kilalanin ang super-estudyante ng elpa high!
s
aan
makikita ang sinasabing “natatagong lagusan”?
Ang Siglaw ‘unos ng buhay’ P.8
Alamin sa |P.10
bakit
n a g pa s i k l a b a n s a k a ly e n g ta n d a g c i t y Alamin sa |P.9
Ang opisyal na pahayagan ng Jacinto P. Elpa National High School
NASA BALITA School Disaster Preparedness pinaigting
“Nakiisa ang Jacinto P. Elpa sa malawakang Earthquake Drill” //P2
Miyembro ng Pambansang Samahan ng mga Pahayagang Sekundarya
bigyang pugay! Mga magulang sa JPENHS sentro ng atensyon sa PTA day
Kakayahan ng mga batang atleta nilinang
I-scan ang QR code at sundan ang Ang Siglaw sa Facebook.
“Sports is a way of life.” //P3
Galing sa siyensya ipinamalas
BUMABA NG HALOS
“JPENHS nagwagi sa Philippine Science Olympiad (PSO)” //P2
2.04%
Kooperatiba kaagapay sa feeding program “Upang mapabuti ang kalusugan ng ilang magaaral na kulang sa timbang” //P2
War-on-waste pinalawak “Bilang pagsunod sa RA 9003, sa pangunguna ng Local Government Unit ng City Environment Natural Resources Officer ” //P4 POSITIBONG PANANAW
enrolees ng elpa high lOmobo
“Lumaki ang populasyon sa taong ito, 2017-2018 kompara sa nakaraang taonna 3,451 lamang. Meron tayong kabuoang populasyon na 3,543 sa ngayon dahil sa dumami ang Grade 7 na mag-aaal,” pahayag ni Richard Dela Cruz, planning officer ng paaralan. ‘enrolees lumobo’ P.4
3 4 5 1 S.Y 2016 2017
3 5 4 3
S.Y 2017 2018
K U H A pagtatanghal. Mga mag-aaral tampok sa pagdiriwang ng mga magulang BERYL NI
ABALA
noong PTA day.
| Nikka Falcon Binigyang parangal ng paaralan ang mga magulang at guro dahil sa walang sawang suporta nila sa paaralan at sa mga kabataan sa isinagawang programa at kasiyahan noong Oktubre 20 sa PTA. Isang daan para mapasalamatan ng paaralan ang suportang ibinigay ng mga magulang at pagsisikap ng mga guro kung saan tampok ang mga gawaing pampasaya sa kanila.
“Ang pagbigay sa kanila ng baon at pagsuporta sa kanila sa pagpunta rito bilang ulirang magulang, ang inyong presensya rito ay bunga ng pagmamahal ninyo sa inyong mga anak,” wika ni Dr. Mariano R. Atacador, Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at panauhin ng okasyon. Lubos ang paghanga ni Dr. Atacador sa pagmamahal at pagsuporta ng mga magulang sa mga anak nito. “Ang katalinuhan ng mga guro ay makukuha ng
mga estudyante kaya kung matatalino ang mga guro, matatalino din sila o higit pa. Laging nakasuporta ang provincial office sa inyo,” dagdag pa nito. Ipinakita rin niya ang suporta at paghanga sa mga gurong patuloy na nagsusumikap sa pagpapabuti ng buhay ng mga kabataan. Sa kabilang dako, nagbigay ng inspirasyon upang mahikayat ang lahat na magsikap si Hon. Ruel D. Momo, bise mayor ng.. ‘bigyang pugay’ sa P.2
TATAK PILIPINO!
Kulturang Pinoy muling isinabuhay ng paaralan | Pauline Buniel Upang imulat ang mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School sa kahalagahan ng Kulturang Pilipino inilunsad ang programa para sa buwan ng wika.
Itinanghal rito ang katu-
POLL
sang-ayon ba kayo na bawAsan ang mga gawain ng bawat asignatura? *Ito ay batay sa isang survey na isinagawa ukol sa isyung pinag-uusapan.
tubong sayaw at awit-isahan na parte ng ating kultura bilang mga Pilipino. “Kailangang buhay ang kultura natin para malaman ng mga kabataan kung sino at ano tayo na pwede nating ipagmalaki na tayo ay Pilipino,” wika ni Ethyl G. Mozar, tagaugnay ng Filipino. Ayon kay Mozar, mula
sa ating kultura masasabi na tayo ay Pilipino at ito ang ating nasimulan noon na dapat ipagpatuloy hanggang ngayon. Nakilahok ang mga estudyante sa iba’t ibang paligsahan na inihanda para sa pagpupugay na ito.
‘kulturang pinoy’ P.3
ANG DROP-OUT RATE NG JPENHS SA TAONG
2017-2018
ISYU NGAYON
drop-out rate ng paaralan bumagsak | Cyril Sanico Bumaba ang drop-out rate mula 4.29% nong nakaraang taong pasukan, naging 2.25% na lamang sa ngayon ayon sa talaan ng planning officer ng paaralan, G. Richard dela Cruz. “Kahit na bumaba ang ating drop-out rate, mataas pa rin ito, dapat pa itong pababain o mas mabuti sana kung wala na talagang dropout,” ayon pa kay Dela Cruz. Maraming dahilan ang pagtigil ng ilang mga magaaral sa klase. Isa na rito ang maagang pagbubuntis, pagbabarkada, pagkalulong sa bisyo, at suliranin sa pamilya. “Hindi natin maiiwasan ang ganitong senaryo sa ating mga kabataan. Ngunit ‘drop-out rate’ P.3
BA L I TA
K U H A pagsasanay. Kahandaan at kaalaman sa dapat gawin para sa anumang sakunang darating. N I BERYL ABALA
dapat LAGING HANDA! School Disaster Preparedness lalong pinaigting | Pauline Buniel Nakiisa sa malawakang earthquake drill ang Jacinto P. Elpa National High School, Hunyo 29 upang maturuan ang mga mag-aaral sa mga dapat gawin sakaling may lindol. Isang hakbang ng National Disaster Risk Reduction Management Coun-
cil (NDRRMC) ng pamahalaan upang maiwasan ang anumang disgrasya o sakunang darating. “Kailangan nating malaman ang mga gagawin kung sakaling may lindol upang mailigtas natin ang ating sarili sa kapahamakan,” wika ni G. Ronelio R. Tajonera, pangalawang punongguro ng JPENHS.
Hinikayat ni G. Tajonera ang mga mag-aaral ng paaralan na makiisa sa gawain upang matuto sa mga pangunahing gawin para makaiwas o makaligtas sa sakuna. Pinapila ang mga estudyante sa bawat baitang habang nakatakip ang mga libro sa ulo ng mga ito papunta sa mga ligtas na lugar.
Alinsunod nito, nagbigay ng mensahe at paalala sa mga estudyante si G. Tajonera ukol sa pagsasanay. Matapos ang nasabing pagsasanay na umabot ng halos isang oras ay agad ding nagsibalikan ang mga estudyante sa kanya-kanyang klase bitbit ang mga natutunang paghahanda sa sakuna.
Dashing into ESPESYAL NAvictory. BALITA
Galing sa siyensya ipinamalas ng mga mag-aaral
Naipamalas ng Mataas na Paaralan ng Jacinto P. Elpa ang katalinuhan nito nang maipasok sa Philippine Science Olympiad (PSO) National Finals ang mga kalahok ng eskwelahan sa kauna-unahang pagkakataon. Hinangaan ang mga kalahok na sina Sharmaine Josol, 15; Rupert Villamor, 16; at Syndy Zafra, 16, mula sa Science Technology and Engineering Curriculum na sinanay ni Gng. Ana Geran Millan, guro sa Agham.
bigyang pugay!
mga batang siyentipiko nagpakitang gilas
ng lungsod, sa kanyang mensahe. Lubos ang pasasalamat ni Dr. Roger G. Lozada, punongguro ng paaralan, sa mga dumalo sa gawain. “Sana’y sumali kayo sa ating mga laro bilang pakikiisa sa ating mga gawain. Hindi yung tatawagin kayo para sa mga bayarin kundi nandito tayo para magsaya,” wika nito. Hinikayat din niya ang lahat na lumahok dahil isa itong pagsasaya at hindi pangungunsumi sa mga bayarin sa paaralan. “Sana mamayang gabi ay madoble o matriple pa ang dami ng mga magulang na dadalo,” dagdag pa nito.
| Nikka Falcon
mula sa p.1
Nagningning ang mga batang siyentipiko ng Jacinto P. Elpa National High School sa katatapos lamang na Division Science Fair and Quiz Plus na ginanap sa Telaje Elementary School. Itinanghal na Overall Champion muli ang Elpa High noong Oktubre 18 matapos halos iuwi ang gintong medalya sa lahat ng kategorya sa kompetisyon. “Hindi namin inakalang
AGHAM
K U H A NGITI NG TAGUMPAY. Mga mag-aaral ng JPENHS habang hawak ang kanilang N I BERYL ABALA
mga gintong medalya at sertepiko.
mahahakot namin ang halos lahat ng gintong medalya dahil di namin napaghandaan ng todo ang lahat ng kompetisyon,” ani
ni Ana Geran Millan, kots sa Science Investigatory Project. Ang mga nanalong mag-aaral ay inaasahang
pupunta sa Surigao City para irepresenta ang Tandag City sa Regional Science Fair and Quiz Plus.
Jacinto P. Elpa High School Employees Multi-Purpose Cooperative (JPEHSEMCO) sa programang ito sa pamamagitan ng tulong pinansyal. “Malaking tulong ang perang ibinibigay ng JPEHSEMCO sa isang linggong pagpapakain natin ng mga masustansyang pagkain sa mga kabataang malnourish dahil ayon sa nars bumibigat ang kanilang timbang,” pahayag ni Bb.
Alma Arrubio, tagapangasiwa. Ang programang ito ay pinapangunahan ng TLE Coordinator, mga guro sa TLE at ng School Nurse na walanag sawang nagtataguyod upang mapabuti ang kalusugan ng mga mag-aaral at makapag-aral sila ng maayos. Samantala, ang pinapakain sa mga kabataan ay ang full meal na dapat may appetizer, main dish, rice at beverages.
Ayon pa sa kaniya, dapat ugaliin na ng mga mag-aaral na kumain ng eksaktong pagkain kahit hindi mahal basta masustasya ito. “Taos puso ang aming pasasalamat sa mga sumuporta sa programa, ito ay sana madadagdagan pa ang sumuporta para hindi lang isang linggong pagpapakain ,” pagtatapos pa niya.
kooperatiba kaagapay sa feeding program | Cyril Sanico Upang mapabuti ang kalusugan ng ilang mag-aaral na kulang sa timbang, isang feeding program ang taon-taong isinagawa ng paaralan katulong nito ang kooperatiba.
Isa sa mga sumusuporta ang
BA L I TA
elpa high NAGNINGNING SA LAGUBOH
Pinatindi lalo ang pagdiriwang ng ikaapat na pagtatanghal ng Laguboh sa siyudad ng Tandag, Hunyo 22 na ginanap sa bulwagang pampubliko. Nanalo ang Mababang Paaralan ng Telaje sa unang kategorya at Mataas na Paaralan ng Jacinto P. Elpa naman sa ikalawang kategorya. “Laguboh gets very exciting as schools from different levels are very competitive (Nakakatuwa ang Laguboh ngayon dahil lahat ng paaralan mula sa iba’t ibang antas ay hindi nagpapatalo),” ani ni Roxanne C. Pimentel, dating mayor ng lungsod. Nakatanggap ng tig-P45,000 ang dalawang paaralan mula sa mayor ng Tandag. Nasungkit naman ng Special Science Elementary School at Saint Therese College ang ikalawang puwesto at tumanggap ng tig-P37,000 bawat isa. Nasa ikatlong puwesto naman ang Surigao del sur SpEd Center at Vicente L. Pimentel, Sr. National High School na nakakuha ng tig-P30,000. Samantala, inanunsyo rin ang mga nanalo sa indibidwal na kategorya. STC ang nanalo sa Best Band Major, pangalawa ang JPENHS, at SSES sa ikatlong puwesto. Nakuha naman ng JPENHS ang Best Band Majorette, STC sa ikalawa, at SpEd sa ikatlong puwesto. Nabigyan din ng sertipiko ang mga paaralang hindi pinalad sa kompetisyon. Hindi na sumali sa patimpalak ang Tandag Pilot Elementary School dahil tatlong beses ng nagkampeon sa nasabing patimpalak, ngunit nagtanghal pa rin ito bilang intermisyon. Lahat ng paaralan ay nagkonsumo ng lima hanggang pitong minuto sa kanilang presentasyon.
ISPORTS
K U H A taas kamay . Mga batang atleta noong lighting of the friendship urn bilang N I BURT simbolo ng pag-uumpisa ng Intramurals. BLASCO
Kakayahan ng mga batang atleta nilinang
to P. Elpa National High School para makibahagi sa taunang Intramurals na Sports is a way of life. ginaganap sa Surigao Del Bilang hakbang para Sur Sports Complex. matulungan ang mga Nagsipag tagisan ang batang atleta sa kanilang mga manlalaro galing pagsasanay, inilunsad ng Elpa High ang Intramurals sa iba’t-ibang baitang sa samut-saring mga palig2017. Dumagsa ang mahigit sahan. Nagtagal ng dalawang 3,000 mag-aaral ng Jacin| Pauline Buniel
kulturang pinoy...
K U H A kasuotan. Tampok sa paligsahan ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral. N I BERYL
AGAW PANSIN Gawang Fantasy Attire, ibinida sa paligsahan ABALA
Kaugnay sa pagdidiwang ng Math Festival, isang programa ang binuo ng para bigyang buhay ang importansya ng matematika sa mga kabataan. Sentro ng atensyon sa Math ang paligsahan ng G. at Bb. Matematika kung saan
ang mga kinatawang estudyante ay mula sa iba’t-ibang baitang na nagpasiklaban upang maipakita ang kanilang galing sa pamamagitan ng kanilang fantasy attire na gawa sa iba’t-ibang disenyo ukol sa Matematika. Naipamalas ng lahat ang kanilang pagkamalikhain ngunit sa huli, nakuha ni
Darryl Trisha Bulactial, 13, ng Science Technology and Engineering Curriculum, at Ivan Cale Macalos, 13, ng ikapitong baitang ang titulong Best in Math Fantasy Attire. Itinanghal na Bb. Matematika si Trishia Mae Estrada, 15, ng STE Curriculum, at G. Matematika
naman si Nikko Cagalawan, 15, ng baitang 9. “Sobra akong nasiyahan sa aking pagkapanalo dahil matagal ko na itong pinaghandaan at gusto ko ring magpasalamat sa ating Panginoon sa kanyang paggabay sa akin,” ani ni Estrada.
Itinalaga rin ang mga bagong opisyales sa pangunguna ng bagong pangulo na si Pastor Esmeraldo Pajo. “Maganda at maayos ang pagpupulong dahil ipinaalam sa amin kung saan ginamit at gagamitin
ang mga perang binayad namin,” wika ni Gng. Angeline Falcon, magulang na isa sa mga estudyante.
‘Pasasalamat sa mga magulang’ - Lozada
Pinasasalamatan ng prinsipal ang mga ma“Nagpapasalamat kami dagulang na dumalo sa paghil sa patuloy ninyong papupulong na ginanap sa gusporta sa inyong mga covered court ng paaralan. anak at sa paaralan,” bungad Pinag-usapan sa pung punongguro ng Jacinto P. long ang ilang reklamo Elpa National High School. at bayarin sa eskwelahan. | Deanne Tutor
araw ang Intramurals kung saan itinanghal ang Grade 10 Warriors bilang Overall Champion. Inaasahan na ang mga manlalarong napili ay ang magrerepresenta sa Elpa high sa City Division Meet at sa Caraga Regional Athletic Meet kung sakali mang makapasok.
mula sa p.1
MATEMATIKA
| Nikka Falcon
p. 3
Hindi nagpatalo ang iba’t ibang baitang sa kanilang mga katutubong sayaw ngunit sa huli, nakuha ng baitang 10 ang tropeyo. Sumunod rito ang ikasiyam na baitang at ang ikapitong baitang. Sa kabilang banda, ikasiyam na baitang naman ang nanalo sa awit isahan kung saan sumunod ang ikapitong baitang sa ikalawa at baitang 10 sa ikatlong puwesto. Hindi nagpatinag ang mga estudyante sa ginanap na tagisan ng talino kung saan baitang 9 pa rin ang nanguna; baitang 10 sa ikalawa; at ikawalong baitang sa ikatlong puwesto. Ang mga patimpalak ay hinusgahan nina G. Glenn R. Nozal, guro sa MAPEH; Gng. Tessie F. Anino, guro sa Ingles; at G. Wawie E. Loreto, guro sa Filipino.
ISYU NGAYON drop-out rate | P.1
hinikayat parin namin ang mga batang ito na bumalik sa eskwela,” pahayag ni G. Roger G. Lozada, prinsipal. Kinakailangan ng pagbisita ng guro sa mga tahanan ng mga batang nasa panganib ng pagtigil sa pagpasok sa paaralan para malaman ng tunay na dahilan at matulungan ito, dagdag pa niya. Maliban pa rito, may Open Highschool at may Night Highschool na maaring pasukan ng mga batang may ganitong suliranin.
BA L I TA
p. 4 mula sa p.1
‘enrolees lomobo’
K U H A kulturang pinoy. Nasisilayan pa rin sa panahon ng Brigada Eskwela. N I BERYL ABALA
buhay ang bayanihan
S u porta ng s t a keh o ld ers t um ind i | Flo Rent Medellin Sumidhi ang suporta ng mga stakeholders hindi lamang ang mga magulang kundi ang mga sundalo, Department of Public Works and Highways, mga kapulisan at iba pang ahensya na sama-samang tumulong para mapabilis ang mga gawain sa
paaralan. Dala-dala ang mga kagamitang panlinis at pangumpuni, nagtulong-tulong ang mga ito para sa kalinisan at kaayusan ng kampus ng Jacinto P. Elpa National High School. “Taun-taon isinagawa ang Brigada Eskwela, isang programa ng DepEd, sa layuning makapaghanda
War-on-Waste pinalawak Patuloy na pinaigting ang programang War on Waste ng gobyerno na pinalawak pa ng mga paaaralang tumalima gaya ng Jacinto P. Elpa National High School. Bilang pagsunod sa RA 9003, sa pangunguna ng Local Government Unit ng City Environment Natural Resources Officer, Edwin Ajos na maging katuwang sa programang Ecological Solid Waste Management ang bawat paaralan sa lungsod ng Tandag. Hinikayat ng LGU ang bawat paaralan na magbenta ng mga boteng plastik para mapagkakitaan at matulungan ang kapaligiran. “Tayo ay pumayag kaagad na makibahagi sa programa para naman mabawasan ang basura natin at maging kapaki-pakinabang pa ito,” wika ni Gng. Remalyn Frias, tagapayo ng Supreme Student Government. Dahil dito, ipinaliwanag niya sa mga opisyales
ng SSG na isiwalat sa lahat ng baitang ang impormasyon tungkol sa pangongolekta ng boteng plastik. “Bilang pangulo ng SSG, pinangunahan ko ang pangongolekta ng mga plastic bottles, bakal at iba pa na maaring maibenta,” ani Christine Joy Laurente, pangulo ng SSG. “Isa ito sa mga nakatutulong na maipon ang mga basura na maari pang ipagbili, ika nga ‘may pera sa basura,’ dagdag pa ni Laurente. Inaasahang sa taong ito makakalikom muli ng maraming boteng plastic, bakal, at iba pang maaaring maibenta at mapapakinabangan muli ng paaralan. Samantala hinimok din ng SSG President ang mga kamag-aral na magkaroon ng disiplina at matutong magtapon ng basura sa tamang lalagyan. | Nikka Falcon
kaagad ang mga pampublikong paaralan para sa pasukan at tuloy-tuloy na ang klase, wala ng maglilinis pa,” ani Dr. Roger Lozada, prinsipal ng paaralan. Hindi sapilitan ang pakikilahok sa gawain ngunit ang iba nama’y nagbigay ng donasyon bilang suporta sa paaralan. “Sulit naman ang pagod
dahil alam ko namang nakakatulong ako sa paaralan ng aking anak,” ani ni Gng. Flor Daga-as magulang ng isang Grade 8. Naging maayos at matagumpay ang Brigada salahat ng lebel, mula sa Grade 7 hanggang Grade 10.
Dahil sa dumarami ang mga mag-aaral naging suliranin ang kakulangan sa klasrum att mga upuan. Ngunit patuloy ang pagkukumpuni ng mga sirang upuan maging ang mga klasrum para magamit pa ito. “Kinakailangan nating tanggapin ang mga batang ito dahil isang pampublikong paaralan tayo, hindi dapat na madehado sila sa kaalaman at pagkatoto,” dagdag ni De la Cruz. Samantala, pinaaalahanan ni G. Roger G. Lozada, principal, ang mga guro na pagbutihin pa lalo ang patuturo sa mga kabataan. “Teachers are the molder of our children but also the destroyer ng ila kaugmaon kung dili nato tadungon ang pagtudlo,” wika ni G. Lozada sa isang pulong na ginanap s covered court kamakailan lamang.
DYORNALISMO
KUHA
dyornos. Sertipiko katibayan ng pagkapanalo noong CDSPC. N I BERYL ABALA
Elpa High kampeon pa rin
Husay sa pagsulat, sinubok sa CDSPC | Don Sereño Naipamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa pagsulat sa ginanap na City Division Schools Press Conference (CDSPC) sa Telaje Elementary School (TPES), Setyembre 19-21. Idinaos ang paligsahan upang malinang ang kakayahan ng mga kalahok at mahanda sa nalalapit na Regional Schools Press Conference na may temang, “21st Century Journalists: Vanguard of Truths and Change”.
“Ang inyong pagsali sa CDSPC ay isang palatandaan at katibayan na kayo ay panalo na,” wika ni Dr. Jeanette R. Isidro, CID Chief, sa kanyang mensahe. Malugod na binati nina G. Danny Lee Galela, punongguro ng TPES, at Hon. Kharin Momo, kapitan ng Telaje, ang mga kalahok sa kanilang bating pagtanggap na sinundan ng mensahe ni Dr. Isidro. Matapos ito, ipinakilala ni Bb. Messie F. Rojo, Carmen In-
tegrated School (CIS) School Paper Adviser, ang halos 400 na kalahok mula sa 20 mababang mga paaralan, at pitong mataas na mga paaralan sa Lungsod ng Tandag. “Bilang mga manunulat, kayo ay responsable sa pagsulat ng isang balitang makatotohanan,” ani Hon. Imelda C. Falcon, pangulo ng komite ng edukasyon. Itinanghal na overall champion ang JPENHS matapos ang CDSPC.
o p i n yo n
RESPETO IBALIK MULI
Bahagi ang guro sa bawat ngiti at tagumpay na natatamo ng bawat tao. Kung hindi dahil sa kanilang pagtitiyaga, hindi uunlad ang buhay at kapisanan ng bawat indibidwal. Sa gayon, karapat-dapat sila na makatanggap ng sapat na paggalang mula sa kahit sino. Ngunit sa panahong ito, unti-unti ng nagbabago ang pakikisama ng mga estudyante sa kanilang mga guro. Isa sa mga masahol na gawain ng mga kabataan ngayon ay ang paggamit ng selpon sa gitna ng talakayan at pagkuha ng litrato sa guro upang gawing ‘meme’ at ipinapasa sa kanilang mga group chats. Ayon kay Ingrid Obsuth, malaking impluwensiya sa prosocial na pag-uugali kagaya ng pakikipagtulongan at altruismo ang pagkakaroon ng kaibigang guro. Dagdag pa niya, wala namang mali kung magtuturingan ang mga ito bilang barkada sapagkat ang pagkakaibigan ay walang kinikilalang edad. Gayunpaman, ang lahat ng bagay ay may limitasyon at hindi sapat na rason ang walang kinikilalang edad sa pagkakaibigan. Malinaw na insulto sa bahagi ng mga mga guro na tinatanaw lamang sila bilang isang barkada dahil kung titingnan ng mabuti, ang propesyon nila ay napakalayo sa katayuan ng isang estudyante. “It’s used to be that teachers were treated with respect,” ani ni Pat Gillies, guro ng Don Vicente Rama Memorial National High School. “I’ve been doing this for 15 years, and I’ve seen a lot of changes. This is maybe because of the lack of self-restraint they have at home.” Bukod sa puntong kulang ang nagagampamang disiplina ng mga magulang sa bahay, naniniwala ako na isa rin sa mga dahilan ay ang pag-unlad ng teknolohiya na nagbubunga ng negatibong kaugalian ng isang tinedyer tulad ng paggamit ng gadyet sa loob ng klase. Marahil alam nilang makakakuha pa rin sila ng mga sagot sa tulong ng google. Dahit dito, hindi na nila binibigyang pansin ang gurong nagsasalita sa harap. Ang utak ng mga kabataan ngayon ay magkakaiba. May mga kabataang sumusunod pa rin sa nakasanayang tradisyon – pinapahalagahan ang nakakatanda, at kabataang sinusunod ang sariling ninanais. Sa kasong ito, may pananagutan ang mga magulang na disiplinahin at ipaunawa sa kanilang mga anak ang mabuting pag-aasal na dapat ipinapakita. Hindi pa huli upang maitama ang negatibong pag-uugali ng mga estudyante. Kung seseryosohin lang talaga ang pagdidisiplina sa mga ito, tiyak na mamumulat sila sa katotohanang mahalaga ang pagrespeto sa kapwa. Laging tandaan na ang guro ay isang mahalagang parte tungo sa ating kaunlaran. Kung hindi dahil sa kanila, hindi natin makakamit ang ating mga ninanais. Magindapat silang makadama ng lubos na pagpapasalamat at pagmamahal sapagkat maraming sakripisyo din ang nagawa nila upang mabigyan lang tayo ng sapat na kaalaman.
pulso ng masa
EDitoryAL
ANG ang SIGLAW SIGLAW an n gg a
patnugutan patnugutan
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG JACINTO P. ELPA LUNGSOD NG TANDAG, SURIGAO DEL SUR, REHIYON NG CARAGA Miyembro: Pambansang Samahan ng mga Pahayagang Sekundarya Pauline Anne S. Buniel PUNONG PATNUGOT Cyril G. Sanico Jr. PANGALAWANG PATNUGOT Deanne Joy B. Tutor TAGAPANGASIWA Nikka Falcon BALITA Dianne Omas-as EDITORYAL Sharmaine Josol at Beverly Pantohan LATHALAIN Jan Florent Medellin at Anjerick L. Lambaco AGHAM Don Sereño at Lorenz Joseph Blasquez ISPORTS Prince Beryl L. Abala POTOGRAPER Harvee B. Talisaysay TAGAGUHIT Rossane Callote, Aimee Estal, SIRKULASYON Shean Cuartero at Chloe Dalman RISSA E. LAUREÑANA Tagapayo
ROGER G. LOZADA Punongguro
ETHYL G. MOZAR Tagaugnay
DEANNE joy TUTOR
nabahirang tiwala
Kilala ang mga Gurong Pilipino bilang mapagmahal at mapag-aruga sa mga estudyante. Pinapakitunguhan nila ang bawat isa na parang sarili nilang mga anak. Kaya nga tinatawag silang “second parents” sapagkat halos buong araw, sila ang kasama ng mga kabataan sa paaralan. Ngunit, lingid sa kaalaman ng iba na hindi lahat ng guro ay may magandang intensiyon sa mga mag-aaral. Nakasaad sa Senate Bill 2793 na kung sinong guro ang mananakit ng isa o higit pang estudyante ay pagmumultahin sa halagang P50,000 – P100,000 at ipapakulong sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon. Subalit, batay sa ulat ng Departamento ng Edukasyon, tumaas ng pitong porsiyento ngayong taon ang naitalang reklamo mula sa pampublikong paaralan ng Metro Manila tungkol sa mga pang-aabuso ng mga guro sa kanilang mga estudyante. “As our children’s socalled second parents, it should be the teachers and the school authorities’ primary responsibility and promise to parents to ensure the safety of the students,” pahayag ni Sen. Sonny Angara. “We should provide the Filipino youth the opportuni-
ty for maximum learning in a peaceful setting and protect our children from the earliest forms of violence.” dagdag pa niya. Tinitingnan ang mga guro bilang isang inspirasyon at modelo ng lahat. Kung hindi dahil sa kanila,
sa bawat mag-aaral na pumasok araw-araw sa paaralan at turuan ng kung ano ang angkop para sa kanila. Dagdag pa rito, dapat pantay-pantay lang ang pananaw at mapalapit ang loob nila sa kabila ng iba’t-ibang katangiang taglay ng bawat estudyante. Ang mga guro ay dominanteng halimbawa ng mga kabataan. Ibig sabihin, lahat ng mga itinuturo at ipinapakita nila ay ginagaya ng mga mag-aaral. At layunin ng lahat na mapalaki ang mga estudyante bilang magalang at tapat na indibidwal. Subalit, paano nila tataglayin ang ganitong katangian kung mismo ang nagsisilbing dibuho nila ay siya mismong nagpapakita ng mga negatibong kilos? Samakatuwid, hindi pa huli ang lahat upang maitama ang mga mapanirang ugaling taglay ng iilang gurong hindi marunong gumanap sa kanilang mga gampanin. Sana’y maisagawa nang mahigpit ang Senate Bill 2793 upang patuloy na pumasok at mangarap ang mga estudyante sapagkat ang pananakit at pananakot ng mga guro ay naguugat ng pagkaputol ng kanilang tunguhin sa buhay.
“HINDI PA HULI ANG LAHAT UPANG MAITAMA ANG MGA MAPANIRANG UGALING TAGLAY NG IILANG GURO”
POLL NANINIWALA KA BA NA HINDI LAHAT NG GURO
AY GINAGAMPANAN NanG MABUTI ANG KANILANG SERBISYO? Ininterview ng Ang Siglaw ang 100 na studyante ng JPENHS para malaman ang kanilang pananaw sa isyu.
hindi tayo magiging kung sino tayo ngayon. Ayon kay Angara, maitatalang walumpu’t limang porsiyento ng mga Pilipinong Guro ang gumaganap ng tama tungo sa mga magaaral. Isa sa mahalagang gampanin ng bawat guro ay ang pag-udyok
o p i n yo n
p. 6
p a n i b a g o n g H I R AYA
kontrolADO
pauline anne buniel
diane omas-as
N A K A B A L A N S E D A P AT ! saan ka pabor?
Hindi maikakaila na ang Tandag City ay isa sa mga kilabot pagdating sa larangan ng Isports lalo na tuwing Caraga Regional Athletic Meet. Kamakailan lamang ng idinaos ulit ang Regional Athletic Meet sa Tandag kung saan pasok uli sa Top 5 ang Tandag City Division. Matapos ang engrandeng paghohost ng CRAM kung saan humigit kumulang P2M ang inilaan na pondo para sa mga atleta, hindi kaduda duda na matindi ang suporta ng Tandag City sa kanilang mga manalaro. Ngunit bakit taliwas naman ang nararamdaman ng mga kabataangsumasalisapang-akademikang kompetisyon. Sa mga nagdaang taon di maikakalang kulelat ang
Tandag pagdating sa laran- Top 5 ng overall rankings. gan ng akademika. Noong Ano nga ba ang probnakaraang taon nasun- lema? gkit ng Tandag ang ibang Ayon sa mga studynpwesto sa Regional Schools teng aktibong lumalahok sa mga kompetesyong akdemika, sinasakripisyo daw nila ang kanilang pagganap sa mga kompetisyon dahil sa kakulangan ng suporta mula sa dibisyon. Hindi ba nakakahiyang nangunguna tayo sa isports pero kulelat naman sa akademika? Dapat mamulat na ang dibisyon sa Press Conference at Re- kanilang mga kakulangan gional Science Fair, ngunit at iprayoridad ang pagsa kabila ng mga panalo, bigay ng pondo sa mga ddi parin ito sapat para kalahok bilang suporta sa makaasok ang Tandag sa kanila.
“ANG PONDO PARA SA KALAHOK SA IBA’T IBANG KOMPETISYON AY DAPAT I PRAYORIDAD”
perspektibo ng karamihan ANO SA TINGIN MO ANG DAPAT BAGUHIN SA JPENHS KINALAP NA IMPORMASYON NIna DEANNE TUTOR AT PAULINE BUNIEL
?
“Sa tingin ko ay iba iba ang pangangailangan ng mga estudyante sa bawat baitang, sa mga G9 na kagaya ko (namin) na galing sa STE, sat ingin ko’y dapat baguhin ang napakataas na standards ng mga guro sa amin, ayaw na ayaw naming makarinig ng “STE sa kaha kamo” o iba pa dahil tao lang naman din kami at hindi mga makinang walang mga puso. Ay iyon, para sa akin ang dapat baguhin sa STE dept.” Romeo S. Patan IX Mendeleev “Maging maayos na sana ang bawat kampus lalo na ang Grade 8 campus” Niño Suazo X-Achievers “Mahigpit na implementasyon ukol sa pananamit ng bawat estudyante kasi yung iba, pumapasok na may napakakapal na make up sa kanilang mukha at nagsusuot ng mga maiikling damit na hindi angkop sa paaralan.” Hyram Yusico VIII-Schwann “Maging istrikto sana ang school admins at security guard sa mga mag-aaral na hindi naka=uniporme at walang school ID.” Janna Espinosa X- Analyst
Simula pa lang marami ng bali-balita ayon sa pagbabago ng sistema ng pamahalaan pero mas naging maugong ito ng Halalan 2016 at syempre hanggang ngayon na talaga namang usap-usapan pa rin ng buong bayan. Kasabay nga ng sinasabing “Change is coming” ni Pangulong Duterte ay ang kanyang sinabi kaugnay sa pederalismo tungo sa pagbabago at ayon nga sa ilang pulitiko na sumasang-ayon rito na ito na ang magiging daan upang masolusyonan ang mga problema ng bansa partikular na sa Mindanao. Bago pa man ito sinabi ng Pangulo ay matagal na itong isinulong nang dating Senador na si Nene Pimentel, kung saan nakasaad ito sa isang dokumentong sinulat ni Jose Abueva. Dahil nga sa naging giyera sa Marawi muling umalingawngaw ang isyung ito. Pero unang-una ano nga ba ang pederalismo? Bilang gabay at kaalaman na rin sa iilan, ang pederalismo ay isang sistema ng pamamahala kung saan nagkakaroon ng hiwalay na esta-
samu’t-saring komento at mga pananaw, change is coming na nga ba? do at bawat estado ay maaaring gumawa ng sariling batas at desisyon na naaayon sa kanilang kinabibilangan. Hindi pa man ito pinapatupad, mayroon ng mga komento rito ang mga mamamayang Pilipino. Tulad ng inaasahan mayroon ng mga hindi sumasang-ayon rito at meron din namang sumasang-ayon. Hangad na ito ni Pang. Duterte simula’t sapul sapagkat nakumbinsi siya’t nakita niya mismo na pinakamalaking bilang ng mayorya ng mga Pilipino sa bawat lalawigan ay nananatiling lugmok sa kahirapan at baon sa pagpapabaya ng pambansang pamahalaan. Gayunpaman, mismo ilang pulitiko at iilang mamamayang Pilipino ay ibang-iba ang pananaw rito at ultimong kabaliktaran rin ang pahayag rito.
pikit mata aimee estal
isang bangungot labis labis na ang naidulot na pinsala ng digmaan Simula pa lang ng labanan sa pagitan ng militar at ng ISIS ay kaliwa’t kanan na ang putukan at mga pagsabog na nagresulta sa labis na pagkasira ng halos lahat ng imprastraktura lalong-lalo na sa naging sentro ng labanan. Ngunit kung labis-labis na ang naidulot nitong pinsala siguradong mas higit na pinsala ang naidulot ng labanan sa bawat residente ng Marawi. Ayon sa mga naunang ulat sinasabing mahigit 240,000 ang bilang ng mga taong lumikas. Kung naging pahirapan ang pagpapatumba sa mga sinasa-
bing terorista o Maute Group kung tawagin hindi rin naging madali para sa mga ‘bakwit’ ang buhay na malayo sa tahanan at sa bawat araw na walang kasiguraduhan. Gaya ng mga militar na namatay sa pakikipagbakbakan ay mayroon ring ilang sibilyan ang naitalang nasawi na umabot sa 87 at kabilang na doon ang 40 na namatay dahil sa sakit. Isa rin sa mga naging problema ng ilan habang patuloy pa rin ang labanan ay ang pagkahiwalay ng iilan sa kani-kanilang mahal sa buhay. Sa mahigit limang buwang giyera ay marami na ring pinagdaanan ang mga sibilyang lumikas at piniling iwan ang kani-kanilang ari-arian para syempre sa kanilang kaligtasan. Nakaranas rin ang ilang sibilyang lumikas ng mental disorder na umalarma sa pamahalaan at DOH. Sabi nga ng isang ‘bakwit’ na matapos man ang giyera sa Marawi nakasisiguro naman silang wala na silang babalikan pa.
o p i n yo n
p.7
t i l a m s i k n g d i wa Anjerick june lambaco
huwag balewalain
pagkukulang sa pamamalakad
Simula noong naihalal na bagong Pangulo ang dating alkalde ng Davao City na si Rodrigo Duterte, naging mainit na usapin na ang iligal na droga. Matindi ang patayan na nangyayari sa bansa at lumalagablab ang isyu tungkol sa extra judicial killing na kung tutuusin ay isang maling pamamaraan upang matuldukan ang mga krime. Ito ang naging sentrong atensyon ng publiko, lalo na ng midya. Ang extra judicial killing ay ang pagpatay sa mga sinasabing may sala na hindi dumaan sa paglilitis o due process. Matatandaan noong panahon ng kampanya, ipinangako ni Duterte na kung siya ay maihahalal bilang Pangulo ng Pilipinas, sosolusyunan niya ang kaso laban sa iligal na droga. Ayon sa Philippine National Police (PNP), bumaba ang bilang ng krimen sa Pilipinas ng 9.8% o katumbas ng 50, 817 na mga pangyayari matapos ang isang taon na pamamalakad ng bagong administrasyon. Masasabing malaki ang impluwensya ng pangangampanya ng Pangulo laban sa paggamit ng droga. Subalit, natatakpan ang tagumpay nito sa sinasabing kahina-hinalang pamamaraan ng gobyerno. Sa ngayon, maraming namamatay o pinapatay na mga inosenteng tao dahil sa mabilisang pagaksyon ngunit kulang ang pag-iimbistiga. Umabot na sa 1,548 ang mga nadadamay at halos araw-araw ay may natatagpuang bangkay sa maraming panig ng Metro Manila. Kaya naman lahat ng mata ngayo’y nakatutok sa pulisya na siyang nasa sentro ng giyera kontra droga. “Kung dadaan lang sana ng due process, walang inosenteng mamamayan ang madadamay,” pahayag ni Mary Queen Shelsy Paño, tagapagsalita ng Stop The Killings Network. “Matuto din sanang lumugar ang mga Pulisya hindi yung patay ng patay lang sila.” dagdag pa niya. Kung ito ang magiging paraan upang matuldukan ang krimen sa bansa, siguro ay matatagalan ang proseso bago ito’y tuluyang mabura sa imahe ng Pilipinas. Sana ay may magagawang aksyon ang pamahalaan kung saan walang inosenteng tao ang madadamay at mamatay. Huwag din sanang abusuhin ng mga Pulisya ang kanilang lakas na pumatay sa mga taong napaghihinalaan dahil hindi solusyon sa isang problema ang pagdagdag ng isa pang problema.
EDITORYAL
S U L AT P A R A S A EDITOR
Nais ko sanang ipaabot at ng mabasa ng lahat itong liham ko. Lahat tayo ay tinuruan unag-una sa bahay natin ng tamang asal. Ngunit aking napapansin na ngayon, minsan pati ay napapasali na rin na hindi na marunong gumalang sa mga guro. Naoobserbahan ko sa tuwing nagtatalakay ang guro, bising-bisi naman ang iba kong mga kaklase sa panonood, pagfefacebook at iba pa. Kaya tuloy nagagalit ang guro syempre pa lahat kami damay. Pero hindi naman lahat ay ganoon kagarapal. Marunong pa ring rumespeto. Sana’y isaisipng kapwa ko kamag-aral ang pagrespeto sa ating mga guro. - Aimee Estal, isang mag-aaral
Isa sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang biglaang pagdeklara ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao noong Mayo 23. Kaya’t naging mainit na usapin ito kamakailan sa ating bansa. Gayunpaman, dapat ba talagang barahin pa ito sa halip na suportahan? Ang Martial Law ay ang pagsasailalim ng batas militar sa bahagi o kabuuan ng Pilipinas. Kabilang dito pagsususpinde ng mga ordinaryong batas, protektado rin ang pangunahing karapatan ng mga mamamayan, tulad ng, karapatan laban sa pagdanas ng malupit na parusa, at iba pa. Ngunit, ayon kay Duterte, ipinatupad niya ang martial upang maibalik na sa dati ang katayuan ng bansa. Kabi-kabila ang mga opinyon na ipinarating ng ating mga kababayan. Sari-saring pagbatikos at pagsang-ayon ang natamo ng panukalang ito mula sa mga netizens gamit ang social networking sites. Marami ang nagalit at tumutol ngunit marami rin naman ang sumang-ayon. Isa sa maraming dahilan ng pagtutol ng mga mamamayan sa ipinatupad na martial law
malaki ang naging negatibong epekto nito sa ekonomiya ng ating bansa ay ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng mga tao. Dahil sa maikling panahong pag-uusapatsainaasahangmadaliangpaglutas ng hinaharap na problema, naging kulang ang pagpupulong hinggil sa epekto nito sa ekonomiya ng bansa. Ayon sa Department of Toursim (DOT), apektado na ang domestic and foreign tourism sa Mindanao. Ang mga biyaheng papuntang Mindanao at ang mga airlines, bus companies, ay unti-unti ng binabawasan. Dalawampung porsiyento ng ating ekonomiya o gross domestic product (GDP)aynagmulasatravelandtours, at 5% o P150 million ng P3 trillion ang kabuuang hawak ng Mindanao. Kaya naman, ipinangangamba na bababa ang kita kung magpapatuloy pa ang nasabing sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at MAUTE group.
diretsahan cyril sanico jr.
b i gya n g h a l aga dapat marunong magbalanse ng oras ang mga mag-aaral na sumasali sa eca Itinuturing na isang mahalagang papel sa bawat estudyante ng mga pamantasan at kolehiyo maging sa sekonadarya ang pagkakaroon ng Co-curricular Activities. Gayunpaman, nagkakaroon ng mga haka-haka kung nakakatulong ba sa mga mag-aaral ang pagsali sa mga gawaing ito? Ang co-curricular activities ay ang mga gawaing sinsalihan ng mga mag-aaral na labas sa sektor ng akademika na pinanghahawakan ng paaralan. Ayon sa anchor ng KWTV NEWS9 na si Jenifer Reynolds, makakatulong ang pagsali ng mga mag-aaral sa mga nasabing gawain sa paghubog ng kakayahang mamuno, pamamahala ng oras
at pagkakaroon ng makabuluhang gawain sa libreng pagkakataon. Ang mga aktibidad tulad ng pagsali sa isports, pampaaralang pamamahayag, at iba pa ay naghahandog ng mga oportunidad sa mga mag-aaral upang matutong magbigay halaga sa indibidwal o pangkatang responsibilidad, pisikal na lakas at pagtitiis, kumpetisyon, pagkakaiba-iba, at pakikiramdan sa kultura at komunidad. Batay sa National Center for Education Statistics, tatlumpu’t isang porsiyento ng mga mag-aaral na sumali sa iba’t-ibang aktibidad sa paaralan ay mas nangunguna sa klase kaysa sa labing isang porsiyentong mag-aaral na hindi sangkot sa kahit anumang gawain sa paaralan. Hindi naman magiging sagabal ang pagsali sa iba’t ibang paligsahan kung marunong lang ang bawat isa sa ating magbalanse ng oras upang hindi ito maging hadlang sa pagkamit ng mataas na marka. Ang lahat ng kabataan na nasa sekondarya, maging sa kolehiyo ay karapat-dapat na bigyan ng oras at puwang sa buhay ang mga gawain sa paaralan sapagkat maraming benepisyo ang makukuha mula rito.
l at h a l a i n
Unos ng buhay
Mabait, responsible at mapagmahal. Ganiyan kung ilarawan siya ng kaniyang mga kaklase. Halos lahat ay kaibigan nito dahil sa ito’y palabiro at madaling kasama. Hindi mo siya mababakasan ng pait o kalungkutan sapagkat masayahing bata ito. SIya si Darwen Sombrio Buri. Sa unang tingin aakalain mong isang ordinaryong estudyante lamang si Darwen. Ngunit ang hindi alam ng nakararami, madami na siyang pagsubok na pinagdaanan. Taong 2015, nasunog ang tahanan nina Drawen. Noong nasa ika 9 na baiting pa lamang siya, namatay ang kaniyang ina dulot ng isang karamdaman. “Minsan naiiyak na lang ako bigla. Araw-araw namimiss ko si Mama. Napakasakit sapagkat wala kaming nagawa upang siya ay maisalba.” mangiyak-ngiyak niyang tugon. Ayon pa sa kaniya “Ang aking ama ay isang mangingisda lamang kung kaya’t kailangan kong mag-aral at magsikap ng mabuti upang maiahon ang sarili at ang pamilya ko sa kahirapan. Bilang panganay, responsibilidad kong tumulong sa pangangailangan ng aming pamilya.” Makikita mo sa mga mata ni Darwen ang sinseridad at dedikasyon. Sa katunayan, nais niyang maging isang inhinyero balang araw. At walang dudang makakamit niya ang kaniyang pangarap. “Mabait na bata si Dawen. Palabiro, palakaibigan at bibong-bibo. Magaling din siya sa asignaturang matematika.” Nakangiting sabi ng kaibigan ni Darwen. Kahanga-hanga kung paano nalagpasan ni Darwen ang mga pagsubok sa murang edad pa lamang. Sa dinami-rami ng mga suliraning nakakaengkwentro ni Darwen, hindi ito naging hadlang sa kaniya upang tumawa. “Habang may buhay, may pag-asa” Nakangiting saad nito.
Beverly Pantohan
BUHAY BAYANI
ni Aimee Estal
Sa tuwing sasapit ang ika lima ng Oktubre kada taon, isang pagdiriwang ang isinasagawa sa buong mundo. Ordinaryong araw man ito para sa iba. Ngunit para sa marami ito ay isa sa napaka – importanteng araw. Araw upang bigyang pugay ang ating mga bayani. Alinsunod sa “Recommendation concerning the status of teachers” noong 1994 ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) opisyal na kinikilala ang ika lima ng Oktubre bilang World Teachers’ Day. Kinilala ng UNESCO ang araw na ito upang gunitain ang mga guro sa buong mundo at magbigay suporta sa mga guro. “Mahalaga na ipagdiwang natin ang araw ng mga guro upang mabigyang importansiya ang mga aral nila para sa atin na talagang magagamit natin para sa ating kinabukasan,” ani ni Trishia Mae M. Estrada, isang estudyante sa ika – siyam na baitang. Ang mga estudyante ay naglalaan ng malaking oras at pagsisikap upang mabigyan ng isang selbrasyon ang kani – kanilang guro. Naghahanda ng mga dekorasyon sa klasrum pati na isang programang alay para lamang sa kanila. Naghahandog ng iba’t ibang regalo ang bawat mag – aaral katulad ng keyk, rosas, tsokolate, mga gamit sa eskwelahan at iba pa. “Talagang nakakaantig ng puso ang pagbibigay pugay na handog ng mga estudyante sa amin ngayong Araw ng mga Guro. Ito ay talagang gumuhit ng isang ngiti sa aking mukha at puso,” saad ni Bb. Charo P. Montenegro, guro sa Filipino ng ika – siyam na baitang. Maliit na bagay lamang ito kung ikukumpara sa mga naging sakripisyo ng ating mga guro sa atin. Sila ang naging kaakibat natin sa lahat ng bagay. Mga kamay na nakaalalay sa atin sa lahat ng oras. Kahit mahirap ang kanilang pinagdaraanan ngunit patuloy pa rin silang bumabangon para sa kapakanan ng kanilang mga mag – aaral. “A teacher takes a hand, opens a mind and touches a heart.” Walang magiging inhinyero, doktor, abogado, at lahat ng propesyunal na trabaho kung wala ang mga guro. Sila ang pundasyon ng ating lipunan. Ang kaakbay natin tungo sa tagumpay na gusto nating makamit. Ang ating buhay na mga bayani.
NAKAKUBLING LAGUSAN
I
ni: Rossane Callote
lang taon na rin ng unang nadiskubre ang kwebang nakatago sa syudad ng Tandag. Ang kweba kung saan naninirahan ang daan-daang paniking matagal nang namamahay rito, ang Danakit Cave. Madilim. Matarik akyatin. Higit sa lahat ay mayaman sa kwentong engkanto. Matatagpuan ito sa mabatong isla malapit sa dating daungan ng mga barko sa Tandag, ang isla ng Linungao. Nadiskubrehan ito ng isang lokal doon na nagngangalang Dodong Dayao. Natuklasan niya ang kwebang nakatago sa isla. Tuwing taglubog ng araw ay masisilayan ang nagsisiliparang mga paniking aktibong lumilipad upang maghanap ng pagkain. Kasabay ng pagdilim ay ang kanilang pagdami. Malaki at maiitim ang mga hitsura nito na kung minsan sa isang taon lamang kung magparami ang mga ito. Naging nakaugalian na rin ng mga residenteng pagmasdan ang grupo ng mga paniking lumilipad sa himpapawid. Agaw atensyon rin ang magagandang porma ng mga bato sa loob ng kweba na tinatawag na Stalactites at Stalagmites. Kumikinang at maputi kung ito’y pagmasdan. Inaabot ng ilang taon ang pagtubo ng mga batong ito upang magkaroon ng magandang hugis. Isa ito sa nagpapaganda sa loob ng kweba, ang pangunahing atraksyon. “Nagsisikap kami rito upang mapangalagaan ang yamang ito. Upang mapanatili ang likas na ganda nito at para lumago ang turismo,” ani Marites Abono, residenteng nakatira malapit sa isla. Bukod sa hindi basta-bastang makapasok ay pinaghihigpit rin ng mga residente ang patakaran sa pagtapon ng mga basura rito. Pinaniniwalaang namamahay rito ang ilang ligaw na mga kaluluwa’t mga engkanto na nagbabantay at inaalagaan ang naturang isla. “Mahalaga ang kwebang ito sapagkat nananahan dito ang iba’t ibang klase ng paniki, isang tahanan upang sila ay makarami at mamuhay ng matiwasay” sambit ni Dayao. Nakakatulong ang mga paniking ito sa pagpapataba ng mga halaman. Sila ay tinatawag na Pollinators of the Night. Ang mga residente at ang pamahalaang lokal ay nagsasanib pwersa upang mapalago ang turismo sa bayan at mapangalagaan ang mga paniki sa kweba at ang kweba mismo.
Kuha ni: Dodong Dayao
ag h a m at t e k n o l o h i ya KALUSUGAN NG MGA MAG-AARAL
Pinangunahan ng nars ang programang School Based Feeding Program simula noong Hulyo na naglalayong mapaunlad ang mga may mabababang timbang na mag-aaral. s a s a m O Saad pa niya, kakain nang libre ang mga kabataan dahil sa mga ni Diane donasyon ng mga kooperatiba tulad ng JPEHSEMCO at Parents Teachers Association. Nagsulisit din sila upang dagdag badyet sa programa. Maliban sa feeding program, may isinusulong din silang ibang programa tungkol sa mga napapanahong pangyayari tulad ng droga, maagang pagbubuntis at pag-usbong ng AIDS. “Simula noong Agosto, may iba’t iba rin kaming activities para sa mga kabataan gaya ng Barkadahan Kontra Droga, Scout Savers at patungkol sa AIDS,” dagdag pa niya.Higit pa rito, ang mga dinadalang magaaral sa klinika ay binibigyan niya ng lunas tulad ng lagnat, sakit ng tiyan at iba pang simpleng karamdaman na sinusustentuhan galing sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan. Nagsagawa din sila ng mga pagsasanay sa mga School Medics at CAT tungkol sa pangunang lunas o first aid. “Para sa akin, ang mga programang aming isinusulong ay epektibo dahil malaki ang naitutulong nito sa mga mag-aaral at guro na maging aware sa AIDS, droga at iba pa,” pagtatapos niya.
Pinahahalagahan
OO Y Y S S I I W W R R E E PP
TT O O L L U DDU
ni Don Sereno
S
angkatutak na sakong puno ng kalat ang ating nakikita sa may geyt ng ating paaralan tuwing Martes at Biyernes. Bakit ng aba? Dahil ito ang skedyul ng pangongolekta ng mga basura natin sa ating paaralan. Araw-araw, agad nating nakikita ang mga nagwawalis sa kani-kanilang labas at loob ng klasrum. Plastic wrappers, patay na mga dahon at iba pang mga kalat ang kanilang nililinis. Makikita rin natin sa bawat klasrum ang isa, dalawa, o tatlo pa ngang basurahan na nakaantay sa isang sulok at may nakatatak na biodegradable, non-biodegradable at recyclable. Isa sa mga problemang kinakaharap ng ilang paaralan ay ang hindi paghiwalay ng mga basura batay sa nakatatak. Kahit na may tatako na ang mga basurahan, parang hindi pa rin sinusunod ng mga estudyante ang mga ito. Ito ay sanhi ng pagiging tamad nilang ibukod ang mga basurang hindi dapat pagsamahin. Ilan din sa mga dahilan kung bakit hindi nila binubukod ang basura ay dahil sa kakulangan ng basurahan ng bawat klasrum. Ang ibang basuraha’y walang tatak at may iba ring mag-aaral na naguguluhan kung iyon ba’y nabubulok o hindi. “Parang hindi na talaga mababawasan
ang kalat na gawa ng mga estudyante araw-araw tsaka hindi na din sinusunod ng mga kabataan ang mga naka-label,” ani ni Gng. Analyn Avila, tagapayo ng seksiyon Graham Bell. Sa mga basurang pakalat-kalat sa paaralan o kahit saan, maaaring makukuha natin ang ilang parasite na nasa basurahan tulad ng bakteryang Eschiricha Coli, Campylobacter, Shygella na maaaring makapagsanhi ng gastroenteritis o infectious diarrhea.
p.1 2
ag h a m at t e k n o l o h i ya
Ang Biyahe ng Diyaryo
Ilang dekada na ang nakalipas simula nang naitatag ang “Ang Siglaw”, opisyal na pahayagan ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS). Ngunit, alam ba natin kung saan hango ang pangalan ng publikasyong ito? Taong 1980, nagsanib ang mga manunulat ng Ingles at Filipino para sumulat lamang sa Hillcrest na pahayagan. Datapuwa’t, noong 1990 napagdesisyunan ng mga tagagabay na ihiwalay na ang Filipino upang maging dalawa na ang pahayagan ng Elpa. Sa panahong iyon, naisip ni Gng. Carmencita G. Obaob, tagapayo ng Hillcrest ang magiging pangalan nito, “Ang Siglaw” na nangangahulugang biglang tingin o liwanag o glimpse sa Ingles na pinangasiwaan ni Gng. Nilda I. Lauron. Noon pa mang kabilang pa tayo sa Davao City, Rehiyon 11 kilala na ang ating paaralan dahil sa mga gantimpala at karangalang nakakamit ng mga manlalahok sa iba’t ibang paligsahan sa pagsusulat. Subalit, ang makulay na simula ng pahayagang ito ay napalitan ng kalungkutan ng pumanaw ang orihinal na kots ng pahayagang ito na si Gng. Lauron. Mabuti na lang at naipasa agad ito sa mga kamay ni Gng. Carlosita A. Martinez ang tungkulin at nagpatuloy pa rin ang byahe ng diyaryo ng paaralan. Dagdag pa rito, taong 2003 hanggang kasalukuyan ay pinamumunuan na ito ni Gng. Rissa E. Lurenana at patuloy pa rin na nagbibigay karangalan para sa paaralan at maging sa dibisyon ng Tandag City.
I
sa sa mga isyung kinakaharap ng mga paaralan ay ang patuloy na pagbebenta ng mga hindi masusuntansiyang agkain sa kantina tulad ng junk foods at soft drinks. Ano ng aba ang ikinababahla ng mga kinauukulan ukol dito? Halos laman na ng mga kantin ngayon ay mga nagmamahalang presyo ng chippy, fish crackers, potato frieds, coca-cola, at marami pang iba na naging paborito ng mga nagsusumikap na kabataan. Ngunit sa bawat kagat nila, walang halos sustansiyang kanilang nalalamon na sana’y gagamitin nila sa kada oras na gawain. Kumakailan lang noong ika-14 ng Marso, nilagdaan ni Department of Education (DepEd) Secretary, Leonor M. Briones ang DepEd Order No. 12 o ang Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choic¬es in Schools and in DepEd Offices. Layunin nito na maitaguyod at umunlad ang masustansiyang eating habits sa mga kabataan at empleyado sa pagkakaroon ng masusustansiya at abot-kayang halaga ng mga pagkain sa menu ng mga kantina. Nahahati sa tatlo ang kategorya ng pagkain – ang kategoryang berde, dilaw , at pula. Una ay ang Kategoryang Berde. Nakapaloob ditto ang mga pagkain natural at dapat ibe¬benta ng bawat kantina araw-araw tulad ng mais, nilagang saging, kamote, puto, suman, mani, at marami pang iba. Pangalawa ay ang Kategoryang Dilaw. Nakalista ditto ang mga pagkaing ititinda isa o dalawang beses sa isang linggo tulad ng fried rice, tinapay, biskwit, banana cue, camote cue, turon, maruya, at iba pang mga pagka¬ing hindi masyadong matataas ang saturated fat, trans fat, alat, at tamis. At panghuli ay ang Kategoryang Pula. Nandito ang mga pagkaing matatamis, maaalat at matataba na hindi nirekomenda sa mga menu ng kantina. Ilan sa mga nakahanay ditto ay ang soft drinks, lollipops, French fries, chichirya, chicharon at marami pang iba. Dito sa paaralan na ating pinapasukan, patok pa rin sa mga estudy¬ante ang mga junk foods at soft drinks. Bagaman hindi pa rin ito inaalis sa loo ng kantina, mayroon din naming ibang mas nakabubusog at masusustansiya tulad ng mais, banana cue, pansit, fruit juice at marami pang iba.
Ni Flo Rent Medellin
isakatuparan
p.1 3
ag h a m at t e k n o l o h i ya
White Oyster na Kabute: Lunas nga ba sa Kanser?
Sangkatutak na lunas na ang nagsilabasan ngunit wala pa ring sapat na gamot na maaaring labanan ang kanser. Mayroon man ngunit ito ay parehong pinupuntirya ang malusog at delikadong selula. “Targeted DNA damage mechanism of White Oyster Mushroom (Pleurotus ostreatus) against HT-29 colon cancer cell line via Comet-assay” ang pamagat ng SIP nina Pauline Anne S. Buniel, Cyril G. Sanico Jr., Hanns Winald P. Scheewe, mga mag-aaral ng Grade 10 sa Science and Technology Engineering na kurikulum. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong lunasan o puksain ang mga cancer cells sa pamamagitan ng pagpokus sa kanilang genetikong materyal sa loob. Dahil alam naman nating ang genetikong materyal ng isang organismo ay ang nag-uutos upang gumawa ng bagong cells na kung saan ito ay nagkakaroon ng aberya at nagreresu¬¬lta sa kanser. Walang epektibong gamot sa panahon ngayon sapagkat hindi ito kumpletong naipupuksa ang kanser dahil nadadamay ang mga malulusog na mga cells. Minabuti ng mga mananaliksik na manaliksik ng maigi upang makakalap ng mas malalim na impormasyon. Nais naming subukin ang White Oyster Mushroom kung ito ay may kakayahang makagamot o anticancer” sambit ni Sanico. Ayon sa resulta na galing sa St. Lukes Medical Center ang White Oyster Mushroom ay mayroong signipikong resulta. Sinisira nito ang mga canser cells na kung saan masasaksihan ang paghaba ng kanilang mga buntot na nagpapahiwatig ng labis na pagkasira” sabi niya. Pinalad na makatuntong ang grupo nila Scheewe sa Regional Science Fair upang ipamalas ang maka-siyensya nilang katalinuhan. Nais rin ng grupong makaakyat ng unang pwesto dahil pangarap nilang ipresenta ang bansang Pilipinas sa internasyonal na kompetisyon sa Science Investigatory Project, ang Intel ISEF.
A
Simpleng Sigurado
Ni Shean cuartero
Ang tubig ay buhay. Ito ay isa sa mga pinakamahahalagang pangangailangan ng tao. Alam nating nakapapawi ito ng uhaw at mga sakit. Ngunit wala pang doktor ang nakapagsusuri at nakapagpapatunay na nagpapagaling nga ito. Kaya sa pagkakataong ito, tiniyak na ng isang doktor tungkol dito. Isa sa mga impeksiyon na naging patok simula noong nauso ang mga junk foods at maaalat na pagkain ay ang Urinary Tract Infection o UTI. Isa sa mga sintomas ng UTI ay ang hirap at masakit sa pag-ihi. Hindi lahat ay nakararamdam ng sintomas may iba ring nagkakaimpeksiyon lang ng walang kaalam-alam, ayon sa website ng Department of Health.
Ang pag-inom ng antibiotics ay isa sa mga reseta ng mga doktor sa pagsugpo ng impeksiyon na ito. Kung sa tingin ninyo na ito lamang ang tanging paraan, pwes nagkakamali kayo. Dahil sa simpleng pag-inom ng maraming tubig arawaraw, ito’y maiibsan. Kumakailan lang noong Oktubre 5 ngayong taon, iprenesenta ang isang pagsusuring ang pag-inom ng mahigit anim na baso ng tubig ay nakababawas ng kasong UTI sa mga babae at maaaring maagapan din ito. Natagpuan din na ang pagdadagdag ng walong onsa o 1.5 litrong tubig ay nakapagpapagaling ng UTI. Inirekomenda ito ng mga doktor sa mga babaeng mabilis lang magkaimpeksiyon. “There are lots of things we recommend to women to lower the risk
of UTIs, but none have really been studied,” wika ni Dr. Thomas Hooton, pangunahing may-akda ng nasabing pagsusuri at isang direktor ng Division of Infectious Diseases sa University of Miami School of Medicine, na nagpahayag ng resulta sa isang komperensiya. Sa pag-inom ng maraming tubig, kailangang siguraduhin na ang tubig na iniinom ay ligtas sa mga bakteryang maaaring makuha tulad ng Eschirichia coli at marami pang iba. Ayon sa DOH, ang bahagdan ng nagkaka-UTI ay tumataas. Kaya kung ito’y isakatuparan, tiyak na bababa ito. Palagi ring tandaan na dagdagan ang pag-inom ng tubig upang iwas impeksiyon.
i s p o rt s
TAMI S NG KA MPEO NATO STE itinakas ang kampeonato kontra Grade 10, 1-0
“
MAHUSAY NA DEPENSA AT OPENSA ANG IPINAKITA NG AMING TEAM.
Gilbert Balane Mid-fielder ng STE
KUHA N I BERYL ABALA
TIBAY AT LAKAS. Koponan ng STE determinadong manalo kontra Grade 10.
| Lorenzo Blasquez umarikada ang tigasing depensa ng Science Technology and Engineering (STE) na pinigilan ang mga katunggali at itinakas ang panalo sa Intramurals Soccer na ginanap sa Surigao del Sur Sports Complex, Agosto 18. “Mahusay na depensa ang ipinapakita ng bawat koponan subalit mahusay na opensa ang
B
ipinakita ng aming team”, nakangiti na pahayag ni Gilbert Balane, mid-fielder ng STE. Dehadong inumpisahan ng dalawang hukbo ang sipaan nang bumitaw sila ng mabagsik na sipa na bigo nilang maipuksa. Ngunit mas lalong dumilim ang pag asa ng STE nang aksidenteng napilay si Burt Blasco, striker at hindi na nakabalik sa laro.
Hawks namayani sa volleyball babae
Grade 9 nilugmok | Shean Cuartero STE, 2-1
Nananalasa ang matutulin na mga ispayk ng Grade 9 na bigo namang maibalik ng STE at kinopo ang panalo sa Intramurals Women’s Volleyball, Agosto 18 na ginanap sa Surigao del Sur Sports Complex. “Naghirap kami na puksain ang mga ispayks nilang dahil sa kanilang mala pader na depensa”, pahayag ni Rechelle Dumagan, spiker at kapitan ng nabigong hukbo. Liyamadong inumpisahan ng Grade 9 ang paluan nang humagupit ang kanilang bumabagyong mga ispayks na tinimplahan pa ng rumaratsadang back row attacks saka tinuldukan ang unang set, 25-17. Nawalan ng enerhi-
ya ang taga suporta ng STE dahil sa nasaksihang pangyayari. Agad namang rumesponde ang STE nang nagpakawala sila ng mga bumubulusok na ispayks si Marie Montalban at pinangunahan ang koponan na makuha ang ikalawang set, 25-21. Nagambala rin ang kanilang mala-pader na depensa at napatawag ng timeout si Roger Martinez, kots ng STE sa huling set. Malapit ng matapos ang laban ngunit patuloy pa rin umiinit ito. Subalit hindi pa rin ito umubra at tuluyan ng nakopo ng Grade 9 ang panalo sa STE.
Subalit hindi pa rin sumuko ang STE matapos silang nagpakawala ng eksplosibong atake at nakaiskor sa pagwawakas ng unang half, 1-0. Mahigpit na ang depensa ng magkalaban hanggang sa wala ng nakaiskor sa huling half. Nag-iinit ang labanan sa bawat koponan upang masungkit ang tagumpay. “Walang maayos na
koordinasyon kaya kami natalo”, nanghihinayang na pahayag ni Mark Sabanal, striker ng nabigong koponan. Tagumpay na naiuwi ng STE ang panalo kontra Grade 10. “Sulit ang aming araw-araw na pag-eensayo dahil kami ay nanalo. Nagpapasalamat kami sa mga sumuporta”. ani ni Balane.
Natatanging sanhi EDITORYAL
Diane Omas-as
Sa modernisadong panahon ngayon, palaki na ng palaki ang bahagdan ng mga kabataang mas pinipiling gumamit ng mga gadgets kaysa sa mapabilang sa mga isports kahit nga mga matatanda ay naiimpluwensiyahan na rin. Kung kaya’t isang malaking papel ang ginagampanan ng isports sa buhay ng bawat isa. Tiyak namang alam ng lahat na hindi lang katawan ng bawat atleta ang nabibigyan ng pansin sa paglalaro ng isports kundi pati na rin ang pag-iisip ng isang manlalaro kasabay ng kanyang sosyal na pakikitungo o pakikipagkapwa at ang kanya ring pangkalahatang pagkatao. Maihahalintulad rito si Hidilyn Diaz kung saan naabot niya ang kaniyang pangarap at naipresenta ang bansa. Higit pa sa inaakala ng lahat ang nagiging kontribusyon ng isports sa buhay hindi lang ito nagpapatatag ng relasyon sa kapwa kundi nabubuo rin ang mas bago’t buong pagkatao ng isang atleta. Mahalaga itong maiK U H A DETERMINASYON. Dumagan N I BERYL ABALA nagpakawala ng mabagsik na ispayk. pakilala sa mga kabataan.
Dela Cruz pinaitlog Bagaan-, 3-0 | Deanne Tutor Rumaratsadang kompbinasyon ng kumapiras na chop at matulin na forehand smash ang inihataw ni Reyzel Dela Cruz laban kay Sallyan Bagaan sa Table Tennis, Setyembre 1, Jacinto P. Elpa Covered Court. Niyanig ng 15 taong gulang, Dela Cruz ang Covered Court matapos niyang iniratsada ang mapinsalang chop at kinabig ang panalo. “Hinayaan ko lang siya na mapagod muna saka ako aatake,” sambit ni Dela Cruz. . Pinaunlakan niya ang katunggali at brinaso ang unang yugto, 11-2. Nilugmok ni Dela Cruz ang kaduelo matapos niyang inirangkada ang 10-0 adbentahe sa pagbubukas ng ikalawang yugto. Hindi sumuko si Sallyan ng ipwersa niya ang kaduelo na magkamali at nakapuntos siya sa pagwawakas ng ikalawang yugto. “Hindi pa rin ako masiyadong magaling maglaro,” ani ng nabigong atleta, Bagaan.
i s p o rt s
p.1 5
REYNA REYNANG NGTAKTIKA TAKTIKA Ruaza pinatalsik Estrada
KUHA N I BERYL ABALA
POKUS. Ang pagpapakitang gilas ng mga manlalaro sa nakakasindak nilang hakbang.
| Florent Medellin Inirangkada ni Kem Clyde Ruaza ng Jacinto P. Elpa High School ang kaniyang mapanlinlang na mga atake sa Tandag City Athletic Meet Chess, Setyembre 1, SPED Center. “Agad kasi niya kinagat ang mga patibong ko kaya ko siya nahuli,” ani ni Kem. Naging offensive-minded kasi siya,” dagdag pa niya.
Kalmadong nagtulak ang 15 taong gulang na si Clyde ng pawn at panay naman ang kain ni Lester Jake Estrada na alam ang ginagawa. Niyanig ng pambato ng Jacinto ang manok ng Buenavista ng kamkamin niya ang bishop nito gamit ang mapanirang atake ng kaniyang queen. Nagpundar kaagad
ng depensa si Jake para sagipin ang kaniyang queen sa pamamagitan ng kaniyang knight at rook. Subalit lingid na kaalaman nakaposte na pala ang queen ng katunggali na suportado ng isang knight at bishop na nagresulta ng pagkabihag ng kaniyang huling natitirang rook. Binanatan ni Rua-
za ang denadong kaduelo saka brinaso ang tsekmeyt gamit ang dalawang opisyal; queen, at bishop. “Di ako makapaniwala sa batang ito, akala ko mahuhuli ko na siya dahil ay karamihan nasa akin ang mga pawn niya at dalawang opisyales, pero marami pala syang patibong,” pahayag ni Estrada.
JPENHS binigo ang STC, 2-0 | Cyril Sanico
warriors tinapakan ste, 17-16 KUHA N I BERYL ABALA
salpukan. Isang makidlat na paghaharap ng bawat koponan
upang masungkit ang inaasam asam na pagkapanalo.
| Pauline Buniel Kinapos sa dulo ang STE Tigers matapos maipasok ni Jesriel Cordovez ng Grade 10 Warriors ang go-ahead basket sa huling walong segundo, 17-16 ng Intramurals sa EDM Telaje Covered Court. Pinangunahan ni Arienza ang SSC Tigers ng 10 puntos at nagtala rin ng dalawang assists. “Sobrang nakakapagod kasi yun nga, 10 puntos ang iniskor ko at 17 sa team
ko,” pahayag ni Arienza. Agad nagpakita nang matikas na perimiter shooter sa unang yugto ang Warriors forward na si Vladimir Luna at inangkin ang kalamangan, 4-0. Binawi naman ng Tigers ang kalamangan matapos makabuslo ng walong sunod-sunod na puntos sa ikalawang yugto sina Mark Anthony Bandoy at Gilbert Balane. Dikdikan ang labanan sa ikatlong kwarter
ngunit nairaos agad ni Hidalgo ng Warriors nang nagpakawala ng three points at agawin ang lamang, 12-11. Matindi ang depensahan ng dalawang koponan ngunit ang mahusay na play-making ng warriors na kung saan sila ang nagdala. “Talagang naisahan kami nila sa mga huling segundo. Pinakita nila ang pagiging mautak sa laro,” ani ni Arienza.
Namayagpag ang koponan ng Jacinto P. Elpa National High School matapos nilang ipuslit ang panalo kontra Saint Theresa College Setyembre 1 sa City Athletic Meet na ginanap sa JPENHS Covered Court. Kumaripas na kombinasyon ng humahagis na sipa at tigasin na depensa ang isinuyo sa panalo ng JPENHS na bigo namang maibalik ng STC. “Ang tanging susi sa aming tagumpay ay ang pagtutulungan. Higit sa lahat ang pagmamahal at pananalig sa diyos” wika ni Don Andoy, ang spiker ng grupo. Liyamadong inumpisahan ng JPENHS ang sipaan nang iniratsada nito ang mga bumubulusok na sipa. Kaya’t bumawi agad ang STC sa pangun-
guna ni Junarjay Odijinar ngunit lamang pa rin ang iskor ng katunggali, 14-8. Dahil nag-iisa, hindi pa rin ito sapat na mapuruhan ang matibag na depensa ng JPENHS at inangklahan nito ang unang set, 21-12. Bagama’t nangunguna, walang awang kumamada si Andoy sa pagsisimula ng ikalawang yugto ay agad namang sinuklian ng spiker ng STC. Subalit binura ito kaagad ng beteranong si Don nang bumitaw siya ng mapinsalang bicycle kick at tinuldukan ang laro 2110. “Ang lakas namin ay walang laban sa kanilang malakas na depensa”, pahayag ni Odijinar, spiker ng nabigong hukbo. Ang JPENHS ay aabante at haharapin ang koponan ng Buenavista National High School.
ISP RTS
ang SIGLAW SIGLAW ang
Hawks isinubsob ang Voltz, 2-1 Don Jolex Sereno
Nag-uumapaw na kombinasyon ng matatalas na atake at determinasyon ang ipinagkontra ng Grade 9 Hawks laban sa Grade 8 Voltz sa idinaos na Intramurals Women’s Sepak Takraw, Jacinto P. Elpa Covered Court, Agosto 18. “Lumalaban sila ng mahusay pero nag-ensayo kami ng husto para manalo sa laro na ito”, pahayag ni Divina Castro, ispayker at kapitana ng hukbo. Pinasabugan ng Grade 9 ang katunggali ng
mga matitinding atake sa pagbubukas ng unang set, 21-8. Kung ano ang inilamig ng hangin ay ganoon kainit ang laban. Subalit agad naming rumesponde ang Voltz nang hinarang nila ang mala-pader na depensa na tinimplahan pa ng lumalagablab na ispayk at napasakamay ang ikalawang set, 21-15. Ngunit tinuldukan ng beteranong si Divina ang laro nang niratsada niya ang
mga mapanlinlang na bicycle kick na bigo namang
madepensahan ng Grade 8, 21-6. “Malakas talaga sila, talagang pinaghandaan namin ang laban na ito,” wika ni Marie Martinez spiker. Maglalaro si Castro at ang koponan sa darating na Caraga Regional Athletic Meet 2018.
KUHA N I BERYL ABALA
Kagalingan. Pamatay sipa ang ipinataw ni Divina Castro sa
kanilang kalabang koponan.
Alcantara pinatumba ni Rozali, 18-17 Ray Sanchez Buong ayos na tinapatan ng Malaysian, Rozaimi Rozali ang katunggali na si Arven Alcantara ng Pilipinas nang kumamada siya sa huling segundo at pinuslit ang gintong medalya sa SEA Games 2017 Taekwando, Oktubre 22, Thailand. Pinabungaran kaagad ni Rozaini ang kaduelo ng magkasunod na mapinsalang sipa sa katawan at kaadbentahe ng dalawang nakalamangan sa pagbubukas ng sipaan. Subalit bumawi naman kaagad ang Pinoy nang bumitaw siya ng sidekick at nabawi ang kalamangan ng Malaysian. Ngunit nagkamali si Arven sa pagsipa at
nabawasan ang kaniyang puntos sa pagtatapos ng unang rawnd, 4-3. “Nagkulang lang talaga ako sa depensa, sayang panalo na sana ako, nasa akin ang momentum eh”, naghihinayang na pahayag ni Alcantara. Umaatikabong pangyayari ang nagaganap sa ikalawang rawnd nang nagpalitan ang dalawa ng mga bumubulusok na sipa. Pero napasakamay ni Rozali ang kalamangan nang binawasan muli ang iskor ng Pinoy sa pagwawakas ng ikalawang rawnd, 11-9. Ganadong binuksan ni Arven ang huling rawnd nang iniratsada niya ang sidekick at lumamang ng
dalawa, 13-11. Bitbit ang suporta ng taga-Malaysia, inirangkada ni Rozaimi ang mapinsala at nakakasindak na sipa sa ulo at naitabla ang iskor sa, 16-16. At sa nalalabing huling segundo kumamada ang Malaysian at binali ang pagkakatabla ng iskor, 18-17. Tagumpay na naiuwi ni Rozali ang gintong medalya. “I thought that I’ll win this easier, but Alcantara fought as well, he is just lacking of defense,” pahayag ni Rozali. Kahit natalo ang Pinoy napasakamay naman niya ang pilak na medalya.
Sipa Tungo sa panalo
Nag-iisa, mapagmahal, matiyaga, at makakasundo. Ito ang mga salitang ginagamit upang ilarawan ang ikatlong beses na Regional Champion coach ng Tandag City sa Sepak Takraw, Nestor C. Dimacuha. Ang kaniyang kamakailang panalo ay muling tinatakan ng isang lugar para sa kanyang mga manlalaro sa Palarong Pambansa sa Antique at inilagay siya sa matatanghal bilang isa sa mga pwersa sa Sporting World sa Caraga. Siya ay naging kots ng Sepak Takraw mula pa noong 2008 at inamin na nabigo siya sa halos bawat kompetisyon na kaniyang sinalihan. Gayunpaman, ang mapait na lasa ng pagkatalo ay patuloy siyang pinagsisikap. Sinimulan niyang itatag ang kanyang plano sa laro. “Una at pangunahing, itinuro ko ang disiplina sa aking pangkat. Hindi mo mapapaunlad ang kanilang kasanayan at talento kung wala silang mabubuting asal,” ani ni Sir Nestor sa kanyang 9 taon ng pagtuturo. KUHA M U L A MARTIN Ang pera ay palaging K A Y SAN DIEGO
problema ngunit hindi niya ito alintana at sineseryoso niya ang kaniyang pagdidisiplina sa kaniyang mga manlalaro. Sa panahon ng pagsasanay, ipinapakita niya ang kaniyang katapangan, at walang hihilingin kundi ang ganap na kooperasyon mula sa bawat miyembro ng kanyang pangkat. Gayumpaman, ang lahat ay hindi madali. Pinapayagan din niya na namnamin ng mga ito ang mga papuri upang ang kanilang pakiramdam sa sarili ay umangat sa panahon ng tagumpay at maging sa panahon ng kabiguan. Ayon sa kaniya, ang kaniyang kaligayahan bilang isang kots ay nagmumula sa pagbubuo ng mga batang may potensyal para sa kaniyang koponan kahit sa isang punto na parang hindi posibleng mabuo. “Ang tanging pangarap ko sa aming koponan ay manalo sa Palarong Pambansa at bigyan kami ng parangal sa aming dibisyon at sa Caraga. Cyril Sanico