Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus
TUBIG TO RISK!
Kakulangan ng tubig banta sa kalusugan
Simulan na ang pagtitipid at pangalagaan ang mga yamang tubig na mapagkukunan
balita 05




Lozada
pangkomunidad
Estudyante, drayber iba’t ibang reaksyon sa bagong ‘fare rates’
Inilabas kamakailan ng pamahalaang lungsod ng Tandag ang bagong fare rates para sa mga motorized tricycles at center cabs (bao-bao), alinsunod sa City Ordinance No. 0042024. Habang ang minimum fare ay itinakda sa P10.00 para sa unang dalawang kilometro, may dagdag na P3.00 sa bawat kasunod na kilometro.
Para sa maraming pasahero, partikular ang mga estudyante at manggagawa, isang malaking hamon ang dagdag na pamasahe.
03
Karanasan Kontra Kasanayan

MIRAcles



Sa gitna ng suliranin, tanging hiling ang pag-asa at pagkakaisa ng bawat mamamayan. | Mula sa Roman Catholic Diocese of Tandag
Nanawagan ang Simbahang Katoliko sa mga Pilipino na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga hamon sa bansa, Pebrero 8. Sa isang pastoral na liham na may pamagat na “May Pag-asa Pa Ba?”, binigyang-diin ng mga obispo ang kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at sama-samang pagkilos upang maisulong ang katarungan at kabutihan.
Tinalakay ng mga obispo o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang mga isyung kinakaharap ng bansa tulad ng kahirapan, katiwalian, maling impormasyon, at kawalan ng pananagutan sa gobyerno. Ayon sa kanila, lumalala ang agwat ng mahihirap at mayayaman, may banta sa seguridad ng bansa, at patuloy na nasisira ang kalikasan dahil sa pang-aabuso sa likas na yaman.


Open High School tulay para sa pagpapatuloy ng pag-aaral
balita02
mga nilalaman
Edukasyon para sa lahat
BATABALITA, PAHINA 3
Karagdagang benepisyo mula sa DOLE BALITANG LATHALAIN, PAHINA 4
Tubig to Risk
ISYUNG PANLIPUNAN, PAHINA 5
kampus ekspres
Nehemiah Andoy
Kabataan nahirapan sa pagsusulit ng Matematika
Programa isinagawa tugon sa dropouts



Naging hamon para sa karamihan ng mga magaaral ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) ang Test on Fundamental and Academic Skills (TOFAS) na isinagawa ng Department of Education (DepEd) mula Nobyembre 11-22.
Layunin ng pagsusulit na masukat ang kasanayan ng mga mag-aaral sa Matematika, ngunit lumabas na maraming mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 10 ang nahirapang sagutan ang mga tanong.
Ayon kay Harvey Estose, isang Grade 10 na mag-aaral, “Medyo mahirap po ang mga tanong, lalo na ‘yung algebra at problemsolving. May mga topic na parang hindi pa namin napag-aralan nang maigi.”
“Bagamat may mga mag-aaral na mahusay ang naging resulta, napansin namin na may ilan na hirap sa mga foundational na konsepto. Ito ay indikasyon na kailangang palakasin pa ang suporta, lalo na sa mga struggling learners,” pahayag ni G. Raymond Ramos, guro sa Matematika.
Upang matulungan ang mga nahihirapang mag-aaral, plano ng mga guro na maglunsad ng mga remediation sessions at tutorial classes sa Matematika.
Para sa mga hindi nakapagsulit noong nakatakdang mga araw, pinalawig ang TOFAS hanggang Disyembre 6, 2024. Inaasahang mas maraming mag-aaral pa ang makakukuha ng pagsusulit, at mas mabibigyang pansin ang kanilang pangangailangan.
Magsisilbi ang resulta ng TOFAS bilang gabay sa mga guro upang makabuo ng mas epektibong estratehiya sa pagtuturo, na layuning masigurong bawat mag-aaral ay makakamit ang kanilang buong potensyal sa akademiko.

Sa ngayon, nabawasan na ng mahigpit 42% ang mga mag-aaral na naka-enroll, pero pagdating ng susunod na buwan maaari itong madagdagan dahil sa mga estudyante na hindi kinaya ang normal class.
Patuloy na tumatanggap ang paaralan ng Jacinto P Elpa National High School ng mga mag-aaral para sa Open High School Program (OHSP) habang may mga dating enrollees nadin na nakabalik na sa normal na klase, ngunit inaasahan pa rin na madagdagan ang enrollees sa mga susunod na buwan dahil sa hindi inaasahan na mga pangyayari o sirkumstansya sa mga mag-aaral.
“Sa ngayon, nabawasan na ng mahigpit 42% ang mga mag-aaral na nakaenroll, pero pagdating ng susunod na buwan maaari itong madagdagan dahil sa mga estudyante na hindi kinaya ang normal class,” ayon kay Ana Geran Millan, guro ng OHSP. Dagdag pa nito, marami sa kanila ay mga working students na hindi
kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Samantalang ang ilan naman ay dahil sa pangkalusugan na kapakanan, maagang pagbubuntis o kaya’y hindi maiwasan ang pambubulas sa kanila. Ipinatupad ito upang maiwasan ang pagtaas ng dropouts sa mga paaralan at mahikayat silang
Ashlee Alimboyong kampus ekspres
ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makamit ang mga pangarap nila. Sa pahayag ni Gng. Chaile M. Salinas, Science Technology and Engineering (STE) coordinator, pinaka centro at pangunahing responsibilidad ng mga guro at ng Department of Education (DepEd) ang kalidad at edukasyon
Ilang guro sa JPENHS tutol sa 45 minutong klase
Pakikipagtunggali sa limitadong oras
Umani ng sari-saring reaksyon ang pag-iimplementa ng 45 minutong klase kasunod sa MATATAG curriculum ng Department of Education (DepEd), kabilang ang iilang guro sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) na tumututol sa pagbabago ng oras sa kanilang pagtuturo.
5 sa 9 kinapanayam na guro mula ikapitong baitang ang hindi sang-ayon sa makabagong rebisyon. Ayon sa kanila, ang 45 minutong pagtuturo na inilunsad ng DepEd ay hindi sapat

para maibigay ang sapat na leksyon at activities lalo na sa mga estudyanteng kinakailangan ng mas mahabang gugol sa leksyon na itinuturo.
“Kulang siya para sa
kampus ekspres
akin kase bilang guro kailangan pang mag handa ng mga lessons at sa pag-conduct ng mga activities syempre humuhugot ng maraming oras. So para sa akin, 45 minutes is not enough.,” ayon kay Amheljon Plaza, isang guro sa paaralang JPENHS.
Dagdag nito, nauunawaan niya ang intensyon sa likod ng patakaran, ngunit maaaring hindi ito epektibo sa ating paaralan.
Bagama’t may
Mitchell Lozada
Pagwasak sa gangs pinaiigting sa Elpa
Laban sa marahas na landas
ng mga mag-aaral, kaya mahalagang matutukan ang kanilang pangangailangan upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Kabilang sa mga magaaral na inaabot ng DepEd sa pamamagitan ng OHSP ay mga kabataang sangkot sa mga masasamang gawain na kasalukuyang nasa bahay ampunan.
mga tumutol sa bagong kurikulum, walang magawa ang mga guro kundi sundin at pagbutihing maitawid na lamang ang pagtuturo sa mga estudyante at makasunod sa layon nito.
Sa kabilang banda, minabuti ng mga guro na sundin ang nais ng DepEd na mas mapalago ang critical thinking skills, digital literacy at resilience ng mga mag-aaral mula sa elementarya hanggang sa sekondarya.
Nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa bilang ng mga mag-aaral na sumasali sa mga rebeldeng pangkat o "gangs" sa Jacinto P. Elpa National High School ngayon kumpara noon dahil sa masusing minomonitor ng mga guro.
Ayon kay Ledielyn D. Polinar, guro sa Grade 8 Campus kung saan nagmula ang karamihan ng mga pangkat na ito, napansin nila na unti-unting nawawala ang mga pagkakabuo nito, hindi lamang sa kanilang campus kundi sa buong JPENHS.

Estudyante sugatan matapos makuryente
Pag-iingat sa paaralan pinaalalahanan
Hindi inaasahan ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang seksyon Obedience sa sinapit ng kanilang kaklase matapos nitong makuryente habang kumukuha ng mangga sa puno at nagtamo ng matitinding sugat, nito lamang Oktubre 15.
Kinilala ang bata na si Fritz Calvin Salazar, 14 na taong gulang, estudyante mula sa Grade 7, section Obedience. Ayon sa kanyang mga kaklase, nagkwekwentuhan lang daw sila nung mga oras na iyon nang bigla itong kumuha ng curtain rod at lumabas.
“Hinayaan lang namin siyang lumabas at pagkalipas ng ilang minuto, nagtatakbuhan na po yung mga tao habang nagsisigawan kaya sinuri namin ang pinagkakaguluhan,” kwento ni Prince Veras, kaklase nito.
“Nang paglabas po naming ayun po nakita po namin siyang nakadapa at dali-dali po siyang binuhat at tinakbo sa ospital,” dagdag pa niya.
Iginiit ng mga kamag-aral nito na hindi nila inaasahan ang kinahinatnan ng bata at ikinalungkot nila ang inabot na sitwasyon.
DInala ito sa Medical Mission Group Hospital and Health Services Cooperative of Tagum sa Tagum City, Davao del Norte kung saan nagpagamot at nagpalakas muli.
Naging paalala ito sa mga mag-aaral na mag ingat sa kanilang kinikilos sa loob man o labas ng paaralan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang aksidente.
Naghandog ng tulong pinansyal ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng JPENHS sa pamilya ng naaksidente para sa kanyang mga gastusin sa ospital.
Kamakailan lamang naiuwi na ang estudyante at kasalukuyang nagpapatuloy parin sa pagrerekober.
“Diskwento
“Malaking epekto ito sa araw-araw naming gastusin, swerte nanga lang at 20% ang discount sa amin,” ayon kay Jamelah Katrice Baldomero , isang estudyante mula sa (JPENHS).
Sa kabila ng diskwento para sa mga senior citizen, PWD, at estudyante, marami pa rin ang nag-aalala na ang mas mataas na singil ay magiging pabigat sa mga ordinaryong mamamayan, lalo na sa may malalayong destinasyon tulad ng Mabuhay at Pandanon.
Para sa mga drayber ng tricycle at bao-bao, may positibong epekto ang fare adjustment. Ayon kay Leo Toyongan, isang drayber sa lungsod, "Matagal na naming
hinihiling ang pagtaas ng pamasahe dahil mahal na ang gasolina at maintenance ng sasakyan."
Gayunpaman, may ilan ding nangangamba na maaaring bumaba ang bilang ng mga pasahero dahil sa mas mataas na singil. "May ilan nang naglalakad o naghahanap ng alternatibong masasakyan," saad ni Toyongan.
Upang mapagaan ang gastusin ng mga piling sektor, ipinatupad ang 20% discount para sa senior citizens, PWD, at estudyante. Ipinapaalala rin ng City Traffic and Transport Management Division (CTTMD) na mahigpit na ipatutupad ang bagong
fare rates, at maaaring magreklamo ang publiko kung may overpricing. Bukod sa pamasahe, pinaalalahanan din ang mga motorista na manatili sa tamang bahagi ng kalsada, lalo na ang mabagal na sasakyan tulad ng tricycle, e-bike, at bisikleta. May itinakdang multa na P500 para sa mga lalabag, alinsunod sa DILG memorandum. Sa kabila ng mga pagbabago, umaasa ang lokal na pamahalaan at transport groups na magiging maayos ang pagpapatupad ng bagong fare rates habang isinasaalang-alang ang kapakanan ng parehong pasahero at tsuper.
diskwento para sa senior citizen, PWD, at estudyante
sa: City Ordinance No. 004-2024.

KANLUNGAN NG KARUNUNGAN. Isang pribelihiyong makapag-aral at matuto sa community learning center | Kuha ni Rissa Lurenana

IWala nang dahilan upang hindi makapagtapos dahil nandiyan na ang Alternative Learning System
sang makulay na hakbang patungo sa pagbabago ang inilunsad sa Tandag City nang opisyal na binuksan ang bagong Community Learning Center (CLC) sa Balilahan, Tandag City, Oktubre 21.
Itinatag ang pasilidad upang matugunan ang kakulangan ng learning spaces para sa out-ofschool youth at matatanda. Layunin nitong tulungan silang makapagtapos sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).
Ang Community Learning Center ay isang dalawang-palapag na gusali na may apat na classrooms, na nagsisilbing tahanan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad. Nagsisilbing itong alternatibong daan
sa edukasyon para sa mga hindi nakapag-aral sa pormal na sistema.
Bawat taon, nagsasagawa ng “mapping” ang mga mobile teachers mula sa lokal na pamahalaan ng Tandag upang matukoy ang mga out-of-school youth at matatanda na nagnanais magpatuloy ng pag-aaral. Isa sa mga nakakamanghang kwento mula sa ALS ay ang 69-taong gulang na si Datu Ricardo na nakapagtapos ng elementarya sa pamamagitan ng programang ito. Ipinakita
ng kanyang kwento na walang hadlang ang edad o kalagayan sa buhay sa pagnanais na makamit ang edukasyon.
“Wala nang dahilan upang hindi makapagtapos dahil nandiyan na ang Alternative Learning System,” ani Jeanette Isidro, CID Chief ng Tandag City Division.
Ito ay hindi lamang isang pasilidad para sa pagkatuto kundi isang simbolo ng malasakit at pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan nito. Ang pagbubukas ng CLC ay
Tandag nangunguna sa paggamit ng 7-Way Segregation System
Nangunguna
ang Tandag City sa larangan ng waste management kumpara sa ibang bayan sa bansa dahil sa pagpapatupad ng 7-way segregation system, na mas detalyado kumpara sa karaniwang 4-way segregation na ginagamit sa ibang lungsod at probinsya.
Layon ng sistema na mapabuti ang koleksyon at disposisyon ng basura, mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, at
masunod ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ayon kay Edwin Ajos,
City Environmental and Natural Resource Officer (CENRO), ang Tandag City ay naghihiwalay ng basura sa pitong
isang hakbang patungo sa mas malawak na pagtamasa sa edukasyon na nagsisilbing tulay para sa mga kabataan at matatanda na nais magpatuloy sa kanilang pangarap ng magandang kinabukasan.
Sa patuloy na pagusbong ng Tandag, ang mga ganitong proyekto ay nagpapakita ng tunay na pagpapahalaga sa edukasyon at sa bawat isa sa komunidad, anuman ang kanilang edad at sitwasyon sa buhay.
aabot sa


ORDINANSA. Pagpapatupad ng batas para sa kaunlaran at kaligtasan ng Tandag City.
| Mula sa Roman Catholic Diocese of Tandag
“Taon ng pag asa...”
mula sa pahina 1
Sa kabila ng mga pagsubok, sinabi ng Simbahan na may pag-asa pa para sa pagbabago. Ipinunto ng pastoral na liham na may mga lider na tapat sa tungkulin, mga kabataang may malasakit sa bayan, at mga organisasyong tumutulong sa nangangailangan.
Dahil sa pagpasok ng Taon ng Hubileo 2025, hinikayat ng Simbahan ang mga Pilipino na gawing pagkakataon ang panahong ito upang mas pagyamanin ang pananampalataya at malasakit sa kapwa. Nananawagan din sila sa mga lider ng bansa na pairalin ang katapatan, pananagutan, at tunay na paglilingkod sa bayan.
Sa pagtatapos ng liham, pinaalalahanan ng Simbahan ang lahat na huwag panghinaan ng loob sa harap ng mga pagsubok. Ang tunay na pag-asa, ayon sa kanila, ay nagmumula sa pananampalataya sa Diyos at sa sama-samang pagkilos para sa ikabubuti ng lahat.
Ashley Patis balitang lathalain
Dagdag na benepisyo mula sa DOLE
Child Laborers hinandugan ng
tulong


Talagang importante ang edukasyon, mabuti nalang ay napagsasabay nila ang pagtatrabaho at pag-aaral, at nakikita ko ang kanilang dedikasyon.

SA SARILI. Sandata ang pinakaunang Miss Universe
- Tandag ang kanyang tiwala, talino, at suporta ng nakararami. | Mula
Itinanghal si Dañelle Ann Catalan, dating mag-aaral ng Elpa High bilang pinakaunang Miss Universe Tandag City na ginanap sa Gold Bar at Resto, Disyembre 4 at ngayo’y opisyal ng kinatawan sa lungsod na ipapadala sa nalalapit na Miss Universe Philippines.
Isa sa naging sadya nito ay para makakuha ng impormasyon na makakatulong sa kanyang pinaghahandaang adbokasiya. Nais din niyang mag balik tanaw sa kanyang pinagmulan at magpasalamat sa lahat ng kanyang naging guro para sa suportang inihandog sa kanya.
“Masaya ako at naiuwi ko ang korona, salamat sa taos pusong pag suporta. Bilang paaralan na humubog sa aking edukasyon, isa din talaga sa naging sadya ko ngayon ay ang humingi ng mga impormasyon na maaaring makatulong sa aking adbokasiya”
Kabilang sa kaniyang gustong mabigyang aksyon at diin ay ang Indigenous People (IP) na mga magaaral, gusto nitong malaman ang estado at kalidad ng
edukasyon na kanilang nakukuha.
Sa kanyang pahayag, nagbigay siya ng payo sa mga mag-aaral na nais maging katulad sa kaniya at may pagnanais na maging isang beauty queen.
“Huwag kayong mahiya, wag niyong pigilan ang inyong sarili, kung sa tingin niyo wala kayong maibubuga, wag kayong maniniwala, paniwalaan niyong kaya niyo ito at pagbutihin ang pagsasanay para marating ang nais na resulta nito,” dagdag pa ni Catalan.
Ibinuhos ng kaunaunahang Miss Universe Tandag ang kanyang paghahanda para sa nalalapit na Miss Universe Philippines, mula sa pasarela hanggang sa kanyang adbokasiya.
Tinugunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mahigit 48 magulang ng mga child laborers sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Tandag, kabilang dito ang pamilya ng iilan sa mga mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS), nasa PHP 964,000.00 ang ibinigay ng DOLE sa lungsod, Enero 13.
Sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), nabigyan ng benepisyo ang mga pamilya ng child laborers, malaking tulong din ito para sa mga mag-aaral ng JPENHS na kabilang dito, iilan sa kanila ay mga estudyante ni G. Rodolfo Yabut, guro sa Senior High na departamento.
“Talagang importante ang edukasyon, mabuti nalang ay napagsasabay nila ang pagtatrabaho at pag-aaral, at nakikita


ko ang kanilang dedikasyon,” ani Yabut.
Sa naging pahayag naman ni Justin Cordoviz, isa sa mga child laborer, iginiit niya ang hirap na nararanasan sa pagtatrabaho ng maaga at sa pag-aaral. Malaking tulong naman din daw ang mga benepisyong inihandog ng DOLE para sa mga pamilya ng child laborers, ngunit hiling naman nito na sana nga lamang ay maipamahagi ito sa lahat.
“Pagwasak sa Gangs”
“Noong nakaraang taon ay napakarami talagang pakalat-kalat na mga gangs sa campus, ngunit dahil sila'y natunton na at pinatawag sa chairman's office, halos ngayon ay wala na, ” dagdag pa niya.
Sa pananaw ni Polinar, may apat na pangunahing dahilan kung bakit sumasali ang mga mag-aaral sa mga gangs: impluwensiya ng barkada, pagtakas sa mga problema ng pamilya, pagmumukhang "astig" at panggagaya sa nakikita nila sa social media at
Matapos ang mahigit 5 taon na pagkakahinto ng patimpalak sa Philippine Statistics Authority (PSA) Statistics Quiz Show na huling napanalunan ng Jacinto P. Elpa National Highschool (JPENHS) taong 2019, nanatiling kampeon ang JPENHS sa naturang paligsahan na ginanap sa Gold Bar Hotel and Restaurant, Oktubre 29.
Hangad naman ng DOLE na suportahan ang mga magulang ng child laborers at matulungan silang magtatag ng sarili nilang Negosyo at paunlarin ito. Sa pamamagitan ng DOLE programs ng nagbibigay ng mga benepisyo, nais nilang mapalakas ang mga pamilya sa kanilang economical na status at masigurong hindi mapeperwisyo ang mga mag-aaral na mag trabaho ng maaga.
mga pelikula. Dagdag pa niya, naging hakbang raw ng mga guro upang mabawasan ang pagkakabuo ng mga 'gangs' ay ang mahigpit na pagbabantay nila sa kani-kanilang mga estudyante, ang paglalatag ng mga extracurricular activities tulad ng isports at sining, at sa tulong na rin ng guidance counsel na nagbibigay kaalaman tungkol sa mga negatibong dulot ng pagiging parte sa mga ito.
Matatandaan na naging isang isyu ang
mga pagbabarkadang ito noong nagdaang school year kung saan karamihan sa mga estudyanteng parte dito ay hindi na halos nagpapakita sa mga klase tuwing mga araw ng pasukan.
Kabilang sa mga gawain nila ay ang mga aktibidad na labag sa disiplina at mga patakaran ng paaralan tulad ng pambubulas, panghaharass, pagvavandalize at pagkakawala ng respeto sa kapwa mag-aaral at pati na rin sa mga guro.
Sa pangunguna ni Nathan Andam kasama sina Laura Rosil, Lyka Medado at tagapagsanay nitong si RJ Ramos mula sa departamento ng Science Technology at Engineering (STE), nagpakita sila ng galing sa pagdakma ng statistical concepts, critical thinking, at pagtutulungan ng pangkat.

“Tandag City nangunguna...” mula sa pahina 2
kategorya: biodegradable, non-biodegradable, recyclable, residual, special, electronic, at bulky waste.
“Kung sa ibang lugar ay apat na kategorya lang, dito sa Tandag ay mas pinapalawak natin ang sistema para mas maging epektibo,” ani Ajos.
Sa ganitong paraan, aniya, naiiwasan ang pagkalat ng nakakapinsalang materyales sa mga landfill na maaaring magdulot ng banta sa kalikasan at kalusugan.
Tumutugma ang inisyatibang ito sa layunin ng RA 9003 na magpatupad ng epektibo at sistematikong programa para sa solid waste management sa mga lokal na
pamahalaan.
Sa pamamagitan ng mas malawak na kategorya ng segregation, inaasahang tataas ang antas ng recycling at mababawasan ang basurang napupunta sa mga dumpsite.
Bagamat matagumpay ang sistema, may mga hamon pa rin tulad ng logistical issues sa koleksyon ng basura at pagsunod ng mga residente.
Binigyang-diin ni Ajos ang kahalagahan ng kooperasyon ng komunidad upang mapanatili ang bisa ng sistema.
Dagdag pa niya, kinakailangan ang mas pinaigting na kampanya sa kamalayan ng publiko at mas mahigpit na pagpapatupad
ng mga patakaran sa tamang pagtatapon ng basura.
Habang nananatiling mababa ang ranking ng Pilipinas sa epektibong waste management sa buong mundo, ang inisyatibang ito ng Tandag ay isang hakbang para paunlarin ang kanilang mga programa sa basura.
Sa hinaharap, plano ng pamahalaang lungsod na palawakin pa ang kanilang mga hakbang sa pamamagitan ng pagtaas ng dalas ng koleksyon ng basura, at karagdagang edukasyon para sa mga residente ukol sa kahalagahan ng tamang segregasyon at waste disposal.

TUBIG TO RISK!
Hinamon ang matataas na lugar sa lungsod ng Tandag kabilang na ang Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa matinding kakulangan sa suplay ng tubig na pinangangambahang magdudulot ng problema sa kalusugan, hygiene, at magpalala sa umaalingasaw na amoy ng mga palikuran, simula pa nitong Septyembre hanggang sa kasalukuyan dahil sa pagtagal ng tag-init.
Sa
ibang lugar, sumusobra
‘yung suplay. tayo naman palaging kulang.
"Sa ibang lugar, sumusobra ‘yung suplay. tayo naman palaging kulang," ani Ronelio Tajonera, Head of Operations and Learners’ Support ng JPENHS. Bagama’t may mga tangke na sa loob ng paaralan at sa iilang parte ng lungsod para mag-imbak ng tubig, hindi ito sapat para tuluyang matugunan ang kakulangan ng suplay.
Sa pahayag ni Engineer Adrian M. Geli ng Tandag City Water District (TCWD), isa sa mga problema ng pagkawala ng tubig kahit man tagulan ay ang pagkakaroon ng power outage sa pumping stations, bulk water plant, at turbid wa-

ter, mahigit 75% sa matataas na lugar sa Tandag ang apektado nito.
Sa kanyang pahayag, apektado raw ang paaralan dahil sa lokasyon nito na malayo sa pinanggalingan mismo ng tubig. Kasabay din kasi ng pagtagal ng tag-init ay ang malalakas na buhos ng ulan na nakapipinsala sa mga pumping station kaya maging sa tag-ulan ay inaasahan ang pahirapan sa pag-iimbak ng tubig.
Dagdag pa ni Tajonera, may panukalang daragdagan na ang mga tangke sa matataas na lugar kagaya ng JPENHS para matugunan ang problema ng suplay
sa tubig.
Sa kabilang banda, nahihirapan ang mga nagmamay-ari ng karenderya malapit sa ospital at paaralan sa kawalan ng tubig na kadalasang walang pinipiling oras ng pagkawala.
Ayon kay Desa Sabal, isang trabahador sa karenderya, “Mahirap po talaga lalo na kapag dumadami na ang mga customer, hirap kami sa pag huhugas ng pinagkainan.”
Patuloy na umaasa ang mga residente na mabigyang pokus na ang pagdadagdag ng tangke at matugonan ang kakulangan ng suplay sa tubig.

“Kinabahan din po kami kasi nagpapalitan lamang kami ng puntos at may mga tanong din na masyadong nahirapan kaming masagutan dahil bago lang din sa amin,” saad ni Andam.
Bagamat hindi na bago ang pagkapanalo ng JPENHS, minabuti at hindi nagpakampante ang pangkat
nito para matalo ang Tandag National Science High School (TNSHS), Buenavista National High School (BNHS), Vicente L. Pimentel
Sr. National High School at Rosario Integrated School na nagpapalitan lamang ng magkalapit na puntos sa nasabing patimpalak.
Nagkaroon man ng kakulangan
sa oras para makapag-ensayo, pagkakaroon ng pokus, determinasyon, pagsisikap at suporta ng paaralan ang naging estratehiya at sandata ng pangkat para mapanalo ang patimpalak.
Bukod sa Statistics Quiz Show, hindi rin nagpatalo ang dibuhista ng JPENHS na si Carlo Yu sa pagguhit
ng karton, naipamalas niya ang kaniyang galing at nagwagi. Pabago-bago man ang mga estudyanteng ipinapadala sa patimpalak, napapatunayan parin ng paaralan ang kalidad at kapasidad nitong gumawa ng mga mag-aaral na may malaking potensyal na manalo.
Punong
Pangalawang
Tagapangasiwang

Karanasan Kontra Kasanayan 06
Diretso sa hilaw na pagkatuto s
a loob ng maraming taon, naging pundasyon ng sistemang pangedukasyon sa Pilipinas ang Senior High School (SHS) bilang tulay ng mga mag-aaral mula Junior High patungo sa kolehiyo o mundo ng trabaho. Subalit, may bagong panukala na maaaring baguhin ang kalakarang ito, ang House Bill 11213. Bagama’t maaaring makatulong ito sa mga nais pabilisin ang kanilang edukasyon, hindi matitiyak na mapapalitan nito ang dalawang taong paghahanda sa SHS.
Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming kabataan ang hindi nakakapagpatuloy sa kolehiyo ay ang kakulangan sa pinansyal na kakayahan. Noong 2020, halos 2.7 milyong kabataan ang hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa kawalan ng sapat na pondo para sa matrikula at iba pang gastusin.
Agham at Teknolohiya
Disenyo
Punongguro
BOSES NG KABATAAN. SINAG
mag-aaral at pamilya ang umaasang makakatulong ang House Bill 11213 sa pagpapagaan ng kanilang gastusin. Ayon kay Raylene Alegado, isang mag-aaral mula sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS), “Kung makakapasok tayo sa kolehiyo nang mas maaga, mas mabilis tayong makakatapos at makakahanap ng trabaho. Mas mababawasan din ang gastusin ng ating mga magulang.”
malinaw na benepisyo ang panukalang ito, marami rin ang nangangamba sa kalidad ng edukasyon na maaaring matamo ng mga mag-aaral na lalaktaw sa SHS. Ayon sa Department of Education (DepED), ang Senior
High School ay idinisenyo upang bigyang paghahanda ang mga estudyante sa mas mataas na antas ng edukasyon, lalo na sa mga kursong nangangailangan ng masusing pag-aaral at kasanayan. Kung isasagawa ang isang pagsusulit bilang batayan ng pagtalon sa kolehiyo, dapat masusi itong idisenyo upang matiyak na patas ito at tunay na
kakayahang makasabay sa mga hamon ng kolehiyo. Gayunpaman, hindi maikakaila na ang House Bill 11213 ay maaaring magbigay ng malaking oportunidad sa mga kabataang nais pabilisin ang kanilang pagpasok sa workforce. Sa isang ekonomiyang mabilis ang pagbabago, ang mas maagang pagtatapos sa kolehiyo ay maaaring magbigay sa mga estudyante ng mas mahabang panahon upang hubugin ang kanilang karera at magtagumpay sa kanilang napiling propesyon. Bukod dito, maaari rin nitong mapagaan ang pasanin ng mga magulang na nahihirapang tustusan ang dagdag na dalawang taon ng pag-aaral.
daan patungong kolehiyo ay maaaring makatulong sa ilang mag-aaral, ngunit hindi dapat isakripisyo ang kalidad ng edukasyon para sa panandaliang wakas. Hindi sapat ang mabilis na solusyon. Ang tunay na edukasyon ay hindi lamang nakasalalay sa bilis ng pagtatapos, kundi sa kalidad ng natutunan ng bawat mag-aaral.


Cheska Sophia Giron Mata sa Mata
Tinataboy ng Kakulangan
Sapilitang
paglisan tungo sa malawak na kinabukasan
SItinuturing na haligi ng edukasyon ang mga guro, subalit sa kabila ng kanilang sakripisyo, sila mismo ang nakakaranas ng kawalan—mababang sahod, limitadong benepisyo, at kakulangan sa suporta. Dahil dito, marami ang napipilitang lisanin ang bansa upang hanapin ang mas magandang kinabukasan.
Si Gng. Annaliza Sangco, dating guro sa Jacinto P. Elpa
kabilang ang guro sa may pinakamababang sahod sa propesyonal na sektor
Ayon sa: Philippine Statistics Authority (PSA)
Disiplina ang Susi

Buwagin ang kultura ng kalapastanganan
asura mo, Linis ko.” Isang simpleng pahayag, ngunit tila paulit-ulit na tanawin sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS). Sa bawat sulok ng kampus, nagkalat ang plastik, papel, at iba pang uri ng basura—isang malinaw na ebidensiya ng kawalan ng disiplina hindi lamang ng mga estudyante, kundi pati na rin ng mga guro. Sa kabila ng pagsisikap ng mga tagalinis, tila hindi mapigilan ang pagdami ng tambak na basura.
recycle ng mga materyales. Bukod dito, ang disiplina sa segregasyon ay nagbibigaydaan upang mapanatili ang kalinisan ng paaralan, na mahalaga sa positibong reputasyon nito. Mas nagiging kaaya-aya ang mga malilinis na paaralan sa mga magulang at komunidad, habang ang maruming kampus ay nagiging sanhi ng stress sa mga estudyante at guro. Higit pa rito, ang tambak na basura ay isang salamin ng ating ugali bilang isang komunidad. Kung nais nating magkaroon ng maayos na kapaligiran sa pagkatuto, kinakailangan ang sama-samang pagkilos, pagtutulungan, at disiplina.
Kung kaya’t ang panawagan ay malinaw: disiplina ang susi. Ang mga basura sa paaralan ay nangangailan ng agarang aksyon, kungkayat ang simpleng paghihiwalay ng basura, paggamit ng mga recyclable na materyales, at pag-iwas sa labis na paggamit ng plastik ay hakbang patungo sa solusyon. Huwag na nating hintayin na ang problema sa basura ay magresulta pa sa mas malaking krisis. Nasa ating mga kamay ang paghubog ng mas maayos, mas malinis, at mas responsableng komunidad. Sa huli, ang pagbabago ay hindi nagsisimula sa malalaking hakbang, kundi sa disiplina ng bawat isa.
National High School (JPENHS), ay isa sa libu-libong Pilipinong guro na nagdesisyong mangibang-bansa.
“Hindi sapat ang sahod, lalo na’t may mga utang at gastusin akong kailangang bayaran,” aniya. Ang tulad niyang may pamilyang umaasa sa kita ay walang ibang pagpipilian kundi humanap ng mas magandang oportunidad sa ibang lupain.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kabilang ang mga guro sa may pinakamababang sahod sa propesyonal na sektor. Kahit na may dagdag na trabaho, hindi pa rin sapat upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Samantala, sa ibang bansa, mas mataas ang sahod at may mas maayos na benepisyo, isang alok na hindi nila kayang talikuran.
Sa kabila ng mga reporma at mga hakbang upang mapabuti ang

nananatiling malaki ang agwat ng sahod ng mga guro kumpara sa mga propesyonal sa ibang bansa. Dahil dito, ang pag-aabroad ay nagsisilbing isang praktikal na solusyon para sa kanila upang makamit ang isang mas maginhawang buhay.
Sa Pilipinas, sa kabila ng mga hakbang na isinasagawa ng gobyerno upang mapabuti ang kalagayan ng mga guro, marami pa ring aspeto ng sistema na nangangailangan ng pagbabago upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga guro sa bansa.
Sa kabilang dako, hindi isang simpleng hakbang ang desisyon ng mga guro na magabroad; ito ay isang tugon sa mga matinding hamon na kanilang nararanasan sa bansa. Kagaya ni Gng. Sangco, marami sa mga guro ang umaasa na sa kanilang paglipat sa ibang bansa, makakamtan nila ang mas maginhawang buhay para sa kanilang pamilya at magkakaroon din sila ng pagkakataon para sa personal na pagunlad.
Subalit, hindi na
dapat maging solusyon ang pag-abroad para sa mga guro. Ang tunay na hakbang na dapat gawin ay ang pagsasaayos ng mga kondisyon sa pagtuturo sa bansa. Bagamat may mga hamon silang kinahaharap, ang kanilang kontribusyon sa global na edukasyon ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas matatag na ugnayan ng mga bansa. Huwag nating gawing kalunus-lunos na kwento ang mga guro ng bansa. Itaguyod natin ang mga hakbang upang sila’y mabigyan ng pagkakataon na maglingkod sa bayan, hindi dahil sa kakulangan sa oportunidad at pagtataboy dahil sa kakulangan ng sahod.
“ “
“Hindi sapat ang sahod, lalo na’t may mga utang at gastusin akong kailangang bayaran,”


DNehemiah Andoy
‘Di Makatarungang Bonus’
Puntos na Para Kanino?
agdag puntos—premyo o pribilehiyo? Sa maraming paaralan, ginagamit itong pang-akit sa mga estudyante upang lumahok sa mga extra-curricular activities. Ngunit kung ang partisipasyon ay nakabatay sa kakayahang pinansyal, patas pa ba ito?
Ginagawang gantimpala ang plus points para sa mga sumasali sa mga programang pangakademiko at pangserbisyo, ngunit sa anong halaga? Habang ang ilan ay abala sa pagpapakitang-gilas, may mga estudyanteng nais sumali ngunit hindi kayang tustusan ang gastos. Nagiging sukatan tuloy ang kakayahang magbayad sa halip na kakayahang matuto.
Hindi maitatangging may benepisyo ang mga ganitong aktibidad, pero ang sistema ng insentibo ay lumilikha ng pagkakahati—mga may kaya laban sa mga
kapos. Hindi dapat nagiging sukatan ng akademikong tagumpay ang perang panggastos sa uniform, registration, o iba pang bayarin. Ayon kay Deann Pontevedra, isang magaaral na hindi nakasali dahil sa kakulangan ng pondo, tila
nagiging premyo lamang para sa mayayaman ang dagdag puntos. Kung edukasyon ang usapan, walang dapat maiwan. Hindi dapat idinidikta ng pera kung sino ang magkakaroon ng akademikong kalamangan.




Out of
kinapanayam na guro ang hindi pabor sa MATATAG curicculum
Panayam mula sa: Ang Siglaw
Kabaliktaran ng Pag-unlad
MATATAG na unti-unting natitibag
sadyang nakakahilong pagbabago kung maituturing ang agendang inilunsad na taliwas ang pangalan sa epektong ipinangako nito, imbes na MATATAG, tila ay patungo sa pagkatibag ng mga estudyante ang hatid nito. Hindi malaman kung ano ang plano ng gobyerno sa sektor ng edukasyon, ikonsidera na tila nabibitawan lamang ito sa kanilang hawak dahil sa hindi matibay na pamamahala.
Noong ipinatupad ang 45 minutong klase sa ilalim ng MATATAG agenda, tila nagdulot ito ng labis na kalbaryo para sa mga gurong nais ay organisadong pagtuturo. Limitadong oras ay isang sagabal sa pagbibigay ng tamang talakayan, mga gawain, at personal na atensyon na nararapat matamo ng bawat mag-aaral.
Nakabalangkas sa DepEd Order No. 012, s. 2024 ang nagbigay-daan sa mga paaralan na i-akma ang mga iskedyul ng klase batay sa kanilang mga partikular
na pangangailangan at kapasidad, na tinitiyak ang mas maayos na paghahatid ng edukasyon sa kabila ng mga hadlang sa kawani at pasilidad.
Sa kabila ng lahat, mungkahi ng mga Elpanians na dagdagan ang 45-minuto dahil kulang ito para matuto, kung hindi rin naman matatapos ang mga activities ay gagawin itong takdang-aralin, at ito ay pinoproblema nila dahil marami na naman ang kailangang tapusin at magtatambak-tambak ang kanilang mga gawain.
Ayon kay Gng. Charlen Suazo-Ariate, isang guro sa baitang 7, marami ang mga hamon na kinahaharap nila sa sistema ng pagtuturo, tulad ng paglipat mula sa isang silid-aralan patungo sa isa pang malayong lokasyon, na nagiging sanhi ng pagkaubos ng oras sa paglalakad at pagsakay ng tricycle. Bagamat nahihirapan, patuloy na pinagsisikapan ng mga guro na makumpleto ang 45 minutong klase. Sa halip na patatagin ang pundasyon ng edukasyon, tila unti-unting natitibag
Tikom ang Bibig
a isang bansang nahaharap sa samu’t saring suliranin—mula sa kahirapan, korapsyon, at krisis sa edukasyon, inaasahang ang kabataan ang magiging tinig ng pagbabago. Ngunit sa kasalukuyan, tila iba ang nangyayari. Maraming kabataan ang mas pinipiling manatiling tahimik, abala sa social media, at iniiwasan ang kanilang responsibilidad bilang bahagi ng mas malawak na lipunan.
Ayon sa ulat ng Meltwater Digital 2024, ang mga Pilipino ay may average na screen time na 8 oras at 52 minuto bawat araw, kung saan 5 oras at 20 minuto rito ay ginugugol sa mobile devices. Bagama't bahagyang bumaba ito mula sa nakaraang taon, nananatiling mataas ang oras na inilalaan sa social media. Sa halip na gamitin ang mga digital
platform upang ipahayag ang kanilang opinyon sa mahahalagang isyu, mas pinipili ng kabataan ang mga trends, vlogs, at memes. Ang kakulangan sa edukasyon tungkol sa civics at current affairs ay isa ring salik. Maraming pampublikong paaralan ang may limitadong pagtuturo sa mga usaping panlipunan, pulitika, at ekonomiya. Sa sa
isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), maraming kabataan ang lumalaki nang walang sapat na kaalaman tungkol sa kanilang papel sa lipunan.
Sa kabila ng sunodsunod na iskandalo ng katiwalian, tila hindi ito sapat upang gisingin ang diwa ng kabataan. Ayon sa Transparency International
Corruption Perceptions Index 2023, nasa ika-116 na pwesto ang Pilipinas sa 180 bansa pagdating sa pagiging malaya sa katiwalian. Ngunit sa kabila nito, marami pa ring tradisyunal na pulitiko ang patuloy na nananatili sa puwesto, at tila wala ring konkretong kilos mula sa kabataan upang labanan ito. Habang patuloy ang katiwalian at paglala ng
ang kalidad ng pagkatuto. Ang bawat minuto sa loob ng silid-aralan ay mahalaga, at ang kakulangan nito ay nagiging hadlang sa mas epektibong pagtuturo at mas malalim na pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi sapat ang panandaliang solusyon kung ito mismo ang nagpapahirap sa sektor ng edukasyon. Kung tunay na hangad ang kaunlaran, hindi dapat ipagkait ang oras at pagkakataon upang matuto.


mga suliranin sa bansa, hindi sapat ang pagiging tagamasid lamang, panahon na upang basagin ang katahimikan at ipakita na ang kabataan ay tunay na pag-asa ng bayan at hindi manhid sa kasalukuyang kaganapan.


Siklo ng Paglobo,
Panahon na para putulin
sa likod ng mga ngiti ng kabataan, may isang mapait na katotohanan na nagbabago ng buhay sa isang iglap, ang maagang pagbubuntis. Sa murang edad, napipilitan silang harapin ang hamon ng pagiging magulang, na kadalasang humahantong sa paghinto sa pag-aaral, pang-aabuso, at mataas na panganib sa kalusugan.

pagbubuntis.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumababa ang porsyento ng maagang pagbubuntis habang tumataas ang antas ng edukasyon: 5.3 porsyento sa mga nakatapos ng baitang 7 hanggang 10, 4.8 porsyento sa mga nakatapos ng baitang 11 hanggang 12, at 1.9 porsyento sa mga umabot sa antas ng kolehiyo. Ipinapakita nito na ang edukasyon ay isang mahalagang salik sa pagpigil ng maagang pagbubuntis, kaya’t lalong dapat itong palakasin. Sa isang pag-
aaral sa National Health Institute (NIH) ang nagsiwalat na ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa adolescent pregnancy, hindi planadong pagbubuntis, at kawalan ng sex education ay may malaking kaugnayan sa mataas na bilang ng teenage pregnancy, dahilan kung bakit isa sila sa pinakavulnerable na sektor sa kanilang rehiyon Ang kawalan ng tamang paggabay mula sa magulang ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa maling impluwensya.
Kailangang magpatupad ng mahigpit na gabay sa paggamit ng teknolohiya upang maiwasan ang pagkakalantad ng mga kabataan sa ilegal at sensitibong impormasyon. Sa lokal na antas, ang Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) ay may Open High School Program (OHSP), kung saan 42% ng mga enrollees ay kabataang ina na nagnanais ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng maagang pagbubuntis. Patunay ito na may pag-asa pa rin para sa mga kabataang nais
bumangon mula sa hamon ng kanilang sitwasyon. Maagang pagbubuntis ay isang siklo ng paglobo na hindi dapat hayaang lumawak. Sa bawat batang ina na napuputol ang pangarap, isang oportunidad ang nawawala, hindi lamang para sa kanila kundi para rin sa lipunan. Panahon na para putulin ang siklong ito sa pamamagitan ng edukasyon, tamang paggabay, at epektibong mga polisiya na tunay na tutugon sa pangangailangan ng kabataan.
Nag-iisang Alok
Limitadong strand, limitadong oportunidad
Sa bawat hakbang ng edukasyon, laging may mga hamon at pagsubok na kailangang pagdaanan, at isa na rito ang pagpapasya ng mga magulang at estudyante sa strand na nais nilang tahakin sa Senior High School (SHS). Sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS), isang strand lamang ang iniaalok sa kanilang SHS program—ang HUMSS (Humanities and Social Sciences). Bagamat may mga mag-aaral at magulang na umaasa ng mas maraming pagpipilian, ang tanging alok na HUMSS ay isang resulta ng mga praktikal na dahilan, kabilang ang kakulangan sa pasilidad at mga guro.
1bilang ng akademikong strand na meron sa JPENHS
Panayam mula sa: Ang Siglaw
Hindi lamang ang mataas na bilang ng mga estudyanteng nagpakita ng interes sa HUMSS ang naging dahilan ng pagpili ng strand. Ang mga praktikal na konsiderasyon gaya ng kakulangan sa pasilidad at mga guro ay nagtakda ng mga hangganan kung anong strand ang maaaring ituloy.
Gayundin, upang makapagalok ng iba’t ibang strand, kinakailangan ng sapat na bilang ng mga guro na may espesyalisadong kaalaman sa bawat larangan.

kailangang lumipat sa ibang paaralan, isang dagdag na gastusin para sa kanilang pamilya.


Sa kasalukuyan, ang mga guro ng JPENHS ay may sapat na kwalipikasyon at kasanayan lamang sa mga asignatura na kaugnay ng HUMSS, kaya’t naging mas praktikal na mag-focus muna ang paaralan sa strand na ito.

Isa sa mga hadlang sa pagpapalawak ng mga strand sa JPENHS ay ang kakulangan sa mga pasilidad. Ang mga strand tulad ng STEM at ABM ay nangangailangan ng mga partikular na pasilidad tulad ng laboratoryo at teknikal na kagamitan, na hindi pa kayang ibigay ng paaralan.
Karla Somera Punto Por Punto
Dahil sa limitadong pagpipilian, maraming estudyante ang napipilitang kumuha ng HUMSS kahit hindi ito ang kanilang unang interes. Ang mga gustong kumuha ng STEM o ABM ay

Kinakailangang bigyan ng mas mataas na atensyon ng Department of Education (DepEd) Engineers ang agarang pagsasaayos ng mga silid-aralan sa JPENHS. Dahil sa kakulangan ng pondo, apat lamang sa labindalawang bagong silidaralan ang naaprubahan, ayon kay DepEd Engineer Alvin Fernandez, na umaasang magsisimula ang
Silid ng Panganib
Panawagan para sa pagbabago
Bukod dito, mahalagang magsagawa ng reassessment sa demand ng mga estudyante. Kung tataas ang bilang ng mga nagnanais kumuha ng STEM o ABM, maaaring bigyangprayoridad ang pagbubukas ng bagong strand.
Bagamat limitado ang kasalukuyang pagpipilian, hindi ito nangwangahulugan na wala nang solusyon. Ang pagdagdag ng iba pang strand ay maaaring maisakatuparan kung maglalaan ng mas malaking pondo para sa pasilidad at
guro. Sa pagpili ng strand sa SHS ay dapat nakabatay sa talento, interes, at pangarap ng isang estudyante, hindi sa kung ano lang ang abotkamay. Sa ngayon, ang JPENHS ay may limitadong pagpipilian, ngunit may pag-asa itong mapalawak kung magkakaroon ng sapat na suporta. Dahil sa patuloy na pagbabago sa sistema ng edukasyon, mahalagang isaalang-alang ang pangangailangan ng mga mag-aaral upang mabigyan sila ng mas maraming pagkakataon sa kanilang hinaharap.
akakulong ang isang lihim sa likod ng mga kupas na pintura, at nag-aagaw na mga dingding. Isang lihim na nagsasalaysay ng kapabayaan at mga oportunidad na nawala at nawasak. Kasalukuyang pinag-uusapan ang kalagayan ng mga lumang silid-aralan sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) dahil ito ay nasisira na.
konstruksyon sa susunod na taon.
Lalong lumala ang sitwasyon matapos ang malakas na lindol noong 2023, na nagdulot ng mas matinding pinsala sa mga gusali. Ang paaralan, na nagsisilbing evacuation center tuwing kalamidad, ay may mga silid-aralang delikado nang gamitin, lalo na sa mga baitang 8 at 9.
“Nakakatakot dahil sira na ang mga bubong, pintuan, at bintana,” ani Lester Sibayan, isang mag-aaral sa ika-8 baitang. Maging ang mga guro ay walang magawa sa kakulangan ng maayos na pasilidad.
Panahon na upang bigyang-pansin ang agarang pagkukumpuni ng mga silid-aralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga
Pagkatuto sa Karimlan,
Smag-aaral at guro. Hindi maaaring ipagpaliban pa ang aksyon, ang kaligtasan at kinabukasan ng kabataan ang nakataya. Kailangang kumilos ngayon upang masigurong ang edukasyon ay ligtas at makatarungan para sa lahat.
“ “
Nakaka-
takot dahil sira na ang mga bubong, pintuan at bintana
Edukasyon kapalit ng pahinga
a ilalim ng madilim na kalangitan, habang ang karamihan ng mga mag-aaral ay nasa kanilang mga tahanan, may mga estudyanteng patuloy na nagsusumikap para sa kanilang kinabukasan. Sa Jacinto P. Elpa National High School, ang mga mag-aaral mula sa Grade 10 ay nagkakaroon ng mga night classes upang mag-aral. Isang hakbang na tila nagsisilbing sagot sa hamon ng sistema ng edukasyon, ngunit isang seryosong pagsubok din para sa kanilang kakayahan, dedikasyon, at kalusugan.
Bagamat ang isyung kakulangan sa silid-aralan sa maraming pampublikong paaralan sa bansa ay hindi na bago. Sa JPENHS, isang mataas na paaralan sa isang bayan na puno ng mga mag-aaral, patuloy na nararanasan ang matinding overcrowding. Sa kakulangan ng mga classrooms, ang mga estudyante mula sa Grade 10 ay napilitang magsagawa ng mga night classes upang magpatuloy sa kanilang pagaaral.
Ayon sa mga guro ng JPENHS, ang night classes
ay naging solusyon sa overcrowding ng mga estudyante, ngunit hindi ito ganap na ligtas mula sa mga komplikasyon. Habang ang mga night classes ay nakakatulong sa pagsisiksik ng mga estudyante sa klase, nagdudulot ito ng labis na pagkapagod at pagkabahala sa mga magulang. Bagamat isang alternatibo, hindi maikakaila ang epekto nito sa kalusugan ng mga mag-aaral. Ayon sa isang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang kakulangan sa tulog
ay maaaring magdulot ng stress, mababang konsentrasyon, at pagbaba ng academic performance. Dahil dito, maraming mag-aaral ang napipilitang magsakripisyo ng sapat na pahinga upang mapanatili ang kanilang pagganap sa klase.
Ipinapakita ng night classes ang isang masalimuot na kalagayan sa ating sistema ng edukasyon, isang indikasyon ng mga malalim na problema na matagal nang kinakaharap ng mga pampublikong paaralan.

Hindi sapat ang mga pansamantalang solusyon tulad ng night classes upang matugunan ang mga pangmatagalang problema sa edukasyon. Ang kailangan ng bansa ay mga makatarungang hakbang upang maglaan ng sapat na pondo, pasilidad, at mga guro upang matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan sa buong bansa. Sa kasalukuyan, ang mga night classes ay nagsisilbing solusyon, ngunit hindi ito dapat maging permanente. Ang edukasyon ay isang karapatan, hindi isang

pribilehiyo. Kung nais nating matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan, kailangang tugunan ng gobyerno at ng mga kinauukulan ang lumalalang problema sa silid-aralan. Hindi dapat maging pamantayan ang pagsasakripisyo ng mga mag-aaral para lamang makakuha ng de-kalidad na edukasyon. Ang tamang suporta at mas maayos na sistema ay susi sa isang mas ligtas, epektibo, at patas na edukasyon para sa lahat.
lathalain10
Phoebe Romero
MIRAcles
Biyaya ng sipag at pagtitiyaga

Sa Barangay Telaje, Tandag City, isang ina ang dumaan sa matinding pagsubok, ang anak niyang si Mira C. Montederamos ay napilitang magtrabaho ng maaga upang matulungan ang kanilang pamilya. Ngunit sa kabila ng lahat ng hirap at sakripisyo, ang mga programang sumuporta kay Mira ay nagbigay daan upang tuluyan silang makaahon sa kahirapan.
Ngayon, isa si Mira sa mga matagumpay na negosyante, kumikita ng higit sa isang libo kada araw mula sa pagtitinda ng kakanin at street foods sa harap ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS), kung saan kasalukuyan ding nag-aaral ang kanyang anak. Isang kwento ng pag-asa at determinasyon, ang buhay ni Mira ay naging patunay ng tagumpay sa kabila ng mga hamon ng buhay.
“Nagpapasalamat po ako sa DOLE’s TUPAD program na nagbigay ng kapital para sa aking negosyo, at sa TESDA din para sa mga pagsasanay na ibinigay nila na tumulak sa akin para magsimula ng negosyo,” ani Montederamos.
Sa pamamagitan ng mga programang hatid ng Department of Labor and Employment (DOLE) Caraga, tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged


Tatlong Kulay
Sa galaw ng daan at buhay

Habang patuloy na humaharurot ang mga sasakyan, nagbabadya ang panganib na maaaring kahihinatnan sa isang abalang lansangan. Bawat kanto, kaliwa’t kanan, at saglit na pagbagal ay nagiging pagkakataon para sa aksidenteng dulot ng kalituhan at kawalan ng koordinasyon sa daan.
Kapansin-pansin ang trapiko sa dalawang magkalapit na lugar ng Brake Center at Baranggay Dacogdoc dito sa Tandag City sa kadahilanang ang mga lugar na ito ang palaging pinagmumulan sa pagkabinbin ng naglilinyahang sasakyan na karaniwang nasisilayan tuwing uwian o di kaya’y sa pagsapit ng tanghaling tapat. Ito pa ang nagiging dahilan ng pagkahuli sa trabaho, klase, at iba pang sitwasyong nangangailangan ng mabilis na aksyon. At ang masaklap ay ang mga trahedyang dulot ng overspeeding ng mga abusadong drayber na para bang may-ari ng kalsada. Bagamat merong mga TMG o Traffic Management Group, hindi pa rin sapat ang pangangasiwa sa daloy
ng trapiko, dagdag pa ang mga hindi makatiis na drayber na madaling umiinit ang ulo at nagpaparinig ng maalingawngaw na busina. Sa patuloy na lumalalang problema sa daloy ng kalsada ay masidhing binigyang diin ng City Engineer na si Alexander Loayon ang 92% proyektong ilaw-trapiko na inaasahang sa darating na Pebrero 2025 magsisimula ang operasyon.
Sa tuwing nakikita ang mga ilaw ng trapiko sa mga kanto, nagpapakita ito ng isang mahalagang mensahe sa bawat sandali. Pulang ilaw upang magbigay ng pagkakataon sa lahat na huminto at maghintay, dilaw upang maghanda, at berde upang magsimulang umusad muli.
"Layunin ng proyekto na lutasin ang “congestion”
sa mga pangunahing interseksyon.," ani Loayon. Nilalayon ng proyektong ito na pinaglaanan ng tumatagingting na 5 milyon ang seguridad para sa maayos na lansangan at pag-iwas sa mga perwisyo tulad na lamang ng pagsasalpukan, hit-and-run, at higit sa lahat, ang pagpapanatili ng kaayusan sa gitna ng matinding trapiko.
Mahalagang matiyak ang maayos na daloy ng mga lansangan, alang-alang sa kabutihan ng mamamayan. Kaya naman, nararapat na magtulungan at magbigay ng suporta sa mga proyektong ito para sa kaligtasan. Kooperasyon ng bawat isa ay susi upang magtagumpay ang mga inisyatibong tulad ng ilaw-trapiko at mapabuti ang mga kalsada at magkaroon ng seguridad ang bawat isa.
Workers (TUPAD), Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP), at DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), natulungan si Mira na mapabuti ang kanilang kalagayan. Sa tulong ng TESDA, natutunan niyang magluto ng mga kakanin tulad ng puto at kutsinta, mga pagkaing patok sa mga magaaral at iba pang mga customer sa paligid. Bilang isang negosyante, hindi lang ang tulong mula sa gobyerno ang naging bahagi ng kanyang tagumpay. Ang masusing pagsusumikap at determinasyon ni Mira na huwag sayangin ang mga oportunidad ay naging susi sa kanyang pag-unlad. Ginamit niya ang kaalaman at kasanayang nakuha mula sa mga pagsasanay ng TESDA at DOLE bilang kapital upang magtayo ng negosyo, isang hakbang na nagbunga ng higit sa isang daang piso kada
araw na kita at regular na orders mula sa mga opisina ng gobyerno at mga kapitbahay. Bukod pa rito, nakatanggap din si Mira ng mga baking tools mula sa Project Angel Tree, na nagbigay lakas sa kanyang upang magpatuloy at mag-apply muli ng tulong mula sa DILP. Sa kasalukuyan, naaprubahan na rin ang kanyang Kakanin at BBQ business, na nagsisilbing karagdagang pinagkukunan ng kita para sa kanyang pamilya. Marami ang katulad ni Mira na natulungan ng mga pang-gobyernong programa. Sa kanilang pagsusumikap at pagtanggap sa mga oportunidad, natutunan nilang gamitin ang mga tulong pinansyal at mga pagsasanay upang magtagumpay sa negosyo at makatawid sa kahirapan.




Jade Sibayan
Nakakasilaw na
Kagandahan



a bawat hakbang na tinatahak ng isang binibini, mahalaga ang kombinasyon ng lakas ng loob, katalinuhan, at pagpapahalaga sa sarili.
Ligaya sa Buhay - Hanapin ang kaligayahan sa mga simpleng bagay at magpasalamat sa bawat biyaya.
Ipagmalaki ang Pagkatao - Yakapin ang iyong natatanging pagkatao. Ang karakter at pagkatao ang tunay na halaga, higit pa sa panlabas na anyo.
Ngiting Tapat - Magpakita ng tunay na ngiti at kabutihan, tapat na ngiti ay nagdudulot ng positibong epekto sa kapwa.
Determinado sa Pangarap - Magkaroon ng matibay na determinasyon sa pag-abot ng mga pangarap.
Obhetibo sa Paghusga - Magkaroon ng malinaw at makatarungang pananaw sa mga sitwasyon.
Gabay ng Pag-ibig - Palaguin ang pagmamahal at malasakit sa sarili at sa iba. Tunay na lakas ay matatagpuan sa kanyang pagunawa at malasakit sa kapwa.
Patunay ng Miss Universe Tandag City na si Danelle Ann Catalan na ang mga katangiang ito ang nagiging tanglaw ng isang binibini, isang hiyas na walang katulad na nagmumula sa lalim ng pagkatao at diwa. Tunay na kagandahan ay higit pa sa panlabas na anyo.

Makalumang paniniwala sa modernong panahon

ilalang-kilala ang mga Pilipino sa pagiging sunud-sunuran sa lahat ng naririnig, nakikita, o nasasaksihan. Bago pa man dumating ang mga mananakop, mayroon nang kinagisnang kultura ang mga Pilipino.
Malalim na nakatanim sa kulturang Pilipino ang mga pamahiin na ipinasa-pasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Sa kawalan ng agham na nagbibigaylinaw, ang mga sagot ay hinahabi mula sa paniniwalang likha ng kulelat na imahinasyon, dahilan upang umusbong ang sandamakmak na pamahiin.
Pinaniniwalaan ang prinsipyong “wala namang mawawala kung susunod,” na nagpapaliwanag kung bakit marami pa rin ang tumatangkilik sa ganitong paniniwala.
Ayon sa isang pagaaral ni Adonis S. Besa at iba pang mga mananaliksik ng ASEAN Journal of Science and Engineering Education, 73% ng mga Pilipino ay
Muling Pagsinag ng Araw

patuloy na naniniwala sa mga pamahiin na kadalasang nauugnay sa mga tradisyon ng pamilya at mga karanasan sa nakaraan. Sa mga Tandaganon, bahagi ng kanilang kultura ang mga pamahiin tulad ng pagbigkas ng “simbako palayu” kasabay ng pagkatok sa kahoy upang iwasan ang malas at humingi ng proteksyon laban sa masamang kapalaran. Pinaniniwalaan din ang mga nawawalang gamit ay maaaring kinuha ng mga duwende, o “mayutok.” Kaya’t sila ang minsang napapagbintangan. Isa pang pamahiin ang pagkahulog ng kubyertos, ang kutsara ay tanda ng darating na babaeng bisita, at ang tinidor naman ay nagpapahiwatig ng
lalaking bisita. Malakas na pananampalataya ng mga Pilipino ang siyang nagtulak upang yakapin ang mga paniniwalang lampas sa siyensiya bilang bahagi ng espirituwal na pamumuhay. Bukod dito, ang pagpapasa ng mga pamahiin mula sa mga nakatatanda patungo sa bagong henerasyon ay nagpalalim sa pang-arawaraw na pamumuhay. Ipinapakita ng mga pamahiing ito ang makulay na kulturang Pilipino na pinaghalo ang kasaysayan, tradisyon, at malikhaing imahinasyon. Bahagi na ng nakasanayan at nagsisilbing palatandaan ng paggalang sa mga sinaunang paniniwalang naging mahalagang pagkakakilanlan.
Sa bawat patak ng ulan, sa gitna ng mga hamon, mayroon pang orasupang bumangon sa sumisinag na mga apoy na unti-unting sinusunog ang mga pangarap, mayroon pang panahon upang umahon.
Mabigat sa puso ang sinapit ng mga biktima sa sunog sa Telaje, Tandag City, dahil hindi lamang ang kanilang mga tirahan ang nasunog kundi pati na rin ang kanilang mga pinaghirapan. Mga kabuhayan na kanilang inaalagaan sa loob ng matagal na panahon ay naglaho sa isang iglap. Kulang pa ang mga patak ng ulan sa mga luhang iniluha
sa pagkawala ng mga pinaghirapan at pangkabuhayan. Mga ngiting gumuho dahil sa mabigat na pangyayari, mga pook na dati’y puno ng masaya at maginhawang buhay ay ngayon ay napalitan ng lungkot at pangungulila. Walang tahanang uuwian, walang kamang tutulugan, at walang kusinang paglulutuan muli. Ang pinakamahirap
ay ang makita mo ang bagay na pinaghirapan mo ay nawala sa isang iglap. Pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat ako na buhay kami ng pamilya ko.” ani Dayday Mandelom, residenteng apektado ng sunog. Ngunit sa dulo ng pagbuhos ng ulan, muling sisilang ang panibagong araw. Hindi hadlang ang mga hamong sinapit
upang sumuko sila. Sa pagtapos ng unos, muling namumutawi ang pag-asa. Isang mahalagang paalala sa mga nabiktima ng sunog, kailangan nating manatiling matatag at kumapit lamang dahil hindi tayo pababayaan ng Diyos kapag mayroon tayong tiwala at pananampalataya.
Jade Sibayan
Alipin ng Ekspektasyon
Pagkakait sa sariling pangarap
Sa ilalim ng mabigat na inaasahan at pamantayan ng mga magulang, nahihirapang magtamo ng kalayaan ang indibidwal sa sariling pangarap. Nagdudulot ng kabigatan at kalituhan na nagiging hadlang sa tunay na daan ang mataas na layunin.
Hinuhubog tayo ng mga magulang tulad ng isang matatag na haligi na gumagabay sa bawat hakbang patungo sa hinaharap. Sa mata nila, ang tagumpay ng anak ay sumasalamin sa kanilang pagsisikap at pagmamahal. Ang mga pangarap nila para sa atin ay tila mga bituing dapat abutin mga kursong may magandang kinabukasan, mga pangarap na may katiyakang seguridad.
Subalit sa likod ng paggabay na ito, nakakubli ang mataas na pamantayan na maaaring humadlang sa pagtahak ng sariling daan.

sapat ang aking ginagawa kahit na ibinuhos ko na ang lahat ng aking oras at pagod,” ani Isabel Malong, isang mag-aaral. Ang bawat pagkakamali ay tila isang kabiguan hindi lang para sa sarili, kundi para rin sa mga magulang na umaasa. Sa halip na magsilbing gabay ang mga magulang, ang kanilang ekspektasyon ay nagiging sanhi ng takot at pangamba, na nagpapahirap upang tuparin ang mga pangarap ng mga anak.
80% sa mga Elpanians ay nagkakaroon o nakakaranas ng ganitong presyur ayon sa mga naitalang kaso ng School Peer Mediator’s Club
aspekto ng kabataan. Sa kabila ng mga hamon na dulot ng problemang ito ay mayroong mga paraan para masolusyunan ang mga ito, isang paraan na ang peer mediator’s o ang mga tagapamagitan. Pagkakaroon din ng maayos na komunikasyon ay siyang kailangan upang merong pundasyon ng tiwala, pagunawa, at bukas na isipan. Hindi kailangang maging labanan ang pagitan ng pangarap ng magulang at ng anak. Panahon na upang magkaroon ng balanse. Isang mundo kung saan may lugar ang gabay ng magulang ngunit may

Phoebe Romero
Walang Nakaaangat

Makitid na Mentalidad
sa bawat pahina, website, at Facebook page, nakapagtataka kung saang lugar nais mong magpasya. Maraming mapupuntahan lalo na dahil Mid-year break na naman. Isuot ang sinturong pangkaligtasan, dahil ang eroplano ay lilipad na. Handang ipakita ang kanais-nais na pasyalan ng Vietnam.

Epekto ng crab mentality ay ramdam maging sa edukasyon na isang lugar kung saan ang bawat indibidwal ay may potensyal na magtagumpay. Ito ang ugat ng inggit, selos, at kawalan ng tiwala sa isa’t isa, na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at kompetisyon na nauurong sa negatibong emosyon. Mga
salitang “maswerte lang siya” o “hindi naman siya karapat-dapat” ay iilan lamang sa mga halimbawa ng mga negatibong pananalita na minsang narinig ni Yzach Dwyn. L. Betita, mag-aaral ng mula sa Feynman.
Sa ganitong kalakaran, nawawala ang diwa ng pagkakaisa at ang tunay na layunin na dapat ay magtaguyod ng pantay-pantay na oportunidad para sa lahat, hindi lamang para sa isang tao.
Sa paaralan ng Jacinto P. Elpa National, laganap ang pagkakaroon ng ganitong negatibong pag-iisip. Tinatayang 65% ay nagmumula sa Basic Education Curriculum (BEC) at 40% ang tinatayang datos mula

paalala na ang bawat isa ay may sariling oras at pagkakataon upang umunlad. Simpleng pagkilala at pagbibigay-papuri sa tagumpay ng iba ay nakakapagpatibay ng relasyon at nagdudulot ng positibong pagbabago sa lipunan. Ngayon, higit kailanman, kailangan nating baguhin ang sariling pananaw. Gamit ang diwa ng pagkakaisa, respeto, at pagmamahal sa isa’t isa, magsisimula ang tunay na pagunlad. Sa halip, magtulungan tayo upang magtagumpay, hindi lamang bilang indibidwal, kundi bilang isang buo at nagkakaisang komunidad na walang hilaan pababa.

Science Technology Engineering (STE), impormasyong mula sa School Peer Mediators Club. Gayunpaman, sa kabila ng maktid na mentalidad, maaari itong palitan ng mas makabuluhang pag-uugali. Solusyon ay nasa kakayahang muling buuin ang pananaw sa tagumpay at kooperasyon. Sa halip na magdamdam sa tagumpay ng iba, kailangang yakapin ito bilang inspirasyon upang lalo pang magsikap at umasenso. Pagiging bukas ang isipan at mapagpakumbaba ay mahalaga upang matanggap na ang tagumpay ng iba ay hindi kailanman nagpapababa sa sariling halaga. Ito’y nagiging



Kalusugang Nakabinbin
Pagkakait sa sariling pangarap
ingon dito. Lingon doon. Napakaraming laruan ang pagpipilian subalit sa isang tingin ay binabati ka ng malaking ngiti. Nakabubutas sa pitaka ang presyo ngunit patuloy kang inaakit nito. Pinapalapit ang iyong katawan, nasasabik ang mga kamay na hawakan. Inaaliw ka sa disenyong simple pero magandang tingnan.
Sa harap ng mga pangakong “serbisyong pangkalusugan para sa lahat,” patuloy pa rin ang pagsubok ng maraming Pilipino sa pagkuha ng sapat na tulong. Kaya naman isinulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 11357, isang panukalang batas na layong gawing mas patas at episyente ang Universal Health Care (UHC) Act. Sa ilalim nito, muling babaguhin ang sistema ng PhilHealth—binabawasan ang premium contribution rate mula 5% patungong 3.5%.
Sa mga pampublikong paaralan tulad ng Jacinto P. Elpa National High School, hindi regular ang pagbabakuna o anumang
programang medikal na direktang makakatulong sa mga mag-aaral. Isang simpleng lagnat ay maaaring maging dahilan ng pagliban, at ang kakulangan ng agarang medikal na tulong ay madalas na nagiging pabigat sa mga pamilya. Ang mga simpleng sakit na maaaring maagapan ay lumalala, at ang serbisyong pangkalusugan na dapat ay abot-kamay ay nagiging isang bagay na kailangang ipaglaban. Sinasabing ang kalusugan ay isang karapatan, ngunit para sa iba, ito ay tila isang pribilehiyong hindi lahat ay may kakayahang makuha. Ang mga numerong inilalabas ng gobyerno ay maaaring
magbigay ng pag-asa, ngunit ang tunay na tanong ay: Kailan nga ba mararamdaman ng bawat Pilipino ang tunay na ginhawa. Sa isang bansang may kulang na sagot, ang kalusugang nakabinbin ay hindi dapat maging panghabang-buhay na paghihintay. Hindi sapat ang mga pangakong nakasulat sa batas kung hindi ito mararamdaman ng bawat Pilipino. Sapagkat sa laban para sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan, hindi oras ang dapat magdikta ng buhay—kundi ang katiyakang may lunas bago mahuli ang lahat.

Maiba, Taya!
Pagtaya sa Tunay na Sarili





Katalinuhang artipisyal na tumutulong sa sanlibutan
Pabago-bago ang rebolusyon ng teknolohiya, sa bawat taon ay naghahanap ang mga tao ng paraan upang mas maging advance ito. Para kay Mark Zuckerberg, ang CEO ng Meta o kilala noon bilang Facebook, ay isang malaking potensyal na ipasok ang isang AI-assistant sa Meta upang makatulong sa bilyon-bilyong bilang ng tao na gumagamit nito. Kaya naman noong Abril 2024 ay tinupad niya ito at inilunsad ang “Meta AI”.
Ito ang kanilang kaunaunahang assistant na sakop ng Artipisyal na katalinuhan na pinapatakbo ng LLaMa 3, ito ang pinakabagong bersyon ng Large language model na ginagamit ng Meta upang patakbuhin ang mga chatbots. Nagsisilbi itong search engine sa mga aplikasyon ng Meta tulad ng Facebook, WhatsApp, Instagram at Messenger. Maihahalintulad ang Meta AI sa ibang AI-powered chatbots tulad ng ChatGPT at Gemini, na ang pangunahing layunin din ay sumagot sa mga katanungan at magbigay ng impormasyon.
Mayroon itong kakayahan tulad ng paggawa ng mga tila totoong mga imahe base lamang sa deskripsiyon na ibinibigay, kaya rin nitong sumagot sa loob ng ilang segundo lamang. Nasasagot nito ang mga katanungan ng walang pag-aalinlangan at tinitiyak na pawang katotohanan ang mga detalyeng ito. Sa madaling salita ay napapabilis nito ang mga gawain, bukod pa doon ay bukas itong ginagamit ng napakaraming tao. Subalit, ang mga katangian nito ay maaaring magamit sa hindi mabuting paraan, isa sa mga halimbawa ay ang paninira ng reputasyon ng iba. Lalo na ngayon na madali nang
na-aaccess ang social media, madaling pakalatin ang mga pekeng impormasyon kahit walang matibay na ebidensya na ito’y totoo. Isa rin sa mga kinakaharap na suliraning dala ng advance na teknolohiya ay ang DeepFake, na maaaring nagmula sa mga imaheng inilalahad ni Meta AI, kung walang mabuting pagsusuri ay mapagkakamalang totoo ang mga ito. Dagdag pa sa mga problemang dala nito ay ang sobrang pagdedepende ng mga tao, lalo na ang mga estudyante na isinasalalay na ang kanilang mga sagot sa mga takdang aralin dito. Mas malala ay hindi lamang ang kanilang mga takdang aralin ang kanilang pinasasagutan ngunit ang pagsulat ng mga sanaysay, nagdudulot ito ng mahinang pag-unlad ng kaalaman sa mga bata at nakakaapekto sa paraan ng kanilang pagsulat sa akademiko.
Sa kabila ng mga nabanggit, hindi pa rin maipagkakaila na malaki ang kontribusyon nito sa larangan ng makabagong teknolohiya, lalo pa ma’t kawili-wili ito sa napakaraming tao. Dati pa man ay marami na ang gumagamit ng mga plataporma na sakop ng Meta, kaya naman ang pagpasok ng isang AI-
assistant ang mas lalong nagbigay daan upang makilala at maging kapanapanabik ang paggamit dito. Umaabot sa 3.19 billion bawat aplikasyon ang gumagamit ng Meta at posibleng mas tumaas pa. Habang parami ng parami ang mga manggagamit nito, nawa’y maging paalala ito sa kanila na maging responsable sa paggamit nito at isipin ang kapakanan ng iba kung sakaling mayroong binabalak na maaring masangkot ang ibang plataporma. Iwasan din ang pagtutuon ng maraming oras sa mga ganitong klaseng bagay at gamitin lamang sa tuwing kinakailangan sa mga importanteng bagay na hindi lubosang makakaapekto sa ating mga buhay.
• Seg Chester Yu


Plastik sa dagat: Banta sa kalikasan at kabuhayan
Taon-taon ay umaabot sa halos 400 milyon ang bilang ng mga plastik na natitipon pagkatapos gamitin ng isang beses lamang. Subalit, malaki ang epekto nito sa kalikasan lalo na sa karagatan at sa mga nilalang dito. Walang kupas ang pinsalang dala ng plastic pollution, at isa sa mga nagdulot nito ay ang patuloy na pagtatapon ng mga ‘single-use plastics’.
Isa sa mga pinakamalaking suliraning dulot nito ay ang walang kamalay-malay na paglunok ng mga hayop sa karagatan ng mga tinapong basura. Mas lalong tumataas ang bantang dala nito sa karagatan, lalo na sa mga endangered species tulad ng mga pawikan at balyena. Bukod pa roon ay nakakaapekto rin ito sa kanilang mga tirahan. Kabilang sa mga apektado ang mga mangingisda na ang tanging paraan ng paghahanap-buhay ay ang pangingisda. Subalit dulot ng di mabilang na mga plastik sa karagatan ay nasisira ang kanilang mga kagamitan sa pangingisda at itinataboy palayo ang mga isda. Nagbigay naman ng kanyang pahayag ang isang mangingisda at presidente ng PANGISDA Pilipinas na si Pablo Rosales, “Natatabunan at pinapatay din nito ang mga bahay itlogan, bahura, bakawanan, at mga halamang dagat. Humalili sa masaganang
kabuhayan at kalikasan ang matinding pinsala na dulot ng plastic pollution.”
Habang dumadami ang mga basura, natatabunan nito ang mga coral reefs na humahantong sa hindi pagkakaroon ng sapat na enerhiya mula sa araw. Kaya naman nagdudulot ito ng malaking pinsala sa kanila dahil unti-unti silang nawawalan ng buhay, na nakakaapekto rin sa ekosistema na umaasa sa kanila.
Kapag natunaw ang mga plastik sa karagatan, nahahati ito sa maliliit na mga bahagi na tinatawag na microplastics, ang mga ito ay ang mga karagdagang kemikal na sumisira sa karagatan. Upang maiwasan ang mga ganitong klaseng paninira sa kalikasan, hinihikayat ang lahat ng tao na linisin and kanilang mga kalat at wag itapon kung saan-saan lamang. Mainam na rin ang pagreresiklo na isa sa mga pamamaraan upang magamit muli ang mga basurang maaari pang pakinabangan.

Slanguage sa pagbabaybay ng salita
Paano Binabago ng Internet Slang ang Kabataan?
Kilalang kilala ng halos lahat ang mga ekspresyong “OMG”, “LOL”, “IDK”, at marami pang iba, tinatawag ang mga pagpapaikli na ito bilang Internet Slang dahil una itong lumaganap sa online at ito ay balbal na pamamaraan ng pagsasalita. Ginagamit ang Internet Slangs upang paikliin ang mga salitang masyadong mahaba, katulad na lamang ng “AKA” o “Also Known As” na ginagamit ng mga tao kapag sila ay mas kilala sa isa nilang pangalan. Subalit hindi lamang puro pagpapaikli ang halimbawa nito at may mas marami pang mga uri ito.
Mayroon ding mga ibang klase ng mga balbal online, mga salitang hindi tugma sa kahulugan nito, mga acronym at iba pa katulad ng “ATE” na orihinal na nangangahulugang kumain ngunit sa pagkakaintindi sa internet ay ang paghanga sa taong gumawa ng mabuti at malinis na pagkakagawa sa isang bagay. Ginagamit ang ganitong klaseng pananalita sa online upang mas maging kawili-wili at masaya ang pakikipag komunikasyon ng mga tao sa isa’t isa, nagsisilbi rin itong “code” ng mga kabataan upang maging kakaiba sila tingnan kumpara sa mga walang alam nito. Gayunpaman, nagmumukha silang mangmang sa paningin ng matatanda na hindi mahilig
makisabay rito. Ilan pa sa mga sikat na online na balbal o slang na ginagamit ng mga bata sa kasalukuyan ay ang “very demure”, “rizz”, at “slay”. Bawat isa ay may iba’t ibang kahulugan, sa unang basa ay parang hindi ito konektado sa kahulugan nito, tulad ng “Slay” o mas alam ng iba na pagpatay, ngunit sa lenggwahe ng mga bata ngayon ay ginagamit ito kapag ang tao ay
gumawa ng isang kahanga-hangang bagay at pinaparatangan mo ito. “Rizz” naman ang ginagamit na ekspresyon kapag ipinapahiwatig ng isang tao ang kanyang charisma, at “very demure” na madalas gamitin sa mga dalaga kapag siya ay tahimik, mahinhin at



lamang ang mga ito sa halimbawa ng tinatawag nilang “Internet Slang”. Bagama’t nakakaapekto ito sa pag-aaral ng mga bata dahil nagiging tamad na sila sa paggamit ng buong baybay ng salita, kahit ang mga simpleng paraan ng pagsulat at pagbasa ay binabalewala na dahil sa ang maaring epekto mga


batang tutok sa internet at may kakulangan sa pakikipag-komunikasyon sa iba. Taong 2021 noong nagsagawa ng pag-aaral ang mga USA Researchers, at 64% na estudyante ang umaming gumagamit sila ng slang words sa kanilang mga aralin sa eskwelahan. Nararapat na ugaliin ang pagsusuri sa paglaki ng bata at siguraduhing matuto sila ng tamang pamantayan ng pag-aaral. Hindi masamang makisabay,, subalit hindi rin mabuti na maglaan sila ng mas maraming oras dito. Mainam na panatilihin ang mga pangunahing kaalaman nila upang hindi nila ito makalimutan sa kabila ng pagkatuto ng bagong lenggwahe mula sa Social Media.
Sa murang edad, nabibigyan ng oportunidad
Isa sa mga kinagigiliwan ng nakararami at isang aspeto ng makabagong teknolohiya na hindi lamang nagdadala ng aliw kundi pati impormasyon—ang Social Media. Sa pamamagitan nito, napadali ang komunikasyon at pagkalap ng kaalaman. Mula sa maliliit na plataporma, lumago ito dahil sa mga tulong na inilalahad nito. Facebook ang isa sa mga sikat na plataporma na umusbong noong 2004 at kasalukuyang may halos 2.7 bilyong aktibong gumagamit.
Malaking tulong ang social media sa edukasyon ng kabataan, lalo na noong pandemya kung saan hindi pinapayagan ang pisikal na pakikipagkomunikasyon. Upang mapagpatuloy ang pagkatuto, ginamit ng mga guro at estudyante ang mga platapormang sakop ng social media tulad ng Google Meet, Zoom, Slack, at Skype. Sa ganitong paraan, nabigyan pa rin ng oportunidad ang mga bata na matuto sa kabila ng krisis.
Sumikat rin sa panahon ng pandemya ang TikTok, isang platapormang ginagamit ng kabataan upang mag-record at mag-upload ng mga video. Sa pamamagitan
nito, napapaunlad ang kanilang kakayahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao online. Nagsisilbi rin itong daan upang maipakita nila ang kanilang talento, malikhaing ideya, at iba pang bagay na maaaring makatulong sa iba. Subalit, may kaakibat na panganib ang paggamit ng social media, lalo na sa mga bata. Maaaring makaranas ng cyberbullying ang ilan at mawalan ng pokus sa pag-aaral dahil sa labis na paggamit nito. Ayon kay Karla Michaela Somera, isang estudyante mula sa Jacinto P. Elpa National High School, “Mahalaga ang social media sa aming pag-aaral, ngunit

Bilang pagtugon sa isyu sa pagtatapon ng basura sa Vicente L. Pimentel Sr. Boulevard, inilunsad ni City Mayor Roxanne Pimentel ang Task Force CLAYGO (Clean As You Go), isang inter-agency initiative na naglalayong mapalakas ang mga hakbang sa pangangalaga ng kalinisan at kapaligiran ng Tandag City.
Sa ilalim ng pamamahala ng Task Force CLAYGO, sinisiguradong aktibong sinusubaybayan ang pagsunod sa mga batas sa solid waste management. Kabilang sa mga batas na ito ay ang Ecological Solid Waste Management (ESWM) ordinance at ang mga patakaran sa Revised Revenue Code na may kinalaman sa business permits at pagbabayad ng buwis. Mahigpit na ipinatutupad ang mga ordinansang ito upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan sa Vicente L. Pimentel Sr. Boulevard at sa iba pang pampublikong lugar.
Ayon kay Mayor Roxanne, ang kalinisan ng Tandag City ay responsibilidad ng bawat mamamayan at bisita ng lungsod. Ang patakarang CLAYGO o “Clean As You Go” ay itinaguyod upang hikayatin ang lahat na linisin ang kanilang mga paligid pagkatapos gamitin ang mga pampublikong espasyo. Sa pamamagitan nito, layunin ng lungsod na palakasin ang disiplina ng mga tao sa pagtatapon ng basura at pagpapahalaga sa kapaligiran.
Naniniwala si Mayor Roxanne na ang pagkakaisa ng mga Tandaganon ay susi upang mapanatiling malinis at maayos ang Tandag City. Hinihikayat niya ang lahat na aktibong
may mga pagkakataon na nagiging sagabal ito sa amin. Kaya dapat may disiplina sa paggamit nito upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng edukasyon at libangan.”
Nararapat na patnubayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paggamit ng social media. Maraming oportunidad ang naibibigay nito, tulad ng pagpapakita ng talento, pagpapaunlad ng kakayahan, at pagbabahagi ng ideya, ngunit dapat itong gamitin sa tamang paraan. Nawa’y gamitin ito sa mabuting layunin upang maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
Nagbibigay ng maraming oportunidad ang social media sa mga bata, tulad ng pagpapakita ng talento, pagpapaunlad ng kakayahan, pagbabahagi ng ideya, at pagpapalakas ng kumpiyansa. Mahalaga itong gamitin nang responsable upang maging mabuting impluwensya at inspirasyon sa susunod na henerasyon.

ka estudyante mula sa seksyon ng feynman ay gumagamit karaniwan sa sumusunod na mga social media platform
makilahok sa mga hakbangin ng pamahalaang lokal upang maabot ang layunin nito. Ang simpleng hakbang ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar ay makakatulong ng malaki sa pagkakaroon ng malinis at kaaya-ayang kapaligiran. Sa pangunguna ng Task Force CLAYGO, ang Tandag City ay nananatiling committed sa pagpapakita ng dedikasyon sa kalinisan at kaayusan. Tungkulin ng bawat isa na panatilihin ang kagandahan ng lungsod para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. Sa ating pagkakaisa, magagampanan natin ang ating responsibilidad na pangalagaan ang Tandag City, hindi lamang bilang tahanan natin, kundi bilang pamana sa buong planeta.
“Ecological Solid Waste Management Act of 2000” layunin ng batas na ito na magtatag ng sistematikong pamamahala sa solid waste wastong. Bilang ng estudyante
Potensyal na sandata laban sa pamamaga
Sa panahon ngayon, maraming pag-aaral ang sumusuri sa mga natural na sangkap bilang alternatibo sa sintetikong gamot. Isa sa mga ito ay ang squash peel extract na natuklasang may bioactive compounds na maaaring labanan ang pamamaga.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga sakit na dulot ng chronic inflammation ay isa sa pinakamalaking banta sa kalusugan ng tao. Sa susunod na tatlumpung taon, inaasahang patuloy na tataas ang kaso ng mga sakit na may kaugnayan sa pamamaga sa Estados Unidos. Sa buong mundo, 3 sa bawat 5 pagkamatay ay nauugnay sa chronic inflammatory diseases tulad ng sakit sa puso, stroke, kanser, labis na katabaan, at diabetes.
Sa pananaliksik mula sa (Antiphlogistic property of solvent partition of Squash (Cucurbita) peels extract as prevention and alleviation of inflammation)
nina Nathan Andam, Carlo Santino Yu, at Adrian Dave Jalapan, ay naipakita na ang extract ay may 9.2 mg/g flavonoids at 8.4 mg/g phenolic compounds, mga antioxidant na kilala sa kanilang anti-inflammatory properties.
Sinuri rin ang
kakayahan nitong pigilan ang COX-2 enzyme, kung saan naitala ang 17.6% inhibition rate. Gayunpaman, ito ay mas mababa kaysa sa 78.4% inhibition rate ng aspirin.
Sa kasalukuyan, ang mga gamot tulad ng Ibuprofen ay ginagamit upang mabawasan ang pamamaga at pananakit ng katawan, pati na rin bilang pampababa ng lagnat. Gayunpaman, may kaakibat itong mga side effects tulad ng pagduduwal, pagsusuka, pagtatae o pagtitibi, hindi natunawan (dyspepsia), at pananakit ng tiyan. Bagaman hindi kasing bisa ng aspirin, ang squash peel extract ay may potensyal bilang natural na panlaban sa pamamaga. Upang mapabuti ang epekto nito, iminungkahi ang pagsusuri ng iba pang bioactive compounds na maaaring magpalakas ng anti-inflammatory effect, pagpapahusay ng extraction methods upang tumaas ang konsentrasyon ng aktibong
sangkap, pagsasagawa ng clinical trials upang masuri ang bisa at kaligtasan nito sa tao, at pagsasanib sa iba pang natural na sangkap para sa mas epektibong resulta.
Sa patuloy na pananaliksik, maaari itong maging mahalagang sangkap sa agham na pangkalusugan at medisina na makakatulong para sa lahat ng mamamayan.


Saging bilang panangga sa polusyon ng hangin

Sa panahon ngayon, isa sa pinakamalaking suliraning pangkapaligiran ay ang mataas na antas ng carbon dioxide (CO2) emissions mula sa transportasyon, partikular na sa mga sasakyang gumagamit ng diesel. Ang pananaliksik na isinagawa sa Jacinto P. Elpa National High School ay naglalayong tuklasin ang potensyal ng banana pseudostem fiber bilang isang biofilter upang bawasan ang CO2 emissions sa diesel vehicles.
Sa pangunguna nina
Princess Allyza C. Formaran, Cheska
Sophia E. Giron, at Ashley
Joem A. Patis, nalaman na ang carbon dioxide ay isang pangunahing greenhouse gas na nag-aambag sa global warming. Ayon sa World Meteorological Organization (WMO), ang carbon dioxide (CO2) ang pangunahing greenhouse gas sa atmospera, na nag-aambag ng humigit-kumulang 64% sa epekto ng pag-init ng klima. Ang banana pseudostem fiber ay isang natural at biodegradable na materyal mula sa puno ng saging. Ayon sa pananaliksik, ito ay mayaman sa cellulose at hemicellulose, na maaaring
makatulong sa pagsala ng mga polusyon mula sa diesel emissions. Sa isinagawang eksperimento, ang banana pseudostem fiber ay inilagay sa isang air casing chamber ng diesel vehicles upang suriin kung may kakayahan itong bawasan ang CO2 na inilalabas ng makina.
Sa pamamagitan ng exhaust emission analyzer, napag-alamang ang CO2 emissions ng diesel vehicles ay nabawasan mula 253.3 ppm bago ang paggamot hanggang 225.3 ppm matapos ang paglalagay ng banana pseudostem fiber. Ipinakita rin ng statistical analysis na may makabuluhang

pagbawas ng CO2 na may 11.1% average reduction. Ipinapakita nito na ang banana pseudostem fiber ay maaaring maging isang epektibong paraan upang mabawasan ang polusyon sa hangin.
ng mas malawakang pagsubok sa iba’t ibang uri ng sasakyan.

Batay sa resulta ng pag-aaral, ang paggamit ng banana pseudostem fiber bilang biofilter ay isang mabisang solusyon upang mabawasan ang carbon emissions mula sa diesel vehicles. Gayunpaman, inirerekomenda ang karagdagang pananaliksik upang masuri ang pangmatagalang epekto nito, pati na rin ang pagsasagawa


Nagbigay ng bagong sigla at liwanag sa edukasyon sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) ang makabagong Starlink, isang makapangyarihang satellite internet service mula sa SpaceX. Dumating ang mabilis, matatag, at walang patid na koneksyon na nagbukas ng mas maraming pagkakataon para sa mga mag-aaral at guro.
Hindi na hadlang ang malalayong lokasyon o mabagal na internet sa kanilang pagkatuto. Sa JPENHS, ang bawat koneksyon ay nagsisilbing tulay patungo sa mas makulay, mas mabilis, at mas epektibong edukasyon Ang biyayang ito ay hatid ni Mayor Roxanne Pimentel, sa kabuuang 17 free wifi na matatagpuan sa iba’t ibang sulok sa Tandag. Ang Starlink ay hindi lamang basta isang ordinaryong internet service.
Ipinakikilala nito ang isang teknolohiya na nagbibigay ng mabilis at stable na koneksyon gamit ang mga satellite na nasa kalawakan. Hindi tulad ng mga tradisyunal na internet services na umaasa sa mga wire at cables, ang Starlink ay nakasalalay sa satellite network, kaya’t nakararating ito sa mga lugar na mahirap maabot ng iba pang mga serbisyo.
Ang pagpapakilala ng Starlink ay nagbigay ng bagong liwanag sa mga magaaral, na ngayon ay mas may
kakayahan nang mag-access ng mga online learning materials at makilahok sa mga live classes. Sa tulong ng mas mabilis na koneksyon, naging mas madali ring magtulungan ang mga mag-aaral sa mga grupong proyekto gamit ang mga online collaboration tools tulad ng google meet at zoom. Ang mga proyekto na nangangailangan ng sabayang pagsisikap ay naging mas epektibo at mas mabilis tapusin. Bilang karagdagan, ang Starlink ay nakatulong hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro at iba pang kasapi ng komunidad, dahil sa libreng Wi-Fi na magaan at mabilis gamitin. Ang mas matatag na koneksyon ay nakatulong upang mabawasan ang mga abala dulot ng mahina o nawawalang signal, kaya’t mas nakapokus na ang lahat sa kanilang pagkatuto at mas magaan ang bawat gawain. Hindi na kinakailangang mag-alala tungkol sa mga teknikal na problema, kaya’t
mas nagiging produktibo ang bawat isa.
Sa kabuuan, ang Starlink ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa pagpapabuti ng edukasyon sa JPENHS. Ang mas malakas na koneksyon ay nagsilbing liwanag sa landas ng mga mag-aaral at guro, na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa online learning at global education. Nagkaroon ng mas mabilis at mas matatag na internet, na nakatulong sa pagbuo ng isang mas epektibong kapaligiran para sa pagkatuto, at ito ay patunay ng pagpapahalaga ng paaralan sa kalidad ng edukasyon at teknolohiya para sa mga kabataan.
Sa paggamit ng natural at abot-kayang solusyon tulad ng banana pseudostem fiber, maaari tayong makatulong sa pagbabawas ng polusyon at pagpapanatili ng isang mas malinis at mas ligtas na kapaligiran. Sa ganitong paraan, hindi lamang tayo nakakatulong sa pagsugpo ng global warming, kundi binibigyan din natin ang bawat isa ng pagkakataong makalanghap ng mas sariwa at malinis na hangin, isang hakbang patungo sa magaan na paghinga.


Ayon sa ilang mga siyentipikong pagsasaliksik, ang mga batang kumakain ng gulay ay mayroong mas mataas na IQ kumpara sa mga batang kumakain ng karne. Bagamat maraming aspeto ang maaaring makaapekto sa intelektwal na pagunlad ng isang bata, ang pagkonsumo ng gulay, ay nagiging sentro ng ilang mga makabagong pag-aaral sa larangan ng nutrisyon.
Ang gulay ay mayaman sa mga bitamina, mineral, at iba pang mahahalagang nutrisyon na kinakailangan para sa mainam na pagunlad ng pag-iisip, lalo na sa kabataan. Ang mga gulay tulad ng mga berdeng dahon (spinach, kangkong, broccoli) ay puno ng mga bitamina gaya ng folate, bitamina K, at bitamina C. Isa sa mga pangunahing nutrients na matatagpuan sa mga
at ang kakulangan nito ay maaaring magdulot ng problema sa konsentrasyon at memorya ng isang bata. May ilang mga ekspertong nagsasabi na ang sobrang pagkain ng karne ay may negatibong epekto sa kalusugan ng utak. Ang mataas na lebel ng saturated fats at preservatives sa mga karne ay maaaring magdulot ng oxidative stress, na siyang isa sa mga sanhi ng cognitive decline. May mga ebidensyang nagpapakita na ang mga batang hilig sa pagkain ng karne ay posibleng makaranas ng hyperactivity, aggression, at anxiety.
Ang ugnayan ng pagkain ng gulay at mas mataas na IQ sa mga bata ay isang makapangyarihang ideya na nagsusulong sa kahalagahan ng tamang nutrisyon sa pag-unlad ng utak. Malinaw na ang pagkain ng gulay ay may


L
umiyab ang forehand drive ni CJ Arraz na naging dahilan ng pagkabagsak ni Luke Elizalde sa matinding sagupaan sa Table Tennis Men’s Singles matapos payukuin sa iskor na 3-0 sa Tandag City Division Athletic Selection Meet 2024, Oktubre 19.
Mahusay na opensa at depensa ang ipinakita ni Arraz ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) kontra Elizalde ng Tandag National Science High School (TNSHS) sa Gov. Vicente T. Pimentel Multi - Purpose Hall.
‘‘I did not expect to win cause my opponent is a Regional qualifier, I am just thankful especially to God who guide me in this game’’ ani ni Arraz.
Nagsimula ang laban sa
unang set nang makuha ni Elizalde ang unang puntos, ngunit mabilis na bumawi si Arraz at nagpasabog ng humahagupit na topspins na bigo namang madepensahan ni Elizalde at nagwagi sa unang set, 11-6.
Naging mas agresibo si Arraz sa pagsisimula ng ikalawang set at nagpasiklab ng dikdikang labanan na umabot sa 7-all.
Ngunit sa huling bahagi ng set, bumwelta si
Arraz ng kanyang matutulis na mga forehand drives na nagbigay sa kanya ng kalamangan at nagresulta sa iskor na 11-7.
Naging mainit ang sagupaan ng dalawang magkatunggali sa pagsisimula ng ikatlong set matapos magpalitan ng puntos ang dalawa at itinabla sa 9-all.
Pagdating ng dulo, ipinakita ni Arraz ang kanyang mahusay na mga agresibong forehand at

SILYADO ANG PUWESTO
JPENHS isinubsob STC Maroons, unang pwesto nasungkit
Isang swabeng rolling spike ni Shanley Ariate ng Elpa
High ang naging susi upang makamit ng koponan ang kampeonato sa Mens Sepak Takraw kontra Saint Theresa College (STC), 2-0, Oktubre 18, sa idinaos na Tandag City Division Athletic Selection Meet.
“Iniisip ko palagi ang kalma, diskarte, at huwag magpadala sa kaba upang makapaglaro nang maayos,” saad ni Ariate, ispayker at kapitan ng koponan.
Nagliyab agad ang laban matapos buksan ng JPENHS ang serbisyo na nagdulot ng matinding tensyon at nagdala ng sunod-sunod na sagupaan sa ere.
Sa unang set, sumiklab ang bagsik ni De Castro, isang mabangis na ispayker ng JPENHS na nagpakawala ng mabagsik na acrobatic kick na nagpahirap sa STC, 15-4.
Pinanatili ng JPENHS ang kanil-
ang matibay na kalamangan at sinunod ang kanilang estratehiya. Samantala, sa ikalawang set, nagkaroon ng mahaba at matinding rally matapos harangin ni Erasga ng STC ang matulis na spike ni De Castro, nagtabla ang laro sa 7-all.
Gayunpaman, hindi natinag ang JPENHS. Sumabog si Ariate sa huling bahagi ng set at nagpakawala ng kanyang malupit na bicycle kicks, nagtapos ang laban sa iskor na 15-12.
“Kinabahan kami at nahirapan din lalo na’t mga Palarong Pambansa finalists ang aming kalaban,”
backhand drives.
Tinapos niya ang laban sa iskor na 11-9, gamit ang mga mabilis na pagsabog ng atake na hindi naagapan ni Elizalde, kaya’t nakamtan niya ang panalo.
‘‘I am very happy because I defeated a table tennis Regional qualifier, and for the preparation, I will focus more on cardio training for the Regional Meet,’’ saad ng atleta.
Palong Panalo

Nehemiah Andoy
Arraz ibinitin Elizalde, 3-0



Hari ng Bilis
Culaste nagningning sa takbuhan, 3 medalya nasungkit
Humagibis na parang buhawi si John Paulo Culaste, baitang 10 mula sa Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS), sa matinding bakbakan sa track, tinangay ang dalawang gintong medalya sa 800m at 4x400m run, at isang pilak sa 4x100m run sa Tandag City Division Athletic Selection Meet 2024, sa Surigao Del Sur Sports Complex, Oktubre 19.
Matagal nang kilala si Culaste ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) sa pagkapanalo ng maraming medalya, maging noong siya ay nasa elementarya pa lamang.
pahayag ni DJ Erasga, ispayker ng STC.
Kahit uminit ang laban, nagpakita ng matapat na sportsmanship ang dalawang koponan matapos ang sagupaan.
“Nagpapasalamat ako sa aming koponan para sa kanilang pagsisikap at determinasyon,” saad ni Ariate sa kanyang mga kasama.
Samantala, ayon kay Coach Nestor Dimacuha, sisibakin na nila ang panibagong paghahasa ng diskarte upang palakasin ang koponan sa kanilang susunod na hamon sa regional level.
Siya rin ang kumatawan sa Tandag City sa takbuhan sa Caraga Regional Athletic Games (CRAG) na ginanap sa Agusan Del Sur noong nakaraang taon, kung saan ipinamalas niya ang kanyang kahusayan.
Humarurot at ibinuhos kaagad ni Culaste ang buong lakas at bilis ng takbo sa unang yugto pa lamang ng takbuhan na nag-iwan ng malakas na epekto sa kanyang mga katunggali sa 800m run.
Ngunit, nabigo ang koponan nito nang makuha nila ang pilak na medalya matapos maagaw ng Saint Theresa College (STC) ang unang pwesto sa 4x100m
run, dahil sa kanilang mabilis at mahusay na pagtakbo na nagbigay daan upang manguna sila sa karera.
Subalit determinado ang grupo ni Culaste na bumawi, kaya hindi nila hinayaan na muling manguna ang STC sa susunod na laban.
Kumaripas ng takbo sa huling labanan ang koponan nito sa 4x400m run upang maibulsa na ang gintong medalya.
‘‘Rinepresenta ko ang Tandag City noong nakaraaang CRAG, sa kasamaang palad hindi ako pinalad ngunit babawi ako upang umabot sa Palar’’.
Desididong masungkit ni Culaste ang gintong medalya sa Regional Meet upang layong makasama sa Palarong Pambansa.

Hindi namin inakala na ganun ang maging kinalabasan ng aming paghihirap, palaging ensayo at dasal ang pinakamatibay na naging sandata namin.
Shinny Llamera
Ligtas at patas na palakasan
Edad ang pangunahing batayan sa paglahok ng mga atleta sa maraming kompetisyon sa palakasan. Mula sa mga batang manlalaro hanggang sa propesyonal na torneyo, ang pagpapatupad ng age limit ay isang paraan upang panatiliin ang patas na laban.
Maraming rason kung bakit umiiral ang age limit sa mga kompetisyon. Ito ay nagsisilbing proteksyon sa mga atletang may posibleng seryosong pinsala dahil sa labis na pagod sa laban ng hindi nila kaparehong antas.
Madaling mapagod at masaktan ang mga batang atleta laban sa mas matandang manlalaro, kaya ang age limit ay isang paraan upang maiwasan ang mga posibleng pinsala sa laban ng hindi magkatulad ang antas ng pisikal na kakayahan.
Sa kabilang banda, isa ito sa hadlang sa mga manlalarong may talento at kakayahan, subalit sila ay hindi makasali dahil sa pagkaroon ng limitasyon sa edad. Maraming potensyal ang nasasayang dahil sa patakaran sa edad at maraming atletang gusto pang lumaban ngunit ito’y napipilitang tumigil dahil sa kawalan ng pagkakataong makasali.
Pagpapatupad ng age limit ay nagsisilbing haligi para sa proteksyon ng bawat atleta. Ito ay isang paraan na nagbibigay halaga na ligtas at maayos ang laro kasabay na ang pagpapalakas ng kanilang mga talento habang pinapalakas ang esensya ng patas na laban para sa lahat ng manlalaro.

SELYADO. Walang nangahas na makipagtunggal sa mga Palarong manlalaro ng Arnis. | Mula kay Shella Najaro
Nehemiah Andoy
Arnis Team walang tumapat sa labanan, korona napanatili
MAPANALASANG HAMPAS
Elpa High Spikers naghari kontra STC Maroons, kampeonato nilamon
Sumiklab ang matutulis na spike at dumagundong ang mababangis na serve ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) Boy’s Volleyball Team kontra Saint Theresa College (STC) Maroons, at tinangay ang kampeonato sa Men’s Volleyball ng Tandag City Division Athletic Selection Meet 2024, sa JPENHS Covered Court, Oktubre 18.
Sumabog agad ang bangis ng Elpa High sa unang set, bumulabog ng nag-aalab na atake at lumiyab sa mahahagupit na serve na nagpabagsak sa STC, 25-6.
Lumaban ang STC sa ikalawang set, lumamang ng tatlong puntos at sinubukang iangat ang kanilang depensa.
Ngunit sumambulat ang bangis ng Elpa High, sa pangunguna ni Apryl Jan Alambam, na nagpakawala ng sunod-sunod na quick attack na nagpatibag sa depensa ng STC at muling nag-ukit ng panalo sa ikalawang set, 25-6.
“Maganda ang kanilang
depensa, pero mas matalas ang aming opensa,” wika ni Andrei Bolabola, setter at kapitan ng koponan. Umalagwa si Karl Melvin Escobal sa panghuling set, kinatatakutang “Bagyong Karla,” nagpakawala ng nagbabagang spike at pumunit sa ere ng mabibigat na serve-dahilan upang mailuklok ng JPENHS ang ikatlong sunod na kampeonato, 25-7.
Pinasalamatan ni Coach Rodel Ramos Jr. ang dedikasyon ng koponan at binigyang-diin ang halaga ng karanasan sa kompetisyon.
“It is very important to

expose our players because in times of crucial games during the Regional Meet, they can fight, and also their presence of mind is important.”
“If you want to win, strive for it, trust yourself, believe in yourself, and believe in your team. The chemistry of our team is the reason why we win, the teamwork and the bond of every member,” dagdag ni Bolabola.
Sa matikas na tagumpay na ito, muling pinatunayan ng JPENHS ang kanilang paghahari sa volleyball, na nag-aalab na inspirasyon para sa mga atletang Tandaganon.
Itinalaga agad bilang kampeon ang Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) Arnis Team sa Tandag City Division Athletic Selection Meet 2024 noong Oktubre 19, matapos walang lumaban sa kanila sa parehong men’s at women’s division.
Simula nang magsimula ang pandemya, walang naghamon sa kanilang puwersa sa lokal na kompetisyon, kaya’t awtomatikong inangkin nila ang titulo.
Ipinahayag ni Coach Kennex Donasco na walang katapusang pagsisikap at matinding pokus sa pagsasanay ang naging sandigan ng kanilang tagumpay.
"The biggest preparation is not a problem, but the challenge to meet the standards needed itself," dagdag pa niya.
Sa kabila ng kanilang dominasyon sa Tandag City Meet, hindi sila nagpakakampante at nagpatuloy sa puspusang paghahanda upang harapin ang mas matitinding pagsubok.
Bukod dito, kinilala ang koponan bilang Palarong Pambansa 2024 medalists, nagbigay ng mas matinding motibasyon upang depensahan ang kanilang titulo at makapaguwi ng panibagong karangalan. Handa na ang JPENHS na
Nagpakitang gilas ang Sepak Takraw Girls ng Tandag City matapos nilang masungkit ang bronze medal sa Batang Pinoy National Championship 2024 na ginanap sa Puerto
Nobyembre 23 hanggang Nobyembre 28.
Galing at suporta sa mga Sepak Takraw Girls ng Tandag City ang naging lakas nila upang lumaban sa mga matinding kalaban mula sa iba’t ibang lugar.
Sa kabila ng pagkatalo sa semifinals ay pinaglaban pa rin nila hanggang sa makamit nila ang pangatlong pwesto sa kabila ng mahigpit na laban.
Ayon sa kots na si Roentgen Villasin Jr., ang tagumpay ng
koponan ay dulot sa husay at determinasyon ng mga manlalarong sina Junalyn Bullo, Renelyn Montero, at Byne Piner ang nagbigay daan sa kanilang makauwi ng bronze na medalya.
“Ang pagkakaroon ng bronze medal ay isang mahirap na karanasan para sa amin, dahil sa kabila ng pagsisikap ay hindi pa rin sapat upang makuha ang kampeonato,” pahayag ni Villasin.
Isang magandang karanasan ang makalaro sa Batang Pinoy National Championship 2024 dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga atletang ipakita ang kanilang mga talento.
Nagsisilbing inspirasyon din ito sa mga bagong manlalaro na mas magsikap at magpursige upang makamit din nila ang kanilang mga pangarap sa larangan ng isports.
ipamalas ang kanilang husay at tapang sa nalalapit na Caraga Regional Athletic Games.
The biggest preparation is not a problem, but the challenge to meet the standards needed itself.


Shinny Llamera DIBUHO • Louisse Peteros
KinilalangKahusayan
Mula Elpa hanggang UAAP
Isang malaking karangalan ang mapili bilang atleta ng prestihiyosong unibersidad gaya ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Ito’y pagkilala sa kakayahan ng atleta, ng kanyang kots; tagapagsanay at ng eskwelahang kanyang pinanggalingan maging ng kanyang komunidad na kinabibilangan.
Hindi na bago ang paaralan ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) na may magaling na mga atleta tulad nina Andrei Bola-Bola at Karl Melvin Escobal. Hindi madaling makuha ng mga malaking paaralan subalit dahil sa husay ng mga atleta ay natupad ang kanilang pangarap na maging bahagi sa isang kilalang paaralan. Isang halimbawa nito ay si Esmael Salon, dating manlalaro ng JPENHS, na ngayon ay bahagi na ng University of Santo Thomas (UST).
“Isa itong malaking pangarap na kunin ng UAAP na nagbibigay ng magandang benepisyo hindi lang sa isports pati
Utak laban sa lakas
Sa larangan ng sports, karaniwang binibigyang-pansin ay ang mga contact games katulad na lamang ng basketball, volleyball, at football dahil sa kanilang kahusayan, pisikal na laban na nagpapakita ng katapangan at dedikasyon.
na rin sa akademiko. Ako’y nasasabik, ngunit ako ri’y kinakabahan sa mga espektasyon na kung anong susunod na magaganap,” wika ni Andrei Bola-bola, isang volleyball player sa paaralang JPENHS na nais kunin ng UAAP. Napakalaking oportunidad sa mga atletang kinuha sa UAAP dahil sa kabila ng matinding kompetisyon at karera, isa itong patunay na hindi nasusukat ang galing sa isang atleta sa yaman o estado sa buhay, ito’y nakikita sa determinasyon at dedikasyon ng mga atleta na magsakripisyo para sa kanilang pangarap. Sa kabila ng mga sirkumstansya ay
Sa kabilang dako, hindi dapat natin balewalain ang mga mind games tulad ng chess na naglalaro ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng talino at disiplina.
Halimbawa, ang chess ay hindi lamang simpleng laro ng estratehiya kundi
hindi ito mapipigilan dahil likas sa isang atleta ang pagkakaroon ng pagpupursige na makatawid patungo sa propesyonal na mga antas ng kompetisyon. Para sa mga mula sa mababang lebel na atleta, ang pagkakataon nilang makapasok sa UAAP ay nahahasa ang kanilang mga talento, at nabibigyan sila ng pagkakataon na maipakita ang kanilang kakayahan. Ang pag-rekrut sa kanila ng UAAP ay hindi lamang nakakatulong sa kanilang edukasyon. Ang kanilang tagumpay ay nagsisilbing
isang uri ng disiplina na nagtataglay ng kasanayan sa pagpaplano at pag-iisip ng malalim na nagbibigay ng kagalingan at kahusayan.
‘‘Gusto ko talaga ng chess dahil naging matalas ang aking pagiisip”, ani ni Isabel Malong, manlalaro.
isports 20
inspirasyon sa mga batang manlalaro na nais sumunod sa kanilang yapak.

SipangKampeon
Elpa Poomsae girls nangibabaw sa Taekwondo
Nehemiah Andoy
Rizon ginutay Miranda, 2-0
sa pakikipagbuno sa kalaban. | Kuha ni Arjay Dedicatoria


B
umubulusok na smash ang isinuyo ni Klint Justin Rizon ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) matapos niyang hinila pababa si Joshua Miranda ng Tandag National Science High School (TNSHS) at inilatag ang 21-12, 21-13 sa Tandag City Division Athletic Selection Meet, Oktubre 18, na ginanap sa Ark’s Badminton Court, Telaje, Tandag City.
"Kulang pa siya sa ensayo, nakita ko kaagad ang kahinaan niya at alam ko kung paano ito atakehin," saad ni Rizon.
Lumiyab agad si Rizon sa simula pa lamang at bumomba ng sunod-sunod na puntos, dahilan upang mabahala at magkandasamid sa depensa si Miranda.
Nagningas ang laban nang magpakawala si Rizon ng umaatikabong pamatay-sunog na smash na bumutas sa depensa ng kalaban, tuluyang
sinelyuhan ang unang set, 21-12.
Ngunit nagbanta si Miranda sa ikalawang set, bumwelta gamit ang matutulis na drop shots, at lumayo sa 3-0 run.
Subalit hindi nagpatinag si Rizon, pinainit niya ang laban, at lumusob gamit ang mabagsik na drives at sunod-sunod na smash na hindi kayang sagutin ni Miranda.
Bumigay ang depensa ni Miranda sa pagsabog ng umaangil na mga
tira ni Rizon, habang walang humpay na bumabayo ng drop shots at matutulis na atake ang atleta ng Elpa.
Sa huli, pinutol ni Rizon ang pangarap ni Miranda nang gumuhit ng lumalagapak na smash upang tapusin ang laban, 21-13.
"After winning the game, I feel an overwhelming sense of accomplishment, all my hard work has paid off. To develop my performance, I will
focus on refining my skills through dedicated practice," pahayag ng atleta.
Sisibat patungong Regional Meet si Rizon bilang kinatawan ng Tandag City matapos ang huwarang tagumpay.
After the winning game, I feel an overwhelming sense of accomplisment.
Nasungkit ang gintong medalya ng Taekwondo poomsae trio ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) na sina Bea Roellee Acevedo, Gab Atiya Raffa Madrid, at Ayisha Kayla Dicap, laban sa Saint Theresa College (STC) at Tandag National Science High School (TNSHS) sa Tandag City Division Athletic Selection Meet na ginanap sa Gov. Vicente T. Pimentel Jr. Multipurpose Hall, Telaje, Tandag City, ika-18 ng Oktubre.
‘‘Kinabahan kami nung unang pagkaalam namin kung sino makakalaban namin, pero nung tapos na sila magtanghal ay medyo nabawasan yung kaba namin at alam naming makakaya lang namin,” ani ng isang miyembro sa tatlong manlalaro, Gab Atiya Raffa Madrid.
Sa kabila ng kabang kanilang naramdaman, nakayanan pa rin ng JPENHS na talunin ang mga katunggaling STC at TNSHS sa pamamagitan ng kanilang matibay at kahanga-hangang pagganap. Maiuwi ang karangalan ay nagsisilbing motibasyon at nagbibigaylakas sa tatlong atleta, kaya isinantabi nila ang kabang nararamdaman at nagsagawa ng kapansin-pansing galaw na keumgang performance na naging susi sa kanilang tagumpay.
Hindi rin nagpapatalo ang koponang STC at TNSHS sa pagpapakitang gilas sa pagtatanghal nang sabay-sabay na paggalaw.
‘‘Masaya kami matapos naanunsyo ang aming pagkapanalo dahil sa kabila ng paghihirap ay napalitan ito ng gintong medalya, kahit dalawang araw na lang ang natirang araw sa amin para maghanda ay nakayanan at nalagpasan pa rin namin ang aming mga kalaban at nagtagumpay,” pahayag ni Bea Roelle Acevedo, miyembro ng poomsae trio. Pagkatapos mapasakamay ng JPENHS ang tagumpay ay mas aasintahin nila ang paggawa ng malinis na pagganap upang maging handa sa susunod nilang laban sa Caraga Regional Athletic Meet.
ISPORTS

mula sa pahina 19 “Utak laban...”
Gayunpaman, sa mundo kung saan madalas na binibigyang-diin ang pisikal na kakayahan, ang pagkilala sa halaga ng mental na kasanayan ay nagtataguyod ng balanseng pag-unlad, pisikal man o intelektwal. Hindi lamang ito laro kundi isang paraan upang maipakita ang lakas ng loob, tiyaga, at kakayahang magisip ng estratehiya sa harap ng hamon.
Sa aking pananaw, mahalagang bigyang-pansin ang mga mind games tulad ng chess dahil nagbibigay ito ng oportunidad para hasain ng tao ang kanyang kakayahang mag-isip nang mas malalim at mas maayos.
Para sa mga kabataan, ang pagsali sa mga laro sa utak ay maaaring mapahusay pa ang mga kasanayan tulad ng memorya at pagsasagawa ng gawain, na sumusuporta sa epektibong pag-aaral.
Bagamat sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pagbibigay pansin sa mga mind games, inaasahan ko na sa mga susunod na mga taon pantay na ang pagkilala sa contact at mind games, sapagkat ito ay nagpapakita ng pantay na kahusayan at mga benepisyo sa bawat isa.
BOSES NG KABATAAN. SINAG NG KATOTOHANAN. isports editoryal DIBUHO • Louisse Peteros
Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Jacinto P. Elpa National High School Sekundarya Lungsod ng Tandag, Surigao del Sur, XIII - Rehiyon ng Caraga Tomo XXXII, Isyu Blg. I Agosto 2024-Abril 2025

SISTEMANG MAPAGLIMITA
Pagkitil sa potensyal ng atleta
Lumalaganap ang isyu ng pagtanggal ng ilang laro sa Tandag City Division Athletic Selection Meet, isang desisyong naglilimita sa oportunidad ng mga atleta. Sa halip na suportahan ang kanilang pag-unlad, ang kawalan ng suporta, tagapagsanay, at mapanlimita na patakaran ay unti-unting sumisira sa kanilang pangarap.
Lumalaganap ang isyu ng pagtanggal ng ilang laro sa Tandag City Division Athletic Selection Meet, isang desisyong naglilimita sa oportunidad ng mga atleta. Sa halip na suportahan ang kanilang pag-unlad, ang kawalan ng suporta, tagapagsanay, at mapanlimita na patakaran ay unti-unting sumisira sa kanilang pangarap.
Marami ang hindi sangayon sa pagtanggal ng ilang laro tulad ng Dance Sports, Swimming, at Lawn

Tennis dahil lamang sa sunod-sunod na pagkatalo ng mga atleta. Ang bawat laro ay isang oportunidad upang maipakita ang talento at kakayahan ng manlalaro. Ngunit sa pagtanggal nito, nawawala rin ang kanilang motibasyon upang magsanay at magtagumpay sa larangang kanilang minamahal.
Ayon kay Jp Perez, isang atleta ng Dance Sports, "Unfair kasi una sa lahat, ang Dance Sports ay may maliit na bilang ng guro na nagtuturo ng mga sayaw sa Dance Sports, so hindi talaga tayo
Mapanalasang Hampas
opinyon 18

nananalo kaya tinanggal ito and other sports." Ang patakarang kung walang medalya sa loob ng tatlong taon ay tatanggalin ang isang laro ay nagpapakita ng makitid na pananaw sa tunay na diwa ng isports. Ang isports ay hindi lamang tungkol sa panalo kundi tungkol sa pagpapaunlad ng talento, disiplina, at determinasyon ng bawat atleta. Pagkatalo ay bahagi ng proseso ng pagkatuto at pagpapalakas, kaya't hindi ito dapat maging dahilan upang ipagkait ang pagkakataon sa mga atleta. Sa halip na tanggalin ang mga larong hindi pa nagtatagumpay, dapat itong

Pawis at Panulat
bigyan ng sapat na suporta, tamang pagsasanay, at mahusay na tagapagsanay. Ang bawat atleta ay may pangarap, at ang sistemang pang-isports ay dapat maging daan upang matulungan silang maabot ito.
Ang isports ay hindi lamang isang libangan kundi isang mahalagang bahagi ng paghubog ng kabataan. Ito ay isang paraan upang malinang ang kanilang disiplina, kasanayan, at karakter. Sa halip na hadlangan, dapat itong palakasin at bigyang halaga. Dahil sa pagtatanggal ng isports, hindi lamang laro ang nawawala, kasama rin dito ang pangarap ng mga atletang nais umangat.
Silyado ang puwesto
lathalain 17
Tagumpay sa dalawang mundo
Hindi madali ang pagsabayin ang pagiging atleta at mamamahayag. Habang ang isa ay nangangailangan ng lakas at disiplina sa isports, ang isa naman ay humihingi ng talino at husay sa pagsulat. Ngunit may mga kabataang kayang itugma ang dalawang mundo, mga atletang mamamahayag na hindi lamang lumalaban sa laro kundi pati sa paghahatid ng balita
Isa sa mga kabataan ay si Brent Arthur Plaza, isang mag-aaral ng Jacinto P. Elpa National High School (JPENHS) na may mahusay na galing sa parehong larangan ng palakasan at pag-aaral. Bilang balibolista at manunulat, natutunan niyang bigyang-pansin ang mga bagay na mahalaga para sa kanya, na nagdulot sa kanyang tagumpay bilang honor student. Kamakailan lamang, nakuha niya ang pangatlong pwesto sa Regional Schools Press Conference (RSPC) na patunay ng kanya kahusayan at pagsisikap
sa sulat. Kinakatawan siya ng Tandag City sa kanyang unang Regional Meet sa Men's Volleyball kung saan nagkaroon siya ng karanasan makipagsabayan sa mga magagaling na manlalaro sa rehiyon. Bilang balibolista, ipinapakita niya ang sipag at galing sa bawat training at game. Ang kanyang pagod at pagsisikap ay nagiging susi upang makuha ang tagumpay na kanyang minimithi. Si Brent ay isang halimbawa kung paano maaaring pagsabayin ang pagiging matagumpay sa palakasan at
pamamahayag. Ang kanyang pagpupursige ay nagpapakita na ang mga hamon ay maaaring magsilbing lakas o pagkakataon para sa pagpapabuti ng sarili.
"You were born to win. But to be a winner, you must plan to win, prepare to win, and expect to win," wika ni Plaza. Sa kanyang patuloy na paglalakbay, umaasa tayong magiging inspirasyon siya sa mga batang tulad niya, mga atletang mamamahayag na kayang harapin ang hamon ng buhay, sa loob at labas ng court.