Ang Siglaw 2023-2024 | Tomo XXXI, Bilang I

Page 1

Siglaw

Mapagtagumpayan ang kahinaan

Pag-iral ng self-harm sa JPENHS tinugunan; School Peer Mediators Club itinatag

SPES ng DOLE, dagdag oportunidad sa mga estudyante ng Tandag

Itinaguyod ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Special Program for Employment of Students (SPES) para magbigay ng...

Nababahala ang mga magaaral at mga

guro ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa pagtaas ng bilang ng self-harm cases sa paaralan.

We’re Elpanians

Ang
na
Pangkampus
P. Elpa National
Lungsod ng
del Sur, XIII - Rehiyon ng Caraga Tomo XXXII, Isyu Blg. I Setyembre-Marso 2024
BOSES NG KABATAAN. SINAG NG KATOTOHANAN.
Opisyal
Pahayagang
ng Jacinto
High School
Sekundarya
Tandag, Surigao
Ang
• Earl Ascarez Christine Cagampang Kampus Ekspres balita
DIBUHO
06
Watak-Watak Editoryal
gitna ng patuloy na pangarap ng mga Pilipino para sa mas malinis at mas maunlad na pamahalaan, lumilitaw
konsepto ng People’s Initiative... opinyon 07 Lathalain
S a
ang
lathalain 12 a sariwang mundong kinabibilangan natin ngayon, puno ng mga kulturang nakikilala, lalong-lalo na sa gitna ng paligid ng social media, memes, at mga usong trend na naglalabasan...
S
balita 04
Balitang
‘Most Wanted’ sa Dubai, Kinondena ni Governor Pimentel

PANANAKIT. Pagpapahirap sa sarili.

Mula sa Gov. Ayec T.

Naging biktima ng dis-impormasyon at misimpormasyon ang lalawigan ng Surigao del Sur matapos kumalat ang pekeng balita ukol sa pagiging “most wanted people smuggler and drug traffickers” sa Dubai nina Governor Alexander Pimentel at Kapitan Vjade Pimentel, Pebrero 4.

Ayon kay Gov. Pimentel, isa itong malinaw na kaso ng disinformation. Upang labanan ito, inihayag niya sa isang Facebook post na nagaalok siya ng Php 100,000 reward sa sinumang makakakilala sa nag-post ng orihinal na artikulo.

“Political propaganda yaun, gihimo nila para dauton an yaun sa posisyon kay hapit na an sunod na election,” ani Hon. Melanie Joy Momo-Guno, 1st District Board Member. Hindi lamang ito ang naging kaso ng disinformation sa lalawigan. Lumabas rin ang pagiging ‘political enemies’ ng

administrasyong Pimentel at Momo kalakip ng pagiging magkasama sa paglilingkod.

Bukod pa rito, ang SDS ay hindi nagiisa sa pagiging biktima ng fake news pati na rin ang Lalawigan ng Surigao Del Norte matapos inakusahan ng isang Facebook Page si Unang Distrito Rep. Francisco Jose Matugas II ng “illegal toll collection”.

Dagdag pa dito, nagbigay din ng babala ang Police Regional Office ng Butuan City na kung sino man ang lantarang nagkakalat ng disimpormasyon ay lalabag sa Presidential Decree 90

“Declaring Unlawful Rumor Mongering and Spreading False Information”, kaugnay ng Republic Act 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012” dahil sa insidenteng pagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa COVID-19 sa lungsod Hinimok ng mga opisyales ang mga Surigaonons na maging maingat sa kanilang pinaniniwalaan online.

Ipinahayag nila ang kahalagahan ng tamang pag-usisa at pag-verify bago maniwala sa mga balita upang mapanatili ang integridad ng impormasyon sa komunidad.

Science Camp naudlot bunsod ng 7.4 pagyanig

Ipinagpatuloy ang Science Camp ng Jacinto P. Elpa National High School, Marso 16, 2024 matapos itong ipagpaliban dahil sa 7.4 magnitude na lindol na yumanig sa lalawigan ng Surigao del Sur, Disyembre 2, 2023.

Sinuspende ni City

Mayor Roxanne T. Pimentel ang lahat ng aktibidad sa paaralan kabilang na ang tatlong araw na pagkakampo ng mga mag-aaral at mga guro sa paaralan para sa kaligtasan ng 316 na estudyante at mga gurong nakilahok dito.

“Finally, naisagawa na rin ang naudlot na

gawain ng Sci Camp, dahil sa lindol noon hindi natapos ang mga activities,” ani JP Perez, mag-aaral at Camp Director ng gawain.

Ayon kay Perez, nakaplano na talagang ipagpatuloy ang kaganapan dahil mayroon pang natirang badyet na mahigit Php 300,000 pondo at may mga gawain pang

nabinbin.

Samantala, hindi rin magkamayaw ang mga mag-aaral na sumali dahil sa saya na kanilang naranasan sa isang araw na may oba’t ibang mga gawaing inihanda ng mga namamahala. OHSS sagot sa mga nais magpatuloy ng pormal na edukasyon

Upang ang lahat ng kabataan ay makapag-aral, ipinatupad ng Departamento ng Edukasyon ang Republic Act 10665 o kilala bilang Open High School System sa bansa kalakip ang angkop na panustus sa programa, na bukas sa mgakabataang kwalipikadong mag-aaral at nais matuto sa pormal na edukasyon.

Nilalayon ng DepEd na palawakin pa ang OHSS sa sekondarya, bigyang pagkakataong makapag-aral ang kabataan na walang panahon pumasok sa paaralan araw-araw dahil sa mga mahalaga at hindi maiwasang kadahilanan.

“To avoid learnersat-risk of dropping out, to encourage the Out-of-School Youth na bumalik sa pag-aaral maging ang mga PEPT passers sa elementarya na mag-proceed sa hayskul,” paliwanag ni Chaile Salinas, puno ng akademik.

Ayon naman sa isang tagapayo ng OHSS, Gng.

Ana Geran V. Millan,

hindi mananatili sa open high ang mag-aaral at babalik din sa regular class kung magiging maayos na ang kanyang suliranin.

Dagdag pa niya, ginawa ito upang hindi mahuli sa klase ang bata sa panahong may suliraning mabigat at para hindi maapektuhan ang pag-aaral kaya may OHSS na sasalo upang maiwasan din ang dropouts.

Kadalasan sa mga mag-aaral ay buntis, working student, may asawa at iba pa na hindi talaga makapasok sa paaralan araw-araw at nais makatapos sa pormal na edukasyon.

“Lisud man ang

kahimtang, pero sige dakan anguton para makagraduate ulahi na ang pagbasol,” pahayag ni May Candido, magaaral OHS.

Samantala, sa anim na mag-aaral, tatlo ang lalaki na mga nagtatrabaho, mga binata at tatlo rin ang babae na may mga anak na. Ilan sa mga dahilan ng hindi kaagad makapagsumite ng mga modyul o mga gawaing ibinigay ng mga guro ay walang maiwan o magbabantay sa anak, hindi lubos na naunawaan ang pagsagot sa mga gawain.

Pagtaas ng HIV, Nakaugnay sa kakulangan ng edukasyon

s umataas ang kasalukuyang 56 bilang ng kaso ng Human Immunodefieciency Virus (HIV) sa lungsod ng Tandag ayon sa datos ng Philippine Health Office (PHO) kadahilan ng kawalan ng kaalaman at pag-iingat ng karamihan.

TAyon sa PHO, malaking kontribusyon ang pagkakaroon ng walang kaalaman tungkol sa sakit sa pagtaas ng kaso dahil sa pagsasagawa ng mga sekswal na aktibidad ng mga tao na may maraming kasosyo sa sex nang hindi alam ang magiging resulta nito.

“Nakipagcollaborate ang PHO with other agencies to fight HIV through networking, advocacies and by spreading awareness and programs like HIV/STD/ AIDS Program,” ani Emerica Lopez-Perez, HIV focal person ng lungsod. Dagdag pa

niya, maari nating protektahan ang ating sarili sa epidemya sa pamamagitan ng paggamit ng condom, pagkakaroon ng kamalayan at pag-iwas sa pagkakaroon ng multiple sex partners.

“At risk talaga yung mga hindi gumagamit ng prophylaxis at preexposure prophylaxis

RESPONSIBILIDAD.

kung saan isa itong aksyon na ginagawa upang makaiwas sa sakit,” inihayag niya. Idinagdag din ni Perez na hindi lamang sa pakikipagtalik makukuha ang sakit kundi pati rin sa pagpapasuso ng ina sa bata at blood transfusion. Sinabi rin niya

na hindi bababa ng 90% sa nagpositibo ang tinatawag nating homosexuals o men to men case. Ayon pa sa datos na ibinigay ng PHO nangunguna sa kaso ay nasa edad na 25-34 kasunod ang 15-24, 3541 tapos 15 pababa. Hinihikayat ang lahat na bigyang-diin

ang pagkatuto sa sarili at sa mga kabataan para malabanan ang patuloy na paglobo ng kaso sa lungsod.

Sa 15 kinapanayam, 11 ang sumasang-ayon sa pag-alis ng administratibong gawain. na guro

Bilang tugon sa DepEd Order 2 series of 2024, ipinatupad ng Jacinto P. Elpa National High School ang memorandum order na naglalayong alisin ang mga guro sa mga ancillary at administratibong gawain.

Ayon kay Dr. Evelyn C. Bandoy EdD, punong guro ng JPENHS, bago pa man dumating ang Agosto ay may naganap ng pulong ang mga guro at kawani, at ipinaalam na sa kanilang lahat na magkaroon ng pag-aalis ng

mga serbisyong ancillary.

“Bagamat kamakailan lang inilabas ang DepEd Order No. 002 s. 2024, bago pa ‘yon, noong Agosto sa Division MANCOM, mayroon nang draft dito, kaya agad na itong ipinatupad dito sa school,” ani

ng prinsipal. Nagpahayag naman ng kanyang pagsang-ayon si Dr. Bandoy sa memorandum na ito. Ani niya, ito ay daan upang ang mga guro ay magtutuon na lamang sa pagtuturo nang hindi naaantala ng

mga gawaing hindi nila sakop. Sa pagsasakatuparan sa gawaing ito ng DepEd, ay nakapag-employ na ang paaralan ng dalawang job orders ngunit sa ngayon ang kanilang gawain sa loob ng dalawang buwan ay ang pagtulong sa pagkakasundo ng mga hindi magkatugma sa GSIS, pagkatapos nito, tutulong sila sa mga ancillary services. Pinirmahan ang DepEd order 2 series of 2024 ni Vice President and Secretary Sara Duterte noong January 26, 2024, na nagsasabing ito ay magbibigay daan sa mga guro na gamitin nang husto ang kanilang oras sa aktwal na pagtuturo sa silidaralan.

balita02 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024 balita03
ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. SETYEMBRE-MARSO 2024
Facebook Page
Pimentel
gawain, tinanggal na sa mga guro
Ginhawa
Pantulong na mga
Tinanggal ang administratibong gawain, dapat nakatuon sa pagtuturo. Kuha ni Charo Montenegro. Ratsada Balita Athena Quiñones AGHAMON. Sumalubong ang lindol sa pagbabalik ng Science, Technology, and Environtment Camp sa Jacinto P. Elpa National High School. Mula sa Facebook. Athena Quiñones Anthony Capon Christine Cagampang Lyka Gamon

5S Strategy ng DOH laban

sa dengue, pinasidhi

Bumaba ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa noong Disyembre 17, 2023 mula 7,274 pababa sa 5,572 ng Enero 1-13, 2024. Ngunit nagkaroon ng 635 na kaso ng dengue ang Caraga region noong Disyembre 31. Kaya’t pinagtibay ng Department of Health (DOH) ang ‘5S Strategy’ upang magsagawa ng pagwawasak sa mga

posibleng pinanahanan ng lamok. Nakiisa ang Tandag City sa ipinatupad ng gobyerno at kaliwa’t kanang isinagawa ng Local Government Unit at Tandag City Health Office Epidemiology and Surveillance Unit sa lahat ng barangay sa lungsod ang programang Information Education Campaign (IEC)

on Dengue at Search and Destroy kaugnay sa 5S Strategy na sinimulan noong Enero 4 ngayong taon.

Nagkaroon ng produksyon ng mga babasahin bilang paghahanda para sa pagbisita sa mga barangay sa buwan ng Pebrero. Pinasalamatan din ng City Health Office ang LGU

Bagong palapag, solusyon sa kakapusan ng silid-aralan

inimulan noong Agosto 2023 ang proyektong pagpapatayo ng apat na palapag sa baitang pito ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) dahil sa kakulangan ng silid-aralan.

Inaasahang makatulong ang bagong pasilidad sa pagkakaroon ng 20 modernong silidaralan. Ngunit, sa ngayon, ang Php 30,262,500 na pondong inilaan ng lokal na gobyerno ay sapat lamang para sa pagtatayo ng 12 silidaralan. Bagamat mayroong

kakulangan sa pondo, nananatiling mataas ang pag-asa na matutupad ang pangako ng lokal na kongresista na si Hon. Romeo S. Momo Sr. na mapondohan ang natitirang mga gusali, ayon kay Ronel Tajonera, Facilities Incharge.

Dagdag pa niya, ipinatupad ang

proyektong ito dahil sa sitwasyon ng ikapitong baitang at Senior High School na kasalukuyang palipat-lipat ng klase dahil sa kakulangan ng silid. Layunin din ng proyekto ang pagdagdag ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) kurikulum sa Senior High School. Hangad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos ang proyekto pagkatapos ng isang taon at kalahati, upang mabigyang daan ang maayos at dekalidad na edukasyon sa mga kabataan.

munisipyo at syudad

Tandag sa pamumuno ni City Mayor Roxanne C. Pimentel sa pagsuporta sa mga programa nito. Dahil sa walang tigil na pag-ulan, may pangambang magkaroon ng maraming kaso ng dengue sa Tandag City. Ang CHO ng Tandag sa ilalim ng pangangasiwa ni Dr. Ruth M. Arraz ay nagpapatuloy sa mga hakbang ng programang

ang may pinakamaraming slots na nakuha mula sa SPES

-- Lamberto M. Plarisan, PESO Manager ng LGU, Tandag City.

Daan sa maliwanag na kinabukasan

Tungo sa Kaunlaran

ito upang makontrol ang kaso ng dengue sa lungsod. Ang Dengue Program coordinator na si Sir Nerio Japson, kasama ang Sanitation Inspectors ay patuloy na nakikipagugnayan sa mga barangay para labanan ang dengue. “Wala pa akong data or percentage ng pagincrease ng dengue cases sa Tandag kay wala pa

nag release ng report ang region. Pero 21 barangays ng Tandag are working together since mga 2 weeks ago pa para ma prevent or ma lessen ang cases sa dengue. So far, nag conduct sila ng search and destroy tapos IEC kada purok ug kada barangay,” ayon kay Rexona O. Trimidal, Nurse 1 sa Disease Surveillance ng Tandag City.

IPanlipunan

tinaguyod ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Special Program for Employment of Students (SPES) para magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga magaaral na nagnanais kumita ng pera sa panahon ng bakasyon sa loob ng 20 na araw. Ito ay kabilang sa Republic Act No. 8759 na kilala bilang Public Employment Service Office (PESO) Act noong 1999.

Ang mga student beneficiaries ng SPES ay tatanggap ng P443 kada araw. Manggagaling sa Local Government Unit (LGU) ang 60% ng sahod at ang 40% naman ay magmumula sa DOLE. Nababawas kada taon ang bilang ng slots para sa beneficiaries. Mula 600 ay bumaba

ito sa 241 slots sa nakaraang taon at naging 169 nalang ito sa taong 2024. Nakatanggap ng parangal ang pamahalaang lungsod ng Tandag para sa kanilang serbisyo sa publiko at pagsuporta sa 167 beneficiaries na nakatanggap ng oportunidad sa SPES

para sa fiscal year 2023 noong nakaraang Enero 24, 2024 sa Public Employment Service Office (PESO) Year-End Performance Assessment, Federation Meeting, at Core Planning Workshop 2023 na ginanap sa Almont Hotel at Inland Resort ng Butuan City. Nakuha rin ng

LGU Tandag ang unang gantimpala matapos magkaroon ng pinakamataas na bilang ng rehistradong empleyado sa PESO Employment Information System (PEIS), na may 444 na empleyadong nakarehistro para sa taong 2023.

Bilang ng Dropouts sa JPENHS bumagsak ng 45%

Bumaba ang bilang ng dropouts ng Elpa High ayon sa datos ng planning office, mula 91 na estudyante noong S.Y 2022-2023, naging 50 nalang sa kasalukuyang taon ng paaralan.

Isa sa mga dahilan ng problemang ito ang pandemya. Marami ang nagpasya na ipagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral dahil sa modular learning, upang makahanap ng pantustos sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

“Nung nagsimula ang pagpatupad ng face to face classes, hindi agad nakapagadjust ang mga working students natin noong S.Y 2021-2022, kaya tumaas ang bilang ng dropouts natin last year,” ani Ruth Matugas, planning

officer ng JPENHS. Dagdag pa niya, nang nagdaang taon, iilan sa mga mag-aaral ng Elpa ang maagang nagbuntis kaya’t kailangan muna nilang ihinto ang kanilang pag-aaral upang matutukan at maalagaan ang kanilang mga anak. Gayunpaman, gumagawa ng paraan ang paaralan upang matulungan ang mga estudyanteng naghihirap sa kanilang pag-aaral dahil sa personal na mga problema. Isa sa inilunsad ng paaralan ang Open High School

Program (OHSP), kung saan layunin ng programang ito ang magbigay ng pagkakataon para sa mga high school dropout, may problema sa kalusugan at mga maagang nagbuntis na makatapos ng sekondarya sa isang purong distance learning mode. Bukod pa rito, naglagay ng dalawang seksyon ng Alternative Learning System (ALS) ang paaralan na pinangalanang ALS Matibay at ALS Matatag sa baitang 11 na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral na makapagtapos ng pag-aaral sa hayskul.

nilunsad ng Comelec noong Pebrero 12, ang Registered Anywhere Program (RAP) registration sites, ang onestop ng ahensya upang mapadali ang pagrehistro sa mga botante sa mga itinalagang lugar.

Sinimulan na ng Commision on Elections (COMELEC) ang pitong buwan na voter registration para sa 2025 National and Local Elections. Ang pagrehistro sa mga bagong botante para sa 2025 NLE ay hanggang Setyembre lamang ngayong taon. Bukas ang pagrerehistro sa iba’t ibang registration sites, kabilang na ang mga opisina ng Comelec at mga satellite o mall registration sites. Nasa 170 na mga malls sa buong bansa ang inaasahang magrepresenta sa RAP, na ayon kay Comelec Chairperson George Garcia ay magreresulta ng madaling pagpoproseso dahil sa loob lamang ng 10 minuto ay matatapos ng aplikante ang kanyang pagr erehistro. Nag set-up din ang Comelec ng RAP centers sa mga simbahan at sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Dagdag ng Comelec, hanggang Agosto

31 lamang ngayong taon pwedeng magparehistro sa RAP sites. Tatlong milyong Pilipino ang inaasahan ng Comelec na magparehistro bilang mga bagong botante na magbubuo ng nasa 71 milyong botante sa buong bansa. Sa kasalukuyan, nasa 2,000 na na mga registration sites ang pinupuntahan ng mga aplikante, kabilang na ang 170 na mga malls sa bansa kung saan merong RAP sites. Ang aplikante ay dapat 18 na taong gulang sa araw ng halalan, Mayo 12, 2025, residente ng Pilipinas sa nakaraang taon at dapat residente sa lugar kung saan sila boboto ng anim na buwan bago ang 2025 NLE. Magiging bukas ang mga opisina ng Comelec mula Lunes hanggang Sabado, alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, ayon sa ahensya sa kanilang opisyal na social media channels.

balita05 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024
Isyung Komunidad
Bagong Pag-asa Kampus Ekspres
S
Isyung
RAP sites, tulong sa pagpapabilis ng rehistro
SPES ng DOLE, dagdag oportunidad sa mga estudyante ng Tandag
Sa mga numero
I
17
2
Christine Cagampang Mitchelle
Lozada
Athena Quiñones Athena Quiñones Athena Quiñones DENGUE. Banta sa kalusugan. Mula sa Tandag City Epidemiology and Surveillance Unit Facebook PROGRAMA. Tulong sa estudyanteng kapos ngunit karapat-dapat. Kuha ni Earl Ascarez KADLUAN. Tahanan ng kaalaman at karunungan. Kuha ni Earl Ascarez KARAPATAN. Kabataan ang may hawak sa kinabukasan. Kuha ni Earl Ascarez

Matagumpay na pagbaba ng malnutrisyon sa Tandag

Nakamit ng mga kabataan ang makabuluhang pagbuti ng kanilang kalusugan matapos bumaba ng 122 sa taong 2023 ang dating 583 na bilang ng kaso ng malnutrisyon noong 2017 sa lungsod ng Tandag.

Ayon sa datos ng City Mayor’s Office nababawasan kada taon ang bilang ng malnourished kids sa lungsod.

“We have Dietary Supplementation Program (DSP) wherein our beneficiaries are for those wasted children,” ani Reyveen Geli, Nutrition Officer IV ng LGU Tandag.

Sa tulong ng mga programang inilunsad ng Departamento ng Edukasyon at City Health Program nagkaroon ng

gabay ang mga kabataan laban sa malnutrisyon.

Dagdag pa niya, malaking tulong ang mga nars sa paaralan sapagkat sila ang sumusubaybay sa mga mag aaral na tinaguriang malnourished.

Gayunpaman, hinihikayat ng City Health Office (CHO) ang mga magulang na tutukan ang kanilang mga anak dahil sa positibong resulta nito ay nananatili pa rin itong isang suliranin na hinaharap ng ating mga kabataan.

Bukod pa rito, nais ng CHO na magkaroon ng mas higit pa na mga programa upang matutukan ito at maipatuloy ang pagbaba ng kaso sa lungsod.

‘Mapagtagumpayan ang kahinaan...’

mula sa pahina 1

Ang Siglaw

BOSES NG KABATAAN. SINAG NG KATOTOHANAN.

Sumanib sa samahang pambayan ng Jacinto P. Elpa National High School

Itaguyod ang lumalabang tinta ng Elpa High!

kaso ng suicide sa taong 2023. Ito ang pinakahuling datos na naitala ng paaralan ngayong taon ayon sa guidance counselor.

Ilan sa mga dahilan ng ganitong isyu ay ang family pressure, pakikitungo ng pamilya sa kanila, at academic pressure. Marami sa kanila ang nakaranas ng bullying dahil sa pagkalantad sa social media.

“Isa rin sa mga rason ay ang poor coping skills ng magaaral. Aabot sa 30% ng populasyon ng paaralan ang bilang ng mga mag-aaral na may mental health issues,” ayon pa kay Rajie Mohamad Abdelgafur, itinalagang guidance counselor ng paaralan.

Gayunpaman, hindi sumuko ang guidance counselor sa pagharap ng

ganitong problema.

“So far, 9 out of 10 na nakapunta sa guidance office na mga students nagiging okay naman kasi nabibigyan sila ng positive interventions,” ani Abdelgafur. Bukod sa guidance office, naglunsad din ang paaralan ng School Peer Mediators’ Club na binubuo ng mga mag-aaral mula sa Science, Technology, and Engineering Curriculum upang maparami ang mga taong nag-aalok ng counseling services sa paaralan.

“Ming apil ako kay being a peer mediator, you can learn a lot from the lessons it teaches you. It can help not

only in school but also my well-being,” ani ni Aldridge A. Aguhob, miyembro ng club. Ang samahan ay nilikha upang tulungan ang paaralan at ang guidance advocate sa pag-abot sa maraming mga mag-aaral para sa kanilang mental well-being sa pamamagitan ng isang sesyon o isang serye ng meditasyon.

“The sad news is from 74 applicants, 11 na lang ang nakasurvive dahil sa hirap siguro ng training at basically wala silang commitment to pursue,” dagdag ni Abdelgafur.

Patuloy pa rin ang pagsasanay ng

mga mag-aaral mula sa STE Curriculum para sa School Peer Mediators’ Club upang makapagbigay ng tulong sa hamong ito. “Gusto kong manawagan sa mga estudyanteng interesadong sumali sa aming club. Ang aming club ay hindi lamang tungkol sa pagsali kaagad sa paghawak ng mga kaso o sitwasyon ngunit makakatulong din sa aming mga estudyante bago tumulong sa iba,” wika ni Raylene Alegado, pangulo ng Peer Mediators’ Club.

Lyka Gamon Punong Patnugot

RJ Lureñana Pangalawang Patnugot

Jade Sibayan Tagapangasiwang Patnugot

Christine Cagampang

Athena Quiñones

Balita

Ayessa Soriano Opinyon

Precious Empedrad Lathalain

Hannah Ebreo Agham at Teknolohiya

Samantha Jane Dumay Isports

Earl Ascarez Dibuhista

Ernest John Guinsatao Potograpo

Ethan Alimboyong

Anthony Capon

Mitchell Lozada

Santino Yu

Kisha Geducos

Nicole Auza

Kontributors

Chloe Montenegro

Kate Historia

Sirkulasyon

bayan. Ang mga panukalang inihataw din ng People’s Initiative ay tila nagpawalang saysay sa mga haka-haka sa likod nito. Ang pagpalit ng demokrasya ng bansang ito at gawing parlamento ay parang tinanggalan na rin ng tinig ang masa na makapagpahayag, makapili, mangarap para sa Lupang Sinilangan. Kung magtagumpay ito sa hinaharap, maaari tayong bumalik sa panahon ni Marcos na umabot ng 20 taon ang pamumuno. Bilang isang mamamayang sakop sa probinsya ng Surigao Del Sur, ang mga panukala’t isyu na nakasaad sa People’s Initiative ay dapat masusing pag-aralan. Ako man ay hindi rehistrong mamboboto ngunit ang isyung ito ay nakakabahala.

ilan na ito’y palihim at hindi tapat na paraan. Nagtatag sa ngayon ang Senado ng grupo ng mahahalagang tao na titiyak na ang lahat ay patas, titingin sa sitwasyon upang malaman kung ano talaga ang layunin nito. Pinaparating ng People’s Initiative ang tatlong mga panukala. Una, ang pagababago sa sistema ng bansa kung saan magiging parlamento ang bansang demokrasya. Sa pamahalaang parlamento, sa halip na ang pangulo ang pinakamataas na posisyon sa politika, ito’y maging punong ministro na. Katulad ng mga karatig na bansa kagaya ng Japan, United Kingdom, at Canada, hindi na nila binibilang ang boto ng mga mamamayan sa pagpili ng presidente kundi ang boto lamang ng senado.

Ikatlo, ang panukala ng People’s Initiative na may kinalaman sa pang-ekonomiyang probisyon. Halimbawa nito ay ang pagbabago sa mga patakaran ukol sa foreign ownership ng mga negosyo, patakaran sa pagnanais sa dayuhang pamumuhunan, o mga regulasyon sa ekonomiya na maaaring makaimpluwensya sa pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Ang mga pagbabago sa konstitusyong ito ay maaaring direktang imungkahi ng mga tao sa pamamagitan ng inisyatiba sa isang petisyon ng hindi bababa sa labindalawang porsyento ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante, kung saan ang bawat distritong pambatas ay dapat na katawanin ng hindi bababa sa tatlong porsyento ng mga Ang

Charo Montenegro

Rissa Lureñana Tagapayo

Evelyn Bandoy

Punongguro

Ang People’s Initiative ay hindi lamang biyayang handog ng demokrasya, subalit bunga din ng katapangan at lakas ng loob na ipinamalas ng mga sangkot sa People Power Revolution. Kung totoo man ang mga alegasyon, nakakalungkot isipin na sa kabila ng kasaysayang bitbit nito ay ginagawa pa ring abusuhin. Sa ngayon, pinagtatalunan pa ang usaping ito. Ang bansa ay may maraming mga isyu na dapat pagtuunan ng pansin. Kung ganito lamang ang mangyayari, itigil na lamang ang planong ito? Sabi nila UNITY daw, ngayon, nasaan na?

Sa gitna ng patuloy na pangarap

ng kapangyarihan sa mamamayan na direktang makilahok sa paglikha ng mga batas at patakan.

Nagsimula ito nang nahirang si Cory Aquino bilang pangulo noong 1986, na itinuring na people power na nagtanggal kay dating Pangulong Marcos Sr. sa kapangyarihan. Kaya, ang pinagmulan ng konsepto ng People’s Initiative ay ang People Power Revolution na yumanig at nagpabagsak sa 20-taong diktadurang Marcos noong Pebrero 1986. Kaya noong panahon ni Cory, isang bagong hanay ng mga tuntunin na tinatawag na Konstitusyon ang ginawa. Sinabi nito na ang mga tao ay may kapangyarihan na gumawa ng malalaking desisyon para sa lahat. Ang ilang mga patakaran ay binago din. Ngunit mahalaga na ang mga desisyon ay nagmula sa kung ano talaga ang gusto ng mga tao, hindi mula sa iilang pulitikong may masamang plano. Humiling ang mga lehislatibo sa mga mamamayan na pumirma upang baguhin ang ilang mahalagang tuntunin. Ngunit ang mga nag-utos ay maaaring ginagawa lamang ito

balita06 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024
ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. SETYEMBRE-MARSO 2024 akababahala ang bilang ng kaso ng self harm sa Jacinto P. Elpa National High School. Umabot na ito sa mahigit kumulang 15 na mag-aaral sa lahat na baitang ng paaralan. Nagkaroon din ng isang
N Editoryal
WATAK-WATAK
ng mga Pilipino para sa mas malinis at mas maunlad na pamahalaan, lumilitaw ang konsepto ng People’s Initiative, isang mekanismo na ibinigay ng konstitusyon ng Pilipinas ay nagbibigay
Siglaw
Athena Quiñones
DIBUHO • Earl Ascarez

Boses ni Titser

Pawis, puyat, pagod, at pagdadalamhati ay iilan sa mga nararanasan ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon, ang mga produktong dati’y madali lamang bilhin ay ngayo’y pahirapan na sa ngayon. Sa kakarampot na kinikita, ito’y hindi sapat upang itawid ang pang-araw-araw.

I worked like a dog, day, and night just to keep up with the set expectations and ASAP schoolrelated deadlines

Bahagi ang ating mga guro sa paghubog ng ating pagkatao at ating mga pangarap. Sila ang nagturo sa atin paano bumasa at sumulat, ngunit sa panahon ngayon ang sipag at tiyagang baon ay hindi sumasapat.

Batay sa pag-aaral na inilabas ni Mustafa Serbes, ang talento at karanasan ng mga guro ay isang mahalagang impluwensiya sa tagumpay ng mga mag-aaral.

Sa kabila nito sila’y isa sa may pinakamababang sweldo sa Pilipinas, ang mga gurong nasa pampublikong

paaralan na may mga posisyon sa Teacher I ay tumatanggap lamang ng P27,000 buwanang suweldo, na halos hindi makayanan ang pang-araw-araw na gastusin umaabot sa P34,830, batay sa kalkulasyon ng IBON Foundation. Ang mga posisyon ng titser I ay halos 500,000 at nasa halos 52% ng populasyon ng guro sa pampublikong paaralan. Isa pang 40% ng mga guro sa pampublikong paaralan na umuukupa sa posisyon ng Teacher II at Teacher III ay tumatanggap ng

buwanang suweldo na P29,000 hanggang P33,000. Isa sa mga guro na si Glenn Nozal ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) ay kasalukuyang nagtatrabaho na ngayon sa Thailand. Nabanggit niyang isa sa mga nagtulak sa kaniya upang mangibang bansa ay ang hirap ng trabaho bilang isang guro sa DepEd. Patunay na hindi akma ang kompensasyon ng mga guro sa kanilang sinumpaang propesyon. Dagdag pa niya na sa ibang bansa basta’t nakapagkatapos ng

bachelor’s degree pasok na sa banga, wala na silang pakialam tungkol sa post-graduate achievements mo at ang sahod ay katumbas ito sa ginawang trabaho. Ang mga guro sa bansa ay bugbog sa trabaho sa kabila nang kararampot na sweldo. Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga gurong nangingibang bansa nawa’y matasa ng gobyerno ang kanilang kakulangan at makinig sa sigaw ng mga guro na dagdag sweldo at bawasan ang trabahong hindi tugma sa kanilang

propesyon. Sa pagtahak ng ating mga kababayang guro sa hamon ng buhay, hindi maipagkakaila ang kanilang katapangan at determinasyon. Nawa’y sa hinaharap, ang ating mga gurong nangibang bansa ay makamit na ang tagumpay at pangarap na matagal na nilang inaasam.

Chloe Montenegro

K 10+2, Tulong o Hadlang?

ng panukalang batas sa Kamara para ibalik ang apat na taon ng hayskul ay inihain noong Abril 2023 ni Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga), bunga ng kabiguan ng programang senior high sa paggawa ng mga job-ready na mga graduates. Nangako ang DepEd na gawin ang mga kinakailangang pagsasaayos upang maiangat ang kalibre ng Senior High School Curriculum. Ang pagkakaroon ng K+10+2 na sistema ba ay isang praktikal na hakbang tungo sa layunin nito?

Ang dalawang taon na ginugol sa SHS ay nailalarawan sa panukalang batas ni Arroyo bilang isang dagdag na pasanin sa mga magulang at mag-aaral. Dahil dito, ang iminungkahing panukala ay naglalayong pahusayin ang technical, vocational, livelihood (TVL) track sa dahil naobserbahan ng DepEd na nakaranas ng pagbaba ng enrollment. Ayon sa 2021-2022 na datos ng ahensya, 28.93 porsyento lamang ng mga mag-aaral ng SHS ang pumili para sa TVL track, habang higit sa 70 porsyento ang pumili ng academic track.

Ang pinakahuling panukala, na inihain ni Arroyo, na gawing compulsory lamang ang Grade 11 at 12 para sa mga indibidwal na nagnanais na magpatuloy sa kolehiyo. Ang

mungkahi ay itinuring na sumisira sa flagship K to 12 program ng administrasyong Aquino, na nagpasimula ng pinakamahalagang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa mga nakaraang taon. Ipinatupad noong 2012, ang K-12 na humarap sa mga batikos dahil sa hindi pagtupad nito sa pangakong makagawa ng mga gradweyt na handa ng sasabak sa trabaho. Gayunpaman, lumabas sa isang pagaaral na isinagawa ng Philippine Business for Education na 14 lamang sa 70 nangungunang kumpanya ng bansa sa iba’t ibang industriya ang handang kumuha ng mga nagtapos sa SHS. Karamihan sa mga kumpanya ay inuuna pa rin ang mga aplikante na gradweyt ng kolehiyo.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng

Philippine Institute for Development Studies noong 2020 ay nagpapahiwatig na aabot sa 70 porsiyento ng mga nagtapos ng SHS ang nagpasyang magpatuloy sa kolehiyo upang makakuha ng bachelor’s degree. Taliwas sa mga nakaraang pagtataya, mahigit 20 porsiyento lamang ng mga nagtapos na ito ang nagpasya na pumasok sa workforce. Hindi pa pormal na inaprubahan ng House basic education committee ang House Bill No. 7893. Gayunpaman, sa mga nakaraang pagdinig, hinimok ng panel chair na si Representative Roman Romulo ng Pasig City, ang mga mambabatas na manatiling bukas sa panukala. Ang mga mambabatas at eksperto sa edukasyon, na sumusuri sa mga internasyonal na

modelo kasama ang mga propesor na dalubhasa sa patakaran sa edukasyon, nagpahayag ng pagaalinlangan tungkol sa iminungkahing K+10+2 na panukala.

“That’s something I want to put on the table so that we can think about unintended consequences. For me, we might incentivize our kids to stop at Grade 10 and they won’t have the necessary skills to land decent jobs in the long run”, saad ni Sen. Sherwin Gatchalian Bagama’t binigyang-diin ng Bise Presidente kasama ang DepEd Secretary Sara Duterte na ang mga pagkukulang ng K-12 program ay hindi kasalanan ng mga guro, hindi maikakaila na ang kakayahan ng mga tagapagturo ay may mahalagang papel sa paghubog ng edukasyon ng

mga bata. Sa halip na tumutok lamang sa pagbabago ng kurikulum, dapat unahin ng DepEd ang pagsuporta sa puwersa ng pagtuturo. Ang simpleng pagaalis o pagbabago sa K-12 curriculum ay hindi matutugunan ang pinagbabatayan na isyu ng mahinang kalidad ng edukasyon kung ang mga patuloy na hamon tulad ng kakulangan sa silid-aralan, hindi sapat na pasilidad, at kakulangan ng mga kwalipikadong guro ay mananatiling hindi natutugunan.

Ipagtanggol ang Pagkakakilanlan

ika ang kaluluwa ng isang bansang malaya. Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi maiiwasan ang pagbabago. Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi maiiwasan ang pagbabago. May mga pagbabagong hindi maganda ang epekto sa lipunan. Isa na rito ang panukalang pagtanggal ng Wikang Filipino sa sistema ng edukasyon. Kung saan umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga Pilipino, lalo na ang mga mag-aaral at mga guro.

Nabahala ang ilan kung paano makakaapekto sa pag-aaral ng mga magaaral ang pagtanggal sa asignaturang ito. Maaaring magdulot ng komplikasyon sa bokabularyo ng mga mag-aaral, lalo na sa mga susunod na henerasyon. Mahalagang mapanatili itong ating nakasanayang wika, dahil ito ay pundasyon ng pag-unlad at pagpapatibay ng kaisipan.

Dahil dito, hindi lamang tayo natutong magsulat at magsalita, tinuturuan din tayo nito kung paano pahalagahan at mahalin ang ating bansa at ang kasaysayan.

Magiging limitado rin ang kakayahan ng tao na maunawaan ang kapwa at maipahayag ang kanyang sarili, kung limitado rin ang

bokabularyo ng bawat isa. Posible rin na magbigay hirap ito sa industriya ng bansa, maaaring maiwasan ang kakayahan sa komunikasyon at hahantong sa mababang antas ng oportunidad para sa mga mamamayan.

Isa pa sa mga desisyon ng Korte Suprema (KS) na mga subject na panghanapbuhay o pampropesyonal lamang ang dapat pinag-aaralan lalo na sa mga kolehiyo na kaugnay sa ‘career’ nito.

Sabi naman ng mga kontra sa desisyong ito, para maging totoo tao na may kamalayan sa mga tungkulin at pananagutan sa sariling bansa, kailangan ang dagdag na mga kaalaman. Tulad ng mga luma at makabagong mga wika,

panitikan, pilosopiya at kasaysayan. Bukod pa rito, mas magiging kritikal ang pagtingin sa kung paano ito nakakaapekto sa pagpapahalaga sa sariling kultura. Kung hahadlangan talaga ang Wikang Filipino sa larangan ng edukasyon sa iba’t ibang rehiyon, mawawalan tayo ng isang katutubong wika na magiging tulay ng pagkakaintindihan ng mga Pilipino. Sa halip na dapat palakasin at ipalaganap ang kultura ng Pilipinas, ang panukalang pagtanggal sa asignaturang Filipino ay magsisilbing hadlang sa pag-unlad sa pagpapahalaga sa sariling kultura ng mga kabataan.

Dapat tandaan na ang pag-aaral at ang pagpapanatili sa Wikang Filipino ay

DIBUHO

hindi lamang tungkol sa kaalaman sa pagsasalita at pagsulat ng wika kundi pati na rin sa pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng bawat Pilipino pati na rin ang ating bansa. Bigyang prayoridad ito upang mapanatili ang kultura at pagkakakilanlan sa pagiging Pilipino sa gitna ng patuloy na pagbabago ng lipunan.

Huwag nating hayaang mabaon sa limot at mawalan ng saysay ang dugong itinigis ng mga bayaning nag-alay ng kanilang mga buhay makamit lamang ang kalayaan ng bansa at magkaroon ng sariling tatak ng pagkakakilanlan, ipagtanggol ang sariling wika, wika ng pagkakabuklod at pagkakaisa, ang Wikang Filipino.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024 TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024
A
SA TOTOO LANG
PANANAW
W
PUNTO POR PUNTO Precious Empedrad
Lyka Gamon opinyon10
• Earl Ascarez

Sa isang debate noong Hunyo 2, 2023, ipinangako ng SSLG na gawin ang lahat para sa ikauunlad ng paaralan. Ngunit sa kasalukuyan, tila nawawala na ang bisa ng pangako na ito. Bagamat puno ng suporta mula sa mga

Limot na plataporma pagkatapos ng panalo

Hindi sapat ang salita lang, dapat may kasamang gawa. Mahalaga ang papel ng mga lider sa paaralan, lalo na sa Supreme Secondary Learners Government (SSLG) ng Jacinto P. Elpa National High School. Bagamat nagsimula na ang kanilang termino, mukhang kulang pa sa gawang natutupad ang kanilang mga plataporma.

mag-aaral, mukhang hindi nakakamit ang inaasahang tagumpay.

Sa pagtatapos ng kanilang termino, dapat naman sana’y nagawa na ang kanilang mga pangako. Ngunit kahit may mga magandang layunin, tila nauurong

pa rin ang mga plano. Ayon sa mga mag-aaral noong Pebrero 23, 2024, ilang pangako ang hindi natupad, tulad ng maliliit na silid-aklatan at iba pa. Bagamat nabawasan ang diskriminasyon sa paaralan, hindi malinaw kung ito ba’y dahil sa

SSLG o resulta ito ng pagbabago ng puso ng mga estudyante. Tila ba nalimutan na ang ilang pangako ng SSLG nang nasa posisyon na. Kahit may mga pangako pa silang nais tutukan, mukhang hindi na ito maabot sa

nalalabing dalawang markahan ng kanilang termino. Mahirap nga naman ang pagsabayin ang pag-aaral at pagseserbisyo, ngunit ito ay bahagi ng kanilang responsibilidad. Nais sana natin na ang kanilang pangako’y

maging gawang tunay, hindi lang para sa posisyon kundi para sa kapakanan ng kanilang kapwa estudyante.

Pagkalugmok ang kahihinatnan sa bigong pamamalakad

Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga pinakamatinding hamon na kinakaharap ng Pilipinas ay ang patuloy na pagtaas ng utang sa pandaigdigang pamumuhunan. Ito’y isang isyu na hindi dapat balewalain, sapagkat may malalim na implikasyon sa ekonomiya, kasalukuyang kalagayan, at hinaharap ng bansa.

Lalo pang lumalaki ang utang ng Pilipinas sa mga dayuhang kreditor sa loob lamang ng ilang taon. Ang pagtaas na ito ay nagdudulot ng agamagam at pag-aalinlangan sa kakayahan ng bansa

paglaki ng ating utang sa pandaigdigang komunidad sa nagdaang mga taon. Sa kasalukuyan, ang utang ng Pilipinas ay umabot na sa trilyong piso, na karamihan ay inutang sa mga pandaigdigang bansa. Maraming mga Pilipino ang patuloy na naghihirap dahil ang paghina ng piso ay nagdudulot din sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa merkado na mas nakakaapekto sa mga mamamayang ng isang bansa na ang pangungutang ng isang bansa sa mga pandaigdigan ay nagpapakita ng kahinaan at maraming kakulangan sa ekonomiyang bansa. Isa sa mga ng utang ng Pilipinas ay ang mabilis na pagpapautang ng mga dayuhang institusyon sa bansa. Sa pagtatangka ng pondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura at programa para sa kaunlaran, madalas na kailangang umasa sa pag-utang upang maipatupad ito. karampatang benepisyo ang mga mamamayan. Gayunpaman, mahalaga na maging maingat at maalam

Reyalidad ng Edukasyong De-kalidad

Sa lipunang walang kasiguraduhan ang kabuhayan ng mamamayan, edukasyon ang siyang pinanghahawakan ng kabataan upang matamasa ang magandang kinabukasan.

Ngunit sa kasamaang palad, hindi lahat ay may kakayahang makapagaral nang walang inaalalang problema sa pangkabuhayan na tila isang harang sa daan patungo sa kanilang mga pangarap.

Laganap sa buong sambayanan ang suliraning nararanasan ng mga mag-aaral dahil sa kahirapan. Bagaman labis ang kagustuhang maayos na makapagaral, tila sila ay hindi pinapahintulutan ng sitwasyon sa buhay na kanilang nararanasan. Marami sa kabataan, lalo na sa lungsod ng Tandag ang patuloy na lumalaban, sila’y huwag lang makahinto sa pagaaral. Karamihan sa kanila ay napipilitang mamasukan sa iba’t

pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Higit pa rito, kahit na nararapat lamang sa kabataan na pagtuunan lamang ng pansin ang kanilang edukasyon sa halip na magtrabaho, madalas sa kanila ay wala nang ibang magawa

pa nilang magtrabaho sa halip na mag-aral na lamang. Ang pagtamo ng magandang edukasyon ay hindi lamang isang simpleng hakbang para sa kinabukasan kundi isa rin itong pangunahing sandata sa pakikibaka laban sa kahirapan. Gayunpaman, dahil sa tila hindi matapos-tapos na kahirapan, marami na ang siyang nawawalan ng kagustuhang pumasok sa paaralan.

Masasabing dahil sa sitwasyong tinatamasa ng karamihan sa kabataan, para bang sila ay napagkakaitan ng tyansang mamuhay ng maginhawa at walang sakit na iniinda kung kaya’t ang kabataan ay unti-unti

nangnawawalan ng pagasa.

Madalas man na sinasabi na walang imposible sa taong puno ng determinasyon at may dinadalang inspirasyon, hindi pa rin mapagkakaila ang katotohanang matatamo lamang ang dekalidad na edukasyon kung nakatatanggap ng maayos na suporta ang bawat mag-aaral sa pamamagitan ng mabisang aksyon. Samakatuwid, sapat at epektibong suporta o programa para sa sektor ng edukasyon galing sa pamahalaan ang siyang kinakailangan para sa tunay na pangmatagalang kaunlaran alang-alang sa kabataan, sapagkat sila ang pangunahing karapat-dapat na maaasahan o takbuhan ng sambayanang nahihirapan.

SARAP INTERNASYONAL PARA SA PANLASANG LOKAL

Wala nang kailangan pang lakbayin upang sumubok ng ibang pagkain. Pakikipag-ugnayan ng ibang kultura sa ating naturang panlasa, nawa’y suportahan at pahalagahan ang bawat isa. Dala ang panibagong delikasiya na paniguradong pasok sa panlasa.

Kamakailan lamang nitong Pebrero 22, kasalukuyang taon, binuksan ang bagong kainang nagngangalang “Sukidesu” tampok ang mga pagkaing istilong pang-Hapon. Sa bawat pagkain na inaalok nila, nagmimistulang kumakain ka sa ibang bansa.

Ipinakikita ng kainan na maaari mong tuklasin ang kultura ng iba’t ibang bansa gamit ang iyong mga kubyertos. Sa bawat subo ay nalalasap ang malinaman na sarap. Kabilang sa kanilang mga ipinagmamalaking lutuin ang ramen, maki, rice bowl, at iba pa. “Irasshaimase,”

maligayang bati na unang aani sa iyong atensyon pagpasok sa kainan. Nagbabagang kawali, bilis ng paghiwa, at palakaibigang tagapagsilbi, iilan sa mabuting aspetong iyong masisilayan. Ang may-ari ay isang tagahanga ng pagkaing

Hapon at namangha siya sa lasa ng pagkain, kaya napagtanto niyang dalhin ito sa Tandag para maibabahagi ang mga masasarap na delikasiya ng Hapon sa presyong swak sa bulsa ng mga Tandaganon. Ngunit sa kabila ng paghanga sa internasyonal na

luto, huwag nating kalimutan ang ganda at kahalagahan ng sariling atin. Ang pagiging bukas sa iba’t ibang kultura ay maganda, ngunit ang pagmamahal at pagsuporta sa sariling pagkakakilanlan ay hindi dapat mawala. Bagamat maganda ang pagiging bukas sa iba’t ibang

kultura, hindi dapat ito magsilbing hadlang sa pagpapahalaga sa kung ano man ang mayroon sa’tin.

TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024 lathalain12 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. SETYEMBRE-MARSO 2024
Jade Sibayan MAKIBAKA HUWAG MATAKOT Ayessa Soriano Hannah Ebreo Jade Sibayan DIBUHO • Earl Ascarez DIBUHO • Earl Ascarez

Bagong Sistema sa Edukasyon Kasangga sa Paglutas ng Problema

a patuloy na pag-unlad ng sistema ng edukasyon, panibagong yugto ng pagbabago ang dumarating sa larangan ng kurikulum. Pagsasakatuparan kung saan ang pagsusulong ng pundamental na kasanayang literasiya, numerasiya, pagkakaroon ng isang malinis, balanseng pagtutok sa kaisipan, at ang masusing paglalahad ng mga kasanayan ng ika-21 siglo ang magiging pangunahing haligi.

Sa unang hakbang ng paglalakbay tungo sa pagpapalakas ng Kurikulum ng MATATAG K–10, kilala rin bilang Batang Makabansa, Bansang Makabata, ang mga mag-aaral sa Kindergarten, Baitang 1, 4, at 7 ay inaasahang magsisimula sa School Year 2024–2025, susunod naman ang baitang 2, 5, at 8 sa School Year 2025–2026. Samantala susunod ang mga antas ng baitang 3, 6, at 9 sa School Year 2026–2027. Sa wakas, sa School Year 2027–2028, ang Grade 10 ay magpapakita ng kanilang kabuuang kaalaman at pagunawa sa nilalaman ng kurikulum.

Pangunahing adhikain ng MATATAG Kurikulum na alisin ang pagkasiksik ng kasalukuyang kurikulum ng K–12 sa pamamagitan ng mas pagtuon sa mga pangunahing kakayahan tulad

ng literasiya, numerasiya, at mga sosyo-emosyonal na kasanayan sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ang bagong kurikulum ay magbibigay ng diin sa pagpapataas ng halaga ng mga magaaral na Pilipino at sa pagpapaunlad ng kanilang mga katauhan ayon sa RA 11476, na kilala rin bilang Batas sa GMRC at Edukasyon ng taong 2020. Bukod dito, isasama rin nito ang mga kakayahan sa kapayapaan na nagpapalakas ng mga kakayahan ng magaaral sa paglutas ng mga hidwaan at pagsusulong ng mga hindi marahas na gawain. Inaasahan kung ano ang maging epekto ng hindi na pagsikip ng kurikulum sa mga resulta at pakikilahok ng mga mag-aaral na may espesyal na diin sa mga pundamental na kasanayan.

Maaaring maganap ang pagpigil sa “learning loss” dahil sa mga aralin at kakayahan na magpapalakas sa pundamental na kasanayan ng mga mag-aaral, kabilang na ang pag hubog sa katauhan nito. Ito ay magreresulta sa mga mag-aaral na MATATAG na mas matatag, maka-Diyos, at handang harapin anumang mga hamon sa buhay. Kooperasyon at pagsisikap ng bawat mag-aaral at ng administrasyong pang edukasyon ang siyang kailangan upang mapabisa ang nasabing adhikain.

We're Elpanians

IPALABAN. MATALINO.PANGARAP PALABAN. MATALINO.PANGARAP

Of Course...

PALABAN. MATALINO.PANGARAP

PALABAN. MATALINO.PANGARAP

PALABAN. MATALINO.PANGARAP

PALABAN. MATALINO.PANGARAP

PALABAN. MATALINO.PANGARAP

PALABAN. MATALINO.PANGARAP

Sa sariwang mundong kinabibilangan natin ngayon, puno ng mga kulturang nakikilala, lalong-lalo na sa gitna ng paligid ng social media, memes, at mga usong trend na naglalabasan. Talaga namang nakakakuha ito ng hindi mabilang na interes mula sa mga tao sa bawat sulok ng mundo. Isa sa mga ito ay ang kamakailan lang na trend na nakakuha ng pansin sa buong mundo. Hindi nagtagal, ang mga mag-aaral sa komunidad ng Jacinto P. Elpa National High School, o mas kilala bilang mga Elpanians, ay agad nang sumakay sa uso na ito ng paggamit ng linyang, “We’re Elpanians, of course ___.” Ang pagiging popular nito ay naging paraan ng pagpapahayag ng sarili, katatawanan, at pagpapatibay ng pagkakakilanlan sa mga mag-aaral, na sumasalamin sa natatanging diwa at pakikipagkapwa sa kanilang paaralan. Narito na ang iilan lamang sa mga bumubuo sa pariralang nagpapakilala bilang isang Elpanian.

Una sa lahat, kami ay Elpanians, syempre, kami ay palaban. Sa mga patimpalak sa palakasan at iba’t ibang mga kompetisyon, kami ay nagpapakita ng aming tapang at determinasyon upang makamit ang tagumpay. Buhat sa mahusay na paghubog sa isang Elpanian ay nararating ang ilang mga lugar dahil sa pagsali sa mga patimpalak katulad na lamang ng Palarong Pambansa 2023 sa lungsod ng Marikina kung saan ipinakita

nila ang kanilang kahusayan sa mundo ng palakasan. Hindi kami nagpapatalo at patuloy kaming lumalaban hanggang sa huli. Pangalawa, kami ay Elpanians, siyempre’t matalino. Ang aming paaralan ay kilala sa aming husay sa pag-aaral, na nagmumula hindi lamang sa aming talino kundi pati na rin sa aming determinasyon na umangkop sa bawat aspeto ng kaalaman. Maraming patunay ang nagpapatunay sa aming

galing at pagtitiyaga sa pagaaral. Halimbawa nito ay ang maraming honor students at mataas na marka sa mga pagsusulit na nagmumula sa aming hanay. Sa mga patimpalak at paligsahan tulad ng math o science quiz bees at debate competitions, patuloy kaming nagpapakita ng aming kahandaan sa anumang laban. Ang aming mga tagumpay ay hindi lamang nagpapakita ng aming kahusayan kundi pati na rin ng aming determinasyon na

magtagumpay sa anumang larangan.

Sa huli, “We’re Elpanians, of course kami ay may pangarap.” Sa aming pagiging Elpanians, hindi lamang kami nagpapakitang matalino at matatag, kundi pati na rin mayroon kaming malalim na pangarap na nais abutin. Bawat araw, kami ay nagtutulak sa aming sarili na magsumikap at gawin ang aming makakaya upang maabot ang aming mga pangarap. Ang aming

mga pangarap ay hindi lamang simpleng nasa, kundi mga layuning nagbibigaykahulugan sa aming pagaaral at pagsisikap. Ang aming mga pangarap ay nagbibigay sa amin ng inspirasyon at lakas upang patuloy na magpakatatag at magtagumpay sa hinaharap. Sa pagtatapos, ang bawat pahayag ng “We’re Elpanians, of course kami ay ____” ay nagpapakita ng diwa ng husay, pagkakaisa, at pag-asa ng bawat Elpanian sa Jacinto

P. Elpa National High School. Ito ay hindi lamang isang simpleng pangungusap, kundi isang tatak ng aming pagkakakilanlan at diwa bilang isang paaralan. Samasama, kami ay patuloy na magtataguyod ng isang mundo ng tagumpay, katuwaan, at pagmamahal sa aming komunidad at sa bawat isa.

ASa pangunguna ni Sir Rajie Abdelgafur, ang itinalagang tagapayo, ang mga kasapi ay sumailalim sa masusing pagsasanay na naglalayong paigtingin ang kanilang mga kasanayan sa pakikinig, pagsusuri ng sitwasyon, at pagtukoy ng tamang solusyon sa bawat isyu. “Ang kanilang misyon ay maging instrumento ng pagayos, hindi lamang sa pang akademikong aspeto, kundi pati na rin sa mga personal na suliranin na maaaring makaapekto sa kanilang pagaaral,” pahayag pa ni Abdelgafur. Nagsimula sa 74 pataas, nagwakas sa 12 indibidwal ang pinalad na makapasok sa unang pangangalap ng aplikante para sa nasabing club. Patunay na sila ay may angking lakas at kakayahan para sa pananatili at

pagsisilbi. Ayon ito sa datos na nagmula sa opsiyal na page ng samahan.

Ang tagapamagitan, isang kasapi ng samahan na sinanay, ay nagiging daan para sa proseso ng pag-uusap. Sila ang nagsisilbing neutral na third party, isang pangalawang mata na nagmamasid sa sitwasyon mula sa labas. Upang mapanatili ang tiwala at kumpidensyal, ang lahat ng impormasyon na nakalap sa pagdinig ay itinuturing na pribado.

Pinipili ang Peer Mediators batay sa mga katangian tulad ng may mga kasanayan sa tao, potensyal sa pamumuno, paggalang sa kapwa, mahusay na kasanayan sa pandiwa, mahusay na kasanayan sa pandamdamin at pakikinig, kakayahang magbigay payo at pagtitiwala. Ang peer mediation ay isang

pagkakataon para sa mga mag-aaral na matuto ng pamumuno, komunikasyon, kritikal na pag-iisip, at ang mga kasanayan sa paglutas ng problema na kinakailangan upang maging isang produktibong miyembro ng lipunan. “Dahil lamang sa walang ibang nakakapagpagaling sa iyong panloob na gawain para sa iyo ay hindi nangangahulugan na kaya mo, dapat, o kailangan mong gawin ito nang magisa,” ani Lisa Olivera. Sa pamamagitan ng Peer Mediators Club, inaasahan na maibsan ang sigla ng alitan sa paaralan, at mas mapalapit ang mga mag-aaral sa isa’t isa sa pagkakaroon ng samahang ito.

tinakda ng Department of Education (DepED) ang mas maagang pagtatapos ng kasalukuyang school year bilang paghahanda sa unti-unting panunumbalik ng lumang school calendar. Ayon ito sa Department order no. 003, may petsang Pebrero 19, 2024, at nilagdaan ng Bise Presidente na siya ring DepED secretary.

Matatandan na ang pagbalik sa new normal ng edukasyon ay maraming mga nakaakibat na mga suliraning dulot ng pandemya. Isa na rito ang tinatawag na learning loss or learning poverty na naging isang malaking epekto sa academic performance ng mga mag-aaral. Nakapaminsalang lubos talaga ang hagupit ng pandemya, lalo na sa sektor ng ating edukasyon. Upang tuluyang bumalik sa normal, maraming pagsasaayos ang itinakda. Pagsasaayos na kung saan ang bakasyon ay nagsisimula tuwing buwan

ng Hunyo at Hulyo.

Pinaagang quarterly exams para sa dalawang huling markahan ay isa sa mga pagbabagong nararanasan ng mga mag-aaral sa School Year 2023-2024. Ito ay ginawa upang maibalik muli ang nakasanayang mga

buwan ng pag-umpisa at pagtatapos ng klase. Dahilan na rin dito ang pagpapatupad ng bagong kurikulum, ang MATATAG Curriculum.

Panibagong kabanata ng edukasyon, masisimulan sa pagsapit ng Hulyo 15, 2024 at tuluyan namang

magtatapos sa Mayo 16, taong 2025. Parang kailan lang nagsimula, at ngayo’y papalapit nang magwakas. Sa kabilang dako, mayroon pa rin itong negatibong epekto sa mga estudyante. Katulad na lamang ng mga learning competencies na dapat may maituro lahat sa bawat markahan, kinakapos na sa oras ang mga guro kung kaya’t hindi lahat ng aralin ay maituro, at ang paghahanda para sa mga gagawing national assessments gaya ng National Achievement Test. Ito ay isang malaking

hamon sa mga mag-aaral na yong sasabak sa pasulit sa nasyonal. Bagaman malapit na pagatatapos ng school year ngunit hindi kampante ang mga mag-aaral na tutungtong sa susunod na lebel ng sekundarya na kapos sa kaalaman. Sana ay mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matutunan ang mga competencies kahit na sa labas ng silid-aralan bago magtapos ang school year na ito. Nawa’y pagitingin ng departamento ang mga hakbang nito upang matugunan ang learning loss. Isipin natin na ang henerasyon na ito ay haharap din sa mga malalaking pagsubok sa buhay alang-alang na rin para sa magandang kinabukasan.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024 14 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024 lathalain13
litan, sakitan pambubulas, at iba pa. Mga pangyayaring talamak at di maiiwasan sa eskwelahan. Sa paaralan ng Jacinto P. Elpa National High School, mayroong binuong samahan na kung tawagin ay Peer Mediators Club. Naglalayong magresolba ng mga mainit na problemang naganap sa maayos at mapayapang paraan.
EDUKASYON: PINAAGANG BAKASYON Jade Sibayan Precious Empedrad Precious Empedrad
DIBUHO • Earl Ascarez
S
Ayessa Soriano

Pananaliksik

Tama na ‘yan, Inuman na!

Pasok sa National Science Congress ang kauna-unahang pananaliksik na ginastusan ng Department of Science and Technology (DOST) ng mga mag-aaral ng Elpa na sina Marchzery Ashley Maquiling, Kimberly Alonzo at Aldridge Aguhob kapwa nasa baitang siyam tungkol sa Kabisaan ng Paggamit ng Bio-based Aerogel mula sa Lignocellulose na matatagpuan sa saging na Cardaba.

Naglaan ng Php 350,000.00 pondo ang DOST para sa gastusin na gagamitin sa pananaliksik na kasalukuyang isinasagawa ng mga mag-aaral pati na ng kots ngunit hindi agad buong ibinigay ang pondo kundi pauntiunti lamang ayon sa kakailanganin nito.

Naglalayon ang pagaaral na magtanggal ng mga mabibigat na metal gaya ng lead na matatagpuan sa tubig at iba pang mga nakalalasong kemikal dito.

“Ang pag-aaral

ay ginawa dahil sa nakikita natin sa paligid gaya ng mga gawain ng tao, mining na nagbubuga ng mga nakalalasong mga kemikal na napupunta sa tubig na kailangan ng produktong ito para panlinis. Pwede ring magamit muli, magamit sa hangin, tubig at lupa,” saad ni G. Marvin Sumastre, kots. Ipinasa ni G. Sumastre ang kanilang pananaliksik sa DOST na dumaan sa matinding pagsusuri at pumasa naman ito at nabigyan ng pondo para rito.

“We underwent through a digital interview, defended our proposal, and after two rounds of eliminations, we were one of the nine studies funded by DOST,” turan ni Kimberly. Nais ng mga mananaliksik na makatulong ang kanilang pag-aaral sa mga mag-aaral ng Elpa High na makapagbigay ng malinis at ligtas na tubig sa pamamagitan ng kanilang produktong magagawa pati na rin sa komunidad.

Marami sa atin ang may gusto ng privacy o ang pagtago ng mga bagay na ayaw natin ilantad sa iba at maraming paraan upang makamit natin ito. Siguraduhin lang nating maaasahan ito at hindi magpapahamak sa atin. Sa pamamagitan ng Data Privacy nagagawa nilang protektahan ang kanilang mga indibidwal na karapatan na itago ang kanilang personal na datos.

Pangarap ng bawat magulang na makita ang kanilang mga anak na lumaki na may disiplina at pagmamahal sa sarili at sa iba. Sa bawat pag-aalab ng siklab, ang bukas ay inilalagay sa tanikala ng pag-aalala marahil baka ang landas na ito ay mababahiran ng alak. Sa bawat hagupit ng tadhana, ang pag-inom ng alak ng mga kabataan ay isang usapin na patuloy na nagdudulot ng agam-agam sa ating lipunan.

Libo-libong kabataan ang nalululong sa alak. Bagama’t hindi pa sapat ang gulang para sa ganitong gawain, ay naghahangad ng panandaliang kaligayahan na maaaring magdulot ng pangmatagalang pinsala sa kanilang buhay. Sa likod ng pagtawa at kasiyahan sa mga inuman, nag-aabang ang mga panganib pagkatapos ng panandaliang kaligayahan. Ang pag-inom ng alak sa mga kabataan ay hindi lamang simpleng gawi. Ito

ay may malalim na epekto sa kanilang kalusugan, edukasyon, at hinaharap. Ayon sa mga pag-aaral, ang maagang pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak at katawan ng mga kabataan, na maaaring magresulta sa pagbagsak sa kanilang pag-aaral at hindi pagkakaroon ng magandang kinabukasan.

Bukod sa kalusugan, ang underage drinking ay maaari rin magdulot ng mga krimen at aksidente. Ang

mga kabataang nag-iinom ng alak ay may mas mataas na tsansang maging biktima o salarin ng mga aksidente sa kalsada, karahasan sa tahanan, o iba pang krimen. Ito ay nagreresulta sa mga pagkakataon na maaaring mawala nang permanente ang kanilang mga pangarap at potensyal sa buhay.

Ngunit sa likod ng kawalan ng pag-asa, may sinag ng liwanag na nagbibigay pag-asa sa ating lahat. Sa ganang akin, dapat

maging mahigpit ang mga magulang sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Parehong bigyang halaga ang disiplina, lalaki man o babae dahil sa ngayon hindi lang lalaki ang umiinom maging ang mga babae. Mas nakakalungkot pa lalo dahil nabubuntis ang babae dahil wala na sa huwisyo dulot ng pag-iinom ng alak at napagsasamantalahan. Mayroong batas sa Pilipinas na nagbabawal sa pagbenta at pagkonsumo ng

alak sa mga menor de edad, na kilala bilang Republic Act 10632 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Subalit, ang pagpapatupad nito ay dapat maging mas matindi at mas maigting. Kailangan nating bigyan ng tamang edukasyon at suporta ang ating mga kabataan upang kanilang malaman ang mga panganib ng underage drinking sa kanilang buhay. Sa ating pagkilos, makakalikha tayo ng isang

lipunang maayos, ang mga kabataan ay protektado at nagabayan sa tamang landas. Sa halip na hayaan nating lumubog sila sa dilim ng kawalan, dapat nating bigyan sila ng ilaw at inspirasyon na magtungo sa landas ng tagumpay at kaligayahan. Ito ang liwanag sa dilim na ating hinahanap, ang liwanag na magbubukas ng pinto sa isang mas maganda at mas maliwanag na kinabukasan, kaya tama na ‘yan.

Ito ang nagkokontrol kung kanino natin gusto ipa-access ang ating mga datos. Kabilang sa halimbawa nito ang “Encryption”, ito ay proseso ng pagkoconvert ng iyong impormasyon at gawin itong code upang hindi ito madaling buksan. Habang marami itong mabuting epekto sa ating mga pribadong impormasyon ay may mga masasamang epekto pa rin ito. Maaari itong maging komplikado at may mga kakulangan sa pagbibigay ng matatag

na data. Parehong code lamang ang ginagamit sa lahat ng encrypted data kapag ginagamit ang encryption at maaaring ma-access agad ito ng hacker. Hindi na rin maaaring buksan ang mga data kapag nakalimutan ang encryption code. Ang Data Privacy ay nakatutulong sa larangan ng negosyo at napipigilan ang pagkalat ng mga itinatagong impormasyon, sumusunod din ito sa mga regulasyon ng pamahalaan na nagsasanhi upang mas magtiwala ang mga kliyente at magandang reputasyon. Sa panahon ngayon, hindi na lamang mga sakit ang kalaban natin kundi ang mga hackers na pinakikialaman ang mga pribadong datos ng ating buhay. Marami ang nagtatangkang manira ng ating reputasyon sa walang malinaw na dahilan. Ang data privacy ang nagsisilbing proteksyon mula sa mga taong hindi dapat magkaroon ng access sa ating personal na mga impormasyon.

a pagtakbo ng panahon ay mas lalong tumataas ang kaso ng Tuberculosis (TB). Umaabot ng 10 milyon na tao sa buong mundo ang nakakakuha ng sakit taon-taon, na humahantong sa kamatayan. Kumakalat ito dahil sa bacterium na Mycobacterium tuberculosis, na kapag ang isang tao na may TB ay umubo sa hangin ay nakukuha ito ng iba. Kabilang mga sintomas ng sakit na ito ay ang chest pains or pagsakit ng dibdib, patuloy na pag-ubo, pagkapagod, night sweats.

Gayunpaman, ang antibiotic regimen ay kayang labanan ang sakit sa loob ng anim na buwan at sinasabing 85% ay epektibo. Ngunit

ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO) ay patuloy na tumataas ang kaso mula pa noong taong 2022, ikalawa rin ito sa mga nakamamatay na sakit sa buong mundo.

Mas lumalalim din ang krisis ng TB sa buong mundo, na umaabot sa 10.6 milyon ang apektado. Kabilang na rito ang 5.8 milyon na lalaki, 3.5 milyon na babae at 1.3 milyon

na bata na nasa edad lamang ng 0-14 taong gulang. Ayon pa sa datos ng WHO, 30 na bansa ang dahilan kung bakit 87% sa buong mundo ang apektado ng sakit.

Kabilang ang Pilipinas, na 7.0% ang kaso ng sakit. Inilantad din ng WHO na noong 2022 na 737,000 ang nakakakuha ng TB. Ibig sabihin na sa kada 43 segundo ay may bagong kaso.

Dagdag pa, noong taong 2022, 435,890 ang mga bagong kaso, 36% na pagtaas mula sa 321,564 kaso ng naunang taon. Dagdag pa sa ulat ng WHO, ay isa mga dahilan ng patuloy na pagkalat sakit sa bansa ay ang undernutrition, paninigarilyo, pag-inom ng alak, diabetes at HIV. Pinapalala nito ang sakit at ginagawang komplikado ang sitwasyon. Sinabi

naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas bibigyang pansin ang mga kaso ng Tuberculosis at HIV.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024 16 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024 agtek15
na impormasyon
Kandado
ng Elpanians tinustusan ng DOST Puting Kamatayan
Ayessa Soriano Hannah Ebreo Christine Cagampang Hannah Ebreo DIBUHO • Earl Ascarez DIBUHO • Earl Ascarez DIBUHO • Earl Ascarez

Mabagal na Paglaki

Marami sa mga bata ngayon ay mabagal ang proseso ng paglaki, kung saan hindi tugma ang kanilang laki sa kanilang edad. Kadalasan ito ay sanhi ng kakulangan ng nutrisyon na nakukuha ng katawan.

Kabilang sa mga mahahalagang sustansya at bitamina na dapat nating makuha upang lumaki nang maayos ay ang protein, calcium, vitamin D, vitamin C, vitamin B, at magnesium. Kumain tayo ng mga pagkaing may mga bitaminang nabanggit upang tumangkad at mas maging malakas ang ating resistensya.

Ayon sa World Health Organization noong 2022, halos 149 milyon kabataan sa edad na 5 taong gulang pababa ang may stunted height. Walumpu’t limang porsiyento (85%) ng mga batang ito ay mula sa kontinente ng Africa at Asya. Isa sa mga

nagiging epekto ng kakulangan ng sustansya ay ang mahinang resistensya na nakakaapekto sa kalusugan ng tao. Madaling makakuha ng sakit, mahinang pagsagawa ng mga pisikal na gawain at pagiging dehado sa kapaligiran. Lubhang apektado ang mga bata na may kakulangan sa sustansya dahil maaapektuhan ang kanilang paglaki.

Maiiwasan sana ang suliraning ito kung masusustansyang mga pagkain ang ihahain gaya ng gulay na maaaring nasa paligid lamang at iba pa.

TikTalks

Sa irresponsableng paggamit, tayo’y walang makakamit

Tiktokers ka ba? Siguro sikat ka na o baka nag-viral ka na rin? Marami ka ng followers o kaya’y bashers. Marami ang labis na naeengganyo sa internet platform na “Tiktok”. Isa itong app na naglalaman ng shortvideo clips. Inilabas ito noong Setyembre 2016 ngunit mas nakilala lamang noong 2020, kung kailan nagsimula ang pandemya at naka-lockdown ang mga tao.

Nakakaaliw naman talaga ang mga nilalaman nito at pinapauso pa. Pinapahintulutan nito ang paggawa, pagbahagi o panonood ng mga maikling video. Ang pinakamatagal na video na maaaring iupload ay aabot sa sampung minuto. Kadalasan sa mga trends na nakikita ngayon ay nagmula rito tulad ng sayaw, kanta, paglilip-sync at pagv-vlog. Nakadepende sa

kanya-kanyang paraan ng mga gumagamit. Gayunpaman ay may mga masamang epekto ring dulot nito sa buhay natin. Lalo na sa panahon ngayon na karamihan sa mga gumagamit ng app ay mga bata na minsan nga’y hindi pa lubos na nakakaintindi sa mga nakikita nito. Bukod pa roon ay maraming nilalaman ang nakikita nila na hindi angkop sa kanilang edad. Puno rin

ng panlalait ang mga tao laban sa ibang Tiktok users na nagtutulak sa iba upang magaway-away. Ang mga aktibidad na ito ay umaabot sa ibang mga platform ng Social Media. Upang maiwasan ang pagkasangkot sa ganitong klaseng pang-aatake ay dapat hindi dinadagdagan o pinapatulan ang mga gumagawa nito. Siguraduhin ring protektado ang iyong personal na datos upang hindi ito ma-hack

ng mga nangaatake. Importante na masubaybayan ng mga magulang ang ginagawa ng kanilang mga anak sa social media. Ang mga bata ay puno ng kuryosidad kaya hindi nila namamalayan ang kanilang mga pinapanood sa Social Media. Marapat na gabayan sila ng may tamang pagtutuwid sa mga posibleng pagkakamali na magagawa nila.

Nagliliyabang Hoops JPENHS pangatlong pwesto nasungkit

Mainit na bakbakan ang ipinakita ng dalawang magkatunggali, ang koponan ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) at Tandag Science National High School (TSNHS) sa larangan ng Basketball Men’s Division fighting for 3rd place, Pebrero 17 na ginanap sa Mabua Covered Court.

Kumamada ang manlalaro ng JPENHS matapos itong matalo sa unang laro nila laban sa Saint Theresa College (STC) umaga pa lamang kaya’t bumawi ito at dinomina ang sunod nilang laro.

“As of this moment this game they were able to execute the skills that we practiced and the smooth gameplay that they did was excellent”, ani Marlon Abrao, coach.

Mapaminsalang opensa ang ipinamalas ng mga manlalaro ng JPENHS sa umpisa pa lamang kaya’t nanguna ito sa puntos, at hindi na pinagbigyan pang humabol ang koponan ng TSNHS.

Dahil sa depensang di mabutas-butas na binitawan ng Elpa High,

sanhi ng pagkatapos ng unang quarter at nakopo nito ang puntos, 8-6. Sinubukan namang lampasan ng koponan ng TSNHS ang katunggaling JPENHS ngunit nabigo ito at tuluyan ng gibain ng mga manlalaro ng JPENHS ang laro at kunin ang pangalawang quarter, 22-19.

Nagpalitan ng mga shots at lay-ups ang mga manlalaro ng dalawang koponan sa kalagitnaan ng paglalaro ngunit nanguna pa rin ang JPENHS sa huli, 38-31. Nagpakitang gilas ang TNHS at muntikan pang malampasan ang JPENHS ngunit dahil sa malakas na opensa at depensang binitaw nito, sila pa rin ang nanalo sa huling kwarter, 42-39. “Pressure na may

kahadlok, yawara an duwa, yahadlok sa kalaban kay first time”, saad ni Loyola, manlalaro ng Elpa.

Ang Hiwaga sa Likod ng Solar Eclipse

Ayessa Soriano s

Sa kalawakan ng mga bituin at planeta, masdan natin ang mga kaganapan na sa unang tingin ay misteryoso at nakababahala. Ngunit sa likod ng mga tanawing ito, tunay na naglalaho ang mga sikreto ng kalikasan na handang magbukas ng ating mga mata sa mga bagong kaalaman at pananaw.

Hindi lang basta pagtatakpan ng araw ng buwan ang naganap na solar eclipse noong Abril 8, 2024, bagkus isang kaganapang nagdulot ng liwanag sa mga kontrobersya at paniniwala. May mga alamat na bumabalot sa eklipse, kabilang na ang “3-araw na pagpipigil sa liwanag,” batay sa mga tekstong biblikal. Subalit sa pamamagitan ng mga katibayan, maaring magbigaylinaw at magpaliwanag sa mga misteryo na ito. Sa kabila ng mga misteryo,

ang pag-aaral at pagsusuri sa mga pangyayari ng kalikasan ay nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa. Gamit ang modernong siyensya at teknolohiya, masasagot natin ang mga tanong na bumabalot sa ating isipan. Ito ay hindi lamang pagtuklas ng kamanghamangha, kundi rin pagpapakita ng kahalagahan ng kaalaman at pangunawa.

Mga eksperto sa astronomiya ay nagpapakita na ang mga eklipse ng araw ay likas na pangyayari sa ating

solar system. Sa pamamagitan ng sientipikong pag-aaral, masasagot natin ang mga katanungang bumabalot sa ating isipan. Ito ay hindi lamang simpleng pagkilos ng mga bituin at planeta, kundi isang talaan ng mga siyentipiko na nagpapakita ng kahalagahan ng mga batas ng pisika. Sa paglitaw at pag-alis ng kadiliman, nagiging bukas ang mga pinto sa yaman ng kalawakan. Bagamat nagdulot ng kadiliman ang solar eclipse, ito ay hindi

dapat maging simbolo ng takot. Sa halip, ito ay isang pagkakataon upang suriin at bigyang-kahulugan ang mga misteryo ng kultura at pananampalataya. Sa mga susunod na paglipas ng kadiliman, ito ay paalala sa atin ng kahalagahan ng pagtuklas, pagsusuri, at pag-aaral sa mga bagay na misteryoso. Ang tunay na kaalaman ay nagbibigay-daan sa liwanag na magpapaliwanag sa atin saan man tayo dalhin ng ating mga paa.

Dinurog ni Jemmarie G. Penales, SHS, ang katunggali sa iskor na 5-0 kasama si Isabel C. Malong mula baitang 9 na nakakuha ng 4. 5-0 na iskor sa board 2. Naging tabla ang iskor ni Malong at ng katunggali

ng pwesto sa larong chess sina Jemmarie G. Penales at Isabel C. Malong ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa kabuuang limang rawnds sa ginanap na 2024 Tandag City Selection Meet, Pebrero 17.

mula sa Saint Theresa College sa pangalwang set, kaya sinubukan ng una na pakalmahin ang kanyang sarili. “It’s so nerve wrecking,” saad ni Isabel matapos ang kaniyang pangalawang laro. Samantala,

ipinamalas naman ni Penales ang galing, bagama’t mahusay rin dumepensa ang koponan ng Rosario Intregated School. Dahil sa gitgitan ang kalaban, tensyonado ang manlalaro maging ang mga manonood

ngunit nagawang lumamang at talunin ni Penales ang kalaban sa ikaapat na round.

“Sa ika-apat na round, naramdaman ko na ang kaba dahil sobra nang lamang ang kalaban, pero sa isipan ko, mayroon pa akong

pagkakataong maibaligtad ang laban dahil wala na siyang queen,” ani Penales. Naiuwi nila ang dalawang gintong medalya sa Chess Secondary Girls Category at sila ay sasabak sa Caraga Athletic Association-

darating na Mayo.

isports17 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. SETYEMBRE-MARSO 2024
ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024
Christine Cagampang Mitchelle Lozada Isyung Panlipunan s JPENHS Chess Aces, kwalipikado sa CAA-RSC Sumungkit Regional Sports Competition Chess Competition 2024, na idaraos sa Agusan Del Sur sa DETERMINASYON. Lalaban para sa kampeonato. Kuha ni Earl Ascarez DISKARTE. Utak ang labanan. Kuha ni Earl Ascarez RJ Lureñana Christine Cagampang

Elizalde namayani sa Table Tennis, unang pwesto nakopo

Matinding kombinasyon ng mga serb at chop ang ipinataw ni Luke Arthur Elizalde ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) laban kay Russel Estapia ng Vicente L. Pimentel Sr. National High School (VLPSNHS) sa mainit na labanan ng Table Tennis sa ginanap na Tandag City Meet Selection, Pebrero 17.

Nagulantang ang katunggali sa ipinamalas na mga smash ni Elizalde na naghatid sa tuwid niyang pagkapanalo sa lahat ng set ng laban.

“Naging mapanlilang ako sa mga serb, at sa mga palakasan na pagatake,” ani Elizalde.

Buong lakas na tinapatan ni Elizalde si Estapia sa unang set ng laban, sa kabila ng kabang kanyang nararamdaman, nagawa pa rin ni Elizalde na ibulsa ang panalo, 11-8.

Humabol si Estapia ngunit nagpasabog naman ng mga teknik na sidespin at forehand flick return si Luke laban sa kanya na natambakan muli ito at mas tumaas pa ang agwat ng puntos, 11-5.

Patuloy na humagupit si Estapia sa katunggali at umarangkada sa panghuling yugto, ngunit niyanig ni Elizalde ang silidaralan sa matutulin niyang banat at pamatay na mga serb, at dehadong muli ang katunggali, 11-6.

“Ang panalong ito ay inialay ko sa aking pamilya na sumusuporta sa akin palagi, sa ating paaralan at kay Valerie Kyle De Guzman Samson na nanood at sumuporta sa aking laro,” sambit ni Elizalde.

Muling susulong si Elizalde upang irepresenta ang Tandag City sa darating na panrehiyong kompetisyon.

“ Naging mapanlilang ako sa mga serb, at sa mga palakasan na pagatake

— Luke Elizalde, JPENHS

Quiñonez, nag-uwi ng gintong medalya

Nakopo ni Bea Brye Quiñonez ng Elpa High ang gintong medalya kontra Kate Florence Navarro sa larangan ng table tennis na ginanap sa Jacinto P. Elpa National High School, Pebrero 17.

Mainit na laban ang inilahad ng dalawang manlalaro na ayaw magpaawat sa pagkuha ng mga puntos, ngunit sa huli ang manlalaro ng Elpa High ang nagwagi, 3-2. “I did my best para manalo though sometimes madismaya kita kay yau’y iban na teachers dili usahay moconsider, na we are excused kay training nan mga athletes para sab makuha namo an gold but still madayaw na makadaug gayud para sa school”, pahayag ni Bea.

Tila naging reyna ng laro agad si Bea nang talunin niya ang katunggaling si Kate sa unang set pa lamang na may malaking lamang, 11-4.

Sa susunod na set, nagpalabas si Quinonez ng hindi mapigil na mga moves ng talunin nito si Navarro sa pangalawang set, 11-5. Ngunit hindi naman nagpatinag ang kalaban ng bumawi

RJ Lureñana s

Mananakbong Elpanians humarurot sa mga katunggali

RJ Lureñana s

Bilis at liksi ang pinuhunan ng mga mananakbo ng Elpa High ng Athletics Women’s Division 4x4 Relay nang naunahan nila ang mga katunggali sa iba’t ibang eskwelahan at makuha ang unang pwesto, Pebrero 17 sa Tandag City Sports Complex.

Mala-kidlat kung tumakbo ang mga manlalaro ng Jacinto P. Elpa National High School na sina

Shane Ponce, Chloe Sopia Perez, Mary Solenn Osio at Jillian Mae Morite matapos nilang mipanalo ang

laro kahit nagkamali sila sa umpisa.

“Magkahalong kaba at saya dahil sa di inaasahang pagkalaglag ng kanilang baton ngunit malaki ang tiwala kong kayang-kaya nilang ipanalo ang laro,” pahayag ni Marricon Lagumbay, kots. Nahuli sila nang konti sa simula dahil nalaglag ni Perez ang baton at sinubukang humabol nina Osio at Morite ngunit nabigo sila. Ngunit kumaripas ang mananakbong si Ponce at naungusan ang mga kalaban at nanguna sila sa huling lap kaya’t tagumpay na nakamit ng koponan ang pwesto para sa panrehiyong labanan.

“Mas mahigpit na pagsasanay ang mangyayari upang maiwasan na ang mga pagkakamali at mas maging handa para sa darating na regionals at makamit muli ang gintong medalya,” dagdag ng kots.

JPENHS humakot ng gintong medalya sa Dance Sports

awili-wili kung sumayaw ang pambato ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) na sina JP Perez at Hanah Jela Cagata sa larangan ng Dance Sports na ginanap sa EDM Baskebtall Court, Pebrero 14.

first-timer kami pareho ni partner, at nanalo kami sa unang kompetisyon pagkatapos ng mahigit na dalawang buwan ng mahigpit na pagsasanay,” ani Perez. Mapang-akit na pagganap

ang inihandog ng dalawa na nagpahanga sa lahat ng mga manonood pati na rin sa mga hurado. Hiyawan ang mga manonood at nasungkit ang gintong medalya sa lahat ng kategorya ng Modern Discipline Dance.

Escobal nangdurog, Elpa High pasok sa Championship

Nagpakitang

Feril bigo kontra Etoc, 2-0

Rumatsada ang nagliyabang tira ni Jarred Etoc ng Buenavista National High School (BNHS) kontra kay Euchen Feril ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) na hirap makaungos sa kanilang banggaan sa Tandag City Selection Meet, Pebrero 17 sa Ark’s Badminton Court.

Umpisa pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas na ang manlalarong si Etoc na nahirapang depensahan ng katunggali.

Sinubukan ni Feril habulin ang iskor ni Etoc ngunit parati itong nahaharangan ng net na naging susi upang maselyuhan ang unang set, 2113.

“Pagbasa ng weaknesses ng mga kalaban ko at saka sa pagiging consistent po at pagtiwala sa sarili,

tsaka pag-aaply ng mga techniques na tinuro ng trainor ko ang naging guide ko upang makakuha ng puntos,” pahayag ni Etoc. Nagpatuloy ang labanan, umeksena agad ang pamatay na drop shots ni Etoc na nilabanan ni Feril ngunit palagi itong na uunder net, dahilan na naging malaki ang agwat ng kanilang iskor.

Malalakas na smashes at matinding depensa ang pinakawalan ni Etoc laban kay Feril

gilas ang manlalarong si Carlo Escobal ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) laban sa Saint Therese College sa Men’s Division Volleyball na ginanap sa Covered Court ng JPENHS, 2-0.

Isang mainit na laban ang ipinakita ng manlalaro ng Elpa High at ng mga kasama nito ng tambakan nila ang katunggali sa lahat ng sets at sumungkit ng 11 na puntos sa buong laro.

Hindi na nagpaawat ang open spiker na si Escobal at nagpakawala na nga ng

mapaminsalang spike na sumungkit sa unang puntos kontra STC. Puno ng hiyawan ang buong court dahil sa mga spikes at service ace na pinakawalan nito na humakot ng ulan-ulan na puntos sa unang set at manalo, 25-7. Umpisa pa lamang ng pangawalang set

ay walang awang binardagulan na ang kalaban ng mabibigat na spikes ng JPENHS at di mabiyak na depensa nila na di mapigilan ng kalabang koponan. Ipinamalas ni Escobal ang opensa sa mga quicks nito na tuloy-tuloy na bumutas sa depensa ng koponan ng STC at makuha ang

pagkapanalo, 24-8. Pasok ang mga manlalaro ng Elpa High sa Championship na gaganapin sa susunod na araw.

sa pangalawang set at nag-iwan ng iskor, 21-8.

“Aminado ako na may pagkukulang ako sa laro, mga singles na mga tira at strat, dahil first time ko sa singles akala ko kasi doubles ako, yun ang ineensayo ko, ngunit blinuder ang aming lineup last minute,” salaysay ni Feril.

Nakatakdang lalaban si Etoc sa papalapit na panrehiyong kompetisyon ngayong Abril na gaganapin sa

Agusan Del Sur. Isang malaking hakbang ito para sa manlalaro dahil ngayon ay mag-eennsayo na siya para sa panrehiyong kompetisyon.

“Pinapasalamatan ko ang lahat ng mga taong nasa likod ng aming tagumpay, sa coaches ko, sa magulang, at sa mga Elpanians

HATAW. Husay at galing sa pag-indak. Kuha ni Rissa Lure
isports19 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024
Kisha Geducos s ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXXII, ISYU BLG. I SETYEMBRE-MARSO 2024
Pagbabalik
Christine Cagampang Jennymelle Conales s Hampas ng tagumpay PALO. Kontrol tungo panalo. Kuha ni Ethan Alimboyong RJ Lureñana — Carlo Escobal, JPENHS
AGHAMON. Sumalubong ang lindol sa pagbabalik ng Science, Technology, and Environtment Camp sa Jacinto P. Elpa National High School. Mula sa Facebook.
PAKIKIBAKA. Laban para sa korona. Kuha ni Ethan Alimboyong

Itaguyod ang lumalabang

tinta ng Elpa High!

BOSES NG KABATAAN. SINAG NG KATOTOHANAN.

Rubberized oval, hinaing ng mga atleta sa maayos na pagsasanay

Isa sa mga pangunahing pangangailangan ay ang maayos at ligtas na pasilidad para sa kanilang pagsasanay at kompetisyon ng mga atleta. Sa kasalukuyang kalagayan ng Tandag City, hangad ng mga atleta ang pagkakaroon ng rubberized oval upang matugunan ang hamon sa kanilang paghahanda para sa mga kompetisyong pampalakasan.

Sa kawalan ng rubberized oval, naging mas mapanganib ang pagsasanay ng mga atleta, lalo na’t kinakailangang maabot ang standard time para makapasok sa mga regional na kompetisyon. Ito ay hindi lamang isang pangunahing pasilidad para sa kanilang pageehersisyo kundi ang

kanilang paghahanda sa mga larong takbuhan.

Ayon sa Department of Education, ang pagsusuri sa oras ay isinasagawa batay sa standard na oras upang tiyakin ang kahusayan ng mga atleta, at ang rubberized track ay nagbibigay ng patas na pagkakataon para sa ganap na pagsusuri at kompetisyon.

“Madumi maglaro lalo na’t umuulan gaya sa laro kanina puno ng putik at nakakabagal sa performance, delikado rin at madulas ang oval,” ani Daniel Uy, sprinter ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS). Bagaman mayroong oval, hindi ito sapat para sa maayos na pagsasanay at mayroong

mga panganib. Ngunit sa kabila ng kakulangan, patuloy pa rin ang pagsasanay ng mga atleta para mas gumaling pa. Ang pangangailangan para sa isang mas epektibong pasilidad tulad ng rubberized track ay mahalaga upang mapabuti ang kalidad ng pagsasanay at maiwasan ang anumang

disgrasya sa kalusugan ng mga atleta. Bunsod dito, nananawagan sila sa pamahalaan na isaayos ang Tandag City Sports Complex at maglaan ng pondo para sa pagkakaroon ng rubberized oval. Ito ay hindi lamang para sa kanilang mga pangarap sa palakasan kundi pati na rin para sa kanilang

kalusugan at kaligtasan. Mahalaga na bigyan sila ng tamang pasilidad upang maging handa sa mga kompetisyon at maiangat ang antas ng kanilang pagsasanay.

Siglaw
Ang
Isports Editoryal DIBUHO • Earl Ascarez

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.