Ang Lagablab: Tomo XXXVIII, Bilang I (Abril 2024 - Enero 2025)

Page 1


Lagabla Ang

PARA SA KATOTOHANAN, PARA SA BAYAN

TOMO XXXV-III BLG 1

OPINYON

Kurikulum ng Iskolar, Para sa Iskolar

Naging usapan ng mga mag-aaral ang mga pagbabago sa kurikulum ng Philippine Science High School System (PSHSS) na patuloy na pinagpupulungan ng mga miyembro ng administrasyon at komite.

LATHALAIN

Pinamumunuan ng Bagong Administrasyon

Pinamunuan na ang Philippine Science High School - Main Campus (PSHS–MC) ng bagong administrasyon para sa taong panuruang 2024–2025.

Pinangunahan ang liderato ng bagong direktor na si Dr. Rod Allan De Lara matapos ang termino ni Dr. Lawrence Madriaga. Hinirang siyang Ofcer-In-Charge noong Hulyo 2024 at opisyal na kinilalang Campus Director noong Enero 5, 2025.

Tulay sa Pangarap at Tagumpay

Naging tulay sa loob ng apat na dekada para sa libo-libong iskolar at guro ang Philippine Science High School Foundation, Inc. (PSHSFI) sa pagtupad ng kanilang mga pangarap at tagumpay sa napiling larangan.

p. 10

Panahon ng Kumilos sa Pagharap sa Climate Polycrisis

Naranasan mo na rin ba ang pagbabago ng panahon? KLIMA

p. 14

BALITANG EKSPRES

Pagsasaayos ng 2F SHB, patuloy

Isinasagawa ang pagsasaayos ng Library at pagtatayo ng Josie’s Nook sa ikalawang palapag ng Science and Humanities (SHB) building. Inaasahang magbubukas ang library sa Marso at Josie’s Nook sa Enero.

PSHS FOUNDATION INC.
PSHS KURIKULUM
p. 6

Bagong Administrasyon

PSHS–MC May AdministrasyonBagong

Bagong pamunuan ang sumalubong sa Philippine Science High School - Main Campus (PSHS–MC) para sa taong panuruang 202 –202 . Pinangunahan ang liderato ni Direktor Rod Allan De Lara, PhD matapos ang termino ni Dr. Lawrence Madriaga. Hinirang muna siyang ofcer-in-charge noong Hulyo 2024 bago kinilalang campus director noong Enero 5, 2025.

Layunin ni Dr. De Lara sa kaniyang termino ang bigyang pagkilala ang PSHS–MC bilang marangal na paaralan sa Metro Manila.

“Nais kong tiyakin na ang PSHS-MC ay hindi lamang isang pambansang institusyon sa agham, kundi isa ring kinikilalang paaralan sa rehiyon. Hindi sapat na tayo ay may natatanging estudyante at guro—dapat masiguro nating mayroon din tayong matibay na ugnayang pandaigdigan,” aniya.

Nagpatuloy naman ang operasyon ng mga dibisyon ng administrasyon sa ilalim ng bagong mga lider. Pinangunahan ni Bb. Mary Jane Turingan ang Student Services Division (SSD), na nangangasiwa sa dormitoryo, Health Services Unit (HSU), Guidance Counseling Unit (GCU), at iba pang serbisyong pangestudyante.

Nais ding palawakin ang mga serbisyo para sa estudyante sa pamamagitan ng pagpapatayo ng bagong imprastraktura tulad ng bagong senior high school building, dormitoryo, at observatory dome para sa klase sa Earth Science.

Pinamunuan naman ni Bb. Ana Maria Chupungco ang Curriculum and Instructions Division (CID) at nanatili naman sa pamumuno ni Dr. Benigno Montemayor ang Division of Student Afairs (DSA), na nangangasiwa sa mga student organizations at leadership programs.

Ibinahagi rin ng administrasyon ang kanilang layuning magkaroon ng mas maraming oportunidad sa mga exchange program na magtutulak sa PSHS–MC na magkaroon ng mga koneksyon sa mga mag-aaral mula sa ibang bansa.

“Hindi sapat na tayo lang ang nagpapadala ng estudyante sa ibang bansa. Dapat din tayong tumanggap ng mga banyagang mag-aaral upang tunay nating matawag ang sarili bilang global institution,” dagdag ni De Lara.

Ipinahayag din ng campus director ang kahalagahan ng mga serbisyo para sa estudyante.

“Ang akademikong galing ay hindi sapat kung hindi natutugunan ang kabuuang kapakanan ng mga mag-aaral,” paliwanag ni Dr. De Lara.

Sa gitna ng bagong administrasyon at mga lider, patuloy pa rin ang pagbibigay sa mga iskolar ng bayan ng kalidad na serbisyo at edukasyon.

Tatagal ang bagong pamunuan sa loob ng anim na taon.

TINTALAS

Badyet para sa Main Campus

na bawas sa badyet

Main TapyasCampus, ang Badyet

Simula Enero 20, 2025, itinigil na ng library ang serbisyo ng printing dahil sa kakulangan ng pondo, ayon sa Information Ofce.

Base sa ulat ng badyet na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) noong nakaraang taon, ang Philippine Science High School System (PSHSS) ay makatatanggap lamang ng 2.75 bilyong piso, mas mababa ng 26.9 milyon kumpara sa badyet na natanggap ng institusyon noong nakaraang taon na 2.78 bilyong piso.

Kabilang ang Main Campus (MC) sa walong kampus na mababawasan ng badyet sa panibagong taon. Mula sa 403.19 milyong piso na pondo noong 2024 ay makatatanggap na lamang ng 381.79 milyong piso ang MC, tapyas ng 21.39 milyong piso o 5.31%.

Ang badyet para sa sahod at iba pang benepisyo na matatanggap ng mga empleyado sa PSHS System, o ang Total Personnel Services ay pumalo sa 1.50 bilyong piso para sa susunod na taon, tumaas ng 26.9 milyon kumpara noong 2024.

Sa kabila nito, ang badyet naman para sa total capital outlays, o ang pera na mapupunta sa pagtatayo at pagsasaayos ng imprastraktura, gusali, at makinarya sa mga kampus ay nabasawan naman ng 66.75 milyong piso.

Maraming mga mag-aaral ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa social media hinggil sa pagpapahinto ng printing at sa kabuuang pagbawas sa badyet.

Ayon sa mga magaaral, malaking hamon ang maidudulot nito sa pagpapasa ng mga takdang-aralin at proyekto, lalong lalo na sa mga asignaturang pananaliksik na nangangailangan ng pisikal na kopya.

Kabilang din sa mga nagsalita sa social media tungkol sa isyu si G. Nat Tacuboy ng Mathematics Unit. Ayon sa kanyang komento hinggil sa pagpapatigil ng printing services, “I hope admin fnds a way to include these services in the school budget. Rest assured, we will look into this.”

Dagdag na Kampus ng PSHSS

Expanded PSHSS Act Pasado sa Senate Committee

Pasado sa sub-committee level ng Senate Committee on Science and Technology ang panukalang Expanded Philippine Science High School System (PSHSS) Act noong Disyembre 1 , 202 .

Ayon sa Philippine Science High School System Ofce of the Executive Director, magpupulong ang bubuuing Technical Working Group (TWG) sa susunod na taon para maisulong ang panukalang bill.

Apat na senador ang naghain ng bersiyon ng panukalang batas upang mapalawig umano ang kalidad ng STEM na pag-aaral sa pamamagitan ng mas inklusibong oportunidad para sa mga underserved na mag-aaral sa bansa.

“The DOST family, along with other stakeholders, remains optimistic that more Senators will join this initiative by fling their versions of the bill. The strong support for this legislation refects a shared understanding of the critical role of science and technology education in national development,” pahayag ng DOST Department Legislative Liaison Ofce.

Layunin ng panukalang batas ang palawakin ang imprastraktura at pasilidad ng PSHSS at dagdagan ang pondo para sa iskolarship ng mga mag-aaral.

Kabilang sa plano ang pagpapatayo ng hanggang dalawang kampus sa bawat rehiyon sa labas ng Kalakhang Maynila, 15 taon pagkatapos ang pagsasabatas ng panukala.

natanggap ng PSHS System mula sa 24,000 qualifers na ayon kay Executive Director Ronallee Orteza ay mas mababa pa sa isang porsyento ng estimated gifted population ng bansa.

Bibigyang-pansin din ang mga pamantayan sa pagtanggap ng mga mag-aaral tulad ng background ng kanilang pamilya.

Idiniin din sa panukala ang layuning paramihin ang mga magtatapos na tatahakin ang pananaliksik sa larangan ng STEM. Mas bibigyang-pansin ang pagtukoy sa trabaho ng mga nagsipagtapos upang matiyak ang kanilang aktibong kontribusyon sa pananaliksik.

Mangangasiwa rin ang DOST ng isang trust fund na magmumula sa income generated from school fees na gagamitin sa mga programa at aktibidad ng PSHSS.

Isiniwalat naman ng mga magaaral, magulang, guro, at kawani ang mga hamong kinakaharap sa iba’t ibang kampus.

Kabilang sa kanilang mga hinaing ang dagdag na living allowance at stipend, kakulangan ng badyet para sa mga kompetisyon, printing, at pananaliksik.

“The taxpayers’ money is better well spent in ensuring quality education in existing high schools and science high schools,” mungkahi ng isang guro.

“This printing thing just reminded me how the PSHS System is gonna be expanded to one more campus per region ... how are they expecting to support and provide for all of this when stuf like printing is somehow ‘Not within the budget,’” hinaing ng isang mag-aaral.

Walo sa 16 kampus ng PSHSS ang nabawasan ng badyet ngayong taon kabilang ang 21 milyong pisong kaltas sa Main Campus.

9 na kampus ang panukalang dagdag sa PSHSS

Walang naging pagtutol mula sa House ang HB no. 9236 o Expanded Philippine Science High School System Act.

WRYNAH CALPITO, QUENSO TAMBALQUE AT RAMON JURELLE PEREZ
MIKAELA JASMINE ALLAUIGAN, MICHAELA CASINILLO, AT CASSANDRA HYACINTH OPETINA
Badyet ng PSHS
NICKZEL PAGAYATAN BCDA
TINTALAS
Makabagong Pangarap. Ibinida ang plano para sa state-of-the-art na kampus ng Philippine Science High School System sa New Clark City. CARLA HABITO
RUISSE CANDELARIA

Pisay@60 Tagumpay sa Kabila ng mga Pagsubok

up ceremony na Padayon 202 na isinagawa noong Agosto 12, 202 sa Campus Gymnasium.

Nagbahagi si Bb. Janine Liwanag, Pisay Alumna ng Batch 2021 tungkol sa kahalagahan ng pagpapahinga at hindi lamang ang pagiging mahusay.

Matagumpay na ipinagdiwang ang ika- 0 anibersaryo ng Philippine Science High SchoolMain Campus (PSHS–MC) noong Oktubre 11-1 , 202 sa kabila ng pagpapaliban noong Setyembre dahil sa bagyo.

Nagbukas ang selebrasyon sa isang Gala Night sa temang Diamond Elegance noong Setyembre 6, 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC). Ito ang pangwakas na programa mula sa orihinal na iskedyul dahil sa bagyong Enteng.

Pinasalamatan ni Pisay@60 co-chair Bb. Melodee Pacio ang Management Committee, PSHS Foundation, mga mag-aaral at gurong bahagi ng komite sa pagpaplano ng selebrasyon.

Nagpasalamat naman si cochair G. Mardan Llanura sa mga mag-aaral at alumni na dumalo sa

“I really believe that the core of Pisay is the students. The alumni who pursued diferent paths—it’s so nice to see that you are being successful in diferent felds,” aniya.

Binigyang-diin naman ni Executive Director Dr. Ronnalee N. Orteza ang mahalagang papel ng MC sa pagpapalawig ng PSHS System sa bansa.

“The 15 other campuses all over the country owe it to this [the Main Campus] 60 years ago in their beginnings for paving the way for the establishment, and more importantly for democratizing Pisay, and allowing the rest of the country to experience the brand of Pisay excellence,” ani Dr. Orteza.

Tagumpay ang Pisay@60 Sports Festival noong Oktubre kung saan naglaban ang Yellow, Blue, Pink, at Purple House.

Nagpakitang gilas ang mga iskolar sa house chant, house banner, dance battle, volleyball, e-sports, badminton, table tennis, at laro ng lahi. Mga empleyado naman ang nagtagisan ng galing sa exhibition games ng basketball, volleyball, at e-sports.

Kinilala rin ang mga Director’s Lister sa S.Y. 2023–2024, ginawaran din ng loyalty award ang mga guro at staf, at kinilala ang mga nakapagtapos ng graduate degree,

“Pisay molded me and gave me opportunities and challenges to be better in everyday life,” ibinahagi ni Gng. Caridad Gicaraya ng Integrated Science Unit nang parangalan siya para sa 35 taong serbisyo.

Ipinamalas naman ng mga guro ang kanilang talento sa Husay Pisay: Variety Show. Nagtanghal sina The Soulful Hymnist, Gng. CJ Colipapa ng Student Services Division, Mga Mekaniko at Mekanika ni Monica ng Technology Unit, Sari-saring Tunog ni G. Anthony Ryan Cruz ng PEHM Unit, P619 ng Physics Unit, ang Moo Deng et al. (2024) ng Research Unit, East Meets West nina G. Arnold Lapuz at Bb. Kim Favor ng Social Science Unit, at Bb. Dinnie “Dhinz” Morales ng Chemistry Unit.

Nasungkit ng Moo Deng et al. (2024) ang unang gantimpala at People’s Choice Award. Napanalunan naman ng Sari-saring Tunog ang ikalawang parangal at East Meets West ang ikatlong parangal.

Nagbabalik din ang mga Pisay alumni sa Back to the Nest: An Alumni Anthology, kung saan nagbahagi sila ng kaalaman sa iba’t ibang larangan at mga karanasan bilang mag-aaral sa Pisay.

Malaki ang naging pasasalamat ng komite ng Pisay@60 dahil sa pagkakaisa ng komunidad para maisagawa ang mga aktibidad.

“But you also have to realize that you don’t have to be productive in the traditional sense of the world… If you keep working without taking a break, you’re just setting yourself [up] for burnout. Rest is also productive,” aniya.

Kinilala rin ang mga mag-aaral ng Batch 2026 at ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala sa kanilang mga gawaing pang-akademiko, cocurricular, extracurricular, at serbisyo para sa paaralan.

Nagpasalamat din ang presidente ng Batch 2026 na si Franchezca Sabino dahil sa matibay at maayos na samahan ng batch.

“Bilang estudyante ng Batch 2026, ang fulflling at joyful na pumunta at makinig sa ceremony, lalo na’t makita ang narating ng batch both as a whole and individually,” dagdag ni Sabino.

Opisyal na binuksan ng ALAB 202 : Paglawig ng Panahon ang taong panuruan sa Philippine Science High School - Main Campus (PSHS–MC) noong Agosto 8–9, 202 . Sa pangunguna ng Batch 2027 Council at tagapayo na si Bb. Ester Camille Barquilla, isinagawa ang dalawang araw na selebrasyon para salubungin ang mga nagbabalik at mga bagong mag-aaral sa paaralan.

Inilawan ni Juliene Nissi Palada, pangulo ng Student Council ang cauldron na simbolo sa opisyal na pagbubukas ng paaralan. Iba’t ibang mga aktibidad ang isinagawa sa bawat batch, kabilang ang Find Siklab para sa Batch 2028, Team Building ng Batch 2027, at Film Showing ng Pisay 2007 para sa mga nasa Batch 2026 at 2025.

Nagkaroon din ng Club Fair para sa ika-7 hanggang ika10 baitang upang makilala nila ang iba’t ibang mga kapisanan sa paaralan. Ipinakita ng mga academic at service clubs ang ilan sa mga aktibidad na isinagawa sa mga nakalipas na taon habang ipinamalas naman ng sports, arts and recreational clubs ang kanilang mga talento.

Nagtapos ang back-to-school fair sa Alpas 2024: Paglawig ng Buwan tampok ang mga students bands at guest bands katulad ng Nameless Kids at ang mga singersongwriter na sina Gabo Gatdula at Maki.

Ayon kay Blair Ramirez, cohead ng ALAB 2024, “Part of the process is mistakes and during the process of formulating the opening fair, there were setbacks.”

Para sa komite nakamit nila ang kanilang mga layunin at naging matagumpay ang dalawang araw ng ALAB 2024. “Proud ako sa nagawa namin as a committee that despite those setbacks, we were able to reach our goal,” ani Ramirez.

Panalong Pisay

Ginunita ng Pisay ang ika- 2 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar noong Setyembre 25, 2024 sa pangunguna ng social action club na Aksyon Iskolar (AKSIS).

Bahagi ng programa ang pagbibigay salaysay noong pamumuhay sa panahon ng diktaduryang Marcos, pagtatanghal ng mga samahan ng mga mag-aaral, at isang candle lighting ceremony na sinabayan ng open mic.

Nagbahagi sina G. Volt Bohol, aktibista at pangulo ng August Twenty-One Movement (ATOM), at Gng. Maria Cristina Bawagan, dating guro ng Social Science Unit ng kanilang sariling karanasan sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

“Let’s hold on to the truth…lahat ‘yun legacy niyo ‘yun, dala niyo, kasama kayo doon,” pahayag ni G. Bohol.

Kabilang din ang Sightlines, musical theater club ng Pisay na nagbigay ng malikhaing pagtatanghal at Kamalayan ang opisyal na organisasyon sa teatrong Pilipino sa kanilang madamdaming pagsasadula hinggil sa dinanas ng mga mamamayang Pilipino sa ilalim ng Batas Militar.

Ibinahagi naman ni Gng. Bawagan ang kaniyang buhay bilang aktibistang mag-aaral sa panahon ng Batas Militar at ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa tunay na nangyari sa panahon ng ML.

“Teaching about Martial Law is teaching about human rights. It is not an option. Rather, it is an obligation,” aniya.

Inalala naman ng mga dumalo ang mga bayani at martir ng Pisay sa panahon ng Batas Militar sa isang candle lighting ceremony na sinabayan ng open mic kung saan ipinahayag ng mga estudyante ang kanilang mga kuwento.

“Never again to Martial Law. Never again, never again!” sigaw ng mga estudyante at gurong dumalo sa ML@52.

MJ DELA CRUZ
NICKZEL JOHN PAGAYATAN
upang alalahanin ang

QUEZON CITY

Electric buses ng QC

Libreng Sakay Program sa Bagong E-Bus Pinalawig sa QC

Inilunsad ng Quezon City ang walong bagong electric bus bilang bahagi ng Libreng Sakay Program na may layuning ibaba ng 30% ang greenhouse gas emissions ng lungsod pagsapit ng taong 2030 at isulong ang eco-friendly na pampublikong transportasyon.

Ang Libreng Sakay Program ay pagtugon sa Republic Act No. of o ang Electric Vehicle Industry Development Act, na nagaatas na hindi dapat bababa sa 5% ang electric-powered na sasakyan ng local at national government units at maging ang pribadong sektor.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, “We are excited to roll out these electric buses as part of our

city’s dedication to implement programs and policies that promote environmental sustainability.”

Ang mga bus ay may upuan, espasyo para sa mga nakatayo, wheelchair ramps, handrails, fre suppression system, CCTV, at smart TVs, na idadagdag sa -bus feet ng lungsod na dagdag tulong sa mga komyuter ng Pisay.

Ang mga bagong bus ay magiging bahagi sa walong rutang operasyon na magmumula sa Quezon City Hall patungong Cubao, Litex/IBP Road, General Luis, Mindanao Avenue, Gilmore, C / Ortigas Avenue Extension, Muñoz, at Aurora Katipunan mula Welcome Rotonda.

tao kapasidad sa upuan

TINTALAS 41 30%

Tingnan ang mga Bus Route sa QC: na bawas sa greenhouseemmissionsgas

Aksyon sa Klima

“It is crucial to recognise that climate change has further exacerbated inequality in our society with our most vulnerable citizens bearing the brunt of this impact.“

Pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pangunguna ng Lungsod sa C40 Climate Action Implementation (CAI) Program noong Setyembre 4 na dinaluhan ng mga lider ng iba’t ibang bansa.

Inilunsad ng QC LGU ang programa noong 2022 bilang

pagharap sa climate change kung saan layong bawasan ng 30% ang greenhouse gas emissions ng Lungsod pagsapit ng 2030 at maging carbon neutral sa 2050.

Isinusulong ng programa ang energy efciency, food and water security, at knowledge and capacity development tungo sa isang green economic development.

Higit , trabaho ang nalikha ng Lungsod para sa mga vulnerable residents sa

Bureau of Communications Services

Pisay ImbitadoJournalists sa BCS Tour sa Malacañang

RAMON JURELLE PEREZ

Dumalo ang mga mamamahayag ng Philippine Science High School - Main Campus (PSHS-MC) sa isang eksklusibong behind-the-scenes guided tour sa opisina ng Bureau of Communications Services (BCS) ng Malacañang noong Oktubre , 2024.

Bahagi ng selebrasyon ng Communications Month ang naturang tour sa pangunguna ng Presidentials Communications Ofce.

Ang BCS ang nagpapaunlad sa mga serbisyo ng komunikasyon na may kaugnayan sa mga proyekto,

pananaliksik, at ebalwasyong nakapaloob sa national development plan.

Kabilang sa mga dumalo ang mga miyembro ng Ang Lagablab at The Science Scholar sa pangunguna ni G. Efren Domingo ang tagapayo ng Ang Lagablab, kung saan nakilala ang mga susing tao na nagpapatakbo sa BCS. Nilibot din ang mga mahahalagang opisina at serbisyo katulad ng proseso ng printing press.

Nagsagawa rin ng isang writing workshop kasama si G. Noel P. Luna, isang manunulat at dating mamamahayag upang magbigaygabay ukol sa pamamahayag.

larangan ng urban farming at waste management. Ang mga programang Grow QC at Joy of Urban Farming ay nakapagtatag ng , urban farms na layong mapalakas ang sustenableng sistema ng pagkain sa Lungsod.

Isinasagawa rin ang Trash to Cashback Program upang maengganyo ang mga residente sa pagpapalit ng mga recyclables and single-use plastic na basura sa environmental points na maaaring gamiting pambili o pambayad sa mga gastusin katulad ng kuryente.

Kabilang din sa programa ang pag-amyenda sa Green Building Code upang isulong ang paggamit ng renewable energy sa mga pribado at pampublikong gusali, paglunsad ng electric buses para sa libreng sakay, at pagpapalawak ng bike lane network sa Lungsod para sa sustainable urban development at transportasyon.

Isinagawa rin ang Quezon City Green Awards upang kilalanin ang mga inisyatibong pangklima mula sa mga barangay, paaralan, at ospital.

Si Mayor Belmonte ang kauna-unahang lokal na punong ehekutibo sa Pilipinas na nagdeklara ng climate emergency noong 2019. Kinilala siya sa Forbes 50 Sustainability Leaders noong at Champions of the Earth ng United Nations Environment Program noong 2023 dahil sa mga isinasagawang mga hakbang sa pagharap sa climate change.

DJIBRIL GABRIEL

Trump Muling Naluklok; Pinoy Undocu sa US Nanganganib sa Deportation

Higit sa dalawang milyong Pilipino ang bumoto sa 2024 US Presidential Elections na ginanap noong nakaraang Nobyembre 5, 2024.

Muling naipanalo ni President Donald Trump kasama ni Vice President JD Vance ang eleksyon matapos talunin si Democratic nominee Kamala Harris at ang kaniyang running mate na si Tim Walz, kung saan nakuha ng Republican candidates ang . % ng popular vote at % ng electoral votes, dahilan upang muling makuha nila ang pagkapangulo ng Estados Unidos matapos ang apat na taon.

Opisyal na nagsimula ang ikalawang termino ng pangulo nang maganap ang kaniyang inagurasyon noong nakaraang Enero , sa White House.

Sa unang mga araw ng kaniyang panunungkulan, agarang umaksyon si Trump at kasalukuyang nasa humigitkumulang executive orders ang kaniyang napirmahan kasama ang pagdeklara ng ilegal na imigrasyon bilang national emergency.

Layunin ng bagong administrasyon na pabilisin ang deportation process at pataasin ang seguridad sa southern border ng Amerika.

Sa ilalim ng bagong patakaran ng immigration, inaasahang maaapektuhan ang libo-libong Pilipinong naninirahan sa US nang walang legal na dokumento o bilang mga ilegal na migrante.

Ayon sa tala ng Department of Migrant Workers (DMW), mayroong humigit-kumulang ,

Pilipinong undocumented workers sa US na maaaring mapabilang sa mga ipapa-deport sa ilalim ng administrasyong Trump.

Bilang tugon, naghahandang umaksyon ang Trade Union of Congress of the Philippines (TUCP) kasama ang gobyerno sa pagbibigy-tulong sa mga Pilipinong maaapektuhan ng deportation.

Sa pagpapatupad ng Trabaho Para sa Bayan Act, kabilang sa kanilang mga inaasahang programa ang job-matching, upskilling, at reintegration para sa mga manggagawang mangangailangan ng trabaho sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Nasa 24 na Pilipinong ilegal na migrante ang naiulat na pinauwi mula sa US bilang bahagi ng pinahigpit na deportation measures ng bagong administrasyon dahil sa kanilang mga criminal ofense, ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

Payo ng Department of Foreign Afairs (DFA) sa mga Pilipinong apektado na manatili munang alerto habang isinasagawa ang kanilang legalization at inaasikaso ang mga humihingi ng tulong mula sa Philippine Embassy at mga konsulado.

Nananawagan ang iba’t ibang mga migrant groups ng Pilipinas na kanilang sisikaping makatulong sa pagbibigay suporta sa mga Pilipinong nasa US, lalo na sa mga ilegal na migrante na walang kasiguraduhan sa kanilang pananatili sa bansa.

58%

Trump

Bahagdan ng electoral votes para kina Trump

Pinal na naitala noong Enero 6, 2025 ng kongreso sa isang joint session ang pinal na bilang ng electoral votes noong nakaraang eleksyon.

ang dumalo sa West Ph. Sea sa loob ng isang linggo Set. 2024

Chinese ships

Ayon sa Philippine Navy, ang pinakamataas na nakuhang bilang ng Chinese ships sa loob ng West Ph. Sea ay sa linggo ng Set. 17-23, 2024, sa bilang ng 251.

Agresyon ng Tsina sa WPS, Tumitindi

Nananatiling agresibo ang Tsina sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng arbitral court ruling na pabor sa Pilipinas na nagpapawalang-bisa sa mga pag-angkin ng Tsina sa naturang bahagi ng dagat.

Tumitindi ang tensiyon sa WPS matapos magpadala ng Tsina ng isang monster ship, ang pinakamalaking coast guard vessel nito na sinasabing isang taktika ng pananakot sa mga Pilipinong mangingisdang nakapuwesto sa Scarborough Shoal noong Enero , .

Pansamantala namang ipinatigil ni G. Jonathan Malaya, Assistant Director General ng National Security Council, ang pagpatrol ng coast guard vessel sa WPS na nakaaapekto sa hanapbuhay ng mga mangingisda.

“We were surprised about the increasing aggression being showed by the People’s Republic of China in deploying the monster ship,” ani G. Malaya sa isang press conference.

Dagdag pa niya, ang presensya ng barko ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa mga mangingisdang nakasalalay sa WPS kundi pati na rin sa pangkalahatang soberanya at seguridad ng bansa laban sa Tsina.

Tinawag ding ilegal at hindi katanggap-tanggap ang lumalalang agresyon ng Tsina sa WPS, na ayon sa kanya ay malinaw na pagtatangka na ilagay sa panganib ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.

Kinontra naman ng embahada ng Tsina, sa pag-aangkin ng Huangyan Dao bilang kanilang teritoryo sapagkat alinsunod diumano ito sa batas at bahagi ng kanilang historical claims sa nasabing area.

Tinugunan ng Philippine Coast Guard ang mga banta mula sa Tsina at kanilang ipinadala ang pinakamalaking barko ng organisasyon, ang BRP Teresa Magbanua, upang matiyak ang seguridad at magmatyag sa mga Chinese vessel na patuloy ang operasyon sa WPS.

Inutusan ni Pangulong Marcos sa isang press briefng ang Tsina na itigil ang pagiging agresibo sa mga barkong Pinoy.

Tugon ito sa naunang babala ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning ukol sa presensya ng Typhon missile launchers ng Estados Unidos sa Pilipinas na aniya ay maaaring magdulot ng geopolitical confrontation at magpalala ng arms race sa rehiyon.

Sa kabila ng mga tensiyon, nananatiling tahimik ang Tsina sa pahayag ni Pangulong Marcos at hindi pa rin ito nagbibigay ng direktang tugon.

West Philippine Sea
ANDI LAKIP AT WRYNAH CALPITO
US Eleksyon
ANDI LAKIP
TINTALAS

YEN DEMETILLO

mga mag-aaral ang mga pagbabago sa kurikulum ng Philippine Science High School System (PSHSS) na patuloy na pinagpupulungan ng mga miyembro ng administrasyon at komite. Tunay ngang hindi maiiwasan ang mga pagbabago dahil sa pamamagitan nito, napapaunlad at naisusulong ang isang kurikulum na mas makatutulong sa mga mag-aaral sa nagbabagong panahon.

Gayunpaman, mahalaga sa pagbuo ng isang bagong patakaran na mapabilang ang tunay na interes ng mga magaaral at hindi lamang ekslusibong mangyari ang mga diskusyon sa mga komiteng naatasan.

usapin. Sa mga panahong ito, tila tagaabang lamang ang mga mag-aaral sa maaaring magbago at hindi man lang naririnig ang tunay na direksyon sa plano.

Para sa katotohanan,

ng matibay na pundasyon sa pagkilala sa tunay na problema ng bayan at kapwa Pilipino, at pati na rin kung paano ipahayag ang tunay na nadarama.

PATNUGUTAN

Nickzel John Pagayatan Tagapamahalang Patnugot

Mayreen Angela Habal

Punong Manlilikha

Quenso Tambalque

Puno ng Multimidya

“Iskolar ng bayan, para sa bayan!” ang laging sigaw. Ang mga iskolar ay laging pinapaalalahanan na ang kanilang edukasyon at katalinuhan ay magsisilbing balik-serbisyo sa bayan subalit magiging mahirap ang pagkamit sa adbokasiyang ito kung ang kurikulum ay binubuo na tila hiwalay sa realidad ng mga iskolar, at hindi isinasaalang-alang ang kanilang kapakanan, pagkatao, at holistik na edukasyon.

Para sa Estudyante

May mataas na pagtingin ang komunidad ng Pisay sa kanilang mga mag-aaral bilang bahagi ng prestihiyosong paaralan at institusyon, subalit hindi naman nabibigyan ng pagkakataon na mapakinggan ang mga ideya sa ilang mga sitwasyon na sila ay may masasabi, katulad na lamang sa usapin ng pagbabago sa kurikulum.

Walang ibang makasusukat sa pagiging epektibo ng kurikulum kundi ang mga kasalukuyang mag-aaral. Dahil dito, hindi magiging epektibo ang kurikulum na pinag-uusapan kung walang representasyon ng mag-aaral na miyembro ng komite. Maaaring sila ay dalubhasa sa larangan ng edukasyon, ngunit hindi nila nararanasan ang tunay na kalagayan ng buhay-estudyante ng Pisay.

Walang demokrasya sa kasalukuyang sistema dahil sa kawalan ng input at kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa

Nararapat na may representasyon ang mga magaaral sa mga pagbabago sa kurikulum. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng ilang mga kinatawan mula sa Student Council upang maisama ang usaping mag-aaral, magkaroon ng town hall meeting para pormal na maibaba sa mga mag-aaral ang mga posibleng pagbabago, at maiparating sa komite ang kanilang pananaw hinggil dito. Kamalayang Panlipunan at Sariling Wika

Isang asignatura na hindi dapat binabalewala sa pagbuo ng kurikulum, kahit sa mga science high school-- ang Social Sciences at Filipino.

Iskolar ng bayan, para sa bayan! ang laging sigaw.

Ang paghubog sa mga magaaral upang maging globally competitive Filipino scientist, ayon sa bisyon ng sistema ay hindi lamang pagsunod sa kurikulum ng ibang mga bansa o pagpokus sa cross-cultural na pag-aaral. Mahalagang kilalanin ang Pilipinas sa konteksto ng pandaigdigang pananaw, subalit kasinghalaga o higit na mahalaga, ang pagkilala at hindi paglimot sa sarili—sa kapwa, sa kanilang mga karanasan, at bilang isang Pilipino.

Ang agham ay ang pagdiskubre ng kaalaman at kaakibat nito ang pag-aaral sa paggalaw ng lipunan. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng Social Science at Filipino na hindi lamang asignatura na sinusubok ang isip ngunit pati ang tunay na kaalaman sa danas at wika ng lipunan.

Sa ganitong paraan makakamit ang 21st century skills at core values of Integrity, Excellence, and Service to Nation. Ang pagpapahalaga sa dalawang asignatura ang magtuturo sa atin upang higit na aralin ang kasaysayan sa wikang naiintindihan, makihalubilo sa pang-araw-araw, magkaroon

Sa pamamagitan lamang ng pagkilala sa bansang kinabibilangan ay mabubuo ang isang siyentistang Pilipino na naglilingkod ng kaniyang talino at kakayahan para sa sambayanang Pilipino.

Para sa mga siyentista, ang wika naman ang nagsisilbing tulay para sa mga abstrak na konseptong mahirap maunawaan hanggang sa ito ay maging konkreto. Hindi maaaring balewalain ang halaga sa pagsulat ng mga pananaliksik sa wikang maiintindihan ng nakararami.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, lahat ng ito ay dapat para sa batayang masa ngunit madalas ay pumapalpak

Ang mga iskolar ay laging pinapaalalahanan na ang kanilang edukasyon at katalinuhan ay magsisilbing balik-serbisyo sa bayan subalit magiging mahirap ang pagkamit sa adbokasiyang ito kung ang kurikulum ay binubuo na hiwalay ang mga iskolar, at hindi isinasaalang-alang ang kanilang kapakanan, pagkatao, at holistik na edukasyon.

na maibahagi ito sa nasabing demograpiko dahil sa agwat ng wikang ginagamit- ang banyagang wika. Nararapat na magkaroon ng kurikulum na may pagpapahalaga sa sariling wika upang magbunga ang pagtugon ng agham sa mga suliranin. Ang wikang Filipino ang pundasyon ng mga pananaliksik na wala ring halaga kung hindi maipararating sa mga karaniwang Pilipino. Habang binibigyang mukha ang kurikulum, mahalagang maisama sa agenda na panatilihin ang wikang tutugon sa problema ng lipunan.

Walang demokrasya sa kasalukuyang sistema dahil sa kawalan ng input at kaalaman ng mga magaaral tungkol sa usapin. Sa mga panahong ito, tila tagaabang lamang ang mga mag-aaral sa maaaring magbago at hindi man lang naririnig ang tunay na direksyon sa plano.

Malaki ang maaari nating maging parte sa usapin ng kurikulum sapagkat ang mga mag-aaral ang direktang makikinabang sa pagbabago nito.

Magsisimula ito sa administrasyon, kung saan dapat isama ang mga magaaral sa usapin ng kurikulum sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga plataporma na maaaring lagakan ng mga hinaing. Mahalaga rin na magkaroon ng kinatawan mula sa mga magaaral sa mga pagpupulong hinggil sa pagbabago sa kurikulum.

Sa mga desisyon hinggil sa pagbabago sa kurikulum, mahalagang hindi mawaglit ang pagsasabuhay ng humanidades at social science sa pagiging iskolar. Isulong ang holistik na edukasyon para sa mga estudyanteng Pisay.

Kung tutuusin, habang ang mga iskolar ng bayan ay nagsisikap na makapagbalikdunong sa bayan, mahalagang mabalangkas sa kurikulum na dinidisenyo ang pagtugon sa kanilang pangangailangan na magtuturo para sa higit pang paglilingkod sa bayan. Nararapat na mahubog ng isang kurikulum ang isang siyentistang hindi lamang nakapokus sa agham ngunit nilalangkapan din ng aspetong panlipunang kamalayan. Ang kurikulum ay nararapat na sumasagot sa pangangailangan ng iskolar upang maging katuwang sa pagbuo ng lipunang makabayan, makatarungan, at progresibo.

Kurt Harvey Reyes Puno ng Social Media

Nissi Palada

Patnugot sa Balita

Fritz Gerald Caasi

Patnugot sa Isports

Ersha Aifha Jesoro

Patnugot sa Lathalain

Xeanne Chastise Necesito

Patnugot sa Agham

PAHAYAGAN

Basahin ang buong lista ng mga miyembro ng Ang Lagablab: Mga sangay ng pahayagan: MANUNULAT MULTIMIDYA MANLILIKHA SOCIAL MEDIA

Rod Allan A. de

Direktor ng Kampus

Efren J. Domingo Tagapayo

Dr.
Lara

Sa nalalapit

Progresibong Kamalayan sa Halalan 2025

na Halalan sa Mayo 12, abala na ang Commission on Elections (Comelec) sa paghahanda para sa mga opisyal na kandidato. Ang mga posisyong pagbobotohan ay kinabibilangan ng mga senador, mga kinatawan ng distrito, mga gobernador, mayor, at konsehal. Tinatayang 68 milyong Pilipinong botante ang lalahok sa midterm election. Isa rin sa mga pangunahing isyung kinakaharap ng Comelec ang mga nuisance candidates o mga kandidatong nag-fle ng Certifcate of Candidacy (COC) ngunit hindi kwalipikado para tumakbo.

Sa pagkakataong ito, mahalaga ang pagtuon ng pansin sa mga bagong botante—mga kabataang nasa edad 18 pataas. Ang pagboto ay hindi lamang isang karapatan, ito rin ay isang responsibilidad na naglalayong hubugin ang mas magandang kinabukasan para sa lahat. Huwag hayaang manahimik ang boses sa larangan ng pulitika. Ang partisipasyon ay maaaring maging simula ng pagbabago, kaya ngayon pa lamang ay simulan na ang pagiging aktibo sa mga diskusyon at usaping panlipunan. Sama-samang baguhin ang mukha ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng matalinong pagboto at pagtindig para sa tama. Highlights ng mga Kandidato

Sa nalalapit na eleksyon, may isang trend na nakababahalang tingnan: mga kilalang tao at personalidad o celebrity na sabik na sumali sa larangan ng politika. Habang hindi nakapagtataka na makakita ng mga artista na tumakbo sa politika, ang nakababahala rito ay ang tumataas na bilang ng mga kilalang personalidad na nagbibigay ng mga mahahalagang tanong sa kanilang kwalipikasyon upang maglingkod sa bayan.

Isa sa mga tatakbo ay ang anak ni Vilma Santos, na si Luis Manzano—isang aktor at komedyante na tatakbo bilang bise-gobernador ng probinsya ng Batangas. Isa pang artista na tatakbo para sa senado ay si Willie Revillame, isang tv show host. Daragdag pa rito si Deo “Diwata” Balbuena na isang entrepreneur at food vlogger na tumatakbo sa ilalim ng isang partylist na kumakatawan diumano sa mga food vendor.

Sa lahat ng nabanggit, may iisang katangian na pare-pareho sa kanila: wala silang karanasan sa politika. Ito ang pinakamalaking problema na kinakaharap natin sa mga artistang pumapasok sa politika. Hindi nagsasalin ang showbiz fame sa epektibong pamamahala sa gobyerno. Karaniwan, kulang ang kanilang kaalaman sa politika upang gumawa nang maayos at matalinong desisyon. Dagdag pa, nangangailangan ng mahabang oras at mahirap na kompromiso ang paglilingkod sa bayan. Isa pang nakababahalang isipin ay ang pagtingin ng mga artista sa politika bilang ekstensyon ng kanilang kasikatan—isang posisyon para manatiling sikat, sa halip ng tunay na paglilingkod sa bayan. Impluwensiya Laban sa mga Bias

66

TINTALAS 68.6M

candidato para sa senado nakarehistrong botante

natatanging desisyon at hamon na maaaring hindi maunawaan ng mga nakatatanda, at isa itong napakalaking problema dahil karamihan ng bumoboto ay mga matatanda.

Sa lahat ng eleksyon, hindi mawawala ang malaking hati sa political views ng henerasyon. Isa sa pinakamalaking impluwensya sa pagbuo ng political view ay nanggagaling mula sa mga tao na nakaranas ng napakaraming pagbabago maging sa politika o sa lipunan—ang matandang henerasyon. Gayunpaman, kahit na mahalaga ang pag-uusap ng mga henerasyon ukol sa politika, hindi dapat ipilit ng mga nakatatanda ang kanilang political views sa kabataan at kung ipagpapatuloy man nila ito, dapat lang na gawin nang patas.

Maraming karanasan sa buhay ang mga matatanda na ginagawa nilang batayan sa kanilang pagboto, ngunit karamihan sa kaalaman na ito ay nakabaon sa mga paniniwala na hindi pumapantay sa pangangailangan ng mga bagong henerasyon. Sa mga isyu ngayon tulad ng technological advancement at climate change, hinaharap ng kabataan ang mga

Natural lamang na magpahayag ng opinyon sa politika ang mga matatanda sa kabataan ngunit ang kaibahan sa pagitan ng pagpipilit at patnubay ay karaniwang nawawala o nakalilimutan. Madalas ipilit ng mga matatanda lalo na sa mga pamilya ang kabataan na angkinin ang kanilang pananaw o paraan sa pagboto. Dagdag pa rito, ang paligid ngayon ay karaniwang kakakitaan ng fake news. Maaaring hindi pa nakararanas ang ibang kabataan ng tasahin ang mga komplikadong isyu ng mundo ngayon na nagdudulot sa kanila na umasa sa kanilang nakatatanda para sa political views. Gumagawa ito ng hindi magandang ugali dahil hindi na nakagagawa ng sariling opinyon at desisyon sa politika ang kabataan at umaasa na lamang sa nakatatanda.

Mula Noon Hanggang Ngayon Ang bagong henerasyon ng mga botante ay nagdadala ng kakaibang pananaw at lakas na maaaring magpabago sa lumang sistema ng pulitika sa Pilipinas. Sa Kongreso, may mga youth

Ang kabataan ay dapat maging aktibo hindi lamang sa pagboto kundi pati na rin sa pagsubaybay at pagsuporta sa mga batas at patakaran na naaayon sa kanilang mga adhikain

SARAH ELAGO

representatives tulad ng Kabataan Partylist na kumakatawan sa mga interes ng kabataan. Sinusulong nila ang libreng edukasyon, digital rights, at environmental sustainability—mga adbokasiya na akma sa pangangailangan ng bagong henerasyon. Ngunit mahalagang tanungin: Sapat ba ang kanilang representasyon at paano natin sila susuportahan bilang mga bagong botante?

Ayon kay Bb. Sarah Elago, dating kinatawan ng Kabataan Partylist, “Ang kabataan ay dapat maging aktibo hindi lamang sa pagboto kundi pati na rin sa pagsubaybay at pagsuporta sa mga batas at patakaran na naaayon sa kanilang mga adhikain.”

laging napupunta sa sidelines—ang kabataan na hindi pa nakaboboto. Nakadidismaya ito para sa kanila, lalo na’t sila ang madalas maapektuhan ng mga desisyon ng mahahalal. Gayunpaman, may magagawa pa rin ang mga kabataan na hindi pa nakaboboto.

Ang kabataan ay laging nahaharap sa malaking pagbabago sa lipunan at ang pagpapataas ng kamalayan ukol sa mga isyu ay isang paraan upang marinig ang kanilang boses sa eleksyon. Kahit na hindi pa sila nakaboboto, kaya nilang ipaalam ang mga plataporma, polisiya, at posisyon ng mga kandidato sa mga nakaboboto sa kanilang paligid sa pamamagitan ng pag-aral ng mga ito. Dahil sa kanilang edad, kayang-kaya rin nilang palakasin ang kanilang boses sa kahit anong plataporma tulad ng social media, vlogs, at podcast. May kakayahan din silang hikayatin ang mga posibleng botante na ayaw bumoto sa mga eleksyon na bumoto, lalo na’t tila dumarami ang mga undecided voters, kahit na sa ibang bansa. Ang social media ay isang makapangyarihang instrumento na maaaring gamitin ng mga kabataan upang maipahayag ang kanilang saloobin tungkol sa mga panlipunan at politikal na mga isyu. Ang responsibilidad ng kabataan ay hindi natatapos sa araw ng halalan. Sa pamamagitan ng patuloy na edukasyon sa mga isyung panlipunan, pakikilahok sa mga diskurso, at pagsuporta sa mga tamang adbokasiya, makakagawa sila ng positibong pagbabago sa bansa. Ang pagbabago ay nagsisimula sa kamalayan at ang kabataan ang susi upang matamo ito.

Kamalayan para sa Karapatan Ang edad na 18 ay may kasamang mga bagong responsibilidad, at isa na rito ang karapatang bumoto. Sa parating na eleksyon, 6.5 milyon ang bagong kakarehistro lang at daragdag sa bilang ng mga boboto. Ang karapatang ito ay hindi lamang tungkol sa paghuhulog ng balota; ito ay tungkol sa paggawa ng mga desisyon na nagpapakita ng ating talino at inaasam na pagbabago para sa hinaharap bilang mga estudyante at mamamayan ng Pilipinas. Binigyan tayo ng kakayahang mag-isip nang malalim at maunawaan ang mga komplikadong isyu. Ang ating mga desisyon sa panahon ng botohan ay may epekto hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa mga susunod na henerasyon. Ang pagboto ay hindi lamang karapatan kundi isa ring tungkulin na kung gagamitin nang matalino ay nagiging makapangyarihang kasangkapan para sa progreso ng pagbabago. Isa itong paraan ng pagsuporta sa mga lider na may integridad, pagiging bukas, at hangaring pagpapaunlad sa edukasyon, agham, at iba pang larangang mahalaga sa atin. Paalala para sa Bayan Sa panahon ngayon kung saan laganap ang maling impormasyon, lalo na sa social media, napakahalagang suriin ang katotohanan. Bago ka magpasya sa pagboto, mainam na kumuha ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaan. Ang mga opisyal na website ng gobyerno, mga mapagkakatiwalaang pahayagan, at mga opisyal na plataporma ng kandidato ay maaaring pagsimulan.

Malinaw na hindi natatapos ang responsibilidad ng kabataan sa pagboto lamang, kailangan ding maging bahagi sila sa patuloy na pagbabago ng lipunan. Ang suporta sa mga kabataang lider ay maaaring magsimula sa pagbibigay ng plataporma para sa kanilang mga ideya at adbokasiya. Maaari ring maging mentor ang mga nakatatanda upang gabayan ang mga bagong lider sa paggawa ng mga tamang desisyon. Ang bagong henerasyon ay nagdadala ng pananaw na mas makabago at progresibo, kaya dapat bigyan sila ng sapat na espasyo upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin.

Isa sa mga pangunahing hamon ay ang pagbasag sa old sound of politics—ang makalumang sistema ng pamamahala na puno ng tradisyonal na pulitiko. Sa pamamagitan ng transparency at digital engagement, maaaring baguhin ng kabataan ang paraan ng pamamahala at ibahin ang ihip ng hangin sa politika. Kabataan, Susi ng Masa Sa demokrasya ng ating bansa, masasabi na ang pagboto ang pinakamainam na paraan upang magkaroon ng boses sa paghubog ng kinabukasan. Ngunit sa mga eleksyon, may grupo ng tao ang

Bukod dito, iwasan ang pagkapit sa bias o sa bandwagon efect. Madaling sumunod sa popular na opinyon o maimpluwensiyahan ng mga opinyon ng mga kakilala. Subalit, bahagi ng pagiging responsableng botante ang pagkilala at pag-iwas sa mga bias na ito. Sikaping alamin ang mga plataporma ng bawat kandidato at suriin ito nang bukas at may sariling pag-unawa. Ang bawat isa sa atin ay may boses na magagamit sa panahon ng eleksyon.. Tumindig tayo para sa responsableng pagboto at mangako na pumili nang tama para sa inaasam na magandang hinaharap.

Nadale niya!

Pampublikong Transportasyon

Kalyeng Hindi Kilala KOLUM

Hindi ko man matawag ang aking sarili bilang isang arawang komyuter, mula pagkabata ay kilala ko na ang usok ng kalsada, ang siksikan sa dyip, at ang mahahabang lakad sa Antipolo papunta sa iba’t ibang parte ng Kalakhang Maynila. Sa kabila ng pagiging dormer at hindi araw-araw na pagkokomyut, batid ko pa rin ang hirap at pagod na dala nito sa ating mga kababayan. Hindi ko na kilala ang kalsada, malayo sa dating tinatahak kong ruta. Nilayo ako ng daan sa aking pangarap na pagbabago-- mas malala, maingay, magulo, at walang

Hanggang ngayon, hindi uunlad ang Pilipinas sa aspeto ng pampublikong transportasyon kahit na ito ang maaaring solusyon sa malalang trapik na nararanasan sa bansa.

katiyakan.

Minsan na rin akong nakipagsiksikan sa tren, lalo na kapag inaabot ng rush hour. Naranasan ko rin ang maglakad mula Pisay hanggang Centris, mula sa istasyon ng MRT hanggang LRT sa Cubao, maging mula sa istasyon ng LRT sa Antipolo hanggang sa sakayan ng traysikel o minsan ay hanggang bahay pa.

Sa kabila ng iba’t ibang klase ng pampublikong transportasyon sa bansa, tila isang malaking kalbaryo ang pagkokomyut. Pagpatak ng alas singko hanggang alas sais ng hapon, punong puno ang istasyon ng iba’t ibang mukha—mga pagod na estudyante, nagmamadaling mga empleyado, at karaniwang mamamayang kumakayod. Ito ang oras de peligro, kalbaryo sa kalsada bilang komyuter.

Gayunpaman, sa napakaraming klase ng taong sumasakay ng mga pampublikong transportasyon wala ni isang politiko ang makikita rito. Ang mga nakaupo sa matataas na posisyon sa pamahalaan ay karamihan nakakulong sa kanikanilang mga magagarang sasakyan, malayo sa reyalidad ng siksikan at pakikipagsapalaran sa pampublikong sakayan.

Ikinatuwa ng marami ang pagtatapos ng ruta sa LRT-1 hanggang sa Zapote, ngunit napakatagal ito bago matapos. Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang Metro Manila Subway Project. Kasabay nito, naguunahan din ang mga proyektong

Suporta sa Estyudante Jhenuinely

pagpapalawak ng kalsada at pagpapatayo ng skyway na kapaki-pakinabang lamang sa mga may-ari ng sasakyan. Nakaririnig din tayo ng mga pahayag mula sa mga politiko na kayang baybayin ang Makati mula sa Quezon City sa loob ng limang minuto na malayo sa katotohanan kung susubukan.

Sa mga pampublikong transportasyon tulad ng mga dyip at bus, trapik ang problema dahil sa napakaraming mga sasakyan sa daan. Sa tren naman, walang maayos na iskedyul ng pagdating at may malayong nilalakad mula sa estasyon hanggang sa destinasyon.

Hanggang ngayon, hindi uunlad ang Pilipinas sa aspeto ng pampublikong transportasyon kahit na ito ang maaaring solusyon sa malalang trapik na nararanasan sa bansa. Kung ang pampublikong transportasyon ay hindi pagtutuunan ng pansin, patuloy ang kalbaryo ng mga ordinaryong mamamayan na pagal sa trabaho mula pagpasok hanggang sa pag-

Bagamat patikim pa lamang ang buhay komyuter na aking naranasan, kinikilala ko ang usad pagong na ginhawa ng mga Pilipino sa kalsada. “

uwi.

Ang problema ay nagsisimula sa pamahalaan at sa mga taong may kapangyarihang magdesisyon sa mga proyektong dapat ikauunlad ng Pilipinas. Pinipili nila ang prayoridad sa pagpapatayo sa iba’t ibang mga gusali at highway dahil hindi nila kilala ang kalye tulad ng karaniwang Pilipino.

Kung ang mga may kapangyarihan ay kinikilala ang hirap ng kalye, siguro matagal nang naikonekta ang Hilagang Luzon patungong Timog Luzon hanggang sa Metro Manila. Magiging sandigan ng bawat isa ang pagkokomyut kung may maaayos na sistema.

Bagamat patikim pa lamang ang buhay komyuter na aking naranasan, kinikilala ko ang usad pagong na ginhawa ng mga Pilipino sa kalsada. Hanggat walang maayos na pampublikong transportasyon, mananatiling kalbaryo ang buhay-kalsada sa tulad kong komyuter.

Kislap ng Kahusayan, Anino ng Kakulangan

Sino bang hindi masisilaw sa tagumpay? Sa daangdaang medalya, tropeo, at sertipikong napapanalunan sa iba’t ibang larangan—mapa-agham, matematika, humanidades, isports, o musika, tiyak na ika’y masisilaw sa kinang ng kahusayan at karangalan sa binansagang “premier science high school.”

Taon-taon, libo-libong magaaral na puno ng ambisyon ang sumusubok na makapasok sa Pisay. Minsan naging isa ako sa kanila. Para sa akin at sa ibang kasama kong pinalad, ang Pisay ay isang pangarap na natupad. Sa libolibong sumusubok, hindi lalagpas sa sampung porsyento ang nabibigyan ng pagkakataon.

Hindi maitatangging ang imahe ng tagumpay na iniuugnay sa Pisay ay hindi lamang bunga ng kahusayan sa akademya, kundi ng kakayahan ng mga iskolar na punan ang mga pagkukulang ng sistema mula sa sariling bulsa.

Para sa ilan, ang pagkamit ng iskolarship ay dumaan sa ilang taong pinaghahandaan katulad ng pagsabak sa mga training program at review center. Dahil sa pagdami ng aplikante sa bawat National Competitive Exam (NCE), mas lalong humihirap ang kompetisyon para makapasok sa mga limitadong slots. Marami ang umaasa sa libre at kalidad na edukasyon, stipend, at sa mga oportunidad na wala sa ibang paaralan.

Libre man ang edukasyon, kumikinang man sa panlabas, sa likod ng mga ito ay nakatago ang anino ng kakulangan.

Sa loob ng kampus, maayos man ang karamihan sa mga gusali, nakikita pa rin natin ang ilang aspetong kailangan ng pagsasaayos. Isa na rito ang dormitoryo, kung saan may iilang kuwartong hindi nagagamit dahil sa butas na kisame na maaari pa sanang dagdag akomodasyon para sa iba. Makikita rin ang kakulangan sa ilang mahahalagang serbisyong kinakailangan ngunit hindi napupunan; katulad ng printing services na kamakailan ay itinigil dahil umano sa kawalan ng pondo. Sa ngayon, kaniya-kaniyang diskarte muna.

Nararamdaman ang kakulangan sa oportunidad sa iba’t ibang kompetisyon. Dahil sa limitadong pondo, napipilitang pumili ang paaralan ng iilang estudyante na susuportahan para sa ilang aktibidad. Hindi lamang ito nagkakait ng oportunidad para sa atin—nagiging dahilan din ito upang mas tumaas ang kompetisyon sa bawat mag-aaral. Limitado rin ang suporta na ibinibigay sa

mga kompetisyon sa ilalim ng mga asignatura sa Humanities, tila nagpapakita ng prayoridad sa STEM.

Layunin man ng Pisay na maging inklusibo, hindi maitatangging nagkaroon ng pagbabago sa demograpiya nito, kung saan karamihan sa mga estudyante ay mula sa pribadong paaralan at matatawag na privileged. Maliban sa husay sa agham at matematika, sila ay may kakayahang tustusan ang maraming oportunidad upang matuto nang higit pa.

Bagamat patuloy na kumikinang ang Pisay sa pagdami ng mga medalya at tropeo, hindi dapat ito maging sukatan kung sapat o epektibo ba ang suportang ibinibigay sa mga iskolar.

Malaking bahagi sa tagumpay ng Pisay ang pribilehiyo, lalo na sa pagsali sa mga lokal at internasyonal na kompetisyon, kung saan malaking halaga mula sa sariling bulsa ang inilalabas kapalit ng mga tropeo at medalya na ating inuuwi.

Hindi maitatangging ang imahe ng tagumpay na iniuugnay sa Pisay ay hindi lamang bunga ng kahusayan sa akademya, kundi ng kakayahan ng mga iskolar na punan ang mga pagkukulang ng sistema mula sa sariling bulsa.

Kasabay ng pag-apruba sa budget ng Pisay taon-taon ang pangamba ng mga kapwa kong estudyante at mga guro sa pagdagdag-bawas ng pondo. Bagamat ang mga dagdag-bawas ay hindi napakalaki upang lubos na mangamba ngunit ramdam pa rin ang epekto nito. Ang ilang milyong pagbawas ay may malaking epekto upang mapunan ang matagal nang pagkukulang sa mga iskolar ng bayan.

Sa planong pagpapalawak ng Pisay, lalong lumalalim ang ating pangamba, kung sa kasalukuyan ay hindi na natutugunan ang ilang batayang pangangailangan, paano pa kung daragdagan ang kampus na kailangang suportahan?

Bagamat patuloy na kumikinang ang Pisay sa pagdami ng mga medalya at tropeo, hindi dapat ito maging sukatan kung sapat o epektibo ba ang suportang ibinibigay sa mga iskolar.

Hanggang nararamdaman natin ang dilim na dala ng anino ng kakulangan, nararapat na ipagpatuloy ang usapin para sa pondo. Ang kinang ay hindi dapat iwan sa sariling liwanag—kailangan itong alagaan at suportahan pa upang patuloy na magningning tungo sa tagumpay.

WRYNAH DALE CALPITO

Student Spaces sa Pisay Espasyong Higit sa Tambayan

Kamalayan sa Politika Pagtalikod Paglilingkodsa Nissiwalat

Bilang isang mag-aaral, ilang pagsubok na ang napagdaanan ko dahil sa kakulangan ng maayos na espasyo sa paaralan. Bilang isang lider mag-aaral, nakita ko ang kolektibong hirap ng mga mag-aaral ng Pisay dahil sa limitadong student spaces na tunay na mapagkalinga. Nang buksan ang Josie’s Nook: Student Wellness Center, pakiramdam ko’y natugunan na ang isang matagal kong pangarap—ang magkaroon ng espasyo para sa mga kuwentuhan o ilang mga sandaling pahinga mula sa nakapapagod na buhayestudyante.

Ang kasalukuyang konstruksyon ng silid-aklatan ay lalo pang nagpabawas sa mga espasyo na maaaring pagtagpuan ng mga mag-aaral sa kanilang bakanteng oras. Kaya naman, kaniya-kaniyang diskarte ang bawat isa sa paghahanap sa mga sulok na tutugon sa aming mga pangangailangan ngunit hindi dapat ganito ang sitwasyon. Ang kawalan ng espasyo ay hindi lamang isang pisikal na limitasyon kundi isang hadlang din sa aming kakayahang matuto, makihalubilo, at lumago bilang isang indibidwal.

Sa apat na taon ko sa Student Council, walang silid ang nagsilbing permanenteng tahanan para sa aming konseho. Bago ang renobasyon noong pandemya, may sariling silid ang konseho sa ikalawang palapag ng Science and Humanities Building. Dito maaaring magpulong hindi lamang ang SC kundi pati ang ibang organisasyong nais magtipon—gaya ng Batch Committees at Club Ofcers. Tunay ngang naging silid pangmag-aaral ang dating SC room dahil bukas ito sa lahat at nagbigay-daan sa direktang pakikipag-ugnayan ng mga magaaral sa kinatawan nila. Dahil sa ilang taong pagkaantala ng pagtatayo sa bagong SC room, kinailangan naming magpareserba ng silid sa paaralan para sa mga pagpupulong at paghahanda ng aming mga proyekto. Bukod pa rito, naging hamon din ang kawalan ng maayos at ligtas na storage para sa aming kagamitan.

Biktima rin ang press room ng Ang Lagablab sa mga espasyong nawala sa amin. Ang kawalang ito ay nagpahirap sa aming operasyon—mula sa pagsasanay sa mga kompetisyon hanggang sa coverage ng mahahalagang kaganapan sa paaralan. Ang press room ay ang aming war room; dito namin binubuo ang mga ideya, pinaplantsa ang mga artikulo, at sama-samang hinuhubog ang boses ng mga mag-aaral. Sa pagkawala nito, tila nawala rin ang pisikal na katawan ng aming pahayagan.

Sa kabila ng hamong ito, patuloy naming ginagampanan ang aming tungkulin, sinisigurong hindi mapapatid ang daloy ng impormasyon sa kabila ng kawalang okupasyon. Ngayong panahon ng kompetisyon sa pagbuo ng dyaryo, hirap ang nararanasan namin sa komunikasyon dahil sa pagkawala nito, ngunit patuloy naming pinagtatagumpayan ang mga sinasalihang kompetisyon at tinitiyak na maayos ang coverage ng mahahalagang kaganapan sa paaralan.

Ang kawalan ng espasyo ay hindi lamang isang pisikal na limitasyon kundi isang hadlang din sa aming kakayahang matuto, makihalubilo, at lumago bilang isang indibidwal.

Sa isang panayam kay G. Efren Domingo, tagapayo ng Ang Lagablab, kanyang binigyangdiin ang epekto ng kakulangan ng student spaces. Aniya, “Ang kawalang espasyo sa mga student organizations ay paglilimita sa kapangyarihan ng mga mag-aaral na mag-organisa, makibahagi, at maging produktibo. Ang mga espasyo ay katuwang sa paggalugad sa mga posibilidad ng buhay-estudyante.” Tunay ngang hindi lamang ito usapin ng convenience—ito ay usapin ng pagpapalakas sa ating boses bilang kabataan.

Ang mga student spaces ay hindi lamang literal na lugar upang maging tambayan sa mga oras na bakante. Dito nagaganap ang mahahalagang diskurso— mula sa mga akademikong paksa, napapanahong isyu, hanggang sa personal na naratibo ng bawat isa. Mahalagang maparami pa ang mga student spaces para sa interaktibong ugnayan ng mga mag-aaral. Dito posibleng magmula ang mga bukas na talakayan at kuwentuhan tungkol sa buhay-estudyante. Ang pagkakaroon ng ligtas na espasyo para sa malayang usapan ay magbibigay ng pagkakataon sa bawat isa na magbahagi ng kanilang saloobin, at magbibigay ng katiyakan na may mga taong handang makinig at umunawa. Sa isang mundong puno ng ingay, abala, at walang hintong galaw, ang mga espasyong ito ay magiging katuwang sa paghahanap ng katahimikan at pagbabalik sa sarili. Mahalagang muling umugnay—hindi lamang sa ating kapwa kundi pati na rin sa ating sarili. Ang ating katawan, kaisipan, at damdamin ay may sariling paraan ng pangungusap, at sa pamamagitan ng tamang espasyo, matututunan nating pakinggan ang ating sarili.

Lagi’t Lakip

Pagdating sa pagmamalaki ng ating talino, kakayahan, at tagumpay sa akademya hindi nagpapatalo ang Pisay-Main Campus (MC). Kilala tayo bilang mga kinatawan ng bansa sa iba’t ibang kompetisyon, mapalokal hanggang sa pandaigdigang entablado. Maaaring sinasabi natin sa ating mga sarili na ang lahat ng ito’y para sa bayan, ngunit sa totoo lang mayroon din namang papel ang ating mga pagkapanalo sa sinasabing Pinoy Pride at empowerment ng mga estudyanteng Pilipino sa iba’t ibang larangan ng akademya. Gayunpaman, kung tayo’y titingin sa ibang pananaw, hindi maiiwasang tanungin sa ating sarili ang ambag ng mga medalya o sertipiko sa masang Pilipino.

Higit pa sa pagpapakitanggilas sa akademya at pakikibahagi sa diskurso sa mga online spaces ang maaaring maiambag ng mga iskolar ng Pisay sa kapwa.

Mabilis nating sabihin bilang mga iskolar na tayo’y mulat sa mga napapanahong pangyayari. Marami sa atin ang nakikibahagi sa diskurso sa social media, ngunit kung tutuusin, madalas na limitado ito sa kung ano ang napapadpad sa ating mga feed na hinahain ng algoritmo.

Nang makapanayam ko si G. Charles de Guzman, guro sa Social Science Unit, naibahagi niyang mabibilang na lang daw ang mga estudyanteng may interes sa pagbabasa ng balita o naghahanap ng impormasyon ukol sa mga isyung panlipunan.

Sa kabila ng inaasahang talino at kritikal na pag-iisip natin bilang mga iskolar ng Pisay, may pagkukulang pa rin sa lawak at lalim ng ating kaalaman. Aniya, “Naroon naman ‘yung social awareness pero ang tanong is how literate you are in terms of political issues.”

Kailangang suriin kung ano nga ba ang marka ng tunay na pagiging mulat, sapagkat hindi sapat ang pagsunod sa mga progresibong personalidad o grupo sa Instagram o pag-repost ng mga balita para maituring na mulat tayo sa mga isyung panlipunan.

Hindi lamang kakulangan sa lalim ng kaalaman ang problema, sapagkat malaki rin ang isyu ng kakapusan sa aktwal na pagkilos at serbisyo ng mga mag-aaral. Tila nagiging opsyonal na lamang ang pagsisilbi sa bayan at mas naipapakita pa nga ang diwa ng Pisay sa pagsali sa mga kompetisyon kaysa sa direktang pagkilos para sa mga nangangailangan. Kung ating susuriin ang demograpiko ng Pisay-MC, kung saan 65% ng mga estudyante ay nanggaling sa mga pribadong paaralan, lumalabas ang isang salik ng pagiging out of touch o kakulangan ng kamalayan sa tunay na lipunan ng mga magaaral, kung saan madalas na may diskonek mula sa mga isyung nais nating bigyang-pansin.

Sa kabila nito, kailangan din nating mapag-usapan ang papel ng administrasyon sa isyung ito. Kasama ang mga namamahala sa kurikulum, may responsibilidad din silang masiguro na nagagampanan ng mga iskolar ang obligasyon sa bayan at tayo’y nabibigyan ng pagkakataong mapalawak ang ating kamalayan. Komento rin ni G. De Guzman na panahon na para mailunsad ang mga taunang outreach o immersion program upang maipakita sa mga magaaral ang tunay na kalagayan ng lipunan. Dapat ding mas mabigyang suporta ang mga guro at estudyanteng may inisyatibong tumulong sa kapwa, hindi lamang sa pamamagitan ng pinansyal na suporta, kundi pati na rin sa paggamit ng mga pasilidad ng paaralan sa kanilang mga proyekto.

Higit pa sa pagpapakitanggilas sa akademya at pakikibahagi sa diskurso sa mga online spaces ang maaaring maiambag ng mga iskolar ng Pisay sa kapwa.

Wala namang nagdidikta na kailangan pa nating umabot na makapagtapos at isakatuparan ang serbisyo sa pagkuha ng kursong STEM sa kolehiyo na nakasaad sa ating mga kontrata para magampanan ang ating obligasyon sa taumbayan. Maaaring ayaw nating harapin ang mga pagkukulang pero lugi naman ang mga mamamayang Pilipinong nagpapaaral sa atin para tamasain ang ganitong kalidad ng edukasyon.

Siklab ng Kapisanan: Ang Mga Bagong Mukha sa Komunidad

Kaabang-abang ang eksena sa tuwing Club Fair sa Pisay— puno ang ikalawang palapag ng gym ng mga aktibidad, panel boards, at higit sa lahat ang mga masisigasig na mga magaaral para sa kanilang mga club.

Taunang nagpapakitanggilas ang mga club sa mga bumibisitang mag-aaral. Dito unang ipinapakita ang kanilang mga pakulo para sa bagong taon. Gayunpaman, litaw sa aktibidad na ito ang mga bagong club— maging ang mga mag-aaral na walang-takot na tinanggap ang hamon sa pagbuo ng mga ito.

Sa isinagawang Club Fair noong Alab Week, ipinakilala sa Pisay ang tatlong mga bagong club ng Pisay at isang nagbabalik. Inspirasyon ng Makabagong Mukha

Itinampok sa Club Fair ang mga bagong mukha ng kapisanang Pisay, kabilang ang Karyo Biomedical Society, ang Biomedicine club ng paaralan. Sa pangunguna ng ilang mga estudyante mula sa Batch 202 ,

fondness for biomedicine,” ani Mikaela Allauigan, pangulo ng club.

Iba’t ibang paraan naman ang inihain ng Karyo upang mawili ang kanilang mga miyembro sa medisina, gaya ng panonood ng mga palabas o pelikulang tungkol dito. Basta’t interesado at handang matuto ang mga miyembro, hindi umano isyu ang pagiging komplikado ng paksa. Ang makapagbahagi naman ng kaalaman ukol sa teknolohiya at paggamit nito para sa ikabubuti ang nag-udyok sa Tomorrow na magtatag ng Artifcial Intelligence (AI) at Data Science club.

Ayon kay G. Troy Serapio, pangulo ng kapisanan, layon nila na bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong matuklasan ang AI sa isang kolaboratibo at malikhaing paraan, at sakaling maipakita ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw.

“Sinimulan namin ang aming club dahil napansin namin ang kakulangan ng Pilipinas sa

Jolo, Batanes, Calamba, at Bicol—magkakalayong sulok man ng bansa ang kanilang pinagmulan, pagpatak ng Linggo ay iisang tahanan ang kanilang inuuwian.

Lungsod Quezon—isang siyudad na puno ng ingay at polusyon na kanilang tinatahak sa araw ng Linggo upang makarating sa kampus ng Pisay kung saan ang kanilang pamilya ay ang kanilang mga kaibigan at kasilid. Daan-daang mga iskolar ang nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at sa kanilang araw-araw na pagpasok sa eskwelahan, sabay-sabay nilang binibigyang-liwanag ang ilaw sa mga residence hall o dormitoryo ng Pisay.

Simula sa unang taon ng pagkakatatag ng Pisay, tumatanggap na ang paaralan

naturang Dungeons and Dragons club, nakahiligan lang nilang magkakaibigan ang laro hangga’t naimungkahi ang ideyang bumuo ng club para rito.

“Most of our initial members were friends with the same interest in Dungeons and Dragons. But during the latter half of the last school year, Sir Tuazon initiated a Dungeons and Dragons event, and I took that opportunity to gather more like-minded students to add to the member list,” tugon ni G. Tapao. Pagbabalik Animo sa Panibagong Taon

Sa kabila ng mga hamon na pinagdaanan ng mga club, lahat ito ay nalagpasan dahil sa determinasyon at kagustahang gumawa ng panibagong karanasan para sa mga magaaral.

Isa sa mga nagbabalik na kapisanan ang Animo Chess Club. Isa sa kanilang dahilan sa muling pagbubukas ng pinto ay upang buhayin ang komunidad ng mga

Bagamat nawala ang Animo ng isang taon, nakita nilang nanatili ang alindog ng chess sa komunidad at ang pagbangon ng kapisanan ay magbibigay umano ng oportunidad sa lalo pang pagusbong nito sa Pisay.

“I’ve also overheard some conversations among the younger students why there was no dedicated club for Pisay. That’s when I realized that the chess scene in this school just needed a home dedicated to that board game,” dagdag ni Garcia.

Mababa man ang inaasahan ng Animo para sa kanilang pagbabalik, sa dami ng mga mag-aaral na nagpakita ng interes na sumali ay kumpiyansa silang malayo ang mararating ng kanilang kapisanan.

Hindi madali ang tatahakin upang maging isang ganap na club. Bukod sa pag-engganyo ng mga estudyante na sumali, kinailangan ding tahakin ang burukrasya ng Pisay. Gayunpaman, hinikayat nila ang kanilang kapwa mag-aaral na magtatag ng club para sa kanilang mga interes.

Paghakbang sa Hinaharap Payo ng mga bagong kapisanan sa mga gustong magtatag ng club ay ang pagpili ng angkop na interes, pagpapamalas nito sa lahat, at paggawa ng mga kaaliw-aliw na aktibidad.

“All I can say is, Pisay is a very large school. There are approximately 1 0 students. Most likely, there are at least 1 students that share the same hobby/interest as you,” payo ni Tapao.

“Undoubtedly, there are a lot of challenges that frst-year clubs can face, so a passionate team that really wants to push through predicaments for their dream is nothing short of integral,” ani Allauigan.

“Kung tutuusin, 10% ay ang ideya at plano, at ang natitirang 90% ay sikap at sipag para mailunsad namin ang Tomorrow,” ani Serapio.

Maraming nananatili, may mga dumaragdag, may ilang nawawala, at mayroon ding bumabalik. Patunay lamang ito sa sigla ng buhay-kapisanan ng Pisay. At sa kanilang pakikibahagi sa unang araw ng Club Sit-ins, magpapatuloy ang pag-alab ng bawat isa sa kanilang mga interes sa iba’t ibang larang.

Pamilya sa Pansamantalang Tahanan

IYAJ QUETULIO

ng mga estudyante mula sa iba’t ibang lupalop ng bansa. Bilang bahagi ng kanilang layunin na maging inklusibo sa mga mag-aaral na nagmula sa ibang rehiyon kaya ipinatayo ang mga dormitoryo. Binubuo ng apat na dormitoryo ang PisayMain Campus, tig-dalawang establisyimento para sa mga lalaki at babae. Libre ang kuryente, tubig, tulugan, paliguan, at pahingahan kapalit ng mabuting pag-aaral at pagkakalayo sa mga mahal sa buhay, Lunes hanggang Biyernes.

Sa kanilang pagkawalay sa kanilang pamilya, sumasalubong ang mga pamilyar na mukha ng mga kasilid na nagiging kasama sa hirap at ginhawa. Sa apat na sulok ng bawat kuwarto, nabubuo ang kapatiran sa pagitan ng mga iskolar. Nagsimula man ito sa

roleta ng pagtatalaga sa room assignments sa simula ng bawat taon, sa paglipas ng mga buwan kasama ang mga pagsubok na sabay-sabay na hinaharap mas tumatatag ang mga kapatirang ito. Maging sa hiraman ng gamit, pagpupuyat, hanggang sa mga malalimang usapan sa gabi, binibigyang-kulay ng mga kapwadormer ang buhay ng isa’t isa habang patuloy na nabubuo ang mga alaala.

Kasama ng mga dormer sa pang-araw-araw ang mga dorm manager at volunteer na gumagabay at nagsisigurado ng kanilang maayos na kalagayan. Nagsisilbing silang mga mukha ng awtoridad mula sa paggising sa umaga, sa pangungumusta sa gabi, hanggang sa pag-aalaga sa tuwing may sakit. Sa mga taong lumipas, sila na rin ang tumatayong mga nanay at tatay sa daang-daang estudyante.

Sa kabila ng tila saya at ginhawa na dala ng pagiging isang dormer, hindi maiiwasan ang hirap ng pagkakalayo sa pamilya, pag-aaral, at mga personal na problema.

Hindi na maipagkakaila na natatangi ang buhay-dormer ng mga taga-Pisay. Gayunpaman, sa gitna ng mga problemang kinahaharap sa loob ng dormitoryo, nakasisiguro ang bawat iskolar na may pamilya pa rin silang masasandalan, kilomekilometrong layo man sa kanilang kapamilya.

Hindi man sila konektado sa dugo, sina ma’am, sir, ate, at kuya sa kanilang pansamantalang tahanan ang nagsisilbing kanlungan.

Hindi man sila konektado sa dugo, sina ma’am, sir, ate, at kuya sa kanilang pansamantalang tahanan ang nagsisilbing kanlungan. “

Pisay Clubs
JULIENE NISSI PALADA AT REA TUMBAGA
IRIS ABABON
Buhay Pisay
JHOENICA GELLIDO AT RAMON JURELLE PEREZ

Ang mga kakaibang karakter na ito ay hindi lamang mga bagay, ito’y sumasalamin sa kahalagahan ng ating mga kuwento, alaala, antas sa buhay at pagkakakilanlan.

Anik-Anik: Kultura ng Koleksyon sa Makabagong Henerasyon

Sa bawat sulok ng tahanan mula sa mga aparador hanggang estante matatagpuan ang samu’t saring bagay na tinatawag nating Maaaring ito’y mga souvenir, lumang resibo, sirang alahas, o mga lalagyang muling pinapakinabangan tulad ng tub ng ice cream, lata ng biskwit at iba pa.. Bagama’t tila walang halaga, ang mga ito ay nagtataglay ng malalim na kahulugan sa kulturang Pilipino. Ang anik-anik ay madalas ituring na mga bagay na walang tiyak na gamit. Gayunpaman, bawat piraso ay may kasaysayan—isang tiket mula sa konsiyerto, keychain mula sa isang lugar na napuntahan, o laruan mula sa kabataan. Ang mga ito ay sumasalamin sa ating kuwento, alaala, at pagkatao.

Pag-usbong ng Anik-Anik

Ang Pop Mart na unang sumikat sa Tsina ay naging tanyag dahil sa mga karakter na may kakaibang disenyo. Ang konsepto ng blind box, kung saan hindi alam ng mamimili kung anong pigurin ang nasa loob ay nagdudulot ng kilig at pananabik. Ang pagbili ng bawat kahon ay hindi lamang isang transaksyon kundi isang karanasan. Para sa mga kabataan, ang pangongolekta ng mga pigurin tulad nito ay hindi lamang simpleng pagbili ng laruan, ito ay isang uri ng pagpapahayag ng kanilang pagkakakilanlan.

Anik-Anik o Burloloy?

ring ekstensyon ng pagkatao at kalagayan ng nagmamay-ari. May mga bagay tayong dala-dala, yakapyakap, hila-hila, at sabit-sabit dahil sa paniniwalang ang mga ito ay paraan ng therapy at itinuturing din bilang mga kaagapay sa pang-araw-araw. Pagkakakilanlan

Sa kasalukuyan, ang pangongolekta ay naging paraan ng pagpapahayag ng sarili. Sa pamamagitan ng social media, ang bawat pagbili, pag-unbox, at pagpapakita ng mga collectible ay nagiging bahagi ng mas malawak na komunidad. Ang mga imahe tulad ng Labubu ay hindi na lamang mga laruan kundi representasyon ng personalidad, interes, at koneksyon sa isang subkulturang lumalago.

Sa kasalukuyan, ang konsepto ng anik-anik ay nagbabago. Hindi na lamang ito tumutukoy sa mga lumang gamit; ito’y nagiging mga collectible.

Isa sa mga pinakatanyag ngayon ay ang mga blind box mula sa mga brand tulad ng Pop Mart na kilala sa kanilang mga fgurine katulad ng Labubu, isang karakter na may malaking mata at matulis na pangil.

Bagama’t tanyag ang mga tulad ng Labubu, hindi lahat ay sumasangayon na maituturing silang anik-anik. Kung ang mga ito ay mga burloloy na may partikular na halaga at sinadyang disenyo, karapat-dapat pa bang tawaging anik-anik na kadalasang iniuugnay sa mga bagay na walang halaga?

Subalit ang tunay na koneksyon sa anik-anik ay nasa kakayahan nitong mag-udyok ng nostalgia at damdamin. Ang mga modernong collectible ay nagiging makabagong bersyon ng anik-anik dahil sila rin ay nagdadala ng emosyonal na halaga sa kanilang mga may-ari. Ang mga tulad nito ay nagsisilbi

Sa mundong may mabilisang uso, nananatiling malapit sa puso ng maraming Pilipino ang kultura ng koleksiyon. Bagamat may diskurso kung anik-anik pa ba ang mga collectible tulad ng mga blind box, ang mas mahalaga ay ang papel nito sa pagbibigay-kahulugan sa ating pagkatao at kasalukuyang kultura.

Ang mga kakaibang karakter na ito ay hindi lamang mga bagay, ito’y sumasalamin sa kahalagahan ng ating mga kuwento, alaala, antas sa buhay at pagkakakilanlan.

Melodiya ng PantropikoIslang

Bawat piraso ay may kasaysayan—isang tiket mula sa konsiyerto, keychain mula sa isang lugar na napuntahan, o laruan mula sa kabataan. Ang mga ito ay sumasalamin sa ating kuwento, alaala, at pagkatao.

Nagsimulang gamitin ang salitang P-Pop o Pilipino Pop noong dekada sitenta nang pumalo sa 100,000 ang benta ng single ni Freddie Aguilar na ‘Anak,’ dalawang linggo pa lamang matapos itong ilabas. Naantig nito ang puso ng mga tao, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa bawat sulok ng mundo. Nang ito ay inilabas sa humigit-kumulang 0 bansa at isalin sa iba’t ibang wika hindi maipagkakaila na isa itong hit. Nagpatuloy ang paggamit ng terminong ito sa mga sumunod na dekada kung saan naimpluwensyahan ito ng iba pang mga genre katulad ng rock and roll, jazz, at iba’t ibang mga istilo ng ibang bansa, lalo na sa Amerika na nangunguna sa usapin ng pop hit at musika. Kung kaya’t minsan ay sinasabing ang musika ng Pilipinas ay hindi matatawag na Original Pilipino Music sapagkat ‘di umano ay wala nang orihinal sa musika ngayon.

Gaya-gaya, Puto Maya Hindi maiiwasan na ikumpara ang P-Pop sa musikang gawa ng mga karatig-bansa. Marami ang nagsasabing ginagaya raw natin ang istilo ng Korean Pop (KPop), mula sa tunog ng mga kanta hanggang sa kasuotan ng ating mga musikero. May iilan namang pumapanig sa kaisipang nauuso lang talaga ang crab mentality sa Pilipinas; umaangat ang P-Pop kaya’t pilit na humahanap ang iba ng dahilan upang hilahin ito pababa.

Siguro nga’y talagang naimpluwensiyahan ng K-Pop ang P-Pop, ngunit wala namang masama kung may iilang pagkakapareho. Kung tutuusin, maraming P-pop artists ang lantarang sumusuporta sa kanilang mga idolo sa industriya ng K-Pop.

Sa kabila nito, marami pa ring mga P-pop artist ang sinusubukang magsama sa kanilang musika ng ilang mga tradisyonal na elementong may kaugnayan sa ating kasaysayan. Isang magandang halimbawa ang grupong Alamat, na gumagamit ng iba’t ibang wika ng mga probinsya ng Pilipinas, kaysa Ingles at Filipino lamang. Kita rin ang kanilang paggamit sa mga tradisyonal na kasuotang Pilipino sa kanilang istilo ng pananamit at mga music video kung saan naipamamalas ang kulturang Pilipino sa kanilang sining at musika.

Catchy (I’m Falling)

Kadalasan ang unang napapansin ng mga tao ay ang catchiness ng isang kanta, hindi ang pagkakumplikado ng konsepto at pagkakasulat nito. Kahit na isa rin itong sining kung saan maaaring magsama-sama o maging tanyag ang mga kultura. Para naman sa iba, isa itong earworm na hindi matanggal sa kanilang tainga.

Hindi na bago sa mga politiko ang pagkakaroon ng jingle o theme song lalo na kapag papalapit ang eleksyon. Isa ito sa kanilang paraan upang tumatak sa isip ng mga botante na bumoto para sa kanila. Marami ring mga patalastas ang gumagamit ng mga sikat na kanta bilang background music. Papalitan lamang ang ilang mga salita sa liriko at tatatak na sa isip ng mga tao ang branding nito.

Karaniwang ginagamit ang term na LSS, o Last Song Syndrome, kung saan paulit-ulit ang isang kanta o tono sa isipan. Isa lamang ito sa mga patunay na matindi ang epekto ng musika sa isip o memorya ng isang tao.

Sa pamamaraan ng pagiging catchy, nagkakaroon ng lamang ang P-Pop na tumatak sa nakararami na unti-unting nahuhulog sa bagong istilo ng musikang Pinoy, kung saan patok ang makabagong tunog at iba’t ibang bahagi ng kulturang Pinoy. P-pop Rise

Sa nagdaang mga taon, mapapansin ang makabuluhang pag-angat ng ating mga Filipino artist, hindi lamang sa loob ng ating bansa, kundi sa buong mundo. Unti-unti, nagsisimulang makilala ang talento ng ating mga musikero sa pandaigdigang entablado.

Isa’t kalahating taon na ang nakalipas mula noong inilabas ng grupong SB19 ang kanilang kantang GENTO na nagpakislap sa isang dance craze kung saan lumahok din ang iba’t ibang mga K-Pop artist. Maliban dito, maaalala rin kung gaano pumatok ang kanta nilang Mapa na nagpaantig ng puso hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati na rin sa labas ng bansa.

Para sa marami, hindi na nila maalis sa isipan ang mga liriko ng mga kanta ng BINI, lalo na ang Pantropiko at Salamin, Salamin na naging dance at music craze ng lahat. Dumalo rin ang BINI sa KCON 202 sa Los Angeles noong nakaraang taon, bilang kaunaunahang mga Filipino artist na nagtanghal sa nasabing programa. Hindi lang alamat ang pagsikat ng ALAMAT sa kanilang mga kanta at sayaw na puno ng kulturang Pilipino. Maraming kumilala sa boy group na ito dahil sa kanilang natatanging liriko at istilo ng musika.

Para sa industriya ng entertainment sa Pilipinas, malayo pa, pero malayo na. Sabi nga ng BINI, “‘Wag mag-alala, buhay ay ‘di karera.”

Hindi man simbilis ang pagsulong ng P-pop kumpara sa iba, malayo na ang narating ng musikang Pilipino, at mas malayo pa ang mararating nito sa tulong ng suporta ng mga tagapakinig.

P-Pop Music
Pinoy Pop Culture
QUENSO TAMBALQUE IYAJ QUETULIO
ERSHA AIFHA JESORO AT SHAE VILLADAREZ IRIS ABABON

Panahon ng Pagkilos sa Pagharap sa Climate Polycrisis

XEANNE CHASTISE NECESITO AT YUWI GONZALES

Naranasan mo na rin ba ang pagbabago ng panahon?

Nariyan ang madalas at tumitinding sikat na araw na nagpapatuyo sa buong bansa dahil sa El Niño ngunit bigla na lang bubuhos ang ulan. Napadadalas din ang matitinding bagyo na dumaraan na nagdudulot ng biglaan at matinding pagbaha. Ang mga karanasang ito ay patunay na ang bansa ay nakararanas ng climate polycrisis.

Climate Polycrisis

Isa tayo sa mga pangunahing biktima ng climate polycrisis, isang kakaibang pangyayari na kung saan ang isang lugar ay nakararanas ng mahigit sa isang krisis sa klima na independent sa isa’t isa ngunit kayang palalain ang bawat isa kapag nagsasalubong.

Sa loob ng tatlong taon, nangunguna ang Pilipinas bilang disaster risk hotspot ayon sa World Risk Index 2024. Nanganganib na ang Pilipinas dahil sa pagdalas at paglakas ng epekto ng mga sakunang nararanasan taon-taon na bunga ng paulit-ulit na bagyo, pagbaha, at pagguho ng lupa.

Hindi lamang Pilipinas ang nakararanas nito, maging ang buong mundo ay nagdurusa sa mga pinsala ng climate polycrisis. Kamakailan lang, naganap ang matinding bagyong Milton na tumama sa Florida, USA. Ayon sa mga eksperto, ang bagyong ito ay malapit na sa mathematical limit ng laki ng bagyong kayang mabuo sa kalangitan sa itaas ng karagatan. Kung ganito ang magiging lakas ng mga bagyo sa kasalukuyan, malaki ang posibilidad

na makaranas ng mas malakas na bagyo ang Pilipinas bilang isang bansang napalilibutan ng mga karagatan at daanan ng mga bagyong nabubuo sa karagatang Pasipiko.

Kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng pagguho ng lupa at pagbaha na dulot ng malalakas na ulan sa Pilipinas. Bagamat nabawasan ang mga bagyong dumaraan sa Pilipinas noong 2024, lumalakas naman ito, kung saan anim ang dumaan sa Pilipinas sa loob lamang ng iisang buwan. Maaaring maranasan ng bansa ang isang bagyong kasing lakas o mas malakas pa kaysa bagyong Milton at hindi ito kakayanin ng bansa dahil sa mahina nitong programa laban sa pagbaha. Sa kasalukuyan, ang mga food program ng Pilipinas ay nakadisenyo para sa mga bagyong kasing lakas lamang ng bagyong Ondoy na hindi nito kakayanin ang dami ng tubig na buhos ng mga mas malalakas na bagyo.

Patuloy na isinasaayos ang National Climate Change Action Plan (NCCAP) upang mas mapabuti ang mga programa ng pamahalaan nang sa gayon ay matugunan ang mga pinsala ng nagbabagong klima tulad ng pagtataas ng pondo para sa proyekto laban sa pagbaha, pangangalaga sa kalikasan, at pagbabahagi ng kaalaman ukol sa krisis sa klima sa mga Pilipino. Ngunit marami pa ring puwang sa proyektong ito kaya’t mahalaga rin ang hakbang bilang mga indibidwal at kolektibo.

Hanggang ngayon, ang Pilipinas ang nagdurusa at biktima ng lumalalang krisis sa klima.

sa klima noong ikalawang kalahati ng

Pilipino para sa Berdeng Kinabukasan Maaaring tumulong ang mga Pilipino sa pamamagitan ng mga simpleng hakbang tulad ng pagtatanim ng mga halaman, pagbabawas ng paggamit ng plastik, paggamit ng mga alternatibong gamit na mas makabubuti sa kalikasan, at aktibong pakikilahok sa mga programang pangkalikasan. Napakahalaga rin ang pagtutulak ng mamamayan sa pamahalaan at mga institusyon, kung saan ang kanilang mga desisyon at aksyon ay dapat sumasagot sa krisis

Sa pagkakaisa at pagsasamasama ng mga Pilipino upang mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima, makaaambag tayo sa solusyon laban sa krisis sa klima. Ngayong ganito na kalala ang problema sa klima, ito na ang tamang oras para humakbang upang maprotektahan ang kalikasan. Ika nga ni Greta Thunberg, “You are never too small to make a diference.” Ito na ang panahon para magkaisa at kumilos para sa ligtas, maganda, at mas berdeng

Ika nga ni Greta Thunberg, “You are never too small to make a difference.”

Meteorological Agency ang apat na sunud-sunod na mga bagyo sa Pilipinas noong Nobyembre. Ito rin ang unang pagkakataong sa nakalipas na pitong taon na nagkaroon ng apat na bagyo sa iisang buwan.

Sa walang tigil na hagupit ng bagyo, madalas wala ng pagkakataong makabangon ang bansa mula sa pinsala at pagkakasira ng mga ari-arian tulad ng paaralan na nagdudulot ng pagkaantala sa pagkatuto.

Ang pagdurusang dala ng mga bagyo sa bansa ay dahil sa krisis sa klima, kung saan ang Pilipinas, bagamat isa lamang sa pinakamaliit na kontribyutor ng greenhouse gas ang nagiging pinakaapektado naman ng peligro.

Ang Pilipinas ay isang bansang biktima ng patuloy na pag-init ng mundo.

Krisis sa Klima: Walang Tigil na Pagbagyo

Ang paglitaw ng mas marami at mas malalakas na bagyo ay dulot ng krisis sa klima. Ang pag-init ng karagatan na kaakibat ng patuloy na emisyon ng greenhouse gas mula sa mga tao at iba’t ibang industriya ay ilan sa pinagmumulan ng enerhiya ng mga bagyo.

2024 ay labas pa sa pag-iral ng hanging habagat na nagdulot din ng masamang panahon at pinsala nitong taon.

Nagsisimula ang pagbuo ng mga bagyo mula sa sumisingaw na mainit at mahalumigmig na hangin mula sa karagatan sa mga tropiko. Kapag ang mainit na hangin ay makarating sa mas mataas na lebel ng himpapawid, humahalo ito sa malamig at tuyong hangin at nabubuo ang mabibigat na ulap na puno ng tubig-ulan. Sa pag-akyat sa atmospera ng hangin, nagiiwan ito ng mababang lebel ng presyon ng hangin. Ito ay karaniwang namamataan ng mga weather bureau gaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at binabansagang Low Pressure Area (LPA).

Ang pagbaba ng presyon ang nagtutulak sa hangin sa nakapaligid na lugar sa sentro nito. Unti-unting umuulit ang proseso, kung saan nabubuo ang mabibigat na ulap na puno ng mga thunderstorm. Umiikot naman ito dala ng Coriolis Force na sanhi ng pag-ikot ng mundo. Sa Northern Hemisphere, kung saan matatagpuan ang Pilipinas ang mga ulap at thunderstorm ay umiikot anticlockwise.

Ang paglaganap ng mga bagyo na dumadaan at tumatama sa Pilipinas ay sanhi rin ng natatanging heograpiya nito. Ang Pilipinas ay matatagpuan malapit sa ekwador at napapaloob sa Pacifc Typhoon Belt na karaniwang pinatutunguhan ng mga bagyo dulot ng natural na direksyon ng mga trade winds na bumubugso patungong Kanluran mula sa dagat Pasipiko.

Ang Pinipinsalang Bansa: Pilipinas

Sa walang tigil na paginit na nararanasan ng mundo at nararamdaman ng mga mamamayan, hindi na nakagugulat ang krisis na kinakaharap. Bagong rekord nga ito ngunit dala ng kasalukuyang kondisyon ng daigdig.

Dahil sa lokasyon ng bansa sa Karagatang Pasipiko at ang napakainit na mundo, ang Pilipinas na ang nagdurusa sa krisis sa klima kahit ang bansa ay may pinakamaliit lamang na kontribusyon sa pag-init ng mundo at paglala ng krisis sa klima. Hanggang ngayon, ang Pilipinas ang nagdurusa at biktima ng lumalalang krisis sa klima.

AYEESHA BATOCTOY

Muling binuksan ang La Mesa Ecopark noong Hunyo 29, 2024 matapos ang apat na buwang renobasyon ng mga pasilidad nito.

Pinangunahan ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS), QC Government, at Manila Water Company ang seremonya ng pagbubukas ng La Mesa Ecopark na tinaguriang Last Lung of Metro Manila dahil sa mahalagang papel nito sa pagpapanatili ng kalikasan sa Metro Manila.

Ang pagbubukas ay pagmamarka sa unang bahagi ng isang tatlong-yugtong programa para sa rehabilitasyon ng parke. Kabilang sa isinagawang pagpapabuti ay ang pagsasaayos ng Eco Academy Pavilion, pagpapaganda ng museo at mga

La Mesa Ecopark

Para sa Kinabukasan:Berdeng La Mesa Ecopark Muling Nagbukas sa Publiko

XEANNE CHASTISE NECESITO, LEANDRO RAYNE MENDOZA

AT RHEENA CASSANDRA PANGANIBAN

AYEESHA BATOCTOY

sentro ng aktibidad sa parke, pagpapatayo ng bagong viewing deck at swimming pool, at mas modernong pamilihan ng mga souvenir. Sa mga darating na yugto ng proyekto, inaasahang lalo pang pagagandahin ang mga pasilidad upang mas mapahusay ang karanasan ng mga bisita at mapanatili ang ekolohikal na integridad ng parke.

Ayon sa Manila Water Foundation, ang renobasyon ay naglalayong gawing mas makabuluhang destinasyon ang

La Mesa Ecopark sa pamamagitan ng mga programang ecolearning na nagtuturo ng pangangalaga ng kalikasan habang pinapahalagahan ang biodiverCity: biodiversity—isang

inisyatiba na nagsusulong ng mas balanseng ugnayan ng urbanisasyon at biodiversity.

Binigyan diin ni QC Mayor Joy Belmonte na ang muling pagbubukas ng parke ay bahagi ng misyon na kung saan mas inaasahang maaliwalas ang kinabukasan at maging bukod-tanging simbolo ng responsableng aksyon at pangangalaga ng kalikasan.

Sa patuloy na pagpapabuti ng La Mesa Ecopark, inaasahang mas maraming Pilipino ang mahihikayat na bisitahin at makiisa sa mga programang pangkalikasan na magpapalakas sa kamalayan at pagpapahalaga sa likas na yaman ng bansa.

KADIWA: Pag-asa ng 3M

Mula sa iba’t ibang sulok ng bansa makikita ang mga munting talipapa na naglalako ng sari-saring lokal na produkto tulad ng bigas, prutas, gulay, isda, at karne na direktang nanggagaling sa mga magsasaka at mangingisdang Pilipino. Sa presyong makatuwiran, ang ating mga kababayan ay nakikinabang sa diwa ng KADIWA. Mula sa mga magsasaka at mangingisda patungong mamimili— ang 3M ng KADIWA.

Inumpisahan ang Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Kita (KADIWA) noong Hulyo 2024 bilang isang marketing initiative ng

Department of Agriculture (DA). Sa programang ito, direktang ikinokonekta ang mga mamimili sa orihinal na prodyuser. Layunin ng programang maitaguyod ang mas epektibong pamamaraan ng marketing para sa mga magsasaka at mga mangingisda para sa seguridad ng pagkain. Maraming magsasaka at mangingisda ang may kakulangan sa kaalaman sa pagnenegosyo na naglilimita sa kanilang kakayahang palaguin ang kanilang kita at maabot ang mas maraming mamimili. Dahil dito, pinagsamantalahan sila ng mga middleman sa pagbili ng kanilang mga produkto sa maliit

na halaga na nagiging dahilan kung bakit bumababa ang kita ng mga mangingisda at magsasaka. Upang may maiuwi pa rin na kita para sa kanilang mga pamilya, sila ay napipilitang magbenta sa mababang presyo samantalang mataas ang patong ng mga middlemen upang maipasok ang kanilang produkto sa merkado. Gayunpaman, hindi lamang ang mga mangingisda at magsasaka ang nagdurusa, maging ang mga mamimili ay nararamdaman ang masamang epekto nito. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa mga middleman, nahihirapan ang mga karaniwang Pilipino sa

kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Layunin ng KADIWA na ipadala ang ani at produkto sa pamilihan na hindi tumataas ang presyo para sa mga mamimili, habang tinitiyak na makakukuha pa rin ng sapat na kita ang mga magsasaka at mangingisda. Dahil sa KADIWA, maiiwasan ang pang-aabuso ng mga middleman kaya’t mas patas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Hindi na nila kailangang magbenta ng bagsak-presyo at mas kontrolado na nila kanilang kita. Ang mga presyo rin ay mas abot-kaya ng mga mamimili.

Bukod dito, nakatutulong ang KADIWA sa pagpapalawak ng kaalaman sa pagnenegosyo. Dahil sa direktang ugnayan ng mga prodyuser sa mga konsyumer o mamimili, natututo ang mga magsasaka at mangingisda sa epektibong pagbebenta at tamang pamamahala ng kanilang kita.

Ang KADIWA ay isang hakbang upang matugunan ang mga hamon na hinaharap ng mga magsasaka at mangingisda. Ang inisyatibong ito ay hindi lamang para sa seguridad sa pagkain, kung hindi ay para rin sa pagpapaunlad ng kinabukasan sa sektor ng agrikultura.

KADIWA
SARAH VELASCO AT VINCENT JOAQUIN TORRES IRIS ABABON
Masaganang Ani. Sa KADIWA ng Pangulo, ipinagmamalaki ang sipag at tiyaga ng mga magsasakang Pilipino.

Astronomiya sa Pisay

Bituin ng Pisay sa Kalawakan

Isa sa pinakamatandang agham ang Astronomiya na gumabay sa sangkatauhan mula sa paglalakbay sa karagatan gamit ang lokasyon ng mga bituin hanggang sa pagsukat ng oras. Sa Pisay, ang larangang ito ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan, kundi ay isang buhay na tradisyon na patuloy na nagpapasiklab sa interes at pagkamangha ng mga iskolar ng bayan mula sa ikapito hanggang ika-12 baitang.

Itinuturo sa unang taon ng mga mag-aaral sa Pisay ang Integrated Science 1 (IS1) na nagbibigay ng pangkalahatangideya tungkol sa Astronomiya. Nagsisimula ang mga guro ng IS1 sa kasaysayan nito at kung paano nakatulong alamin ang mga kaalaman ukol sa Agham.

Sa ikalawang taon, mas malalim pa ang kaalaman ukol sa Astronomiya sa asignaturang Earth Science. Dito matutunan ng mga iskolar ang mga konsepto tulad ng celestial sphere at iba’t iba pang mga konstelasyon na makikita sa kalangitan.

Isa sa mga inaabangan na aktibidad ay ang AstroNight, isang programa na mararanasan ng bawat batch sa kanilang buong anim na taon sa Pisay. Isinasagawa ito sa ikawalong baitang sa asignaturang Earth Science. Sa programang ito, ang mga mag-aaral ay maaaring manatili sa feld, at habang lumalalim ang gabi, sila ay ipinapakilala sa iba’t ibang mga gamit na astronomikal na kanilang ginagamit para obserbahan ang samu’t saring mga celestial object mula sa isang teleskopyo. Ang mga programang tulad nito ay higit na nagbibigay interes sa mga mag-aaral na piliin ang pag-aaral ng Astronomiya sa hinaharap.

Ika nga ni AJ Capito ng Batch 2028, “Ang mga aktibidad tulad ng AstroNight ay nagbigay-daan upang aking mapalalim ang pagpapahalaga ko sa kagandahan ng kalawakan.” Sa Pisay, ang Astronomiya ay hindi lamang bahagi ng kurikulum- ito ay isang paanyaya upang muling tuklasin ang hiwaga at mamangha sa kalangitan at sandaigdigan.

LAGABLAB, EXPOSURE, AT ASTROSOC

Abot-Kamay ang mga Bituin. Ipinamalas ng mga astronomy events sa Pisay ang sigasig ng mga iskolar sa pagtuklas at pagsasaliksik sa hiwaga ng kalawakan.

PAGASA Planetarium: Pangarap at Kaalaman

Abot-kamay na masasaksihan ang mga biswal na representasyon ng mga planeta at bituin na nasa kalawakan sa halagang 20 piso sa bagong bukas na PAGASA Planetarium ng Department of Science and TechnologyPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOSTPAGASA). Mula bata hanggang matanda ay tiyak na matututo sa mga nakaeengganyong pamamaraan na makikita sa planetarium.

Ibinalita ang muling pagbubukas sa publiko ng PAGASA ang Planetarium sa Quezon City noong Setyembre 6, 2024. Ang Planetarium ay unang binuksan noong taong

1977 at sumailalim sa renobasyon noong 2005. Ito ay nagsara muli ng apat ng buwan hanggang sa pagbubukas nito noong nakaraang taon. Sinasabing ang establisyemento ay pinaganda at muling pininturahan, sinigurong walang tagas ang mga kisame, at pinalitan ang mga bumbilya at mga pailaw na ginagamit sa mga palabas.

Ang bagong bukas na establisyimento ay nagtatampok ng planetarium chamber na may kapasidad na 88 katao. Sa chamber mapapanood ang tungkol sa ating kalawakan, tulad ng kasaysayan nito, mga pagbabagong naganap sa solar system, at iba pang mga paksang astronomikal. Kasabay nito ay ang mga leksyong

ibinabahagi sa mga manonood upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa astronomiya. Mula sa Zeiss Type projector na gamit nila noon, digital projector na may makabagong teknolohiya ang kanilang ginagamit ngayon sa pagpapalabas ng mga naturang bidyo. Mayroon ding mga teleskopyo sa lugar kaya’t sila ay kadalasang nagdaraos din ng mga sesyon ng stargazing depende sa panahon. Patok at angkop ang lugar na ito para sa mga estudyanteng nasa elementarya at high school. Matatagpuan ang PAGASA Planetarium sa Science Garden Compound, Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue, Barangay Central, Quezon City, Metro Manila.

Ang mga establisyemento gaya ng PAGASA Planetarium ay nararapat na pagtuunan ng pondo ng gobyerno upang mapangalagaan. Mahalaga ring maparami ang mga lugar na may murang interaktibo at impormatibong aktibidad para sa karaniwang mamamayan. Maaaring makatulong din ang Planetarium sa pagpukaw sa interes ng mga tao, lalo na sa

mga bata, upang mabuhay ang kanilang pagkamalikhain at pagkasabik sa bagong kaalaman. Maaari rin itong makatulong sa kabataan na madiskubre ang kanilang mga interes, lalo na sa astronomiya. Patuloy dapat ang pagtatayo ng pamahalaan ng mga lugarpasyalan na naghahatid kaalaman sa bayan.

ERSHA AIFHA JESORO AT SHAE VILLADAREZ
DOST Planetarium
JULIENE NISSI PALADA AT AUOIE GONZALES
PHILSTAR GLOBAL
Tuklasin ang kalawakan. Namangha ang mga bisita sa immersive experience ng planetarium show sa loob ng PAGASA Planetarium.
YEN DEMETILLO
ANG

AI sa Korte: Modernong Hakbang o Mapanganib na Pagsugal

Inanunsyo ng Korte Suprema ng Pilipinas ang paggamit ng Artifcial Intelligence (AI) sa ilang aspeto ng mga proseso sa korte sa pandinig ng Senado ukol sa 2025 budget nito noong Setyembre 18, 2024. Layunin man nitong gawing mas mabilis at maayos ang pag-usad ng mga kaso, habang pinapanatili ang kalidad ng serbisyong panghukuman sa mga susunod na taon.

Sa dami ng kaso sa Pilipinas na umaabot sa tatlong libo taon-taon, karamihan ay hindi nalulutas sa loob ng isang taon at inaabot ng ilang taon bago maresolba. Nakita ng korte ang potensyal ng paggamit ng AI para hindi matabunan ang mga kaso na ilang taon nang nakalipas ngunit hindi pa nareresolba. Ayon kay Villanueva, “Eventually, our justices would be able to monitor the progress of their cases so that aging cases can be given a priority as well”.

Iminungkahi ng Korte Suprema na sa taong 2025, gagamit na ang korte ng AI para sa kanilang legal na pananaliksik, pagsubaybay

sa mga kasong sibil at kriminal, transkripsyon at pagsasalin ng mga testimonya mula sa wikang bernakular patungong Ingles at paggawa ng balangkas sa desisyon ng korte. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, inaasahang mas mapabilis na mabawasan ang mga kasong matagal nang di nareresolba at mas mapabilis ang hustisya para sa lahat, lalo sa mga biktimang naghihintay para sa hustisya. Ayon kay Villanueva, kapansinpansin na mas marami na ang nareresolbang kaso kaysa sa bilang ng mga nagsasampa ng kaso araw araw noong sinimulan nila ang paggamit ng AI.

Sa kabila ng benepisyo ng paggamit ng AI, may mga kasama itong hamon na kaakibat tulad ng kawalan ng pananagutan ng korte dahil AI na ang gumagawa ng draft ng desisyon. Gayunpaman, nananatiling nakabantay ang mga hukom upang tiyakin ang kawastuhan at patas na pagpapatupad ng batas. Patuloy ding pinapaunlad ang sistema upang maiwasan ang anumang pagkakamali at matiyak

na ang AI ay ginagamit bilang isang epektibong kasangkapan sa pagsuporta sa mga hukom. Ang isa sa mga mahahalagang aspeto ng hustisya ay ang malalim na pangunawa at etikal na konsiderasyon sa bawat kaso. Ang teknolohiya ay maaaring makatulong sa pagpapabilis ng proseso, ngunit, nanatiling mahalaga ang papel ng mga hukom sa paggawa ng makatarungang hatol. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng AI, mas mapapahusay ang kalidad ng serbisyong panghukuman nang hindi isinasakripisyo ang makataong aspeto ng hustisya, Sa kabuuan, ang AI ay mabuting magamit bilang instrumentong makapagdudulot ng mabuting pagbabago sa sistema ng hudikatura. Sa tamang pamamahala at regulasyon, makatutulong ang AI sa pagpapabilis ng mga proseso at pagpapabuti ng kalidad sa paglilitis para sa patas na hustisya.

Agham at Wika: Ang STEM Journalists at Wikang Filipino

Lahat tayo ay nakararanas ng hindi pagkakaunawaan, kahit maliit na detalye ang namali o nakaligtaan, nagdudulot ito ng diskusyon. Sa agham, higit na mahalaga ang malinaw na komunikasyon lalo na kung paano natin maihahatid sa masa ang mahahalagang impormasyon.

Dito pumapasok ang papel ng mga mamamahayag pangagham—sila ang nagsasalin ng teknikal na kaalaman sa wikang naiintindihan ng nakararami. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, limitado pa rin ang suporta sa kanila at sa kanilang larangan.

Buhay Agham

Kadalasa ang mga mamamahayag pang-agham ay nagtatrabaho sa mga news outlet, akademikong institusyon, o bilang mga freelance writer. Mahalaga ang kanilang papel sa pagsasalin ng mga teknikal na termino upang maabot ang mas maraming Pilipino.

Gayunman, limitado ang oportunidad at suporta para sa kanila—madalas ay kulang ang pondo para sa science reporting at mas tinututukan ang mga balitang pampulitika o pangshowbiz.

Agham at Wika sa Pananaliksik

Ang epektibong komunikasyon ay nagdudulot ng mas malawak na kamalayan sa agham, teknolohiya, kalikasan, at kalusugan. Sa Pilipinas, kung saan Filipino ang pangunahing wika, mas nagiging abot-kamay ang agham sa publiko.

Ang paggamit ng wikang Filipino sa agham ay nagpapadali ng pag-unawa sa teknikal na konsepto at ginagawang mas angkop sa kultura ng mga Pilipino. Kinakailangang ipaliwanag ng mga propesyong nasa STEM sa mas maraming tao ang mga paksang teknikal na kanilang pakikinabangan.

Bukod dito, mas natututo tayong ipahayag ang ating pananaliksik gamit ang sariling wika. Sa Pilipinas, kung saan ang wikang Filipino ang pangunahing ginagamit ng nakararami, posibleng ang mga kaalamang pang-agham ay maaaring umabot sa masa.

Hadlang sa Kinabukasan

Bagama’t narito ang mga STEM journalist upang gabayan ang masa pagdating sa agham, marami pa ring mga hadlang sa komunikasyon. Isa sa mga pangunahing suliranin ay ang kakulangan ng mga pang-agham na termino sa Filipino. Ang wikang Filipino ay patuloy na nagkakaroon ng intelektwalisasyon. Maraming mga salita ang naiimbento bawat taon, lalo na’t malaki ang impluwensiya ng social media, ngunit kulang pa rin ang mga katumbas na Filipinong salita ng mga siyentipikong salitang naimbento ng mga dalubhasa gamit ang mga banyagang wika tulad ng Ingles.

Nagdudulot ito ng hirap para sa mga STEM journalist upang magpahayag nang maayos gamit ang wikang Filipino. Kaya’t ang mga dalubhasang STEM journalist ay sinasanay upang makamit nila ang mga kaalaman, kakayahan, at kasanayan na gawing simple

ang mga komplikadong salita upang mas madaling maunawaan ng mga karaniwang Pilipino ang mga ito kahit bagong konsepto pa lamang ito sa mga mambabasa. Dito makikita ang malaking papel na ginaganap ng mga STEM journalist.

Sa Pagkakaiba’y Magkakaisa Malaking hamon sa science communication sa wikang Filipino ay ang kakulangan ng mga STEM professional na may kakayahang mamahayag nang maayos. Bagama’t maraming mga STEM journalist na magaling sa teknikal na aspeto ng kanilang larangan, hindi lahat ay bihasa sa paggamit ng Filipino sa pagpapaliwanag ng mga komplikadong konsepto.

Isa pang hamon ay ang kakulangan ng sapat na terminolohiya sa agham, na nagiging hadlang sa epektibong pagbabahagi ng impormasyon. Mahalaga ang papel ng mga STEM professionals na may kakayahan sa mahusay na komunikasyon at paggamit ng Filipino sa pagpapalaganap ng agham sa bansa. Kung mas marami ang mga eksperto na magiging aktibo sa paggamit ng Filipino, mas magiging bukas ang publiko sa mga konsepto ng agham.

Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng pag-asa na mas mauunawaan ng nakararami ang halaga ng agham sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang paggamit ng wikang Filipino sa agham ay hindi lamang paggalang sa kultura kundi isang mahalagang hakbang para sa inklusibong pag-unlad ng bayan.

GELLIDO EHRA PADILLA
Science Communication
REA TUMBAGA EHRA PADILLA

Venoms, Nilason ang Nebulas sa Frisbee House Game

Basketball

Empleyado ng Pisay, Nanaig sa Men and Women’s Basketball Exhibition Game

Nagwagi ang mga empleyado sa Exhibition Match ng Men’s Basketball sa Pisay@ , laban sa mga estudyante, - , sa PSHSMC Multi-Purpose Gymnasium noong Oktubre , .

Nagsimula ang laban sa anim na puntos ng Pallastro na agarang nadribol pabalik ng mga empleyado matapos ang pangalawang timeout kung saan ang iskor ay - , lamang ang Pallastro. Nasungkit ni Small Forward Elijah Mendoza ng Pallastro ang kanilang unang -point shot.

Ilang minuto bago matapos ang ikalawang quarter, natambakan ng empleyado ang Pallastro sa unang pagkakataon na may iskor na - . Agad naman itong binawi ng mga magaaral ilang saglit bago maubos ang oras, sa puntos na - .

Sinimulan ang ikatlong quarter sa pag-arangkada ng mga empleyado at tuluyang nilamangan ang kalaban. Nang nasungkit nila ang -point shoot, sinagot agad ito ng mga magaaral ng tres. Natapos ang quarter sa iskor na - .

Mahigpit ang paghaharap ng dalawang koponan sa ikaapat na quarter na nagpatagal sa laro. Natapos ang laro sa iskor na - na may free throw ng dalawang beses para sa Pallastro.

Sa labanan naman ng Women’s Basketball, unang nakakuha ng puntos ang mga estudyante na agad na niresbakan ng mga empleyado para makaiskor ng sais. Agad umarangkada para makabawi ang mga mag-aaral kaya naging -all ang iskor.

Tuluyan nang nasungkit ng mga guro ang puntos dahil sa sunud-sunod na steal. Bumawi naman ang mga mag-aaral kasunod ng timeout hanggang sa tuluyang nagsalitan sa puntos ang dalawang koponan.

End ball ang laro sa iskor na - , pabor sa mga empleyado.

laro sa soft cap na patakaran ng frisbee, kung saan hataw ang hagis ng Venoms para sa siyam na puntos.

AVRIL TAN

Team Food Busog sa House Exhibition Game ng Mobile Legends

Nebulas Hindi Nagpatinag sa Kamandag ng Venoms sa Table Tennis House Games

Over the Top: Opal Tagumpay sa Laro ng Lahi

Venoms, Panalo sa Galaw at Sigaw

Kasarian at Kasarinlan

para sa karamihan ang usapin

pagkakaroon ng kategorya hinggil dito, at ang pagpapairal ng mga patakaran na maaaring magdulot ng diskriminasyon sa nakararami. ng diskusyon, lalo na pagdating sa mga atletang hindi tugma sa tradisyunal na kategoryang lalaki at babae. Malinaw sa isports na may pagsukat sa kakayanan ng bawat isa at malinaw na may isyu ng lakas

Isang target ng mga kritisismo ng nakararami ay ang kompetisyon ipinanganak pero kinikilala bilang

Isang halimbawa nito ay si Hergie

Filipino boxer, na kung saan siya sa World Vovinam Championship ay nirereklamo ng Russia upang

sumubok ng male hormones o kahit anong operasyon kaugnay rito, siya ay nabatikos ng ibang bansa bilang

Isa pang katulad na kaso ay si Imane Khelif, isang Algerian boxer, na pinuna bilang “transgender” dahil sa kanyang mataas na testosterone level, ngunit may diferences of sex development (DSD) kaya ganoon ang resulta ng testosterone level. Pumasa man sila sa regulasyon ng kanilang patimpalak ay napupuna pa rin sila ng karamihan dahil sa kanilang mukha, kondisyon, at pagkakakilanlan.

Isa itong malinaw na tanda sa kawalan ng kaalaman, mababaw na pag-unawa, o maging lantarang pagtanggi sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) na nakaapekto sa pagtanggap at pamumuhay ng isang indibidwal kabilang ang mga atleta. Ang pagkatao ay hindi pasok sa mga pamantayan ng lipunan sa kung ano ang normal o natural. Hindi dahil ang isang tao ay mukhang lalaki ay may kasarian na siyang lalaki. Dapat nating respetuhin ang pagkakakilanlan ng mga tao nang hindi nililimitahan ang kanilang pangarap katulad ni Bacyadan.

Malayo na ang karera na tinakbo ng isports sa bansa, ngunit hanggat hindi malinaw ang polisiya at agenda ng iba’t ibang ahensyang pang-isports, mananatili ang usad-pagong na pagpapanalo sa pagkapantay-pantay na susi sa pagpapalaya.

FRITZ CAASI

Isa sa mga pinakamataas na maaaring marating ng mga batang atleta ay ang pambansang lebel ng kompetisyon na Palarong Pambansa at isa ang Pisay sa hindi magpapatalo sa lakas ng mga batang atleta.

Simula ng Pagkislap Hindi nagpatinag sa galing ng Kislap sa kanilang laban sa Women’s Volleyball laban sa mga atleta ng Central Luzon Campus (CLC) na ginanap sa Pisay-MC Volleyball Court noong Hunyo 11, 2024. Hinirang ang MC girls bilang kampeon ng match, 3-0.

Para sa kanila, hindi lamang ito isang laro. Isa itong pagkakataon na palakasin pa ang kanilang opensa at depensa sa volleyball. Isa itong paghahanda sa mga susunod nilang laban, lalo na ang Palarong Pambansa.

“Looking back, we could have strengthened our mindset and seen the opportunity to play against CLC not just as a new experience but also as an opportunity to improve and hone our skills for the upcoming Palaro. Had we shifted our focus from hesitation and fear to growth, we might have played with better focus and a stronger sense of purpose,” pahayag ni Kapitan DC Orongan, Middle Blocker ng MC Volleyball Girls.

Sa laro ng volleyball, hindi lang kakayahan at ensayo ang kailangan ng mga manlalaro. Mahalagang tanggalin ang kaba at ipakita ang kumpiyansa sa sarili at sa team.

Kahit na isinaad ni Liz Reyes, Middle Blocker ng MC Volleyball Girls, na mas mahina pa rin sila kumpara sa CLC team, ang paghawak ng mga manlalaro sa kanilang mental toughness sa gitna ng laro ang nagpanalo sa laban.

ng

Pagkakaisa at dedikasyon. Pinagtibay ng mga atleta mula sa Pisay MC at Pisay CLC ang kanilang pangako sa integridad at sportsmanship sa isinagawang oath-taking ceremony ng MC vs CLC Dual Meet.

FRITZ CAASI

MC vs CLC Meet

MC vs. CLC Dual Meet: Ang Pangarap ng Palaro

FRITZ CAASI

“The moment we stop being afraid of making mistakes, we don’t just play better—we play with freedom, confdence, and clarity, allowing us to fully enjoy what the sport is all about,” dagdag pa ni Orongan.

Lalo na’t nagsisimula pa lang sila, ang mga pagkakamali sa laro ay natural lamang. Hindi maiiwasan ang kaba ng mga manlalaro na nagdudulot ng hindi pag-ayon sa takbo ng laro, ngunit para sa kanila, tunay na nasa mindset lang ang mga ito.

“Instead of dwelling on our mistakes, we should have recognized that errors are part of the learning process. It’s natural to be hard on ourselves given that we were still in the early stages of our journey. We were still learning to handle pressure, recover from mistakes, and trust both ourselves and our teammates,” pahayag ni Orongan.

Leksyon ng Pagkatalo

Leksyon ang mga pagkakamali at pagkatalo sa larangan ng isports. Dito mas nakikita ng mga atleta ang mga problemang naranasan na nagdulot sa kanilang tuluyang pagkatalo.

Samantala, hindi naman pumabor sa MC Volleyball Boys ang hampas ng bola. Naging panahon ito ng repleksyon para sa mga manlalaro ng MC, lalo na para kay Kapitan Harvey Dolar, “Learned a lot. Gave an impact and awakening to some players na need umattend ng training. Just having the skills is not enough because through training, team chemistry is also worked on.”

Para sa kanilang team, nagkulang sa paghahanda ang mga manlalaro bilang isang grupo. Hindi kakayahan ang nagkulang para sa MC Volleyball Boys. Kung tutuusin, kabilang sa kanilang team ang malalakas na manlalaro ng volleyball ngunit nagkulang sila sa lakas bilang isang koponan.

Sa mga pagbabago ng laro, hindi rin madaling naka-adapt dahil sa kanilang kakulangan sa ensayo. Dagdag pa niya, “There are sudden changes to the usual positions we play but we adapted to that as seen in the close loss in the 2nd set. For example, I have been training as an outside hitter for months but during the game, I became a middle blocker. We should have come prepared for these sudden changes as it can afect our gameplay.”

Pananatiling Kampeon

Kahit na paghahanda para sa Palarong Pambansa ang MC vs. CLC Dual Meet, hindi nagpatalo ang MC Swimmers. Ipinakita nila ang kanilang pagkabeterano sa paglangoy.

Nagwagi si Elizabeth Requioma, 1st place, sa 50m Freestyle Girls, 50m Backstroke Girls, 50m Butterfy Girls at 4x50m Medley Relay Girls kasama sina Seteara Lopez, Czeska Viktoria Torres at Zuleikarich Monarez.

Nagwagi naman si Jaime Uandorr Maniago, 1st place, sa 50m Backstroke Boys, 50m Breaststroke Boys, at 2nd place sa 4x50m Medley Relay Boys kasama sina Zachary Mactal, Raj Maniago, Gabito.

Pumangalawa naman sa kanila ay si Lopez sa 50m Breaststroke Girls at 50m Butterfy Girls. Si Monares naman ang kumuha ng 2nd place sa 50m Freestyle Girls. Nakamit din ni Mactal ang 2nd sa 50m freestyle.

Nagwagi na sa nakaraang Nationals Meet ng Palarong Pambansa si Jaime Uandorr Maniago para sa swimming na nagkamit ng ika-2at ika-5 pwesto sa 50m at 200m breaststroke. Gilas, Pallastro Hindi lamang sa sunod-sunod na pagkapanalo naipapakita ang gilas ng mga atleta. Sa isang larong natatambakan ng iskor ang team ng kalaban, kahanga-hanga ang kanilang paghabol upang tuluyang ipanalo ang laro.

Dribol tuluy-tuloy ang mga basketbolista ng MC sa kanilang laro laban sa CLC. Natambakan man sila ng frst half, nakabalik naman sila sa laro matapos ng isang bang bang fadeaway ni Marc Torralba.

“It feels great na the team didn’t lose their spirit and gave their all to retake the lead.” ani Elijah Khallel Olo, pangulo ng Pallastro.

Kapansin-pansin ang galaw sa poste ni Sid Paray, na nagresulta ng 10 na puntos. Nakarami rin sa fastbreaks at free throws si Khallel na nagbunga ng 11 na puntos. Kasama rin nila si Nick Marzan na may anim na puntos.

Sa gitna ng laro, kung saan maaari silang mawalan ng gana at kumpiyansa, ipinagpatuloy nila ito nang mas palaban. Sa kahit anong isport, usapin ang mindset, hindi lamang ang kakayahan ng mga atleta sa mga teknikal na aspeto ng laro.

Para sa Palaro

“We look forward to future matches and may the camaraderie built upon MC and CLC be spread to the other campuses as well,” dagdag ni Kapitan Harvey Dolar ng MC Volleyball Boys sapagkat sa kanilang pag-eensayo ay nakabubuo ng bagong koneksyon sa mga atleta mula sa iba’t ibang mga lugar.

Para sa pangarap na Palaro, maging bago o nagpapatuloy lang sa larangang ito, hindi mawawala ang tandem ng kakayahan, lakas, at mindset. Sa kanilang patuloy na ensayo bilang isang atleta at isang team, nabubuo ang kumpiyansa para sa Palarong Pambansa.

Sa kabila nito, ilan na sa mga atleta ng Pisay ang namamayagpag sa Palaro. Nariyan sina Marc Nathan Ayson ng Batch 2030 na nakahakot ng 1 ginto at 2 pilak na medalya ng Men’s Artistic Gymnastics at Miquelle Carlia M. Escalona ng 3 ginto ng Rhythmic Gymnastics sa Division Meet ng kompetisyon. Sa mga nakamit ng mga batang atleta ng Pisay sa isang paligsahang kinikilala ng buong bansa, mas marami pa ang maparangalan sa lebel na nasyonal kung maibibigay ang tamang suporta, pagprapraktis, at kalagayan upang mahubog pa ang kanilang talento at mga kakayahan.

Sa pamamagitan ng MC vs. CLC Dual Meet na isang friendship game ng dalawang kampus ng PSHS, tila mas malapit na ang pangarap sa Palaro para sa ibang mga atleta. Para sa dalawang kampus, mas handa na sila sa ibang mga paligsahang pampalakasan.

Tagumpay at pagkakaisa. Masigabong pagbati ang ibinigay ng Women’s Volleyball Teams
Pisay MC at Pisay CLC matapos ang kanilang matagumpay na dual meet game.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.