bumalik na sa harápan
Carlos Manuel Eusoya at Ziyi Jesica Aduana
ALUMNUS NG PSHS-WVC, nanguna sa Physician Licensure Examination
Carlos Manuel Eusoya
magpasuri, at kung negatibo lang naman ang resulta ay pwede nang makapasok ulit. Alam kong medyo nakaaabala ito, subalit kailangan nating sumunod sa IATF guidelines nang magkaroon tayo ng ligtas na lugar dito para sa bawat isa, lalo na sa mga bata. Patuloy nating tatanggapin at tatalakayin ang mga suhestiyon at obserbasyong papasok,”
paliwanag ni Dr. Ganela
Dibuho ni: Sam Dellota
“Sobrang saya naming ng paaralan at sa implementasyon ng kurikulum ay ginawa upang umangkop sa mga pangangailangan ng harápang pagkatuto, bagaman may mga paglilimita pa rin sa iba’t ibang bahagi ng pagpapatupad nito, dahil hindi pa lubusang bumalik sa normal ang sitwasyon.
“Inaasahan kong patuloy na makikiisa ang lahat sa pagsunod ng mga protokol, kagaya minsan ng pagquarantine sa loob ng ilang araw sa labas ng kampus. Kung gusto nilang bumalik nang maaga, maaaring
Tiniyak ang pagsunod sa mga protokol sa pamamagitan ng palagiang pagtingin sa kalagayan at pagsunod ng mga iskolar sa tuwing sila ay nasa paaralan, paglilimita sa bilang ng mga umuukupa sa isang saradong silid o bulwagan, at muling pagpapaalala ng mga dapat sunding protokol sa tuwing magkakaroon ng mga pagtitipon at programa sa loob ng kampus.
Gagamitin pa rin ang learning management system na Knowledge Hub at ang mga gabay pampagkatutong sasangkapan ng talakayan at gawaing isasagawa sa loob ng klasrum.
Dagdag pa, ibinalik din ang pagsasagawa ng mga gawaing itinigil sa nakalipas na dalawang taon kagaya na lamang ng Alternative Learning Activities (ALAs), malapitang konsultasyon sa guro, at holistik na aktibidades katulad ng isports na kinasasangkutan ng mga iskolar.
Nakamit ni Justin Adriel Zent Togonon, alumnus ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) Batch 2015, ang unang lugal sa Physician Licensure Examination na ginanap noong Oktubre. Nakakuha si Togonon ng 89 bahagdan na marka at nanguna sa 5,958 na kumuha ng licensure exam, ayon sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC). Ayon kay Togonon, hindi niya inaasahang mangibabaw sa licensure exam, o kahit nga makapasa, dahil mahihirap ang mga tanong sa apat na araw na pagsusulit. Lumabas din sa naturing resulta naww 3,826 na examinees ang nakapasa sa buong bansa. “Matapos ang unang araw, pinasisiya lang ng mga kaklase namin ang isa’t isa. At sa pang-apat at panghuling araw ng exam, parang lahat kami ay nagsang-ayon na ‘sige kung ano na lang iyong nandiyan’. Ang importante ay makapasa lang naman tayo,” aniya sa isang interbyu ng Inquirer. Nagtapos si Togonon ng kolehiyo sa UP College of Medicine, kung saan pinarangalan siya bilang Magna Cum Laude at Valedictorian ng
PSHS-WVC PTA nagdaos ng Panunumpa, Paglilipat ng Tungkulin
Roden Pedrajas
DALAWANG MAG-AARAL NG
PSHS-WVC nanungkulan bilang mga opisyal ng Lungsod ng Iloilo sa Boys’ and Girls Week
Ziyi Jesica Aduana, Sakeah Sheene Sales, at Ellen Faye Ann Yabut
HINIRANG bilang mga
opisyal ng Lungsod ng
Iloilo ang dalawang magaaral ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus sa pagdiriwang ng Boys’ and Girls’ Week ngayong taon.
Gumanap bilang alkalde ng lungsod si Eliza Consuelo
H. Billones, habang si Julia
Aiko P. Añasco naman ay nagsilbing konsehal noong ika-14 hanggang ika-18 ng Nobyembre.
“Nilalayon kong magkaroon ng karanasang
tutulong sa pagpapabuti ng aking mga kakayahan na magbibigaydaan sa akin na magpahayag ng
mga pananaw mula sa pananaw ng kabataan. Sa pamamagitan ng paghahatid ng aking mga
adhikain na itaguyod ang
kabutihang panlahat sa ilalim ng isang rehimen ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pagibig, pagkakapantay-pantay, at kapayapaan, naniniwala akong magagawa kong katawanin ang boses ng kabataan,” saad ni Billones ng Grade 10-Electron.
Bago sila napili mula sa 69 na mag-aaral galing sa mga pampubliko at pampribadong paaralan ng Lungsod ng Iloilo, sumailalim muna sila sa pasulat na pagsusulit noong Oktubre 8 at pinal na panayam noong Nobyembre 5 sa tulong ng kanilang mga tagapagsanay na sina G. Alfie Anthony
Neodama, G. Josiah Jayzon
Mangangot, at Dr. Edgar Elmero.
“Hangad ko ang pagkakataong magkaroon ng platapormang gagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpapalakas ng boses ng mga grupong hindi binibigyangpansin at pagtitiyak na ang lahat ng mga pananaw ay kasama sa pamamahala,” dagdag pa ni Bellones.
Bilang hudyat ng pagsimula ng pormal na panunungkulan nina Bellones at Añasco, nakilahok sila sa parada kasama ang iba pang student officials ng Lungsod ng
Iloilo mula sa Iloilo Provincial
Capitol patungo sa Iloilo City Hall.
“Alam kong hindi ito engrande o totoong opisyal, ngunit ginusto ko muna sa simulang matutunan kung paano nagtatrabaho si Hon. Candace Tupas bilang isang city councilor, at nailapat ko nga ang aking mga nalaman nang nakatrabaho ko na siya. Kailangan dito ang pagpupursige at kakayahang makipag-usap at makipagtulungan sa iba para sa iisang layunin. Alam kong kaya kong makipagtulungan nang maayos sa iba at hangga’t pinapayagan ang lahat na magbahagi ng mga opinyon, maaari silang makipag-usap sa akin at sa aming mga kasamahan sa pangkat,” wika naman ni Añasco ng Grade 10-Tau.
Sa isang linggong pagganap bilang opisyales ng Lungsod ng Iloilo, sina Bellones at Añasco ay nalantad sa mga gawain at tungkulin ng isang city official, at naisagawa nila ang kanilang mga napag-aralan sa tulong nina Mayor Jerry Treñas at Councilor Candace Tupas, sa ganoong pagkakasunod-sunod.
“May ginawa akong resolusyon kasama ang city councilors. Marami ring naging plano ang iba, pero pinagtuunan ko ang Iloilo River sa isa kong resolusyon, at nakipag-co-sponsor din ako sa ibang councilors,” dagdag na sabi ni Añasco.
Isinagawa ng Rotary Club of Iloilo, katuwang ang Pamahalaan ng Lungsod ng Iloilo, ang nasabing pagdiriwang na may layuning palaguin at sanayin ang kakayahan ng kabataan sa pampublikong panunungkulan.
UPANG mapasigla ang pagkakaisa ng Parent-Teacher Association (PTA) sa pagtupad ng mga tungkulin sa Taong Pampaaralan 2022 hanggang 2023, ginanap ang Panunumpa at Paglilipat ng Tungkulin noong Oktubre 22 sa Amber Hall ng Zuri Hotel sa Lungsod ng Iloilo. Ang programa ay dinaluhan ng mga presidente at bise presidente mula sa 22 homerooms at ng opisyales ng PTA Board of Trustees (BOTs) sa nakalipas na taon. “Sa pagkakaalala ko sa aking pananatili sa Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHSWVC) sa loob ng 22 taon, ito ang kaunaunahang pagkakataon na nagkaroon tayo ng espesyal na pagtitipon upang matupad itong mga seremonya. Ito ay pagkilala na rin sa ambag ng mga magulang bilang pinakamatibay na tagasuporta natin palagi sa nakalipas na 30 taon nang pag-iral ng Pisay,” sabi ni Campus Director Shena Faith M. Ganela sa kanyang pambungad na mensahe. Pinangunahan
ni Director Ganela ang panunumpa sa katungkulan ng bagong halal na 15 BOTs at ng presidente at bise presidente ng bawat seksyon, na sinundan ng paglilipat ng susi ng katungkulan mula sa dating pangulo ng PTA BOT na si Atty. Leo S. Sombiro patungo sa kasalukuyang pangulo na si G. Jose Rogie F. Grande. “Habang tinitingnan ang lahat ng nandito ngayong gabi, alam kong maipagpapatuloy natin ang matagumpay na pagtataguyod ng mga proyekto at programa para sa ating mga anak. At ako sa aking sarili, mayroon man o walang posisyon, ay patuloy na gaganap sa aking bahagi upang tulungan ang PTA alang-alang sa pagmamahal sa Pisay at sa ating mga anak. Kaya, sa ngalan ng PTA BOT at nina Dr. Ganela at Atty. Sombiro, tinatanggap ko itong mga responsibilidad,” wika ni G. Grande sa kanyang mensahe ng pagtanggap bilang bagong presidente ng PTA BOT. Samantala, kinilala at pinasalamatan si Atty. Sombiro sa kanyang 12 taong
paglilingkod bilang presidente ng asosasyon; kasama rin sa pinagkalooban ng sertipiko ang lima pang dating kasapi ng BOTs. “Sa pagtahak ko sa bagong yugto ng buhay, matatag akong umaasa na ang bagong BOTs ay makapagpapatuloy ng nasimulan naming magagandang mga bagay. Tuklasin ang mga bagay na hindi pa nagalaw,” hamon ni Atty. Sombiro sa bagong opisyales ng PTA. Inisa-isa rin ni Atty. Sombiro ang ilan sa mga naging proyekto ng PTA sa kanyang panunungkulan kagaya ng covered walkway mula sa entrance patungo sa gymnasium, ang airconditioning ng Old Academic Building, ang paglagay ng closed-circuit television cameras, pagtayo ng multi-purpose gazebo sa harap ng Girls’ Dormitory, at pagpabuti ng water system sa kampus. Nagwakas ang programa sa usapan, sayawan, at kantahan ng mga nagsidalo bilang pagsisimula at pagpapabuti ng ugnayan ng bawat isa.
PSHS-WVC, Iloilo City Police, nagkaisa sa Anti-VAW Campaign
Cristia Magsipoc
MULING nakipagtulungan ang
Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus (PSHSWVC) sa kapulisan ng Lungsod ng Iloilo upang labanan ang Violence Against Women (VAW) sa pamamagitan ng pagsagawa ng seminar sa Barangay VAW Desk Officers noong Nobyembre 25. Ginanap ang programa sa Brgy. Veterans Village, Lungsod ng Iloilo, at ito ay dinaluhan ng mga opisyales ng 45 barangay sa Lone District ng Lungsod ng Iloilo.
“Indi maglain ang buot ninyo kon makita ninyo sa masunod nga adlaw nga ayuhay na ang tagreklamo kag ang ginareklamo niya, kay posible nga may battered woman syndrome ang tagreklamo,” paglilinaw ni Police Major Shella A. Sangrines, Station Commander ng Iloilo City Police Station 1 (ICPS1), sa kanyang pambungad na pananalita. Naging tampok sa gawaing ito
ang lektyur na ibinigay ng ICPS1 Women and Children Protection Desk Chief na si PSSG Jane Antonette P. Gabaleo at ang mainit na pagbahaginan ng karanasan sa nahawakang kaso ng iba’t ibang opisyales sa open forum tungkol sa VAW. Isinagawa ang nasabing kampanya upang mabigyan ng diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kakayahan ng Barangay VAW Desk Officers sa pagpatupad ng mga programang nagpoprotekta sa kababaihan laban sa mga pang-aabuso. Ang pakikipag-ugnayan sa kapulisan ng Lungsod ng Iloilo ay isinakatuparan ng Gender and Development-Technical Working Group ng PSHS-WVC sa pangunguna ng puno nito na si Bb. Cristia J. Magsipoc. Malalamang nasa ikatlong taon na ang kolaborasyong ito ng dalawang ahensya na ang pinakalayunin ay isulong ang “VAW-free Community”.
MGA DELEGADO NG PSHS-WVC, umuwi ng apat na medalya mula sa PSHSS MUN
Ellen Faye Ann Yabut
UMUWI ng apat na medalya ang mga kinatawan ng
Philippine Science High School - Western Visayas Campus (PSHS-WVC) sa ginanap na PSHS System Model United Nations Youth Summit (PMUNYS) III noong Nobyembre 28 hanggang
Disyembre 2 sa Baguio City. Nakuha ng Baitang 10-Photon iskolar na si Mark Francis Eusoya ang isa sa tatlong Best Position Paper Awards ng United Nations Environment Programme (UNEP).
Binigyan din ng nabanggit na gantimpala si Zoey Marcel Aguirre ng Baitang 10Tau, habang si Reysheil Doromal naman ng parehong seksyon ay nakatanggap ng Honorable Mention para sa United Nations Entity on Women na komite.
Natanggap naman ni Carlos Manuel Eusoya ng Baitang 11-Rigel ang Honorable
pasensiya at kompromiso. Ang MUN ay nagsisilbing entablado para sa mahuhusay na mga solusyon, ideya, at talento na nangangailangan ng kompromiso upang makapasa ng isang kapakipakinabang na resolusyong angkop sa pangangailangan ng nakakararami. Kaya, upang maging isang magaling na delagado ng MUN, kailangang ikaw ay may pasensya at handang makipagkompromiso para sa pangangailangan ng lahat,” sabi ni Balawas.
Kabilang din sa mga delegadong isinabak ng Pisay-WVC ay sina Ziyi
Jesica Aduana ng Baitang
11-Rigel at Ryckxeian Isaiah
Alcubilla ng Baitang 11-Sirius. Ang Model United Nations (MUN) ay isang pagpupulong na idinadaos ng mga institusyon upang i-simulate o isagawa ang diplomatikong
F2F TULONG DUNONG 2022, isinagawa ng PSHS-WVC
Jemiah Ashelle Grace Vasquez
NAGSITIPON-TIPON ang 182 na estudyante sa elementarya mula sa iba’t ibang eskwelahan sa rehiyon upang dumalo sa Tulong Dunong 2022 na ginanap noong Oktubre 8 sa New Auditorium at sa Audio-Visual Room ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC).
Maaga pa lamang ay isa-isa nang pumasok at nagparehistro ang mga naghahangad na makapagaral sa PSHS-WVC upang makinig, makilahok, at matuto tungkol sa mga kaalamang kakailanganin nila para sa 2022 Requirement for Admission, Criteria, and Evaluation (RACE), isang alternatibong proseso ng pagsala ng mga aplikante bilang pamalit sa dating National Competitive Examination (NCE). Ang mga estudyante mula sa ika-5 at ika-6 na baitang ay silang mga nakilahok sa Tulong Dunong Program na isinasagawa ng PSHS System sa buong bansa kada taon sa pangunguna ng ilang mga guro kasama ang piling mga iskolar.
Sa pamamagitan ng programa, naipapakita at nararanasan din ng mga nangangarap na makapasok sa PSHS-WVC ang kalikasan ng buhay ng isang iskolar ng Pisay.
“Sinusubukan naming sanayin sila sa mga simpleng aralin at gawain—yaong nakaaaliw at nakahihikayat ng kanilang pakikilahok—na pwede nilang mapagdaanan kapag makapasok na sila sa Pisay,” saad ni Bb. Rubie Anne Bito-on, isa sa mga gurong nanguna sa pagsagawa ng nasabing programa. Binigyan ng mga gawain at sinanay ang kakayahan ng mga kalahok sa mga asignaturang maaari nilang kunin at pag-aralan lalong lalo na ang mga asignaturang Agham, Teknolohiya, at Sipnayan. “Ang Tulong Dunong, programa para sa mga estudyanteng mag-a-apply sa ika-7 baitang, ay isa sa mga kampanya ng institusyon na nanghihikayat sa mga magaaral sa elementarya na pumasok sa Pisay. Saka dati kasi kapag may pagsusulit, tinutulungan din
Mga mamamahayag ng Banaag, hinirang na Most Promising Writers sa PIA 6 Journ Talk Series
AKATANGGAP ng pagkilala ang tatlong mamamahayag ng Banaag ng Philippine Science
High School-Western Visayas Campus matapos nagsipagwagi sa mga patimpalak sa pagsulat nang ginanap ang Journ Talk Series ng Philippine Information Agency (PIA) 6 noong Okt. 11 hanggang 13, 2022 sa Zoom. Nakamit ni Ellen Faye
Ann Yabut, punong patnugot ng Banaag, ang Most Promising Writer na gantimpala sa Pagsulat ng Balitang Isports, at hinirang din bilang
Most Promising Writer si Darlene Angel Grace Miranda, manunulat sa lathalain ng Banaag, sa Pagsulat ng Iskrip sa Broadcasting Filipino. Kinilala rin ang punong patnugot ng Sci-Link at manunulat ng Banaag na si Carlos Manuel Eusoya bilang Most Promising Writer sa Pagsulat ng Iskrip sa Broadcasting English. Nagwakas ang Journ Talk Series noong Nobyembre 8, kung kailan nagbigay ng birtwal na lektyur ang PIA 6 para sa mga tagapayo at punong editor ng mga pahayagan sa rehiyon.
TOGONON:
ISKOLAR NG BAYAN TAYO
Hinubog ng Bayan, Para sa Bayan
“Magaling na kayo, kaya anong bago ang nais kong ipahiwatig upang lalo kayong gumaling?”
Ito ang tanong na ibinungad ni Dr. Justin
Andriel Zent G. Togonon sa kanyang pambukas na salaysay sa idinaos na Pagpadungog 2023
noong Hunyo 6, 2023 sa Philippine Science High School - Western Visayas Campus New Auditorium.
Kinilala si Dr. Togonon bilang class valedictorian ng Batch 2015 at taong-taong tumatanggap ng parangal sa Pagpadungog; nagtapos siyang Magna
Cum Laude sa UP Manila sa kursong Integrated
Liberal Arts and Medicine (INTARMED); at nanguna sa katatapos lamang na Physician Licensure Exam.
“May akong apat na pagsubok para sa inyo.
Una, magtanong — magbasa kayo ng mga libro at matuto sa mga mali niyong nagawa sa klase, research manuscripts, at pagsusulit. Pakatandaan niyo rin na ang pagkatuto ay hindi lamang makukuha sa paaralan,” wika ni Dr. Togonon. Hinimok ni Dr. Togonon ang mga director’s lister na huwag limitahan ang kaalaman at maging mausisa dahil ito ay isa sa mga kritikal na kinakailangan bilang mag-aaral.
“Pangalawa, maging inobatibo. Gamitin ang imahinasyon
ISTORYA NG PSHSS sa nakalipas na 25 taon, ibinahagi sa Silver Screen video project
Ellen Faye Ann Yabutat talento sa pagtalakay ng mga problema at hanapan ng ibang gamit ang mga simpleng bagay. Ang pinakabago at ang pinakamahusay ay maaaring hindi magagamit, hindi matatanggap, at hindi makakaya ng nakararami dito sa Pilipinas.”
Ayon pa sa kanya, bilang isang doktor sa isang pangkalahatang ospital, ang naaayon para sa isang pasyente ay malayo sa reyalidad dahil sa iba’t ibang mga pagsubok na kinakaharap ng ating bansa.
“Ang pangatlong hamon ko sa inyo ay magpakatao. Huwag kalimutan ang sining at humanidades sa pagtugis ng agham, sipnayan, at teknolohiya.”
Dagdag pa ni Dr. Togonon, ang agham, sipnayan, at teknolohiya ay hindi makabuluhan kung walang itong angkop na konsepto at hindi ito mapapahalagahan kung wala rason.
“Panghuli, maging Pilipino. Bilang mga iskolar, tayo ay inaasahang tumulong sa pagpapaunlad ng ating bansa. Tayo ay pinaaral nang libre sa institusyon na ito, binigyan ng pagkakataong matuto gamit ang mga de-kalidad na mga makinarya, at tinuturuan ng propesyonal na mga guro sa iba’t ibang asignatura. Serbisyo sa bayan ang dapat nating inuuna,” pangwakas na paalala ni Dr. Togonon.
PANG maipakilala at maisulong sa pandaigdigang akademya ang mga kaligiran at napagtagumpayan ng Philippine Science High School System (PSHSS) sa ika-25 na anibersaryo nito, isinagawa ang kauna-unahang “Silver Screen: Stories of Truth, Excellence, and Service” Video Project. Ang 16 na kampus ng Pisay sa bansa ay itatampok sa pamamagitan ng Silver Screen filming na isinasakatuparan ng mga kawani mula sa Office of the Executive Director (OED). Ginanap noong Oktubre 25 ang filming para sa PSHS-Western Visayas Campus, at napiling
lokasyon ang Planetarium, SLRC Gallery, New Auditorium, at Oval. Tatlumpu at limang iskolar mula sa Baitang 11 at 12 ang piniling gumanap sa isinagawang bidyo. Ang student chorale, Voce Umana, at itinalagang mga magaaral ay nagbahagi rin ng kanilang angking talento sa harap ng camera. Nagkaroon din ng panayam kasama ang campus director na si Dr. Shena Faith M. Ganela, at iba pang piling alumni, faculty, at staff na saklaw ng testimonial video. Ang PSHSS institutional video sa direksyon ni Kyle Jumayne Francisco ay nakatakdang ilalabas sa ika-25 na anibersaryo ng PSHSS sa Pebrero 12, 2023.
Repospolo bilang Secretary, Althea Lorraine Jules Servano bilang Assistant Secretary, Leanne Clarisse Losañes bilang Treasurer, Jherica Umali bilang Assistant Treasurer, Megan Marie Sio bilang Auditor, Reyshiel Ann Doromal, Hans Matthew Mestidio at Bea Reyjoce Sendico bilang Business Managers, at Eliza Consuelo Bellones at Ellen Faye Ann Yabut bilang Public Relations Officers.
Kasama sa mga nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga representante ng bawat baitang na sina Salliana Fredzelle Galvez ng Baitang 8, Sophia Kirsten Tunguia ng Baitang 9, Zoe Marcel Aguirre ng Baitang 10, Eva Cerise Lopez ng Baitang 11, at Marielle Banzon ng Baitang 12.
BAGONG OPISYALES NG SA, nanumpa sa kanilang katungkulan
Sakeah Sheene Sales
NANUMPA sa kanilang katungkulan ang bagong opisyales ng Student Alliance (SA) ng Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus (PSHS-WVC) para sa Taong Panuruan 2022-2023 noong Oktubre 3 pagkatapos ng flag ceremony. Pinangunahan ng campus director
ng PSHS-WVC na si Dr. Shena Faith Ganela ang nasabing panunumpa ng SA. Ang iniluklok na mga opisyal ng SA ay sina Joaquin Cordova bilang President, Maulyn Maurielle Dominguez bilang Vice President for Internal Affairs, Ansley Joyce Sendico bilang Vice President for External Affairs, Veah Joy
“Sa likod ng aming tagumpay, marami pa ang dapat naming patunayan sa lahat, at naisip ko na kulang ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa noong panahon ng pandemya. Kaya, ito talaga ang gusto naming muling pasiglahin ngayong taon,” saad ng bagong-halal na SA
President na si Cordova.
Inaasahang
magampanan ng SA ang kanilang
tungkulin sa pagsaboses at pagsagawa ng
mga ninanais ng
mga mag-aaral
lalo na sa muling pagbabalik ng
lahat sa harápang pagkatuto.
LAVENDER HAZE TALENT SHOW, nagtampok ng mga tagatanghal mula sa loob, labas ng PSHS-WVC
“Ijust wanna stay in this lavender haze—” Inulan ng mga palakpak at mga hiyaw ang buong entablado nang masaksihan ang iba’t ibang pagtatanghal na inihatid ng internal at external performers. Mapaiyak man, mapakilig, o mapasayaw, hinandaan ng sulit at matagumpay na palabas ang mga nanood.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Foundation Day ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus na may temang “FORWARD to a Grateful Start”, ginanap ang “Lavender Haze” Talent Show na inorganisa ng Project Kadaiya, Student Alliance, at HIRAYA noong Pebrero 25 sa New Auditorium. Dalawang taon ng online na pagpapalabas ng taunang talent show ng institusyon ang nakalipas, at muling ibinalik ang tanghalan para sa harápang pagmalas ng mga manonood ng iba-ibang talento ng mga estudyante at ng inimbitahang tagatanghal.
Natatangi. Kakaiba. Nakahahanga. Mula sa todohataw na pagsayaw ng grupong GAIA at KAPTOL; tambalan nina Sabryna at Glyza, Jheruss, EMI, at MM Cabarles; makapigilhiningang pagkanta ni Clyde Ortencio, KC Varona, at ng In Time of Tales; makapangyarihang pagtugtog ng mga tambol ni Walter Jr.; hanggang sa hindi lubos mapaniwalaang beatbox number ni Bass X; hindi nabigong ibahagi ng piniling mga indibidwal ang kani-kanilang mga talento.
“Kinailangan naming matutuhan ang lahat ng choreography dahil ibang-iba ito sa online setup kung saan pwede lang naming i-edit ang performance sa video,” pahayag ni Veah Joy Repospolo, isang miyembro ng grupong GAIA, tungkol sa hamon na kanilang hinarap sa paghahanda.
Bago pa man makapagtanghal sa entablado, pinili muna ang mga nagsinais
na ipakita ang kanilang talento. Sa huli, tatlong grupo at walong indibidwal mula sa paaralan at isang external performer ang nabigyan ng pagkakataong magpakitang gilas.
Unti-unting ipinakilala ang mga tagatanghal sa Facebook page ng SA, habang inumpisahan naman ang pagbenta ng mga tiket na may iba’t ibang presyo tatlong araw bago ang palabas.
Inanunsyo sa kalagitnaan ng programa na ang nalikom na pondo ay mapupunta sa paaralan, at isa na rito ang tulong pinansyal para sa Project Kadaiya na isang gawain sa Service, Creativity, Action, and Leadership Enhancement (SCALE) Program ng Baitang 11.
Maging ito man ay pagkanta, pagsayaw, pagbeatbox, at iba pa, pati na rin ang pag-organisa ng programang may dakilang layunin kagaya ng “Lavender Haze”, sagana sa maipapakita ang mga taga-Pisay.
IOAA PHILIPPINE TEAM, pinarangalan ng Unilab Foundation sa 2022 Olympiad
Recognition Night
Carlos
Manuel Eusoya & Ellen Faye Ann Yabut“WHEN there is right support and training, Filipinos can definitely be world-class.”
Ito ang mga katagang binanggit ng International Mathematical Olympiad coach na si Dr. Christian Paul O. Chan Shio sa kanyang mensahe. Upang kilalanin ang karangalan at prestihiyong hatid sa ating bansa ng natatanging Olympiad teams sa larangan ng STEM, ginanap ang 2022 Olympiad Recognition Night sa Bayanihan Center, Pasig, Metro Manila noong Okt. 27, 2022.
Limang iskolar mula sa Philippine Science High School-Western Visayas Campus ang nakatanggap ng parangal dahil sa kanilang namumukod-tanging pakikilahok sa 15th International Olympiad on Astronomy and Astrophysics (IOAA).
Sina Joshua Ichiro Añasco at Carlos Manuel Eusoya mula sa Baitang 11-Rigel, Mary Khezyll Galvan mula sa Baitang 11-Sirius, Ellen Faye Ann Yabut mula sa Baitang 11-Vega, at Jared
MGA MAGULANG, harápang nagtipontipon sa PTA General Assembly
Bea Reyjoyce Sendico
MULING nakapagsagawa ng harápang Parent-Teacher Association (PTA) General Assembly ang Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) noong Oktubre 1 pagkatapos ng dalawang taong pagsasabirtwal ng aktibidad. Nagsitipon-tipon ang mga magulang at mga guro sa New Auditorium sa ganap na alas nuebe ng umaga para dumalo sa programang inihanda ng PTA. Kinapalooban ang programa ng pagbigay ng Campus Director na si Dr. Shena Faith Ganela ng bagong mga pabatid at paalala sa pagbukas ng taong pampaaralan, pag-ulat ng papalabas na presidente ng PTA na si Atty. Leo Sombiro ng mga naging proyekto at aktibidades ng PTA sa nagdaang taon, at pagbigay ng ulat pinansiyal ng taga-ingat yaman ng PTA na si Gng. Jezereel Grace Tiron. “Birtwal ang karanasan natin sa nakalipas na dalawang taon. Subalit, ang inyong mas malapitang pakikipagusap sa mga tagapayo mamaya ay isa sa mga pagkakataon upang masagot ang tiyak na mga kailangan ninyong malaman o matugunan. Masaya rin kami dahil nakaisang buwan na tayo simula nang nagsibalik ang mga magaaral noong Agosto 31. Kung sakaling may mga obserbasyon at mungkahi kayo tungkol sa ating mga panuntunan, handa kaming makinig sa inyo. Gayunman, inaasahan kong maayos din naman tayo ngayon,”sabi ni Dr. Ganela sa kanyang pambungad na mensahe. Ang mga polisiya sa muling pagbabalik ng face-to-face na klase ay nilinaw ng campus director, at ang mga dokumentong may kaugnayan dito ay maaari nang mabasa sa website ng PSHS-WVC.
Inilunsad sa programa ang Pisay-WVC Foundation, Inc., na ang pangunahing layunin ay hikayatin at isulong ang holistik na pag-unlad ng mga iskolar at ng buong komunidad ng Pisay.
Sinundan ang pagtitipon ng pagpunta ng mga magulang sa mga silid-aralan ng kanilang mga anak para sa pagpupulong at paghahalal ng kanikanilang Homeroom PTA Officers. Pagkatapos nito, muling nagsitipon sa New Auditorium ang nahalal na mga presidente at bise presidente ng bawat homeroom upang makibahagi sa PSHS-WVC PTA Board of Trustees Election.
ceremony si Yosef Alexander Segotier, PSHSWVC Batch 2022 alumnus at Bronze Medalist sa 2022 International Biology Olympiad na ginanap sa Armenia noong Hulyo.
Si Dr. Aris Larroder ay kinilala rin sa kanyang husay at dedikasyon bilang tagapagsanay ng IOAA Philippine team. Pinarangalan din ang iba’t ibang koponan ng bansa sa International Olympiads, gaya ng International Mathematical Olympiad, International Physics Olympiad, International Chemistry Olympiad, International Biology Olympiad, at International Olympiad in Informatics. Dagdag pa, naroon din ang importanteng mga panauhin katulad nina Pangalawang Pangulo Sara Duterte-Carpio, DOST Secretary Renato Solidum Jr., at Unilab Executive Director Ms. Lilibeth Aristorenas. Naisabuhay ang nasabing gawain dahil sa layunin ng Unilab Foundation, Inc. na palawakin ang interes at siklab ng mga mag-aaral sa agham at teknolohiya.
PSHS-WVC, ipinagdiwang ang ika-31 na taon ng pagkatatag nito
Jessica Marie Dedase at Mark Francis Eusoya
Sa ika-31 na taon ng pagkakaloob ng Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus ng serbisyo sa mga kliyente nito, ang mga iskolar, guro, at kawani ng institusyon ay nagdiwang ng Foundation Week Celebration nitong Pebrero 23 hanggang 25, na may temang “PSHSWVC @ 31: Forward to a Grateful Start.”
Pagkatapos ng dalawang magkasunod na taong pagdiriwang ng anibersaryo sa pamamagitan ng online setup, naging harapan na ngayon ang kaganapan bunsod na rin ng pagbuti ng sitwasyon, bagaman palagian pa rin ang pagsaalang-alang
ng mga panuntunang pangkalusugan.
Sinimulan ang unang araw ng selebrasyon sa isang pambungad na programa na ginanap sa New Auditorium.
Unang ipinakita ang isang audiovisual presentation ng SineSci na nagkuwento tungkol sa mga pagsubok na hinarap ng mga iskolar sa Pisay sa panahon ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
“Dahil nakabalik na ang lahat sa paaralan, masaya tayong ipagdiwang nang harápan at sama-sama bilang isang malaking pamilya ang ika-31 na kaarawan ng institusyon. Determinado tayong magpatuloy
PAGTANIM NG MGA BAKAWAN, paglinis ng paligid isinagawa ng mga iskolar sa Esplanade 9
Maria Isabelle Rentino
Upang mapanatili ang
kalinisan at maitaguyod ang pagkakaisa sa pangangalaga sa kapaligiran, nagtulungan sa paglinis ng paligid at pagtanim ng mga bakawan sa Esplanade 9 ang ilang mga iskolar ng Philippine Science High School - Western Visayas Campus (PSHS-WVC) noong Marso 4. Ibinigay ng Iloilo City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang mga tagubilin at hakbang sa kaligtasan, at ipinakita rin ng mga forest guard sa mga mag-aaral ang tamang pagtanim ng mga punla ng bakawan.
Ayon sa mga forest guard ng CENRO, hindi ito ang kaunaunahang mangrove planting at clean-up drive na idinaos sa Esplanade, sapagkat may mga paaralan at organisasyon ding nagkaroon ng parehong programa sa paglilinis ng lugar.
“Ang aktibidad na ito ay
napakaimportante at napakakapakipakinabang sa ating lahat lalo na sa nakababahalang sitwasyon ng mundo dulot ng climate change. Sana ay patuloy nating gawin ang mga aktibidad at mga programang ito bilang mga iskolar ng Pisay, at sana ay hindi lamang ito limitado sa mga mangrove planting at clean-up drive. May mga rekomendasyon ding mag-organisa ng mga talk sa lugar mismo at oryentasyon sa kabataan tungkol sa importansya ng isinagawang
aktibidad sa hinaharap,” saad ni Elvin John Villanueva, tagapayo ng Student Alliance (SA).
Hinati ang mga iskolar sa dalawang grupo, kung saan ang isang pangkat ay nakatalaga sa paglilinis at ang isa naman ay sa pagtatanim ng mga punla ng bakawan. Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga miyembro ng Siklab at Student Executive Council (SEC).
na puno ng pagpapasalamat sa ating puso. Hindi natin masyadong matanto minsan na nakatatanggap tayo nang sobra pa sa ating ibinibigay, kaya dapat itong suklian ng pagpapasalamat,” pahayag ni Campus Director Shena Faith Ganela sa kanyang mensahe. Naging tampok din sa programa ang paggawad ng parangal sa mga guro, kawani, at alumni topnotchers upang kilalanin at pasalamatan ang kanilang katapatan, husay, at serbisyo bilang mga tagapagtaguyod ng mga pagpapahalaga at layunin ng PSHS-WVC.
PSHS-WVC kinilala bilang BEST PERFORMING SCHOOL sa WriteWorks 2023; Mga manunulat ng Banaag, Sci-Link humakot ng mga parangal
Darlene Angel Grace Miranda
Naiuwi ng Philippine Science High School - Western Visayas Campus (PSHSWVC) ang tropeo para sa “Best Performing School” bunsod ng pamamayagpag ng mga kinatawan nitong mga mamamahayag sa WriteWorks 2023, na ginanap ngayong araw sa Gabaldon Hall ng Iloilo National High School. Ang WriteWorks ay kauna-unahang pagsasanay at patimpalak sa pamamahayag at malikhaing pagsulat na inorganisa ng Junior Chamber International Regatta at Silak Media, Inc. ng West Visayas State University - College of Education. Nakamit ni Ellen Faye Ann Yabut ang ikalawang lugal sa Pagsulat ng Balita, habang natamo naman ni Darlene Angel Grace Miranda ang unang lugal sa Pagsulat ng Balita at ikatlong lugal sa Pagsulat ng Lathalain. Nasungkit din ni Jemiah Ashelle Grace Velasquez ang ikatlong lugal sa Pagsulat ng Balita at runner-up sa Pagsulat
ng Lathalain. Nagwagi rin sina Bea Reyjoyce Sendico, ikalawang lugal sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita, at Samantha Dee Requina, ikatlong lugal sa Pagguhit ng Editoryal Kartun. Kinilala rin ang mga kinatawan ng Sci-Link sa mga patimpalak sa pagsulat sa Ingles na kategorya. Pinarangalan si Althea Lorraine Jules Servano ng unang lugal sa News Writing at ikalawang lugal sa Feature Writing. Napanalunan din nina Hans Mathew Mestidio at Mary Khezyll Galvan ang ikalawang lugal sa News Writing at Copy Reading and Headline Writing, sa ganoong pagkasunod-sunod. Nakilahok din ang mga tagapayo ng dalawang pahayagan; si Roden Pedrajas ay nagwagi ng unang lugal sa Pagsulat ng Balita at Lathalain, habang si Marie Therese Lourdes Ledesma ay itinanghal na runner-up sa Copy Reading and Headline Writing at ikalawang lugal sa Feature Writing.
‘SAAN AABOT ANG 20 PESOS MO’:
Sanhi at Bunga ng Pagtaas ng Inflation Rate sa Bansa
Di-maitatangging maraming Pillipino ang nabighani sa pangakong itinaga ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. noong Mayo 2022 na magiging P20 na lang daw ang isang kilo ng bigas. Ngunit naitala sa buwan ng Oktubre ang pinakamataas na inflation rate na 7.7 na bahagdan sa bansa sa halos labing-apat na taon. Dahil sa paglitaw ng mga global shock at mga puwang sa mga patakarang lokal, ang mundo ay nakaranas ng nakakabahalang krisis sa pananalapi na dumagdag sa suliranin ng mga konsumer at mga institusyong pangkalakalan. Kung gayon, sa patuloy na pa pagtaas ng inflation rate at paghirap ng kasalukuyang kalagayan ng bansa, kaya ba talagang maisakatuparan ang mithiing ibinahagi ng pangulo?
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang Inflation Rate ng Pilipinas ay nasa 6.9 na bahagdan, bunga ng gumuguho nating ekonomiya. Pero bago natin talakayin kung bakit mataas ang ating inflation rate at kung ano ang epekto nito sa ating ekonomiya, alamin muna natin kung ano ang Inflation rate. Sa simpleng pakahulugan, ito ang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyong komersyo. Dagdag pa, ang inflation rate na lumalagpas sa dalawang bahagdan ay itinuturing mataas at nangangailang aksiyonan .
Alyzette Charlize Aquino
Karamihan sa mga sagot ng mga ininterbyu tungkol sa bagong islogan na ito ay pangkaraniwan at nakawawalang pansin daw ito kumpara sa nauna. Ngunit mayroon ding nagsasabi na maganda ang kahulugan nito mula sa conteksto ng pagbabangon ng ating bansa sa pandemya. Bagaman may katotohanan nga na pautos at nagdedemanda ang tono nito.
Kaya nararapat lamang na ayusin ang bagong islogan upang ito ay lubos na maunawaan. Isa sa mga angkop na gawain ang paglalagay ng mga promosyon sa pamamagitan ng musika at mga theme song na naaayon dito. Ayon kay
Bob Zozobrado, chairman ng Pacific Asia Travel Association (PATA), mainam na samahan ng jingle ang bagong slogan ng DOT para
mas maging kaakit-akit ito sa publiko. Higit na nasaksihan ito nang nagkaroon ng mga jingle ang dating islogan na nagdala ng pagtanggap galing sa mga Pilipino. Bukod dito, magandang suhestiyon ang pagdadagdag ng kuwit sa slogan mula sa ‘Love the Philippines’ hanggang “Love, the Philippines”. Ipinaliwanag ng mamahayag na si Howie
Severino na makabuluhan ang paglalagay ng kuwit sa slogan dahil iniiba nito ang kahulugan. Sa paraan ng pagdudugtong ng kuwit ay magiging mas malambing ang tono at binibigyan-diin ang Pilipinas.
Dahil na rin sa magkahalong opinyon ng nakararami, mabuting pagsamahin na lang ang dalawang nabanggit na slogan. Ito rin ay para sa mga hindi kontento sa
kasalukuyang slogan at sa mga nagnanais na magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan. Ayon sa isang tweet, ang pagtatambal ng dalawang slogan ay magiging “There’s more love in the Philippines”. Labis na ipinapakita ng kalakip na slogan na mayroon pa ring dapat mahalin sa Pilipinas at hindi lamang hangaan. Sa gayon, mahalaga na isaalang-alang muna ang pagsasalin ng mga salita dahil may mga detalye ito na makapagbibigay-daan sa maling pag-unawa. Sangayon ka man o hindi sa nasabing slogan ng DOT ay patuloy pa rin ang mga hamon sa turismo sa ating bansa. Mahirap mahalin ang Pilipinas dahil sa mga maling pag-unawa. Ipinapatuyan lamang nito na wasto ang dating slogan na “It’s more fun in the Philippines”.
Naging pangunahing sanhi ng pagbulusok ng ating ekonomiya ang pandemya at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine. Halimbawa nito ay ang pagtaas ng inflation rate ng mga pagkain at nonalcoholic na inumin mula 7.4 na bahagdan ng Setyembre hanggang 9.4% na bahagdan noong Oktubre 2022. Resulta ito ng mga panlabas na kadahilanan sa panggigipit sa presyo, kabilang ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine na nakagambala sa mga pandaigdigang supply chain, at ang pangmatagalang epekto ng mga kamakailang bagyo.
Gayunpaman, hindi ito ang nag-iisang rason kung bakit tumaas ang inflation sa ating bansa. Totoong hindi lamang Pilipinas ang nagdurusa sa mataas na inflation rate, pero kung kaya naman nating iahon ang bansa sa kahirapan, hingin natin sa ating mga pinuno ang pagpapamalas ng kakayahang lumikha ng mga mekanismo upang maibsan ang kahirapan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay
nakapanlulumo lalo na sa mga kumikita lamang ng sapat at hindi kayang gumastos ng higit pa o tinatawag na “hand to mouth”. Sa pagtaas ng bilihin sa grocery stores, tumataas din ang patong ng mga may-ari ng sari-sari stores, mga karinderya, at resellers sa kanilang mga ibinibenta. Kung magkaganito, sapat pa ba ang baon ng mga estudyante at manggagawa sa araw-araw?
Ang pagsisi sa digmaang Russia at Ukraine dahil sa pagtaas ng presyo ng langis at gas ay isang maling reaksyon. Tunay na ang ilan sa mga suplay ay nagmula sa nasabing mga bansa, ngunit maliit na parte lang ito. Ang pangunahing pinagkukunan ng langis ng Pilipinas ay ang Tsina, hindi ang naglalabang Russia at Ukraine. Ang hindi paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis. Samakatwid, mayroong isang masamang relasyon ang ating demand-supply sa mga produkto at serbisyo. Ang pinakadahilan ng mataas na inflation rate sa Pilipinas ay humihinang lokal na produksyon at distribusyon sa bansa. Ayon din sa PSA, 65.3 na bahagdan ng produkto sa bansa ay imported goods at ang natitirang porsyento ay binubuo ng exported goods. Mas mataas ang importasyon kaysa eksportasyon ng ating bansa. Ang mga produktong iniluluwas natin ay kakaunti, samantalang ang mga iniimport galing sa ibang bansa ay mas nakakahigit dito, kung kaya ang presyo ng ating mga bilihin ay tumataas. Ang ating ekonomiya ay napunta sa isang pababang spiral, ganoon din ang piso ng Pilipinas. Mahina ito at patuloy na hihina kung walang anumang pagkilos na gagawin dito. Dapat ang ating mga pinuno ay may kamalayan at alam kung ano ang gagawin upang maibsan ang problema sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga patakarang pananalapi at pangkalakalan. Kailangan nating magkaroon ng mga ekonomista sa pamahalaan upang mapahalagahan at mapalakas ang produksyon ng lokal na mga produkto at serbisyo. Gayundin, kinakailangan ang mapagmatyag na mga mamamayang magbabantay sa kasalukuyang isyu at magtatanggol ang kanilang mga karapatang pangkomersyo.
Ngayong nasa gitna ng lahat ang inflation, saan na lang kaya aabot ang P20 mo?
“Love the Philippines” pa ba ang puso ng turismo?
PAMATNUGUTAN
T.P. 2022-2023Mga Bagong Dormer sa ‘Bagong’ Normal
Krysthea Charizze Abagon
Dalawang taon na ang nakalipas nang ang salitang ‘bagong normal’ ay binigyang kahulugan bilang isang paraan ng pamumuhay na magpapanatiling ligtas sa atin mula sa virus. Naging sanhi ito ng paglipat ng lahat ng larangan lalona ang edukasyon sa mga alternatibo. Ang nakasanayang harapang pag-aaral ay nabago at napalitan ng online classes. At ngayong bumalik na ang setup sa normal, ito na ang maituturing kong ‘bagong’ normal. Bawat isa ay may kanya-kanyang pananaw at paghuhusga tungkol sa bagong pagbabagong ito. Ito ay mas mahusay sa maraming paraan at may depekto sa ilan ngunit depende rin naman sa mag-aaral. Bilang isang dormer, ang aking mga karanasan ang nagbubuod sa kung ano ang nararamdaman ko patungkol sa setup na ito: ito ay mas mabuti, mas convenient, at sa pangkalahatan,mas mahusay na setup para sa pagkatuto ng mag-aaral. Ika-29 ng Agosto 2022, opisyal na nagsimula ang unang linggo ng face-to-face blended learning sa Philippine Science High School – Western Visayas Campus (PSHS-WVC). Binuksan ang mga dormitoryo para sa mga estudyanteng nangangailangan nito at sa unang pagkakataon ay nagkita-kita ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon. Bilang isang Pisaynon, ang bagong yugtong ito sa proseso ng anim na taong pagaaral sa Pisay ay isang malaking upgrade—isang magandang pagbabago lalo na para sa mga mag-aaral tulad ko. Isang dormer. Ako ay nagmula pa sa probinsya ng Antique at ang pagpasok sa paaralan sa pamamagitan ng paglalakbay araw-araw ay hindi isang opsyon. Kaya naman naging dormer ako. Ayon sa Science Scholar, ang mga dormer ay mga mag-aaral na
napilitang lumayo sa kanilang mga pamilya dahil sa mga komplikasyon sa heograpiya, pinilit na umalis sa kaligtasan ng kanilang sariling mga tahanan, at pinilit na pumasok sa isang bagong kapaligiran na puno ng mga estranghero. Kung ikukumpara sa online class setup, ang ‘bagong normal’ na ito para sa akin ay mas maganda para sa mga dormer sa maraming paraan. Una, nalilimit na ang pagtulog sa tamang oras. Ang mga dorm manager ay istrikto sa mga panuntunan ng dormitoryo. Ang pinakahuling oras na maaari kang magpuyat ay hanggang 11 ng gabi lamang at paglipas ng oras na ito, dapat nakapatay na ang lahat ng ilaw. Ito ay isang malaking pagbabago mula sa mga naranasan ko noong online classes kung saan madaling araw na ako minsan natutulog. Ayon nga sa isang pag-aaral na pinamagatang “Sleeping Habit
Exacerbation During COVID-19
Pandemic for Teenagers Aged 15-18,” 34.5% ng mga teenager ay natutulog sa alas-3 ng umaga pataas habang 32.7% ay natutulog sa pagitan ng alas-1 hanggang alas-2 ng umaga. Sa karamihan, hindi lamang naapektuhan ang pisikal at mental na kondisyon ng mag-aaral kundi pati na rin ang kanyang performance saklase. Ang performance sa klase ay maitutukoy ng iba’t ibang kadahilanan. Bukod sa oras ng pagtulog, ang pokus sa pag-aaral at tamang paggamit ng oras ay mahalaga bilang magaaral sa paaralang tulad ng Pisay. Isang kahingian at corevalue ang akademikong kahusayan sa Pisay. Ngayong nasa ‘bagong’ normal na, mas pinaigting ang pagtuturo sa mga mag-aaral at dahil dito mas marami na ang natututunan at napapabuti ang performance sa klase. Kaming mga dormer naman ay nadidisiplina sa tamang paggamit ng oras sa pamamagitang ng
isang patakaran, ang “study time period.”Mula ika-9 ng gabi hanggang 11, ang mga oras na ito ay dapat ilaan sa pag-aaral lamang. Mas nakabubuti sa mga estudyanteng dormer ang pagbalik ng nakasanayang uri ng pag-aaral ngunit hindi pa rin maiiwasan ang ilang mga depekto. Dahil blended, ang mga gawain ay nasa iba-ibang plataporma at nakadepende sa guro ang paraan ng pagpapasa. Karamihan ay soft-copy ang ipapasa at ang kahinaan ng signal sa dorm ay hinding-hindi sapat. Sa halos 30 nakatira sa aming palapag, pinagaagawan na lamang ang signal na hindi tumataas sa 5 hanggang 15 mbps. Kung hard-copy naman, kailangang magtiyagang magsulat o kaya’y maghanap na lamang ng mapi-printan. Panghuli, bilang dormer limitado ang mga pangangailangang maaaring masustenahan. Sa mga proyekto at mga gawaing nangangailangan ng mga gamit na wala sa iyong posesyon, dito nagkakaproblema. Mahirap para sa akin dahil kung ikukumpara noong online class pa, magsusumite ka na lang ng video o kaya ay larawan bilang patunay ng iyong gawain. Ngayon, harap-harapan at material na ang hinihingi.
Halos 300 ang nakatira sa mga dorm sa Pisay-WVC. Ibig sabihin nito, halos 300 rin ang nakakaranas ng mga pagbabagong dulot ng pagbalik sa nakasanayang normal na ating naranasan bago ang pandemya. Ang bawat araw ko bilang isang dormer sa “bagong” normal na ito ay nagpapatanto sa akin ng maraming bagay lalo na ang mga kadahilanang kung bakit ko ito pipiliin. Bilang pagbuod, kabila ng lahat ng limitasyon, ang paglipat sa nakasanayang uri ng pagkatuto ay sadyang mas nakabubuti para sa aming mga estudyanteng dormer kaysa sa nakaraang online nasetup.
Kaliwa’t kanang kritisismo ngayon ang ibinabato sa muling pagbabalik ng Reserve Officers Training Corps o ROTC sa bansa. Naipasa sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong gawing mandatory ang ROTC sa kolehiyo. Bagama’t malakas ang pagtutol ng mga estudyante at iba’t ibang grupo rito, daing ng mga tagapagtaguyod ng nasabing batas na susi ang ROTC sa paghubog ng makabayang mamamayan, pagkintal ng disiplina sa kabataan, at maipagsanggalang ang kaligtasan ng bansa mula sa banta ng terorismo at pag-agaw ng teritoryo.
Bagaman malaki ang gampanin ng ROTC sa pagsasanay ng militar laban sa umaabanteng banta sa seguridad, nakababahalang isipin na ang muling pagpapatupad ng ROTC ay magiging dagdag pasanin at pangamba lamang sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Matatandaang binuwag ang programa noong 2001 kasunod ng karumal-dumal na pagpatay sa UST cadet na si Mark Welson Chua. Sa kasalukuyang panahon, hindi pa handa ang bansa na muling itaguyod ang ROTC, kalakip ang pinagsama-samang panukalang batas na bubuo sa programa, hangga’t hindi pa nasisigurado ang maayos na pamamalakad nito.
Sa hinaharap na krisis sa ekonomiya ng bansa, kulang ang pondo ng gobyerno para sa mandatoryong ROTC. Tinatayang 61.2 bilyong piso ang inaasahang badyet na ilalaan para sa programa. Ang napakalaking halaga ay sapat na sanang makapagtayo ng humigit-kumulang
24,480 na silid-aralan para sa mga Pilipinong mag-aaral. Dagdag pa, pinangangambahan din ang muling pamamayagpag ng corruption kapag ibinalik ang ROTC. Matatandaang laganap ang korupsyon sa
perang nakalaan sana sa pagbili ng mga panibagong kagamitan ng programa. Sa ganitong kadahilanan nawawalang saysay ang integridad at wastong kaugaliang dapat isinasabuhay ng mga kawani ng ROTC. Higit sa lahat, ito ay magbibigay daan sa muling pang-aabuso at fraternity hazing sa mga kadete, kung kaya’t may nagbabantang panganib din para sa mga mag-aaral sa loob mismo ng programa. Sa katunayan, kamakailan lang ay ilang senador ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa mandatory ROTC kasunod ng pagkamatay sa hazing ng Adamson University student na si John Matthew Salilig, matapos sumailalim sa “initiation rites” ng Tau Gamma Phi fraternity. Ang mga naitalang kaso ng karumal-dumal na karanasan sa ilalalim ng ROTC ay patunay na ito ay posibleng pugaran ng karahasan at mental na pagpapahirap sa mga miyembro nito.
Imbes na ibalik at gawing mandatoryo ang ROTC, gawin itong opsyonal na lamang sa mga natutukoy na ‘militarly inclined’ o interesado sa mga usapin at gawaing militar. Mas mainam din na palakasin ang dalawang taong mandatoryong National Service Training Program na ipinasa ng gobyerno. Sa pamamagitan nito, mas mabibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong pumili kung aling programa ang papasukan nila. Hindi lamang ROTC ang kanilang masasalihan kundi pati na rin ang Civic Welfare Training Service at Literacy Training Service na maghahanda sa mga mag-aaral sa pagtugon at pamamahala sa panahon ng sakuna. Sa pangkalahatan, hindi pa lubusang handa ang bansa sa muling pagbuhay sa mandatoryong ROTC dahil sa kakulangan sa pondo, nagbabadyang korupsyon, at pagningas ng karahasan sa ilalalim ng
programa. Gayunpaman, iminumungkahing gawin na lamang itong opsyonal upang mailaan ang pondo sa mas makabuluhang inisyatibo, sapagkat hindi batayan ng pagiging dakilang makabayan ang paggamit ng dahas at pagtatag ng institusyong mapanganib at mapang-abuso. Datapwat seguridad ang nais na makamtan ng programa, hindi maitatangging ito mismo ang humuhulma sa mga sundalo ng karahasan. Harap sa kaliwa, kanan? Mas maiging isaalang-alang muna ang ligtas at panatag na hinaharap ng kabataang Pilipino.
“Aray, aray, Captain!”: Muling Pagbabalik ng Mandatoryong ROTC sa Kolehiyo
Magbibigay daan sa muling pangaabuso at fraternity hazing sa mga kadete, kung kaya’t may nagbabantang panganib din para sa mga mag-aaral sa loob mismo ng programa.
‘Doble Kara’: Ang Dalawang Mukha ng EDCA
Ellen Faye Ann YabutUpang higit na palakasin ang pambansang depensa at patatagin ang alyansang militar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, pumayag ang bansa sa kagustuhan ng US na magtalaga ng apat pang kampo ng militar bilang bahagi ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA. May kasalukuyang limang lokasyon ang EDCA sa bansa. Kabilang dito ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan na malapit sa Kalayaan Group of Islands, Basa Air Base sa Pampanga kung nasaan ang mga eroplanong pandigma ng Philippine Air Force, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na pinakamalaking kampo ng militar sa bansa, sa Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. Unang inaprubahan ang kasunduan sa ilalim ng rehimeng Noynoy Aquino kung saan pinahihintulutan ang US na gamitin ang mga natukoy na lugar para mapanggagamitang imbakan ng kagamitan at gusali ng mga pasilidad, gayundin para sa pagsasagawa ng magkasanib na
pagsasanay ng Pilipino at Amerikanong militar. Nahaharap ang bansa sa tumataas na hamon sa seguridad dahil sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea, kung kaya’t nagresulta sa nagbabagang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Para sa ilang kritiko, ang EDCA ay isang paraan para palakasin ng Pilipinas ang kanilang kakayahang militar laban sa pananalakay ng China. Hindi maitatangging ang bansa ay may pakikinabangan sa pagpapalawak ng EDCA. Gayunpaman, ang kasunduan ay may dala ring nagbabadyang banta sa kaligtasan at kalayaan ng lupang sinilangan.
Ayon sa Kagawaran ng Tanggulang Bansa, ang mga itatalagang bagong lokasyon sa ilalim ng EDCA ay makakatulong para sa mas epektibo at mabilisang pagtugon sa mga humanitarian at climate-related disasters sa bansa. Dagdag pa, ang mahigit 82 milyong dolyar na pondo mula sa US ay malalaan sa pagtatag ng panibagong imprastraktura sa limang lokasyon at mga modernong kagamitan at kaalaman na rin ng ating mga kasundaluhan. Samakatuwid, mas mapapalakas ang suporta at tulong sa ating mga kababayan sa panahon ng sakuna. Bagaman madaling natanggap ng Pilipinas ang magandang mukha ng EDCA dahil sa makabuluhang pakinabang na makukuha ng bansa mula rito, hindi na lingid sa ating kaalaman na kailanman ay hindi papasok ang US sa isang kasunduan kung wala silang makukuha
mula rito. Kailangan ng US ang suporta, likas na yaman, at estratehikong lokasyon ng bansa para sa posibleng agresyong inihahanda nito laban sa China. Nasa pabor nila ang pagkakataong ito dahil ang kasalukuyang administrasyon ni Marcos ay kagaya rin ng kay Aquino kung saan mas matibay ang ugnayan nila sa Amerika kumpara sa huling rehimeng Duterte na mas nagpakatuta sa China. Sa kabila nito, kinakailangan ng gobyerno na mapagsanggalang ang pambansang soberanya at proteksyon mula sa umaabanteng presensya ng mga dayuhan sa bansa. Sa kabila ng pag-estasyon ng mga hukbo at operasyong militar, mahalagang tiyakin na patuloy ang pagbabawal sa pagtatag ng mga permanenteng military bases sa teritoryo ng Pilipinas. Totoong makikinabang tayo sa agarang ganansyang makukuha natin mula sa EDCA, ngunit kailangan ding isaalang-alang ang dalisay na kalayaan at seguridad ng bansa. Kung hindi, malalagay ang Pilipinas sa napakalaking peligro, sapagkat tiyak na maiipit ito sa labanan ng dalawang makapangyarihang bansa para sa pandaigdigang dominasyon. Bago pa man ang interes sa pera at imprastraktura, unahin nating isaisip kung ano ang higit na makakaprotekta sa mamamayang Pilipino.
Malalim na pagtingin sa bagong programa ni VP Duterte
Nagbigay ng isang pangakong puno ng pag-asa si bise presidente at Kalihim ng Edukasyon Sara Duterte nang ipinakilala niya ang kanyang “MATATAG agenda”. Layunin ng nasabing progama na harapin ang mga isyung palasak sa edukasyon, katulad ng kakulangan ng mga paaralan at kasikipan ng K-12 na kurikulum. Gayunman, iginiit ni Duterte na kulang ang inilaan na P895.2B na badyet para makamit ito. Sa ngayong taon, nakatanggap ang DepEd ng pinakamataas na badyet mula sa pamahalaan, kaya inaasahan ng publiko na magagamit nito ang pera nang lubusan upang magampanan ang MATATAG agenda. Ngunit sa kabila ng mga pondong ginamit para sa mga naunang implementasyon at programa, patuloy pa rin ang paglitaw ng mga problema sa edukasyon. Sa gayon, maisisiguro ba ni Duterte na matagumpay ang pagsasagawa ng bagong programa?
sa katunayan, may adhikain itong magdala ng inklusibong edukasyon at magbigay ng karampatang pokus sa mga mag-aaral at guro. Ayon kay Joey Concepcion, isang miyembro ng Private Sector Advisory Council
Sanhi ang korapsyon sa kabiguan ng mga dating inilunsad na mga aktibidad ng DepEd at paglaganap ng mga krisis sa edukasyon, kaya dapat magkaroon ng agarang pagtugon dito
Marami pang mga hadlang ang nararapat na lagpasan ng programa upang makapagtamo ng mabuting resulta ang MATATAG agenda. Nakatanim na sa isipan ng karamihan ang miskonsepsyon na ang programa ay tungkol lamang sa pagtugon ng mga kilalang isyu. Ngunit
(PSAC), hinaharap ng programa ang mga sistematikong suliranin ng edukasyon sa paraang pagrereporma nito. Inihalimbawa rin ni Conception ang mga planong ayusin ang mga mahinang learning outcomes ng mga estudyante. Dagdag pa, hindi sapat ang suporta sa pagtatag ng nabanggit na programa. Bagaman mayroong
magandang mga mungkahi ang MATATAG agenda, kasalukuyang limitado ang saklaw nito upang maisakatuparan. Sinabi ni Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, na kinakailangan ang debosyon at kolaborasyon para sa maisagawa ang programa nang maayos. Inilinaw niya na lubos na mahalaga ang kooperasyon ng mga organisasyon at ng madla para palakasin ang mga implementasyon ng MATATAG agenda. Higit sa lahat, hindi dapat makaligtaan ang problemang korapsyon. Sanhi ang korapsyon sa kabiguan ng mga dating inilunsad na mga aktibidad ng DepEd at paglaganap ng mga krisis sa edukasyon, kaya dapat magkaroon ng agarang pagtugon dito. Mula rin sa panig ni Duterte, karamihan sa mga isyu sa edukasyon ay kinaugatan sa kultura ng korapsyon. Gayundin, importanteng magdaos ng internal na paglilitis sa DepEd nang maipaalis ang mga korap na opisyal upang mapabuti ang daloy ng paglunsad ng MATATAG agenda. Sa ganitong pananaw, hindi maitatanggi ang mga pagsisikap ng gobyerno upang mapabuti ang edukasyon sa ating bansa. Malayo pa bagong tunay na maisagawa nang maayos ang bagong programa ni Duterte. Samakatuwid, hamon ito para sa ating bise presidente upang tuunan ng pansin ang mga dati pang isyu ng korapsyon na nagkalat alinsunod sa edukasyon dahil hindi lamang nag-iisa ang mga salik na nagpapaloob sa edukasyon. Kaya panawagan na ito para kay Duterte na subaybayan ang mga nangyayari sa loob ng sektor ng edukasyon, pati na rin ang pinagdadaanan ng badyet na nakalaan para sa MATATAG agenda.
Harapang Pakikipagsapalaran sa Silid-aralan: Madali o Nakapanghahamon?
Marso 2020, isinara ang mga paaralan sa Pilipinas dahil sa banta ng COVID-19. Naging bahay ng mga sapot ng gagamba ang dating upuan ng isang estudyanteng palaging nagsusumikap mag-aral. Dugo, pawis, at luha ang ating ibinigay nang sinubukan nating ipanalo ang digmaan laban sa COVID-19. Ako naman bilang isang estudyante ay kalbaryo rin ang naranasan nang ako ay nakulong sa apat na sulok ng tahanan habang pilit na iniintindi at binibigyang katuturan ang mga leksyon sa klase. Walang pisikal na pagkikita sa mga tagapayong nagsisilbing patnubay upang mabigyan ang bawat isa sa amin ng tamang atensyon. Walang mga kamag-aral na masandalan at matanong hinggil sa mga paksang hindi yata kinaya ng sampung baso ng 3-in-1 na kapeng barako. Bagsakan ng modyul sa mga asignatura ang bawat linggo, at humigitkumulang walong oras na pagbabad sa screen ang iginugugol kada araw. Ngunit, naitawid ko ang dalawang taon, at nasanay na rin ako sa paglipas ng mga araw. Maraming pagsasaayos na ginawa ang Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) upang mabigyan ng karunungan ang bawat iskolar sa kabila ng banta ng COVID-19. Ako ay isa sa napakamaraming mga mag-aaral na sumailalim sa blended learning at hindi nakaapak sa paaralan sa loob ng dalawang taon. Nasanay ako sa dalawang araw na iskedyul ng klase at sa mga gawaing hindi ganoon karami. Sa muling pagbubukas ng mga tarangkahan ng kampus at sa pagpasok ng nasasabik na mga mag-aaral, nararapat bang baguhin ang iskedyul at dagdagan ang bilang ng mga pangangailangan sa klase?
Isinaalang-alang bang karamihan sa mga estudyante ay nangangapa pa sa transisyon ng pagkatuto? Nakikita ko kung bakit napagpasyahang baguhin ang mga patakaran upang maging mas mabisa sa kasalukuyang estado ng aming pag-aaral, ngunit batay sa pananaliksik
at sa nasaksihan, aking napagtantong mas makabubuti sa bawat mag-aaral ang pagbabago sa iskedyul at sa kahit kaunting pagbawas sa dami ng mga gawain.
Nakasaad sa mission ng PSHS ang sumusunod: “The PSHS System offers an education that is humanistic in spirit…” Ayon sa diksiyonaryo ng Unibersidad ng Cambridge, ang pagiging “humanistic” ay nangangahulugang pagtrato sa isang tao nang may respeto at pagtiyak na ito ay nagpapasaya sa kanya. Walang duda na hindi naman inaabuso ng sistema ng Pisay ang mga mag-aaral, ngunit karamihan sa aming mga iskolar ay nakararamdam ng stress lalo na sa pagsidatingan ng mga pagsusulit. Ang sabay-sabay na mga pagsusulit, proyekto, at iba pang mga gawain ay tunay na napakamahirap lalo na sa aming nasa murang edad pa lamang. Idagdag mo pa ang walong oras na klaseng tunay na nakapapagod at nakaaapekto sa aming academic performance.
Ayon sa pag-aaral ni Sian Beilock, isang psychologist sa Unibersidad ng Chicago, ang stress ay may koneksyon sa gradong makukuha ng estudyante sa kanyang mga gawain. Sa pag-aaral, nakitang ang stress at pressure na pinagdadaanan ng mag-aaral ay nakapagpapataas o lubos na nakapagpapababa ng makukuhang iskor sa isang pagsusulit. Sinasabi ng resulta ng pag-aaral na karamihan dito ay nakatanggap ng mas mababang grado. Hindi maikukubling tunay na mas nakaaangat ang katalinuhan ng mga mag-aaral sa Pisay. Ngunit, ibig sabihin ba nito ay hindi na kami naaapektuhan ng stress? Kung mababawasan ng kahit kaunti ang oras ng klase o bilang ng ibinibigay na mga gawain sa bawat asignatura, mapabubuti nito ang aming academic performance at mapipigilan ang pagdagdag ng pressure na nagreresulta sa stress.
Lubos akong nagpapasalamat sa mga aksyong ginawa ng PSHS-WVC bilang tugon sa nabanggit na
suliranin sa itaas. Bawat Miyerkules ng hapon, kami ay hinihikayat na makilahok sa Alternative Learning Activities (ALA). Ang pagsali sa mga ALA ay may maraming benepisyong hatid kagaya ng pagkatuwa at pagkalantad sa mga bagay na kinahihiligan. Kinasasabikan ang araw na ito, sapagkat wala nang klase pagsapit ng hapon. Nariyan din ang pagpapatupad ng “Pahuway Break” o isang linggong pahinga bawat markahan para sa mga estudyante nang mailaan nila ang kanilang oras sa sarili at pamilya. Ngunit, sapat na ba ito upang maibsan ang stress na naidudulot ng halos siyam na oras ng pag-aaral araw-araw?
Sa pangkalahatan, ang pagbawas sa bilang ng mga gawain o sa oras ng klase bawat linggo ay hindi lamang makabubuti sa kalusugang pangkaisipan kundi pati na rin sa mga grado at academic performance ng mga mag-aaral kagaya ko. Ang stress na dulot ng mahabang oras sa klase ay isa sa mga hinaing na dapat pansinin. Idagdag pa rito ang maraming leksyong pilit na isinisiksik sa bawat sesyon. Tunay akong humahanga sa tibay ng loob ng mga kapwa ko mag-aaral na sa kabila ng halos siyam na oras ng pagaaral at tatlo hanggang apat na leksyon bawat linggo, hindi pa rin nagpapadala sa stress na dulot nito. Pero hanggang saan ang makakaya ng aming katawan at kaisipan? Patuloy ba kaming magpapanggap na parang mga superhero na hindi madadaig ng kahit na ano? Katulad ng iba, mga mag-aaral din kami, kaya normal ang mai-stress at mapressure lalo na sa aming mga pinagdadaanan. Tapos na ang pakikibaka sa pag-aaral online habang may banta ng COVID-19, subalit bakit parang kasinghirap pa rin nito ang harapang pagkatuto? Hindi ba dapat mas madali na ito sapagkat nariyan na sa harap ang mga guro? Marahil, nabigla ang lahat sa agarang transisyon, at kailangang ayusin pa ang sistema para sa ikabubuti ng lahat.
Tatlong Testamento ng Pamumuno
Krysthea Charizze Abagon
MGA ALA
ALAmin ng PSHS-WVC
Ma. Princess Sophia Teodones at Bea Rystelle Sullivan
May pa-comeback ngayong Taong Pampaaralan 20222023 ang Alternative Learning
Activities o ALAs ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) matapos ang dalawang taong pagsuspende sa implementasyon nito dahil sa pandemya. Ang Alternative Learning
Activities o ALAs ay pampaaralang mga organisasyon o clubs na sinasalihan ng mga iskolar sang-ayon sa kanilang interes. Dito nalilinang ang kanilang mga talento at kakayahan habang nalalantad sila sa libangang pinili. Itinuturing itong pagbabalanse sa bigat ng akademikong mga pangangailangan habang hinahanda ng mga iskolar ang kanilang mga sarili sa mas malawak panlipunan sa hinaharap.
ALAmin ang ating ALAs sa serye ng mga larawan at paglalarawan sa ibaba:
Banaag: Isang Iglap ng Liwanag sa Gitna ng Karimlan
Is it a bird? Is it an owl? Hindi, ito ay Banaag! Sino ang nagsabing mahirap magsulat sa Filipino? Kung sino man iyon, siguro hindi siya sumali sa Banaag. Ang Banaag ang opisyal na pahayagang pang-mag-aaral sa Filipino ng PSHS-WVC. Hindi lamang Filipino ang ginagamit na midyum sa pagsulat dito. Maaari ding Hiligaynon, Kinaray-a, at iba pang katutubong wikang swak sa panlasa ng mga mambabasa.
Sci-Link: Today’s Link to the Future
Sa mga nanginginig ang kamay at atay sa tuwing nagsusulat sa Filipino, ang Sci-Link naman ay opisyal na pahayagang pangkampus sa Ingles ng institusyon. Anuman ang iyong nais iparating– balita, opinyon, o kahit pampanitikan, dito sa SciLink, bukas ang pintuan para sa iyo.
Hallyu Nawala siya ng isang taon pero bumalik naman, ngunit ang IZ*ONE wala na talagang pag-asa. Mahilig ka ba sa Kpop, Korean Food, at K-Drama?
Halina’t makisaya sa munting pa-concert ng K-pop ALA tuwing Miyerkules. Dito ka na, at baka mahanap mo na sa wakas ang oppa ng iyong buhay!
Badminton Nag-serve! Nag-smash!
Nadapa! Nahulog sa kanya! Hindi lamang gilas ng katawan ang sukatan. Ang bawat sampal ng racket ay isa ring pautakan! Kaway-kaway sa ating mga badminton enthusiast. Ihanda
na ang racket at shuttlecock dahil dito ninyo mahahasa ang inyong mga kasanayan sa badminton ALA.
Choir
“Salt air…” biro lang sa ating Swifties diyan.Tapos na pala ang Agosto.
“Wake me up when September…” teka lang, tapos na rin pala ang buwan na ito.
Ops, takure nga umaawit kung kumukulo, Pisay scholars pa kaya? Nais mo bang kumanta ng Lupang Hinirang tuwing may programa sa Bagong Auditorium?
Dito na sa Choir ALA, kumanta ka hanggang mabasag ang mga salamin.
Sports (Volleyball, Basketball, at
Football)
“He shoots, he scores!” Sa mga mahilig at magaling sa isports, beat energy gap. Ito ang nararapat sa inyo. Ito ang kumakalaban sa mga haka-hakang ang taga-Pisay ay puro acads lamang.
Dito sa Sports ALA, hindi lang acads ang may chemistry, pati ang PSHS-WVC Volleyball, Basketball, at Football team rin!
Stellar Baby, baby, you’re my sun and moon.” Pero sa Stellar ALA, matututunan mo na hindi lang ang araw at buwan ang may pag-asa! Dito, mabubuksan ang mga bintana ng kalangitan at masisilayan ang mga bituin na parang sumasayaw sa mga mata. Nais bo bang makita muli ang planetarium? O kaya makilahok sa Palingling? Kung gusto mong humiga sa ilalim ng madilim na kalangitan para makita ang pinaka-magniningning na mga bituin sa iyong mga mata, naririto na ang Stellar ALA sa iyong harapan.
Arts and Crafts
Maarte ka ba sa malikhain at produktibong pamamaraan? Talentado ka ba o interesado sa Arts and Crafts?
Mula sa ikalawang palapag ng SLRC building, danasin ang malamig na simoy ng hangin ng aircon at ang libreng mga gamit sa at makisama sa paggalugad ng iba’t ibang porma ng arte dito sa Arts and Crafts ALA.
Anime “It was me, Dio.” Isa ka bang otaku? Dito ka na sa Anime ALA! Kung bet mo ang pagbihis sa iba’tibang anime karakter o kaya paglahok sa iba’t-ibang laro kada Miyerkules, ang Anime ALA ay umpukan ng mga mahihilig sa Anime ng Japan o sa mga bagay na may kinalaman dito.
Isinasabuhay ang tatlong core values ng paaralan: integridad, kahusayan, at serbisyo; hinahasa ang tatlong domeyn ng pagkatao: kognitibo, kasanayan, kaasalan; at ipinakikilos ng tatlong inspirasyon ng isang iskolar, sila ang tatlong testamento ng kahusayan, katalinuhan, at kagalingan bilang isa. Ang isa ay nagnanais na makadala ng positibong pagbabago sa mundong kaniyang ginagalawan. Ang ikalawa ay may layuning ikasangkapan ang kanyang kaalaman at talento para sa kabutihan ng karamihan at mabalik ang serbisyo sa kapwa niya Pilipino. Ang ikatlo naman ay may hangaring tahakin ang buhay iskolar sa isang holistik na pamamaraan. Noon pa man, kilala na ang mga mag-aaral ng PSHS-WVC sa kanilang kagalingang pang-akademiko. Paglipas ng panahon, unti-unting dumami ang mga kagalingang ito at isa sa mga naging tatak ng pagiging iskolar ng Pisay ay ang kakayahang mamuno. Ngayong 2022, tatlong mag-aaral mula sa Pisay ang nakatanggap ng The Outstanding Students of Iloilo Award o TOSIA, ang pangunahin at pinakaprestihiyosong programa ng Junior Chamber International Regatta na organisasyon ng kabataang lider sa Lungsod ng Iloilo.
Sina Ellen Faye Anne Yabut, Carlos Manuel Eusoya, at Leanne Clarisse Losanes, mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ay tatlo sa mga nangungunang student leaders sa paaralan. Ang pagiging parte ng Student Alliance (SA) o kaya ay pinuno ng kani-kanilang mga organisyon ay hindi madali. Mula sa kanilang panayam, makikitang ang dedikasyon at pagtiya-tiyaga ay likas sa mga taga-Pisay.
Pagbangon para Maitumba ang mga Pagsubok
Bilang isang opisyal ng SA, isang pinuno ng mga organisasyon, at isang punong patnugot ng publikasyon ng paaralan, ang Banaag, si Ellen Faye Ann Yabut ay may pusong lider at manunulat. Gamit ang kanyang mga kagalingan, ang mag-aaral na ito mula Grade 11-Vega, ay unti-unting sinusulat ang kaniyang tagumpay sa pamumuno at sa buhay sa hinaharap.
Ipinakikilos ng layuning magdala ng positibong pagbabago sa mundong kanyang ginagalawan, siya ay kumbinsidong oras nang lumabas sa apat na sulok ng kanyang silid at ibahagi ang kaniyang kakayahang mamuno at pati na rin isulong ang kanyang adbokasiya para sa inklusibong edukasyon, responsible free speech, at proper information dissemination.
Maraming pagsubok na dala ang pagiging babaeng pinuno. Ang gender discrimination ang pinakamapanghamong suliraning kaniyang naranasan at isa ito sa mga bagay nais niyang masugpo gamit ang kaniyang plataporma sa SA.
“Di-maitatangging mahirap ang unang hakbang na ating gagawin sa bawat landas na nais nating lakbayin. Ngunit atin ring alalahanin na hindi natin mararating ang ating destinasyon kung mananatili ang takot sa ating mga puso. Magtiwala tayo sa proseso at matuto sa ating pagkakamali, sapagkat ang tunay na tagumpay ay binubuo ng napakaraming pagbangon at pagkatuto.”
Mabigat ang responsibilidad na dala-dala ni Ellen ngunit sa gampaning ito natagpuan niya ang kaniyang adbokasiya at mithiin na siyang nag-uudyok sa kaniya na maging mabuting ehemplo sa iba. Isang malaking karangalan para sa kaniya nang matanggap ang titulo ng TOSIA. Ayon sa kanyang panayam, “..ito ay simula pa lamang ng mga
makabuluhang bagay na Tamang Pagtitimbang sa Ang estudyanteng nakasentro sa pagiging maimpluwensyang youth ng Iloilo, kasalukuyang bilang opisyal ng SA, mga organisasyon, nagawa Losanes ang lahat mapa-akademik “..sa layuning at kakayahan sa tama student alliance at naging pamamagitan ng pag-sali Bilang parte organisasyong kaniyang italakay, ibahagi, at ipalaganap kamalayan sa iba’t ibang Upang matagumpay na kaniyang binigyang-diin empathetic, organisado, cooperative, at masikap. nababalanse niya ang pag-aaral
“Mayroon talagang mapipilitan ka ng sitwasyon ipaprioritize. Mahirap ibalanse ngunit sa huli ay talagang Sa kabila ng pressure na niya pa ring paghusayan ginagawa dahil para sa kaniya, ang kagalingan sa lahat serbisyo sa kapwa.
TestamentoPamumuno at Kahusayan
Abagon at Anicah Jhannel Castisimo
na makakaya pa naming maabot.”
sa Buhay
estudyanteng ito mula sa 11-Sirius ay pagiging pinuno. Nagtatag ng isang youth organization sa lungsod kasalukuyang nagsisilbi sa mga mag-aaral at nakikibahagi sa iba pang nagawa na ni Leanne Clarisse mapa-akademik o pamumuno. mamaximize ang aking oras tama ay talagang sumali ako sa naging student leader din sa pag-sali sa iba’t ibang organisasyon.” ng SA at pinuno ng mga kaniyang itinukod, layunin niyang ipalaganap ang kahalagahan ng ibang social issues sa mga kabataan. magawa ang mga layuning ito, binigyang-diin at mas pinabuti ang pagiging organisado, mabuting tagapagsalita, masikap. Kalakip ng time management, pag-aaral at pagiging student leader. talagang mga araw na mapupwersa ka at sitwasyon na pumili kung ano ang unang ibalanse ang lahat ng responsibilidad talagang magiging sulit naman ang lahat.” na kaniyang naranasan, nagagawa paghusayan pa ang lahat ng kaniyang kaniya, napakahalagang maipakita at maibigay ang pinakamabuting kapwa.
Pagtulong sa kapwa, pagtindig para sa tama, at pagtrabaho kasama ang iba pang kabataan at estudyante; para kay Leanne, hindi lamang ito mga tungkuling dala ng kaniyang posisyon, ito ang pinakamagandang rason at layunin kung bakit siya naging student leader. Ito rin ang mga gawaing nagpakamit sa kaniya ng titulo ng TOSIA. Dahil sa kaniyang pagsisikap at ng kaniyang mga kasamahan, napatunayan niyang ‘may kaya talaga ang kabataan.’
Kung ang Kahusayan ay May Mangingibig
Katulad ni Ellen, isa ring manunulat at lider si Carlos Manuel Eusoya. Ang punong-pamatnugot ng publikasyon ng paaralan, ang Sci-Link. Kampeon sa pamamahayag at malikhaing pagsulat, palaging nangunguna sa kanilang batch, at nanguna rin sa pagranggo ng mga nakatanggap TOSIA, ang mag-aaral na ito mula sa 11-Rigel ay patunay na ang kahusayan sa kahit anong gawain ay magpapalayo ng iyong mararating.
Bilang isang iskolar na nabigyan ng oportunidad at prebilehiyo na makapag aral nang libre dito sa Pisay, naiss nyang ibahagi ang kanyang karunungan sa mga estudyanteng hindi nagkaroon nang parehong pagkakataon. “..napagtanto ko na maraming mga kabataang hindi nakakakuha ng sapat o kalidad na edukasyon, at naging motibasyon ko ito upang maging isang lider at advocate para sa edukasyon.”
Nang dahil sa kanyang adbokasiya na syang naging inspirasyon nya upang pumasok sa mundo nang youth leadership at sa pagpupursige sa kanyang pag aaral, nagkaroon sya nang pagkakataon na isakatuparan ang kanyang mga hangarin at ganun din ang Manalo nang mga parangal tulad ng TOSIA, kung saan labis ang kanyang kasiyahan at lubos ang papasalamat, hindi lamang dahil sa pagkilala na dala nito, kundi dahil din sa pagpapatunay na ang kanyang pagsusumikap bilang isang lider ay unti-unting nakakatulong sa komunidad at ang kanyang adbokasiya ay dahan-dahang nakakamit. Subalit sa kabila ng mga kahusayan na nakikita ay may suliranin ring dadaan na hahamon sa kanya. “hamon ang pagiging introvert sa pagiging lider, dahil may mga panahong mapapaduda ka sa iyong sarili lalo na sa harap ng isang madla.” Ngunit sa kabila ng hamon na dumaan ay hindi sya madaling sumuko sa halip ay hinarap nya ito, “ sa tulong ng paniniwala sa sariling kakayahan at sa mga kaibigang tumutulong sa aking personal na journey bilang isang student leader, matagumpay kong nalampasan ang hadlang na dulot ng pagkaintrobertibo sa aking mga gawain.” Hindi maikakaila na ang responsibilidad na kailangan niyang gawin ay hindi makakaya nang isang tao lamang ngunit gayon pa man ay nakakaya niya pa rin ito at hindi siya titigil hangga’t hindi nakakamit ang pagnanais na gusto niya. Umpisa pa lamang ito at marami pang mga bagay syang pinaplano sa susunod na hinaharap. Taliwas sa kaisipang ang mga Pisaynon ay pang-akademiko lamang, muling napatunayan ang kagalingan ng mga mag-aaral sa ibang kakayahan tulad lamang ng pamumuno. Bilang mga TOSIA awardees, napatunayan nina Ellen Faye Ann Yabut, Leanne Clarisse Losañes, at Carlos Manuel Eusoya na likas ang kahusayan sa anumang layuning nais ng isang Pisaynon. Maging sa pamumuno o sa ano pang larangan, naisasapuso ang pagnanasa para sa kahusayan.
11 TRANSLATION
Lost in
Krysthea Charizze Abagon
“Magandang hapon, kami ang Banaag at dito sa aming booth, nakadisplay ang aming mga artikulo at panitikan. Gusto mo ba ng kopya?”
“Salamat, pero hindi.”
Napatda ako nang marinig ang sagot ng klasmeyt ko. Dala ang aking pusong kakasaksak lang ng kutsilyong kasinghaba ng dos por dos, hinila ko ang aking mga paa pabalik sa lamesang tinatambayan.
Alam ko ang nasa loob ng kaniyang isip at mabuti dahil niya na ito sinabi pa. Sino ba naman ang magbabasa ng mga akdang hindi naman maitindihan ang wikang nakasulat. “Nabasa mo na ba ang artikulo tungkol sa ALA Fair?
Naka-post na sa Facebook.”
“Oo, nabasa ko na ang pinost sa Ingles.”
Kung may dos por dos, sana mayroon ring tres por tres. Ang katotohanang ito ay nagdudulot ng malaking suliranin, lalo na sa larangan ng pamamahayag at medya. Sa kasalukuyang henerasyon, nasa bingit ang literasiya ng mga magaaral sa wikang Filipino. Noong 2019, natuklasan ng Functional Literacy Education and Mass Media Survey (FLEMMS) na 2.7 prosiyento ng mga Pilipinong may edad 10 hanggang 64 ay “functionally illiterate” sa Filipino. Kakaunti man ang porsyento, malaking bahagi ng populasyon ang katumbas nito. Ang isyung ito sa literasiya ay nagmumula sa tatlong pangunahing dahilan. Una ay ang impluwensiya ng wikang Ingles. Dahil sa malawak na paggamit ng Ingles sa sistema ng edukasyon pang-araw-araw na buhay sa Pilipinas, marami ang mas sanay sa pagbasa at pagsasalita sa Ingles kaysa Filipino. Pangalawa ang impluwensiya sa tahanan. Kung ang kultura sa tahanan ng isang mag-aaral
Math Honors Club
1+1 = LapuLapu? Kung mga simbolo at numero ang pinaghuhugutan mo ng saya at enerhiya, ang Math Honors Club ay naghahanda ng mga larong may kinalaman sa matematika. Maliban sa masaya na, makatutulong pa ito sa ating pag-aaral lalo na tuwing nagkakagulo ang ating neurons sa pagresolba ng mga problema sa matematika.
E-games Totoo ba na ang mga
Pisaynon ay night owls? Dito sa E-games ALA, ang paglalaro sa cellpone ay nangyayari rin sa hapon! Sa ALAng ito, ang mga iskolar ay bumubuo at naglalaro ng e-games o electronic games. Mapa- PC man o kahit gaming sa cellphone, hindi feelings ang pinaglalaruan dito, ha. Gumagawa rin sila ng mga estratehiya sa mga laro.
MUN
ay hindi nagtataguyod ng pagbasa at pagsusulat sa Filipino, asahan na hindi sila magiging bihasa sa wika. Pangatlo, limitadong pagkakalantad. Sa ilang pagkakataon, ang mga magaaral ay maaaring may limitadong pagkakalantad sa mga babasahin sa Filipino sa labas ng silid-aralan. Ang mga aklat, pelikula, at media ay nasa wikang Ingles kung kaya’t humahadlang sa kanilang pag-hubog ng kasanayan sa wikang Filipino. Ang tatlong naibanggit ay laganap lalong-lalo na sa kasalukuyan kung saan hindi sapat ang pagpapahalaga sa wikang pambansa . Sa 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS) nalaman na 63% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang Ingles ay mas mahalaga kaysa sa Tagalog, at 57% naman ang naniniwala na ang Ingles ang wika ng hinaharap sa Pilipinas. “Baka nga totoo ang kinanta ni Taylor, maybe we were lost in translation.” Bilang isang estudyanteng mamahayag na nagsusulat sa Filipino, nakakahinayang isiping kahit anong isulat ay hindi sapat para sa iba dahil lamang sa midyum na ginamit. Maliban sa pamamahayag, nakataya rin ang kapalaran ng literaturang Filipino. Panahon nang ipaunawa sa iba ang katotohanan. Hindi lang isa ang magtatanong ng: “Ano naman ang kabuluhan ng iyong sinulat kung hindi maintindihan ng karamihan?”
Debate, pampublikong
pagsasalita, at pamumuno. Ang
MUN o Model United Nations ay may layuning itaas ang ating kamalayan ng mga iskolar hinggil sa mga pandaigdigang problemang sosyopolitikal at pang-ekonomiya. Kung ikaw ay madaldal o kahit magaling magsalita, ito ang ALA na para sa iyo. Samahan ang mga miyembro ng MUN ALA sa kanilang paggalugad ng mundo tuwing Miyerkules at sa Guimaras tuwing MUN camp!
Movie Trip mo rin ba ang maupo at manood ng pelikula pagkatapos ng sangkatutak na reqs? Dasurv mo ang magpahinga habang kumakain ng snacks sa Movie ALA. ‘Ika nga ng Ben&Ben, “Malapit na, pero hindi rin kasalanang magpahinga.”
manalo muli tuwing ALA Fair dahil sa pinakamabentang horror room!
Dance “Gusto kitang isayaw nang mabagal.” Stressed? Pressured? Iindak mo muna iyan sa saliw ng mga tugtugin nang sabay na mawala sa pagpatak ng mga pawis. Ang Dance ALA ay naniniwala sa halaga ng paggalaw ng katawan sa ikabubuti hindi lamang ng pisikal kundi pati na rin ng mental na kalusugan. Dito sa Dance ALA, maaaring magkaroon ng oportunidad na sumayaw sa harap ng buong Pisay-WVC tuwing Intramurals sa dance battle o kaya sa ALA Fair. Red Cross “SOS! Hindi ako makahinga, dahil nakita ko siyang may kasamang iba.” Walang problema. Ang PSHSWVC Red Cross Youth ay isang organisasyong naglalayong lumikha ng isang grupo ng mga iskolar na nagsasanay upang maging maalam at mahusay na mga first aider. Sila ang inaasahang tutugon sa panahon ng mga emerhensiya sa tuwing may aktibidad sa loob at/o labas ng kampus. Ang ALA ay hindi lamang abenida upang mahasa ang mga kakayahan sa iba’t-ibang larangan, oportunidad rin ito para sa mga iskolar na makisaya sa mga bagay na kanilang pinag-lilibangan. Dito, maaaring makamit ang tagumpay, magkamali, at matutunan ang mga bagay-bagay na hindi pa natutunan sa loob ng classroom. Kaya, huwag nang malungkot tuwing Miyerkules ng hapon, dahil pagkatapos ng sandamakmak na mga gawain sa klase ay may pupuntahan kang ALA na siguradong tutugon sa iyong hilig habang nag-aaral dito sa Pisay.
Sa Likod ng bawat Pagtatapos
Krysthea Charizze AbagonSa kabila ng matamis na lasa ng tagumpay na nararanasan ng mga nagtatapos at magtatapos na estudyante ngayong taon, hindi palaging mala-asukal ang daang tinakay nila. Kamakailan lamang, nagdaos ng graduation ang ilang pribado at pampublikong paaralan sa Pilipinas, kasama na rito ang 16 na campus ng Philippine Science High School na naghandog ng kabuuang 1,456 na mga nagtatapos (PSHSS, 2023). Sa likod ng mga ngiti at papuri, ibinubunyag ang mga sakripisyo na kanilang pinagdaanan sa likod ng kamera.
Kalusugan ng Pag-iisip Hindi man nakakaalarma para sa nakakarami, ngunit isang ahas ang patuloy na palaboy-laboy sa mundo ng mga tao at pumupunterya sa ilan. Ang kalagayan ng isipan o mental health ay may malaking epekto sa posibilidad ng isang Pilipinong estudyante na makapagtapos ng kanyang pag-aaral.
Baliktad sa kasabihang ang Pilipinas ay puno ng mga masasayang tao, hindi ito naangkop para sa lahat. Ayon sa World Health Organization, isa sa bawat apat na Pilipino na nasa edad 18 pataas ang nakakaranas ng mental health condition taun-taon. Dagdag pa rito, ayon sa National Center for Mental Health, mula Enero 2022 hanggang Setyembre 2022, nakatanggap sila ng libo-libong mga tawag karamihan mula sa mga millenial at Gen Z (sa illim ng 30 taong gulang) Ang mga kondisyong
ito, mula sa malumanay hanggang malubha, ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa kakayahan ng isang tao na mag-function sa eskwela, trabaho, at iba pang aspeto ng pang-araw-araw na buhay.
Hadlang sa Pananalapi Matrikula, baon, pamasahe— ang kakayahan sa pinansiyal ay mahalagang salik na nagtatakda sa abilidad ng isang estudyante na magpatuloy sa kanyang pag-aaral. Sabi nga nila ang, ‘ang eduksayon ang susi sa tagumpay; ngunit anong magagawa kung ang nagsisilbing susi ay nangangailangan din ng sariling susi?
Noong nakaraang taon, mahigit sa 5.6 milyong pamilyang Pilipino ang nabibilang sa kahirapan (DSWD, 2022). Bagamat hindi nangangahulugan ito na pinipilit nito ang mga mag-aaral na huminto sa pag-aaral, nagdudulot ito ng mga kahirapan na kanilang nararanasan habang nag-aaral.
Ayon sa National Center for Education Statistics, mas malaki ang posibilidad na tumigil sa pag-aaral sa high school ang mga estudyanteng mula sa mga pamilyang may mababang kita kumpara sa mga estudyanteng mula sa mga pamilyang may mataas na kita. Noong 2019, 11 prosiyente ng mga estudyanteng mula sa mga pamilyang may mababang kita ang huminto sa high school, kumpara sa 2 porsiyente lamang ng mga estudyanteng mula sa mga pamilyang may mataas na kita.
Learning Poverty
Bagaman ang pamantayan ng pagtanggap ng trabaho sa Pilipinaas ay hindi angkop sa tunay na kakayahan ng karamihan sa mga Piliino, ang bansa ay nag-aasam ng mas mataas pa a makakaya. Ang bansa ay may isa sa pinakamataas na antas ng kahirapan sa pagkatuto sa buong mundo, kung saan 90.9 porsiyente ng mga 10-taong gulang ay hindi marunong bumasa at umunawa ng simpleng kwento (World Bank’s State of Global Learning Poverty, 2022). Ito ay may malaking epekto sa posibilidad ng isang estudyante na makapagtapos ng high school, sapagkat ang mababang kalidad ng edukasyon ay maaaring hadlang sa pagtatapos o mas palakasin ang posibilidad ng pagabandona sa pag-aaral o pag-dropout. Ang pagtatapos mula sa sekondarya o kolehiyo ay hindi isang simpleng tagumpay. Isa itong matinik na kalsada na dinadaanan ng tao habang nakapaa. Gaano man kaganda ang destinasyon, ang biyahe ay isang timpla ng mapapait na mga karanasan. Sa kabila ng mga papuri at mga gantimpala, maraming mga hadlang ang nagpapahirap sa tagumpay ng ilang mga estudyante. Ang mga tatlong nabanggit ay ilan lamang sa mga problema na karaniwang hindi napapansin. Ito ang mga problemang nakatago sa likod ng kanilang tagumpay—ang mapait na katotohanan na sumasalamin sa kanilang mga matatamis na sandaling pagtatapos.
kulturang Tatak Pisay-WVC
Mahigit dalawang taon din ang nalagas sa tangkay ng panahon bago muling nasilayan ang mga estudyanteng paroon at parito sa mga pasilyo at oval ng paaralan. Hinahanap ng pakiramdam ang pag-upo sa maamong mga damo habang nakatingala sa kahel na langit at sa papalubog na araw. Hindi rin makalimutan ang pag-uunahan ng mga mag-aaral sa Coop upang makapila at makabili ng mga pagkain. May siomai, hotdog, cheeseburger, milk tea, at fries! Pumili ka lang.
Ang Philippine Science High
School-Western Visayas Campus (PSHSWVC) ay bantog sa maraming aspekto, hindi lamang sa pamimituin sa mga paligsahan. Alam mo ba na ang kampus ng Kanlurang Visayas ay binansagang “party campus” mula sa 16 na campuses ng PSHS? Malamang hindi pa, hindi ba? Kaya, narito ang ilan sa kilalang mga tradisyong maaaring hindi mo pa batid.
Alamat ng Bakerite Hindi tiyak ang petsa kung kailan ito nagsimula, subalit ang tiyak lamang ay mararanasan ng parating na batch sa bagong taong panunuran ang mabilog sa kwentong ito. Hayaan ninyo at isasalaysay ko ang “Alamat ng Bakerite.” Sabi-sabi ng mas nakatatandang mga mag-aaral na may kainan daw na sosyal at aircon sa tabi ng kampus. Mura at masarap na nga ang pagkain, mapagbigay pa ang may-ari. Ngunit, kapag iyong tutuklasin, ang bubungad sa iyo ay munting tindahang yari sa kahoy. Naka-display ang sari-saring tinapay at ang pinakatinatangkilik na pancit canton. Pero, nakalulungkot ang pagkawala ng bakerite sa kasagsagan ng pandemya.
Dahil nga ito ay alamat, tatagos sana sa puso ang munting kasiyahang naidulot ng tambayan ng iskolar ng bayan.
Pamamalakpak Boom! Biglang nabuhay ang Coop sa nagsisigabong palakpakan at tawa ng mga mag-aaral. Ikaw, nakahulog ka na ba ng pinggan o nakatumba ng upuan, at nakaranas mapalakpakan? Sa hindi rin tiyak na petsa, naging bantog ang pamamalakpak kapag may tunog ng pagkahulog na humahatak sa atensyon ng mga naroroon. Kaugnay ng tradisyong ito ang halos buong komunidad na pagkanta ng “Happy birthday” sa mga may kaarawan sa isang partikular na araw.
Naiwang Kayamanan Pailaw-ilaw, nag-iisa sa ibabaw ng mesa sa mga daanan sa kampus. O, kay maringal tingnan! Nagtataka ka rin ba kung bakit kampante ang lahat na iwan ang kanilang mahahalagang mga gamit tulad na lamang ng laptop at wallet? Noon pa man, nakatatak na sa isip ng mga iskolar ang core values ng Pisay, at isa na rito ang “Integridad”. Ito ang pangunahing rason kung bakit kalimitang may mga gamit na naiiwang walang bantay. Ngunit, huwag matakot sa mga pagkakataong baka ikaw ay mananakawan o mawawalan, dahil maraming CCTV ang nakapalibot sa paaralan. Kadalasan, wala namang ganitong mga kaso. Pwedeng pwede mo iwan ang iyong laptop upang kunin ang scientific calculator na nakalimutan sa silid! Wow, halatang halata kung ano ang likas kong gawain. Huwarang Iskolar
Likas na magagalang ang mga
Pilipino, pero mas binibigyang-diin ito sa Pisay-WVC. Sinuman ang makasalubong— magulang, dyanitor, gwardiya, guro o admin, kaugalian nang bumati ng mga iskolar ng “Magandang umaga!” at ”Magandang hapon!” Ngunit, siguruhing tugma sa oras ang iyong bati. Huwag bumati ng magandang umaga kapag alas tres na ng hapon. Isa pang pagpapamalas ng pagiging magalang ay pagyuko kapag dumadaan sa gitna ng mas nakatatandang iskolar. Higit sa lahat, huwag kalimutang humingi ng paumanhin, lalong lalo na kapag nakabangga ng kapwa. WVC’2X “Hmm, wvc’23, wvc’24, wvc’25, wvc’26, wvc’27, wvc’28.” Friendship request accepted. Ikaw, nasa bio mo na rin ba ang kampus at ang taon kung kailan ka magtatapos sa institusyong ito? Mapa-Facebook, Twitter, o Instagram, siguradong makikita ito sa talatang naglalarawan sa isang iskolar. Iskolar ng bayan talaga ang dating. Hindi lamang ito kultura ng Kanlurang Visayas.
May nariyan pa marahil sa tabi-tabing mga kultura at tradisyong hindi ko nabanggit o naranasan man. Kapag ako ay iyong nakasalubong sa kampus, pakibulong na lang ito sa akin. Ibig kong matukoy ito bilang hilagang bituin sa nakababatang mga iskolar ng WVC. Kaya nga nakasalalay sa makwelang mga iskolar ang pagtangkilik, pangangalaga, at pagpasa nito sa susunod na henerasyon ng mga mag-aaral ng Pisay-WVC.
ko ay ‘bituing walang ningning.’ Nagpara akong si Sharon Cuneta sa murang edad, sa paglalarawan sa sarili, noong nagsisimula pa lamang sa pagsusulat. Naging palaisipan sa akin kung paano nahasa ang mga bituing tinitingala. Napagtanto kong, upang maabot ang natatanging kinang ay naranasan muna nilang magraos sa pagtahak ng landas na naulanan ng sandamakmak na mga asteroid – naglalayong kitilin ang hangarin. Sa kalawakang yumayapos sa ating mundo, ni katiting ng tunog ay hindi nakakawala; ako ay napilitang hanapin ang sariling boses. Sa paghahanap, aking naaninag ang hiwaga ng pagsulat. Namangha sa kakayahan ng pluma at papel maging sandata at panangga sa digmaan. Ikaapat na baitang noong unang sumailalim sa pagsasanay ang noon ay hinahasa pa lamang na kakayahan. Nagbunga ang pagsasanay, nang masungkit ang ginto at nagliyab ang nadiskubreng kintab sa pagsusulat. Tiyak na ipinamalas ang imahinasyong nahubog mula sa mga teleseryeng tinatangkilik tuwing alas-tres ng hapon at mga alamat nabasang kalimitan laman ng aking panaginip. Napukaw ang pagkalulong sa tagumpay, at nabuo ang naging paalala sa sarili – Magsulat, Magsanay, Magtagumpay. Nakakabalisa ang bilis ng paglipas ng panahon, parang naalimpungatan lamang at nagising na nasa ikaanim na baitang na pala. Taas-noo kong sinusuot ang karangalan ng pagiging pangalawang punong patnugot sa aming pahayagan, at napukaw lamang ang atensiyon nang marinig ang pagtunog ng kampana, hudyat ng pagtatapos ng araw. Naalala ko na Biyernes noon nang naatasan akong magtungo sa opisina ng publikasyon. “Ga, sumulat ng editoryal ukol sa kasalukuyang pakikibaka ng mga guro para sa pagpataas ng sahod sa mga pribadon institusyon.” Hawak ang aking notepad at ballpen, aking tinahak ang pasilyo tungo sa mga gurong nais makapanayam. Tila nabuhusan ng tubig ang diwa, nang namulat sa realidad ng saklaw na ginagampanan ng mga manunulat sa pagbunyag ng mga problemang hinaharap ng sambayanan; noon ko lang lubusang naintindihan ang akdang aking isinulat. Hindi ako napakali; kaliwa-kanan, urong-sulong akong nangapa sa dilim. Kalaunan, aking nahagilap ang pagsinta. Isang pangatwiran na nag-udyok sa damdamin na pagmasdan ang pamamahayag sa bagong liwanag. Mula sa isang bata na humahabol lamang sa karangalang taglay ng gintong medalya, hanggang sa munting iglap na ito ay nalipasan ng panahon; at naging sinag ng pagkahumaling sa pangangailangan ng masa. Umaalingawngaw pa rin ang boses ng isang tagapagsalita sa workshop sa aking isip, ang mga salitang binitawan niya ay naging kasabihang pinanghahawakan, hanggang ngayon. “Magpahayag ng balitang katotohanan at magpalaganap ng mga istoryang makakabuti sa pamumuhay ng mamamayan.” Umugat sa puso ang mga naging karanasan, at ito ay sumiklab sa kasipagang magbahagi ng balitang sandig sa katotohanan. Ngayong nasa mataas nang paaralan, at nagkamuwang sa karimlang tinatawag na buhay. Sa pangangapa sa mga hamon, aking natagpuan ang isang pagsinta na nagsisilbing lakas sa pagpapatuloy. Taglay ko ang sandata, upang harapin ang sakit ng lipunan. Kalaunan, aking napagtanto na ako ngayon ay haharap sa paghusga ng masa, sa halip na hurado. Sapagkat, hindi na lamang gantimpala ang hangad, kundi ang dakilang layunin ng mga mamamahayag. Magkubli sa liwanag ng katotohanan ang siyang itinataguyod ng mga mamamahayag sa masa. Inaanyayahang masipat ang nagiging banaag sa gitna ng karimlan ng lipunan. Ngayon, talongtalo ko na si Sharon Cuneta kung taglay na ningning lang naman ang pinag-uusapan. Marahil, bilang mamamahayag ako ay nagsisilbing tanglaw ng liwanag.
MAY PAGKAIN SA HANGIN?
Malinis na Kinabukasan Para sa Agrikultura
Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Biniyayaan tayo ng mga mayabong at masaganing lupa, kaya likas na sa kultura nating mga Pilipino ang pagsasaka. Naging hanapbuhay ng maraming mamamayan ang pagtatanim ng palay, mais, at mga gulay. Sa pagsasaka rin kinukuha ang malaking porsyento ng pagkain ng mga Pilipino. Dahil dito, agrikultura ang itinuturi na pinakamahalagang industriya sa bansa. Ngunit, kadalasan ay nakakaligtaan natin ang pinsalang nadudulot ng pagsasaka sa ating kalikasan. Unang una, sinisira ang mga kagubatan upang makagawa ng mga sakahan. At pangalawa, ang dumi ng mga agrikultural na hayop ay ang pangunahing dahilan sa polusyon ng atmospera (atmosphere). Sa kabutihang-palad, may iminumungkahing solusyon ang kompanyang Solar Foods sa ating problemang pangkalikasan. Nakadiskubre ang kanilang mga mananaliksik ng isang paraan upang makagawa ng pagkain mula sa hangin, tubig, at sikat ng araw. Ang kanilang imbensyon, na mas kilala bilang Solein, ay ang unang hakbang tungo sa malinis na agrikultura. Paano ba nila nagawa ang imbensyong ito?
Siyensiya ng sustansiya
Ayon kay Pasi Vainikka, ang CEO ng Solar Foods, kailangan ng tatlong sangkap upang mailikha ang pagkain mula sa hangin. Una, kailangan ng mga solar panel para makakuha ng enerhiya mula sa sikat ng araw. Ang enerhiya ay isinasalin para maging kuryente. Pangalawa, ang tubig ay kailangan rin sa paggawa ng Solein. Gagamitin ang kuryente para maka-extract ng hydrogen mula sa tubig. At pangatlo, hangin ang huling sangkap na ginagamit sa paglikha ng pagkain. Kinukuha ng mga siyentista ang carbon dioxide sa hangin. Ano ba ang hydrogen at ang carbon dioxide?
Ang dalawang kimikal na ito ay mga gases na paboritong kainin ng mga bakterya. Ang mga bakterya ay parang isang pabrika. Kung may sila ng mga protina. Ang protina ay ang sangkap na nakikita natin sa mga karne ng baboy at ng manok.
PAGPUPUNLA
NG KAISIPANG AGHAM
Katulad ng kalikasan, ang bawat puno ng kadakilaan ay nagmula sa tangkay ng pagsasanay na tumutumubo mula sa isang binhing itinanim. Ang binhi ng kuryusidad. Dulot nito, isang kagandahan ang mamumulaklak. Ang kagandahan ng pagiging mausisa, paghahanap ng sagot, at pagtuklas nito sa wakas.
Parang tanim ng buhay na tumutubo sa puso ng kagubatan ng iba’t-ibang disiplina, ang agham ang nagsisilbing pagpapaliwanag sa anumang bagay na sinisikatan nito ng liwanag. Isa itong samahan ng tatlong kasangkapang nagbibigay depenisyon sa kung ano nga ba talaga ito.
Kung ang mamamayan ay nangangailangan ng pangalang maagpapaiba sa kaniya, mainhahalintulad rin ito sa layunin ng agham. Sa pagpuslit sa mundong ito, agham sa paligid ang bubungad sa mga pandama.
Habang nakikita, naririnig, natitikman, at nararamdaman ang kapangyarihan ng displinang ito, umuusbong ang layuning malaman pa bakit ito umiiral.
Ito ang halimbawa ng kuryusidad. Ika nga ni Dr. Lourdes J. Cruz, National Scientist para sa Biochemistry, “ang agham ay pinayayaman ng kaugaliaang pagtuklas.” Ang mga dalubhasa, mga guro, at mag-aaral ng agham ay may iisang layunin– patuloy na magtanong at magtuklas ng tanong. Kung ihahambing man sa iba pang disiplinang panlipunan, ang agham lamang ang naglalayong
masagot ang lahat ng tanong sa kalawakan. Pangalawa ang kalayaan sa pagaaral o academic freedom. Ayon kay Dr. Dolores A. Ramirez, National Scientist para sa Biochemical Genetics at Cynogenetics, “ang agham ay nariyan dahil malaya itong magamit ng sinuman.” Ang agham ay bukas sa sinumang nagnanais magamit ito para sa layuning mas paunlarin pa ito. Ayon pa nga kay Dr. Ramirez, ang mga bansang unang umunlad ay may pagkahilig ang ang mga mamamayan sa agham. Katulad ng sawikaing, “kahit ano basta nasa ilalim ng araw,” it rin ang sakop ng agham. Ang agham ay nasa paligid lamang at maaari itong magamit sa anuman, kailanman, o saanman. Panghuling dapat paghandaan bago itanim ang butil ng pagkatuto ay ang tubig ng kaalamang para saan ito. Ang agham ay hinihimok ng layunin. Bawat pag-tanong, pag-imbestiga, pag-aaral, at pag-tuklas ay may layuning hindi lamang maisagot ang nais malaman kundi may layunin ring makaimpluwensiya para sa kabutihan ng sarili, pamilya, at ng kapwa.
Sabi nga
ni Dr. Emil Q. Javier, National Scientist para sa Plant Breeding, “ang
Kapag makuha na ng mga siyentista ang protina mula sa napabusog na mga bakterya, patutuyuin nila ito upang masiguro na maaaring makain ang protina ng mga tao at ng mga hayop.
“Animnapu’t limang bahagdan ng Solein ay binubuo ng protina, carbohydrates, at fats,” paliwanag ni Vainikka. Ayon naman sa National Academy of Sciences, doble ang sustansya na ibinibigay ng Solein kumpara sa kanin, mais, o soybean. Pagbabago sa pagsasaka
“Kung mai-implement [ang Solein], talagang makakatulong ito sa kapaligiran. Mababawasan ang polusyon na nalilikha dulot ng agrikultura, lalo na dahil hindi na kakailangin pa ang mga livestock,” wika ni Leopoldo Caoyonan, opisyal ng SAMICASA, ang organisasyon ng mga magsasaka sa probinsya ng San Miguel. Ani Caoyonan, ang mga hayop sa sakahan ay nagpapalabas ng waste products na nagdudulot ng polusyon. Ayon naman sa Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO), 40 bahagdan ng polusyon sa himpapawid (air pollution) ay dulot ng livestock. Dahil hindi kailangan ng hayop sa paggawa ng Solein, hindi nito napipinsalaan ang kalikasan. Makakatulong nga ang Solein sa pagbawas ng polusyon, subalit may masamang epekto pa rin ito sa pamumuhay ng mga magsasaka. “Mabuti man ang environmental effect nito, medyo may chance na mawawalan ng trabaho ang mga magsasaka. Mase-seperate kasi ang pagsasaka sa industriya ng food production,” paliwanag ni Caoyonan. Tunay nga na ang Solein ay isang rebolusyonaryong imbensyon. Makakagawa ito ng masustansyang protina gamit lamang ang sikat ng araw, tubig, at hangin. Mababawasan din nito ang polusyon sa kalikasan. Ang ideya ng “pagkain mula sa hangin” ay hindi na science fiction lamang. Sa halip, ito ay isa nang imbensyon na tutulong sa Pilipinas na maabot ang malinis na kinabukasan para sa agrikultura.
Krysthea Charizze AbagonAPLIKASYON PARA SA MABILISANG DIAGNOSIS ARUGA:
Carlos Manuel Eusoya, Renz Frederick Bañas, Megan Lexia Talabucon, Jan Mavrick Uy, at Kasi Guillen
Kunwari ay isa kang residente sa munting nayon sa bukirin ng Panay. Matiwasay ang pamumuhay sa inyong nayon; bawat araw ay iyong nalalanghap ang preskang hangin at namamasdan ang kagandahan ng kapaligirang malayo sa ingay at dumi ng bayan.
Ngunit ngayong umaga, nangyari ang iyong pinakakinakatakutan. Nahawaan ng isang misteryosong sakit ang iyong lolo. Malayo-layo ang distansya ng bayan sa inyong komunidad, kaya nahihirapan ang iyong mga kapwa residente na bumisita sa klinika o ospital upang kumuha ng diagnosis at reseta mula sa doktor at mga medikal na propesyonal. Sagabal din ang kakulangan ng mga eksperto, mga parmasyutiko, at mga pasilidad sa inyong lugar. Halos maiiyak ka na sa kahabag-habag na estado ng iyong lolo, na hindi makakakuha ng agarang diagnosis dulot ng suliraning pangkalusugan na kinakaharap ng nayon.
Hindi lamang kathang-isip o guniguni ang sitwasyong inilarawan.
Nakatagong Sakit sa Lipunan: Ang Kakulangan ng
Health Access sa Pilipinas
Ang kakapusan ng mga pasilidad, kagamitan, at eksperto sa sektor ng kalusugan (healthcare sector) ng isang komunidad o bansa ay tinatawag na health inaccessibility o healthcare neglect (The Encyclopedia of World Problems & Human Potential, 2020). Ayon sa istatistika ng WHO, mahigit 50 bahagdan ng pandaigdigang populasyon ay hindi nakakakuha o nakakatanggap ng mga produkto at serbisyong pangkalusugan (health products and services), kagaya ng medisina, bitamina, at appointment sa health center o sa medikal na propesyonal (WHO, 2017).
Marami ang nagdurusa dahil sa kawalan ng access sa mga produkto at serbisyong pangkalusugan, lalo na ang mga nakatira sa mga malayong probinsya, mga residente sa rural na pamayanan, o ang mga pobre mula sa mga baryo, dahil hindi nakakakuha ang mga apektadong pasyente ng mabilis at abot-kayang diagnosis upang matukoy ang kanilang sakit. Noong 2015, naitalang higit sa 56 bahagdan ng mga mamamayan mula sa rural na mga lugar ay walang access sa pangunahing health services, kabilang na ang diagnostic services (United Nations, 2015).
Pinatunayan ng mga nabanggit na ebidensya na laganap ang isyu ng health inaccessibility sa mundo, at mas malubha pa ang epekto ng suliraning ito sa mga Third World nations o mga maralitang bansa na may mababang antas ng kaunlaran at may mabagal na pag-usad sa ekonomiya, kabilang na ang Pilipinas. Ayon kay Arsdale (n.d.), ang kakulangan ng mga ospital at kagamitang pang-diagnose ay isang pangunahing hadlang sa dekalidad na sistemang pangkalusugan sa Pilipinas. Bukod dito, isinaad ng Department of Health (DOH) na kalahati ng rural na populasyon sa bansa ay walang access sa pangkaraniwang healthcare services dulot ng dalawang pangunahing dahilan:
(1) walang mga lisensyadong medikal na doktor at mga pasilidad na malapit sa rural na mga lugar, kaya hindi madaling ma-diagnose ang mga pasyente, maliban lang kung dadalhin pa sila sa mga karatig na bayan,
(2) hindi epektibo ang proseso ng diagnosis dahil wala masyadong mga kagamitang pang-medikal sa rural na komunidad, lalo na dahil pobre ang nasabing lugar (Ramos, 2021).
Hindi direktahan ang epekto ng healthcare inaccessibility sa isang bansa, dahil ang mga negatibong epekto nito ay lihim na tumatagos sa mga komunidad. Ang kakulangan ng access sa diagnostic services at iba pang serbisyong pang-medikal ay nagdudulot ng mababang life expectancy sa Pilipinas. Halimbawa, noong 2014, ang life expectancy ng mga Pilipino ay 69 taon lamang — higit na mas mababa sa 83 taon na pamantayang life expectancy ng ibang mga bansa sa Silangang Asya, kagaya ng Singapore (Statista, 2023). Dagdag pa ng National Academies of Sciences, Engineering, and Medicine (2018), ang sanhi ng
halos 15 bahagdan ng mga naitalang pagkamatay sa mga bansang may mga mababang sahod (“lowto-middle-income nations”) ay ang kakapusan ng wasto at dekalidad na serbisyong pangkalusugan. Kung ikukumpara sa iba pang mga isyung panlipunan, ang healthcare inaccessibility ay isang “nakatagong sakit” – hindi bilisang nakikita at natutukoy, ngunit makamandag at nakamamatay. Dahil sa lubhang epekto nito sa ating bansa, lalo na sa mga rural na komunidad, kailangan ng isang solusyon na makakatulong sa mga pasyente sa pamamagitan ng agaran at abot-kayang diagnosis ng mga sakit.
Reseta Kahit Walang Doktor? Ang Mahika ng ARUGA
Sa wikang Filipino, ang salitang “aruga” ay nangangahulugang “pag-alaga”. Ang Automated Rapid Universal Genome Analysis (ARUGA) ay isang imbensyon na pinagsasama-sama ang isang finger scanner, Polymerase Chain Reaction (PCR) na teknolohiya, at isang aplikasyon (mobile application). Ang tatlong bahagi ng nasabing imbensyon ay mahalaga sa proseso ng diagnosis ng sakit ng isang pasyente.
Unang una, ang finger scanner ay isang portable na aparato; kasinglaki lamang ito ng isang maliit na relo. Gawa ito sa isang polypropylene na plastik upang maging madali ang paglikha nito sa mga ospital at upang maging madali ang paghahakot ng nasabing
ang kakayahan ng PCR sa mga sakit na matutukoy gamit ang blood tests. Kapag hindi mahanap sa database ang resulta ng PCR, maghuhudyat ang mobile application na mas makabubuti kapag komunsulta at sumangguni na lamang sa pinakamalapit na ospital. Para sa mas organisadong prosidyur ng paggamit ng ARUGA, suriin ang larawan (rough sketch) ng imbensyon sa ibaba.
Ang Lunas sa Sakit ng Health Inaccesibility
aparato kung ito ay hinahatid gamit ng cargo o ng mga delivery trucks sa nayon at iba pang rural na lugar. Mayroon itong karayom at Taq polymerase sa loob. Ang karayom ay gagamitin sa pagtusok ng daliri ng isang pasyente upang makakuha ng patak ng dugo, at ang Taq polymerase naman ay magpaparami ng DNA o genetic code sa dugo para sa pangalawang bahagi ng imbensyon: ang PCR test (Genome.gov, 2023).
Pangalawa, ang aparato ay ilalagay sa loob ng kasangkapang PCR, kung saan iaanalisa ng nasabing teknolohiya ang DNA na nasa loob ng finger scanner. Ang PCR ay gumagamit ng prinsipyo ng electrophoresis. Sa larang ng siyensiya at biyolohiya, ang electrophoresis ay ang paghihiwalay ng mga iba’t ibang DNA molecules mula sa isang ispesimen upang maitukoy kung ano ang mga “sangkap” o ang “sequence” ng nasabing DNA (U.S. National Library of Medicine, 2017). Kapag naproseso na ng PCR ang DNA, ipapasa nito ang datos sa pangatlong bahagi ng ARUGA: ang aplikasyon.
Kapag naipasa na ang datos ng PCR sa aplikasyon, ikukumpara ng ARUGA app ang resulta ng electrophoresis sa iba’t ibang mga sakit at karamdaman na nakapaloob sa database ng nasabing aplikasyon. Pagkatapos nito ay ibibigay na ang diagnosis sa pasyente, kabilang na din ng reseta at ng listahan ng mga pinakamalapit at angkop na ospital para sa natukoy na sakit. Halimbawa, kapag na-diagnose ang isang pasyente ng diabetes, bibigyan ng aplikasyon ang pasyente ng mga angkop na medisina at gamot para sa diabetes, listahan ng mga pinakamalapit na klinika kung saan mabibili ang mga medisina na ito, at listahan ng mga ospital kung saan maaaring lumapit ang pasyente para magpagamot. Posibleng hindi matutukoy ng app kung ano ang partikular na sakit ng pasyente, dahil limitado lamang
Ano-ano ang benepisyo ng imbensyong ARUGA? Unang una, makakatulong ito sa pamamagitan ng pagpapabilis ng diagnosis ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang tulong. Halimbawa, kapag pupunta ang isang residente ng rural na komunidad sa ospital sa bayan upang magpa-diagnose ng sakit, maaaksaya lamang ang kanyang oras kapag: (a) hindi maibibigay ng ospital ang diagnosis at sasabihan pa siyang maghanap ng ibang ospital, (b) hindi niya alam kung ano ang pinakaangkop na ospital para sa kanyang sakit, o (c) ang kanyang diagnosis ay isang karaniwang sakit lamang pala na hindi nangangailangan ng mamahaling gamot (hal., simpleng lagnat, flu). Sa pamamagitan ng ARUGA, nabibigyan ng agarang diagnosis ang isang mamamayang nahawaan ng sakit. Sinosolusyunan nito ang lahat na mga halimbawang sitwasyon na nabanggit: Imbes na umikot pa ang pasyente ng mga ospital sa karatig na bayan upang kumuha ng tamang diagnosis, tutukuyin na ng ARUGA ang kanyang sakit, at papupuntahin lamang siya sa ospital kapag ang kanyang sakit ay malubha at hindi detectable gamit ang PCR blood test. Maliban sa pagtukoy ng sakit, bibigyan din ng ARUGA application ang pasyente ng listahan ng pinakamalapit na klinika o ospital na pinakaangkop para sa kanyang karamdaman. Sa pamamagitan nito, hindi na magsasayang pa ng oras o salapi ang pasyente sa paghahanap ng angkop na klinika o ospital para sa pagpapagamot. Kapag ang diagnosis ay hindi naman malubha, maghuhudyat ang ARUGA na hindi na kailangan pa ng pasyente na pumunta sa ospital. Sa halip nito, bibigyan lamang ng aplikasyon ang nasabing indibidwal ng reseta at ng posibleng gamot (medisina man or herbal) para sa kanyang sakit. Dahil sa mga nasabing benepisyo, tunay na makakatulong ang ARUGA sa pagpapabilis ng diagnosis ng mga mamamayang walang access sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga lugar at baryo kung saan hindi laganap ang mga ospital at iba pang klinika. Nakakatulong din ito sa aspektong pampinansyal, dahil pinagagagaan nito ang mga gagastusin sa medikal na konsultasyon para sa mga maralitang mamamayan ng populasyong Pilipino. Napakalaki ng tulong na maibibigay ng pambihirang medikal na imbensyon sa sektor ng kalusugan sa Pilipinas. Sa paglalahat, ang healthcare inaccessibility ay isa sa mga mahalagang isyung panlipunan na kailangang tugunan ng bansa. Malubha ang epekto ng kakapusan sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga residente ng mga rural na komunidad. Sa pamamagitan ng ARUGA, na pinagsasama-sama ang finger scanner, PCR na teknolohiya, at isang mobile na aplikasyon, mabibigyan ang mga nasabing residente ng mabilisan at abot-kayang diagnosis, na siyang makakatulong sa kanilang kalusugan at aspektong pampinansyal. Mayroon mang mga negatibong epekto ang ARUGA sa kapaligiran at sa mga mamamayan, masosolusyonan pa rin ito sa pamamagitan ng kolaborasyon at ng pagtatatag ng isang ahensiya na mangangasiwa sa implementasyon ng ARUGA. Maaaring sa isang malayong nayon ay may isang batang humahagulgol sapagkat hindi niya matutulungan ang kanyang nagkakasakit na lolo dahil sa kakapusan ng sistemang pangkalusugan sa ating bansa. Wala siyang magagawa kundi umiyak na umiyak. Isa lamang siya sa nakakaranas ng isang nakatagong sakit na patuloy na humahawa sa ating lipunan… isang lihim na sakit na bumabalak kumitil ng buhay ng mga Pilipinong hindi nakakatanggap ng serbisyong pangkalusugan. Hahayaan na lamang ba ang mga nasabing pasyente? O bibigyan ba sila ng paraan upang makakuha ng wasto at agarang diagnosis? Bibigyan ba sila ng solusyon sa kanilang problema sa kalusugan? Bibigyan ba sila ng aruga?
Panuntunang
pangkalusugan
sa isports ng PSHS-WVC, ipinaalala
Kaizer James L. DivinagraciaUpang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19
sa loob ng Philippine Science High School
Western Visayas Campus (PSHS-WVC), ipinatupad ng Incident Command System (ICS) ang Mask at No Contact health protocols para sa mga aktibidad pang-isports simula noong Oktubre 2022.
Ayon sa protokol, kailangan ng mga iskolar na naglalaro sa loob ng gym na magsuot ng face mask, at kung maaari ay iwasan ang pisikal na kontak, subalit maaaring magtanggal ng mask kapag naglalaro sa labas ng saradong mga lugar.
“Hindi talaga masasabi kung saan nakukuha ang virus, kaya nagsisilbi ang mga protokol bilang paraan upang mapigilan ang paglaganap ng COVID sa paaralan,” paliwanag ni G. Oliver Fuentespina, puno ng ICS ng PSHS-WVC, tungkol sa health protocols.
Mapapansing tuwing hapon ay maraming mga iskolar ng PSHS-WVC ang naglalaro sa labas o sa loob man ng gym, at sa dami nila ay hindi rin masyadong natitiyak kung nasusunod nga ba ang mga protokol.
“Dahil may executive order na mula sa
Assumption Iloilo pinataob ang PSHSWVC sa isang friendly football match, 4-0
Makapigil-hiningang depensa at napakaagresibong opensa ang mga naging puhunan ng koponan sa football ng Assumption Iloilo upang talunin ang kanilang katunggaling koponan ng
Philippine Science High School - Western Visayas Campus sa iskor na 4-0 sa isang friendly football match na nangyari nito lamang Pebrero 22 sa PSHS-WVC Oval.
Kabigla-biglang pangyayari ang nasaksihan ng mga mag-aaral ng PSHS nang sunod-sunod na nakaiskor ang
Assumption Iloilo habang walang tigil na na-block ng kanilang goalkeeper ang mga tangka ng PSHS na makapuntos.
Ilang buwan din ang nakalipas mula nang nagkaroon ng laro sa campus ng PSHS, kaya maraming mga iskolar ang nagsinais na manood ng nasabing pangkaibigang laro sa pagitan ng dalawang paaralan.
pangulo at alkalde na pwede nang magtanggal ng mask, kinonsidera naming maaaring magtanggal ng mask ang mga iskolar na naglalaro sa labas.
Isa pa, marami nang mga iskolar ang nagsasabing nahihirapan sila, at nagdi-disperse naman ang aerosols sa labas, pero hinihigpitan pa rin namin ang contact sports,” dagdag pa ni G. Fuentespina.
Sinabi ng isang hindi nagpakilalang iskolar na kapag nasa loob ng gym, magsuot ng mask maliban na lang kung ikaw lang magisa ang nasa loob o naglalaro ka, at kapag nasa labas naman, sa tingin niya ay maaaring tanggalin ang mask tuwing naglalaro basta maging partikular lamang sa distansiya sa bawat isa.
“Para sa akin, ang health protocols sa gym ay maayos naman. Ito ay magandang paraan upang maiwasan ang COVID. Bilang badminton player, hindi naman ito masyadong nakaaapekto sa akin, pero mahirap huminga habang may suot na mask. Mainit, at minsan ay nababasa ito dahil sa pawis at matagal na paggamit. Subalit, minsan ko lang nakikitang nasusunod ang protokol,” wika ni Sophia Angela
Buenavidez, isang iskolar ng Grade 9-Lithium. “Sumasang-ayon ako sa paghihigpit tungkol sa mask kahit lumabas na ang kautusang optional na lamang ang pagsusuot nito. Sa mga contact sport, lalo na sa basketbol, mas mainam na wala silang mask dahil nahihirapan silang huminga. Batay sa aking mga obserbasyon, mas gusto rin ng mga iskolar na walang face mask kasi kinakailangan ang muscular endurance. Nalilimitahan ang kanilang performance kung maglalaro sila na nagsusuot ng mask. Binabantayan din namin sila kung mayroon silang sintomas katulad ng ubo o trangkaso, kasi hindi na sila pinapayagang sumali at nire-require namin ang mga nanonood na magsuot ng face mask at mag-social distancing. Sa kabuoan, welloriented naman ang mga iskolar tungkol sa safety protocols,” pahayag ni G. Elvin John Villanueva, isa sa mga gurong namamahala sa paggamit ng gym. Ilang linggo na ang lumipas mula nang ipinatupad ang mga protokol, ngunit nagkaroon ng muling pagbisita rito nang maisaalang-alang ang mga panuntunan sa patuloy na pagsasagawa ng mga gawaing pampalakasan tuwing hapon.
OBIENA, naghari sa Bergen Jump Challenge, 6.06m
“Unang beses nilang maglaro ulit nang seryoso, kaya parang nanibago sila. Ang “rust” nila ay andyan pa, pero kung magpatuloy sila sa paglalaro, masasanay at bubuti rin sila,” ani Coach Wesley Hortelano, ang tagasanay ng koponan ng PSHS-WVC.
Sa unang kalahati pa lamang ng laro ay ipinakita na ng kalaban ang kanilang galing, kaya nakakuha sila ng dalawang puntos; pagdating naman sa ikalawang kalahati ay walang awang nagpakawala ng malalakas na mga sipa ang Assumption Iloilo, at tinapos nila ang laro na may apat na puntos.
Sa kabilang dako, inaasahang sa susunod na mga linggo ay makahaharap naman ng PSHS-WVC ang koponan sa football ng iba pang mga paaralan sa Lungsod ng Iloilo.
Tumakbo na parang cheetah at lumipad na parang agila si EJ Obiena ng Pilipinas upang manalo laban sa iba pang mga alamat, 6.06 meters, sa ginanap na Bergen Jump Challenge noong Hunyo 10 sa Bergen, Norway. Napasigaw sa tuwa at napatakbo si Obiena papunta sa kanyang coach nang nalampasan niya ang 6-meter mark na tinitingala ng mga pole vaulter, at nakapasok sa 6-meter club.
Sa pinakahuling attempt ni Obiena, nagsimula siyang tumakbo nang mabilis, hinigpitan ang hawak sa pole, at lumundag nang napakamataas upang wasakin ang 6-meter mark, Asian record, national record, at ang dating personal record na 5.94 meters.
“Maganda sa pakiramdam dahil sa wakas, wala na ito sa daan ko. Alam kong kaya ko itong gawin, pero iba ito sa paggawa nito at ang pagiging parte ng exclusive na 6-meters club ay malaking bagay. Bilang unang Asian na
nakagawa nito sa kasaysayan ng isports, walang makabubura nito; nakatatak na ito sa kasaysayan ng pole vaulting, at masaya at proud ako na nagawa ko ito,” ani Obiena tungkol sa kanyang nakamit na tagumpay. Sa kabila ng malulupit na mga kalaban katulad nina Sam Kendrick, two-time world champion; at Casey Lightfoot, ang nag-reset ng American record na 6.07 meters, hindi nagpatinag si Obiena at lumundag ng 6.06 meters sa isang attempt.
“Ang stamp ay hindi para sa pagiging isa sa mga pinakamagagaling kundi para sa pagiging miyembro ng 6-meters club dahil less than 30 lang kami sa kasaysayan ng isport. Kakaibang sense of accomplishment ito, at gusto ko talagang gawin ito para kung tatanungin ng iba kung sino ang unang Asian na nakatalon ng 6 meters, palaging
RED ABUYO, NANGIBABAW
SA UGNAYAN 2022 NG PSHS SYSTEM
Leithold Ronquillo, Karl Tamayo at Jared Osdana
Nakamit ng Cluster 2-Red Abuyo ang kampeonato matapos pataubin ang apat pang mga koponan ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang kampus sa ginanap na Philippine Science High School (PSHS) System Ugnayan
2022 noong Nobyembre 7 hanggang 11 sa Baguio City.
Ang nagwaging pangkat ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Cagayan Valley Campus,
CALABARZON Region Campus, CARAGA Region Campus, at Western Visayas Campus.
Humakot ng sumusunod na mga medalya sa iba’t ibang palaro ng PSHS System Ugnayan
2022 ang mga kawani at mag-aaral ng PSHS-WVC:
200-meter Dash
Leovic John Tamaño (G11) - Gold [Men]
Joeylyn Terania (Faculty) - Gold [Women]
100-meter Dash
Bien Aelana Gonzales (G9) - Bronze [Women]
Fritz Ortigas (Faculty) - Bronze [Men]
4x100-meter Relay Race
Joeylyn Terania (Faculty) - Gold [Personnel]
Leovic John Tamaño (G11) & Bien Aelana Gonzales (G9)Silver [Students] Long Jump
Alumni, mga iskolar ng
Joeylyn Terania (Faculty) - Gold [Women]
Chess Dianne Joyce Esona - Gold [Women]
3x3 Basketball
Kemuel Reilly Sarrosa (G12) - Gold [Men]
-Most Valuable Player
Daryll Jade Elumba (G10) - Gold [Women]
5x5 Basketball
Elvin John Villanueva (Faculty) - Gold [Men]
Darrel Ledesma (Staff) - Gold [Men]
Volleyball
Leanne Clarisse Losañes (G11) - Gold [Women]
Maria Petrina Abigail Aguirre (G11) - Gold [Women]
Badminton
Antoinette Lopez (G11) - Bronze [Women]
Table Tennis Doubles
Le Andre Simon (G11) - Gold [Men]
Audrey Gaile Uy (G9) - Gold [Women]
Danielle Ann Bayona (Faculty) - Gold [Mixed]
PSHS-WVC, nagsitagisan ng galing sa soccer
Bumalik ang ilang alumni ng Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus (PSHSWVC) upang makipagtunggalian laban sa kasalukuyang koponan sa soccer ng PSHS-WVC sa isang exhibition match nitong Enero 4 hanggang 5.
Hindi nagpaawat ang mga lalaki at mga babaeng manlalaro at ibinuhos nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maipakita ang kanilang kahusayan sa larangan ng soccer.
Walang humpay na nagpalitan ng maiinit na mga tira ang alumni at mga estudyante upang malamangan ang bawat isa at manalo sa kompetisyon.
Sa huli, nagwagi ang mga iskolar ng Men’s Category sa iskor na 7-4.
Si Robert Armada, isang manlalaro mula sa Batch 2023, ay umiskor ng tatlong goals para sa kasalukuyang koponan kasama sina Simon Palero, Leovic Tamaño, at Boots Aguirre na nagdagdag ng apat pang goals sa iskor. Sa kabilang banda, ang dating Batch 2022 player na si Andre Grande ay umiskor ng dalawang goals kasama sina Glennel Hallado at Keith Singian na nagdagdag ng
dalawa pang goals para sa alumni team.
“Maganda sa pakiramdam na makapaglaro laban sa alumni players, lalo na at halos lahat sa kanila ay seniors ko na naging kasama ko sa paglalaro ng football linggo-linggo bago sila nakapagtapos. Nami-miss ko na ang maglaro kasama nila, kaya sobrang saya ko na nagkaroon ako ng pagkakataon na makalaro kasama sila pagkatapos ng mahabang panahon. Ito rin ang una kung seryosong laro matapos ang mahabang panahon, kaya nagustuhan ko talaga ang matinding kompetisyon ng laro. Kahit na umuulan at pagod na kami bago ang half-time, hindi kami nito napigilan na magsaya sa larong ito, at iyon ang pinakamagandang parte,” sabi ni Leovic Tamaño, isang malalaro ng kasalukuyang koponan ng PSHS-WVC. Napamangha ng kasalukuyang koponan ng PSHS-WVC si Wayne Samaniego, isang manlalaro ng alumni team. Binanggit niya sina Aguirre, Armada, at Francis Immanuel Fuentespina, at sinabi niya na marami sa kanila ang talentado, naging agresibo sila sa buong laro, at umunlad ang kanilang
athleticism at pangangatawan. Ang payo niya para sa kanila ay mag-ensayo lang, bumuo ng spatial awareness, maging kalmado, at gamitin ang kanilang katawan upang makakuha sila ng lamang sa pitch. Samantala, nangibabaw naman ang alumni sa Women’s Category sa iskor na 2-0, sa pangunguna ni Dannet Alcalde na umiskor ng isang goal sa unang period ng laro, na sinundan ng isa pang goal sa ikalawang period.
“Natuwa akong makitang muli ang dating mga kaibigan kong alumni, at nagawa kong makipag-ugnayan ulit sa kanila pagkatapos ng apat na taong hindi kami nagkita dahil sa pandemya.
Sa laro, wala talaga akong nagawa sa unang period, pero sa tingin ko, maayos ang laro ko sa ikalawang period bilang midfielder,” pagbahagi ni Glory Ordiales ng koponan ng PSHS-WVC.
Magkakaroon muli ng sagupaan sa pagitan ng koponan ng alumni at ng PSHSWVC sa Enero 11 hanggang 12.
“Sa totoo lang hindi ko inaasahang mananalo ako sa 200-meter dash dahil palagi akong hindi sumisipot sa cardio workouts tuwing hapon. Hindi pa ako sanay sa high altitude ng Baguio at isang linggo pa akong hindi nakatakbo. Kaya nga sobrang saya ko nung nanalo ako. Sobrang ipinagmamalaki ko ito dahil hindi lang WVC ang aking nirepresenta, kundi pati na rin ang CVC, CBZRC, at CRC,” pahayag ni Tamaño, isa sa mga manlalaro ng WVC, tungkol sa kanyang pagkapanalo. Nag-uwi ang mga iskolar at mga kawani ng PSHSWVC ng 14 na ginto, isang pilak, at tatlong tansong medalya. “Malaki ang aking pasasalamat sa karanasang dala ng Ugnayan 2022, sa kadahilanang nagbigay ito ng oportunidad upang ako ay makapaglaro sa iba’t ibang isports lalo na sa athletics. Ang mga gintong napanalunan ko ay alay para sa karangalan ng ating campus. Maliban dito, ang pinakamataas na karangalan ay aliw, disiplina, at aral na naibahagi ng patimpalak,” sabi naman ni Bb. Joeylyn Terania. Gaganapin sa Lungsod ng Iloilo ang Ugnayan sa susunod na taon, at ito ay pangungunahan ng PSHS-WVC.
Nuggets, nanaig kontra Heat sa NBA Finals, 94 - 89
Hindi nagpaawat at binomba ng matitinding layups at 2 pointers ng
Denver Nuggets ang kalabang Miami Heat upang maiuwi ang korona, 94-89, sa ginanap na 2023 NBA Finals Game 5 noong Hunyo 12. Napuno ng nakakabinging selebrasyon at hindi mapigilang iyakan ang buong Ball
Arena sa Denver, Colorado nang matapos ang
laro at nagwagi ang kanilang koponan, ito ang unang pagkakataong itinanghal na kampeon ang Nuggets matapos ang 47 season ng NBA. Uminit ang laro sa huling quarter ng Game 5 nang ilang beses na nagpalitan ng
mala-bulalakaw na mga tira ang
bawat koponan sa pag-asang makuha ang lead at ang panalo, ngunit tila may mabangis na halimaw na nagising sa loob ng Nuggets at pinatibay pa muli ang mala-great wall na depensa at mala-mahikang opensa. “Magaling sila (Heat) na team, isang team na rinerespeto ko. Dahil ito sa nakabibilib na effort nang team. Ang pangit ng laro sa una dahil hindi kami makapasok ng aming mga tira, pero sa huli nalaman
namin kung paano mag-defend na naging rason ng aming pagkapanalo.” ani Nikola Jokić, ang itinanghal MVP ng Denvers. Mula sa simula hanggang sa kalagitnaan ng 3rd quarter, nasa kamay ng Heat ang lead na hindi bumababa sa 3 puntos ang abanse dahil sa pagpapaulan nila ng nagbabagang mga 3 pointers at nakabibiglang steals na humadlang sa Nuggets na makabangon, subalit unti-unti silang natumba dahil sa mala-higante na depensa ni Jokić at ang sunodsunod na hindi mapigilang mga tira ng Nuggets. Pinangunahan ni Jokić ang kanyang koponan at nagambag ng 28 puntos, 16 rebounds, at 4 na assist at itinanghal na MVP ng laro; habang nagbigay naman sina Michael Porter Jr. ng 16 puntos at 13 rebounds at Jamal Murray ng 14 puntos, 8 rebounds, at 8 assist. Si Jokić din ang unang Center mula kay Shaq
O’Neal noong 2002 at and unang second round draft pick mula kay Dennis Johnson noong 1979 na pinarangalan ng Finals MVP na award.
Jared Osdana at Kaizer James L. Divinagracia Kaizer James L. Divinagracia Kaliwa - Kanan: Cormary, Aguirre, Puerto, Simon, Sarrosa, Losanes, at Teranuia. Mga Larawan mula sa Facebook page ng PSHSS Ugnayan. HENERASYON KUNTRA HENERASYON. Naglaban at Nagtagisan ang mga Isko at Iska at mga Alumni ng PSHS-WVC Isang Football Match. Kuha ni Gab Bayate