BILANG: Banaag Folio 2021

Page 1


Ang ating kinabukasan ay puno ng mga

Ang paglipas ng panahon ay inilalarawan

bagay na walang kasiguraduhan, at ang

ng pag-iba ng kulay ng langit at anggulo ng

tanging maasam na lang natin ay pagbago

larawan.

ng takbo nito. Bilang isang pahayagan, ang Banaag ay nakapokus hindi lamang sa pagsulat ng balita kundi pati na rin sa

pagbigay ng pag-asa sa mga mambabasa.

Ang

ay wala nang hinahawakan pang mas

sa

harap

ay

naglalarawan sa hinaharap. Iginuhit ito sa worm’s eye view upang maipakita ang nalagpasang mahirap na karanasan. Ito ang kinabukasan, at ang pagtalo natin sa mga suliraning

Ang mga nakadetalye sa larawang ito

pabalat

nag-aanyong

mga

ulap

ay

nagbigay-daan para makita ng mga tao ang araw. Samantala, ang pabalat sa likuran ay representasyon ng nakaraan at ngayon. Ang

malalim na kahulugan maliban sa kung ano

ating

ang nakikita ng mata. Kahit titingnan nang

problemang kinakaharap natin ngayon, at ito

magkahiwalay, ang pabalat sa harap at likod

ay dapat nating ituring na leksyong ating

ay

babalik-balikan

parehong

tumitingin

sa

halaga

ng

kamalian

darating

pagsusulat at pagkukuwenta.

pang

ay

upang mga

nagdulot

ng

mga

malagpasan

ang

problema.

Ang

makulimlim na tema rito ay metapora ng

Ang lahat ng nakalagay sa pabalat ay hango sa mga piyesang iyong mababasa sa folio na ito. Ang salitang “Bilang” ay may iba’t ibang

kahulugan.

Maaari

itong

maging

kasingkahulugan ng “numero” o hindi kaya ay ng iba’t ibang papel ng tao. Tunguhin ng larawan ang pagpapamalas ng papel ng

ating mga paghihirap at pinaghihirapan. Ito naman ay nakaguhit sa bird’s eyes view upang

ilarawan

ang

kababaan

o

ang

kahirapan.

Sa kabuuan, ang magkabilang pabalat ay kumakatawan

sa

ating

hinaharap,

kasalukuyan, at nakaraan.Ang mga nakasulat

isang manunulat ngayong may pandemya.

ngayon ay magsisilbing talaan ng nakaraang

Maitatangi rito ang epekto ng mga isinulat

makatutulong hindi lamang sa mga taong

ng may-akda sa kanyang mga mambabasa.

nabubuhay kundi pati na rin sa mga iluluwal

Gawain ng manunulat na maisalang sa

pa lang sa mundo. Katulad ng pabalat nitong

pakiramdam at panlasa ng mambabasa ang

folio, natitiyak na hindi matatakpan ng isa ang

iba’t ibang putahe ng karanasan. Sinisimbolo

kasama niya. Ito ay paalalang kahingian sa

naman ng mga papel ang bilang ng mga

atin ang magningning nang sabay-sabay. Ito

pangyayari, insidente, at pamamaslang na gumagambala kasalukuyan.

sa

pakiramdam

ng

ang liwanag na lulupig sa mga bagay na

walang kasiguraduhan at magtuturo sa atin ng tamang daan patungo sa hinaharap.


|

Isang iglap ng liwanag sa gitna ng karimlan

T.P. 2020-2021

Mga Mamamahayag/Taga-ambag



Dagli Bilang Mayaman Online Shop Abstrak Ang Dalawang Crisantemo at Pighati Isang Linggong Pag-ibig Plantito, Plantita Tunay na Kalaban Kathang Isip Ang Pag-aani Liwanag Katapusan Pikit-Mata Ang Makabago Isa, Dalawa, Tatlo Tagu-Taguan Estudyante, Anak, Bata Posporo Tequila Dura 140

1 2 3 4 5 5 6 7 8 9 10 10 11 12 12 13 13 14 14 15

Tula Saglit Kerubin Bulak Hanggang Kailan Neneng di ligaw Panibagong Umaga Ang Huling Bilin ng Mandirigma Huli na Pala Kuntento Saklolo

16 17 18 19 20 21 21 22 23 24

Maikling Kwento Malapitan Pagpanglat-as Kabalyerong May Puting Kapa

Sanaysay

Frontliners: Mga Bayani ngayong Pandemya

25 27 29 31

Guro 03:03

33


Ni Krysthea Charizze Abagon Kring! Kring! Kring! “Yaya Tes! Handa na ba ang pancakes ko?” “Opo, sir.” “Pakisabi sa driver na dadaan muna kami sa mall bago niya ako ihatid sa paaralan. Kailangan ko ng bagong cellphone. Naapakan ko kasi kagabi.” “Okay po, sir.” “Yaya Rita! Nakaalis na ba sina Mommy at Daddy?” “Kanina pa po. Iniwan po nila itong tatlong libong allowance niyo raw ngayong linggo.” “Ha! Ba’t tatlong libo lang? Hindi ba dapat limang libo ito? May iba pa ba silang sinabi?” “Wala na po. Sige. Aalis na po tayo, sir. Sir? Sir?” “Ronald! Alas-sais na.” “Hala! Ba’t nasira ‘tong Nokia ko?”

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 1


Ni Mark Francis Eusoya Malaki ang ngiti ni Miguel at payabang na kinakausap ang kaibigang si Kiko. “Alam mo, nakabili na ako ng mga kailangan ko para magawa ang aking proyekto mula sa online shop. Dalawang araw lang ang hinintay ko at ngayon makakapagsimula na akong gumawa. Ikaw, nandiyan na ba ang kailangan mo para magawa ang proyekto? Kung wala pa, bibilhan nalang kita sa online shop,” sabi ni Miguel. Nagulat na lamang siya nang sabihin ni Kiko na nagawa na niya ang kanyang proyekto. “Tapos ko nang gawin noong Huwebes pa ang aking proyekto. Binilhan ako ng Nanay mula sa mall malapit sa kanilang opisina.”

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 2


Ni Nicolle Angela Subong Unti-unting natitintaan ng pula ang kambas. Dapat natutuwa ako dahil ang ganda, pero ang sakit ng lalamunan ko. Ang pait ng dugo ay hindi ko na malasahan. Parang...parang... "Kuya! Ba't ka nagkaganito? Ma! Ma!" Nandito lang naman ako sa studio. Hindi naman ako lumabas. Paano?

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 3


Ni Ellen Faye Yabut Limang taon. Sinong mag-aakalang isang pananangis ang nag-udyok sa akin na bumalik sa bansa pagkatapos ng ilang taong pakikipagsapalaran sa lupang banyaga. Unti-unti kong nababanaagan ang pagbangon ng bayan mula sa bangungot na dala ng pandemya ilang buwan na ang nakaraan. Ngunit, wala na akong babalikan pa. Huling balitang narinig ko mula sa aking mga kamag-anak ay ang uha ni Tiya na nagpositibo si Inay at Itay sa COVID19. Nakalabas na sila ng ospital ngayon. Bago pa man makapasok sa pinarahan kong taxi, tinanong ako ni mamang driver ng aking paroroonan. Hawak ang dalawang puting crisantemo at mabigat na damdaming puno ng kapighatian at pangungulila, tumugon ako nang may panghihinayang. “Sa Manila North Cemetery Crematory po.”

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 4


Ni Nicolle Angela Subong "Maaari ba kitang maging kasintahan?" Aaaah! Sabi ko nang tanungin na niya ako pagkatapos naming lumabas ng ilang araw. Hindi ako makahinga sa kilig! Teka, hindi talaga ako makahinga. Sandali--

Ni Carlos Eusoya Ang itinanim ko’y begonia, ang sumupling ay nakalimutang alaala.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 5


Ni Bea Reyojoice Sendico Unti-unting nauubos ang bilang ng aking mga kasamahan dahil sa kalabang hindi namin mahagilap. Ang kalabang mas malupit pa sa mga bandido sapagkat wala itong pinipiling biktimahin; ang tinatawag na COVID-19 na siyang sumasakop sa bawat nayon at lungsod sa pamamagitan ng isang nakahahawang sakit. Sa ‘di-malamang dahilan ay ako na lamang ang natitirang pag-asa upang mailigtas ang mga tao bago pa mahuli ang lahat. Ako’y naghahanda na upang humanap ng lunas, nang may narinig akong isang malaking kalampag ng pinto. Akin sanang pupuntahan ang pinanggalingan ng malakas na tunog na iyon, nang biglang dumilim ang paligid. “Pedro! Pasalamat ka at pinatay ko lang ‘yang kompyuter mo! Sa susunod ay sisirain ko na iyan at ako na ang makalalaban mo!” wika ni ina na galit na galit.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 6


Ni Nicolle Angela Subong Nami-miss ko na ang mga kaibigan ko. Matagal na panahon na rin noong huli ko silang nakita. “Hoy, babae! Ilang buwan lang kami nawala, parang kinalimutan mo na kami, ah?”

Lumingon ako sa likod ko. Nandito na sila! Sige, labas na tayo-“Nak, inom ka na ng gamot mo.” Isa, dalawa, tatlo, apat...ang hirap lunukin. Sige Ma, babalik na ako sa mga kaibigan ko. Nasaan na kayo? Kanina nariyan lang... Hala...Iniwan na naman nila ako.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 7


Ni Altair Mizar Emboltura Panahon na naman para magtanim. Inihanda ni Cruz ang kanyang kagamitan. Apat na taon na niya itong ginagawa, kaya masasabing isa na siyang beterano sa trabahong ito. Siya muna'y nagmatyag sa kanyang paligid at nag-umpisang maglakad nang dahandahan palapit sa kanyang sakahan. Nang hindi namalayan ng sinuman ay may bigla siyang binunot mula sa kanyang tagiliran. Hindi ito palay sapagkat ito’y isang— Bang! "Sir, naitanim ko na.” Dumaloy ang pulang likido mula sa katawan ng kanyang biktima, at may tumalsik din sa sa kanyang asul na uniporme. Nakatanim ang bala sa puso at droga sa pitaka. “Sir, naabot na po natin yung kota.”

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 8


Ni Elisha Eusebio

“Pagod na pagod na ako. Hindi ko na talaga kaya. Ang sikipsikip na ng dibdib ko.” “Huwaaaaag! Kaya mo pa ‘yan! Lumaban ka!” “Nakikita ko na ang liwanag.” “Huwag kang ganyan. Hindi ka pa handa!” “Nasa takdang oras na ako.” “Joseeeeeeeee” “Bakit po inay?” “Patayin niyo na nga ‘yang ring light. Tiktok kayo nang tiktok eh, may pasok na kayo oh!”

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 9


Ni Sharlene Anne Belicena "Tapos na ang lahat! Tatapusin ko na ang lahat!" "Maawa ka! Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon." "Ilang beses na kitang pinagbigyan. Ngunit anong ginawa mo? Sinayang mo lang ito. Hindi mo lang ako pinaghihintay sa sagot mo, natutulog ka rin kapag nagsasalita ako.” "Eh kase may--" "Ayan ka na naman sa mga dahilan mo. Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago. Nauubos na rin ang pasensya ko."

"Pero, ma'am!" "Wala nang pero pero. Tapos na ang mga grado niyo, at bagsak ka sa markahang ito.”

Ni Jillian Pastrana Marso 13, 2020. Ito yung huling araw na aking nasilayan ang apat na sulok ng aming silid-aralan, 'di alintanang 'yun na rin ang huling araw na nakasalamuha ko ang aking mga guro at kaibigan. Pikit-matang nag-iisip, naglalaro sa'king isipan ang animo'y bangungot na dulot ng pandemya sa mundo. Ang noo'y payak na pamumuhay ay tila nabulaga ng isang mahika. Kailan ito matatapos? Hindi kayang maikubli ang sakit at hapdi, pinilit kong pigilan ngunit pumatak nang tuluyan ang kanina pang nangingilid na luha sa'king mata. "Ineng! Pakibilisan naman ang paghiwa ng sibuyas. Kanina pa’ko rito nagaantay at ako'y mag-gigisa na," sigaw ni Lola.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 10


Ni Carlos Eusoya Umugong ang makina sa harap ng binata. Tatlong browser ang nakabukas sa kanyang kumikislap-kislap na monitor. Nandidilat na ang kanyang mga mata habang sinisipsip niya ang kape. Bihasa siya sa pagmanipula ng imahe at bidyo. Kabisado niya ang mga diskarte sa paggamit ng search engine. Subalit hindi niya alam kung paano tapusin ang kanyang takdang aralin. “Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa Kimika. Ilagay ang sagot sa sangkapat na papel.” Halos umiyak na siya. “‘Tay Carding,” tawag niya sa kanyang lolo. “Pa’no po sumulat sa papel?”

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 11


Ni Ren Marc Tobias Palagi kaming magkasama ni Teddy sa paglalaro. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan. Pagsapit ng alas tres ng hapon, kami ay nakapuwesto na sa ilalim ng puno ng akasya. Dali-dali kaming naglaro ng Jack En Poy. Ako ang taya. “Pagbilang ko ng tatlo, nakatago ka na! Isa… dalawa… tatlo!”

Nang nagsimula akong naghanap kay Teddy, mabilisan kong narinig ang mahina niyang tawa. Tinunton ko ang pinanggalingan nito. Dahan-dahan kong binuksan ang kabinet. “Huli ka!” Humalakhak kami ni Teddy sa tuwa. Nais ko pang maglaro at tumawa kasama niya sa susunod na mga araw. “Sana gumising ka kaagad,” malungkot kong sabi kay Teddy na nakahiga at ‘dimakagalaw.

Ni John Earl Setias "Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng sampu, nakatago na kayo." "Isa. Dalawa. Tatlo..."

"Apat. Lima. Anim." Patuloy ang laro habang ang atensyon ng mga magulang ay nakatuon sa iba. Mistulang nakatago na at hindi mahagilap ang lahat sa kanila. "Pito. Walo. Siyam." Samantala, dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ng taya. Nanatili akong tahimik, tinitiyak na hindi niya mahahalatang may katabi siya. "Sampu!"

“Huli ka!" sambit ng bata pagmulat pa lang ng kaniyang mga mata. "Mali. Huli ka," bulong ko at dali-dali ko siyang hinatak papasok sa sasakyan, nagbabakasakaling walang makakakita. Tuluyan na kaming nakaalis nang walang anumang naiwan maliban sa mga batang patuloy na nagtatago at naghihintay na mahanap ng kanilang kalaro.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 12


Ni Mary Therese Holipas Bumuntong-hininga si Elena habang sinasara ang kaniyang laptop. Agad nitong inayos ang kanyang mga gamit pampaaralan at humiga sa kaniyang kama. Pipikit na sana siya upang tuluyang makapagpahinga nang marinig nito ang makina ng isang sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Nakatunganga at nakiramdam ng mabuti si Elena habang nakahiga. Napaisip din siya kung siya ba ay bababa na o magpapakipot pa nang kaunti. Nang bumukas na ang pinto ng kanilang salas, siya ay mabilisang tumayo mula sa pagkakahiga at kumaripas pababa. Natigilan siya sa kanyang nadatnan... “ELENA! DIBA BILIN KO SA’YO MAG-SAING KA? MAG-AALAS SIYETE NA!”

Ni Hannah Angelica Gerona Walang patawad ang amihan sa mga pulubing tulad ni Rosa. Ang tanging suot niya ay punit na damit at ang tanging kama niya ay ang matigas na kalye. Nagdedeliryong binilang ng bata ang mga natirang posporo sa kanyang kamay. “Hoy, sinabing huwag kang tumira sa labas ng bahay ko! Ang baho!” Sigaw ng isang lalaki. “Kawawa naman,” bulong ng kanyang asawa. “Hindi magtatagal ng tatlumpung minuto ang mga hawak niyang posporo,” wika nito bago tumawa at pumasok sa kanilang garahe. Kinaumagahan, ibinalita ang isang sunog na nagdulot ng pagkasawi ng isang mag-asawa at isang babaeng hindi naman nila kamag-anak. Tumagal ito ng limang oras. Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 13


Ni Nicolle Subong Nakakasilaw ang mga ilaw. Sige! Isa pang shot, pare!

Ah, ang sakit ng ulo ko. "Ba't ka ubo nang ubo, pardz? Nasobrahan ka ba kagabi? Haha-- Pardz, uy! Gumising ka!" "Sir, nasaan ka noong huling 14 na araw?"

Langhiya. Pwede bang isang shot pa?

Ni Nicolle Subong Nakaiinis naman ng kustomer na ito. "Pwera walang mask, hindi na pwedeng bumili ng alak? Bwisit. Pweh!" Kadiri. Parang lalagnatin ako. Sige lang, isang oras lang naman hanggang-"Uy, Juan! Anong nangyari sa'yo? Boss, si Juan hinimatay!" Bakit ako? Nag-ingat naman ako? Bakit hindi silang mga nagpapabaya at kung saan-saan at kani-kanino nakikipagsalamuha?

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 14


Ni Nicolle Subong Isang talata na lang at… "Your tweet has been sent!" Pero bakit humantong sa ganito? "Inaaresto ka sa salang paggawa ng mga aksyong panterorismo."

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Dagli | 15


Ni Eunice Maravilla Isa Nakita kitang mag-isa, Sa kawalan nakatunganga Na tila bang may iniisip kang, Mas malalim pa sa aking inaakala.

Dalawa Dalawang oras ka na nariyan, At dalawang oras na rin kitang minamasdan. Gusto sana kitang puntahan Kaso natatakot akong, ako’y iyong talikuran. Tatlo Tatlong hakbang nalang Bago ako mapalapit sa ‘yo ng tuluyan. Ngunit sa ikalawang hakbang ko, tila gumuho ang aking mundo. “Hindi kita kailangan”, ‘yan ang saad mo. Apat Apat na sulok ang sati’y nakapalibot, Apat na tanong din ang aking gustong masagot. “Saan ba nagsimula?” “Kailan ba nagsimula?” “Hindi ko pa ba naibigay ang lahat?” “Ako ba’y hindi pa rin sapat?”

Lima Limang araw na ang nakalipas, Limang araw na rin tayong nagkikita ng madalas. Ngunit, ako pa rin ay naguguluhan, Ano ba talaga ang iyong nararamdaman? Anim Anim na beses kitang tinanong ng masinsinan, Ngunit anim na buntong hininga lang ang aking nadatnan. Ano nga ba talaga ako sa iyong paningin? Isa lang ba ako sa iyong mga bituin? Pito Pitong gabi na ang nakaraan simula nung ika’y nangako, Ngunit ang mga luha ko ngayo’y hindi pa rin natutuyo. Ano pa ba ang kailangan para aking mapagtanto, Na hindi nga talaga ako ang para sa iyo. Walo Walong buwan na ang nakaraan Ikaw pa rin ang aking buwan. Dahil alam kong ika’y palihim, Na nagbibigay ng liwanag sa aking dilim.

Ngunit kagaya na lang ba ng araw at ng buwan, Palagi tayong maglalaro ng habul-habulan? Pagbigyan naman sana kahit sa huling sandali, Masilayan ko man lang ang ‘yong mga ngiti.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Tula | 16


Ni Carlos Manuel Eusoya Wumagayway ang bagwis, at tumugtog ang alpa sa kalangitan, habang ang lupa’y naging hardin ng kamandag.

Hawak ang sandatang Caduceus, siya’y dumulog sa mga sanggol. Ang kanyang balabal ay kasimputi ng bituing kumukurap.

Mukha’y ikinubli ng maputlang tela, at pakpak ay itinahi mula sa balahibo’t sakripisyo. Ang boses niya’y mahabaging kundiman sa pananangis ng nasaktan at masasaktan. Pero paano kapag siya ang hinatulan, kapag ang kanyang maskara’y binutasan, ang balahibo’y malugon sa kalayo,

at ang kundiman ay naging oyayi? Kapag ang ulap ay hihiyaw ng peste, at ang himpapawid ay nakoronahan, tila ba ang langit ay naging impiyerno? Paano kapag ang mga anghel ang tumikhim at ang linyang kinumpuni ng kerubin sa harap nating mga sanggol ay unti-unting lalagas

at babagsak?

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Tula | 17


Ni Elisha Eusebio Nagsugod ka nga binhi,

Pero ngaa sa imo pagpamulak

nga sa duta ginbuhusan sang tubi.

ang palibot mo nagkalawasak?

Wala sing ideya kon ikaw bala mabuhi

Ang mahamot mo nga mga bulak

sa tiyempo nga panari-sari.

rason para ang iban magpalak.

Naglabay ang pila ka adlaw,

Indi bug-os nga maintindihan

may berde nga gulpi nagtuhaw.

kon ikaw bala dapat nga ginbunyagan

Nag-amat-amat na ikaw

kay sa imo nga pagtubo sa kadutaan,

nga magpakita sa adlaw.

linog kag bagyo ang nalambutan.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Tula | 18


Ni Karl Francis Tamayo Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa ring natatapos sa dalanging grado ay tumaas. Pag-iisip ay kumakapos.

Ang oras sa gabi ay hindi na masundan.

Nakatitig sa papel na blangko

Nagsusumite ng gawain kahit palubog na ang buwan.

dahil ang isip ay naiilang. Mga tanong na hindi alam kung paano...

Ang pagtulog ay lagi na lamang kulang.

Mga gawaing hindi mabilang...

Papasok sa umaga na walang laman ang tiyan.

Dagdagan pa ng internet na hindi maaasahan.

Ang mga araw ay hindi pa rin bilang

Google Meet Link na hindi alam kung nasaan. Naiinip at umiiyak nang walang dahilan. Modyul na ‘di-natapos kaya't nahihibang.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

kung kailan ba muling masusulyapan, nasasabik nang makita ang mga kaklaseng may pagkakaibigang hindi makalilimutan.

Tula | 19


Ni Kathleen Aligaen Sanggol na isinilang sa mundong walang muwang,

Si Nene ay nagsumikap makapagtapos ng elementarya,

lumaki sa aruga't pagmamahal ng mga magulang.

upang sa pinapangarap na eskwelahan siya'y mapunta.

Ligaw kung bansagan niya ang kanyang sarili,

Ginawa ang lahat ng kanyang makakaya,

sapagkat hindi alam ang madadatnan sa huli

at sa huli si Nene ay naging ganap na iskolar na.

Ngunit nang ang mga bituin sa kalawaka'y pinagmasdan,

Ngunit pangarap ni Nene ay hindi nagtatapos diyan,

mga pangarap ay unti-unti niyang napag-iisipan.

sapagkat kanyang layunin ay maglingkod sa Inang Bayan.

Binaliktad ni Nene ang damit at nagmuni-muni,

Kapwa niya Pilipino’y matuwid na pagsisilbihan

tumayo't sa daan ay lumakad nang mabuti.

upang kaunlaran ay makamtan ng kanyang bayang tinubuan

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Tula | 20


Ni Ellen Faye Yabut

Sigurado na ba

ang pagbangon kung ang mga isipang noo’y natutulog ay gising na mula sa sukdulang taóng bangungot?

Ni Ellen Faye Yabut Sa wakas, ako’y makapagpahinga na rin kasama ang aking mga kaibigang nauna, at ang mga kaluluwang hindi ko nailigtas. Ipagpatuloy ninyo ang laban, aking mga kababayan.

Ang taos-pusong naglilingkod,

Frontliner. Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Tula | 21


Ni Clark Angino Magada Mayroon akong kaibigan Busilak na puso, at kay ganda

Kung sya ay titignan mo Walang kang makikita kundi saya Nalalapit na ang pebrero

Damdamin ko’y sumisigaw na Ngunit nang bumati ang balita Dadamin ko’y lumipad na Mayroon pala syang sikreto Rason kung ba’t mukhang masaya Mayroong tinatagong dalamhati Ang mga araw niya’y bilang na pala

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Tula | 22


Ni Jemiah Ashelle Grace Vasquez

Isa, isang taong pagdurusa.

Apat, apat na tao.

Hindi matapos-tapos na problema.

Nasa isang kwarto.

Maraming buhay na ang nawala.

Ang isa’y nakaratay, inaalalayan ng tatlo.

Hindi na ba natin mapipigilan ang pandemya? Dalawa, dalawang linggong kwarantina.

Lumipad galing sa ibang bansa, Umuwi, nagbakasyon, o natapos ang kontrata. Labing-apat na araw bago makauwi sa pamilya. Tatlo, tatlong tao. Hindi magkakilala, sadyang pinagtagpo.

Lahat ay wala sa plano.

Bawat isa’y may takip sa ulo. Lima, limang buwan ng klase. Naninibagong mga estudyante.

Modyul dito, doon, sobrang dami! Walang ibang magawa, dyahe! Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Mga pangyayari sa gitna ng pandemya. Ilang milyon na ang nawalan ng kapamilya?

Hindi ka pa ba kuntento sa resulta?

Sa ospital na inabot ang dulo.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Tula | 23


Ni Ellen Faye Yabut

Saklolo! Ang bawat sandali ay isang laban ng buhay. Palimos ng isang kapiraso ng inyong karangyaan bago pa kami malagutan ng hininga. Masdan mo ang nasa ibaba ng hagdan. Kung may napag-iwanan kang kababayang sikmura’y kumakalam at katawa’y nangangayat, dinggin mo ang nakayayamot na hilak-hilak ng iyong pinaglilingkuran. Subalit napagtanto ng nauuhaw kong isipan: Likas ba na mabisa ang mapanglaw na bilang ng mga sigaw o ang nakalulumbay na bulahaw

kung ang pinariringgan ay nagbibingi-bingihan?

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Tula | 24


Ni Mary Antonette Cuachon Si Tina ay isang dalagang mabait, responsable, at higit sa lahat, palakaibigan. Siya ay hindi mahirap lapitan at kausapin kaya naman ay marami siyang naging kaibigan sa kanyang paaralan. Siya rin ay isang masayahin at palabirong dalaga. Palagi niyang suot ang kanyang ngiti saan man siya magpunta. Hindi siya nakikitang malungkot o nakasimangot. Minsan niya lamang pinapabatid sa kanyang mga kaibigan ang mga problema niya. Isa siya sa mga mag-aaral na naapektuhan ng pandemya. Hindi siya nakapagpaalam nang maayos sa kanyang mga kaibigan dahil akala niya ay hindi naman ito magtatagal. Mahigpit ang mga patakaran para sa kaligtasan ng lahat, dahil ang sakit na naging pandemya ay madaling kumalat at makaapekto sa kalusugan ng iba. Kaya, ipinagbabawal muna ang paglabas ng mga tao sa kanilang mga tahanan maliban sa mga may mahahalagang transaksyon. Nasasabik na si Tina na makipagkita at makipagtawanan kasama ang kanyang mga kaibigan, dahil halos isang buwan na niya silang hindi nakikita. Mayroon din naman silang social media accounts kung saan pwede silang mag-usap o mag- chat, ngunit minsan na lamang nila ito ginagawa. Bilang pampalipas-oras, nanonood si Tina ng mga palabas sa telebisyon, nagbabasa ng mga libro, at nakikinig sa iba’t ibang musika. Tinutulungan niya rin ang kanyang mga magulang sa mga gawaing-bahay. Naging mabilis ang takbo ng panahon at ang isang buwan ay naging anim. Hindi pa rin nasosolusyunan nang maayos ang krisis at dahil dito, nanatili pa rin sa kanikanilang mga tahanan ang lahat. Naging mas mahigpit na rin ang mga patakaran tungkol dito. Naging mabigat din ang mga nagdaang araw para kay Tina. Maraming tao na ang naapektuhan at patuloy na naaapektuhan ng pandemya at isa ang kanyang pamilya sa mga mapalad na ligtas pa rin mula rito. Ngunit hindi niya maiwasang matakot posibleng mangyari sa kanyang pamilya at sa ibang tao rin. Nalulungkot din siya dahil hindi na sila sa kanya. Bukod dito, hindi rin niya nakakapag-usap ng kanyang mga kaibigan. Isang araw, habang nanonood si Tina ng kanyang paboritong palabas sa telebisyon, may lumabas na notification sa kanyang telepono. Nakatanggap siya ng isang mensahe mula sa kanyang kaibigan. Agad niya naman itong binuksan at binasa. “Tina! Kamusta ka na?” wika ni Freya, isa sa mga kaibigan ni Tina. Natigilan si Tina nang nabasa niya ito. Hindi niya inakalang mayroon pa pala siyang kaibigan na nakaaalala sa kanya. Bukod dito, hindi rin niya inaasahang makatanggap ng mensahe mula kay Freya. “Mabuti naman, Freya! Ikaw? Kamusta na?” tugon ni Tina. “Heto, maganda pa rin! Hahahaha!” pabirong sagot ni Freya. Napatawa si Tina dahil sa sagot ni Freya. Biglang gumaan ang pakiramdam ni Tina at tila lumiwanag ang kanyang araw. Halos bago sa kanya ang pakiramdam na makatanggap ng mensahe mula sa kanyang kaibigan. Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap at hindi namalayan ni Tina na halos pitong oras na pala silang nag-uusap. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi dahil inabot na sila ng gabi. Marami silang naibahagi sa isa't isa katulad ng mga bagong palabas na napanood nila at ang mga gusto nilang gawin kapag matapos na ang pandemya.

“Tina! Magsaing ka muna!” Sigaw ng nanay niya mula sa labas ng kanyang kwarto.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Maikling Kwento | 25


Ayaw mang putulin ni Tina ang kanilang usapan ni Freya, ngunit kailangan niya ring sundin ang utos ng kanyang ina at para na rin makapagpahinga mula sa paggamit ng kanyang telepono. “Freya, hanggang dito lang muna kasi may kailangan pa akong gawin. Hanggang sa muli!” masayang paalam ni Tina.

Doon natapos ang pag-uusap nila ni Freya sa gabing iyon. Nagsaing si Tina at tinulungan ang kanyang ina sa pagluto ng hapunan. Naging masigla siya buong gabi dahil ay may kaibigan siyang nakausap pagkatapos ng mahabang panahon. Nang binalikan niya ang kanyang telepono, bigla siyang napangiti sa nabasa niyang mensahe mula kay Freya. “Sige. Sa susunod naman! Kausapin mo ako kapag kailangan mo ng kausap o kahit kakulitan! Hahahaha”

Kakaibang kasiyahan ang naramdaman ni Tina. Iyon lamang ay maliliit na mga salita para sa iba ngunit ito ay may malaking halaga para sa kanya. Mula noon, naging mas malapit sina Tina at Freya sa isa’t isa. Palagi silang nagkakamustahan at nagkukulitan. Marami rin silang sikreto na naibahagi sa isa’t isa. Naramdaman niya rin na masaya si Freya sa pakikipag-usap sa kanya. Hindi dadaan ang isang araw na hindi sila nag-uusap. Napagtanto ni Tina na mayroon pa rin namang tao na nagmamahal sa kanya bukod sa kanyang pamilya at mula sa napakarami niyang kaibigan, nalaman niya kung sino ang totoo. Ngunit biglang naputol ang kanilang komunikasyon. Dumaan ang isang linggo na hindi sila nakapag-usap. Labis ang pagtataka ni Tina kaya naman ay pinadalhan niya ito ng mensahe. "Freya!!! Hindi mo ba ako nami-miss? Hahaha!"

Hindi si Freya nakatugon kaagad. Akala naman ni Tina ay wala silang internet sa kanilang lugar kaya hindi niya ito masyadong inisip Pagkalipas ng tatlong araw, nakatanggap ng mensahe si Tina galing kay Freya. Ikinatuwa naman niya ito. “Magandang umaga, Tina! Ako nga pala ang nanay ni Freya, at ako ang nagsusulat ng mensahe sa iyo ngayon. Hindi ko man gustong sirain ang araw mo ngunit kailangan mo itong malaman. Naging masaya si Freya sa pakikipag usap sa iyo sa nakaraang mga buwan. Palagi ko siyang nakikitang nakangiti sa kanyang telepono, at masaya rin akong nakikita ang aking anak na nakangiti. Ibinabahagi rin niya sa amin tuwing hapunan ang inyong napag-uusapan katulad ng lugar na gusto niyong puntahan pagkatapos ng pandemya. Gusto kitang pasalamatan sa kasiyahan at oras na binigay mo sa aking anak. Hindi ko alam kung paano pa madidiinan ang pagpapasalamat ko sa iyo, pero sana ay alam mo na isa ka sa mga taong nagbigay ng pag-asa kay Freya na mabuhay.” Unti-unting kumupas ang ngiti sa mukha ni Tina, habang patuloy ang kanyang pagbabasa. “Noong bata pa si Freya, mayroon siyang sakit sa puso at lumala ito ngayong pandemya. Naging bilang na lang ang buwan na mabubuhay pa siya, at alam kong masaya siya hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay dahil sa iyo. Pumanaw na si Freya noong nakaraang linggo. Nais niyang malaman mo na mahal na mahal ka niya bilang kaibigan at naging mahalaga ka sa kanya. Sana ay makaabot ang mensaheng ito sa iyo at maraming salamat muli, Tina.” Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Tina. Hindi niya aakalaing mawawalan siya ng kaibigan lalo na sa panahong iyon. Hindi naging madali kay Tina ang pagtanggap sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan. Halos araw-araw siyang umiiyak dahil dito.

Makalipas ang dalawang buwan, unti-unting nakawala si Tina sa nararamdaman niyang kalungkutan. Napagtanto niyang naging malaking parte rin si Freya ng kanyang buhay. Nais din niyang maging masaya si Freya saan man siya ngayon. At kahit kailan, hindi niya malilimutan ang kanyang masasayang alaala kasama ang matalik niyang kaibigan.

Isang Iglap sa Gitna ng Karimlan

Maikling Kwento | 26


Ni Carlos Eusoya Gaalay na ang akon tiil sa sigi ka lakat pakadto-pakari sa munisipyo sang Jaro. Apang ang adlaw daw gapanunlog sang iya nga makapalaso nga init. Wala man gid bi sing naga-agi nga dyip sa siyudad. Amat-amat pa lang ang pagbalik sang tradisyunal nga mga salakyan sugod sang nagpamahug ang pandemya. Kaisa lang magduaw ang mga taxi kag mapilitan ka gid nga gamiton ang imo duwa ka dapadapa. Tani gindasig-dasig ko man gawa ang pag-place order sang computer ink nga ini. Sold out na galing sa Shopee kag Lazada. Wala man ako dayon sang nakita sa bartering community namon sa Facebook. Sige na lang gani, lapit naman ako. Kinse minutos siguro kag ara na ako sa mall. Naagyan ko ang Romanesque nga katedral kag ang Jaro Plaza sa atubang lang. Puno sang mga nawad-an. May isa ka debotado nga mal-am nga nagapangadi. May mga pobre man nga imo maluoyan kag hatagan sang piso. Pero may ara pa gid nga mga nagapamilit nga mga manogbaligya. Pursigido gid nga mangumbinsi para mamakal ikaw sang muwebles para sa balay, mga prutas, kag pamahaw. Mapalapit sila sa imo, bisan wala na “6 feet, 6 feet”. May mga salawayon gid nga indi kaintindi sang social distancing. “Bakal kamo! Bakal kamo! Bingka di ho, mainit-init pa. ‘To, ‘to, bakal di bala sang amon bingka ho,” hugyaw sang babayi nga manogbaligya. Dali-dali ako naglikaw. Wala man sing may nagasapak sa iya ginputos nga merienda. Gamay lang ang unod sang iya kahita. Mahimo gid nga masaylo siya sa iban nga banwa sa sunod semana. Nomadic daan ang wala kinitaan nga mga manogbaligya. Sang nalutsan ko na ang makaulugot nga babaye, gulpi man nagdalagan pakadto sa akon ang isa ka bata samtang nagapinadayaw sang iya baligya. “Uga di! Uga! Maasin gawa pero kabulusog. Nong, tistingi ni bala, Nong ho.” Nairitar ako sang iya pagpamilit. Ngaa man bi gastuson ko gid ang akon kuwarta sa ginbulad nga isda nga ginbubudan sang asin? Ginwahig ko lang ang iya kamut kag nagsigi sa paglakat. Amo ini siguro ang pang-adlaw-adlaw nga itsura sang mga nawad-an sa Jaro. May mga manugbaligya sang kon ano-ano lang. Matuod nga may mga nagabakal sa ila, pero kon ako lang, mabakal ko iya online. Dasiganay ang pag-order. Kon gusto mo bayo, indi mo na kinahanglan nga maglibot-libot pa sa siyudad kag mang-ukay-ukay. Kon nagutom ka, pa-deliver ka lang kaangay sa amon. Indi na maalayan ang mga tiil mo, namit pa ang kaon mo. Wala man ako nagasiling nga puro pobre ang nagatipon sa plaza. May ara man naga-“meet up” nga mga online seller kag shopper kaangay sa akon. Diri kaisa ginakuha ang mga tanum nga ginbakal. May ara nga makuha sang matahum nga chrysanthemum, may ara man nga nagayuhum samtang bitbit ang lain-lain nga duag sang philodendron. Nami gid iya kon online ang transaksyon kag pagbaklanay. Wala sing may nagapamilit! Isa ka oras kag nakalampuwas na ako sa mall bitbit ang akon ink. Ginpalapitan liwat ako sang bata. “Nong, Nong, sigi na bala, Nong. Basi wala man kamo sud-an. Kon gusto mo man mamahaw, may ara ‘bingka ang Nanay ko.” Matapos manghakruy, ginhatagan ko siya pulo ka piso. “Sin-o pa gid, ‘Noy sa imo pamilya ang nagapamaligya sang barato nga baraklon?” May kaluoy kag yubit ang akon paghambal. Gintudlo niya ang direksyon sang simbahan. Akon nakita liwat ang mal-am nga nagapangamuyo sing malig-on. Ginkuot niya ang dalag nga kandila sa bulsa kag ginsindihan. Nagpanalingsing ang kalayo sang kandila kag naglapta ang aso. Nanguros ang mal-am kag nagtango-tango asta Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Maikling Kwento | 27


nagtululo ang iya luha. “Si Lolo, gabaligya man siya sang kandila.” “Ini ho, hatagi si Lolo mo sang duwa ka gatos. Sige na, pauli na.” Malakat na tani ako pakadto sa parking lot para magbantay sang dyip, pero ginlagas ako sang nagapiang-piang nga mal-am. Nagbalikid ako sa iya. “To, ano gani ang imo ngalan?” Maaskad ang iya tutunlan, apang ginpilit niya nga maghambal. “Berto, ‘Tay,” malip-ot ko nga sabat. “Ini ‘To, ho,” hambal niya samtang ginahatag niya sa akon ang isa sa mga inogbaligya nga kandila. “Dali, dali, may ‘bingka man kami. Law-ay man nga hatagan mo lang kami sang duwa ka gatos kag wala ka man sang may nabakal. Dali.” “Sige lang ‘Tay, ah.” Nangindi ako pero padayon siya nga nagpamilit. “Indi man gid ini malawig. Putsan ka man lang namon sang ‘bingka. May kutsinta man si Fatima. Kuhaan ka man namon para may dal-on ‘kaw nga pamahaw pagpauli mo.”

Nagsunod ako sa iya pabalik sa plaza. Dali-dali nga nagpalapit ang babaye nga manogbaligya sa iya amay. “Hay, ‘Tay, wala gid sing nagbakal. Mayad pa ang nagapamaligya bulak sa online nga ina. Dasig lang ila kita!” “Sige lang, Fatima, pangumbinsi lang to anay. Ari ho, may duwa na kita ka gatos. Bruno, putsi anay si Berto sang ‘bingka. Dasig.” Sako sa pagpamutos ang pamilya sang gin-istorya ko ang lolo. “‘Lo, wala man sa panghikay, pero ngaa nga ginasigi niyo pa ang pagbaligya sang bibingka, kandila, kag uga kon wala man lang gid sing may gabakal?” Nagkusmod ang mal-am. “Para man ini sa bwas-damlag sang amon pamilya. Si Bruno nga ina, nag-untat sa pag-eskwela. Handum niya man tani mangin doktor. Grade 3 na siya tani subong. Si Fatima dayon nagabatyag. Wala lang niya ginapakita pero gapalanakit ang iya tul-an. Ti ano amon nga buhaton kundi mamaligya? Indi man gid kami maalam sa cellphone. Huo, imol kami, ti wala kami may nahibal-an sa online nga transaksyon nga ina. Mas nagustuhan ang paagi nga ina sang mga tawo subong kay matum-ok lang sila sang cellphone. Maabot lang dayon sa ila ang balaklon. Ti kundi nabilin kami nga dumaan nga mga manogbaligya diri sa kilid dalan.” Nagduko ako. Nahuya ako sa akon kaugalingon. “Sigi lang, bal-an ko man nga pagbalik sa normal kag pagtapos sang Covid nga ini, may mabakal man siguro sa amon liwat. Kon indi, masaylo lang kami. Basi sa sunod nga semana, sa Mandurriao ukon sa Molo na kami. Amo man gid na kami nga mga pobre, pasaylo-saylo.” “‘Lo, matapos man ang Covid, anad na ang tawo sa online nga pamaagi. Indi na nila gustuhon pa magtaris sa init. Mapatawhay na sila. Pero basi pwede man kamo mag-online selling? Pangita lang kamo sang nami nga inogbaligya, tapos mabulig ko mag-set up sa inyo sa Shoppee or Lazada, indi gani sa bartering community sa social media.” “Wala man sa amon sang sagad sa amo na, ‘To. Mabuligan mo kami sa umpisa, pero indi man namon mahuptan. Mangita lang kami sang paagi ah.” Ginpahiran niya ang iya mata sang nag-abot si Bruno dala ang naputos nga pagkaon. “Ini ang imo pamahaw ho. Sigi, salamat kag halong.” “Halong man, ‘Lo.” Nagpanaw na ako pakadto sa parking lot. Nagatunod na ang adlaw kag nagustuhan ko ang pagdapya sang hangin. Naagyan ko liwat ang katedral. Gamay lang ang mga tawo. Ginkuot ko ang kandila nga ginhatag ni Lolo. Dalag ang duag. Akon ini ginsindihan matapos manguros. Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Maikling Kwento | 28


Ni Ansley Joyce Sendico “Dok, may pasyenteng kararating lang at kinakailangang operahan,” paalam ng nars kaya dali-dali akong naghanda at dumiretso sa operating room. Hatinggabi na ngunit hindi maubos-ubos ang aking mga pasyente na kailangang operahan. Ngunit pagpasok ko pa lamang sa loob ng silid ay bigla rin akong napatigil. Ang pasyenteng nag-aagaw buhay habang nilalagyan ng napakaraming aparato ay siyang aking pinakamamahal. Ang babaeng tangi kong minahal mula pagkabata hanggang ngayon. Nakita kong dumilat ang kanyang mga mata at nang ako’y kanyang nakita ay lumiwanag ang kanyang mukha na parang nabuhayan siya ng loob kahit na siya ay namimilipit sa sakit. Bigla akong napaatras sa aking nalaman at napuno ng takot ang aking kalooban. “Hindi ko ata kaya. Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi kita kayang iligtas? Paano kung..” Punong-puno ng alinlangan ang aking isip at tila hindi ko na alam ang aking gagawin

“Dok, ikaw lamang ang maaaring mag-opera sa pasyente sapagkat okupado ang iba nating mga doktor at isa pa, ikaw ang pinakamagaling na doktor sa puso dito sa bansa,” wika ng isang nars at ibinigay sa akin ang panistis. Naguguluhan man sa kung ano ang dapat kong gawin ay tinanggap ko ito kahit nanginginig ang kamay ko. “Ernesto..” mahina man ay klarong-klaro sa aking pandinig ang pangalan kong binanggit ng babaeng nag-iisa sa aking puso. Ngumiti siya nang napakamatamis at sinabing “Natatandaan mo pa ba ang sinabi mo noong mga bata pa tayo?” “Clara! Bakit umiiyak ka na naman nang mag-isa rito sa palaruan? Kanina ka pa hinahanap ng mga magulang mo,” tanong ko sa aking kababata na nakaupo sa buhangin at nagmumukmok. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at nakita kong lumiwanag ang kanyang mukha nang mahagilap ako ng kanyang maliit at namumulang mga mata na tila nakahanap na siya ng kakampi. “Ernesto!!” sigaw ni Clara at dali-daling tumakbo papunta sa akin. “Teka, Clara! Huwag kang tumakbo!” paalala ko at sinalubong si Clara na humahangos at ang isang kamay ay nakalagay sa kanyang puso.

“Ernesto! Inaway ako ng mga bata kanina dahil hindi ko raw kayang tumakbo nang matagal at mabilis. Mahina daw kasi ang puso ko,” hagulgol niya ulit. “Tahan na. Tahan na. Huwag ka nang umiyak. Nandito na ang kabalyerong may nagningning na kasuotan upang iligtas ang mahal na prinsesa!” “Ernesto naman eh.” “Hayaan mo paglaki ko, magiging pinakamagaling na doktor ako sa puso tapos gagamutin kita at sabay tayong tatakbo nang napakamabilis paikot sa mundo,” pagmamalaki ko sabay hawak sa kanyang maliliit na mga kamay. Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Maikling Kwento | 29


“Talaga?” “Oo naman, kaya huwag ka nang umiyak.” Idinampi ko ang aking kamay sa kanyang malambot na pisngi at pinahiran ang mga luhang tumakas sa kanyang mga mata. “Kung natatakot ka naman, magbilang ka lang hanggang sampu at sasagipin kita. Pangako iyan.” “Isa ka nang kabalyerong nakasuot ng puting kapa.” Napatingin ako kay Clara dahil sa kanyang sinabi. “Humihingi muli ng tulong ang iyong prinsesa. Maaari mo ba akong sagipin, Dok?” “Clara…” Hindi ito ang tamang oras upang mag-alinlangan. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mailigtas ang aking prinsesa. Sinenyasan ko ang mga kasama ko sa silid na magsisimula na ang operasyon at sumang-ayon naman sila. “Isa… dalawa…tatlo….” bumalik ang tingin ko kay Clara na nakapikit at nagbibilang. Hindi na niya natapos ang pagbibilang at nawalan na ng malay dahil sa anaesthesia. Natatakot ang mahal ko ngunit tulad ng pangako ko ay sasagipin ko siya at sabay kaming tatakbo paikot sa buong mundo. Ililigtas kita, Clara. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras at nalaman ko na lang na parang gumaan ang aking pakiramdam sapagkat nasa mabuting kalagayan na si Clara. Ngunit may isang bagay yata akong nakalimutan. Ako’y kabalyero lamang na nais sagipin ang prinsesa. Ang pagtakbo sa buong mundo ay tila aking simpleng pangarap na hindi maaaring matupad. Tila bumalik ako sa huwisyo nang may lalaking nakasuot ng Amerikana at halatang nagmamadali ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng silid.

“Dok! Kamusta ang asawa ko? Kamusta si Clara?” Ah, oo nga pala. Isa lamang akong simpleng kabalyero at sa aking harap ang siyang prinsipe ng pinakamamahal ko.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Maikling Kwento | 30


Ni Kaizen Jame Noong Marso 2020, isang malaking pandemya ang tumama sa buong mundo. Isang nakakamatay at nakakahawang virus ang kumalat sa lahat ng bansa. Ang sakit na ito ay kilala bilang COVID-19 o nCoV. Ang COVID ay isang bagong strain mula sa pamilya ng virus na CoV. Ang COVID ay nagmula sa Wuhan, isang lugar sa China, na kumalat hanggang nakaabot ito sa iba pang bansa. Sino ang tutulong sa atin upang labanan itong virus?

Bilang mga frontliner, ibinibigay at isinasakripisyo nila ang lahat ng kanilang makakaya upang masugpo itong pandemya. Araw-araw ay nagtatrabaho sila kahit alam nilang maaari silang mapahamak at mawalan ng buhay. Tinitiis din nilang magtrabaho kahit sila ay sobrang pagod na. Ibinibigay na nila ang lahat ng kanilang makakaya upang labanan itong pandemya. Lahat ng mga doktor at mga nars sa ospital, mga pulisya na nagbabantay, at mga naglilinis ng kapaligiran ay nasa

panganib ngayong pandemya. Bawat araw ay nalalantad sila sa nakamamatay na virus, lalo na ang mga nagtatrabaho sa ospital na gumagamot at nag-aalaga sa mga pasyenteng nahawaan ng COVID. Maraming mga frontliner ang namamatay sa COVID, at ilan sa kanila ay nagdurusa sa sakit na nararamdaman nila ngayon. Kahit alam nilang maaari silang

mapahamak, pinipili pa rin nilang magtrabaho at tumulong sa pagpuksa ng virus.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Sanaysay | 31


es Divinagracia Magdamag ang kanilang pagtatrabaho. Sa sobrang lala ng sitwasyon, halos lahat ng frontliners ay napapagod na at hindi na nakakapaghinga nang maayos. Bawat araw ay may mga taong nahahawaan pa rin ng virus, kaya nagiging mas mahirap ang kanilang trabaho. Dahil sa kakulangan ng pahinga, marami sa kanila

ang nawawalan ng oras upang alagaan ang kanilang sarili kaya minsan ay nagkakasakit. Mahalaga ang kanilang tungkulin para sa mga mamamayan, kaya malaki ang presyur na kanilang nararanasan. Idagdag pa ang kanilang kakulangan sa pahinga.

Isang malungkot na katotohanan ang malaman na sa kabila ng kanilang ginagawa, nakatatanggap pa rin sila ng panghuhusga at diskriminasyon mula sa

ibang tao. May frontliners na hindi nakatatanggap ng maayos na pagtrato o pinapalayas sa kanilang mga bahay dahil sa takot ng mga tao na mahawaan.

Bilang mga frontliner, ginagawa nila ang lahat para mawakasan na ang pandemya. Hindi sila sumusuko, at patuloy na ginagawa ang kanilang makakaya kahit na buhay nila at kaligtasan ang nakataya. Ang frontliners ay parang mga mandirigma,

mandirigmang pumuprotekta sa mga tao laban sa nakahahawang virus. Kahit sila ay kinatatakutan ng ibang tao, patuloy pa rin silang naglilingkod upang maging ligtas ang komunidad na ating ginagalawan.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Sanaysay | 32


Ni Roden Pedrajas

Nakahiga tayo pareho sa sahig. Kauna-unahan?

Tinitigan kita. Sa bawat paggalaw ng mahabang kamay ng orasan ay bumulong ako ng salita. Huminto ako sa ikatlo. Hinintay ko ang sagot mo. Tik-tak! Tik-tak! Tik-tak! Tumingin ka lang sa kisame. Tinanong kita ulit, at pareho nang magkasinghina ang boses ko at huni ng orasan. Wala ni isang salitang tumakas sa bibig mo.

Hindi talaga natuto at inulit ko nang makatlo. Bumuka nga sa wakas ngunit hangin ang lumabas. Hindi na dapat ako nagbilang pa. Sa una pa lang,

dapat batid ko na ang aking kuwenta.

Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan

Panitikan ng Tagapayo | 33



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.