Ang Siglaw 2022-2023 | Tomo XXX, Bilang I

Page 1

EDITORYAL

Kasarinlang

magbahagi: Ibigay sa mga estudyante Sibakin ang kabakakan sa dyornong katotohanan Isang maselan, kontrobersyal at mahalagang usapin ang isyu ng Martial Law o Batas Militar... Nag-udyok sa mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School na sumulat para sa katotohanan...

LATHALAING SERYE opinyon 07

lathalain 12

Kabása ba kaw?

Non-readers

sa

JPENHS bahagyang tumaas, pagpapabasa binigyang-diin

Nakalilipas ang mga taon, isang malaking suliranin ang bumabalot sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS). Mula sa 19 seksyon ng paaralan, nadiskubre na umabot na ito sa kahigitan ng doble, hanggang sa 12 nonreaders mula sa Basic Education Curriculum (BEC).

balita 06

Kampus Ekspres Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Jacinto P. Elpa National High School Sekundarya Lungsod ng Tandag, Surigao del Sur, XIII - Rehiyon ng Caraga Tomo XXX, Isyu Blg. I Enero-Hunyo 2023 Angel Momo DIBUHO • Ethan Quiñonez
NG KABATAAN. SINAG NG KATOTOHANAN.
BOSES

Kasanayan ng atleta, nilinang sa palakasan

Binigyang diin ng DepEd Tandag City kaagapay ang LGU sa pagkakaroon ng Athletic Meet noong Pebrero 8 upang malinang ang kasanayan ng mga magaaral sa larangan ng isports dahilan sa pagtigil nito dulot ng pandemya.

Sinimulan ang seremonya sa pamamagitan ng parada na sinundan naman ng lighting of torch na pinangunahan ng mga Palarong Pambansa at Regional Qualifiers bilang simbolo ng pormal na

Isyung Panlipunan

pagsisimula ng naturang kompetisyon.

Ayon kay Tandag City Vice Mayor Eleanor Momo maswerte at naibalik na ang ganitong programa ng aktibidad. “We are fortunate today

that we are back in these competition” saad ni Momo.

Mahigit kumulang 700 katao ang dumalo sa nasabing programa pati na ang mga may mataas na katungkulan.

Kaligtasan kontra

Hikahos lantarang ng

ababahala

ng mga

loob at

Itinayo ito mula sa panahon ni Sr., ngunit kasalukuyang makikita ang matinding kalawang at gapok na gusali dulot tumutulong kisame, sira at basag na dingding, at malubak sahig kaya’t kinondena ito dahil sa banta kaligtasan ng mga Elpanians. Bunsod nito napilitan ang paaralan na ipatupad ang

mga mag-aaral ang inilipat sa iba’t ibang silid sa kampus ng Grade 10 mula sa sampung seksyon bunsod ng pagkukumpuni ng gusali na nagresulta ng shifting class

- Datos mula sa mga ika-10 baitang na mga guro

Naghain ng 3-araw (MWF) face-to-face classes at 2-araw na modular distance learning mula Mayo 8 hanggang Hunyo 2 sa kasalukuyang taon.

“To answer the clamour of our students and teachers, maski na late na still we will be having a modular class, 3 days face-to-face

classes, MWF and 2 days modular, TTH, saad ng punungguro.

Ayon sa sarbey, lahat ng estudyante sa seksyong Graham Bell, baitang 10 ng JPENHS ay sang-ayon sa ipinasang memorandum. “Ayos lang din na may 2-day modular class kami upang may sapat na oras sa paggawa

ng performance tasks, assignments, o projects,” ani Philip Climaco, estudyante mula sa Graham Bell.

Nagpahayag rin ang ibang mga mag-aaral ng kanilang saloobin hinggil sa blended learning modality.

“Mas gusto ko ang blended learning sa ngayon dahil mas

nakakahinga kami mula sa mga gawain, nagiging mas mataas ang tulog namin kumpara nung full blast. Pero, ayaw kong matapos ang school year na may blended pa,” pahayag ni Frian Paulo Sales. Dagdag pa nila, mas natututo sila sa harapang klase kumpara sa modular classes.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL
TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
balita02
Jailine Gular BATON NG TAGUMPAY. Ipinamalas ng Arnis Athletes ang kanilang husay. Kuha ni Earl Ascarez
N
Sa mga numero
Matinding init, inaksyunan ng DepEd; modular class ipinatupad
linsunod sa Department of Education (DepEd) School Memorandum No. 20, s. 2023, ipinatupad ng Jacinto High School (JPENHS) ang Blended Learning Modality alang-alang sa matinding init na dala ng panahon. A
Momo
silid na saksi sa paghubog ng kabuuan ng mag-aaral. Kuha ni Earl Ascarez
500
Angel
KANLUNGAN. Mga
Hell
Kristine Polan Graham
Mahigit

Elpanians bumandila sa DSPC, DFOT; puspusang paghahanda sa RISA 2023

a pagbabalik ng Division Schools Press Conference (DSPC) at Division Festival of Talents (DFOT) apat na taong matapos itong huling ginanap, muling namayagpag ang Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa pamamahayag at agham.

Idinaos ang DSPC upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamahayag, Mayo

17. Itinanghal muling

Overall-Champion matapos masungkit ang unang pwesto sa samu’t saring paligsahan sa

Filipino. “Hindi namin inaasahan na maging Champion sa ngayon dahil kaunti lang ang panahon na ginugol namin sa pagsasanay,” ani Charo Montenegro, tagapayo ng Ang Siglaw.

Samantala, bagamat lahat ng kalahok ay baguhan, nangingibabaw pa rin ang mga batang siyentista ng JPENHS sa STEMazing.

Itinanghal na unang pwesto at best presenter ang kalahok

mula sa JPENHS, na naghatid ng karangalan sa Elpa High.

“Kahit wala ang division memo para sa DFOT, nag-training na kami halos 3 linggo bago ang STEMazing. Naglaan kami ng isang oras tuwing tanghalian,

at nagkaroon ng buong araw na training isang linggo bago ang kumpetisyon,” ani Marvin Yu Sumastre, kots ng mga nanalong kalahok sa STEMazing.

Puspusan ang paghahanda ng mga kalahok para sa

karunungan

Hikahos sa silid-aralan, lantarang suliranin

ng mag-aaral

ababahala ang mga mag-aaral at mga guro ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa matagal na pagkukumpuni mga silid-aralan sa Grade 10 Campus matapos idineklarang mapanganib sa mga estudyante ang mga giba-gibang silid sa at labas ng pinakamatandang edipisyo sa paaralan.

mula pa Marcos kasalukuyang matinding gapok sa kisame, na mga malubak na kinondena banta sa mga

nito ay paaralan ang

shifting plan kung saan ang bawat baitang ay dadalo sa kanilang klase sa umaga o panghapong talakdaan habang hinihintay pa ang pagsasaayos ng gusali na nagdulot ng pagkagambala sa pagtuturo at pagkatuto kundangan sa pagbawas ng oras ng pakikipagugnayan sa mga magaaral.

Sa pagsisimula ng kanilang mga klase, ang

Nahihikayat umano silang maging aktibo sa klase at nadadagdagan ang kanilang motibasyon dahil sa support system ng mga kaklase.

Inihain ang modular class hindi lamang sa mga mag-aaral ng STE kundi sa lahat ng kurikulum ng paaralang ito.

morning session ay naguumpisa mula alas 6 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali, habang ang afternoon session ay mananatili sa paaralan bandang alas 6 ng gabi.

“Ang mga mag-aaral ay hindi natututo ng higit sa kung ano ang dapat nilang natutunan sa panahon ng klase dahil ang oras ay nabawasan sa 40 minuto lamang sa halip na isang oras,” ani Messie Rojo, isang guro

sa ika-10 baitang. Ayon kay Dr. Evelyn Bandoy, punongguro, ang pagsusulsi ng lumang gusali ay isasagawa as Brigada Eskwela bilang paghahanda sa susunod na pasukan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang nasa proseso at handa ang pagsasaayos para sa susunod na pasukan.

Karamihan sa mga estudyanteng apektado

ng double shifting ay nagrereklamo bagkus ay higit na gusto ang buong araw na klase, lalo na ang mga estudyanteng pumapasok sa pangumagang iskedyul.

“An mga buntagon sa gud maglisud pagskwela labi na an mga lagyo an bahay, maglisud kami manakayan, ma-late gayud naman pati grades namo apektado,” ani Princess Ventura, G10 SPA student.

An
maglisud kami manakayan, ma-late naman pati grades namo apektado.
- Princess Ventura, G10 SPA Student

regional competitions. Inaasahang irerepresenta ng mga nanalong kalahok ang Tandag City sa darating na Regional Integrated Students Activities (RISA) 2023 ngayong Hunyo 17-20 sa Bislig City.

Creative

Technology,

duplikasyon ng Research subject

“Dagdag sa workload” – Baitang

10

Dismayado ang ilang estudyante ng Baitang 10 sa Science, Technology, and Engineering sa asignaturang Creative Technology dahil nagdaragdag lamang umano sa kanilang “workload at stress.”

Ipinahayag ng mga magaaral ang pabalik-balik na aral na kailangan nilang gawin. Ito ay humahantong sa pagkawala ng interes at pagkabagot, na nagiging sanhi ng hindi nila pag-aasikaso sa mga gawain at pagkakaroon ng mababang marka.

“Parang secondary subject lang ng research. Ang subject na ‘to ay masyadong researchfocused na naisawalang-bahala na ang ibang kinakailangan gawin tulad ng programming,” ani isang estudyante mula sa baitang 10.

Isa pang isyu na binabanggit ng mga estudyante ay ang kawalan ng regular na klase sa Creative Technology. Ito ay kadalasang inilalaan sa paggawa ng mga research paper, na humahadlang sa kanilang pagkatuto ng iba pang mahahalagang aral. Napapansin ng mga mag-aaral na nasasayang ang kanilang panahon at oportunidad na matuto sa mga mahahalagang leksyon tulad ng Calculus, na pinalitan ng Creative Technology.

Sa kasalukuyan, lumalakas ang hinaing ng mga mag-aaral sa hindi sapat na benepisyo at kahalagahan ng Creative Technology subject. Naglalagay ito ng dagdag na hamon at bigat sa kanilang mga balikat, sa halip na magpapagaan at matuto pa ng iba pang kailangang kasanayan.

“Ayos lang namang pinalitan na ang Calculus ngunit gusto sana namin ng...

03balita ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
Angel Momo NGITING TAGUMPAY. Ibinida ng mga mag-aaral ang kanilang nakamit na parangal bunsod ng pagwawagi sa samu’t saring paligsahan. Kuha ni Mhera Talisic
S
kontra
Pasadang Balita
ipinatupad
mga
labi na an mga lagyo an bahay, (Ang mga nasa morning class ay nahihirapan pumasok lalo na sa mga malayo ang mga bahay, kagaya sa amin, nababawasan kami ng puntos kapag late kaya pati mga marka ko apektado.)
buntagon sa gud maglisud pagskwela
Jacinto P. Elpa National panahon. Angel Calilan Perspektibong Balita
balita 06

Panumbalik sa pamamahala

RISE Party hinamon sa halalan ng oposisyong YES Party

Inorganisa ng nagbabagong partidong Youth Empowerment Service (YES) ang kanilang samahan bilang natatanging partidong politikal ng oposisyon kontra sa kalakhang bahagi ng namumunong lapian sa Supreme Student Government (SSG) sa nalalapit na Elpa Halalan 2023.

Bitbit ang bansag na “Kabag-ohan para sa mga Elpanians” (Pagbabago para sa mga Elpanians), sinasagisag ng Pangulo ng partido na si Rhia Mae Miranda at ang Pangalawang Pangulo na si Rica May Estal ang prinsipyo ng “tunay na serbisyo” at “maayos na pamumuno” sa ilalim ng YES.

Sa kanilang pagbabalik, inilunsad muli ang partido matapos nilang naipanalo ang YES sa halalan noong 2021, kung saan nagwagi

sina Excelsie Rojo at Richmond Cacayuran sa botohan at inihalal bilang standard bearers ng SSG sa kabila ng pandemya at mababang bilang ng botante.

Ibinunyag ng nangungunang

pangkat, Reformation of Integration of the School for Elpanians (RISE) Party, ang kanilang “Pasavogue Lineup,” sa kamay nina Nissi Kaye Bagnol at Sunshine Rosaceña bilang pangulo at pangalawang pangulo ng partido, na sumusunod

kina Kristine

Gayle Polan at Justine Goforth. Ang mga dating

pangunahing kandidato ay naunang nahalal bilang mga pangunahing opisyal ng SSG na namuno sa organisasyon na may higit sa 3,500 mag-aaral noong 2022.

Batay sa Interim Guidelines of the Learner Government Plan (LGP), mayroong 19 puwesto ang makukuhang posisyon sa halalan ngayong taon, kung saan 50 kandidato mula sa magkabilang partido at mga independent candidates para sa iba’t ibang posisyon, ayon sa listahan ng opisyal na kandidato ng Learner Government Commission on Elections and

Appointments (LG COMEA).

Kasama sa mga tumatakbo ay si reelectionist candidate JP Perez ng RISE, na nais maging Protocol Officer matapos mahalal bilang Grade 7 Chairperson at Public Information Officer (PIO) noong 2021 at 2022. Matatandaang si Perez ay tumakbo sa ilalim ng YES Party noong 2021 kasama ang mga pangunahing kandidato na nais muling tumakbo ngayong taon.

Samantala, tumakbo sa ilalim ng Student Leaders Association for Youth (SLAY) Party

ang kasalukuyang Grade 11 Chairperson na si Jaylou Cahilog noong 2022 bago lumipat sa RISE, Grade 12 Representative aspirant. Ganito rin ang nangyari kay Kaye Sabio, na dating miyembro ng SLAY at tumakbo bilang Grade 7 Chairperson, ngunit ngayon ay nais maging Protocol Officer sa ilalim ng YES. Sa kabilang banda, ang iba pang mga kandidatong nais manatili sa puwesto ay nagpasyang tumakbo bilang independiyente ngunit nakipag-alyansa pa rin sa mga politikal na partido. Ang kasalukuyang Assistant Treasurer na si Shiaoxi Pierse Yzelle Guyang, dating

miyembro ng RISE, ay tumakbo ngayong taon bilang Independent upang makamit ang posisyon ng Auditor. Sa isang Facebook post ng RISE kamakailan, inihayag ng partido ang kanilang kooperasyon sa mga independiyenteng kandidato dahil sa kagustuhang isulong ang “pagtutulungan, pagkakaisa, at diwa ng demokrasya.”

Sa unang pagkakataon sa halalan ng Supreme Student Learner Government (SSLG) natamo ang pagbabalik ng nakaraang mayoryang lapian sa pagtatapat sa kasalukuyang

nangungunang partido upang makamtan ang pamumuno sa pinakamataas na pamahalaang pang mag-aaral sa paaralan.

Inaasahan ng RISE ang kanilang pagpapatuloy sa pamamahala sa SSG ngayong Agosto bunsod sa malakas na suporta mula sa nakaraang halalan, kasama na ang kanilang kooperasyon sa mga independiyente, samantalang umaasa ang YES na muling maluklok sa pwesto ang kanilang partido.

Nagsimula ang opisyal na kampanya mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1, habang idadaos ang Miting de Avance sa sumunod na araw na susundan ng mismong halalan sa susunod na linggo.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023 04 balita
BALITAKTAKAN Binigyang ng
elpa halalan

balita 05

Ratsada Balita

RISE wagi sa halalan; boses ng kabataan, bigyang tuon

Mananatiling nasa kapangyarihan ang Reformation of Integration of the School for Elpanians (RISE) Partylist ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa Supreme Student Government (SSG) matapos mahalal sina Nissi Kaye C. Bagnol at Sunshine D. Rosacena bilang susunod na pangulo at bise-pangulo ng SSG sa akademikong taon 2023-2024.

Nagsagawa ng pagdedebate sa pagitan ng mga kandidato upang timbangin ang karapat-dapat na maging lingkod. Sa buong talakayan, ipinagtibay ng mga kandidato ang kahalagahan ng pakikinig sa boses ng mga mag-aaral na

kanilang tungkulin na dapat gawin. “As a team leader, I will use my voice to implement our platforms and improve the well-being of the LGBTQ members of Elpa,” ani Rosacena.

Tinanong ang mga kandidato kung papaano nila

matutulungan ang kanilang pangulo sa paglutas ng mga kaso at isyu na may kinalaman lamang sa internal na usapin ng administrasyon.

Sinabi ni Rosacena ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa pangulo bilang kanang kamay at

gagamitin niya raw ulit ang kanyang boses upang gawin ang nararapat para sa kapakanan ng mga Elpanians.

kampanya na may kinalaman sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa diskriminasyon

Matagumpay

na nanalo ang RISE

Inpograpiks

Samantala, sa harap ng mga suliranin sa paaralan, ang plataporma ng oposisyon ay magkaroon ng

DISENYO • Sean Caballero

mula 2021-2023

Lahat ng mga plano nila sa paaralan ay ipinapahayag sa pamamagitan ng ideya na sila ang magsisilbing mga tinig para sa mga estudyante.

Partylist sa pagkamit ng landslide victory at sila ang magpapatuloy sa tungkulin bilang lingkod ng mga estudyante.

RISE YES

18 posisyong nalakap (2023)

1 posisyong nalakap (2023)

- Datos mula sa JPENHS-SSLG COMEA Memorandum Orders (c. 2021-2023)

22 posisyong nalakap (2021)

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
halalan 2023
BALITAKTAKAN PARA SA KABATAAN. Binigyang diin ng mga pangalawang pangulo magkabilang partido ang kanilang hinaing para sa Elpanians, sa komunidad, at sa samu’t saring isyung panlipunan. Kuha ni Aezra Moral
Bilang ng mga mayoryang posisyong nalakap ng RISE, YES parties
balita06“Dagdag

sa workload...”

mula sa pahina 3

makabagong lessons at hindi pabalik-balik sa research. Apat na taon na rin kaming may research subject, eh. Minsan sa iba’t ibang subjects may research pa,” pahayag ng mag-aaral.

Dahil sa mga isyung ito, umaasa ang mga magaaral na mapakinggan ang kanilang mga hinaing at masusulong ang mga pagbabago upang maging mas epektibo at makabuluhan ang kanilang pag-aaral.

56

78 out of na mga mag-aaral ang may ayaw sa Creative Technology

Sumanib sa samahang pambayan ng Jacinto P. Elpa National High School

Itaguyod ang lumalabang tinta ng Elpa High!

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023

NAKAKABAHALANGUSOK. Tamis ng paggamit ng vape labis na ginagamit ng mag-aaral. Kuha ni Earl Ascarez

Jailine

2023 Paglaganap ng Vape sa mga estudyante, nakababahala

‘Kabása ba kaw?...’ mula

Tumaas ang bilang ng mga non-reader ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa Baitang 7. Sa 19 seksyon ng paaralan, mula 4 umabot ito sa hanggang 12 non-readers mula sa Basic Education Curriculum (BEC).

Isa sa mga pangunahing dahilan ng ganitong problema ay ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Marami sa kanila ang hindi nakakaranas ng sapat na edukasyon na kahit ang pag-unawa sa simpleng mga salitang “is” at “are” ay nagiging mahirap para sa kanila. “Wala silang interes sa pagbabasa kahit na may mga pagsisikap kami na mag-intervene sa kanilang pag-aaral. May ilan sa kanila na hindi pumapasok sa klase, at ang iba naman ay naglalaro lang,” ayon kay Shela May Bandoy, isang guro sa paaralan Isa rin sa mga salik ng kawalan ng kakayahang

Aliah Martinez

ahil sa matinding init, ang mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) ay nahirapan sa pagpokus sa pagaaral at napilitang tiisin ang uhaw.

sa pahina 1

magbasa ay ang kahirapan sa buhay at kawalan ng tamang paggabay mula sa mga magulang. May ilang magulang na humihiling sa kanilang mga anak na huwag munang pumasok sa paaralan upang mag-alaga sa mga kapatid o magbantay sa mga paninda habang sila ay nagtatrabaho

Gayunpaman, hindi sumuko ang mga guro sa harap ng ganitong hamon. Isinagawa nila ang iba’t ibang interbensyon upang matugunan ang mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbabasa

Nagkaroon din sila ng suporta mula sa Local Government Unit (LGU) ng Tandag City na naghandog ng ilang mga telebisyon sa paaralan bilang tugon sa isyu ng mga non-reader

Bukod dito, naglaan rin ang paaralan ng dagdag na 20 minuto

para sa pagbabasa sa bawat asignatura upang mapalawak ang kasanayan ng mga magaaral sa pagbasa. Sa katunayan, isinagawa nila ang reading class tuwing Biyernes para sa asignaturang Ingles. Ngunit, hindi pa rin ito sapat, lalo na’t may mga mag-aaral pa rin na hindi sumusunod sa sesyon. Upang suportahan ang mga mag-aaral, nag-abot rin ang mga guro ng mga libro at iba pang donasyon para sa pagtatayo ng Reading Room.

Ang mga pagsisikap na ito ay nagmula sa mga personal na badyet ng mga guro at mga donasyon mula sa ibang guro at estudyante.

Nilikha ang espasyo upang mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na magbasa sa kanilang libreng oras

Nananawagan ang mga guro ng JPENHS sa lahat ng mga magulang na magsimula ng tamang edukasyon sa bahay upang suportahan ang pag-unlad ng mga magaaral.

Ang Vape ay isang device na nagpapainit at nagpapaaerosolize ng liquid solution o tinatawag nilang “juice” (ang nicotine content) na naglalaman ng pampalasa.

“Although vaping is less dangerous than smoking, it is still not without risks. It is proven to be a gateway drug, and it can lead to nicotine addiction which may cause lung cancer.” pahayag ni Evelyn Bandoy, punong-guro ng paaralan.

Naglabas na ng pahayag ang PNP na tututukan nila ang mga menor de edad na gumagamit ng Vape at sigarilyo.

“Ang focus po nito ay ‘yung ating mga menor de edad. Subalit medyo special po ang gagawin nating handling dito sa case na ito sapagkat ang gagawin ng ating pambansang pulisya ay sila muna ay sisitahin, pagbabawalan, at paaalalahanan,”ayon kay PNP PIO chief Police Colonel Redrico Maranan sa isang interview ng GMA News.

Batay sa Republic Act 11467, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong January 2020, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga Vape sa mga menor de edad.

Ayon sa isa sa mga gumagamit ng Vape, mayroon naman daw Vape na mababa ang nicotine content na siyang kinahuhumalingan ng karamihan.

Gayumpanan, maghigpit pa rin itong ipinagbabawal kahit na mayroong gabay ng mga magulang.

Ang matinding pagtaas ng temperatura ay dulot ng global warming na epekto ng polusyon at pagkasira ng kalikasan dahil sa mga kemikal.

“Ang init ay nakapagdulot ng panghihina ng katawan na ang resulta ay pagkawala ng tuon sa pakikinig sa lecture ng guro, “ saad ni Mariel Rojo,

isang estudyante mula sa G10. Matatandaang noong Marso 25, naglabas ng babala ang PAGASA tungkol sa mas mataas na temperatura sa El

Niño or tagtuyot dahil sa lumalalang global warming.

Upang maiwasan ang pagkakasakit, nilimitahan ang mga estudyante sa paglalabas.

LITERASIYA. Mahalaga sa pagkatuto at pag-unlad ng isang indibidwal. Kuha ni Earl Ascarez Sa mga numero
- Sarbey mula sa Ang Siglaw Gular Elpa Halalan
inigyang-pansin ng pamunuan ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng nahuhumaling sa Vape.
B
Elpanians nagambala sa sinag ng panahon
D

Ang

Siglaw

Angel Momo

Punong Patnugot

Shiela Trazo

Pangalawang Patnugot

Lyka Gamon

Tagapangasiwang Patnugot

Jailine Gular Balita

Khryss Corrainne Talip Opinyon

Michaela Teñozo Lathalain

Jaed Bitancor

Agham at Teknolohiya

RJ Lureñana Isports

Earl Ascarez Dibuhista

Ernest John Guinsatao Potograpo

Ethan Quiñonez

Sean Caballero

Ayessa Soriano

Sofia Cadavis

Samantha Ravelo

James Manzano

Kristine Polan

Mark Sagosoy

Stephanie Dumay Kontributors

Jaed Bitancor

Michaela Teñozo

Sirkulasyon

Charo Montenegro

Rissa Lureñana Tagapayo

Evelyn Bandoy Punongguro

pagkakaiba ng pananaw. Ang pangyayaring naganap ay nagpatunay na hindi pare-pareho ang mga perspektibo ng bawat tao. Kaya’t mahalaga na ang bawat indibidwal ay may kakayahan na magpakumbaba at igalang ang pananaw ng iba.

Kasarinlang magbahagi: Ibigay sa mga estudyante

Matapos malaman ng mga opisyal ng SSG ang pagbura ng guro sa post nila ay kaagad nila itong ibinalik. Ayon kay JP Perez ibinalik nila ulit ang post dahil sa paningin nila, maliwanag na ang mga karapatan ng samahan ng mag-aaral ay hindi binibigyangprayoridad.

“The student body’s reaction to the actions of the SSG adviser resulted in significant backlash. It became evident that the rights of the student body were not being prioritized, and the flow of information was being restricted. It is crucial to address these concerns and restore transparency, allowing the SSG officers the freedom to provide necessary information to the student body,” dagdag pa ni Perez.

Mahalagang ibigay hindi lamang sa mga opisyal ng SSG kundi sa lahat ng mga estudyante ang kalayaang magbahagi ng kanilang pananaw. Ang pagbibigay ng oportunidad sa lahat ng mga estudyante na magbahagi ng kanilang mga pananaw ay nagbibigaydaan sa isang mas malalim at makabuluhang talakayan. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat indibidwal na marinig ang iba’t ibang perspektibo, lumawak ang kanilang pang-unawa, at magkaroon ng kritisismo sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Sa kasalukuyan, walang anumang impormasyon o pahayag na ipinahayag ang guro kung bakit niya ibinura ang nasabing post. Bagamat, kahit hindi nagustuhan ng nakararami ang aksyong pagbura ng guro ay mahalagang igalang pa rin ang guro sa kabila ng

disappointed and disheartened by the deletion of the post as it eroded the trust between the SSG and the student body. The actions of the SSG adviser prevented the student body from accessing accurate information and hindered the SSG’s freedom to communicate openly with them,” ani JP J. Perez, Public Information Officer (2022-2023) ng JPENHS.

Tila nawalan ng karapatan ang mga opisyal ng SSG na ipahayag ang kanilang saloobin at pananaw hinggil sa kontrobersyal na isyung batas militar. Ang pagkawala ng kanilang karapatang magpahayag ay nagbibigay ng kawalan ng katarungan sa kanilang kalayaan sa pagkilos at boses sa lipunan. Ginagawa nitong kumplikado ang proseso ng pagpapahayag ng mga mag-aaral at nakumbinsi silang itago ang kanilang mga pananaw at damdamin. Kaya, nahirapang tukuyin ang tunay na kaisipan at damdamin ng mga kabataang lider, na dapat sanay manindigan at isaalang-alang ang boses ng kanilang mga kapwa estudyante.

Isang maselan, kontrobersyal at mahalagang usapin ang isyu ng Martial Law o Batas Militar. Ngunit hindi mapigilang magbahagi ng mga opisyal ng Supreme Student Government (SSG) ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS), ng kanilang mga pananaw at pagunawa hinggil sa isyung ito.

Setyembre 2022, nag-upload ang mga opisyal ng SSG sa Jacinto P. Elpa National High School - Supreme Student Government sa kanilang Facebook page na isang post na may kinalaman sa Martial Law. Ang nasabing post ay hindi naglalaman ng anumang marahas na nilalaman. Ang layunin lamang ng mga opisyal ng SSG sa kanilang post ay ipahayag ang kanilang pagkakaisa at pag-alala sa mga biktima ng Batas Militar o Martial Law.

Gayunpaman, kahit na ang mga opisyal ng SSG ay nagpahayag lamang ng kanilang mga opinyon at pananaw sa Martial Law, tila hindi ito nagustuhan ng isang guro mula sa JPENHS, kung kaya’t ibinura niya ang nasabing post. Lubhang nadismaya ang mga opisyal ng SSG sa aksiyong ito na ginawa ng guro. “I felt deeply

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL 07opinyon TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023 Editoryal
DIBUHO • Earl Ascarez

Pangakong Dapat Ibitaw! “A

ng paggawa ng mabuti ay ginagawa kahit walang may saksi, ang katapatan sa sarili mo ay siyang may malinis na konsensya.” Isang kasabihan sa paparating na lokal na eleksyon ngayong Nobyembre. Marami na naman mga pangakong bibitawan ng mga kandidato subalit makatotohanan nga ba? Bakit nga ba ginagawa itong eleksyon? Iilan lamang ito sa mga puntong ating tatalakayin.

Dapat na tayo ay gumising sa katotohanan at iwasan ang mga sakim na kandidato.

Ang eleksyon ay karaniwang ginagawa ng mga demokratikong mga bansa at isa rito ang bansang Pilipinas. Ginagawa ito upang humalal ng mga kandidatong nararapat sa posisyon na ang tanging layunin ay ang kapakanan ng bawat mamamayan sa isang lipunan. Kinakailangan ang eleksyon upang maiwasan ang mga gulo at mapanatili ang kapayapaan at pagkakaintindihan ng

sambayanan. Sa kasalukuyan, bawat kandidato ay abala na sa pangangampanya; plataporma ay laging dala at umaasang makuha ang isip at puso ng bawat isa. Bawat kandidato ay may dalawang klase kaya’t kinakailangan na maging matalino sa pagpili. May mga kumakandidato na inuuna ang kapakanan ng bawat isa at mayroong

kumakandidato na walang ginawa kung hindi umupo lamang sa puwesto.

Bukambibig ng bawat mamamayan ang papalapit na eleksyon at pera kaya’t inaasahan na naman ang vote buying o bilihan ng boto sa mga tao ang bawat kandidato sapagkat hindi ito matatawag na demokrasya kung kontrolado ang boto ng bawat tao. Hindi ito katangian ng

isang matapat na kandidato kundi sila ay nagpapakita lamang ng rason kung bakit hindi sila iboto. Ito ay nakakaapekto sa pagdedesisyon ng mga tao sa pagpili ng isang kandidato. Ang ilang mga tao ay nagiging bulag sa presyo ng perang ibibigay kaysa sa halaga ng panahong panunungkulan ng mga kandidatong sakim sa pera. Dapat na tayo ay gumising sa

katotohanan at iwasan ang mga sakim na kandidato. Dapat na maging maalam at iboto ang mga tunay na puso. Tandaan na ang bawat boto ay napakahalaga hindi lamang sa ating sarili kundi pati na rin sa buong bansa. Iboto ang may malasakit sa kapwa. Boses and ipaglaban! Iboto ang manindigan! Ikaw, ano ang iyong basehan sa paparating na eleksyon?

Boses ng Mamahayag

Binubuo ng limang kurikulum ang Jacinto P. Elpa junior high school, kung saan ang Special Program in Journalism (SPJ) ang pinakabago at limang taon na mula nang maimplementa ito.

Maraming kagamitan ang kinakailangan sa kurikulum na ito sa paggawa ng balita, ngunit kahit na isa ay walang naibigay sa kadahilanang hindi pa ito rehistrado kaya walang pondo, kaya isa itong hamon sa mga mag-aaral ng SPJ. Dahil dito limang taon nalang din ang natitirang pagkakataon upang punan ang mga kakulangan, kung hindi ay maaari itong matanggal. Tuwing kompetisyon sa journalism ay kakaunti lang ang mga lumalahok galing sa

SPJ dahil bukod pa sa hindi handang sumabak, ay wala ring sapat na kaalaman ang iba. Marami naman ang may potensyal dahil nakuha nila mula sa kanilang karanasan ngunit hindi nabigbigyan ng pagkakataon. Hindi maipagtataka kung bakit STE ang laging nangunguna sa larangang ito.

Masasabing hindi epektibo ang mga kurikulum at hindi naman maikakaila dahil hindi naiaatas sa kanila ang mga gawain na kaugnay sa larangan ng mga ito.

Sa halip na magdagdag ng mga kurikulum, dapat ay mas pagtuonan nila ng pansin kung paano mapapataas ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa mga estudyante upang mas mapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng bawat indibidwal.

Dahil dito limang taon nalang din ang natitirang pagkakataon upang punan ang mga kakulangan, kung hindi ay maaari itong matanggal.
opinyon08 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
James Manzano Lyka Gamon PANANAW Punto por Punto DIBUHO • Earl Ascarez

GoldenAge?

Malagintong Presyo

Ang presyong mataas, kita ng bansa ay hihina. Ang pagtaas ng mga bilihin, kuryente, at mga produkto ay hihina talaga ang kita ng bansa. Kung kaya’t nagkakaroon ng matinding implasyon ang bansa. Kasunod nito ang lumalalang unemployment rate. Sa puntong ito, bakit kaya tumaas ang presyo ng elektrisidad ng bansang Pilipinas? Bakit nagkakaroon ng kakulangan sa pandaigdigang langis at petrolyo? Paano ito nakakaapekto sa mga konsyumer ng bansa? Ating lilinawin ang mga katanungan sa usaping ito.

Ang pagtaas ng presyo ng langis at petrolyo ay nangangahulugang pagtaas rin ng presyo ng kuryente. Ang pandaigdigang digmaan sa pagitan ng Rusya at Ukranya na tumagal nang mahigit isang taon ay nagbunga ng kakulangan sa langis at petrolyo. Kahit na malayo ang ibang bansa sa Europa ay naaapektuhan pa rin ang mga ito, sapagka’t isa ang Rusya sa pinakamalaking distribyutor ng langis at petrolyo sa buong mundo. Kaya’t ito ay naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng kuryente. Digmaan rin ang naging dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang nagrereklamo

Sa bawat hakbang na ginagawa ng isang bata sa paaralan, ang mga mata ng kanilang mga magulang ay nakatutok, umaasa at nananalangin na ang pag-aaral ay magiging susi sa pag-ahon nila mula sa kahirapan. Itinuturing ito na tradisyon at solusyon sa hamon ng buhay sa karamihan sa mga pamilyang Pilipino.

Gayunpaman, ang napakalaking karga na

hinggil sa mataas na singil sa kuryente.

Batay sa UNTV News and Rescue nitong ikalima ng Abril 2023, hindi pa rin masabi ng Department of Energy (DOE) kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa sa gitna ng nakaambang bawas-produksyon sa langis sa pandaigdigang merkado. Sa kabila nito, tiniyak naman ng DOE na sapat ang suplay ng produktong petrolyo sa Pilipinas. Kung ating uunawain, tinitiyak lamang nila ang suplay ng petrolyo subalit walang hustong solusyon ukol sa pagtaas presyo nito.

May sapat nga na suplay ngunit ginto

Perspektibo

pa rin ang presyo, na masakit sa bulsa ng mga konsyumer lalo na ang mga maliliit lamang ang sahod o kita sa araw-araw at hindi pa nangangalahati sa presyo ng kuryente.

Nakatadhana sa Republic Act No. 11371 o Murang Kuryente Law, na ang layunin ay mapababa ang presyo ng kuryente at ang isang bahay na kumokonsumo ng 200 kilowatt/ hour ay inaasahang makakatipid ng P172 kada buwan. Kaya’t malaking bagay ito para sa mga mamamayan, halimbawa na lamang ng isang namamasada ng tricycle na maliit lamang ang kinikita sa araw-araw ay makakapag-ipon at

magagamit nila ito sa ibang bagay.

Nitong nakaraang araw ng Mayo 2023, kinausap ni Sen. Raffy Tulfo sa isang konsultasyon na pagpupulong sa pamamagitan ng zoom ang Energy Regulatory Commission (ERC) at DOE para sitahin kung bakit dekada na nilang hinahayaang mapatuloy ang mapang-abusong sistema nito. Sa nasabing pagpupulong, pinatotohanan ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na sumulat na raw sila sa mga kompanya para ipaliwanag ang basehan ng kanilang kuryente ngunit hanggang ngayon ay wala pa kahit isa sa mga kompanya ang sumusunod at

patuloy pa rind aw na nagmamatigas. Kung isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kuryente ay ang mga sakin na negosyante, ang isyung ito ay hindi kaagad matutuldukan dahil sila ay mga matitigas at nabulag ng pera. Ito rin ang isa sa mga sanhi kung bakit an gating bansa ay hindi umuusbong o umuunlad ng deritso dahil sa mga negosyanteng makasarili at korap.

Sa madaling salita, nararapat na maging patas sa pagtaas ng kuryente. Dahil dito, ang mga dayuhang negosyante ay tutol sa pagpapatayo ng kanilang mga negosyo rito sa Pilipinas ay dahil sa gintong

presyo na sinisingil ng mga kompanya ng kuryente. Gayundin, ang ating bansa ay mahina ang pag-angat sa kadahilanang may mga Pilipinong korap at pansariling kapakanan lamang ang sinisiguro. Kung kaya’t ito dapat ang pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno upang ang mga abusadong negosyante ay mawala sa larangan ng kalakalan. At saka, magkakaroon ng matiwasay na pamumuhay ang mga mamamayang Pilipino na hindi namomroblema para sa pang-araw-araw na gastusin. Mga sakim ay tanggalin upang kaunlaran ay ating kamtin!

Pag-aaral laban sa kahirapan

Habang patuloy na hinaharap ng maraming pamilyang Pilipino ang hamon ng kahirapan, lubos na kadalasan ay ipinapasan ng mga magulang ang responsibilidad na mapabuti ang buhay ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng edukasyon. Ito ay isang malawakang isyung panlipunan na naglalarawan ng matinding pagpapakahirap ng mga magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

pasan-pasan ng mga anak, ang maipatupad ang sarili nilang pangarap, maging ng kanilang mga magulang ay maaaring magdulot ng malawakang epekto sa pisikal at emosyonal nilang kalagayan.

Ang labis na pagpapakapit at pressure na ibinibigay ng mga magulang sa pag-aaral ay maaaring humantong sa labis na stress, kalungkutan, at kawalan ng kasiyahan

sa buhay ng mga kabataan.

Dapat nating isaalang-alang na ang edukasyon ay isang daan tungo sa pagunlad at hindi isang pasanin. Hindi dapat maging sapat na dahilan ang kahirapan upang mawala ang pangarap ng isang bata. Kailangan nating suriin ang mga sistematikong isyu na nagpapahirap sa mga pamilyang Pilipino at magtakda

ng mga hakbang upang malunasan ang mga ito.

Ang pagpapahalaga sa edukasyon ay dapat maging pangunahing adhikain ng ating pamahalaan. Kinakailangan ng mas malawakang suporta para sa mga programa tulad ng scholarship at financial assistance upang matiyak na ang mga pamilyang nasa kahirapan ay may oportunidad sa magandang edukasyon.

Sa edukasyon, dapat tayong maging sensitibo sa kalidad nito. Kailangan ng curriculum na nagtuturo ng praktikal na kasanayan para sa trabaho. Mahalaga ang mga programang naglalayong magbigay ng mas malawak na kaalaman at oportunidad sa mga mag-aaral, tulad ng vocational training at job placement programs.

Kaya, ang paglikha ng pantay-pantay na edukasyon ay pangmatagalang layunin na nangangailangan ng sama-samang pagsisikap. Sa suporta, gabay, at pagmamahal, labanan natin ang kahirapan at magtagumpay para sa kinabukasan ng kabataan.

Dapat nating isaalang-alang na ang edukasyon ay isang daan tungo sa pag-uunlad at hindi isang pasanin.
09opinyon ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
Shiela Trazo
Samantha Ravelo

Katapatan ay kailangan

NSTUDENTGOVERNME

aglilingkod ang Supreme Student Government (SSG) bilang isang matatag na organisasyon para sa mga lider ng mga mag-aaral upang ipaglaban ang kapakanan at interes ng kanilang kapwa mag-aaral. Gayunpaman, sa mga nagdaang taon, ang isyu ng politikal na katapatan at pagpapalit-palit ng partido ay naging isang mainit na usapin sa larangan ng pulitika sa mga magaaral.

Hindi na bago ang karaniwang pagbabago ng mga partido tauntaon, ang pagtatatag ng Reformation of Integration of the School for Elpanians (RISE) Party ay nagdulot ng isang kahulugan ng katatagan. Ang kanilang

mga terminong karaniwang ginamit upang ilarawan ang mga pulitiko na nagpapalit-palit ng panig batay sa kaginhawahan, salapi, o kapangyarihan. Nakalulungkot isipin ang ganitong kalakaran na kumakalat sa pulitika ng mga mag-aaral, kung saan ang mga aspiring na lider ay handang magpalit ng partido upang maipagtanggol ang kanilang mga posisyon. Isang halimbawa nito ay ang mga kandidatong na una’y nag-asam na maging pinuno ng SSG mula sa Youth Empowerment Service (YES) Party ngunit nagpalit ng partido patungo sa RISE matapos ang pagkabigo noon. Bukod dito, higit sa kalahati ng mga kandidato sa nakaraang halalan ay nagpalit ng partido o tumakbo bilang independent na kandidato.

Dati ang RISE Party ay naglunsad ng kampanya na naglalayong magkaroon ng isang Arts Festival upang ipakita ang iba’t ibang talento at katalinuhan ng mga Elpanians. Gayunpaman, nakababahala na hindi natupad ang nasabing plataporma ng nanalong party. Ang hindi pagtupad sa mga pangakong binitawan ay nagbigay ng palaisipan at pagaalinlangan sa mga kabataan kung ano ang tunay na motibo sa likod ng kanilang pagtakbo at ang tunay na layunin ng kanilang mga pangako sa kampanya.

TNTIONALHIGHSCHOOL

tagumpay sa nakaraang halalan ay nagpatibay sa kanilang posisyon bilang naghaharing partido.

Gayunpaman, hindi pa rin ito naging dahilan upang hadlangan ang mga kandidato na magpalit ng samahan depende sa anumang partido na malakas at makapangyarihan.

“Political butterfly,” “balimbing,” at “turncoats” ang

Responsibilidad ng mga lider na panatilihin ang tiwala na ibinigay sa kanila ng kanilang mga kasama. Dapat nilang isaalang-alang ang mga negatibong epekto ng lantarang mga pulitikal na butterflies, dahil ito ay nagpapakita ng uri ng administrasyon na kanilang dadalhin. Ang patuloy na pagpapalitpalit ng partido ay sumisira sa konsepto ng may prinsipyo at matapat na pamumuno at nagdudulot ng pagdududa sa tunay na pagmamalasakit nila sa mga mag-aaral.

Mahalaga para sa mga lider ng mga mag-aaral na bigyang-pansin ang kanilang mga nasasakupan at magtrabaho para sa ikabubuti ng komunidad ng mga mag-aaral. Ang katapatan sa isang pulitikal na partido ay nararapat ngunit mas mainam na ang pangako na paglingkuran ang interes ng mga magaaral at mabigyang-tinig ang kanilang mga pag-aalala nang mabisa ang pinakamahalaga. Sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga mag-aaral, ang SSG ay tunay na makababawi ng kanilang tungkulin bilang isang kinatawan na organisasyon na nagpapalakas at nagtatanggol sa mga karapatan at kapakanan ng lahat ng mga magaaral.

Sa mga susunod na taon, umaasa tayo na ang mga lider ng mga mag-aaral ay tatalima sa pangako na maging matatag na tinig ng mga mag-aaral. Tahakin natin ang landas tungo sa isang SSG na nagbibigay prayoridad sa pagiging tapat, may pananagutan, at tunay na serbisyo upang matiyak ang mas magandang kinabukasan ng JPENHS at ng mga mag-aaral nito.

Sa mga susunod na taon, umaasa tayo na ang mga lider ng mga mag-aaral ay tatalima sa pangako na magingmatatag na tinig ng mga mag-aaral.
opinyon10 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
Angel Momo SigawSiglaw DISENYO • Sean Caballero

PSST ! PSST !

“Madilim ang paligid, may tumawag sa pangalan mo.” Liriko na siyang pamilyar. Karimlan ng kahapon sa memorya ay bumabagabag. Hanggang kailan magdurusa sa bigat na siyang bitbit. Dahil sa isang pangyayari na tila ang pagboboses ay siya pang kinakahiya.

Mabilis na padyak ng mga paa, mga mata’y paikot-ikot, pinapawisan, at kinakain ng kaba. Ilan lamang ito sa mga damdamin na siyang umaapaw, kalaban ang tadhana sa bingit ng mga sandaling sana’y hindi mapahamak.

Isa sa mga kinatatakutan ng kababaihan ay ang makaranas ng mga hindi kaaya-ayang gawain ng mga kalalakihan, ang panghihipo at pagsutsot. Ngunit, paano na lang kung ang pang-aalipusta na ito ay siyang nararanasan din maging sa loob ng paaralan na ligtas sana at payapa ang kalooban.

Mungkahi ng ilang mga babae sa mataas na paaralan ng Jacinto P. Elpa na maging

Eroplanong

sila ay hindi ligtas sa mga pambabastos na kagagawan ng ilang mga kalalakihan, sa loob man o ‘di kaya’y sa labas ng tuntunan. Magpahanggang ngayon, ‘di mawala sa isipan ng mga biktima ang takot at karimlan na dulot ng sitwasyon na kanilang natamasa.

Isang madilim na alaala dala ng kahapon ang patuloy na tinatakbuhan. Ang dinanas ay ‘di pa rin lubos na makalimutan. Nagbabaliktanaw sa kasuklam-suklam na naranasan mula sa nakaraan. Kamakailan lamang, ayon sa datos ng United Nations, 95% ng mga kababaihan sa daigdig ang nakararanas ng mga sekswal na panliligalig o ‘di kaya’y mga walang

Papel:

galang na aksyon. Bagaman mayroong mga batas kung saan nagproprotekta sa karapatan at kaligtasan ng mga babae, malaki pa rin ang bilang ng mga nakararanas ng pang-aalipusta sa kasalukuyan. Kung kaya’t ang pagtatatag ng mas mahigpit na mga patakaran at ang pagturo sa masa na maging isang disente at may respeto na indibidwal ay siyang dapat. Ang mga lokoloko, saan mang parte ng mundo, ay malakas ang loob gumawa ng mga ‘di kaaya-ayang gawain. Kung kaya’t sila’y labanan gamit ang sandata na huwag magpadala sa takot. Bagkus lakasan ang loob at labanan ang mga bastos maging ang kanilang pag-aalipustang kilos.

Paglalakbay

mula sa Karimlan ng Kahapon tungo sa Ginintuang Bukas ng Panahon

“Tiktilaok!” Gising na ang diwa at dahan-dahang iniligpit ang kama sabay punta sa kusina. Pagkatapos maligo at kumain ng almusal, pagbibihis naman ang siyang inatupag. Ngunit, hindi uniporme ang isinuot. Bagkus isang kasuotang pormal. Sa halip na sa paaralan, sala ang naging silidaralan.

“Magandang araw,” sambit ng guro. Ngunit hindi sa harapan ito nakatayo. Bagkus ang tunog ay nanggaling sa isang gadyet. Sa lamesa, samu’t saring papel ang naka latag. Isang kapsula ng oras kung ito ay ituring. Dumaan sa iba’t ibang uri ng sistema ng pagaaral sa nakaraan na apat na taon. Maging ang poot ay siyang sariwa sa memorya na dala ng kahapon.

kung maituturing ang mga araw noong nasa ika-pitong baitang pa lamang ang mga mag-aaral mula sa kataastaasang paaralan ng Jacinto P. Elpa National High School. “Konting tiis na lang, matatapos na.” Konting tiis ng pagod, konting sakripisyo ng tulog, at konting araw na lang ang natitira bago matapos ang taong panuruan. Bilang na lamang ang mga araw kung saan

Ngunit, tila ang buong mundo ay may ibang plano noong nag anunsyo ang Department of Education noong ika-14 ng Marso 2020, ang pag apruba sa pag suspinde ng klase bunsod ng kumakalat na COVID-19 virus sa bansa. Dahil dito, ang pagkakaroon ng blended at modular learning ang siyang naisip na alternatibong sistema ng pag-aaral ang itinalaga.

Tanging tahanan ang nagsilbing paaralan. Sa isang

idlip bumaliktad ang mundo na siyang kinatatayuan. Ang kahapon ay naging isang magandang alaala na lamang. Sana’y makamit bukas ang marilag na inaasam. Sa pagmulat ng mga mata, bagong taon ang siyang lumipas at gumunita. Dala ang pait ng nagdaang taon, unti-unti ng bumabalik sa normal ang panahon. Isang kabanata na naman ang siyang naghihintay. Ngunit ang pagtungtong ng senior

Wansapantaym

high school, balisa sa lahat ang binibigay. Sa bagong pahina ng kasalukuyan, pasan ang karimlan. Sa pag-apak ng mga paa tungo sa bukas na mayroon pa. ‘Di batid kung saan dadalhin ng mga paa. Hinahanda ang sarili sa bukas na walang kamalay malay. Bagaman pangamba ang umaapaw, ang pag sabay sa daloy ang siyang magiging baon kasama ang pamilya at kapwa na masasandalan.

ingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Tila ikaw ay pumasok sa Isang palasto mula sa nakaraan. Mga magagarang kasuotan, mga binibini na nagmistulang diyosa ang ganda, at mga ginoong tila’y mga prinsipe ng masa. Ilan lamang ito sa iyong matutunghayan sa mala telepantasyang “Baroquethemed Promenade” na pagtitipon ng mga mag-aaral mula sa paaralan ng Jacinto P. Elpa National High School noong ika-14 ng Abril sa Villa Maria Louisa Hotel.

Sa pag-apak ng iyong mga paa, tungod sa loob kung saan iyong makikita ang mga naglalakihang disenyong nakapinta.

Iba’t ibang kolorete sa bawat sulok nakasabit. Sinaunang mga

palamuti sa silid ay nakadikit. At samu’t saring mga ilaw sa paligid ang nakalagay. Kung kaya’t ang gabi ay mas nagniningning.

Matapos rumampa ng mga mag-aaral at mga guro suot-suot ang kanilang kaakit-akit na terno at toga, maya-maya pa ay nagsimula na ang

pinaka inaasamasam ng lahat. Bawat padyak ng paa, sabay sa daloy ng musika, nagmistulang mga hari at reyna ang mga estudyante bitbit ang memorya. Bakas sa kanilang mga mukha ang galak at saya. “Once in a lifetime,” kung ito ay ituring. Isang

pagtitipon kung saan ay minsan lang nangyayari sa buhay ng isang mag-aaral. Kung kaya’t bawat segundo na lumilipas, ito ay dinadama ng bawat isa. Sumasabay sa alon ng siyesta. Ang pagkakataon na kasama ang tropa. Ang lahat ay tila mga bituin

na kumikinang at tumatawa. Isang araw na hindi malilimutan kahit nino man. Kung kaya’t dama ang bawat oras ng kasiyahan at tinuturing na ginintuang memorya.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL
TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
11lathalain
Michaela Tenozo Michaela Tenozo Angel Momo

Karanasan: Puno ng pait o puno ng kasiyahan?

Patuloy pa ring nakararanas ang ibang mga mag-aaral ng diskriminasyon dahil sa kanilang oryentasyong sekswal at katauhang kasarian dito sa ating bansa. Kahit na may mga batas na ipinapatupad ang pamahalaan tungkol sa isyung ito, walang tigil na karahasan pa rin ang natatamo ng mga miyembro sa LGBTQ+, lalong-lalo na sa mga paaralan.

Sa kawalan ng epektibong implementasyon ng mga batas at pagsubaybay, mas dumadami ang bilang ng mga kabataang parte ng LGBTQ+ ang biktima ng karahasan katulad na lamang ng pandidiri sa kanila ng ibang tao sa komunidad.

Bagamat marami sa mamamayan ang bukas na ang isipan tungkol sa isyung ito ng lipunan, may mga tao pa ring hindi tanggap ang LGBTQ+ at sarado ang isipan tungkol dito. Dahil sa mga pangyayaring ito, mas nagiging mababa ang tingin ng LGBTQ+ sa kanilang mga sarili. Madalas sa mga biktima ng diskriminasyon ay

nakararanas ng anxiety o depression.

Sa paaralan ng Jacinto P. Elpa National High School, ang mga mag-aaral at mga guro ay mas mulat na tungkol sa LGBTQ+. Ngayon, malaking bahagdan ng populasyon ng paaralan ang tauspusong tinatanggap ang mga kabila sa grupo ng LGBTQ+. Mas nagkakaroon ang bawat isa na ipahayag ang kanilang napiling pagkakakinlanlan sa kasarian, anumang klase ng mga kasarian ito. Ayon sa pahayag ni Justine Goforth na isang mag-aaral sa nasabing paaralan, “Bilang isang LGBTQ na nag-aaral sa JPENHS, masaya akong ang paaralan at ang

mga tao sa likod nito ay labis ang pagtanggap at nananatiling bukas sa amin. Kaya naman ako mismo ay hindi na humaharap sa anumang uri ng diskriminasyon.” Ika nga ng isa pang mag-aaral sa JPENHS na nasa ika-siyam na baitang na si Reniel Luengas, “Kung ikaw ay naiiba, huwag kang matakot na ipahayag ang iyong sarili. Gaya nga ng sabi ni Rupaul, mahalin mo ang iyong sarili, dahil kung hindi mo mahal ang iyong sarili paano mo mahalin ang ibang tao.” Sa henerasyon natin ngayon, mas naging bukas na ang mga tao sa lahat ng kasarian sa ating komunidad. Ang mga

Sindakin ang kabakakan sa dyornong katotohanan

Nag-udyok sa mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School na sumulat para sa katotohanan ang isinagawang School-Based Press Conference. Kahit na marami at laganap ang kumakalat na chismis sa pamamagitan ng mga mag-aaral lang din na madalas tinatawag na “Marites,” marami pa rin ang naniniwalang mahalaga ang pagsusuri ng sitwasyon sa halip na maniwala agad at umaksyon.

Ang pangyayari ay tila isang sandata laban sa paglaganap ng fake news sapagkat ang mga mag-aaral na naghahangad na maging isang ganap na manunulat ay para bang nagsanib puwersa upang maisulong ang katotohanan tungkol sa mga kaganapan sa lipunan.

Marami sa mamamayan ang hindi madaling magtiwala sa mga tao ngunit madaling naniniwala sa mga usapin na isa sa mga suliranin na kinakaharap ng bawat isa sa pang-araw-araw.

Talaga namang fake news ang sanhi ng pagbabago ng pananaw ng mga tao sa masamang paraan na umaabot sa puntong ang relasyon nila sa iba ay nagkakalabuan.

Ang bukas isipan para sa katotohanan upang mas mapaunlad pa ang sambayanan.

Ang bawat mamamayang walang kamuwang-muwang sa katotohanan na naglalaganap ng kasinungalingan ay biktima rin lamang.

Kaya naman, ang mga mamamahayag ang siyang daan upang ang bawat isa ay magkaroon ng bukas isipan para sa katotohanan upang mas mapaunlad pa ang sambayanan.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023 DIBUHO’T DISENYO
Marielle Martir Shiela Trazo
serye lathalain

Batas ng Tao o Batas ng Diyos

Sa panahon ngayon, mas napapalaganap na ang pagtanggap ng bawat isa sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang kasarian ng bawat tao. Mas nagiging bukas na rin ang lipunan sa nararamdaman ng mamamayan.

Ang

SOGIE (Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression) BILL ay iminungkahing batas sa Pilipinas na naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon batay sa oryentasyong sekswal, pagkakakilanlang pangkasarian, o pagpapahayag ng kasarian ng isang tao.

Marami pa ring mga tao ang hindi bukas ang isip sa isyu ng kasarian. Hanggang ngayon, ang SOGIE BILL ay hindi parin naipapasa bilang isang batas dahil ito’y naging paksa ng debate at kontrobersya sa Pilipinas, kung saan sinusuportahan ng ilang grupo ang panukalang batas bilang isang kinakailangang hakbang upang protektahan ang mga karapatan ng LGBTQ+

community, habang ang iba ay tumututol dito sa relihiyon o kultural na mga batayan. Sa paaralan ng Jacinto P. Elpha National Highschool, marami ang mga taong ipinagmamalaki at malayang naipahahayag ang kanilang oryentasyong seksuwal. Kabilang na rito si Carl Jabonero, labing-apat na taong gulang at isang magaaral ng ikawalong baitang. Ayon sa kanyang pahayag, “Kung ako ang tatanungin, lubos akong sumasang-ayon na ipatupad ang SOGIE BILL ACT dito sa ating bansa upang mamulat ang ibang mga tao tungkol sa isyung ito.”

Si Carl ay masasabing isang mag-aaral na puno ng mithiin sa buhay. Pangarap niyang makapagtapos nang may natatanggap na karangalan mula sa paaralan ng Elpa. Kaya

naman ganoon na lamang ang kanyang pagpupursigi na ipaglaban ang karapatan niyang maging malaya sa diskriminasyon at karahasan, at magkaroon ng pantay na oportunidad na makapag-aral.

Sa kabilang banda, nagbigay rin ng kanyang panayam at opinyon ang isang gurong mahigit dalawamput limang taon nang nagtuturo sa paaralan ng Elpa na si Azarias L. Moral, limamput taong gulang, nagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa kurikulum ng BEC at SPA.

Ayon sa kanya, “Dapat ipasa ang SOGIE Bill, dahil hindi lamang ito naglalayong maprotektahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQ+, kung hindi pinapahalagahan rin nito ang pagkakaroon ng pantay-pantay na halaga at dignidad ng bawat indibidwal, anuman ang kanilang seksuwalidad.”

Tila isang kisapmata ang bilis ng paglipas ng panahon. Mula sa pandemyang labis na nakasira ng plano ng bawat mamamayan para sa kanilang kinabukasan, patungo sa pinto ng bagong simula’t pag-asang nabuksan.

Namumutawi

sa mga mukha ng bawat mamamayan ang kasiyahan dahil sa panibagong pagkakataong ipinagkaloob sa kanila. Bagamat dumaan sa labis na kalungkutan at kahirapan ng buhay dulot ng pandemya, marami sa mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School ay patuloy na nagsusumikap upang sila’y magtagumpay sa buhay.

Kung mayroong mga mag-aaral na buongpusong nagpapatuloy pa rin, mayroon din namang mga mag-aaral na tila ay nawalan ng landas na tatahakin patungo sa kanilang mga mithiin.

Pagdating sa larangan ng edukasyon, hindi mapagkakailang marami

na ang nabago sa sistema ngayon kumpara noon. Ayon nga sa isa sa mga guro ng paaralan na si Raymond Joy Ramos, “Madami talaga ang nabago sa paraan ng aking pagtuturo. Marami ang aming napagdaanan muna bago humantong sa pagbabalik ng normal na klase.”

Dagdag din ng guro na hindi lamang ang sistema ng edukasyon ang nag-iba marahil ang determinasyon at kagustuhan na mayroon ang mag-aaral na matuto ay labis din ang kaibahan sa mga naging mag-aaral niya bago sumapit ang pandemya.

Kaya naman masasabing higit na naapektuhan talaga ang edukasyon ng mga magaaral sa kadahilanang

Para sa isang gurong nagtuturo sa paaralang ito, malaki ang pinaghuhugutan niya ng loob dahil mayroon siyang anak na kabilang sa LGBTQ+ Community. Umaapaw ang kanyang pagsuporta at pagmamahal sa mamamayang kabilang sa komunidad, lalonglalo na ang mga mag-aaral. Marami pa ang mga hamon at pagsubok na pagdadaanan ng mga institusyon at komunidad upang tuluyang maisabatas ang SOGIE BILL. Sa ngayon, patuloy nilang nilalabanan ang mga taong patuloy na sinasara ang kanilang mata at isipan sapagkat sila ay binubulag ng matatag na paniniwala sa relihiyon.

Kailan kaya maipapasa ang SOGIE BILL? Maipapatupad pa kaya ito? Sa mundong mapanghusga at mapanglait, kaninong batas ang masusunod, ang Batas ng tao o ang Batas ng Diyos?

marami na sa kanila ang wala nang pagnanais na magtagumpay at magkaroon ng sapat na kaalaman na magagamit sa kinabukasan maging sa pang-araw-araw na buhay.

“Kung noon, halos lahat ng mag-aaral ay aktibo sa pakikilahok sa aking klase. Ngayon, minsan sa mga klase ay iilan na lamang ang aktibong nakikinig sa akin at may kawilihan pa ring matuto dahil madalas sa kanila ay nakatutok lamang sa mga gadget nila,” tugon ng guro.

Sa kabila ng pagkakaroon ng bawat mamamayan ng pagkakataon upang magsimula muli, masasabing ilan sa kanila ay humantong sa labis

na kadiliman ng buhay na hanggang sa puntong hindi na nila napapansin ang pagsilay ng liwanag sa kanilang mga mata.

Bagamat isang napakalaking oportunidad ang makapagpatuloy sa pagaaral, hindi rin naman talaga mapagkakailang mahirap baguhin na naman ang nakagawian nila, at iyon ay ang manatili lamang sa kanilang tahanan nang walang nakukuhang panibagong kaalaman.

Tunay nga talagang nagdulot ng dilema ang nangyaring pandemya.

DISENYO • Earl Ascarez
serye
ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
Mark Sagosoy
lathalain 13
Lyka Gamon

Soar High, HELLpa High!

Siklab ng liwanag, balakid sa Elpanians

Kung dati, Covid-19 ang dahilan kung bakit ang mga estudyante ay hindi makapasok sa paaralan at nahihirapang mag-aral, ngayon naman ay ang matinding init ng panahon. Ilan sa mga estudyante ay hindi na pumapasok sa paaralan at minsa’y tumatakas sa klase dahil sa tindi ng init na nararanasan sa loob ng silid-aralan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) umabot sa 48°C ang naitalang heat index sa Surigao del Sur noong Abril 21, 2023 na kung saan ito ang pinakamataas na heat index na naitala sa buong Pilipinas sa taong ito.

Ayon sa PAGASA, ang Caraga Region ay makakaranas ng 38°C39°C na init sa susunod na mga araw, ngunit malaki ang posibilidad na ito ay tataas pa.

“The heat is very unsettling to the point that it made us stressed, have headaches, couldn’t focus properly in our class and it gives us a feeling of laziness, tiredness and very irritated,” pahayag ni

Maria Cielo Cubero Maturan isang Grade 10 na mag-aaral mula sa Basic Education Curriculum (BEC). Ang init na nararanasan ay nagiging hadlang para sa mga estudyante na makapag-aral ng maaayos at matiwasay. Dahil sa matinding init karamihan sa mga magaaral ay nawawala sa pokus sa oras ng klase.

At sa halip na makinig ay abalang nagpapay-pay upang labanan ang init ng panahon.

“Oo,masasabi kong nakaaapekto ang tindi ng init ngayon dahil hindi ako makapag focus sa sobrang init ng panahon lalo na sa classroom namin na kulang ang electricfan,” saad ni Samantha Ravelo, estudyante

mula sa Special Program in Journalism (SPJ).

Bunga ng matinding init ng panahon nawawala ang ganyak sa mga estudyante na mag-aral at makinig sa mga klase. Lalo na’t maraming silidaralan sa Jacinto P. Elpa National Highschool na kakaunti lamang ang eletric fan na meron.

Dampi

Posible din itong maging isang malaking abala sa kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro dahil ang tindi ng init na nararanasan ngayon ay posibleng maging dahilan ng pagkahimatay, pagkasakit, dehyration, at heatstroke.

Ito ay dahil hindi

nagagawa ng katawan na iregulate ang temperatura nito kaya labis itong tumataas na maaaring magdulot ng pagkamatay kapag hindi naagapan. Ang mga sakit na ito ay resulta ng dehydration at fatigue na dulot ng sobrang init. Sa ngayon,

pinapayuhan ang lahat ng mga magaaral maging ang mga guro na magdala ng payong, uminom ng tubig kada oras, at iwasang magbilad sa araw upang maiwasan ang pagkahilo o anumang sakit na dulot ng matinding init ng panahon.

Sa bawat dantay ng balat may sakit na kaakibat. Maaaring sa isang haplos ng kanyang mga kamay sa iyo ay mahawaan ka sa sakit na ito. Ito’y sakit na kadalasang nakukuha ng mga batang 0 hanggang 5 na taong gulang o mga teenager.

Tinatawag ang sakit na ito na Hand, Foot, Mouth Disease o HFMD na umiiral sa kasalukuyan.

Ito ay isang sakit na mula sa tinatawag na “mild viral illness”.

“HFMD does not come from pigs or any other animals and is instead caused by contact with surfaces and objects

contaminated by enteroviruses,” ayon sa isang panayam ni Dr. Nataniel Rempillo, Albay Provincial Health Office (PHO) chief.

Ang karaniwang sintomas nito ay ang lagnat, sugat sa bibig, at pantal sa balat kadalasan ay sa mga palad at talampakan ng paa o sa puwit, braso, at binti.

Sa oras na mapansin ninyo na ang inyong anak o kapatid ay nagpapakita ng mga sintomas na ito ay wag mag-alinlangang dalhin agad sa ospital at ipa konsulta habang maaga pa. Bilang isang magulang o nakakatanda dapat ay iwasang maging kampante sa lahat ng oras, lalong lalo na kung kalusugan ng bata ang pinag-uusapan.

“I-avoid po yung mga bata sa mga close contanct

with children na may hand, foot, and mout disease since mabilis po ang transmission via respiratory droplets and via contaminated surfaces and contaminated objects,” ani ni Dr. Francis Olaso sa isang panayam sa TeleRadyo noong Miyekules.

Maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ang HFMD na may mga komplikasyon, kabilang ang dehydration, meningitis at encephalitis. Ngunit huwag mabahala sapagkat may mga paraan upang maiwasan ito.

Una, sa pamamagitan nang maayos at madalas na paghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran at bago maghanda ng pagkain para sa iyong mga anak, kapatid o pamilya.

Ikalawa, madalas na linisin ang mga ibinahaging

bagay tulad ng mga laruan. Ikatlo, turuan ang inyong mga anak nang mabuting kalinisan o “Proper Hygiene”. At panghuli ay painumin ng mga bitamina at suplemento ang mga bata na maaaring makadepensa laban sa mga iba’t ibang uri ng bakterya na umiiral sa paligid.

Dagdag din ni Rempillo na ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na mas madalas na nangyayari sa mga bata dahil sa likas nilang pagiging mapaglaro.

Dakilang kayamanan ay tanging ang kalusugan. Bilang isang magulang, mabuting kalusugan ang regalong hinding hindi nadadaig at napapalitan ng kahit anumang materyal sa mundong ating ginagalawan.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL agtek14 TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
Jaed Bitancor DIBUHO • Earl Ascarez DIBUHO • Sean Caballero

AI think, therefore AI am

‘Godfather of AI’ nagbigay babala ukol sa panganib na dala ng AI

“In the NYT today, Cade Metz implies that I left Google so that I could criticize Google. Actually, I left so that I could talk about the dangers of AI without considering how this impcts Google. Google has acted very responsibly,” ani Dr. Geoffrey Hinton, mula sa isang panayam sa New York Times.

Ang “Godfather of AI” na si Dr. Geoffrey Hinton ay naglabas ng kanyang pahayag ukol mga maaaring maidulot ng teknolohiya sa kinabukasan ng mga gumagamit nito. Si Dr. Hinton ay dating miyembro ng Association for the Advancement of Artificial Intelligence (AAAI).

Banta ng matinding pagtaas ng Carbon Footprint, nakakabahala

Kalusuga’y dahandahang nawawasak kasabay ng dahandahang pagkawasak ng ating mundo. Isa sa mga matinding problema na kinakaharap ngayon ng Pilipinas maliban sa Covid-19 ay ang matinding pagtaas ng carbon footprint sa bansa na nagdudulot ng pagbabago ng klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“We have 20 years (unitl 2026) to reduce carbon emissions or climate change will become irreversible,” ani Hans Joachim Schellnhuber, isang German atmospheric physicist at climatologist.

Carbon emission ang tawag sa pangyayari kung saan ang carbon dioxide na nagmumula sa mga makinarya ng pabrika o pagawaan, pagsusunog, mga usok mula sa mga sasakyan at iba pa ay napakawalan.

Naipakita na ng maraming pag-aaral na naging mabilis ang pagtaas ng emisyon ng CO2 at konsentrasyon ng GHG nang magsimula ang rebolusyong industriyal. Kalakip na inuugnay ang industriyalisasyon sa pagtaas ng mga emisyon ng greenhouse gases tulad ng carbon dioxide

(CO2) at methane (CH4) sa atmospera.

“The CO2 problem is the greatest global challenge,” pahayag ni Michael Jost isang Chief Strategist of Volkswagen brand.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng carbon footprint ay ang paggamit ng fossil fuels tulad ng langis, gasolina, at coal. Ito’y ginagamit sa pagpapatakbo ng mga sasakyan, mga power plant, at iba pang mga industriya. Sa paggamit ng fossil fuels, malaking halaga ng carbon emissions ang nalalabas sa kapaligiran.

Maliban sa nabanggit, nariyan din ang deforestation at land-use change. Ang pagputol ng mga puno at pagbabago ng gamit ng lupa tulad ng pagpapatayo ng mga gusali, kalsada, at mga farms ay nagpapalabas ng carbon mula sa mga carbon sinks tulad ng mga kagubatan.

Bunsod ng pagtaas ng mga carbon emissions ang paglaganap ng global warming at climate change na nagdudulot ng mga krisis sa kalikasan kagaya ng bagyo, pagtaas ng sea level, pagkawala ng mga species, at pagkaroon ng matinding tag-init at tagulan.

Ang carbon footprint din ay nakakasira sa

kalusugan ng tao dahil sa polusyon na dulot ng mga carbon emissions. Samu’t saring klaseng polusyon ang may kaakibat na peligro sa kalusugan ng tao. Nariyan ang polusyon sa hangin na nagdudulot ng mga sakit sa respiratory system tulad ng asthma at bronchitis atpolusyon sa tubig, na nakaaapekto sa kalusugan ng tao sapagka’t ang mga isda at iba pang mga seafood ay mayroong mga toxins.

Upang makamit ang decarbonization, mayroong ilang mahalagang estratehiya na maaaring magamit. Una, maglipat sa malinis na mapagkukunan ng enerhiya tulad ng solar, hangin, at geothermal. Ito ay nangangailangan ng malaking puhunan sa imprastraktura at teknolohiya upang magtayo ng bagong sistema ng enerhiya na hindi gaanong umaasa sa fossil fuels.

Pangalawa, ipagpapabuti ang enerhiya sa mga gusali, transportasyon, at industriya. Ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng paggamit ng smart technology, insulasyon, at iba pang mga hakbang upang mabawasan ang paggamit ng enerhiya. Sa gayon, hindi lamang nababawasan ang carbon

emissions kundi nakatitipid din dahil nababawasan ang bill sa paggamit ng enerhiya.

Para sa panghuling estratehiya, paunlarin ng carbon capture at storage technology na ikinakabit at nag-aabang ng carbon emissions mula sa mga planta ng enerhiya at iba pang mga industriyal na pinagmumulan at italaga sa ilalim ng lupa.

Sa henerasyon ngayon ang pagtaas ng carbon footprint sa mundo ay mas mabilis kumpara noon, kaya’t kinakailangan ng agarang aksyon upang mabawasan ang ating carbon footprint at mapanatili ang isang sustainable na kinabukasan para sa ating planeta.

Kung hindi pa tayo magsasagawa ng aksyon ngayon upang masugpo ang suliranin na hinaharap ng bansa, malaki ang posibilidad na ilang taon mula ngayon ay hindi na maaagapan ang paparating na delubyo na wawasak sa ating mundo at kasabay dito ang pagkawasak ng ating buhay. Sa madaling salita ang pagkawalangbahala sa mga problemang hinaharap sa kasalakuyan ay parang dahan-dahang pagpatay sa kinabukasan ng bawat indibidwal.

Ang mga AI ay ginagamit sa iba’t ibang pribadong kumpanya, pampublikong utilidad, ahensiya ng pamahalaan, pamantasan, ospital, bangko, at iba pa para tugunan ang mga pangangailangan o katanungan ng kanilang mga kustomer, kliyente o iba pang mga tao. Malaki rin ang nai-ambag nito sa pagpapadali ng gawain ng mga tao katulad ng mga takdang-aralin ng estudyante, katulad ng paggawa ng sanaysay at iba pa.

Ngunit ayon kay Dr. Hinton isa sa sa mga kinatatakutan niyang mangyari sa AI ay ang pagpapakalat nito ng mga mali o pekeng impormasyon, litrato, bidyo o dukumento, kung saan ay magiging mahirap ito para sa mga karaniwang tao na tukuyin kung ano ang totoo at hindi.

“It is hard to see how you can prevent the bad actors from using it for bad things,” saad ni Dr. Hinton.

Nag-aalala rin ito na baka dumating ang panahon na mawalan na ng trabaho ang mga tao dahil sa mga makabagong teknolohiya. Sa katunayan ito ay posibleng mangyari dahil marami ang kayang gawin ng AI at teknolohiya lalong lalo na sa larangan ng industriya.

Noong taong 2012 si Dr. Hinton kasama ang mga estudyanteng sina Ilya Sutskever at Alex Krishevsky ay gumawa ng Neural network na kung saan ay natutukoy nito ang uri at klasipikasyon ng mga bagay base sa litratong kinuha o ipinakita.

Ang imbensiyon nila ang nagbigay daan sa mga ChatBot tulad ng ChatGPT, Google Bard, at mga AI model na may iba’t ibang kayang gawin tulad ng mga sanaysay, tula, at iba pa na makatutulong sa mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan, halos wala pa namang negatibong epekto ang AI sa buhay ng mga tao base sa datos ng ilang eksperto.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
15agtek
Ayessa Soriano DIBUHO • Earl Ascarez

Ibinahagi

SIYENSIYAKSYON.

Mula kay Jaed Bitancor

Tunay na napakalaking tulong ng Chat.GPT sa buhay ng mga mag-aaral, lalo na sa pagsasagawa ng mga takdang-aralin at iba pang gawain sa paaralan. Nagbibigay ito ng mabilis at madaling access sa impormasyon, at nagbibigay ng mga tugon sa kahit anong uri ng tanong. Sa gayon, nagiging mas magaan ang proseso ng pagaaral at napapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral.

MagingMapanuri

Ayessa Soriano

Pag-aaral sa Microplastic pinangunahan

ng mga mag-aaral mula sa Science, Technology, and Engineering

Kakulangan ng kaalaman sa usapin ng polusyon sa karagatan ang nagtulak sa isang koponan ng mga mananaliksik sa Tandag na magsagawa ng imbestigasyon sa kanilang lugar na napapaligiran ng tubig. Ipinaabot ni Sheila Trazo, pangunahing mananaliksik, ang kanilang motibasyon na tugunan ang kakulangan sa kaalaman at bigyan-liwanag ang isyung ito.

Layunin ng kanilang pag-aaral, “Abundance and Distribution Characteristics of Microplastics in Surface Seawaters of the Coastal Areas near Tandag City,” ang matukoy ang bilang at uri ng mga microplastics na matatagpuan sa ibabaw ng karagatang nasa mga baybaying lugar malapit sa lungsod ng Tandag. Bukod dito, nais din nilang bigyang-diin ang potensyal na panganib na dulot ng mga microplastic sa kalusugan ng tao at sa buhay sa karagatan. “The lack of knowledge regarding marine pollution of the locals of Tandag motivated us to conduct an investigation in the marine environment, given that our locality is surrounded by bodies of water,” ani Trazo. Ang proyektong ito ay nakapokus sa pagmamasid, ngunit ayon kay Angel Pono kakaiba ang pag-aaral nila dahil hindi ito katulad sa ibang pag-aaral na nagbibigay ng solusyon sa problema.

“Our study seems to be basic; more on observation. However, we are certain that our study is not basic because this will serve as a big help to the community and our fellow researchers will use this study as an established basis to learn deeper about this kind of pollution in our locality,” pahayag ni Pono.

Ayon din sa mga mananaliksik, ang resulta ng kanilang pagaaral ang mag-uudyok sa mga mambabatas na magpatupad ng wastong batas para sa mas malinis at ligtas na dagat.

Dagdag ni Jaed Bitancor, marami ang puwedeng gawin sa mga resulta ng pag-aaral nila kaya’t ito ay magiging malaking tulong sa mga mamamayan, mananaliksik at mga mambabatas. At ang pag-aaral nila ang magmumulat sa mata ng mga tao ukol sa dami ng mga plastik na lumalaganap sa mga dagat malapit sa Tandag City area.

Banta sa kinabukasan, iwasan

Sa kasalukuyan, lubhang ginagamit ng mga mag-aaral ang Chat.GPT bilang isang mahalagang kasangkapan sa kanilang pag-aaral. Ang Chat.GPT ay isang uri ng Artificial Intelligence (AI) na naglalayong tugunan ang iba’t ibang uri ng mga tanong sa anumang wika. Ito ay kadalasang ginagamit sa pagsagot ng takdang-aralin, paggawa ng mga pananaliksik, at iba pang mga gawain. Subalit, ang labis na pag-depende ng mga mag-aaral sa Chat.GPT ay maaaring magdulot ng mga hamong magbanta sa kanilang kinabukasan.

Gayunpaman, ang sobrang pag-depende sa Chat.GPT ay maaaring magdulot ng ilang negatibong epekto sa mga estudyante. Una, ang labis na pagdepende sa Chat.GPT ay maaring humantong sa kawalan ng kakayahan sa malikhaing pag-iisip at sariling pag-unawa. Maaaring mabawasan ang abilidad ng mga mag-aaral na magisip nang malalim at makagawa ng sariling mga konklusyon. Ito ay maaaring makaapekto

sa kanilang kakayahan sa kritikal na pag-iisip at abilidad na malutas ang mga problema sa isang independiyenteng paraan.

Pangalawa, ang sobrang paggamit ng Chat.GPT bilang mapagkukunan ng impormasyon ay maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mag-aaral. Ang teknolohiyang ito ay hindi perpekto sa pagkaunawa sa konteksto at maaaring magbigay ng hindi

tama o hindi sapat na impormasyon. Kapag umaasa ang mga magaaral nang labis sa Chat. GPT, maaaring sila’y makatanggap ng hindi tamang impormasyon. Mas malalim na epekto ng sobrang pag-depende sa Chat. GPT ay ang posibleng pagsupress sa pagunlad ng sariling mga kasanayan at kakayahan. Kapag hindi sapat na binibigyang pansin ng mga magaaral ang proseso ng pag-aaral at pag-unawa

sa mga konsepto, maaaring mabawasan ang kanilang abilidad na matuto at maipabago ang kanilang sariling katalinuhan. Ito ay maaaring makaapekto sa kanilang mga oportunidad sa hinaharap, lalo na sa mga sitwasyong hindi maaaring umasa sa Chat.GPT o iba pang mga teknolohiya. Sa kabuuan, mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral na ang Chat.GPT ay isang tool

lamang at hindi dapat maging pangunahing sangkap ng kanilang pag-aaral. Mahalaga pa rin ang aktibong partisipasyon, malikhaing pag-iisip, at pag-unawa sa mga konsepto upang magtagumpay sa mga hamon ng kinabukasan. Ang tamang paggamit ng Chat.GPT, bilang suporta ay mahalaga para sa patuloy na pagunlad at tagumpay ng mga estudyante.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023 agtek16
ng isa sa mga mananaliksik ang proseso kung paano isasagawa ang testing at pagimbestiga ukol sa marine pollution gamit ang imbudo, isang malaking botilya, at tabo.

Pag-aaral o Paglalaro?

Naiipit ang ilang atletang mag-aaral na nasa

ilalim ng Science Technology and Engineering

Curriculum ng Jacinto P. Elpa National High School dahil nanganganib ang kanilang pwesto sa grupo na baka sila ay matanggal at hindi na makasali sa mga paligsahan sa palakasan dahil sa pagbagsak ng mga grado nila.

“Ang hirap talagang pagsabayin ang dalawa pero kakayanin dahil gusto ko namang maglaro,” ani ng isang atleta ng STE.

Nahihirapan ang mga atleta na makapasok sa palaro lalo na pag maliit ang kanilang grado. Marami ng atleta ang nawalan ng pwesto dahil sa ganitong problema, napabayaan na nila ang kanilang mga takdang- aralin.

Kahit na may memorandum na sila ay kinatawan sa paaralan sa anumang paligsahan at excuse sa klase maging sa mga gawain, may ilang guro

Npa ring hindi pumapayag dito kaya nababahala ang mga atleta na bababa ang kanilang mga grado.

“Were are doing our best biskan pa uno ini kalisod pagsabayon an pag training og pag study para da lamang makaduwa kami,” pahayag ng atleta.

Binibigyang pansin ng mga atleta ang kanilang ginagawa di lamang sa ensayo kundi pati na sa eskwelahan ginagawa nila ang kanilang makakaya upang hindi matanggal sa STE Curriculum at isports.

amayagpag sa larangan ng takbuhan ang isang Elpanian na si Ryan Vertudazo matapos makamit ang dalawang gintong medalya para sa 3000 m at 5000 m run sa Cabadbaran Sports Complex, Abril 24-25.

Matatandaang marami nang medalya ang naiuwi ng atletang si Vertudazo noon pa man. Palagi siyang sumasali sa iba’t ibang patimpalak ng takbuhan at nananalo.

“Malakas na disiplina sa sarili, palagiang pag-eensayo maski sakripisyo

kadayaw pero worth it, kung gusto mong manalo,” pahayag ng atleta.

Siya rin ang naging pambato ng Caraga noong 2019 sa Palarong Pambansa noong siya ay nasa elementarya pa lamang, ngunit hindi ito nakakuha ng medalya dahil nauna siyang

Takbo ng Kidlat

Vertudazo umarangkada sa takbuhan, 2 ginto nasungkit

tumakbo bago pa man magsimula ang laro na naging dahilan upang madiskuwalipika ito sa laro.

Sa unang araw pa lang ng kompetisyon ay binuhos na kaagad ni Vertudazo ang kanyang galing sa pabilisan sa pagtakbo na gumulantang sa

kanyang mga kalaban sa 3000 m run, Abril 24. Hindi siya nagkumpiyansa dahil marami pa siyang katunggali sa sumunod na kompetisyon.

Mas ginalingan pa ni Vertudazo ang pagtakbo sa ikalawang araw ng kompetisyon sa 5000 m run.

Hindi niya binigyang daan ang mga katunggali na maungusan siya at sa huli nasungkit niya muli ang unang pwesto

“Hopefully makasama ako sa Palaro, naabot ko an time na required sa national competition,” dagdag ng atleta.

Tandag City naghari sa balibol kontra Butuan City

KSasabak siyang muli sa kanyang pagsasanay bilang paghahanda sa susunod na kompetisyon.

Sa nalalapit na Palarong Pambansa, inaasahang si Vertudazo ay tatakbo bitbit ang bandila ng Caraga sa Marikina City sa Hulyo 29 - Agosto 5.

umawala ang pamatay-palong sandata ng mga manlalaro ng Tandag matapos nilang patumbahin ang Butuan City sa Men’s Division Volleyball Championship, April 29 2023 na ginanap sa Butuan City.

Mapanirang spike at serve ang ibinitaw ng mga manlalaro ng Tandag na sumugpo sa katunggali.

“Dayaw ila pagkadeliver nan bola kilhan gayud na mintalab an training nila maka proud sila inin ako team na yakadaog,” ani ni Rodel Ramos coach.

Kumamada ang mga manlalaro ng Butuan dahil sa opensang ipinamalas ng Tandag na nagbigay ng panalo sa kanila, 25-22.

Mabibigat na spikes ang ibinigay ng koponan ng Tandag na di-gaanong nadepensehan ng Butuan na nagbigay ng kalamangan upang manalo sila sa

pangalawang set ng laro, 22-25. Walang tigil ang hiyawan sa patuloy na matinding labanan ng dalawang panig kahit mainit pa ang panahon hindi rin mapigilan ang suportang ipinakita ng mga manonood sa mga manlalaro nila.

Sinubukang bumawi ng Tandag sa pangatlong set upang makalamang ito ngunit nabigo sila nang kinuha na ng Butuan ang match point sa pangatlong set, 2518.

Punompuno ng determinasyon at hindi na nagpatumba ang mga manlalaro ng Tandag at ng bumangon ito sa pagkatalo at kunin ang pang-apat na set sa pamamagitan ng service ace, 2522.

ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL 17isports TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
Kristine Polan RJ Lureñana RJ Lureñana Isports Opinyon TANDAGANON. Habang nasisinagan sa matinding liwanag, tiyaga at determinasyon ang baon ni Vertudazo tungo kampeonato. Mula sa DepEd Tayo FB Page
isports 20
ng magkabilang grupo. Mula sa DepEd Tandag City Division FB Page
SAPAK-KAMAO. Binutyag ng malakamao na sapak ng koponan ng Tandag City ang bola tungo sa
pagkabigo

Hindi Patas

Ang pagmamaliit sa kakayahan ng isang manlalaro ay hindi nakakatulong sa paghubog ng kanyang kabuuan. Malungkot na sitwasyon ang kinakaharap ng mga manlalaro dahil sa hindi pagbigay pugay sa kanilang kakayahan at pagmaliit pa sa kanila. Kinulang sa hustisya ang mga karapatan nila at inaabuso pa ito.

“Many teachers and students underestimate the plight of a student athlete even though they also carry the school’s name,” pahayag ng isang coach.

Marami ang hindi bilib sa ginagawa ng isang estudyante sa pagsali sa larangan ng palakasan dahil nakakasira lang daw ito at mas mabuti kung mag-aral na lang para sa magandang kinabukasan. Kawalan ng boses ang wala sa mga manlalaro upang lumaban dahil kung

hindi sila marunong sa pag-aaral binabawi nila ito sa pagiging isang atleta na nagpapakita ng kagalingan sa kasanayan hindi man sa pang-akademikong aspeto.

Gayunpaman, nagdadala rin sila ng karangalan sa paaralan kung sila ay nananalo sa paligsahang kanilang sinalihan. Kaya sanay maging patas ang bawat isa sa pagtingin sa isang manlalaro dahil hindi matatawaran ang kanilang kakayahan.

Stephanie Ann Dumay Inangkin ng Tandag City Sepak Artist ang kampeonato laban sa Surigao City regu sa larangan ng Sepak Takraw sa pagdiriwang ng 1st Caraga Sepak Takraw Open Tournament na idinaos sa Villakanaga, Butuan City covered court nitong Marso 16.

BANGGAAN

NG BUNGO. Habang pinalipad ang bola mula sa magkabilang koponan, punong manlalaro ng Tandag City at Surigao City nagkabangaan sa gitna ng laro.

Mula sa DepEd Tandag City Division FB Page

Sa unang set pa lamang ng sagupaan naging agresibo na agad ang koponan ng Tandag nang magbitiw ng header at isang bicycle na atake sapat upang malumpo ang balansi ng Surigao at masungkit ng Tandag ang unang panalo, 21-17.

Tila niyanig ng malalakas na hiyawan ang covered court ng Butuan sa pagsisimula

Naging mainit kaagad ang sagupaan sa pagitan ng Tandag City at Surigao City ng magpaulan ng tatlong sunod-sunod na ispayk ang koponan ng Tandag City na pinangunahan ng 17 na taong gulang na si James Gallardo.

ng pangalawang set ng yanigin ng malalakas na ispayk ng Surigao ang katunggali.

Rumatsada sa ikalawang set ang koponan ng Surigao na naging banta para sa koponan ng Tandag ng biglang magi-init si tekong Jake na nagbigay ng isang knee kick at dalawang ispayk, bunsod upang maalarma ang koponan Tandag.

Subalit hindi naman nagpaawat ang koponan ng Tandag at biglang nagbigay ng malapader na opensa bilang sagot sa malalakas na sipa ni Jake ng Surigao. Tinangkang akayin ni Jake ang koponan ng Surigao matapos itong makapagtipa ng walong puntos na hindi naman pinahintulutan ni James ng magpakawala ito ng malalakas na sipa na hindi

kinayang depensahan ng koponan ng Surigao. Mas pinatibay pa ng Tandag ang kanilang depensa na sinabayan pa ng sunod-sunod na ispayk sapat para hindi na makabangon at tuluyang malugmok ang Surigao. Hindi na pinayagan ng Tandag City ang kalaban na makaabot pa sa pangatlong set at agad sinungkit ang panalo sa puntos na 21-18.

isports18 ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
Editoryal
Isports
Tandag City namayagpag kontra Surigao City, 21-18

Baton ng tagumpay!

Najarro nangreyna sa Arnis, 2-0

BNagpasiklab ng umaalab na hampas si Najarro ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) matapos niyang patalsikin ang kanyang katunggali at tagumpay na naiuwi ni Cel ang gintong medalya.

“Happy ako kay yakadaog kay ya feel ko an hago kada adlaw sa training pa daan,” pahayag ni Najarro.

Dagdag pa niya, masaya siya

at nasuklian ang kanyang mga pagod at nanalo siya.

Humataw at agad na binigyan ng matinding hampas ni Najarro ang kanyang kalaban gamit ang baton na nagpapuntos sa kanya.

Umarangkada naman ang katunggali ngunit hindi binigyan ng tyansa ni Cel para makahabol sa kanya at tinapos niya sa dalawang round lamang ang laro,

4-3, 5-1. Parang kidlat kung umatake ang dalagita, halos hindi ito masunod ng kalaban, magugulat na lamang ang katunggali dahil nakuha na niya ang puntos.

Tinapos na agad ng dalagita ang unang round, muntik na sana siyang matalo pero bumawi siya at tinapos ang laro, 5-4.

Niyanig ng pambato ng Elpa

Tandag City sinipa Agusan del Norte tungo kampeonato, 2-1

Gang pangalawang round, nagpakawala ng malalakas na atake ang dalagita nang hindi na hinayaang pang maungusan ng kalaban at tinapos ito, 5-1.

Tagumpay na napasakamay ng manlalaro ng JPENHS ang gintong medalya sa Final Women Division.

inimbal Ng Tandag City Women’s Sepak Takraw Artist ang koponan ng Agusan del sur ng magpamalas ito ng angking galing na tumipa ng 2-1, puntos sapat upang masukbit ang titulong kampeon sa idinaos na Women’s Division Sepak Takraw Championship na iginanap sa Obrero Central Elementary School neto lamang ika- 28 ng Abril taong 2023.

Naging mainit ang sagupaan sa pagitan ng dalawang koponan ng magpakawala ng mga bumubulusok na ispayk at cartwheel ang koponan ng Agusan na dinedepensahan ng Tandag, ngunit mas namayagpag ang Tandag nang ipinamalas nila ang kombinasyon nang nagbabagang tos ni Renelyn C. Montero at sumisiklab na wallop ni tekong Junalyn L. Bullo.

“Nakamit namin ang tagumpay na ito dahil sa pagsusumikap sa training na walang palya,” ani Bullo, team captain ng Tandag.

Namayani ang mga tirang pinapakawalan ng koponan ng Agusan sa unang set pa lamang ng laro, 21-16.

Kumayod na parang Marino ang Tandag upang makuha ang kalamangan sa pangalawang set at hindi naman sila nagkamali ng hagupitin ni Montero ng kanyang mapanlinlang na knee kick at malalakas na ispayk ang katunggaling naghihikaos, bunsod upang tablahin ng Tandag ang laro at maibulsa ang

panalo, 21-19.

Sing-init ng panahon ang mga hiyawan na yumanig sa Obrero Central Elementary School ng salubungin ang ikatlong set nang malalakas na tira at mala pader na opensa ang inilatag ng koponan ng Tandag.

Tinangkang ibalik ng Agusan ang takbo ng laro sa kanila ng kumamada ito ng sunod-sunod na ispayk na tumipa ng apat na puntos sapat upang maalarma ang koponan ng Tandag.

Nabuhayan ang Tandag sa mga

pinapakawalang tira ng Agusan at nagpamalas nang rumaragasang atake at hindi hinayaang maka porma pa ang koponan ng Agusan at tuluyang inilugmok.

Hindi pinaabot ng Tandag hanggang pang apat na set ang koponan ng Agusan nang tuldukan at lagdaan nito ang laro gamit ang kanilang pangmalakasang atake na hindi kinayang pantayan ng Agusan rason upang makamit ng Tandag ang tugatog ng tagumpay, 21-13.

“Pinasasalamatan ko rin ang aking coach na nagtiyaga sa aking training,” saad ni Najarro.

Magandang labanan ang inihatid sa atin ng dalawang magkatuggali, bawat isa ay ayaw bumitaw hanggang sa pinale ng kanilang laro.

Ngunit isa lang ang tatanghaling reyna at nakuha ni Najarro, manlalaro ng Elpa High.

Lathalaing Isports

Uy nagpakain ng alikabok, nasungkit pangalawang pwesto

Binigyan na naman ng karangalan ang

Jacinto P. Elpa National High School nang masungkit ni Lawrence Uy ang pangalawang pwesto sa 100 meter sprint, Abril 25 sa Cabadbaran City.

Naiuwi niya ang pilak na medalya ng makuha niya ang pwesto sa pagtakbo sa huling 100 meter sprint sa 800 meter sprint kontra sa matagal na niyang karibal na si “Bunso” na taga Agusan del Norte.

“It has been a privileged to represent the region in the NISC; even though I failed to be at the top. I got my best time for 800 meter run, I will use it as a basis for my training for the next years Palarong Pambansa,” ani Uy sa panayam. Kapwa parehong

Palarong Pambansa

Qualifier ng Elpa High ang magkaibigang sina Uy at Ryan Vertudazo. Parehas ang dalawang nahihirapang pagsabayin ang ensayo at pag-aaral, ganun pa man di nila binigo ang inaasahan ng kanilang coach, kamag-aaral, kaibigan, at pamilya na madala sa ranking.

“I asked my dad to take care of everything during travel, so I and Ryan can rest well and recover before our respective events in the Regional Meet,” pahayag ni Uy.

ABOG NI BUNSO. Pinatikim ni Uy sa kaniyang mga katunggali ang hagpis ng mala-alikabok na pagkayod sa CAA-RSC. Mula sa DepEd Tayo FB Page
ANG SIGLAW | ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG JACINTO P. ELPA NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO XXX, ISYU BLG. I ENERO-HUNYO 2023
RJ Lureñana
19isports
RJ Lurenana
UTUAN CITY—Malaalikabok na winalis ni Celia Mer C. Najarro ang kalaban niya na taga-Siargao sa Arnis Womens Division, na kapwa Fighting for Gold sa pinale na ginanap sa Covered Court, Barangay Obino, Butuan City, Abril 26. LARANGAN NG TALAS. Mga kalahok sa Arnis Womens Division, walang bahid ng pagpapatalo. Mula sa DepEd Tayo FB Page

Hindi Patas

Marami ang nagsasabi na ang palakasan ay hindi nababagay sa larangang pang-akademiko ngunit isang pagkakamali ang nag-isip ng ganoon dahil dyan mas lalong nangangailangan ng talino para manalo.

isports 18

‘Tandag City naghari...’ mula sa pahina 17

Pinuno ng malakas na sigaw ang buong court ng mga tagasuporta nila dahil nasa pinale na sila ng laban at sunod-sunod na nagpakawala ang magkatunggali ng mabibigat na opensa ngunit mas lamang ang ibinigay ng mga manlalaro ng Tandag, sila’y nanalo, 17-15. “Kadayaw nan amo duwa may amo connection tas mibalik sa amo an amo gi trainingan,” sambiti ni Smael manlalaro ng Tandag. Matagumpay na laban ang inihatid ng Tandag City sa mga manonood bitbit ang karangalan sa paaralan at dibisyon ng Tandag. Patuloy ang kanilang pag-eensayo para sa susunod pang mga laban.

Ang Siglaw
SINAG
BOSES NG KABATAAN.
NG KATOTOHANAN.
Isports Editoryal DIBUHO • Ethan Quiñonez
Itaguyod ang lumalabang tinta ng Elpa High!

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.