERT of Parang High School)

Biglaang earthquake drill ikinasa

Ganap na 8:00 ng umaga noong ikawalo ng Pebrero nang ipatupad ang Annual Unannounced Earthquake Drill ng School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) ng Parang High School (PHS).

Magkatuwang ang Marikina CityActive Learners Emergency Response Team of Parang High School (MC-ALERT) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) upang gabayan ang mga mag-aaral ng PHS na makarating sa itinakdang evacuation area at upang sumaklolo sa tuwing may mga hindi inaasahang pangyayari kapag isinasagawa ito gaya na lamang ng pagkahilo dahil sa init.

Inobliga ang mga estudyante na isuot ang kani-kanilang mga hard hat o anumang simpleng pantakip sa kanilang mga ulo.

Bago ito, ang duck, cover, and hold ay ipinaalam at itinuro sa mga estudyante upang malaman nila ang mga tamang paraan na dapat gawin sa oras ng sakuna. Ang mga hindi nagsasagawa ng tamang proseso ay pinaaalalahanan ng mga nakapapansing guro at ng mga miyembro ng SDRRM.

Pagkalabas ng paaralan, pumupuwesto ang mga mag-aaral sa mga itinalagang lugar upang doon manatili sakaling dumating ang lindol.

Sinasanay rin sila na maging kalmado at pumila nang maayos mula sa paglabas ng silid-aralan, habang isinasagawa ang drill at hanggang sa muling pabalikin ang lahat sa loob ng paaralan.

Paghihigpit

Kabilang sa mga paaralang lumahok ay FEU Roosevelt, Santa Elena High School (SEHS) Malanday National High School (MNHS), Conception Integrated School (CIS), Parang High School (PHS). Barangka National High School (BNHS), Marikina Science High School (MSHS), Our Lady of Perpetual Succor College (OLOPSC), St. Scholastica’s Academy of Marikina (SSAM), Fortune High School (FHS), at Marikina Catholic School (MCS). Nakamit ng OLOPSC ang unang puwesto, PHS ang nag-uwi ng ikalawang puwesto at nakuha ang ikatlong puwesto ng Barangka National High School.

Pagsasamahan ng pamilya ang tema ng isinulat ni Parol at ang gurong tagapagsanay niya ay si Gng. Jasmin P. Pambid na mula sa Kagawaran ng Filipino.

Upang matiyak na sumusunod sa mga alituntunin ng paarlan ang mga mag-aaral, naghigpit sa pagpapasok ng gate ang mga gurong nangasiwa sa pagbabantay kasama ang mga guwardiya ng eskwelahan. Simula noong Marso 25, kapansin-pansin ang pagdami ng mga estudyanteng pang-umaga na pinapila dahil sa hindi pagsunod sa mga patakaran. Karamihan ng mga mag-aaral na nasita ay dahil sa hindi pagsunod sa tamang uniporme, makakapal na palamuti sa mukha, pagkahuli sa oras ng klase, mahahabang buhok o di kaya naman ay may kulay ang buhok.

Inililista ng mga nasitang magaaral ang kanilang pangalan, seksyon at gurong tagapayo.

Mayroong tatlong uri ng paglabag na maaaring mabigyan ng angkop na disiplina. Mayroong di-mabigat na paglabag (minor offenses), mabigat na paglabag (major offenses) at mas mabigat na paglabag (grave misconduct).

Nagbibigay ng ilang impormasyon tungkol sa pagsasagawa ng Catch-up Fridays si Gng. Stephanie Rose Valdejueza, guro sa Filipino, sa kanyang klase na 9- Awesomeness. Programa sa pagbasa ang isinasagawa ng mga guro sa Filipino tuwing Biyernes. (Larawang kuha ni Jane S. de Guzman)
- Jeraldine L. Victor
- Cristelyn Jane DG Andico - Ma. Quiristina Endielle O. Cac
- Alfred Kristian Obrero

opinyon

Ang Kaparangan

OPISYAL

PATNUGUTAN

Taong Panuruan2023-2024

Lebron J. Carmona

Punong Patnugot

Aliyah Mae N. Parol

Kapatnugot

Kyle Miguel S. De Jesus

Tagapamahalang Patnugot

Samerr B. Borines

Patnugot sa Balita

Lhiana Nicole D.Sanoy

Patnugot sa Lathalain

Sofia Richel B. Ortega

Patnugot sa Pagsulat ng Agham

Patrizha May D. Vasquez

Patnugot sa Pagsulat ng Isports

Lebron J. Carmona

Patnugot sa Pag-aanyo

Krizeah Faye DL. Acosta

Tagakuha ng Larawan

Camille Joyce S. Peralta

Punong Debuhista

Mga Manunulat

Jeraldine L. Victor

Cristelyn Jane DG. Andico

Nhicole Angela G. OLango

Angelica Jade M. Cabungcal

Elisea Venice Agatha Estranero

Prince Gian Villacer

Alfred Kristian Obrero

Patrizha May D. Vasquez

Hartzelle P. Calanuga

Sharles Helsey Timbol

Bb. Marcerin R. Permejo

Gurong Tagapayo

Gng. Rosanna A. Lagan

Pinuno ng Kagawaran ng Filipino

Gng. Jeanette J. Coroza Principal II

Parangal Overload?

Nitong nakaraang Mayo 2024 lamang dinala ng isang netizen sa social media ang pagtataka nito sa kung bakit napakaraming magaaral ang nabigyan ng karangalan sa nagdaang Parangal 2024 sa iba’t ibang paaralan ngunit bagsak sa ranking ng Program for Inter- national Students Assessment (PISA) ang bansa. Ilang netizens naman ang sumang-ayon pa rito. Dagdag pa ng ilan ay tila napakadali na raw umanong mabigyan ng parangal ang mga mag-aaral sa Panahon ngayon kaysa sa panahon nila. Depensa naman ng Department of Education (DepEd) na ang kasalukuyang K-12 Curriculum ay naglalayong iwasan ang kompetisyon at hindi ilimita sa natatanging sampung mag-aaral na may pinakamatataas na kabuuang marka ang parangal sa bawat klase. Kasama rin dito ang pagtanggal sa titulong Valedictorian, Salutatorian at Honorary Mention. Sagot naman ng DepEd sa kung bakit kulelat ang Pilipinas sa nagdaang PISA ay iba raw ang basehang ginagamit ng PISA sa pagbibigay nito ng marka sa bawat bansa sa ginagamit na basehan para magbigay-parangal kaya hindi raw patas na ipagkumpara ang dalawa.

Karamihan sa atin ay dumaan din sa pagkaestudyante at alam ang paghihirap na pinagdadaann ng isang estudyante para lamang makapasa. Hindi rin natin maitatanggi na masarap sa pakiramdam ang makakuha ng mataas na marka na bunga ng inyong pagsisikap. Ngunit imbis na pagbati ang natatanggap nila ay sinapawan naman ito ng pagtataka at pagdududa sa kanilang kakayahan ang kanilang naririnig.

Crab Mentality. Isang konseptong pamilyar sa karamihan sa mga Pilipino dahil isa itong pag-uugali na kapansin-pansin sa karamihan sa mga Pilipino. Tulad ng isang talangka, kapag ang isang talangka ay nakaaangat, isang talangka naman ang hihila rito pababa. Teoryang tila ba nangingibabaw sa sitwasyong ito. Ayaw malamangan? Hindi masayang mas maraming estudyante ang nakakukuha ng parangal at pagkilala sa kanilang paghihirap?

Ayon sa isang netizen, noong kanilang kapanahunan ay napakahirap makakuha ng parangal ngunit bakit ngayon daw ay tila mas madali. Isa sa mga maaaring dahilan ay ang accessibility sa edukasyon. Noon, ang access sa internet ay limitado. Pawang mga may kakayahan lamang sa buhay ang mayroon nito. Ngunit kasabay ng lumalagong mundo ay ang paglago rin ng teknolohiya. Sa panahon ngayon ay mas accessible na ang mga babasahin sa tulong ng internet at gadget. Hindi tulad noon na kay hirap

manaliksik sa kung saan-saang aklatan. Ngunit hindi nangangahulugang mas madali na ang pag-aaral sa panahon ngayon. Sa Kasalukuyang kurikulum, ang passing grade ay 75%. Ito ay kasabay ng lumalagong access sa edukasyon at materyales pang-edukasyon. At kung pahirapan lang din ang pag-uusapan, hindi ba’t ang dahilan ng pagbuo ng MATATAG Curriculum ay dahil sa umaapaw na lesson at gawain. Nangangahulugang na

Hindi man sang-ayon ang buong mundo sa iyong tagumpay, ngunit ikaw sa sarili mo mismo ang na ka-aalam kung gaano kahirap ang daan tungo sa tagumpay. Kaya naman damhin mo’t namnamin ang sarap bunga ng tagumpay.

pakaraming mga gawain ang kasama noon sa nila ang humahatak sa kanila pababa?

daanan ng mga estudyante ngunit sa huli’y hindi naman pala kailangan at napagalamanang ang ilan pa rito ay paulit-ulit lamang. Ngunit sa kabila nito ay nalagpasan pa rin nila ito hindi natin malalaman ang paghihirap ng isang tao hangga’t hindi tayo mismo ang nakaranas nito. Hindi ba pwedeng hayaan na lamang natin silang namnamin ang bunga ng kanilang paghihirap? Alam nating lahat na palaging masarap ang bunga ng pagsisikap at palaging masakit kung mayroong hindi suma- sang-ayon sa iyong parangal kaya’t bakit ninyo ito ginagawa sa iba? Hindi ba’t tayo rin ang nagtatak sa kanilang mga isipan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan? Ano na lang kaya ang mararamdaman ng mga estudyanteng dugo’t pawis ang inialay para lamang unti-unting tuparin ang pangarap ng bayang lumago kung sariling bayan nila ang humahatak sa kanila pababa? Kung sila ang pag-asa ng bayan, nangangahulugang ang sariling kababayan rin nito ang humahadlang sa pagkakataong lumago ang inang bayan. Hindi madali ang landas ng isang estudyante makamamit lamang ang natatanging parangal. Luha mula sa mga gabing iniiyakan na lamang ang tambak na gawain. Pawis sa bawat praktis ng sayaw o anumang pisikal na gawaing pampaaralan. At puso’t isip para sa bawat output na kanilang ipinapasa na kanilang pinagbuhusan ng pagsisikap at maiging pinag-isipan.

Punto +de Bista

“Sa

halip na gipitin, pag-unawa ang kailangan sa kanilang kalagayan.”

Pangunahing transportasyon ng mga Pilipino ang dyip at hangad ng administrasyon na paunlarin ito sa pamamagitan ng modernisasyon. Bahagi ng plano ang konsolidasyon. Ika-31 ng Disyembre, 2023 ang ibinigay na deadline sa pagkonsolida ng mga dyipni na walang prangkisa, at simula Pebrero, 2024 ay huhulihin na ang mga hindi tutupad dito. Maraming tsuper ang umalma kahit sabihin pa ng gobyerno na hindi na magbabago ang kanilang desisyon.

Ako, bilang isa ring pasa-

Sa Paghakbang Tungo sa Modernisasyon, Huwag

Natin Tapakan

hero ay sumasang-ayon sa pagkonsolida, ngunit, gaano man kalaki ang maitutulong nito, hindi ito maaari kung ang kapakanan ng tsuper ang kapalit.

Ang pagtakda ng deadline ng konsolidasyon ay parte ng modernisasyon ng public utility vehicle (PUV) na isang programa ng Kagawaran ng Transportasyon. Layunin nitong gawing organisado at maayos ang biyahe ng mga dyipni sa pamamagitan ng pagsali sa kanila sa kooperatiba—isang bagay na aking sinusuportahan.

Sa kooperatiba ay itatakda ang mga araw at oras ng kanilang biyahe, pananatiliing maayos ang kalidad ng ginagamit nila pampasada at bibigyan ang mga opereytor ng nakaayos na sahod, Para sa akin, malaki ang maitutulong nito sa mga komyuter at sa mga may-ari ng sasakyan, hindi na mag-uunahan ang mga dyipni sa pagpasada at magkaroroon sila ng pananagutan sa kooperatiba. Magiging mas ligtas at maayos ang mga daan. Pero, ang mga benepisyong aking nilista ay siya ring dahilan ng pag-ayaw ng mga tsuper. Karaniwan sa sistema ng pamamasada ang paghahapit upang makakuha ng pasahero, singitan sa kalsada, pagbaba ng pasahero sa

ang

Tsuper

highway, paunahan magsakay sa pamamagitan ng pagsigaw ng barker na halos paos na. Sa ganito, tugma sa kanilang sipag ang iuuwi nila sa araw-araw. Sa pagsali sa kooperatiba, hindi lang ang kanilang kita ang maaapektuhan, pati rin ang mga araw ng kanilang biyahe ay mababawasan. At upang maiwasan ang pilit na pagkonsolida, ang ilang samahan ay nagtulungan upang gumawa ng mga welga at protesta, kabilang dito ang samahang PISTON at MANIBELA. Ngunit, sa kabila ng kanilang pagsisikap, ay hindi pa rin apektado ang itinakdang deadline. Sumasang-ayon ako sa nais makamtan ng konsolidasyon ng mga PUV. Naniniwala ako na tunay na hakbang ito tungo sa pag-unlad. Ngunit, habang hindi sumasang-ayon ang mga tsuper dito ay wala itong mararating. Kailangan ng pagkakaisa ng mga tsuper at ng gobyerno. Mahalaga na matuloy ang pag-unlad, pero kailangan itong gawin sa paraan na tanggap ng lahat.

Dapat malagpasan ng magkabilang panig ang pagtutunggali. Kailangang gumawa ng kompromiso kung saan maipatutupad ang konsolidasyon nang hindi nalulugi ang mga tsuper. Sa halip na gipitin, pag-unawa ang kailangan sa kanilang kalagayan.

Nagugustuhan at Inaayawang

Asignatura

Ayon sa sarbey na isinagawa noong ika-5 ng Pebrero, lumalabas na sa 610 na mag-aaral mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang ng Parang High School na sumagot, tatlong asignatura ang tinatangkilik ng lahat- English, Filipino at Technology and Livelihood Education (TLE).

Isang mag-aaral lamang ang lamang ng English sa Filipino. Para sa akin, walang kaso na lamang ng isang mag-aaral ang gumugusto sa asignaturang Ingles, dahil alam naman natin o sa mga nakararami na ang wikang Ingles ay pangalawang lenggwahe ng ating bansa, huwag lamang tuluyang makalimutan at pahalagahan ang una nating lenggwahe—ang Filipino. Isang mag-aaral lamang ang lamang ng English sa Filipino. Para sa akin, walang kaso na lamang ng isang mag-aaral ang gumugusto sa asignaturang Ingles, dahil alam naman natin o sa mga nakararami na ang wikang Ingles ay pangalawang lenggwahe ng ating bansa, huwag lamang tuluyang makalimutan at pahalagahan ang una nating lenggwahe—ang

ni Pia

Kba talaga ang lugar dahil sadyang tahimik ito’t walang masasabi? O dahil ang mga taong may nais sabihin ay pilit pinatatahimik?

Ayon sa Reporters Without Borders, ang Pilipinas ay isa sa mga nakamamatay na bansa para sa mga mamamahayag. Sinasabi na ang sariling bansa ay hindi para sa mga mamamahayag dahil sa magiging dulot ng bawat letra, salita, talata hanggang sa mismong pahayag o artikulo. Sa madaling salita, maaari lamang magsalita kung hindi ito nakasasama ng reputasyon ng nakatataas. Nakalulungkot ang mga nangyayari sa paligid natin. Ang trabaho ng mga mamamahayag ay maging boses ng mga taong nasa ibaba na hindi makapagpahayag ng kanilang mga hinaing dahil sa kakulangan ng kaalaman kung paano sila maghahayag at wala rin silang kapangyarihan. Iyon ang paraan ng pagtulong nila, ang maging boses sa katotohanan ng taumbayan. Ang pagsasalita at ang pagsusulat ay madaling gawin, pero para sa mga taong may tinik sa leeg, mahirap gawin. Kaya kahit mahirap, kahit alam na ang magiging resulta kung sakaling ipipilit ang pagsasalita, gagawin ng mga mamamahayag, Dahil mamamahayag sila, magsasali-

ta sila ng katotohanan para sa bayang kanilang pinaglilingkuran. Sinabi rin sa online article ang mga banta na ipinararanas sa mga mamamahayag. Ito ay pagbabanta sa kanilang buhay o gagamitin ang buhay ng pamilya o kung sino mang mahal nila sa buhay. Binanggit din ang pagbabantang sekswalidad sa mga babaeng mamamahayag tulad ng pambabastos sa kaniya sa mga pampublikong lugar o baka higit pa roon ang magawa, magpakalat ng edited na hubad na larawa, at pagbabanta gamit ang personal na impormasyon ng babae. Napatutunayan ng pahayag kung gaano kahirap maging boses ang mga mamamahayag kapalit ng katotoohan sa bayan. Gagamitin ang posisyon at kapangyarihang magpatahimik alang-alang sa reputasyon ng nasa itaas. Gagamitin ang posisyon at kapangyarihan upang itago ang baho at ang tunay na kulay. Gagamitin ang posisyon at kapangyarihang mapanatili ang pekeng maskara at ang tunay na katotohanan. Mahirap maging boses ng katotohanan. Pero bilang isang mamamahayag, kahit alam ang magiging resulta, isasapubliko ko ang katotohanan para sa bayan. Sa bansa, o sa mundo, nag-umpisa ang lahat sa pagiging

ignorante. O yung iba, nagpapanggap na ignorante. Maglalagay ng “pinuno” sa itaas, sa pag-aakalang ito ay matino, responsable, nakikinig at kinokonsidera ang boses ng mga nasasakupan pero ang habol lang ay kapangyarihan at awtoridad. Lahat nagpaniwala at naniwala na iba ang nasa itaas na posisyon, pero hindi. Bilang isang nasasakupan at boses, mahirap gumalaw dahil ang bawat aksyon ay kontrolado. Mahirap magsalita dahil sa tinik na nakabalot sa leeg ng mamamayag. Mahirap magsulat sa isang puting papel dahil baka pula ang tintang magamit imbis na itim. Alang-alang sa sariling kaligtasan at sa kaniyang paligid, mananahimik na lang. Kung hindi, patatahimik na lang, sa kahit na anong paraan. Pero hindi nawawala ang dignidad at ang bugso na tumulong sa mga naaabuso ng mga mamamahayag. Tinik sa leeg, talampakan sa ulo, nakatutok man sa kaniyang ulo o pamilya, magsusulat at magpapahayag ang mamamahayag. Walang makapipigil sa mata, boses, at kamay ng mamamahayag. Sa kabilang bahagi man ng mundo o rito pa rin, isasapubliko ng mamamahayag ang katotohanan.

Filipino. TLE ang pangatlong asignaturang tinatangkilik ng mga mag-aaral dahil siguro, mas nakararami ang interesadong matuto magluto at gumaling magluto, at magkalikot o gumamit ng mga eletronikong mga bagay. Nakatutuwang marami ang mga magaaral—mapababae man o lalaki ay nahihilig at interesadong magluto o gumamit sa kusina. Bukod sa mga paboritong asignatura ng mga mag-aaral, mayroon ding kinaayawan at halos makalahati nito ang pie chart sa iisang kadahilanan—mahirap ang Sipnayan. Ang Sipnayan o Matematika ay sinasabing unibersal na lenggwahe dahil sa numero nito o formula na hindi magbabago saan mang sulok ng mundo. At kahit malakas ang tukso na aralin ito dahil sa kabigha-bighaning mga numero, mahirap talagang intindihin ito ayon sa 287 na mag-aaral. Maski ako, hirap dito pero hindi maitatanggi na saang mang sulok ng mundo, makikita ang matematika at kahit na anong ganda ng Sipnayan, ganoon din ito kahirap intindihin. Katulad ng tao, magaganda pero hindi lahat, naiintindihan o subukan man lang intindihin.

LIHAM SA PATNUGOT

Mahal na Patnugot, Ako po ay nagagalak sa mga unti-unting pagbabagong nangyayari sa ating paaralan. Katulad ng paglalagay ng harang para magkahiwalay ang linya ng babae at lalaki sa canteen. Sa pamamagitan nito, mas maayos na nakabibili ang mga mag-aaral at walang kaguluhang nangyayari.

Dahil dito, nais ko po sanang sabihin ang matagal nang problema sa ating paaralan na hindi malutas-lutas. Ito po ang mga palikuran. Sa tuwing papasok ka rito hindi kaaya-ayang amoy ang bubungad sa iyo, isama mo pa ang mga balot ng mga pinagkainang nakakalat sa lapag. Pati na rin ang mga pinto ng bawat cubicle na walang hawakan o kundi walang lock. Idagdag mo pa ang hindi malinis na mga kubeta na minsan ay barado at may kalat pa sa loob. Wala ring mga sabon at tubig para makapaghugas ng kamay ang mga mag-aaral. Dahil dito, mas pinipili na lamang ng ibang estudyante na hindi pumunta rito at pigilan ang kanilang ihi na labis namang nakaaapekto sa kanilang kalusugan. Sino nga ba talaga ang may kasalanan nito? Ang mga walang disiplinang estudyante o ang paaralan na responsable rito?

Sa pamamagitan ng pagbili ng mga cleaning materials katulad ng sabon, walis tingting, pambomba ng kubeta, at muriatic acid maaaring masulosyunan ang problemang ito. Mapagawa rin sana ang hindi gumaganang flush, sira o tanggal nang hawakan ng pinto at mga kandado upang maiayos din ang palikuran.

Sana naman ay masolusyonan na ang matagal na problemang ito, dahil ito rin ay nakaaapekto sa kalusugan ng mga estudyanteng nag-aaral dito. Sana naman ay maisaayos ito, at sana rin magkaroon ng disiplina ang mga estudyanteng gumagamit nito.

Lubos na gumagalang, Angelica.

atahimikan. Tahimik
Ni Sofia Richel B. Ortega

DIPLOMA DISKARTE

Ni Lhiana Nicole D. Sanoy

Naguguluhan ka rin ba sa tuwing tinatanong ka kung diskarte ba o diploma? Lahat tayo’y para bang dumadaan sa pinakamahirap na punto ng pagdedesisyon sa ating buhay tuwing ito na ang pinag-uusapan.

Napakahirap na sagot para sa napakahirap na tanong, dahil ang ating kasagutan ay nakadepende sa ating sitwasyon at pinagdaraanan. Diskarte na ating inaasahan sa panahon ng kagipitan. At diploma na ating panghahawakan para sa mas matagumpay na kinabukasan. Magulo at komplikado, pero sa desisyon na ito nakasalalay ang daloy ng ating buhay.

Kung ating iisipin, mahalaga na may diskarte sa buhay ang bawat tao. Diskarte na sentro ng pag-asa ng mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil dito, may mga taong pinipili na lamang ang dumiskarte sa buhay dahil sa pangangailangan o dahil sa kagustuhan at hindi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral. Ngunit, hindi ba, kung ating iisipin ay mas mahalaga pa rin na natapos natin ang ating pag-aaral bago harapin ang tunay na hamon sa buhay kapag tayo ay may trabaho na? Hindi lamang papel ang diploma na ginagawang palamuti sa dingding o ‘di kaya’y iniingatang itago kapag natanggap na natin.

Ang diplomang ito ay tanda ng ating paghihirap, kasiyahan at tagumpay bilang isang taong nag sumikap para makatapos ng pag-aaral. Paghihirap, na ating pinagdaanan sa panahon na tayo ay nag-aaral. Kasiyahan, na ating naipamalas sa ating mga sarili habang may pagkakataon tayong mag saya habang tayo ay nag-aaral pa. At tagumpay na ating matatamasa sa oras na tayo ay makapagtapos na.

Sana’y ating mapagtanto na ang diskarte sa buhay ay ating matututuhan pa rin sa proseso ng ating pag-aaral, dahil marami pa tayong malalaman. At lahat ng ito ay maaari nating gamiting tungtungan sa panibagong yugto ng ating buhay. Nawa’y habang may pagkakataon ay ating sulitin na mag-aral at makapagtapos, nang sa ganon ay wala tayong pagsisising maramdaman sa hinaharap. Dahil ang diskarteng mayroon tayo ay magagamit natin sa tamang oras at panahon. Ngunit ang mga oras at panahon na ito ay maaaring masayang para matamasa ang edukasyon at kaalaman na nakalaan para sa atin kung mas pipiliin nating dumiskarte agad. Magsisikap na rin naman tayo sa pag diskarte sa buhay, bakit hindi pa natin ilaan ang pagsisikap na ito upang makapagtapos ng ating pag-aaral at magkaroon ng marami pang kaalaman. Darating ang tamang panahon na tayo ay nakatakda upang kumita na ng salapi para sa ating mga sarili at pamilya. Kaya’t matuto tayong maghintay at mag sumikap sa ating pag-aaral habang hindi pa dumarating ang bagong yugto ng ating buhay. Kung ating pahahalagahan ang ating edukasyon, maaari itong maging isang malaking hakbang tungo sa ating mas matagumpay na kinabukasan. Huwag nating isakripisyo ang ating kasalukuyan, dahil dito nakasalalay ang daloy ng ating kinabukasan.

Ikaw? Didiskarte ka na ba o hihintayin mong matanggap ang diploma?

Ng o Nang?

Ano ang iyong isinagot noong tinanong ka ng iyong guro sa elementarya kung sino ang pambansang bayani natin? Marahil karamihan ay si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang isinagot o hindi kaya’y Dr. Jose Rizal lamang sapagkat masyadong mahaba ang pangalan niya.

Ngunit, paano kung naghihintay si Gat Andrés Bonifacio y de Castro na bigkasin natin ang Andres Bonifacio man lamang kapag may ganoong tanong? Sino ang mas kikilalanin mong bayani? Ang bayaning may makapangyarihang mga salita o ang bayaning may ma-impluwensiyang mga gawa?

Intelehente, mapayapa, at makabayan. Iyan ang mga salitang maaaring maglarawan sa tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. Hindi na lingid sa atin ang mga akda niyang kakikitaan ng bakas ng marahas na kasaysayan, tulad ng “El Filibusterismo” at “Noli Me Tangere”.

Kilala si Gat Jose Rizal sa kaniyang kakaibang paraan ng pagtuligsa sa naging pang-aalipin at pananakop ng mga Espanyol. Sa kaniyang sariling pamamaraan, walang dugo ang dumanak mula sa kaniyang mga palad. Bagkus, sa pamamagitan ng kaniyang mga salita at akda, sinigurado niyang maabot nito ang kaibuturan ng puso ng mga Pilipino at magsisilbing tagapukaw ng diwang nasyonalista ng kaniyang mga kababayan.

Tulad natin, ipinanganak din siya na walang malay sa masalimuot nating nakaraan. Pero hindi niya hinayaang mantili sa ganoong estado. Naging mulat at naging tagamulat siya sa mata ng mga naaaping kapwa.

Ang kaniyang talento’y naging daan din upang ipabatid niya sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan, na mahalagang linangin ang kanilang karunungan at edukasyon. Nais niyang ipaalam na walang sinumang makapagnanakaw ng kayamanang nakaimbak sa ating mga utak, gaya na lamang ng nais niyang ipahatid na mensahe sa akdang “A La Juventud Filipina”.

Sino ba naman ang makalilimot sa kataga ni Gat Jose Rizal na, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”? Simpleng mga salita, ngunit mababatid dito ang pagpapahalaga niya sa mahal na wika ng Inang Bayan. Makikita sa bawat sinusulat niya ang labis na admirasyon at pagpapahalaga sa wikang Filipino. Nais niyang malaman ng mga Pilipino na maaaring magamit ang mayabong nating lengguwahe bilang instrumento sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin.

“Huwag kang maglakad ng mabilis, dahan-dahan lang.”

May napansin ka bang hindi wastong paggamit ng gramatika sa pangungusap? Oo, mayroong hindi tamang paggamit ng salita sa pangungusap na iyan, at ito ay ang katagang “ng”. Marahil ang iba sa inyo’y napansin ito, at may iba ring hindi ito napansin.

Tiyak akong mas nakararami ang di nakapansin sa pagkakamaling ito.Bakit ba ang simpleng paggamit ng wastong “nang” at “ng” ay pahirapan sa maraming tao, lalo na sa mga estudyanteng kagaya mo?

Ang paggamit ng “nang” at “ng” ay isa sa napagkakamalian ng mga estudyante dahil isa ito sa mga salitang nakalilitong gamitin. Hindi ko itatanggi na kahit ako ay dating hindi marunong sa wastong paggamit ng dalawang salitang ito. Naguguluhan ang marami sa wastong gamit ng dalawang salitang ito na kadalasan ay hindi na naitatama dahil hindi na pinapahalagahan ang tamang paggamit nito. Halos araw-araw akong nakakaengkwentro ng mga ganitong kabataan na hindi wasto ang paggamit sa dalawang salita, sa social media post

LATHALAIN

Ang pagbibigay diin niya sariling wika ay naging epektibo dahil nagsilbi itong inspirasyon sa ibang makata, nobelista, dramaturgo o maging manlilikha ng pelikula na linangin at ituring na pambansang wika ang Filipino. Napalago rin ng kaniyang mga isinulat na konsepto ang kasalukuyang panitikan sapagkat ito’y naging tulay sa pagtalakay ng mga manunulat sa iba’t ibang perspektiba sa mga isyung panlipunan. Bukod dito, nagsulong si Gat Jose Rizal ng samahang may iisang layunin na makamit ang reporma mula sa hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol, ang La Liga Filipina. Namulat ang iba sa paniniwalang tutol siya sa rebolusyon. Subalit, ang nasabing samahan ay tila kampanang nag-ingay sa isipan ng mga Pilipino at nagtulak sa kanila upang gumawa ng rebolusyonary- ong mga akto. Ang isang silid na man, sa text, o ‘di kaya’y sa mga sulat-kamay na aking nababasa. Sa paanong tamang paraan nga ba natin ginagamit ang nang at ng? Sa maraming paraan natin maaaring magamit ang “nang” at “ng”. Umpisahan natin sa wastong paggamit ng “ng”. Ayon kay Sandy Ghaz na isang educational writer ng Philippine News, ito ay ginagamit kung susundan ng mga salitang pangngalan, pang-uri, o pamilang. Ginagamit din ito sa oras at petsa. Maaari din kayong sumangguni sa mga aklat na pambalarila tungkol sa tuntunin sa wastong gamit ng “ng” at “nang”. Madali lamang itong gamitin sa isang pangungusap dahil sumasagot lamang ito sa tanong na ano at nino. Ilang halimbawa nito sa pangungusap ay ang sumusunod: “Ito ay ang laruan ng aking pamangkin na ibinigay ko sa kaniya.” “Ihahayag ko ang layunin ng pelikulang ipinanood ng guro ko kahapon.” Ganoon lamang kadali ang paggamit nito. Dumako naman tayo sa paggamit ng “nang”. Ang “nang” ang salitang mas nagkakaroon ng nakalilitong paggamit para sa mga kabataan. Ito ay dahil na rin sa mayroong

LATHALAIN

Rebolusyonaryo Rebolusyonaryo

naiilawan lamang ng lampara ang siyang nakasaksi sa naganap na sandugo sa pagitan nina Gat Andres Bonifacio at ng ibang magigiting na Pilipino na tanda sa pagkabuo ng makasaysayang samahan ng Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o mas popular sa katawagang Katipunan. Kilala o dapat ko bang sabihin na ipinakilala si Gat Andres Bonifacio sa karamihan bilang taong padalos-dalos, mabagsik, at agresibo. Subalit, hindi lang iyan ang mga katangiang taglay ng itinuturing ng iba na bayani. Nagpakita siya ng katapangan at pagkamakabayan sa pamumuno ng mga himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol. Bilang Supremo ng Katipunan, nagtatag siya ng mga prin-

sipyong panlipunan at ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng kalayaan. Hindi man nakatapos ng pag-aaral, sinikap niyang turuan ang sarili ng wikang Filipino at Espanyol. Hilig din niya ang pagbabasa ng mga libro—hindi librong pambata, nobela, at piksyon, kung hindi librong puno ng kaalaman at kalinawan ukol sa katiwalian, rebolusyon, at kalayaan na itinuturing ng mga mananakop na subersibo ang pumukaw sa damdaming nasyonalista at prinsipyo niya. Kabilang na rito ang akda ni Gat Jose Rizal na “El Filibusterismo” at “Noli Me Tangere”. “Supremo ng Katipunan”, “Ama ng Himagsikan”, at “Dakilang Anakpawis” ang mga titulong nakalimbag na sa pangalan ni Gat Andres Bonifacio. Ngunit lingid ba sa iyong kaalaman na isa ring magiting na manunulat at makata ang huli bukod sa pagiging makatarungang mandirigma? Ipinakita niya na posibleng mahalin ang bayang sinilangan, hindi lamang sa pamamagitan ng dahas at patalim, kundi sa pamamagitan din ng pag-akda tulad ni Gat

Jose Rizal.

“Decalogo”, “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”, “Pag-ibig sa Tinubuang Bayan”, at “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ang ilan sa mga likha niya na bumuo ng kumpiyansa sa puso ng mga mambabasa. Bagama’t limitado ang bilang, ang mga sinulat niya ay siya ring nagtulak sa sumunod na henerasyon na linangin ang panitikan sapagkat maaari itong maging boses ng mga naaapi. Bukod rito, ang kaniyang sining ay nagbigay-daan din sa pagpapahalaga sa kultura at pagkakakilanlan ng wikang Filipino. Ang diwa ng nasyonalismo at pakikibaka tungo sa katarungan ang mahahalagang bakas na kaniyang itinatak sa damdamin ng mga manunulat man o simpleng Pilipino.

Tila dumaraan ang mga Pilipino sa kumpol ng mga bubog sa bawat segundong lumilipas noong sakop pa ang bansa ng mga Espanyol. Kaya naman, sikaping alalahanin at pakamahalin ang mga makasaysayang nagawa ng mga nagmahal sa Inang Bayan kapag tayo ay tinanong kung sino ang pambansang bayani— mapayapang rebolusyonaryo man o agresibong rebolusyonaryo.

Tara na sa Marikina

Ni Lhiana Nicole D. Sanoy

Sa loob ng marikit na lungsod ng Marikina, kung saan pinalilibutan ng iba’t ibang buhay at aktibidad ng magigiliw na taong bumubuo sa lungsod na ito. Kung ikaw ay mapapadayo ay paniguradong ika’y maraming matutuklasan at maipag tanto na iba iba pala ang buhay ng mga tao sa isang natatanging lugar sa Marikina, na kilala bilang “Bayan” ay iyong makikita ang mga patunay sa mga itinuran ko. Sa bayan, kung saan naroon ang mga pamilihan, na ika’y makakikita ng mga taong masaya dahil maipamimili na nila ang kanilang sweldo o ‘di nama’y mga taong problemado kung paano na naman ibabadyet ang perang nalikom mula sa pag tatrabaho. Sa bayan, kung saan naroon ang “Sports Center” na sa loob ay may mga manlalaro o mga nag eehersisyo, na patuloy na naniniwala sa kanilang mga sarili na kakayanin nila ito. Maging pag papapayat o pag papataba man o di kaya’y pag papa-unlad sa mga karunungan sa isports ang tunguhin ng pag punta nito, hindi maitatanggi na kayo’y

welcome na welcome rito!

Dagdag pa riyan ang “River park” na nasa bayan din. Ang parke kung saan may iba’t ibang tao na nag lilibang gaya ng mga mag kakapamilya, mag kakaibigan syempre pati narin ang mga mag kasintahan. Matanda man o bata, mag isa man o may kasama, lahat ng klase ng tao ay matutunghayan mo na nag papalipas ng oras dito. Lalo na pag papalapit na ang kapaskuhan, iyong makikita ang mga makukulay na iaw at peryahan! At ito’y talaga namang kinagigiliwan ng karamihan dahil sa ‘di maitatanggi nitong kagandahan. Ikaw? Maipagpapaliban mo ba na hindi mag tungo rito? Bukod sa napakalinis na lungsod at sa magigiliw na taong na naninirahan sa Marikina, napakarami pang mga lugar na tunay ng maipagmamalaki talaga. Marami pang kayabg ipagmalaki ang Marikina, ngunit para matuklasan ang mga ito, bumisita ka na!

Tara na sa Marikina!

Saan aabot ang piso mo?

Ni Elisea Venice Agatha I. Estrañero

Lagi akong nagtataka noong bata pa ako kung bakit pinupulot pa ni Mama ang pisong nahuhulog sa kaniyang pitaka. Piso lang naman iyon. Wala naman kaming nakabubusog na pagkaing mabibili roon.

Ngunit ngayong may kamalayan na ako, bigla akong namulat sa katotohanan. Oo nga pala, ano? Hindi naman kami mayaman. Bawat sentimong mahahawakan ng aming palad, kailangan nga pala naming pahalagahan. Bukod dito, patuloy pa rin pala ang pagtaas ng mga presyo. Kaya ano pa ba ang mabibili sa piso?

dalawang titik na naiiba sa nang kaysa sa ng, subalit kung paano bigkasin ang dalawa ay parehong-pareho. Mas maraming paraan ang wastong paggamit sa “nang”. Ito ay ginagamit kung susundan ng mga salitang pang-abay, pang-angkop, at pangatnig. Ginagamit din ito sa pagsagot sa tanong na paano, kailan, bakit, at gaano. Huwag ka ring malito dahil ginagamit din ito sa pinagsamang na at ang. Ito rin ay ginagamit bilang katumbas ng mga salitang “upang” at “para”. At ang panghuli, ginagamit ito sa dalawang salitang inuulit gaya ng lakad nang lakad at tanong nang tanong. Ilang halimbawa nito sa pangungusap ay ang sumusunod: “Dapat ka lamang manood ng balita nang magkaroon ka ng kamalayan sa mga nangyayari.” “Kumain ako nang marami para sa byahe ko.” Marahil, sa dami ng paraan ng paggamit ng salitang ito ay dito nagsisimula ang kalituhan ng mga kabataan sa wastong paggamit nito sa pangungusap. Ngayon siguro ay mayroon ka nang ideya o alam mo na ang wastong paggamit ng dalawang salitang ito. Balikan na natin kung ano ang mali at ano ang tama sa pangungusap

na aking ibinigay sa unang talata. Ang wasto rito ay ang salitang nang na dapat nating ipalit sa ng. “Huwag kang maglakad nang mabilis, dahan-dahan lang.” Bakit pagdating sa pagkakaroon ng maling gramatika sa Tagalog ay ayos lamang sa ilan? Subalit, pag dating sa pagkakaroon ng maling gramatika sa Ingles ay marami na ang pumupuna? Kung minsan nga’y sinasabihan pa ng ilan ng mga masasakit o hindi angkop na pananalita ang iba. Hindi pagpapahalaga sa ating sariling lenggwahe ang ipinapakita nito. Kung ikaw ay naglaan ng malaking oras para matuto at mag-aral ng tamang gramatika sa ibang lenggwahe, gawin mo rin ito sa sarili mong wika, kahit pa sa tingin mo’y isang maliit na bagay lamang ito para paglaanan ng oras upang pag-aralan, gaya ng “nang” at “ng”. Bilang isang kabataang Pilipino, huwag tayo pumayag na hindi natin pahalagahan ang wastong pagsulat at paggamit ng gramatika sa ating sariling lenggwahe. O ano, dahan-dahan lang, matututuhan din nang mabilis yan.

Bilang estudyante, kendi na lang ata at isang piraso ng papel ang maaari kong mabili rito. Nasasabik tuloy ako noong mga panahon na dalawang bond paper pa ang matatanggap ko sa tindera kapag nag-abot ako ng piso sa kaniya. Masyado siguro talagang mabagal ang naging takbo ng oras noong nasa pandemiya pa tayo sapagkat labis na nagbago ang presyo ng mga kagamitang pampaaralan. Kinailangan pa namin pumili ng hindi gaanong Maganda na kalidad ng mga kwaderno at panulat magkasya lamang ang badyet.

Sigurado akong ganiyan din ang kina harap o kinakaharap estudyante ko sa pamilyang may limitadong pinagkukuhanan ng pera. Mapipil itan silang man irahan na lamang sa estado na kung saan ay mababang kali dad ng mga kagamitan ang bibilhin upang hindi kapusin sa pera. Ma nanatili sila sa pagtanggap ng mababang kalidad ng edukasyon sapagkat ano pa nga ba ang pagpipilian nila? Minsan na akong nakatagpo ng isang kamag-aral na tinitiis ang gutom kahit na may perang baon. Dalawa lamang ang posibleng dahi lan—mataas ang presyo ng mga pag kain sa kantina o hindi kaya’y nagtitipid

siya upang may mailaang pera sa mga kailangan sa paaralan. Naisasakripisyo na ng ilan ang kalusugan sapagkat hindi na nila kaya pang mag-aksaya ng kahit sentimo man. Tila umiikot na ang mundo nila sa bawat sulok ng baryang kanilang natatamasa. Isa pa sa kinasasabikan ko ay ang mga panahong may matatanggap pa ako na sukli sa tsuper kapag nagbayad ako ng sampung piso sa kaniya. Ngunit ngayon, baka tumulad na lamang ako sa iba na mas pipiliin pang magbabad sa tirik na araw habang naglalakad kaysa sumakay ng dyip o traysikel na tila ginto ang gasolina.

Hindi rin lagpas sa aking kaalaman na laganap ang estudyanteng hindi sumusunod sa dress code at hindi madalas mag-uniporme. Sinasabi ng iba na wala silang disiplina. Pero hindi rin nila tinitingnan ang posibilidad na kaya hindi madalas makasunod sa patakaran ang iba ay dahil iisa lamang ang pares ng uniporme nila. Hindi dahil ginusto nila kundi dahil makabutas-bulsa na ang halaga ng mga uniporme ngayon. Hindi dahil gusto nila kundi dahil kahit ilang piso pa ang mayroon sila, hindi noon matutugunan ang kakapusan nila sa pera. Lagi akong natutuwa noong bata pa ako kapag nabibigyan ng piso. Piso rin kasi iyon. Ngunit ngayong mulat na ako sa buhay, napagtanto ko na higit pa pala ang saya na aking madarama sa bawat piso na mahahawakan ng aking mga palad. Oo nga pala, ano? Nabubuhay ako sa panahon na mala-diyamante ang halaga ng mga bagay. Bukod dito, hindi rin naman ako ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kaya hindi ko na rin maiiwasang magtanong kung saan aabot ang piso ko.

ag-tek

Puno ng Pagbabago

Ang kagubatan kapag hindi iningatan, maaaring magdulot ng kapahamakan sa kinabukasan.” Siyang tunay. Ayon sa globalforestwatch. org, isang online platform na nagbibigay ng mga impormasyon at mga instrumento sa pagbabantay ng mga kagubatan sa buong mundo, naitala sa Pilipinas ang 11 rehiyon na kinakitaan ng pagkaubos ng kagubatan. Ang unang tatlong lugar sa listahan ay Palawan, sinundan ng Agusan del Sur at Zamboanga del Norte. Nakalulungkot isipin na ganito pala ang sitwasyon ng ating mga kagubatan. Ano kaya ang hakbang na ginagawa ng Pilipinas ukol sa usaping ito? Sa panig ng Kagawaran ng Edukasyon, isang hakbang na ang inumpisahan nang ilabas noong ika17 ng Nobyembre, 2023 ang DepEd Memorandum No. 069, s. 2023 na naghayag ng proyektong tinatawag na DepEd’s 236,000 Trees - A Christmas Gift for the Children kung saan noong ika-6 ng Disyembre, 2023 ang buong bansa ay

matataniman ng 236,000 puno. Maganda ang layunin ng proyekto ngunit hindi ko lang mapigilang isipin. Kung ang proyektong ito ay regalo para sa mga bata, bakit hindi na lang ito idirekta sa mga bata? Bakit kailangang maghintay pa na tumubo at magbunga ang mga puno? Bakit hindi na lang kagamitan sa pag-aaral ang pinagtuunan ng pansin ng departamento? Yung mabilisang maramdaman at hindi na kailangan maghintay pa ng ilang taon o dekada. Dahil iyon ang kailangan ng mga bata. Iyon ang magagamit talaga nila. Isang mabilisang solusyon,

pero, teka lang. Lawakan pa natin ang pag-iisip at pag-aaralan ang mga pananaliksik. Mauunawaan ding ang proyekto ay may malaking maitutulong sa napapanahong mga isyu sa bansa at may mabuting dulot para sa kinabukasan ng mga bata. Hindi ito pangmadaliang solusyon. Ika nga, pangmatagalang solusyon. May katagalan man ang paghihintay bago makita ang epekto ng pagpaparami ng mga puno sa buong bansa pero sulit naman. Sabi nga nga DepEd, ‘promote environmental preservation and instill environmental responsibility’. Ito ang dapat na pagtuunan ng pansin. Hindi ito natatapos sa pagtatanim lamang. Kailangang ito ay alagaan, bantayan, diligan hanggang sa unti-unting lumaki. Matagal at mabagal na proseso ngunit sa gawaing ito, mamumulat ang kabataan sa kanyang responsibilidad sa kapaligiran at isusulong ang pangangalaga sa kalikasan. Pagtatanim ang sagot sa deporestasyon na isang malaking isyu sa Pilipinas. Nagdudulot ito ng pagguho ng lupa, erosyon, pagbaha at iba pang suliraning pangkalikasan, at habang tumatagal ay lumalala pa ito. Ayon sa datos mula sa Global Forest Watch, mula 2001 hanggang 2022 ay nawalan ang Pilipinas ng 1.42 million hectares (Mha) ng kagubatan at may 84.5 thousands of hectares (kha) na nawala sa taong 2022 lamang — mas mataas ng 72.8% sa 2021. Dahan-dahang nauubos ang mga puno sa ating bansa at magpapatuloy pa ito kung walang gagawing hakbang ang pamahalaan.

Hindi lamang sa pagkawala ng mismong puno ang alalahanin, kung hindi sa mga bunga rin nito. Ang isang halimbawa ay ang pag-init ng daigdig o sa Ingles ay tinatawag na global warming. Ito ay tumutukoy sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng temperatura sa daigdig na bunga ng greenhouse gasses. Ito ay mga gas na pumipigil sa paglabas ng init sa atmospera natin at kabilang dito ang karbon galing sa mga tao. Makikita ang pagdaan ng pag-init ng daigdig sa bar graph na galing sa Copernicus Climate Change Service. Ayon din dito, ang taong 2023 ang may pinakamataas na temperatura, mula 1-1.25 °C at habang tumatagal ay pataas ito nang pataas sa 1.5 °C o higit pa na nagsimula sa umpisa pa lamang ng taon.

Krimeng Hindi Sinasadya: Pagkuha ng Larawan sa Social Media

Mga larawan sa social media, tama pa ba?

Pag-post sa social media ng picture ng kaibigan, kamag-anak, o kakilala, mga mukha ng ibang taong hindi kakilala na hindi naka-blur ang itsura bilang background, screenshots at i-send sa ibang tao ang mga madalas gawin ng mga tao nang hindi tinatanong ang pagpayag ng indibidwal bago ipakita sa buong mundo ang kaniyang mukha o pagkakakilanlan. Maraming tao ang gumagawa nito at hindi naiisip ang potensyal na kapahamakan sa paggamit nito kahit na layunin nito ay ipakita ang nakatutuwang pangyayari o nais lang magpasaya.

Sa maramihang pagtatanim ng mga puno, malulutas ang masamang epekto na pag-init ng daigdig. Ang mga puno ay kinukuha ang karbon na nilalabas natin at nagbabawas ng mga greenhouse gasses sa atmospera. Nagdudulot ito ng mas mababang temperatura at mas malinis na hangin. nang mabuti, hindi man agad-agad mapakinabangan ang mabuting dulot ng muling pagpapalago ng ating kagubatan, ito’y magandang hakbang ng paghahanda para sa susu nod na henerasyon. Hindi lang ito tulong-pang siyentipiko, ito rin ay malaking ambag sa pagpapaganda ng kapaligiran at makapag bibigay ng malinis at maayos na hanging lalanghapin ng mga tao, magkakaroon ng maayos na tirahan ng mga hayop at mapalalago ang mis mong lugar na sakop ng kagubatan. Samakatuwid, huwag natin balewalain ang inumpisahan ng DepEd. Hindi pa agad makikita ang mabuting dulot nito ngunit unti-unti, sa pangangalaga ng mga itinanim, dahan-dahan ding tatatak sa puso at isipan ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno. Kasama sa hangarin ng DepEd ang pagkakaroon at pagpapanatili ng magandang kapaligiran at higit sa lahat, ang paghubog sa mga mag-aaral na maging responsable, may pagpapahalaga sa kapaligiran at may kamalayang magpapakilos sa kanila sa paggawa ng ikabubuti ng kapwa. Habang lumalaki ang mga bata, lumalaki rin ang puno kasabay nila. Tutubo at di magtatagal ay magbubunga. Ganyan din ang mga bata. Dahan-dahang hinuhubog tungo sa pag-unlad at magiging kabataang taglay ang responsibilidad para sa pagbabago ng bayan.

Lumalala ang insecurity sa pag-post sa social media ng hindi alam ng isang tao. Karamihan sa mga tao ay may insekyuridad, kaya ang pag-post nang walang permiso ay mas lalong nagpapalala sa kanilang nararamdaman. Madalas mangyari sa pagitan ng pamilya lalo na sa magka- kaibigan kapag kaarawan ng isa. Alam ng lahat na ang intensyon ng poser o ang nag-post na kaibigan o kamag-anak ay batiin lang siya ngunit ang larawan ay kadalasang stolen shots o pagkuha ng larawan ng hindi niya alam. Kaya sa larawan,hindi siya handa sa harap ng kamera.

Nakaaalarma kapag ika’y nasa publiko. Katulad ng nakasaad kanina, karamihan sa mga tao ay may insekyuridad at ang pagkuha ng lawaran at ma-post sa social media ay lalong magpapalala nito, ganoon din sa mga taong nahagip ng kamera nang hindi sinasadya at kapag pinost, hindi man lang na-crop o na-blurred. Maaari itong maging meme o katuwaan, na pwedeng humantong sa cyberbullying. Kasama sa cyberbullying ang mga screenshots na may potensyal na makapanakit. Madalas ito mangyari sa mga paaralan. Ang conversation o convo ay na-i-se-send sa o sa mga kaibigan o kaya’y na-po-post sa social media nang walang permiso ay maaaring magdulot ng cyberbullying o pang-blackmail sa isang tao.

Sa dami ng maaaring mangyari sa social media, ang kadalasan sa mga tao ay nais lang magpasaya. Katulad ng pagbati sa social media ng may kasamang larawan o katutuwang pag-uusap ng magkaibigan, ang social media ay isa pa ring platform para magkaisa at magpasaya.

-Sofia Richel Ortega at Kyle Miguel De Jesus

Kahit ang layunin ng mga nagpo-post ng larawan ay magpasaya lang, ang hindi paghingi ng permiso ay may tyansang makakita sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang potensyal na makapanakit ay mababa pero hindi mawawala. Kaya sundin ang palaging sinasabi nila, “Think, before you click”. Ugaliin na natin na sa kada-post, isipin ang mga tao na maaaring maapektuhan dahil sa hatirang pangmadla o sa mas kilalang social media at teknolohiya.

TAYO’Y MAGTANIM. Ito ang mensaheng nais ibahagi ng mga miyembro ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) sa kanilang paghahanda sa punong ibabaon sa lupa. (Kuha ni Andrea Julia B. Alarcon)

Pagsiklab ng E-Cigarettes sa Kabataan: Isang Pag-aalala sa Kalusugan at Kinabukasan

Naeengganyo ka na rin ba sa mga nakikita mo ngayong panahon? Maraming kabataan ay madalas nang gumagamit nito. Walang mabahong usok at sosyal pa ang dating. Marahil, kahit kayo ay pamilyar sa e-cigarette. Tila nagiging isang trend ito sa mga kabataan na nagreresulta sa pagiging normal na nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Subalit sa likod ng likas na kuryosidad at pananabik ay ang mas malalim na impluwensya- na ito ay nagdudulot ng mga panganib sa kanilang kalusugan at kabutihan.

Karamihan sa mga gumagamit ng e-cigarette ay mga teen ager na 18 taong gulang o higit pa, ang itinuturing na tamang edad para subukan ang ganitong produkto. Bago tayo magpatuloy sa pagpapaliwanag, linawin muna natin kung ano ang e-cigarette.

Ayon kay Niña Christina Lazaro-Zamora, sa kanyang inilathalang “Kaalaman Tungkol sa Vaping: Ligtas nga ba ang Gawaing ito?” sa hellodoctor.com.ph, “Ang vaping ay ang paggamit ng vape o vaporizer, na isang device na nagpapainit at nagpapa-aerosolize ng liquid solution o tinatawag nilang “juice” (ang nicotine content) na naglalaman ng pampalasa. Ang singaw na likido ay nilalanghap, katulad nang sa paninigarilyo. Samantala, ang electronic cigarette o e-cigarette ay isang uri ng vape na gumagamit ng nicotine-based solution.”

Sa kasamaang palad, marami sa mga kabataan ang nahuhumaling na rito sa murang edad, kahit pa sa loob ng mga

paaralan. Ito ay may pagkakahawig sa tradisyunal na sigarilyo, ngunit sa halip na sunugin ang tabako, ito ay gumagamit ng baterya upang painitan ang isang espesyal na likido na tinatawag na "e-juice" na naglalaman ng iba't ibang kemikal, kabilang ang nikotina at propylene glycol.

Marami sa mga kabataan ang nahuhumaling na sa paggamit ng e-cigarettes sa murang edad, na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan at pamumuhay. Ayon sa Philippine Pediatric Society, 11% ng mga estudyanteng nasa edad 10 hanggang 15 taong gulang ay umamin na nakagamit na ng vape. Sa mga paaralan, nakalulungkot na makitang ang bilang ng mga mag-aaral na gumagamit nito ay patuloy na tumataas. Marami sa kanila ang nahihirapang kontrolin ang kanilang sarili, na nagreresulta sa hindi magandang impluwensya sa kanilang pag-aaral at personal na pag-unlad.

Subalit hindi lamang ang mga gumagamit ang dapat sisihin sa patuloy na paglaganap nito sa kabataan. Ayon sa Institute for Global Tobacco Control, marami pa ring mga tindahan na nagbebenta ng mga produktong tabako, kabilang ang e-cigarettes, sa mga paligid ng mga paaralan, kahit pa may mga regulasyon na nagbabawal dito. Ang ganitong kalakaran ay nagpapadali sa pagkuha ng mga kabataan sa mga mapanganib na produkto na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan. Dulot nito, ang mga paaralan natin ngayon ay

punong-puno na ng mga batang walang tigil sa paggamit ng e-cigarattes upang makabawas sa kanilang mga problema. Dahil sa nakahalong nikotina nito ay nakatutulong itong magpabawas ng kaba at tensyon na nagdudulot ng mas maginhawa at kalmadong sarili. Kaya naman kapag sila ay nahihirapan ay ginagamit nila ito.

Sa harap ng ganitong suliranin, mahalaga na ang pamahalaan at mga institusyon ay kumilos upang labanan ang patuloy na paglaganap ng e-cigarettes sa kabataan. Kinakailangan ng masusing pagbabantay at pagpapatupad ng mga regulasyon sa pagbebenta ng mga ganitong produkto. Bukod dito, mahalaga rin ang edukasyon at kampanya upang ipaalam sa mga kabataan ang mga panganib ng paggamit nito at ng iba pang uri ng bisyo.

Sa huli, ang ganitong paninigarilyo ay hindi lamang nagiging isang problema sa kalusugan ng mga kabataan, kundi pati na rin sa kanilang kinabukasan at kinabukasan ng lipunan. Kailangan nating sama-sama na labanan ang ganitong uri ng bisyo upang mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng susunod na henerasyon. Ang pagtigil sa paggamit ng e-cigarettes ay hindi lamang isang indibidwal na responsibilidad kundi isang kolektibong tungkulin na ating dapat tuparin upang mabuhay ng mas masigla at mapayapa ang ating lipunan.

Benepisyo ng Artificial Intelligence sa Edukasyon at Paggawa

Sa pagtahak natin sa digmaan ng teknolohiya, ang Artificial Intelligence (AI) ay naglalaro ng isang makabuluhang papel sa pagsusulong ng sektor ng edukasyon. Kasabay ng masusing pagsusuri ng mga pangangailangan ng bawat mag-aaral. Ang AI ay nagbibigay-daan sa personalisadong pagtuturo at nagpapahusay sa pagkatuto ng bawat isa. Tumutok ito sa pagpapalawak ng kasanayan, nag-aalok ng mga oportunidad para sa mas mataas na uri ng edukasyon at nagbibigay-daan sa mas masusing pagsasanay sa mga mag-aaral. Sa pagpapasigla ng online learning, ang AI ay nagiging daan upang mapabilis at mapadali ang proseso ng pag-aaral, maging mas abot-kamay at maging mas moderno ang edukasyon para sa lahat.

Hindi lamang sa edukasyon kundi pati na rin sa mundo ng trabaho, nagiging kampyon ang AI sa pag-angkop sa mga pangangailangan ng makabagong industriyalisasyon tungo sa globalisasyon. Sa pamamagitan ng automasyon ng repetitibong gawain, binibigyan ng AI ang mga manggagawa ng pagkakataon na maglaan ng oras sa

mas mataas na antas ng trabaho, tulad ng pagbuo ng stratehiya at paggawa ng mga desisyon. Bukod dito, ang AI ay naglalagay ng diin sa analisis ng datos at suporta sa paggawa ng desisyon, nagtuturo ng mas mabilis at mas matalinong operasyon. Nagsilbing tulay din ito sa pagbuo ng mga bagong uri ng trabaho at nagdadala ng mga oportunidad sa larangan ng teknolohiya at AI development. Subalit, hindi rin dapat ipagwalang-bahala ang mga potensyal na panganib ng paglaganap ng AI. Ang tamang regulasyon at pangangasiwa ay kailangan upang tiyakin ang tamang paggamit nito at upang mapanatili ang etika at moralidad sa lahat ng aspeto ng edukasyon at paggawa. Sa pangkalahatan, ang pagsasama ng AI sa edukasyon at paggawa ay isang maingat na pagtahak sa landas ng pag-unlad. Kinakailangan ang kolaborasyon ng sektor, industriya, at pamahalaan upang tiyakin na ang teknolohiyang ito ay magsisilbing kasangkapan at hindi hadlang sa pangmatagalan at makatarungan pag-usbong ng lipunan.

Pagpapalalim ng Ilog Marikina:

Paglilinis

ng

Natural na Agos sa

Pamamagitan ng Teknolohiya

Sa harap ng hamon ng mga nagdaang kalamidad, tulad ng super bagyong "Karding," lumulutang ang kahalagahan ng pagpapalalim ng Ilog Marikina bilang bahagi ng siyentipikong solusyon sa pagtugon sa mga epekto ng pagbabago sa klima.

Sa panahon ng labis na pag-ulan, tulad ng dinala ni Karding, ang pagpapalalim ng Marikina River ay nagdulot ng positibong epekto sa kaligtasan ng lungsod. Sa isang pagsusuri, ipinakita ni Marikina City Engineer Ken-

nedy Sueno na sa pamamagitan ng regular at hindi mapapantayang paglilinis ng ilog, mas naging kontrolado ang pagapaw ng tubig, na nagbawas sa pinsalang dulot ng baha sa mga komunidad malapit sa ilog. Ang kahalagahan ng teknolohiya sa proyektong ito ay hindi maitatatwa. Sa tulong ng mga espesyalisadong kagamitan tulad ng mga amphibious excavators at landlocked backhoes, maaaring madaling ma-access at linisin

ang iba't ibang bahagi ng ilog. Ang mga modernong makina at pamamaraan sa pagpapalalim ay nagpapabilis sa proseso at nagbibigay daan sa mas mabisang pagtugon sa mga hamon ng kalikasan. Sa pangangalaga sa kalusugan ng ilog, isinusulong din ng siyensiya ang pangmata galang solusyon. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasaliksik at pagpapatupad ng mga innovatibong paraan, tulad ng pag-

gamit ng mga bagong materyales sa pagsusuri at pagpapalakas sa mga istruktura ng ilog, maaaring mapanatili ang kalakasan ng ekosistema at mabawasan ang epekto ng baha sa mga komunidad.

Sa kabuuan, ang pagpapalalim ng Ilog Marikina ay hindi lamang simpleng hakbang para sa pagpigil ng baha. Ito rin ay isang halimbawa ng pagtatagumpay ng siyensya at teknolohiya sa

pagtugon sa mga hamon ng kapaligiran. Sa patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng pamahalaan at mga sektor ng agham, ang Marikina ay patuloy na naglalakbay tungo sa mas malakas at mas ligtas na kinabukasan.

Ni Prince Gian Villacer
Ni Alfred Kristian Obrero
Opisyal
Pahayagang Pampaaralan
Parang High School
Taong Panuruan 2023-2024
Ang Kaparangan

LATHALAIN

isports 14

Sepak uso pa ba?

a panahon ngayon, maraming kabataan ang nahuhumaling sa online games o di kaya sa ibang uri ng isports gaya ng basketball, volleyball at badminton, mga larong popular dahil madalas laruin o panoorin. Sa kabilang banda, ang isports na Sepak Takraw ay hindi gaanong pamilyar sa karamihan ng kabataan ngayon kung kaya ang larong ito ay hindi gaanong pinapansin. PHS Ibinida ang galing

Isinagawa ni Kien Kyle Burgos ng Parang High School (PHS) ang malakasang puwersa para sa gintong medalya laban sa 54 kilos nang kaniyang pataubin si Emmanuel Nadila ng Industrial Valley Complex , (IVC) sa Wrestling Event sa puntos na 13-3 na ginanap sa PHS, Marso 12.

Sa kabilang dako, hindi sumuko sa pakikipaglaban si Denver Veranda na ating pambato nang nagpakitang gilas pa rin sa pangalawang match sa 54 kilogram ni Julian Santos ng IVC sa puntos na 12-2.

Sa pangatlong laban, ipinakita ng Sta Elena High School, (SEHS) ang galaw na High Crotch na winalis ni Alipio Denzel laban kay Adam Mohammad ng PHS na may 62 kilos na lumalaban pa rin para sa puntos na 10-0.

Pinabilib ni Adrian Pepito ng IVCHS ang mga manonood laban sa 66 kilograms ni Kyle Santos ng PHS sa puntos na 13-12 na nagpakitang gilas pa rin habang nilalabanan ang isang puntos na kalamangan.

Ibinida ng bawat manlalaro ang kanilang freestyle sa paglalaro ng wrestling upang makamit ang kanilang inaasam bilang kasapi ng koponan.

Si Kien Kyle Burgos ang nagkamit ng gintong medalya kaya pasok siya sa palarong rehiyunal. Wagi pa rin ang iba nating pambato dahil nagkamit ng pilak na medalya sina Kyle Santos at Adam Muhammad habang nagkamit ng tansong medalya si Denver Veranda.

Si G. Victor E. Bedico Jr. ang coach ng mga wrestler sa PHS.

-Jomaica Jade M. Tenorio

PHS Futsal Girls: Nag-uwi ng Silver Medal para sa Parang High School

Nakasungkit pa rin ng medalyang pilak ang PHS Futsal Girls sa kabila ng pagkabigong maipanalo ang laban sa final game at umiskor ng 0-2 na ginanap sa La Salle Green Hills Gym, Enero 21. Ang pinaghalong koponan ng Rizal High School at Valenzuela High School ang kanilang nakasagupaan.

Gumamit ang Futsaleras ng taktikang throw and kick sa pangunguna ng kanilang Captain Ball na si Andrea Padilla, mag-aaral mula sa 12-Conservation, sa pamamagitan ng pagsipa sa naglalagalab na goal para sana sa kanilang unang puntos, ngunit sa kasamaang palad, naunahan ito ng kabilang koponan kaya nagresulta ito ng pagkatalo. Ayon naman sa kanilang coach na si Gng. Vivian Crisostomo, guro sa Kagawaran ng Filipino, ang mga manlalaro ay lubusang nagsanay para sa kanilang pakikipagbakbakan, ngunit sadyang nanaig pa rin ang mga kalaban sa naging paligsahan. Hindi rin sila nawawalan ng kumpiyansa sa mga susunod pang laban, dagdag pa niya.

SBago ang lahat, saan nga ba nagsimula ang Sepak Takraw? Ito ay isang larong katutubo sa Timog- silangang Asya. Nagsimula ang larong Sepak Takraw sa Kuala Lumpur sa Malaysia at Thailand. Ayon sa tl.wikipedia.org, ang sepak ay salitang Malay na sipa ang kahulugan at bolang yantok ang ibig sabihin ng takraw na salitang Thai. Ang Indonesia, Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand, Laos at Myanmar ay kilala rin sa isports na ito. Nilalaro ang Sepak sa pamamagitan ng pagsipa ng bola papunta sa lugar ng kalaban. Tatlong manlalaro ang kinakailangan sa isang koponan. Ayon sa studocu.com/ph, ang mga posisyon ng tatlong manlalaro ay tekong na tagaharang ng bola; feeder na taga-reserve ng bola at ang spiker na taga-spike ng bola. May iba’t ibang uri ng sipa na ginagamit sa larong ito tulad ng toe kick, inside kick, sun back kick, at ang sick roll spike na ginamit ng star player na si Elzid Chua, sa naganap na Exhibition Game ng sepak takraw sa pagitan ng Parang High School (PHS) at Marikina High School (MHS) na siyang nagbigay-daan sa kanilang pagkapanalo noong Pebrero 23. Sa larong ito, pinapayagang gamitin ng manlalaro ang kanilang paa, tuhod, dibdib at ulo para mapatalbog ang bola patungo sa kanilang kalaban.

Ngayong panahon ng palarong pandibisyon, muli nating maririnig sa mga usapang pampalakasan ang larong ito dahil isa ito sa nagbibigay-karangalan sa PHS malaiban pa sa ibang larong sinasalihan ng ating mga atleta. Laging nakapapasok sa palarong rehiyunal ang PHS hanggang sa palarong pambansa.

Hindi na mabilang ang mga medalyang nahakot ng mga naging manlalaro ng sepak at dahil din sa larong ito, nakarating pa ang ilang dating manlalaro sa ibang bansa at nagtagumpay rin sa pagkamit ng medalyang ginto. Sa ngayon, pinaghahandaan na ng ating mga manlalaro ang rehiyunal na palaro dahil ang koponan ng lalaki at koponan ng babaeng manlalaro ng PHS ang nanguna sa palarong pandibisyon. Hindi rin natin matatawaran ang kahusayan mga gurong tagapagsanay, sina G. Emerardo Claridad at Bb. Maria Theresa O. Navarra, coach at assistant coach ng team. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating suportahan at kilalanin ang larong ito. Hindi man uso ito para sa karamihan, bilang taga-PHS ay nararapat na alam natin ito. Kasama na ito sa tatak natin.

-Jomaica Jade Tenorio

UNA! Tagumpay na nakuha ng Parang High School Men’s Volleyball team ang gintong medalya sa Palarong Dibisyon nitong nakaraang Marso 7, 2024. (Kuha mula sa PHS Men’s Volleyball Team Facebook Page)

Pinatunayang muli ng isang mahusay na koponan ng isports sa Parang High School (PHS) na karapat-dapat silang magpatuloy sa pakikipaglaban sa larangan ng balibol, matapos nilang talunin ang Fortune High School (FHS), sa labanang pandistrito noong ikadalawa ng Marso na ginanap sa Marikina High School (MHS). Ibinandera’t ipinagmalaki muli ng koponan ang PHS nang muli itong sumabak sa kompetisyong pandistrito noong ikalabindalawa ng Marso laban sa mga koponan na nagmula sa paaralan ng Our Lady Of Perpetual Succor College (OLOPSC), na nagtala ng

labanang hanggang sa ikalawang markahan. Hinarap ng PHS ang Sta. Elena High School (SEHS) kug saan nagtala sila hanggang sa ikalawang markahang paligsahan, at ang panghuli ay ang pakikipagsagupaan ng PHS laban sa koponang nagmula sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMAR) at nagtala pa rin hanggang sa ikatlong markahang paligsahan upang makamit ang titulong kampeonato sa larangan ng balibol. Senyales naman ito na handang-handa na nilang iwagayway ang bandila ng buong Marikina para sa darating na paligsahang panrehiyon. Kasama’t kaagapay pa rin nila ang kanilang masigasig na tagapagsanay sa balibol na si Bb. Geraldine Tapit. “Patuloy pa rin ang ginagawa naming pagsasanay. Hindi kami dapat tumigil. Sa halip, paghuhusayan pa namin ang aming pagpapraktis,” ito ang winika ni Miguel Harvey Rofloc kasama ang iba pang mga manlalaro na sina Rito Bacor Jr., John Vincent Dalumpines, Jiro Chris Eclipse, Mikel Eranes, John Jeffrey Galimba, John Francis Molina, Ronaldo Puzon Jr., Miguel Harvey Rofloc, Marc Joshua Sabado, Jhomarie Salandino, at Gabriel Joseph Tapel.

-Krizeah Faye DL. Acosta

PHS Pasok sa Top 20 Wellness Dance

Nagbunga ang pagpapakita ng nag-uumapaw na talento sa pagsayaw ng Wellness Dance nang makapasok sa Top 20 ang Parang High School (PHS) sa Junior High Category na nilahukan ng libo-libong paaralan sa buong bansa.

Ayon sa update noong Enero 10 na inilabas ng G. Brian Carl Pagkaliwangan, namamahala at gurong tagapagsanay ng Wellness Dance Team ng PHS, nakapwesto sa pang-16 ang ating paaralan na may 4272 boto. Hinahangad nila na mapabilang sa Top 5 National Winners, kaya naman hinihikayat ang lahat ng mag-aaral, guro, magulang, kaibigan at kakilala na suportahan ang ating paaralan.

Magrehistro sa https://www.barangaynestle. com.ph at upang makaboto, pindutin ang link na https:// www.barangaynestle.com.ph/hataw-sayaw-showdown. Ang mga kasapi sa grupo ng mananayaw ay mula sa 10 - Knowledegable na sina John Louie Raine Flores, Ino Gagarin, at Kirsten Mariel Bayaras, mula sa 10 - Affable sina Marielle Mandapat at Aliana Mae Diaz, mula sa 10- Charitable si Aubrey Mae San Mateo, mula sa 10 - Comprehendible sina Cypress Jean Marray at Keith Bautista, mula sa Grade 10 - Respectable si Erica Lyn Advincula at mula sa 7 - Adaptive si Jillian Ashley Mejia. Ayon kay John Louie Raine Flores, 10 - Knowledgeable, nag-ensayo sila nang husto kasabay ang pagkukundisyon sa kani-kanilang mga sarili, upang kung sila ay palaring mapabilang sa kumpetisyon, maayos at lubos silang nakapaghanda.

- Krizeah Faye DL. Acosta

Usapang AtletA

Kilala nyo ba sila?

Buhay na buhay sa panahon ngayon ang gym ng paaralan dahil sa mga nag-eensayong mga manlalaro ng iba’t ibang larong pampalakasan. Makikita ang dedikasyon at kasiyahan sa kanilang ginagawa.

Para sa ating mga saksi sa mga pagpapagod ng ating mga atleta, kilalanin natin ang ilan sa mga manlalarong Pinoy at kampyon sa kanilang laban. Sana ay maging inspirasyon sila sa ating mga manlalaro gayon din sa iba pang mahilig sa isports.

Rafael “Paeng” Nepomuceno-

Kinikilala sa buong mundo bilang magaling na bowler dahil nakamit niya nang anim na beses ang pandaigdigang kampeonato. Isa ka ngang kampyon!

Manny “Pacman” Pacquiao-

Walang sino mang hindi nakakikilala sa Pambansang Kamao. Nagkampyon sa walong dibisyon sa boksing, nanalo ng sampung titulo at isa ring pulitiko.

Lydia de Vega-

Sa larangan ng takbuhan, hinding hindi mo siya mauunahan. Kinilala siya bilang pinakamabilis tumakbo sa paligsahan sa Asya noong dekada 80.

Eugene Torre-

Siya ang unang chess Grandmaster sa Asya. Lalo siyang nakilala nang talunin niya ang isang grandmaster na si Anatoly Karpov. Mas dapat natin siyang makilala dahil itinayo sa Marikina ang kauna-unahang museo sa ahedres, ang Eugene Torre Chess Museum.

Dennis Veranda-

Hindi siyempre pahuhuli ang Parang High School. Sa wrestling nakilala ang ating pambato. Nakarating hanggang Palarong Pamabansa nitong nakaraang taon na naging makasaysayan din dahil sa lungsod ng Marikina ito nangyari. Kinilala bilang Atleta ng Taon noong 2023 sa PHS. Malamang, hindi lamang diyan matatapos ang ningning ng kanyang karera sa isports.

At sa iba pang mga manlalaro ng PHS na lalaban sa darating na palaro, ang karangalan ng isa ay karangalan ng lahat. Break a leg!

Ang mga impormasyong nakalap ay mula sa https://www.scribd.com/doc/16631162/MGA-MANLALARONG-PILIPINO

NAKAMAMANGHANG PAGDEPENSA. Dinedepensahan ni Christopher Tuavis ang bola sa pagtira ng nakabibilib na Sun Back Kick, Exhibition Game sa Parang High School (PHS), Pebrero 23. (Kuha ni Patrizha Vasquez)
Matamang binabantayan ng referee ang pagdagan ni Kyle Kien Burgos ng Parang High School (PHS) ang kaniyang kalaban na si Adrian Pepito ng Industrial Valley Complex High School (IVCHS). Kuha ni Rhea Joyce Altajeros.
Bantay-sarado. Binabantayan nang mahigpit ni Andrea Padilla ang kanyang puwesto habang alertong pinanonod ang kanyang mga kakampi sa pagdepensa sa bola. (Kuha ni Vivian Crisostomo)

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.