Ang Siglaw 2019-2020 | Tomo XXIX, Bilang I

Page 1

Siglaw

Sa loob ng mga pahina:

Ang

Editoryal

Buwagin ang karahasan

P

atuloy na tumataas ang bilang ng mga biktima ng hesing at isa ito sa mga problema na hindi pa nalulutas hanggang ngayon. Sa kabila ng Anti-Hazing Law na naging batas noong 1995 bunsod ng dumaraming...

OPINYON

Boses ng Kabataan, Pwersa at Paninindigan Kampus Ekspres

Anatomiya ng isang Elpanian

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Jacinto P. Elpa National High School — Sekundarya Lungsod ng Tandag, Surigao del Sur, XIII - REHIYON NG CARAGA Tomo XXIX, Blg. I | Hunyo – Disyembre 2019

Iwas Sagabal Isyung Panlipunan

H

indi maipagkakailang namumukod-tangi ang isang Elpanian, nasa kalagitnaan man ng napakaraming tao o kaya ay mag-isa lamang kaya naman maaaring ninanais mong malaman kung ano nga ba talaga...

A

kala natin okey lang dahil maliit lang naman, konting usok lang hindi makakaperwisyo sa ating mga paligid bagkus nakatutulong pa para maalis ang mga insekto gaya ng lamok at mawala ang mga nakakalat na...

AGHAM

11

Isports Lathalain

D

Kilalanin si Ital

isiplinado, mapagkumbaba, masipag, simple, nag-iisip, matiyaga, makakasundo. Ito ang isa sa mga salitang maaring gamitin upang ilarawan ang ikatlong beses na Regional Champion player ng Tandag City sa Sepak Takraw, Crystal Peralta. Ang kanilang kamakailang pagpanalo sa Philippine Sepak Takraw Champion’s League 2019 ng bronze medal ay muling tumatak sa halos buong lungsod.

Habang inaalis, inaayos, at pinalalawak ang mga kalsada dahil binabawi ng gobyerno ang karapatan nito, maraming mga mamamayang Pilipino ang nalulungkot pagkat mawawalan na sila ng kanilang pwestong pangkabuhayan.

ISPORTS

Wala na kaming ibang magawa kundi sumunod dahil utos ito ng Pangulo.” BALITA

08

Luntiang Kinabukasan

J-nelle Avila

— Maila Montero, Residente

LATHALAIN

Isyung Pangkalikasan

Road Widening pinairal sa Tandag City

05

15

Kampus Ekspres

Hatawan at kasiyahan

03

Color Run tampok sa Teachers’ day Eunice Tajonera

KASIYAHAN. Dulot ng Color Fun Run na tampok sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day. | Kuha ni Ralph Caseñas

N

akiisa ang mga estudyante, guro at alumni ng Jacinto P. Elpa National High School sa limang kilometrong Color Fun Run Fund Raising na haylayt sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day, Oktubre 4.

Sumanib sa samahang pambayan ng Jacinto P. Elpa National High School Itaguyod ang lumalabang tinta ng Elpa High! @AngSiglaw

DIBUHO • Sheena Clamaña

HAWANAN.

Nakiisa ang mamamayan ng City of Tandag sa utos ng Pangulo na linisin ang mga kalye na pagmamay-ari ng gobyerno. Kuha ni Trisha Espadero

Umabot ng 1,691 estudyante ang nakilahok sa nasabing Fun Run; 68 at 45 naman sa mga guro at alumni. Mahigit P58,280 ang pondo na nakolekta ng Supreme Student Government (SSG) sa pamumuno ni Kevin Siervo, tagapayo. “The Color Fun Run was a successful one. I thank everyone who went and participated in our fund raising event, I thank the stakeholders, my SSG Officers and especially to those who sponsored and supported this project,” wika ni Siervo. Layon ng Color Fun Run na mapasaya ang mga estudyante lalo na ang mga guro. Ayon kay Chenny Achas, SSG President, ang pondo na kanilang makokolekta mula sa Color Fun Run ay gagamitin sa pagbili ng mga materyales para sa mga mag-aaral ng ikapitong baitang ng JPENHS at pati na rin emergency lights sa bawat baitang. BALITA 03


ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL

BALITA

TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

02

Perwisyo sa komunidad

2 sawi dulot ng Red Tide Celine Cabrera

K

umpirmadong patay ang mag-asawang sina Leonito at Lucia Namoc at ang apat na mamamayang biktima rin ng Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) galing sa nakain nilang shellfish na naapektuhan ng Red Tide mula sa Lianga Bay noong Nobyembre 27, na pawang galing sa Munisipalidad ng Barobo.

TINDIG BALAHIBO.

Ibinida ang Skydiving event na pinangunahan ng Philippine Army sa pagbukas ng Araw ng Surigao del Sur. Kuha ni J-nelle Avila

PH Army skydivers bumida sa Araw ng SdS Philip Molina

A

gaw pansin ang Philippine Army Parachute Team sa kanilang talento sa skydiving na isa sa mga haylayt sa pagdiriwang ng 59th Araw ng Surigao del Sur (SdS) sa SdS Sports Complex, Hunyo 15.

Ayon kay Staff Sergeant Teodoro Espiritu ng PAPT, nakatalaga sa Special Forces Regiment Airborne, ang Parachute Team nila ay kumakatawan sa pagiging propesyonal at may dedikasyon sa kanilang hukbo. “We really appreciate the invitation for us to perform skydiving exhibition in this 59th Anniversary of Surigao del

Sur,” dagdag pa ni Espiritu. Gumamit ng Cessna 206 aircraft ang anim na skydivers at tumalon sa may taas na 7,500 talampakan. Ayon kay Espiritu na tumalon na dala-dala ang watawat ng Pilipinas, nagkaproblema siya ng konti pagkat nahuli siya sa pagpreno at pati na rin sa direksyon ng hangin.

Madalas iniimbita ng Asian Armies ang PAPT sa mga military parachute team competitions sa China, Indonesia, at Thailand. “Last September 21, 2012, we participated in Indonesia under the Competitive Accuracy Landing category, and garnered the 3rd place,” wika ni Espiritu na isa sa mga miyembro ng PAPT.

Balita Analisis

Balitang Lathalain

Nutrisyon ng estudyante tinutukan; kaso ng malnutrisyon bumaba

Pagsasayaw, pag-arte ipinamalas sa kalayaan Eunice Tajonera

Nathaniel Morse

M

uling ibinandera ngayong taon ng iba’t ibang paaralan ang kanilang kahusayan sa pagtatanghal tungkol sa mga digmaan at pagpapalaya sa mga taong naging alipin ng tukso at kasamaan sa pamamagitan ng pagsasayaw at pag-arte na ginanap noong ikasiyam ng Setyembre.

HINAGPIS.

Matinding emosyon ang inilarawan ng isa sa mga kalahok sa kanilang pagtatanghal. Kuha ni Ralph Caseñas

‘Di-mahulugang karayom ang kaganapan na halos magpalitan na ng mukha ang mga manonood para sa kanilang inaabangang paaralan na kanilang buong sinuportahan. Ngunit sa mga sumaling kalahok, isa lamang ang tatanghaling kampeon at iyon ay nakamit ng Tandag National Science High School (TNSHS) para sa kategoryang sekundarya. “Props, yung mga pasabog namin sa intro tsaka sa dulo at yung power dance namin,” wika ni Jasmine Velasco, isa sa mga kalahok ng TNSHS. Ayon sa paliwanag ni Jasmine, ang mga simpleng sayaw at drama ang nagdala sa kanila sa tagumpay bagamat marami silang nagawang mali at hindi nagkasabay-sabay ang

Binubuo ng limang tao sa kada team ang Competitive Accuracy Landing na ginaganap sa limang rounds na kadalasan ay nasa 3,500 feet. “We have also a competition this month in Thailand but we were not able to participate,” saad ni Espiritu. Nakabase ngayon sina Espiritu at iba pa sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang Red Tide ay isang uri ng algae bloom na kumakalat sa karagatan at mayroon itong maliliit na organismong dinoflagellates na nagtataglay ng lason sa katawan at nakakasama sa mga tao pero hindi sa mga hayop. Dagdag pa rito, nakakain ng mga shellfish ang Pyrodinium bahamese na siyang nakakamatay sa tao at iniipon ito sa kanilang katawan pero hindi nito papatayin ang kahit na anong lamang-dagat ngunit sa halip ang taong kumakain nito. “Base sa impormasyong nakalap namin, hindi totoong cyanide ang sanhi ng kanilang pagkamatay dahil nakikita doon na Red Tide ang dahilan, kumain ang mga biktima ng shellfish na nakumpirmang positibo sa Red Tide,” sabi ni Dra. Leonor Nortega, beterinaryo II ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Sinabi pa niya na hindi makikita ang sintomas ng Red Tide sa isang lamang-dagat kung gagamitin lamang ang normal na mata, kinakailangan itong sumailalim sa pagsusuri upang masiguradong kontaminado ito. Ipinahayag ni Nortega na kapag kakain ng sariwang isda, hipon, pusit, alimango, at alimasag sa panahon ng Red Tide, siguraduhing alisin ang mga bituka, lamang-loob at hasang upang hindi mabiktima ng PSP. Ligtas ang siyudad ng Tandag sa isyung ito sapagkat ang mga lugar na sakop ng Lianga Bay lamang ang naaapektuhan tulad ng Marihatag, San Agustin, Barobo at Lianga. Nailalayo ng BFAR ang mga mamamayan sa panganib sa pamamagitan ng pagtatag nila ng National Red Tide Monitoring at ang paglabas ng Shellfish Advisory.

kanilang mga galaw, kasabay pati aliw at kasiyahan na maihahatid sa mga manonood ang magiging daan nila para makopo ang tropeo. Nakuha ng Saint Theresa College (STC) ang pangalawang pwesto samantalang nakaabot naman ang Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa pangatlong pwesto ngunit hindi naman sila nawalan ng pag-asa na magkampyeon sa susunod na taon. Itinanghal na Sangkaan Festival Queen si Christine Joy Jadraque ng Buenavista National High School (BNHS). Nag-uwi ang mga nanalo ng malaking pera na dinagdagan pa ni Mayor Roxanne Pimentel ng ekstra Php 5,000 na sobrang ikinatuwa ng madla.

N

asa 35 na mag-aaral ang naitalang kulang sa nutrisyon ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na may 50 na mag-aaral ang sinuportahan ng Feeding Program ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS). Sa taong 2017-2018, 15 ang bilang ng mga estudyanteng malnourish sa ikapitong baitang, 24 sa ikawalo, pito sa ikasiyam, at apat sa ikasampung baitang. Samantala, sa taong 20182019, 19 ang naitala sa ikapitong baitang, sampu sa sa ikawalong baitang at tatlo sa ikasiyam at ikasampung baitang. “Nagpapasalamat ako sa pinansyal na suporta na ibinigay ng Jacinto P. Elpa High School Employees Cooperative (JPEHSEMCO) at ng kantina ng paaralan para sa programang ito,” ani Alma Rosario Arrubio, koordineytor ng Feeding Program sa isang panayam. Sasailalim ang 35 estudyante na malnourish sa School-Based Feeding program na ipinatupad ng paaralan. Ito ay hinango sa

DepEd Memorandum No. 39, s. 2017 na layong magpatupad ng School-Based Feeding Program (SBFP) sa mga pampublikong paaralan. Layunin nitong matugunan ang malnutrisyon para maiwasan ang pagliban sa klase at mapataas ang partisipasyon ng mga estudyante sa klase. Alinsunod ang SBFP sa General Appropriations Act (GAA) at Republic Act No. 11037 “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.” Isinagawa araw-araw ang nasabing Feeding Program tuwing tanghalian mula Oktubre 1 hanggang 12 para sa 35 estudyanteng kulang sa timbang. “Katulong ko sa paghahanda ang aking mga service food students bilang isa sa mga

performance tasks nila sa aking asignatura,” wika ni Arrubio. Ayon kay Alberta Bela-ong, school nurse, kung magiging normal na ang mga timbang ng mga estudyante ay ititigil na nila ang Feeding Program. Tinitimbang ang mga estudyante bago at matapos ang programa. Dito binabase kung ipagpapatuloy pa nila ang pagpapakain. Nagsagawa rin ng libreng bakuna at deworming ang DOH sa mga estudyanteng nasa ikapitong baitang nitong Agosto. Samantala ngayong taon, ang mga guro Technical Livelihood Education (TLE) sa bawat baitang na ang magaasikaso at mangangasiwa sa mga batang kulang sa timbang o nutrisyon.

Inpograpiks

Bilang ng mga mag-aaral sa bawat baitang na kulang sa nutrisyon *batay sa mga nakuhang estadistika ng School Nurse

2.12% Grade 7

o 19 estudyante sa taong 2018-2019 vs. 1.49% o 15 estudyante sa taong 2017-2018 Kabuuang bilang:

'17-'18: 1004 estudyante '18-'19: 895 estudyante

1.1%

Grade 8

o 10 estudyante sa taong 2018-2019 vs. 2.27% o 24 estudyante sa taong 2017-2018 Kabuuang bilang:

'17-'18: 1052 estudyante '18-'19: 921 estudyante

GABAY: Taong 2017-2018 *Grade 7 at Grade 8

Taong 2018-2019 *Grade 7 at Grade 8

Disenyo ni: Sean Caballero

0.3% Grade 9

o 3 estudyante sa taong 2018-2019 vs. 0.88% o 7 estudyante sa taong 2017-2018 Kabuuang bilang:

'17-'18: 799 estudyante '18-'19: 990 estudyante

0.4% Grade 10

o 3 estudyante sa taong 2018-2019 vs. 0.52% o 4 estudyante sa taong 2017-2018 Kabuuang bilang:

'17-'18: 776 estudyante '18-'19: 758 estudyante

GABAY: Taong 2017-2018 *Grade 9 at Grade 10

Taong 2018-2019 *Grade 9 at Grade 10


ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

‘Road Widening pinairal...’ mula sa pahina 1

03

BALITA

JPENHS namayagpag muli sa Painsayaw Eunice Tajonera

S

inimulan na ng binuong composite team ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Tandag ang paggiba ng mga nakaharang na istraktura sa sidewalk bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hawanan ang mga public roads. Alinsunod ito sa kautusan ng Pangulo at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Memorandum Circular 121-2019 na layong hawanan ang mga pampublikong kalye na ginagamit bilang pribadong pagmamay-ari at alisin ang mga ilegal na estraktura at konstruksyon. “Hindi lang po ito proyekto ng barangay kundi proyekto ng nasyonal; road clearing na utos ng Presidente natin at ng DILG,” ani Emmanuel Umali, SK Chairman ng Barangay Telaje. “Meron pa kaming hinahabol na deadline na kailangang matapos ang paglilinis sa mga sidewalk sa loob lamang ng tatlong araw upang makita na may progreso, pagkatapos po nito ay meron nang checking weekly o dalawang beses sa isang buwan.” Giniba ang mga waiting shed na delikado umano sa mga motorista, mga puno at halaman at pati na rin ang mga sobrang bubong ng mga tindahan na natatakpan na ang sidewalk. “Kapag utos ng gobyerno, wala na kaming magagawa kundi sumunod. Sila yung nangunguna kaya susunod nalang kami kahit na labag sa aming mga kalooban,” wika ni Maila Montero na isa sa mga residente ng Telaje. Samantala, marami pa rin ang mga residente na nagreklamo dahil hindi nagpaalam ang pamahalaan na gibain at tanggalin ang kanilang mga halaman ngunit ayon sa kanila, wala na silang magagawa dahil ito ay utos ng Pangulo. Dagdag pa ni Montero na kalakip sa nabayaran niyang lote ang espasyo na iyon ngunit sabi ng Barangay Chairman na babayaran lang daw sila para sa lupa. Maraming residente ang sang-ayon at ang iba rin ay hindi, ngunit ayon sa kanila, wala silang ibang magagawa dahil ito ang utos ng Pangulo.

Apat na palapag itinayo sa Grade 7 Drethelane Pacon

PAGPUPUNYAGI.

Bagong gusali para sa kinabukasan ng mga mag-aaral. Kuha ni J-nelle Avila

I

dinagdag ang 4-storey na gusali para sa ikapitong baitang ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) nitong Disyembre 2018 at inaasahang matapos sa susunod na taon. Pinakiusapan ng opisina ng dibisyon na isali ang JPENHS sa mga building projects na siyang tutustusan ng opisina ng nasyonal lalo pa’t magbubukas sila ng Senior High sa susunod na taon. Galing sa nasyonal na pondo ang ginamit sa pagsasagawa nito para din sa school building project na pinadala sa tulong ng DPWH bilang ahensyang nagpapatupad at walang nabanggit na tiyak na halaga ng pera ang nagastos sa pinanukalang gawain. Para sa Junior High ang gusaling kasalukuyang tinatrabaho pero hindi pa alam ang mga tiyak na detalye dahil ang lahat ng desisyon ay hawak ng tagapangasiwa ng paaralan. Ayon sa nakalap na impormasyon, manggagaling umano ang pasya sa tagapangasiwa ng paaralan kung Senior High o anong baitang ang gagamit sa bagong gusaling itinatayo. “Hindi pa final kung anong grade level ang ilalagay diyan, pwede Grade 7, Grade 8, Grade 9, Grade 10, o kung sakaling maaring isama ang Senior High, pwede rin,” ani Pangalawang Punongguro Ronelio Tajonera.

HATAW.

Muling nagpakitang gilas ang mga guro ng Jacinto P. Elpa National High School sa Painsayaw at nagkamit ng unang gantimpala. Kuha ni Ralph Caseñas

N

agwagi ang mga guro ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Jacinto P. Elpa sa kompetisyong Paindigay sa Sayaw o mas kilala bilang Painsayaw na ginanap noong Setyembre 5.

Itinanghal nila iyon sa Tandag City Gymnasium habang suot ang kanilang puting pang-itaas na kitang-kita ang likuran habang maiksing asul na palda naman sa pang-ibaba na mas ikinatuwa ng mga manonood habang sila ay nagsasayaw ng Latin. “Our energy has been used on waltz and then tango, plus the last one which is the quickstep, the part where we struggled a lot,” pahayag ng guro sa Ingles na si Binibining Mhera Talisic. Inamin niyang hindi naging madali ang pagpapalabas nang ganun kagandang presentasyon dahil tatlong Linggo lamang ang oras na nailaan nila para sa pag-eensayo na hindi naging sapat para sa kanila. Sa kabila ng kanilang paghihirap at kakulangan sa oras, nagawa pa din nilang magtanghal nang maganda at naipakita nila ng maayos ang kanilang sayaw ng Latin sa buong madla. Napahiyaw naman ang mga tao sa pagkamangha nang biglang nagpakita sila ng iba’t ibang pamamaraan ng sayaw at nung parang silang mga bata na umiikot nang mabilis. Ayon kay Binibining Talisic, lahat ng mga karanasan at paghihirap ay nabayaran dahil nagawa nilang makamit ang tagumpay.

Isyung Komunidad

Tandag City puspusan ang paghahanda sa RISA 2019

Sean Caballero

A

balang-abala na ang dibisyon ng Tandag City sa paghahanda para sa paparating na Regional Integrated Students Activities (RISA) ngayong Nobyembre.

“We really need to make things in order because this is a big event and considering that this is not just RSPC but composed of different major regional events to be contested so a long planning and preparation is very important and I guess we are now on halfway of it,” ani Gemma B. Espadero, Journalism Supervisor sa dibisyon ng Tandag. Isa sa mga preparasyon na inaabalahan nila ngayon ay ang pagtatalaga ng mga billeting quarters at iskedyul sa mga patimpalak. “Aside from that we are also having our series of meetings, in fact, this coming October 11 will be our second consultative conference together with our City Mayor, who herself decided the meeting to consult every Committee Chair regarding the

updates of their committee as to where are we now in our preparation,” wika ni Espadero, “Aside from that, we also give updates on the contest venues where we have to see to it also that every event shall have their venue to be contested. We (the committees) see to it that we will be checking every expected deliverables in every billeting quarter where the lightings, water facilities, and the roofing to ensure that the participants are safe and comfortable in their quarter.” Nasa mahigit P1.2 milyon na pondo ang inilaan ng Pamahalaan ng Lungsod at Pamahalaang Panlalawigan para sa paparating na Regional Integrated Students Activities (RISA). “We of course coordinated with the Regional Office because actually,

the preparation as to hosting is our job; the billeting quarters are from the Tandag City Schools, however the beddings should be provided by the Surigao del Sur Division teachers, being the co-host,” banggit ni Espadero, “In the conduct of RISA, the role of the Regional Office is to provide contest materials. They will also be the ones who will look for the judges in every events and they are going to shoulder the expenses for the meals, travels, and for the judges. Another thing is, the trophies, medals, and certificates, shall be prepared by the regional.” Nag-alok din ang Tandag City Division ng mga sasakyan para sa mga delegado na nasa malayo ang billeting quarters upang hindi na sila mag-alala sa transportasyon lalo na BALITA

04

‘Color Run tampok...’ mula sa pahina 1 “Isa sa mga proyekto namin ang pagbibigay ng mga reading materials sa mga mag-aaral ng ikapitong baitang na nasa Special Program in Reading (SPR). Mayroon kasing mga mag-aaral mula sa mga malalayong lugar na nag-aaral sa ating paaralan na hindi marunong bumasa kaya nagkaroon ng SPR Curriculum. Layunin namin na matulungan ang mga batang ito,” pahayag ni Siervo. Hataw na hataw naman ang mga sumali ng Fun Run sa Zumba na handog ng SSG na pinangunahan ni Josefina Amoguis.

Bukod pa rito, mayroon ding mga libreng gupit at manicure at pedicure para sa mga guro. “We will still be having our community involvement; tree planting and coastal clean-up in Mabua,” ani Siervo. Sa kabilang dako, hindi lamang nagtapos ang pagdiriwang sa Fun Run dahil nagkaroon pa ng programa sa paaralan. Iba’t ibang gawain ang inihandog ng mga mag-aaral para mapasaya ang mga guro. May mga paligsahang gaya ng pagsasayaw, pagkanta at mga

intermisyong nakakaaliw panoorin. Pinarangalan din ang ilang mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng sertipiko dahil sa kanilang matagal ng paglilingkod na umabot na sa 20 taong pagtuturo o mahigit pa. Sa huli, may konting salu-salong inihanda ang SSG bilang pagwawakas sa selebrasyon. Nagpasalamat din ang mga guro sa libreng handog ng SSG at nakapagrelaks pa sila kahit sandali. Ang tema sa taong ito ay “Makakalikasan” na mula sa DepEd Core Values.

Nasa ika-8 baitang na ang biktimang si Cristian Del Valle sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) at kabilang sa Soccer Team ng paaralan. Ayon sa kanyang ina na si Rosalie Del Valle, alas siyete ng gabi sa araw na iyon ay umalis si Cristian sa kanilang bahay. Ngunit makalipas ang mahigit isang oras ay natagpuan nang patay ang kanyang anak sa tapat ng kanilang bahay. Nabigla ang ina sa kanyang nakita at agad-agad nilang isinugod

sa ospital ang anak ngunit Dead on Arrival na ito. Sinasabing may nakaaway ang biktima nang nakaraang araw bago ang trahedya. Hinamon daw umano ang biktima ng suntukan at sinabihan na babalikan daw siya at papatayin ng kagalit nito. “Dalawang taon na si Del Valle sa Soccer Team ngunit wala akong nalaman na may mga taong nagtanim nang galit sa kanya,” ani Bryan Abuloc, tagapagpayo ng Soccer. Dagdag pa nito, masigla si Cristian

kung sila’y nag-eensayo, kumikilos pa siya bilang lider ng kanilang koponan kaya hindi rin niya inasahan na ganoon ang mangyayari sa kanyang manlalaro. Samantala, ipinapa-autopsy ng pamilya ang bangkay upang malaman ang ikinasawi nito. Ayon sa ina ng biktima, hindi siya titigil hangga’t hindi niya makamit ang hustisya para sa anak. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga kapulisan sa pangyayari upang malutas ang nasabing krimen.

Balita Ekspres

Bangkay ng mag-aaral, natuklasan sa tapat ng kanilang bahay J-nelle Avila

N

atagpuan ng ina na patay na ang kanyang anak sa tapat ng kanilang bahay na nakabigti umano gamit ang lubid, Oktubre 17, bandang alas otso ng gabi, ngunit may mga nakitang pasa sa katawan na ipinagtataka nito.


BALITA 04

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

BACK TO BACK.

Nakamit ng Science, Technology and Engineering ang unang gantimpala sa Mr. and Ms. Sports Fest at sa Wellness Dance Competition sa naganap na JPENHS Intramurals. Kuha ni Ralph Caseñas

STE nagpakitang gilas sa Intramurals Eunice Tajonera

I

nabangan ng mga mag-aaral ang patimpalak ng Mr. at Ms. Intramurals na ginanap noong ika-15 araw ng Agosto sa Tandag City Gymnasium na pinuno ng hindi magkamayaw na mga estudyante at mga guro maging ng iba pang mga manonood.

“Hindi ko inasahan na mananalo ako pero dahil pinayagan ng Diyos na mangyari ito, tinanggap ko din at nagpasalamat na lamang sa biyayang binigay Niya,” ani Andrei, nakakuha ng titulo bilang Mister Intramurals ng Science, Technology and Engineering (STE) Department. May kaugnayan naman sa horseback riding ang kasuotan nilang ginamit sa patimpalak na siyang naging dahilan upang makuha nila ang parangal na Best in Sportswear. “Yes, I am confident of my sportswear because I know that

PAGKUKUMPUNI.

Masinsinang pagsasaayos ng lumang Covered Court ng JPENHS. Kuha ni J-nelle Avila

this kind of sportswear is not mainstream or this sportswear is uncommon and I believe that it has a big factor to capture the attention of the audience and most especially the judges because it is appealing or new to their eyes,” paliwanag ni Faye sa isang pakikipagpanayam. Bukod sa Best in Sportswear, nakamit din nila ang parangal bilang Best in Interview na mas lalong ikinatuwa ng kanilang mga kaklase at kapwa mag-aaral. Nagpakitang gilas din sila sa pagsagot ng mga nabunot na katanungan, sumagot sila sa

lenggwaheng Ingles at ipinahayag ang nais nilang sabihin sa simpleng mga salita. Sa huli, pinutungan sina Pimentel at Abis na ikinatuwa nila at ng mga manonood lalo na ng kanilang mga magulang. Nag-uwi ulit ang STE ng tropeo sa pagkapanalo sa kompetisyong Wellness Dance na sinayaw nila ala Zumba noong ikalawang araw ng pagdiriwang ng Intramurals. Sinalihan ito ng lahat ng mga estudyante na kanilang itinanghal sa gitna ng Surigao del Sur Sports Complex na umabot ng halos limang

Kampus Ekspres

Renobasyon ng Covered Court, inumpisahan na Nathaniel Morse

S

inimulan na ang pagsasaayos ng Covered Court ng paaralan noong Agosto 2019 pagkatapos ng halos tatlong taong pagkaantala.

Saklaw ng trabaho ng proyektong ito ang pagpapatibay ng pundasyon ng mga haligi, paglalagay ng fascia board, pagaayos at pagdadagdag sa mga bubong na bumuka. Nahanapan ng solusyun ang problemang ito dahil inilahad ni Ronelio Tajonera, School Governance and Operating Division (SGOD) ng paaralan kay Konsehal Imelda Falcon, Education Committee, ang sitwasyon at iminungkahi ng Konsehal sa Konseho ng Lungsod. Nabigyan ng pondo ang pagkukumpuni nito galing sa Opisina ng Kongreso sa tulong ni Kongresista Prospero Pichay na siyang sinulatan ni Konsehal Falcon ng hiling na maglaan ng pondo para sa pagpapaayos. Nasimulan ang proyekto pagkatapos ng mahigit tatlong taon at si Rogelio Guerta na galing sa Cantilan ang nanalo sa posisyon bilang kontatrista. Ayon kay Engineer Aying, inhinyero ng proyekto, matatapos ang pag-aayos ng covered court sa pangalawang linggo ng Nobyembre o kung mas mapapaaga pa ay sa unang linggo lamang. Hiniling naman ng SGOD na kung maaari ay tapusin ito ng maaga pa sa plano dahil maraming palatuntunan at aktibidadis ang mangyayari sa buwan ng Nobyembre at Disyembre. Pinasalamatan ng eskwelahan ang pagsuporta nina Konsehal Falcon at Kongresista Pichay sa pagsaayos ng Covered Court.

Elpanians namituin; kampeonato napanatili Ben Butad

S

a ikalawang pagkakataon, nanatiling Overall Champion sa buong Caraga ang Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa kakatapos lang na National Science Club Month (NSCM) 2019, Setyembre 7-8, na ginanap sa Florita H. Irizari National High School, Lanuza, Surigao del Sur. Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talino, liksi at inobasyon sa tatlong pangunahing patimpalak sa nasabing okasyon. Nadepensahan ng JPENHS ang kanilang titulo at itinanghal na Champion sa Mathematics, Science at Kapaligiran (MATHSCIAKA) Interactive Workshop sa

pangunguna nina Hyram Yusico Jr., Nathaniel Morse, Kissie Goyongco, Jenny Bernadette Luna, at Dafny Kaye Anino. Nasungkit din ng JPENHS ang 1st runner-up sa Philippine Science Olympiad Bracket II sa pangunguna pa rin nina Hyram Q. Yusico Jr., Darryl Trishia Bulactial at Nelly Jane

Calotes. Bukod dito, nanalo ring 2nd Runner Up ang imbensyon nina Andrei John Abis at Philip Matthew Molina sa MATHSCIAKA Engineering. Higit naman ang pagkagalak ni Adonis Don G. Oplo, tagapagsanay ng mga kalahok sa naging resulta.

minuto. Simpleng P.E. pants at STE shirt lamang ang kanilang isinuot habang nakangiti, malakas na mga boses, at todo-hataw sa pagsasayaw sa ilalim ng mainit na sinag ng araw. “Kung meron man akong gustong baguhin, iyon ay ang panahon kasi sobrang init na nakakapaso na sa balat,” ani Avril Rose Silverio, isang mag-aaral ng STE. Dinagdagan naman ng kaniyang kaklase na si Scylla Marie Paglinawan na kahit mainit at maalikabok ang panahon ay di parin

mababayaran ang saya na kanilang naranasan. “Wellness dance is supposed to be fun so walang pressure kaming naramdaman nun,” sabi ni Scylla. Tinapos ng dalawang magkaklase ang pakikipagpanayam pagkatapos sabihing isang “friendly competition” lamang ang Wellness Dance at walang dapat ikakabahala roon. Ngunit sa kabuuan, ang tinanghal na kampeon ay ang ikasampung baitang, pumangalawa ang ikasiyam na baitang, at pumangatlo ang STE Tigers.

‘Tandag City puspusan...’ mula sa pahina 3

ay kaunti lamang ang mga pampublikong transportasyon sa Tandag. Mayroon 12 dibisyon ang Caraga Region at hindi ito magkakasya sa mga paaralan ng Tandag kaya itinalaga ang ibang billeting quarters sa Gamut na may 7-10 kilometro na layo mula sa contest venues at pati na rin sa Tago. “The contest venues for the big events like Regional Schools Press Conference (RSPC) will be in Saint Theresa College because Jacinto P. Elpa National HS can’t make it because it will be used as one of the billeting quarters. The Regional Science Fair and Quiz (RSFQ) will be competed at Tandag City Sped Center including the Special Science Elementary School and most of the Regional Festival Of Talents (RFOT) events will be competed at the Surigao Del Sur State University and the other events that need big venues will be held at the Tandag City Gymnasium,” dagdag ni Espadero.

Inpograpiks Nasa mahigit P1.2 milyon na pondo ang inilaan ng Pamahalaan ng Lungsod at Pamahalaang Panlalawigan para sa paparating na Regional Integrated Students Activities (RISA).

Disenyo ni: Sean Caballero

Pagbabawal ng basurahan sa silid-aralan ipinatupad Ngwee Pacate

A

linsunod sa DepEd Memorandum No. 58, s. 2011, Solid Waste Management maliban sa 3Rs - Reduce, Reuse and Recycle, pinagkasunduan ng bawat baitang ang pagbabawal ng mga basurahan sa bawat silid-aralan na pinangunahan ng walong baitang noon nakaraang taon at sumunod naman ngayon ang departamento ng Science, Technology and Engineering (STE). “Kahit wala pang inilabas na Memorandum ang punongguro pagkatapos ng miting noong Oktubre ng nakaraang taon ay may mga antas ng baitang na nagsisimula nang ipatupad ito,” ani Pangalawang Punongguro na si Ronelio Tajonera. Inihayag ni Tajonera na pinagkaisahan ng lahat sa miting ang desisyong ito ngunit may isang basurahan pa ring malaki ang ilalagay sa bawat baitang. Napagkasunduan ito ng bawat tsirman ng baitang upang mabawasan ang pagdami ng basura sa eskwelahan at padadalhin ang bawat estudyante ng sariling eco-bag para dun ilagay ang mga sariling kalat at itatapon sa kanya-kanyang tahanan.


TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL

05

OPINYON

Buwagin ang karahasan Editoryal

Vox Populi

May alam ka ba sa hesing na nagaganap sa bansa? Sa 100 kinapanayam,

87%

ng mga estudyante ang may alam sa hesing

Disenyo ni: Sean Caballero

Nakakapanghinayang dahil ang mga miyembro nito ay hindi iniisip kung ano ang kahalagahan ng kanilang buhay. Ang masaklap pa rito ay hindi malaman kung nakamit ba ng mga biktima ang katarungan sa sinapit nito. Karapat-dapat na mas lalo pang pinaiigting ng gobyerno ang AntiHazing Law dahil walang matatakot sa batas kung hindi hinihigpitan ang pagpapatupad nito. Kaya, sinusuway ang batas dahil karamihan sa mga kabataan ay walang alam kung gaano kabarbaro ang mga patakaran ng pangkat ng Fraternity o Sorority. Marami nang mga estudyante ang namamatay dulot ng hesing. Subalit kung hinihigpitan ng pamahalaan ang pagpapatupad nito, maaaring walang aksidenteng mangyayari sa mga kabataan. Umaasa ang karamihan sa mga mamamayan na matitigil na ang karahasan at magsilbing babala ang mga nangyayari sa mga nabiktimang mga kabataan. Sa kabilang dako, inaprubahan sa Senado noong ika-12 ng Pebrero, 2018 ang panukalang batas na tuluyang magbabawal sa hesing bilang prerequisite sa mga nais maging miyembro ng fraternity, sorority, o organisasyon. Lusot ang Senate Bill No. 1662 o Anti-Hazing Act of 2018, na sususog sa umiiral na Republic Act No. 8049 na nagre-regulate o naglilimita lamang sa hesing.

Ayon sa biktimang si Larissa Coleen Alilio, na anak ng isang mayor sa Batangas, pinalo siya ng 50 beses at pinatakan ng kandila ang kanyang likod. Sinabunutan din umano siya at sinampal ng mga suspek at binantaan siyang papatayin kapag umayaw o mag-backout sa sorority. Isinasagawa ang hesing dahil ito’y nakapagpabago sa pagkatao, dinidisiplina nito ang sarili at upang maging matapat sa pangkat. Ngunit bakit sa kabila nito ay may ilang kabataan ang nasasangkot sa gulo na minsa’y ikinapahamak ng mga inosente? Kung ang pangunahing dahilan lamang sa pagbuo ng kapatiran ay isang bahagi ng paghubog ng iyong personalidad, dapat nilang malaman na kulang sila sa ispiritwal na aspeto. Ang pananakit at pagpatay sa kapwa ay isang kasalanan. Katunayan, pabor si Pangulong Duterte sa Anti-Hazing Law ngunit patuloy pa rin ang dahas lalo pa’t naibalita na ang Philippine Military Academy (PMA) ay patuloy na nagsasagawa nito. Tiyak na walang kahihinatnan ang batas kung lalo pa silang maging agresibo. Subalit kung sa PMA ay may nangyayaring hesing, paano na sa ibang eskwelahan o institusyon? Hindi biro ang sumali sa isang Fraternity o Sorority dahil kung ika’y lalabag sa mga alituntunin nila siguradong kamatayan lamang ang iyong mahahantungan.

J-nelle Avila Punong Patnugot Celine Cabrera Pangalawang Patnugot Sean Caballero Tagapangasiwang Patnugot Eunice Tajonera Balita

Siglaw Ang

patnugutan

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Jacinto P. Elpa National High School Tomo XXIX, Blg. I | Hunyo – Disyembre 2019

Boses ng Kabataan, Pwersa at Paninindigan Ang Siglaw 2019–2020

Philip Molina, Drethelane Pacon Editoryal Beverly Pantohan Lathalain

Ang masaklap pa rito ay hindi malaman kung nakamit ba ng mga biktima ang katarungan sa sinapit nito.

“I’m asking our mambabatas natin maybe include hazing as a heinous crime already. Patuloy na dinidisregard siya eh, maybe kailangan nang gawing heinous siya. Maybe it will deter,” sabi ni Carmina Castillo, ina ni Horacio sa isang panayam sa DZMM. Kasuklam-suklam ang pagkamatay ni Castillo dahil sa dami ng mga palo sa katawan na ibinigay sa kanya ng mga bro niya sa Aegis Juris Fraternity. Ngunit naging daan ito upang magkaroon ng Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law. Ilan sa mga ka-bro ni Castillo ay nakakulong na. “The penalty is also life imprisonment,” nabanggit ni dating gobernador ng Laguna na si Joey Lina sa isang panayam ukol sa kaparusahan na maaaring matanggap ng mga sangkot sa hesing.

P

atuloy na tumataas ang bilang ng mga biktima ng hesing at isa ito sa mga problema na hindi pa nalulutas hanggang ngayon. Sa kabila ng Anti-Hazing Law na naging batas noong 1995 bunsod ng dumaraming bilang ng mga namamatay sa hazing rites ng mga fraternity sa unibersidad, hindi pa rin matigil-tigil ang kalakarang ito. Isa itong batas na naglalayong maiayos ang pagkilos ng hesing at pasimulan ang mga pagsaway ng Fraternities at Sororities sa bansa. Patuloy ang tradisyon nito at inasahan noon na huling biktima na ang law student ng University of Santo Tomas na si Horacio “Atio” Castillo III na namatay noong 2017.

Nathaniel Morse, Gilrose Ramos, Sheena Clamaña, Leila Andam, Trisha Espadero, Pauline Buniel, Florent Medellin Kontributors Ngwee Pacate Sirkulasyon Rissa E. Lureñana Tagapayo, Ang Siglaw Ethyl G. Mozar Tagaugnay Dr. Perla F. Naranjo, Ed.D. Punongguro

Miles Mejor Agham at Teknolohiya Lorenz Blasquez, Anthony Morse Isports Ben Butad Dibuhista Ralph Caseñas Potograpo

DIBUHO • Ben Butad


OPINYON 06

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

BALAKID Punto de Bista

J-nelle Avila

A

linsunod sa Memorandum Circular No. 121-2019 ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang kasalukuyang State of the Nation Address (SONA), na kinakailanganan bawiin ang karapatan ng pampublikong daanan na ginagamit na pribadong pagmamay-ari ng mamamayan sa halip lalagyan ng mga pangalan ng kalye at ilaw. Napipilitan ng ginagawa ng mga kinauukulan ang mandato ng pamahalaan ayon sa utos ng pangulo, giba dito, giba doon. Natapos na ang palugit ng gobyerno sa taumbayan dahil bago ang paggiba inabisuhan na ang mga mamamayan ngunit ayaw pa ring kumilos. Habang ako’y nagmamasid sa barangay na aking kinabibilangan,

may mga taong napipilitan lamang na tanggalin ang mga bagay na lumampas sa 1.5 cm at may mga tao rin na masaya dahil ayon sa kanila, “magiging maaliwalas sa mata” ang paligid. Matatagpuan sa Pimentel Street, Barangay Telaje, nakatira si Maila Montero, na apektado rin sa Road Clearing Operations ng gobyerno. Napipilitan siyang tanggalin ang mga nakaharang na mga tanim sa daan. “Sinabihan po kami na puputulin ang mga halaman sa harap ng bahay dahil sa 1.5 cm na sukat mula sa kalsada, kapag utos ng gobyerno, wala na kaming magagawa kundi sumunod nalang,” sabi ni Maila. Sa gitna ng pagmamasid, nakita namin ang mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan, mga chairman nito at ang kapitan ng barangay. Sa pahayag ni SK Chairman ng Barangay Telaje na si Emmanuel Umali, “ito’y

Ito ang katotohanan, kapag may mga pagbabago, hindi lahat umaayon, may kumokontra.

hindi proyekto ng barangay kundi proyekto ng nasyunal.” Ayon sa kanya, may hinahabol pa silang deadline na kinakailangang matapos ang paglilinis sa loob lamang ng tatlong araw. Sa katunayan, ang mga programang ito ay nakakagambala sa gobyerno dahil talagang gagasto ito ng malaki para sa mga kagamitan na kinakailangan upang mapadali ang operasyon. Kung gagasto, ibig sabihin ay mababawasan ang budget ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Sa budget na P170,763,866,000.00, posibleng malaking porsyento rito ang roadclearing operations. Sa kamaynilaan, makikita nating ang luwang na ng Quiapo, Baclaran, mga kalye na dati ay siksikan sa dami ng tao. Sana, tuloy-tuloy na ang ganitong sistema. Paano kung sa kalauna'y, babalik

din ang mga nakagawian na ng mga mamamayan? Oo nga't nangyaring may mga bumalik at nagtitinda ngunit hindi sila ligtas sa kamay ng mga kapulisan o mga tanod ng bayan na nagroronda. Nahuhuli at pinagmumulta pa sila. Samakatuwid, talagang pinaiigting ng pamahalaan ang kanilang kautusan. Hindi rin maiiwasang may mga nagagalit ngunit marami ring ang mga sumang-ayon dito. Katunayan, dito sa aming bayan, mapapansin mong lumawak ang mga kalye at kalsada. Hindi na masikip ang daanan dahil nahawanan na ito ng mga balakid. Ito ang katotohanan, kapag may mga pagbabago, hindi lahat umaayon, may kumokontra. Ngunit nakita naman natin ang naging bunga nito na mas kapaki-pakinabang sa taumbayan.

Kamuwangan sa mundo PANANAW

GABAY: Mga pook na pinamumugaran ng mga batang prostityut

Ben Butad

T

ahanan. Ito ang pundasyon ng pagmamahalan. Isang lugar na malayang makapagpapahayag ng saloobin ang bawat kasapi. Mahalaga sa tao ang pamilya, sa isang pamilya, mahalaga ang tahanan. Wika nga, ang magulang ang unang guro ng isang paslit bago pa ang guro sa paaralan. Umaagapay sila hanggang sa paglaki nito. Ngunit ‘di maikakailang, may mga magulang pa mismo ang nagtutulak sa mga bata nila na gawin ang mga bagay na hindi nararapat sa kanilang edad. Mga malalaswang larawan, pagtatalik ng mga magkapatid, magpinsan, at pagbubugaw sa mga dayuhan para lamang sa madaling kita ng salapi. Sa tala ng Inter-Agency Council Against Child Pornography (IACACP), ang lawak ng pornograpiya ng bata sa bansa ay hindi matukoy ngunit ang Pilipinas ay kabilang sa nangungunang 10 mga bansa na gumagawa ng naturang gawain sa mundo. Hindi bababa sa isa sa limang batang Pilipino na may edad 13 hanggang 17 taong gulang ang naguulat ng aktwal na pang-aabusong sekswal o kaya’y sa online.

Maraming matutunan ang mga bata sa kanilang mga unang taon — matututo silang gumalang, makita ang pagkakakaiba ng tama mula sa mali at kung paano makikitutungo sa kapwa. Pero, kung ang mga magulang na mismo ang nagsasamantala sa mga bata, paano matutunan ng kabataan ang mga pangunahing saloobin kung sila'y nailalantad na sa kalaswaan? Sa kabilang dako, inilunsad ang SaferKidsPH, na pinamamahalaan ng Australyanong gobyerno, na nais itaas ang kamalayan ng mga Pilipino laban sa Online Child Exploitation and Pornography sa Pilipinas. Layunin nitong maging alerto at may kaalaman ang mga mamamayan para makatulong na masugpo ang ganitong kalakaran. Sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 9775, maaaring makukulong ang mga nasa likod ng mga ginagawa at magbabayad sila ng hindi bababa sa isang milyong piso pero hindi lalagpas sa dalawang milyong piso sa unang pagkakasala. Kahit ang mga nasa likod nito’y mapupunta sa kulungan, paano na ang bata? Bitbit niya ang mga alaalang mapapait na hindi makakabuti sa kanyang paglaki. Magkakaroon ng lamat ang murang damdamin nito, maaaring mapariwara na ng

tuluyan dahil sa kanyang sinapit na hindi kanais-nais na sanay hinubog at pinuno ng pagkalinga at pagmamahal ng mga taong nagbigay buhay sa kanya. Samantala, ang pamilya ang siyang kanlungan at humuhubog sa personalidad ng bata. Ito rin ang unang tinatakbuhan sakaling may mga madilim na mga bagay na nais natin ipaalam sa kanila. Kailangan ang paglingap ng mga magulang sa kanilang mga anak sapagkat sila ang tanging masasandalan sa oras ng kagipitan. Isa rin sa dapat pagtuunan ng pansin ang mga magulang. Kamangmangan o kakulangan sa edukasyon ay maaaring sanhi ng kanilang ginawang kabalbalan. Maaari ring mga gahaman lang talaga sa pera kaya hindi inisip ang kapakanan ng kanilang mga anak. Halimbawa na lamang kung may isang taong kakausap sa magulang at pangakuan ng maganda, maayos na buhay ang kanilang anak, igogroom baga, dahil sa kahirapan, papayag agad sila. Hindi nila alam na kapahamakan ang dulot nito sa kalaunan. Kung pamilya na mismo ang pumipilit na kumilos ng mga bagay na hindi dapat ginagawa sa murang edad, paano na ang moralidad at ang kinabukasan nila? Paano na ang tinaguriang “Pag-asa ng Bayan?”

Inpograpiks

Mga batang inabuso sa Pilipinas • Siyam sa sampung mga 'kustomer' ay mga batang Pilipinong prostityut • Nagsisilbing turismo ng mga Lungsod ng Angeles, Pasay City, Sabang, Puerto Galera, Boracay, at Cebu City ang mga batang prostityut • Isa sa may pinakamalaking kita sa industriya ng 'Child Pornography' ang Pilipinas na umabot sa mahigit $1,000,000,000 USD sa isang taon Pinagkunan: Philippines – Country Monitoring Report, 2nd Edition www.ecpat.net Dibuho't disenyo ni: Sean Caballero


ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

07

OPINYON

Mahalin ang buhay TUDLA

Philip Molina

A

raw-araw, may mga taong binabawian ng buhay. Ngunit, hindi lahat ng namamatay, mapayapa ang proseso. Isa ang Pilipinas sa mga bansa na may mataas na bilang ng mamamayang may sariling baril, maging ito man ay lisensyado o hindi. Hindi na mabilang ang mga namamatay sa pamamaril. Ang suliraning ito ay hindi lamang laban ng gobyerno, kundi laban ng lahat. Ayon sa ulat ng GunPolicy.org sa pamamalakad ng Unibersidad ng Sydney, umabot sa 2,666,418 ang mga Pilipino na nagmamay-ari ng baril kumpara sa mga nanunungkulan sa gobyerno na tinatayang may noong 593,743 nagmamay-ari. Ang pangunahing dahilan ng tao ay para sa kanilang kaligtasan. Hindi na mabilang ang mga halang ang kaluluwa na pumapasok ng mga bahay kaya kailangan daw ng pananggalang — ang baril.

Sa panahon ng panunugkulan ni Pangulong Ninoy Aquino, nilagdaan niya ang Batas Republika Blg. 10591 na dapat may lisensya ang mga armas. Ang kabiguan sa pagrenew ng lisensya ay pwedeng kumpiskahin ng pamahalaan. Ngunit, kahit ito ay nalagdaan na ay patuloy pa rin ang pagtaas ng krimen sa bansa. Hindi kinakailangan na magkaroon ng baril ang kahit sino mang Pilipino. Tumataas na ang bilang ng mga namamatay dahil sa pamamaril. Noong ika-21 ng Oktubre ay namatay sa pamamaril ang biktimang si Jon Ross Delos Santos o mas kilala bilang FlipTop Rapper LilJohn. Ulat ng mga pulis, nakaupo lamang ang rapper sa tapat ng tindahan nang barilin ito sa ulo. Sa ganitong nakakabahalang balita, masasabi natin na hindi dapat humahawak ng baril ang Pilipino kung ito lamang ay ginagamit sa karahasan.

Ayon nga sa ikalimang utos ng Diyos, "huwag kang papatay."

PUNDASYON

Ang pangkalahatang kahulugan ng karahasan ayon sa MerriamWebster ay “isang aparato na nagtatapon ng isang panudla.” Ang ilang mga indibidwal ay maaaring gumamit ng baril upang pumatay — isang killer-for-hire o isang terorista, halimbawa. Pero, ginagamit ito ng karamihan sa ibang layunin: upang matiyak ang kaligtasan sa kanilang sarili o pagtatanggol sa sarili; upang ipagtanggol ang iba laban sa mga kriminal, o kahit na protektahan ang kanilang pag-aari o pag-aari ng kanilang mga kustomer. Pero, hindi maiiwasan ang mga taong pakay ay pagpatay. Noong ika17 ng Oktubre sa Tanabog, Tandag City, Surigao del Sur ay isa sa mga pumanaw si Janeth Cometa Leprano na nakatira sa Tago, Surigao del Sur. Nasa tindahan umano ang biktima ng ito’y barilin sa ulo. Hindi pa rin natukoy kung ano ang pakay ng bumaril sa kanya. Biyaya ng Diyos ang buhay sa atin. Ayon nga sa ikalimang

na utos ng Panginoon na “huwag pumatay.” Dahil ang Diyos ang nagbigay, siya rin lamang dapat ang may karapatang bumawi nito. Kaya nararapat na pahalagahan ng bawat isa ang buhay na ipinahiram lamang sa atin. Bakit kinakailangan pang pumatay kung ang mga problema ay madadala lamang sa pag-uusap? Bakit kinakailangan pang barilin ang mga pinag-iinitang tao kung ang mga hindi pinagkasunduang mga bagay ay pwedeng masolusyonan? Hindi pa ba sapat ang utos ng Diyos upang maiwasan na ang pagpatay? Hindi dapat tinatapos ang isang pagtatalo sa problema ng paghila ng gatilyo. Isa sa mga suliranin sa bansa natin ang pamamaril na ikinamatay ng maraming Pilipino. Kinakailangan na ng gobyerno na higpitan ang gun ban. Hindi lamang ito nakakatutulong sa marami, ito rin ay magiging solusyon upang wakasan na ang karahasan.

Punto por Punto

Drethelane Pacon

E

dukasyon ang pinakamahalagang salik sa pagbuo ng isang indibidwal pati na rin sa isang bansa. Ang mga mag-aaral ay naimpluwensyahan ng kanilang kaalaman sa pagharap ng anumang problema sa buhay. Kahit na magkaroon ng kamalayan sa lipunan ng pangangailangan para sa edukasyong panlahat, ang porsyento ng edukasyon ay hindi pa rin pareho sa ibang bansa na may malaking pondo ang inilaan para rito. Hindi maitatanggi na mahirap ang buhay estudyante. Masyadong maraming gawain at mga proyektong kailangan maipasa sa takdang oras. Ngunit kahit gaano karaming beses man tayo magreklamo, kailangan pa rin natin magsipag at magtiyaga para makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Kakapusan sa pangangailangan sa paaralan ang isa sa mga problema ng bawat estudyante. Karaniwan ang mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ginagawa ang aktibidad sa paaralan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga impormasyon sa internet at ang paggamit ng mga gadget. Medyo kumplikado kung kulang ka sa mga kagamitan dahil kagaya ng mga aktibidad na kailangang gawin sa pamamagitan ng paggamit ng laptop ay maaaring maging mahirap kung wala ka nito. Kung ako ang tatanungin, kung ano nga ba ang buhay bilang isang mag-aaral, sasagutin ko ito batay din sa aking naging karanasan. Bilang isang estudyante masasabi kong mahirap at masaya ang yugtong ito. May mga panahong sunod-sunod ang mga gawain o proyektong ibinigay ng mga guro sa iba’t ibang asignatura na kailangang gawin para magkaroon ng mataas na marka at ‘di mapagalitan ng guro. Mahirap sapagkat mararanasan mong hindi matulog ng ilang gabi dahil sa sandamakmak na mga gawain. Kung lubos na maiintidihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan ang mga karaniwang s u l i r a n i n g hinaharap ng kabataan. Sa

Disenyo ni: Sean Caballero

40%

TVE

pamamagitan din ng edukasyon, kamangmangan at paliwanagan lumalago ang karunungan ng tao at tayo ng kaalaman. hindi lamang limitado sa akademiko. Sabi nga ng ating Nagbibigay ito ng isang pambansang bayaning dimensyong intelektwal sa ating si Dr. Jose Rizal, “Ang pag-iisip. Ginagawa nitong mas karunungan ay wala sa lohikal at makatwiran ang aming isang bayan lamang, desisyon. kahit saan mayroong Ginagawa din ng edukasyon matatalino gaya ang isang indibidwal na magsarili ng ilaw at nagpapabuti sa kanyang hangin, ito’y pamumuhay sa pamamagitan pamana sa Inpograpiks ng pagtulong sa kanya upang lahat.” makakuha ng mas mahusay na kabuhayan para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. ng mga Ang edukasyon ay hindi lamang nakakatulong upang makamit ang mag-aaral tagumpay sa isang indibidwal na na may antas ngunit nagdaragdag din ito sa paglago ng ekonomiya ng isang bansa. Tumutulong ito upang makabuo ng mas mahusay na mamamayan, mas mahusay kagaya ng laptop, printer, atbp. na lipunan at isang mas mahusay na bansa sa bawat kurikulum sa pamamagitan ng paaralan ng paglabas sa *batay sa ginawang pagsusuri sa 55 estudyante amin mula sa sa iba't ibang kurikulum ng JPENHS kadiliman ng

Bahagdan

kompletong kagamitan

Perspektibo

Tinig ng Kabataan Nagsagawa ng sarbey ang pangkat ng Ang Siglaw sa 1,782 estudyante ng Jacinto P. Elpa National High School tungkol sa mga sumusunod na isyu sa kasalukuyan.

Sang-ayon ba kayo na dito gaganapin ang RISA 2019 sa Tandag City?

77%

o 1,372 mga estudyante ang sang-ayon vs. 23% o 410 mga estudyante ang hindi sang-ayon

Sulat para sa Editor

55%

SPJ

65% SPA

80%

BEC

85%

STE

Naiintindihan ko po kung gaano kahigpit ang mga patakaran ng paaralan pagdating sa mga basura ngunit hindi ko malaman kung bakit wala nang natitirang basurahan sa bawat silid-aralan? Para ba ito sa kalinisan o sadyang ‘parusa’ lamang ito sa mga estudyante upang maging responsable sa pagtapon ng basura? Hindi ko po alam ang tunay na dahilan kung bakit kinuha ang lahat ng mga basurahan subalit kami pong mga estudyante ay nahihirapan na kung saan itatapon ang aming mga kalat.

— Ylijah Luengas, IX-Meyer


TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL

LATHALAIN

08

Ben Henrich D.

Butad

MAPANURI

ELPANIA

N

MAALAM

Indak ng mga dakila

Mapangatwiran Masintahin Matulungin

Talento

Sean Caballero

H

ataw. Sayaw. Itodo mo hanggang sa dulo ng kanta, hanggang sa mapalitan ng kasiyahan ang iyong nararamdaman na kapaguran. Hindi tayo nalilimita sa paggawa lamang ng isang bagay dahil iyon ang inatasang gawin natin, hindi lamang nasa loob ng apat na pader ang ating kakayahan.

Hindi biro ang maging isang guro sapagkat nangangailangan ito ng mahabang pasensya, sapat na lakas, at matinding kaalaman. Subalit hindi lamang dito nagtatapos ang kahusayan ng ating mga dakilang guro, ang mga tagapaghubog at tagapaghasa ng ating utak at moralidad patungo sa napakagandang kinabukasan. Nagkaroon ng programa ang Kagawaran ng Edukasyon sa siyudad ng Tandag, bukod sa paggunita ng pista ay nabigyan ng panahon ang mga guro na ipamalas ang kanilang husay sa labas ng silid-aralan. Mula sa iba’t ibang skwelahan sa iba’t ibang bahagi ng City of Tandag, ang mga guro ay hinikayat na magtipon-tipon sa Tandag City Gymnasium kung saan gaganapin ang naturang programa para sa pagdiriwang ng kapistahan, ikasiyam ng Setyembre ngayong taon. Mayroong samu’t saring paligsahan at aliwan sa programa at isa na rito ang Painsayaw, ang kompetisyong nagpapakita ng kakayahan at talento ng mga guro. Ipinapakita lamang nito na hindi lamang magaling ang mga guro sa pagtuturo sa ating ng mga

leksyon kung hindi ay magaling din sila sa ibang aspeto ng buhay. Ipinapakitang mayroon din silang talento sa pag-indayog sa kumpas at ritmo ng musika na siya rin sinasabayan ng malalakas na paghiyaw ng mga manonood. “Nakakatuwang panoorin na ang itinuturi nating mga superhero sa edukasyon ay superhero din sa iba pang parte ng ating buhay tulad ng pagsasayaw na siyang ipinamalas nila sa pamamagitan ng pagsali sa Painsayaw. Syempre nakakataba rin ng puso dahil nakikita namin ang kasiyahan sa kanilang mga ngiti habang ginagawa nila ang kanilang pagganap,” pahayag ni Trisha Lurtcha na isang estudyanteng dumalo para sumuporta sa kanilang guro na kasali sa paligsahan. Matapos man ang pagganap, hinding-hindi matatapos ang kanta ng pagiging isang matagumpay, mapagmahal, mapagkalinga, at higit sa lahat talentadong guro. Sa katunayan ay hindi talaga magiging sapat ang mga pasalitang pagpapasalamat ng kabataan sa inyong mga isinakripisyo para lamang mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Kampus

ANATO

NG ISANG E

Beverly

H

indi maipagkakailang namumukod-tangi ang isang Elpanian, nasa kalagitnaan man ng napakaraming ta katangian na bumubuo sa kaniya. Naroon ang pagiging mahusay sa pag-iisip, pagsisiyasat, pagtatanggol s mahalaga kung ano ang kaniyang pisikal na kaanyuan, sa halip ay ang kung ano ang kanyang espirituwal n

Maalam

Mapanuri

Mapangatwiran

Kung hindi dahil sa mga guro ng Jacinto P. Elpa National High School, ang kaalamang ito ay hindi makakamtan ng mag-aaral. Buhat na rin ng mahusay na paghubog sa isang Elpanian ay nararating ang ilang mga lugar dahil sa pagsali sa mga patimpalak katulad na lamang ng National Schools Press Conference 2019 sa Lingayen, Pangasinan kung saan ipinakita nila ang kanilang kahusayan sa mundo ng pamamahayag at World Invention Creativity Olympics naman sa Seoul, South Korea na ipinamalas din ang galing sa Siyensya at Teknolohiya.

Bago pa man buksan ng isang Elpanian ang kaniyang labi, sinisigurado at binabalanse niya muna nang maigi ang mga bagay at ang mga salitang lalabas sa kaniyang bibig. Nag-oobserba at nagsisiyasat ng pawang katotohanan lamang. Karamihan sa mga Elpanian ay nakakatanaw ng kabutihan sa lahat ng bagay, nakakatanaw ng pag-asa at oportunidad sa bawat suliranin na kaniyang kinakaharap. Higit sa lahat, nakikita niya ang buhay na parang isang napakagandang hardin, isang lugar kung saan mapapaunlad at mapapaigting niya ang kaniyang sarili.

“Sumasagot ka n respeto,” ito lang nam sinasabi kapag ang isa a Tunay ngang map ilang Elpanian su puntong nawawalan ipinagtatanggol ang laban sa mga bagay na naman talaga tama. Sa ng paglunsad ng Deba nito ang pag-iisip mga estudyante hingg panlipunan; nasasanay harapin at ipaglaban ang mga balakid ng bu

wik: KALuluwa ng bansa

M

ay tatlong magkakaibigan, sina Maria, Pedro, at Juan. Patuloy lang silang naglalakad kahit hindi nila alam ang kanilang patutunguhan. Naglak hanggang makarating sa daang lubak-lubak. Umatras agad si Pedro at naghanap ng daang sementado sapagkat nasanay at mas kumportable s Juan at Maria, hanggang sa makarating sila sa sirang tulay. Agad na tumalikod si Juan dahil akala niya ay wala ng daan papunta sa kabilang dulo nagpatuloy kahit siya lang mag-isa. Dahil sa pagiging purisigido, nakarating siya sa isang lugar na tanging siya lang ang nakakita.

Sa una’y parang walang saysay itong kwento ngunit may malalim itong sinisimbolo. Unahin natin si Pedro at ang daang lubak-lubak. Hinanap niya ang daang sementado dahil nasanay at kumportable siya rito. Ang daang lubak-lubak ay ang mga wikang hindi niya alam at ang daang sementado ay ang wikang tagalog na kanyang nakasanayan. Masyado siyang takot makatanggap ng bago kung kaya’y

hindi niya narrating ang dulo. Dumako tayo kay Juan at sa tulay na naputol. Ang tulay na naputol ay ang mga wikang hindi nila pa lubusang nakikilala. Bagamat dumaan siya sa lubak-lubak at tinanggap na ang wikang bago sa pananaw niya, kulang pa siya sa kapursigihang matuto ng bago. At sa huli, si Maria. Pinagdaanan niya ang lahat kung kaya’y nakarating siya sa dulo. May tatlong lebel ang kanilang paglalakbay. Una, ang daang lubak-lubak o

ang lebel ng pagtanggap. Sumunod dito, ang tulay na naputol o ang kanaisang matuto. At ang huli at pinakamahalaga sa lahat, ang pagdating sa dulo o ang pagkamit ng pagiging isang bansa. Kailangan natin ang bawat isa upang tayo ay umunlad. Gaya doon sa huli na ang tulay ay nasira kung kaya’t ang magkabilang dako ay nahiwalay sa isa’t-isa. Ang tanging solusyon upang maisara ang agwat sa pagitan natin ay ang pagtanggap. Parehong kailangang tanggapin ang wikang Filipino

at Katutubo, hindi maa dalawa. Lahat ng paglal patutunguhan ngunit umaabot sa katapusan. Pilipino — si Maria, Jua lahat gumaya kay Maria sapagkat kapag tayong l nais nating patunguhan ang pagiging isang bans ikaw ang tatanungin ko, Maria, Juan, o Pedro?


ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

09

LATHALAIN

PAMANA NG NAUNA Tankilikin at pagyabungin!

Lorenz Blasquez

M

ga nagagandahang palamuti na nakadisenyo sa loob at labas ng bawat tahanan, mga nagsasarapang mga pagkaing inihahanda ng bawat pamilya, lahat ay tila balisa sa pagiging abala gayunpaman, ay makikita mo ang kasiyahan sa kanilang kuminikinang na mga mata.

Bago pa man dumating ang mga Kastila ay nakasanayan na at naging kultura na ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng pista bago pa man dumating ang mga Kastila. Isinasagawa ito bilang pagalala sa mga Diyos at Diyosa ng kalikasan at espiritu ng kaniya-kaniyang mga lungsod at pagpapasalamat sa mga masaganang aning kanilang nakamtan. Iilan sa mga kilalang pista sa ating bansa ay ang Sinulog ng Cebu, Kadayawan ng Davao, Panagbenga ng Baguio, Dinagyang ng Iloilo, at Ati-atihan ng Aklan. Ang mga ito’y may pinaghalo na pagdiriwang ng kultura at pagkatatag ng bayan upang mas maiangat ang lokal na turismo. Dahil sa layuning ito, mas nakikilala ang isang pamayanan sa isang pangalang nagmamarka sa mga lokal at dayuhang turista at naprepreserba ang pamana ng nakaraan. Matatagpuan ang munting bayan, sa dakong Hilagang-silangan ng Mindanao, sa probinsya ng Surigao del Sur na kung tawagin ay Tandag. Ang pangalan ng bayan ay halaw sa lokal na tanim na Tanglad. Ang Tandag ay napapalibutan ng mga dagat ngunit sagana rin sa lupang pansaka kung kaya’t pangingisda at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Tandaganon. Mula dito, nabuo ang kasiyahang nagpapakita ng pagsasamba ng mga ninuno sa mga puno at kalikasan at pagpapasalamat sa biyaya ng mga Diwata – ang Sangkaan Festival. Bukod pa rito ay naipapakita rin sa Sangkaan ang paraan ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating lugar. Taong 2004, sinimulang isagawa ang nabuong konsepto ng Sangkaan na nagmula sa salitang “sangka” na ang ibig sabihin ay “fight” sa wikang Ingles. Na kung saan ay nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Pilipino at Kastila dahil sa napagtanto ng mga netibo na ginamit lang ng mga dayuhan ang relihiyon sa totoong pakay nila na siyang ang kamkamin ang mga kayamanan ng bayan. Tulad ng ibang pagdiriwang, pinupuno ang Sangkaan ng mga kasiyahan at programang nagbibigay ng halaga sa kulturang kinagisnan ng mga mamamayan, naghuhubog ng talento sa mga kabataan mag-aaral at nagdudulot ng kasiyahan mula sa pinakabata hanggang s Ekspres pinakamatandang taong nanonood sa Tandag. Para kay Reez Lozada, isang mag-aaral ng JPENHS, “Kung ikukumpara ang Sangkaan sa ibang tanyag na festival, parang walang-wala pa ito sa kalingkingan ng festival ng ibang bayan”. Ayon kay Hon. Roxanne Pimentel, kasalukuyang Mayor ng Tandag, “Bago pa lamang ang Sangkaan kaya hindi pa ito masyadong sikat sa mga turista,” Layunin ng mga Tandaganon na maipakita sa buong Pilipinas at maipakilala ang munting tradisyon nila. “Soon, Sangkaan will be well known to others. When they hear about Tandag, they will remember our festival dance and would be hype to remember how amazing it is,” dagdag pa ni Pimentel. Naging parte na sa buhay ng bawat Pilipino ang pista. Ito ang kaluluwa ng isang bayan dahil ipinapakita nito ang kanilang pagkakakilanlan, y Pantohan tradisyon at kultura. At sa patuloy na pagganap ng Sangkaan taon taon, nagmamarka ang kakaibang uri ng pagkakaisa at pagmamahalan na balang ao o kaya ay mag-isa lamang kaya naman maaaring ninanais mong malaman kung ano nga ba talaga ang mga araw ay siyang magiging rason ng pagdami ng turistang magiging saksi at sa sarili at lipunan, pakikisama sa kapwa, at pagiging isang mapagkakatiwalaan at maaasahang nilalang. Hindi makararanas ng saya na handog ng mumunting pamanang tradisyon ng na kaanyuan. Narito na ang ilan lamang sa mga bumubuo sa isang Elpanian: Tandag sa susunod pang salinlahi, ang Sangkaan.

OMIYA

na, wala ka nang man ang madalas na ay nangangatwiran. pangatwiran ang ubalit hindi sa ng galang habang kaniyang sarili a alam niyang hindi a pamamagitan din ate Club, nahahasa at pananalita ng gil sa mga isyung y nito kung papaano ng isang Elpanian uhay.

Miles Mejor

kad sila ng diretso siya dito. Natira si o. Pero si Maria ay

aaring isa lang sa

lakbay ay may hindi lahat ay May tatlong uri ng an, at Pedro. Sana’y a na umabot sa dulo lahat ay umabot sa n, makakamit natin sang Pilipino. Kung sino ka sa tatlo — si

Masintahin

Matulungin

Hindi lamang mayaman sa kaalaman ang isang Elpanian, sa katunayan ay mayroon din itong pusong ginto. Ang puso ang pinakaimportante sa mga Elpanian sapagkat ito ang natatanging katibayan kung ano talaga ang ating pagkatao. Maaaring ang mga ideya ay nanggaling sa utak subalit sa puso nanggagaling ang paggawa at pagpuna sa mga kabutihang asal na ating ginagawa. Mapa-ekolohikal man o sosyolohikal, ang puso ng isang Elpanian ay laging nariyan. Kagaya na lamang ng pagpapatupad ng General Cleaning ng dalawang beses sa isang buwan, paglilinis ng kani-kanilang silidaralan araw-araw, at paglagay ng mga basura sa tamang lalagyan.

Kahit sa anong oras, laging handang tumulong ang isang Elpanian. Mga kamay na naglalayong makapagbigay ng kalinga, pansin, pagmamahal, at tulong. Likas na sa mga Elpanian ang pagiging mapagbigay, sa katunayan nga ay tuwing may nasasalanta ng bagyo o kaya ay nasunog ang kanilang tahanan, handa silang ilahad ang kanilang mga palad. Lahat ay nagtutulungan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga lumang damit na maayos pa at de-latang pagkain. Sabi pa nga sa isang kataga, “ang mabigat ay gumagaan kapag ito ay pinagtutulungan.”

qr code

ELPANIAN

Sundan ang aming pahayagan para sa mga nagbabagang balita ngayon! Maging mulat, makibahagi, at makibaka sa Boses ng Kabataan. Pwersa at Panindigan!

Siglaw Ang

Boses ng Kabataan, Pwersa at Paninindigan

NAUUSONG TRIP:

WALANG BASAGAN NG BUNGO Celine Cabrera

H

indi natin hawak ang oras. Kung kaya’t hindi natin alam kung hanggang saan lamang tayo hihinto. Maliban na lamang sa mga mahilig magmadali at hindi takot sa mga maaari niyang kahinatnan. Huwag kasing basagin ang trip, ika nga; halatang hindi nababahalang mabasag ang ulo.

Panukala

Nitong unang araw pa lamang ng Agosto ay agad nang ipinatupad ni Tandag City Mayor Roxanne C. Pimental ang ‘No Helmet, No Ride’ bilang isang Ordinansang Panglungsod sa kalungsuran ng Tandag. Naglalayon ang ordinansang inemplementa na mas lalong paigtingin ang seguridad ng mga mamamayang nagmomotorsiklo sa lugar at maibsan ang pinsala dahil sa aksidente. Bagkus, unang araw pa lang ay mahigit 50 ka tao na ang nahuli dahil sa paglabag, karamihan pa sa kanila ay mga binatilyo.

Prayoridad Tinututukan din ng maigi ni Hon. Roxanne C. Pimentel ang mga residenteng kadalasang nagmomotorsiklo nang walang lisensiya at lalo na ang mga hindi nagsusuot ng helmet o kung ano pang kagamitan na pumoprotekta sa matinding pinsala ng pagkaaksidente. “Our Mayor, Roxanne Pimentel, prioritizes those riders who fail to wear helmets because recently, there were many recorded accidents involving motorcycle which resulted to death,” LATHALAIN

10


LATHALAIN 10

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

Pahimakas

J-nelle Avila

Ben Butad

N

apapaisip ka rin ba minsan kung bakit mayroong mga taong kahit na hindi naman talaga sa kanila ang isang bagay ay para bang iniisip nilang kanila ito? At sa paglipas ng napakaraming araw, kapag dumating na ‘yung panahon na kakailanganin na itong gamitin ng tunay na nagmamay-ari ay tila bang pahirapan ang pagsauli nito. Nitong nakaraang buwan ng Hulyo 2019 ay masidhing binigyang diin ng Pangulo ang pagpapatupad ng Road Widening sa lahat ng lungsod sa buong Pilipinas. Layunin nito ang maresolba o matapos na ang problemang kinakaharap hinggil sa daloy ng trapiko nang sa gayon ay magkaroon tayo ng mas maganda at maayos na sistemang pantrapiko at maibalik ito sa mga mamamayan. “Reclaim the public roads that are being used for public ends,” ani Pangulong Duterte sa kaniyang State of the Nation Address o SONA na naganap noong ika-22 ng Hulyo 2019. Ayon pa sa kaniya, magbibigay siya ng 60 araw sa mga pamahalaang lokal sa lahat ng lugar dito sa ating bansa para simulan at tapusin itong Road Clearing Operation ng Department of Interior and Local Government (DILG) o ang paggiba ng mga pribadong imprastraktura. Kinakailangan na nga rin talagang maisakatuparan ang Road Widening Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para magkaroon na ng mas malawak na daan na isa sa mga solusyon para maging maayos na ang pagdaloy ng trapiko, maiwasan ang ilang aksidente, at magkaroon din ng daan na para lamang sa mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada. At dahil patuloy na ring dumarami ang bilang ng mga tao at ang mga gumagamit ng kanilang mga pribadong transportasyon. Bago pa man naglabas ng pahayag ang Pangulo patungkol sa isyu sa trapiko sa kaniyang State of the Nation Address ay mayroon na namang mga hakbang na ipinapapatupad sa batas trapiko pero hindi gaano binibigyang pansin ng ibang pamahalaang lokal kung kaya’t wala pa ring pagbabagong nakikita at mas hindi naging maayos ang daloy ng trapiko. Naglabas na rin ng Memorandum Circula 2019-121 pitong araw matapos ang SONA ni Pangulong Duterte, ito ang pangil na magsisilbi sa mga pinuno ng pamahalaang local ang kanilang bahagi sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko. “I urge all the local chief executives to step up to the challenge to become bold, committed, and decisive in doing what is right for the benefit of the many. Alam kong malaking hamon ito para sa inyo lalo na’t mga bagong halal pa lang kayo ngunit kailangan na natin itong bigyan ng pansin sa lalong madaling panahon,” pahayag ni DILG Sec. Eduardo Año sa isang press conference na naganap noong Hulyo 29, 2019. Bagama’t mayroong magagandang kalabasan ang proyektong ito, hindi talaga maiiwasan na walang maaapektuhan dito at mayroong mga taong iinit ang ulo dahil dito. Kagaya na lamang ng mga residente sa Pola, Oriental Mindoro. Marami sa kanila ang apektado at ‘yung iba nama’y nagagalit na sa pagpapatupad nitong Road Clearing Operations at Road Widening Project. “Isa lamang po ang nararapat nating gawin at ito ay ang sumunod sa kautusan ng pamunuan,” pahayag ni Hon. Jennifer “Ina Alegre” M. Cruz, ang mayor ng munisipalidad ng Pola, Oriental Mindoro. Ipinatawag niya kaagad ang mga residenteng apektado at ipinalaam sa kanila na ito ay utos ng National Government, Department of Interior and Local Government, at Department of Public Works and Highways. Nagpasalamat din siya sa pag-unawa ng mga mamamayan sa naturang sitwasyon. Gayunpaman, wala na rin namang magagawa ang mga mamamayan kapag ito’y kautusan na galing sa kataastaasang awtoridad lalo na’t pampubliko o para sa lahat ng tao ang lupang kanila nang tinitirahan. Kaya natural lang talagang may sang-ayon, hindi sang-ayon, o kaya’y tila ba walang reaksyon at susunod na ng agaran. Sinimulan na rin ng Lungsod ng Tandag ang pagpapatupad ng Road Clear at Widening nitong Setyembre 28 na pinamunuan ni Mayor Roxanne C. Pimentel at ng lokal na pamahalaan ng Tandag. “Ayos lang din naman para sa akin ang pagpapatupad ng Road Clearing at Widening sapagkat magiging mas malawak at maganda na ang mga kalsada dito sa Tandag City. Mainam ring ipatupad ang proyektong ito para naman may makitang pagasenso ang lungsod at maging ang lokal na pamahalaan,” saad ni Suzette Ajos, isa sa mga residente ng Lungsod ng Tandag. Bakas man sa mga mukha ng iilang mga mamamyan na hindi ito magiging madali para sa kanila, para sa ikabubuti rin naman ito nating lahat. Siguro nga ay ito na ‘yung sagot o solusyon sa problema natin sa batas trapiko. Sana nga ay maunawaan din ito ng iba pang mga mamamayan na apektado sa isinasagawang proyekto. At para naman sa mga kawani ng pamahalaang lokal, 60 araw lamang po ang inilaan ng Pangulo sa paglalansag kaya naman galaw galaw na!

Dibuho't disenyo nina: Leila Andam at Florent Medellin

“W

ala nang mas sasakit pa para sa isang ina na mawalan ng isang supling.” Taliwas ang pahayag na ito sapagkat mas masakit para sa isang inang walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang kaniyang mga anak at makitang ito pa mismo ang pumapatay sa kaniya. Gaya ng ibang kababaihan, isa rin akong ulirang ina na walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng aking mga anak. Medyo makukulit at pasaway ang aking mga anak, wala sigurong araw na hindi nila ako binibigyan ng sakit sa ulo. Gayunpaman, mahal na mahal ko silang lahat, higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili.

Lahat ng mga layaw nila ay aking sinusuportahan. Sinikap ko naman ibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan. Ginagawa ko naman ang lahat-lahat. Kaya hindi ko alam kung saang banda ako nagkulang. Ilang taon ko ng iniinda ang aking karamdaman. Araw-araw ay pahina nang pahina ang aking katawan, masakit ang aking lalamunan, hindi ko rin maigalaw ang aking braso’t mga paa, pati sa pagmulat ng aking mga mata ay hirap din, ang dating luntian kong balat ay naging kulay tsokolate na, hindi na rin matigil-tigil ang aking lagnat sa taas ng aking temperatura. Ilang taon na akong humihingi ng tulong sa kanila, ngunit wala ni isa sa pitong bilyon kong mga anak ang nagabalang pakinggan ang aking mga pakiusap na gamutin ako o kahit bigyan man lang ako ng isang basong tubig. Napakasakit dahil kung iisipin, sila rin naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Binigay ko kasi lahat-lahat, sila muna bago ako. Inakala nilang hindi nauubos ang kung anong meron ako kaya kuha lang sila ng kuha, putol lang sila ng putol, tapon lang sila ng tapon at ngayong ako’y unti-unting namamatay, wala silang ginagawa maliban sa manood. Napakasakit isiping wala man lang pakialam ang aking mga anak sa ina nila. Mahal na mahal ko ang aking mga anak.

Hindi kailanman mababawasan ang aking pagmamahal dahil sa ginagawa nila sakin ngayon. Ngunit ang inaalala ko lang ay kung wala na ako, saan sila titira? Saan sila maliligo, paano si kakain, paano sila hihinga? Kung wala na ako, paano ang mga anak ko? Ayaw kong dumating ang araw na sila ay magsisi. Ayaw kong makita silang nahihirapan at wala akong ibang magawa upang sila ay matulungan. Ngayon ay unti-unti ko na ngang nakikita ang aking kinatatakutan. Maraming hayop na ang nasa bingit ng pagkalipol. Painit nang painit na ang mundo at nahihilis na ang mga yelong tahanan ng iba’t ibang nilalang sa Norte na siyang dahilan upang tumaas ang tubig sa mga karagatan. Parami nang parami na rin ang mga bagyo at tila mas malalakas ng maminsala ang mga ito ngayon. Malapit na ang aking katapusan. Medyo napahaba yata ang pagdadrama ko, pasensiya na ha. Hindi pa pala ako nakapagpakilala sa’yo. Ako nga pala si Kalikasan. May isang pakiusap sana ako sa’yo bago mahuli ang lahat. Anak, maaari niyo ba akong tulungan?

IP: R T G N O S U U NA

S A A G B AN G N O G mula N A sa U pa L B hin A G a9

W N

Paglansag: Itama ang mali sa loob ng 60 araw

NG ISANG INA

pahayag ni Police Staff Sergeant Rolando L. Arpilleda Jr.

Aksidente

Kilala na ang lungsod ng Tandag sa pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga naitalang aksidente sa kalsada. Itong mga bilang din na ito ay siya ring nag-udyok sa pamahalaan ng lungsod na umaksiyon na kaagad at nang sa gayon ay mapigilan o kaya man lang ay mapahina ang mabilisang pagtaas ng numero ng mga naaaksidente at nahahantong sa kamatayan.

Parusa

Alam naman nating lahat na sa kahit anong pagsuway ang ating ginawa ay may karampatang konsikuwensya na matatanggap. Buhat ng mahigpit ng pagpapatupad sa panukalang ‘No Helmet, No Ride,’ kung sino man ang may balak na lumabag sa batas panglungsod ay pamumultahin. Tumataginting na 500 piso para sa pagmamaneho o pagmomotorsiklo nang walang suot na helmet. At kumikinang-kinang na 3,000 piso para sa pagmomotorsiklo nang walang helmet at wala ring lisensya. Dagdag pa ni Police Staff Sergeant Rolando L. Arpilleda Jr. na napakadali lamang mahuli ng mga estudyante o binatilyo dahil wala silang lisensiya. Bukod pa sa kawalan ng lisensiya, naitala rin na maraming estudyante ang naaksidente at nagtamo ng pinakamaraming pinsala sa ulo at hindi sa katawan. Ngayong nalaman mo na ang mga dapat mong malaman, ang mga kahihinatnan mo kapag ikaw ay sumuway at hindi nababahala, hahayan mo bang basagin ng panukala ang trip niyo? O hahayaan niyong basagin ng kalsada ang mga ulo niyo?


TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL

11

AGHAM

Isyung Pangkalikasan

Luntiang Kinabukasan Matatamasa pa ba ng mga kabataan? Miles Mejor

A

kala natin okey lang dahil maliit lang naman, konting usok lang hindi makakaperwisyo sa ating paligid bagkus nakatutulong pa para maalis ang mga insekto gaya ng lamok at mawala ang mga nakakalat na dumi ngunit lingid sa ating kaalaman nagdudulot ito ng panganib sa ating kapaligiran. Iyan ang pagsusunog ng basura o rubbish fire. Nagimbal ang mundo ng mapabalitang nasusunog ang madawag na kagubatan ng Brazil, ang Amazon. Ayon sa mga environmentalist, ang madawag na kagubatan ay mayroong mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapanatili ng buhay. Ang Amazon ang pinakamalaking madawag na kagubatan sa buong mundo. Ang Amazon ay nagtutustos ng 20% na oxygen para sa kapaligiran, sa pamamagitan nito ay napapabagal ang bilis ng pagbabago ng klima. Ito rin ay tahanan ng humigit-kumulang limang milyong hayop at insekto. At higit sa lahat, 1/5 ng tubig-tabang ng buong mundo. Dito sa Pilipinas, taun-taon nagkakaroon ng wildfire o forest fire sa bahagi ng Cordillera. Ayon pa kay Senior Superintendent Maria Sofia Mendoza ng Bureau of

Fire Prevention (BFP)-Cordillera, na mas nakadagdag pa sa panganib ang pagkakaroon ng El Niño. Inaalerto niya ang komunidad na naninirahan malapit sa kagubatan o tubigan na magingat sa pagtatapon ng mga bagay gaya ng upos ng sigarilyo na may sindi pa na maaaring magdulot ng kapahamakan sa kapaligiran. Ngunit sa kabila ng mga babala at pagpapaalala sa mamamayan, ang pagsisiga, pagsusunog ng basura, pagtatapon ng upos ng sigarilyong may sindi pa at napapabayaang siga ang ilang malaking dahilan ng sunog sa kasalukuyang mga taon dagdag pa niya. Ngunit may magagawa pa tayo kung gugustuhin natin. Isang simpleng hakbang na magsisimula sa tahanan o kaya’y sa paaralan para sa kinabukasan nating mga kabataan. Para hindi na masayang at umabot pa sa kagubatan ang pinsala maging responsable tayong mga mamamayan ng ating bayan. Iwasan na rin natin ang pagsusunog ng basura (rubbish fire) na minsan o kadalasang pinagmumulan ng malaking sunog. Ayon kay G. Dennis Frias, SFO1-BFP ng Lungsod ng Tandag, na ang sinumang mahuhuling mamamayan na magsunog ng basura ay pinagmumulta batay pa rin sa ordinansa ng lungsod dahil ito ay ipinagbabawal. “Ito pa ring ordinansa natin ay binase sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste

Management Act of 2003 ay para na rin sa kapakanan ng mamamayan ng Tandag at ng ating kapaligiran,” saad ni G. Frias. Ecological Solid Waste Management Act of 2003 o Republic Act (RA) 9003 ay nagsasaad ng mga alintuntunin sa wastong pamamahala ng basura, pagpapalaganap ng kaalaman sa wastong paggamit ng likasyaman at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng taumbayan upang mabawasan ang basurang agad lamang tinatapon. Luntiang kapaligiran. Puno ng malalabay na mga puno, masinsing mga dahon na kahit ang sinag ng araw ay mahirap makalusot dito. Iyan ang madawag na kagubatan na dapat panatilihin natin. Ngunit dahil sa kasakiman ng tao, nakakalbo ang ilang bahagi kundi man ang kabuuan nito. Kung nanaisin nating maibalik ito, gawin natin ang nararapat. Kamakailan nagpunta at nagimbestiga ang BFP sa pangunguna ni G. Frias sa aming paaralan dahil sa usok na nagmumula rito. Ayon pa sa kanya dahil sa kapabayaan ng pagsusunog ng basura ang dahilan at kung hindi agad maagapan, maaaring hahantong sa isang malagim na trahedya. Simulan mong tumulong sa maliliit na bagay at gawin mo ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. Ang maliit na aksyon ay maaaring magbunga ng malaking resulta. Gumawa ka ng

maliliit na hakbang at aksyon at unti-untiin mo. Umpisahan mong tumulong sa mga bagay kagaya na lamang ng paghihikayat sa mga kapwa mag-aaral mo na kailangang ingatan ang ating kalikasan. Halimbawa na rito ang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan at ang pakikilahok sa mga paglilinis sa paaralan at barangay. Dapat isipin natin ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon, hindi lamang ang sa kasalukuyan. Ano na ang mangyayari sa ating Inang Kalikasan kung tayong mga tao ay hindi titigil sa pang-aabuso rito? Sabi nga sa liriko ng awitin ni Rey Valera, 'malayo pa ang umaga...' Huwag na nating hintayin na darating ang umaga na paggising natin wala na ang regalong magandang kapaligiran na bigay ng Maykapal sa atin. O kaya naman ay mararanasan natin ang hagupit ng kalikasan sa atin. Sinisingil na nga tayo o sisingilin pa tayo nang mas matindi pa dahil sa ating kalapastanganan. Kaysarap langhapin ang sariwang hangin habang nakaupo sa ilalim ng puno na napapaligiran ng mga halaman at iba’t ibang kulay ng mga bulaklak. Makikita ang mga batang masayang nagtatampisaw at naliligo sa tubig na kasinlinaw ng salamin. Huwag nating hayaan na ang pangyayaring ito ay manatiling alaala na lamang na matitira sa ating mga isip at makikita nalang sa mga litrato. Dibuho't disenyo ni: Sean Caballero • Kuha ni Sean Caballero


Kuha ni J-nelle Avila

Mga magaaral ng STE nakatuklas ng alternatibong gamot laban sa kanser.

USISA.

Nanalo sa Life Science Category ang pares nina Gilrose Ramos at Shann Balansag. “Ang aming pag-aaral ay nakatuon sa cytotoxic at genotoxic effect ng silver nanoparticles at Sargassum sp. extract laban sa kanser,” ani Shann Balansag.

Layunin nang kanilang pag-aaral gamutin ang sakit na kanser. Ayon sa mga eksperto, ang kanser ay pangkat ng mga sakit kabilang na ang hindi normal na paglaki ng mga cells sa ating katawan. Kapag ito ay kumalat sa katawan ng isang tao maaari itong magdulot ng maraming kumplikasyon. Upang subukin ang kanilang pag-aaral, isinagawa ng mga mag-aaral ang

brine shrimp lethality assay at allium cepa test para naman sa antimotic assay. Ayon sa mga eksperto, ang brine shrimp lethality assay ay isang mahalagang bahagi ng cytotoxicity assay kung saan ang plant extract ay sinusuri kung ito ba ay kayang pumatay ng isang larvae. Ang allium cepa naman ay ginagamit para suriin ang DNA damage ng isang plant extract. “Isa sa mga prolema na aming nakaharap ay ang kakulangan sa mga reperensiya na maaaring makatulong sa amin sapagkat napakakonti ng mga pagaaral na isinagawa at nakatuon sa mga seaweeds,” ani Gilrose Ramos. “Alam nating lahat na ang kanser ay isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga tao. Pinili namin ang Sargassum dahil sagana ito sa aming

ng paghihirap ay nasusuklian — ang mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) mula sa Science, Technology, and Engineering (STE) Curriculum ay lumahok sa taunang kongreso ng Science Investigatory Project na ginanap sa paaralan, Setyembre 18.

A

Celine Cabrera

lokalidad at gusto naming buksan sa mga tao ang ideya na ang marine life ay maaari ring magdala ng tulong pagdating sa larangan ng panggagamot,” dagdag pa ni Ramos. Sa mga nakalipas na taon, ang mga halaman ay naging epektibong alternatibo sa mga gamot na dumaan sa mga kemikal na proseso. Sa kabila noon, karamihan ay nakatuon sa mga halaman na nakikita lamang sa lupa at hindi sa tubig. Bilang isang hakbang para ipakilala ang buhay sa tubig, pinili ng mga mag-aaral ang Sargassum. Hindi maikakaila ang maraming hirap at problemang napagdaanan para maitaguyod ang pag-aaral na ito. Ngunit ang lahat ng ginawa nila sa bandang huli ay hindi nasayang at napalitan ng saya na hindi matutumbasan ng kahit na ano nang manalo sila sa kompetisyon. Pinasalamatan din ng mga magaaral ang kani-kanilang mga magulang sa suportang ibinigay nila lalo na sa pinansyal at ang iba pang tumulong sa kanilang pag-aaral. “Sa mga mag-aaral na nais gumawa ng sarili nilang pag-aaral, hinahangad namin ng kabutihan para sa inyo. Gumawa kayo ng pag-aaral na hindi lamang tinutulungang makilala ang ating paraalan kundi ang ating bayan din,” saad ni Shann. Ayon pa sa kanila, ang laban at paghihirap ay hindi magiging madali pero kung nakayanan nila ay makakayanan din ng mga susunod na mga mananaliksik. “Ilagay ninyo ang buo ninyong puso sa inyong ginagawa at laging isipin hindi lamang ang inyong kapakanan kundi ang kapakanan at kabutihan ng lahat ng tao ang iisipin,” dagdag pa ng mga mananaliksik.

Seaweed laban sa kanser

Lunas Natural:

AGHAM 12

B Nagdadala ng mga sakit ang maruming kapaligiran, isa na rito ang dengue. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng dengue outbreak ang ating bansa. Ang pangunahing dulot ng sakit na ito ay ang mga lamok na nagtatago sa mga maruruming kapaligiran. Ayon sa Department of Health (DOH), walang mabisang panlaban sa mga lamok na nagdudulot ng dengue kundi ang panatilihing malinis ang sariling kapaligiran. Kapag patuloy ang pagtatapon ng mga basura sa mga kanal, ito ay magiging barado at ito ang itinuturong dahilan ng mga eksperto bilang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaha. Ayon sa Metropolitan Transfer Station (MTS), ang tubig ay isang solvent na nakakakuha ng maraming kemikal gaya na lamang ng mga gas sa pagdaloy nito. Kapag kontaminado ang lupang nasasama sa ulan at napupunta sa mga anyong tubig, namamatay ang mga isda, naaapektuhan ang kabuhayan ng mangingisda at nakasisira sa

kalusugan ng mga tao. Isinulong sa buong Pilipinas kabilang na lahat ng lugar sa Tandag ang Proper Waste Segregation o ang wastong pagtatapon ng basura. Ang panukalang ito ay hango sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management of 2000. Layon nitong isulong ang kalinisan sa bansa sa pamamagitan ng pakikipagbahagi sa makabagong sistema ng pagkokolekta ng mga basura upang masigurado ang kalusugan ng mga mamayanan. Bukod pa sa ordinansyang ito, mayroon pang mga gawain ang bawat barangay sa lungsod. Nagkakaroon ng General Cleaning sa mga barangay tuwing Sabado. Disiplina sa sarili ang kailangan. Simulan mo sa maliliit na bagay, kung wala kang mahanap na basurahan itago mo muna ito at itapon kapag nakakita ka na. Ang mga simpleng gawaing ito ay nagbubunga ng malaking pagbabago sa kapaligiran at sa buhay ng bawat tao. Hindi natin mahahanap ang pagbabago sa ibang tao sapagkat ang pagbabago ay nasa sarili lamang natin. Gawin mo ang alam mong nararapat at tama.

aradong mga kanal, nilalangaw na mga basurahan, mga batang nagkakasakit. Ilang taon mula ngayon, kapag hindi natigil ang pagtatapon ng mga basura kung saan-saan, ito ang maaaring mangyari sa atin. Mag-ingat sa bawat tapon sapagkat ito ay hindi basura lamang, kundi ang kalinisan at kaligtasan ng bawat mag-aaral sa paaralan.

Sean Caballero

meron ka ba?

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

KAPABAYAAN. Ipinakita ang kadugyutan ng mga mag-aaral

sa kanilang silid-aralan. | Kuha ni J-nelle Avila


P

marami pang programa ang itinalaga para sa kanila. Ilan na rito ang deworming at pagbabakuna para sa iba’t ibang uri ng sakit gaya ng measles. “Maraming sakit ang nairereklamo araw-araw. Ilan sa mga inilatag na aksyon ng paaralan ay ang libreng konsultasyon at medisina ngunit sa araw na may mga pasok lamang,” wika ng nars. Nakakabahala rin ang pagkain ng mga junk foods na mas kinagigiliwang kainin ng mga kabataan sa ngayon na nakadagdag ng pagkabulok ng ngipin lalo na kung hindi kaagad naglilinis ng ngipin. Samantala, sinimulan na ng mga kantina sa ating paaralan na huwag magbenta ng mga junk foods sa halip mga masustansiyang pagkain. “Matumal ang benta sa ngayon dahil wala na ang mga paboritong pagkaing junk foods at mga colored drinks sa kantina na

kadalasang binibili ng mga estudyante,” pahayag ni Neneng Ongayo, tindera. Ngunit, kailangan pa ring higpitan at imonitor ang mga kantina para masiguro na ligtas at masustansiya ang mga pagkaing ibinibenta. “Dahil ang kalusugan natin ay isang kayamanan, piliin mong umiwas sa kung anong nakakasama sayo, piliin mong alagaan ito, piliin mong maging malusog lagi,” mensahe ng nars sa mga mag-aaral. Nagpapasalamat ang eskwelahan sa walang sawang suporta ng pamahalaang lokal ng Tandag sa pangunguna ni Mayor Pimentel sa libreng bunot ngipin.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

“This success is yet another milestone for the school and my students; it is my pleasure to be able to mentor them. I hope that this would serve as an inspiration to other young science enthusiasts,” pahayag ni Gng. Millan. Ayon pa sa kanya, hindi madali ang pagsali sa kompetisyon lalo pa't may pinansyal na pangangailangan. Mabuti na lamang at dito sa Tandag naganap ang nasabing paligsahan. Nakuha din ni Dane R. Alimboyong ang pilak para sa Science Quiz Bowl, at tanso para sa SIP-Life Science Team Category na sina Ngwee L. Pacate, Vince Kristopher A. Casio at Kieth John Laurente. Tanso rin para sa Physical Science Team Category na sina Erika Razenne Maquiling, Wiman Zozobrado, Irvino Carolino Bendanillo, Beverly Pantohan, Nathaniel Morse at Reez Lozada.

Kinakailangan lang para sa libreng bunot ng ngipin ay parent’s consent at ang mag-aaral ay nagaaral sa nasabing paaralan. “Ang sakit sa ngipin ang pinakanirereklamo dito sa klinika ng ating paaralan, talagang nakabubuti ang programang ito ni Mayor Roxanne na kabilang sa mga programa na kanyang isasagawa sa unang 100 na araw niya sa panunungkulan,” ani Alberta M. Bela-ong, ang pampaaralang nars. Dagdag pa niya, marami pang mga kabataan ang may mga sirang ngipin kaya lamang ay natatakot silang magpabunot. Dahil rehistradong nars ang Mayora, ang kanyang mga programa ay nakatuon sa kalusugan. Isinagawa ito upang maging ligtas at malusog ang mga ngipin ng mga mag-aaral, dagdag pa ng nars ng paaralan. Bukod pa rito, nagbigay din ng iba pang serbisyo ang programa ni Mayora gaya ng libreng gupit. Pinapahalagahan ng eskwelahan ang kapakanan ng mga mag-aaral na sakop nito, kung kaya’t

Naitalang may 90 na mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) ang nabunutan ng ngipin. “Masasabi kong ako ay masuwerte dahil nabunutan ako ng libre. Sa katunayan, ako nga ang pinakahuli. Dati’y laging sumasakit ang ngipin ko kung kaya’t lubusan akong nagpapasalamat na sa wakas ay natanggal na iyon,” ani Nathaniel Morse, mag-aaral ng Grade 10.

inangunahan ng DepEd at Tandag City LGU ang Programang Bunot Ngipin ng Mayora na si Roxanne Pimentel, Agosto 13 - Setyembre 3 sa iba’t ibang paaralang sakop ng Lungsod ng Tandag.

Eunice Tajonera

Bunot ngipin pinaigting ng DepEd, LGU

Balitang Agham

*noong December 2017

2.33% o 50,130.93 hectares ang kabuuang lupang nagamit para sa pagmimina sa Caraga Region

Sa mga bahagdan:

N

I

13

AGHAM

Ang pagmimina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga yamangmineral mula sa lupa. Taon na mula nang iulat na ang malalaking kompanyang nakatuon sa pagmimina sa rehiyon ng Caraga ay ipapasara lalo na kung ito'y nakasisira na sa kalikasan. Ayon sa RA 7942 o Mining Act of 1995, layunin ng batas na ito na itaguyod ang makatuwirang pagsasaliksik, pagpapaunlad at pangangalaga ng ating yamang-mineral tungo sa pambansang kaunlaran, sa pamamaraang na maipagsanggalang ng mga komunidad na maapektuhan ng mga gawaing

sa sa mga iniindang suliranin sa matagal nang panahon ang pagmimina lalo na kung ito'y hindi sumusunod sa mga alituntunin o tamang proseso ng operasyon ng minahan. Ngunit, may ilan pa ring nakalulusot.

Beverly Pantohan

Sariling hukay

ang kalikasan at ang mga karapatan pagmimina. Ngunit hanggang ngayon patuloy pa rin ang operasyon kung kaya’t ang pangyayaring ito ay nagpukaw sa atensyon ng mga Netizens nang kumalat ang litrato ng isang dating kagubatan na kulay luntian ay naging kulay kahel na, hindi dahil sa kakaibang kulay ng puno kung hindi dahil wala nang puno at tanging kulay kahel na lupa nalang ang makikita. Una sa lahat, maaaring masira ang kapaligiran. Ang pagmimina ay maaaring magbunga ng pagkasira ng mga natural na anyo ng mga lupa na isa sa mga dahilan kung bakit lumalago ang ekonomiya ng isang bansa. Mawawalan din ng tahanan ang libo-libong mga hayop. At higit sa lahat, ito ay maaaring magresulta sa pagguho ng lupa at pagkasira ng pang-agrikultural na sektor ng lugar na pinagmiminahan. Pangalawa, maapektuhan ang mga anyong tubig na malapit dito. Kapag umulan ang mga namuo o latak ay madadala sa mga anyong tubig gaya na lamang ng mga ilog. Kapag masyadong marami ang latak (sediments) na nadala, ito ay maaaring magsimula ng pagiging barado ng daluyan ng tubig kung kaya’t ito ay magreresulta sa baha. Ngunit di diyan nagtatapos, kapag bumaha wala na ang mga punong sumisipsip sa mga tubig kaya’t asahan ang mas maraming flash floods dahil sa mga malalakas na ulan. Higit sa lahat, ang kalusugan ng mga mamamayan. Ang usok na galing sa pagkakaingin ay hindi nakakabuti sa mga mamamayang nakatira malapit sa isang minahan. Maaaring magbunga ang paglanghap ng usok ng Black Liver Disease na may mga sintomas na pamamaga ng kasu-kasuan at kahirapan sa paghinga. Kaya nagmimina ang grupo ng mga tao upang makuha ang mga natural na yaman ng isang lugar ngunit sa ginagawa nilang ito hindi nila alam na ang tunay na kayamanan ay kanilang nasisira. “Isa sa mga minahan dito sa aming probinsya ay ang Carrascal na rati rati ay hitik sa matatayog na puno ngunit ngayon sa tuwing kami ay daraan, napapatag at kalbo na ang mga bundok,” wika ni Gretch Azaarcon, isang estudyante na taga-roon. Dagdag pa ng estudyante, nakakalungkot isipin na hindi naipreserba ang likas na yaman na bigay ng Maykapal. Napapalitan ang pera ngunit ang kapaligiran at kalusugan ay hindi. Kung kaya’t mas makabubuti na itigil na ang pagmimina hangga’t hindi pa huli.

Dibuho't disenyo ni: Sean Caballero

Bitbit ng mga tagapayong sina Joel V. Cubio, Jovey Mae H. Plaza, Gearldine A. Portillo, Ana Geran V. Millan, Marigold C Bacodio at Aubrey P. Caresusa ang ilang mga mag-aaral ngunit nanaig ang dalawang nabanggit.

akamit ng mga mag-aaral na sina Keanu Dominic P. Ortiz para sa Environmental Science Quiz at Kent D. Rizon para sa Science Process Skills ang gintong medalya sa ginanap na Regional Science Fair and Quiz Plus, Nobyembre 18-22 sa Tandag City, Surigao del Sur.

J-nelle Avila

Mga mag-aaral nagpakitang gilas, kampeonato inuwi

Kuha ni J-nelle Avila

DOH naghandog ng libreng serbisyo para sa mga mag-aaral.

KALUSUGAN.


TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL

ISPORTS

14

Isports Editoryal

BALANSE DAPAT! Husay, Talento, at Talino

S

a kasalukuyan, karamihan sa mga atleta ay kulang na kulang sa pang-akademikong kahusayan, bagama't subsub sa pag eensayo ang mga batang atleta hindi pa rin ito sapat na rason para mapabayaan ang kanilang pag-aaral at umasa nalang sa mga insentibo ng paaralan. Hindi ba kaakibat ng pagiging atleta ang pagkakaroon ng disiplina at ang husay sa pagmultitask?

Ang iba rin sa kanila ay pinagkibit balikat at labis na nakadepende na mataas din ang grado sa ibang asignatura dahil ikinukonsidera ng mga guro. Ngunit ang kawalang-kilos na ito ay maaaring makasira ng kanilang pagkakataong makapasok sa isang magandang paaralan sa kolehiyo, makahanap ng disenteng trabaho, at makaapekto sa kanilang paglalaro. Dahil sa mga kadahilanang ito ay pinagtibay ng RA 10676 na protektahan ang mga manlalarong maaaring makalahok sa palakasan ay kinakailangang may maayos na marka sa lahat ng asignatura. Nilalayon nito na maging balanse ang kahusayan ng isang atleta sa larangang pampalakasan at akademiko. Kadalasan, mahalata mong mas binibigyang prayoridad ng mga manlalaro ang pagsasanay sa larong kinabibilangan kaysa pang-akademikong pangangailangan. Ngunit ang pagwawalang-bahala ng mga mag-aaral sa kanilang akademiko ay nakakabahala sa mga guro dahil apektado rin ang kanilang perpormans. Sa katunayan ay sinisimulan na ang pagpapatupad ng kautusang ito ni Nestor Dimacuha, isang tagapagsanay sa Jacinto P. Elpa National High School sa kanyang mga manlalaro ng Sepak Takraw. “Hindi sapat ang husay at talento lang. Hindi ka dapat puro sugod nang sugod lang sa isang laro, kinakailangan mo ng talino upang mag-isip ng istratehiya kung paano maglalaro na siyang makakapagpanalo sa iyong koponan,” saad ni Dimacuha. Ayon pa sa kaniya, kahit gaano kagaling ang isang manlalaro, pangunahing pagbabasehan pa rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga marka ng mga atletang ito upang sila ay mapili bilang isang manlalaro sa isang magandang unibersidad. Husay at talento ang pinakaimportanteng katangiang nararapat mayroon ang isang manlalaro. Subalit ang talino ay ang siyang kumukumpleto sa kaniyang pagka-atleta. Tunay na nakakamangha ang kagalingan ng mga manlalarong nananalo ngunit mas kamangha-mangha kung ang talentong iyon ay hahaluan niya ng kaniyang talino upang maipanalo ang isang laro. Kinakailangang hindi lamang husay at liksi kundi ang katalinuhan sa anumang larangan ng palakasan. “Inuna ko na ang mga manlalaro ko sa Sepak Takraw na hindi ko tatanggapin sa koponan kung mababa ang grado o kung may bagsak kahit isa,” pahayag pa ni Dimacuha. Sa huli, bilang isang manlalaro na maraming nakaatas na responsibilidad esensyal ang pagkakaroon ng pantay pagpapahalaga sa angking husay, talento at talino hindi lamang sa isports kundi sa lahat ng larangan sapagkat ito ay mga sakap sa paghubog ng isang matagumpay at kahanga hangang atleta sa hinaharap.

Dela Cruz pinaitlog si Ponlaon, kwalipikado sa City Meet Gilrose Ramos

T

ANDAG CITY, Surigao del Sur — Nagpakitang gilas ang 15 taong gulang na mamamalo na si Riel Dela Cruz matapos niyang brasuhin ang 3-0 (11-2,11-3,114) pamumuno at alisin ang katunggali na si Jobert Ponlaon sa Jacinto P. Elpa National High School Intramurals Table Tennis Boys Championship.

“Magaling siya, ngunit kulang pa, mas kailangan pa niyang mag-ensayo nang mabuti kasi may potential kasi siya sa paglalaro,” pahayag ng beteranong si Riel. Nagpakitang gilas na kaagad ang pambato ng STE sa pag-uumpisa ng paluan nang nagpasabog siya ng kakaibang opensiba. Sinamahan pa ito ng di-matibag na depensa na naging sanhi ng bihirang pagpuntos ng katunggali at kinamkam ang unang yugto, 11-2. Tila bagyong nanalasa ang opensiba ng nakaasul na si Dela Cruz sa pagbubukas ng ikalawang yugto matapos siyang pumuntos ng sunod-sunod. Hindi makalusot ang anumang depensa ng batang katunggali laban sa beterano. Determinasyon ng beteranong si Dela Cruz na patuloy na gambalain ang mas batang kaduelo hanggang sa matapos ang kompetisyon at kinamkam ang ikalawang set, 11-3. Patuloy na humagupit ang di-mapigil na opensiba ni Riel sa pagsisimula ng huling yugto. Tumulong din ang sunod-sunod na kamalian ni Ponlaon na naging sanhi ng kanyang pagkalugmok, 11-4. “Napakahirap talagang pigilan ang kanyang mga atake, malakas kasi at bihasa na siya,” wika ni Jobert.

“ MADIING SIPA ‘Di ko talaga inasahan na makakarating ako sa puntong ito kung saan ay aabot kami sa mga nasyunal na mga kompetisyon.

— Crystal Peralta, Spiker

Grade 10 ibinitin Grade 9, Falcon namuno Anthony Morse

ISPAYK.

Nakakamanghang sipa ang inihataw ng magkatunggali. Kuha ni Ralph Caseñas

K

aranasan at diskarte idiniskaril ang liksi. Koordinasyon at mahusay na depensa ang isinusi ng Grade 10 Blue Jazz na pinangunahan ni Mark Falcon, spiker para pasukin ang nangayayat na depensa ng Grade 9 Red Panthers at kinamkam ang 2-1 (21-15, 18-21, 21-17) pamamayagpag sa Jacinto P. Elpa National High School Intramurals Sepak Takraw Boys.

Bitbit ang determinasyon, buong husay na tinapatan ng mga nakaasul ang mga nakababatang katunggali matapos silang nagpakawala nang matutulin na spike at nagpakita nang mahusay na depensa at muling kumuha ng pwesto para sa City Athletic Meet, Agosto 16 na ginanap sa Jacinto P. Elpa National High School Covered Court. Kamakailan lang ay nakaabot sa Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition (CAARSC) ang 16 taong gulang na si Falcon sa dating koponan kaya bihasa na sa paglalaro at nakasungkit ng puwesto sa Palarong Pambansa. “Nagkulang kami sa teamwork at nagkomita kami ng maraming kamalian kaya ito ang naging dahilan ng aming pagkatalo,” ayon kay Reynald James Gaddao, spiker ng G9. Dehadong inumpisahan ng mga

nakapulang maninipa, G9 ang laro matapos silang nagkomita ng mga sunod–sunod na kamalian at nagambag para malugmok sa unang yugto. Dinagdagan pa ito ng matutuling spike ng G10 at ibinulsa ang unang yugto, 21-15. Subalit bumawi kaagad ang G9 sa pagbubukas ng ikalawang set nang pinahirapan nila ang mga nakatatandang katunggali. Binombahan nila ang mga kaduelo ng sunod-sunod na service ace at mapanlinlang na mga atake na nagtala ng 7-2 run. Patuloy na umatake ang G9 nang ginambala nila ang katapat at tuluyan na nilang inihawla ang ikalawang yugto, 21-18. Sinuklian naman ito kaagad ng G10 nang kuminang ang beteranong si Mark. Matapos niyang bitbitin ang hukbo at kumamada ng sunod-

sunod na puntos sa huling yugto. Bumitaw ng mga di-mapigil na mga atake ang beterano at dinagdagan ang kanilang iskor at umadbentahe ng 20-15. Humabol ang katunggaling G9 ngunit hindi makalusot sa depensa ng mga kalabang G10 kaya hirap silang malamangan ang mga ito. Bagama’t nakaungos, patuloy na umatake ang G10 at tuluyan nang tinuldukan ang laro, 21-17. “Talagang pinaghandaan namin ang laro na ito para makapasok kami sa City Meet,” wika ni Falcon. Dagdag pa niya, hindi matatawaran ang kanilang mga sakripisyo sa pagsasanay na kanilang natutunan mula kay Sir Nestor Dimacuha. Kukuha ng mga manlalaro sa G10 at G9 para bubuo ng roster at magrepresenta ng District 3 sa darating na City Meet ngayong Oktubre.

Isports Analisis

BNHS inilaglag ang JPENHS, pasok sa Semi-finals J-nelle Avila

N

amayani ang 16 taong gulang na si Luis Sobricaray matapos siyang pumukol ng tres sa nalalabing huling segundo ng laro at pinangunahan ang Buenavista National High School para alisin ang Jacinto P. Elpa National High School sa City Athletic Selection Meet 3x3 Men’s Basketball na ginanap sa EDM Covered Court, Oktubre 10. Mala bituing nagningning si Sobricaray matapos niyang itakas ang koponan sa malapitang pagkatalo kontra sa rumaratsadang JPENHS. “Maganda na yung naging simula namin, nagkompyansa lang kami sa huli kaya kami natalo,” ani Japeth Tare, sentro ng Elpa. Maagang uminit ang Elpanian sa pag-uumpisa pa lang ng laro matapos silang nagpakawala ng bumubulusok na mga jumpshot at umadbentahe, 6-2. Rumesponde naman kaagad

ang Buenavista matapos nilang sinilaban ang kalamangan ng katunggali at itinabla ang iskor sa 7-7 sa nalalabing 5:07 na minuto. Subalit bumanat na naman ang Elpanians ng pumiglas na tres at pinalayo ulit ang iskor sa 11-7. Agad namang bumitaw ng tres si Christian Belen ng BNHS at idinikit ang hukbo sa katunggali, 11-10. Nagkaroon ng pagkakataon ang Elpa na selyuhan ang panalo matapos nilang mafoul si Tare. Dulot na rin ng kapaguran, naimintis ni Japeth ang dalawang

free throw na naging sanhi at naghatid sa Buenavista ng pagkakataon para maagaw ang kalamangan. Hindi inakala, buong kampanteng pumukol ng tres si Luis at pinalamang ang koponan ng 1311 sa huling segundo ng laro. “Train hard and play hard, that’s my mindset in entering the game”, ani Belen. Muling makakapaglaro ang BNHS sa semi-finals na kung saan ay makakaharap nila ang Tandag National Science High School.


ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

ISPORTS

SIPA NG TAGUMPAY 15

RTU namayagpag kontra Tandag City Philip Molina

Sa mga numero

2-0

RTU-Mandaluyong City

21 21

LIKSI.

Matinding sipa ipinamalas ng manlalaro para sa gintong medalya.

TCSCI

15 18

Kuha ni Reznan Pabriga

M

ahusay na opensiba ang ipinanglaban ng Tandag City, Surigao del Sur Sepak Takraw Club Inc. (TCSCI) kontra Rizal Technological University–Mandaluyong City subalit hindi nagpalupig ang RTU at inihawla ang 2-0 (21-15, 21-18) pamamayagpag sa Philippine Sepak Takraw 2019 Champion’s League Semi-finals, Mandaluyong City, Manila.

Matatalas na opensiba ang ipinakita ng mga Tandaganon ngunit hindi ito umubra sa tigasing depensa ng Mandaluyong City at kinamkam ang puwesto sa Finals, Oktubre 4. Nagpabalik-balik na ang mga manlalaro ng TCSCI sa Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition (CAA-RSC) kaya sanay at bihasa na sa paglalaro ng Sepak Takraw ngunit talagang mahuhusay ang mga katunggali. “Talagang pinaghandaan namin ang kompetisyong ito kaya maganda ang ipinakita ng aming koponan,” ani Jobert Castrodes, tekong ng RTU. Dehadong inumpisahan ng Tandag City ang paluan matapos silang nagbigay ng puntos sa mga

katunggali dahil sa sunod-sunod na kamalian. Nagpakita naman nang mahusay na depensa ang RTU ng pinahirapan nila ang mga kaduelo na makapuntos at ibinulsa ang unang set, 21-15. Tumindi ang tensyon ng labanan ngunit hindi pinagbigyan ng RTU ang mga kalaban. Bitbit ang buong suporta ng taga-Mandaluyong iniratsada ng manlalaro ng RTU ang sunod-sunod na opensiba. Bihirang makapuntos ang mga Tandaganon hanggang sa tuluyan ng kinontrol ng RTU ang laro. Buong husay at kampanting bumitaw ng magandang opensiba

ang RTU nang tuluyan na nilang kinabig ang manibela at tinuldukan na ang laro, 21-18. “Training everyday, disiplina sa sarili at determinasyon talaga ang nagdala sa amin kung saan kami ngayon,” pahayag ni Roentgen Villasin, playing coach ng Surigao del Sur. Bigo man silang makapasok sa Finals naghatid naman sila ng karangalan sa ating rehiyon matapos nilang iuwi ang tansong medalya. Bukod pa sa medalya ay may haka-haka na isasamang makapaglaro ang TCSCI para magrepresenta ang Pilipinas na gaganapin sa Australia ngayong darating na Disyembre.

Isports Lathalain

Kilalanin si Ital Celine Cabrera

D

isiplinado, mapagkumbaba, masipag, simple, nag-iisip, matiyaga, makakasundo. Ito ang isa sa mga salitang maaring gamitin upang ilarawan ang ikatlong beses na Regional Champion player ng Tandag City sa Sepak Takraw, Crystal Peralta. Ang kanilang kamakailang pagpanalo sa Philippine Sepak Takraw Champion’s League 2019 ng bronze medal ay muling tumatak sa halos buong lungsod.

DEDIKASYON.

Peralta determinadong nag-ensayo para sa parating na CAA-RSC. Kuha ni J-nelle Avila

Simula pa ng elementarya ay naging hilig na niyang sumali sa isports matapos siyang sumali sa athletics at inamin na sa lahat ng kanyang pinagdaanan ay naranasan na niya ang pagkabigo sa mga kompetisyong sinalihan. Gayunpaman ay ang mapait na pagkatalo ay hindi naging hadlang kundi ginawa niya itong ito motibasyon sa kanyang sarili para magpatuloy sa kanyang karera. “Noong una sumali lang kami sa Sepak Takraw ay para lang maglibang pero hindi namin inaasahan na kami ay makakaabot sa ganitong punto,” ani ni Peralta. Pagdating sa ikapitong baitang sa sekundarya ay nabago ang hilig ni Crystal nang lumipat siya sa Sepak Takraw at dito na hinasa ang kanyang kakayahan sa paglalaro at nagbunga naman ang kanyang pagsasanay matapos silang makapasok sa Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition. “Madisiplina, hindi maarte, matiyaga, hindi tamad at seryoso sa lahat ng bagay, yang si Crystal katunayan pa nga pinapagalitan niya ang kanyang mga teammates pag hindi sila nagtetraining ng maayos” pahayag ni Sally Valenzona, kots. Di lang magaling sa isports si Peralta kundi pati

STC idiniskaril ang TNSHS, kampeonato itinakas J-nelle Avila

“M

alakas talaga ang aming team, determinado kaming manalo,” ani Mike Villanueva, kots ng STC. TANDAG CITY, Surigao del Sur — Ito ang katagang pinanindigan ng Saint Theresa College matapos nilang iuwi ang panalo sa City Athletic Selection Meet Volleyball Girls Championship at kinamkam ang 3-1 (21-12, 14-25, 25-19, 25-22) pamamayagpag kontra Tandag National Science High School na ginanap sa SDS Sports Complex, Oktubre 12. “Marami kasi kaming ibinigay na puntos sa kanila, kulang kami sa teamwork,” wika ni Joy Rollona, kapitan ng TNSHS. Dehadong inumpisahan ng Science High ang paluan matapos silang magkomita ng sunod-sunod na error. Sinamantala naman ito ng Maroons matapos silang nagpakawala ng matutulin na spikes at kinopo ang unang set, 22-12. Bumawi naman kaagad ang TNSHS sa pagbubukas ng ikalawang set matapos silang bumitaw ng mga sunod-sunod na back row attacks na sinamahan pa nang mahusay na depensa. Ito naman ang nagtulak sa STC na magkomita ng kamalian at tuluyan ng inihawla ang ikalawang set, 25-14. Hindi naman nagpatinag ang mamamalo ng STC matapos silang magtala ng 14-5 run sa pagbubukas ng ikatlong set. Rumesponde naman kaagad ang TNSHS matapos nilang ipwersa ang mga katunggali na magkomita ng error at sinilaban ang iskor sa 16-14. Subalit kuminang ang kapitan ng STC, Jane Laguisma matapos siyang nagpakawala ng mapanlinlang na mga atake at tinapos ang set sa iskor na 25-19. Matinding labanan ang naganap sa ikaapat na set matapos silang magpalitan ng spike. Subalit muling nanalasa ang humahagupit na opensiba ng Maroons matapos nilang binombahan nang malalakas na spike ang kaduelo. Hindi naman sumuko ang Sci-High matapos nilang idinikit ang iskor sa 21-19. Di naman nagpapigil si Jane nang muli siyang nagpakawala ng di mapigil na opensiba at tinuldukan na ang laro sa 25-22. “Maganda ang naging laban ng aming koponan, maayos ang teamwork at nais talaga naming manalo para makapasok sa rehiyonal na kompetisyon,” pahayag ni Laguisma. Bubuo ng isang koponan ang Tandag City Division para maglaro sa Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition (CAA-RSC), kasama si Jane at ilan sa kanyang mga teammates.

din sa silid aralan ay maggawa niyang balansehin ito. Napapanatili niya ang kanyang mga marka kahit naglalaro siya ng Sepak Takraw. “Training hard, ang pagkakaroon ng inspiration ay nakakatulong sa amin lalo na ang aming pamilya,” ani Crystal.

Inpograpiks

Si Peralta ang naging Captain Ball ng Sepak Takraw Girls nang siya ay nasa ikawalo hanggang ikasampung baitang. Disenyo ni: Sean Caballero


TOMO XXIX, BILANG I | HUNYO-DISYEMBRE 2019

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL

Siglaw Ang

Boses ng Kabataan, Pwersa at Paninindigan

HAMON Isports Komentari

Ipamalas ang kagalingan at kakayahan Lorenz Blasquez

S

a tuwing pinag-uusapan ang isports, bukambibig sa aming paaralan ang Sepak Takraw lalo pa't naghatid ito ng iba't ibang karangalan mula dibisyon hanggang sa internasyunal na kompetisyon. Hindi maikakaila, ayaw mang aminin ng ibang mga kots, tiyak kong nangangarap din silang marating ang naabot ng koponan ng sipa na pinangunahan ng kots na si G. Nestor Dimacuha. Ito'y isang malaking hamon para sa iba pang mga kots na nais magtagumpay rin sa kani-kanilang larangan.

Lalo pa tuloy nakilala ang Jacinto P. Elpa National High School dahil sa sunud-sunod na parangal na inihatid ng kanilang koponan. Siyempre, proud din kaming lahat as Elpanians, hindi lang sa pautakan magaling maging sa isports hindi rin pabibitin. Saludo ako sa'yo Sir D. Ngunit tanong ko lang, paano kaya nila nakamit ang tagumpay? Nang aking kapanayamin si Sir D., ilan sa mga mahahalagang impormasyon ang aking nakalap. "Hindi madali sa una, kailangan mong maging matiyaga, habaan ang pasensya, pahalagahan sila at ituring mo na ring kapamilya para solid, buo ang team," saad niya.

@AngSiglaw

Ayon pa sa kanya, ang palagiang pagsasanay ay napakaimportante, maayos na motibasyon, disiplina sa sarili gaya ng pagsunod sa oras ng praktis, balanseng pagkain maging sa pag-uugali ay dapat na mahubog sa mga manlalaro. Kailangan din niyang tugunan ang ilang pangangailangang pinansyal kahit sa sariling bulsa na ito manggagaling para mapanatili ang koponan. Sumasali din sila sa iba't ibang kompetisyon mapabarangay, liga o saan mang meron nito para masubukan din niya ang katatagan at kagalingan ng kanyang mga atleta at makakuha rin ng teknik o estratihiya sa paglalaro sa ibang koponan at

“

Pagsasanay, motibasyon, at disiplina kinakailangan para mahubog ang atleta.

manlalaro rin. Wow talaga si Sir D. dahil hindi alintana kahit pa gumastos siya o kaya'y magsolicit okey lang basta maachieve ang goal niya. Kaya tuloy malayo na ang kanyang narating plus todo-suporta pa ang paaralan at lokal na pamahalaan ng Tandag City. Sulit din naman ang kanilang pagod. Kahit ako, nakikita kong nag-eensayo sila tuwing hapon pagkatapos ng klase pati pa Sabado't Linggo. Wala talaga silang pinipiling oras at panahon, basta maipagpatuloy ang paglalaro. Walang bakasyon sa kanila. "Hindi rin lang puro laro ang inaatupag ng mga atleta ko. Kailangan ding maayos ang mga grado nila at walang

Sumanib sa samahang pambayan ng Jacinto P. Elpa National High School. Itaguyod ang lumalabang tinta ng Elpa High!

bagsak," sabi ni Sir Dimacuha. Sana ol! Ano kaya kung lahat ng kots ay may ganito ring pamamaraan? Naalala ko tuloy si Arven Alcantara na napabantog din at nakilala sa larangan ng boksing. Ang kanyang kots noon ay si Gng. Geraldine Portillo ay naghire ng talagang trainor. Gumastos siya para maturuan ng tama ang kanyang atleta kaya nagtagumpay din sila, naghatid ng karangalan sa ating paaralan. Sana may iba pang mga kots na papares sa kanila, Makita rin natin ang kanilang pag-angat at tagumpay. Kaso lamang dapat magsakripisyo hindi lang panahon pati na rin sariling pera. Masakit mang isipin, pero ito ay katotohanan lamang.

Disenyo ni: Sean Caballero • Kuha ni Ralph Caseùas


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.