Ang Pamintasan Issue

Page 1

ANG

PAMINTASAN Opisyal na Tagapuna ng mga Kapintas-pintas na balita sa Pamintasan ng Lungga ng Majojonda

Toon XXXIV Vol-vol 2

Hunyonggo 11, 2013

Intramuros, Manila

NOISE FLUSH MGA IPISINA SA PLEGHM, PINAGHAHANAP! Nakarating sa tanggapan ng Ang Pamintasan (AP) ang reklamo ng ilang miyembro ng PhLegM tungkol sa mga hidden ipisina. “Ilang oras na akong paikot-ikot sa PLeghM. Crispin, Basilio nasan na kayo?” naluluhang sambit ni Andi Minaj, freshie. Ayon sa Usisero Sa Gate (USG), hindi totoong nawawala ang mga ipisina, marahil daw ay naduling lamang amg ilan sa mga office signages na nakapaskil sa mga pintuan nito. “Paanong mawawala ang mga ipisina, eh gawa ito sa semento. Baka kinakailangan na nilang magsalamin para malinaw na makita ang mga ito,” pahayag ng sekyu.

TBA: HINDI KLASRUM!

AIRCON SA JUSKO ALBERT NA-REVIVE NA CONNIE CHIWA

Matapos ang ilang buwang pagkaka-comatose ng mga aircon na naging dahilan sa pagsasara ng Jusko Alberto Auditorium, muling na-revive ang mga ito noong Hunyo 3. Matatandaang dahil sa pagsasara ni Alberto, pansamantalang pinagamit muna ng PhLegM admin ang Bulgarang Manileño (Bulma) para pagdausan ng mga stupidents activities. Ayon sa pahayag ni EngEngineering Rekorekong Majonda, chef of PEDE-SPO, hindi kinaya ng mga aircon ang dami ng pinalalamigang kili-kili kaya ito bumigay.

audience capacity ng Alberto, eh pinupuno at sinisiksikan pa ng sinisiksikan, na animo malasardinas na yung mga estudyante. Yung iba may putok pa kaya nadagdagan lalo ang problema ng mga aircon,” saad ni Majonda. Pinadoktor pa ang mga aircon para muling magamit ngunit hindi narin talaga kinaya dahil na rin sa katandaan at sobrang kinakalawang. Naglabas din ng hinanakit si Majonda sa mga gumamit noon sa Alberto partikular na sa mga taga-labas na nagdadaos ng mga aktibidades nila sa Alberto na hindi man lang tumulong sa pagbabayad ng mga bayarin ng mga aircon tulad ng labis na paggamit ng kuryente at walang humpay ng pagdidikit ng mga sangkabahuan sa aircon.

“Nasobrahan kasi ang gumagamit ng Alberto. Kasi kahit dapat nasa 400 lang ang

Humingi ng tulong sa Pro-CURE-

IKA-115 TAON NG “KALAYAAN” Isang tulog na lang at muli na namang mararamdaman ng mga Penoy ang espiritu ng kalayaan mula sa mga nagmamagandang Kastila dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-115 na paglaya ng Pilipinas. Para sa mga Pilipino, bahagi na ng kultura na ipagdiwang ang araw na ito tuwing ika-12 ng Hunyo. Pero dahil sa pagmamaldita ng mga Kano at Kastila, maagang natapos ang party sa Kawit, Cavite kung saan iwinagayway ang bandila ng Pilipinas, sa kadahilanang hindi kinilala ng mga foreynjer ang deklarasyong ito. Kung

aalalahanin, nag-eyeball ang mga Kastila at Amerikano sa Paris noong 1898 upang lagdaan ang Kasunduan sa Paris kung saan isinuko ng mga Kastila ang Pilipinas sa halagang $20,000,000. Nakipag-barbie-han pa ang mga Penoy sa mga Amerikano hanggang sa maachieve ang soberanya noong Hulyo 4, 1946. Dahil holiday tuwing Araw ng Kalayaan, mala-Pacman ang ngiti ng mga tao, lalung-lalo na ang mga estupidyante at mga empleyado, sa kadahilanang walang pasok ang mga paaralan maging ang mga opisinang sangay ng pamahalaan.

(BEKI C. FROG)

ment si Majonda sa pagpapagamot sa mga aircons. Naging maganda naman ang resulta dahil muli ng nagagamit si Alberto noong orientation ng mga not-so-freshmen.

ENROLMENT NAGMISTULANG QUIAPO Naging isang mini Quiapo ang University Anti-activity Center (UAC) dahil sa pagdagsa ng mga Iskoba para magenroll. Bumungad sa Stupident’s ID Supplier (SIS) ang libu-libong bagong Iskomunoy kasama siyempre ang kanikanilang mga magulang na daig pa ang kanilang mga anak sa reklamo. Sa kabilang dako, hindi nawawala sa eksena ang mga lumang Iskakornihan na hanggang ngayon ay hindi pa rin kabisado ang proseso ng pag-e-enrol. Ang iba’y feeling freshman dahil sa akayakay nilang magulang. Marami ring naloka sa combo problems na haba ng pila, init ng panahon, wrong na wrong na Pre Rental Fee (PRF) at sistema ng singitan. “The enrollment system of PLeghM is so bulok. I wish online na lang para di na ako pinagpapawisan”, reklamo ng isang nagmamaganda at feelingerang hacienderang Iskalawag.

(HAKUNA MALATA)

Dumagsa ang daan-daang Iskomunoy sa ipisina ng SIS para itanong kung nasan ang To Be Annoyed (TBA) dahil ayon sa kanilang redge form ay dito ang kanilang susunod na klase. Dahil sa kanilang maling akala na ang TBA ay ang Tambayang Bayan, hindi na nila naabutan ang kanilang klase; dahilan upang pagalitan sila ng kanilang prof. Note: Hindi klasrum ang TBA, sana wala nang iba pang mabiktima.

ILANG ISKOBA, NA-“NO COURSE”! “No Course ang nakuha ko, nagsulat naman ako ng tatlong choices. Bakit ganun? Tinatanong ko nga ‘yung iba kong kasabayan kung na-No Course din sila eh. Oo raw,” malungkot na sinabi ng isang Iskotong. Ito ang eksena ng mga bagong saltang stupident na hindi nakuha ang kahit isa man sa tatlong kursong kanyang inilista. Paliwanag ng Office of the Uber sa Reklamo (OUR), sila raw ang mga stupidents na hate ng kursong napupusuan nila. Note: ‘Wag mo nang ipilit kung ayaw sa’yo, baka bumagsak ka pa, bahala ka.

PLEGHM WEHHSITE KINALAWANG NA! Isang iskalat ang nagsumbong sa inyong lingkod na ang ibang bahagi raw ng wehhsite ng Pamintasan ay nalipasan na ng panahon. Luma na raw kasi ang mga nakalagay rito partikular na sa listahan ng mga propesor. “I-update nyo kami,” nagsusumamong kuda ng wehhsite. Sa ngayon, patuloy nakikipag-ugnayan ang AP sa Is this Correct (ITC) tungkol sa nasabing sumbong. Tugon nila’y maraming salamat sa pagupdate.


OPEN-YON

2

Hunyonggo 11, 2013

idiotorial

CHAKA NA CHIKA

feeling maganda at feeling pogi rin nating mga ka-PhLegMayer. Beauty and brains ang labanan. Syempre may talents din (na minsan imbento at maipilit lang talaga. Juice ko ha!). Ganyan talaga sa PhLegM, di lang matatalino, kundi magaganda, gwapo at talentado rin. (Pero minsan, matatalino lang. Hahaha!) Sunod, syempre may SUPAHDANCE ng ASAP din ang peg na contest contest. Diyan naman nagpapagalingan sa pagsayaw (malamang ‘di ba?) ang iba’t ibang kolehiyo. Pagalingan din ng cheer. Multitalented kasi talaga tayong mga PhLegMeyer. Kaya kayo freshies, if kaya niyo o kahit hindi pero makapal ang mukha niyo, then bring it on. Hahaha.

CONNIE CHIWA

PAGBABAGO: Salitang Bukambibig sa PLeghM Nakaraos na naman ang Ripublika ng Pilipinas mula sa isang makasaysayang iliksyon. Sa madaling-sabi, nagkaroon na naman ng bagong mga lider/taga-utos/ buwaya ang ating bansa. Samantalang sa ang ating siyudad ay lilisanin na tayo ni Mayor Limusin kaalinsabay sa pag-upo ni Mayor Sherap. Bagong pamunuan, bagong patakaran, bagong administrasyon, bagong sistema. Lahat bago. Back to zero na naman. Expected naman na sa tuwing may bagong uupo lahat ay nagbabago. Bale, sanay na tayo sa bago. Ano pa nga bang bago? Narito ang checklist ng mga pagbabagong hinahangad ng bawat isang istudyante, propisor, dyanitor, pusa, drinking fountain, upuan, lamesa at mga empliyado para sa pinakamamahal nating Pamintasan: 1. Pagbabago sa sistema (ng… alam mo na). 2. Pagbabago sa bilang ng mga guro. Na imbes mabawasan ay madagdagan. Sana (fingers-crossed). 3. Pagbabago sa pasahod ng mga empleyado. 4. Pagsasaayos at pagbabago ng mga pasilidad. 5. Pagbabado sa antas ng kalidad ng edukasyon. 6. Pagbabago sa nilalaman ng PLMAT. 7. Pagbabago sa tagal ng pag-e-enrol (online enrollment na kasi). 8. Pagbabago sa halaga ng matrikula, muling ibaba! 9. Pagbabago sa mga ginagawa ng Still Striving Council (SSC). Maliban sa Foundation Day, ano pa? 10. Pagbabago sa tunay na pagkakakilanlan (sariling kulay at simbolo). 11. Pagbabago laban sa ”kompromiso”. 12. Pagbabago sa presyo ng mga bilihin sa kantin. 13. Pagbabago sa amoy ng banyo ng mga lalaki (pati rin sa mga babae, para hindi naman masabing sexist). Sa madaling salita, kahit gaano man kaganda ang isang institusyon, hindi matatapos ang pagbabago na kinakailangang maganap dito. Ang checklist na ito ay indikasyon lamang na habang lumilipas ang panahon, nararapat lamang asahan na ang kapaligiran din nito ay kasabay na magbabago, maging ang mga taong kabilang sa institusyong ito. Isang tanong, isang sagot: nasa checklist nyo rin ba ang mga ito?

ANG

PAMINTASAN Opisyal na Tagapuna ng mga Kapintas-pintas na balita sa Pamintasan ng Lungga ng Majojonda

MGA MANUNULAT Hakuna Malata Beki C. Frog Connie Chiwa Fay Mous Johnny Derp Dippin D. Dick Chongke D. Best Eriko

Foundation Day es hair! Tapos na ang bakasyon, pero kami rito sa Ang Pamintasan (AP), wit namin na-feel. So, let’s drop that topic na, okay?! Ang hot topic natin ngayon mga ka-iskalawag at iskumunoy ay ang nalalapit nating Foundation Day. (Partee parteee naaa! Ahuehue!) Well kahel and wishing well, ayan na naman, nakatapos na naman tayo ng isang taon at magbebertdey ne nemen si minamahal nating Pamintasan. Ilan taon na nga ba si PhLegM? (Alam niyo ba, ha? Dapat fresh faces na kahit hindi talaga freeeesh ay alam na ‘yan! Kung hindi, ay nakooo, mag-disappear na kayo sa PhLegM please!). Porti-eyt na siya mga teh. Ang tanders na rin pala ni PhLegM eh. Pero teka mga teh, feel niyo ba ang nafi-feel ko?(kung feel mo, pwes, connected tayis. Ayieee!) Ayan na naman ang mga pa-contest (mga walang kamatayaaaang pa-contest. Achee!) na paulitulit kaya kahit pangit (Charooot!) pilit pinipilit. (Oh ‘di ba, rhyme? Ang talino ko talaga, ‘di ba? Hahaha!) Syempre ‘yung mga tumanders na rito sa PhLegM eh knows na yang mga different birit slash contest tuwing Foundation at alam ko na kahit nagsasawa na rin sila eh kailangan pa rin nilang sumuporta sa kani-kanilang kolehiyo dahil may REQUIRED attendance! Hmp!. Kaya yung mga freshies na lang ang bibigyan ko ng idea. Ayan freshies ah, qouta na kayo sakin, laging kayo ang pinaglalaanan ko ng mga sinusulat ko. Konting pa-thank you naman diyan. Ahuehue. Una sa mga ‘di mawawala sa FDay ay ang Ginoo at Binibining Pamintasan. Diyan nagsasalpukan ang mga magaganda, pogi,

Meron din namang pang-birit as in BIRIT ang peg talaga na contest at ito ay ang gaya-gaya puto maya sa America, PLeghM Idol, iyan nga! (Pinipilit ko talagang i-rhyme mga teh kaya i-push na lang natin, okie). Syempre kung may sayaw, may pag-awit din (medyo wag na kayong umasa na may acting din ha. Hindi po tayo Artista Academy dito sa PhLegM). Dito hindi pwede yung ANNEbisyosa ang peg. Seryoso ‘to mga teh. Ayaw niyo naman sigurong mabato ng kamatis, right? Hindi din mawawala ang fashion rampahan sa PhLegM. Meron din tayong PhLegM fashionista. Sa patimpalak na ito, lahat ng maganda maglakad sa catwalk (minsan kasi talaga, maganda lang sila maglakad noh! Wit nemen sila pasyonista eh. Yung gumagawa lang talaga ng damit ang nagdadala! Tahahaha). Kung feeling mo eh fashionista ka, edi sali ka. Wag sayangin ang talents. Syempre, di rin naman mawawala yung mga pang-GC na mga pa-contest. Madami yan. Iyan yung mga speech writing, quiz bee, vocabulary, reading and comprehensions and chenelin-chenelin ek-ek. Basta alam niyo na yan. Nag-high school naman kayo eh. Uso kaya yan sa high school. Hahaha. At meron din palang sports fest. Kung bibo ka, edi go. I-push niyo yan! Oh ayan ah. May alam na kayo sa FDay. Basta always remember, ang Foundation Day, masakit man sa kalooban at nakakatamad puntahan, kailangan mong umattend kung ayaw mo ma-absent-an. Ahahaha. I-ready niyo na rin ang malalaki ninyong mga bunganga para sa pagsigaw ng kanya-kanyang pangalan ng kolehiyo niyo. Tapos ready na rin kayo ng mga digicam, DSLR, iphone, at kung ano-ano pang pwedeng pang picture para makapag-upload sa Twitter at Instagram. Okay na? Gets niyo na? Basta i-enjoy niyo na lang. See yah in foundatiooooon. Mwah :*

DISCLAIMER PAUNAWA! Ang “Ang Pamintasan” ay ang opisyal na lampoon ng Ang Pamantasan (AP) na nilikha upang isulat ang mga opinyon at reaksyon na nagmula sa mga mag-aaral ng Pamantasan. Kinuha ang titulo ng pahayagang ito mula sa salitang “Pintas” na ang nais ipakahulugan ay pamumuna sa mali ng isang tao. Layunin lamang po ng Ang Pamintasan na buksan ang isipan ng lahat ng kabilang sa institusyong ito ukol sa mga nangyayari sa loob o labas man ng nasabing unibersidad. Ang lahat ng mga naisulat sa pahayagang ito ay hindi ginawa upang makapanakit o makainsulto ng mga estudyante at namamahala sa Pamantasan.

Lampoon

-a sharp, often virulent satire directed against an individual or institution; a work of literature, art, or the like, ridiculing severely the character or behavior of a person, society, etc. (Source: Oxford Dictionary)


OPEN-YON

3

Hunyonggo 11, 2013

SIN TAXED

DIPPIN D. DICK

Gusto mo pa bang Lumuhod at Ngumanga? A warm cum back (warm nga ba? Ang wet kaya ng season) mga ka-ISKObahan! Kumusta naman ang inyong bakey-syon (kung meron man, hihi)? Todash na kaka-end lang ng local erections (I mean elections), isa lang ang sigaw ng mga Isko at iska: Anyareh na sa

ECHOSERA.COM

CHONGKE D. BEST

Esen ne eng KELEYEEN? Hello there friends from outer space, este mga PLeghMayers. Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Sisimulan ko na ang mga maiinit na patutsada. Handa na ba kayo? Ako, handang-handa na. Oh yeah!!!! Dahil sa malapit na ang In-the-pendense Day (‘yung day na isiniway-sway ni Ex-Pres Aguinaldo ang ating flaglalu) kaya gusto ko kayong bigyan ng mga paalala tungkol dito. For sure hindi nyo mafo-forget ‘yung chenelyn na nangyari between kay Vice Ganda and Ms. Jessica Soho, nawindang nga aketch sa mga naging kaganapan. Pinag-isipan kasi talaga ‘yung joke e no! Winner! Ayun, warla tuloy ang ending. By the way, sila ang naging inspirasyon ko para maisulat ang obra na ito. Share. Anyways, mabalik nga tayo sa usapan. Ang kalaayan! Bow! Ayon sa aking na-research (taray no! feeling genius lang di ba?) ITO AY ANG HINDI PAGGAWA NG KUNG ANO ANG GUSTO MO KUNDI ITO AY ANG PAGGAWA NG TAMA. (Ayun naman pala e, paggawa raw ng TAMA. Ahem! Ang brainy ng Google. I love it.) K.

PhLegM? Nganga pa rin ba? Kakangawit na ah! At dahil na-luz valdez na si Dirty Harry ni Asiong A, ang major-major concern nang buong PhLegM ay ang welfare ng ating Inang P. P as in Pamantasan, mga utak ha. ‘Di na ‘ko magpapaligoy-ligoy pa, na fo-foresee ko na maraming Shitty Hall at PhLegM ipisyals tulad ng BORed ang papalitan because nag-change na nga ng mayor. Baka naman teh, mahiya na sila at witchikels na nilang gapangin ang BADget ng Pamantarzan. Tumaas nga ang tuition at iba pang feeezz (na magtataas pa ng 10% per year), pero meron na ba tayong nafi-feel na pagbabago? Point to the east and point to the west, nasaaaaaaaaan?!! Ganun pa rin, kulang sa facilities, kulang sa prof, kulang sa klasrum, ang ‘di nga lang kulang ay ang mga puge at preti Iskumunoy at Iskalawag sa Pamantarzan. (Naks! Pero chos ko lang ‘yun!) Oh, ang mag-warlaloo sa Ang Pamintasan, guilty! Ginagawa kasing personal business ang PhLegM, eh. Skhul po ang PhLegm, hindi po karinderia! Umaasa po kami na may pretty changes na mangyayari sa PhLegM, utang na loob na po. (Joke lang, wala po kaming pambayad-utang, KASI HINDI NAGBAYAD ANG ILANG ALPHA KAPAL MUKS nating mga ka-isakalawag ng EyPi Fee!) Chos!

Wait, mag-fly back nga muna tayo sa past. Na-remember nyo naman siguro ‘yung revolutionary days. ‘Yung mga panahong uber sumikat sila Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Andres Bonifacio…M2M. ‘Yan. Right ?!? ‘Yung moment na buwis buhay ang drama. Lahat ‘yun nagsimula dahil sa cravings nila for freedom (parang gutom na gutom lang… wahahaha!). Walang halong biro (Maniwala kayo, please!) binuwis nila ang kanilang everything for the kalayaan na nafi-feel natin today. Thanks guys. Muah muah tsup tsup. What I’m trying to say is, anyare na sa kalayaan today? ‘Yung totoo? Mukhang naiba na ‘yung meaning e. Eto na ata: ang KALAYAAN ay ang pagsasabi ng masakit sa kapwa (dahil totoo naman daw), pambu-bully gamit ang social media (Well! Way lang daw iyon para makapaghiganti.) at ang pagsasabi sa gobyerno na walang silang kwenta. In short: ANG PAGGAWA NG GUSTO AT TRIP MO. Aryt. Got it! Dahil sa freedom, kaya nating gawin ang everything (‘yung mga possible lang siyempre!). Pero men, mag-set naman tayo ng boundaries. Pwede? Di pa rin tuloy nawawala sa aking mindset ang nangyari between Parises Cross and Flooranti Galore, ayon kay Cross: “Itegi si Prexy!” Kalurkey diba? Halimbawa lang iyon ng paggamit ng kalayaan sa waley kwentang bagay. Sige, isipin na lang natin pano kung nabubuhay ang mga bayani ngayon? Kahiya naman tayo sa paningin nila. Wooooo! Baka sila pa mismong ang magsabi ng: “You are a disgrace to this university”. Hihintayin pa ba nating dumating ang araw na iyon (kahit imposible! Imagine mo na lang. Eto naman!). Oh, hihintayin pa ba nating magkagulo-gulo ng bongga ang Philippines. Sayang naman ang blood and sweat ng ating dearest (dead) heroes. Di naman kasi nakikita sa’tin ang kanilang pinaghirapan kasi hindi natin magawang magamit ang kalayaan kiyeme sa tamang way. Kaya ngayon, gusto kong jombagin ang lahat ng PLeghMayers na walang pakialam sa kalayaan. Me tanong ako? Saan kayo nag-aaral? Aaah.. Pamantasan ng Lungga ng Matatalino. Aaah. Ibig sabihin, high and almighty kayo sa knowledge. Tas to the highest level ang I.Q. Kaso walang sentido kumon? Ganun? Hindi naman siguro. Mga one-third lang. Ay! Saklap. keleyeen?

Ano PLeghMayers? Esen ne eng

Marami man kaming isinulat na kalokohan, mga pilit na katatawanan, mga read-between-the-lines churva, mga pangungutyang sinadya at ‘di sinasadya, meron pa rin namang puwang sa aming mga puso ang kaseryosohan (kahit kaunti lang). Una sa lahat, gusto naming batiin ang mga bagong salta sa Pamintasan, este Pamantasan (seryoso nga pala muna kami ngayon. Haha). OO, kayong mga bagong recruit, kayong mga bagong mukha (oh seniors, asa pa? Freshies kaya tinutukoy ko noh! :P). Mula dito sa AP, binabati namin kayo dahil nakapasa kayo sa PLMAT at nalagpasan ninyo ang masalimuot na ‘initiation’ noong enrollment. Pero huwag kayo masyadong mayabang, pare-pareho lang tayo ng kinuhang exam. Syempre, magagaling kasi lahat ng nakakapasok sa PLM (ewan ko lang sa iba… magaling mag-magic eh.) Bukod sa aming pagbati, gusto rin namin kayong bigyan ng kaunting mga paalala na pwedeng-pwede ring isiping payo mula sa amin dito sa AP. Una, mag-aral mabuti. Ayos lang maging GC (Garapal sa Credits), ayaw mo naman kasi mapalayas agad sa Pamantasan, di ba?! Ayos lang naman din maging petiks, wag lang SOBRA. K? Pangalawa, pangatlo, pang-apat: Huwag maging pasaway! Basahin ang mga nakasulat sa pader kahit hindi man sa inyo naka-address para walang makaligtaan if ever at huwag snob-in ang binigay na student manual. Matuto po tayong sumunod sa kautusan sa PLM (mahirap na pong umabot pa sa USG at mabigyan ng memo, right?!) Hindi yata nakakaganda ang unang taon na may regalo agad na memo mula sa YUESGI noh! At… TANDAAN: Ang exit ay exit at ang enter ay enter. Huwag pagbaligtarin. (Marunong naman kayong magbasa, ‘di ba?) Huwag din po tayong humalintulad sa higher years, freshies. Ang mga tanders kasi na iyan, tipong HUMANUS IGNURAMUS ang peg eh. Tipong ilang dekada na sa PLM, hindi pa rin knows ang mga policies and procedure. Dyusko ‘day, namuti ‘yung hair namin sa kakatanong ng mga iyan noong enrollment. Naubos na nga ata yung voice namin sa kakasagot, paulit-ulit, pabalik-balik. Harooo! Ang kukulit! Yan po talaga ang resulta ng hindi PAGBABASA at labis na pagkatanders. Kaya magbasa, magbasa at MAGBASA! Pramis, papasa kayo sa PLM pag ganyan ang attitude ninyo. Oh siya, sige. Siguro naman may mga narinig na rin naman kayo kaya hindi ko na papahabain pa (baka kasi hindi niyo din naman isasapuso ang mga payo namin. MGA PASAWAY KASI KAYO!) Babuuuuuu!


FREAKTURES It’s more fun in Pamintasan!

4

Hunyonggo 11, 2013

JOHNNY DERP / FAY MOUS

Inpeyrnes, parang gusto ko na mag-shift ng course! Charoroot! #hubadhubaddinngjacketpagmaytime #inggitako #bitterocampo

5

Gusaling Kisame-agad (GK)

Sa mga friend ko from CTHTIM and CN jan sa GK, kung sa tingin mo pinagpala ka dahil ang height mo eh pang beauty queen, pwes, isusumpa mo ang long legs mo dahil pagtayo mo sa GK, pak na pak dahil kisame agad! Oh diba kavogue na kavogue ka jan! Medyo Pilit-a Corales ang pagkakagawa ng building. Pampalubag loob na lang siguro yung mga aircon sa bawat kwarto, na kung minsan, sira pa. #gumapangkasalusak #dimokinagandaangheightmo #ipilitmopa

6

Gusaling Bagong-aircon (GB)

7

Tambayang Bayan (TB)

8

Ajah Waleyman Gym

Havey na havey ang kalej layp ng mga med students sa Gusaling Bagong-aircon! Ume-aircon epek din ang mga lulah nyo. Kaso malas mo lang, pagkatapos ng panandaliang lamig, majinet na ulit. Tapos paglabas mo, damuhan agad ang view. O diba, kabayo lang ang peg. Bago ko malimutan, marami ditong papable at mamable. #hihihi #damo #tiisganda #medyososyal #medyomajinet #medyojabar

Sa pagbubukas ng panibagong taunang klase, mga bagong mukha nanaman ang maglalagalag sa kapaligiran ng PLeghM. Kaya naman para sa mga mapapalad na pumasa sa entrance exam gayun na rin sa mga may kapit d’yan (oyyy aminin!), inyong kilalanin ang mga natatanging istruktura sa Pamintasan. Sinisiguro ko sa inyo na it’s more fun in Pamintasan!

1

Gusaling Vivigay-na (GV)

Itey na nga at wala nang iba ang pinaka matanders na gusali sa Pamintasan. Merong left at right wing (yung totoo, ibon?) pero dahil sa katandaan, nagka-arthritis yung kaliwa at yung kanan nalang ang napapakinabangan, syempre seypti peeerrrst! Matatagpuan din sa gusaling ito ang lungga ng mga mapagpanggap at nocturnal na manunulat ng Eypi. #bibigayna #ontinglindolnalang #kerimopa #mungdina

2

Gusaling Lagablab (GL)

Ang pinakamatayog at pinaka kinatatakutang gusali sa unibersidad. Chauce! Pero chika ng iba, may mga nababanaag daw na ligaw na kaluluwa sa GL. Baka naman mga ligaw na pangarap ng estudyante lang! Charoos! Pero bukod sa mga kahindikhindik at di mo malaman kung imbento lang na mga kwento, mahalagang malaman nyo na ang Gusaling Lagablab ay ang summer capital ng PLM! Truthfully!

Lalagnatin ka sa init ng mga kwarto at malamang eh majabar at umiyak si Kelly Clarkson mo. Kaya don’t forget to apply tawas para iwas bayabas! #paypaypaypaydinpagmaytime #amoybayabas #lamna

3

Gusaling Air-conditioned (GA)

Welcome to Antartica! Kung ang rooms mo ngayong school year eh sa GA, aba! Ikaw na! Bigyan ng jacket! Bigyan ng cd! Ikaw ang bigtime! Bukod kang pinagpala dahil air-conditioned ang mga kwarto sa Gusaling Atienza na binansagang Gusaling Aircon. Wag ka nga lang masyadong mag-iingay sa building na ito dahil hihiyawan ka ni koyang guard at baka ma-OhhhhezSDieezS ka pa. #bulunganlang #pengengjacket #lakasmakaprivate #ikawnatalaga

4

Gusaling Cingaw ng Aircon (GCA)

Ang pinakabago at pinakakabog na building sa Pamintasan. Di talaga papakabog ang GCA dahil fully air-conditioned din ito (wag ka lang matatapat sa sira). Lakas maka-mall ng comfort rooms teh! Havey! Pwede mag-pictorial at i-post sa instagram! Bwahahaha! Ma-Jinet Jackson nga lang ang singaw ng aircon sa hallway at madalas na students from CAUP ang gumagamit sa mga kwarto. Kaya kung ma-sight nyo silang naka jacket, sweatshirt, coat, raincoat, trenchcoat kahit tirik tirik ang haring araw sa katanghalian eh pagpasensyahan nyo nalang dahil winter wonderland sa kanilang mga rooms.

Ang annex ng library at canteen, ladies and gentlemen, ang Tanghalang Bayan! Kung hindi keri ng UAC, dito ginaganap ang events sa PLeghM. Pero teka lang friend, ba’t ang daming kumakain dito? At teka may mga nag-gu-group study pa huh? Aba aba! #walangmatambayan #instasquatter #nomads

Para sa mga bagets sa Pamintasan, always remember na major no-no ang magpabalik-balik sa gitna ng gymnasium lalo na kung naka black shoes kayo. Baka kasi pwede magpalit muna ng rubber shoes? Para naman sa mga kumuha ng swimming sa kanilang PE class, huwag nyong hanapin dito ang swimming pool dahil wala naman tayo nun friend. Dun kayo lalangoy sa tapat ng PLeghM since pahanon na naman ng tag-ulan. Bwahahaha! Itatak din sa utak na 40% ng grade nyo ang attendance, kaya lam na ha? #ewankonalangkungbumagsakkapa #bakatamad #pasokpasokdinteh #backstrokesabaha

9

PLeghM Chapel Dahil sadyang mababait ang maka-Diyos tayong PLeghMayers, akalain mong meron din tayo sariling chapel! Ang misa sa Campus Ministry ay kadalasang tuwing hapon. Pwede ring dumaan dito kung kailangan mo ng tulong sa midterms at finals. #sankapa #levelup #behavelang

10

PLeghM Kantin If you’re looking for a cozy, relaxing and comfortable place that serves the freshest, cheapest, and most delicious food in PLeghM . . . this is it! It’s the PLeghM Kantin! We are open seven days a week, from 8 am to 6pm. For more info, visit our web site at www.echoserangkantin.com Come dine with us! #echosera #uwianna #foodtriptayo #waglangdito

11

Catwalk Ang catwalk ng PLeghM ay nagmistulang literal na catwalk dahil maraming naglalakad na pusa rito. Kung pet lover ka, ito ang perfect place para sa’yo. #meow #meowmeow?

12

Open Ground

13

Mamon Magsalaysay Entrap Building

14

Ultimate Activity Center (UAC)

The talahiban of PLeghM! Kung di ka maka-get over sa Farmville sa Facebook, don’t you worry! Pwedeng magpastol at magmuni-muni sa open ground ng PLeghM. Dahil sosyal tayo friend, pwede mong isabuhay dito ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga damong isang dekada bago tabasan. #BSagriculturemajorinfarmville #farmvillesaplm #anongsaymo #kabogtayoteh

Wait, wait, wait! Huwag ding kakalimutan ang dinarayong building sa Pamintasan! Anetch pa ba, kundi ang Entrap building! (sa totoo lang, hindi naman knows ng iba ang pangalan ng building na ‘to. Duuuuh!) Bakit kamo dinarayo? Kasi nandito si Coco Martin! Choz! Naririto kasi ang pinipilahang szwherli bitzx ng bayan na talaga namang tatas ang sugar level mo sa tamis!! Pero impernes, yum yum yum!! Bukod sa szwherli bitzx, meron ding mini (mini kung mini, as in micromini!!) computer station para sa mga Isko at Iska na NGAYON LANG MAGPAPAPRINT NG PROJECT NA NGAYON DIN ANG DEADLINE!!!!! #instadiabetes #instavirus #medyocomputershop #koyapaprint

Hanap mo ba’y mapagtatambayan? Hanap mo ba’y makakainan? Hanap mo ba’y matutulugan? Dito ka na sa UAC! Tara na! Ansaveeeh? Kasi naman halos lahat na yata ng mga persyir eh dito ang bagsak tuwing free time nila. Kulang nalang eh maglaro sila ng piko, ten-twenty at Chinese garter, kalurks! Ito namang UAC, may pa-wifi pa, hindi naman nagana! Pati pagplug ng mga charjer para sa hitetch na keitai at laptop bawal. YUNG TOTOO TALAGA? Anyways, may perks din naman ang UAC, pag may mga event na masyadong maingay, tapos ang room nyo ay sa GV at nagkataong shumad si prof, DISMISS AGAD KLASE NYO! #instagoodmood #instauwian #instamad


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.