Ang Kaparangan | Tomo 1 | Isyu 1

Page 1

OPINYON

Unang kagat may teacher agad?

ISPORTS

PHS Pasok sa Top 20 Wellness Dance

kaparangan ang

Kung saan sumisibol ang katotohanan

IKA-2 TAON NG CLUB

DAY IDINAOS SA PHS

Noong ikaapat at ikalima ng Enero, nasaksihan ng mga mag-aaral at guro ang ikalawang taon ng pagsasagawa ng Club Day na ginanap sa gymnasium ng Parang High School (PHS). Ang Club Day na pinamahalaan ni John Louie Flores, Vice President ng Supreme Student Learners Government (SSLG) ng Junior High School at ni Gng. Melda Balgua, gurong tagapayo ng SSLG, ay isang okasyon sa paaralan kung saan hinihikayat ang mga estudyante na lumahok sa iba’t ibang samahan. Ito rin ay pagkakataon upang ipakilala ang mga pinuno ng 12 samahan ng mga mag-aaral at mga miyembro nito. Ang bawat samahan ay nagkaroon ng iba’t ibang gimik o panghihikayat para maengganyo ang mga mag-

aaral na sumali sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalaro gaya ng perya-peryahan, tumpakners, shoot the ball, math dice, 5 vs 5 sa Mobile Legends, darts at marami pang iba.

Bukod dito nagbigay rin sila ng papremyo kagaya ng kendi, pera, tsitsirya at mga puntos na maaaring idagdag sa grado na ibibigay ng kanilang guro.

Makikita rin sa pagdiriwang na ito ang iba’t ibang klaseng serbisyo tulad ng pagmamasahe, paglilinis ng kuko at pagbebenta ng iba’t ibang klase ng pagkain,. Isa rin sa pinakanagustuhan ng mga nakisaya ay ang photobooth kung saan pwede silang magpakuha ng litrato na maaaring i-post ng bawat club sa kanilang mga fb page at para naman sa mga magkasintahan ay mayroon

ding Wedding Booth para sa kasal-kasalan.

Lahat ng ito ay dinagsa ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang at sinuportahan ang mga samahan na kanilang nais salihan.

Nanalo ang sumusunod na samahan sa iba’t ibang kategorya: ALAMATH -(3rd Best Booth, 2nd Student’s Choice, 2nd Most Visited, 1st Best Teaser); ENGLISHEROES-(2nd Best Booth, 3rd Student’s Choice, 2nd Best Teaser); TLE CLUB - (1st Best Booth, 1st Most Visited, 1st Student’s Choice); SAIPY - (3rd Best Teaser, 2nd Best Yell); KAMFIL -(1st Best Booth, 1st Best Yell); MC – ALERT (3rd Most visited, 3rd Best yell); ICT club - (1st Best booth); SCOUTS -(1st Best yell).

-Jeraldine L. Victor

SARBEY

Juniors mula sa PHS, kinaayawan ang Sipnayan ayon sa Sarbey

Ayon sa sarbey na isinagawa noong ika-5 ng Pebrero, lumalabas na sa 610 na mag-aaral mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang ng Parang High School na sumagot, tatlong asignatura ang tinatangkilik ng lahat- English, Filipino at Technology and Livelihood Education (TLE).

Isang mag-aaral lamang ang lamang ng English sa Filipino. Para sa akin, walang kaso na lamang ng isang mag-aaral ang gumugusto sa asignaturang Ingles, dahil alam naman natin o sa mga nakararami na ang wikang Ingles ay pangalawang lenggwahe ng ating bansa, huwag lamang tuluyang makalimutan at pahalagahan ang una nating lenggwahe—ang Filipino.

-Sundan sa Pah. 3

ISYU I
Ang bahagdan ng mga mag-aaral na sumagot ng sipnayan builang pinakainaayawan
47.1%
PHS pumangatlo sa Top 16 qualifiers ng PAMAMARISAN (p.2) BALITA Diploma o Diskarte? (p.4) LATHALAIN Benepisyo ng Artificial Intelligence sa edukasyon at paggawa (p.5) AG-TEK NILALAMAN MANATILING UPDATED!

balita 02

Mag-aaral ng STE pasok

sa Top 3 sa Clash of Sci-Tech Champs

Nakapasok sa Rank 3 sa Top 16 Qualifiers ng PAMAMARISAN ang Parang High School (PHS)- Junior High School Team sa nagdaang 'Brainiac Year 2: Clash of the Sci-Tech Champs' Ang PAMAMARISAN ay binubuo ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Naganap ang naturang kompetisyon sa Mandaluyong College of Science and Technology nitong Pebrero 10, 2024 na hatid ng Our Lady of Lourdes Hospital. Ito ay nilahukan ng mga piling mag-aaral ng Science, Technology, and Engineering (STE) Program na sina Jan Marc Ino Yuri L. Gagarin III at Andrea Julia B. Alarcon na mula sa 10-Knowledgeable at Jilianne Raine B. Mauleon na kabilang sa 9-Mindfulness.

Nanguna sa listahan ng Top 16

Qualifiers ang Rizal High School (RHS) na pambato ng Pasig. Ang Sta. Elena High School (SEHS) na nasa ikalawang puwesto at ang PHS na nasa ikatlong puwesto ay parehong mula sa lungsod ng Marikina.

SI G. Guiller P. Belen ang kanilang gurong tagapapagsanay na mula sa Kagawaran Ng Agham at tagapayo rin ng STE class sa ika-10 baitang. Magaganap ang huling tagisan ng talino sa Agham at Matematika sa Marso 16, kung saan makatatanggap ng sertipiko, medalya at gantimpalang nagkakahalaga ng 20,000 hanggang 50.000 libong piso ang tatlong itatanghal na mangunguna at mananalong paaralan.

-Nhicole Angela G Olango

ITaong Panuruan ‘23-’24

Leadership Camp, idinaos

sa

Parang High School

Isinagawa ang unang araw ng serye ng Leadership Camp na mayroong temang ‘Lider ng Kasalukuyan, Pag-asa ng Kinabukasan’ sa Parang High School (PHS) sa pamumuno ng Supreme Student Learners’ Government (SSLG) na dinaluhan ng mga opisyales ng mga samahan at organisasyon ng paaralan, Enero 13.

Inimbitahan ang dalawang tagapagsalita na sina G. Edriane Timothy Tabor, isang namumunong mag-aaral sa San Beda College at Bb. Risheill D. Guevara, Project Development Officer I, upang magbahagi ng kanilang karunungan tungkol sa pagiging isang lider.

‘Romanticize the mundane. Enjoy the day-to-day. The destination is only satisfying if we savor the journey,’ sabi ni G. Tabor habang pinag-uusapan

ang kanyang leksiyon na ‘What It Takes to be a Leader’ samantalang tinalakay naman ni Bb. Guevara ang ‘ABCs on Action Planning.’

Kasabay ng naturang kaganapan ang pagbibigay ng gantimpala sa mga clubs at organizations na nagwagi sa mga timpalak sa ginanap na Club Day noong Enero 4-5 at nagtapos ito sa pamamagitan ng team building activity at mga larong sinalihan na ng mga opisyales ng bawat club.

Gaganapin ang ikalawang araw ng Leadership Camp sa darating na Pebrero 3, 2024 na may panibagong hanay ng mga tagapagsalita at iba pang aktibidad na makatutulong sa mga kalahok.

Pambungad na programa ng Math Club

pinagdiwang ang pagbubukas ng

Buwan ng Matematika sa pangunguna ng mga miyembro at mga opisyal ng Math Club at ng kanilang gurong tagapayo kasama ang iba pang mga guro sa Matematika sa gym ng Parang High School (PHS),umaga ng Enero 8.

Bukod sa pormal na pagsasagawa ng seremonya ng pagtanggap bilang mga miyembro ng

Math Club sa pamumuno ng gurong tagapayo na si G. Randolf Byron S. Viray, hinihikayat ng programang ito na mas lumago ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga estudyante sa larangan ng Matematika na maghahatid ng malalim na oportunidad.

“Mathematics is for Everyone” ang binuksang paksa para sa taong 2024 na nagtatampok ng mga paligsahan tulad ng Tangram Making,

Tesselation Making, Poster Making, Slogan Making, Da-Math Tournament, Sudoku Quiz, 3D Art Making, Spoken Poetry, Rubiks Cube, Circular Mandala Art, Math-Tricks, Math-Awitan, at Quiz Bee na pinamahalaan ni G. Viray kasama ang pamunuan ng samahan sa Sipnayan.

Nag-organisa naman ng isang maikling palaro ang mga tagapangasiwa na naglayong subukan

ang kahusayan ng mga dumalong mag-aaral sa larangan ng Matematika na sinundan ng pagtatapos na mensahe ni Gng. Maria Teresa San Andres, Tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Matematika, kung saan inihayag niya ang kaniyang pasasalamat sa mga lumahok at nakiisa sa simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Matematika.

- Hartzelle P. Calanuga

kaparangan ang
Inilunsad para sa Buwan ng Matematika
Tinatalakay ni G. Edriane Timothy Tabor, isang lider na estudyante sa San Beda College, ang mga katangian ng isang tunay na pinuno sa Leadership Camp na isinagawa sa Audio-Visual Room (AVR) ng Parang High School, Enero 13. (Kuha ni Angelica Jade Cabungcal) NGITI NG TAGUMPAY. Ito ang nararamdaman nina G. Guiller P. Belen, Andrea Julia B. Alarcon, Jilianne Raine B. Mauleon at Jan Marc Ino Yuri L. Gagarin III sa pagkamit ng pangatlong puwesto sa ‘Brainiac: Clash of the Sci-Tech Champs’, Enero 10. Kuha mula sa PHS-STE Fb Page

opinyon

EDITORYAL

Unang

kagat, may teacher agad?

Itanggi man natin o sa hindi ay palagi talaga nating inaabangan ang oras ng break time. Minsan, kasisimula pa lamang ng klase ay maririnig mo na ang iyong tiyang kumakalam. Ngunit tila ba ang oras na inaabangan ng karamihan ay kulang pa. Kaya ang hiling ng karamihan sa mga estudyante ay habaan pa ang oras na dapat ilalan sa pagkain at pagpapahinga. Subalit ano-ano nga ba ang mga nagiging dahilang upang hindi nila masulit ang break time?

Matagal nang idinadaing ng maraming estudyante ngunit ngayon lamang muling nabuhay ang usapang ito. Isang dahilan kung bakit maraming mag-aaral ang naghahangad ng mas mahabang oras para sa kanilang pagkain ay ang bilang mga estudyante sa bawat baitang. Malaki ang Parang High School kaya hindi na isang sorpresa kung gaano karaming mag-aaral ang nagsasabay-sabay na pumunta sa kantina kaya naman ang pila ay pagkahaba-haba. Pangalawa ay ang distansiya ng silid mula sa kantina. Mayroong limang gusali ang paaralan at ang kantina ay nasa dulo o pinakahuling gusali. Kaya naman ang ilan ay hingal na pagbalik sa kani-kanilang mga silid. Pangatlo ay ang pag-o-overtime ng mga gurong ang itinakdang oras ng pagtuturo ay bago mag-break time kaya't ang kakarampot oras na inilaan para sa reses ay lalo pang umiikli.

Ang kakaunting oras na ito ay makatutulong sana sa pagganap ng mga mag-aaral. Ito ay ayon sa ilang mga pagaaral na sumusuporta sa pahayag na mas magiging maganda ang performance ng mga estudyante kung sila ay mabibigyan ng mas mahabang oras na magpahinga. Ayon sa pag-aaral, sa tuwing tayo ay nabibigyan ng mahabang oras sa pagpapahinga, nanunumbalik ang lakas at sigla ng ating utak. Ito rin ay nakatutulong upang makabuo at mapataas ang enerhiya, kasiglahan, at kakayahang makapagpokus. Lahat ng mga mag-aaral ay nararapat lamang na makapagpahinga kahit sa iilang minuto mula sa sunod-sunod na klase upang marelaks ang ating utak lalo na kung may hahapiting mga gawain. Hindi naman siguro magiging malaking kabawasan ang hinihinging kaunting dagdag na minuto, bagkus magiging malaking karagdagan nito sa pagpapabuti ng gawaing pang-akademiko ng mga mag-aaral. Ikaw ba? Ilang kagat ang nagagawa mo bago dumating si Ma'am?

kaparangan ang

Taong Panuruan ‘23-’24

Punto de Bista

Ni Kyle Miguel S. De Jesus
Sa Paghakbang Tungo sa Modernisasyon, Huwag Natin Tapakan ang Tsuper “Walang pag-unlad kung walang pagbabago.”

Pangunahing transportasyon ng mga Pilipino ang dyip at hangad ng administrasyon na paunlarin ito sa pamamagitan ng modernisasyon. Bahagi ng plano ang konsolidasyon. Ika-31 ng Disyembre, 2023 ang ibinigay na deadline sa pagkonsolida ng mga dyipni na walang prangkisa, at simula Pebrero, 2024 ay huhulihin na ang mga hindi tutupad dito. Maraming tsuper ang umalma kahit sabihin pa ng gobyerno na hindi na magbabago ang kanilang desisyon. Ako, bilang isa ring pasahero ay sumasang-ayon sa pagkonsolida, ngunit, gaano man kalaki ang maitutulong nito, hindi ito maaari kung ang kapakanan ng tsuper ang kapalit. Ang pagtakda ng deadline ng konsolidasyon ay parte ng modernisasyon ng public utility vehicle (PUV) na isang programa ng Kagawaran ng Transportasyon. Layunin nitong gawing organisado at maayos ang biyahe ng mga dyipni sa pamamagitan ng pagsali sa kanila sa kooperatiba—isang bagay na aking sinusuportahan.

Sa kooperatiba ay itatakda ang mga araw at oras ng kanilang biyahe, pananatiliing maayos ang kalidad ng ginagamit nila pampasada at bibigyan ang mga opereytor ng nakaayos na sahod, Para sa akin, malaki ang maitutulong nito sa mga komyuter at sa mga may-ari ng sasakyan, hindi na mag-uunahan ang mga dyipni sa pagpasada at magkaroroon sila ng pananagutan sa kooperatiba. Magiging mas ligtas at maayos ang mga daan. Pero, ang

mga benepisyong aking nilista ay siya ring dahilan ng pag-ayaw ng mga tsuper.

Karaniwan sa sistema ng pamamasada ang paghahapit upang makakuha ng pasahero, singitan sa kalsada, pagbaba ng pasahero sa highway, paunahan magsakay sa pamamagitan ng pagsigaw ng barker na halos paos na. Sa ganito, tugma sa kanilang sipag ang iuuwi nila sa araw-araw. Sa pagsali sa kooperatiba, hindi lang ang kanilang kita ang maaapektuhan, pati rin ang mga araw ng kanilang biyahe ay mababawasan. At upang maiwasan ang pilit na pagkonsolida, ang ilang samahan ay nagtulungan upang gumawa ng mga welga at protesta, kabilang dito ang samahang PISTON at MANIBELA. Ngunit, sa kabila ng kanilang pagsisikap, ay hindi pa rin apektado ang itinakdang deadline. Sumasang-ayon ako sa nais makamtan ng konsolidasyon ng mga PUV. Naniniwala ako na tunay na hakbang ito tungo sa pag-unlad. Ngunit, habang hindi sumasang-ayon ang mga tsuper dito ay wala itong mararating. Kailangan ng pagkakaisa ng mga tsuper at ng gobyerno. Mahalaga na matuloy ang pag-unlad, pero kailangan itong gawin sa paraan na tanggap ng lahat.

Dapat malagpasan ng magkabilang panig ang pagtutunggali. Kailangang gumawa ng kompromiso kung saan maipatutupad ang konsolidasyon nang hindi nalulugi ang mga tsuper. Sa halip na gipitin, pag-unawa ang kailangan sa kanilang kalagayan.

03

opinyon

Puna ni Pia

Lider na nasa harap ng pader, matatawag bang lider?

“Hindi lahat ng may awtoridad, matatawag na lider.”

Noong Enero 13, 2024, nagsagawa ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) ng Student Leadership Camp kung saan may sampung estudyante ng bawat club ng Parang High School (PHS) ang nagsama-sama para sa isang seminar. At bilang kalihim ng Filipino Club o mas kilala sa tawag na KaMFil (Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino), nakabilang ako roon. Sinabi ni Ginoong Edriane “Iane” Tabor, ang unang tagapagsalita,na malaki ang pagkakaiba ng may awtoridad sa lider.

Habang nagsasalita siya sa harap, unti-unti kong napagtanto na malaki ang pagkakaiba nila. Akala ko, kapag mataas ka sa larangan ng isang bagay, ikaw na agad ang lider. O kaya naman, kapag ikaw na ang lider, may awtoridad ka na agad sa mga taong nasasakupan mo, sa mga plano, sa sistema. Akala ko, magkasama o pareho ang awtoridad at lider. Pero habang ipinagpapatuloy niya ang pagsasalita, mas lalo kong napapansin kung gaano kalaki ang agwat ng lider sa may awtoridad lang.

Ang may awtoridad, kumokontrol. Ang lider, sinusunod dahil sa kagustuhan mismo ng mga tao. Unti-unti kong napagtanto na maraming dumaan sa akin na naging “lider” dahil sa awtoridad nila—sa edad nila, sa galing

nila sa isang partikular na bagay, bilang ng baitang nila, sa grado nila—pero hindi naman ganun kagaling ang mga resulta o ang pamumuno nila; sinusunod ko lang sila dahil nakatataas sila sa akin.

Ayon pa rin kay Tabor, may dalawang klase ng lider; Inklusibong Lider at Lingkod Lider. Ang Inklusibong Lider (Inclusive Leadership) ay lider na sinasama ang lahat sa bawat gawain, walang taong iniiwan. Lingkod Lider (Servant Leadership) naman kapag ang lider ay nasa likuran. Bumababa siya para tulungan ang nasa ibaba paangat nang sa gayon, lahat ng miyembro ay umangat. Hinahanap ang kahinaan ng miyembro at tinutulungan para malampasan ito.

Bilang isang estudyante, palagi akong nakakakita sa klase ng Inklusibong Lider. Lahat may ginagawa, lahat sinasama. Minsan gumawa pa ng konsiderasyon depende sa kalagayan o kahinaan ng miyembro, at palaging isinasaisip na lahat may gagawin, lahat makapag-aambag. Lahat makakamit ang nanais bilang isang grupo. Pero para sa akin, ang Lingkod Lider o Servant Leader ay ang pinakaepektibong klase ng lider. Lahat makakaangat kapag may lider na bababa para tulungan kang umangat. Ngunit sa kabilang banda, ang Lingkod Lider pagdating sa politika ay kahina-hinala. Hindi mo alam kung totoo ba talaga o nagpapakitang-tao lang.

Ipinaliwanag din niya ang mga dapat taglaying katangian ng isang lider. Ang integridad, pananagutan, paghubog, at ang epektibong komunikasyon. Ang integridad ay paggawa nang tama kahit walang nakatingin. Ang pananagutan ay pag-ako sa responsibilidad kahit maganda o

pangit ang resulta.Sa paghubog, ang bawat hakbang ng grupo ay pinagsasaluhan o ipinagdiriwang habang ang epektibong komunikasyon ay kaugnayng pagiging konektado at pagsasama-sama ng bawat miyembro.

Sa apat na sinabi ng tagapagsalita, isa lang ang pumukaw ng atensyon ko; ang paghubog. Naiintindihan ko ang integridad, pananagutan, at epektibong komunikasyon. Alam kong dapat lang taglayin ng bawat lider ang tatlo pero nagulat pa rin ako na dapat iselebra ang bawat hakbang ng grupo. Akala ko, parte lang ito kapag natapos na lahat-lahat ng gawain. At napaisip ako, tama rin na isagawa ito, para tumagal at tumatag ang komunikasyon at pagsasama-sama ng bawat miyembro.

Samakatuwid, ang pagiging lider ay hindi lang tungkol sa awtoridad tulad ng ranggo at edad. Ito ay tungkol sa kalidad ng pamumuno at sa pagtingin ng ninanais ng grupo- kasama ng bawat miyembro. Ang lider ay naglilingkod sa mga taong nasasakupan, sa mga nangangailangan ng tulong—sa mga miyembro man o hindi.

Mas mabuti kung totoo kang lider, kung mapagsasama at mababalanse nang maayos ang pagiging Inklusibong Lider at Lingkod Lider kasama ng may Integridad, Pananagutan, Paghubog, at Epektibong Komunikasyon. Lider na kayang iangat ang sarili, kasama ang iba, nang walang iniiwan ni isang miyembro sa ibaba. Lider na walang masamang balak o hindi nagpapadala sa tukso kapag nasa itaas na. Lider na wala sa unahan, kundi nasa likuran para siguraduhin na lahat aandar patungo sa kanilang tagumpay.

Lebron J. Carmona Punong Patnugot

Aliyah Mae N. Parol Kapatnugot

Kyle Miguel S. De Jesus Tagapamahalang Patnugot

Samerr B. Borines Patnugot sa Balita

Lhiana Nicole D.Sanoy Patnugot sa Lathalain

Sofia Richel B. Ortega Patnugot sa Pagsulat ng Agham

Jomaica Jade Tenorio Patnugot sa Pagsulat ng Isports

Lebron J. Carmona Patnugot sa Pag-aanyo at Grapiks

Krizeah Faye DL. Acosta Tagakuha ng Larawan

Camille Joyce S. Peralta Debuhista

Jeraldine L. Victor

Cristelyn Jane DG. Andico

Nhicole Angela G. OLango

Alfred Kristian Obrero Mga Kontributor

Bb. Marcerin R. Permejo

Gurong Tagapayo

Gng. Rosanna A. Lagan

Pinuno ng Kagawaran ng Filipino

Gng. Jeanette J. Coroza Principal II

PATNUGUTAN NG PAHAYAGANG PAMPAARALAN NG PARANG HIGH SCHOOL 2023-2024 aparangan ang Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Parang High School T.P. 2023-2024 |
kaparangan ang 04
Taong Panuruan ‘23-’24

lathalain

Taong Panuruan ‘23-’24

Saan aabot ang piso mo?

Lagi akong nagtataka noong bata pa ako kung bakit pinupulot pa ni Mama ang pisong nahuhulog sa kaniyang pitaka. Piso lang naman iyon. Wala naman kaming nakabubusog na pagkaing mabibili roon. Ngunit ngayong may kamalayan na ako, bigla akong namulat sa katotohanan. Oo nga pala, ano? Hindi naman kami mayaman. Bawat sentimong mahahawakan ng aming palad, kailangan nga pala naming pahalagahan. Bukod dito, patuloy pa rin pala ang pagtaas ng mga presyo. Kaya ano pa ba ang mabibili sa piso?

Bilang estudyante, kendi na lang ata at isang piraso ng papel ang maaari kong mabili rito. Nasasabik tuloy ako noong mga panahon na dalawang bond paper pa ang matatanggap ko sa tindera kapag nag-abot ako ng piso sa kaniya. Masyado siguro talagang mabagal ang naging takbo ng oras noong nasa pandemiya pa tayo sapagkat labis na nagbago ang presyo ng mga kagamitang pampaaralan. Kinailangan pa namin pumili ng hindi

gaanong Maganda na kalidad ng mga kwaderno at panulat magkasya lamang ang badyet. Sigurado akong ganiyan din ang kinaharap o kinakaharap ng mga kapwa estudyante ko na galing sa pamilyang may limitadong pinagkukuhanan ng pera. Mapipilitan silang manirahan na lamang sa estado na kung saan ay mababang kalidad ng mga kagamitan ang bibilhin upang hindi kapusin sa pera. Mananatili sila sa pagtanggap ng mababang kalidad ng edukasyon sapagkat ano pa nga ba ang pagpipilian nila?

Minsan na akong nakatagpo ng isang kamag-aral na tinitiis ang gutom kahit na may perang baon. Dalawa lamang ang posibleng dahilan—mataas ang presyo ng mga pagkain sa kantina o hindi kaya’y nagtitipid siya upang may mailaang pera sa mga kailangan sa paaralan.

Naisasakripisyo na ng ilan ang kalusugan sapagkat hindi na nila kaya pang mag-aksaya ng kahit sentimo man. Tila umiikot na ang mundo

nila sa bawat sulok ng baryang kanilang natatamasa.

Isa pa sa kinasasabikan ko ay ang mga panahong may matatanggap pa ako na sukli sa tsuper kapag nagbayad ako ng sampung piso sa kaniya. Ngunit ngayon, baka tumulad na lamang ako sa iba na mas pipiliin pang magbabad sa tirik na araw habang naglalakad kaysa sumakay ng dyip o traysikel na tila ginto ang gasolina.

Hindi rin lagpas sa aking kaalaman na laganap ang estudyanteng hindi sumusunod sa dress code at hindi madalas mag-uniporme. Sinasabi ng iba na wala silang disiplina. Pero hindi rin nila tinitingnan ang posibilidad na kaya hindi madalas makasunod sa patakaran ang iba ay dahil iisa lamang ang pares ng uniporme nila. Hindi dahil ginusto nila kundi dahil makabutas-bulsa na ang halaga ng mga uniporme ngayon. Hindi dahil

gusto nila kundi dahil kahit ilang piso pa ang mayroon sila, hindi noon matutugunan ang kakapusan nila sa pera. Lagi akong natutuwa noong bata pa ako kapag nabibigyan ng piso. Piso rin kasi iyon. Ngunit ngayong mulat na ako sa buhay, napagtanto ko na higit pa pala ang saya na aking madarama sa bawat piso na mahahawakan ng aking mga palad. Oo nga pala, ano? Nabubuhay ako sa panahon na mala-diyamante ang halaga ng mga bagay. Bukod dito, hindi rin naman ako ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kaya hindi ko na rin maiiwasang magtanong kung saan aabot ang piso ko.

05
kaparangan ang

ag-tek

kaparangan ang

Pagsiklab ng E-Cigarettes sa Kabataan: Isang Pag-aalala sa Kalusugan at Kinabukasan

Naeengganyo ka na rin ba sa mga nakikita mo ngayong panahon? Maraming kabataan ay madalas nang gumagamit nito. Walang mabahong usok at sosyal pa ang dating. Marahil, kahit kayo ay pamilyar sa e-cigarette. Tila nagiging isang trend ito sa mga kabataan na nagreresulta sa pagiging normal na nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Subalit sa likod ng likas na kuryosidad at pananabik ay ang mas malalim na impluwensya- na ito ay nagdudulot ng mga panganib sa kanilang kalusugan at kabutihan.

Karamihan sa mga gumagamit ng e-cigarette ay mga teen ager na 18 taong gulang o higit pa, ang itinuturing na tamang edad para subukan ang ganitong produkto. Bago tayo magpatuloy sa pagpapaliwanag, linawin muna natin kung ano ang e-cigarette. Ayon kay Niña Christina Lazaro-Zamora, sa kanyang inilathalang “Kaalaman Tungkol sa Vaping: Ligtas nga ba ang Gawaing ito?” sa hellodoctor.com.ph, “Ang vaping ay ang paggamit ng vape o vaporizer, na isang device na nagpapainit at nagpapa-aerosolize ng

liquid solution o tinatawag nilang “juice” (ang nicotine content) na naglalaman ng pampalasa. Ang singaw na likido ay nilalanghap, katulad nang sa paninigarilyo. Samantala, ang electronic cigarette o e-cigarette ay isang uri ng vape na gumagamit ng nicotine-based solution.”

Sa kasamaang palad, marami sa mga kabataan ang nahuhumaling na rito sa murang edad, kahit pa sa loob ng mga paaralan. Ito ay may pagkakahawig sa tradisyunal na sigarilyo, ngunit sa halip na sunugin ang tabako, ito ay gumagamit ng baterya upang painitan ang isang espesyal na likido na tinatawag na “e-juice” na naglalaman ng iba’t ibang kemikal, kabilang ang nikotina at propylene glycol.

Marami sa mga kabataan ang nahuhumaling na sa paggamit ng e-cigarettes sa murang edad, na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan at pamumuhay. Ayon sa Philippine Pediatric Society, 11% ng mga estudyanteng nasa edad 10 hanggang 15 taong gulang ay umamin na nakagamit na ng vape. Sa mga paaralan, nakalulungkot na makitang

ang bilang ng mga magaaral na gumagamit nito ay patuloy na tumataas. Marami sa kanila ang nahihirapang kontrolin ang kanilang sarili, na nagreresulta sa hindi magandang impluwensya sa kanilang pag-aaral at personal na pag-unlad. Subalit hindi lamang ang mga gumagamit ang dapat sisihin sa patuloy na paglaganap nito sa kabataan. Ayon sa Institute for Global Tobacco Control, marami pa ring mga tindahan na nagbebenta ng mga produktong tabako, kabilang ang e-cigarettes, sa mga paligid ng mga paaralan, kahit pa may mga regulasyon na nagbabawal dito. Ang ganitong kalakaran ay nagpapadali sa pagkuha ng mga kabataan sa mga mapanganib na produkto na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan.

Dulot nito, ang mga paaralan natin ngayon ay punong-puno na ng mga batang walang tigil sa paggamit ng e-cigarattes upang makabawas sa kanilang mga problema. Dahil sa nakahalong nikotina nito ay nakatutulong itong magpabawas ng kaba at tensyon na nagdudulot ng mas maginhawa at kalmadong sarili.

Kaya naman kapag sila ay nahihirapan ay ginagamit nila ito.

Sa harap ng ganitong suliranin, mahalaga na ang pamahalaan at mga institusyon ay kumilos upang labanan ang patuloy na paglaganap ng e-cigarettes sa kabataan. Kinakailangan ng masusing pagbabantay at pagpapatupad ng mga regulasyon sa pagbebenta ng mga ganitong produkto. Bukod dito, mahalaga rin ang edukasyon at kampanya upang ipaalam sa mga kabataan ang mga panganib ng paggamit nito at ng iba pang uri ng bisyo.

Sa huli, ang ganitong paninigarilyo ay hindi lamang nagiging isang problema sa kalusugan ng mga kabataan, kundi pati na rin sa kanilang kinabukasan at kinabukasan ng lipunan. Kailangan nating sama-sama na labanan ang ganitong uri ng bisyo upang mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng susunod na henerasyon. Ang pagtigil sa paggamit ng e-cigarettes ay hindi lamang isang indibidwal na responsibilidad kundi isang kolektibong tungkulin na ating dapat tuparin upang mabuhay ng mas masigla at mapayapa ang ating lipunan.

Taong Panuruan ‘23-’24
06

isports

kaparangan ang

Kung saan sumisibol ang katotohanan

PHS Pasok sa Top 20 Wellness Dance

Nagbunga ang pagpapakita ng nag-uumapaw na talento sa pagsayaw ng Wellness Dance nang makapasok sa Top 20 ang Parang High School (PHS) sa Junior High Category na nilahukan ng libo-libong paaralan sa buong bansa. Ayon sa update noong Enero 10 na inilabas ng G. Brian Carl Pagkaliwangan, namamahala at gurong tagapagsanay ng Wellness Dance Team ng PHS, nakapwesto sa pang-16 ang ating paaralan na may 4272 boto. Hinahangad nila na mapabilang sa Top 5 National Winners, kaya naman hinihikayat ang lahat ng mag-aaral, guro, magulang, kaibigan at kakilala na suportahan ang ating paaralan. Magrehistro sa https://www.barangaynestle.com.ph at upang makaboto, pindutin ang link na https://www. barangaynestle.com.ph/hataw-sayaw-showdown.

Ang mga kasapi sa grupo ng mananayaw ay mula sa 10 - Knowledegable na sina John Louie Raine Flores, Ino Gagarin, at Kirsten Mariel Bayaras, mula sa 10 - Affable sina Marielle Mandapat at Aliana Mae Diaz, mula sa 10- Charitable si Aubrey Mae San Mateo, mula sa 10 - Comprehendible sina Cypress Jean Marray at Keith Bautista, mula sa Grade 10 - Respectable si Erica Lyn Advincula at mula sa 7 - Adaptive si Jillian Ashley Mejia. Ayon kay John Louie Raine Flores, 10 - Knowledgeable, nag-ensayo sila nang husto kasabay ang pagkukundisyon sa kani-kanilang mga sarili, upang kung sila ay palaring mapabilang sa kumpetisyon, maayos at lubos silang nakapaghanda.

- Krizeah Faye DL. Acosta

PHS Futsal Girls: Nag-uwi ng

Silver Medal para sa Parang High School

Nakasungkit pa rin ng medalyang pilak ang PHS Futsal Girls sa kabila ng pagkabigong maipanalo ang laban sa final game at umiskor ng 0-2 na ginanap sa La Salle Green Hills Gym, Enero 21. Ang pinaghalong koponan ng Rizal High School at Valenzuela High School ang kanilang nakasagupaan.

Gumamit ang Futsaleras ng taktikang throw and kick sa pangunguna ng kanilang Captain Ball na si Andrea Padilla, mag-aaral mula sa 12-Conservation, sa pamamagitan ng pagsipa sa naglalagalab na goal para sana sa kanilang unang puntos,

ngunit sa kasamaang palad, naunahan ito ng kabilang koponan kaya nagresulta ito ng pagkatalo. Ayon naman sa kanilang coach na si Gng. Vivian Crisostomo, guro sa Kagawaran ng Filipino, ang mga manlalaro ay lubusang nagsanay para sa kanilang pakikipagbakbakan, ngunit sadyang nanaig pa rin ang mga kalaban sa naging paligsahan. Hindi rin sila nawawalan ng kumpiyansa sa mga susunod pang laban, dagdag pa niya.

- Patrizha May D. Vasquez

Pormal na ipinakilala sa mga mag-aaral ang mga gurong tagapagsanay ng isports sa isang maikling programa sa gymnasium ng Parang High School (PHS), Enero 11. Pinangunahan ni G. Stanley Manaog, School Sports Coordinator ng PHS, ang pagpapakilala sa mga gurong tagapagsanay at tagapagturo sa iba’t ibang isports.

Ang sumusunod ay mga gurong tagapagsanay at kanilang laro: Aaron Paul Atienza -Arnis (lalaki), Mary Grace Opeña Arnis (Babae), Rodulfo Valerio Jr. -Athletics (lalaki), Daisy C. Humamoy- Athletics (babae), Brian Pagkaliwangan- Badminton (Boys), Ma. Cleofe dela CruzBadminton (babae), Gimwell M. LiraBaseball, Radin B. Escoto- Basketbol (lalaki), Lance Eresmas- Basketbol (babae), Mary Ann Gonzales- Bilyar, Armando Odevilas- Chess (lalaki), Milyn M. Cato- Chess (babae), Vivian C. Crisostomo-Futsal, Jonathan Cornell- Football, Emerardo E. Claridad- Sepak Takraw (lalaki), Maria Theresa O. Navarra- Sepak Takraw (babae), Laurlyn B. Lamsen- Table Tennis (lalaki), Ma. Concepcion D. Borela- Table Tennis (babae), Rowena Adagio- Taekwondo, Geraldine B. Tapit- Balibol (lalaki), Arlene A. Galotera- Balibol (babae), Victor E. Bedico Jr.- Wrestling.

Isinagawa ito hindi lamang upang makilala ang mga guro at ang iba’t ibang isports na nilalahukan ng PHS kundi upang hikayatin ang bawat estudyante na maging interesado sa isports at salihan ang laro kung saan sila mahusay o kanilang napupusuan.

Ang ilan sa mga binanggit ay basketbol, balibol, table tennis at boksing na may kanya-kanyang dibisyon para sa kalalakihan at kababaihan.

Ang PHS ay kabilang sa ikalawang distrito at ang una munang lalahukan ay pandistritong palaro kung saan ang mga nanalo rito ay papasok sa pandibisyong palaro. Bago matapos ang programa, nagbigay ng mensaheng tumatak sa mga estudyanteng tagapakinig si G. Victor Bedico Jr, tagapagsanay sa boksing, sa pamamagitan ng paggamit ng akronim na SPORTS CLUB.

-Krizeah Faye DL. Acosta

Tagapagsanay ng Isports sa PHS, ipinakilala

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.