Ang Kaparangan | Tomo 1 | Isyu 2

Page 1


Ang Kaparangan

Taong Panuruan ‘23-’24

Nilalaman

BALITA

Pagpapatupad

ng Alituntunin sa Paaralan, Isinagawa na sa PHS

EDITORYAL

Isang buwang pahinga, magiging sapat ba?

OPINYON

Nanay sa bahay at Nanay sa trabaho:

Ang Buhay ng Isang

Guro

LATHALAIN

Ang tanda

ng Pag-alala

ISPORTS

PHS Ibinida ang galing sa pakikipaglaban sa wrestling

Huwag magpahuli sa mga balitang pampaaralan!

kaparangan ang

Kung saan sumisibol ang katotohanan

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Parang High School Marso 2024

PHS, Sinimulan na

ang Ikatlong

Markahang Pagsusulit

Sinimulan na ang ikatlong markahang pagsusulit noong Lunes, ika-25 ng Marso sa Parang High School (PHS) na magtatapos sa Martes, ika26 ng Marso.

Ang oras ng pagsusulit para sa baitang 7 at 10 ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Sa baitang 8 at 9 naman ay mula 12:30 ng tanghali hanggang 6:30 ng gabi.

Sa baitang 11, ang unang araw ng pagsusulit

ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) at Accountancy, Business, and Management (ABM) ay mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, at sa ikalawang araw ng pagsusulit ay mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Sa Technical-Vocational Livelihood (TVL) track naman ay magsisimula ng 7:30 hanggang 11:00 ng umaga, at sa ikalawang araw ay mula 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng

tanghali. Para naman sa ika-12 baitang na STEM, ABM, at TVL Food and Beverage Services (FBS), magsisimula ang una at ikalawang araw na pagsusulit mula 8:00 hanggang 11:30 ng umaga, samantala sa TVL Electronic Products Assembly and Servicing (EPAS) at Shielded Metal Arc Welding (SMAW) ay mula 8:00 hanggang 10:30 ng umaga.

-Ma. Quiristina Endielle O. Cac

PHS, Nagsagawa ng Fire Drill para sa Fire Prevention Month

Nagsagawa ng Fire Drill ang Parang High School (PHS) nitong Marso para sa Fire Prevention Month na may temang "Sa Pagiwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa".

Pinangunahan ito ng School Disaster Risk Reduction and Management Committee (SDRRMC) at

MC-ALERT, na sinuportahan ni Chairwoman Janelle Caber.

Unang isinagawa ang fire drill noong ika-7 ng Marso 8:00 a.m. para sa mga pang-umaga at sa panghapon naman ay 5:00 pm.

Sinundan noong ika22 ng Marso ng 8:00 a.m.

para sa mga pang-umaga at 5:00 pm para sa mga panghapon.

Pinayagan naman ni Gng. Jeanette J. Coroza, Principal ng paaralan ang pagsasagawa ng fire drill.

-Ma. Quiristina Endielle O. Cac

Pagpapatupad ng Alituntunin sa Paaralan, Isinagawa na sa PHS

Isinagawa ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa paaralan noong ika-25 ng Marso sa Parang High School (PHS), batay sa isinasaad ng Batas Pambansa 232 at DepEd Order No.40, s. 2012.

Pinangunahan ito ni Gng. Marites G. Cerojales at ng mga bantay ng paaralan sa PHS. Karamihan ng mga mag-aaral na nasita ay dahil sa hindi pagsunod sa tamang uniporme, makakapal na palamuti sa mukha, pagkahuli sa klase, mahahabang buhok o 'di kaya naman ay may kulay ang buhok.

Pinapapila ang mga mag-aaral at inililista ang kanilang pangalan, seksyon, at guro sa Guidance Office.

Mayroong tatlong uri ng paglabag na maaaring mabigyan ng angkop na disiplina.

Mayroong Di-mabigat na Paglabag (Minor Offenses), Mabigat na Paglabag (Major Offenses), at Mas Mabigat na Paglabag (Grave Misconduct).

Lahat ng mga mag-aaral ay inaasahan ang aktibong pakikilahok at pagsunod sa mga patakaran, maging ang kooperasyon ng mga guro at magulang tungo sa ikaaayos ng paaralan.

-Ma. Quiristina Endielle O. Cac

editoryal

Tomo I • Isyu III • Marso 2024

Isang buwang pahinga, magiging sapat ba?

Kamakailan lamang ay naging talamak ang mga naranasang pagbabanta at pagpatay sa ilang mamamahayag mula 2022 hanggang ngayong taon. Tumaas ang kaso ng mga red-tagging o ang pagdawit sa pangalan ng mga mamamahayag sa mga NPA o pagtawag sa kanilang terorista. Naging kontrobersyal na kaso ang pagpatay sa batikang journalist na si Percival Mabasa na kilalang tumutuligsa sa administrasyong Duterte at Marcos. Ano ang tunay na motibo? Pagpapatahimik? Matapos ang pangyayaring ito ay sunod-sunod na ang mga natatanggap na banta sa ilang taga-media dahilan upang magbunga ng takot at banta sa kanilang buhay. Napansin din ng National Union of the Philippine Journalists (NUJP) ang pagdami ng mga paratang sa mga mamamahayag. Bilang solusyon ay bumuo sila ng isang grupo ng mga abogado na dedepensa sa kanilang kampo.

Mga mamamahayag ang siyang nagiging boses ng taumbayan. Sila ang nagiging dahilan upang mapukaw ang pansin ng ilang pulitikong mataas ang tingin at nawalan ng pakialam sa nasasakupan. Boses ng mamamayan upang tulungan silang baguhin at bigyang-pansin ang ilang problema ng bayan. Sila rin ay handang ibuwis ang kanilang buhay upang makapaghatid lamang ng makatotohanang balita. Pinatunayan ito ng mga mamamahayag na nagpunta sa Marawi upang maihatid lamang ang balita patungkol sa mga kagana-

pan sa labanan. Hindi maikakaila ang kanilang husay at tapang para lamang makapaghatid lamang ng balitang maaasahan.

Ngunit hindi palaging sang-ayon sa kanila ang lahat. Paglabas ng mga hindi kanais-nais na baho’t katotohanan ang kinatatakot ng ilang makakapangyarihan sa mga mamamahayag. Dahilan upang sila ay patahimikin. Mapapansin din na ang ilang iniipit na mamamahayag ay tumuligsa sa gobyerno. Nangibabaw rin ang mukha ng korapsyon sa bansa dahil sa makailang ulit na pang-aagrabyado ng mga makakapangyarihan sa mga mamamahayag na tumutuligsa sa kanila. Sa pagitan ng Hunyo 2022 hanggang Abril 2023 ay mayroong 75 naitalang kaso ng mga paglabag sa malayang pahayagan na siyang ikinaalarma ng marami. Ngunit tila bakit walang batas na pumoprotekta sa mga mamamahayag? Kung mayroon man, bakit tila hindi na ito kinikilala ng ilan? Paano na lamang ang mga kabataang nagnanais na maging isang mamahayag? Paano naman ang tiwalang nabuo ng mga mamamayan at pamahaalan sa paghahatid ng makatotohanang balita at ang Kalayaan sa pamamahayag?

Respeto at proteksyon ang hangad ng mga mamamahayag. Suklian natin ang mga nagawa ng mga mamamahayag sa ikabubuti ng bayan sa pamamagitan ng pakikiisa sa pagpetisyon ng isang batas na poprotekta sa boses at katotohanan ng mga mamamahayag.

ang

PATNUGUTAN

Taong Panuruan 2023-2024

Lebron J. Carmona Punong Patnugot

Aliyah Mae N. Parol Kapatnugot

Kyle Miguel S. De Jesus Tagapamahalang Patnugot

Samerr B. Borines Patnugot sa Balita

Lhiana Nicole D.Sanoy Patnugot sa Lathalain

Sofia Richel B. Ortega Patnugot sa Pagsulat ng Agham

Patrizha May D. Vazquez Patnugot sa Pagsulat ng Isports

Lebron J. Carmona Patnugot sa Pag-aanyo

Camille Joyce S. Peralta Patnugot sa Grapiks

Krizeah Faye DL. Acosta Tagakuha ng Larawan

Camille Joyce S. Peralta Debuhista

Ma. Quiristina Endielle O. Cac Jean Rei V. Luczon Mga Kontributor

Bb. Marcerin R. Permejo Gurong Tagapayo

Gng. Rosanna A. Lagan Pinuno ng Kagawaran ng Filipino

Gng. Jeanette J. Coroza Principal II

opinyon

Tomo I • Isyu III

• Marso 2024

Nanay sa bahay at Nanay sa trabaho:

Ang Buhay ng Isang Guro

Ina, iyan ang pangalawang salita na dumuduktong sa pagkababae ng isang babae. Dahil ang babae lang ang may kapangyarihang manganak. At nakatutuwang isipin na ang babae ay kayang maging isang ina sa isa o higit pang anak sa loob ng bahay, pati na sa paaralan.

Karamihan sa guro ng Parang High School ay babae, iilan ay dalawa, karamihan ay ina. Ang bawat guro ay may hawak na 4 o higit pa na pangkat sa isang araw, at sa kada kwarto, mayroong 30 mahigit na mag-aaral. Lahat iyun ay tinuturuan

ng mga guro. Ginagabayan. Nagtuturo ng pangtalakayan at pambuhay na aral. At pagdating sa bahay, sariling anak naman ang tuturuan ng pangtalakayan at pambuhay na aral. At kadalasan, sila pa ang gagawa ng gawaing bahay matapos magturo sa halos isang daan mag-aaral. Ang galing isipin, pero ang hirap gawin. Ako pa lang ay isang mag-aaral, at ako rin ay hindi pa magulang.

Sa sitwasyon sa paaralan at sa bahay, ako—tayong mga mag-aaral ang tinuturuan at tayo ang diretso sa hapag o ‘di kaya’y sa higaan sa t’wing

galing paaralan. Hindi napahahalagahan ng karamihan ang pagod ng ina—guro man o hindi. Pero kung iisipin, mas nakakapagod na pagsabayin ang pagiging isang guro at ang pagiging ina.

Sa bawat paaralan, imposibleng walang pangkat na hindi nagkakaroon ng malalim na koneksyon o ugnayan sa isang guro. Madalas mangyari iyan sa mga babaeng guro na dalaga, o wala pang anak sa bahay. May mga guro na talagang turing sa kaniyang mga mag-aaral ay mga anak. Nagpapaka-nanay nang tunay sa mga mag-aaral

niya.

Bilang isang anak, masarap makaramdam ng pagmanahal sa nanay, at bilang isang mag-aaral din, masaral makaramdam ng pagmamahal ng kaniyang guro. Na kahit isang oras sa kada dalawang araw o higit pa na pagkikita ng mga guro sa kaniyang klase, masaya at ang koneksyon ay totoo. Ang pagiging isang ina at ang pagiging guro ay isang desisyong ng isang babae. Nasa kanila ang kapangyarihang magbigay ng anak at sila rin ang kayang makaintindi sa ugali ng bata kaysa sa lalaki.

Ang galing at nakakapagod isipin na may mga babaeng nagagawa ang lahat ng iyon sa isang araw. At wala man lang reklamo ang maririnig sa kanila. Hindi nila sunusukuan ang responsibilidad at ang kanilang pananagutan. Nakikinig sila sa mga hinaing sa kaniyang mga mag-aaral at nandiyan din palagi sa kaniyang anak sa bahay. Nandiyan sila para turuan ang bata— anak mang tunay o hindi. May pahinga sila sa pagiging guro pero ang pagiging ina ay wala, kaya saludo ako sa mga nagpaka-nanay sa mga mag-aaral at sa kanilang bahay.

Rosas na kulay rosas, may tinik pa rin kahit maganda

“Bawal ka rito, babae ka eh”, “Babae ka lang, anong alam mo sa ganitong trabaho?”, “Bawal mahina at iyakin dito, roon ka na sa kusina at magluto kung gusto mong tumulong.”

Iyan ang mga madalas marinig ng mga kababaihan noon sa loob ng paaralan at sa larangan ng trabaho. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga kababaihan na noon ay hindi nabibigyan ng pantay na oportunidad na ipakita ang galing at ang hindi pagkakaroon ng karapatang matuto ay unti-unting nawawala at nababago.

Ayon kay Novotney, A., 2023, ang mga babaeng lider ay mas naisasaayos at mas napagaganda ang trabaho. Mayroon siyang ilang pisy-

olohikal na pruweba para rito, tulad ng; nagiging mas maayos ang kolaborasyon ng grupo kapag may babae. Sinasabing mas gumaganda ang trabaho at nagkakaroon ng epektibo at maayos na komunikasyon ang isang grupo kapag may babae. At masasabi kong totoo ito, dahil sa mga pampaaralan na gawain, palaging babae ang unang sumusubok magbukas ng usapan sa bawat pangkatang gawain. Sa panahon ngayon, babae ang nangunguna sa pamumuno ng isang grupo at organisasyon. Hindi katulad noon, na walang bilid at tiwala sa mga babaeng lider o mamumuno pa lang. Ngayon, marami na ang babaeng lider at ang mga

magiging lider.

Isa rin sa mga pruweba ni Novotney, A., 2023 ay ang mga babae raw ay pantay o nakalalamang sa pagiging magaling kaysa sa mga lalaki. Makikita sa isang grupo o organisasyon ang kaayusan, komunikasyon, at ang resulta ng kanilang mga gawa na madalas pangunahan ng mga kababaihan.

Sa bawat pangkatang gawain ng paaralan, madalas na maging lider ay ang mga babae at kadalasan ang mga resulta nito ay maganda na nagpapa-angat sa grupo. Kung hindi naman ay ang mga babae ang madalas mag-ambag sa mga gawain kaysa sa mga kalalakihan. Bilang isang mag-aaral, nakikita ko ito mismo at

nararanasan. Palaging mga babae, partikular, babaeng lider ang bumubuhat sa grupo. Nakatatawang isipin na ang mga lalaking tinuturing na “malalakas” sa lipunan ay buhat-buhat ng babae. Sa panahon ngayon, marami ng nagtitiwala sa mga babae bilang isang pinuno. Pero hindi pa rin nawawala ang mga misogynist. Ayaw sa mga babaeng nakaka-angat sa kalalakihan dahil natatapakan nito ang kanilang mga ego bilang isang lalaki. Ang mga taong stereotypes na hanggang ngayon ay naniniwala sa patriyarkal na pamumuno at ang babae ay dapat sumunod lang. Pero dapat ng alisin ang ganitong pag-iisip. Maraming ayaw

sa babaeng lider dahil ang unang pumapasok sa isip nila ay “magpapaganda” lang ang ganitong posisyon at lalong makakapag-attract ito ng ibang kalalakihan. Pero nakalimutan ng iba na ang bulaklak na rosas ay may tinik pa rin, na bago tanggalin, magpapadugo muna ng darili.

Ang babae ay isang babae, hindi babae lang. Ang babae ay hindi paganda lang. Lahat ng babae ay may tinatagong galing at mayroon ding talim, hindi man literal pero hindi magagawang tapakan. Iba na ang noon sa ngayon, wala ng babaeng magpapatakan sa sino man.

lathalain

Tomo I • Isyu III • Marso 2024

Ang tanda ng Pag-alala

Bilang isang katoliko, naranasan mo na rin bang ipagdiwang ang Semana Santa tuwing sasapit ang Marso? O di kaya naman ay nagiging saklaw ito ng mga balita sa inyong telebisyon?

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na isa ito sa mga importanteng okasyon na ginigunita hindi lamang sa ating bansa, kundi pati sa mga karatig nito. Ngunit ano nga ba ang Semana Santa at bakit ito ipinagdiriwang?

Ang pagdiriwang ng Semana Santa ay nag sisimula ng Linggo ng Palapas hanggang Linggo ng Pagkabuhay. Isinasagawa ito bilang tanda ng pag-alala sa ginawang pag sasakripisyo ni Hesus para sa pag mamahal niya sa sanlibutan.

Maraming mga tradisyong ginagawa ang mga Pilipino tuwing

Semana Santa. Hindi ito nakakaligtaan dahil isa rin ito sa mga paraan upang alalahanin ang huling pitong araw ng diyos sa lupa at pati na rin ang kaniyang kamatayan.

Isa sa mga tradisyong ginagawa ng mga Pilipino ay ang palapas. Ginagawa ito tuwing linggo ng palaspas o Palm Sunday upang gunitain ang pagpasok ni Hesus sa Templo noong pista ng Paskwa.

Ang ginagawa ng mga tao sa dahon ng palma o palaspas ay patuloy na ipinapalaspas dahil isa ito sa mga ginawa ng mga tao noong panahon ni Hesus bilang respeto sa kaniya.

Tradisyon na rin ng mga Pilipino ang pabasa. Ang pagbabasa ng mga salita ng diyos at pagsasadula ng buhay ni Hesus sa pamamagitan ng pagkanta. Tuwing pabasa rin, na-

kasanayan nang magpakain o kumain ng bilo-bilo ang mga tao. Ginagawa ito tuwing Miyerkules Santo at tinatapos tuwing alas tres ng Biyernes Santo. Ang pagdaraos ng prusisyon na kung saan, ililibot ang mga santo sa iba't ibang lugar ay isa rin sa mga nakasanayang tradisyon ng mga Pilipino. Malaking ang pagkakaiba nito sa Sinakulo. Sa Sinakulo isinasagawa ang pag dula ng buhay ni Hesus at dinadas niyang paghihirap.

Sa Sinakulo ginagawa ang pagpapako ng kamay at paa at dito rin makikita ang pagpapasan ng krus at paghampas sa likod ng debotong katoliko na gumaganap bilang si Hesus.

Iba pa sa dalawang ito ang tradisyon na Alay Lakad. Sa Alay Lakad naman isinasagawa ang paglalakad papuntang

Antipolo Church tuwing Huwebes Santo upang pag-alala sa ginawang pag sasakripisyo ni Hesus habang pasan ang krus sa kaniyang likuran. Mayroon pang ibang tradisyon ang mga Pilipino tuwing Semana Santa. Nariyan ang Visita Iglesia na pagbisita sa pitong malalapit na simbahan ng mga deboto, pati na rin ang hindi pagkain ng anumang uri ng karne ay naging isa na sa tradisyon ng mga katoliko dahil naniniwala sila na isa ito sa kanilang pag sasakripisyo. Bukod pa rito, marami pang tradisyon ang isinasagawa sa simpleng pamamaraan gaya ng pagpapalabas sa telebisyon ng mga pelikula patungkol sa buhay ni Hesus at ng mga tao sa bibliya o di kaya naman ay nagpapakita ng mabiting asal sa bawat isa. Pati ang pagkakaroon ng ma-

habang bakasyon upang magunita ang Semana Santa ay pamamaraan na rin ng mga Pilipino noon pa lamang. Sa paglipas ng panahon, dumaan man ang maraming hamon sa ating mundo, ang ating paagiging deboto ay hindi na naaalis sa dugo ng mga Pilipino. Tanda lang ito na hindi talaga natin makakaligtaan at makakalimutan ang pag sasakripisyong ginawa ni Hesus sa atin at sa buong sanlibutan. Sa mga susunod pang mga taon, ang tradisyon ay patuloy na ring mababago, ang iba ay mawawala, meron din namang madadagdag. Ngunit pare-pareho lamang ang ating gustong gunitain, ito ay ang pagsasakripisyo ni Hesus at pagmamahal ng Diyos sa atin.

isports 5

PHS Eagles, dinagit ang MHS Tigers sa ipinakitang angking galing

High School (PHS) sa pamamagitan

dalawang koponan na naging see-sawing game, sa iskor na 12-13.

Patuloy sa pag-abante ang PHS ng lumamang pa ng limang puntos laban sa pag- sisikap ng MHS Tigers bunga ng nakakakilabot na pagtira ni Rovise Daano ng Sick Roll Spike, at kumubra ng dala-

Isinagawa ni Kien Kyle

Burgos ng Parang High School (PHS) ang malakasang puwersa para sa gintong medalya laban sa 54 kilos nang kaniyang pataubin si Emmanuel Nadila ng Industrial Valley Complex , (IVC) sa Wrestling Event sa puntos na 13-3 na ginanap sa PHS, Marso 12. Sa kabilang dako, hindi sumuko sa pakikipaglaban si Denver Veranda na ating pambato nang nagpakitang gilas pa rin sa pangalawang match sa 54 kilogram ni Julian Santos ng IVC sa puntos na 12-2.

Sa pangatlong laban, ipinakita ng Sta Elena High School, (SEHS) ang galaw na High Crotch na winalis ni Alipio Denzel laban kay Adam Mohammad ng PHS na may 62 kilos na lumalaban pa rin para sa puntos na 10-0.

Pinabilib ni Adrian Pepito ng IVCHS ang mga manonood laban sa 66 kilograms ni Kyle Santos ng PHS sa puntos na 13-12 na nagpakitang gilas pa rin habang nilalabanan ang isang puntos na kalamangan.

Ibinida ng bawat manlalaro ang kanilang freestyle sa paglalaro ng wrestling upang makamit ang

wang puntos, 18-15.

Natapos ang naglalagablab na paligsahan sa puntos na 21-16 na pinanalo ni Aeron Josh Reyes, isa sa bati- kang manlalaro ng PHS Eagles, sa nakabibilib na pagtira ng Heading na sinuportahan ni Elzid Chua, Star Player ng kasalukuyang taon, sa pag set ng rattan ball.

“Malaking inspirasyon sa amin ‘yung mga mahal namin sa buhay pati na rin ‘yung mga taong naniniwala na kaya namin at syempre ‘yung allowance na na- tatanggap namin”, dagdag ni Elzid Chua, Star Player ng kasalukuyang taon.

“Ang dahilan ng pagkapanalo namin ay pagsasanay araw-araw at pagiging disiplinado at sa tingin ko malaking tulong ang pagsali namin sa Palarong Panrehiyon noong nakaraang taon”, pahayag ni Jhonray Gocon coach ng PHS Eagles.

Sa kabilang banda hindi mawawalan ng pag-asa ang mga manlalaro ng MHS dahil pagbubutihan pa nila ang mga susunod na laban.

-Patrizha May D. Vasquez

kanilang inaasam bilang kasapi ng koponan.

Si Kien Kyle Burgos ang nagkamit ng gintong medalya kaya pasok siya sa palarong rehiyunal. Wagi pa rin ang iba nating pambato dahil nagkamit ng pilak na medalya sina Kyle Santos at Adam Muhammad habang nagkamit ng tansong medalya si Denver Veranda.

Si G. Victor E. Bedico Jr. ang coach ng mga wrestler sa PHS.

NAKAMAMANGHANG PAGDEPENSA. Dinedepensahan ni Christopher Tuavis ang bola sa pagtira ng nakabibilib na Sun Back Kick, Exhibition Game sa Parang High School (PHS), Pebrero 23 2024. (Kuha ni Patrizha Vasquez)

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.