AGOSTO - DISYEMBRE 2018 · TOMO XXXII BLG I · PINAPANIGAN ANG KATOTOHANAN AT KAHUSAYAN |
@AngLagablab
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham sa Wikang Filipino Balita
LATHALAIN
EDITORYAL
ISPORTS
“Galing kasi ako sa pribadong sektor kung saan open ‘yung communication, so when I say open, parang kung ano man ‘yung desisyon ng ManComm, kailangan malaman ng iba. There
kung meron silang nakikitang kakaiba dun sa bata na kailangan na ng intervention. Training sa faculty para ma-refer na agad to professionals para hindi pa kailangang si guidance na. Sa level ng teachers pa lang, ma-detect na agad.” ► p. 2
Kasama ang mga kawani, Si Dr. Lawrence V. Madriaga ang bagong mamahala sa pangunahing kampus ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham. Larawan mula kay Gng. Eileen Sarmago.
Leigh Gacias Opisyal na itinalaga si Dr. Lawrence V. Madriaga bilang bagong direktor ng pangunahing kampus ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham sa ika-3 ng Setyembre, 2018. Nag-umpisa dahil sa kagustuhang magbigay-serbisyo sa bayan, si Dr. Madriaga ay nagsumite ng kanyang aplikasyon para maging bagong director. Bukod sa carrot na paboritong flavor ng juice ni Dr. Madriaga at ang desktop monitor ang kanyang paboritong bagay sa opisina, atin pa siyang kilalanin: Bakit po ninyo naisipang maging pinuno ng Main Campus ng Pisay? “Plano na talaga iyan since lagi kong sinasabi iyan [na] produkto ako ng public school simula kinder hanggang PhD. Lagi kong sinasabi na at one point in my career, I
will join the government service.”
Ano po ang naging unang impresyon ninyo sa Pisay? “Well, may mga expectations na kasi ako. Nag-aral ako sa UP, marami akong mga kaklaseng Pisay. To answer your question, nung pagpasok ko, konti lang pala ‘yung alam ko. Overwhelming
probably is an overstatement.”
Saan po ninyo nais dalhin ang Pisay sa loob ng anim na taon? “‘Yan mahirap kasi Pisay is already
is a constant and an open line of communication between the ManComm and the faculty and the students, and I also intend to promote even sa office ko ‘yung open dorm policy. Hanggang kaya ng schedule ko, I will accommodate people who want to talk to me.”
on top, so how do you improve on something that is already there, so siguro mag-fofocus ako sa faculty development and the students.
Paano po ninyo tutugunan ang mental health issues sa komunidad ng Pisay?
Paano po ninyo matutugunan ang problema sa komunikasyon ng administrasyon at ng mga estudyante?
early diagnose,
Ano pa ba ang kailangan ng mga estudyante? Sa ngayon ay ‘di pa ako makapagsabi ng something na specific because I still have to learn, kailangan ko pang matutunan ‘yung sistema. Kailangan ko pa kayong makilala in other words.”
“Of course that’s a concern. Kung titingnan ko ‘yung ating guidance office, it seems na medyo kulang pa so that’s one. Kasi limitado tayo sa positions, so isang paraan diyan ay mabigyan ng kakayahan ‘yung mga guro to at least
Larawan mula kay Angelo Adriano.
2 | Bagong taon, Bagong Yugto
PSHS-MC, MAY BAGONG DIREKTOR NA Ano po ang inyong opinyon sa administrasyong Duterte? “Well, hindi ako exactly political person, of course meron akong mga paniniwalang politikal pero
I would rather not comment on something like that, because una nasa gobyerno na ako, so ang
aking paniniwala ay kung nagtatrabaho ka sa gobyerno ay ang trabaho mo ay i-deliver kung ano man ang dapat ibigay ng gobyerno para sa tao. Sa pamamalakad, of course ay may mga tama at mali pero I just keep it
to myself.”
Paano po ninyo gustong maalala bilang direktor? Ngayong taon, tinatanggap ni Dr. Madriaga ang hamon ng pagiging campus director. Larawan mula kay
► p. 1 Ano po ang inyong opinyon sa aktibismo sa Pisay? “We live in a democracy. Nasa demokrasya tayo. Karapatan ng bawat tao na magpahayag ng kanilang mga damdamin. Ang sa akin lang ay walang naaagrabyado, walang nasasaktan at kung meron kang gustong ipahayag na political in nature, you can do it basta walang nasasagasaang ibang tao.”
“Concensus builder ako. Nag-aral kasi ako sa Project Management so sa Project Management, hindi pwede ‘yung gusto ko lang. It has to be ‘yung kagustuhan ng nakakarami at mag-bebenefit ang nakakarami. ‘Yun ‘yung gusto ko mag-define sa akin. Kung kinakailangan kong gumawa ng desisyon, I make sure na nakonsulta lahat at pumayag lahat.” Bukod sa mga tanong ukol sa trabaho bilang direktor, nandito ang ilang personal na katanungan para kay Dr. Madriaga:
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Ano ang po inyong paboritong asignatura noong high school? “I also studied in a science high school hindi Pisay. Paborito ko, of course ay Chemistry at Physics at nadala ko siya kaya ang aking graduate studies ay Material Science and Engineering, kaya kung titingnan niyo ang Material Science and Engineering, kombinasyon ‘yan ng Physics at
Chemistry.”
Ano po ang mga hobbies ninyo? “Magluto. I am an Ilocano so Ilocano food tulad ng Pakbet. ‘Yung totoong Pakbet hindi ‘yung Pakbet Tagalog.” Kung gagawa po kayo ng isang YouTube channel, tungkol saan po ito? “How to cook Pinakbet the right
way. I’ve been a Quezon City
resident for 23 years. ‘Pag si-
nasabi nila ‘uy, Pakbet ‘yan,’ hindi ‘yan pakbet. Ang Pinakbet ay walang kalabasa.” Ang mga naging panayam kay Dr. Madriaga ay umpisa palang ng ating pagkakakilala sa kanya. Maraming taon pa magsisilbi ang bagong direktor sa ating paaralan at sa paraan na ito natin siya mas lubos na makikilala. Muli, isang masayang na pagbati kay Dr. Lawrence Madriaga at isang malugod na pagtanggap sa bagong miyembro ng komunidad ng Pisay! At sa naging panayam ng Ang Lagablab kay Dr. Madriaga, nais niya ibigay ang mensahe sa komunidad ng Pisay na: “I-alay ang talino sa bayan.”■
Larawan mula kay G. MAE Lopez
Plano ng Bagong Student Council, inilatag Ilang buwan ang nakalipas ay hinirang na ang mga natatanging indibidwal na nahalal sa Student Council (SC) ng PisayMain para sa taong 2018-2019. Sa pagbukas ng panibagong akademikong taon, inaasahan ng buong komunidad ng Pisay na maganap ang ilan sa pagbabagong ipinangako ng mga kandidato na ngayo’y kasapi na ng SC. Dahil dito, layunin ng SC ngayong taon na hikayatin ang kanilang mga kapwa estudyante mag-aaral at guro na mas maging aktibo sa mga aktibidad at pagtugon sa mga isyung ikinahaharap ng buong komunidad. “Gusto rin naming makita ng mga mag-aaral na may dahilan kung bakit nagkakaroon ng eleksyon taon-taon. Hindi lang
kasi dekorasyon ang pagiging council member para sa resume ng mga officer nito,” ani ni Ralph Flores, ang nahalal na pangulo ng council para sa taong ito.
Kaya naman nais nilang matugunan ang mga pang-arawaraw na suliranin at problema ng mga estudyante, tulad ng tambak na gawain mula sa eskwela at kalagayan ng mga kainan sa loob ng kampus. “Bale naka-connect na rin doon ‘yung mga isyung pagtutuunan namin ng pansin ngayong taon. Para maramdaman ng mga iskolar na kasama at mahalaga sila sa proseso ng pagpapaganda ng buhay estudyante sa Pisay, magkakaroon ng mga student forum na maaaring structured o unstructured ang format,” wika
ni Flores. Binabalak nilang magsagawa ng mga student forums upang sa gayon ay malayang maipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga hinaing at opinyon ukol sa mga isyung pampaaralan. Kanila ring ilulunsad ang pagkakaroon ng SC Staff upang maranasan din ng mga iskolar ang pagiging katuwang sa pamamahala ng buong paaralan nang hindi kailangan ng pagtakbo sa eleksyon upang makalahok. Nang tanungin naman tungkol sa mga pangunahing pagbabago ng SC ngayon kumpara sa nakaraang taon, kanilang itinugon ang hindi pagasa sa mga Batch Council (BC) para sa manpower ng iba’t ibang proyekto. “Makikipag-collaborate pa rin kami sa mga BC, pero ang
Sean Maghirang
manpower para sa mga event at day-to-day na trabaho ng SC ay manggagaling na sa bagong staff members namin.” dagdag pa ni Flores.
Para sa kanila, dapat magpokus ang mga kasapi ng BC sa pagresolba at pamamahala ng kanilang mga sari-sariling gawain at proyekto. Dito naman pumapasok ang konsepto ng pagkakaroon ng SC Staffs upang punan ang mga mangangasiwa at magiging katuwang ng council sa kanilang malawakang proyekto. Pinakahuli, binabalak ng SC pagtuunan ng pansin ang mga programa at sistema kaysa sa mga mismong events o aktibidades na magaganap sa paaralan. Sa ganitong paraan daw, mas mapagtutuunan ► p. 4
Bagong taon, Bagong Yugto | 3
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Kilalanin: mga bagong miyembro ng mancomm Christian Dasalla at Lyka Sangalang
Narito ang mga bagong talagang miyembro ng Management Committee (ManComm) simula Akademikong Taong 2018-2019. Halina’t kilalanin natin sina Gng. Maria Veronica Torralba bilang CID Chief, G. Jayson Bingcang bilang DSA Chief, at Gng. Eileen Joy Sarmago bilang SSD Chief.
“
If DSA deals with student activities, ‘yung pinaka-academic part ay sa CID. Ang tinitingnan natin, both the academic part ng students at sa instruction in terms of the teachers. Kaya sinasabi pag CID chief ka, you’re the head of the faculty, kasi [the faculty is] in charge of the instruction. Bilang pinuno ng CID ngayong taon, ano po ang inyong mga layunin? ISO certification It’s a system wide goal, so
that means we make sure all the protocols
Paano po ninyo ilalarawan ang DSA? Ang DSA, it oversees all the curricular and extracurricular activities of the students. Kapag sinabing curricular activity, ito ‘yung mga initiated by the academic units, kunwari contest, field trip sa SocSci. Kapag extracurricular, [ito ‘yung] lahat ng activities ng students na hindi typical lecture or instruction. [These activities] make a student
more holistic.
Bilang pinuno ng DSA ngayong taon, ano po ang inyong mga layunin?
”
► ► ► ►
Kung ang iyong dibisyon ay isang pong office supply, ano ito at bakit? Pen, kasi andaming pinipirmahan. Paper clip Very dynamic ang Pisay…bukod ‘dun sa may mga changes bigla, nakikita rin ‘yung pagiging dynamic in terms of the activities. So teachers attend seminars… tas ‘yung students natin ang daming sinasalihang competitions, so andami-daming papel. And marami tayong kailangang i-check. Dun ngayon pumapasok ‘yung maraming paperwork. [‘Yung paper clip] is a way of organizing.
16 taon nang bahagi ng Pisay guro sa Sangay ng Computer Science guro sa elektib na Multimedia Arts naging pinuno ng Leadership & Exchange (LedEx) Committee
I will base every decision I make on what is the best for the students. So lagi kong inii-
sip, ito ba ‘yung makakabuti? Mas makakatulong [ba] ‘to para sa students? ‘Yun ‘yung laging basis ko. I will take time to
gather input and knowledge from as many stakeholders as possible so hindi lang sa students. I will support and encourage those with whom I work kasi meron akong DSA council. Ang way ko ngayon is I trust all [the heads of the different committees in the DSA council] tapos i-dodouble check ko na lang. I will delegate the work. And lastly, I will listen more than I talk. Gusto
“ ”
Bilang pinuno po ng SSD ngayong taon,
12 taon nang bahagi ng Pisay guro sa Sangay ng Physics naging SCA adviser naging pinuno ng Discipline Committee naging Discipline Officer
are being practiced. Other people think that [following protocols] is masyadong tedious, pero actually it ensures that what we deliver is quality instruction. Curriculum Meron tayong system-wide program in terms of curriculum review and assessment, so we have to be in line with that also. I want to focus not only on the everyday operations sa mga compliance and protocols, but also to really work on the curriculum. And with that, we also have other teachers and committees to help us. We have instruction officers. And we also have a curriculum review committee, para starting this year, mas maayos nang maisatupad ‘yung curriculum.
Paano po ninyo ilalarawan ang CID?
“
”
► ► ► ► ►
ko isipin, ano ba ‘yung gusto ng student? Kasi Division of Student Affairs, so dapat pinapakinggan talaga ‘yung students natin. Kung ang iyong dibisyon ay isang pong office supply, ano ito at bakit? File holder Kasi naaayos mo ang lahat ng laman nito, tulad ng sa pagoffer namin ng clubs. Meron sa sports, sa creativity, social, so dapat inaayos din namin ‘yun. 'Yun ang ginagawa namin ni Ate Janine. Kapag nagsubmit kayo ng proposal, itingnan namin kung paano ito makakabuti sa students at iaarrange namin 'yun, parang sa file holder.
► 22 taon nang bahagi ng Pisay ► guro sa Sangay ng Values Education ► naging OIC Dorm Manager ► naging pinuno ng Discipline Committee ► naging Discipline Officer
ano po ang inyong mga layunin? Proper Communication Maaaring pumunta ang mga mag-aaral sa aming opisina, andito kami ni Ms. Dulce para sagutin ang inyong mga katanungan.
Kung ang iyo pong dibisyon ay isa pong office supply, ano ito at bakit? Papel Maaaring ilagay ang mga issues, messages, o questions doon para sa SSD (maaari ring post-it).
4 | Bagong taon, Bagong Yugto
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Plano ng Bagong Student Council... ► p. 2 ng pansin ang pagresolba sa mga isyung maaaring sumulpot sa sistema para sa buong taon. Dagdag ni Flores, “sinimulan din naming makibahagi sa mga pagpupulong ng DSA, CID, GCU, at iba pa. Para na rin maiparating sa kanila 'yung mga plano ng buong namin for the year at makakalap na rin ng Inaasahan info tungkol sa mga plano nila at paano komunidad ng Pisay-Main na sila’y maging handa sa kami makakatulong.” mga hamon at problemang Narito sa sumusunod ang mga kanilang kahaharapin bilang mag-aaral ng Pisay-Main na nahalal sa responsibilidad sa binigay sa Student Council Akademikong Taon kanilang kakayahang mama2018-2019: Ralph Flores, SC President; hala at mamuno sa kapwa Josh Ludan, SC Vice President; Andrea nila Iskolar ng Bayan. ■ Robang, SC Secretary; Bertrand Diola, SC Treasurer; Janine Liwanag, SC Auditor; Louise Espiña, SC Business Manager at Ang Student Council ngayong Jansen Serdoncillo bilang Club Coordina- taon (unang hanay, pakanan) Flores, Ludan, Robang; (ikalating Head. wang hanay, pakanan) Diola, Nawa’y maging produktibo at Serdoncillo; (ikatlong hanay, pakanan) Espina, Liwanag. matagumpay ang SC sa kanilang mga Larawan mula sa Student gagampanang tungkulin para sa taong ito. Council.
Batch 2024 officers, nahalal na laman ng GPOA ng Simula ang paggawa ng mga reviewers para sa batch bago ang quarterly exams.
People’s Party sa Marso kung saan
“This would ensure that a
Sumunod ang pagtatanong sa mga kandidato ukol sa kanilang mga posisyong tinatakbuhan. Para sa mga tumatakbong pangulo ay isang presidential debate ang isinagawa.
comprehensive study guide will always be accessible to the students,” ani Reyn Bungabong,
ang kandidato sa pagka-pangulo ng Simula. Plano rin nilang magsagawa ng food bazaar na magsisilbing fundraiser, batch t-shirt design contest at isang batch outing sa Mayo.
Itinalaga ang ilan sa mga mag-aaral ng Batch 2024 bilang pinuno para sa akademikong taong 2018-2019 sa nangyaring eleksyon sa araw ng ika-24 ng Setyembre 2018. Binoto ng mayorya ang mga tumakbo na kanilang hinirang na karapatdapat na tumanggap ng responsibilidad bilang kanilang mga opisyal ng Batch 2024 Council. Nahalal ang mga sumusunod: Mico Xander Rubico, BC President; Elden Riguel Tan, BC Vice-President; Johannes Raphael
Dancel, BC Secretary; Benjamin Jacob, BC Treasurer; at Charmaine Sophia Paras, BC Auditor. Sila ang magiging tagapamuno ng mga gawain ng Batch 2024, ang mga bagong mag-aaral ng PSHS-MC. Para matulungan ang mga mag-aaral na pumili ng kanilang mga pinuno, nagkaroon ng Miting de Avance na ginanap sa ika-21 ng Setyembre 2018. Sa unang bahagi ng miting ay naglahad ng General Plan of Action (GPOA) ang dalawang partido. Isa sa mga
Colin Beiel Rosales
Bahagi naman ng mga proyekto ng YAL ang iba’t ibang mga fundraising at donation projects, tulad na lang ng Tsinelas ng Iskolar. “Manghihingi po kami ng isang pares ng tsinelas sa bawat estudyante ng Batch 2024 para po sa December ay mai-dodonate namin ito sa mga less fortunate na mga bata”, ani Mico Rubico, tumatakbong pangulo mula sa YAL. Kasama rin sa kanilang proyekto ang isang plastic bottle
collection initiative, talent show
na gaganapin sa Pebrero at isang
mga mag-aaral ang mamimili kung paano ito isasagawa.
Nang tinanong si Bungabong tungkol sa kanyang pananaw sa kurikulum ng paaralan ay sinabi niya na wala siyang babaguhin dito at sa halip ay palalakasin ang “camaraderie and bond between the batch” para magtagumpay, na sinang-ayunan ni Rubico. Samantala noong tinanong si Rubico ukol sa pagiging overworked ng mga mag-aaral ay sinabi lang niya na “Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan,” na sinang-ayunan din ni Bungabong. Ang huling bahagi ng miting ay isang open forum, kung saan nagkaroon ang mga magaaral ng pagkakataon na tanungin ang mga kandidato ukol sa kanilang mga pananaw sa mga isyu ng paaralan. ■
Bagong Taon, Bagong Yugto | 5
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Kilalanin: Mga bago at nagbabalik na guro! Eduard Perez-Bellen
Halina’t lubos pa nating kilalanin ang ilan sa mga bago at nagbabalik na guro sa ating paaralan:
“Ma’am Mendoza” Computer Science Unit BS Psychology at Masters sa Information Technology Grado 9
Bakit po ninyo naisipang magtrabaho sa Pisay? “It was a family decision to go back to Quezon City. And it’s a good thing na may opening ang Pisay.” (Nagturo na rin si Ma’am Mendoza sa Pisay noong 1994 hanggang 2014.) Ano po ang first impression ninyo sa estudyante ng Pisay? “Students are very eager to learn, very excited there is an easy relationship, [may] initiative and very proactive.” Paano po naman nagkaiba ang estudyante ng Pisay noon at ngayon? “My first batch was the most memorable one. Magagaling ‘yung first batch at mababait. It’s too early to tell for now kasi wala pa naman kami sa mahihirap na parts.” Bakit po building ang tawag sa building kung nabuild na ito? “It has been built different
ways to improve the building. It never stays built the way it’s been originally built.”
“Sir Yanza” Research Unit BS Chemistry at MS Chemistry Grado 10 at 11
Bakit po ninyo naisipang magtrabaho sa Pisay? “Actually hinila lang ako ni Riel [Ingeniero].” Ano po ang first impression at expectations ninyo sa mga estudyante ng Pisay? “No different from the university. [Siyempre] I have high expectations… Independent [sila]
at curious...”
Bakit po ninyo naisipang magtrabaho sa Pisay? “To continue teaching. I taught in Miriam
for 13 years.”
“Ms. Cecile” Social Science Unit AB International Studies at MA International Studies Grado 9 at 12
Ano ang mga naging expectations ninyo? “I wasn’t familiar with the government… I thought it would be stricter here pero nakita ko naman na very flexible and easy to work with [ang mga katrabaho.]” Ano po ang mga naging first impressions ninyo? “Inglisero ‘yung students. Akala ko sa class lang sila nag-e-English pero kahit sa conversations pala sa labas.” Ano po ang gusto ninyong sabihin sa mga mag-aaral? “Learning does not stop within the
four corners of the classroom. Learning will continue when you come out into the world.” Bakit po building ang tawag sa building kung nabuild na ito? “It’s symbolic. It will still develop. An old building will undergo changes through its lifetime. It is continuous.”
Research
English
INTEGRATED SCIENCE
Math
Adrian Augusto M. Sumalde Elliard Roswell S. Yanza
John Daryl Wyson Audrey B. Morallo
COMPUTER SCIENCE
Social science
Gladys Ann O. Malto Marivice Joyce C. Villa Carmina S. Dalida
Cristina B. Aytin Melodee T. Pacio Mark Lester B. Garcia
Aline Teresa L. Mendoza
Maria Cecilia M. Bartolay
TECH
Ralph S. Jose
Mga natatanging alumni ng Pisay, pinarangalan
Colin Beiel Rosales
Anim na mga alumni ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham (PSHS) ang pinarangalan sa ika-siyam na Gawad Lagablab na ginanap sa Shangri-La at the Fort sa Lungsod ng Taguig nitong ika-29 ng Agosto, ika-pito ng gabi. Ang mga kinilala ay sina Leonila de la Fuente-Dans ng Batch ‘75 at Malaya PimentelSantos ng Batch ‘89 para sa Medicine, Jose Christopher Mendoza ng Batch ‘95 para sa Scientific Research, Caesar Occtavius Parlade ng Batch ‘75 para sa Government Service, Heidi Sampang Abiad ng Batch ‘90 at Lyra Versosa ng Batch ‘93 para sa Social Upliftment. Ang mga pinarangalan ay masusing pinili ng limang-kataong Board of Judges na pinangunahan ni Bb. Leticia Moreno, ExOfficio ng PSHS National Alumni Association (PSHS NAA) sa mga basehan ng kahusayan sa akademya, tagumpay sa larangang pinasok at paglilingkod sa taumbayan.
Sa isang panayam ay sinabi ni Bb. Linda Cordova, Executive Director ng PSHS Foundation Inc., ang kahalagahan ng pagbibigay ng gawad: “Ito ay isang pagkilala sa mga ginawa nila [mga nanalo] para sa ikauunlad ng bayan,” ani niya. Sa mensahe naman ni Department of Science and Technology Secretary Fortunato dela Pena ay kinilala niya ang mga nanalo bilang mga inspirasyon at huwaran ng pagmamahal sa bansa para sa mga mag-aaral, guro, at kawani ng Pisay. Ang Gawad Lagablab, na ibinibigay ng PSHS NAA, ay kumikilala sa mga alumni ng Pisay na nagpakita ng “lubos na pagpapaunlad ng pansariling kakayahan at paggamit nito sa pinakamalawak na ikabubuti ng mamamayang Pilipino.” Halos isandaang mga alumni sa iba’t ibang mga larangan ang nakatanggap na ng parangal magmula noong una itong iginawad sa taong 1991. ■
Ang mga binigyan ng Gawad Lagablab ngayong taon: (mula sa itaas, pakanan) de la Fuente - Dans, Mendoza, Parlade, Pimentel - Santos, Sampang - Abiad at Versosa.
6 | Balita
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Bb. Aguila, kinilala bilang Ulirang Guro sa Filipino Justin Matthew Lapastora
inawaran ng parangal ng Komisyon sa Wikang Filipino si Bb. Christine Joy DR. Aguila bilang isa sa mga sampung Ulirang Guro sa Filipino 2018 ngayong ika-1 ng Oktubre sa University of Santo Tomas. Kasama niya ang siyam pang ibang guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa na nagtuturo ng Filipino sa sekundarya o sa kolehiyo. Ayon kay Bb. Aguila, labis siyang nagagalak dahil nabigyan siya ng parangal at nagsisilbi itong hamon para sa kanya na ipagpabuti pa ang kanyang pagtuturo at ipagpatuloy ang kanyang adbokasing pagsusulong
ng wikang sariling atin. Si Bb. Aguila ay mula sa Sangay ng Filipino at ang kaunaunahang guro mula sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham System na nagawaran ng parangal na ito. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng Filipino 5. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ang sangay ng gobyerno na nangangasiwa at nagtataguyod sa pag-unlad ng wikang Filipino. Taon-taong ginaganap ang paggagawad sa Ulirang Guro sa Filipino sa mga guro batay sa makabuluhang ambag sa saliksik pangwika at pangkultura o pagpapalaganap ng wikang Filipino, kultura at wika ng rehiyon sa paraan ng pagtuturo sa komunidad na kinabibilangan nila. ■
at sistemang pangFilipino unit: “Ibasura ang cmo no. 20” komunikasyon edukasyon. Malinaw lamang na
Lex Garcia
pahayag ukol sa desisyong ito. Ipinagtibay ng Korte Suprema Narito ang kabuuang pahayag: ang CHED Memorandum Order “Opisyal na Pahayag ng Filipino No. 20, Series of 2013, na nag- Unit, Philippine Science High tatanggal sa Filipino, Panitikan, at School - Main Campus Hinggil Philippine Constitution sa mga sa Pagbabasura ng Korte Suprema kinakailangang kunin na asignutura sa CHED Memorandum Order sa kolehiyo. Nagtamo ito ng mga No. 20, Series of 2013 batikos at kritisismo mula sa mga Bilang nangungunang sekundaryang guro at tagapagtaguyod ng wikang paaralang pang-Agham sa bansa Filipino, na nagsasabing dapat itong ang PISAY, mariin naming ibasura dahil ito raw ay sumasa- tinututulan ang naging desisyon lungat sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Korte Suprema sa pagkatig nito ng Konstitusyong 1987. sa CMO No. 20, Series of 2013 Kabilang dito ang Filipino dahil sa pagsagka nito sa Artikulo Unit ng Mataas na Paaralan ng XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong Pilipinas sa Agham - Pangunahing 1987 na nagsasaad na ang Filipino Kampus na naglabas ng kanilang bilang midyum ng opisyal na
hindi maisasakatuparan ang atas ng Batas kung walang asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon. Sa antas hayskul, mariing kinokondena ang pagbabasura ng Filipino sa kolehiyo, bahagi ng kompetensing nililinang bilang paghahanda sa kolehiyo ang asignaturang Filipino, kung kaya’t mahalagang maipagpatuloy ang ginawang paglinang sa mga kasanayan/kompetensing nasimulan sa hayskul hanggang sa kolehiyo. Ang PISAY ay isang katibayan na mahalaga ang gampanin ng Filipino sa paglinang ng kasanayan at kritikal na pag-iisip ng mga
Selebrasyon ng Buwan ng Wika, idinaos John Paul L. Rosales Isang maikling programa sa pagpupugay sa watawat ang isinagawa ng ilang piling mag-aaral sa araw ng ika-13 ng Agosto, na nagsilbing pormal na panimulang selebrasyon para sa Buwan ng Wika 2018 na may temang "Filipino: Wika ng Saliksik; Wika sa Agham, Matematika, at Teknolohiya!” Bilang pakikisama ng komunidad sa okasyong ito, nagsuot ng mga kasuotang Filipino; na kung saan pumili ang bawat klase ng dalawang kinatawan (isang babae at isang lalaki) na
nagpamalas ng kakaibang kasuotan. Nagwagi ang ilan sa mga mag-aaral at guro na nagpakita ng ganda at kisig sa pagdala ng mga natatanging kasuotang Filipino. Narito sa sumusunod ang mga nagwagi: sina Salvador Recio ng Jade, at Kathleen Gabrielle Penular ng Diamond; sina Ainsley Lo ng Dahlia, at Neomi Mendoza ng Sampaguita; sina Jake Keifer Loquias ng Strontium, at Kaira Balcos ng Potassium; sina John Paul Rosales ng Electron, at Ysabelle Fay Samantha Cabaluna ng Electron; sina Lance Christian De Castro ng Block C, at
estudyante sa mga intelektwal na diskurso lalo na sa larangan ng Agham at Teknolohiya. Pinatunayan ng paaralan na mahalagang daluyan ang Filipino sa pagtuklas sa mga gawaing siyentipiko sa loob at labas ng laboratoryo. Katuwang ng paaralan ang wikang Filipino sa mga imbensyon at pananaliksik na tutugon sa mga kinakaharap na suliraning panlipunan. Kasama sa laban para sa wika ang PISAY! Kasama ang paaralan sa pagtataguyod ng wikang Filipino na daluyan ng kasaysayan ng bansa, salamin ng identidad bilang mga Pilipino at susi sa kaunlaran ng bayan. Ibasura ang CMO No. 20 Series of 2013.” ■
Larawan mula kina G. Efren Domingo, G. Salvador Fontanilla I., at sa Baitang 11-F
Ronnie Vience Roberto ng Block D; at sina Kinn Villanueva ng Block B, at Alyssa Guevara ng Block E. ‘Di naman nagpahuli sina G. Joselito Englatera at Gng. Eileen Joy Sarmago na itinanghal din na nagwagi sa mga guro at kawani. Nagkaroon din ng mga aktibidad para sa bawat baitang, tulad ng: Piyestang Filipino para sa ikapitong baitang, Palarong Filipino sa ikawalong baitang, Debateng Filipino para naman sa ika-siyam na baitang, Henyong Filipino sa ika-10, at Kantahang Filipino para sa ika11 na baitang. Para naman sa ika-
12 na baitang, nagkaroon ng eksibit noong ika-28 hanggang ika-31 ng Agosto para sa mga pananaliksik na nagawa ng nasabing baitang at ang iba pang mga proyekto nang nagdaang taon. Nag-imbita rin ng Sangay ng Filipino ang tatlong dalubhasa na sina G. Jose Mojica, propesor sa UST at isa ring film director, G. Marvin Olaes, propesor sa UP Diliman at si G. Jerome Asuncion, propesor sa De La Salle College of Saint Benilde. Sila’y nagtalakay ukol sa tema ngayong taon, na nagsilbing pormal na pagwawakas ng selebrasyon para sa Buwan ng Wika. ■
Lathalain | 7
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Filipino: Bakit Wika ng Saliksik? nilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayong ika-14 ng Hunyo 2018, ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon bilang “Filipino: Wika ng Saliksik”. Ayon sa kanilang website, sa inisyatibang ito, layon nilang lubha pang ipakilala at ipalaganap ang Filipino bilang isang midyum ng pagbabahagi ng mga kaalaman at karunungang pambansa, tulad ng sa mga talakayan at mas lalo na sa mga saliksik sa iba’t ibang larangan, mula sa mga sining, hanggang agham at matematika, magpahanggang batas at ekonomiya. Ngunit bakit nga ba importante ang pananaliksik gamit ang wikang Filipino?
wika ng saliksik upang maunawaan ito ng mas lalong nakararami, lalo na sa mga ordinaryong mamamayang Filipino.
“Ang agham ay hindi para lamang sa mag-aaral at siyentipiko o elit ng lipunan kung hindi para sa pagpapaunlad ng buhay ng lahat ng mamamayang Filipino lalo na sa mahihirap. Halimbawa nito ay ang kabalintunaan kung saan nandito ang IRRI [ang International Rice Research Institute]–mga eksperto sa agrikultura–pero bakit tayo nag-aangkat pa ng bigas sa mga ibang bansa, tulad ng Malaysia at Thailand? Kasi ang IRRI at mga pananaliksik ay nasa wikang Ingles at hindi ito nauunawaan ng ating Nakapanayam ng Ang mga magsasaka,” wika ni Dr. Flores. Lagablab si Dr. Ma. Crisanta N. Dagdag pa niya, “Gayundin Flores, komisyoner ng KWF at ang wika ng batas at ekonomiya propesor sa Departamento ng – higit na malayo o tiwalag sa orFilipino ng Unibersidad ng Pili- dinaryong tao ang mga naisusulat pinas, at ayon sa kanya, napaka- tungkol sa batas at ekonomiya. halaga ng wikang Filipino bilang
Para kanino ba ang mga ito? Hindi ba’t para sa paggaan at pagbuti ng buhay ng bawat mamamayan? Paano maiintindihan ng karaniwang Filipino kung bakit tumataas ang presyo ng langis, bilihin at palitan ng piso sa dolyar kung hindi ipapaunawa sa wikang naiintindihan ng nakararami – ang wikang Filipino?”
ga mag-aaral na nakaFilipiniana, pagtatanghal ng mga tulang Filipino, iba’t ibang aktibidad ng Departamento ng Filipino, pagtatampok ng mga proyekto sa Filipino – ganito ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa ating paaralan at sa marami pang iba tuwing buwan ng Agosto at isang ahensya ang nagsisigurong matagumpay itong nasasagawa taon-taon – ang Komsyon sa Wikang Filipino (KWF). Ngunit hindi lamang ito ang ginagampanan ng KWF. Ang KWF ay ang natatanging ahensiya ng pamahalaan na nagpapanatili at nagpapausbong ng wikang Filipino, ang pambansang wika, at ng mahigit isandaang pang wika sa Pilipinas. Ito ang tungkulin na nais magampanan ng pamahalaan para sa ating mga wika simula pa
Inihayag ni Pang. Quezon sa Pambansang Asembliya sa araw ng ika-27 ng Oktubre 1936 na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.” Kaya’t alinsunod sa Saligang Batas ng 1935 ay itinatag niya ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa ika-13 ng Nobyembre, 1936 upang pag-aralan ang mga lokal na wika at hanapin ang magiging basehan ng isang bagong Wikang Pambansa. Pagkatapos ng mahigit isang taong pag-aaral, inirekomenda ang Tagalog bilang batayan ng bubuuing pambansang wika dahil sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino”. Pinagtibay ito sa bisa ng Kautusang Tagapagpalaganap Blg. 134 na nilagdaan sa ika-13 ng Disyembre 1937 at ipinroklama ni Pang. Quezon sa radyo sa Araw ni Rizal, ika-30 ng Disyembre 1937. Ganap na naging opisyal na wika ang pambansang wika sa
ito ang wika ng nakararaming Filipino dahil para sa lahat ang agham, batas, ekonomiya, pati agham panlipunan at kultura,” ani Dr. Flores. Tunay ngang napakahalaga ng wika sa ating mga gawaing pang-araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit tayo nakakapagbabahagi ng mga kaalaman, ideya, mithiin, damdamin, at iba pa. At dahil ang pananaliksik ay maituturing na napakahalaga sa kasalukuyang panahon na mapagbago, nararapat nating lalo pang palaganapin ang paggamit ng Filipino sa larangang ito, upang maabot at maunawaan ng mas nakararami ang mga kaalaman sa mundo na magagamit sa pagharap sa mga suliraning pangaraw-araw.
“Ngayong taon, binibigyangdiin ang wikang Filipino bilang wika ng saliksik dahil ang pananaliksik ay laging nasa Ingles kung saan mga edukadong burgesya o intellectual elites lamang ang nagkakaunawaan. Kaya ang mahalagang tanong – para kanino ba ang saliksik? Para sa burgesya lang ba? Syempre hindi. Para ito sa taumbayan. Paano maihahatid ng salisik ang kaunlaran, karunungan at pagMabuhay ang lahat ng wika babago sa buhay ng mga Pilipino sa ating bansa! Mabuhay ang kung hindi naman nila ito nai- Wikang Filipino! Mabuhay ang intindihan? Pinakamahalagang gami- Wikang Pambansa! ■ tin ang wikang pambansa dahil
Hamon sa Komisyon sa Wikang Filipino noong panahon ni Pangulong Manuel Luis M. Quezon, Ama ng Wikang Pambansa.
Christian Dasalla
Colin Beiel Rosales
taong 1946 (hindi ito opisyal na tatawaging “Pilipino” hanggang sa taong 1959) at sinimulan itong gamitin at palawigin ng SWP. Isang diksyunaryong Pilipino ang ginawa at ang Pambansang Awit ay isinalin sa pambansang wika. Subalit dahil sinasabing sa Tagalog lamang ito ibinase, hindi ito tinanggap ng karamihan sa mga hindi gumagamit nito. Kinasuhan sa hukuman ang SWP bilang pagkondena rito at nagkaroon ng panawagan na maging mas bukas ang ahensya sa paggamit ng ibang mga wika. Sa Saligang Batas ng 1973, pinalitan ang pangalan ng “Pilipino” bilang “Filipino” bilang pagkilala sa mga ibang katutubong wika. Sa kabila ng mga ito, ginawa ng komisyon ang adhikain nito ng pagpapalaganap ng pambansang wika. Taong 1946 ay sinimulan ang Linggo ng Wika, na ipinagdiriwang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril, na linggo ng kaarawan ni Francisco Baltazar. Taong 1956 naman ay iniusog ito mula sa katapusan ng klase tungo ika13 hanggang ika-19 ng Agosto, na linggo naman ng kaarawan ni
Quezon, na tinuring na Ama ng Wikang Pambansa. Upang lalong mapayabong ang ibang mga panrehiyong wika, pinalitan ni Pangulong Corazon Aquino ang SWP ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) sa taong 1987. Inatasan ito na gumawa ng bagong komisyon ng pambansang wika, na magiging KWF sa taong 1991. Pinalawig din ang Linggo ng Wika sa buong buwan ng Agosto noong 1997 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos. At ito na nga ang ating ipinagdiriwang sa taontaon. Sa kasalakuyang panahon ng globalisasyon, lalong lumalaki ang banta ng pagkalimot sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Isa itong hamon para sa KWF upang mapanatiling buhay ang mithiin ng Ama ng Wikang Pambansa. Kailangang lalo pang paigtingin ang paggamit at pagtangkilik ng mga Pilipino hindi lamang sa pambansang wika bagkus pati ang iba pang wika sa bansa - hindi lamang tuwing Agosto taon-taon - ngunit arawaraw ng buong taon. ■
8 | FOUNDATION DAY
Lyka Sangalang Sinimulan ng komunidad ng Pisay-Main ang selebrasyon ng ika-54 Foundation Day sa pagdiriwang ng isang misa sa Gymnasium para sa mga Katoliko, at worship service sa 3rd floor auditorium para sa iba pang mga relihiyon. Ang misa para sa mga Katoliko ay pinamunuan ni Fr. Ted Santiago, ang bagong chaplain ng paaralan. Sa kanyang homily, ipinaalala ni Fr. Ted ang kahalagahan ng gratitude o pagiging mapagpasalamat. Pinaalalahanan niya ang lahat na “God always provides”, at ang bawat isa ay napapalibutan ng maraming biyaya. Inorganisa ng Student Catholic Association (SCA) ang misa na ito.
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Ang worship service naman ay pinamunuan ng ACTS. Ang tagapagsalita sa aktibidad ay si G. Uziel Idurot, alumnus ng Pisay-Main na ngayo’y isang full-
time minister.
May tatlong bagay na binigyang-diin si G. Idurot. Ito ay ang magalak palagi, patuloy na magdasal, at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng pagkakataon. Sinabi rin niyang may saysay ang pagiging magalak dahil ang lahat ay nakatanggap ng grasya mula kay Kristo, na siyang ating ligaya. Ang misa at worship service na ito ay ginanap nang magkasabay mula 7:30 hanggang 9:00 ng umaga. ■
Samantha Carpio Ginanap ang isang Recognition-Convocation sa araw ng ika5 ng Setyembre, taong kasalukuyan, upang bigyang pagkilala ang mga natatanging mag-aaral, guro, kawani at alumni ng PisayMain. Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-54 na anibersaryo ng paaralan.
Pinangunahan nina Bb. Camille Barquilla at G. Francis Orque ang palatuntunan na sinimulan sa pamamagitan ng pag-awit ng Himig Agham ng pambansang awit. Sinundan ito ng isang maikling pagbati mula kay Bb. Maria Veronica S. Torralba, pinuno ng Curriculum and Instruction Division at mensahe mula sa bagong upong direktor na si Dr. Lawrence V. Madriaga.
Larawan mula kina Christian Dasalla at Angelo Adriano
Pinarangalan ang mga magaaral na palagiang nasa director's list sa nakaraang taong akademiko 2017-2018 at nagwagi sa mga internasyunal na olimpyad.
Kinilala naman ang mga gurong nakapagtapos ng gradwadong kurso pati na rin ang mga alumni na nagkamit ng karangalan sa unibersidad o kolehiyo at naguna sa board
examination.
Ginawaran din ang ilang guro at kawani ng Loyalty and Milestone Award dahil sa kanilang pagseserbisyo sa Pisay sa loob ng ilang taon. Matapos parangalan sa kanyang 35 taong serbisyo, si Gng. Ligaya B. Cion ay naghandog ng talumpati ukol sa mga naging karanasan niya sa Pisay. Ayon sa kanya, “ang Pisay ay isang tahanang araw-araw babalikan at paglilingkuran.” Natapos ang palatuntunan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pag-awit ng lahat ng PSHS Hymn at DOST Hymn sa pangunguna ng Himig Agham. ■
FOUNDATION DAY | 9
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Lex Garcia Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-54 Foundation Day, ang komunidad ng Pisay-Main ang nag-“Salu-Salo” sa iba’t ibang pagtatanghal na naganap sa Gymnasium, ika-5 ng Setyembre 2018. Para maipakita at mabigyangdiin ang Kulturang Pilipino, “Salu-Salo” ang itinawag sa variety show ngayong taon. Nagpakitang gilas ang mga mag-
aaral at maging ang mga guro ng kanilang talento sa pamamagitan ng iba’t ibang pagtatanghal tulad ng awit, sayaw, dula, at iba pa. Pinangunahan nina Shekinah Cruz at Rod Ayeras ang programa na sinimulan ng mga manunugtog mula sa Bravura. Sinundan ito ng piano solo ni Rey Marasigan at ang “Sorbetero Medley” at “Mamayug Akun” ng Himig Agham. Pinarinig nina Elisha Pena at Franz Guico ang kanilang naggagandahang boses sa pagkanta ng mga sikat na awiting Pilipino at nakipag-jamming din ang ilang mga banda ng komu-
nidad ng Pisay, kagaya ng Umami, It Wasn’t Necessary, at UP2U. Ipinarinig naman ng Sightlines ang kanilang rendisyon ng “With a Smile” at nagtanghal ang Kamalayan at Samapi ng kultura ng panliligaw sa kanilang inihandang mini-
musical. Ang SaGala ay nagpasabog
ng mahuhusay na galaw sa saliw ng “Shantidope”, “Hayaan mo Sila”, “Nadarang”, at “Prinsesa”. Pinamalas din ng Rainbow Dance Crew, na binubuo rin ng mga guro at mag-aaral, ang kanilang galing sa pagsayaw na tunay naman kinagiliwan ng mga manonood.
Hindi naman nagpahuli ang mga guro mula sa Math Unit sa kanilang pasiklabang paggalaw at pag-indak na inihandog nila kay Gng. Salac, para igunita ang kanyang huling taon sa Pisay bilang isang guro. Tinapos ang programa sa pamamagitan ng pagkanta ng buong komunidad ng “Mundo” ng IV of Spades. Sinundan ang “Salu-Salo” ng isang bonfire at open mic na ginanap naman sa grandstand. Ang variety show ay taontaong inihahanda ng Student Council at inaabangan ng buong komunidad ng Pisay-Main sa bawat pagdiriwang ng Foundation Day. ■
Larawan mula kina Christian Dasalla, Angelo Adriano, at Samantha Carpio
10 | EDITORYAL
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
no ang pangalan mo?� ang katanungan na unang tinatanong tungkol sa iyo. Ang ating mga pangalan ay ang nagsisilbing tatak kung sino tayo
ANGLAGABLAB PINAPANIGAN ANG KATOTOHANAN AT KAHUSAYAN
Punong patnugot
KATUWANG NA PATNUGOT
PUNONG TAGAPANGASIWA
TAGAPANGASIWA NG ONLINE MGA MIYEMBRO NG PATNUGUTAN
MGA KONTRIBUTOR
TAGAPAYO
Direktor ng Kampus
na dinadala natin kung saan man tayo magpunta at maaalala ng mga tao kapag tayo ay nakikita ito ay ang identidad ng isang tao. Bago pa man tayo sinakop ng mga Kastila, ang ating pangalan ay nababase sa kung ano ang ating mga katangian at kung saan tayo nakatira. Masasabi na ikaw ay si Lakas Tabindagat kapag ikaw ay nakatira sa tabi ng dagat at kinikilala bilang isang malakas na mandirigma. Maaari ring magbago ang iyong apelyido kapag magbabago ang iyong tinitirahan. May ilang sinaunang Pilipino na may pangalan na nakabase sa pangalan ng kanilang mga lolo. Isang halimbawa ay ang pangalang, Apolaki na hinahango sa pangalan ng lolo na Laki. Ang sistema ng pagbibigayngalan sa mga Pilipino noon ay magulo para sa mga Kastila lalo na kapag naniningil ng mga buwis. Naisipang bigyan ng mga Kastila ang mga Pilipino ng mga Kastilang apelyido para magkaroon ng sistema sa pangongolekta ng buwis. Sa pamamagitan nito ay maaaring sabihin na natapyasan tayo ng ating tradisyon
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
at binago ang ating identidad. Pagkatapos ng panahon ng Kastila ay sinakop naman tayo ng mga Amerikano. Sa pagdating ng mga Amerikano ay naimpluwensiyahan naman ang ating mga unang pangalan at pagkatapos ng ilang taon ay karamihan na ng mga pangalan ng mga Pilipino ay kombinasyon ng mga unang pangalang Amerikano at apelyidong Kastila. Ang ngalang Pilipino ay pinalitan na ng ngalang dayuhan. Hindi lamang sa ating mga pangalan makikita ang mga bakas ng mga dayuhan kundi ay pati na rin sa ating mga sinasalita sa araw-araw - ang ating wika. Ang impluwensiya ng mga Kastila at ng mga Amerikano ay makikita rin sa mga salita sa ating wika. Ang mas nakakalungkot ay tila nakalilimutan na ng mga Pilipino ang mga salita sa wikang Filipino at mas natatandaan ang salita sa wikang Ingles sa kadahilanan na mas ginagamit at naririnig ang Ingles mula pa man sa wikang ginagamit sa paaralan hanggang sa mga kasulatan at ngalan ng bagay sa mga pamili-
han at sa paligid natin - isang rason kung bakit masasabing mas pinpiling aralin ang wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino. Karamihan din sa mga magulang ay tinuturuan ang kanilang mga anak ng wikang Ingles at hindi na binibigyang halaga ang pagkatuto ng kanilang mga anak sa wikang Filipino. Dahil dito, ang mga susunod na henerasyon ay matututo ng dayuhang wika ngunit hindi magiging pamilyar sa sariling wika. Nagiging problema rin ang lumalaganap na kaisipan na kung ang wikang Filipino ang iyong sinasalita ay wala kang pinag-aralan dahil ang pagsasalita ng wikang Ingles ang nagiging batayan ng katalinuhan ng isang Pilipino. Ito ay ang naging dahilan kung bakit mas pinipiling magsalita ng mga Pilipino ng ibang wika at kung bakit ikinahihiya ang pakikipagtalastasan sa wikang Filipino. Ang identidad ng isang tao ay masasalamin sa kaniyang pangalan ngunit ang isang wika ay ang sumasalamin at ang nagbubuklod sa isang bansa. Kaya kung tatanungin muli, sino nga ba ang tunay na bumubura sa ating identidad, ang mga dayuhan nga ba o ang isang Pilipinong hindi binibigyang halaga ang pagkatuto sa sariling wika? Sinakop ang ating bansa ng mga dayuhan. Ngunit magpapasakop ba ang ating mga kaisipan sa kanila? Bibitawan ba natin ang ating identidad para maging kamukha nila? Tatalikuran ba natin ang pagka-Pilipino para maging katanggap-tanggap sa kanilang mga mata? Ang pagsasalita sa ating wika ay ang nagbibigay pagkakakilanlan at simbolo ng ating pagkakaisa na nagbibigay alab sa diwang Pilipino. Diwang ipinaglaban at lalong pinag-alab ng ating mga bayani. Papatayin ba natin ang apoy na ito? â–
Opinyon | 11
AA GG OO SS TT OO -- DD II SS YY EE M M BB RR EE 22001188
John Froi Sabas agtaas ng buwis, pagbaba ng halaga ng piso kontra sa dolyar, mababang sahod para sa mga kontrakwal at marami pang iba ang kalat na kalat sa telebisyon dahil sa TRAIN Law. Para saan nga ba ang TRAIN law? Ang Tax Reform for
Accelaration and Inclusion Law
ay isang batas na makatutulong sa mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahigit na 8.44 trilyong piso sa gobyerno. Ngunit sa pagdaan ng mga buwan, ang mahihirap ay lalong humihirap at ang mayayaman ay lalong yumayaman. Oo, kailangan ng pondo ng gobyerno ngunit ganito ba dapat kamahal ang bilihin? Ito ba talaga
ang tamang sagot para maialis ang kahirapan ng bansa. Aanhin ang bagong MRT project kung wala namang bagong tren? Para saan ang mga matatayog na inprastraktura kung wala namang nagtatrabaho dahil nagsimatay na? Aanhin nila ang 8.44 trilyon para magpatayo ng mga imprastraktura kung wala na ngang makain ang daan-daang pamilya. Pero ang sabi nila, sandali lamang ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ngunit sa sandaling panahon na iyon, libo-libong tao ang mga nagugutom dahil sa kawalan ng pera at iba pa. Ngunit ano ba ang epekto? Nagpapakahirap ang mga haligi
ng tahanan upang iahon sa kahirapan ang pamilya. Pero dagdagan pa ng buwis ang pangaraw-araw na mga pagkain at bilihin? Sobra-sobra na iyon. Maraming Pilipino ang naghihintay at pumipila para makabili ng bigas ng NFA. Ngunit sa ilang mga probinsya, hindi ito nakaaabot. At minsan man ay may kasama pang bukbok ang biniling bigas kaya nasayang din ang pondo ng bansa. Ang mga matatamis na inumin, hamon, spaghetti sauce at iba pang mga pagkaing
inihahanda tuwing pasko ay nagsimahal na rin. Saan na ba lulugar ang mahihirap? Baka nga hindi na makumpleto ng mga Pinoy ang 12 prutas para sa Bagong Taon dahil wala na silang pambili nito. ■
Guhit ni Jeremiah Calucin
Colin Beiel Rosales sa sa pinakakilalang salita sa mundo ngayon ay ang “fake news”. Kalimitan itong sinasambit tuwing may kasinungalingan kumalat sa internet. Ilang mga pulitiko at mamamahayag na ang tinuringan nito bilang pag-atake sa kanila. Pinili na rin itong Word of the Year ng Collins’ Dictionary noong 2017. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay marami pa rin ang hindi ito pinapansin o sineseryoso. Bakit ito nangyayari at bakit ito lubhang delikado para sa ating lahat? Mahalagang alamin muna natin kung ano ba ang tunay na balita. Layunin nitong maghatid ng tama at patas na impormasyon sa taumbayan. Dahil dito ay pinagkakatiwalaan ang mga nag-uulat nito. Mahalaga ang reputasyon na ito para sa mga mamamahayag kaya kung nakagawa man ng pagkakamali ay tinatama nila ito sa lalong madaling panahon. Sa ganitong batayan ay masasabi nating hindi balita ang fake news dahil hindi nito layunin ang pagbabalita. Dinadala ng fake news ang mga mambabasa nito hindi tungo sa katotohanan kundi sa paniniwala ng gumawa nito. Kalimitan itong naglalaman ng mali
o baluktot na impormasyon upang kwestiyonin at atakihin ang kredibilidad ng balita. Sinasamantala nito ang nais ng mga tao na maghanap ng mga bagay na sumasang-ayon sa kanilang paniniwala, na siyang lalong nagpapalakas rito. Ito ang tinatawag na confirmation bias na sa kasamaang palad ay likas sa ating lahat. Ito ang dahilan kung bakit maraming biktima ng fake news ang hindi naniniwalang nililinlang sila. Ang ugaling ito, kasabay ng pag-usbong ng internet at pagliit ng tiwala sa tradisyonal na media, ang nagdulot ng mabilis na paglakas ng fake news. Ngayon ay may nabubuong “echo chamber” kung saan ang paniniwala ng mga tao ay napapalakas ng mga balitang sumasalamin dito. Kapag nagpatuloy ito, ang kalalabasan ay isang lipunang hati kung saan walang panig ang gustong maniwala sa sinasabi ng kabila. Wala nang halaga ang kaalaman dahil hindi naman ito paniniwalaan kaya sa halip ay emosyon na ang ginagamit sa tuwing nagkakaroon ng diskusyon. Sinasalamin na nito ang isang mundo ng “post-truth”. Lubhang mapanganib ang mundong ito dahil dito, luma-
layo ang mga tao sa katotohanan. Nasusunod ang damdamin, hindi ang tamang pag-iisip, sa lahat ng mga desisyon. At higit sa lahat, damdamin din ang siyang humuhubog sa kaganapan at katotohanan, hindi ang kabaligtaran. Isang bansang lubhang naapektuhan nito ang Myanmar. Isang bansang sumusunod sa Buddhismo, nakakaranas dito ng pang-aapi ang mga Rohingya na mga katutubong Muslim. Matagal na ang alitan sa pagitan nila at ng ibang mga Myanma, ngunit muli itong umalab sa pagdating ng internet, lalo na ng Facebook. Kumalat ang mga mapanirang posts, na gawa ng militar, mga pulitiko at maging mga monghe, laban sa mga Rohingya. Kasabay nito ang lumaki ang galit ng mga mamamayan sa kanila. Hinubog nito ang marahas na sitwasyon na nagdulot sa madugong pag-atake ng militar nitong nakaraang taon na nagdulot ng hindi kukulang sa 10,000 mga patay at paglisan ng higit 700,000 mga Rohingya patungong Bangladesh. Kinondena ito ng maraming lider at tinawag itong isang "textbook example of ethnic cleansing" ng United Nations. Ang internet, na siyang dapat nagpapalakas sa ugnayan ng
sangkatauhan, ang nagdulot ng isang krisis na nakaapekto sa daan-daan libong mga inaapi. Mahirap kalabanin ang fake news dahil maraming kailangang harapin. Nandiyan ang mga taong namamahagi ng fake news, ang mainstream media na humahabol dito at ang taumbayan (kabilang ang ating sarili) na nakakatanggap nito. Kung patuloy ang paggawa ng fake news, ang paghahanap ng mga tao rito, at ang pagbaba ng tiwala sa mga mamamahayag, patuloy tayong mapupunta sa post-truth. Kailangang kumilos ang lahat dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng mundo. Kung walang masasandalang katotohanan ang lipunan ay malaki ang tsansa nitong bumagsak. Kung may mabuting naidulot ang fake news ay naipakita nito ang tunay na relasyon ng tao sa katotohanan at kung gaano ito kadaling talikuran pabor sa damdamin. Noon ay lagi natin itong inaasahang maging totoo kaya minsan ay binabalewala natin ito. Ngayon, kung saan hindi na lahat ng katotohanan ay tunay, siguro ay kailangan natin bigyan ng halaga ang katotohanan. ■
12 | Humanities Festival
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Colin Beiel Rosales Ipinagdiwang ng buong komunidad ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham ang Humanities Festival mula ika-14 hanggang ika-16 ng Nobyembre na may temang “In Pursuit of Truth in a Post-Truth World”. Pinangunahan nina Bb. Kornellie Raquitico at G. Edwin Del Rosario ang komite na nangangasiwa sa pagdiriwang. Ayon sa kanila, ang tema ay pinukaw mula sa laganap na pagkakalat ng fake news at maling impormasyon sa mga nakalipas na taon. Sinabi ni Bb. Raquitico, marami nang mga tao ang “nalilito at nawawalan ng tiwala” sa katotohanan dahil sa epekto ng fake news sa paghubog ng kanilang kaisipan. Ayon naman kay G. Del Rosario, naging inspirasyon nila
Larawan mula kina Lyneth Anne Hernandez at Gwen Valimento
ang salitang “post-truth”, ang kalagayan kung saan mas binibigyang halaga ang damdamin sa kaalaman pagdating sa diskurso sa lipunan. Napili ang “post-truth” bilang Word of the Year ng Oxford Dictionary para sa taong 2016. Ipinunto rin ni G. Del Rosario ang kahalagahan ng humanidades sa kabila ng kurikulum ng PSHS na nakasentro sa agham, kaya may Humani-
ties Festival.
“Mahalaga ang mga ito [mga subject sa humanidades] para sa paglinang ng pagkatao. Para saan ang kaalaman kung hindi naman ito magagamit nang tama?” ani Del Rosario. Ang mga naging aktibidad sa festival ay nakaangkla sa kahalagahan ng katotohanan. ■
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Agham | 13
A G O S T O - D I S Y E M B R E 2018
Hagupit ng bagyong Ompong, ramdam sa buong Luzon Sean Maghirang Ayon sa National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC), tinatayang umabot sa 1.6 milyong katao ang naapektuhan ng bagyong Ompong (Typhoon Mangkhut) nang salantahin nito ang buong Luzon noong buwan ng Setyembre. Isang linggo makalipas ang pagtama ng nasabing bagyo sa lupa, tinatayang 400,000 pamilya ang apektado sa rehiyon ng Ilokos, Cagayan, Cordillera Administrative Region (CAR), Gitnang Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Metro Manila. Sa taglay nitong lakas ng hangin na aabot sa 205 kilometro kada oras at pagbugso namang pumapalo sa 285 kilometro kada oras, nagawang masira ni Ompong ang 50,000 kabahayan na kung saan 5,000 sa mga ito ay tuluyang naguho.
Bukod dito, tinatayang umabot sa 307 lansangan at pitong tulay ang nawasak sa kasagsagan ng bagyo. Sinasabing mahigit-kumulang 17.9 bilyong piso ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ni Ompong sa buong bansa, na kung saan 14 bilyong piso dito ay mula sa pagkawasak ng mga imprastraktura at ang natitirang apat na bilyong piso naman ay mula sa pinsala sa mga pananim at agrikultura ng bansa. Ayon sa Philippine National Police (PNP), ‘di naman bababa sa 95 katao ang namatay mula sa iba’t ibang dako ng Luzon dahil sa nasabing bagyo. Ang Ompong ay ang panlabinlimang bagyong pumasok sa bansa para sa taong 2018. Inaasahang tatlo o higit pa ang tatama sa Pilipinas na kadalasang nakararanas ng 20 bagyo kada taon. ■
Ang paglisan ng mga residente ng Itogon, Benguet, matapos masalanta ng landslide. Larawan mula sa news.abs-cbn.com
Gadgets sa Loob ng Klase: Solusyon o Distraksyon? Sean Maghirang Sa panahon ngayon ng digital age kung saan mabilis ang pagtakbo ng mga bagay-bagay kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya, miminsang pagkurap lang ay maaaring maging “out” ka na—kung tawagin nga ng mga kabataan—sa mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Kaya naman marami sa mga magaaral ngayon ang ‘di papipigil pagdating sa pagkalikot ng kanilang mga gadgets. Kanya-kanyang scroll, kanya-kanyang pindot— ito ang madalas nilang pagkaabalahan at paglaanan ng panahon— kahit sa mga oras na sila’y dapat nagkaklase.
Ayon sa isang pananaliksik na isinagawa nina Arnold Glass at Mengxue Kang, pawang mga propesyonal na psychologists mula sa Rutgers University, ang paggamit ng mga gadgets sa loob ng silid-aralan ay may negatibong epekto sa ipinapamalas ng mga estudyante, maging sa elementarya man o kolehiyo, sa kanilang mga gawain sa klase. Bawat tao ay may tinatawag na cognitive limits o limitasyon ng utak na magproseso ng bilang lamang na impormasyon. Dahil sa hangganang ito, mayroon lamang din ang bawat indibidwal ng limitadong kakayahang magpokus sa
mga bagay at gawain o kung bansagan nga ng nakararami bilang “attention span”. Gayumpaman, marami ang ‘di nababahala sa restriksyong ito. Inaakala nilang sila ay may abilidad na mag-multitask o pagsabay-sabayin ang mga aktibidad at gawain. Doon naman sila nagkakamali. Ang kanilang ginagawa ay hindi multitasking kundi task switching o pagpapalit lamang sa pagtutok ng atensyon sa mga gawain. Sa ginawang pagaaral nina Glass at Kang, pinapatunayang ang pag-task switch ng mga mag-aaral ay nakakapagpababa ng kanilang mga grado sa pagsusulit.
Sa kanilang pagsisiyasat, hinati nila ang isang linggo sa mga araw na maaaring gamitin ang gadgets tuwing klase at mga araw naman na ipinagbabawal ang paggamit nito. Lumalabas sa resulta na lubhang mas mababa ang mga pagsusulit ng mga estudyante tuwing isinasagawa ito sa mga araw na pinapayagang gamitin ang kanilang mga cellphone.
Ayon kina Glass at Kang, may negatibong epekto raw ang paggamit ng cellphone sa klase. Larawan mula sa news.rutgers.edu
Isa pang nakagugulat na kinasapitan ng pag-aaral na ito ay ang ipinamalas na marka ng mga mag-aaral na hindi gumamit ng kanilang mga gadgets kahit na sila’y binigyan ng kalayaang gamitin ito.
Lumalabas na walang halos pinagkaiba ang kanilang mga marka sa mga estudyanteng gumamit ng gadgets habang nagkaklase. Ayon kay Kong at Glass, isang maaaring dahilan nito ay ang peer pressure na naranasan ng mga ‘di gumamit ng gadgets mula sa mga magaaral na ginamit ang kanilang prebilehiyong gamitin ang mga ito. Maaaring ito ay naging isang distraksyon sa kanilang partisipasyon sa klase at nagdulot ng cognitive dissonance. Ito ay ang paghihirap na nararanasan sa pag-iisip at pagpili sa dalawang magkasalungat na ideya—sa sitwasyong ito, ang pagpili kung makikinig man sa klase o gagamitin ang ibinigay na pagkakataong gumamit ng gadgets. Sa bandang huli, bawat desisyon nilang gagawin bilang mga estudyante ay may karampatang bunga. Kung pipiliin mang gumamit ng gadgets o makinig sa guro, dapat ay handa rin ang bawat isa sa mga maaaring kalabasan ng kanikanilang ginawang desisyon. Dahil dito, tunay ngang nasa kamay ng bawat kabataan at magaaral ang pagpapasiya kung itututok nila ang kanilang atensyon sa screen ng cellphone o sa pisarang naglalaman ng leksyon. ■
14 | Balita
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
1,470 sa 32,651 students, nakapasa sa NCE 2018 Celver Ortiz Kinuha ng 32,651 na estudyante mula sa iba't ibang paaralan ang National Competitive Examination sa 145 na test centers sa araw ng ika-20 ng Oktubre 2018 para sa pagkakataong makapasok sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham. Ayon kay Gng. Jennifer Rombo, ang Supervising Examiner para sa National Capital
Region o NCR, katulad daw ng mga nakaraang taon, naging mahirap at masakit sa ulo ang pag- oorganisa ng NCE. Dagdag pa niya, ilan daw sa mga problemang kanilang hinarap ay ang mga batang nahuhuli sa oras ng pagsusulit, at ang pagbabago ng iskedyul ng pagsusulit; mula sa panghapon ay nagiging pang-umaga ang ibang mga sesyon.
Ang NCE ay inoorganisa ng mga Supervising Examiners sa bawat rehiyon na namamahala sa Chief Examiners para sa test centers. Katuwang ni Gng. Rombo ay ang mga Chief Examiners sa bawat test centers, sa PSHS-MC ang mga Chief Examiners ay sina: Gng. Ma. Teresita Medina, Gng. Herminigilda Salac, Bb. Kornelie Racquitico, Gng. Aiza
Lagahit, Bb. Kiel Granada, G. Milliardo Calivara at Gng. Arlene Gabriel. Inilabas ang resulta ng NCE noong ika-18 ng Disyembre 2018, kung saan 1,470 na mag-aaral ang nakapasa at mapapabilang sa Batch 2025 ng PSHS. Makikita ang kabuuang listahan ng mga mag-aaral na nakapasa sa website ng PSHS (http://www.pshs.edu.ph/nce2018). ■
Sitio San Roque, Nagkilos-protesta laban sa Bantang Demolisyon ng NHA Leigh Gacias at Lex Garcia
agsagawa ng kilos-protesta ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa labas ng National Housing Authority (NHA) nang ika-22 ng Oktubre ukol sa kanilang pagtutol sa demolisyon sa Sitio San Roque para sa pagpapagawa ng tinawag na “Quezon City - Central Business District (QC-CBD)”.
Ang ilan sa mga nais ipaglaban ng mga taga-Sito San Roque ay ang iligal na detensyon sa mga mamamayan nito, unlawful notice ng demolisyon at ang nagaganap na militarisasyon sa nasabing Sitio.
PamasAHELP!
A
nila, hindi ka raw tunay na Pilipino kung ni minsan ay hindi mo naranasang sumakay sa isang jeep. Isang sasakyang buhat pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dyip ay naging simbolo na rin ng Pilipinas nitong mga nakalipas na dekada. Upang makatipid, kadalasang ito ay ginagamit ng mga commuters papunta sa kanilang mga destinasyon. Ngunit nitong buwan, mukhang ang mga commuters na ito ay hindi na rin makaiiwas sa sakit sa bulsa. Matatandaang noong nagsimula ang taon ay nasa Php 8
Venn Magsino pa lamang ang minimum fare o singil sa isang commuter para sa
unang apat na kilometro. Nitong ika-6 ng Hulyo, 2018 ay pansamantalang itinaas ito ng piso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at ipinatupad sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA. Nitong ikalawa lamang ng Nobyembre ay permanente na itong itinaas ng dalawang piso sa mga nasabing rehiyon, nagreresulta sa Php 10 sa unang apat na kilometro sa isang jeep. Ayon sa isang opisyal ng nasabing ahensya, ang nangya-
kasin ang mga mamamayang nakatira sa ilang bahagi ng San Roque. Ayon sa mga mamamayan ay walang naganap na konsultasyon sa publiko. Binigyan ng 30 araw na palugit ng nasabing ahensya ang mga naninirahan sa Sitio San Roque para “kusangloob na magbaklas” ng kanilang sariling tirahan at umalis mula rito.
Isang linggo matapos ang paghain ng notice ng demolisyon ay 50 na residente ang hinuli ng pulis ng walang warrant of arrest. Ilang mga pulis din ang nasabing naglilibot sa lugar tuwing gabi.
Ika-30 ng Setyembre, 2018 ay naghain ng notice ng demolisyon ang NHA para pali-
Iprinotesta ng KADAMAY ang opresyon ng ahensya sa mga residente. ■
ring biglaang pagtaas ng jeepney minimum fare ay dahil sa tatlong bagay. Una, sobrang nagtaas ang presyo ng gasolina, petrolyo, at diesel, dahilan upang magtaas ang pamasahe. Isang rason din ang malakihang pagbaba ng halaga ng piso kumpara sa dolyar, dahilan para mas magmahal ang presyo ng gasolinang ating ini-import sa ibang bansa. Dahil din dito ay nagtaas ang ating inflation rate, mula 4.6 na porsyento noong Mayo na naging 5.2 porsyento noong Hunyo. Ngunit, ngayon lamang ika-4 ng Disyembre ay muling ibinaba ang pamasahe sa Php 9, dahil daw sa matinding pagbaba ng presyo ng petrolyo.
biglang pagbabago ng pamasahe ng jeep, maraming mamamayan ang naapektuhan, kabilang na ang mga mag-aaral ng Philippine Science High School. Isa na riyan si Celver, isang mag-aaral ng ikawalong baiting na lingguhang umuuwi sa kanyang probinsya sakay ng jeep.
Dahil sa magulo at pabigla-
Ayon sa kanya, mula sa dating Php 12 na kanyang nagagastos mula Pisay hanggang Kasiglahan, Rizal ay naging Php 20 hanggang Php 22. Kaunting piso para sa marami, ngunit marahil kung pagsasamasamahin ay malaking bagay na rin. Sa muling pagbaba ng pamasahe, baka kahit papaano nakagaan ito sa mga pasakit ng mga commuters. ■
Kultura | 15
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Hindi na Muli
Káya nating ipaglaban
EB Perez-Bellen
Hindi ko káyang isipin
Ng kasaysayang araw-araw sinasalanta
Na ang bayang daang taóng inalipin
Ng mga gamugamo ng ganid at kabuktutan
Ay handang talikdan at limutin Ang áral ng nakaraan
Hindi ko káya Ngunit káya natin.
Di ko káyang hagkan
Ang bawat himulmol ng katarungan, Bawat sinulid ng karapatan Sulsihin ang mga punit ng kaapihan Tagpian ang mga butas ng sistema Prinsahin ang lukot na lipunan Lilipan ang bawat tastas Ng laylayan, ng api, ng dukha
Ang ideyang pararangalan Ang isang táong libo-libong sinaktan
x
Tinanggalan ng karapatan
At sa pagsuong sa malamig na hamog ng
n
pagdilim
Di ko káyang unawain
Gawing balabal ang tapiseryang dakila
Na ang bayang sa manlulupig
Na habi mula sa init at lagablab
Ay ‘di pasisiil
Ng katotohanang lantay:
Ay nagpalupig sa kaniyang sarili
Burdadong tunay sa bawat titik ng sabi
Di ko káyang ayusin
Huwag makalimot. Hindi na muli.
Ang naninisnis na tapiserya
Preparasyon para sa kolehiyo Lyneth Hernandez
UP, Ateneo, La Salle. Sino ba namang hindi nangangarap na mag-aral sa mga unibersidad na ito? Tila lahat ng mga magtatapos ng highschool ay naghahanda para makapasok sa mga eskuwelahang ito. Kay sarap nga namang isipin na ika’y makapagaral sa isa sa mga prestihiyosong paaralang ito. Ngunit sabi nga nila, bago mo marating ang tugatog ng tagumpay ay marapat mo muna itong paghirapan. Ano nga ba ang mga kailangang pagdaanan bago makapasok sa mga malalaking unibersidad tulad ng UP, Ateneo, at La Salle?
University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) Isa sa mga CET na dinadaluhan ng marami. Ngayong taon, ginanap ito sa araw ng ika-27 at 28 ng Oktubre. Kung ikukumpara sa mga naunang UPCAT, ito ay isinagawa sa mas huling bahagi ng taon. Madalas itong matapat ng Hulyo o Setyembre. Ang UPCAT 2019 ay iniusod sa mas huling petsa dahil sa Bagyong Ompong. Umabot ang bilang ng mga aplikante ngayong taon sa humigit-kumulang 167,000. Gayunpaman, nasa 13,000-14,000 lamang na estudyante ang tinatanggap nila kada taon.
Ateneo College Entrance Test (ACET) Ang ACET 2019 ay ginanap naman sa ika-22 at 23 ng Setyembre 2018. Hindi pa naglalabas ng tiyak na bilang ang Ateneo kung ilan ang mga estudyanteng kumuha nito. Ngunit hindi lamang ang ACET ang daan upang makapasok sa Ateneo de Manila University (ADMU). Maaring gamitin ang mga natamong grado sa SAT at diploma ng International Baccalaureate (IB).
Inilabas ang resulta ng ACET noong ika-11 ng Enero, 2019, 11:11 ng umaga. Makikita ng mga kumuha ng pagsusulit ang resulta nito sa website ng Ateneo de Manila University (https:// acet.ateneo.edu/results/).
De La Salle University College Admission Test (DCAT). Ang DCAT ay ang entrance exam ng De La Salle University. Naganap ito sa ika-7 at ika-14 ng Oktubre ngayong taon. Wala pang tiyak na bilang ng mga estudyanteng kumuha ng naturang eksaminasyon. Ang resulta ng DCAT ay inaasahang lumabas sa Enero 2019.
Inilabas naman ang resulta ng DCAT noong ika-12 ng Enero, 2019. Makikita ng mga kumuha ng pagsusulit ang resulta nito sa website ng De La Salle University (https:// my.dlsu.edu.ph/students/DCATResult). Marahil ngang ang tatlong unibersidad na ito ang madalas nating maririnig kapag nagtatanong tayo ng “Saan mo gusto magaral?” Ngunit hindi ang pagpasa sa UPCAT, ACET, DCAT, o iba pang entrance exam ng mga tanyag na eskuwelahan ang magbibigay halaga sa ating mga pagkatao. Hindi lahat ng taong nakapagtapos sa isang magandang paaralan ay may magandang kinabukasan, at hindi rin lahat ng nagtapos sa mga di-kilalang paaralan ay hindi nagtatagumpay. Kasipagan at disiplina ang importante sapagkat hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Marapat lang na tayo ay magsumikap upang makamit ang ating mga ninanais. ■
16 | ISPORTS
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
AGOSTO-DISYEMBRE 2018
Alianti, kampeon sA UltiAsia High 2018 Justin Matthew Lapastora
Nagpakitang gilas muli ang Alianti sa pagiging back to back champion sa UltiAsia High 2018. Larawan mula kay G. Edge Angeles.
Itinanghal bilang kampeon ang Alianti sa UltiAsia High 2018 matapos talunin ang DC Spartans sa iskor na 13-11. Ginanap ang tournament sa Nottingham Football Field sa Malaysia mula sa ika-8 hanggang ika-9 ng Disyembre. Nakamit ng Alianti ang kampeonato sa tournament matapos panalunin lahat ng kanilang laban sa mga koponan ng Apple Peel, HIS Hurricanes, Malaysia Bug at DC Spartans ng Malaysia at Cosairs naman na mula sa Pilipinas. Itinanghal bilang Female MVP
PSHSS LUZON-WIDE SPORTFEST, ISINAGAWA
H
abang walang pasok ang mga estudyante ay abala ang halos 500 guro at kawani na maglaro nang iba’t ibang isports sa nagdaang Philippine Science High School System (PSHSS) Luzon-wide Sportsfest sa nakaraang ika-6 hanggang ika-8 ng Nobyembre 2018 sa PSHS Main Campus, Diliman, Quezon City.
kinatawan mula sa lahat ng kampus.
Walong kampus mula sa Luzon ang lumahok sa nasabing palaro. Kabilang dito ang mga kampus mula sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON Region, Bicol Region, MIMAROPA Region at ang Main Campus.
Valderama na mula rin sa Main Campus at Blue Team.
Hindi gaya ng mga naunang sportsfest, ang mga guro at kawani ay hinati sa apat na grupo Blue, Red, White at Yellow. Dahil dito ay lahat ng pangkat ay may
of the Tournament si Sophia Genio.
Kabilang sa kampeon na koponan ay mga iba’t ibang magaaral mula sa ika-9 na baitang hanggang sa ika-12 na baitang. Sinamahan sila ni Bb. Jennifer Balangue mula sa PEHM Unit at ni G. Felipe Del Castillo mula sa Biology Unit. Ang Alianti ang opisyal na ultimate frisbee club ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham at sila ay itinanghal na kampeon sa iba’t ibang tournament sa ultimate frisbee sa loob at labas ng bansa. ■
Riehla Carolein Erestain
Nagpakitang gilas si G. Gerold Pedemonte mula sa Main Campus at ang Yellow Team sa Men’s Volleyball. Siya ay itinanghal na Most Valuable Player sa nasabing isport. Nakasama sa Mythical Team ng basketball si Robert Bukod sa pisikal na isports ay may mga academic at cultural events rin na mga palaro. Kasama rito ay ang Wordscapes, Mr. and Ms. Pisay, QuizBowl, at Your Face Sounds Familiar. Ang labanan naman sa mga palarong ito ay sa pagitan ng bawat kampus. Ayon kay Bb. Jennifer Balangue, isang guro ng PEHM Unit ng Main Campus, ang
Para sa ngayong taon, ang pangunahing kampus ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham ang naghanda ng patimpalak na ito para sa mga guro at kawani. Larawan mula kay G. MAE Lopez.
sportsfest na ito ay hindi lang upang malaman ng mga sumali ang kahalagahan ng kalusugan kundi ay para rin patatagin ang pagkakaibigan at ugnayan ng lahat ng mga guro at kawani
mula sa iba’t ibang kampus. Ang PSHSS Luzon-Wide Sportsfest ay inroganisa ng Office of the Executive Director at ng PEHM Unit ng bawat kampus. ■
ANG PILIPINAS AT ANG 2018 ASIAN GAMES N
aganap sa Gelora Bung Karno Main Stadium sa Jakarta, Indonesia, noong ika-18 ng Agosto 2018, ang opisyal na pagbubukas ng 2018 Asian Games. Sa entablado ng seremonya, makikita ang likas na kagandahan ng Indonesia na inilalarawan ng mga bundok, talon, at bulkan. Ang seremonya ay nahahati sa limang bahagi; water, earth, wind, fire, at energy. Ito raw, katulad ng mga bundok at bulkan, ay sumi-simbolo sa iba’t ibang likasyaman ng Indonesia.
Nagsimula ang programa sa pagsasayaw ng mga kabataan ng Jakarta ng kanilang Ratoh Jaroe dance, isang tradisyunal na sayaw sa Indonesia. Pagkatapos nito, opisyal na sinimulan ni Pangulong Joko Wikodo ng Indonesia ang 2018 Asian Games. Bawat isang bansa ay nagmartsa kasama ang kanilang mga kinatawan at ang bandila ng kani-kanilang bansa. Lumahok ang 272 na mga atletang Pilipino sa paligsahan, kasama na rin ang NBA star na si Jordan Clarkson na nagsilbing tagahawak ng watawat o flag bearer ng Pilipinas sa pagmartsa.
Ang Pilipinas ay nakilahok sa 31 na isports mula sa 47 na isports na kasali sa palaruan. Ang isa sa isports na napanalunan ng mga Pilipino ay ang golf, kung saan nanalo ng dalawang gold medal sina Yuka Saso sa kategoryang Women’s Individual at ang kanyang mga kasama na sina Bianca Pagdanganan at si Lois Kaye Go para naman sa kategoryang Women’s Team. Sa kabuuan, nagkaroon ng apat na gold medalists ang Pilipinas para sa larong Skateboarding, Weightlifting, at Golf, dalawang silver medalists sa paligsahang
Adam Guangco
Judo at Boxing, at labinlimang bronze medalists sa Taekwando, Wushu, Jiu Jitsu, Pencak Silat, Boxing, Karate, Cycling at Golf. Nagwakas ang 2018 Asian Games no’ng ika-2 ng Setyembre sa Gelora Bung Karno Main Stadium, at nag-uwi ang Pilipinas ng 21 na medalya mula sa 462 na medalyang ipinarangal sa paligsahan. Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa ika-19 na puwesto sa pangkalahatang ranggo. Makikita rito ang pag-igi ng mga atletang Pinoy na dating nasa ika-22 na puwesto sa taong 2014. ■