Banaag PSHS-WVC Online Newsletter (Setyembre – Nobyembre 2022)

Page 1

Pagkatuto sa PSHS-WVC, bumalik na saharápanpagkataposngdalawangtaon

BUMALIK na sa harápan ang pag aaral ng mga iskolar ng Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC) matapos ang dalawang taong pagsailalim sa Remote Mode of Learning dahil sa mga paghihigpit dulot ng COVID 19.

Nagbukas ang klase noong Agosto 31, 2022 sa serye ng mga programang dinaluhan ng mga iskolar at kawani upang maging malay ang lahat sa mga panuntunang pangkalusugan at iba pang mga paghahanda para sa Taong Pampaaralan 2022 2023.

“Sobrang saya naming makitang muli ang aming mga estudyante Isandaang bahagdan ng mga estudyante ang matagumpay na nakabalik. Patuloy tayong manalangin na magiging maayos lang ang lahat, at sana ay matapos natin ang taong pampaaralan na isandaang bahagdan pa rin tayo,” sabi ni Dr. Shena Faith M Ganela, campus director ng PSHS WVC, sa pagtitipon ng asosasyon ng mga magulang at mga guro.

Nilinaw ni Dr Ganela na ang mga pagbabago sa operasyon ng paaralan at sa implementasyon ng kurikulum ay ginawa upang umangkop sa mga pangangailangan ng harápang pagkatuto, bagaman may mga paglilimita pa rin sa iba’t ibang bahagi ng pagpapatupad nito, dahil hindi pa lubusang bumalik sa normal ang sitwasyon.

“Inaasahan kong patuloy na makikiisa ang lahat sa pagsunod ng mga protokol, kagaya minsan ng pag quarantine sa loob ng ilang araw sa labas ng kampus. Kung gusto nilang bumalik nang maaga, maaaring magpasuri, at kung negatibo lang naman ang resulta ay pwede nang makapasok ulit Alam kong medyo nakaaabala ito, subalit kailangan nating sumunod sa IATF guidelines nang magkaroon tayo ng ligtas na lugar dito para sa bawat isa, lalo na sa mga bata. Patuloy nating tatanggapin at tatalakayin ang mga suhestiyon at obserbasyong papasok,” paliwanag ni Dr Ganela

Tiniyak ang pagsunod sa mga protokol sa pamamagitan ng palagiang pagtingin sa kalagayan at pagsunod ng mga iskolar sa tuwing sila ay nasa paaralan, paglilimita sa bilang ng mga umuukupa sa isang saradong silid o bulwagan, at muling pagpapaalala ng mga dapat sunding protokol sa tuwing magkakaroon ng mga pagtitipon at programa sa loob ng kampus.

Gagamitin pa rin ang learning management system na Knowledge Hub at ang mga gabay pampagkatutong sasangkapan ng talakayan at gawaing isasagawa sa loob ng klasrum.

Dagdag pa, ibinalik din ang pagsasagawa ng mga gawaing itinigil sa nakalipas na dalawang taon kagaya na lamang ng Alternative Learning Activities (ALAs), malapitang konsultasyon sa guro, at holistik na aktibidades katulad ng isports na kinasasangkutan ng mga iskolar.

Carlos Manuel Eusoya at Ziyi Jesica Aduana
| 0 ed Abuyo, angibabaw a PSHS ystem Ugnayan 2022
OPINYON
Isang Suliranin sa Gitna ng Lahat
Testamento ng Pamumuno at Kahusayan LATHALAIN | 12 ISPORTS | 16
Inflation:
Tatlong
BanaagPSHS WVC @BanaagPSHSWVC banaag@wvcpshseduph
ng PSHS WVC, nanguna sa Physician Licensure Examination BALITA | 04
Alumnus Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Philippine Science High School Western Visayas Campus Tomo 1 Blg. 1 I Setyembre hanggang Nobyembre 2022

Dalawang mag-aaral ng PSHS WVC, nanungkulan bilang mga opisyal ng Lungsod ng Iloilo sa Boys’ and Girls Week

HINIRANG bilang mga opisyal ng Lungsod ng Iloilo ang dalawang mag aaral ng Philippine Science High School Western Visayas Campus sa pagdiriwang ng Boys' and Girls' Week ngayong taon.

Gumanap bilang alkalde ng lungsod si Eliza Consuelo H Billones, habang si Julia Aiko P Añasco naman ay nagsilbing konsehal noong ika 14 hanggang ika 18 ng Nobyembre.

“Nilalayon kong magkaroon ng karanasang tutulong sa pagpapabuti ng aking mga kakayahan na magbibigay daan sa akin na magpahayag ng mga pananaw mula sa pananaw ng kabataan Sa pamamagitan ng paghahatid ng aking mga adhikain na itaguyod ang kabutihang panlahat sa ilalim ng isang rehimen ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantaypantay, at kapayapaan, naniniwala akong magagawa kong katawanin ang boses ng kabataan,” saad ni Billones ng Grade 10 Electron.

Bago sila napili mula sa 69 na mag aaral galing sa mga pampubliko at pampribadong paaralan ng Lungsod ng Iloilo, sumailalim muna sila sa pasulat na pagsusulit noong Oktubre 8 at pinal na panayam noong Nobyembre 5 sa tulong ng kanilang mga tagapagsanay na sina G. Alfie Anthony Neodama, G Josiah Jayzon Mangangot, at Dr Edgar Elmero "Hangad ko ang pagkakataong magkaroon ng platapormang gagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpapalakas ng boses ng mga grupong hindi binibigyang pansin at pagtitiyak na ang lahat ng mga pananaw ay kasama sa pamamahala," dagdag pa ni Bellones

SETYEMBRE

Bilang hudyat ng pagsimula ng mal na panunungkulan nina Bellones Añasco, nakilahok sila sa parada ama ang iba pang student officials ng gsod ng Iloilo mula sa Iloilo vincial Capitol patungo sa Iloilo City

.

“Alam kong hindi ito engrande o totoong opisyal, ngunit ginusto ko muna sa simulang matutunan kung paano nagtatrabaho si Hon. Candace Tupas bilang isang city councilor, at nailapat ko nga ang aking mga nalaman nang nakatrabaho ko na siya Kailangan dito ang pagpupursige at kakayahang makipag usap at makipagtulungan sa iba para sa iisang layunin Alam kong kaya kong makipagtulungan nang maayos sa iba at hangga’t pinapayagan ang lahat na magbahagi ng mga opinyon, maaari silang makipag-usap sa akin at sa aming mga kasamahan sa pangkat,” wika naman ni Añasco ng Grade 10 Tau.

Sa isang linggong pagganap bilang opisyales ng Lungsod ng Iloilo, sina Bellones at Añasco ay nalantad sa mga gawain at tungkulin ng isang city official, at naisagawa nila ang kanilang mga napag aralan sa tulong nina Mayor Jerry Treñas at Councilor Candace Tupas, sa ganoong pagkakasunod sunod

"May ginawa akong resolusyon kasama ang city councilors Marami ring naging plano ang iba, pero pinagtuunan ko ang Iloilo River sa isa kong resolusyon, at nakipag co sponsor din ako sa ibang councilors," dagdag na sabi ni Añasco

Isinagawa ng Rotary Club of Iloilo, katuwang ang Pamahalaan ng Lungsod ng Iloilo, ang nasabing pagdiriwang na may layuning palaguin at sanayin ang kakayahan ng kabataan sa

(PSHSS) sa ika 25 na anibersaryo nito, isinagawa ang kauna unahang “Silver Screen: Stories of Truth, Excellence, and Service” Video Project

Ang 16 na kampus ng Pisay sa bansa ay itatampok sa pamamagitan ng Silver Screen filming na isinasakatuparan ng mga kawani mula sa Office of the Executive Director (OED)

Ginanap noong Oktubre 25 ang filming para sa PSHS Western Visayas Campus, at napiling lokasyon ang Planetarium, SLRC Gallery, New Auditorium, at Oval.

Tatlumpu at limang iskolar mula sa Baitang 11 at 12 ang piniling gumanap sa isinagawang bidyo

Ang student chorale, Voce Umana, at itinalagang mga mag aaral ay nagbahagi rin ng kanilang angking talento sa harap ng camera.

Nagkaroon din ng panayam kasama ang campus director na si Dr Shena Faith M Ganela, at iba pang piling alumni, faculty, at staff na saklaw ng testimonial video.

Ang PSHSS institutional video sa direksyon ni Kyle Jumayne Francisco ay nakatakdang ilalabas sa ika 25 na anibersaryo ng PSHSS sa Pebrero 12, 2023

IOAA Philippine Team, pinarangalan ng Unilab Foundation sa 2022 Olympiad Recognition Night

“WHEN there is right support and training, Filipinos can definitely be world class ”

Ito ang mga katagang binanggit ng International Mathematical Olympiad coach na si Dr Christian Paul O Chan Shio sa kanyang mensahe.

Upang kilalanin ang karangalan at prestihiyong hatid sa ating bansa ng

Carlos Manuel Eusoya at Ellen Faye Ann Yabut

natatanging Olympiad teams sa larangan ng STEM, ginanap ang 2022 Olympiad Recognition Night sa Bayanihan Center, Pasig, Metro Manila noong Okt 27, 2022

on Astronomy and Astrophysics (IOAA).

Limang iskolar mula sa Philippine Science High School Western Visayas Campus ang nakatanggap ng parangal dahil sa kanilang namumukod tanging pakikilahok sa 15th International Olympiad sapahina3

Sina Joshua Ichiro Añasco at Carlos Manuel Eusoya mula sa Baitang 11 Rigel, Mary Khezyll Galvan mula sa Baitang 11 Sirius, Ellen Faye Ann Yabut mula sa Baitang 11 Vega, at Jared Ashton John Osdaña mula sa Baitang 12 Euclid ang opisyal na mga kinatawan ng Pilipinas sa IOAA 2022

- NOBYEMBRE

Bukod dito, dumalo rin sa awarding ceremony si Yosef Alexander Segotier, PSHS WVC Batch 2022 alumnus at Bronze Medalist sa 2022 International Biology Olympiad na ginanap sa Armenia noong

Hulyo

Si Dr Aris Larroder ay kinilala rin sa kanyang husay at dedikasyon bilang tagapagsanay ng IOAA Philippine team

Pinarangalan din ang iba’t ibang koponan ng bansa sa International Olympiads, gaya ng International Mathematical Olympiad, International Physics Olympiad, International Chemistry Olympiad, International Biology Olympiad, at International Olympiad in Informatics.

Dagdag pa, naroon din ang importanteng mga panauhin katulad nina Pangalawang Pangulo Sara Duterte Carpio,

TAMPOK ngayon sa social media ang isang hamon sa mga estudyanteng dapat pumasok sa paaralan nang walang dalang bag,at dahil gameang mga taga Pisay, hindi nila pinalampasang hamong ito.

Ginanap noong Setyembre 27 ang unang araw ng “No Bag Day” na nilahukan ng mga iskolar sa Grade 9 Lithium at Beryllium at ilang mga mag aaral sa Grade 11

Kinabukasan, sumali sa hamon ang dalawang natitirang seksyon sa ika 9 na

baitang na Neon at Magnesium May mga estudyanteng nagdala ng balde, laundry basket, basurahan, electric fan, maleta, at lalagyan ng pampalamig ng mga inumin.

Isa sa mga pinakakinagigiliwan ng lahat ay ang iskolar na nagdala ng wheelchair bilang pamalit sa bag

“Na inspire ako sa ibang mga batang nagdadala ng mga baby stroller at push cart, kaya nagpasya akong gamitin na lang ang wheelchair ng yumao kong lolo,” pahayag ni Zxyllian Suereiv

Naisabuhay

NoBagDayChallenge

Baqueriza ng Grade 9 Lithium Unang sumikat ang #NoBagDayChallenge sa St Joseph Academy of Sariaya, Quezon. Nang kumalat online ang mga larawan ng kanilang ‘no bag day challenge’, sumali na rin sa uso ang ibang mga paaralan sa bansa

“Ito ay nangangailangan ng pagkamaparaan at pagkamalikhain upang makasali nang hindi na kailangang bumili pa ng mga materyales. Makatutulong din ito sa amin na mag isip ng hindi naaayon sa karaniwan habang nananatiling maraming nalalaman,” paliwanag ni Samantha Nicole Tonquin, pangulo ng Grade 9 Beryllium at isa sa mga nagpasimula ng naturang hamon para sa lahat ng mga iskolar sa ika 9 na baitang

Ang mga naganap nang nakaraang linggo ay nagsilbing panghikayat sa ilang mga mag aaral sa ika 11, ika 7, at ika 10 baitang na nakitaan din pakikilahok sa uso.

Inaasahan sa susunod na mga araw ang pagdami pa ng mga baitang at pangkat na sasali sa #NoBagDayChallenge

Pinatunayan ng gawaing ito na ang mga taga Pisay ay hindi lamang matatalino, kundi saksakan din ng pagkamalikhain

F2F Tulong Dunong 2022, isinagawa ng PSHS-WVC

NAGSITIPON TIPON ang 182 na estudyante sa elementarya mula sa iba't ibang eskwelahan sa rehiyon upang dumalo sa Tulong Dunong 2022 na ginanap noong Oktubre 8 sa New Auditorium at sa Audio Visual Room ng Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC)

Maaga pa lamang ay isa isa nang pumasok at nagparehistro ang mga naghahangad na makapag aral sa PSHS WVC upang makinig, makilahok, at matuto tungkol sa mga kaalamang kakailanganin nila para sa 2022 Requirement for Admission, Criteria, and Evaluation (RACE), isang alternatibong proseso ng pagsala ng mga

aplikante bilang pamalit sa dating National Competitive Examination (NCE)

Ang mga estudyante mula sa ika 5 at ika 6 na baitang ay silang mga nakilahok sa Tulong Dunong Program na isinasagawa ng PSHS System sa buong bansa kada taon sa pangunguna ng ilang mga guro kasama ang piling mga iskolar

IOAAPhilippineTeam...
ang nasabing gawain dahil sa layunin ng Unilab Foundation, Inc na palawakin ang interes at siklab ng mga mag aaral sa agham at teknolohiya Jemiah Ashelle Grace Vasquez mulapahina2
3 Balita
sapahina4 HINDINAGPAHULISAUSO. HINDINAGPAHULISAUSO Nakilahokdinsa#NoBagDayChallengeangilangmgamag aaralmulasaBaitang Nakilahokdinsa#NoBagDayChallengeangilangmgamag aaralmulasaBaitang 11 Rigel,Sirius,atVegasakanilangpagpasoksaklasenoongSetyembre27 11 Rigel,Sirius,atVegasakanilangpagpasoksaklasenoongSetyembre27 LarawanmulasaBatch2024 LarawanmulasaBatch2024 SETYEMBRE - NOBYEMBRE

Alumnus ng PSHS-WVC, nanguna sa Physician Licensure Examination

MATAGUMPAY na nakamit ni Justin Adriel Zent Togonon, alumnus ng Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC) Batch 2015, ang unang lugal sa Physician Licensure Examination na ginanap noong Oktubre

Nakakuha si Togonon ng 89 bahagdan na marka at nanguna sa 5,958 na kumuha ng licensure exam, ayon sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC)

Ayon kay Togonon, hindi niya inaasahang mangibabaw sa licensure exam, o kahit nga makapasa, dahil mahihirap ang mga tanong sa apat na araw na pagsusulit.

Lumabas din sa naturing resulta na 3,826 na examinees ang nakapasa sa buong bansa.

"Matapos ang unang araw, pinasisiya lang ng mga kaklase namin ang isa't isa At sa pang apat at panghuling araw ng exam, parang lahat kami ay nagsang ayon na 'sige kung ano na lang iyong nandiyan' Ang importante ay makapasa lang naman tayo," aniya sa isang interbyu ng Inquirer.

Nagtapos si Togonon ng kolehiyo sa UP College of Medicine, kung saan pinarangalan siya bilang Magna Cum Laude at Valedictorian ng kanyang b h

F2F TulongDunong...

Sa pamamagitan ng programa, naipapakita at nararanasan din ng mga nangangarap na makapasok sa PSHS WVC ang kalikasan ng buhay ng isang iskolar ng Pisay

"Sinusubukan naming sanayin sila sa mga simpleng aralin at gawain yaong nakaaaliw at nakahihikayat ng kanilang pakikilahok na pwede nilang mapagdaanan kapag makapasok na sila sa Pisay," saad ni Bb Rubie Anne Bito on, isa sa mga gurong nanguna sa pagsagawa ng nasabing programa

Binigyan ng mga gawain at sinanay ang kakayahan ng mga kalahok sa mga asignaturang maaari nilang kunin at pag aralan lalong lalo na ang mga asignaturang Agham, Teknolohiya, at Sipnayan

"Ang Tulong Dunong, programa para sa mga estudyanteng mag a apply sa ika 7 baitang, ay isa sa mga kampanya ng institusyon na nanghihikayat sa mga mag aaral sa elementarya na pumasok sa Pisay. Saka dati kasi kapag may pagsusulit, tinutulungan din namin silang maghanda para sa pagsusulit," dagdag pa ni Bb. Bito on.

Kasama rin sa sinalihang aktibidades ng mga partisipante ang iba't ibang makaagham na mga eksperimento sa pangunguna ni Dr Aris Larroder sa tulong ng piling mga iskolar ng PSHS WVC.

k P V l E i S S a M G p k s P k U ( p a i n p S i h b
Pagpapahusay ng kaalaman, kasanayan ng mga m TOGONON
4 Balita PAGBALIKUPANGMAGBAHAGI. PAGBALIKUPANGMAGBAHAGI Nakinigangmgamag aaralngmgaBaitang11at12kayG Nakinigangmgamag aaralngmgaBaitang11at12kayG MichaelSalvo,alumnusngPisay WVCnanagtatrabahosaBangkoSentralngPilipinas(BSP),sa MichaelSalvo,alumnusngPisay WVCnanagtatrabahosaBangkoSentralngPilipinas(BSP),sa kanyangpagbahagingmgakaranasansaPisayatsaBSPnangginanapangPanubasonsahapon kanyangpagbahagingmgakaranasansaPisayatsaBSPnangginanapangPanubasonsahapon ngNobyembre24saMulti purposeFunctionHall ngNobyembre24saMulti purposeFunctionHall LarawangkuhaniGabrielSidBayate LarawangkuhaniGabrielSidBayate AKTIBONG PAGKATUTO Bahagi ng Tulong Dunong noong Oktubre 8 ang pagpapakita sa mga kalahok kung paano isinasagawa ng mga iskolarsaPisayangkanilangmgagawainsaklase LarawangkuhaniEmpressJoyAnunciacion SETYEMBRE - NOBYEMBRE
mulapahina3

PSHS-WVC PTA nagdaos ng Panunumpa, Paglilipat ng Tungkulin

UPANG mapasigla ang pagkakaisa ng Parent Teacher Association (PTA) sa pagtupad ng mga tungkulin sa Taong Pampaaralan 2022 hanggang 2023, ginanap ang Panunumpa at Paglilipat ng Tungkulin noong Oktubre 22 sa Amber Hall ng Zuri Hotel sa Lungsod ng Iloilo.

Ang programa ay dinaluhan ng mga presidente at bise presidente mula sa 22 homerooms at ng opisyales ng PTA Board of Trustees (BOTs) sa nakalipas na taon

“Sa pagkakaalala ko sa aking pananatili sa Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC) sa loob ng 22 taon, ito ang kauna unahang pagkakataon na nagkaroon tayo ng espesyal na pagtitipon upang matupad itong mga seremonya Ito ay pagkilala na rin sa ambag ng mga magulang bilang pinakamatibay na tagasuporta natin palagi sa nakalipas na 30 taon nang pag iral ng Pisay,” sabi ni Campus Director Shena Faith M Ganela sa kanyang pambungad na mensahe

Pinangunahan ni Director Ganela ang panunumpa sa katungkulan ng bagong halal na 15 BOTs at ng presidente at bise presidente ng bawat seksyon, na sinundan ng paglilipat ng susi ng katungkulan mula sa dating pangulo ng PTA BOT na si Atty Leo S Sombiro patungo sa kasalukuyang pangulo na si G. Jose Rogie F. Grande.

“Habang tinitingnan ang lahat ng nandito ngayong gabi, alam kong maipagpapatuloy natin ang matagumpay na pagtataguyod ng mga proyekto at programa para sa ating mga anak At ako sa aking sarili, mayroon man o walang posisyon, ay patuloy na gaganap sa aking bahagi upang tulungan ang PTA alang

alang sa pagmamahal sa Pisay at sa ating mga anak. Kaya, sa ngalan ng PTA BOT at nina Dr. Ganela at Atty. Sombiro, tinatanggap ko itong mga responsibilidad,” wika ni G. Grande sa kanyang mensahe ng pagtanggap bilang bagong presidente ng PTA BOT.

Samantala, kinilala at pinasalamatan si Atty. Sombiro sa kanyang 12 taong paglilingkod bilang presidente ng asosasyon; kasama rin sa pinagkalooban ng sertipiko ang lima pang dating kasapi ng BOTs.

“Sa pagtahak ko sa bagong yugto ng buhay, matatag akong umaasa na ang bagong BOTs ay makapagpapatuloy ng nasimulan naming magagandang mga bagay. Tuklasin ang mga bagay na hindi pa nagalaw,” hamon ni Atty. Sombiro sa bagong opisyales ng PTA.

Inisa isa rin ni Atty. Sombiro ang

Nakamit ni Ellen Faye Ann Yabut, punong patnugot ng Banaag, ang Most Promising Writer na gantimpala sa Pagsulat ng Balitang Isports, at hinirang din bilang Most Promising Writer si Darlene Angel Grace Miranda, manunulat sa lathalain ng Banaag, sa Pagsulat ng Iskrip sa Broadcasting Filipino.

Kinilala rin ang punong patnugot Sci-Link at manunulat ng Banaag si Carlos Manuel Eusoya bilang st Promising Writer sa Pagsulat ng rip sa Broadcasting English.

Nagwakas ang Journ Talk Series noong Nobyembre 8, kung kailan nagbigay ng birtwal na lektyur ang PIA 6 para sa mga tagapayo at punong editor ng mga pahayagan sa rehiyon

NANUMPA sa kanilang katungkulan ang bagong opisyales ng Student Alliance (SA) ng Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC) para sa Taong Panuruan 2022 2023 noong Oktubre 3 pagkatapos ng flag ceremony

Pinangunahan ng campus director ng PSHS WVC na si Dr. Shena Faith Ganela ang nasabing panunumpa ng SA. Ang iniluklok na mga opisyal ng SA ay sina Joaquin Cordova bilang President, Maulyn Maurielle Dominguez bilang Vice President for Internal Affairs, Ansley Joyce Sendico bilang Vice President for External Affairs, Veah Joy Repospolo bilang Secretary, Althea Lorraine Jules Servano bilang Assistant Secretary, Leanne Clarisse Losañes bilang Treasurer, Jherica Umali bilang Assistant Treasurer, Megan Marie Sio bilang Auditor, Reyshiel Ann Doromal, Hans Matthew Mestidio at Bea Reyjoce Sendico bilang Business Managers, at Eliza Consuelo Bellones at Ellen Faye Ann Yabut bilang Public Relations Officers

Kasama sa mga nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga representante ng bawat baitang na sina Salliana Fredzelle Galvez ng Baitang 8, Sophia Kirsten Tunguia ng Baitang 9, Zoe Marcel Aguirre ng Baitang 10, Eva Cerise Lopez ng Baitang 11, at Marielle Banzon ng Baitang 12.

“Sa likod ng aming tagumpay, marami pa ang dapat naming patunayan sa lahat, at naisip ko na kulang ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa noong panahon ng pandemya Kaya, ito talaga ang gusto naming muling pasiglahin ngayong taon," saad ng bagong halal na SA President.

Inaasahang magampanan ng SA ang kanilang tungkulin sa pagsaboses at pagsagawa ng mga ninanais ng mga mag aaral lalo na sa muling pagbabalik ng lahat sa harápang pagkatuto.

anaag, hinirang na PIA 6 Journ Talk Series
Ren Marc Tobias YABUT EUSOYA MIRANDA
5 Balita
SETYEMBRE - NOBYEMBRE
BOSESNGMGAMAG AARAL Isinagawa angpanunumpasakatungkulanngmga opisyalngStudentAlliance saharap ngmgamag aaralatmgakawani noongOktubre3 Larawangkuha niEmpressJoyAnunciacion

MULING nakapagsagawa ng harápang Parent Teacher Association (PTA) General Assembly ang Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS-WVC) noong Oktubre 1 pagkatapos ng dalawang taong pagsasabirtwal ng aktibidad

Nagsitipon tipon ang mga magulang at mga guro sa New Auditorium sa ganap na alas nuebe ng umaga para dumalo sa programang inihanda ng PTA

Kinapalooban ang programa ng pagbigay ng Campus Director na si Dr

Shena Faith Ganela ng bagong mga pabatid at paalala sa pagbukas ng taong pampaaralan, pag ulat ng papalabas na presidente ng PTA na si Atty Leo Sombiro ng mga naging proyekto at aktibidades ng PTA sa nagdaang taon, at pagbigay ng ulat pinansiyal ng taga ingat yaman ng PTA na si Gng. Jezereel Grace Tiron.

"Birtwal ang karanasan natin sa nakalipas na dalawang taon Subalit, ang inyong mas malapitang pakikipag usap sa mga tagapayo mamaya ay

isa sa mga pagkakataon upang masagot ang tiyak na mga kailangan ninyong malaman o matugunan. Masaya rin kami dahil nakaisang buwan na tayo simula nang nagsibalik ang mga mag aaral noong Agosto 31 Kung sakaling may mga obserbasyon at mungkahi kayo tungkol sa ating mga panuntunan, handa kaming makinig sa inyo Gayunman, inaasahan kong maayos din naman tayo ngayon,"sabi ni Dr. Ganela sa kanyang pambungad na mensahe

Ang mga polisiya sa muling pagbabalik ng face to face na klase ay nilinaw ng campus director, at ang mga dokumentong may kaugnayan dito ay maaari nang mabasa sa website ng PSHS WVC.

Inilunsad sa programa ang Pisay WVC Foundation, Inc , na ang pangunahing layunin ay hikayatin at isulong ang holistik na pag unlad ng mga iskolar at ng buong komunidad ng Pisay.

Sinundan ang pagtitipon ng pagpunta ng mga magulang sa mga silid aralan ng kanilang mga anak para sa pagpupulong at paghahalal ng kani kanilang Homeroom PTA Officers

Pagkatapos nito, muling nagsitipon sa New Auditorium ang nahalal na mga presidente at bise presidente ng bawat homeroom upang makibahagi sa PSHS WVC PTA Board of Trustees Election

PSHS-WVC, ipinagdiwang ang Faculty, Staff Day 2022

ParangalsaFaculty:

Asia’s Next Top Model - Ma’am Joeylyn Terania

ParangalsaStaff:

Colgate Ma’am Shena Faith Ganela

Early Bird Sir Jose Ma Ramar Cadete

BILANGpasasalamat sa pagserbisyo at paggabay ng mga guro at kawani ng Philippine Science High School Western Visayas (PSHS WVC) sa mga iskolar nito, nagsagawa ang paaralan ng programa upang ipagdiwang ang Faculty and Staff Day noong Oktubre 12 sa New Auditorium.

Sa pamumuno ng Student Alliance (SA) at Student Executive Committee (SEC), nagkaroon ng iba’t ibang laro para sa mga guro at mga kawani, at nagpakita na rin ng kanilang mga talento ang piling mga mag aaral sa bawat baitang na kanila namang inialay para sa mga empleyado ng PSHS WVC

“Labis akong nagpapasalamat sa lahat ng mga mag aaral na nag organisa ng ating programa ngayong hapon Nakakataba ng puso ang kanilang inihanda at ibinahagi para sa ating mga guro at kawani Keep up the good work!” pagbahagi ni Dr Rolando Libutaque, puno ng Curriculum and Instruction Division (CID)

Inihanda rin ng SA at SEC ang “Hinirang ng Bayan Awards” na kumilala sa kakanyahan ng mga empleyado sa iba’t ibang kategorya:

Pisay's Nightingale Ma’am Sharon Hope Tubida

Musikero/Musikera Sir Josiah Jayzon Mangangot

Early Bird Ma’am Maria Carmela Paula Blacer

Last Man Standing Sir Jose Ariel Serrato

Coffee Lover Ma’am Charmaigne Aguirre

Colgate Ma’am Eileen Ocampo

Lebron James Sir Elvin John Villanueva Geogebra Sir Jose Ariel Serrato

Zoophilist Ma’am Eileen Ocampo Artistahin Ma’am Andrea Lucyle Belaong

Mr. / Ms. Linguistics Ma’am Claudette Anne Cormary

Relate Much - Sir Sandro Silverio Laugh of the Century Sir Roy Pacaco Hataw King/Queen Ma’am Cerla Duarte

Maalaala Mo Kaya Sir Joemar Ramos

David's Salon Ambassador Sir Jose Ariel Serrato

“Malayo Pa Pero Alam na Siya’y Nandiyan” Ma’am Floralie Inayan

Fanboy/Fangirl Sir Elizalde Miguel Flores

Graphic Designer Sir Josiah Jayzon Mangangot

Coffee Lover Sir Darrel Ledesma

Relate Much Sir Dionn Francis Hubag

Laugh of the Century Sir Jose Ma. Ramar Cadete

Ms. Prim and Proper Ma’am Shena Faith Ganela

Bantay Sarado Sir Joseph Dennis Garrido

Mr. Congeniality Sir Dionn Francis Hubag

Zoophilist Sir Jose Ma. Ramar Cadete Bb. Organisado Ma’am Divina Biña

Bago nagtapos ang programa, ibinahagi ng mga mag aaral ang kanilang mga mensahe ng pasasalamat sa mga guro at mga kawani sa pamamagitan ng video recording.

Ansley Joyce Sendico at Ren Marc Tobias
EMBRE - NOBYEMBRE

MgadelegadongPis a sa katatapos laman

UMUWI ng apat na medalya ang mga kinatawan ng Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC) sa ginanap na PSHS System Model United Nations Youth Summit (PMUNYS) III noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 2 sa Baguio City

Nakuha ng Baitang 10 Photon iskolar na si Mark Francis Eusoya ang isa sa tatlong Best Position Paper Awards ng United Nations Environment Programme (UNEP)

Binigyan din ng nabanggit na gantimpala si Zoey Marcel Aguirre ng Baitang 10 Tau, habang si Reysheil Doromal naman ng parehong seksyon ay nakatanggap ng Honorable Mention para sa United Nations Entity on Women na komite

Natanggap naman ni Carlos Manuel Eusoya ng Baitang 11 Rigel ang Honorable Mention para sa United Nations Security Council (UNSC).

Samantala, pinarangalan bilang Most Outstanding Delegate ng buong summit si Solborn B. Balawas ng PSHS Cordillera Administrative Region Campus pagkatapos ng kanyang mahusay na pagganap bilang delegado ng Grand Duchy of Luxembourg sa World Health Organization (WHO) na komite.

"Ang aking maipapayo sa mga may balak na makilahok sa MUN ay ang magkaroon ng matatag na paniniwala sa pasensiya at kompromiso Ang MUN ay nagsisilbing entablado para sa mahuhusay na mga solusyon, ideya, at talento na nangangailangan ng kompromiso upang makapasa ng isang kapaki pakinabang na resolusyong angkop sa pangangailangan ng

nakakararami. Kaya, upang maging isang magaling na delagado ng MUN, kailangang ikaw ay may pasensya at handang makipagkompromiso para sa pangangailangan ng lahat," sabi ni Balawas.

Kabilang din sa mga delegadong isinabak ng Pisay WVC ay sina Ziyi Jesica Aduana ng Baitang 11 Rigel at Ryckxeian Isaiah Alcubilla ng Baitang 11 Sirius

Ang Model United Nations (MUN) ay isang pagpupulong na idinadaos ng mga institusyon upang i simulate o isagawa ang diplomatikong mga proseso ng UN.

Isinabuhay ng napiling mga iskolar mula sa 16 na kampus ng Pisay ang pagiging kinatawan ng kani kanilang nakatakdang nasyon

"Hindi lamang ang ating mga sarili ang ating kinakatawan sa bawat committee session kundi pati na rin ang mga bansang ating dinadala, sapagkat ang kinabukasan ng mga mamamayan ay nakasalalay sa bawat salita at aksyong ating ipinapakita," pahayag ni Jyan Rubillar, ang Secretary General ng PMUNYS III.

PSHS-WVC, Iloilo City Police, nagkaisa sa Anti-VAW Campaign

Cristia Magsipoc

MULING nakipagtulungan ang Philippine Science High School Western Visayas Campus sa kapulisan ng Lungsod ng Iloilo sa pangangampanya laban sa Violence Against Women (VAW) at ngayong tao’y nagsagawa ng seminar sa mga Brgy VAW Desk officers upang magbigay kaalaman sa kung paano matutugunan ang mga kasong may kinalaman sa Violence Against

Women (VAW). Ang seminar ay ginanap noong ika 25 ng Nobyembre, 2022

Ginanap ang programa sa Brgy Veterans Village, Lungsod ng Iloilo, at ito ay dinaluhan ng mga opisyales ng 45 barangay sa Lone District ng Lungsod ng Iloilo

“Indi maglain ang buot ninyo kon makita ninyo sa masunod nga adlaw nga ayuhay na ang tagreklamo kag ang ginareklamo niya, kay posible nga may battered woman syndrome ang tagreklamo,” paglilinaw ni Police Major Shella A Sangrines, Station Commander ng Iloilo City Police Station 1 (ICPS1), sa kanyang pambungad na pananalita.

Naging tampok sa gawaing ito ang lektyur na ibinigay ng ICPS1 Women and

Ito ang kauna unahang PMUNYS na isinagawa sa face to face setup at pinangasiwaan ng mga mag-aaral na sumailalim sa isang Dais Training sa Iloilo noong Hunyo

Kabilang sa hanay ng mga Dais sina Jeff Sambrano ng Baitang 11 Sirius bilang Secretariat, at Ellen Faye Ann Yabut ng Baitang 11 Vega bilang UNEP Dais

"Ang mga aral at karanasang inyong napulot sa nakaraang mga araw ay patuloy ninyong sanayin, palawakin, at gamitin sa pagresolba ng mga talakayan at hindi pagkakaunawaan. Ang pagsulong ng magagandang agenda ay nangangailangan ng kooperasyon, diplomasya, at tamang pakikipag usap sa kapwa," panghikayat ni Dr Rod Allan de Lara, Deputy Executive Director ng DOST PSHS System.

Layunin ng PMUNYS III na linangin hindi lamang ang kasanayan sa pagsusulat at pampublikong pagsasalita ng mga iskolar kundi pati na rin ang kanilang pagtupad sa PSHS core values at pagpakita ng kaasalang diplomatiko.

Children Protection Desk Chief na si PSSG Jane Antonette P Gabaleo at ang mainit na pagbahaginan ng karanasan sa nahawakang kaso ng iba’t ibang opisyales sa open forum tungkol sa VAW

Isinagawa ang nasabing kampanya upang mabigyan ng diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kakayahan ng Barangay VAW Desk Officers sa pagpatupad ng mga programang nagpoprotekta sa kababaihan laban sa mga pang aabuso

Ang pakikipag ugnayan sa kapulisan ng Lungsod ng Iloilo ay isinakatuparan ng Gender and Development Technical Working Group ng PSHS WVC sa pangunguna ng puno nito na si Bb Cristia J Magsipoc

Malalamang nasa ikatlong taon na ang kolaborasyong ito ng dalawang ahensya na ang pinakalayunin ay isulong ang “VAW free Community”

E
SETYEMBRE - NOBYEM

Opinyon

SETYEMBRE

‘Saan aabot ang 20 pesos mo’: Sanhi at Bunga ng Pagtaas ng Inflation Rate sa Bansa

Di maitatangging maraming Pillipino ang nabighani sa pangakong itinaga ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr noong Mayo 2022 na magiging P20 na lang daw ang isang kilo ng bigas Ngunit naitala sa buwan ng Oktubre ang pinakamataas na inflation rate na 7.7 bahagdan sa bansa sa halos labing apat na taon. Dahil sa paglitaw ng mga global shock at mga puwang sa mga patakarang lokal, ang mundo ay nakaranas ng nakakabahalang krisis sa pananalapi na dumagdag sa suliranin ng mga konsumer at mga institusyong pangkalakalan. Kung gayon, sa patuloy pa na pagtaas ng inflation rate at paghirap ng kasalukuyang kalagayan ng bansa, kaya ba talagang maisakatuparan ang mithiing ibinahagi ng pangulo?

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang Inflation Rate ng Pilipinas ay nasa 6.9 na bahagdan bunga ng gumuguho nating ekonomiya Pero bago natin talakayin kung bakit mataas ang ating inflation rate at kung ano ang epekto nito sa ating ekonomiya, alamin muna natin kung ano ang Inflation rate. Sa simpleng pakahulugan, ito ang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyong komersyo Dagdag pa, ang inflation rate na lumalagpas sa dalawang bahagdan ay itinuturing na mataas at nangangailang aksiyonan

Naging pangunahing sanhi ng pagbulusok ng ating ekonomiya ang pandemya at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine Halimbawa nito ay ang pagtaas ng inflation rate ng mga pagkain at non alcoholic na inumin mula 7.4 na bahagdan nang Setyembre hanggang 9 4 na bahagdan noong Oktubre Resulta ito ng mga panlabas na kadahilanan sa panggigipit sa presyo, kabilang ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine na nakagambala sa mga pandaigdigang supply chain, at ang pangmatagalang epekto ng mga kamakailang bagyo.

Gayunpaman, hindi ito ang nag iisang rason kung bakit tumaas ang inflation sa ating bansa Totoong hindi lamang Pilipinas ang nagdurusa sa mataas na inflation rate,

kakayahang lumikha ng mga mekanismo upang maibsan ang kahirapan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay nakapanlulumo lalo na sa mga kumikita lamang ng sapat at hindi kayang gumastos ng higit pa o tinatawag na “hand to mouth” Sa pagtaas ng bilihin sa grocery stores, tumataas din ang patong ng mga may ari ng sari sari stores, mga karinderya, at resellers

Pakikipagsapalaran sa Silidaralan: Madali o Mahirap?

Rence Montero

Marso 2020, isinara ang mga paaralan sa Pilipinas dahil sa banta ng COVID 19 Naging bahay ng mga sapot ng gagamba ang dating upuan ng isang estudyanteng palaging nagsusumikap mag-aral Dugo, pawis, at luha ang ating ibinigay nang sinubukan nating ipanalo ang digmaan laban sa COVID 19. Ako naman bilang isang estudyante ay kalbaryo rin ang naranasan nang ako ay nakulong sa apat na sulok ng tahanan habang pilit na iniintindi at binibigyang katuturan ang mga leksyon sa klase Walang pisikal na pagkikita sa mga tagapayong nagsisilbing patnubay upang mabigyan ang bawat isa sa amin ng tamang

EDITORYAL

sa kanilang mga ibinibenta Kung magkaganito, sapat pa ba ang baon ng mga estudyante at manggagawa sa araw araw?

Ang pagsisi sa digmaang Russia at Ukraine dahil sa pagtaas ng presyo ng langis at gas ay isang maling reaksyon Tunay na ang ilan sa mga suplay ay nagmula sa nasabing mga bansa, ngunit maliit na parte lang ito Ang pangunahing pinagkukunan ng langis ng Pilipinas ay ang Tsina, hindi ang naglalabanang Russia at Ukraine Ang hindi paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis. Samakatwid, mayroong isang masamang relasyon ang ating demand supply sa mga produkto at serbisyo

Ang pinakadahilan ng mataas na inflation rate sa Pilipinas ay humihinang lokal na produksyon at distribusyon sa bansa. Ayon din sa PSA, 65 3 na bahagdan ng produkto sa bansa ay imported goods at ang natitirang porsyento ay binubuo ng exported goods Mas mataas ang importasyon kaysa eksportasyon ng ating bansa Ang mga produktong iniluluwas natin ay kakaunti, samantalang ang mga ini import galing sa ibang bansa ay mas nakakahigit dito, kung kaya ang presyo ng ating mga bilihin ay tumataas

Ang ating ekonomiya ay napunta sa isang pababang spiral, ganoon din ang piso ng Pilipinas Mahina ito at patuloy na hihina kung walang anumang pagkilos na gagawin dito Dapat ang ating mga pinuno ay may kamalayan at alam kung ano ang gagawin upang maibsan ang problema sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga patakarang pananalapi at pangkalakalan Kailangan nating magkaroon ng mga ekonomista sa pamahalaan upang mapahalagahan at mapalakas ang produksyon ng lokal na mga produkto at serbisyo Gayundin, kinakailangan ang mapagmatyag na mga mamamayang magbabantay sa kasalukuyang isyu at magtatanggol ng kanilang mga karapatang pangkomersyo

Ngayong nasa gitna ng lahat ang inflation, saan na lang kaya aabot ang P20 mo?

atensyon. Walang mga kamag aral na masandalan at matanong hinggil sa mga paksang hindi yata kinaya ng sampung baso ng 3 in 1 na kapeng barako Bagsakan ng modyul sa mga asignatura ang bawat linggo, at humigit kumulang walong oras na pagbabad sa screen ang iginugugol kada araw Ngunit, naitawid ko ang dalawang taon, at nasanay na rin ako sa paglipas ng mga araw

Maraming pagsasaayos na ginawa ang Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC) upang mabigyan ng karunungan ang bawat iskolar sa kabila ng banta ng COVID 19 Ako ay isa sa napakamaraming mga mag aaral na sumailalim sa blended learning at hindi nakaapak sa paaralan sa loob ng dalawang taon. Nasanay ako sa dalawang araw na iskedyul ng klase at sa mga gawaing hindi ganoon karami

TAGAMASID
sapahina9
8
- NOBYEMBRE

Sa muling pagbubukas ng mga tarangkahan ng kampus at sa pagpasok ng nasasabik na mga mag-aaral, nararapat bang baguhin ang iskedyul at dagdagan ang bilang ng mga pangangailangan sa klase? Isinaalang alang bang karamihan sa mga estudyante ay nangangapa pa sa transisyon ng pagkatuto? Nakikita ko kung bakit napagpasyahang baguhin ang mga patakaran upang maging mas mabisa sa kasalukuyang estado ng aming pag-aaral, ngunit batay sa pananaliksik at sa nasaksihan, aking napagtantong mas makabubuti sa bawat mag aaral ang pagbabago sa iskedyul at sa kahit kaunting pagbawas sa dami ng mga gawain

Nakasaad sa mission ng PSHS ang sumusunod: “The PSHS System offers an education that is humanistic in spirit ” Ayon sa diksiyonaryo ng Unibersidad ng Cambridge, ang pagiging “humanistic” ay nangangahulugang pagtrato sa isang tao nang may respeto at pagtiyak na ito ay nagpapasaya sa kanya. Walang duda na hindi naman inaabuso ng sistema ng Pisay ang mga mag aaral, ngunit karamihan sa aming mga iskolar ay nakararamdam ng stress lalo na sa pagsidatingan ng mga pagsusulit Ang sabay sabay na mga pagsusulit, proyekto, at iba pang mga gawain ay tunay na napakamahirap lalo na sa aming nasa murang edad pa lamang. Idagdag mo pa ang walong oras na klaseng tunay na nakapapagod at nakaaapekto sa aming academic performance

Ayon sa pag-aaral ni Sian Beilock, isang psychologist sa Unibersidad ng Chicago, ang stress ay may koneksyon sa gradong makukuha ng estudyante sa kanyang mga gawain Sa pag aaral, nakitang ang stress at pressure na pinagdadaanan ng mag aaral ay nakapagpapataas o lubos na nakapagpapababa ng makukuhang iskor sa isang pagsusulit Sinasabi ng resulta ng pag aaral na karamihan dito ay nakatanggap ng mas mababang grado Hindi maikukubling tunay na mas nakaaangat ang katalinuhan ng mga mag aaral sa Pisay Ngunit, ibig sabihin ba nito ay hindi na kami naaapektuhan ng stress? Kung mababawasan ng kahit kaunti ang oras ng klase o bilang ng ibinibigay na mga gawain sa bawat asignatura, mapabubuti nito ang aming academic performance at mapipigilan ang pagdagdag ng pressure na nagreresulta sa stress.

Lubos akong nagpapasalamat sa mga aksyong ginawa ng PSHS WVC bilang tugon sa nabanggit na suliranin sa itaas. Bawat Miyerkules ng hapon, kami ay hinihikayat na makilahok sa Alternative Learning Activities (ALA) Ang pagsali sa mga ALA ay may maraming benepisyong hatid kagaya ng pagkatuwa at pagkalantad sa mga bagay na kinahihiligan Kinasasabikan ang araw na ito, sapagkat wala nang klase pagsapit ng hapon. Nariyan din ang pagpapatupad ng “Pahuway Break” o isang linggong pahinga bawat markahan para sa mga estudyante nang mailaan nila ang kanilang oras sa sarili at pamilya Ngunit, sapat na ba ito upang maibsan ang stress na naidudulot ng halos siyam na oras ng pag aaral araw araw?

Sa pangkalahatan, ang pagbawas sa bilang ng mga gawain o sa oras ng klase bawat linggo ay hindi lamang makabubuti sa kalusugang pangkaisipan kundi pati na rin sa mga grado at academic performance ng mga mag-aaral kagaya ko Ang stress na dulot ng mahabang oras sa klase ay isa sa mga hinaing na dapat pansinin. Idagdag pa rito ang maraming leksyong pilit na isinisiksik sa bawat sesyon. Tunay akong humahanga sa tibay ng loob ng mga kapwa ko mag aaral na sa kabila ng halos siyam na oras ng pag aaral at tatlo hanggang apat na leksyon bawat linggo, hindi pa rin nagpapadala sa stress na dulot nito Pero hanggang saan ang makakaya ng aming katawan at kaisipan? Patuloy ba kaming magpapanggap na parang mga superhero na hindi madadaig ng kahit na ano? Katulad ng iba, mga mag aaral din kami, kaya normal ang mai stress at ma pressure lalo na sa aming mga pinagdadaanan Tapos na ang pakikibaka sa pag aaral online habang may banta ng COVID 19, subalit bakit parang kasinghirap pa rin nito ang harápang pagkatuto? Hindi ba dapat mas madali na ito sapagkat nariyan na sa harap ang mga guro? Marahil, nabigla ang lahat sa agarang transisyon, at kailangang ayusin ang sistema para sa ikabubuti ng lahat

Angpagbawassabilangngmgagawain osaorasngklasebawatlinggoayhindi lamangmakabubutisakalusugang pangkaisipankundipatinarinsamga gradoatacademicperformanceng mgamag-aaralkagayako

9 Opinyon
PakikipagsapalaransaSilid aralan mulapahina8 BANAAG PSHS-WVC PAMATNUGUTAN T.P. 2022 2023 EllenFayeAnnYabut PunongPatnugot AnsleyJoyceSendico SamanthaKateDellota PangalawangPunongPatnugot RenMarcTobias PatnugotsaBalita KrystheaCharizzeAbagon PatnugotsaLathalain KaizerJamesDivinagracia PatnugotsaIsports ClarkAndinoMagada PatnugotsaAghamatTeknolohiya JemiahAshelleGraceVasquez PatnugotsaPanitikan AlexisGriffGenovatin VirgilElijahNoriega SocialMedia/WebsiteManagers MariaAntoinetteLopez VirgilElijahNoriega NinaIsabelVillodres MariaJoscelleSaldajeno DanelynHopeLaniog MariaIsabelleRentino MeganLexiaTalabucon LayoutandDigitalArtists LayoutandDigitalArtists NinaIsabelVillodres SamanthaDeeRequina Cartoonists GabrielSidBayate EmpressJoyAnunciacion LeanneClarisseLosañes Photojournalists CarlosManuelEusoya ZiyiJesicaAduana DarleneGraceMiranda RenceMontero SakeahSheeneSales Ma.PrincessSophiaTeodones KarlFrancisTamayo MgaMamamahayag BeaRystelleSullivan BeaReyjoyceSendico ReinMargaretteSamiento JillianPastrana AlyzetteCharlizeAquino AnicahJhannel Castisimo IssahPatriciaSumaray GwenfeAguja JanelZannciEstigoy JessicaMarieDedase JanelZannciEstigoy GloryOrdiales JessieAnneAlvarez LanzceyDeanneTonding LeimarMagno MariaEzrahAlmaElpusan MarkFrancisEusoya MharnelleAlyssaSindingan PrinceGabrielCalimpon RafaelGabrielTamises RenzSanchez LeonLondres MharnelleAlyssaSindingan MgaMamamahayag RodenP Pedrajas Tagapayo RolandoS.Libutaque,PhD CIDChief ShenaFaithM.Ganela,PhD CampusDirector BanaagPSHS WVC @BanaagPSHSWVC banaag@wvc pshs edu ph SETYEMBRE - NOBYEMBRE

SETYEMBRE

MGA BAGONG DORMER SA ‘BAGONG’ NORMAL

Krysthea

Dalawang taon na ang nakalipas nang ang salitang 'bagong normal' ay binigyang kahulugan bilang isang paraan ng pamumuhay na magpapanatiling ligtas sa atin mula sa virus. Naging sanhi ito ng paglipat ng lahat ng larangan, lalo na ang edukasyon, sa mga alternatibong paraan Ang nakasanayang harápang pag aaral ay nabago at napalitan ng online classes. Ngayong bumalik na ang set up sa normal, ito na ang maituturing kong ‘bagong’ normal Bawat isa ay may kanya kanyang pananaw at paghuhusga tungkol sa bagong pagbabagong ito Ito ay mas mahusay sa maraming paraan at may depekto sa ilan, ngunit depende rin naman sa mag aaral. Bilang isang dormer, ang aking mga karanasan ang nagbubuod sa kung ano ang nararamdaman ko patungkol sa set up na ito. Ito ay mas mabuti, mas convenient, at sa pangkalahatan, mas mahusay na set up para sa pagkatuto ng mag aaral

Ika 29 ng Agosto 2022, opisyal na nagsimula ang unang linggo ng face to face blended learning sa Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC) Binuksan ang mga dormitoryo para sa mga estudyanteng nangangailangan nito, at sa unang pagkakataon ay nagkita kita ang mga mag aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Bilang isang Pisaynon, ang bagong yugtong ito sa proseso ng anim na taong pag aaral sa Pisay ay isang malaking upgrade isang magandang pagbabago lalo na para sa mga mag aaral tulad ko. Isang dormer.

Ako ay nagmula pa sa probinsya ng Antique at ang pagpasok sa paaralan sa pamamagitan ng paglalakbay araw araw ay hindi isang opsyon. Kaya naman

Halos300angnakatirasamgadorm ngPisay WVC.Ibigsabihinnito,halos 300dinangnakararanasngmga pagbabagongdulotngpagbaliksa nakasanayangnormalnaating napagdaananbagoangpandemya.

naging dormer ako Ayon sa Science Scholar, ang mga dormer ay mga mag aaral na napilitang lumayo sa kanilang mga pamilya dahil sa mga komplikasyon sa heograpiya, pinilit na umalis sa kaligtasan ng kanilang sariling mga tahanan, at pinilit na pumasok sa isang bagong kapaligiran na puno ng mga estranghero Kung ikukumpara sa online class set up, ang ‘bagong normal’ na ito para sa akin ay mas maganda para sa mga dormer sa maraming paraan.

Una, malimit na ang pagtulog sa tamang oras Ang mga dorm manager ay istrikto sa mga panuntunan ng dormitoryo. Ang pinakahuling oras na maaari kang magpuyat ay hanggang alas 11 ng gabi lamang at paglipas ng oras na ito, dapat nakapatay na ang lahat ng ilaw Ito ay isang malaking pagbabago mula sa mga naranasan ko noong online classes kung kailan madaling araw na ako minsan natutulog Ayon nga sa isang pag aaral na pinamagatang “Sleeping Habit Exacerbation During COVID 19 Pandemic for Teenagers Aged 15 18,” 34 5 na bahagdan ng mga teenager ay natutulog sa alas 3 ng umaga pataas habang 32.7 na bahagdan ay natutulog sa pagitan ng ala 1 hanggang alas 2 ng umaga Kadalasan, hindi lamang naaapektuhan ang pisikal at mental na kondisyon ng mag aaral kundi pati na rin ang kanyang performance sa klase

Ang performance sa klase ay matutukoy ng iba’t ibang kadahilanan Bukod sa oras ng pagtulog, ang pokus sa pag aaral at tamang paggamit ng oras ay mahalaga bilang mag aaral sa paaralang tulad ng Pisay Isang kahingian at core value ang akademikong kahusayan sa Pisay Ngayong nasa 'bagong' normal na, mas pinaigting ang pagtuturo sa mga mag aaral at dahil dito, mas marami na ang natututunan at napapabuti ang performance sa klase Kaming mga dormer naman ay nadidisiplina sa tamang paggamit ng oras sa pamamagitang ng isang patakaran, ang “study time period ” Mula ika 9 ng gabi hanggang ika 11, ang mga oras na ito ay dapat ilaan sa pag aaral lamang

Mas nakabubuti sa mga estudyanteng dormer ang pagbalik ng nakasanayang uri ng pag aaral, ngunit hindi pa rin maiiwasan ang ilang mga depekto. Dahil blended, ang mga gawain ay nasa iba ibang plataporma at nakadepende sa guro ang paraan ng pagsusumite Karamihan ay soft copy ang ipapasa, at ang kahinaan ng signal sa dorm ay hinding hindi sapat Dahil sa halos 30 na naroroon sa aming palapag, pinag aagawan na lamang ang signal na hindi tumataas sa 5 hanggang 15 mbps. Kung hard copy naman, kailangang magtiyagang magsulat o kaya ay maghanap na lamang ng mapi print an

Panghuli, bilang dormer, limitado ang mga pangangailangang maaaring matugunan Nagkakaroon ng problema sa mga proyekto at mga gawaing nangangailangan ng mga gamit na wala sa akin. Mahirap ito para sa akin dahil kung ikukumpara noong online class pa, nagsusumite lang ako ng video o kaya ay larawan bilang patunay ng aking gawain Ngayon, harápan at materyal na ang hinihingi

Halos 300 ang nakatira sa mga dorm ng Pisay WVC Ibig sabihin nito, halos 300 din ang nakararanas ng mga pagbabagong dulot ng pagbalik sa nakasanayang normal na ating napagdaanan bago ang pandemya Ang bawat araw ko bilang isang dormer sa "bagong" normal na ito ay nagpapatanto sa akin ng maraming bagay lalo na ang mga kadahilanan kung bakit ko ito pipiliin Bilang pagbubuod, sa kabila ng lahat ng limitasyon, ang paglipat sa nakasanayang uri ng pagkatuto ay sadyang mas nakabubuti para sa aming mga estudyanteng dormer kaysa sa nakaraang online na set up

Opinyon BAGUHAN 10
- NOBYEMBRE

SETYEMBRE - NOBYEMBRE

Usapang Pandemya: Paiigtingin o Palalahuin?

M" atagal pa ba?” Isang katanungang nais kong iparating sa karamihan, sapagkat nagkaroon na naman ng biglaang pagtaas ang kaso ng COVID 19 sa bansa, at sa muli ay naitala ang halos libo libong Pilipinong nagpositibo sa umiiral na sakit Habang pinapanood ko ang iba't ibang datos at bagong balitang lumalaganap ay biglang ibinalita ang mga inaresto sa isang malaking pagtitipong lumabag sa batas ukol sa COVID 19, kung saan ang isa sa mga dumalo ay nagpositibo pa Ako ay napuno ng pagkadismaya, sapagkat hindi muna isinaalang alang ang kapakanan ng buong bansa bago inorganisa ang salo salo, lalong lalo na ngayong tuloy pa rin ang labanan kontra COVID 19 Tila ba ay mas binigyang halaga ang panandaliang kasiyahan at halakhak kaysa sa kaligtasan ng iba at pangkalahatang publiko. Mukhang nakalimutan na nga ng sambayanan ang naidulot na at maidudulot pang himagsik ng isang pandemyang napapabayaan.

Ayon sa Philippine News Agency o PNA, 14, 333 ang naitalang bagong kaso sa bansa sa unang linggo pa lamang ng Oktubre. Umabot na rin sa 3,989,556 ang bilang ng kabuoang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas, at ang pinaghihinalaang salarin ng mga dalubhasa sa likod ng pagtaas ay ang bagong COVID 19 variant na kung tawagin ay XBB. Sa ngayon, 61 na kaso na ng XBB variant ang naitala sa bansa, kung saan 60 sa mga ito ay sa Kanlurang Visayas, at isa (1) sa rehiyon ng Davao. Ito ay isang hudyat na dapat ay lalo pang pairalin at ugaliin ang pagsunod sa mga protokol kontra COVID 19 Sa aking palagay, mas binibigyan pa dapat ito ng pansin para maiwasan ang muling paglitaw ng isa pang makabagong krisis

“Tumataas ito ng walo hanggang sampung bahagdanbawatlinggo,atsapalagay namin ay ito ang may pakana sa eksponensyal na pagtaasng kaso lalong lalo na sa mga

parte ng Visayas,” ang sabi ni Dr Ma Socorro Quiñon ng Iloilo Provincial Health Office (IPHO) Dagdag pa niya na kahit man lumuwag na ang iba’t restriksyon at protokol ay dapat pa ring ugaliin ang iba’t ibang alituntunin kapag l labas, nakikipaghalubilo, o kahit sa pangkalahatang pamumuhay ng, kagaya ng pagsuot ng face k, paglagay ng alkohol o paghugas kamay, pag obserba ng isang ong pagdistansya, at pakikipag ugnayan sa gobyernong lokal o Local Health Units kapag nakikitaan ng sintomas ng flu o COVID 19 Datapwat, ipinapahayag naman ng iba na ligtas daw ang bansa ngayon, at opsyonal o hindi na kinakailangan ang pagsunod sa ibang protokol, katulad na lamang ng ipinahiwatig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kanyang talumpati noong MassKara Festival sa Lungsod ng Bacolod Isinaad niya na maayos na raw ang lahat at pwede nang magsimulang bumalik ang lahat sa kaluwagan ng pamumuhay noong mga panahon bago lumaganap ang virus.

“Naging malupit man ang pagsubok na dala ng pandemya ay nakuha pa rin ng mamamayang Pilipino na magkaisa, at ngayon ay unti unti nang naglalaho ang suliranin ng ating bayan,” wika ng presidente.

Talaga bang pwede na? Paano naman kaya ang naitala ng Kagawaran ng Kalusugan na mahigit 63, 800 katao na ang nasawi? Paano ang mga anak, asawa, ama, o ina na may pamilya at mga mahal sa buhay na naiwan nang wala sa oras? Kakalimutan mo na lang ba na malubha ang parusang dulot ng kapabayaan, at magsaya ng ganun ganun na lang? Marahil, mas naging madali na nga ang buhay ngayon dala ng pagkaroon ng mga bakuna at mas intrikadong kagamitan sa medisina Ngunit, dapat pa ring inaalintana ang kaligtasan, at hindi dapat nagpapalinlang sa pagiging kampante para maiwasan ang paglala ng sitwasyon

Isang halimbawa ay ang 71 taong gulang na si Mang Alberto Si Mang Alberto, kahit matanda na at naninirahang mag isa ay maliksi pa rin at masayahin Siya ay araw araw na lumalabas ng bahay at nakikipagkamustahan sa mga kapitbahay, kaibigan, o hindi kaya ay mga taong nakakasalamuha niya Dahil

nga lumuwag na ang restriksyon ay hindi rin napigilan ni Mang Alberto ang maging kampante, at nagsimula na itong lumabas nang walang face mask, at hindi na ito dumistansya na may tamang layo sa mga kinakausap Sa una ay ayos pa naman ang lahat, hanggang sa isang araw ay biglaan lang naging malubha ang ubo ni Mang Alberto Nahirapan din siyang huminga at tila ba ay hindi na makabangon sa kama dulot ng sobrang pamamaga at sakit ng kamay, tuhod, at paa Subalit, kahit ganito na ang nararamdaman ay hindi niya pa rin sineryoso ang kondisyon at inisip na ito ay simpleng trangkaso lamang, kaya hindi siya nagpaalam sa sentrong pangkalusugan o Health Center ng kanilang barangay Noong siya ay naabutan ng mga kamag anak, lumubha na ang sakit, at sa kasamaang palad ay binawian ng buhay si Mang Alberto bago pa man maisugod sa ospital

Isa lang si Mang Alberto sa dinami raming Pilipinong kinuha mula sa kanilang mga mahal sa buhay dahil lamang sa pagiging kampante at hindi pagsunod sa mga payong para naman sa ikabubuti ng lahat. Marami pa ba ang dapat mamatay at mawala bago tayo mapukaw sa realidad ng sitwasyong ito? Aking ipinahahayag na dapat ay paigtingin pa rin kahit papaano ang mga hakbangin kontra COVID 19. Pahalagahan ang mga buhay na nawala at kunan ng leksyon para naman wala nang madagdag sa listahan ng mga nawala at nasawi, at para lubusan na ngang makamtan ang lipunang hindi inaalipin ng pandemya.

Para sa mga nagtatrabaho at kumakayod. Para sa mga mamamayan ng bayan na nagsasakripisyo at ibinubuwis ang kaligtasan para lang may makain sa araw araw Para sa kabataang nag aaral at umaasang makapagtapos ng elementarya, hayskul, at kolehiyo upang makamit ang pangarap Para sa bawat Mang Alberto na namatay nang dahil sa sakit na dulot nitong malupit na kaaway. Para sa mga Pilipino. Matagal pa ba?

Maramipabaangdapatmamatayat mawalabagotayomapukawsarealidad ngsitwasyongito?Akingipinahahayag nadapataypaigtinginparinkahit papaanoangmgahakbanginkontra COVID 19.Pahalagahanangmga buhaynanawalaatkunanngleksyon

11 Opinyon
Dean Terrence Garde POSITIBO

YABUT LOSAÑES

EUSOYA

SETYEMBRE

Tatlong Testamento ng Pamumuno at Kahusayan

Krysthea Charizze Abagon at Anicah Jhannel Castisimo

Isinasabuhay ang tatlong corevaluesng paaralan: integridad, kahusayan, at serbisyo; hinahasa ang tatlong domeyn ng pagkatao: kognitibo, kasanayan, at kaasalan; at ipinakikilos ng tatlong inspirasyon ng isang iskolar sila ang tatlong testamento ng kahusayan, katalinuhan, at kagalingan.

Ang isa ay nagnanais na makadala ng positibong pagbabago sa mundong kanyang ginagalawan Ang ikalawa ay may layuning ikasangkapan ang kanyang kaalaman at kabutihan ng karamihan at rbisyosakapwaniyaPilipino. an ay may hangaring tahakin kolar sa isang holistik na

man, kilala na ang mga mag PSHS WVC sa kanilang ang akademiko. Paglipas ng unting dumami ang mga ,atisasamganagingtatakng r ng Pisay ay ang kakayahang

aong 2022, tatlong mag aaral ang nakatanggap ng The tudents of Iloilo Awards o len Faye Ann P Yabut, Carlos soya, at Leanne Clarisse M ag aaral sa ika 11 na baitang, ungunang student leaders sa pagiging parte ng Student o kaya ay pinuno ng kani organisyon ay hindi madali. ng panayam, makikitang ang agtiya-tiyaga ay likas sa mga

ara Maitumba ang mga gopisyalngSA,isangpinuno sasyon, at punong patnugot g publikasyon sa Filipino ng abut ay may pusong lider at Gamit ang kanyang mga g mag aaral na ito mula sa a ay unti unting isinusulat gumpay sa pamumuno at sa arap os ng layuning magdala ng babago sa mundong kanyang siya ay kumbinsidong oras sa apat na sulok ng kanyang gi ang kanyang kakayahang agsulong ng mga adbokasiya usibong edukasyon, malaya ibleng pagsasalita, at tamang gimpormasyon

Maraming pagsubok na dala ang pagiging babaeng pinuno. Ang gender discrimination ay pinakamapanghamong suliraning kanyang naranasan, at isa ito sa mga bagay na nais niyang masugpo gamit ang kanyang plataporma sa SA.

"Hindi maitatangging mahirap ang unang hakbang na ating gagawin sa bawat landas na nais nating lakbayin Ngunit, atin ding alalahaning hindi natin mararating ang ating destinasyon kung mananatili ang takot sa ating mga puso. Magtiwala tayo sa proseso at matuto sa ating pagkakamali, sapagkat ang tunay na tagumpay ay binubuo ng napakamaraming pagbangon at pagkatuto,” sabi ni Yabut.

Mabigat ang responsibilidad na dala dala ni Yabut, ngunit sa gampaning ito ay natagpuan niya ang kanyang adbokasiya at mithiin na nag uudyok sa kanya upang maging mabuting ehemplo sa iba Isang malaking karangalan para sa kanya ang makatanggap ng titulo na TOSIA. Dagdag pang sabi niya, “Ito ay simula pa lamang ng makabuluhang mga bagay na makakaya ko pang maabot ”

TamangPagtitimbangsaBuhay Ang estudyanteng ito mula sa Baitang 11 Sirius ay nakapokus sa pagiging isang pinuno Siya ay tagapagtatag ng Dear Asian Youth Iloilo City na isang maimpluwensyang youth organization sa lungsod, kasalukuyang nagsisilbi sa mga mag aaral bilang opisyal ng SA, at nakikibahagi sa iba pang mga organisasyon. Nagawa na ni Losañes ang lahat, mapaakademiko man o pamumuno dahil sa layuning sulitin ang kanyang oras at kakayahan sa tamang pamamaraan

Bilang parte ng SA at pinuno ng mga organisasyong kanyang itinatag, layunin niyang talakayin, ibahagi, at ipalaganap sa kabataan ang kahalagahan ng kamalayan sa iba’t ibang isyung panlipunan Upang matagumpay na matupad ang mga layuning ito, kanyang binigyang diin ang pag unawa sa damdamin ng iba, pagiging organisado, mabuting pagsasalita, pagkakaroon ng kooperasyon, at pagsisikap Dahil sa pamamahala sa oras, nababalanse niya ang pag aaral at pagiging student leader

“Mayroon talagang mga araw na mapupwersa kang pumili kung ano ang uunahin. Mahirap ibalanse ang lahat ng responsibilidad, ngunit sa huli ay talagang magiging sulit naman ang lahat,” pagbabahagi ni Losañes

12
NOBYEMBRE

SETYEMBRE - NOBYEMBRE

Sa kabila ng pressure na kanyang nararanasan, nagagawa niya pa ring paghusayinpaanglahatngkanyanggawain, dahil para sa kanya, napakamahalagang maipakita ang kagalingan sa lahat ng bagay atmaibigayangpinakamabutingserbisyosa kapwa

Para kay Losañes, ang pagtulong sa kapwa, pagtindig para sa tama, at pagtrabaho kasama ang iba pang kabataan at estudyante ay hindi lamang mga tungkuling dala ng kanyang posisyon kundi pinakamagandang rason at layunin din kungbakitsiyanagingstudentleader Itorin ang mga gawaing nagpakamit sa kanya ng titulo ng TOSIA Dahil sa kanyang pagsisikap kasama ang mga kaisa sa paglilingkod, napatunayan niyang may kakayahantalagaangkabataan

Kung ang Kahusayan ay may Mangingibig Katulad ni Yabut, isa ring manunulat at lider si Eusoya Siya ang punong patnugot ng Sci-Link na publikasyon sa Ingles ng paaralan, kampeon sa pamamahayag at malikhaing pagsulat, palaging nangunguna sa kanilang batch, at nanguna rin sa pagranggo ng mga nakatanggap ng TOSIA Ang mag aaral na ito mula sa Baitang 11 Rigel ay patunay na ang kahusayan sa kahit anong gawain ay magpapalayo ng iyong mararating.

Bilang isang iskolar na nabigyan ng oportunidad at pribilehiyo na makapag- aral nang libre dito sa Pisay, nais niyang ibahagi ang kanyang karunungan sa mga estudyanteng hindi nagkaroon ng parehong pagkakataon. “Napagtanto ko na maraming kabataan ang hindi nakakakuha ng sapat o kalidad na edukasyon, at naging motibasyon ko ito upang maging isang lider at advocate para sa edukasyon,” aniya.

Nang dahil sa kanyang adbokasiya na siyang naging inspirasyon niya upang pumasok sa mundo ng youth leadership at sa pagpupursige sa kanyang pag aaral, nagkaroon siya ng pagkakataon na isakatuparan ang kanyang mga hangarin at ganoon din ang manalo nang mga parangal tulad ng TOSIA, kung

saan labis ang kanyang kasiyahan at lubos ang pagpasalamat, hindi lamang dahil sa pagkilala na dala nito, kundi dahil din sa pagpapatunay na ang kanyang pagsusumikap bilang isang lider ay unti unting nakatutulong sa komunidad at ang kanyang adbokasiya ay dahan dahang nagtatagumpay

Subalit, sa kabila ng mga kahusayang nakikita ay may suliranin ding dadaan na hahamon sa kanya Ayon kay Eusoya, “Hamon ang pagiging introvert sa pagiging lider, dahil may mga panahong mapapaduda ka sa iyong sarili lalo na sa harap ng madla.” Ngunit, sa kabila ng hamong dumaan ay hindi siya sumuko. Sa halip, hinarap niya ito

“Sa tulong ng paniniwala sa sariling kakayahan at sa mga kaibigang tumutulong sa aking personal na paglalakbay bilang isang student leader, matagumpay kong nalampasan ang hadlang na dulot ng pagka introvert sa aking mga gawain,” sabi pa niya.

Hindi maikakaila na ang mga responsibilidad na kailangan niyang gawin ay hindi makakaya nang isang tao lamang Gayon pa man, kinakaya niya pa rin ito, at hindi siya titigil hangga't hindi nakakamit ang kanyang mga ninanais sa buhay. Umpisa pa lamang ito, at marami pang mga bagay ang kanyang pinaplanong isakatuparan sa hinaharap

Taliwas sa kaisipang ang mga Pisaynon ay pang akademiko lamang, muling napatunayan ang kagalingan ng mga mag aaral sa ibang aspekto tulad na lamang ng pamumuno. Bilang TOSIA awardees, napatunayan nina Yabut, Losañes, at Eusoya na likas ang kahusayan sa anumang layuning nais matamo ng isang ulirang Pisaynon Maging sa pamumuno o sa ano pang larangan, tunay nilang taglay ang alab ng puso sa pagpapahusay ng ginagawa

13 Lathalain

PISAY-WVC

KULTURANG TATAK PISAY-WVC KULTURANG TATAK

Mahigit dalawang taon din ang nalagas sa tangkay ng panahon bago muling nasilayan ang mga estudyanteng paroon at parito sa mga pasilyo at oval ng paaralan Hinahanap ng pakiramdam ang pag upo sa maamong mga damo habang nakatingala sa kahel na langit at sa papalubog na araw. Hindi rin makalimutan ang pag uunahan ng mga mag aaral sa Coop upang makapila at makabili ng mga pagkain May siomai, hotdog, cheeseburger, milk tea, at fries! Pumilikalang

Ang Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus (PSHS WVC) ay bantog sa maraming aspekto, hindi lamang sa pamimituin sa mga paligsahan. Alam mo ba na ang kampus ng Kanlurang Visayas ay binansagang “party campus” mula sa 16 na campuses ng PSHS? Malamang hindi pa, hindi ba? Kaya, narito ang ilan sa kilalang mgatradisyongmaaaringhindimopabatid

AlamatngBakerite

Hindi tiyak ang petsa kung kailan ito nagsimula, subalit ang tiyak lamang ay mararanasan ng parating na batch sa bagong taong panunuran ang mabilog sa kwentong ito Hayaan ninyo at isasalaysay ko ang “Alamat ng Bakerite ” Sabi sabi ng mas nakatatandang mga mag-aaral na may kainan daw na sosyal at aircon sa tabi ng kampus Mura at masarap na nga ang pagkain, mapagbigay pa ang may ari. Ngunit, kapag iyong tutuklasin, ang bubungad sa iyo ay munting tindahang yari sa kahoy Naka display ang sari saring tinapay at ang pinakatinatangkilik na pancit canton Pero, nakalulungkot ang pagkawala ng bakerite sa kasagsagan ng

Pamamalakpak

Boom! Biglang nabuhay ang Coop sa nagsisigabong palakpakan at tawa ng mga mag aaral Ikaw, nakahulog ka na ba ng pinggan o nakatumba ng upuan, at nakaranas mapalakpakan? Sa hindi rin tiyak na petsa, naging bantog ang pamamalakpak kapag may tunog ng pagkahulog na humahatak sa atensyon ng mga naroroon. Kaugnay ng tradisyong ito ang halos buong komunidad na pagkanta ng “Happy birthday” sa mga may kaarawan sa isang partikular na araw

NaiwangKayamanan

Pailaw ilaw, nag iisa sa ibabaw ng mesa sa mga daanan sa kampus. O, kay maringal tingnan! Nagtataka ka rin ba kung bakit kampante ang lahat na iwan ang kanilang mahahalagang mga gamit tulad na lamang ng laptop at wallet? Noon pa man, nakatatak na sa isip ng mga iskolar ang core values ng Pisay, at isa na rito ang “Integridad” Ito ang pangunahing rason kung bakit kalimitang may mga gamit na naiiwang

na nakalimutan sa silid! Wow, halatang halata kung ano ang likas kong gawain

HuwarangIskolar

Likas na magagalang ang mga Pilipino, pero mas binibigyang diin ito sa Pisay WVC Sinuman ang makasalubong magulang, dyanitor, gwardiya, guro o admin kaugalian nang bumati ng mga iskolar ng “Magandang umaga!” at ”Magandang hapon!” Ngunit, siguruhing tugma sa oras ang iyong bati Huwag bumati ng magandang umaga kapag alas tres na ng hapon Isa pang pagpapamalas ng pagiging magalang ay pagyuko kapag dumadaan sa gitna ng mas nakatatandang iskolar Higit sa lahat, huwag kalimutang humingi ng paumanhin, lalong lalo na kapag nakabangga ng kapwa WVC’2X

“Hmm, wvc’23, wvc’24, wvc’25, wvc’26, wvc’27, wvc’28 ” Friendship request accepted Ikaw, nasa bio mo na rin ba ang kampus at ang taon kung kailan ka magtatapos sa institusyong ito? Mapa Facebook, Twitter, o Instagram, siguradong makikita ito sa talatang naglalarawan sa isang iskolar Iskolar ng bayan talaga ang dating Hindi lamang ito kultura ng Kanlurang Visayas.

May nariyan pa marahil sa tabi tabing mga kultura at tradisyong hindi ko nabanggit o naranasan man Kapag ako ay iyong nakasalubong sa kampus, pakibulong na lang ito sa akin Ibig kong matukoy ito bilang hilagang bituin sa nakababatang mga iskolar ng WVC. Kaya nga nakasalalay sa makwelang mga iskolar ang pagtangkilik, pangangalaga, at pagpasa nito sa susunod na henerasyon ng mga mag aaral ng Pisay WVC

Darlene Angel Grace Miranda
Lathalain 14 SETYEMBRE NOBYEMBRE

May pa comeback ngayong Taong Pampaaralan 2022 2023 ang Alternative Learning Activities o ALAs ng Philippine Science High School Western Visayas Campus (PSHS WVC) matapos ang dalawang taong pagsuspende sa implementasyon nito dahil sa pandemya.

Ang Alternative Learning Activities o ALAs ay pampaaralang mga organisasyon o clubs na sinasalihan ng mga iskolar sang ayon sa kanilang interes Dito nalilinang ang kanilang mga talento at kakayahan habang nalalantad sila sa libangang pinili. Itinuturing itong pagbabalanse sa bigat ng akademikong mga pangangailangan habang hinahanda ng mga iskolar ang kanilang mga sarili sa mas malawak pang lipunan sa hinaharap

ALAmin ang atingALAs sa serye ng mgalarawanatpaglalarawansaibaba:

Banaag: Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ngKarimlan

Sino ang nagsabing mahirap magsulat sa Filipino? Kung sino man iyon, siguro hindi siya sumali sa Banaag Ang Banaag ay opisyal na pahayagang pangmag aaral sa Filipino ng PSHS WVC Hindi lamang Filipino ang ginagamit na midyum sa pagsulat dito Maaari ding Hiligaynon, Kinaray a, at iba pang katutubong wikang swak sa panlasa ng mga mambabasa.

Sci Link:Today’sLinktotheFuture

Ang Sci Link naman ay opisyal na pahayagang pangkampus sa Ingles ng institusyon Sa mga nanginginig ang kamay at atay sa tuwing nagsusulat sa Filipino, ang Sci Link ay para sa inyo.

Hallyu

Nawala siya ng isang taon pero bumalik naman, ngunit ang IZ*ONE wala na talagang pag asa Mahilig ka ba sa Kpop, Korean Food, at K Drama? Dito ka na, at baka mahanap mo na sa wakas ang oppa ng iyong buhay!

Badminton

Nag serve! Nag smash! Gilas ng katawan ang sukatan. Kaway kaway sa ating mga badminton enthusiast! Dito ninyo mahahasa ang inyong mga kasanayan sa badminton

Choir

“Salt air ” biro lang sa ating Swifties diyan Tapos na pala ang Agosto “Wake me up when September ” teka lang, tapos na rin pala ang buwang ito Ops, takure nga umaawit kung kumukulo, Pisay scholars pa kaya? Dito sa Choir ALA, kumanta ka hanggang mabasag ang mga salamin

Sports (Volleyball, Basketball, at Football)

“He shoots, he scores!” Sa mga mahihilig at magagaling sa isports, beat energy gap. Ito ang nararapat sa inyo. Dito, ang mga iskolar ay nag eensayo para mapabuti ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang isports.

Stellar

“Baby, baby, you’re my sun and moon.” Gusto mo bang matuto ng iba pang kaalamanukol sa ating Solar System? Halina sa Stellar ALA! Sila ay nagsasaliksik tungkol sa iba’t ibang planeta, bituin, at konstelasyon.

ArtsandCrafts

Maarte ka ba sa malikhain at produktibong pamamaraan? Talentado ka ba o interesado sa Arts and Crafts? Samahan sila sa kanilang paggalugad sa iba’t ibang porma ng arte

Anime

“It was me, Dio ” Isa ka bang otaku? Dito ka na sa Anime ALA! Sila ay umpukan ng mga mahihilig sa Anime ng Japan o sa mga bagay na may kinalaman dito

MathHonorsClass

1+1 = LapuLapu? Ang Math Honors Class ay nagpapakasaya sa mga larong may kinalaman sa matematika Maliban sa masaya na, makatutulong pa ito sa ating pag aaral lalo na tuwing nagkakagulo ang ating neurons sa pagresolba ng mga problema sa matematika

E games

Kaya mo bang lumikha ng e games? Ang mga iskolar sa ALAng ito ay bumubuo at naglalaro ng e games Hindi feelings ang pinaglalaruan dito, ha Gumagawa rin sila ng mga estratehiya sa mga laro

MUN Debate, pampublikong pagsasalita, at pamumuno. Ang MUN o Model United Nations ay may layuning itaas ang ating kamalayan hinggil sa pandaigdigang mga problemang sosyo politikal at pang ekonomiya.

Movie

Trip mo rin ba ang maupo at manood ng pelikula pagkatapos ng sangkatutak na reqs? Dasurv mo ang magpahinga habang kumakain ng snacks sa Movie ALA. ‘Ika nga ng Ben&Ben, “Malapit na, pero hindi rin kasalanang magpahinga.”

Dance “Gusto kitang isayaw nang mabagal ” Stressed? Pressured? Iindak mo muna iyan sa saliw ng mga tugtugin nang sabay na mawala sa pagpatak ng mga pawis Ang Dance ALA ay naniniwala sa halaga ng paggalaw ng katawan sa ikabubuti hindi lamang ng pisikal kundi pati na rin ng mental na kalusugan

RedCross

“SOS! Hindi ako makahinga, dahil nakita ko siyang may kasamang iba ” Walang problema Ang PSHS WVC Red Cross Youth ay isang organisasyong naglalayong lumikha ng isang grupo ng mga iskolar na nagsasanay upang maging maalam at mahusay na mga first aider Sila ang inaasahang tutugon sa panahon ng mga emerhensiya sa tuwing may aktibidad sa loob at/o labas ng kampus

Kaya huwag nang malungkot tuwing

Ma Princess Sophia Teodones at Bea Rystelle Sullivan Movie RedCross MathHonors Class MUN EGames Stella Ch Dance Anime asketball ArtsandCrafts Football Volleyball SciL Badminton Banaag Hallyu
15 Lathalain
M
SETYEMBRE - NOBYEMBRE
g a a r a w a n g k u h a n i E m p r e s s J o y A n u n c a c o n

Red Abuyo, nangibabaw sa PSHS System Ugnayan 2022

NASUNGKIT ng Cluster2 Red Abuyoangkampeonatomatapospataubin angapatpangmgakoponanngmga manlalaromulasaiba’tibangkampussa ginanap na Philippine Science High SchoolSystem(PSHSS)Ugnayan2022 noongNobyembre7hanggang11sa BaguioCity

Angnagwagingpangkataybinubuo ngmgakinatawanmulasaCagayan ValleyCampus,CALABARZONRegion Campus,CARAGARegionCampus,at WesternVisayasCampus

Humakot ng sumusunodnamga medalyasaiba’tibangpalarongPSHS SystemUgnayan2022angmgakawaniat magaaralngPSHSWVC:

200meterDash

LeovicJohnTamaño(G11)Gold[Men]

JoeylynTerania(Faculty)Gold[Women]

100meterDash

BienAelanaGonzales(G9) Bronze [Women]

FritzOrtigas(Faculty)Bronze[Men]

4x100meterRelayRace

Joeylyn Terania (Faculty) Gold [Personnel]

LeovicJohnTamaño(G11)&BienAelana Gonzales(G9)Silver[Students] LongJump

JoeylynTerania(Faculty)-Gold[Women]

Chess

DianneJoyceEsona Gold[Women]

3x3Basketball

KemuelReillySarrosa(G12) Gold[Men]

MostValuablePlayer

Daryll Jade Elumba (G10) Gold [Women]

5x5Basketball

ElvinJohnVillanueva(Faculty)-Gold [Men]

DarrelLedesma(Staff) Gold[Men]

Volleyball

LeanneClarisseLosañes(G11) Gold [Women]

MariaPetrinaAbigailAguirre(G11) Gold[Women]

Badminton

Antoinette Lopez (G11) Bronze [Women]

TableTennisDoubles

LeAndreSimon(G11) Gold[Men]

AudreyGaileUy(G9) Gold[Women]

DanielleAnnBayona(Faculty) Gold [Mixed]

“Satotoolanghindikoinaasahang mananaloakosa200meterdashdahil palagiakonghindisumisipotsacardio workoutstuwinghapon Hindipaako sanaysahighaltitudengBaguioatisang linggopaakonghindinakatakbo Kaya ngasobrangsayakonangnanaloako

hindi lang WVC ang aking nirepresenta, kundi pati na rin ang CVC, CBZRC, at CRC,” pahayag ni Tamaño, isa sa mga manlalaro ng WVC, tungkol sa kanyang pagkapanalo

Nag uwi ang mga iskolar at mga kawani ng PSHS WVC ng 14 na ginto, isang pilak, at tatlong tansong medalya.

“Malaki ang aking pasasalamat sa karanasang dala ng Ugnayan 2022, sa kadahilanang nagbigay ito ng oportunidad upang ako ay makapaglaro sa iba't ibang isports lalo na sa athletics

Ang mga gintong napanalunan ko ay alay para sa karangalan ng ating campus. Maliban dito, ang pinakamataas na karangalan ay aliw, disiplina, at aral na naibahagi ng patimpalak,” sabi naman ni Bb Joeylyn Terania

Gaganapin sa Lungsod ng Iloilo ang Ugnayan sa susunod na taon, at ito ay pangungunahan ng PSHS WVC

Leithold Alexis Ronquillo, Karl Tamayo, at Jared Ashton John Osdaña
AGUIRRE
LOSAÑES
SIMON CORMARY P U E R T O
TERANIA
SARROSA
g a L a r a w a
m u l a s a F a c e b
k p a g e
g
S H S S
M
n
o o
n
P
U g n a y a n

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.