Ang Pamantasan Oktubre 2012

Page 1

“BITIWAN NIYO NA HO…” Sa kanyang resignation speech bilang pangulo ng Kataas-taasang Konseho ng Mag-aaral (SSC) ay hinamon ni Florante Galura Jr., si Gng. Angelita DC. Batongbacal, Director for Student Activities ng OSDS na magbitiw na rin. Inaakusahan ni Galura si Batongbacal ng pagiging ‘counter-productive’, dahil sa pamemersonal nito sa mga miyembro ng SSC.

COA: Pondong ‘di nakolekta ng Pamantasan lumaki FLEURHELMINA S. ANG at ALJAN G. QUILATES

Lumaki pa ang pondong hindi nakokolekta ng Pamantasan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Maynila mula 2010 hanggang 2011, ayon sa Commission on Audit (CoA) 2011 Annual Audit Report (AAR). Ayon sa Part II: Detailed Findings and Recommendations, Section A 2.1 (Deficiencies in income generation and collection) ng bagong AAR ng PLM, ang hindi nakolektang subsidiya ng PLM ay lumaki hanggang P394.863 milyon dahil sa umano’y pagkukulang ng mga namamahala ng Pamantasan na singilin ito. “The above financial assistance/subsidy receivable from the City Government of Manila amounting to P315,890,090 representing 48.68 percent of the total annual budget of the University was not released,” nakasaad sa ulat ng CoA 2011 AAR. Dumagdag ang nasabing subsidiyang hindi nakolekta sa P78,972,523 mula sa huling ikaapat na bahagi ng taong 2010. Ang subsidiyang ito ng lokal na pamahalaan ay kasama sa pinagkukuhaan ng pera ng Pamantasan sa taong 2011. Ang iba pang pinagmumulan ay Income from Tuition and Miscellaneous Fees and Other Charges, Development Fund of Graduate Programs, MedFund of the College of Medicine at Unappropriated Surplus/Government Equity. Subalit 51.32% o P332,973,092 lamang ito ng kabuuang nakukuha ng Pamantasan na

P648,863,074. Sa pamahalaang lungsod ng Maynila nagmumula ang malaking bahagdan ng pera ng Pamantasan. Dahil sa hindi nakolektang pondo, marami sa mga proyekto sa loob ng Pamantasan ang napagpaliban. Kasama na rito ang pagsasaayos ng mga pasilidad at pagbili ng mga kinakailangang gamit para sa mga estudyante. Matatandaang noon 2010, ang Pamantasan ay bigo rin makuha ang P236.92 milyong subsidiya nito mula sa Lokal na Pamahalaan ng Maynila na nagresulta sa austerity measures. Dahil rin sa kakulangan ng pondo ngayon, nagkaroon ang Pamantasan ng pagtaas ng matrikula, miscellaneous at iba pang mga bayarin, ayon na rin sa ulat ng Philippine Daily Inquirer noong Hulyo 24. Nagpayo ang CoA na ipakita ng PLM ang kasalukuyang kondisyon nito sa alkalde ng Maynila ngayong hindi pa rin nakukuha ang pondo upang mapabilis ang paglabas niyo. Tumangging magkomento si Vice President for Finance and Planning Angelita Solis ukol sa ulat ng CoA.

Dagdag sa matrikula muling ipinatupad

SSC P re x y G a lura n ag b itiw; Kinund e na si

Ipinatupad ang ikalawang pagtaas ng matrikula sa mga bagong mag-aaral ngayong taon alinsunod sa itinakda ng Board Resolution No. 3382. Ang matrikula na binayaran ng mga Pamantasan. Kahit na nagtaas ito, wala pa ring freshman ay nadagdagan ng 20% ng orihinal na nagbago sa facilities ng Pamantasan. May mga halaga noong 2010 samantalang 10% naman ang nadagdag nga ngunit hindi pa rin sapat para sa idinagdag sa binayaran ng mga nasa ikalawang lahat,” puna ni Camelle Grace Ardiente, BS ECE II. taon. “Hindi ako sang-ayon dahil dama ko Ang mga nasabing pagtaas sa matrikula ay alinsunod sa resolusyon na nagsasabing tataas rin ang paghihirap ng aking ama sa pagtatrabaho ng sampung bahagdan kada taon sa loob ng apat upang mapagtapos kaming magkakapatid at dama niya ang tax na nababawas sa kanyang na taon ang matrikula sa Pamantasan. “Magbabase tayo [ng itataas] sa sweldo para sa ating mga iskolar ng bayan. pinag-umpisahan (2010) [ng pagpapatupad ng Siguro nga parte lang ito ng austerity measures resolusyon]. Kung ano ‘yung tuition nila [mga na dinaranas ng ating Pamantasan ngunit sana estudyante noong 2010], iyon ang ii-increase naman ay hindi nila ipasa sa mga estudyante [sa tuition ng] lahat ng papasok [na freshmen ang mga kakulangang ito,” komento naman ngayon]. So ‘yung papasok ang maaapektuhan,” ni Makel, mag-aaral mula sa Dalubhasaan ng pagpapaliwanag ni Luzviminda Orozco, pinuno Pakikipagtalastasang Pangmadla (CMC). May ilan namang sumasang-ayon ng Accounting Office. Ang pagtaas ay ipinatupad sa lahat sa pagtaas gaya ni Kenneth Adrian na nasa ng undergraduate at graduate programs ng ikalawang taon. “Kahit papano, naiintindhan ko ang Pamantasan. Bukod sa matrikula, apektado rin ng pagtaas ang mga miscellaneous fees na pagtaas ng tuition, dahil sa austerity, Para hindi mabawasan ang public service sa Pamantasan binabayaran sa Pamantasan. Samantala, umani naman ng iba’t ibang tinaasan nila ang tuition para matugunan ang reaksyon mula sa mga mag-aaral ang ikalawang pondo ng Pamantasan na hindi naibibigay ng Manila City Hall. taon ng pagtataas ng matrikula. “Dahil sa pagtaas ng tuition fee, mas (Jouel Mina C. Ayes, Zhusmita May P. Manangan maraming estudyante ang hindi nakapag-aral sa at Rosanne Kim R. Trinidad)

Kantina muling nagbukas

OSDS Dir. Batongbacal

Nagbitiw mula sa pagkapangulo ng Kataas – taasang Konseho ng Mag-aaral (SSC) si Fl orante Galura Jr.

Sa kaniyang pahayag sa publiko noong Set. 6 sa University Activity Center, ipinanawagan din ni Galura ang pagbitiw sa puwesto ni Office of Student Development and Services (OSDS) Director for Student Activities Angelita Dela Cruz-Batongbacal. Kinuwestiyon ni Galura ang pagiging pro-student ni Batongbacal dahil sa umano’y palaging pagkakabinbin ng mga proyekto ng SSC at sa pagpersonal sa kaniya sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso. “Ako’y nananawagan po sa inyong pagbibitiw dahil hindi niyo na po na se-serve ‘yung purpose niyo. You’ve been an SSC president, so dapat alam niyo ang pinagdadaanan ng mga estudyante. Pero ano ho ‘yung ipinakita niyo? Mga delaying tactics, mga proyektong ‘di inaprubahan. Magbitiw na ho kayo dahil counter-productive na kayo sa student movement at student development,” mensahe ni Galura kay

Dir. Batongbacal. Idinagdag pa ni Galura na isa rin sa mga dahilan ng kaniyang pagbibitiw ay ang hindi pakikiisa ng ibang mga opisyal ng SSC. “Nag-mi-meeting kayo, may nagtetext, may naglalaro… Umalis ako dahil nagiging malaki akong balakid para makapagsulong ang institusyon tulad ng SSC ng mga proyekto… Ang pulitika kailangan mo ng alyansa, numero para maisulong… Hindi magwo-work ang ideolohiya mo kung wala kang mekanismo…pero the reality in SSC, kung wala nga ‘yung consensus ng mga kasamahan, at kung umoo sila verbally, where’s the action?” paliwanag ni Galura sa kanyang panayam sa AP. Bukod dito, isa rin sa mga dahilan ni Galura sa pagbibitiw ay ang umano’y paninira ng SSC Vice President at ngayo’y acting president Francis Olaso sa kaniya. “Madalas niya

SSC / p.3

Ang kantina ay para sa mga estudyante. Ito ang binigyang diin ni Alice Villanueva, may-ari ng Momsy’s, ang bagong concessionaire ng Kantina Sta. Ana na nagbukas noong Setyembre 8. Matapos ang anim na buwang pagkabakante ng kantina, iginiit ni Villanueva na hindi sila “profit-oriented” at nais nilang makatulong sa PLMayers sa pamamagitan ng pagbebenta ng murang pagkain. Tatlong uri ng pagkain ang kanilang binebenta, kabilang dito ang value meals na nagkakahalaga mula P30 hanggang P45 kasama ang kanin at sabaw. Susunod ang combo meals na may kasama nang noodles na mula P45 hanggang P60. Mayroon din silang barkada meals na may isang libreng meal kapag bumili ng sampung combo o value meal. Bukod dito, magkakaroon sila ng 5-day menu cycle kung saan maghahanda sila ng iba’t ibang putahe ng pagkaing maaaring mapagpilian ng mga estudyante.

Sa kabila ng P200,000 na buwanang upa kung saan hindi pa kasama ang bayad sa kuryente at tubig, siniguro ng concessionaire na hindi lang ang kalidad ng pagkain ang kanilang bibigyan ng atensyon, kundi pati ang kalinisan at kaayusan ng mga pasilidad. Patuloy nilang dadagdagan ang mga upuan, lamesa, at bentilador upang mas maging komportable ang mga estudyante. Maliban dito, balak din nilang maglagay ng bulletin boards upang mabigyan ng pagkakataon ang mga organisasyon na maglagay ng kanilang mensahe o announcement. Kaugnay nito, tiniyak din ng concessionaire na ang lahat ng pagkaing binebenta sa stall ay nararapat na sumailalim muna sa kanilang standard quality control. “Mine-maintain namin yung cleanliness. Kasi gusto ko lahat ng sini-serve nila ay malinis

KANTINA / p.2

GAWANG ISKO. Pinagmamasdan nila Vice President for Academic Affairs Dr. Neri Pescadera (pinakakaliwa) at ng ibang dalubguro ng PLM ang humigit kumulang 15 thesis ng mga estudyante at kawani ng Pamantasan na ipinrisinta sa lobby noong 10th Development Policy Research Month.


Bilang ng violators bumaba Bumaba ang bilang ng mga violators ng revised student manual ayon kay University Security Group (USG) Chief Fe T. Cawit. Ayon kay Cawit, kahit na may mga hindi pa rin sumusunod, hindi na ito singdami kung ikukumpara sa mga nakalipas na buwan ayon sa kanilang listahan at ng mga hindi sumusunod ng bagong student manual na inaprubahan noong Abril 24. Ayon sa kanilang listahan, nanguna ang Dalubhasaan ng Inhenyeriya at Teknolohiya (CET) sa mga kolehiyong may pinakamaraming violators na sinimulang i-monitor noong Agosto 15 hanggang Setyembre 1. Nasa ikalawang pwesto ang Dalubhasaan ng Pangangasiwa at Entreprenyurship (CME) at Dalubhasaan ng Kaunlarang Pantao (CHD). Nasa ikatlong pwesto naman ang Dalubhasaan ng Arkitektura at Pagpaplanong Panglungsod (CAUP) na sinusundan ng Dalubhasaan ng Pagtutuos at Ekonomiks (CAE) at Dalubhasaan ng Paki

BILANG / p.6

PLM bumaba sa REE exams, RME passing rate hindi nagbago

Bumaba ang passing rate ng PLM sa Registered Electrical Engineer (REE) board examination ngayong taon samantalang nanatili sa dating passing rate sa Registered Master Electrician (RME). Mula sa 80.65 bahagdan noong nakaraang taon, bumaba ang passing rate ng PLM sa REE board exam sa 68 bahagdan ngayong taon. Nanatili naman sa 75 bahagdan ang passing rate ng PLM sa RME. Labimpito ang pumasa mula sa 25 na kumuha ng REE board exam. Anim naman ang pumasa mula sa walong kumuha ng RME board exam. Ayon kay Engr. Charles Juarizo, chairperson ng Kagawaran ng Electrical Engineering at Electronics and Communication Engineering ng Dalubhasaan ng Inhinyeriya at Teknolohiya, masaya sila sa resulta ng board exam ngunit naglalayon pa silang magkaroon ng mas mataas na resulta sa susunod na taon. Bukod sa pagbibigay ng mentoring ng mga faculty members sa estudyante, nagbabalak silang magkaroon ng in-house review sa susunod na taon bilang paghahanda sa nasabing pagsusulit. “We are hoping to improve graduates of PLM, [to] the point of producing topnotchers,” winika pa ni Juarizo. (Neima G. Chowdhury at Ira Y. Cruz)

KANTINA / p.1 at dumadaan sa standard namin. Nakapangalan kasi sa akin yan. Kapag may masamang mangyari, na-poison, sinong hahabulin?” Bilang bahagi ng pagtulong ni Villanueva sa mga estudyante, plano niyang gumawa ng programang magbibigay ng libreng pagkain sa mga piling estudyanteng may mataas na grado. “Kasi, apostolate kami. Imbis na itutulong ko sa iba, nandito na ko. Tulong ko na sa mga estudyanteng less fortunate. [Pagkain] lang naman ‘yan, pwede ko nang ibigay ‘yan. Kaya lang gusto ko ‘yung matalino talaga. ‘Yung mataas yung grade. ‘Yung talagang nag-aaral. Kasi estudyante rin ako dati. Mahirap din ako noon.” Sa kasalukuyan, mayroong 16 na empleyado ang kantina kasama ang dalawang chef na sina Ramon Romero mula sa California School of Culinary, at Alberto Young, chef sa isang cruise liner. Reaksyon ng PLMayers Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng PLMayers sa muling pagbukas ng kantina. Ayon kay Razelle Gines ng BS Bio I-1, natutuwa siyang hindi na lalabas ng Pamantasan upang bumili lamang ng pagkain. “Doon sa bago nating canteen, maganda siya at [pakiramdam] mo na komportable ka. [Kumpara] doon sa mga shed, dito talaga malamig at hindi na mahirap maghanap ng makakainan. ‘Yung sa service, medyo kulang pa. Kasi walang kumukuha ng mga napag-kai-nan o kalat namin. Pero mas okay siya ngayon.” Giit naman ni Aiyumi Tsuchiya ng BS Entre IV-1, lumaki ang espasyo ng bagong canteen kumpara sa dati.

TAKAW MATA. Pinagpipilian ng isang estudyante kung alin sa mga combo meal ang kanyang kakaining pang-tanghalian sa Kantina Sta. Ana kung saan ang Momsy’s na ang bagong concessionaire mula ng magbukas ito noong Setyembre 8.

“ ’Yung place maganda kasi na-maximize nila yung space. ‘Di masyadong siksikan tulad ng dati. Tapos malamig.” Nagsisilbi ring concessionaire ang Momsy’s sa iba’t ibang mga opisina at kainan tulad ng Office of the Ombudsman, Camp Aguinaldo, Department of Energy at Flashcom driving range restaurant.

Napanatili ng dalawang dating mag-aaral ng Pamantasan ang pagiging Top performing PT school sa katatapos lamang na Physical Therapy Licensure Exam (PTLE) noong Agosto.

Ito ay dahil hindi kayang sustentuhan ng CLA ang pagkakaroon ng kinakailangang software para sa dating SPL. Inamin din ni Dbg. Reyes ang kawalan ng sapat na pondo para sa pagsasa–ayos nito at sa pagdaragdag ng overhead projectors at LCD T.V.. Ayon kay Dbg. Reyes, kulang ang mga ginagamit na Audio–Visual Room at classrooms para matugunan ang pasilidad na kailangan ng CLA. Ito ang dahilan kaya ginawang AVR ang laboratory bilang pandagdag sa AVR2 na nasa GL502. “Ginawang AVR ang [SPL] para maging mas kapaki-pakinabang. Kasi ‘yung pagkakaroon ng karagdagang AVR, na naroon sa CLA Multi-Media Center ay hindi sapat,” pahayag ni Dbg. Reyes. Umani ng iba’t – ibang reaksiyon mula sa mga estudiyante at guro ang estado ng silidaralan. “Kulang – kulang po [ang mga gamit], pati ‘yung isang aircon, ‘di nagfufunction ng maayos,” sabi ni Jasper Paul Hernandez na mula sa Dalubhasaan ng Komunikasyong Pangmadla na isa sa mga gumagamit ng SPL. “The Speech Lab is like other rooms. It’s just that the area is bigger and air–conditioned. But I don’t see the reason why it is called a ‘Speech Lab.’ There are no equipment to enhance speaking skills at all,” komento naman ni Flor de Torres, isang mag – aaral sa ikalawang taon. “Overall maayos ‘yung SPL maliban sa saksakan ng karaoke na sira at mahina ang aircon,” ani Dbg. Almahil Loberiano, isang guro sa Filipino na gumagamit ng AVR1. Ang SPL ay itinayo ng Pamantasan sa tulong ng Korean Christian Cultural Academy of Arts (KCCAA) noong Marso 17, 2004.

ng ika-pitong pwesto sa markang 83.80%; Arianne Versoza Alcala na nagkamit ng ika-walong pwesto sa markang 83.75%; at Mikhail Nikulai Josef Red Sangco na nagkamit ng ika-siyam na pwesto sa markang 83.60%. “Faith in God, believe in yourself, hindi lang naman dapat sa estudyante nagsisimula ang motivation, kailangan din galing [sa] college. Na kaya nila kahit mahirap, kailangan lang naman na i-push sila,” mensahe ni Lanete sa mga PLMayers na nais magtagumpay sa kani-kanilang mga piniling kurso. Sumunod sa PLM passing rate para sa PTLE ang University of the Philippines na may rating na 93.75% at University of Santo Tomas na may rating na 88.76%.

Pitong mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang nanalo sa Intramuros: A Shot at History, isang patimpalak sa pagkuha ng la-rawan. Ang mga nanalo ay pinangunahan nina Mary Aileen San Miguel (Puerta Real Gardens), Rhod Cristine Andres (San Diego Gardens), at Aira Marie Kiawan (Baluarte Plano Luneta), na tumanggap ng unang gantimpala. Nasa ikalawang puwesto sina Charmaine Ashley Villegas (Garitas) at Mary Aileen San Miguel (Revellin del Real, Almacenes Curtain Wall). Ikatlong puwesto sina Raquel Belandres (Fort Santiago Moat), at Rhod Cristine Andres (Garitas). Nasa ikaapat na puwesto sina Janine Francisco (Puerta Real Gardens) at Carlo Angelo Tuazon (San Diego Gardens). Kinumpleto nina Raquel Belandres (Baluarte Plano Luneta), Andrea

(Jouel Mina C. Ayes at Jan Michael B. Suarez)

(Adle Meye R. Enriquez)

Danielle Chua (San Diego Gardens), at Carlo Tuazon (Baluartillo de San Jose – Reducto de San Pedro) ang tala ng mga nanalo sa ikalimang puwesto. Animsa mga nanalo ay mula sa klase ni Dalubguro Elvert Bañares ng Photojournalism mula sa Bachelor in Mass Communications – Major in Public Relations. Si Andrea Chua naman ay galing sa Dalubhasaan ng Pagtatala at Ekonomiks (CAE). Ang patimpalak na pinangunahan ng Federation of Philippine Photographers Foundation, Inc. ay naglalayong ipakita ang ganda ng Intramuros upang makahikayat ng mga turista. (Adrian Nazarene DG. Nualda at Allaine Jolina O. Matic)

PUERTA REAL GARDENS ni Mary Aileen San Miguel. Nagkamit ng unang gantimpala. sa Intramuros: A shot at History.

Dalawampu’t tatlo na mag-aaral ang napili bilang bagong kasapi ng Ang Pamantasan (AP), ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) para sa taong 2012-2013. Mary Jude Marby Faith F. Abuan (BS Biology-I) ang napili bilang manunulat ng Balita. Ang mga manunulat naman sa seksyon na Lathalain ay sina Ira Y. Cruz (BMC-I) at Jan Michael B. Suarez (BS Psy-III) habang sina Irene Neah H. Francisco (BS Psy-I); Zhusmita May P. Manangan (BMC-III); Anne Jane M. Pandian (BMC-II) at Jelyn A. Levantino (BS Social Work-I) ay sa seksyon na Filipino. Sina Ehren Louise M. de Dios (BS Architecture-I) at Allaine Jolina O. Matic (BS Psy-I) ang mga manunulat ng Panitikan habang sina Neima G. Chowdhury (BMC-I) at Jouel Mina A. Ayes (BS ECE-III) ay sa Pampalakasan. Ang 23 na mag-aaral na nabanggit ay nakapasa sa written exam at panel interview na ibinigay ng Ang Pamantasan Examination (APEX) Adhoc Committee 2012. Binubuo ang komite nina Cherry Aggabao, Orlando Ballesteros at Jaime Zeus Agustin, mga alumni ng AP; TJ Burgonio ng Philippine Daily Inquirer; Merck Maguddayao ng Manila Standard Today; Nerissa Gabelo dalubguro ng Dalubhasaan ng Pakikipagtalastasang Pang-madla; Jennifer Monje at Ellenor Sibal ng Dalubhasaan ng Malayang Sining.

(Janine P. Francisco, Allaine Jolina O. Matic at Irene Neah H. Francisco)

Mga estudyante ng PLM wagi sa photography contest

Bagong manunulat ng AP pinangalanan Napili bilang Punong Patnugot si Fleurhelmina S. Ang, mag-aaral ng BS Psychology sa ikatlong taon (BS Psy-III) habang ang mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng Pakikipagtalastasang Pang-Madla (BMC) na sina Aljan G. Quilates na nasa ikatlong taon at Angelica M. Malabad, sa ikaapat na taon ang manunungkulan bilang Pangalawang Patnugot at Tagapangasiwang Patnugot, ayon sa pagkakasunod. Ang mga bagong patnugot naman sa iba’t ibang seksyon ng pahayagan na Balita, Lathalain, Filipino, Panitikan at Palakasan ay ang mga sumusunod: Rosanne Kim R. Trinidad (BMC Public Relations-IV); Phoemela Nicole V. Ballaran (BS Electronics Communication Engineering-IV); Mary Pauline G. Del Rosario (BMC-II); Janine P. Francisco (BMC PR-III) at Krystine P. Antonio (BMC-IV), ayon sa pagkakasunod. Ang mga posisyong pampulungan ay iniatang kina John Jeffrey Q. Gale (BMC PR-IV), Tagapamahala ng Sirkulasyon; Adrian Nazarene DG. Nualda (BS Business Economics-II) Tagapamahala ng Gawain, at Ace B. Rubic (BMC PR-IV), Kalihim ng Publikasyon. Samantala, ang mga mag-aaral sa unang taon na sina Adle Meye R. Enriquez (BMC-I) at

Nilinaw ni Dbg. Shirly Empleo – Reyes, chairperson ng Kagawaran ng Ingles ng Dalubhasan ng Malayang Sining (CLA) na mananatiling silid – aralan ang Speech Laboratory (SPL) sa ikalimang palapag ng Gusaling Lacson.

(Angelica M. Malabad, Krystine P. Antonio at Ira Y. Cruz)

PLMayers muling nanguna sa PT Licensure Exam Pinangunahan nina Irish Bianca Barayuga at Camille Louise Cathillar na nagkamit ng markang 84.55% ang 71 sa 73 dating mag-aaral ng Pamantasan na kumuha ng nasabing pagsusulit. Nakapagtala ang PLM ng 97.26% passing rate na mas mababa kumpara sa 100% noong nakaraang licensure examination. Ayon kay Dalubguro Prime Rose Teoludice M. Lanete, pansamantalang tagapamalakad (OIC) ng Dalubhasaan ng Terapi Pisikal (CPT) bukod sa dalawang mag-aaral na nanguna ay nakuha rin ng pito pang mag-aaral ang mga sumusunod na pwesto: Ma. Andrea Raymundo na nagkamit ng ikatlong pwesto sa markang 84.20%; Regine Trestiza Del Rosario na nagkamit ng ika-apat na pwesto sa markang 84.10%; Wilbert Valladores na nagkamit

GL AVR1 na dating Speech Lab mananatiling silid–aralan

BALUARTE PLANO LUNETA ni Aira Marie Kiawan. Nagkamit ng unang gantimpala.


PLMayers pumasa sa June 2012 NLE

Nakamit ng mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng Pagkalinga (CN) ang 77.78 bahagdan na passing rate sa Hunyo 2012 Nursing Licensure Examination (NLE), mas mataas sa 45.69 porsyento sa national passing rate. Si John Derick S. Guillen ang nakakuha ng ika-siyam na pwesto na may 84 bahagdan na marka. Sa resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Agosto, pito ang nakapasa sa siyam na kumuha ng pagsusulit. Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Dr. Maria Jesusa Lourdes D. Rodolfo, pansamantalang tagapamalakad (OIC) ng CN, kung bakit bumaba ang resulta ng pagsusulit mula noong Pebrero 2012 NLE kung saan 144 ang nakapasa mula sa 152, na nagtala ng 94.74% na passing rate ng PLM, mas mataas ng 16.96%. “Maliban sa dami ng pumasa o bumagsak ay kabilang din ang dami ng kumuha ng eksaminasyon sa mga konsiderasyon ng pagkuha ng passing rate. Nitong Hunyo 2012, nagkataong siyam lamang ang kumuha, subalit dalawa lamang sa kanila ang hindi pinalad Lumalabas ngang 77.78% ang passing rate na naitala.” Ayon kay Rodolfo, layunin ng CN na paunlarin at linangin pa ang clinical competency ng bawat mag-aaral upang madagdagan ng mga epektibong

PLMAYER PUMASA / p.6

SSC / p.1 akong sinisiraan sa OSDS… Sabi sa akin ni Gng. Malanum ang aking adviser last year sa CME-SC, narinig niya ay unting sayaw-sayaw, unting kantakanta tapos biglang pasok ng mga paninira… eto namang opisina, naniwala. Anong naging resulta? Kung magpapasa ka, dine-delay, ‘di inaapprove,” salaysay ni Galura. Iba’t ibang reaksyon Si SSC Public Relations Officer Joseph Jerom Yamat ay nagbigay ng reaksyon sa ginawang pagbaba sa puwesto ni Galura. “It was really, really hard for me because I was with him even before we became part of the Supreme Student Council… I feel like I’ve been left alone. But we still have good relationship with our colleagues… It’s hard to appoint someone like Florante. Whoever will [replace him]

is fine with me, I just [want] someone to be appointed,“ ani Yamat. Samantala, ang ibang opisyal ng SSC, maging si Dir. Batongbacal, ay tumangging magbigay ng kumento sa naturang usapin. Pagtatalaga ng bagong pangulo Nabakante na ang posisyon ng bise presidente dahil sa paghalili ni Olaso bilang presidente ng SSC. Dahil dito kasalukuyang kumukunsulta ang konseho sa Commission on Election (COMELEC) kung maaaring manatili itong bakante o kung kailangang magtalaga ng bagong pangalawang pangulo. “We didn’t expect sa COMELEC na magre-resign si Flor. Nonetheless, usually it’s the VP that fills the position as acting president, pero after [Galura’s] resignation magmimeeting kami to draft a resolution about the vacancy,” paliwanag ni Florence Joy dela

PLMayers lumahok sa Habagat relief operations Sa pangunguna sity Extension kiisa ang mga erations noong mga nasalanta

TULUNGAN PARA SA NANGANGAILANGAN. Nakiisa ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) sa repacking ng relief goods sa opisina ng Center for University Extension Services (CUES). Ipinamahagi sa mga nasalantang empleyado ng unibersidad at mga benipisyaryo mula sa Brgy. Ampid, Paraiso, San Mateo, Rizal ang mga donasyon matapos ang pananalanta ng hanging Habagat.

Cruz, Commissioner ng COMELEC. Mensahe ni Galura Ayon kay Galura, handa umano siyang makipagtulungan sa sinuman ang magiging bagong presidente ng konseho basta’t sila ay magkaparehas ng nais isulong. “Sa mga administrators natin, panawagan naman po, utang na loob na, ibigay niyo na po ang nararapat para sa amin. Kung ayaw niyo pong magtrabaho, ayaw niyong mahirapan, lumipat po kayo sa private practice... Sa OSDS, patunayan niyo po ang sinasabi ninyo na kayo ay pro-student… kaya nga ho mayroong aggressiveness, mayroong resistance, [ay dahil] mayroong mali sa ginagawa ninyo ngayon,” panawagan ni Galura.

“I am not retiring from the student movement… I am not resigning from my sworn duty, to advance our student’s rights and welfare… I will persistently initiate actions, even without the formal authority,” ayon sa liham ni Galura kay Olaso noong Agosto 28. Sa ngayon, kabilang pa rin si Galura sa Students Councils Alliance of the Philippines (SCAP) bilang founding chairman ng partidong pulitikal na Lakas-PLM ngunit hindi bilang pangulo ng SSC. “Dadalhin natin kung ano ‘yung meron sa labas dito… Pwede kong ibigay ang mga proyekto, tulungang makipagcoordinate sa kanila para maisulong ‘yung mga proyektong ‘yun. Okay lang kahit hindi ako ma-recognize, ang mahalaga kuntento ako sa sarili ko na may Plano ni Galura sa kasalukuyan nagawa ako,” salaysay ni Galura Ayon kay Galura, patu- ukol sa kanyang plano bilang loy pa rin siya sa pagiging akti- kasapi ng SCAP. bo sa loob ng Pamantasan kahit (Janine P. Francisco hindi na siya opisyal ng SSC. at Phoemela Nicole V. Ballaran)

ng Center for UniverServices (CUES), naPLMayer sa relief opAgosto 6-12 para sa ng hanging Habagat.

Ayon sa ulat mula sa CUES, ang mga relief kits na naglalaman ng bigas, canned goods, mga biskwit, mga bote ng tubig, handwash, at mga damit ay ipinagkaloob sa 80 empleyado ng Pamantasan na nagpalista bilang benepisyaryo habang 65 na pamilya naman ang napagkalooban sa Brgy. Ampid, Paraiso, San Mateo, Rizal noong Agosto 29. “PLM Employees’ Association (PLMEA) called and told all employees who were affected to go to the PLMEA president. Then there was a little screening. We told him [pangulo ng PLMEA] there has to be proof in this [na ang mga empleyado’y nasalanta], whether it was a picture or a description. Bale ang CUES [ hindi namahala] sa screening. We just relied on the PLMEA president to screen them,” pahayag ni Dr. Eleanor Galves, direktor ng CUES. Dagdag pa niya, ginamit ang lahat ng donasyong pera sa pagbili ng ecobags at iba pang relief goods. Kaugnay nito, pansamantalang naging drop-off point ng relief goods mula sa iba’t ibang samahan at kolehiyo ang opisina ng Kataas-taasang Konseho ng Mag-aaral (SSC) bago dalhin ang mga ito sa opisina ng CUES. Maliban pa sa pag-abot ng mga donasyon ay tumulong din ang ilang kolehiyo at mga samahan, partikular ang Reserved Officers’ Training Corp.(ROTC) sa unpacking at repacking ng mga donasyon. Pinuri naman ni Florante Galura, dating pangulo ng SSC, ang pagiging masigasig ng mga estudyante sa pakikilahok sa relief operations. “ ‘Di pa kami nakakapag-announce ng action, gusto na ng PLMayers na makapagbigay ng tulong, ayun ‘yung nagpapalakas sa vision natin para magkaroon ng isang ‘Caring People’s University’,” ani Galura. Nakipag-ugnayan si Dr. Galves kay Engr. Garry Erwin de Gracia, direktor ng Information Technology Center sa pagpapakalat ng nasabing plano sa pamamagitan ng text message at Facebook. (Jonah Leigh E. Ramos at Mary Pauline G. Del Rosario)

Gamit para sa Univ. Café wala pa rin Nahihirapan magsanay ang mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng Turismo, Pamamahala sa Industriya ng Estabilisyamentong Panuluyan at Paglalakbay (CTHTIM) dahil wala pa rin ang mga hinihintay nilang gamit para sa University Café. Ayon sa panayam sa dekana ng CTHTIM na si Gng. Maria Cristina Mapuyan, wala pa ring silang natatanggap na kumpirmasyong resulta hanggang ngayon para sa mga hinihingi nilang gamit para sa University Café mula sa opisina ng Vice President for Finance and Planning (VPFP) at PLM Bids and Awards Committee (PBAC). Nakaraang taon pa umano naibigay ng CTHTIM ang request para sa pagbili ng mga gamit na kakailanganin para sa pag-aayos ng café tulad ng gas stoves, freezer, plates, forks, spoons at iba pang gamit pangkusina na kailangan sa pagpapatakbo ng café at pagsasanay ng mga Hotel and Hospitality Management (HHM) mag-aaral ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. “These equipments will help in the development of skills na dapat tinataglay ng Tourism or HHM students. Ito kasi yung pinakasukatan kung maganda ba yung curriculum ng isang Hospitality College,” pahayag ng isang ayaw magpakilalang miyembro ng CTHTIM Student Council. Dagdag pa niya, malaki ang nagiging epekto ng pagtatagal ng delivery ng gamit sa mga subjects na kailangan ang mga ito. Nasasayang umano ang mga oras na dapat sana ay alam na nilang gawin ang isang bagay tulad ng pagluluto at housekeeping.

“In my point of view, may mga gamit naman na nakakatulong sa training ng skills namin pero sa ganitong aspeto lang kami nahahasa. Doon sa ibang field ng hospitality management, kulang na kulang. Ang hirap mag-adjust sa kakulangan ng facilities at equipment,” saad pa ng miyembro ng CTHTIM-SC. Kaugnay nito, nilinaw ni VPFP Angelita Solis na hindi nila mapagbibigyan ang kagustuhan ng CTHTIM sa pagpili ng kalidad ng mga gamit dahil hindi ito pumapasa sa pamantayan ng PLM na kailangan munang makuha ang mga gamit bago magbayad dahil na rin sa austerity measures. “Sufficient ang funds natin from City Hall. Whatever funds we receive, whatever income that we get, from tuition fees, miscellaneous fees and plus the subsidy from city hall, ‘yon ang pinagkakasiya ng University according to priority needs,” paliwanag ni VPFP Solis. Nilinaw ng miyembro ng CTHTIM-SC na gusto ng faculty ay iyong may magandang kalidad ang kunin para pangmatagalan ang gamit at dahil para naman sa mga estudyante iyong mga gamit. Wala naman umanong magiging problema sa pondo kung sakali man dahil pera naman ng mga estudyante ang gagamitin na manggagaling sa Tourism Activity Funds. (Anne Jane M. Pandian at Edison A. Barerra)

PLMayers nagbigay pugay kay Robredo Nagbigay galang ang mga PLMayers sa dating kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Jesse Manalastas Robredo noong Agosto 24. Nagbigay galang ang mga PLMayers sa dating kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Jesse Manalastas Robredo noong Agosto 24. Kinansela ang klase at trabaho at diretsong pumila ang mga mag-aaral, guro, at empleyado ng PLM sa kahabaan ng Ayala Boulevard, Padre Faura St., at Burgos Avenue alinsunod na rin sa memorandum na mula sa Tanggapan ng Pangulo upang masilayan ang mga labi ng dating kalihim. Sari-saring opinyon naman ang ibinigay ng mga estudyante tungkol kay Robredo at sa pagkansela ng klase. Ayon kay Lyka Kristelle Flores, na nasa unang taon ng kolehiyo, mula sa Dalubhasaan ng Pagtutuos at Ekonomiks (CAE), “Hindi ko talaga kilala si Sec. Ro-

bredo noong nabubuhay pa siya. Pero noong namatay na siya, saka ko napagtantong mabait at tapat talaga siya sa kanyang serbisyo.” Ayon naman sa isang estudyante sa ikalawang taon mula sa Dalubhasaan ng Terapi Pisikal (CPT), hindi tama ang pagkansela ng klase para magbigay-galang. “Nasayang lang yung oras na sinuspinde, may pagsusulit sana kami at marami pang aralin na hindi pa natatalakay. Isa pa, hindi ko naramdaman yung ‘solemnity’ ng pagdaan ni Robredo kasi ang bilis talaga.” Ang mga labi ni Jesse Robredo ay di nala mula sa syudad ng Naga, Camarines

PLMAYERS NAGBIGAY / p.6

“SLICE AND DICE TO WIN!” Inihahanda ng grupo mula sa Kolehiyo ng Agham (CS) ang kanilang putaheng Ilocano na “Dinengdeng” na nakapagkamit ng unang gantimpala sa Slice and Dice 2: Culinary Authenticity, Only in the Philippines, na naganap noong ika-28 ng Agosto sa University Activity Center.

Research Month ipinagdiwang sa Pamantasan Pinagtibay ng Pamantasan ang pagiging research-oriented nito sa pagdiriwang ng 10th Development Policy Research Month (DPRM).

Nakiisa ang Pamantasan sa pambansang selebrasyon ng DPRM na may temang “Regional Economic Integration and Inclusive Growth: Engaging Nations. Embracing People” sa pamamagitan ng papagkakaroon ng isang linggong research colloquia at exhibit sa lobby ng Gusaling Villegas. Layunin ng pagdiriwang na hikayatin ang mga mag-aaral, mga propesor, at iba pang kawani ng paaralan na makiisa sa mga gawaing may kinalaman sa pananaliksik. Humigit-kumulang 15 researches na gawa ng mga estudyante at kawani ng Pamantasan ang ipinrisinta. Nagkaroon din ng Knowledge Sharing Session on Open Development ang World Bank at Graduate Schools Research Forum kung saan ipinakita naman ang ilan sa mga thesis at dissertation ng mga kasalukuyang masteral at doctoral na estudyante ng Pamantasan. Ang nasabing selebrasyon ay pinangunahan ng University Research Center (URC) sa pakikipag-uganayan

sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS). PLM bilang isang research-oriented university “Actually, I believe that PLM is already research-oriented. It’s just that we are not aware [of it] and these [colloquia] are moves to make the academic world aware that we are actually conducting research here,” ayon kay Dr. Rebecca C. Tolentino, direktor ng URC. Dahil dito, inipon ng URC ang mga piling researches mula sa bawat kolehiyo upang magsagawa ng isang exhibit kung saan nakita ng mga PLMayers ang mga nakalap na researches. Sa kabilang banda, bilang motibasyon sa mga dalubguro, mabibigyan sila ng karagdagang teaching load na kanilang magagamit bilang insentibo upang pag-igihin pa pa nila ang pagbubuo ng pananaliksik. (Jouel Mina C. Ayes at Jan Michael B. Suarez)


PANGULONG-TUDLING Panawagan para sa bagong pangulo Noong Agosto 30, bumaba sa pagkapangulo ng Kataas-taasang Konseho ng Mag-aaral si Florante Galura Jr.. Dahil dito ay pansamantalang humalili si Bise Presidente Francis B. Olaso upang pamunuan ang Konseho. Hindi ito ang unang pagkakataon kung saan isang acting officer o officer in charge ang hahawak sa isang mahalagang posisyon sa Pamantasan. Ang dating pangulo ng Pamantasan na si Atty. Adel Tamano ay nagtagal lamang ng hindi kukuang ng dalawang taon. Ang kasalukuyang acting president naman ng Pamantasan na si Atty. Rafaelito Garayblas ay halos tatlong taon na sa kanyang termino. Dahil acting president nga lamang ang kasalukuyang nakaupo, nananatiling officers-in-charge lang din ang kanyang mga nailagay sa pwesto kabilang na ang mga dekana’t dekano at iba pang mga opisyal ng Pamantasan. Bakit nga ba hindi pa nagiging opisyal ang Acting University President kung may kapangyarihan naman ang Board of Regents na maghalal ng isang karapat dapat na pangulo ayon na rin sa Section 4 ng Republic Act 4196? Kailangan ng Pamantasan na magkaroon ng isang TUNAY na pangulo. Kailangan ng PLM ng isang lider. Isang tao na magbibigay ng kanyang oras, sikap at dedikasyon upang maisulong ang pag-unlad ng Pamantasan. Sa institusyong gaya ng PLM na humuhubog sa mga pag-asa ng bayan, kailangan ng mga lider na magsusulong at magtatanggol sa interes ng mga guro, kawani, at lalo na ng mga estudyante. Mga lider na kahit mahirap ay pagsusumikapan na makuha ang badyet na mahalaga sa pagpapalago ng pamaraan ng pagtuturo sa Pamantasan. Mga lider na may totoong pagpapamalasakit at pagmamahal sa Pamantasan kaya ibinibigay nila ang lahat upang mapanatili at makamit ang mga adhikain nito ng “Kagalingan, Karunungan at Kadakilaan.” Kailangan din ng mga estudyante-lider na kahit mahirap man ay isusulong din ang mga repormang hinihingi ng kapwa niya mag-aaral at magiging tunay nilang boses sa usaping pangpamantasan. Mga estudyante-lider na uunahing paglingkuran ang mga kamag-aral bago ang sariling interes. Bukod sa kakayanan, oras, dediskayon at pagmamalasakit, kailangan ng lider ng Pamantasan na alam isapuso ang mga salitang RESPONSIBILIDAD at PANANAGUTAN. At nagsisimula ang pagbuo sa mga lider na ito sa pagtanggal ng salitang “acting.”

Hindi ako nararapat sa maraming bagay. Hindi ako nararapat sa aking mga kaibigan. Hindi ako nararapat sa kanilang pagmamahal, pagtitiyaga, at pag-unawa. Kadalasan, iniisip ko kung bakit patuloy pa rin nila akong sinasamahan sa lahat ng katangahan ko.

Kasi madalas naniniwala ka sa mga bagay na gusto mong paniwalaan. Kahit anuman ang sabihin ng iba. At sa itinakda ng panahon, masasalamin sa paniniwala mo ang mga ginawa mo.

Hindi ako nararapat maging EIC ng Ang Pamantasan. Hindi ako ang pinakamagaling na manunulat, o patnugot, o kahit anong pinakamagaling. At kung isasalangalang ang mataas na pamantayan ng organisasyon ito, hindi ako karapat-dapat pa dito.

Kaya kung naniniwala kang isa kang PLMayer, malamang isa ka sa kanila. Sinusuportahan mo ang iyong paaralan sa paarang kaya mo. Tumitindig ka para rito kapag ang mga tao, kung sila man (at walang pakialam), nagsalita laban dito. Hindi mo kailangan ng matataas na marka at uno para masabing magaling kang estudyante, Higit sa lahat, hindi ako nararapat na mag-aral sa sapat ng kinikilala mo ang iyong paraalan at ang halaga PLM. Hindi ako kailanman naging seryoso sa pag-aaral. nito. Karaniwan lamang ang aking mga grado. Mayroon naman akong perang pangmatrikula sa mga pribadong paaralan. Kung naniniwala ka na isa kang estudyanteNasa iba na lang sana ang slot ko. May mga kabataan na lider, dapat magtrabaho ka sang-ayon dito. Madaling talagang nangangailangan ng libreng edukasyon. mangako ng mga bagay para ibigay ng tao ang tiwala nila sa iyo at iboto ka, ipakita mong karapat dapat ka para Ito’y nagbigay-daan sa aking pagtatanong kung sa tiwala nila. Nagiging gawa ang mga salita, sa paraang talagang nararapat ba ako o hindi sa mga bagay na mayroon iyon napapatunayan mo sa mga taong naglagay sa ‘yo sa ako (at wala) at ang pinakamahalaga, paano ba nasusukat posisyon na karapat-dapat ka. ang kahalagahan ng isang bagay? Kung naniniwala ka naman na isa kang mahusay Isa sa mga dalubguro ko ngayong semestre na propesor, nararapat na kumilos ka na naaayon sa kung ang nagsabi, “You get the grade that you deserve.” At sa sino ka. Kailangan mong manatili sa mga prinsipyo pinakamahalagang parte, (lalo na acads), totoo ‘yun. ng isang tunay na propesor. Pumasok ka sa iyong klase Ginagawa mo ang mga bagay ng tama, natutupad mo ang (ituro ang dapat matutunan ng iyong estudyante at huwag mga kailangang requirements, sa ganoong paraan tiyak naman sanang hayaang puro reporting lang ang maganap). makakakuha ka ng magandang marka. Ganoon kasimple. Irespeto mo ang iyong mga estudyante, katulad ng respeto na inaasahan mo mula sa kanila. Magtrabaho ka ng Pero madalas, hindi talaga simple ang bagay bagay. nararapat nang sa gayon hindi mag-alala ang iyong klase Hindi patas ang buhay. Karamihan sa mga tao ay hindi kung ano ba ang dapat nilang gawin (iyon ay ipasa nila nakukuha ang karapat-dapat na para sa kanila. At ‘yung mga ang iyong asignatura). bagay na para sa kanila, hindi kailanman mapapasakanila. TUNAY p./6

Fleurhelmina S. Ang Punong Patnugot Aljan G. Quilates Pangalawang Punong Patnugot Angelica M. Malabad Tagapangasiwang Patnugot Rosanne Kim R. Trinidad Patnugot ng Balita Phoemela Nicole V. Ballaran Patnugot ng Lathalain Mary Pauline G. Del Rosario Patnugot ng Filipino Janine P. Francisco Patnugot ng Panitikan Krystine P. Antonio Patnugot ng Palakasan John Jeffrey Q. Gale Tagapamahala ng Sirkulasyon Adrian Nazarene DG. Nualda Tagapamahala ng Gawain Ace B. Rubic Kalihim ng Publikasyon Mary Jude Marby F. Abuan Adle Meye R. Enriquez Mga Manunulat ng Balita Ira Y. Cruz Jan Michael B. Suarez Mga Manunulat ng Lathalain Irene Neah H. Francisco Jelyn A. Levantino Zhusmita Mae P. Manangan Anne Jane M. Pandian Mga Manunulat ng Filipino Ehren Louise M. De Dios Allaine Joline O. Matic Mga Manunulat ng Panitikan Jouel Mina C. Ayes Neima G. Chowdhury Manunulat ng Palakasan Austine Joyce F. Espino Tagaguhit Ang tanggapan ng Ang Pamantasan ay matatagpuan sa unang palapag ng Gusaling Villegas. Para sa komento at mungkahi, bisitahin ang aming tanggapan o mag-email sa angpamantasan1979@yahoo.com Website: www..facebook.com/angpamantasanplm

Kung kasaysayan rin lang ang pag-uusapan, marahil nga’y subok na ang REBOLUSYON upang mapabago ang isang bansa. Ang Rebolusyong Industriyal ang nagsulong ng ekonomiya ng Ingglatera mula isang agrikultural na bansa tungo sa modernisasyon. Ang Rebolusyong Bolshevik naman ang nagwasak sa ilang daang taong pamamahala ng pyudalismo at bumuhay ng komunismo sa Rusya. Ang Rebolusyong Kultural sa Tsina ang nagpabago sa ideolohiya nang milyung-milyong Tsino. Mayroon ba sa Pilipinas? Noong 1987, ang EDSA People Power Revolution ang nagbalik ng demokrasya sa ating bansa. Pinaalala ng mga karaniwang Pilipino sa mga lider na ang sobrang paniniil ay hindi pinalalampas sa sambayanan. Ngunit matapos ang 40 taon pagkatapos ng rebolusyon, tuluyan bang nabago ang bansa? Marahil ay nagtataka ka kung bakit kahit nawala na ang awtoritaryang pamahalaan, laganap pa din ang kahirapan, kurapsyon, kawalan ng hustisya at TraPo. Bakit? Dahil lahat ng sobra ay masama. Nagpakasasa ang mga bagong may hawak ng kapangyarihan sa kalayaan. Kalayaang magnakaw, manikil, mang-abuso at manira ng puri. Nawala na ang diwa ng EDSA. Paano pa natin mababago ang bansa? Isang bagong Rebolusyon. Hindi ko itinuturo na gumamit tayo ng dahas at mamundok tulad ng maraming iskolar na yumakap na sa komunismo. Ito ay rebolusyong magsisimula sa bawat isa sa atin. Isang rebolusyong wawalis sa bulok na sistema at magbubukas ng isang malinis na lipunan at gobyerno. Kailangan natin ng Rebolusyong Moral.

pagkakaroon ng

sa mga susunod na henerasyon upang malinis na ang dating baluktot at walang pinatutunguhang daan sa kasalukuyan. Hindi na natin dapat hintayin pa na malugmok sa kasalukuyang sistema ang ating lipunan. Rebolusyong Moral: Transpormasyon ng Bansa. Marahil ay maraming taon pa ang gugugulin sa pagrereporma at pagbabago ng ating bansa. Ang transisyon ay mahirap at minsan pa nga’y hindi pa nasusundan. Pero kung para sa bayan, bakit hindi pa manindigan ngayon at simulan ang pagbabago? Kung hindi ko man masilayan ang ating bansa sa ganap nitong pagbabago, makita ko man lang sana ang mga Pilipinong kikilos para sa bayan. Kabataan, manindigan at simulan na natin ang pagbabago Marami na ang nangako sa atin ng ganap na pagbabago. May nangyayari ba? Wala naman kung tatanungin mo ang nakararami. Bakit? Dahil nauuna dapat magsimula ang reporma sa maliliit na bagay. Ang payo ko sa aking kapwa kabataan, unti-unting simulan ang pagbabago. Anu-ano ba ang mga dapat baguhin natin? Itigil ang mga bisyo. Huwag mandaya. Huwag mangopya. Huwag magkalat. Maliliit lamang na mga bagay ito ngunit ‘pag ginawa ng marami ay nagkakaroon ng malaking epekto sa lipunan. Bakit? Nagiging modelo ka sa marami pang mga taong nakakakita sa iyo.

Mga kabataan, nanawagan akong magsimula Bilang estudyante, sa atin dapat magsimula tayo ng bagong rebolusyon. Para sa mga Pilipino, ang rebolusyong ito. Tayo bilang mga susunod na lider para sa bansang Pilipinas. sa hinaharap at propesyunal ang makakaimpluwensya


Student Inbox Noong nakaraang Marso, natapos ang kontrata ng Jesra Diner sa pamamahala ng Kantina Sta. Ana. Ilang buwang nabakante ang kantina bago ito muling nagbukas nitong Sabado sa bago nitong tagapamahala- Ang Momsy. Anu-ano ang mga inaasahang mong pagbabago sa Kantina Sta. Ana? May Maskot sana sa entrance! Oo nga’t nakatira tayo sa bansang malaya ngunit nakatatawang ni hindi natin maramdamang tayo’y may laya dahil sa kayang gawin ng mga taong tila nabubuhay sa labis ng kalayaan. Tila isang gasgas na ngang paksa ang saan kaya ang kalayaan nating magsabi ng ating pagtalakay sa labis na kalayaang mayroon hinaing, paniniwala’t opinion? Titigil lang ba tayo. At hanggang ngayon, wala ‘ni isang tayo ‘pag napabago natin ang isang tao? ‘Pag tunay na nakauuunawa kung ano nga ba ang nakasakit tayo ng tao? O ‘pag nasira natin ang mga limitasyon sa paggamit nito. Totoong buhay ng isang tao? napakahirap intindihin at lalong mahirap ipaliwanang sa karamihin kung ano ba ang ibig Alam kong hindi naman araw ng sabihin ng salitang ito. Paano natin mapauunawa kalayaan ngayon ngunit lubos na naalarma sa iba ang isang bahay na hindi natin nakikita, lamang ako sa labis na kalayaang ating nang naririnig, naamoy, at nalalasahan? Hindi nararanasan. ‘Ni hindi ko na nga alam kung ba’t ang kalayaan ay para lamang pag-ibig at kalayaang pang matatawag ito dahil sa arawmulto na atin lang nararamdaman? Paano natin araw na takot na ating nararamdaman dahil sa masasabing labis ang isang bagay kung iba-iba mga taong may kalayaang ‘di natin alam kung rin lang naman ang pagtingin at pagtimbang ng hanggang saan ang kayang gawin. iba’t ibang tao? Matatandaang lubos ang kaligayan Kalayaan nga bang maituturing ang natin noong mga panahong 1896 (Kawit, Cavite) pagboto sa mga kandidatong may kalayaan at 1986 (EDSA) na parehong iwinagayway ang ding nakawin ang kabang yamang pagmamay- watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng pagkamit ari rin natin? Kalayaan ba nating magtapon natn ng kalayaan. At ngayon, makikitang ang ng basura kung saan-saan, at kung tayo’y watawat na itong nakakabit sa isang matibay bahain, kalayaan din ban ating magreklamo na poste ay patuloy ang pagwagayway sa itaas sa pamahalaan? Alam kong kalayaan nating bilang paalala na ang mga taong nakatira sa magmahal, mag-asawa nang maaga, at bansang ito ay nanatiling Malaya. Subalit, hindi magkaroon ng kung gaano karaming anak na ko alam kung lubos pa rin ang kaligayahan gusto natin, ngunit kalayaan din bang sisihin natin sa labis na kalayaang ating natatamasa sa ang gobyerno kung sakaling tayo’y naghihirap? ngayon. Kung kalayaan din lang naman gawin ang mga Magkayunman, kung tunay ngang bagay na gusto rin lang natin gawin para lang sa ating pansariling kapakanan, eh ‘di kalayaan simbolo ang lakas ng pagwagayway ng nga talaga nating manghingi ng limos sa kahit watawat ng Pilipinas sa ating labis na kalayaan sinong taong masalubong natin. Kalayaan din na nararanasan ngayon, hiling ko lang na sana’y nating kumuha ng gamit na hindi naman talaga humina ang hanging nasa itaas na dahilan ng sa atin. Kalayaan din nating pumaslang ng pagtuloy na paggalaw sa maninipis na telang taong labis na kimumuhian natin. At hanggang tinatawag nating watawat.

Natatandaan ko noong freshman ako at may nagpapapila sa amin sa UAC para makinig sa sasabihin n’yang mahalaga. Hindi naman talaga ‘ko nakikinig gaya ng marami tuwing orientation, pero tandang tanda ko ‘yung isang sinabi nya. “Papasok kayo dito ng mga Nene at Totoy pa pero aalis kayo dito na may ulirat na.” Hindi ‘yan ‘yung eksaktong sinabi noon. Pero ngayong gagraduate ako (sana, fingers crossed :D), mas naintindihan ko na ang ibig sabihin nun. Wala sa plano ko noon ang magsulat sa AP. Paki ko ba sa school paper na inuupuan at pinangpapatong lang sa ulo ng mga estudyante. Basta ang alam ko, estudyante lang ako. Dapat mag-aral. Para makakuha ng magandang trabaho balangaraw. Napaka-GC ng mentalidad ko sa totoo lang. Pero wala namang masama sa mentalidad na ‘yun eh . “Estudyante ako, dapat akong mag-aral.” ‘Yun lang ang iniisip ko noong freshman ako. Mag-aral. At sa totoo lang, bukod sa hirap ng pagrereview ng mga lessons na hindi naman talaga naituro ay masarap mag-aral. Iba ang buhay college kumpara sa high school. Mas dapat kang magsikap para sa sarili mo. Hindi ka na makakaasang OK lang kahit walang homework o kahit hindi nagreview para sa long quiz (maliban na lang kapag sinuswerte ka). Iba ang kalakaran pero hindi nagbabago ang hamon: mag-aral ng mabuti.

Pero bukod sa academic lessons sa klase ay marami pa akong natutunan. Natutunan ko na kapag sira ang lock sa CR ay pwede mong ipang-lock muna ang paa mo habang umiihi. Natutunan ko rin na pwede kang pumasok nang mahaba ang palda at itaas ito hanggang dibdib kapag nasa loob ka na. Natutunan ko na dapat mag-tsinelas kapag umuulan at magsapatos kapag papasok na kahit pareho namang binabaha ang loob at labas ng school. Natutunan ko rin na minsan ang isang back pack bag ay katumbas na rin ng isang tao kapag nasa elevator. Para sa akin ay kapaki-pakinabang naman ang mga ito. Pero bukod pa sa mga ‘yon ay natutunan ko rin na kailangan kong magtiwala sa sarili ko at humugot ng lakas ng loob na sumali sa isang kompetisyon o gumawa ng isang bagay na hindi lahat ay gagawa. Natutunan ko na kapag nagkaroon ako ng posisyon sa isang grupo ay kailangan ko itong panindigan, bigyan ito ng oras at lakas. Dahil may mga taong nagtitiwala sa akin. Natutunan ko na minsan, kailangan ko ring kwestyunin ang tinuturo sa akin. Dahil tao

- Eunice, BMC

Sana magamit na ‘yung flat screen TV sa canteen tapos buksan ‘yun kapag maraming tao.

-Maricar Gondera 3rd year Sana mas masarap po yung pagkain. Bitin po.

-John Herbie C. Novero, BS Biology

Mas maraming assistant para mabilis yung service

-Jen Kate Marella Ballano, 1st year

Nadisappoint ako sa food offering, kulang yung kanin. Sana gawin nilang mas mura. Quality service- bagong lutong pagkain, cheap but nutritious foods, NO IPIS, cooler atmosphere, more chairs and tables. -Anonymous MAKATARUNGANG PRESYO NG PAGKAIN

-Pam Melaño, 2-4

Mas murang pagkain at magandang service

-Gia Aterrado, 2-4

Ang pagkain sa kantina na may dalang sariling baon ay hindi ipagbabawal, wala na ring “recycled foods” na itinitinda na kadalasan ay panis, wala ng mga ipis sa lamesa at di paggamit ng Styrofoam para sa pagkain.

-Rizza, 3rd Year

Lahat ng mga kakainan nung mga may baon. Di na naming alam kung saan lulugar dahil sa pagbabantay ng PDSPO/USG.

-Wendy Ligaya, BSA 2-4

-Sana mas maimplement mabuti ‘yung entrance-exit para matutunan ng mga estudyante ‘yung disiplina kahit sa maliit na bagay lang.

-AGQ, BMC

rin ang nagtuturo sa akin at hindi masisisi kung magkamali. Natutunan ko na minsan, hindi maiintindihan ng mga kaklase ko kung bakit pro-RH ako kahit linggo-linggo akong nagsisimba. Natutunan ko rin na may mga batas na sinusunod ang tao kahit hindi nila nakikita ang lohika sa likod nito. Siguro kasi ay nilimot ng mga gumawa ng batas ang lohika nung ginawa nila ang batas kaya nililimot din ng sumusunod ang lohika tuwing sumusunod sila. Natutunan ko na may mga magkaka-klase at magkakaibigan na halos magkapalit na ng mukha sa dalas ng pagsasama pero iba-iba pa rin ang mga paniniwalas nila sa bandang huli. At masakit man, natutunan ko na may mga bagay na dapat matutunan nating bitawan sa tamang panahon, kahit pa gaano natin ito kagusto. Para sa akin mas mahalaga ang mga natutunan kong iyon kaysa sa karamihan ng itunuro sa akin sa klase. (No offense sa mga naging guro ko na halos mapatid na ang ugat sa leeg.) Pero ang tanong ko ay kung paano ko ma-aaral ng maigi ang mga aral na iyon. Estudyante lang ako. Dapat nga naman mag-aral lang. Pero nakalimutan ata ‘nung nagsasabi nun na “estudyante ako sa PLM” at malawak ang kahulugan ng pagaaral. Sa ayaw at sa gusto natin ay matututo tayo ng ibang bagay bukod sa kung ano ang nasa libro at powerpoint presentation ng prof natin. May mga aral na mapupulot sa loob ng school at mula sa mga prof na bubuo sa ating pagkatao. Alam kaya ng prof ko na sa klase n’ya ko natuto ng pagpapahalaga sa oras

kahit hindi n’ya ito itinuturo? Alam kaya ni Manong guard na tuwing pumapasok ako sa gate ay kinukwestyon ko ang vision ng PLM na “A caring people’s university?” Alam kaya ng mga ka-org ko na sa kanila ko natutunan ang halaga ng tiwala at dedikasyon? Ikaw? Alam mo ba kung ano ang naituturo mo nang hindi mo namamalayan sa kapwa mo ka-Isko? OK lang kung hindi kasi hindi rin naman natin alam kung alam ng naiimpluwensyahan natin na naimpluwensyahan na sila. Gagraduate ako na medyo may alam na tungkol sa industriyang gusto kong pasukan. Gagraduate ako na alam ko na rin ang gusto kong pulitiko. Alam ko na ang gusto at ayaw ko sa relihiyong meron ako. Alam ko na rin kung ano ang pinagbabasehan ko ng tiwala at pakikitungo ko sa tao. At sa lahat ng ito ay may kinalaman ang Pamantasan. Sa mahigit limang oras ko ba namang inilalagi dito sa araw-araw. Totoo ‘yung sinabi nung manong sa UAC noong freshman ako. Lalabas akong mas may muwang na. Sana lang mapahalagahan ng mga tao sa PLM kung gaano kamaimpluwensya ang pag-aaral sa kolehiyo sa paghubog ng mga tao. Sana mas pahalagahan ng mga guro at empleyado sa paaralang ito kung gaano sila kamaimpluwensya sa mga batang nagaaral lang. Dahil bukod sa husay at talino, sa college din nagsisimulang malinang kung magiging anung klaseng tao ang isang estudyante balang araw.

Ang sa akin ay akin. Masakit ang maagawan. ‘Yung tipong pagmamay-ari mo ay inaangkin ng iba. Teka, lilinawin ko lang, hindi na sa pag-ibig pa ang tinutukoy ko. Ang nais kong ipabatid ay masakit ang maagawan ng mga ideya lalo na kung ito ay nagmula sa sarili mong pananalita at imahinasyon. Pero tulad ng sa isang relasyon, hindi maiiwasang makuha ng iba ang taong minamahal mo. Kaya dapat matutunan mo itong protektahan at pangalagaan. Maraming mang-aagaw sa paligid. Sa umpisa, titingintingin lang, kapag nalingat ka, sorry ka na lang, naagawan ka na niya. Gayunpaman, walang sorry sorry sa mundo ng pagsusulat. Sa katunayan, may terminolohiyang ginagamit para rito—plagiarism­. Ayon sa ikalawang edisyon ng UP Diksyunaryo (2010) ang plagiarism o plahiyo sa Filipino ay ang “pagtulad o pagkopya sa gawa ng iba at may hangaring manlinlang.” Nakasaad naman sa Merriam-Webster Online na ang kahulugan ng salitang plagiarize ay “to steal and pass off (the ideas or words of another) as one’s own.”

Batay sa dalawang depinisyon, masasabi kong ang plahiyo ay isang uri na rin ng krimen. Isang krimen na hindi pumapatay ng buhay ng tao, bagkus ay kumikitil sa karapatan ng isang tao sa malayang pagsusulat. Samakatuwid, isang seryosong isyu ang plagiarism. Dito sa Pamantasan, matatandaang nakasaad sa ating student manual na ang anumang akto ng plagiarism ay may kaparusahang dismissal maging ito ay unang opensa pa lamang. Sa ating bansa, walang tiyak na batas ukol dito. Gayunpaman, batay sa isang artikulo sa Manila Bulletin noong Agosto 29, 2012 sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na ipinanukala niyang magkaroon ng anti-plagiarism law. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng linaw at higit na pang-unawa sa plagiarism.

nang walang pahintulot. Nakakalungkot din na ang plagiarism ay talamak maging sa Internet. Kadalasan, nakaliligtaan nating banggitin ang source o pinagmulan ng mga impormasyon o anumang bagay na ating pino-post sa Facebook, Twitter, Tumblr at iba pang social networking sites. Ang simpleng pagpo-post ng status o tweets (na walang source) na hindi mula sa iyo ay isang akto na ng plagiarism.

Isang simpleng salita at simpleng paraan para maiwasan ang plagiarism. Kaya naman sa susunod na pagkakataong magbabahagi ka ng impormasyon, siguruhin mong magbibigay ka rin ng nararapat na atribusyon sa taong pinagmulan nito. Maaaring walang kwenta ang gawaing ito para sa iba, ngunit sa tingin ko, isa itong paraan upang mawakasan na nang tuluyan ang krimen na ito.

Kamakailan lang, inakusahan si Senator Tito Sotto ng plagiarism matapos umano nito kopyahin ang ilang bahagi ng kanyang Reproductive Health Bill speech mula sa isang Amerikanong blogger. Maliban kay Sotto, naakusahan na rin ng plagiarism si Manuel V. Pangilinan. Ito ay dahil ang ilang parte ng kanyang talumpati na ginawa umano ng dalawang mag-aaral ng Ateneo para kay MVP ay plagiarized o kinopya mula sa iba

Ito ang hirap sa isyung ito. Magsisimula sa isyu, matatapos na isyu pa rin. Ang resulta, walang nadadala. Sa kabila nito, naniniwala akong mayroon itong nais iparating sa atin. Ito ay ang matutunan na magbigay ng atribusyon sa anumang gawa, ideya o impormasyon na kinuha natin mula sa iba. Simpleng gawain lang naman ito hindi ba? Ngunit bakit tila marami yata sa atin ang nakakaligtaang gawin ito? ATRIBUSYON.

Sa huli, naniniwala akong hindi natin kinakailangang mangopya pa ng ideya ng iba para lang makakuha ng mataas na marka o mapansin ng karamihan. Marahil, tiwala lamang sa sarili ang kailangan. Tandaan natin na ang bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng Diyos ng pantay-pantay na talento. Ating pagyamanin ang kung anuman ang kanyang ibinigay.


PLM walang badyet sa ALCUlympics Kulang pa rin ang badyet ng Pamantasan para sa Association of Local Colleges and Universities Olympics (ALCUlympics). Ito ang pahayag ni Prof. Rogelio Angco, ang naitalagang tagapangasiwa ng PLM sa ALCUlympics na gaganapin sa Pebrero 2013 sa San Pablo Laguna. Ayon pa kay Angco, bagamat magsisimula na sila sa pagpili ng atleta, lahat pa rin ay nakadepende sa pondong makukuha nila para sa pagpagsasanay at annual participation fee na P19,000. “Medyo naghahanda pa lang tayo sa try-out, pero `yun ay nakabatay pa rin sa badyet kasi ang sports training natin walang mapagkunan ng badyet. Kaya nga wala pang coach. Ang hiring ng coach ay [ikalawang semestre] pa,” salaysay ni Angco. Dagdag ng dalubguro, magpapadala sila ng humigit-kumulang 15 na atleta na lalahok sa iba’t ibang isports na kabilang ang volleyball women, table tennis men and women, rugby at ang Mr. and Ms. ALCUlympics. Kung maaari, nais din ng Pamantasan na makasali sa isa pang panibagong laro – swimming. Mahigit sa 22 na paaralan ang lalahok sa ALCUlympics. Ang ilan sa mga ito ay ang Bulacan State University, Universidad de Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Pamantasan ng Lungsod ng Mandaluyong at Pamantasan ng Lungsod ng Pasay. Noong nakaraang panuruang taon, nasungkit ng PLM ang kampeonato sa table tennis at rugby, ikalawang pwesto sa badminton at unang pwesto sa Ms. ALCUlympics na ginanap sa Sta. Cruz, Laguna.

(Neima G. Chowdhury) BILANG / p.2 kipagtalastasan Pangmadla (CMC). Samantala, umani ng batikos ang USG mula sa mga mag-aaral nang ganapin ang General Assembly ng CHD noong Hulyo 16 na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa una at ikalawang taon. “May pinapanigan sila. Hindi sila makatarungan manita,” reklamo ni Riza Lepasana na isang estudyanteng mula sa Social Work. Ngunit iginiit ni Cawit na ang pagkakaroon ng violation sa dress code ay depende sa haba ng isinusuot, at maaari naman silang makapasok sa loob ng Pamantasan ngunit hindi sila makalulusot sa violation. Maging ang kanilang paglilibot sa University Activity Center ay hindi pinalagpas ng mga mag-aaral. Ngunit ayon kay Cawit, malaki ang naitutulong ng kanilang pag-iikot upang mabawasan ang mga iniiwang kalat ng mga estudyante na siyang pinakamalubhang suliranin na hindi nila mapigilan. Kaugnay nito, marami ring PLMayers ang umalma dahil sa hindi umano magandang paraan ng paninita ng USG. “Hindi pa naman ako sinisigawan, pero may mga pagkakataon na nakikita kong may sinisigawan sila,” pahayag naman ni Adrian Cauinian, isa ring mag-aaral ng Social Work. Ngunit tiniyak ni Cawit na malinaw ang pagbibigay niya ng utos sa pagsita sa mga mag-aaral. “Binilin ko sa kanila na maging mahinahon lang at ‘wag maninigaw. ‘Yung ibang estudyante kapag tinawag, hindi naririnig dahil may mga nakasaksak na headset sa tenga. Dahil naka-headset sila, kailangan silang tawagin nang malakas kaya akala nila sinigawan sila,” depensa ni Cawit. Dagdag pa niya, maaaring kunin ang pangalan ng mga security guards na hindi makatuwiran ang paraan ng paninita at ireport sa kanya. Kasabay nito ay ang panawagan ni Cawit na maging disiplinado ang PLMayers lalo na sa responsableng pagtatapon ng kalat. Hiningi rin niya ang malawak na pangunawa na ang USG ay tagapagpatupad lamang ng batas sa Pamantasan.

(Jelyn A. Levantino)

CM pang-lima sa licensure exam

Nakuha ng Dalubhasaan ng Medisina (CM) ang ika-limang pwesto sa katatapos lamang na Physician Licensure Exam noong Agosto. “Mas maganda kasi `yung Nagtala ang kolehiyo ng 97.65 Hulyo at Agosto sa tulong ng Paman- tasan Medical Graduates Association knowledge retention kapag small bahagdan na passing rate. Pang-apat naman ang CM sa Incorporated (PMGAI) at student coun- groups. Meron kaming tinatawag na 13 unibersidad na lumahok sa pagsu- cil ng CM bilang paghahanda sa nasa- small group discussion, small group sulit sa Metro Manila. bing pagsusulit. conference, laboratory small group Ayon kay Dra. Rose Anna Ba- Lumahok sa nasabing board conference at case discussion. Both nal, dekana ng CM, ang pagpasa ng 83 review ang 80% ng mga kumuha ng knowledge and skills ang nililinang natin sa kanila.” mula sa 85 estudyante na kumuha ng licensure exam. pagsusulit ay ikinasaya ng kolehiyo. Dagdag pa ni Banal, may mga Noong nakaraang taon, pang “`Yung buong batch napakasa- pagbabagong pinatutupad sa kanilang apat ang PLM-CM sa buong bansa at ya nila. Kaya nahawa na ko and I was mga learning activities. Bukod sa tradi- pangatlo sa Metro Manila, nakakuha carried away by their happiness and syunal na pagtuturo, nagkakaroon din rin sila ng 100% na passing rate. Ayon elation. Okay `yung resulta nung batch sila ng mga pangkatang gawain tu- kay Banal, ang nais nila sa susunod na `yun kasi inalagaan namin sila,” pa- lad ng laboratory small group confer- na taon ay maging 100% ang passing hayag ni Banal. ence na binubuo ng walo hanggang rate at magkaroon ng topnotcher mula Ayon pa sa dekana, nagkaroon labindalawang mag-aaral bawat grupo sa PLM. sila ng medical board review noong upang mas mapadali ang pag-unawa Mayo hanggang katapusan ng Hunyo at matutunan nang maigi ng mga es(Neima G. Chowdhury at Ira Y. Cruz) at dalawang mock board review noong tudyante.

PLMAYER PUMASA / p.3 nars sa ating bansa. “Minimithi rin ng kolehiyo na pagtibayin ang kakayanan at dedikasyon sa pagtuturo ng mga dalubguro upang makamit ang mga layuning ito,” dagdag pa ng dekana. Kasama ni Guillen sa mga nakapasa ay sina Danilo P. Baltazar Jr, Eleryna E. De Fiesta, Althea Rezel G. Guerrero, Joric P. Mallari, Fer Mae M. Mas, at Kathrine Marie A. Salazar.

(Mary Jude Marby Faith F. Abuan) PLMAYERS nagbigay / p.3 Norte kung saan siya naging alkalde, papuntang Villamor Airbase. Idinaan din ito sa Malacañang kung saan ginawaran ang dating kalihim ng full military honors bilang parte ng state funeral. Inilibing ang mga labi ni Robredo sa Eternal Gardens Memorial Park sa Naga. Sa kanyang artikulo sa PLM website, inalala ni Garry De Gracia, direktor ng Information Technology Center (ITC), na nagkaroon ng kauna-unahang Interactive Chat Session sa PLM noong Hunyo 2003 sa pangunguna ni Robredo. Ang Interactive Chat ay programa ng Ramon Magsaysay Awards Foundation (RMAF) kung saan binibigyan ng pagkakataon ang publiko na kausapin ang mga nabubuhay na bayani ng Asya. Si Robredo ay ginawaran ng Ramon Magsaysay Laureate for Democracy and Good Governance noong taong 2000. Ang titulong Magsaysay Laureate ay binibigay sa mga lider na nagpakita ng taos-pusong integridad, at tunay na serbisyo sa tao. (Mary Jude Marby Faith F. Abuan at Jonah Leigh E.Ramos)

PLMayers nakilahok sa Org Fair 2012 Labing pitong organisasyon ang sumali sa taunang PLM Organizational Fair noong Setyembre 21 sa University Activity Center.

Binigyan ng temang “Connection” ang Org Fair na pinangunahan ng Kataas-taasang Konseho (SSC) kung saan may lumahok na 17 na organisasyon. Ayon kay Francis Olaso, officer-in-charge ng SSC, tagumpay na maituturing ang naturang programa kahit pa tinipid ang badyet para sa Org Fair sang-ayon na rin sa kautusan ni Dr. Neri S. Pescadera, vice president for academic affairs. Ang mga lumahok sa Organizational Fair ngayong taon ay ang Integrated Council of Business Managers (ICBM), LifeBox, Junior Entrepreneur’s Society (JES), Mathematical Society, Light of Jesus Campus Feast, Tugon ReSCUE (Responding Students for Community Undertakings and Edification), Mass Communication Student’s League (MCSL), Junior Public Relations Practitioners of the Philippines (JPRPP), Junior Marketing Association (JMA), Bukluran Student’s Alliance – Integrated Students’ Organization, Literartistico, Nurse Academic Relations and Services Society (NARS Society), Youth Alive, Marulaya, Alliance of Students for Tourism Assimilation and Respondence (ALL STAR), Junior Financial Executives (JFINEX) at Student Catholic Action (SCA). Tinanghal na kampeon ng Organizational Fair 2012 ang Marulaya, pangalawa ang JES at ikatlo naman ang ICBM. Samantala, kinilala rin ang Marulaya bilang People’s Choice; Mathematical Society bilang Most Interactive Participant; at ang JPRPP bilang Most Informative Participant. Dagdag pa ni Olaso, nais ng SSC na maging ehemplo sila sa pagiging aktibong organisasyon at sa pagganap ng kanilang tungkulin. “Through our little actions, nakita naman nila kami na active. Hindi active na parang pakitang tao lang pero active na ginagawa namin yung trabaho namin,” ani Olaso. (Ace B. Rubic)

VPAA inilabas ang guidelines para sa kalinisan ng Pamantasan N i l a g d a a n n i Vi c e P r e s i d e n t f o r A c a d e m i c A ff a i r s ( V PA A ) N e r i S . P e s c a d e r a a n g G u i d e l i n e s o n University Cleanliness noong Setyembre 10. Designated Areas for Monitoring Ayon as alituntuning ito na unang inilabas noong Building/Area College Concerned Remarks Agosto 22, binibigyan ang bawat miyembro ng College CME Flr. 1-4 Student Councils (CSCs) at organisasyon ng espesyal na CAE G. Lacson Flr. 5-6, GV lobby area ‘power to reprimand’ upang pagsabihan ang kanilang kapCS (Accounting Office to PLMCOOP) wa estudyante upang tuluyan nang mabawasan ang dami GYM COPERS ng insidente ng pagkakalat sa mga pasilidad ng PamanCHD Flr. 1-2 G. Villegas CET Flr. 3-5 tasan. Ang mga lalabag sa kautusan ay papatawan ng paCPT Flr. 1 and hallway G. Bagatsing rusa ayon sa Revised Student Handbook sa ilalim ng InCM Flr. 2 and mezzanine G. Katipunan CN Flr. 1-4 (including libraries) tentional littering and other unhygienic excretion within the Flr. 1, University Café, PLM University premises. CTHTIM Catwalk, UTMT G. Corazon Aquino “We just need to assign persons na puwede nating CAUP Flr. 2-3 maitap. Iyong mga under our supervision, which are the acG. Atienza CMC Flr. 1-3 Univ. Chapel, credited organizations and student councils, from being our Religious Orgs. Parking, Gardens role model sila iyong mamumuno,” ani Angelita DC. Batongadjacent perimeter fence, UAC SSC, DOST-SA, Marulaya bacal, Director for Student Activities ng Office of Student quadrangle Field, Tanghalang Development and Services (OSDS). TUGON-RESCUE, BSA-ISO Bayan Ayon pa kay Gng. Batongbacal, ang mga kolehiyo Ilan sa mga sakop ng CSC sa kanilang babantayan ay at organisasyong makakapagpanatili ng kalinisan sa naatas ang mga lugar kung saan madalas magklase ang kolehiyo. Bahana lugar ay gagawaran ng gantimpala. Sa ngayon, ang parangal gi din ng naturang kampanya ang pagbabantay sa mga palikuran, ay nasa plano pa lamang at ang pinal na desisyon para sa pagsa mga upuan sa loob ng mga silid-aralan laban sa bandalismo. bubuo nito ay magmumula sa Recognition Committee na punong “Responsibilidad din naman ng mga estudyante na panabala sa Araw ng Pagkilala. galagaan at panatiliin iyong cleanliness ng University. Hindi lang Malugod ding iniaanyayahan ng OSDS na maglagay ang naman iyan responsibilidad ng mga janitors, faculty, staff, at saka mga kolehiyo at organisasyon ng mga karagdagang basurahan ng student leaders, so lahat-lahat, buong University,” dagdag pa at magpaskil ng mga paunawa at babala sa pag-aalaga ng kani Gng. Batongbacal. likasan ngunit kailangan pa rin itong ipagbigay-alam at humingi (Adle Meye R. Enriquez at Adrian Nazarene DG. Nualda) ng kaukulang pahintulot mula sa OSDS.

TUNAY p./4 Kung naniniwala ka na ginagawa mo ang iyong trabaho bilang isang kawani ng Pamantasan, kailangan pa bang imemorize ‘yan? Kung anumang panuntunang mula sa Pamantasan, sundin niyo ito. Gawin ninyo ang inyong trabaho (kung anuman ito), kung saan ang iyong pangunahing layunin ay pagsilbihan ang Pamantasan at maging katuwang sa pagpapasaayos nito.

Naniniwala akong mahal ko ang aking pamilya, mga kaibigan, ang Ang Pamantasan at ang ating Pamantasan. Lalong naniniwala ako na ang mga bagay na mahal ko ay karapat-dapat na ipaglaban. Na kung anuman ang maaaring mangyari, basta’t nariyan lamang sila at patuloy na ipinapakita na mahalaga ako sa kanila, hindi ko kailanman pagdududahan na karapat-dapat sila sa aking oras, tiwala at pagmamahal. At hindi ko hahayaang maramdaman

nila ang kahit ano, maliban na lang kung tunay na silaa’y mahalaga sa akin (ang ibig sabihin, sa hula ko, ay ang lahat).

Ito ang listahan ng mga bagay na alam kong karapat-dapat ako:

1. 2. 3. 4. 5.

Respeto Benepisyo ng pagdududa Pagkakataon na mapatunayan ang sarili Puwang para sa mga kamalian Dangal para matanggap ang mga bagay na hindi kayang baguhin 6. Oras at pasensya 7. Kaligayahan Dahil naniniwala ako na ang lahat ay nararapat maging isang tao.


Sports Flicks: Mga tunay na laban sa pelikula 1.

Kung ang simpleng panonood ng pelikula ay nakapagbibigay kasiyahan at ang panonood naman ng paboritong isports ay lubos na nakapananabik, bakit hindi na lang natin pagsamahin ang ating kasiyahan at pananabik? Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang pag-usbong ng mga pelikulang may kinalaman sa isports. Noon pa man, marami ng manunulat at direktor ang lubos na nahuli ang kiliti ng mga manonood sa paggawa ng tinatawag na sports flick. Ilan sa mga obrang ito ay hindi lamang naging paborito ng mga manonood kundi pati na rin ng mga kritiko dahil sa samu’t saring parangal na kanilang mga inani. 1. The Hustler (1961)

Director: Robert Rossen

Duration: 2 hrs, 14 mins

3. Raging Bull (1980) Director: Martin Scorsese Duration: 2 hrs, 13 mins

"You win, you win. You lose, you still win."

Kung mayroon mang hindi nalalaos na isports sa buong mundo, ito ay ang boksing. Iba’t ibang totoong istorya ang naisa-pelikula dahil sa temang karahasan, galit, at walang takot na pakikipaglaban ng isang boksingero para sa kanyang mga mahal sa buhay. At ito nga ang kwento ni Jake LaMotta (Robert De Niro) na ang pagiging masokista at seloso ang naging dahilan ng pagkasira ng kanyang relasyon sa kanyang asawa’t pamilya. Hindi matatawaran ang mga parangal na inani nito at makailang beses itong napasama sa listahan ng “The Greatest Movies for All Time” ng iba’t ibang kritiko. 4. Hoop Dreams (1994)

2.

Director: Steve James

Duration: 2 hrs, 52 mins

3.

"People always say to me, ‘When you get to the NBA, don't forget about me.’ Well, I should've said back, ‘If I don't make it to the NBA, don't you forget about me.’”

4. katotohanan sa kabila ng lahat ng kanyang mga pangarap. Nang umani ito ng maraming nominasyon at parangal, naging malaking impluwensiya ito sa pagsikat ng larong pool noong taong iyon.

5.

Isang kakaibang dokyumentaryong tungkol sa dalawang estudyanteng African-American (William Gates at Arthur Agee) na pumasok sa isang paaralang (karaniwang nag-aaal ay mga puti) may pinakamagandang programa ng basketball para sa kanilang pangarap na maging propesyunal na manlalaro nito. Dahil sa mga isyung binigyang diin ng istorya tulad ng pagkakaiba ng kultura at lahi, diskriminasyon, edukasyon, lagay ng ekonomiya, at pagpapahalaga, ito ay ginawarang ng maraming parangal, kasama na ang pagkamit ng Audience Award for Best Documentary sa Sundance Film Festival noong 1994. 5. Moneyball (2011)

Director: Bennett Miller Duration: 2hrs, 8 mins

2. Brian’s Song (1971)

“You get on base, we win. You don't, we lose. And I hate losing, Chavy. I hate it. I hate losing more than I even wanna win."

“You make shots that nobody's ever made before. I can play that game the way nobody’s ever played it before."

Director: Buzz Kulik

Mala-ala “Bata” ang galing ni Eddie Felson (Paul Newman) sa paglalaro ng Pool sa pelikulang ito matapos niyang magapi sa laban ang ilan sa mga lubos na kinikilalang tao sa bilyar ng mga panahong iyon. Umikot ang istorya sa ordinaryo at ambisyosong manlalarong si Fast Eddie na may nais patunayan sa paglalaro ng pool. Ito ang kwento kung saan ang bida ay nagwagi matapos sumuko, at tinanggap ang

Kung ang tipikal na kwento ng pag-ibig ang nagpaiyak sa mga kababaihan noon, hindi naman nabigong durugin ang puso ng mga kalalakihan ng pelikulang ito tungkol sa pagkakaibigan, pagsasakripisyo, pagibig at paglalaro ng football na sabay-sabay dumating sa tila isang perpektong panahon. Sa pagganap nina James Caan bilang Brian Piccolo at Billy Dee Williams bilang Gale Sayers na magkaibigan, tinuring ito ng maraming kritiko na isa sa mga, kung hindi man pinakamagandang TV series na isinapelikula.

Duration: 1 hr, 13 mins

“Ernest Hemingway once said, ‘Every true story ends in death.’ Well, this is a true story."

Binase ang pelikulang ito sa libro ni Michael Lewis tungkol sa isang grupo ng manlalaro ng Baseball na humarap sa problemang pampinansyal. Dahil dito, gumawa agad ng solusyon si Billy Beane (Brad Pitt) - ang bumuo ng koponan, sa pamamagitan ng tinatawag nilang Sabermetric Approach sa pagpili ng kanilang mga bagong miyembro mula sa hindi na sikat o laos na manlalaro. At dahil sa tiwala at bagong pag-asa na binigay ni Billy, naghatid sa ito kanila tungo sa 20 sunud-sunod na pagpanalo sa laro. Unang pinalabas ang pelikulang ito sa 2011 Toronto International Film Festival at nang mailabas sa mga sinehan, tinangkilik agad ito ng mga moviegoers, at umani ng samu’t saring parangal.

80’s at 90’s: Ang Golden Era ng PBA

Sportacles

Sa panlasang Pinoy, ‘di maikakaila ang kagustuhan ng karamihan sa larong basketbol. Maituturing na ngang “sport of all time” sa Pilipinas ang larong ito. Kahit saan ka man dumako, samu’t-saring basketball court ang iyong matatagpuan na ang ilan ay nagtitiis pa sa gawa-gawang ring makalaro lamang.

Hindi lamang nakakalibang ang isports. Puno din ito ng kaalamang talaga namang kagila-gilalas. Ngunit marami pa din tayong hindi alam tungkol dito. Narito ang ilan sa mga kagulat-gulat na na trivia sa mundo nang isports. Hindi nanggaling ang pangalan ng isports na rugby sa rugby na sinisinghot, at lalong hindi nanggaling ang isports na Squash sa kalabasa. Ang salitang rugby ay nanggaling sa isang paaralan sa Ingglatera na nagngangalang Rugby School kung saan nilikha ang larong ito. Matatagpuan ito sa Rugby, Warwickshire. Sa pananaliksik ay hindi naman nagra-rugby ang mga tao roon. Ang Squash naman ay nanggaling sa pandiwang squash. Ito ay dahil sa ang mga unang bola na ginamit dito ay napipisa sa malakas na pagbagsak nito.

Sa isports na boksing, isa sa pinakaimportanteng bahagi ng katawan na kailangangang protektahan ay ang baba (chin sa ingles, hindi yung baba na ___). Kadalasan, ito ang nagiging dahilan ng pagkabagsak o pagkaknockout ng isang boksingero sa laban.Ngunit kung mas masama ang tama sa iyong baba, maaring hemorrhage ang kahantungan mo.Sa kabilang banda, may mga estratehiya ang ilang boksingero upang protektahan ang kanilang baba sa malalakas na sapak na maari nilang matanggap. Ngunit naniniwala ka ba na pwedeng magkamuscles ang baba mo?

Medyo masagwa nga lang kung literal talagang may muscles sa baba, ngunit ang ibig sabihin nito ay maaring mapatigas mo ito(baba as in chin pa din ang pinag-uusapan dito) para hindi ito bumigay kung sakaling sumalo ito ng malakas na sapak. Mapapalakas mo ang iyong baba kung palalakihin mo ang muscles sa leeg sa pamamagitan nang matitinding weight-lifting at masusing pagpapatibay ng iyong resistensya.

Puro kasiyahan at katuwaan lamang ang professional wrestling habang seryoso naman ang amateur wrestling. Baligtad di ba? Sa karaniwang isports, mataas ang tsansang masaktan ang isang manlalaro sa propesyunal kumpara sa amateur. Ito ay dahil mataas din ang lebel ng kompetisyon kapag sa propesyunal na. Ngunit, sa wrestling ay iba. Ang mga wrestlers tulad ni John Cena, The Rock at Undertaker ay mga pro-wrestlers na ang intensyon lamang ay magbigay aliw. Karamihan sa kanila ay nagsimula bilang amateur. Soccer ba talaga o football? Sa Ingglatera lang naman kasi talaga tinatawag na football ang soccer. Magkaiba kasi talaga ang dalawang disiplina. Una, maaari mong hawakan ang bola sa football at sa soccer ay

Ang dekada ‘80 at ‘90 ang mga panahong masarap balikan sa PBA (Philippine Basketball Association). ‘Yung mga panahong uso pa ang maiikling jersey at talaga namang tumatatak sa isip ng bawat isa ang galing ng mga manlalaro.

hindi. Walang time-outs sa soccer. Sa soccer ay kailangan ng bilis at liksi habang lakas at laking katawan naman ang kailangan mo sa football. Pati sa bola, bilog na bilog ang sa soccer habang may medyo patulis na magkabilangdulo ang sa football.Sa madaling sabi ay magkaiba talaga ang dalawang isports. ‘Pag sumali ka sa marathon, ‘di sa lahat ng oras ay tumatakbo ka. Malamang, kapag pagod ka na, alangan namang pilitin mo? Pacing ang tawag kung magpapahinga ka muna lalo na sa malalayong distansya ng pagtakbo. Kung puro takbo lang ang gagawin mo, malaki ang tsansang matalo ka. Isang estratehiya ito upang matapos mo ang malayuang pagtakbo sa madaling paraan.

Nagulat ka sa mga nalaman mo ngayon no? Bakit hindi mo subukang maglaro nang kahit isang isports na nakasaad sa itaas? Malay mo matigas pala ang muscle ng baba (chin pa rin) mo, o ikaw pala si Brock Lesnar sa hinaharap? Pero syempre, bago mo pangaraping maging katulad ng mga idolo mo, aral muna PLMayer.

PBA; naitatag noong Abril 1975 na siyang pamalit sa noo’y Manila Industrial and Commercial Athletic Association (MICAA) at siyang pangalawa sa pinakamatandang professional basketball league sa buong mundo; sumunod sa National Basketball Association (NBA).

PBA sa 80’s

Sa simula ng dekada 80 nangibabaw ang pangalang Robert Jaworski, Ginebra San Miguel at ang mga kataga nitong “Never say die” na lalo pang nagpaigting sa laban ng karibal nitong Tanduay Rhum Masters na pinangungunahan ni Ramon Fernandez.

Maliban diyan, nakamit ng Crispa Redmanizers sa pamumuno ni coach Tommy Manotoc ang ikalawa nitong PBA Grand Slam title matapos humakot ng three-peat PBA conferences sa isang season. Sa pagtatapos ng 80’s, nasungkit naman ng San Miguel Beermen ang 1989 Grand Slam title sa ilalim ng pamumuno ni coach Norman Black.

PBA sa 90’s

Ang pagsisimula ng 90’s ang hudyat ng matinding girian sa pagitan ng Ginebra Kings at Shell Turbo Chargers. Nakita ito noong magwalk-out ang Ginebra sa 1990 finals at bumalik mula sa 3-1 standing upang pataubin ang koponan ng Shell sa 1991 Open Conference. Noong 1990, naitatag ang kauna-unahang all-professional dream team na pinamunuan ni coach Jaworksi na binubuo ng PBA superstars Alvin Patrimonio, Allan Caidic at Avelino Lim. Nauwi ng dream team ang medalyang pilak sa Asian Games. Si Lim ay nakasama rin sa all-star mythical five selection dito. Dagdag pa riyan, noong 1994 natamo ng Beermen ang PBA All-Filipino Cup title na siyang nagbigay sa kanila ng pagkakataon upang maging kinatawan ng Pilipinas para sa Asian Games.

Taong 1996 naman nakuha ng Alaska Milkmen ang pang-apat nitong PBA Grand Slam title sa ilalim ni coach Tim Cone.

Sa dekada ring ito, nakamit ng ating bansa ang iba’t ibang parangal mula sa mga kompetisyong sinalihan ng PBA.

Kay sarap balikan ang dating kultura sa hard court, mga lumang istilo ng uniporme, mga naglahong koponan, at ang mga orihinal na hari ng basketbol. Kaya para sa maraming mahilig sa isports, the best pa rin and 80’s at 90’s ng PBA!


Ultimate PLMayers Isang maaraw at maaliwalas na Lunes ito para kay Mark Anthony P. de Guzman, isang graduating student mula sa BS Electrical Engineering ng Dalubhasaan ng Inhinyero at Teknolohiya. Sa mataong Quirino Grandstand, unti-unti siyang bumuwelo, huminga ng malalim, at agad niyang binato sa kalangitan ang mistulang platong kanyang hawak.

Intrams Basketball Finals 2012

Gators tinapos ang paghahari ng Knights

Sabay takbo.

Huwag kang mag-alala. Legal at maituturing na uri ng paligsahan ang kanyang ginawa. Ito ay dahil siya, at ang mahigit sa labing-lima niyang mga kamag-aral ay naglalaro ng ultimate frisbee, isang larong pinaghalong American football, soccer, rugby, at basketbol. Subalit, sa halip na bola ay disc ang kanilang gamit.

Matapos ang siyam na taon, nakamit din ng COPERS ang titulo.

Ipinamalas ng Dalubhasaan ng Edukasyong Pampisikal, Libangan at Isports (COPERS) Gators ang isang matinding depensa alinsabay sa mainit nitong run and gun na opensa upang pataubin ang Dalubhasaan ng Inhinyera at Teknolohiya (CET) Knights, 8274 sa Finals ng basketball Intramurals noong Setyembre 25 sa University Gym. Nagsimula ang laban sa maigting na depensa ng Knights, kung saan pinakita nila sa pangunguna ni dating Most Valuable Player (MVP) John Arlo Cabral na ang tatlong taong dinastiya nila sa hard court ay kanilang ipagpapatuloy. Pinangunahan naman ng Intrams MVP Jan Kevin Pangilinan at Mark Peňaranda ang pagatake ng Gators kung saan bumawi ito mula walong puntos na kalamangan ng Knights at maitabla ang laro sa pagtatapos ng third quarter, 57-57. Lumamang na ang Gators sa ikatlong yugto, 66-57 ngunit tinangka pa din nila Cabral, Junnel Magsino at Ryle Puntero na habulin pa ang ngunit wala nang nagawa pa ang kanilang koponan sa mabagsik na opensa ng Gators. Isa sa mga rason kung bakit natalo ng Gators ang Knights ay dahil sa pagtatapos ng ilan nilang manlalaro ng CET katulad ni

Nang sinimulan ito noong 1968 sa Columbia High School sa New Jersey, USA, ang unang ginamit ng mga estudyanteng pambato ay pies. At ang mas kakaibang istorya, ang mga naunang naglaro nito ay hindi mga atleta kundi mga opisyal ng kanilang student council at mga manunulat sa campus paper. Isang patunay na mula noon, hindi lamang mag-aral ang kayang gawin ng kabataan.

Simple lang ang mga kailangang tandaan sa larong ito. Una, ang pakay ng bawat koponan ay maitawid ang disc sa kani-kanilang “goal.” Halintulad ito sa American football. Pangalawa, hindi maaaring maglakad o tumakbo ang may hawak ng disc. Pivotal o kaunting galaw lang ang kailangan upang maibato niya ang disc sa kanyang kakampi bago siya abutin ng sampung segundo. At ikatlo, ang kailangan sa larong ito ay bilis, katatagan, at liksi ng katawan. Aniya, kanya-kanyang trip na ‘yan kung hanggang ilang score ang kailangan ng koponan upang manalo. At dahil madali lang ang mga panuntunan, parami na ng parami ang mga estudyanteng nahuhumaling dito.

“[Noong] unang tingin ko ‘run sa mga nagpapasahan ng disc bago ko malaman ‘yung laro [ay] mukhang mga aso,” natatawang sagot ni de Guzman sa tanong kung ano ang unang tingin niya sa laro. Sabagay, sa unang tingin nga naman, kung hindi pa may sikat na Derek Ramsey na naglalaro nito ay malamang akalain ng marami ay parang “trip” lang ang ultimate.

Pinabulaanan din ni de Guzman na hindi lamang ito isang pampalipas oras. Sa katunayan, sa dami ng kanilang gawain at pagsusulit, napakalaking tulong sa pagtanggal ng stress at sakit sa ulo ang naturang laro.

Maliban dito, hindi rin nila maitatangging dahil sa ultimate frisbee, lalong tumatag ang kanilang pagkakaibigan at teamwork. At dahil dito, nagiging balanse ang kanilang buhay estudyante sa Pamantasan. “[Sa] tuwing maglalaro kami, gusto pa naming gumaling,” dagdag niya.

Kasalukuyan, wala silang pormal na organisasyon o pangkat para rito. Ipinagbawal na rin ng pamunuan ng Pamantasan ang kanilang paglalaro sa field dahil maaari raw silang makatama o makasakit ng kapwa. Kaya ngayon, ‘pag may oras, nagkikita-kita sila de Guzman at kanyang mga kamag-aral sa Quirino Grandstand upang magtanggal ng stress, mag-ala-Superman, at magpakahusay sa isang alternatibong laro na talaga namang nilikha ng mga estudyante para sa estudyante – ang ultimate frisbee. “I feel infinite.”

Ito ang sabi ni de Guzman tuwing tinutunghayan niyang lumipad ang kanyang disc sa damuhan.

PCAC kampeonato sa Chorale at Cultural dance

Pinatunayan ng President’s Committee on Arts and Culture (PCAC) ang kanilang husay matapos masungkit ang kampeonato sa Philippine Tour Operators Association Eco Chorale at Cultural Dance competition noong Agosto 10 at 12 sa SMX Convention Center. Ayon kay Susan Mercado, ginawa na lang natin para maganda. Tapos chairperson ng PCAC, pitong unibersidad yung sa choral nakasuot sila ng pangang lumahok sa dalawang kompetisyon. Kalinga kasi pang-etniko `yung kanta.” Ang Pamantasan ng Lungsod ng Marikina “Masaya kami kasi back to back at Lyceum of the Philippines University yung pagkapanalo namin sa dalawang ang nakakuha ng ikalawa at ikatlong kompetisyon at ang sarap pakinggan na `yung pwesto sa Cultural Dance Competition. Ang paaralan natin `yung nanalo sa napakalaking PATTS College of Aeronautics, De La Salle event na `yun,” ayon kay Ma. Kristine Cielo University-Dasmariñas at University of Marbella, kalihim ng PCAC chorale. Perpetual Help naman ang ilang lumahok Nagkamit ang PCAC ng tropeo at sa Eco Chorale Competition. cash prize na P 30,000 dahil sa kanilang Simula pa lamang ng unang pagkapanalo sa dalawang kompetisyon. semestre ay naghanda na ang PCAC para Noong nakaraang taon ay nakuha sa nasabing mga kompetisyon ayon kay ng PCAC ang ikalawang pwesto sa cultural Mercado. dance at unang pwesto naman sa chorale “‘Yung mga kasuotan meron naman competition. tayo rito, pero ‘yung mga iba pang gamit tulad ng hikaw at pamaypay sa Singkil ay (Neima G.Chowdhury, Zhusmita May P. Manangan)

dating team captain Jonathan Lim. Sa kabilang banda, dumagdag sa pwersa ng COPERS ang paglipat ni Jan Kevin Pangilinan mula sa Dalubhasaan ng Kaunlarang Pantao (CHD) Mythz at Jose Mari Castro ng Dalubhasaan ng Turismo, Pamamahala sa Industriya ng Establisyamentong Panuluyan at Paglalakbay (CTHTIM) Slashers. “Defense talaga ang main strength namin. Hindi lang naman nung finals, buong season talaga we’re playing good team defense aside from our great individual defenders... Bilib din ako sa puso at determinasyon ng bawat isa samin, lahat talaga desidido magchampion.” ani Pangilinan. Lady Knights kampeon kontra Lady Dragons

Tinapos ng CET Lady Knights ang mala-Cinderella na istorya ng na pagakyat ng Dalubhasaan ng Pagtutuos at Ekonomiks (CAE) Lady Dragons sa iskor na 54-46 sa women’s finals. Matatandaang tinalo ng Lady Dragons ang dating kampeon na Dalubhasaan ng Pangangasiwa at Entreprenyurship (CME) Gators sa loser’s bracket upang makarating sa finals. (Aljan G. Quilates,

Krystine P. Antonio)

Kasibulan sumipa sa Pamantasan

(photos courtesy of Eldan R. Pocot) Dinagsa ng mahigit 500 kabataan at 60 coach mula sa iba’t ibang paaralang elementarya sa Maynila ang Pamantasan noong Setyembre 21 para sa FIFA-backed Kasibulan Grassroots Football program. Ayon kay Michael Agbayani, Philippine Football Federation (PFF) grassroots development officer, naglalayon itong makahanap ng batang manlalaro na may potensyal at maaring isali sa 2019 FIFA Under-17 World Cup.

“[The goal of Kasibulan 3-day seminar is] to lecture coaches about basics of football, how to handle kids and to identify potential players,” ani ni Agbayani.

Sa kanilang unang dalawang araw ng pagdaraos, itinuro ng National Capital Region Football Association (NCRFA) at Philippine Football Federation (PFF) sa tagapagsanay ang tamang pagsipa ng bola, pag-dribble at panuntunan sa paglalaro ng football na isinigawa sa Gusaling Atienza 201. Samantala, sa huling araw naman isinagawa ang Festival Football kung saan itinuro na ng tagapagsanay ang kanilang mga karagdagang kaalaman sa football sa kabataang manlalaro.

Dagdag ni Coach Jonathan Ochoa mula sa Mababang Paaralan ng Antonio Luna, natuto rin sila ng mga tamang panuntunan sa football dahil sa Kasibulan.

“Nung una, akala namin para sa mga bata lang pero ang nangyari, kaming mga guro ang nag-facilitate sa training ng mga bata. Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang organizer tapos kami ang ginawang manpower. At the same time, nati-train na rin kami kung paano mag-train ng bata,” ani ni Ochoa. Naisagawa ang programa sa PLM field sa tulong ng NCRFA, (PAGCOR), Division of City Schools Manila, Elementary Department at Manila City Hall. (Adle Meye R. Enriquez, Mary Jude Marby F. Abuan)


Kung meron mang bisyo ang mga Pinoy, malamang ‘yun ay ang tumawa. Isang kabalintunaan sigurong maituturing ang kasiyahang ipinapakita ng mga Pinoy sa kabila ng mga isyu at problemang kinahaharap ng bansa ngayon. Nariyan ang malaking kakulangan sa silid-aralan, patuloy na pagtaas ng tuition fee sa mga unibersidad, pababa nang pababang employment rate, ang kamakailan lang na pinsalang idinulot ng hanging Habagat sa bansa at marami pang iba. Saan ka ba naman kasi nakakita ng pamilya na binaha na nga’t lahat, eh nakukuha pang kawayan at tilian ang mga artistang nag-aabot ng relief goods sa kanila? Kahit tuyo at pritong itlog lang ang ulam eh tuwang-tuwa pa rin sa kanilang kwentuhan sa

at kasiyahan. Kung Kapamilya ka naman, malamang nakatutok ka sa pang-ookray ni Vice Ganda sa contestants ng Showtime tuwing tanghalian. Pagsapit ng gabi, nakiki-“Baket?” tayo sa non-sense pero nakakaaliw na pick-up lines ni Boy Pick-up ng Bubble Gang. Mabenta rin sa atin ang green jokes ni Vice maging ang kanyang mahaharot na kilos sa Gandang Gabi Vice. Sa bawat joke na binabato sa atin ng mga programang ito, nabubusog tayo sa kasiyahan at kaaliwan. Hindi maikakailang kasalo natin sa hapag kainan ang mga programang nagbibigay-aliw sa ating lahat. Kumbaga, nagsilbi silang appetizers sa araw-araw. Basta’t kaharap natin ang telebisyon, o kaya nama’y may radyo na nakabukas, swak na ang kainan kahit tuyo at pritong itlog lang ang ulam.

The Gay Community

Madalas man silang makatanggap ng kritisismo sa lipunan, aminin nating sila ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kulay ang stressful nating buhay. Sila ‘yung mga tipo ng taong nasa dugo na ang pagpapasaya. Hindi maikakailang sila ang sentro ng atensyon sa klase man o sa mga pampublikong lugar dahil sa taglay nilang natural na talento sa pagpapatawa. Hindi natin maitatangging napakama-impluwensya nila lalo na sa kanilang lenggwaheng Bekimon na madalas nating marinig at tawanan bagamat hirap tayo sa pag-intindi rito.

hapag-kainan.

Facebook and Twitter

Gayunpaman, alam kong sa kabila ng mababaw na pagharap ng karamihan ng mga Pinoy sa mga isyung ito ay may mga malalim na dahilang natatago. Mga dahilan kung bakit nakukuha pa nating ngitian ang tambak na problema. Mga dahilang naging bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ng bawat Juan.

Malaki rin ang impluwensya ng mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter pagdating sa mga post na talaga namang nakawiwindang. Isa na riyan ay ang pagkalat ng iba’t ibang larawan ng Alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim sa Facebook at Twitter kung saan nilagyan ito ng mga nakakatawang captions tulad ng Lim Min Ho, malaLIM, LIMang daang piso at iba pang mga kalokohan ng netizens. Nag-trend din sa Twitter ang #PinoyDictionary kung saan nagpost ang mga Twitter users ng mga Tagalog terms na literal na isinalin sa Ingles tulad ng SIP TEA na nangangahulugang SAFETY, PEACE para sa isda at SHE FEEL YOU para sa toothbrush.

Comedy Icon

Laughter Menu

Syempre, malilimutan ba naman natin ang taong naghatid sa atin sa mundo ng komedya? Sino namang Pilipino ang hindi nakakakilala sa Comedy King Dolphy? Tunay namang buong buhay ay inilaan na niya sa paghahatid ng kasiyahan sa mga Pinoy. Malaki ang naging kontribusyon ni Rodolfo Vera Quizon Jr. o mas kilala bilang Pidol sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa. Ilan lamang dito ang John En Marsha, Home Along da Riles, Puruntong,Quizon Avenue at John en Shirley.Para naman sa mga tulad ko na hindi gaanong nasimulan ang karera ni Dolphy, nariyan ang Pidol’s Wonderland, Father Jejemon at Dobol Trobol.

Sa agahan, tanghalian, hapunan o kahit midnight snacks pa, kasama natin sa bawat pagnguya ang mga programang kumikiliti sa ating lahat. Umaga pa lang eh napapahagikgik na tayo sa boses ng tambalang Isang Balasubas at Isang Balahura na sina Chris Tsuper at Nicole Hyala ng 90.7 Love Radio. Nariyan ang tropa nila Jose, Wally at Paolo ng Eat Bulaga na kumakatok sa bawat tahanan mula Batanes hanggang Jolo para mamigay ng papremyo

Hindi na nga mabilang ang ambag ni Dolphy pagdating sa larangan ng pagpapatawa. Ang mga pelikula at programang ito ang nagpatunay na nahuli niya ang kiliti ng mga Pinoy. Nagsilbi siyang daan upang kahit na papaano’y malimutan ng mga Pilipino ang mga personal nating problema. Sa kabila ng pagkabigo na makuha ang titulong National Artist for Cinema, mananatili pa rin namang buhay sa puso ng bawat Pilipino ang mga obra ng nagiisang Hari ng Komedya.

Kung gayon, ano nga ba ang mga dahilang ito? Ano ang nasa likod ng matatamis at masasarap na ngiti at halakhak ng mga Pinoy? Tunay ngang maituturing mababaw ang kaligayahan ng mga Pinoy. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga dahilang may mga problemang hindi nga agad-agad natatakasan ngunit maari namang lunasan ng mga ngiti at tawang atin nang naging pagkakakilanlan.

Mula sa Lusak Patungong Langit Anne Jane M. Pandian

Walang tamang pormula sa pag-unlad, pero para sa mga Pilipinong ito, sipag at tiyaga ang siyang pinakasusi sa pag-angat sa buhay. Ito ang katibayang tayong mga Pilipino ay likas na pursigido sa ating bawat ginagawa at hindi basta-basta mapapatumba ng kahit anumang hadlang. Ilan sa mga Pilipinong masasabi nating matagumpay na sa kanilang karera ang nagpatunay na hindi lahat ng mahirap ay habambuhay nang magiging mahirap. Para sa mga Pilipinong ito, ang kahirapan nila ang naging inspirasyon para magpatuloy sila sa kanilang mga pangarap. Ngayon ay isa na sila sa mga hinahangaan at tinitingala ng tao sa bansa. Manny V. Pangilinan Isa siya sa pinaka-tinitingalang business tycoon sa kasalukuyan. Ang pamilya niya ay napakahirap noon. Tanging ama lang niya na isang mensahero sa isang kilalang bangko noon ang bumubuhay sa kanila. Nakapag-aral lamang si Manny Pangilinan sa tulong ng isang scholarship grant. Bago magtapos ng kolehiyo, ay gusto niyang kumuha ng Masteral Degree upang madagdagan pa ang kanyang kaalaman.Ngunit nabigo siya dahil hindi kayang suportahan ng ama niya ang gusto niyang kunin. Sa kabila nito, hindi siya huminto sa paghahanap ng paraan para makapag-aral. Nakatanggap siya ng scholarship mula sa University of Pennsylvania at doon ay nakamit niya ang pangarap niya. Ngayon, si Pangilinan na mas kilala bilang MVP ay nagmamay-ari na ng telecommunications, hospitals, expressways, television networks at iba pang malalaking business operations. Soccoro Ramos Kadikit ng pangalan niya ang National Bookstore na siyang naging bunga ng pagsusumikap niya kasama ang kanyang asawa. Dati siyang cashier sa tindahan ng kanyang kamag-anak habang nag-aaral pa lang. Nagtitinda siya ng mga school supplies sa paaralan. Nang makapagtapos at makapagasawa siya ay nagtulungan silang mag-asawa nang buuin ang National Bookstore. Ngunit tulad ng iba, hindi naging madali ang tagumpay. Sinira noon ng bagyong Gener ang tindahan nila na siyang naging matinding pagsubok sa kanilang negosyo. Sa kabila nito’y hindi sila sumuko at sa halip ay mas lalong nagsikap na muling ipanumbalik ang kanilang ikinabubuhay. Halos lahat ng trabaho sa bookstore ay siya ang gumagawa. Nagbunga ang kanilang pagsusumikap kaya’t hanggang ngayon ay patuloy ang paglago ng kanilang negosyo at paunlad pa nang paunlad ito.

‘Di ba? Walang anumang bagay, tao o kalamidad ang makahahadlang sa’yo upang maging maligaya. Kung ginusto mo, makakamit mo. Ninais mong maging maligaya? Magiging maligaya ka. Talagang hindi maikakailang hindi na natin maaalis sa ating pamumuhay ang pagtawa. Bisyo na natin itong mga Pilipino. Ito ang nagsisilbi nating lunas sa patung-patong na problema nating kinakaharap. Palasak man ang paniniwala na “Laughter is the Best Medicine,” ito pa rin ang katotohanang nagmumulat sa atin kahit gaano man kabigat ang problema na ibigay sa ating mga Pinoy, malalampasan at malalampasan din natin ang mga ‘yan dahil mayroon tayong armas na ikinukubli sa makahulugan nating mga ngiti.

Antonio Meloto Ang Gawad Kalinga (GK) ang isa sa pinakapopular na anti-poverty initiatives sa bansa. Ngunit hindi alam ng lahat, ang nagtatag nito na si Antonio “Tony” Meloto ay nag-umpisa rin mula sa hirap bago nagtagumpay sa kanyang mga pangarap. Nakapag-aral si Meloto sa Ateneo sa pamamagitan ng scholarship. Nag-umpisa siya ng maliit na kabuhayan at lumahok din sa mga programang pantulong sa mga mahihirap. Ito ay sa pamamagitan ng mga pabahay para sa mga walang tirahan. Naitatag ni Meloto ang Gawad Kalinga matapos siyang bumisita sa komunidad ng Bagong Silang, Caloocan City kung saan dito niya nakita ang hirap ng kawalan ng tirahan ng mga tao. Victor Sexcion Natutong maghanap buhay si Mang Victor para makakain sila araw-araw ng kanyang ina. Ang pamumulot ng mga nahulog na coffee beans sa isang hacienda ang isa sa mga naging trabaho niya. Binibigay ni Mang Victor sa mga haciendero ang napupulot niya bilang kapalit ng kaunting halaga. Noong nasa high school naman siya ay naging katulong siya sa pag-ayos ng aspalto sa mga kalsada. Sa kabila ng mga pinagdaanan niya, hindi siya nawalan ng tiwala na magtatagumpay din siya balang-araw kung kaya’t di naglaon ay nakamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Ngayon ay isa si Mang Victor sa mga pinakamatagumpay na tao sa General Santos City. Ilan sa mga pagmamay-ari niya ang VS Homes, Malesido 1&2, VM Homes at Isabella Homes. John Gemperle Kilalang-kilala natin siya bilang isa sa mga pinaka-nakatatawang disc-jockey sa balat ng radyo - mas popular bilang si Papa Jack. Bagamat marami ngang napapasaya si Papa Jack sa pamamagitan ng kanyang No.1 radio show tuwing hatinggabi sa 90.7 Love Radio na TLC (True Love Confesssion) at WC (Wild Confessions) may mga pinagdaanan muna siyang mga pagsubok bago siya makarating sa kinaroroonan niya ngayon. Dati siyang tindero sa palengke, nag-aararo at nagtatanim sa bukid, at nag-aalaga ng baboy. Aniya, nagawa na niya lahat ng mga maaaring magawa sa isang bukirin at halos lahat ng mga naging trabaho niya sa edad na sampung taon ay puro pang matatanda kaya’t sanay na siya sa lahat ng mabibigat na gawain. Sa kolehiyo, naging working student din siya at natutong sumali sa mga male beauty contest. Lumaki siya sa isang broken family at tanging ina lamang nila ang bumubuhay sa kanila, kung kaya’t natuto siyang kumayod mula pagkabatq. Sa kabuuan, ipinakita nila na walang imposible sa taong nagsusumikap na matupad ang kanyang mga pangarap. At kung kinaya nila, hindi malabong magawa mo rin ang mga nagawa nila at makamit ang kung anumang mayroon sila ngayon sa kasalukuyan. Sipag, tiyaga, pagmamahal sa pinili mong karera at tiwala sa Diyos ang mga dapat mong tandaan para balangaraw ay masasabi mong mula sa lusak ay nakarating ka sa pinapangarap mong langit.

Manny V. Pangilinan

Soccoro Ramos

Antonio Meloto

John Gemperle


Pag-usbong ng Katatagan mula sa Nakaraan Jelyn A. Levantino “It’s more fun in the Philippines” – Ito ang islogan ng Kagawaran ng Turismo upang mapaangat ang estado ng turismo sa bansa. Bagamat maraming tutol dito dahil nga sa ginaya lamang ito sa islogan na pang-turismo ng Switzerland, hindi pa rin maitatangging ito ang pinaka-angkop na mga salita upang perpektong mailarawan ang Pilipinas at ang mga mamamayan nito. Maraming problemang hinarap, at patuloy na kakaharapin ang mga Pilipino subalit dahil sa ating pagiging likas na masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay, naging sandigan natin ito upang manatiling matatag. Katatagang may pinaghuhugutan at ipinaglalaban sapagkat nabubuhay tayo nang may katatagan para sa… Kapayapaan Kung maaalala natin, ang Pilipinas ay napasailalim ng batas militar sa pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang pagiging aktibo niya sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura, at pampublikong serbisyo ang nagdala sa Pilipinas sa pinansyal na kasaganahan at maunlad na ekonomiya. Sa kabila nito, hindi pa rin napigilan ang paglitaw ng mga alegasyon ng katiwalian sa kanyang pamumuno. Tumaas ang kaso ng krimen at kaguluhan sa bansa. Maraming Pilipino ang nakaranas ng matinding paghihirap dahil sa paniniil sa kanilang karapatang pantao. Ito rin ang naging ugat upang mabuo ang mga rebeldeng grupo katulad ng New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front na nagnanais na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas. At ang pinakamatindi sa lahat ay ang pagpaslang kay Benigno Simeon Aquino, Jr. o mas kilala sa tawag na “Ninoy” na siyang pangunahing kritiko ni Marcos. Ang mga pangyayaring ito ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan. Sa kabila ng mga karahasang ito, ang mga Pilipino ay nanatiling matatag sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon (EDSA People Power) noong 1986. Ipinakikita nito ang matinding pananalig at pagkakaisa ng mga Pilipino na muling maibalik ang demokrasya sa bansa mula sa diktaturyang pamumuno ni Marcos. Paglilingkod sa Bayan Sinubok pa rin ang ating katatagan nang walang awang paslangin ang 58 katao sa Maguindanao noong Nobyembre 2009 kabilang ang 34 na mamamahayag. Batid nilang walang kasiguruhan ang kanilang kaligtasan, subalit dahil sa pagnanais na tupdin ang tungkuling pagsilbihan ang bayan sa pamamagitan ng paglalahad ng katotohanan, nagpatuloy sila hanggang sa maganap ang di-makataong pagkitil sa kanila. Implikasyon ito na ang pagkakaroon ng katatagan sa piniling propesyon ay nagbubunga ng tapat na prinsipyo at paninindigan. Karapatan Kung katatagan din lang ang pag-uusapan, wala sa kalingkingan natin ang mga Intsik. Kahit na ilang milyong hukbo pa ang mayroon sila, mananatiling palaban ang mga Pinoy dahil naniniwala tayo na, “Ang aso ay hindi natatakot sa tigre”. Nanatili tayong matatag sa ating karapatan na tayo ang tunay na nagmamay-ari ng Scarborough Shoal at Spratlys dahil ito ay ayon mismo sa United Nations Convention on the Law of the Sea. Kaya nga ayaw ng Tsina dalhin ang usapang ito sa United Nations dahil alam nilang wala silang mapapala sa pag-angkin sa ating mga pag-aari. Malawak ang pang-unawa nating mga Pinoy kaya gayon na lamang ang ating katatagan na pairalin ang tama – ang pribilehiyong karapat-dapat para sa Pilipinas.

ni Janine P. Francisco

Mahal kong Juan,

Kumusta ka na? Lumiham ako sapagkat nabalitaan kong sinalanta raw kayo ng Habagat kamakailan lang. Huwag kang mag-alala! Katulad ng iyong mga napagdaanang suliranin, alam kong malalampasan mo rin iyan. Kayang-kaya mo ‘yan! Sa katunayan nga, hangang-hanga ako sa iyo. Ikaw lang ang kilala kong nilahar, binagyo, at binaha na, nakangiti pa! At nagawa mo pang tumulong sa iba. Bukod pa riyan, ‘talentado’ ka. Kung saan-saang parte na nga ng mundo ang narating mo. Hindi lang iyan, mapagkawanggawa ka rin at magiliw kung tumanggap ng mga bisita. O, tatak mo talaga iyan diba? Iba ka talaga. Dapat mong ipagmalaki ang iyong sarili. Ako, heto. Tulad pa rin ng dati. Nandito pa rin ako sa ospital. Pati nga pangalan ko, iniba-iba na nila. Kuga nu-ano na nga ang tinatawag sa akin. Nadagdagan nang nadagdagan ang aking mga anak sa pagpasok ng mga Amerikano. Pero bago pa dumating ang mga Kano, nasa ospital na ako. Kung anu-anong gamot ang patuloy nilang tinuturok sa akin. Mayroon silang itinurok para raw sa “pagpapaunlad at pagpapatibay” sa akin simula pa noong… noong kailan nga iyon? 1935. Sinalinan pa nila ako ng dugo para raw magamit ako sa mga paaralan, libro, maging sa mga kalye at kahit sa pamuhatan ng liham. Binigyan din nila ako ng kaarawan. Paano raw, ang tagal ko na rito sa ospital. Nilipat-lipat nila iyon. Pero palaging Agosto. Ang di ko malilimutan dito ay nang bigyan nila ako ng praybeyt nars. KWF ang pangalan niya. Siya ang kumontrol sa bawat galaw ko. Napasailalim ako sa kaniyang mga galamay. Naikwento ko na kung bakit ako narito sa ospital, hindi ba? Papaunti na kasi ng papaunti ang gumagamit sa akin. May panahon pang nais nila akong palitan ng sa-banyaga. Panibughong-panibugho ako sa kaniya . Alam mo ba kung gaaano kasakit iyon? Na hindi ka na tangkilikin at ika’y ikahiya ng sarili mong mga anak. Unti-unti akong namamatay dito sa ospital dahil sa ginagawa niyong ito sa akin. Pero, hindi ako huhugot ng huling hininga, dahil may dumadalaw pa rin naman sa akin dito. Sabi nga ng aking mga apo sa talampakan, matagal pa raw akong mabubuhay. Nanganganak pa raw ang aking mga supling ng mga bagong butil ng pag-asa. Sana nga, sabi ko. Sana nga. Kaya katulad mo, Juan, hindi ako mawawalan ng pag-asa. Hindi ako bibitiw. Hindi ako mamamatay. Dahil hangga’t ako’y nagpapasalin-salin pa sa kwentuhan at talakayan ng aking mga anak at ka-apu-apuhan, mananalaytay ako sa dugo ng bawat Juan. Nagmamahal at umaasa, katatagan. Kahit naglilimas ng baha, kahit nasa evacuation center, at kahit na hindi nabigyan ng relief goods, mananatili pa rin ang ating ngiti na siyang magpapasuko kina Ondoy at Habagat.

Wikang Filipino

Kinabukasan

Buhay

Sabi nila, mahirap ang buhay sa kolehiyo. Alam ‘yan ng PLMayers dahil tinitiis natin ang pagod, puyat, at sakit ng ulo at iba pang bahagi ng katawan upang masiguro ang magandang buhay sa hinaharap. Naniniwala tayong magandang panimulang hakbang ito upang magkaroon ng katuparan ang ating mga pangarap. Ngunit ang pamumuhay sa kolehiyo ay mayroon ding hirap at ginhawa. Gayunpaman, hindi nagpapatinag dito ang PLMayers dahil taglay natin ang katatagan na magiging mabunga ang lahat ng ating paghihirap.

Higit sa anupaman, sa panahon ng mga kalamidad nagniningning ang ating katatagan. Kahit sina Milenyo, Pedring at Sendong pa ang dumaang delubyo, hindi natinag ang mga Pilipino. Kahit na ilang bahay pa ang sirain at ilang lugar pa ang ilubog nina Ondoy at Habagat, matikas pa rin tayong nakangiti. Kahit na ilang buhay pa ang kunin nila, ‘di nila kayang tibagin ang ating

Hindi kataka-taka kung bakit namumukod-tangi ang ating lahi. Bata, matanda, may ngipin man o wala, ay kayang magpakita ng ngiting kumukutikutitap. Hindi lamang ang ating magagandang tanawin ang patunay na it’s more fun in the Philippines. “It’s more fun in the Philippines” dahil nagmumula ang tunay na kagalakan sa nag-aalab na katatagan ng lahing Pilipino.

Okay nga ba ang K+12? Zhusmita May P. Manangan

sector ng edukasyon. Kumbaga, 360° na ikot mula sa nakasanayang sistema. Ang K+12 Education Program. Anim na taon sa elementarya. Apat na taon sa junior hayskul. Dalawang taon sa senior hayskul. Ito ang mga karampatang taon ng pananatili sa paaralan para sa mga susunod na henerasyon alinsunod sa nasabing programa.

Subalit, paano kaya kapag ang pagsubok ay nakakabit na sa pagbuo ng ating pagiging Pilipino? Sa kapasidad ng ating mga isip? Makakaya pa rin kaya natin?

Bilang isang demokratikong bayan, marami ang nagtamuli, mga sang-ayon at hindi. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, ang panawagang ito raw ay ipinatupad para mabigyan ng sapat na panahon na malinang ang kaisipan at kakayahan, humubog ng panghabambuhay na mga dalubhasa, at ihanda ang mga magsisipagtapos sa kolehiyo, trabaho at pagnenegosyo. Dagdag pa nito sa kanilang website, ang Pilipinas na lang daw ang nag-iisang bansa sa Asya at isa sa tatlong bansa sa mundo na mayroong 10 taong siklo para sa primary at secondary education. Isang paraan daw ang K+12 para magkaroon kaagad ng trabaho ang mga magsisipagtapos nang mabawasan ang pasanin ng mga magulang sa pagpapaaral sa kolehiyo. Naging isa sa mga sukatan ng DepEd ay ang hindi agad pagkilala sa mga nangingibang bansa bilang propesyunal kahit pa ito ay nagtapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo sa bansa.

Noong nakaraang Hunyo, sinimulan nang ipatupad ang isang malaking pagbabago sa

Sa kabilang banda, hindi mawawala sa atin na magduda sa layunin ng ating pamahalaan

Ang Pilipino ay parang tubig, anuman o sinuman ang makakasama, tiyak itong makaaagapay sa mga pagbabago. Hindi ito ang unang beses na may magmamalaki sa diskarte at katatagan nating mga Pilipino. Sa dinami rami ng iba’t ibang sakunang dumaan at dumaraan sa ating bansa, tila wala na ngang lugar para sa mga mahihina ang loob. Ilang ulit na bang nabalita sa loob at labas ng bansa ang nakakatuwang pagngiti nating mga Pilipino kahit pa ang sinasalba na natin ay ang ating mga buhay at ari-arian? Basta may kamera, presto! Ngiti!

sa pagpapatupad nito. Kung ang 10 taon na pagkakaloob ng libreng edukasyon sa atin ay hindi pa nga lubusang nagagampanan ng maayos ng ating pamahalaan, bakit pa dinagdagan agad ng dalawang taon? Hindi biro ang pasanin ng sektor ng edukasyon sa kasalukuyan. Halos 150,000 na kakulangan sa silid-aralan, 100,000 kulang na guro, 95 milyong libro at 13 milyon na upuan. Para tuluyan mapunan ito, kailangan ng 150 bilyong piso. Habang lumalaki ang kakulangan sa edukasyon, dumarami naman ang nagnanais na makapag-aral taun-taon. Nakapagtatakang gustong-gusto tayong subuan ng ating pamahalaan ng mga panibagong sistema samantalang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin kayang malaanan ng tamang badyet ang iba’t ibang sektor lalo na sa edukasyon na dapat sana ay anim na bahagdan ng Gross Domestic Product. Katunayan, sa ngayon ay wala pa sa tatlong bahagdan ang napupunta sa nasabing sektor. “Let us remember, we need to improve, to develop and to hone what we have before we can fully mature and continue. Sometimes, what’s new is not always better.” Fleurhelmina Ang, Inky Fingers Ang Pamantasan, June 2011


HALEEEEEEEEEER! mga minamahal kong mambabasa! Bago pa man ako magsimula, gusto ko kayo batiin ng MALIGAYANG PASKO!! (Okaay! Ako na excited!) Eh kasi naman “ber” months na! Feel na feel na ang atmosphere (aneney uma-atmosphere!!) ng kapaskuhan dahil sa magagarbong (okay joke lang ‘yung ‘magagarbo”) dekorasyon sa EyPi office! Most punctual nga ang peg dahil kami ang kauna-unahang naglakas-loob na magkabit ng decors!! At dahil jan, malapit na rin ang inaabangan ng lahat na…. SEMBREAK! (K, anong connect?? ) For sure gustung-gusto nyo na mag-escape sa inyong academic works, pero sorry guys, meron pang finals! (Awwwww </3) Kaya bago pa man kayo ma-excite para sa sembreak eh ma-excite muna kayo saken! Ako muna ang magpapasaya sa inyong malulungkot sa sandali. . (Naks!! Ansaaaaaabeeee?!) Nanditey si watta para sa nag-iisa, inaabanagan na . . . ISYUNG ISKO! Well, ang inyong lingkod ay reding-redi nang mag-ispluk ng mga nakawiwindang na balita mula sa ating minamahal na Pamantasan na fresh na fresh tulad ng mga bagong staff ng minamahal ninyo ring EyPi (AP as in ANG PAMANTASAN! Kpaynwateber!) Kahit na medyo late (Hindi pala medyo, late na talaga!) ang aming paglalabas ng panibagong issue, alam ko namang masugid nyo akong hinintay!!! Aminin!!! At dahil bago ang aming staff, bagung-bago rin ang mga chismaks na aming ikukuda sa isyu na itey! Okay sige, mag-start na tayis huh? Dami pasakalye! Kfine! Heyya na nga!!! TENTENETEEEN. . . . CANTEEN! Simulan natin ang pang-ookray sa masugid na naii-splook dito sa Isyung Isko! Well, alam kong noseline (as in knows na knows!) nyo na kung ano ang tinutukoy ko. HAHAHA! Ano pa nga ba BANABA, walang iba at ang nag-iisa nating…. CANTEEEEEEEEEEEEEEEEN!! O diba? Talagang hindi na nakagaganda ang matagal na pagkawala ng minamahal/kinaiinisan nating Kuhnteeen. Aminin nyo, kahit na kaMAHALan ang foodang at wit nakaka-princess ang facilities especially the chairs na ilang beses lang sumayad sa gluteal (yezzz Anaphy?! Well FYI, gluteal means butt duuh!!! ) ko dahil madalas standing ovation ang peg ko lalo na pag sardinas ang atmosphere sa loob, eh na-miss ko pa rin ang canteen <///3 And after several decades ng paghihintay (as in matagal talaga, inugat na ko at lahat, pumuti na si Luna ng Luna Blanca eh wit pa rin opening!), SA WAKAS!! Nagbukas na rin ang . . . (*drumroll* please!) Tenteneteeeeeeeeeeen!! MAMI’s? (ay mali!)… MOMMY’s? (LOL! charlot!) MOMSY canteen! Ansaaaabe ng name?! Sino kaya ang nasa likod ng pagiisip ng kaakit-akit na pangalan? At sino si MOMSY? (Ano pati pangalan lalaitin? Lahat lahat nalang?! ) Actually, love ko ang interior design ng canteen ngayon. Lakas maka 7/11 ng horizontal lines! Loooove it! Like ko rin ang division ng mga upuan at mesa! Kaya lang, ba’t ganun? Wit aircon?!! (Well meron namang aircon kaso parang naka-fan mode lang sa sobrang hina ng hangin!). Despite of that, sa tingin ko rin nga mas maraming PLMayers ang makikinabang sa canteen dahil nadagdagan ang tables and chairs! (Taray may pag-asenso!) Kaya naman isang malaking check ng red ballpen ‘yan mga kapatid! At eto pa (meron pa? meron pa? Syempre MERON pa noh!) bilang nagbabalik din na lang naman ang minamahal na canteen ay handog nila ang mga bagong PROMO (lakas maka Jollibee, McDo, KFC at Chowking) na swak na swak na sa budget niyo. Bongga dahil may pang-barkadahan package naaaaaaa (Ok dabarkads, taralets na kay newly designed canteen. Gora na tayis! Hahaha! Parang magpapa-picture lang! Barkada package!!! LOL!!!) Sabe ng tarpaulin (Oo nagsasalita yung tarpaulin, syempre nabasa ko nohh!) “Bring your friends and avail our BARKADAHAN PROMO. Buy 10 value meals and get 1 Value Meal for FREE. Buy 10 Combo Meals Get 1 Combo Meal for FREE!” (So paramihan pala ng friends ito?! Pano yan wala akong friends? Hahaha! syempre may friends naman ako noh, tingin nyo saken loner? emo? Kaso wit kami abot sa 10, kaya kanya-kanya na lang din!) Dahil nga sa mga bagong pakulo ng canteen, eh sinubukan kong kumain several days after their opening at ang hatol ko ay . . . thumbs-up! So far so good! Masarap naman yung ulam na nabili ko. Gusto ko rin purihin ang resibo na binibigay nila. Eh kasi naman kahit worth ten pesos lang ang binili mo eh ang sipag pa rin nila nagresibo!Keep it up guys! And sana talaga medyo lumakas naman yung aircon, ang init sa loob eh! Saka yung mga lumalabas pa rin sa ENTRANCE ang pumapasok sa EXIT (Ano hanggang ngayon ba naman?!), naku pagsasabunutan ko na kayo! THE KIOSK AND D’ ANODER KIOSK Hindi lang nemen si canteen ang bago, syempre andiyan din naman ang bagung-bago at fresh na fresh na D’ Anoder Kiosk na parang kambal sa uma ang peg dahil nakadikit sa Gusaling Lagablab este Gusaling Lacson pala. Haha! (Hoooray hooray *sabog confetti* ang dami na ng makakainan. LOL!) O ayan naman pala, may another lafangan na naman mga ka-Iska at kaIsko, pakabondat na kayo. LOL! Ay hindi rin pala talaga totally bago si D’ Anoder Kiosk (sila yung nasa food stall dati, nagevacuate lang pala sila! Kalerks!) Bukod sa the usual walang kamatayang kikiam, siomai, harina balls este fish balls at iba pang mga balls (O wag berde, squid balls ang tinutukoy ko ) Japanese cakes at sandwiches (na lasang ketchup lang lahat!!!!!!!!!!!!!!!!) Aba! Meron na ring salty fried rice at salty fried noodles! OO SALTY talaga dahil 50% asin yata yun!!!!! Grabeh guys lakas maka kidney stones ng kaalatan!! Wala yatang panlasa yung tagaluto nila kaya wit napansin na maalat ang food nila! Gosh! Mas maalat pa sa pawis ko eh (YUCK!) Buti na lang at may kasarapan ang mga ulam sa tabi nila. At wait, palalampasin ba natin ang D’ original KIOSK?! Syempre hindi!!!! Wala yata tayong isyu na hindi natin sila naokray eh. Bwahahahahaha!! Ano itong naamoy kong chika na may another addition na daw sa menu nila? At true nga! Meron na silang sushi, ramen, steak at carbonara! Hahaha! Uto-uto ka naman, syempre joke lang :P Pero trulaley na may nadagdag, at yun nga ay ang…. Tenenenteeenen… Chicken TeppanYUCKY este Chicken Teppanyakki! (Sori nemen wrong ispeling) Yes! Level-up ang peg dibuuh? At huwag ka, meron na rin silang Vanana Cue at Adobe este Adovvong menek!! O diba sosyaaaal!! Bukod sa mga nabanggit ko kanina, meron na rin po silang BAKERY! Yes! Hindi kayo nagkakamali! May tinda silang ensaymada at biglaloo na cookies!! Taray! LEVELUP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Kung gusto mo naman ng pampainit eh nandiyan naman ang kape sa tiglilimang pisong vending machine! (Magtiis ka nga lang dahil witit lasa!! Well may lasa naman, matamis at… yun lang! Magtimpla ka na nga lang!) Pero wag naman tayong masyadong demanding! Limang piso na lang nga eh lasang Starbucks pa ba ang hanap mo??

SHHH SHHHHH SHHHAKE? Napunta na rin lang tayo sa usapang pagkain, gusto ko lang bigyan ng pansin ang sikat na sikat na Shake Avenue! (Located iney sa tabi-tabi ng Gusaling Lagablab, sa tabi ng annex ng kiosk na malapit sa GYM. Kung hindi mo nagets eh kindly use the map of Dora, charooos!) Imagine, na-snatch nila ang trono ng swirly bitz! Ang dating swirly bitz na pinipilahan sa Entrepreneurial Building eh nabawasan ng mga suki dahil sa blockbuster na pila sa Shake Avenue! . Pano ba naman kasi, ang daming choices: pineapple, watermelon, banana, apple, jackfruit, langka, kamias, rambutan, durian, mangoosteen, buko at mangga! (Syempre ‘yung dalawang huli lang ang totoo dyan!! Buko and mangga lang ang flavors noh!). Pero walang halong biro, ang dami talagang fans ng buko and mango shake! Kahit na nakadepende ang lasa ng shake sa mood ng tindera!!! Kalooooooka! Minsan masarap, madalas sobrang tamis!! (Kumusta naman ‘di ba? Chamba chamba?) Kapag may pinagdadaanan si ate, wit masarap, kapag good mood, kiber ang lasa. Pero kahit paiba-iba ang lasa ng shake, sa ngalan ng isang bote ng nakakapawi ng uhaw na inumin eh talagang sisiksik at makikipaggitgitan ang PLMayers! (Desperadong desperado? Hindi pa nakatitikim ng shake? Chos!). YU-ES-JIIII Oh drop na nga natin ang usapang pagkain at masyado na kayong nabondat sa mga balitang fudang. Gumora naman tayo sa mga taong una nating nakasasalamuha (WOW lalim much?) sa PLM. Walang iba kundi ang mga USG! Trulili! Mga USG na walang pagod na naninita sa ating not-so-wholesome na damit, not-so-real na kulay ng hairlalo at iba pang not-so-forgivable na violations! Pero wait there’s more! Bukod daw jan eh may iba pang activities ang ating USG! Itey kasi na si manong USG feeeeeeeling walking CCTV camera lang sa buong Pamantasan! (Wag kang pahuhuli, baka ika’y matsugi! LOL). Ermahgerhd (OMG! OMG!) Kasi nemeern po, itong si manong USG eh bigla-bigla na lang susulpot (mushroom mushroom ang peg?) and maninita na mamulot ng basurs kahit wit pa tapos lumafang ang students (Nagmamadali much? Agad-agad?) So ayun nga, kapag di mo agad sinunod itey ni manong, eh sisigawan-sigawan ka niya at magkakaron kayo ng one-on-one lecture for free! ‘Di lang yan, may chance ding makuha niya ang I.D. mo, fresh ba ‘yon? Wit diba? Kaya naman, dear friends and relatives (umi-ispeech?) eh make sure na ang inyong surroundings ay malinis, at huwag na rin kayong magkalat huh? Para iwas sita at iwas sermon. Dubuuh!? Speaking of USG, may nabalitaan si watta na mayroon pa lang sumakabilang miyembro ng USG sa kasagsagan ni Habagat dahil sa Leptospirosis. Painfully yours! Dahil jan, sana mas maging maingat tayis lalo na sa panahon ng tag-ulan dahil laging binabaha ang Pamantasan!! At kahit sa bahay, sana mapanatili natin ang kalinisan at safety para iwas disgrasya okay alright?! At hindi tayo dapat mag-ingat, dapat maging clean din! Alam kong nag-celebrate este natuwa kayo nung nawalan ng halos isang linggong klase dahil nga kay dear friend Habagat! Pero guys,sa tingin ko it’s a sign na dapat na tayong mas maging concerned sa environment. Kaya tama na yang pagkakalat ah, PARANG AWA NYO NA! Lalo na yung mga ginagawang kainan ang Tanghalang Bayan at UAC!! (Tamaan sana kayo ng kidlat! CHAR!) Pero kasi naman, nakaka-imbyerna na talaga to the highest level ang mga walang disiplina na PLMayers! PLEAAAAAAASE! Wit na nga nakakaganda ang facilities ng ating school eh, kaya bawi-bawi nalang tayo sa kalinisan huh! Hooooraay para sa BOARD EXAM results! Tama na nga muna ang panlalait, baka mamaya eh makatanggap na ako dito death threats at hagisan ako ng granada paglabas ko ng Eypi office! Baka mamaya may mga palihim na palang nangkukulam sa akin! Wit! Kaya naman samahan nyo ko at sabay-sabay nating i-congratulate ang forever number one sa board exams, ang College of Physical Therapy! Wooot woot! Party party! Ang gagaling ng mga future therapist natin! Kinabog nila ang ibang nagmamagandang school. O diba san ka pa? Talagang nakaka-elib sila dahil talagang consistent ang mga lolo’t lola nyo! FREEEEEESH! Eh pahuhuli naman ba ang Kolehiyo ng Medisina? Winner mga tehhhh!!!!! (oh eh magtataka ka pa ba? Eh PLMayers kaya yan!) 97.65% ang kanilang passing rate! Dahil dyan, pumangapat ang mahal nating Pamantasan sa Outstanding Colleges of Medicine! BONGGA! Binabati rin naming ang Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiya ( CET for short!) sa kanilang katatapos lang din na board exam. Ang taray lamang! Proud na proud ang PLM community sa inyong kahusayan! Keep it up guys! SUPER POWERS FOR OFFICERS? May nabalitaan din ang inyong abang lingkod na meron daw planong bigyan ng powers (kili-kili powers? super powers? invisible? laser sword? Kamehame wave?) ang mga student council and student orgs officers! OMAYGAAS! at tatawagin na raw silang “pulis pang-kalawakan” Hahahaha! Kaloka! Na-hearsung ‘yan ng isa sa mga alagad ni Watta. Ayon sa aking reliable source, pinagpaplanuhan daw na bigyan ng authority ang officers ng student councils and organizations

na manita sa mga nagba-violate ng rules! Wait, there’s more! Pwede na rin sila mangolekta ng I.D. ng violators! WOW! (Oh diba, officer slash USG! Charlotte!) Ang sa akin lang naman eh if ever na mapatupad ang planong ito, sana gampanan talaga nilang mabuti ang tungkulin nila. Baka mamaya sila pa maging pasimuno ng violations! At wala ring friends friends ah, kukurutin ko kayo sa singit kapag sinita nyo ko tapos yung bestfriend nyo papalampasin nyo lang. Humanda kayo!! Susunugin ko kayo sa torch sa field na umiilaw na kapag gabi! (O diba? May pag-ilaw na siya ngayon!) WIT NA-ACCREDIT NA ORGS On the other hand, (taray may transition?) na-knows ko rin na marami palang orgs ang hindi na-accredit this school year! HAAAAAARD! Anyaaare? Kasi naman daw, nakakaloka ang OhEsDeeEz! Pleaaaase! Wit daw itong consideration L Kaya ang resulta, ang dating 60 na organisasyon, 47 nalang!!! So 60 minus 47 divided 5 plus the square root of 46 equals… Anong nangyari sa 13! ( OMG ang galing ko sa MATH! I’m so proud of myself! Echinggalore!) Kumusta naman ‘di ba? Wit daw kasi sila umabot sa deadline!! At ang ikinatatampo pa nila, ilang minutes lang naman daw sila na-late ng pag-submit ng kanilang papers for accreditation eh witchelina na agad tinanggap! Kaya next time alam na ha. Dun na kayo matulog sa tapat ng office nila para sure na maaccredit ang inyong org! CHAAAAR! EXPIRED NA FIRE EXTINGUISHERS! Kamakailan lang eh kabi-kabilang sunog ang nangyari sa kalakhang Maynila. Kaya dapat always ready tayo sa mga maaring mangyari lalo na dito sa Pamantasan. Kaya nga madalas magkaroon ng earthquake and fire drill sa PLM. Sa ganitong paraan, mapaghahandaan natin ang mga di-inaasahang pangyayari. But waaiiiiit!! Pano tayo magiging ready kung expired na ang ating mga fire extinguishers! (Ano kapag nagkasunog ihip ihip nalang tayo guys?) Paano nalang ang mga mura nating isipan at katawan? Huhuhuhu. Nakakalungkot lang na maging ang mga simpleng bagay tulad nito ay di napagtutuunan ng atensyon. Yearly ang pagpapalit ng fire extinguishers, at ang talaga namang nakakaloka, kasi naman (Are you ready for this? As in ready na ready?!!) my friends, year 1999 pa ang date nakalagay na fire extinguisher sa EyPi!!! OMG!! March 25, 1999 to be exact. GRABEEEEEEEEEEEEEEEH! Nakakagganda ba ‘yon?? Baka naman mag-celebrate na ng debut at lahat yung fire extinguisher namin eh di pa rin napapalitan?? Baka mamaya if ever na magkasunog, puro alikabok ang ilabas nun!! Kaaaaaaaaleeeerkiiiiiii much!!! Bilang isang “Caring People’s University”, dapat lamang na pangalagaan din nila ang kapakanan ng mga iskolar ng Pamantasan!! BYE BYE PREXY At sino ba naman ang makalilimot sa agaw-eksenang announcement ni FG (FG? First Gentleman? Feeling Gwapo? Mwahahaha!! okraaayan?) sa General Assembly ng Bukluran. Kasi nemen, itey si FG eh bigla-biglang nag-announce ng kanyang resignation bilang presidente ng SSC!!! Schoooocks! Hindi kinaya ng lolo mo ang magtagal sa trono! At according to him, ang dahilan ng kanyang pagre-resign ay ang wit ma-approve nyang mga projects! Kasi naman daw, itey si Mrs. B eh hinaharang ang mga projects nya! FYI, si FG ay dilaw, si Mrs. B ay berde. Mmmmmmm. I smell something fishy! Mukhang natupad ang banta ni girl from seven three five na fatatalsikin nya si FG! Boom! Galing ng lola moh noh! Dahil dyan, isang dugong berde rin (Uy double meaning!) ang papalit sa nagbitiw sa presidente. Siya ang pansamantalang uupo bilang, syempre, presidente ng SSC. Kamustasa naman ngayon diba, ang PLM ay pinamumunuan ng Acting University President at Acting SSC President!! Dahil dyan ang PLM ay isa nang acting school for aspiring actors and actresses! Di ba? Hindi ‘yan fresh my friends! Sana sa pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako, baka tibok ng puso… WAIT! Kumanta? What I mean ay, sana sa lalong madaling panahon eh makapag-appoint na ng mga permanenteng uupo sa mga bakanteng posisyon sa Pamantasan. (Kfine yun lang!) Haaaaaaaaaaaay! Kaloka much ang isssues sa Pamantasan! Marami pa sana akong gustong i-share (alam nyo naman I’m so mabait sa pagbabahagi ng chismis!) Kaya lang wala na tayong oras! (Taray! Na sa TV? Talk show? Mwahahahaha!) Abangan nyo na lang ulit ang aking kagandahan sa susunod na ish ng EyPi! Sana sa susunod nating pagkikita eh may dala kayong regalo for me! Eh kasi malapit na po ang Pasko! Kaya bawal magbasa ng next issue hangga’t walang gift ah! ( Syempre biro lang! Alam nyo namang mapagbigay akis! I believe that it’s better to give than to receive! Okay?!) O sha, baboo na nga, magre-review pa ko eh. (Anak ng…GC!?) Kfine! Bye bye! See you guuuuys! Mwahaaaaags! Take care and God bless ebliwaaan!


Bawat semestre, parang teleserye. Minsan tragedy. Minsan happy ending. Kung swerte ka, dramedy (drama comedy) – mga istoryang may happy ending na nagsimula sa malungkot pero exciting na kwento. Ito ‘yung tipong buong sem, iniyakan at pinaghirapan mo ang lahat ng major (at feeling major) na subjects mo, pero sa bandang dulo magiging masarap ang tagumpay dahil makukuha mo rin ang GWAng pinagdadasal mong makamtan. Syempre sa teleseryeng ito, ikaw ang bida. At sa kwentong ito, dadaan ka muna sa lusak bago matapos ang isang kabanata sa pagiging PLMayer mo. Hindi exaggeration ang hirap na ‘to. Bilang iskolar, kailangan mong patunayan na karapat-dapat kang mag-aral dito. Welcome to PLM! Mga paunang pagsubok Mahaba ang landas na tatahakin mo. Bakit hindi muna tayo magsimula sa pagtalakay tungkol sa papeles at mga proyektong kailangang tapusin? Kadalasan, sa huling buwan ng bawat semestre, sunod-sunod ang mga pinapagawa ng mga dalubguro ng Pamantasan. Mas dramatic kasi ang epekto kapag nginangarag ‘yung bida. Nariyan ang mga thesis, baby thesis, case study, reaction paper, reflection paper (magkaiba raw ‘yun), reports at kung anu-ano pang mga final requirements. Ngunit ang mga PLMayer, hindi marunong tumanggi sa pagsubok. Kahit dirediretso na ang mga overnight at mangiyak-ngiyak na ang pitaka sa dami ng gastos, ginagawa parin ni Isko’t Iska ang lahat para makapagpasa ng quality output. Ang tagpuan Competetive ang environment sa PLM pero hindi mga kontrabida ang mga kalaban mo. Ito naman, parepareho lang tayong nag-aaral. ‘Di lingid sa kaalaman ng nakararami na uso sa PLM ang pagiging GC.‘Yung tipong isang mali lang sa quiz ay maglalaslas at maglulupasay na sa lapag. Bilang PLMayer, hindi masama ang maging GC kasi may kailangang i-maintain na GWA. Pero laganap na rin ang mga pa-chill chill lang. Sa katotohanan, hindi malaking kawalan ang isang puntos (unless tres ka na nga at nakulangan ka pa ng isang puntos at naging singko pa tuloy). Maging optimistic, tularan ang mga taong naniniwalang may next quiz pa. Ika nga, makakabawi rin. Isa sa pinakamadalas sabihin pagkatapos ng midterm exams ay ang “Okay lang, may finals pa naman.” Ngunit, huwag laging aasang may next time. Carpe Diem. YOLO (You Only Live Once). Ibig sabihin ay mag-aral. Pero sige, okay lang yan. Mga ‘di makakatotohanang karakter na nabubuhay Sa mga teleserye, laging may karakter na halos imposibleng mag-exist sa totoong buhay. May bersyon din ng ganyan sa PLM. ‘Yung mga kahanga-hangang mga kaklase mong super hyper extra active sa lahat ng aspeto: acads,extra curricular activities, social life atbp. Yung may mga energy pa talagang mag-party sa kabila ng gabundok na dami ng gawain. Pati na rin sina Isko’t Iska na working students at yung mga kasama sa academic (at non-academic) organizations. Sa ganoong paraan daw kasi nila nagagawang lagyan ng kulay ang kanilang mga buhay. In fairness, kahit na galing pa sila sa practice, meeting, trabaho o inuman (kung sakali man), nagagawa pa rin nila ang kanilang requirements sa takdang deadline nito! Palakpakan. Partida’t bangag, basag at hangover pa ang ilan sa kanila. Pakipaalala sa kanila na hindi sila superhuman, alagaan nila palagi ang sarili.

KAPIT LANG, KAIBIGAN na ring parausan ng damdamin ang mga silya’t lamesa nila. Pati nga ang CR, ginawan ng chatbox. Dahil dito, palakpakan na natin ang mga taga-PDSPO dahil sa walang humpay nilang pagpapanatiling malinis at maganda ang mga gamit sa Pamantasan. Kaya paalala lang, tigilan na ang mga gamit ng PLM; huwag mo silang idamay sa love triangle niyo ni <insert pangalan ni crush>. May tinatawag na papel, nasusulatan din ‘yun. Personal drama Ngayon, hindi ka naman maglalabas ng sama ng loob at kung anu-ano pang nararamdaman mo kung wala kang pinagdaraanan. Kasama sa pagiging PLMayer ang ganitong mga pangyayari. Problema sa acads, sa pamilya, sa barkada at sa lovelife (lalo na kung wala kang ganun). Pero dahil PLMayer ka, kahit anong ibato sa ‘yo ng buhay, sasaluhin mo. Gagawin mo pang almusal. The fact na pinaninindigan mong estudyante ka ay patunay na isa kang PLMayer. Pero subukan mong suriin muna ang iyong sarili at baka hindi ka naman talaga emotionally unstable, stressed lang. Sumama sa mga party peeps minsan o ‘di kaya’y lumabas kayo ng barkada mo. Mga artistahin kuno Syempre, hindi maiiwasang magkaproblema rin sa circle of friends mo. Feeling mo naman na ikaw lang ang bida. Bawat isa sa inyo, may kanya kanyang drama kaya magdamayan kayo. Nang sa gayon, kung paano kayo nagsama sa pighati, ganoon din sa oras ng tagumpay. Fair’s fair. Walang lamangan at lalong walang iwanan sa ere.

Ang pinakahihintay na pagtatapos Sa wakas. Tapos na ang drama at ang iba pang pangyayari sa iyong istorya. Napasa mo na lahat ng final requirements, pati na yung mga biglaang proyekto. Wala nang kailangang basahin para sa huling quiz (na sinabi ni prof ay pambawi), dahil… Tapos na ang seAng iskrip mestre! Ngunit ang pagtatapos ng semestre ay hindi Madalas puro unoriginal na ang mga ipinilalabas nangangahulugang tapos na ang iyong kwento. Ang sa telebisyon. Puro karakter na gusto mong tularan at bida hindi basta basta nakukuha ang happy ending. Para one point of your life. Pero hindi lahat ng mag-aaral ay exciting, kailangang gawing sa ganitong paraan nagpapaka-liberated.‘Yung iba (Sundan sa pahina 6) makata ang dating. At proud sila dahil ang medium na ginamit ay ang freedom wall. Ang pader na makailang beses nang pinatungan ng bagong pintura ngunit sige pa rin ang pagsulat ni Isko’t Iska ng kanilang wild confessions at ilang hinaing. Biruin mo, kakaiba talaga ang motivation ng isang PLMayer para ipagpatuloy na isulat ang mga laman ng kanyang puso’t isipan. Samantala, ‘yung iba namang hindi na nakuntento sa ating freedom wall ay ginawa

..........................................................................................

SIMPLENG LIGAYA

Habang lumilipas ang panahon, mas naiintindihan natin na ang mundo ay hindi kasing perpekto ng ating inaakala noong limang taong gulang pa lamang tayo. Kung minsan, nasasaktan tayo at sinusubok ang katatagan lalo na sa mga panahong dumaan ang mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng mga pag-ulan, paglindol at kahit sa mga pangaraw-araw nating mga problema. Atin na lamang mapagtatanto na hindi lahat ng bagay na naisin natin ay ating makukuha. Batay sa mga pag-aaral, ang kasiyahan ng tao ay hindi bunsod ng kanyang kayamanan o kasikatan. Ang tao ay nagiging masaya base sa kung paano niya nililinang ang kanyang mga pananaw sa buhay, kung paano siya makisama sa kanyang kapwa at kung paano niya harapin ang bawat problema na dumadating sa kanyang buhay. Huminga ka ng malalim! Mayroon kasing mga taong nakakalimutang huminga ng mabagal at malalim. Animo’y laging hinahabol ng kanyang mga problema kaya’t maging simpleng paraan ng tamang paghinga ay napakalaking “taboo” o bawal. Bigyan ang sarili ng panahon na damhin ang hangin na pumapasok at lumalabas sa iyong baga at maging masaya dahil pinapaalala nito na buhay ka pa at may pagkakataong pang masilayan ang hinaharap. Umiwas sa “Depression Zone” Sa mga pagkakataong wala kang ginagawa, hindi mo maiiwasang mayamot o maapektuhan ng mga walang katuturang bagay. At sa mga pagkakataong ding iyon ay hindi mo maiiwasang makaramdam ng kalungkutan na epekto ng pagninilay mo sa iyong mga problema. Kaya hangga’t maaari ay umiwas ka sa mga nakakayamot na gawain. Matutong gumawa ng mga produktibong gawain na makakatulong sa pagbawas ng mga walang katuturan mong sandali. Sa pamamagitan nito, hindi lamang katawan mo ang sasaya kundi pati ang kaluluwa mo. Matuto araw-araw Education is a continuous process. Maaari din tayong matuto sa simpleng paglahok sa mga programa na nilalaan para sa mga kabataan tulad ng SPES o Special Program for Employment of Students o kaya sumali sa mga Non-Government Organization (NGOs) tulad ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society) kung mahilig kang mag-alaga ng mga hayop. Masaya ding gumawa ng isang bag mula sa mga basura at makatulong sa pagpapanatiling malinis ng iyong kapaligiran. Natuto ka na, mag-e-enjoy ka pa. Sa paggawa ng mga ito, hindi lamang ang mundo ang makikilala mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gamitin ang kwaderno Ang mga maliliit na kwaderno ay mayroon ding malaking magagawa sa pagbabawas ng kalungkutan sa buhay. Sa pamamagitan nito, hindi ka lang magkakaroon ng pagkakataon na gumawa ng mga “doodles” para sa crush mo, gumawa ng notes para may magamit sa pagbabalik-aral at magamit bilang listahan ng mga gawain mo, kundi maging sa paglalabas ng sama ng loob. Hindi ko literal na sinasabing gumawa ka ng isang talaarawan at magsulat ng malanobela ng mga nangyari sayo sa araw-araw. Gamit ang iyong kwaderno, isulat o i-drawing mo ang kung anumang naramdaman mo sa araw-araw. Libreng mangarap, 'wag lang sobra-sobra na yung tipong napakahirap tuparin. Ilista yung mga gusto mong mangyari sa semestre na ito o kaya naman mabili para sa sarili mo. Pagsumikapang makuha ang lahat ng iyon at markahan ang lahat ng nagawa mo na. Makikita mo, mapapangiti ka sa bawat namarkahan mo. Maging handa sa mga pagbabago Wag mag-alinlangang magpalit ng mga kagustuhan sa buhay. Hindi lahat ng bagay permanente. Maging handa ka sa mga maaaring mangyari sa hinaharap para kung sakali man, hindi ka masasaktan kapag hindi maging pabor sayo ang mga ito. Matutong tumanggap ng pagkabigo. Hindi madali, ngunit kung sasanayin mo ang sarili mo, madali kang makaka-move-on sa sakit na iyong nadama. Maniwala na kaya mong maging MASAYA. Maraming tao ang malungkot dahil iniisip nilang wala silang karapatang maging masaya. Mas binibilang kasi nila ang kasalanan at kalungkutan nila kaysa sa mga biyaya nila. Minsan pa nga sinisisi nila ay ang Diyos at ang iba sa mga dinadanas nila. Dahil diyan, nauubos ang oras nila sa pagsisi lamang sa iba ng kanilang kalungkutan at pagkasawi kung kaya't hindi na nila maalalang meron pang ibang paraan para maging masaya. Lahat tayo may karapatang sumaya, mahirap o mayaman, bata o matanda, may ngipin o wala. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga maaaring maging paraan para kahit papaano’y maibsan ang iyong mga kalungkutan. Hindi man literal na makakarating ka sa “Cloud 9”, mararamdaman mo naman sa puso mo ang higit pa sa pakiramdam ng nasa cloud 9. And don't worry too much, basta NGUMITI KA LANG.

Isang gunita sa nakaraan: Si Juan at Noong mga panahong hindi pa uso ang computer, cellphone, Playstation Portable (PSP), at iba pang mga hightech na gadgets, ang iba’t ibang katutubong laro ang naging tampok sa mga kabataan noon. Nariyan ang larong sipa, patintero, luksong tinik at iba pang mga larong hindi lang bumanat sa ating mga buto at nagpatalas sa ating isipan, nagbigay rin sila sa atin ng mga tunay na kaibigan. Ang isa sa mga larong hindi makakalimutan at tunay na nakatatak na sa isipan ng mga kabataan ay ang paglalaro ng goma. Hindi maikakailang lubos na nahumaling ang marami sa larong ito. Ang goma o lastiko, ayon sa iba, ay isang maikling haba ng rubber at latex na nabuo sa hugis ng isang pabilog. Ito ay karaniwang ginagamit sa paghawak o pagbigkis ng maramihang bagay nang magkakasama.

Ang goma at ang kabataan noon Dahil sa mapanlikhang pag-iisip ng mga kabataan noon, nakagagawa ang mga ito ng iba’t ibang hugis ng bagay sa goma tulad ng star, double star, bahay ni Tarzan, paru-paro at iba pa. Nariyan rin ang isang laro ng lahing kung tawagin ay dampa. Payak lamang ang alituntunin ng larong ito. Ilalapag lamang ng manlalaro ang kanyang mga kamay sa sahig at igagalaw sa anyong papalo upang lumikha ng hangin na magpapagalaw sa goma. Ang layunin ng larong ito ay palayuan ng talsik at pabilisang makarating ng goma sa pinagbabasehang guhit. Ang goma rin ay maaaring pagdugtung-dugtungin upang makalikha ng isang mistulang garter na gagamitin sa paglalaro ng ten-twenty at Chinese garter. Ang ten-twenty

at Chinese garter ay parehong tanyag na pambatang laro sa Pilipinas na karaniwang nilalaro ng mga kababaihan. Ang Goma at si Juan Sa kulturang Pilipino, madalas ikumpara ang katangian ng mga Pinoy sa goma. Ito ay dahil sa dami ng katangian ng goma na napapaloob din sa mga Pilipino. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Kakayahang mabatak pahaba at paigsi ng hindi napuputol Kilala ang mga Pinoy bilang isa sa mga pinakamasasayahing tao sa mundo. Kahit na ano pang delubyo ang


Ang Kababaihan, Ang Piring, Ang Timbangan, at ang mga Pangarap sa Panahon ng Demokrasya “I think the key is for women not to set any limits…” -Martina Navratilova, Tennis champion Isang Kasaysayan Katulad nina Susie Sharp ng North Carolina at Sandra Day O’Connor na naging Punong Mahistrado ng Amerika, si Ma. Lourdes Punzalan-Sereno ang kauna-unahang babaeng punong mahistrado sa atin. Ang dating Associate Justice na ito ay siya ring pangalawang pinakabata sa mga naitalaga sa pinakamataas na posisyong hudikatura. Isa siyang bagong mukha ng lakas ng kababaihan sa makabagong panahon. Bukod dito, siya ay nakatanggap din ng mga natatanging pagkilala tulad ng Outstanding Women in the Nation’s Services at Most Outstanding Alumna Award sa kaniyang mga dating paaralan. The Readers of Today are the Leaders of Tomorrow Hindi namuhay sa karangyaan ang pamilya ng batang si Ma. Lourdes noon. Guro sa pampublikong paaralan ang kaniyang ina. Ngunit dahil ang batang ito ay may pangarap na maging abugado noon pa man, pinag –ipunan palagi ng kaniyang ina na maibili siya ng mga second hand books. Ang kahalagahan ng mga pangarap Nagtapos ang bata ng may karangalan sa elementarya at sekundarya. Katulad ng ibang mga batang hindi sa karangyaan namuhay, namroblema siya at ang kaniyang pamilya kung paano makapagpapatuloy sa kolehiyo. Ang batang ito ay hinubog sa hirap kaya alam niya ang halaga ng mga pangarap. Hindi nagtagal, nakakuha siya ng scholarship para makapagaral ng BS Economics noong 1980 sa Ateneo de Manila University. Lumipas pa ang ilang taon at kumuha siya ng abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1984. Ang kaniyang pagsisikap ay nagbunga nang pagkamit sa mas matataas na bituin. Nakapag-masteral siya sa University of Michigan Law School noong 1993. “Anak, tandaan mo,” sabi minsan ng kaniyang ina, “dalawang bagay ang lagi mong isaisip upang makamit mo ang nais ng iyong puso. Una, determinasyon. Anak, kung talagang gusto mo ang isang bagay, gagawin mo ang lahat upang makamit ito. Hindi ka mapapagod at hindi ka bibitiw. Dahil diyan, anak, wala kang pagsisisihan. Ang pagsisisi ang isa sa mga pinakamatinding kalaban ng tao sa kaniyang pagtanda. Ang una mong pinakamatinding kalaban ay ang iyong sarili. Ikalawa, anak, kailangan mong maniwala. Maniwala sa Diyos, maniwala sa pangarap mo, pero higit doon anak, kailangan mong maniwala sa sarili mo. Kung hindi ka maniniwala sa sarili mo, sino pa, anak?...” Nang siya ay maging isa ng ganap na manananggol, ginamit niya ang kaniyang posisyon upang matupad ang isa pa niyang pangarap- ang makapaglingkod. Ilan sa kaniyang mga naging trabaho ay ang pagiging guro sa UP College of Law, consultant sa United Nations, at Deputy Commissioner ng Commission of Human Rights. Ang bawat isa sa atin ay may mga pangarap. Ang bawat pangarap ay ang “gasolina” ng ating buhay- ito ang nagpapatakbo sa atin. Gaano man kahirap, walang puwang ang mga salitang, “Ayoko na,” kung talagang mahal mo ang iyong mga pangarap. Si CJ Sereno ang nagpapatunay na ang mga babae ay may kakayahan ding maging malakas, makapangyarihan, at eksepsyunal. Katulad ni Chief Justice Sereno, maaaring ikaw ang sumunod na simbolo ng bagong simula. Maaaring umukit ka rin ng kasaysayan sa iyong sariling mga kamay.

Malaking-malaki ang pagkakaiba ng buhay high school sa kolehiyo. Maraming pagbabago-- oras, sistema, mga pagkain, mas nakakatakot na mga guro at maging ang pang-araw-araw na gawain. Inaasahan kong mas magiging komplikado ang buhay sa kolehiyo dahil sa iba’t ibang klase ng tao ang aking makakasalamuha. Ngunit sa pagpasok ng bagong kabanata sa aking buhay, higit pa sa aking inaasahan ang aking nasaksihan. At dahil mapangmata ako, este, mapagmasid, marami akong bagay na napansin sa mga taong ito. At laking gulat kong halos lahat sila ay taglay ang iisang katangiang hindi mo alam kung dapat bang kaaliwan o kainisan. Presto! Unang linggo ko pa lamang sa Pamantasan, marami na akong nakitang “spokening dollar”. Nakatatawang pakinggan, ‘di ba? Pero mas nakatatawa ‘yan kapag narinig mo ito mismo sa kanila. Sila ‘yung mga chaka, este ‘yung mga taong kapag nagsasalita, akala mo malaking kabawasan sa pagkatao nila ang hindi paglalagay ng kaartehan sa pagsasalita. Gusto mo ng sample? Sige ba! Basta’t nakahanda ang iyong mahabang pasensya at malawak na pang-unawa.

PARRRANG ANO... PARANG “SHUNGA” LANG kaartehan sa letter ‘R’ at ‘S’. Halimbawa: “Guysssh! Ilipat niyo na lang ‘yung upuan dito parrra ash much ash posshible ma-minimize natin ‘yung shpaces.” At dahil sa kaartehan niya, hindi na kataka-taka kung nakakunot ang noo ng kanyang mga blockmates. ‘Di mo maintindihan, noh? Paano pa kaya ‘pag binigkas nila ‘yan? Tsk tsk tsk.

Parang…. Parrrang…. Parrrrrang… Ito ang pinakapaboritong salita ng mga taong nasasakdal dito dahil mas nabibigyang-diin ang kanilang pagiging sosyal. Wala naman silang depekto sa dila kaya talagang nakapagtatakang hindi nila mabigkas nang diretso ang letrang ‘R’. Paborito nilang artehan ang salitang “parang”. Halimbawa: “Alam mo ba ‘to? ‘Yung parrrrang ano, parrrrang….. parrrrang ganyan?” UGH! Pero pag behind-the-scene, ay naku! Kaya naman palang bigkasin nang maayos. Tanong lang, nakamamatay ba ang simpleng pagbigkas sa letter ‘R’? Kashi ano… Kashi ‘di ba… Guyssshh! Isa pa ito sa mga itinuturing na “ornaments” nila. Kung sa ‘Parrrang’ problema nila ang letter R, dito naman, letter ‘S’ ang inaartehan. Sila’y nagbabalat-kayo na hindi nila kayang bigkasin ang S para makakuha ng atensyon. Halimbawa: “Guyssshh! ‘Wag naman kayong maingay! Kashi ‘di ba college na tayo kaya be mature!” Ang masaya pa rito, dahil sa paglalagay nila ng kaartehan dito, ‘di nila namamalayan na iritado na ang kanilang mga blockmates. TagLish Ornament Wala naman sanang mali rito dahil bahagi na ng ating kultura ang paggamit ng mga hiram na salita. Ang nakakainis lang dito, pati ang mga NAPAKASIMPLENG pangungusap ay kailangan pang ilipat sa Ingles para lang maipangalandakang matalino sila dahil sa kakayahan nilang magsalita ng Universal Language. Halimbawa, Ako: “Excuse me po, may tao po ba rito?” Siya: “Ahm, I guess.” with iling pa ng ulo na parang model sa commercial ng spaghetti. Homayyygaddd! What’s wrong with you, people??? (Nakanaks! English!) Parrrra Ash Much Ash Posshible

Killer Smile Ito naman ay madalas na ginagawa ng mga kalalakihan. Sila ‘yung mga taong gustong mapanatili ang ngiti kahit na nagsasalita, kaya ang nagyayari, nakangiwi sila. Dahil sa kaartehang ito, hindi mo na maiintindihan kung ano’ng m g a pinagsasasabi nila. Tinatawag itong “Killer Smile” dahil mamamatay ka sa kakatawa. Pasikat Syndrome Ito naman ‘yung mga taong masabi lang na marunong mag-English. Wala namang problema kung hindi ganap ang ating kakayahan sa pagbigkas sa wikang Ingles dahil hindi naman ito ang ating pambansang wika. Pero sila, matatawag mo talagang trying hard. Halimbawa: “My pamily is so important. They was the one who supports me.” Syempre, ‘di rin naman magpapatalo ito: “Come on guys, let’s eat. I’m hunger” Pasintabi po sa mga may bakod sa ngipin diyan (mga naka-braces, retainer o may problema sa ngipin), exempted po kayo sa ibang sample diyan. Pero sa iba, depende na marahil sa sitwasyon. Mga kapwa ko Isko at Iska, paalaala lamang.. ang paglalagay natin ng burloloy sa gawi at paraan ng ating pagsasalita ay HINDI indikasyong ikaw ay kabilang sa mga maharlika at pantas. Kinakailangang alam natin sa ating sarili ang tamang paraan ng pagsasalita para hindi tayo magmukhang parrrang…. parrrrrang… shunga lang.

Bongga na talaga ‘to!. Full force na ang .........................................................................................

ang kanyang paboritong laruang goma kinasasadlakan, basta’t may kamera ay ngingiti pa rin si Juan. Sa katunayan, tuloy pa rin ang negosyo ni Juan sa kabila ng mataas na tubig-baha. At siyempre, hinding-hindi mawawala diyan ang bayanihan at pagtutulungan. Isang patunay ito na hindi hadlang kay Juan ang kahit na anong unos upang bumangon sa katayuan at magpatuloy sa buhay. Maraming gamit at pwede sa kahit saan Ang mga Pinoy ay sadyang malikhain. Bunga ng kanyang malikot na pag-iisip ay marami na siyang maaaring maipundar na gawain. Katulad din ng goma na puwede mong magamit kahit saan-- panali ng buhok o di kaya pantali ng tinitindang gulay sa palengke at iba pang mga kasangkapan.

Ang Pinoy rin ay pwede mong ilugar kahit saan. Ang isang halimbawa nito ay ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Sila ay tunay na larawan ng goma; matibay at kaya ang kahit anong trabaho. Tinitiis ang lahat sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na hindi makasama at matanaw man lang ang pinakamamahal sa buhay. Lahat ng ito’y para lamang sa kapakanan ng pamilya. At tunay na ito ay isang halimbawa ng pagiging Pinoy. May taglay na lakas at kakayahang magtipon Ang goma ay may kakayahang magtipon ng mga bagay. Ang goma ay maihahalintulad rin sa kakayahan ng mga Pinoy na magkaisa. Likas sa kaugalian ng mga Pinoy ang pag-

kakapit-bisig tungo sa isang layunin. Isang halimbawa nito ay ang bayanihan sa panahon ng kalamidad. Nariyan ang mga katangi-tanging Pilipino na hindi nag-aalinlangang ilagay ang kanilang sarili sa bingit ng kamatayan para lamang mailigtas ang kapwa sa kapahamakan. Sa lahat ng nabanggit, ang goma at ang mga Pilipino ay may magkaparehong katangian. At kung ihahambing ang karakter nila, sila ay may kagila-gilalas na kakayahan.


(Mula sa pahina 4) mas kapana-panabik ang mga eksena. May effect na “Abangan sa susunod na kabanata”… Parang kuhaan ng classcard. Ibang usapan na ang aktuwal na grado mo sa classcard at ang iniisip mong naging performance mo sa klase. Kaya maghihintay ka hanggang sa makita mo kung ano talaga ang nakuha mong marka. Siguro nga kung may Olympics lang para sa mga pinakamatagal maghintay tuwing magbigayan ng classcard, PLMayers ang makakauwi ng gintong medalya. Saludo sa mga taga Dalubhasaan ng Inhinyera at Teknolohiya nung huling school year sa paghihintay nang sila’y gawing pilot test para sa Egrades. Para sa mga first year na hindi pa nararanasan ang matinding paghihirap tuwing patapos na ang semestre, wag kayong mag-aalala, mararanasan niyo rin yan. Sa kabila ng lahat, masaya pa rin maging PLMayer dahil lahat ng paghihirap mo ay naging makahulugan. Ang importante, sa lahat ng iyong pinagdaanan, pinili mong pagtagumpayan ang problema.

“Hangga’t kaya pa, ‘wag kang bababa.” Ako ngayon ‘yung taong pilit hinahatak pataas, na pinagbawalan ng sitwasyong mangyari ang ginugustong pagbaba dahil nakasakay na sa isang escalator. Gusto kong bumalik at habulin ang aking mga kaibigan ngunit sumakay na rin sila sa iba’t ibang escalator na nakapaligid sa amin. Lumingon ako. Natanaw ang pinakamamahal ko. Natatakot siyang umakyat sa napili niyang escalator dahil bago at malayo ang tatahakin nito. Mahal ko siya, kaya’t pinagaan ko ang loob niya. Sumigaw ako at pilit na pinasigla ang taong iyon. “Sige! Kaya mo ‘yan! Ikaw pa.” Ngumiti siya sa akin at kumaway. Nagpaalam. Sa unti-unti niyang pag-akyat, patuloy siyang nagsabi ng, “Salamat!” Gumaan ang loob niya habang pataas nang pataas ang kanyang tinatahak. Tumalikod ako. Lumuha. Martir ako. Alam ko naman na sa una pa lang, hindi ko kakayaning lumayo siya. Natatanaw ko na lamang siya ngayon. Hanggang doon na nga lang talaga iyon. Hanggang doon na lang ako, hanggang doon na lang siya, hanggang doon na lang kaming dalawa. Huminto ang sinasakyan kong escalator. Nanghina ako. Gustong bumagsak ng mga tuhod ko. Napansin ako ng mga nakapaligid sa akin ngunit walang tumulong. Nagdalawang isip ako. Tatakbo na ba ko pababa? O magpapatuloy pa sa pag-akyat? Alam kong mali. Alam kong hindi dapat ganito pero nakasalalay nga ba ang pag-andar ng aking escalator sa iisang tao? Paano mo siya magagawang inspirasyon kung siya sa iyo’y unti-unting lumalayo?

“Sabay na tayong magpalit! Dali, nagugutom na ako!” Katok ko sa pintuan ng cubicle ni Ann. “Ayoko.” Pabulong niyang sagot. “Hoy, kung anong mayroon ka, mayroon din ako! ‘Pag ‘di mo ako pinapasok diyan, hindi na tayo bati.” Madali niyang binuksan ang pinto “Ito naman, hindi mabiro oh. Nauna ka, niloloko lang kita. Bilisan mo nalang.” Sabi ko. Matangkad, may kapayatan, matangos ang ilong at maamo ang mga mata. Tunay na kaakit-akit si Ann; iyon nga lang, siya ay tahimik at mahiyain. Sadyang mahirap ding makuha ang kanyang tiwala. Wala pang limang minuto ay lumabas na siya. “Paki hintay ako ah.” Tumango siya at dahandahang pumunta sa sulok, hindi siya mapakali at pilit niyang pinahahaba ang suot na palda. Hindi ko maintindihan kung bakit, ngunit masama ang kutob ko. Ramdam kong may mali kay Ann, lalo na nitong mga nakaraang araw. Pansin ko rin na napapadalas ang pagkagat niya sa kanyang mga kuko hanggang sa halos magdugo na rin ang mga ito. Inaya ko na siyang lumabas. Patuloy kaming naglakad papalabas ng PLM. “Saan tayo kakain?” Katahimikan. “Ha... Ah? Kahit saan.” Parang may mali sa kanya ngayon. Isa si Ann sa kilala kong sob-rang hilig kumain; pero ngayon, mukhang hindi siya interesado. “Eh ‘di sige... sa paborito nating kainan.” Nang marating namin ang nasabing lugar, bumungad kaagad ang mabangong amoy ng mga hain nilang ulam. Ahhh, amoy palang ulam na! Halatang nananamlay si Ann, tuliro at namumugto at nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Kakaiba ang kilos niya. Siguro kung ililibre ko siya, magiging ok na siya. Tignan mo nga naman, ang paborito niyang ulam na sinigang na hipon, ay mayroon dito. Lulubus-lubusin ko na rin ang panlilibre, at bibilihan ko na rin siya ng extra rice. Ang tanging tunog mula sa aming dalawa ay ang pagkikiskisan ng mga kutsara’t tinidor sa mga porselanang plato. “Wala na akong gana. Magkano ba?” Nakatitig siya sa grupo ng lalaking kumakain. Lumilipad ang utak. “‘Wag na, libre ko ‘to. Nga pala,” tinapik ko siya sa binti at agad na kumurba ang mga linya sa kanyang mukha, parang galit; na may halong takot. Nakapagtataka. “Ayun na nga,” ulit ko, “‘di ba, pupunta ako sa inyo ngayon para turuan mo ako sa Algebra?” “‘Wag ngayon, puwede?” “Hala? Eh ‘di kailan?!” Sa loob-loob ko, nababagot ako dahil matagal na siyang pumayag na turuan ako.

“Basta!” tumaas ang tono ng boses niya. “Alam mo, ‘di mo ko kailangang bulyawan.” Katahimikan. Sabay kaming lumabas ng kainan upang bumalik sa klase, ngunit hindi kami nag-usap. Dumaan ako sa kanan, siya naman sa kaliwa. Pinilit kong itago ang pagkadismayang nararamdan. Labing limang minuto pa bago magsimula ang klase, pumasok pa rin ako sa loob ng silid-aralan. Sampung minuto, limang minuto ay lumipas, asan na kaya siya? Sumilip ako sa pintuan, walang Ann na nagpakita. Hindi pa siya na-lalate, lumiliban ng klase at lalong hindi siya nagkacutting. Kumaripas ako ng takbo. Asan na kaya siya? Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, basta ang alam ko, kailangang mahanap ko siya. Higop, sabay buga. Hithit. “Ann?” Dahandahan siyang lumingon at nanlaki ang kanyang mga mata. Narito siya sa sank-tuaryo niya, sabi na nga ba. “She---Sheela? Anong ginagawa mo dito?” Halos mabulunan siya ng sarili niyang binugang usok. “Hinahanap ka. Nagyoyosi ka na pala, kailan pa?” usisa ko sa kanya. “Kailan lang,” wika niya, sabay tapak sa yosing kanina’y hawak niya. “May problema ka ba?” tanong ko ngunit hindi siya sumagot. Nakayuko lang siya at tila hindi narinig ang mga sinabi ko. Nagsimula siyang humikbi. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang blusa at ipinakita niya ang mga marka ng sugat sa kanyang mga balikat, mga galos, may kalaliman at sariwa pa. Inunat ko ang aking kanang kamay upang abutin ang mga ito, sa pagdaplis ng mga daliri ko sa balat niya ay nanginig siya. “Sheela,” sambit niya, halos pabulong. “Mi- minomolestiya ako..” pautalutal niyang sabi. Napayakap ako sa kanya, pinigil kong umiyak, ngunit bumigay ako agad. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, nanunuyot ang lalamunan ko. Gusto kong sabi-hing tahan na, ngunit walang salitang lumalabas. Ilang sandali pa’y nahanap ko muli ang aking tinig. “Nino? Bakit mo hinayaang gawin niya sa ’yo ‘yun, Ann?” “Pu-pulis, natatakot ako... papatayin niya daw ang magulang ko, Sheela. Alam kong kaya niya ‘yun.” Niyakap ko siya ng mahigpit upang sabihing, nandito ako Ann, may maiiyakan ka. “Halika na. May klase pa tayo.” Mumun-ting mga salita lang ang nasambit ko, ngunit napakarami kong nais sabihin.


Ang pagbabalik-tanaw - Sa bawat hampas ng alon Sa dalampasigang aking kinaroroonan Ay nagpapaalala

Ng dusta kong kamatayan.

Malungkot at matamis ang halik ko sa kanya. Isang halik ng paalam. Ngunit ayoko pa magpaalam – gusto ko pa siya makasama. Gusto ko sabihin sa kanya na mahal ko siya. Gusto ko makita ang kanyang ngiti hanggang sa huli. “Paalam” Nagsisisi ako na iyon lang ang aking sinabi. Sinabi ko sa harap ng aking umiiyak na mahal. Lalong lumakas ang kanyang pag-iyak. “Mahal kita” Isang mensahe na hindi ko naiparating. Sana man lamang ay nasabi ko sa harapan niya iyon. Na maramdaman niya din ang nararamdaman ko. Na ipakita ko sa kanya na mahal ko siya. “Alaala” Nagsilbing isang alaala na lamang ang lahat. Isang malungkot na alaala. Baka mayroong ibang plano ang tadhana sa aming dalawa. Na baka kaming dalawa ay dapat lamang maghintay ng pagkakataon. Maghintay na magkita kami muli. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko muling nakikita ang kanyang ngiti.

Ako'y nakahiga Walang katinag - tinag Alanganing bumangon o gumalaw Nilamon na ako ng kadiliman.

Wala ng mailuha ang buwaya Na sa tingin ng iba ay anghel na Subalit hindi; wala na siyang maibuhos Natigang na siya sa bawat niyo'y pag - agos.

Sa bawat sulok ng aking lapnos na pagkatao -

Huwag, inay! Ang tangis ko Huwag, itay! Ang sinturon ay tila lapnos ng Apoy na dumidikit sa aking balat.

Nasakal na ako sa kadena Nabingi na ako sa mga narinig - kay tamis na mga salita Nagbiyak na ang aking labi; napudpod na ang aking pagkatao. Isinusumpa ko kayo! Ang piping tangis ko, Patay na ang aking kaluluwa; wala ng saysay kung saan ako tutungo Dahil sa sarili niyong mga kamay, ay nahihimlay na ang impyerno. Sa bawat latay ng kahapon -

Ngayong ako'y lumaki na Wala ng epekto ang latay ng apoy at kadena.

Hindi na ako maluha pa Sa bawat pagpatak ng yaring dugo - ako ay manhid na.

Pagkatapos niyo inay, itay, sa aki'y paghagupit, Tanging mapait na ngiti lamang ang sa inyo'y ipapalit.

Anong wakas ang naghihintay? -

Ito ba ay isang sumpa o biyaya... wala na akong nadarama

Labing - walong taon ng mahinhing kamatayan ang kay tagal na dumaan Sa pagsapit ng gabi, hindi pa rin ako natitinag, sa tabi ng dalampasigan...

Nagsimula ang lahat sa maling akala, Pinagtagni–tagni ng tamang hinala Pagkakaibigang nahulma ng iba’t ibang panahon, Pagtitinginang nabuo ng mga imahinasyon Utak na puno ng maraming ideya, Iginapos ng pagkakaroon ng malisya Nalasong kaisipan ng sariling isyu; Nagdudulot ng pagkaubos ng maraming tisyu Konsepto ng katotohanan ay naging tigib, Sapagkat tingin sa pagmamahal ay pag-iigib Baldeng kung puno ay pantustos; Kung butas nama’y walang maibuhos Isang kakaibang umaga at nagi-sing ang ulirat, Nakita ka habang hawak kanya sa balikat Hininga’y nanikip, mata’y napapikit Sa isang banda, iniintinding pilit... Parang hangin na bumulong ng marahan, Upang mata’t dibdib mapatahan Tumalikod, nakita isang kilalang mukha Dilag na nakatitig at masaya Sa isang iglap mundo’y nilisan, Isipan ay tila sinilaban Pusong pagal pinaalalahanan, Mga naranasa’y huwag kalimutan...

5:1

ni Adrian Nazarene DG. Nualda

Almost two weeks na nang huli siyang nag-send ng mga messages. Heto naman ako na walang pakialam. Siguro busy lang siya, isang bagay na puwede namang isawalang-bahala. Hindi lang mawala sa akin ang pagkasanay ko na makita ang pangalan niya sa Inbox ng cellphone ko.

Mainipin akong tao. Sinabi ko sa kanya, “Hindi ka man lang mag-reply.”

Parang wala ako sa sarili, wala na sa tamang huwisyo. Ang bawat minuto na nauubos ko sa paghihintay ay humahaba. Ang minuto ay nagiging mahahabang oras, mahahabang araw at gabi, at mga linggo. “Responsibilidad kong i-text kita?” Sa may limang mensahe na ipinadala ko, iisa lamang ang natanggap ko. May punto nga naman siya. Sino ba ako para maghintay?

Hindi nga pala ako ang kasintahan mo. Ano ba ang nasa isip ko?

Asyumero.


PLMayers tumulong sa Manila Bay Clean-up Nakiisa ang mga PLMayer sa paglilinis ng baybayin ng Manila Bay noong Agosto 25. Bukod sa mga estudyante mula sa iba’t-ibang kolehiyo, may mga empleyado mula sa Physical Developments and Special Projects Office (PDSPO), University Security Guard (USG) at ilang propesor ng Pamantasan ang lumahok. Lahat ay tumugon sa tawag ng Center for University Extension Services (CUES) para mabawasan man lamang ang tambak-tambak na basura na nagpapabaho at nagpapadumi sa dagat. “We should continue to be responsive and [be] good stewards [through this activities],” panawagan ni Dr. Eleanor Galvez, direktor ng CUES, patungkol sa paglahok ng PLM sa ganitong mga gawain. Ang ibang grupo namang lumahok ay mula sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), mga pribadong sektor tulad ng Land Bank at midya tulad ng DZRH.

.....................................

RESERVOIRS:

Maliban sa mga PLMayers, dumating din ang mga tagamilitar, mga social welfare groups at ilan sa mga empleyado ng mga kalapit na hotel at iba pang mga establisyimento sa Manila Bay. Alas-sais pa lamang ng umaga ay nagsama-sama na ang mga volunteers mula sa iba’t-ibang sektor na pulutin at hakutin ang mga basurang nagmistulang dagat na sa dami na nakapaligid sa baybayin. Ang mga basura ay dinala ng mga truck ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at DENR sa mga piling dump sites. Ang ilang matitira ay hinakot ng lungsod ng Maynila ayon na din sa utos ni Mayor Alfredo Lim. Ang mga basura, tulad ng mga plastik, mga Styrofoam at mga kahoy ay naanod sa baybayin dahil sa habagat na sumalanta sa Maynila noong Agosto. Ang mga ito ay nanggaling pa sa mga kalapit na baybayin tulad ng Pasay at Navotas.

Alternatibo sa Styrofoam:

Rebolusyong Pangkalikasan, simulan sa Pamantasan

Ang Nakatagong Epekto sa Mundo Ang reservoir, karaniwang kilala bilang dam, ay isang salitang Pranses na nangangahulugang "kamalig". Ito ay isang artipisyal na lawa na ginagamit upang mag-imbak ng tubig. Matatagpuan ito sa mga lambak ng ilog na maaaring binuo sa pamamagitan ng paghukay sa lupa o sa pamamagitan ng konstruksiyon tulad ng brickwork o kongkreto. Para sa maraming tao, ang mga reservoir ay may magagandang epekto sa pagbibigay ng pang-araw-araw na pangangailangan ng tubig at maaring pagkunan ng elektrisidad. Gayundin, ang mga reservoir ay ginagamit upang kontrolin kung paanong ang tubig ay dumadaloy sa pamamagitan ng waterways, nagsisilbing irigasyon sa sakahan at ginagamit para sa pagkontrol ng baha.

Paper Boxes/Bags/Cups PRO: Parang lumang balita na ito. Nagiging mabisang kapalit na nga ang mga ito sa Styrofoam. Ginagamit ito sa mga fastfood chains (Jollibee), convenience stores (7-Eleven), at iba pang bentahan ng pagkain. CON: Madaling mabasa ang papel. Hindi ito maaaring magamit na lalagyan ng mga ulam na may sabaw o sauce. Meron din namang waterproof na layer ang ilang uri ng box, ngunit ito ay gawa sa shellac o wax. May posibilidad na humalo ang wax sa pagkain sa madaling salita. SAAN SA PAMANTASAN: Ginagamit na itong pambalot ng sandwiches at ng sikat na Japanese cakes, sa mga stalls at kiosks, at sa mga tiglimang pisong kape ng vendo machine. Bioplastics PRO: Mula sa bagasse, o pinagbalatan o pinagkatasan ng mais, patatas, trigo, o tubo, ay makukuha ang Polylactic Acid (PLA), na siyang bumubuo ng isang resin ng clear plastic. Ang plastik na ito ay ginagamit sa paggawa ng mga eco-friendly na kutsara’t tinidor at iba pang disposable na gamit sa kusina. CON: Ang teknolohiyang ito ay hindi pa lubusang nagagamit sa bansa. Prayoridad din ng nito ang paggamit ng mga materyal para sa konstruksyon. Mahal pa at masyado pa itong komplikado para sa mga small scale na

.................................................................................

Epekto sa Kapaligiran Ang mga epekto ng pagkakalikha sa mga reservoir ay matagal nang pinagdedebatihan. Kahit na ang mga reservoir ay nagagamit sa makabuluhang mga bagay tulad ng pagbibigay sa atin ng malinis na tubig ngunit mayroon pa rin itong masamang epekto sa kapaligiran. Ang proseso ng pagsasagawa ng mga dam mula sa mga ilog ay may hindi magandang kahihinatnan sa kalikasan. Ang mga epekto ay karaniwang direktang may kaugnayan sa biological, kemikal at pisikal na katangian ng mga ilog. Ang mga pader ng isang dam ang nagiging dahilan upang maharang ang dinaraanan ng mga isda. Gayundin, ang mga deposito ng bato na mula rito ay lumilikha ng negatibong epekto sa pagpapanatili ng pisikal na proseso ng pag-agos ng dam. Ganitong bagay ang nangyari sa loob ng Grand Canyon sa ibaba Glen Canyon Dam. Pagkatapos na makumpleto ang konstruksiyon nito noong 1963, gumuho ang mga deposito nito sa kahabaan ng dalampasigan. Isa pang epekto nito ang pagbabago ng isang free-running river ecosystem sa isang artipisyal na sclackwater reservoir na nagreresulta sa pagbabago ng temperatura, komposisyong kemikal, dissolved oxygen percentage at ang mga pisikal na katangian na madalas ay hindi naaangkop para sa halaman at hayop na pantubig na umiiral sa isang river system. Maliban dyan, ang karamihan sa mga reservoir ay may ambag sa greenhouse gas emissions na siyang nakasasama sa kapaligiran. Ang konstruksyon ng malalaking dam ay nagdudulot ng pagkalipol ng maraming isda at iba pang aquatic species, ang paglaho ng mga ibon sa floodplains, malaking pagkawala ng kagubatan, wetland at bukiran, pagguho ng mga baybayin, at maraming pang iba. Habang ang mga reservoir ay kapaki-pakinabang sa mga tao, maaari rin itong makasama sa atin. Masasamang epekto na kadalasa’y hindi natin maunawaan kung saan nanggaling at maging ang solusyon na nararapat para rito ay hindi natin nalalaman.

Styrofoam. Ang siyang bilis ng pagsilbi nito sa sangkatauhan ay kasingtagal din ng panahon para mawala. Ang produktong ito ay aabot ng dalawandaang libong taon o higit pa bago mabulok. Sa mabilis na progreso ng teknolohiya, marami nang mga mabisang kapalit sa Styrofoam na mas mura, mas malinis, at mas makakalikasan. kumpanya. Mababawasan din ang suplay ng mais at patatas na para sa pagkain, lalo na at nahati ito para sa paggawa ng ethanol na alternatibo sa gasolina. SAAN SA PAMANTASAN: May maliit na posibilidad na makita ito sa Pamantasan ngayon. Maaaring gawin itong kutsara’t tinidor, pabalat ng sandwich, at sa mga pabalat ng chips kung magkakaroon nito. BYOLB (Bring Your Own Lunch Box) PRO: Isang offshoot ng Bring Your Own Baon, kung hindi na makapagluluto ng tanghalian sa bahay, bakit hindi na lang bumili at ipalagay sa baunan? Dahil diyan, walang matatapong sarsa at sabaw ng ulam sa mga libro o handouts. Higit sa lahat, wala nang Styrofoam sa Pamantasan. CON: Masasabing ito ang pinakamabisang alternatibo sa Styrofoam. SAAN SA PAMANTASAN: Maraming Isko ang nagbabaon ng ulam at bumibili na lamang ng mainit na kanin. Sa ngayon di pa ito trending sa Pamantasan. Ngunit sino ang makapagsasabi? Kung makaalpas ang PLM sa austerity measures at magkakaroon na ng mga lockers at mga lugar na puwedeng paghugasan, malaki ang posibilidad na mabibigyan din ito ng atensyon. Ito naman ang mga runner-up: Tunay na Plato, Tunay na Kutsara’t Tinidor, Tunay na

Baso… Nothing beats the original, ika nga. Hindi naman ito problema kung maaaring mag-iwan na lang ng gamit sa Pamantasan. Kailangan lamang ng mga mesa para kumain. Magmumukhang carinderia ang mga gilid ng Pamantasan. Wala ngang kalat, mukha nga lang marumi. Microwaveables Microwaveable ang tawag sa plastik na maaaring gamitin sa microwave oven. Natutunaw kasi ang kumbensyonal na plastik sa matinding init ng appliance. Ngunit pagkagamit nito, puwede na itong hugasan at gamitin ulit dahil reusable ang mga ito. Bakit hindi gamitin ang mga ito para lalagyan ng baunan? Nakakasama lamang ito sa kalusugan pagkatapos ng makailang beses na paggamit. Common Sense Hindi naman kailangang maghanap ng agadagarang alternatibo kung may sapat na kaalaman ang bawat isa ukol sa mga tamang gawi sa pagligpit ng kalat, lalo na ang Styrofoam. Kung maihihiwalay lang ang mga ito sa iba pang mga uri ng basura, mas madali itong makokolekta. Habang mas magastos sa enerhiya ang pag-recycle ng Styrofoam, ito na lamang ang pinakamabisang paraan na magagawa sa ngayon. Hindi man kailangang madaliin ang pagtugon sa problemang ito, isa dapat ito sa mga isyu na dapat nang bigyan ng atensyon.

Kanlungan o Kulungan:

Ang kupas na larawan ng Manila Zoo

Ang marumi, at kinakalawang na kulungan. Ang kawalan ng kasama. Ang araw-araw na pagmamasid sa mga bata at mga ‘di kilalang bisita sa kanyang munting tahanan. Ang iba nagtatawanan at nagpapalipas ng pagka-inip. Ang iba naman ay nandun lang para magkalat at mangutya. Ngunit ang lahat ng ito ay kailangan niyang indahin habang kinakain ang kanyang kakarampot na tinapay at gulay. Iyan ang nararanasan ng 34 na taong gulang na si Mali, Maliban sa PETA at pamunuan ng Manila Zoo, marami nang isang Asian Elephant. mga kilalang tao ang nababahala sa kalusugan ng mga hayop. Kabilang Siya, na nagsisilbing main attraction, ay kabilang sa 650 na rito sina Anne Curtis, Nobel Prize winner J.M. Coetzee, ang banna hayop na nasa 120 na iba’t ibang species na nakatira sa kaunadang Smashing Pumpkins at UK icon na si Morrisey na nagawa pang unahang zoo sa Asya, ang Manila Zoological and Botanical Garden, sumulat kay Pangulong Benigno Aquino upang palayain na si Mali. o mas kilala bilang Manila Zoo. Sa dami ng mga nagbibigay ng mga payo’t suhestyon upang Kabilang ang Manila Zoo sa mga pinagmamalaki at pinakamapabuti ng mga kalagayan ng mga hayop, hindi pa rin natin tuluyang tanyag na zoo sa bansa kasama ang Zoobic Safari, Avilon Zoo, at malalaman kung ano ba talaga ang sinasabi ng kanilang mga mata. Paradizoo Tagaytay Farm Zoo. Subalit, parang nakakaligtaan na ata Maaaring paghingi ito ng saklolo, dagdag alaga, o kaya ay pagpapalaya. ang 53 na taong gulang na Manila Zoo at ang mga hayop dito. Gayunpaman, ang mahalaga lamang nama’y ang pagtulong ay laging Sabagay, hindi rin naman masisi ang mga turista kung pipiliin nilang galing sa puso. puntahan ang Petting Zoo ng Ark Avilon Zoo kaysa sa munting Kinder At hanggang ngayon, patuloy pa ring Zoo ng Maynila. At ano nga ba ang panama ni Mali sa mga tigre ng kinakain ni Mali ang kanyang tinapay at gulay Subic? At higit sa lahat, ang mga mata ng hayop, na laging nakatingin sa harap ng mga tao... sa mga bisita, na para bang nangungusap... Ayon sa isang artikulo ng Philippine Daily Inquirer, tauntaon, 50 milyong piso ang nilalaan ng pamahalaan ng Lungsod ng Maynila para sa zoo na ito. Labing-apat na milyon ang para sa pagkain ( Mga at gamot ng mga hayop at 36 milyon naman ang para sa operational litrato mula expenses kung saan naroon ang tubig, kuryente, at sahod ng mga kila Ann empleyado. At dahil 40 pesos lang ang entrance fee nito para sa Carlette matatanda at 20 naman para sa mga bata at estudyante, malabo Petilos, nang tumaas ang kita at budget nito. Christian Mula noong mga nakalipas na taon, naglunsad ang People Espinosa, at for Ethical Treatment of Animals (PETA) ng isang kampanya upang Elijah Marie tuluyan nang buwagin ang Manila Zoo at dalhin na ang mga hayop Reloj ) nito sa ibang sangtuwaryo kung saan sila mas maaalagaan. Sa isang pahayag ng PETA, sinabi nila na ang mga hayop ay nasa “small barren cages that can’t compare to their natural habitats. Many exhibit neurotic behavior, such as constantly pacing, swaying their heads, and walking in small circles. Because of the lack of funding and resources, the zoo’s infrastructure has deteriorated and conditions for animals have grown steadily worse.” Sagot naman ng pamahalaang lokal, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ayusin ang zoo. Sa katunayan, patuloy nilang kinukumpuni ang mga hawla. Maliban dito, pinabulaanan nilang isang loaf lamang ng tinapay ang kinakain ng elepante.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.