Ang Lagablab: Tomo XXXV-II, Bilang I (Setyembre 2023 - Marso 2024)

Page 1

EDITORYAL

Nagbalik ang National Competitive Examination (NCE) sa Philippine Science High School (PSHS) bilang mode of admission ng paaralan para sa taong panuruan 2024–2025 matapos ang tatlong taong pandemya.

Sinuspinde ng PSHS System ang NCE mula taong 2020 hanggang 2022 dahil sa COVID-19. Inilunsad ang Requirement for Admission, Criteria and Evaluation (RACE) bilang alternatibo, kung saan naging basehan sa pagtanggap ang grado ng mga mag-aaral sa ika-limang baitang at ipinasang sanaysay sa Ingles.

Ipagpatuloy sa pahina 2

LATHALAIN

Ngalan ng Modernisasyon: Ang Haring Walang Kalsada

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL - MAIN CAMPUS PARA SA KATOTOHANAN, PARA SA BAYAN TOMO XXXV-II BLG 1 @ANGLAGABLAB
abla Ang
p. 6
Ikatatatag
Diumano’y maitatatag nito ang pundasyon ng mga batang mag-aaral ngunit hindi maihuhulma ang kabataan sa tunay na nasyonalismo at pagiging makabansa. p. 15 AGHAM CATsama ng Komunidad Sa pagbabalik sa Pisay, hindi lamang mga kaklase at guro ang tiyak na sumalubong sa atin, kasama ang mga pusang tambay ng kampus sa mga magigiliw na tagatanggap. p. 10
MATATAG:
Nga Ba?
Hindi lamang mga pasahero ang dinadala ng mga simpleng sasakyang ito, maging ang kuwento ng bayan—ang ating kasaysayan at kultura, mga bagay na makapagsasabing Pilipino tayo.
Sa

Matapos ang 3 Taon NCE Nagbalik

Nagbalik ang National Competitive Examination (NCE) sa Philippine Science High School (PSHS) bilang mode of admission ng paaralan para sa taong panuruan 2024–2025 matapos ang tatlong taong pandemya.

Sinuspinde ng PSHS System ang NCE mula taong 2020 hanggang 2022 dahil sa COVID-19. Inilunsad ang Requirement for Admission, Criteria and Evaluation (RACE) bilang alternatibo, kung saan naging basehan sa pagtanggap ang grado ng mga mag-aaral sa ika-limang baitang at ipinasang sanaysay sa Ingles.

Isinagawa ang NCE sa PSHSMC noong Nobyembre 18, 2023.

Ayon kay G. Fortunato Tacuboy, Chief Examiner para sa NCE, malaki umano ang naitulong ng mga bagong silid ng Front Extension at Back Extension ng paaralan sa matiwasay na pagtanggap sa libo-libong aplikante sa parehong umaga at hapong iskedyul.

“Dahil sa tatlong taong pagkawala ng NCE, naging pangamba na nakalimutan [na] ng mga empleyado kung paano ito ginagawa,” dagdag ni G. Tacuboy.

Ilang mga kasalukuyang magaaral ng Pisay ang napahayag ng positibong pananaw sa pagbalik ng NCE dahil umano sa mas obhektibo at standardized ng pagsusulit sa pagsasala ang mga aplikante.

“Mainam para sa Pisay ang pagbabalik ng NCE para mapanatilii ang pamantayan ng kahusayan sa mga papasok,” ani Ehra Padilla, isang Grade 11 at dating kumuha ng NCE.

Kasabay naman ng pagbabalik ng NCE ang muling pag-arangkada ng NCE Caravan, isang programang lumilibot sa mga paaralang

Panoorin ang panayam kay: E. Domingo

elementarya sa Kalakhang Maynila upang hikayatin ang mga magaaral na magpasa ng aplikasyon. Ito ay matapos ang tatlong taong birtwal na pangangampanya sa mga paaralan gamit ang social media at email.

Sa isang panayam kay G. Efren Domingo, pinuno ng NCE Caravan, wala umanong nagbago sa layunin at istilo ng NCE Caravan.

“Naganap lamang ang pagbabago noong lockdown dahil ipinapadala lamang ang mga materyal at anunsyo sa email ng mga paaralan at pag-post sa

mga social media platform,” aniya. “Nagkaroon din ng pagtutulungan sa pagitan ng mga stakeholders tulad ng barangay, simbahan, malls, terminal, at iba pa sa pagpapakalat ng impormasyon.”

Para sa buong panayam kay G. Domingo, i-scan lamang ang QR code.

Taunang HumFest 2023 Patuloy sa Pagsibol

Pinangunahan ng Values Education at PEHM Unit ang pagdiriwang ng Pista ng Humanidades (HumFest) 2023 mula Disyembre 18-21, 2023, na may temang “Pagsibol at Pagyabong: Bunga ng Karanasan at Kahusayan.”

Sinalubong ang Pista ng mass demonstration sa saliw ng musikang “Galaw Pilipinas” na pinangunahan ng Dance for Fitness.

“Gaya ng mga punong dumaan sa matitinding bagyo, nalagas man ang mga dahon…matapang pa rin itong nakatayo…handa pa rin sumibol at yumabong… maghilom, mamulaklak, at mamunga,” pagbabahagi ni Gng. Lerma Espina ng Filipino Unit sa nilalaman ng tema.

Ipinaalala rin ni Campus Director Lawrence Madriaga ang halaga ng Humanidades bilang katuwang ng Agham.

“Ang humanidades ay napakahalagang sangkap sa pagsibol at pagyabong ng ating mga iskolar,” pahayag niya.

Pinalalim ito ni Dr. Reynaldo Vea, unang valedictorian ng Pisay, sa kaniyang pagbabahagi

Panoorin ang MV ng: Sa Paglipad ng Bagong Pilipinas

ng mga karanasan sa buhay at sa larangan ng Agham bilang iskolar noong 1969 hanggang sa kasalukuyan.

Inawit ng bandang We Love Moms ang kanilang orihinal na kanta ng HumFest 2023 na “Husay na Taglay Mo.”

Tumugtog din ng mga awiting Pinoy ang Quezon City Symphonic Band Concert na sinundan ng pagtugtog ni Anthony Ryan Cruz ng “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.”

Nagpatuloy ang mga pagtatanghal sa unang araw ng pista sa PEHM Rally, kung saan itinanghal ng We Love Moms at SaGala ang “Sa Paglipad ng Bagong Pilipinas.”

Alinsunod sa taunang tradisyon, sabay-sabay na ginanap sa ikalawang araw ang Spelling Bee, Storytelling, at Speech Festival. Samantala, pinakinggan ng SYP ang mga likhang trailers ng bawat block para sa Radio Drama.

Nagbabalik na rin ang mga patimpalak ng mga klase sa pagtatanghal. Naglaban-laban ang Batch 2029 sa Sabayang Pagbigkas. Inuwi ng seksyong

Bilang pagtataguyod sa Agham at Teknolohiya, nagkaisa sa musika ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kampus ng Philippine Science High School System (PSHSS) sa kauna-unahang Indak Agham Himig Kaunlaran Music Video Competition.

Diamond ang unang gantimpala habang Opal at Garnet sa ikalawang gantimpala .

Sumayaw-sumunod sa mga awiting mula sa iba’t ibang mga dekada ang Batch 2028 sa kompetisyong Sayaw ng Dekada. Nagwagi ang Sampaguita sa kantang “Di Ko Na Mapipigilan” ng SexBomb Girls. Sinundan ng Champaca sa ikalawang gantimpala habang Adelfa naman sa ikatlong gantimpala.

Ang Batch 2026 naman ay nagpaligsahan sa Sayaw Interpretasyon ayon sa temang “Makabayan, Ang Inyong Magagawa Bilang Kabataan.”

“Para ito sa mga lahat na nawalan ng boses…para sa bawat kaluluwa,” ang mensahe ng mga mag-aaral mula sa 10-Truth sa kanilang pagsayaw sa “Bawat Kaluluwa” ng IV of Spades. Ang kanilang presentasyon ang sumungkit ng unang gantimpala na sinundan ng Gluon at Charm sa ikatlong gantimpala.

Ipinalabas naman ang mga bidyo ng Slam Poetry ng mga napiling grupo ng Batch 2025. Nagwagi ang 11-G ng unang gantimpala na sinundan ng 11-C at sa ikatlong gantimpala ang 11-A .

Huling pinarangalan ang mga SYP students na nanalo sa patimpalak na Radio Drama. Ang nagwagi ng unang gantimpala ay ang “Girl from 2100” ng 11E, sinundan ng “In the Palm of Your Hand” ng 11-D, at ikatlo

Nasungkit ng Main Campus ang ikaapat na gantimpala sa kanilang pagtatanghal ng “Sa Paglipad ng Bagong Pilipinas” matapos ibida ng 16 na kampus ang husay at talento sa kantahan, sayawan, at tugtugan sa nasabing kompetisyon.

Binubuo ang PSHS-MC team ng SaGala Dance Crew at bandang We Love Moms na nagbigay-buhay sa liriko at komposisyon nina G. Mark Alegre at Gng. Melody Hernandez.

Balikan ang Humanities Festival Sa Mga Larawan:

ang Project 41R ng 11-F. Mula sa ika-12 na baitang, ang “After the End” ng 12-F para sa unang gantimpala, sinundan ng “Hope is the Thing You Hear Underwater” ng 12-A, at ang “A Bar at the End of Time” ng 12-B na nakakuha naman ng ikatlong gantimpala.

Nagtagisan din ang mga piling mag-aaral ng Batch 2027 sa kasaysayan sa Pisay History Bee and Bowl. Hinirang na kampeon ang Beryllium na binubuo nina Clarise Ilonah Chavez, Tyrone Lemuel Cabiao, Danilo Fajardo III, John Glenn Pascual, at Amiel Isaiah Layco.

Naglaban-laban ng kaalaman sa Humanidades ang mga guro ng STEM sa STEMANITIES: Quiz Bee sa Gymnasium. Pinarangalan ng unang gantimpala ang mga guro mula sa Research Unit habang ikalawa ang mga guro sa CompSci. Nagtamo ng ikatlong gantimpala ang Physics Unit.

Nagkaroon din ng eksibit ng mga diorama tungkol sa panitikan ang Batch 2027 na may temang Katotohanan sa Panitikan 2023: Pagsusuri sa mga Pampanitikang Pilipino.

Sa gabay naman ni G. Rens Tuzon, nasaksihan ng Batch 2024 ang paggamit ng ibang midyum sa sining at sinubukang magpinta gamit ang kape sa Sining Kape at Kultura sa ASTB Hall.

Isinagawa naman ang pagbibigay ng mga regalo sa mga bata ng Student Catholic Association sa SHB Front Lobby. Nagtapos ang pista sa mensahe ni CID Chief Efren Paz, “Matapos ang dilim at hamon ng pandemya, tayo’y sumibol muli at muling nagtatampok ng ating kahusayan.”

Matapos ang mga pagtatanghal at pagpaparangal, inihandog ng Humanities Festival Documentation Team ang Audiovisual Presentation (AVP) sa komunidad.

“Happy [na] happy kami to bring the experience within this school year 2023-2024 kasi bumalik ang mga dati nating ginagawa na mahihirap, challenging, subalit talaga namang napakasaya para sa mga estudyante,” dagdag ni Bb. Natalie Basquez, Chairperson ng Humanities Festival Steering Committee sa isang panayam.

Live na nagtanghal ang limang pinakamahuhusay na music video mula sa iba’t ibang kampus sa Philippine International Convention Center (PICC) bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Youth Science, Technology, and Innovation Fest (NYSTIF) 2023 noong Oktubre 27. Kasama ng Main Campus, nagpakitang-gilas din sa NYSTIF 2023 ang mga kalahok mula sa CALABARZON Regional Campus, Caraga Regional Campus, Zamboanga Peninsula Regional Campus, at Southern Mindanao Campus.

Layunin ng kompetisyon na isulong ang pagpapahalaga sa Agham at Teknolohiya sa masining na paraan at ipakita na higit sa pang-akademikong kahusayan ang kakayanan ng mga iskolar ng PSHSS.

Mapanonood ang music video ng PSHS-MC sa Facebook page ng PSHS System sa direksyon nina Kaleena Clarice So at Marinela Dyan Tiu.

BALITA 2
ART DELOS SANTOS AT AUOIE GONZALES
MEJORADA
Main Campus Nasungkit Ika-4 Parangal sa Indak Agham RACHEL MARIE GRACE
IVAN BENEDICT GARCIA MON PEREZ

ALAB Week 2023 Nagliyab sa Unang Linggo ng Pasukan

Pinasiklab ng ALAB Week 2023 Back to School Fair ang pagsisimula ng SY 2023–2024 sa Philippine Science High SchoolMain Campus (PSHS–MC) mula Agosto 22-25, 2023.

Binuksan sa isang Grand Welcome & Community Celebration ang panuruang taon sa saliw ng musika ng Makati Royal Crusaders Drum & Lyre Corps at ensemble club na Bravura.

Inaasahan ni Campus Director Lawrence V. Madriaga na ang panuruang taon ay maidaraos nang mas maayos kumpara noong nakaraang taon.

Ibinahagi ng ilang mga guro at estudyante sa Audio-Visual Presentation (AVP) ang kanilang inaasahan para sa bagong akademikong taon sa pangunguna ng Ang Lagablab, The Science Scholar, at Student Council.

Pinangunahan ng Batch 2026 ang pag-organisa ng kaunaunahang ALAB Week sa tulong ng Batch 2026 Parent-Teacher Council (PTC).

“Noong simula, na-overwhelm kami sa mga kailangang gawin para sa ALAB Week dahil nasabihan lang kami bago matapos ang school year, halos buong summer lang ang preparation period for ALAB Week. Pero noong nagsimula na kami sa mga kailangang gawin, nalaman namin na, “’kaya naman pala namin ito,’” ani Chezca Sabino, presidente ng Batch 2026 Council.

Idinaos din ang mga oryentasyon sa mga polisiya para sa SY 2023–2024, kung saan inanunsyo ng Student Discipline Office (SDO) na ipinagbabawal na ang food delivery maliban sa araw ng Miyerkules, 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.

Hinikayat din ng iba’t ibang mga club ang mga estudyante na sumali sa ginanap na Club Fair

sa Gymnasium. Binigyan nila ng pagkakataon na makita at makilala ng mga mag-aaral ang mga club sa pamamagitan ng pagsubok sa iba’t ibang aktibidad.

Nagtanghal naman ang mga bandang Lola Amour at formerly Maryknoll kasama ang mga banda sa Pisay na The Throwers, Rose Tinted Glasses, tekni/kolor, Saan Banda, Leverage, Panjia, at Death of Aldub sa pagtatapos ng ALAB Week.

Muling pinasigaw ang Pisay sa pagbabalik ng Lola Amour sa kanilang pagtugtog ng mga kantang Dahan-Dahan, Maybe Maybe, Fallen, Pwede Ba, at Raining in Manila.

“The energy is always good here…Despite people graduating, it’s still always fun to play here,” pahayag ni Pio Dumayas, bokalista ng Lola Amour, tungkol sa kanilang pagbabalik sa kampus matapos ang apat na taon.

Pinainit din ng formerly Maryknoll ang entablado sa pagtatanghal ng Death Throes of a Struggling Romance, Last Will Ni Toledo, Jesus and Maryknoll, Favorite Darling Girl, She Sees Secret Cyphers, Soma, Someone Still Loves You Phoenix Manalo, at Lucky Number 9 + And Yet It Moves.

“Noong high school, nagbabattle of the bands ako, masaya, it takes me back,” ibinahagi ni Jillian Santiago, bokalista ng formerly Maryknoll.

“I’m pretty sure that this concert will be a very memorable experience,” banggit ng isang estudyante ng Batch 2029 bago magsimula ang mga pagtatanghal.

Sa kabuuan ng linggo, ginanap din ang ALAB Fair na may iba’t ibang booth ang maaaring puntahan ng mga estudyante bilang bahagi sa paghahanda at pagsisimula ng akademikong taon.

PSHS–MC Alumna Ginawaran ng Ramon Magsaysay Award

Pinarangalan ng Ramon Magsaysay Award si Miriam Coronel-Ferrer mula sa Batch 1977, bilang peace negotiator mula sa Pilipinas noong Nobyembre 11, 2023.

Kinilala ng Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) ang kaniyang paniniwala na ang kapayapaan ay hindi mabubuo sa mga marahas na istratehiya. Para sa kanya, mahalagang gamitin nang lakas loob ang taglay na talino sa pagharap ng mga pagsubok.

Kabilang sa mga kontribusyon ni Coronel-Ferrer ang pagbabalangkas ng unang National Action Plan on Women, Peace, and Security sa bansa. Siya rin ay nanguna sa Philippine Government Peace Panel sa pakikipagsundo nito sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinundan ng pagpirma ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) noong taong 2014.

International Mathematical Olympiad (IMO) 2023

Raphael Dylan Dalida Silver Medal

Panalong Pisay

International Chemistry Olympiad (IChO) 2023

Kiersten Gene Calubaquib Honorable Mention

Co-funder din siya ng Southeast Asian Women Peace Mediators na layuning maging tulay ng mahahalagang usapin at inisiyatibang para sa pagpapanatili ng kapayapaan.

Iginagawad ang Ramon Magsaysay sa mga indibidwal at organisasyon na nagpamalas ng mapagmalasakit na serbisyo, isa sa pinakamataas na parangal sa Asya.

Kabilang din sa 2023 Ramon Magsaysay Awardees sina Korbi Rakshand (Bangladesh), para sa edukasyon; Eugenio Lemos (Timor-Leste), kinikilalang protektor ng kapaligiran at katutubong kultura; at Ravi Kannan R. (India), isang pro-poor at pro-people surgical oncologist.

Noong 2011, pinarangalan din ng PSHS National Alumni Association si CoronelFerrer ng Gawad Lagablab for Outstanding Alumni bilang pagkilala sa kaniyang mga naging kontribusyon sa pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa.

International Physics Olympiad (IPhO) 2023

Harold Scott Chua

Medal

Mention

Erwin Tardecilla Participant

International Olympiad on Astronomy and Astrophysics (IOAA) 2023

Yanna Lorraine Tenorio

Honorable Mention

Patrick Gabriel Abeleda

Sean Ken Galanza Caesar Lopez Participants

Ang Lagablab Muling Nagpasiklab sa DSSPC 2024

Kinilala ang mga pinakamahuhusay na mamamahayag pangkampus sa idinaos na 2024 Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) noong Pebrero 14, 2024.

Sa huli, sa group categories, nakamit ng pangkat ng Online Desktop Publishing ang ikatlong gantimpala sa Overall Output, unang gantimpala sa Pahinang Lathalain, ikalawang gantimpala sa Layout, ikatlong gantimpala sa Pahinang Balita at Isports, at ikaapat na gantimpala sa Pahinang Opinyon na binubuo nina Rachel Mejorada, Nickzel Pagayatan, Nicole Ang, Miguel Tabio, at Xeanne Necesito.

Ginawaran din ng unang gantimpala para sa Infomercial at ikaapat na gantimpala para sa Technical Application ang Radio Broadcasting group na binubuo nina Mico Xander Rubico, Nissi Palada, MJ Dela Cruz, Shae Villadarez, at David Avena.

Naipanalo naman ng TV Broadcasting na binubuo nina Niki Ebreo, Sean Magpantay, Luch Tolin, Quenso Tambalque, at Asha Jesoro ang ikatlong gantimpala para sa Best Script at ikaapat na gantimpala para sa Overall Output. Nakamit naman nina Tambalque at Magpantay ang ikaapat na gantimpala para sa Best News Presenter at ikalimang gantimpala para sa Best Anchor.

Sa Collaborative Desktop Publishing na binubuo nina Wrynah Calpito, Jhoenica Gellido, Maia Habal, Carla Habito, at Fritz Caasi, natanggap nila ang ikalawang gantimpala para sa Pahinang Lathalain, Opinyon, at Isports, pati na rin ang ikalimang gantimpala para sa Best Layout at ang ikalawang gantimpala para sa Overall Output.

Sa individual categories, nakamit ni Ethan Norcio ang ikaanim na gantimpala sa Pagsulat ng Balita.

Wagi naman sina Carl Valois at Mico Rubico na nakakuha ng ikaanim at ikasiyam na gantimpala sa pagsulat ng kolum.

Naipanalo rin ni Nickzel Pagayatan ang ikaapat na gantimpala sa pagsulat ng agham. Para naman sa pagwawasto at pag-uulo ng balita, ikasiyam na gantimpala ang natanggap ni Ivan Garcia.

Nakamit din ni Maia Habal ang ikapitong gantimpala para sa pagguhit ng editoryal kartun.

Nasungkit din ni Sean Magpantay ang ikalawang gantimpala para sa kategoryang mobile journalism.

Nagtagumpay si Miguel Tabio sa pagkuha ng larawan matapos niyang matanggap ang unang gantimpala at ikalawang gantimpala naman ang naipanalo ni Wrynah Calpito pagdating sa pagsulat ng editoryal.

Silang dalawa ang aabante para maging kinatawan ng Lungsod Quezon sa darating na Regional Secondary Schools Press Conference (RSSPC).

Itinanghal at naidepensa muli ng PSHS-MC ang Overall Top Performing School at ang Ang Lagablab bilang Overall Best Publication sa Filipino ng 2024 DSSPC.

GONZALES AT NISSI PALADA

The Year of the Periwinkle: PSHS–MC Alumnus

Nag-uwi ng Carlos Palanca Memorial Award

Nasungkit ng Philippine Science High School - Main Campus (PSHS-MC) alumnus Rio Renato Constantino ng Batch 2018 ang unang gantimpala sa English Division ng 71st Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong Nobyembre 27, 2023.

Ang kanyang sanaysay na pinamagatang “The Year of the Periwinkle” ay tungkol sa kanyang paglaban sa NonHodgkin’s lymphoma, isang uri ng kanser.

Nagtapos si Constantino sa kursong Biology ng University of the Philippines - Diliman noong 2023, kung saan siya rin ay isang biologist at research associate.

Ayon sa kanyang sanaysay, huling taon na dapat ng kanyang pag-aaral nang siya ay ma-diagnose ng lymphoma at sumailalim sa chemotherapy noong 2021.

“Para bang nahuhulog na ako sa bangin na sobrang lalim at dilim, sinakop nito ang aking kalahatan, na nag-iwan blankong takot sa aking isipan,” hinaing ni Constantino.

Bukod sa chemotherapy, sumailalim din si Constantino sa gamot na Vincristine, mula sa halamang Madagascar periwinkle na nadiskubreng nakapagpipigil ng pagdami ng cancer cells sa katawan.

Ilang buwan makalipas siyang ma-diagnose ng cancer, natagpuang wala na ang kanyang mga tumor at idineklara siyang malaya na mula sa Non-Hodgkin’s lymphoma.

Ayon sa manunulat, tila nanakawan siya ng kabataan dahil sa murang edad na 23, limitado ang kanyang galaw dahil sa kanyang kanser na sinabayan pa ng pandemya.

“In what should have been the prime of your life, a glimpse of your frailty at 80,” ani Constantino. Nagtapos ang sanaysay sa adhikain niyang pangalagaan ang kalikasan, dahil utang na loob niya rito ang pagpapagaling sa kanya ng Vincristine.

Ayon kay Constantino sa isang panayam, una niyang naisipang sumali sa Palanca noong nasa ospital para sa kanyang chemotherapy.

“Magsulat lang talaga. Huwag niyong masyadong isipin ang award. Isulat niyo lang kung anong gusto niyong isulat. Kung manalo, panalo. Kung hindi, hindi. Puwede mong subukan ulit,” payo ni Constantino sa mga gaya niyang manunulat.

Kasali si Constantino sa 54 na nanalo mula sa mahigit isang libong lumahok sa dalawampung kategorya ng Palanca noong nakaraang taon.

BALITA 3
ART DELOS SANTOS
AUOIE CARLA HABITO SEAN MAGPANTAY ANG LAGABLAB
Bronze
Benjamin
Honorable
Dirk
Jacob

PATNUGUTAN

Wrynah

Nickzel

PAHAYAGAN

bawasan ang mga learning competency sa pagtatatag ng pundasyon ng isang bata.

Binawasan ang mga aralin at pinagsama-sama sa iilang asignatura ang mga itinuturo sa kasalukuyang kurikulum. Ang dating pitong asignatura na Mother Tongue, Filipino, English, Mathematics, Araling Panlipunan, MAPEH, at Edukasyon sa Pagpapakatao sa kurikulum ay naging lima na lang—Language, Reading at Literacy, Mathematics, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct (GMRC). Parte ng MATATAG ang pagkakaroon ng asignaturang Makabansa na layuning linangin ang nasyonalismo ng mga estudyante.

Makatutulong sa ating sistema ng edukasyon kung mas kaunti ngunit pundamental at nabibigyang pokus ang bawat learning competency, lalo na sa antas elementarya.

Diumano’y maitatatag nito ang pundasyon ng mga batang magaaral ngunit hindi maihuhulma ang kabataan sa tunay na nasyonalismo at pagiging makabansa.

Kakayahan sa mga Learning Competency

Ikatatatag ng mga estudyante ang pagpokus sa mga learning competency sapagkat patitibayin nito ang mga haligi ng kanilang kaalaman, kakayahan, at pagkatao.

Ayon sa World Bank, nakararanas ng krisis sa edukasyon ang Pilipinas bago pa man ang pandemya na nagpatuloy matapos ang pandemya. Sa taong 2023, naitala ang Pilipinas sa nakararanas ng pinakamalalang kaso ng learning poverty sa Silangang Asya at sa Pasipiko.

Siyam sa sampung Pilipino ang hindi marunong magbasa at intindihin ang nabasang materyal sa edad ng 10 anyos. Inuulat din ang 91% learning poverty rate sa 2023, katulad ng 91% mula sa 2022 kahit sa pagbabalik ng face-to-face na klase.

Ilan sa mga dahilan o problema sa sistema ng edukasyon ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong guro, siksikang mga silidaralan, kakulangan ng dekalidad na pagtuturo, at hindi sapat na pagpopondo sa edukasyon. Sa kabila nito, maaaring mas pundamental pa sa ating sistema ng edukasyon ang problemang nararanasan.

Maraming mga learning competency ang inaasahang makamit ng mga estudyante sa isang tiyak na panahon ayon sa iskedyul at istruktura ng klase. Dahil ipinapasok lang ang maraming learning competency sa kurikulum at hindi ito nabibigyang pansin o natututukan, hindi tunay na nabubuo ang kanilang mga abilidad sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang.

Makatutulong sa ating sistema ng edukasyon kung mas kaunti ngunit pundamental at nabibigyang pokus ang bawat learning competency, lalo na sa antas elementarya.

Kamalayan at Nasyonalismo

Kinumpirma na ang pagpapalit sa “Diktaduryang Marcos” ng “Diktadura” na bahagi ng 2023

MATATAG Curriculum sa ikaanim na baitang. Sa pagtatanggal ng

Diumano’y maitatatag nito ang pundasyon ng mga batang mag-aaral ngunit hindi maihuhulma ang kabataan sa tunay na nasyonalismo at pagiging makabansa.

apelyido ng diktador, mabubura ang katotohanan mula sa mga aklat at diskusyon sa klase hinggil sa kasaysayan.

Bilang pundasyon ng kasalukuyan ang ating kasaysayan, malaking banta sa ating bansa—lalo na sa kabataan at sa akademya— ang pagbura sa apelyido ng pamilyang Marcos sa diktadurya, ang pamilyang umabuso sa mga Pilipino noong Batas Militar.

Hindi sapat ang MATATAG sa kanilang paglulunsad ng asignaturang Makabansa upang mapahalagahan ang nasyonalismo sa puso ng kabataan. Nararapat na mabuhay ang kamalayan ng kabataan sa kanilang komunidad hanggang sa ating lipunan sapagkat sa pakikialam ng isipan magsisimula ang pag-usbong ng pagmamahal sa bayan.

Kulang ang ikatatatag ng edukasyon kung ang sistema ay nababaon sa kasinungalingan. Walang magiging MATATAG, hangga’t walang pag-amin sa nakaraan.

Wala itong maidudulot kung pipigilan ang pagkamulat ng kabataan sa kasaysayan ng ating bansa—mga kuwento ng nakaraan na hindi nagbago sa ating lipunan. Hindi mabubuo ang nasyonalismo ng estudyanteng pinipigilan ng sistema na mabuhay ang kaniyang kamalayan.

Sa pagbabago ng mga paksa tungkol sa ating kasaysayan, hindi tunay na mabubuo ang pagiging makabansa ng mga estudyante. Marahil, dahil ito sa layunin ng pamahalaan na magtatag ng mga estudyanteng may mababaw na lebel ng pagiging makabayan.

Hindi nila nais ang kabataang may malalim na nasyonalismo sapagkat sila ang pupuna sa paglaban para sa masa at bayan. Handa ang kabataang malay at mulat sa lipunan na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at katarungan sa Pilipinas.

Kulang ang Pagkakatatag

Maaari mang maitirik nang maayos ang mga haligi ng kurikulum ngunit hindi kailanman magiging matatag ang sistema ng edukasyon kung peke at may kasinungalingan ang pundasyon. Makatutulong sa ating krisis sa edukasyon ang pagbaba ng mga learning competency na sa elementarya para sa paghulma ng mga pundamental na kakayahan. Gayunpaman, kung ang mga importanteng detalye hinggil sa ating kasaysayan ay tatanggalin, mabuo man ang kanilang abilidad na umintindi at umunawa, magreresulta ito ng kakulangan sa pagsusuri at kritikal na pagiisip. Hindi magiging sapat ang Makabansa kung ang kurikulum mismo ay may pagtatago sa katotohanan.

Kulang ang ikatatatag ng edukasyon kung ang sistema ay nababaon sa kasinungalingan. Walang magiging MATATAG, hangga’t walang pag-amin sa nakaraan. Ang katatagan ay patuloy na mauupos.

EDITORYAL 6
Dale
Patnugot
Calpito Punong
John Pagayatan Kapatnugot
Kywee Maristela, Mico Xander Rubico Punong Tagapamahala Rachel Marie Grace Mejorada, Quenso Tambalque Punong Manlilikha Ethan Anilov Norcio Patnugot sa Balita Nicole Kirsten Ebreo Patnugot sa Isports Jairo Gabriel Aban Angel Monica Louise Acorda Nicole Angeline Ang David Ryan Ashley Avena Marky Baniqued Ayeesha Mair Batoctoy Ralph Benedict Bolanos Karl Gabriel Bueser Fritz Gerald Caasi Justin Nicolas Camacho Chris Alex Camu Keith Martin Capiral John Russ Nathañeil Catli Claire Daryn Chua Arielle Francene Dela Cruz Aron Francis Dela Cruz Jan Makki Dela Cruz Art Delos Santos Julliene Rose Demetillo Mauje Gabriel Feraren Grandis Frias Timothy Jhon Frondozo Raygranth George Froyalde Andrea Margarette Ganancial Ivan Benedict Garcia Jhoenica Gellido Auoie Gonzales Mayreen Angela Habal Carla Marie Habito Ersha Aifha Jesoro Ryann Andrea Lakip James Aerone Lorenzo Sean Magpantay Rheann Daphne Marasigan Martin Christian Mendoza Quincy Jepp Morales Xeanne Chastise Necesito Dian Chrisse Orongan Juliene Nissi Palada Kathleen Gabrielle Penullar Marra Alliyaj Nicole Quetulio Kurt Harvey Reyes Kian Raine Rivera Kristofe Jay Saluaga Mackenzie Kobe Gabriel San Agustin Sebastien Mikhail San Agustin Miguel Tabio Maegan Audrey Tan Julianne Dominique Taoatao Anika Justine Targa Luch Marcus Mikhail Tolin Carl Andrew Valois Niña Viaje Frances Ylisha Villadarez Angelo Miguel Vinluan
Chrismyshell
Para sa katotohanan, para sa bayan. ANG LAGABLAB S.Y. 2023-2024
MAIA HABAL Dr. Lawrence V. Madriaga Direktor ng Kampus Efren J. Domingo Tagapayo
Nadale niya!

Pebrero 25: Limutin ang nakaraan

Maraming naganap nitong Pebrero.

Ngayong taon, masuwerteng makapagdiriwang ng kaarawan ang mga ipinanganak ng 29.

Hindi rin nakalilimutan ng mga Pilipino ang numerong 14, lalo na sa taong ito, sabay na ginunita ang Ash Wednesday at Araw ng mga Puso. Tila naging interseksyon ng pagmamahal at relihiyon ang araw na ito.

Sa gitna ng lahat ng mga pagdiriwang ngayong Pebrero, may isang pangyayaring tila nakalilimutan dahil sa pilit itong pinalilimot sa atin—ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Tinanggal ng Malacañang sa listahan ng mga holiday ang Pebrero 25, 2024, ang araw ng pagpapatalsik sa dating diktador Ferdinand Marcos Sr. na ama ng kasalukuyang presidente, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Isa itong insulto sa kasaysayan ng bansa, lalo na sa mga nagsakripisyong buhay.

Ang hindi pagdeklara ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay isang desisyon ng pamahalaan na nagpapakita ng sariling interes. Dagdag pa rito, malinaw itong pagbubura sa ating kasaysayan at pagkakaisa laban sa pamilyang Marcos.

Isa itong insulto sa kasaysayan ng bansa, lalo na sa mga nagsakripisyong buhay. Holiday Economics?

Ayon sa Ofce of the President, tinanggal ang Pebrero 25 sa mga holiday ngayong taon sapagkat ito ay papatak naman sa araw ng Linggo at walang epekto sa mga manggagawa.

Gayunpaman, sa parehong listahan ay nakadeklarang special non-working holiday ang Disyembre 8 na Feast of the Immaculate Conception of Mary kahit na pumatak ang pista sa araw ng Linggo.

Hindi rin pinaiiral ni Bongbong Marcos ang kaniyang kinikilalang Holiday Economics kung saan kapag tumapat ang isang holiday sa weekend, papahabain ito hanggang sa weekday. At sa kaso ng EDSA, hindi ito pinairal.

Hindi iyon ang desisyon ng batang Marcos. Hindi sinasabi ng gobyerno ang tunay na dahilan kung bakit tinanggal ng batang Marcos sa mga holiday ang araw ng pagpapatalsik sa kaniyang ama. Marahil ang kanilang tunay na dahilan ay ang pagbura ng katotohanan mula sa ating kasaysayan at pagpinta sa kanilang pamilya sa isang katanggap-tanggap na anggulo.

Si Tatay at si Junior Marahil ayaw niyang alalahanin kung paano napatalsik sa puwesto ang kaniyang ama at nawala ang kapangyarihan ng kanilang pamilya. Ayaw na rin nilang ipaalala sa masa ang diktaduryang Marcos.

Hindi niya gustong limutin ang kaniyang ama. Mas mainam na sabihing gusto niyang kalimutan ng bayan ang malagim na mga taon sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

Hindi lang ito ang kanilang pagtatangkang baguhin ang kasaysayan sapagkat sa pagtanggal ng apelyidong Marcos mula sa diktadurya sa kurikulum ay isang marahang paraan ng historical distortion.

Sa pagbabalik ng mga Marcos sa pamahalaan, patuloy ang adyenda ng kanilang pamilya na ipalimot ang yugto ng Batas Militar.

Gayunpaman, matagal na silang nagsimula. Ang pagkakaupo ni Bongbong Marcos sa Malacañang ay isang testamento nito. Sa kanilang pangangampanya pabalik sa puwesto, unti-unti nilang binabago ang katotohanan at kasaysayan sa pamamagitan ng kanilang propaganda at political machinery.

Huwag na Huwag Lilimutin Kung ang sigaw natin tuwing ika-21 ng Setyembre ay “Never forget! Never again to Martial Law!” Ito rin sana ang ating maging panawagan na huwag na huwag kalilimutan ang EDSA.

Tatlumpu’t walong taon na ang lumipas matapos ang marahas na diktaduryang Marcos hanggang sa pagpapanumbalik ng kalayaan at demokrasya. Sa apat na araw ng mapayapang pagprotesta, milyon-milyong mga Pilipino ang nagpakita ng walang pag-iimbot na katapangan at pagkakaisa laban sa malupit na rehimen.

Kahit na hindi ito idineklarang holiday ni Marcos, ang diwa nito’y hindi pang-isang araw lamang.

Tungkulin natin ang alalahanin ang mapayapang rebolusyon.

Dapat tayong magpatuloy sa pagtindig laban sa mga pangaabuso ng kapangyarihan at paglabag ng mga karapatang pantao na nagsisilbing banta sa kalayaan ng masang Pilipino.

Hindi dapat tayo makalimot at hindi maaaring maulit muli ang malagim na yugto ng ating kasaysayan.

Kahit na hindi ito idineklarang holiday ni Marcos, ang diwa nito’y hindi pang-isang araw lamang.

AGHAM ROAD

Dyaryo Abante

May Tanda ang Pananda

Pananda. Ito ang ginagamit para angkinin ang isang bagay, lugar, at pangyayari.

Kadalasang nakikita ang mga pananda sa mga mahahalagang imahe at lugar, maaaring kultural o historikal. Madalas, ito rin ay nagbibigay ng direksyon na makikita sa mga kalsada, kalye o eskinita.

Datapuwa’t, hindi nagtatapos doon ang gamit ng mga pananda, sapagkat ang isa sa pinakamahalagang layunin nito ay ang magbigay pagkakakilanlan sa isang bagay, lugar, pangyayari o kaisipan. Halimbawa, naghuhumiyaw ang mga pananda upang magbigay ng eksklusibong katangian sa nasabing lugar— Seafood Capital ang Capiz, Summer Capital ang Baguio, White Sand Beach ang Boracay, Dolomite Beach sa Maynila at marami pang iba.

Ngunit paano na kung sapilitang binago ang isang pagkakakilanlan?

Ito ang suliraning kinaharap ng Agham Road nang ito ay gawing Senator Miriam P. DefensorSantiago Avenue sa pamamagitan ng Republic Act 11963 na kilala bilang House Bill 7413.

Hindi lang ito tungkol sa kalsada. Ito ay usaping kultural.

Inisyal na ipinasa ang panukalang-batas sa House of Representatives noong Marso 21, 2023, at sa Senado noong Agosto 14 ng parehong taon. Sa kabila ng kaliwa’t kanang negatibong puna mula sa komunidad ng Philippine Science High School - Main Campus (PSHS-MC) na matatagpuan sa Agham Road, 283 na kinatawan pa rin ang bumotong pabor sa pagpapalit ng pangalan. Ni isa ay walang kumontra.

Dahil hindi inaksyunan at pinirmahan ng pangulo ang panukalang-batas sa loob ng 30 na araw mula sa pagkakapasa nito, opisyal itong naging batas noong Oktubre 12, 2023, at tuluyang naging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue ang dating Agham Road at BIR Road. Karangalan o Kaepalan?

Ayon kay Juan Miguel Zubiri, ang Pangulo ng Senado, ito raw ay isang munting paraan upang bigyang pagkilala ang mga nararapat na mabigyan nito, at isa na nga rito ay ang dating Senador Santiago. Tunay na nakilala ang yumaong senador sa kanyang 18 taong pagsisilbi bilang isang mambabatas, kasama pa ang kanyang tatak na awtoritibo at empatikong pananalita sa senado.

Subalit, nakalimot ba si Senador Zubiri at iba pang mambabatas sa tunay na layunin at ipinaglalaban ng yumaong senadora?

Isa si Senadora Miriam Defensor-Santiago sa mga nanguna sa Anti-Epal Bill na ipinagbabawal ang pagmamapuri ng mga opisyal ng gobyerno, hinalal o hinirang, sa pamamagitan ng paglagay ng kanilang mga pangalan o mukha sa mga inasyatibang pinondohan ng gobyerno na hindi nalilimita sa mga programa, proyekto, o mga pagpapananda sa makikitang mga kalsada.

Bumoto pa ring pabor sa pagpapalit ng pangalan ang 283 na kinatawan. Ni isa ay walang kumontra.

Ayon kay Santiago, sa pamamagitan daw ng Anti-Epal Bill ay matutuligsa ang matagal nang suliranin na political patronage at korupsyon sa bansa. Dahil dito, isang malaking kawalang-hiyaan at kawalanggalang kay Senator Miriam Defensor-Santiago ang “karangalang” ibinigay sa kanya na siya mismo ang nangungunang tumutunggali.

Hindi Maliit na Bagay Hindi lang ito tungkol sa kalsada. Ito ay usaping kultural.

Ang pagpapalit ng kilanlan sa panandang Agham Road ay pagsasawalang-gunita sa mga alaalang iniwan ng ilang henerasyon ng mga iskolar, manggagawa, at residente rito. Nadamay rin ng pagpapalit ang pagbibigay-inspirasyon ng Agham Road sa mga siyentista at kabataang naghahangad na maisabuhay ang agham at teknolohiyang naglilingkod para sa bayan.

Ang Agham Road ay nagsilbing tahanan sa iba’t ibang komunidad kasama na ang PSHSMC na halos 54 taon, ngunit ni isang beses ay hindi ito nilapitan at pinakinggan ng mga kinatawan habang binubuo ang panukalangbatas.

Ang pagpapalit-pangalan sa Agham Road ay hindi maliit na bagay. Ito ay pananda sa kawalang-muwang ng mga mambabatas sa tunay na isyu ng lipunan na kung saan inilalaan nila ang kanilang oras at panahon sa mga bagay na hindi kagyat na pangangailangan ng bayan. Mas marami pang problemang dapat kinakaharap kumpara sa pagpapalit ng pangalan.

Ito ay pananda na hindi pa tapos ang pagtindig at pagkrusada laban sa mga mapang-abuso at mapanlinlang sa bayan na binigyang-diin ni Senadora Santiago. Sa pagpapalit ng pangalan, hindi na lamang kahusayan sa agham ang indikasyon ng kalye, kundi ang mahabang prinsipyo ng dating Senadora laban sa mga mapangabuso sa kapangyarihan.

Ito ay pananda sa pagpapatuloy ng mga boses na magsisimula sa ating tahanan, ang Agham Road.

EDSA PEOPLE POWER
JAIRO GABRIEL ABAN
KOLUM 7

PANGMAYAMAN ANG PISAY

Iskolar ng Bayan o Iskolar ng Yaman?

Ang kadalasang imahen ng mataas na pamantayan ng edukasyon sa Pisay ay naglalarawan ng isang paaralang para sa mga piling estudyante ng masa. Subalit, ang kakaibang katotohanan ay maaaring mas kaakit-akit para sa mga may kayamanan.

Base sa huling tala ng Registrar Office ng Pisay, tumataginting na 65% ng mga estudyante ay nagmula sa mga pribadong paaralan. “

Ang Tumitinding Agwat sa Edukasyon

Base sa huling tala ng Registrar Ofce ng Pisay, tumataginting na 65% ng mga estudyante ay nagmula sa mga pribadong paaralan. Nagsasalaysay ito ng nakalulungkot na katotohanan: ang PISAY, na kilala sa pagiging isang institusyon para sa mga karapat-dapat na Iskolar ng Bayan, ay tila mas naging abotkaya lamang para sa mga mayayaman.

Sa kabilang banda, ang masusing pagsusuri sa mga estadistika ay naglalarawan ng isang mas malalim na isyu. Bagaman ang mga numerong ito ay nagpapahiwatig ng mas maraming mga estudyanteng nagmumula sa pribadong paaralan, kinakailangan nating suriin ang mga sanhi ng ganitong katunayan. Hindi lamang ito simpleng pagpapakita ng agwat sa yaman, kundi mas malalim na pagtukoy sa mga sistemikong hadlang at pagkakaiba sa oportunidad sa edukasyon sa bansa.

Ang Pagkakaiba sa Akses sa Edukasyon

Sa patuloy na pagdami ng mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan, lumalabas na ang PISAY ay nagiging isang silid-aralan para lamang sa mga mapalad na may kakayahang magbayad ng mataas na matrikula. Ang ganitong kalagayan ay naglalarawan ng malalim na agwat sa akses sa edukasyon sa Pilipinas. Ang mga mayaman na may kakayahang magbayad ng mataas na matrikula sa pribadong paaralan laban sa mga mahihirap na patuloy na nag-aagawan para sa limitadong slot sa pampublikong institusyon tulad ng Pisay.

Ang pangangailangan ng bansa sa mas malawakang pagtutok sa pampublikong edukasyon ay hindi mapapansin, habang ang komersyalisasyon ng edukasyon ay patuloy na nagpapalakas sa agwat sa pagitan ng mga mayaman at mahihirap. Ang patuloy na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga paaralang pribado ay nagiging hadlang para sa marami sa pagtupad sa kanilang pangarap ng de-kalidad na edukasyon.

Ang Konsepto ng Iskolar ng Bayan: Isang Sagabal?

Sa pagtingin sa kasalukuyang kalagayan ng PISAY, ang konsepto ng “Iskolar ng Bayan” ay maaaring maging mas kumplikado kaysa sa dating inaakala. Sa halip na maging isang sandigan para sa mga kabataang mahihirap, ang PISAY ay tila naging isang institusyon na kung saan ang mayayaman ay may mas malaking pagkakataon na makapasok. Ang mga tunay na Iskolar ng Bayan, na nagmumula sa mga pampublikong paaralan at nagtataglay ng potensyal na magkaroon ng mataas na antas ng edukasyon, ay patuloy na nahaharap sa mga hamon sa pag-access sa edukasyon.

Ang ganitong kalagayan ay naglalarawan ng isang mas malalim na problema sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Ang pribilehiyo na maipasok ang PISAY ay tila mas naging limitado sa mga estudyante mula sa pribadong paaralan, na nagbibigay diin sa ideya na ang edukasyon ay hindi tunay na pantay-pantay para sa lahat.

Sa kabila ng mga pahayag ng pagiging isang institusyon para sa mga Iskolar ng Bayan, ang PISAY ay tila mas naging isang institusyon para lamang sa mga may kakayahan at yaman.

Ang Hamon sa Kasalukuyan

Sa gitna ng mga isyu at hamon, mayroong responsibilidad ang pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan ng mga tunay na Iskolar ng Bayan. Kinakailangan ang mas malalim na pondo at pagtutok sa mga pampublikong paaralan, kasabay ng pagtataguyod ng mga polisiya na naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante mula sa mga mahihirap na pamilya.

Kailangan ding suriin ang mga mekanismo sa pagtanggap sa PISAY upang masiguro na ang bawat estudyante, anuman ang kanilang pinagmulan, ay may pantay na pagkakataon na magkaroon ng edukasyon. Dapat ding paigtingin pa ang mga programang pangsuporta para sa mga estudyante mula sa mga mahihirap na pamilya, tulad ng scholarship at fnancial aid, upang matiyak na walang maiiwan na kabataang may potensyal.

Sa huli, ang laban para sa pantay na akses sa edukasyon ay hindi dapat mawala sa kamalayan ng bawat mamamayan. Ang mga Iskolar ng Bayan ay dapat maging boses ng pagbabago at patuloy na ipaglaban ang kanilang karapatan sa edukasyon. Ang PISAY, bilang institusyon ng kaalaman at kaunlaran, ay dapat maging halimbawa ng katarungan at pantay na oportunidad para sa lahat ng mga mag-aaral. Ang pagtutulungan ng lahat, mula sa pamahalaan hanggang sa mamamayan, ay kinakailangan upang makamit ang pangarap na ito ng isang lipunang may pantay na oportunidad sa edukasyon.

Micoropono

Tatlong daan at tatlumpu’t limang milyong piso (335,000,000) o katumbas ng 67,000 taong stipend ng isang estudyante. Ganyan kalaki ang nabawas sa 2024 budget ng Philippine Science High School System. Bilang estudyante, natural na mag-alala kami dahil posibleng malaki ang epekto nito sa aming pag-aaral.

Ganyan ba katakot ang mga namumuno sa mga Pilipinong edukado?

Upang bigyang-linaw ang isyung ito, personal kong kinapanayam ang pinuno ng Finance and Administrative Department (FAD) ng PSHSMC na si Gng. Elizabeth Alamer. Sabi niya, walang dapat ipagalala dahil hindi apektado ang Main Campus sa budget cut, at aprubado naman ang mga pangunahing pangangailangan ng mga estudyante.

Sa kabila nito, sunod-sunod na kalbaryo ang dinanas naming mga mag-aaral – kawalan ng budget para sa mga club, pagtitipid sa pondong nakalaan sa mga kompetisyon at mga research project, paghinto ng libreng printing service, at aberya sa school wif. Dahil sa mga ito, hindi naman siguro masama kung mapapatanong ako ng, “anyare?” Paliwanag ni Dr. Lawrence Madriaga, PSHS-MC Campus Director, hindi naman daw talaga nabawasan ang budget ng paaralan. Halos wala nga raw pinagkaiba mula sa budget bago ang pandemya. At ito rin mismo ang dahilan kaya tayo nagkaproblema.

Sa bilis ba naman ng pagtaas ng infation rate, at singil sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng kuryente at tubig, malamang sa malamang, hindi tayo makatatakas dito. Hindi tumaas ang budget pero tumaas ang mga gastusin. Talaga nga namang kawawa tayo kapag ganito ang sistema.

Sinusubukan naman daw ng Pisay na humingi ng mas mataas na budget pero hindi nakalulusot sa Kongreso. Tapos ngayon isinusulong ng mga kongresista na gawing dalawa ang kampus ng Pisay sa bawat rehiyon. Hindi ko alam kung magandang bagay ba ito dahil dadami ang mga “specialized” science high school o dagdag lang ito sa bilang ng mga sub-standard science high school na naghihingalo dahil sa limitasyon ng pondo.

Sa Agham, hindi lamang libro ang basehan, kasama rito pati ang mga karanasan. Sabi nga nila, walang imbensyon at inobasyon kung walang problemang kailangan ng solusyon. Kaya mahirap sa bayan natin, puro problema pero kapag mayroong kayang lumutas nito, wala namang suporta at sasabihan pang “eh ‘di ikaw na ang magaling”.

Mahalaga ang pananaliksik sa Agham dahil ito ang sandigan sa bawat bagong kaalaman. Kaya nakalulungkot na kulang ang suporta sa pananaliksik sa Agham. Sampung libong piso, ‘yan ang nakalaan para sa bawat research project ng mga estudyante ng Pisay na inaabot ng dalawang taon para tapusin.

Sa dinami-rami rin ng mga kailangang ihanda para sa bawat proyekto at iba pang mga gawain, daan-daan kung hindi libolibong papeles ang kailangang

BUDGET NG PISAY
Pon(di)do
KOLUM 8
MICO XANDER RUBICO
QUENSO TAMBALQUE Kinesyo

i-print. Pero paano ipiprint kung wala na ang printing service sa school library? Hindi raw kasi parte ng budget ang free printing, nagkaroon lamang nito dahil mayroon pa tayo noong sobrang ink. ‘Wag naman sanang sa printing maubos ang stipend ng mga estudyante.

At dahil kulang nga ang pondo, limitado rin ang kakayahan ng paaralan na sagutin ang gastos ng mga estudyanteng pinapadala sa iba’t ibang mga kompetisyon. Sayang naman ang kaalaman kung hindi mahahasa at maibabahagi sa ibang mga tao. Hindi naman yata tamang mga iskolar na lang palagi ang

Kung may kakulangan na nga sa suporta sa “premier science high school education,” ano pang aasahan natin sa kabuuang sistema ng edukasyon?

gumagastos kung dala nila ang pangalan ng paaralan at bansa. Linawin ko lang din, hindi sapat na suporta ang congratulations post sa social media kapag nanalo ha.

Bahagi sa paghubog sa mga kabataan ang tamang balanse ng buhay. Pero mas mahirap na rin itong gawin dahil pati mga organisasyon at club ng paaralan, apektado ng pagtitipid. Maging ang mga nakasanayang aktibidad pangkampus ay limitado na rin ang panggastos. Kulang na kulang ang nakalaang pondo rito na magagamit sana sa iba pang mga aktibidad ng mga estudyante na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang mga talino at talento.

Itinatag ang Pisay dahil nais ng gobyernong bumuo ng mga “globally competitive Filipino scientists,” diba? Eh ‘di dapat globally competitive din ang pondong nakalaan para dito.

Kung nakikita nating may hindi patas na nangyayari sa lipunan, manindigan tayo para sa mga karapatan, kabilang na ang “karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas” na nakasulat mismo sa Saligang Batas.

Responsibilidad ng estado na, “magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Kaya hindi dapat tayo makuntento sa kung anong mayroon tayo kung alam naman nating higit pa ang nararapat sa atin.

Alam kong kilala ang mga Pilipino sa pagiging mapamaraan at madiskarte lalo na sa panahon ng kagipitan. Pero sa pamamagitan naman ng tamang alokasyon ng pondo ay maiiwasan ang kagipitan, bakit hindi natin gawin?

Isipin ni’yo, kung may kakulangan na nga sa suporta sa “premier science high school education,” ano pang aasahan natin sa kabuuang sistema ng edukasyon?

Mula pa noong panahon ni Rizal, hindi na patas ang oportunidad sa edukasyon – mayayaman lamang ang nagkakaroon ng pagkakataon. Ngayong panahon natin, hindi na nga patas, tapos hindi pa prayoridad? Ganyan ba katakot ang mga namumuno sa mga Pilipinong edukado?

Maraming mahuhusay na Pilipino, tulad na lamang ng mga estudyante ng Pisay. Saksi ako sa talino ng mga kapwa ko iskolar, at sa dedikasyon nilang gamitin ang Agham upang makatulong sa bayan. Sigurado akong mas marami pang magagawa kung mas marami ring suporta mula sa pamahalaan.

Ginagamit ang bumbilya bilang simbolo ng bagong kaalaman, pero anong liwanag ang maibabahagi nito kung ito’y pundido?

CAMPUS JOURNALISM

Seandali lang po

Press Conference, Lundayan ng Kahusayan

Paaralan Bilang Sentro ng Peryodismo

Sa malawakang fake news mula sa tradisyonal hanggang social media, sa tindi ng misinformation at disinformation, mahalaga ang ginagampanan ng pamamahayag na nagsisimula sa mga paaralan. Kung bumubuo tayo ng pundasyong malay sa katotohanan at nakasandig sa tuwid na katuwiran masasabi nating positibo at produktibo ang mga pahayagang pangkampus.

Nakasaad sa Campus Journalism Act of 1991, na paninindigan at poprotektahan ng estado ang kalayaan sa pamamahayag kahit sa antas na pangkampus. Ito ay upang mapaunlad at mapalago ang pahayagang pangkampus.

Dagdag pa rito, susubukin ng estado magsagawa ng iba’t ibang proyekto at programa na siyang makatutulong sa kasanayan ng mga batang manunulat.

Hindi lang mga medalya at tropeyo ang maaaring makuha sa mga paligsahan, sapagkat mayroon ding mga aral na maaaring mapulot at matutunan.

matutong magsulat ng balita, editoryal, lathalain, kolum at iba pa. Maaari rin nilang ipamalas ang pagiging malikhain sa pagguhit, pag-uulat, pati na rin sa pagkuha ng larawan. Mayroon ding mga pangkatang kategorya gaya ng TV at Radio Broadcasting. Maaga pa lamang, nararanasan na kaagad ng mga mag-aaral ang iba’t ibang paraan ng pamamahayag. Dahil sa paligsahan, maraming kaalamang nakukuha ang mga bata mula sa kanilang mga tagapayo pati na rin sa mga hurado. Natutulungan din sila ng mga kapwa manunulat sa pamamagitan ng paghugot ng lakas sa isa’t isa. Higit pa riyan, ang mga bata ay nagagabayan ng mga tagapagsanay na dalubhasa sa larangan ng pamamahayag. At dahil ang mga paksang pinaguusapan ay ukol sa mga isyung bumabalot sa ating lipunan, nagiging mulat ang mga magaaral sa kasalukuyang estado ng ating bayan. Natututunan nila kung paano manaliksik at mangalap ng makatotohanang impormasyon. At siyempre, nauunawaan din nila na may makapangyarihang boses ang kabataan.

Kahit sa murang edad pa lamang ang mga mag-aaral ay natuturuan nang maging mapanuri, kritikal, malikhain, at matapang. Nalalaman na nilang dapat palayain ang katotohanan at tumindig kung kinakailangan. Sinisigurado rin na ang mga bata ay tatandang may prinsipyo at matututong pumanig sa tama.

‘Pagkat kinalaunan, sila ang mga magiging peryodista ng ating bansa.

Higit pa sa Kompetisyon

Naging kalakaran na ang kompetisyon sa pamamahayag mula antas elementarya hanggang sekondarya. Higit pa sa paligsahan ang sinusukat nito, pinapakita nito ang katatagan at pagpapatuloy ng pamamahayag sa mga paaralan na mahalagang pundasyon sa mga mag-aaral na nais tahakin ang mundo ng peryodismo.

Sa tulong ng mga kompetisyon, nasasala at napipili ang mga estudyanteng may interes sa pagsusulat. Ang taglay nilang talento ay lalo pang nahahasa at napayayabong.

Sapagkat ang mag-aaral na sumasali sa paligsahan ay tiyak na may interes sa pamamahayag.

Malawak at marami ring kategoryang maaaring subukan, maaari silang pumili sa nais nilang pagsanayan. Puwede silang

Ako Bilang Kalahok Walang tigil na pagpintig ng puso at hindi mapigilang kaba, ‘yan ang aking naramdaman nang isalang ako sa kompetisyon. Subalit ang takot ay biglang napalitan ng saya, sapagkat ang pakiramdam na maging mamamahayag ay walang kapantay. At ang mga payo na aking natanggap ay hinding hindi ko malilimutan.

Sinisigurado rin na ang mga bata ay tatandang may prinsipyo at matututong pumanig sa tama. ‘Pagkat kinalaunan, sila ang mga magiging peryodista ng ating bansa.

Hindi lang mga medalya at tropeyo ang maaaring makuha sa mga paligsahan, sapagkat mayroon ding mga aral na maaaring mapulot at matutunan. Dahil sa kompetisyon, natuklasan kong may iba pa pala akong mga kakayahan. Dahil din dito, nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan. Sa huli, dahil dito, naitatak sa isip ko at ng bawat mamamahayag ang aming tungkulin, na lagi’t lagi para sa katotohanan at higit sa lahat, para sa bayan.

KOLUM 9

pinakamalayong lugar sa bansa. Naihatid na rin ang iba’t ibang mukha, hugis, at antas ng pagkaPilipino. At ngayon sa banta ng modernisasyon sa kanilang hanay, mahalagang makisakay sa kanilang takbo.

Kasaysayan ng Dyip Matapos ang Ikalawang

Digmaang Pandaigdig, nagbukas ng bagong yugto sa kasaysayan ng transportasyon sa Pilipinas— nagsimula ang unang biyahe ng mga dyipni tungo sa pagiging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Ang mga unang jeepney ay nabuo mula sa mga lumang jeep ng militar ng mga Amerikano, mga Willys MB at Ford GPW na binili o ipinamigay sa mga Pilipino. Ito ay naging solusyon sa kawalan ng sasakyan pagkatapos

ng

bawat isa.

Siyempre, hindi lamang magagandang kuwento ang lumalarawan sa dyip. May mga kuwento ng pagkayamot sa drayber dahil sa ugaling siga sa kalsada. Ilan sa kanila ay walang sinusunod na batas, dumadampot ng pasahero kung saan-saan, sumisingit sa kahit masikip, humihinto kahit saang sulok, humahagibis kahit lubak, at nakaririnding mga stereo.

Sa kabila nito, hindi maipagkakaila na ang dyip ay ang Pambansang Transportasyon ng Pilipinas. Kahit saang sulok ng bansa ay may makikita tayong dyip na pumapasadang ihahatid tayo hanggang sa dulo. Dahil dito, nakuha na rin ng dyip ang bansag na “Hari ng Kalsada.”

Ngunit, sino-sino nga ba ang mga nagpapatakbo sa mga tinaguriang “Hari ng Kalsada?”

Anu-ano ang mga kuwento nila, lalo na ngayong nanganganib ang kanilang pamumuhay sa banta ng modernisasyon?

Kuwentong Drayber, Hindi Kutsero

Si Danilo, isang drayber ng dyip nang 26 taon, sa kanyang panayam kay Lance Spencer Yu ng Rappler: “63 na ako—eh kung kukuha pa ko, mababayaran ko pa kaya ‘yon? ‘Yon ang hindi naiintindihan ng ating gobyerno.”

Si Jereck, isang operator sa Pateros-Guadalupe: “Wala akong utang, nagkautang ako ng milyon-milyon! Saan naman ako makakakuha ng milyon? Isang kahig, isang tuka na nga lang kami eh.”

Si Marvel, isang anak ng drayber ng dyip: “Mapipilayan tayo kapag pati sila nawala. Kung maririnig n’yo lang mga hinanaing nila.”

Lahat sila ay may magkakaugnay na naratibo. Lahat ay may pangangamba. Lahat ay may hinaing, may dalamhati. Lahat ay apektado.

Sa banta ng modernisasyon, hindi lamang ang kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino ang mawawala, kung ‘di pati na rin ang pinagkukunan ng pangkabuhayan ng libo-libong mga pamilyang Pilipino. Isang

Dyip sa Banta ng Modernisasyon Hindi masama ang pagyakap sa modernisasyon. Sa pamamagitan nito mas napapaganda ang buong itsura at kakayanan dahil sa paglalagay ng mga makabagong teknolohiya upang makasunod sa pagbabago.

Ilan sa mga pagbabagong inaasahan sa modernisasyon ay ang pagbabawas ng pagbuga ng mga usok na diumano’y nanggagaling sa mga lumang dyip. Ito rin ay mayroong mas malaking kapasidad na maaaring magsakay ng mas marami pang pasahero. May mga kamera na nakatutulong sa pag-monitor sa mga pasahero. Mababawasan din nito ang paggamit ng langis na nagdudulot ng maruming hangin.

Sa kabila ng magandang plano at pangako ng pagbabago, mahalagang hindi sila mabaon sa utang para lamang makasabay sa modernisasyon. Kung ganito ang magiging sistema, binabiyahe lamang nila ang daan tungo sa kahirapan.

Nananawagan sila ngayon upang sila ay muli nating samahan sa kanilang biyahe. Humigit kumulang 600,000 na mga drayber ang nagtataguyod sa ating mga komyuter arawaraw. Hindi lang dalawa o tatlo ang kailangan para umandar ang kanilang panawagan. Ngayon, walang limitasyon sa maaaring sumama papunta sa ruta ng pagunlad. Tulungan natin silang ikutin ang manibela para makatungo sa isang pagbabagong walang naiiwan.

Malawak pa rin ang bilang ng mga mamamayang umaasang maihahatid at maiuuwi ng dyipni. Ito pa rin ang maaasahang sasakyan ng mga ordinaryong Pilipino. At sa panahong hindi na tayo maitatawid ng mga dyip dahil sa banta ng modernisasyon, hahantong ito pagkaputol sa ating sariling ugat at kultura bilang mga Pilipinong mananakay.

Malinaw na bahagi ng institusyon at kulturang Pilipino ang dyip.

At sa kanilang laban sa modernisasyon, sikapin nating hindi lang sa pasada nila tayo makakasama.

tulad mga gulay, sako ng bigas, alagang hayop, at iba pa. Malawak ang tagapakinig sa loob ng dyip. Hindi maitatatwa

LadyGa Si Lady Ga

DugtongBuhay, Tagumpay sa Paglikom

Isa sa sanhi ng kamatayan sa bansa ang kakulangan sa supply ng dugo. Maraming operasyon dahil sa karamdaman ang nangangailangan ng dugo. Dahil dito, mahalaga ang ginagampanan ng mga blood banks sa tulong ng mga blood donation drive upang magpatuloy ang agos at makapagdugtong ng buhay.

Ayon sa the Philippine Red Cross (PRC) noong buwan ng Enero hanggang Mayo ng nakaraang taon, naitala nila ang 79, 634 o tinatayang 500 na pasyente kada araw ang nabigyan ng dugo.

Kaya naman, kaisa ang mahigit 60 volunteers sa Blood Donation Drive ng Philippine Science High School - Main Campus (PSHS–MC) na isinagawa noong Pebrero 7, 2024 sa Administration Building.

Ikalawang bahagi ito ng PSHS–MC Dugtong Buhay Project kung saan halos 50 ang naging kabahagi sa unang donasyon noong Mayo 17, 2023.

Isa si Ambher Lumbres mula Batch 2026 sa unang beses na maranasang magbigay ng dugo.

“Nang malaman kong muling magkakaroon ng blood donation event, agad akong nagparehistro,” dagdag ni Lumbres.

Kasama niya si Angelica Milan na sabik din sa donasyon dahil bukod sa makatutulong ang kanyang dugo, makabubuti rin ito sa kanyang kalusugan.

Inilunsad ang kauna-unahang green camp sa Metro Manila ng Quezon City Police District (QCPD) sa Camp Karingal Grandstand noong Enero 22.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Redrico A. Maranan at QC Mayor Joy Belmonte ang pormal na pagbubukas ng programa.

Kabilang sa launching event ang oath-taking ng 166 QCPD Green Cops na mangangasiwa sa pagpapatupad ng environmental laws sa kampo at sa paligid nito.

Isinagawa rin ang turnover ng 400 fruit-bearing tree saplings at pagpirma ng pledge of commitment bilang suporta sa one million tree initiative ng QC Local Government Unit (LGU).

Ayon kay PBGen Maranan, 158 urban gardens, 147 waste segregation bins, 103 rainwater catchers, at 526 solar lights na ang inilagay sa Camp Karingal at police stations nito.

“However, our efforts will not stop here, we aim to expand and add more,” dagdag ni Maranan.

Layon din ng programang ito na paigtingin ang pagsasagawa ng solid waste segregation, lalong pagtutol sa paggamit ng plastik at styrofoam, at pagsulong ng urban farming and gardening.

Pinuri ni Mayor Joy ang programa ng QCPD dahil sa pagiging masaklaw at detalyado nito.

“Akala ko ang gagawin nila kaunting pag-ban lang ng plastik o kaya kaunting tanim lang pero lahat ng mga sinasabi nating best practices na may kinalaman sa pag-aalaga ng kalikasan, pag-combat sa climate change, pagbabalik ng biodiversity at pag-aalis ng waste pollution ginawa nila rito,” ani Mayor Joy.

Umaasa rin si Mayor Belmonte na susunod ang ibang police districts sa proyektong ito bilang bahagi ng kanyang environmental advocacy at ang makakalikasan na core value ng Philippine National Police.

Isa ang Philippine Science High School sa Agham sa makikinabang sa nasabing proyekto, tinitiyak din ng paaralan na ang gawaing tulad nito ng lokal na pamahalaan ay makatatanggap ng buong suporta.

YVS sa SG

“Healthy ang pagdo-donate dahil nati-trigger ang bone marrow na bumuo ng bagong dugo,” pagsang-ayon ni Bb. Rian Bernal ng Biology Unit.

Dagdag ni Milan, hindi naman daw masakit ang proseso at nakaramdam din siya ng sense of fulfillment pagkatapos kuhanan ng dugo.

Ayon kay G. Joselito Englatera, kabilang sa mga nag-organisa, layunin ng proyektong ito na mahikayat ang mga mag-aaral na maagang simulan ang pagdo-donate ng dugo.

Dagdag pa niya, mas marami ang lumahok sa ikalawang pagkakataon ng donation drive dahil sa mas maayos na organisasyon at mas malaking kapasidad ng lugar.

Sa bansang may hamon sa sistema ng kalusugan, mahalagang makiisa sa mga gawaing nakatutulong sa mga kababayang nangangailangan sa panahon ng krisis pangkalusugan. Ang dugo ay simbolo ng buhay na higit pa ang halaga sa anumang materyal na bagay. Ang pakikiisa sa mga blood donation drive ay indikasyon ng hangaring makatulong na makapagdugtong ng buhay sa kapwa Pilipino.

Sa loob ng limang araw, tinuruan ang mga mag-aaral tungkol sa pagbuo ng isang startup at kanilang ibinahagi ang mga ideya sa iba’t ibang larangan, tulad ng edukasyon at kalusugan, sa harap ng mga mentor sa huling araw.

Ayon kay Vinluan, maliban sa dagdag-kaalaman tungkol sa mga startup, kanilang natutunan din sa programa ang pagkakaroon ng mga diskurso sa mga mag-aaral na iba ang pinanggalingan at mga karanasan.

“[Entrepreneurship] is not only having a business and making money but it's also about making the world a better place through the means of innovation and business development,”

Sa kasalukuyan, ang mga kalahok ay sumasailalim sa anim na buwang mentorship at inaasahang muling babalik sa Singapore sa Hunyo para sa Demo Day kung saan sila ay magkakaroon ng pagkakataong ipakita ang kanilang mga produkto sa mga investor at manalo ng SGD 50,000 startup

AGHAM AT KOMUNIDAD BALITANG PROBINSYA

Tinaguan

sa Bungtod, Naladlad sa Social Media

GANANCIAL, AYEESHA BATOCTOY, AT KRISTOFFE SALUAGA

nakalusot gihapon ang mga gipangtukod sa tunga sa mga bungtod. Unang gipakita sa usa ka travel video sa vlogger nga si Renmark Nisnisan kaniadtong

Marso 6 ang Captain’s Peak Garden Eco Park nga anaa sa tunga sa Chocolate Hills. Nagpasalamat pa ang tag-iya sa bakasyonan nga si Edgar Buton tungod sa libre nga publisidad. Diay ‘to, kaulaw ang ilahang

ipatukod ang Captain’s Peak Garden Eco Park. Pagsugod sa 2019, nag-abli ang naingon nga lugar sa mga turista, hangtud nahatagan sila og building permit atong 2020 para padakuon ang lugar.

Tuig 2023, gipahibalo ni Bohol Provincial Board Member Nathaniel Binlod sa Sangguniang Panlalawigan ang isyu human

mandato, padayon gihapun sila sa pagdawat og mga bisita. Gisundan pa gyud og Notice of Violation atong 2024, pero wala gihapon sila nagpatuo. Kung magpadayon ang mga susamang panghitabo ug mupalpak ang mga aksyon sa gobyerno, unsa pa kaha ang uban natong mga cultural heritage sites? Dako ang epekto sa mga konstruksyon sa pagkaguba sa atong kinaiyahan, samut na kaha og sa mismong

pundasyon para niining mga

Kini nga panghitabo unta magsilbing leksyon sa atong tanan. Napamatud-an nga gamhanan ang social media para ipakita ang panaghiusa ug pagkabayanihon sa mga Pilipino kontra sa mga gahaman. Magpadayon kitang magabantay ug kritikal sa atong palibot, alang sa atong kinaiyahan ug sa atong nasud.

ANG LAGABLAB AGHAM 16
AGHAM AT KOMUNIDAD AGHAM AT KALUSUGAN MJ DELA CRUZ ANDREA BASAHIN ANG SALIN SA FILIPINO: CARL VALOIS, MICO RUBICO JULIENE NISSI PALADA

Mainit na tinanggap ng Philippine Science High School-Main Campus (PSHS–MC) ang mga mag-aaral at pamunuan mula Hiroshima, Japan para sa Philippine Leg ng Future Leaders’ Program for Global Peace in Hiroshima na ginanap noong Enero 5-7, 2024.

Ito ang unang Philippine Leg ng Hiroshima Exchange Program matapos ang apat na taong pagkakakansela dahil sa pandemya.

Sa nasabing programa, nakihalubilo ang mga Japanese exchangees sa mga piling mag-aaral ng Pisay at pinasyal sa iba’t ibang makasaysayang lugar sa Maynila.

Pinamunuan ni G. Mark John Ayaay, puno ng Leadership and Exchange (LedEx) Programs Committee, katuwang ang mga opisyales mula Hiroshima ang Philippine Leg ng Hiroshima Exchange Program.

Kulturang Hapon at Pisay

Nagpakilala ang mga Japanese exchangees at mga mag-aaral ng PSHS–MC sa isa’t isa sa pagbubukas ng programa.

Nagbigay rin ng mga presentasyon ang mga Japanese exchangees hinggil sa kanilang kultura at tradisyon. Ilan sa kanilang mga ibinahagi sa mga mag-aaral ng PSHS–MC ang sining ng Japanese calligraphy o “shodō” at ang pambatang laro na “fukuwarai.”

Nilibot din ng mga Japanese exchangees, kasama ang mga mag-aaral ng PSHS–MC, ang mga pasilidad at natatanging lugar sa paaralan tulad ng Science and Humanities Building at Kalachuchi Lane.

Nakilahok din sila sa isang outreach activity na ginanap sa Buklod Tao Base sa San Mateo, Rizal na tungkol sa adbokasiya sa kalikasan at mga mahihirap na komunidad.

Intramuros Peace Study Tour

monumento ng Memorare-Manila, Casa Manila, at San Agustin Church.

Sa loob ng Fort Santiago, makikita ang ilang mga kagamitan mula sa panahon ng mga Kastila at Hapon. Matatagpuan din dito ang mga

Hiroshima ExProg ginanap sa PSHS–MC

Bumisita ang mga Japanese exchangees mga mag-aaral ng PSHS–MC sa Intramuros, Manila. Nilibot nila ang Fort Santiago, Manila Cathedral

at paalala rin ang monumento ng Memorare-Manila 1945 sa mga libo-libong buhay na nawala sa laban sa pagitan ng Pilipinas-Amerika at Japan. Presentasyon sa SDGs, Cultural Performances, at Pagwawakas Ginanap sa ikatlong araw ng programa ang mga presentasyon ng bawat grupo ng mga mag-aaral mula Pisay at Hiroshima hinggil sa mga paksang kalikasan at nuclear abolition, kahirapan, at edukasyon—kaugnay sa United Nations Sustainable Developmen t Goals (SDGs). Nagbigay komento si Seki Koki, propesor sa Hiroshima University, at Dr. Benigno Montemayor Jr., puno ng Division of Student Affairs (DSA), sa mga presentasyon ng mga mag-aaral. Nagbigay rin ng cultural performances ang mga mag-aaral mula sa dalawang paaralan. Itinanghal ng mga Japanese exchangees ang kantang “Fight Song” ni Rachel Platten at “Senbonzakura” ng

Wagakki Band. Sinayawan at kinanta naman ng mga mag-aaral ng Pisay ang tampok na kanta ni Donna Cruz na “Kapag Tumibok ang Puso”. Nagwakas ang ikatlong araw ng programa sa isang awarding ceremony, kung saan binigyan ni Seki-sensei si Dr. Montemayor ng copper origami crane— simbolo ng pag-asa at kapayapaan sa pagitan ng dalawang bansa. Binigyan din ng sertipiko ng pagkilala ang mga mag-aaral mula Hiroshima, gayundin para sa mga mag-aaral ng PSHS–MC. Ayon kay G. Ayaay, maligaya siya sa naging kinalabasan ng Hiroshima Exchange Program. Namangha rin siya na handang harapin ng mga Japanese exchangee ang mga nangyari sa nakaraan at kasaysayan ng Pilipinas at Japan, upang hindi na rin ito maulit muli.

“I guess it becomes more meaningful din kasi, kahit sila naging victims din,” ani Ayaay.

Binisita rin ng mga Japanese exchangees ang Asian Development Bank (ADB), Japanese International Cooperation Agency (JICA), at Embassy of Japan in the Philippines bago tumulak pa-Japan noong Enero 9, 2024.

Main Campus, Taiwan Tinuklas ang Kulturang Pinoy sa Synergy

Tinanggap ng Philippine Science High School-Main Campus (PSHS–MC) ang mga Taiwanese exchangees sa Synergy na isang PSHS System Exchange Program kasama ang National Yilan Senior High School (YLSH) at Wu-Ling Senior High School (WLSH) noong Oktubre 15 hanggang 24, 2023.

Lumahok ang mga bisita mula sa YLSH at WLSH sa iba’t ibang aktibidad kasama ang ilang mag-aaral mula sa Main (MC), Ilocos Region (IRC), Cordillera Administrative Region (CARC), at Bicol Region (BRC) kampus na layong ipakilala ang kulturang Pisay at Pilipino.

YLSH at Kulturang Pisay

Nagtanghal ang YLSH Exchangees ng tradisyunal na Taiwanese na sayaw na napanood ng PSHS–MC noong Oktubre 16 sa Flag Ceremony.

Naipakilala rin ang kulturang Pisay sa paglaro ng Ultimate Frisbee sa pangunguna ng Alianti. Ayon kay Avril Tan, Spirit Captain ng Alianti XX, isang malaking karangalan ang pagkakataong maging bahagi ng programa.

“Ang pagtuturo ng Ultimate Frisbee sa mga Taiwan exchange students ay bagong karanasan para sa akin at ikinagagalak ko na [parte] ako nito dahil naibabahagi ko ang aking kaalaman tungkol sa Ultimate Frisbee, lalo na dahil passionate ako sa sport na ito,” ani Tan.

Nilibot din ng mga estudyante ang silid-aklatan at ilang mga laboratoryo sa PSHS-MC.

NICKZEL PAGAYATAN

Manila Leg Bumisita ang YLSH exchangees kasama ang ilang mag-aaral ng

Main sa ilang makasaysayang pook sa Maynila katulad ng Bahay Ugnayan Museum at Teus Mansion Presidential Museum, ilan sa mga heritage mansions sa Malacañang.

Tampok sa Bahay Ugnayan Museum na nagsisilbi ring Presidential Complaint Center ang mga memorabilia ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pagtakbo sa posisyon noong nakaraang halalan.

Bahagi ng eksibit ang mga dokumento ng electoral protest laban kay dating Pangalawang Pangulo Leni Robredo matapos ang Halalan 2016. Ipinagbibili rin ang ilang mga merchandise na ginamit noong nakaraang eleksyon.

Ipinaliwanag ng mga PSHS-MC student buddies sa pangunguna ni Raphael Jacob Santos, Public Relations Officer ng Aksyon Iskolar (AKSIS), sa mga mag-aaral ng YLSH ang panahon ng diktaduryang Marcos at ang rebisyon ng kasaysayan na ipinapalaganap ng mga Marcos.

“Ito ang kanilang pagtatangkang baguhin [ang kasaysayan] at sana ay hindi kayo maniwala sa kanilang propaganda,” ani Santos.

Nakilala rin ng exchangees ang mga dating pangulo ng bansa sa Teus Mansion kung saan tampok ang kasaysayan ng kanilang pagtakbo, mga naisakatuparan, at memorabilia mula sa kanilang termino.

Nilibot din ng mga mag-aaral ang Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) at Department of Science and Technology (DOST) Compound sa Taguig.

Nakilala rin nila ang ilang mga pambansang siyentista sa Philippine Science Heritage Center.

“The introduction video not only describes the Filipino scientists’ achievements but also inspired me to participate in society even more,” pahayag ni Alan Lai ng YLSH.

Nagbigay naman ang ilang engineers ng maikling aralin ukol sa 3D printing technology research and development sa Advanced Manufacturing Center (AMCen) ng kagawaran.

Naipakilala rin ang pagkain at kulturang Pinoy sa salo-salo ng ilang heritage cuisines katulad ng Aristocrat, XO 46 Heritage Bistro, at Barbara’s sa Intramuros kung saan nila nasilayan at natutunan ang ilang tradisyunal

Ayon kay Eason Chiu, mag-aaral ng YLSH, lalong naging espesyal ang kaniyang pagbisita sa Pilipinas sa kanyang pagdiriwang ng kaarawan sa bansa. “I love seeing Filipinos being themselves through their enthusiasm in their cultural performances, from singing and dancing,” aniya. “I have never been surprised by many people in my life—to me this is my most special birthday.”

Synergy at Exchange Programs sa Hinaharap Sa pagtatapos ng Synergy, inanyayahan ng Leadership and Exchange (LedEx) Programs Committee ang mga mag-aaral ng Main sa muling pagbabalik ng cultural exchange programs na natigil dahil sa pandemya.

“Naging successful [ang Synergy] sa tulong ng mga magulang, Philippine Science High School Foundation at ng mga estudyante,” ani G. Jayson Bingcang, bahagi ng LedEx Committee.

“Bago ang pandemya, nagkakaroon tayo ng apat hanggang limang mga internasyunal na bisita tulad ng Singapore, India, Japan, Malaysia, at Indonesia. Bumabalik na ito,” dagdag niya.

Banggit ni Teacher Kate, “Everyone is a lonely island but we are actually holding hands with each other under the deep sea. Both of our students may become the future leaders of the world so this friendship and positive attitude is essential in the development of a kind heart.”

Nagwakas ang Synergy noong Oktubre 24, tampok ang ilang kultural na pagtatanghal at mensahe mula sa mga delegado at pamunuan ng PSHS-MC. Nagpasalamat naman sina Executive Director Lilia Habacon at Campus Director Lawrence Madriaga sa pagtanggap ng YLSH at WLSH bilang partner schools at umaasa sa pagpapatuloy ng exchange programs sa mga susunod na taon.

“I hope that good memories will remain in your heart and mind. Let’s hope that this continues in the next few years. We’ll continue to partner with you and will be able to have some improvements and enhancements in the future,” pahayag ni Habacon.

Ang ugnayan sa pagitan ng mga karatig-bansa ay isang hakbang para sa pagpapalitan ng kaalaman. Dumadaloy ang impormasyon sa pamamagitan ng bukas na talakayan at partisipasyon na malinaw na naganap sa Synergy.

AGHAM @ANGLAGABLAB 17 MGA LARAWAN MULA ALECS ONGCAL NG RAPPLER KIM KYUNG-HOON NG REUTERS SOUTHEAST ASIAN SPORTS FEDERATION
AGHAM AT KULTURA NICKZEL PAGAYATAN AT LEADERSHIP AND EXCHANGE PROGRAMS COMMITTEE AGHAM AT KULTURA KARL GABRIEL BUESER

NICOLE KIRSTEN EBREO

Escalona Nakasikwat ng Tatlong Ginto sa Rhythmic Gymnastics; Aabante sa NCR Regional Meet

Tagumpay si Miquelle “Maxxi” Escalona mula sa Batch 2029 matapos masikwat ang lahat ng tatlong gintong medalya sa Rhythmic Gymnastics Category ng Palarong Pambansa Quezon City Division Meet noong ika-17 ng Pebrero sa Commonwealth High School.

Nasiguro ni Escalona ang gintong medalya sa ball apparatus event nang magtala ng iskor na 13.9, mahigit kumulang limang puntos ang lamang sa kalahok na nakakuha ng ikalawang gantimpala.

Samantala, 14.4 naman, doble ng iskor ng kanyang mga katunggali, ang kaniyang nakuha sa hoop apparatus event kung saan nasungkit niya ang kanyang pangalawang ginto.

Dahil sa tunay na pangingibabaw ng husay at liksi ni Escalona sa dalawang kategorya, hinirang din siyang kampeon sa Individual All Around Category,

kung saan sinuri ang pinagsamang iskor ng mga kalahok mula sa dalawang apparatus events.

Umuwi mang wagi, naniniwala si Escalona na kaya pa niyang mas pinuhin ang kaniyang pagtatanghal. Aniya, “It wasn’t that bad; I could’ve done better. It was already an acceptable performance though because my coach gave me a nice routine.”

(“Hindi naman gaanong magulo; may mas maayos pa akong maipapakita. Katanggap-tanggap naman ang kinalabasan dahil na rin sa magandang routine na ibinigay sa akin.”)

Oktubre pa lamang noong nakaraang taon, masigasig nang nag-ensayo si Escalona tatlong beses sa isang linggo, sa ilalim ng coach ng Rhythmic Gymnastics National Team na si G. Whynn Reroma.

Ngunit, ang maigting na pagsasanay at pagbabalanse nito sa buhay-estudyante ay hindi na bago para kay Escalona. Mula pa noong 2017 kung kailan siya unang pumasok sa mundo ng rhythmic gymnastics, lumahok na siya at nagtagumpay sa samu’t saring kompetisyon sa Pilipinas at sa ibang bansa tulad ng Captain’s Cup at Albee Benitez Gymnastics Competition.

Sa katunayan, bago magsimula para sa Division Meet, nag-uwi siya ng isang ginto sa clubs apparatus event, isang pilak sa hoop apparatus event, at isang bronze sa freehand event sa Batang Pinoy 2023 kung saan hinirang din siyang ikalawang may pinakamataas na iskor sa Individual Pre-junior Category.

Sa parehong taon, nagpakitanggilas din si Escalona sa Palarong Pambansa 2023 bilang pambato ng Central Luzon para sa Rhythmic Gymnastics Junior Category.

Dala ng karanasan mula elementarya, napahanga ni Escalona ang nagsilbing ‘teachercoach’ niya na si G. JM Alvarez mula sa PEHM Unit, dahil sa kanyang puso at disiplina bilang atleta.

“Matapang ang loob ng bata; marunong tumanggap ng feedback kahit hindi papuri,” ani G. Alvarez.

Dagdag pa ni G. Alvarez na tagapayo rin ni Escalona sa SaGala Dance Crew, ang dance varsity team ng PSHS-MC, naging lamang ng bata sa patimpalak ang kanyang pagiging mananayaw. Higit kasi sa mga mahihirap na stunts at pagpapamalas ng pulidong techniques, sa larangan ng rhythmic gymnastics, sinusuri din ng mga hurado ang musicality ng mga kalahok.

Nabanggit man ni Escalona na sinikap niyang mapulido ang kanyang routine sa loob ng dalawang buwan upang

masigurong naisapuso na niya ito bago pa ang patimpalak, kinailangan niyang kapain ang lakas ng hagis ng bola at hoop dahil sa mga limitasyon sa nasabing venue ng patimpalak. Gayunpaman, hindi binigo ni Escalona ang kanyang sarili at mga tagasuporta.

Ngayong aabante na siya sa kasunod ng yugto ng Palarong Pambansa, kaniyang pagtutuunan ng pansin ang pagpapalakas ng katawan, paglilinis ng stunts, pagiging disiplinado, at pagkakaroon ng mas matinag na kumpiyansa.

“International and world-level performances—those are what I want to show to the judges.” Sasabak sa Palarong Pambansa Regional Meet ng National Capital Region (NCR) si Escalona sa darating na Abril kung saan kanyang makakaharap ang mga pambato ng iba pang lungsod at munisipalidad sa Metro Manila.

VBall, Malayo Na pero Malayo Pa

Umabante sa pangalawang round ang Mens and Womens Volleyball Team ng Philippine Science High School (PSHS) matapos pabagsakin ang kanilang mga katunggali sa Judge Juan Luna noong Pebrero 9, 2024.

Panalo ang PSHS Mens Volleyball Team laban sa Ponciano Bernardo High School (PBHS) sa iskor na 25-20 sa unang set at 25-23 sa pangalawang set.

“Nakakatuwa kasi personally ‘di ko masyadong inasahang mananalo kami in two straight sets. Sobrang crammed ng training namin dahil last three weeks pa lang kami nagsimula” ani Ramon Mariano Marual.

Kasama ni Marual, pinahirapan din ni Middle Blocker Harvey Dolar ang PBHS sa kanyang mga service aces na tumuldok sa unang laro.

Ngunit sa pag-abante sa ikalawang laro, kanilang nakaharap ang former champion na Justice Cecilia Muñoz Palma Senior High School (JCM) na kumatawan sa Quezon City para sa Regionals meet noong nakaraang taon.

“‘Hindi namin inaasahan na sa pangalawang game pa lang mahirap na at top-seeded agad ang kalaban…pero ganun talaga, may mga araw na hindi maganda ang laro,” komento ni Captain Kuji Lorenzo Moren matapos ang kanilang laro.

Tinambakan ng defending champions ang baguhang PSHS Men’s Volleyball team, 4-25 at 8-25 na tumuldok sa kanilang karera sa Division Meet.

“Depende ang training namin sa panahon dahil outside court ang volleyball. Hindi kami makapag-train kapag maulan dahil madulas ang court. Sa kabila ng kakulangan ng resources, nagsisimula na tayong magtraining para may solid foundation na next year.” paniniguro ni Moren.

Noong parehong araw, napasakamay rin ng PSHS Women’s Volleyball Team ang unang laro laban sa Jose P. Laurel High School (JPLHS) Women’s Volleyball Team.

Nasungkit nila ang unang set, 25-23, at dinurog ang kalaban sa pangalawang set, 25-15.

“Maayos ang 1st game, pero hindi namin nagawa ang “play” na gusto namin. Nanibago kami at kinakapa pa namin ang isa’t isa” sabi ni Dian Chrisse Orongan, kapitan ng laro.

Nagtapos ang serve ng Women’s Volleyball Team sa kanilang pangalawang laro.

Tinambakan ng Carlos L. Albert High School (CLAHS) ang koponan sa parehong set, 8-25 at 12-25.

“Syempre gusto ko rin na manalo kami, pero naiintindihan ko naman na inexperienced pa kami sa mga ganitong compet.

Itutuloy pa rin namin ang mga trainings at lalaban ulit sa susunod.” pahayag ni Orongan.

Alcantara Nakapana sa QC Archery Meet, Aarangkada sa NCR Regionals

Pasok si Luis Kevin Alcantara ng Batch 2026 sa koponan ng Quezon City para sa NCR Regionals ng Archery Men’s Category matapos masungkit ang ikaapat na puwesto sa Division Meet noong Pebrero 7, 2024 sa STI Gold Toe Archery Center, Marikina City.

Si Alcantara ang unang pambato ng Pisay na makapapasok sa Regionals Meet na gaganapin sa Abril bilang qualifying tournament para sa Palarong Pambansa 2024. Kasama ring lalaban para sa Quezon City team ang tatlo pang nagwagi na kanyang nakatunggali sa dibisyon.

Napanalunan ni Alcantara ang ikaapat na puwesto sa mga distansyang 30m, 50m, at 60m matapos magtala ng 50, 28, 4 puntos ayon sa pagkakasunod. Sa layong 70m, nakaiskor siya ng isang puntos, sapat upang makatabla sa Bronze Medal sa distansyang ito.

Isa sa hamon na kinaharap ni Alcantara sa kompetisyon ang kakulangan sa kagamitan, lalo na at siya lamang ang gumamit ng “bare bow” o panang walang kasamang stabilizers at sights.

Ito ang unang pagkakataong sumali ang Pisay sa patimpalak sa archery, kamakailan lang ay naaprubahan ang 26,000 pisong badyet para sa pagbili ng basic archery set na may kasamang pana, anim na palaso, at bow stand.

Aminado si Alcantara na kinabahan siya bago magsimula ang kompetisyon, lalo na at ito ang kanyang unang beses na sasali sa patimpalak sa archery. Gayunpaman ay aniya, “Ang sarap sa pakiramdam na mag-shooting sa isang open range, hindi limitado sa loob ng isang gusali, at talagang makita yung palasong lumipad at tamaan yung target.”

Ayon kay Alcantara, nagkaroon lamang siya ng halos dalawang linggo bago ang kompetisyon upang mag-ensayo sa mga indoor archery ranges tuwing Biyernes hanggang Linggo, kung saan hanggang 20m lamang ang layo ng targets na kaniyang pinagsanayan.

Dahil din delikado sa balikat at braso ang matagal na pag-eensayo ng archery, nililimitahan din niya ang kanyang sarili sa isang oras kada training session.

Pinasasalamatan naman ni Alcantara ang kanyang mga magulang sa lubos na pagsuporta sa kanyang paghahanda, si Ma’am Marvice Joyce Villa-Ong para sa pagiging chaperone at pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento, at ang Procurement Unit para sa pagapruba ng badyet para sa pagbili ng mga kagamitan para sa patimpalak.

Sa isang panayam pagkatapos ng laro, sinabi ni Alcantara na ipagpapatuloy pa niya ang kanyang paghahanda para sa darating na regionals meet.

FRITZ GERALD CAASI
ISPORTS 20
ETHAN ANILOV NORCIO

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.