Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus
ISO EXTERNAL AUDIT, NALAMPASAN NG PSHS-WVC
MAKALIDAD NA KAMPUS: Masusing sinusuri ng mga kawani ng Accounting Office ng PSHS-WVC ang kanilang mga talaan habang sinisiyasat ng external auditor noong Nob. 15, 2023. Kuha ni Joseph Garrido
akatanggap ng ISO 9001:2015 Quality Management System
N(MQS) certification ang Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus (PSHS-WVC) sa isinagawang external audit noong Nob. 15, 2023.
Ang ISO 9001 na isang pamantayang binuo ng International Organization for Standardization ay patunay ng pagkakaroon ng isang mabisang kalidad ng pamamahala ng isang organisasyon o institusyon. Iginawad ng TUV NORD, isang inspection, certification, at testing organization na nakabase sa Muntinlupa City, ang katibayan ng pag-alinsunod ng PSHS-WVC sa pandaigdigang mga pamantayan para sa makalidad na sistema ng pamamahala.
Nagsilbing kinatawan ng TUV NORD ang mga auditor na pinangunahan ni Joanne Paula Turija, isang chemical engineer, kasama si Amelita Lilibeth Cruz na isang guro. Saklaw ng ikalawang surveilance audit ang paghahatid ng Special Secondary Education Program at Support Services Functions ng organisasyon, kagaya ng mga sumusunod: Delivery of Instruction, Student Support Services, Student Affairs Services, at Financial and Administrative Services.
Pinamunuan ni Curriculum and Instruction Division Chief at Quality Management Representative Rolando Libutaque ang audit ngayong taon, sa tulong ni Internal Quality Auditor Athenes Joy Aban.
“Sa simula pa lamang ay natakot kaming hindi matugunan ang mga pamantayan ng ISO pagdating sa maayos na pangangasiwa ng mga proseso, ngunit dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang mga departamento, nagawa naming makamit ang inaasam-asam na ISO certification. Ang resultang nakamtan ng institusyon ay patunay sa masusing pagtataguyod ng mga guro upang maiwasan ang nonconformities sa loob ng tatlong magkakasunod na mga taon,” sabi ni Libutaque sa panayam ng Banaag.
Batay sa ebalwasyon, walang major at minor nonconformities ang institusyon, na nangangahulugan ng pagkakaroon nito ng epektibong proseso sa paghahatid ng mga serbisyo sa pagkamit ng tiyak na mga pangangailangan at mga inaasahan.
8 ISKOLAR NG PSHS-WVC, KINILALA BILANG MGA BAGONG RIZAL
Naging matunog ang pangalan ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) sa pambansang lebel matapos itanghal ang walong mga mag-aaral nito bilang Mga Bagong Rizal (MBR): Pag-asa ng Bayan noong Nob. 29, 2023, sa isang Zoom Meeting.
Sa 11 na MBR awardees na sinala mula sa 45 na mga nominado mula sa buong bansa, walo rito ang mga estudyante ng PSHS-WVC, at sila ay sina Reysheil Anne Doromal at Ashley Nicole Uygongco (Grade 11-Antares), Mark Francis Eusoya (Grade 11-Vega), Carlos Manuel Eusoya at Ziyi Jesica Aduana (Grade 12- Archimedes), Leanne Clarisse Losañes at Mary Khezyll Galvan (Grade 12-Euclid), at Ellen Faye Ann Yabut (Grade 12-Ptolemy).
“Ang parangal na ito ay para sa mga taong naging kasama ko sa pagsulong ng Handum kang Kabataan. Kumakatawan ito hindi lamang sa akin, kundi pati na rin sa mga taong aking pinaglingkuran at naging parte ng aming mga inaasam,” pagbahagi ni Aduana, pangalawang
naglalayong iangat ang kalagayan ng mga bata at itaguyod ang kapaki-pakinabang na mga programa para sa komunidad.
Ang MBR ay inilunsad noong 2011 ng Philippine Center for Gifted Education, Inc. (PCGE) upang kilalanin ang maaalam at mahuhusay sa anumang larangang kabataang Pilipino at tulungan silang magsiambag sa pambansang pag-unlad.
“Naniniwala ako sa karapatan ng bawat isa na mapakinggan, subalit kailangan natin ng oportunidad o plataporma upang maihayag natin ang ating mga ideya, paniniwala, at saloobin,” wika ni Uygongco, isang batang lider na kasapi ng PSHS-WVC Student Alliance.
Matatandaang ginawaran ng kaparehong titulo noong 2021 ang dating mga estudyante ng paaralan na sina Altair Mizar Emboltura (Batch 2022), Rikka Grace Sombiro (Batch 2022), at Maulyn Murielle Dominguez (Batch 2023).
“Bilang guro at tagasanay, natutuwa akong makitang nakapagbibigay ng inspirasyon sa kanilang kapwa ang nasabing mga iskolar.
ng pagbabago para sa kanilang komunidad,” saad ni Roden Pedrajas, isa sa mga gurong tagasanay at tagagabay na kasama ni Sandro Silverio. Bago ang pagkilala, dumaan muna sila sa isang masusing paghahanda at pagsusumite ng mga dokumento, kalakip ang bidbook na naglalaman ng kanilang mga napagtagumpayan, nasalihan, at napatunayan sa akademiko, pamumuno, komunidad, at mga patimpalak. Sumailalim din sila sa isang leadership training at paghahayag ng kanilang mga adbokasiya. Ang MBR search ay ginaganap kada dalawang taon sa pangunguna ng PCGE, isang organisasyong sumusulong ng pantay-pantay na akses sa mga programa at serbisyo sa gifted education sa Pilipinas, lalo na sa mga lugar na kakikitaan ng pagtukoy at paghubog sa mga batang biniyayaan ng potensyal. Sa nakalipas na 12 na taong pagsasagawa ng programa, nasa 139 na MBR na ang pinarangalan ng PCGE
2
ELLEN FAYE YABUT
JEMIAH VASQUEZ
BALITA
ADUANA LOSANES EUSOYA DOROMAL UYGONGCO GALVAN
YABUT
Examinees sa pagbabalik ng
JESSIE ANN ALVAREZ
Iniulat ng Student Services Division (SSD) na umabot sa 19,654 ang mga kumuha ng Philippine Science High School (PSHS) System National Competitive Examination (NCE) sa muling pagpatupad nito noong Nobyembre 18 sa testing centers sa buong bansa.
Matatandaang tatlong taon ding sumailalim ang PSHS sa Requirements for Admission, Criteria, and Evaluation (RACE) dulot ng COVID-19 na pandemya. Ginawang alternatibo sa NCE ang RACE, na may dalawang yugto sa proseso ng pagpili ng tatanggaping estudyante. Ang unang hakbang ay pagbatay sa inaasahang pinal na grado ng mga aplikante sa agham at matematika sa ikalimang baitang. Bilang bahagi naman ng ikalawang hakbang, pinasumite sila ng isang sanaysay upang masukat ang kanilang kakayahan sa pagsulat.
Layunin ng NCE na sukatin ang quantitative ability, verbal aptitude, scientific ability, at abstract reasoning ng mga aplikanteng naghahangad na maging iskolar ng PSHS.
Maliban sa pangangailangang maipasa ang NCE, una nang hiningi sa mga sumubok ang kanilang report card sa Baitang 5, pormas ng aplikasyon, patunay na hindi sila mangingibang bansa, at katibayang sila ay nasa wastong edad at mabuting kalusugan.
Sa Western Visayas, naitalang nasa 1,381 mula sa 1,568 na mga aplikante ang kumuha ng NCE sa sumusunod na testing centers: Culasi, Antique: St. Michael’s College; Jaro, Iloilo City: PSHS-Western Visayas Campus; Sara, Iloilo: Sara National High School; Kalibo, Aklan: Northwestern Visayas College; San Jose, Antique: St. Anthony’s College; Roxas, Capiz: Tanque National High School; Talisay City, Negros Occidental: Carlos Hilado Memorial State University; Himamaylan City, Negros Occidental: West Visayas State University-Himamaylan Campus; Cadiz City, Negros Occidental: Dr. V.F. Gustilo Memorial National High School; at Guimaras: Jordan National High School.
Ikinagalak naman ni SSD Chief Carlito Cerbo, Jr. ang maayos na pagsagawa ng NCE sa loob ng kampus. Aniya, “Masaya kaming ang NCE 2023 ay natapos nang matagumpay at walang ano mang mga aberya sa pagsagawa ng eksaminasyon dito sa Western Visayas na kampus. Mabuti rito, hindi katulad sa ibang kampus na may maliliit na mga problema at mga kanselasyong naranasan sa araw ng eksaminasyon. Masaya rin ako nang nalaman kong marami ang kumuha ng exam. Ibig sabihin, maraming mga estudyante rin ang nabigyan ng pagkakataong matingnan ang kanilang kakayahan sa mga larangan ng agham, matematika, at teknolohiya. Naging maayos din ang daloy ng proseso ng pagkuha ng NCE sa iba pang testing centers sa Western Visayas nang dahil sa pagdami ng mga lokasyong pwede nilang pagkuhanan ng eksaminasyon.”
Maaalalang upang masiguro ang sapat na bilang ng examinees, nagkampanya ang mga guro at mga kawani ng PSHS sa iba’t ibang lugar sa rehiyon upang ipakilala ang NCE at ang mga pribilehiyong maibibigay ng institusyon sa mga aspektong pinansyal, pagkalinga, pagtuturo, at iba pa.
“Pinili kong kumuha ng entrance exam sa PSHS dahil nagbibigay ito ng mga pribilehiyo sa makapapasa. Alam kong nandito ang mataas na kalidad ng edukasyong makatutulong para sa aking hinahangad na magandang kinabukasan. Sa totoo lang, ito ay isang hindi inaasahang pagsusulit. Mahirap ito. Bagaman, isa itong hamon sa akin na gawin ang aking makakaya upang masagot ang lahat ng mga tanong,” pagbahagi ni Genevieve Saladar, Grade 6 na mag-aaral sa SPED Integrated School for Exceptional Children sa Iloilo City, tungkol sa kanyang dahilan at karanasan sa pagkuha ng NCE.
Ayon sa SSD, inaasahang ilalabas ang resulta ng NCE sa darating na ikatlong linggo ng Disyembre ng taong kasalukuyan at mababasa sa website ng PSHS.
Pertussis OUTBREAK idineklara;
Iloilo City isinailalim
sa
state of calamity
Isinailalim sa state of calamity ang Lungsod ng Iloilo matapos ideklara ng city government ang pertussis outbreak ayon sa rekomendasyon ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Council (ICDRRMC) noong Marso 26, 2024. Inilabas ni Mayor Jerry Treñas ang Executive Order No. 46 upang ibalangkas ang prevention, detection, isolation, paggamot, at reintegration strategy na mga pagtugon sa outbreak. “Nag-apruba na kami ng badyet na humigit- kumulang 16 milyong piso. Malaking bahagi nito ang mapupunta sa mga gamot at mga bakuna upang madagdagan ang ating kagamitan. Kung kinakailangan, magdagdag pa tayo ng pondo,” saad Ayon sa Department of Health (DOH), ang pertussis ay sanhi ng Bordetella pertussis bacteria na nag-uumpisa bilang ubo at sipong tumatagal ng dalawang linggo, at sinusundan ng pahiyaw na pag-ubo o “whooping” sa loob ng mahigit anim na Sabi naman ni Dr. Roland Jay Fortuna, Assistant Department Head ng City Health Office (CHO), “Ngayong nagkaroon tayo ng outbreak, mayroon tayong tinatawag na outbreak response immunization. Kaya, kailangan natin ng
JEMIAH VASQUEZ
“
Pinili kong kumuha ng entrance exam sa PSHS dahil nagbibigay ito ng mga pribilehiyo sa makapapasa. Alam kong nandito ang mataas na kalidad ng edukasyong makatutulong para sa aking hinahangad na magandang kinabukasan.
BALITA
1.3M-halagang mga proyekto, ipinagkaloob ng PTA
Idiniin din ni Dr. Fortuna ang kahalagahan ng pagpapatibay sa kampanya ng pagbabakuna, lalong lalo na sa mga bata at mga buntis na higit na mapapahamak kapag nahawaan ng pertussis. Malalamang nakatala na ng 16 na mga kaso ang CHO, na nahahati sa pitong kumpirmado at siyam na pinaghihinalaan mula sa mga may edad na anim na buwan hanggang 12 na taong gulang mula noong Enero hanggang Marso 25. Sa pitong nakumpirmang kaso, isa ang mula sa Arevalo, tatlo ang mula sa Jaro, at tatlo rin ang galing sa Molo.
Sa kabila ng pagsailalim ng Iloilo City sa state of calamity sanhi ng pertussis outbreak, hindi magdedeklara ng lockdown ang city government ayon kay Mayor Treñas.
PDIBUHONIROMERO
ormal na ipinabatid sa lahat ng ParentsTeachers Association (PTA) ang Php1,298,000halaga ng mga proyekto nito sa kasalukuyang taong pampaaralan kasabay ng pagsagawa ng Family Day noong Peb. 24, 2024. Umabot sa Php1,042,400 ang iginugol na pondo ng PTA sa mga pasilidad, kagaya ng pangArts, Design, and Technology (AdTech) na mga mesa at mga upuan sa Makerspace, sound system para sa gymnasium, solar lights, at pagpapabuti ng koneksyon ng internet sa mga silid ng mga baitang 11 at 12. Sinuportahan din ng asosasyon ang aktibidades ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglaan ng Php222,000 para sa kanilang sinalihang mga kompetisyon at isinagawang mga programang pangkomunidad sa nakalipas na mga buwan.
“Laging handang tumulong ang PTA sa komunidad ng Pisay WVC, lalong lalo na sa ating minamahal na mga iskolar. Sa ngalan ng PTA Board of Trustees (BOT), gusto kong pasalamatan ang lahat ng mga magulang sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga proyekto ng PTA. Natupad ang lahat ng mga ito dahil sa kanila,” pahayag ni Jose Rogie Grande, presidente ng PTA BOT.
Nag-aalok din ang PTA ng “Social Welfare Benefit” na nagkakahalaga ng Php3,000 para sa bawat iskolar at kawani sa mga pagkakataong mamayapa ang kanilang magulang o tagagabay. Maliban sa mga nabanggit, nagbigay rin ang PTA ng Php34,000 na pamasko sa lahat ng mga utility personnel bilang pasasalamat sa pagpapanatili nila ng kaayusan sa kampus. Bahagi ang inisyatibo ng PTA ng kanilang pagtataguyod sa Artikulo 1, Seksyon 2 ng kanilang Constitution and By-laws, na nagtatadhana sa pagbibigay ng mga serbisyo at pagsasagawa ng mga programa bilang suporta ng asosasyon sa pag-aaral at pakikilahok ng mga estudyante sa iba’t ibang mga aktibidad. Kinilala naman ni Campus Director Shena Faith Ganela ang PTA sa walang sawang pagabot nito ng tulong sa institusyon at sa palagaing pagpaparamdam nito ng presensya sa anumang mga gawain at mga programa ng paaralan. Naisakatuparan ang lahat ng mga proyekto ng PTA sa pakikipagtulungan ng BOT sa lahat ng mga opisyal sa bawat homeroom at sa mga magulang sa kabuoan.
NCE,
umabot sa 19,654
3
RODEN PEDRAJAS
EUSOYA
BALITA
HARÁPANG KLASE SA ILOILO CITY
sinuspende bunsod ng high
Magkasunod na pagtigil sa pangharapang klase ang naranasan ng pampubliko at pampribadong mga paaralan sa Iloilo City matapos itong makaranas ng mataas na heat index mula Abril 1 hanggang 4, 2024.
Iniutos ni Mayor Jerry Trenas sa Executive Order (EO) No. 047 ang pansamantalang pagkansela ng harapang mga klase mula preschool hanggang senior high sa lungsod dahil sa lagpas 40 degrees na heat index ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
“Ang harapang klase mula pre-
nakapaloob sa teritoryal na hurisdiksyon ng Siyudad ng Iloilo, ay supendido mula Abril 1 hanggang 2, maliban na lamang kung ito ay pinalawig o pinawalang bisa. Ang harapang klase sa kolehiyo, kasama ang graduate school, ay maaari ding ikansela o isuspende batay sa desisyon ng kani-kanilang mga pinuno ng paaralan o administrador,” pahayag ng opisina ng alkalde sa EO. Batay sa talaan ng PAGASA, ang heat index na lumalagpas sa 42 degrees Celsius ay nasa danger category na at maaaring magsanhi ng heat cramps, heat exhaustion, o kahit ng heat
“Dahil sa high heat index na bunga ng
kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at mga kawani sa loob ng eskwelahan, kasama na rito ang pagsailalim sa alternatibong paraan ng pagkatuto,” dagdag pa sa kautusan.
Nakasaad din sa EO ang pagkaloob ng awtoridad ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan sa elementarya at sekondarya na lumipat sa modular at online classes.
Magkasunod namang inilabas ang EO No. 047–B at EO No. 047–C bilang abiso sa muling pagsususpende ng klase noong Abril 3 at 4, 2024.
Career Talk Series para sa SYP, umarangkada na
CARL RAMPOLA
agsimula na ang Career Talk Series ng Guidance at Counseling Unit ng Philippine Science High School - Western Visayas Campus para sa mga iskolar ng Specialization Years Program noong Setyembre 20, 2023, sa New Auditorium.
Layunin ng mga serye ng pananalitang ihanda ang mga magaaral sa SYP sa kanilang pagpasok sa mga unibersidad sa loob o labas man ng bansa.
Tinalakay ni Apple Audrey Noda, isang opisyal ng admisyon mula sa Ateneo de Manila University, ang iba’t ibang kategorya ng iskolarsyip at uri ng paaralang maaaring pasukan ng mga mag-aaral.
“Sa Ateneo, pinahahalagahan namin ang holistik na edukasyon. Hindi lang namin gustong magtanghal ng magagaling na mga propesyonal; gusto rin naming maturuan sila ng magagandang mga asal,” giit ni Noda. Samantala, ibinahagi naman nina Ewemiz Insigne at Leonard Vincent Majaducon, dating mga mag-aaral ng
PSHS-WVC, ang kanilang mga karanasan bilang mga estudyante sa internasyonal na mga paaralan na Colby University (Insigne) at Wesleyan University (Majaducon).
“Kung pinaplano ninyong pumasok sa pang-internasyonal na mga unibersidad, inaanyayahan ko kayong maghanda habang maaga pa. Pumili kayo ng paaralan, hindi lamang batay sa pangalan nito, kundi sa kurso ring plano ninyong kunin,” payo ni Insigne.
Inabisuhan din ng mga tagapagsalitang usisain nang mabuti ang mga dokumentong kailangang ipasa, at siguruhing kompleto at maayos ang mga ito bago isumite.
Inaasahang magkakaroon pa ng mga gawain kagaya nito sa hinaharap, lalo pa at abala na ngayon ang mga magsisipagtapos sa paghahanda ng kanilang mga aplikasyon sa iba’t ibang mga pamantasan.
JEMIAH VASQUEZ
N
4
DIBUHO NI SAM REQUINA
NODA
SHEN-LOH
AI itinampok ng Amerikanong propesor sa internasyonal na kumperensiya
KRYSTHEA ABAGON & BEA SENDICO
ng propesor na dati ring pambansang tagasanay ng USA sa International Mathematical Olympiad, ang pinakaprestihiyosong patimpalak sa matematika sa buong mundo.
Ginamit din ng propesor ang oportunidad na ito upang ipakilala ang kanyang gawa na “LIVE,” isang kasangkapang ginagamit niya bilang entrepreneur para sa pagtuturo ng Matematika sa mga mag-aaral sa middle school.
“Hindi lamang niya ipinakita ang kapangyarihan ng AI sa paggawa ng mga bagay-bagay, kundi ibinahagi niya rin ang mga panganib nito sa mga larangan tulad ng pananaliksik. Ipinaliwanag niya na kahit ang ChatGPT ay maaaring magbigay ng makabuluhang mga sagot. Ganunpaman, ilan sa references nito ay mali o hindi totoo, at ito ay isang bagay na dapat maintindihan ng kabataan,” tugon ni Virgil Elijah Noriega, isa sa mga nakinig sa lektura.
Nang sumunod na mga araw, nagkaroon pa ng serye ng mga lektura at pantas-aral para sa mahigit 300 na nagsipagdalong mga guro sa matematika sa buong
Boys,’ Girls’ Week, sinalihan ng institusyon
KRYSTHEA ABAGON
Nakibahagi ang mga mag-aaral sa Baitang 10 ng Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus sa pagdiriwang ng Boys’ and Girls’ Week nang umaga ng Oktubre 16, 2023.
Dala ang mga lobo at banderitas habang hawak ang kani-kanilang mga bandera, ang iba’t ibang mga paaralan ay dumalo sa isang parada mula sa Iloilo Provincial Capitol hanggang sa Iloilo City Hall upang suportahan ang mga estudyanteng napiling uupo sa iba’t ibang posisyon ng mga opisyales ng lungsod. Kabilang sa parada ang dalawang iska ng PSHS-WVC na sina Cherry Magdelene Silva ng Baitang 10-Photon at Jewel Joyce Fellores ng Baitang 10-Graviton at ang kanilang mga kaklase sa bawat seksiyon.
Napili ang dalawa matapos nilang mapagtagumpayan ang pasulat na pagsusulit noong Setyembre 9 at ang harapang interbyu noong Setyembre 30. Nanilbihan si Silva bilang city councilor na humalili kay Hon. Rudolf Jeffrey Ganzon, habang si Fellores naman ang temporaryong pumalit sa posisyon ni Dr. Annabelle Tang bilang city health officer.
“Ang aking pagpapasalamat ay hindi lamang dahil sa nakuha kong posisyon; lubos din akong nagpapasalamat dahil nabigyan ako ng pagkakataong mapili bilang isa sa mga kakatawan sa Pisay-WVC para sa selebrasyong ito,” sabi ni Silva, ang kasalukuyang pangulo ng Grade 10-Photon at isa ring aktibong student leader sa kampus.
Ayon naman kay Fellores na kasalukuyang pangulo rin ng Grade 10 Graviton, “Bilang iskolar na napiling gampanan ang tungkulin ng City Health Officer, isa itong magandang oportunidad upang mahasa pa ang aking mga kakayahan sa pagseserbisyo sa publiko habang pinangangatawanan ang aking tungkuling itaguyod ang mga kaalamang pan-STEM.”
Natapos ang kumperensiya noong Oktubre 21 sa pangunguna ng Philippine Council of Mathematics Teacher Educators Inc. kasama ang West Visayas State University at PSHS-WVC.
Sa pangangasiwa ng The Rotary Club of Iloilo City at Iloilo City Government na nagsagawa ng Boys’ and Girls’ Week Celebration, pinarangalan ang mga estudyanteng napili sa tapat ng Iloilo City Hall pagkatapos ng flag ceremony ng opisyales at mga empleyado ng lungsod.
Ayon kay Jerry Trenas, alkalde ng lungsod, naglalayon ang selebrasyong ito na paunlarin ang kakayahan ng kabaatan sa pamumuno at pagseserbisyo sa mga Ilonggo at pasalamatan din ang The Rotary Club of Iloilo City sa pangunguna sa pag-organisa ng pagdiriwang.
ATHENA OCTAVIANO & CARL RAMPOLA
Nakibahagi ang Philippine Science High School-Western Visayas Campus sa National Science and Technology Week (NSTW) 2023 na ipinagdiwang sa Iloilo City sa kaunaunahang pagkakataon simula Nobyembre 22 hanggang 26, 2023. Nagsilbing tema ng pagdiriwang ng NSTW sa labas ng Metro Manila ang “Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan.”
Sa pagbukas ng NSTW, nagkaroon ng programa noong Nobyembre 22 sa Iloilo Convention Center (ICON), kung saan naghandog ng awit at sayaw pansiyensiya ang piling mga iskolar ng PSHS-WVC.
Bilang bahagi na rin ng STEM Week Celebration sa kampus, ipinaranas sa mga estudyante ang NSTW Tour na ginanap mula Nobyembre 23 hanggang Nobyembre 25.
Binisita nila ang iba’t ibang mga eksibit, kagaya ng “Hinabul: Natural Fibers and Textile Exhibits” sa National Museum Western Visayas at “Lawud: Marine S&T Exhibits” sa M/V Capt. John B. Lacson Training Ship. Pinapunta rin ang mga mag-aaral sa ICON, sentro ng mga eksibit, upang lalong madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa siyensiya at teknolohiya sa pamamagitan ng pagsali sa aktibidades at panonood ng makaagham na mga presentasyon.
S&T
Bukod dito, sinadya rin ng ilang mga iskolar ang Tek Tienda sa Iloilo Festive Mall, na puwesto ng sari-saring pagkain at delicacies mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
“Para sa akin, ang “Lawud Exhibit” sa JBL Maritime Ship ang lubos na nakaaakit dahil sa pagkamalikhain nito,” pahayag ni Quincy Kamyl Pilar, isang iskolar mula sa Baitang 11.
Habang nasa NSTW Tour ang mga iskolar, nagkaroon naman ng Techno Tour sa PSHS-WVC ang mga mag-aaral at mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod, at nasaksihan nila ang mga eksibit sa microscopy, arduino, virtual reality, chromatography, at gallery.
Noong Nobyembre 24, nagsagawa rin ng “Pagbalandra” ang Baitang 12 bilang pagpapamalas ng kanilang mga pananaliksik sa pamamagitan ng isang poster presentation.
“Daan ito upang mabuksan ang diwa ng kabataaan sa kinabukasang ihahatid ng bansang pinahahalagahan ang larangan ng agham,” pagbahagi naman ni Janessa Saladar, isang iskolar mula sa Baitang 8, kung paano nakatutulong ang NSTW sa pagunlad ng komunidad.
Inilantad ang mga iskolar sa nasabing aktibidades ng NSTW upang malinang ang kanilang kakayahan at kamalayan sa pagtataguyod ng halaga ng STEM sa buhay ng tao.
KAUNA-UNAHANG NSTW sa labas ng MM, nilahukan ng PSHS-WVC
5
SILVA
FELLORES
PAGBAHAGI NG KAISIPANG AGHAM: Binisita ng mga iskolar ng PSHS-WVC ang iba’t ibang mga research exhibit sa ‘Main
Exhibits’ sa Iloilo Convention Center noong Nob. 23 hanggang 25, 2023. Kuha ni Gab Bayate
kasabay ng World Animal Day noong Oktubre 4, 2023 sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms. Ang kanilang unang malaking hakbang ay isang online na kampaya para sa National Pet Obesity Awareness Day noong Oktubre 11. Pagkatapos nito, tumulong sila sa pagsagawa ng isang dog fashion show na tinawag na “Passion for Pawsion” noong Oktubre 29 sa SM City.
“Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga inisyatibo para sa mga karapatan ng hayop, hinihikayat namin ang mga tao na maging mas mahabagin at etikal. Ang pagpapalaganap ng mabait na pagtrato sa mga hayop ay nanghihikayat ng empatiya at kabaitan, na magpapabuti sa kalusugang pangkaisipan ng lipunan. Bukod dito, ang pagsuporta sa kanila ay nakatutulong sa pagpapanatili ng diversity ng kalikasan at katatagan ng mga ecosystem para sa kaligtasan ng lahat,” sabi ng pinuno ng SAPAT na si Bea Reyjoyce Sendico. Maliban sa mga nabanggit, nagkaroon din sila ng unang busking session noong Nobyembre 28 sa PSHS-WVC Quadrangle, kalakip ang isa pang aktibidad na tinawag na “BaD: Balloons and Darts,” kung saan hinamon ang mga iskolar, faculty, at staff na magpaputok ng balloon para makakuha ng mga premyo. Ngunit hindi ito nagtatapos dito. Mayroon pa silang nakaplanong mas maraming busking session at pagbabahagi ng mga post sa social media upang linangin ang kamalayan ng marami tungkol sa kapakanan ng mga hayop. Nakatakdang isasagawa ang kanilang huling malaking kaganapan sa Pebrero 2024, kung kailan ipapakita nila ang lahat ng kanilang mga nagawa.
Pawis na pawis na ba kayo sa init ng panahon? Sa halos 42 degrees na temperatura, walang mas hihigit pa sa pagkaing siguradong makapapawi ng init na nararamdaman mo. Humanda nang mapaso sa init ng linamnam ng pagkaing tila yakap ng paghigugma o pagmamahal na dito lamang matitikman sa Iloilo City. Mula noon, naging bansag na ng lungsod ang titulong, “City of Love,” isang pariralang naging opisyal na islogan nito dahil sa mapagmahal at malambing na mga katangian ng mga Ilonggo. Umalingawngaw pa lalo sa buong mundo ang pangalan ng lungsod matapos itong kilalanin nang nakaraang taon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Creative Cities Network (UCCN) bilang “City of Upang maging “City of Gastronomy,” kinakailangang matugunan ng isang lugar ang tiyak na mga pamantayan ng itinakda ng UNESCO. Kabilang dito ang pagkakaroon ng maunlad na kulinaryang katangian ng urbanong sentro o rehiyon, aktibong komunidad ng kulinarya, at paggamit ng katutubong mga sangkap sa pagluluto. Bukod dito, mahalaga rin ang pagpapalaganap ng tradisyonal na mga pamamaraan at industriya ng mga pagkain. Mula sa comfort food ng mga taga-La Paz, tulad ng orihinal na batchoy sa Pilipinas na mula sa salitang Intsik na “ba chui,” o La Paz Batchoy, hanggang sa mapupula at malasutlang noodles at molo balls ng Pancit Molo, inasal na manok, KBL (kadyos, baboy, langka), at iba pa, ang Iloilo City ay malinaw na representasyon ng mga mamamayan, kasaysayan, at kabuoang kulturang pinagyaman sa paglipas ng panahon. Sabi nga nila, walang anumang bagay na makapagbubuklod sa mga tao kundi ang katakamtakam na mga pagkain at hindi pag-alintana sa
nanunuot na init sa pamamagitan ng paglantak sa mga putaheng nakahain sa hapag ng mga Ilonggo. Maikling Paglalarawan sa Tampok na mga Pagkain
La Paz Batchoy - Isa itong mainit na sabaw na may kalahating karne o laman-loob ng baboy, at iba’t ibang uri ng pansit, katulad ng miki, bihon, o miki-bihon. Kadalasan itong nilalagyan ng tinadtad na bawang, sibuyas, chicharon, at tinimplang sabaw.
Pancit Molo - Tinatawag itong panggi na sopas na gumagamit ng malambot na pambalot na gawa sa trigo. Binubuo ang laman nito ng giniling na baboy, hipon, water chestnuts, sibuyas, bawang, at dahon ng sibuyas, na nagbibigay ng kakaibang lasa. Nilalagyan naman ang sabaw nito ng malinamnam na chicken broth na may kasamang sibuyas at bawang para sa kakaibang aroma at lasa. Dinadagdagan pa ito ng asin at paminta, at ng tinadtad na dahon ng sibuyas.
Inasal na Manok - Karaniwang itinatampok sa putaheng ito ang inihaw na paa at pecho ng manok. Bago pa man ito isasalang sa ibabaw ng nagbabagang uling, tinitiyak munang marinado na ang bahagi ng manok sa pamamagitan ng paglublob nito sa tinimplang lokal na mga pampalasa, kagaya ng bawang, luya, tanglad, atsuwete, at katas ng kalamansi.
KBL - Binubuo ang pagkaing ito ng kadyos, baboy, at langka. Upang makamit ang hinahanap na linamnam ng putahe, mas mainam kapag ang baboy na pakukuluan ay sinugba o dumaan sa baga. Nagbibigay ito ng kakaibang lasa sa sabaw na pinasasarap pa ng asim ng batwan.
LATHALAIN
KRYSTHEA ABAGON
DIBUHO NI SAM DELLOTA
DIBUHO NI SAM DELLOTA
SANICAH CASTISISMO
a mga haligi ng Pisay, ang kahusayan sa akademiko ay hindi lamang isang tagumpay, kundi itinuturing din bilang isang pamana. Para sa mapapalad na mga iskolar na sumunod sa yapak ng kanilang mga kapatid, ang kanilang paglalakbay ay hindi lamang ukol sa personal na pag-unlad–ito rin ay isang masusing paghuhukay ng sariling landas habang ginagampanan ang mga inaasahan ng mga tao sa kanila. Tularan man o kaya lampasan, malaking balakid ang mga ekspektasyong ito sa sariling paghubog ng mga iskolar. Isang pribilehiyo ang maging iskolar ng bayan at mas malaki pang tagumpay sa pamilya kung may kapatid pang makapapasok din sa kampus. Nababawasan man ang gastusin sa pagpapaaral sa sekondarya, tumataas naman ang pamantayan sa dapat taglaying kakayahan ng bawat isa. Pagpapatibay ng Relasyon sa Loob ng Pamilya Ang suporta at kalinga mula sa kanilang mga kapatid, lalo na sa nakapagtapos sa Pisay, ay makatutulong upang mabawasan ang pressure na idinudulot ng mga inaasahan sa kanila. Isa pa, ang pagkakaroon ng magandang komunikasyon sa kanilang pamilya ay magbubukas ng pinto sa pagtutulungan at pagbibigay-inspirasyon sa isa’t isa.
sa aking kapatid. Sa halip, sinasanay ko ang aking sariling pag-unlad habang ginagamit ang kanilang mga karanasan bilang gabay sa aking paglalakbay.” Pagtatag ng Sariling Identidad Ngunit, hindi lahat ay tungkol lamang sa ekspektasyon ng ibang tao sa mga iskolar ng Pisay. Ayon naman kay Christianne Jesu “CJ” Yabut ng Baitang 9 na kapatid ni Ellen Faye Ann Yabut ng Baitang 12, “Naniniwala akong mabubuo ko ang aking sariling pangalan sa Pisay sa pamamagitan ng aking galing sa larangan ng humanidades at simpleng pagtanggap sa aking tanging mga kakayahan.” Ang pagiging malinaw sa personal na mga layunin at pangarap ay makatutulong upang labanan ang bigat ng mga inaasahan, habang ang pagkakaroon ng tiyaga at determinasyon sa bawat hakbang ng pagkatuto ay isa sa ilang pundamental na mga sangkap sa tagumpay. Ito ang mga pag-iisip na isinasapuso hindi lamang
ni CJ kundi pati na rin ni Mark Francis Eusoya ng Baitang 11, kapatid ni Carlos Manuel Eusoya ng Baitang 12. Sabi niya,
ng mga Kakayahan at mga Pagkakamali Mula sa mga panayam ng mga iskolar, mapupulot na mahalaga rin ang pagiging bukas sa mga pagkakamali at pagkukulang. Kalakip nito ang pagsasaisip na walang perpekto sapagkat sinuman ay nagkakamali rin, at ang pagkilala sa mga limitasyon ay nagbibigay-daan para sa pagunlad ng sarili. Sabi pa nga ni Denzel Rayne Valencia ng Baitang 9 na kapatid nina Dennis Renan at Dyan Reizl Valencia, “Hindi ko inihahambing ang sarili sa kanila dahil nakasasagabal ito sa aking mga layunin at tagumpay sa akademya. Mahalaga ang pagtanggap sa sariling kakayahan at pagiging bukas sa sariling mga pagkakamali dahil nagbibigay-daan ito sa pag-unlad at pagtagumpay. Sa halip na maapektuhan, ginagamit ko ang mga aral na aking natututunan tuwing nabibigo at sarili at sa kumpiyansa.
NG KULUTURA: Tinatakan ni Apo Whang-Od ng kanyang signaturang estilo ng pambabatok at disenyo ng tatoo ang isang lalaki.
Sa mundong paikot-ikot, pabalik-balik, at palipas-lipas, may tanging kayamanang sumasalamin sa ating kasaysayan at mga palaisipang iniwan sa atin ng nakaraan. Ang mga pamanang ito ay naghihiwalay sa ating mga Pilipino mula sa makukulay na mga kultura ng daigdig. Marka ito ng ating identidad at pagkatao. Bilang isang malayang indibidwal, ano ang sumisimbolo sa iyong sarili at pagkakakilanlan?
Ang Mayamang Kultura at Tradisyon ng Bansa Mayaman ang Inang Pilipinas sa mga likas na yaman, kultura, at tradisyon na sadyang ikinabighani ng mga mananakop noong unang panahon. Pinagpala ang kalupaan ng masasaganang mga pananim, ang tubig ng iba-ibang mga nilalang, ang himpapawid ng sariwang hangin, at ang tao ng natatanging mga tradisyong biyaya ng salinlahi. Mababakas ang mayamang kasaysayan ng Pilipinas, sapagkat ito ay isang bansang nagtataglay ng iba’t ibang mga impluwensiyang pangkultura mula sa nakaraang mga pananakop. Ang kulturang Pilipino ay kinikilala hindi lamang ng mga mamamayan nito kundi ng buong mundo na rin. Sa katunayan, ito ay isang kulturang lubos na pinahahalagahan ng maraming mga lahi. Isang mayamang aspekto ng ating kultura ang sining. Bago pa man tayo ginapos sa kamay ng mga Espanyol, ang ating mga ninuno ay mayroon nang katutubong sining na maliwanag na nakalarawan sa mga yungib, eskultura, at habi. Isa sa mga porma ng sining na nakaukit sa ating kultura ang tradisyunal na pamamaraan ng pag-tattoo o “pambabatok” ng katutubong likas sa Rehiyon ng Cordillera. Ang Sining ng Pambabatok Isa sa pinakainingat-ingatang mga tradisyon ng mga Pilipino ang sining ng pambabatok. Ang gawaing ito ay pinaniniwalaang nagsimula mga isang libong taon na ang nakalipas. Hindi tulad ngayon, ang pambabatok sa sinaunang mga panahon ay hindi ginagawa para sa pera. Ang mga tattoo ay simbolo ng katapangan, kagandahan, at karangalan para sa mga tribu. Kabilang sa tanyag na mga disenyo ng tattoo ang centipede, python, at agila. Ang “Huling” Mambabatok
Si Maria Oggay, o mas kilala bilang si Apo Whang-Od, ang “huli” at pinakamatandang mambabatok (tradisyonal na Kalinga tattoo artist) sa bansa. Ipinanganak noong Pebrero 17, 1917, siya ay nagsimulang mahumaling sa pambabatok ng mga mandirigma at kababaihan ng Tribu Butbut sa Buscalan, Kalinga sa edad na 15 na taong gulang. Balot ng tattoo ang kanyang mga braso at dibdib—simbolo ng mahaba at mayamang karanasan sa nasabing sining. Dahil dito, kinikilala siyang buhay na alamat at isa sa pinakamakabuluhang mga tauhan sa istorya ng bansa. Ang Paglaho ng Tradisyon Ang pambabatok ay ipinamamana sa bawat henerasyon. Si Whang-Od ay isa rin sa mga nakatanggap ng mga tungkuling palaguin at ingatan ito. Subalit, habang bumibilis ang ikot ng mga kamay ng orasan, unti-unting naglalaho ang
namumukod na sining. Ikinababahala ng marami kung may susunod pa ba sa yapak ng kamangha-manghang mambabatok. Mas lumubha ang panganib ng pagkawala ng tradisyon nang ibinunyag na hindi nag-asawa at nagkaanak ang mambabatok. Pinangangambahang wala nang dalubhasang mga kamay na magpapatuloy sa tradisyon kapag dumating ang panahong babawian na rin ng hininga si Whang-Od. Ang Pag-asa ng Tradisyon Gayunpaman, noong 2006, nasaksihan ng mundo ang susunod na tagapagmana ng tradisyon. Siya ay kinilala sa pangalang Grace, ang apo sa pamangkin ng mambabatok. Sa edad na 19 na taong gulang, may mga batok na sa katawan ang dalaga na si Whang-Od mismo ang naglagay. Kabanggit-banggit ang dalawang makahulugang mga tattoo nito na python, bilang simbolo ng proteksyon, at disenyo ng bundok, na kumakatawan naman sa lupang kanyang kinalakhan. Ayon kay Grace, natututo siya sa pamamagitan ng panonood sa kanyang lola. Para sa kanya, mahalagang matutuhan ang sining upang maipamana ito sa kamay ng susunod na henerasyon. Dagsaan ng Turista Kasama ang kanyang lola, dinadagsa sila ng maraming mga turista arawaraw upang masaksihan ang makasaysayang tradisyon. Tatlong daan hanggang dalawang libong piso ang bayad na sinisingil ni Whang-od sa bawat disenyong binabatok niya depende sa laki at hirap nito. Halo ang tubig at uling para gawing tinta at gamit ang tinik ng suha at kahoy na pamukpok, isinasagawa na ni Whang-od ang pambabatok. Sa bawat palo niya, sakit at hapdi ang mababakas sa bawat ngiwi ng mga nagpapabatok. Ngunit sa kabila nito, ang kapalit naman ay isang larawan ng sining at tradisyong habambuhay nang nakaguhit sa balat. Sabi ng isang turista mula sa
FAYE YABUT
Tuguegarao, “Noong una, masakit ito lalo na at pagod na siya, kaya mabigat ang palo,
Gio said, it’s a dying art, and I know it’s an adventure to get here, an adventure to go through. It’s something that you’ll remember for the rest of your life (Sa tingin ko, isa itong kulturang huli mong mararanasan. Kagaya nga ng sinabi ni Gio, isa itong naglalahong sining, at alam kong isang pakikipagsapalarang kailangang lampasan ang pagpunta rito. Isa itong bagay na maaalala mo habambuhay).” Pagpupugay kay Whang-od Walang balak magretiro sa pambabatok si Whang-od. Wika niya, “Titigil lang ako
sa
anino ng kanilang
dating
landas
hindi lamang
na rin sa pagiging huwaran at inspirasyon sa iba. Minsan, nakatutulong ito dahil sa mga gabay na kanilang ibinibigay ngunit minsan, nakapanghahamon dahil sa dami ng mga inaasahang susundin o gagampanan. Gayunman, sa pamamagitan ng tamang pananaw, 11
Para
mga iskolar na nilalabanan ang
mga kadugo, isang paikot-ikot na paglalakbay ang pagiging iskolar na may kapatid na kasalukuyan o
nag-aaral o kaya ay nagtapos sa Pisay. Lalo pa, ang pagtahak sa
ng paghahambing ay
tungkol sa pagtatagumpay sa paaralan, kundi pati
PAMBABATOK: ANG NAGLALAHONG REGALO NG NAKARAAN ELLEN
pero okay naman.” Makahulugang isinaysay naman ng nobyang Amerikana ng aktor na si Gio Alvarez ang kanyang kuro-kuro: “I think it’s the last real cultural experience you can have. Like
bansa,
Culture and the Arts (NCCA) ang prestihiyosong “Dangal ng Haraya Award” sa Tabuk, ang kabisera ng lalawigan ng pangkat etniko ni Whang-od sa Kalinga. Dagdag pa rito, naging nominado siya para sa National Living Treasures Award (Gawad Manlilikha ng Bayan) noong 2017. Isa si Apo Whang-od sa mga bayaning nagpakita sa atin ng makulay at mayamang kultura ng bansa. Kagaya niya, tayong lahat ay may tungkuling pagyamanin at pahalagahan ang mga bagay na sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Mithiin nating ipasa ang regalo ng nakaraan sa susunod na mga henerasyon, at ipakita sa buong daigdig ang yaman at ganda ng Inang Bayan. LATHALAIN
kapag wala na akong nakikita.” Dahil sa hindi mapapantayang kontribusyon ni Whang-Od sa mayamang kultura ng
ipinagkaloob noong 2018 ng National Commission for
DIBUHO NI SAM DELLOTA
TINTA
PAGBUBUNGKAL SA
KAHALAGAHAN AT SULIRANIN
Kailan kaya matitibag ang mala-trosong suliranin sa balikat ng isang batak na Juan dela Cruz? Pagkatapos magbilad sa nakasusunog na sikat ng araw, umuwi siya sa kanyang mag-inang baon ang tanong na, kagaya niya, ay bumabagabag sa sampung milyong mga Pilipino: “Hanggang saan aabot ang 573 na pisong kita niya mula sa pagsasaka?”
Dahil sa handog na kalupaan, katubigan, at tropikal na klima sa bansa, naging pinakamalaking kayamanan ng agrikultura sa Pilipinas ang pagsasaka at pangingisda. Gayunman, hindi lingid sa ating kaalaman ang ‘di-maalis-alis na dungis sa pangalan ng agrikultura, sapagkat ang tradisyong ating minana ay hindi na makatutustos sa mga pangangailangan ng pamilyang Pilipino. Sa pagpalo ng inflation rate sa 3.4 na bahagdan nitong Pebrero, paano na makasasabay sa paglobo ng mga gastusin ang kita ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura?
pangmatagalang pamumuhunan sa sektor ng pangingisda. Nagpapakita ang mga halimbawang ito ng positibong kontribusyon ng agrikultura sa paglago ng ekonomiya nang nakaraang taon. Ngunit, tiyak na maraming mga hakbang pa ang magagawa ng gobyerno para maisakatuparan ang mga inisyatibong lubos na nakasentro sa ikabubuti ng mga magsasakang Pilipino. Panghuli, agrikultura ang pangunahing salik na tumutukoy sa kakayahan ng isang bansang panatilihin ang seguridad at akses ng mga mamamayan sa pagkain. Sa hindi inaasahang mga panahon ng krisis at sakuna, nasusukat ang estado ng agrikultura ng isang nasyon sa pamamagitan ng pagsubok sa kapasidad nitong masustentuhan ang mga pangangailangan ng populasyon. Kaya, agrikultura ang may pinakamahalagang papel sa pagkamit ng ikalawang United Nations’ Sustainable Development Goal, na naglalayong matuldukan ang gutom sa 2030.
Subalit, gaano man kahalaga ang agrikultura sa iba’t ibang mga sektor ng lipunan, hindi pa rin natin napangangalagaan at nagugugol nang wasto ang mayamang potensyal nito sa pagpapalago ng ekonomiya at pagsusulong ng kabutihang panlahat. Dahil sa sandamakmak na mga suliraning kinahaharap ng sektor, mahalagang nakapokus ang mga adhikain ng pamahalaan sa mga isyung matagalang nakaugat sa pagtapak ng karapatang pantao ng mga manggagawa, kahinaan sa makabagong teknolohiya, at kakulangan ng epektibo at matapat na pamumuno sa sektor ng agrikultura.
Hindi maitatanggi ang makabuluhang papel ng agrikultura sa pamumuhay, kultura, at pag-unlad ng pamayanang Pilipino. Ang mga bakas ng makabagong agrikultura sa Pilipinas ay masasalamin sa kasagsagan ng rehimeng Espanyol nang ang mga industriya ay hinikayat na payabungin at tustusan ang pangunahing mga pangangailangan ng mga banyaga, kagaya ng tabako, asukal, at abaca. Dahil sa hindi matatawarang kakanyahan ng agrikultura, naitatag ang Kagawaran ng Agrikultura kasabay ng proklamasyon ni dating Presidente Emilio Aguinaldo ng pambansang kasarinlan noong 1898. Muling nagtuloy-tuloy ang pag-usbong ng agrikultura sa pamamalakad ng sumunod na mga administrasyon hanggang sa paglitaw ng berdeng rebolusyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na naglalayong palakasin ang produksyon ng bigas upang mapakain ang mas maraming mga Pilipino, partikular na ang mahihirap nating mga kababayan. Ngunit, hindi natupad ang mithiing ito dahil mas pinagtuonan ang iba pang mga pananim, katulad ng mais, pinya, at niyog na higit pang makinang sa mga mata ng mga dayuhang mamumuhunan. Dahil dito, mas lumapad ang puwang sa pagitan ng mahihirap at mayayaman pagdating sa akses sa pagkain, sahod, at lupain. Pagpasok ng administrasyong Aquino, muling naisabuhay ang organisasyon ng kagawaran upang itaguyod ang paglinang ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpapatibay sa patakaran, mga pampublikong pamumuhunan, at mga serbisyong sumusuporta sa mga negosyong pang-agrikultura. Gayunpaman, hindi pa rin lubusang nakabangon ang mga pamilyang magsasaka sa pagkadapa ng lokal na industriya sa pagsasaka. Kaya naman, mahalagang talakayin ang gampanin ng agrikultura sa ekonomiya at lipunan, pati na rin ang mga suliraning humahamon sa nangangapang mga magsasaka.
Unang una, mga likas na yaman ang pangunahing pinagmulan ng trabaho at oportunidad ng humigit-kumulang 25 na porsyento ng 49.7 milyong mga Pilipino sa lakas paggawa nang nakaraang taon. Naitala rin ng kagawaran ang isang “record rice harvest” na 20.06 milyong metrikong tonelada, kaya nabawasan ang pag-angkat at napataas ang kita ng mga magsasaka. Bukod dito, naisakatuparan ang Sustainable Aquaculture Program (SAP) ng mga local government unit, na nagsisilbing pangunahing
Una, ang bawat magsasaka ay may karapatang makatanggap ng sapat na tulong para magkaroon ng akses sa pagkuha, pagmamay-ari, at pagsasanay sa pasilidad ng mga prosesong kinakailangan bago at pagkatapos ng pag-ani. Mahalagang protektahan din ang mga karapatan ng mga katutubo sa kanilang mga lupain o ancestral domain, hindi lamang dahil dito sila umaasa para sa kanilang ikinabubuhay kundi dahil na rin sa makabuluhang bahagi nito sa kultura ng mga tribu.
Pangalawa, ang kakulangan ng mga mapagkukunan ng tubig para sa mabisang irigasyon ay isa ring malaking suliraning kinahaharap ng mga magsasaka, lalo na sa pabago-bagong klima dala ng climate change. Gayundin, limitado pa rin ang akses nila sa farm-to-market na mga kalsada, kaya nababawasan pa lalo ang orihinal na kita mula sa produksyon. Bukod dito, nahihirapan sila sa paggamit ng makabagong mga teknolohiya sa pagsasaka, lalo na ang nakatatandang henerasyon. Kung gayon, mainam na matutukan din ang pagsasanay ng mga manggagawa sa mabuting paggamit ng mga kasangkapang ito para higit na mapataas ang halaga ng ani at mabawasan ang gastos. Higit sa lahat, kinakailangang masigurong ang perang nakalaan sa agrikultura ay maigugugol nang may kaayusan, integridad, at pananagutan. Malaki ang gampanin ng mga lider na pamunuan ang sektor, sapagkat ito ang pundasyon ng ekonomiya at kalakalan sa bansa. Mahalagang naitataguyod nila ang mga polisiyang nakaangkla sa kabutihan ng mga manggagawa at napangangasiwaan ang pagpapatupad ng mga ito.
kagawaran sa paggasta sa mas pinahusay na sistema ng irigasyon, mga kasangkapan ng sakahan, at mga pasilidad ng imbakan. Higit na mahalaga rin ang patuloy na pagtakda ng badyet para sa larangan ng agham at pananaliksik na nagbibigay-daan sa mga imbensyon at mga inobasyong maka-Pilipino at naaayon sa pamamaraan ng pagsasaka sa bansa. Hindi lamang sakahan ang kailangang pansinin kundi pati na rin ang pananaw ng mga mamamayan sa agrikultura. Halimbawa, kailangang iwaksi ang pag-iisip na walang pera sa agrikultura o ang pangkabuhayang ito ay para lamang sa naghihirap nating mga kababayan. Mahalagang iukit sa ating isipang mapagiiwanan tayo sa pandaigdigang kalakalan kung ating pababayaan ang sariling sakahan at karagatan. Kung gayon, kailangang turuan ang kabataan sa kasalukuyan at sa susunod pang mga henerasyon ukol sa importansya ng agrikultura sa pamamagitan ng paghubog sa kanilang interes at kasanayan sa makabagong pagsasaka at agri-negosyo. Upang matiyak na may mapagkukunan ng pananalapi sa pagpapatupad ng nabanggit na mga estratehiya, mainam na pagbutihin ng gobyerno ang ating mga sistema ng pangangasiwa sa buwis, pagpapalakas ng mga ugnayan sa pagpaplano, pagbabadyet, at pagpapatakbo sa loob at sa pagitan ng mga ahensya. Gayundin, makipagtulungan tayo sa mga mambabatas upang mapatibay ang mga bagong hakbang na makabubuo ng matatag na pundasyon ng pananalapi. Sa pagtataguyod ng mga adhikaing ito, masisiguro nating maibabalik ang pera sa bulsa ng mga magsasaka at mga mangingisda, at ang pagkain ay makararating sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino. Kung binubuhay at inaalintana ang agrikultura, magigiba ang malaking pasakit sa balikat at pabigat sa paghakbang ni Juan.
Mataas na lagnat. Nakabubulabog na ingay ng tila hindi matapos-tapos na ubo. Namumulang mga mata. Nakabaon sa bawat butas ang baradong ilong na parang nakasara at nakakandado. Ang mga luha ay patuloy ring dumadaloy sa pisngi nang dahil sa kalbaryong paulitulit na dinaranas. “Saklolo!” ang tinig sa likod ng bawat paghihingalo.
Bunsod ito ng pertussis o ubong dalahit, na isang nakahahawa at malubhang sakit na nakaaapekto sa baga o respiratory tract. Ang sakit na ito ay naidudulot ng isang bakterya na kung tawagin ay Bordetella pertussis. Ang isang taong nahawaan nito ay nagpapakita ng sintomas sa loob ng pito hanggang 10 na araw. Higit na lumulubha ang kalagayan sa ikalawang linggo matapos mahawaan, at labis ding naaapektuhan ang bibig, ilong, at lalamunan.
Ayon sa Department of Health (DOH), may naitalang 862 na mga kaso ng whooping cough dito sa Pilipinas simula noong Enero ngayong taon, at nasa 49 na rin ang nasawi dahil sa naturang sakit. Idinagdag pa ng ahensyang 79 na porsyento ng mga kaso ay binubuo ng mga batang nasa edad lima pababa, at 66 na porsyento sa kanila ang hindi nabakunahan. Kabilang sa madalas na mga sintomas ng pertussis ang sipon,
DEAN TERRENCE GARDE
na kulay ng balat sa mga sanggol. Talagang nakababahala ang maaaring maging epekto ng pertussis kung sakaling maging epidemya ito katulad ng CoViD-19. Kabilang si Jocelyn sa mga naapektuhan ng ubong dalahit. Anim na taong gulang pa lamang siya at isang napakamasayahing bata. Ito ang dahilan kung bakit palagi niyang kasama ang kanyang mga kalaro sa labas. Matalino ring bata si Jocelyn, at aktibo siyang pumapasok sa paaralan dahil sa pangarap niyang makapagtapos at maging doktor balang araw. Ngunit, hindi gaanong biniyayaan ng kaginhawaan ang buhay ni Jocelyn. Sa kasamaang palad, nagkasakit pa siya. Inakala ng lahat na simpleng sipon lamang ang sakit niya, dahilan kung bakit hindi siya ipinatingin sa doktor. Pero untiunting lumala ang kalagayan ng bata, hanggang sa hindi na ito naagapan pa, at siya ay binawian ng buhay. Marami pa bang mga pamilya ang dapat mawalan ng mahal sa buhay? Marami pa bang mga bata ang dapat matulad kay Jocelyn, na nawala dahil sa bagsik ng sakit na ito? Ilang mga pangarap pa ba ang tuluyang mawawasak bago tayo tumugon sa bawat paghingi ng tulong, at umaksyon para
na pertussis. Iminumungkahi ng DOH na dapat tayong maging alerto at magsuot ng proteksyon laban sa bakterya, kagaya ng face mask. Ugaliing maghugas ng kamay, dumistansya lalo na sa mga taong may sakit, at magpatingin sa doktor o eksperto kapag may nararamdamang sintomas ng sakit. Idiniin din ng ahensya ang kahalagahan ng kompletong pagpapabakuna sa mga sanggol at mga bata bilang sandata laban sa bakterya, nang sila ay mapatibay at maprotektahan. Ating pangalagaan at patatagin ang kalusugan ng bawat Pilipino. Para sa mga batang katulad ni Jocelyn, na maagang nawala. Para sa mga katulad niyang bata, na may matatayog na mga pangarap na nais abutin balang araw. Para sa mga nawalan na at mawawalan pa kung sakaling hindi pa rin tayo gigising at kikilos. Sa pagkalas ng tunog ng hiningang nahihirapan, tila may isang sirang plakang paulit-ulit na lamang ang himig na ipinapakahulugan. Sa bawat pag-ubo, tila palagi na lang, “Saklolo!”
14
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
DIBUHO NI SAM DELLOTA
DIBUHO NI SAM DELLOTA
Sa bawat patak ng pawis na kumawala mula sa noo mo, may binhing nababanas at nauuhaw para sa isang patak ng tubig na manunuot sa bukaan nito. Sa bawat butil ng kanin na nginunguya ng ngipin, isang binhi ang
napriprito sa ilalim ng tirik ng araw. Taong 2022 noong umusad ang pananaliksik ng International Rice Research Institute (IRRI) sa paglikha ng mga uri ng palay na maaaring umusbong sa isang lupang nakararanas ng matinding kalagayan tulad ng madalas na pagbaha, tagtuyot, taglamig, at ilang suliranin sa kondisyon ng lupa tulad ng mataas na konsentrasyon ng iron. Tampok ang Asya sa mga rehiyong sagana sa yamang lupa. Ayon sa datos ni Ganbold (2023), India ang nangungunang exporter ng bigas sa rehiyong Asya-Pasipiko noong 2022 sa naitalang revenue na $10.77 bilyon, sinusundan naman ng Vietnam at Thailand. Isa rin ang Pilipinas sa mga bansang biniyayaan ng masaganang kapalayan. Bagaman mayaman ang Pilipinas sa palay at bigas, matatandaang halos $239 milyon ang naging pinsala ng El Niño sa mga taniman noong 2015-2016. Naitatalang nasa 400,000 na magsasaka ang naapektuhan ng labis na pagbawas sa produktong bigas. Dagdag pa sa tag-init, likas din ang kawalang kasiguraduhan sa nararanasang ulan tuwing La Niña kaya may nabubuong alinlangan mula sa mga magsasaka na magpairal ng mga panibagong pamamaraan sa pagpapayabong ng pananim. Marker-Assisted Breeding Sa pananaliksik ng IRRI sa paglikha ng modified species ng palay, nangibabaw ang mekanismo ng marker-assisted breeding. Gumagamit ng mga DNA markers ang nasabing proseso sa pagpili ng mga partikular na katangiang kanaisnais sa pamamagitan ng paggamit ng quantitative trait loci (QTLs). Samakatuwid, maaaring mabigyan ng katangian ang tanim na magpapatibay pa rito at mag- uudyok sa pagtaas ng pagkakataong mamunga ang palay.
temperaturang umaabot sa higit kumulang 40 degrees Celsius sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Alinsunod dito, naghahanap ng mga estratehiyang bago ang mga magsasaka upang mapunan ang kakulangan sa tubig na dumadaloy sa taniman. Bilang tugon sa suliraning tagtuyot ng Asya-Pasipiko, naglikha ang IRRI ng ilang variety na umiiral na sa ilang bansa: Sahbhagi
Droughttolerant rice Kamakailan lamang, nababalita ang mga
BUTIL NG PAGBABAGO: Sinusuri ng mga kawani ng International Rice Research Institute (IRRI) ang
na nailikha sa Burundi, Africa. Larawan mula sa IRRI
sa India, Sahod
sa
at Sookha
Nepal. Naitalang mas mataas
0.8
1.2 tonelada
ani
sa mga variety
ito
sa mga kilala nang uri ng palay,. Kasalukuyang nanaliksik ang IRRI sa pagtukoy sa molekular na prosesong inilalantad ng mga drought tolerant QTL upang makapaglikha ng karagdagang variety. Heat-tolerant rice Sa pag-usad ng pagbabago ng klima, mas napaigting din ang pagtaas ng temperatura sa mga bansa sa tropiko ng Asya. Samakatuwid, ang labis na pagakyat ng temperatura ay nagdudulot sa paghina ng palay tuwing nasa yugto ng paghinog nito. Tuwing tag-init, mas lumalago ang mga palay na may mababang produksyon ng pollen na nagreresulta sa pagliit ng ani sa huli. Sa kasalukuyan, hindi pa nakapaglikha ng bagong uri ng palay ang IRRI ngunit inihayag na nila ang partikular na katangiang kanilang hinahanap. Nanaliksik ang IRRI kung anong variety ang pinakamaiging donor na maaaring magbigay ng katangiang mabuhay sa mga temperaturang mainit, tuyo, at mahalumigmig na kapaligiran. Submergence tolerant rice Sapagkat, matatagpuan ang karamihan ng Asya-Pasipiko malapit sa malalaking katawan ng tubig, hindi maiiwasan ang pagbunsod ng matinding ulan at bagyo. Nagreresulta ito sa flash floods at stagnant flooding na maaaring makaapekto sa paglaki ng palay. Naitala na noong 2006, nawalan ang Pilipinas ng mahigit kumulang $65 milyon sa pinsala ng baha at bagyo. Tuwing nakababad ang palay sa tubig, nagdudulot ito ng naturang paghaba ng tanim sa mga dahon nito upang umahon sa tubig. Ngunit, ang mga deepwater varieties lamang ang may kakayahang makaahon agad-agad bago pa man tuluyang malubog sa putik at tubig. Samakatuwid, nahuhuli ang mga highyielding modern varieties dahil hindi ito natural na katangian ng kanilang uri. Nadiskubre ng mga dalub-agham ang partikular na gene – ang SUB1 gene – na maaaring makapagbigay ng katangiang magkaresistensya mula sa pagkakalubog sa tubig nang halos 14 na araw. Dagdag pa rito, sinisiyasat pa rin ng IRRI ang mga pamamaraan sa pag-isolate ng SUB1A gene mula sa isang Indian rice variety upang matukoy ang genetic code nang maisalin na maging dominant ang SUB1A gene at mabigyan ang palay ng katangiang mag-imbak ng enerhiyang maaaring gamitin sa tugon nitong magpahaba ng dahon tuwing umuulan. 15
ANG PAGLIKHA NG RICE VARIETY DARLENE MIRANDA AGHAM TEKNOLOHIYA 49 NA ANG NASAWI SA BANSA DAHIL SA PERTUSSIS MULA AYON SA DOH ENERO-ABRIL
Dhan
Ulan
Pilipinas,
Dhan sa
ang
-
kada ektarya na
mula
na
kung ikukumpara
FRANKENSEED:
isa sa mga bagong
ng bigas
uri
PSHS-WVC ginupo
ang UPHSI sa UPISAY
Girls’ Volleyball, 2-0
NKAIZER DIVINAGRACIA
aglalagablab na serves ang naghawan ng sagabal para sa Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus patungo sa tagumpay kontra sa University of the Philippines High School in Iloilo, 2-0, sa YUPISAY Friendly Girls’ Volleyball Match na inorganisa ng Project GAB noong Dis. 16, 2023. Napahiyaw ang mga manonood sa loob ng PSHS-WVC Gymnasium tuwing magpapakawala at magpapalitan ang dalawang koponan ng maiinit na mga spike at nakalilitong mga set upang makalamang sa kanilang kalaban.
“Nagandahan ako sa game namin dahil malaki ang improvement namin mula sa nakaraang mga game. Siguro pwede pa naming mapabuti ang aming komunikasyon, receiving skills, at spiking drills. Sa kalaban naman namin, okay rin naman sila pero kinulang din sila sa komunikasyon katulad namin. Maganda rin ang kanilang mga hit at inaabangan ko ang susunod pa naming mga laro kasama ang iba pang mga paaralan,” sabi ni Jessie Anne Alvarez, and libero ng PSHS-WVC.
Sa unang laro pa lamang ay pinatunayan na ng PSHS-WVC na magaling sila sa larangan ng volleyball sa pamamagitan ng walang tigil na pagpakawala ng matitinding mga serve na nauwi sa ilang service ace.
Magilas na performance ng PSHS-WVC ang naglagay sa kanila sa mataas na posisyon, at kanilang tinuldukan ang unang laro sa iskor na 25-13 sa unang set at 25-8 sa ikalawang set.
“Sa totoo lang, sa unang set ay nakaramdam kami ng kaba at stress dahil medyo hindi kami naka-chill, kaya parang naapektuhan ang performance namin. Magaling din sila (PSHS-WVC). Puro kasi sila spike nang spike. Bago pa lamang kasi kami nagsimulang magensayo, kaya hindi pa kami nasanay sa parte na iyan,” ani Joane Yzabelle Yabillo, isa sa mga manlalaro ng UPHSI.
Sinubukan ng koponan ng UPHSI na makabawi sa kanilang pagkabigo sa unang laro, pero hindi ito pinayagan ng PSHS-WVC at walang awang tinadtad ng malalakas na mga spike ang kanilang mga katunggali, na tumapos sa ikalawang laro sa iskor na 25-9 sa unang set at 25-17 sa ikalawang set.
PAGBANGON MULA PAGKATALO
ahat naman sa atin ay nabahiran na ng pagkatalo, lalong lalo na ang mga manlalarong sumasabak sa mga palakasan. May tinatanging pagtanggap ang bawat isa sa anumang pagkatalo, ngunit ilan sa atin ay nalulungkot at nawawalan kaagad ng motibasyon dahil sa karanasang ito. Bilang mga atletang mapagpunyagi, ibinubuhos natin ang lahat ng dugo at pawis sa pageensayo upang maging magaling sa isports na ating sinasalihan. Marahil, dito umuugat ang maling palagay ng marami, na walang halaga ang lahat ng nilampasang mga pagsasanay kung hindi ito naging sapat upang manalo sa laro. Para sa ating mga atleta, malaking bagay ang mamailanlang sa isports. Katunayan, ito rin ang inihayag ng pambato ng bansa sa weightlifting na si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics simula nang unang sumali ang Pilipinas noong 1924. Sa puntong ito, nagbibigay ng kasiyahan ang pagwawagi at nagsasabing hindi nasayang ang lahat ng mga sakripisyong ginawa. Subalit sa resulta ng isang palakasan, iisang manlalaro o koponan lamang ang nananalo, at kadalasan, sila lang din naman ang nakararamdam ng
kaligayahan. Ang natatalong koponan o manlalaro ay bihira nating makitaan ng hindi dismayadong pagmumukha dahil sa kinalabasan ng laro. Ang panlupaypay ng kalooban pagkatapos ng pagbagsak ay karaniwang nararanasan ng bawat atleta. Kahit ang 2022 Asian Artistic Gymnastics Championships gold medalist na si Carlos Yulo ay umaming hindi niya nakukuha sa lahat ng pagkakataon ang kanyang mga inaasahan. Sinabi niyang bahagi ng karanasan ng pagiging atleta ang pagkatalo, at ito ang tumutulak sa ating magpatuloy at magsikap pa. Sa gayon, ipinahihiwatig sa ating aksyong huwag sukuan ang larong ating minamahal.
Tularan din natin ang ipinakitang halimbawa ng Barangay Ginebra San Miguel, na sa kabila ng kanilang pagkatalo sa nakaraang Commissioner’s Cup, nagkaroon sila ng inspirasyon at lakas upang bumangon muli. Dahil sa kanilang dedikasyon sa offseason, nakamit nila ang panalo sa kanilang unang laro sa panibagong conference laban sa Rain or Shine Elasto Painters. Ang kanilang kuwento ay lubos na kahanga-hanga dahil pinatunayan nilang darating talaga ang mga pagpapala sa mga hindi sumusuko matapos matalo.
Sa kabuoan, ang mga kakulangan at mga kabiguan sa palakasan ay makabuluhan ding mga karanasan sa pagkatuto. Ang pagkatalo ay hindi dapat humadlang sa ating mga ninanais na masungkit. Sa halip, ikasangkapan natin ito at gawing motibasyon sa panunumbalik ng ating mga sariling handa na muling makipagbakbakan. Isipin natin ang ating makakamit kung magpapatuloy tayo sa pag-eensayo. Talo na kaagad tayo kapag binabalewala natin ang mga oportunidad sa ating harap. Makababangon ang hindi sumusuko sa kabila ng maraming mga kabiguan.
malingawngaw ang tunog ng paghampas ng bat sa mga bola, at nagsiliparan ang mga softball sa buong Philippine Science High School Oval sa ginanap na Intramurals 2024 Softball Games noong Enero 18 hanggang Enero 20.
Hindi napigilan ng matinding init ng araw ang layunin ng mga estudyante ng iba’t ibang mga baitang na magpakitang-gilas sa larangan ng softball upang masungkit ang inaasam na panalo para sa Sa tulong ng kanilang karanasan mula sa nakaraang taon, dinomina ng Seniors o Batch 2026 ang lahat ng laro sa Boys’ Softball, at ipinagpatuloy nila ang kanilang winning streak.
Dahil sa nabanggit, itinanghal ang Seniors bilang mga kampeon, na sinundan ng Juniors o Batch 2027 na may dalawang panalo, Sophomores o Batch 2028 na may isang panalo, at panghuli ang Freshmen o Batch 2029.
ANG GALUGOD. Ipinakita ng Batch Zenith, sa pangunguna ni Cailah Umahag, ang kanilang galing sa larong softball sa nakaraang Intrams ng PSHS-WVC noong Enero 18-20, 2024 sa PSHS-WVC Oval. RAFAEL TAMISES
Hindi naman inasahan ang kinalabasan ng mga laro sa Girls’ Softball, kung saan nagtapos ang kanilang tagisan sa isang three-way tie sa pagitan ng Seniors, Juniors, at Sophomores na may tigdadalawang panalo at isang talo, habang nasa huli ulit ang Freshmen.
Sa kabila ng kakulangan sa kaalaman at kasanayan sa nasabing isports, hindi umurong ang mga mag-aaral ng Batch 2029 at walang takot na hinarap ang kanilang seniors sa laro.
Sa kasamaang palad, hindi na natuloy ang nakasanayang all-star games sa pagitan ng junior high school at senior high school dahil sa kakulangan sa oras at mga manlalaro sa huling araw ng
18
KAIZER JAMES DIVINAGRACIA Mga mag-aaral, nagpalakasan Intrams 2024 Softball Games
isports
PSHS-WVC
nararo ng masiglang opensa ng Philippine Science High School - Western Visayas Campus (PSHS-WVC) ang matibay na depensa ng PAREF Westbridge School for Boys, 3-2, sa isang Friendly Men’s Football Match noong Oktubre 27, 2023 sa PSHS-WVC Oval. Buong pag-asang sinimulan ng Westbridge ang laro sa isang kickoff na ipapasok sana nila sa goal, ngunit pinalihis ito ni Jesman Benedict Siojo, goalkeeper ng PSHS-WVC, at sinundan niya pa ito ng sunod-sunod na saves upang pahirapan ang Westbridge sa pagtala ng goal.
ang kanilang pag-asa nang ipinamalas ni Nathan Sevilleno ang
goalkeeper na nagbigay-daan upang mahadlangan ang humahagibis na mga tira ng kalaban. Sinamantala ng PSHS-WVC ang momentum at agad na pinaulanan ng hindi masawatang goals ang Westbridge sa pagsimula ni Francis Maxel Cuanico, na agad namang sinundan ni Joshua Isaac Isaiah Narido, at sa huling minuto ay humirit ng isa pang goal si Salvador Ferdinand Aguirre III upang selyuhan ang laro sa iskor na 3-2.
“Nagbago ang roster namin dahil sa pagpasok ng
pa naming inuunawa ang aming chemistry. Dagdag pa
kaisipan. Kami ay magiging mapagpakumbaba anuman ang resulta.
ay mapagpakumbaba,” pahayag ni Aguirre, team captain ng PSHS-WVC
Mahalaga para sa mga manlalaro
Kilala bilang tagahulma ng mga henyong nakatuon sa agham, ang Philippine Science High School- Western Visayas Campus (PSHS-WVC) ay karaniwang nangingibabaw sa iba’t ibang mga paligsahang nagpapabantog sa pangalan ng paaralan. Ngunit, sa kabila ng bansag na ito, tila hindi makalap ng aking paaralan ang tamang pormula upang maipanalo ang mga patimpalak pang-isports, kung saan ang PSHS-WVC ay kadalasang nadedehado. Kung gayon, tunay ko bang matatawag na henyo ang mga iskolar ng institusyon kung tanging sa iilang mga aspekto lamang nakapokus ang aming galing?
Marami ang magtatanggol sa PSHS-WVC sa paniniwalang ang institusyon ay nakapokus lamang sa pagtuturo ng agham sa kanilang mga estudyante. Hinuhubog lamang sila upang maging magagaling na mga siyentista, kaya hindi na kailangan ng mga mag-aaral kagaya ko na pagtuonan pa ang ibang mga aspekto—ang kailangan na lamang namin ay mag-aral. Ngunit, marami naman ang kokontra sa kadahilanang hindi sapat ang maging maalam lamang sa akademiko upang tawaging henyo, at kailangang balansehin ang pag-aaral at iba pang mga paggalugad sa buhay, katulad ng palakasan. Kaya, ang tunay na tanong ay kung tama bang wala nang ibang mga talento ang mga iskolar ng PSHS-WVC bukod sa pag-aaral, at kung hindi ba pangangailangan ang pagkakaroon ng kasanayan sa isports?
Sa pagsali ng paaralan sa mga paligsahan sa isports, iilan lamang ang mga nanalo, katulad ng pakikilahok nito sa Iloilo City Meet, kung saan kaunti lamang ang nabigyan ng mga parangal sa kabila ng pag-eensayo ng mga manlalaro. Ngunit, ang pagsasanay ng mga atleta at ang pagsali sa ganitong labanan ay maituturing ko nang mga testamento na may talento ang mga iskolar ng PSHSWVC, at hindi lamang kami puro aral.
Bagaman talunan, importanteng makasali sa ganitong mga kompetisyon dahil nakakatulong ito sa pagbibigay ng mas malawak na abilidad at kasanayan sa amin tungo sa paghubog ng aming mga sarili. Kaya, iminumungkahi ko sa paaralang magbigay-todo sa pagsuporta sa mga gawaing pang-isports upang makalabas sa nakasanayan ang talento naming mga iskolar at mabigyan kami ng pagkakataong makipagtagisan sa palakasan.
Sa kasalukuyan, ang mga gawain kagaya ng Service, Creativity, Action, and Leadership Enhancement o SCALE projects, friendly games kasama ang iba pang mga paaralan sa lungsod, at pageensayo sa mga atleta ay itinataguyod na ng paaralan. Gayunman, nakikita kong ang mga nakikinabang sa ganitong mga inisyatibo ay hindi pa gaanong marami. Kailangan pang paigtingin ang pagbuo ng kaligirang maghihikayat ng pakikilahok ng mga iskolar. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng mga workshop at mga programang pang-isports. Bukod sa akademikong larang, napansin kong wala kaming pinagkaiba sa mga estudyante mula sa ibang mga institusyon. Ngunit bilang isang paaralang nakapokus sa paghubog ng mga siyentista sa hinaharap, mas inuuna nga lang nito ang agham kaysa sa ibang mga aktibidad, katulad ng isports. Subalit sa kabila nito, iginigiit kong kailangan pa rin ng paaralang suportahan ang aspektong ito upang mabigyan kami ng oportunidad na maipamalas hindi lamang ang aming katalinuhan kundi pati na rin ang aming mga talentong pampalakasan.
nakalilitong mga set upang makalamang sa kanilang kalaban.
sa YUPISAY
“Nagandahan ako sa game namin dahil malaki ang improvement namin mula sa nakaraang mga game. Siguro pwede pa naming mapabuti ang aming komunikasyon, receiving skills, at spiking drills. Sa kalaban naman namin, okay rin naman sila pero kinulang din sila sa komunikasyon katulad namin. Maganda rin ang kanilang mga hit at inaabangan ko ang susunod pa naming mga laro kasama ang iba pang mga paaralan,” sabi ni Jessie Anne Alvarez, and libero ng PSHS-WVC.
School -
Pagsapit ng second half, hindi hinayaan ng mga manlalaro ng PSHS-WVC na manganib ang kanilang pag-asa nang ipinamalas ni Nathan Sevilleno ang kanyang kasanayan bilang goalkeeper na nagbigay-daan upang mahadlangan ang humahagibis na mga tira ng kalaban. Sinamantala ng PSHS-WVC ang momentum at agad na pinaulanan ng hindi masawatang goals ang Westbridge sa pagsimula ni Francis Maxel Cuanico, na agad namang sinundan ni Joshua Isaac Isaiah Narido, at sa huling minuto ay humirit ng isa pang goal si Salvador Ferdinand Aguirre III upang selyuhan ang laro sa iskor na 3-2. “Nagbago ang roster namin dahil sa pagpasok ng mga grade seven sa lineup. Patuloy pa naming inuunawa ang aming chemistry. Dagdag pa rito, iniba na rin namin
Sa unang laro pa lamang ay pinatunayan na ng PSHS-WVC na magaling sila sa larangan ng volleyball sa pamamagitan ng walang tigil na pagpakawala ng matitinding mga serve na nauwi sa ilang service ace. Magilas na performance ng PSHS-WVC ang naglagay sa kanila sa mataas na posisyon, at kanilang tinuldukan ang unang laro sa iskor na 25-13 sa unang set at 25-8 sa ikalawang set.
Visayas Campus, 2-1, sa YUPISAY
Basketball Match na inorganisa ng Project GAB noong Dis. 17, 2023. Hindi nagpaawat ang dalawang koponan, at ipinakita nila ang kanilang mga kakayahan sa loob ng court, dahilan upang tumindi ang labanan sa PSHS-WVC Gymnasium. “Sa game na ito kasi (ikalawang laro), naka-adjust na kami sa court. Sa unang game, siyempre may first game jitters at hindi pa namin alam ang mga lugar ng aming mga kalaban. Ang unang laro ay para lang subukin namin ang playtest at kung paano kami dumipensa. Kaya, nang nalaman na namin kung paano sila maglaro, nag-adjust na rin ang aming koponan. Patuloy lang naming ginawa kung ano man ang mga pinagsanayan namin,” ani Sa una pa lang, ipinamalas na ng UPHSI na sila ay mga halimaw sa court at walang tigil na inagaw ang bola sa kamay ng PSHS-WVC at nagpakawala ng nag-aalab na mga tirang tumapos sa unang half sa iskor na, 29-18, samantalang nagtapos naman Ayon sa tagapagsanay ng koponan ng PSHS-WVC na si Elvin John Villanueva, may agwat ang kanilang skill level at athleticism. Hindi naging sapat ang mga pagsasanay nila upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na iniharap ng UP, kaya sinubukan nilang pagbutihin pa ang kanilang Kahit nalamangan ng mga katunggali, hindi pa rin tumigil ang koponan ng PSHS-WVC sa pagpursige, at pinatibay pa ang kanilang depensa at tinangkang magpaulan ng mga tira upang mahabol ang mga kalaban, subalit sila ay nabigo. ikalawang laro, pinatunayan ng UPHSI na hindi sila mapipigilan at patuloy na tinambakan ang PSHS-WVC, hanggang sa nagwakas ang labanan ng dalawang panig sa iskor na
“Sa totoo lang, sa unang set ay nakaramdam kami ng kaba at stress dahil medyo hindi kami naka-chill, kaya parang naapektuhan ang performance namin. Magaling din sila (PSHS-WVC). Puro kasi sila spike nang spike. Bago pa lamang kasi kami nagsimulang mag-ensayo, kaya hindi pa kami nasanay sa parte na iyan,” ani Joane Yzabelle Yabillo, Sinubukan ng koponan ng UPHSI na makabawi sa kanilang pagkabigo sa unang laro, pero hindi ito pinayagan ng PSHS-WVC at walang awang tinadtad ng malalakas na mga spike ang kanilang mga katunggali, na tumapos sa ikalawang laro sa iskor na 25-9 sa unang set at 25-17 sa
Mahalaga para sa mga manlalaro ang panalong ito dahil ito ang kauna-unahang friendly match ng PSHS-WVC Football Team sa kasalukuyang taong pampaaralan, at resulta anila ito ng kanilang
dedikasyong pagbutihin pa ang
performance sa laro.
ngayon, inaantabayanan pa ang anunsyo kung kailan ang susunod na friendly game ng koponan.
ilala
tagahulma
sa pangalan ng paaralan. Ngunit sa ng bansag na ito, tila hindi makalap ang tamang pormula maipanalo ang mga patimpalak isports, kung saan sila ay kadalasang nadedehado. Kung gayon, tunay
matatawag na henyo ang
ng PSHS-WVC kung tanging mga aspekto lamang nakapokus kanilang galing?
steal
High
ang aming kaisipan. Kami ay magiging mapagpakumbaba anuman ang resulta. Ang mga kampeon ay mapagpakumbaba,” pahayag ni Aguirre, team captain ng PSHS-WVC Football Team.
pagsisikap at
kanilang
Sa
K
bilang
mga henyong nakatuon sa agham, ang Science High SchoolVisayas Campus (PSHS-WVC) ay karaniwang nangingibabaw sa iba’t ibang mga nagpapabantog
nating
iskolar
Kisap-matang mga
at matitinik na mga rebound ang mga ipinuhunan ng University of the Philippines High School in Iloilo upang talunin ang Philippine Science
Western
Friendly Boys’
Sa
magaling? Teka
19 UPHSI
Boys’ Basketball, 2 - 1 KAIZER DIVINAGRACIA
pag-aaral lamang
muna, pam-PISAY ‘to!
tinambakan ang PSHS-WVC
I
Sa kabila nito, nabigong mapigilan ng PSHS-WVC ang dalawang goals ng Westbridge bago matapos ang first half, na humantong sa iskor na 2-0 pabor sa Westbridge. Pagsapit ng second
PSHS-WVC na manganib
bilang
half, hindi hinayaan ng mga manlalaro ng
kanyang kasanayan
grade seven sa lineup.
na rin
ang
ang panalong ito dahil ito ang kauna-unahang friendly match ng PSHS-WVC Football Team sa kasalukuyang taong pampaaralan, at resulta anila ito ng kanilang pagsisikap at dedikasyong pagbutihin pa ang kanilang performance sa laro. Sa ngayon, inaantabayanan pa ang anunsyo kung kailan ang susunod na friendly game ng koponan.
mga
Patuloy
rito, iniba
namin
aming
Ang mga kampeon
Football Team.
MARL VIRAY LEITHOLD RONQUILLO MATAMIS NG PANALO: Nagwagi ang PSHS-WVC kontra ang PAREF Westbridge sa isang friendly footballl match. Kuha ni Zaphia Sorongon SA TUKTOK. Ipinamalas ng UPHSI ang kanilang tapang at talino matapos ibaon ang PSHS-WVC sa nakaraang YUPISAY Games sa PSHS-WVC Gymnasium noong Dis. 17. 2023. CHARLES RASGO
nangibabaw kontra Westbridge sa Friendly Men’s Football Match, 3-2
Hindi PuwersaMapigilang sa Digmaan ng Piyesa
Pinatutunayan ng mga iskolar ng Philippine Science High SchoolWestern Visayas Campus (PSHS - WVC) na kailangan silang seryosohin hindi lamang dahil sa kanilang akademikong kakayahan, kundi pati na rin sa kanilang kasanayan sa iba’t ibang mga larangan ng isports. Napangatawanan ito nang dinomina ng pambato ng PSHS-WVC sa chess ang labanan ng utak, estratehiya, at panlilinlang, sa pangunguna ni Dianne Joyce Esona, Grade 11-Sirius, sa ginanap na Iloilo City Meet noong Peb. 22 hanggang 24, 2024.
Tila hindi mapatumbang reyna si Esona na umani ng undefeated streak at walang awang pinaluhod ang mga kalabang nais siyang paalisin sa kanyang trono. Umangat ang kanyang talino hanggang sa natuldukan ang kompetisyon at itanghal siya bilang kampeon ng Women’s Division.
Ayon kay Esona, tuwang tuwa siya sa kanyang pagkapanalo sa Iloilo City Meet. Nagawa niya ito dahil sa mga pagsasanay at mga kaalamang kanyang natamo kinalaunan. Dahil sa kanyang mga karanasan at pagkapanalo noong nakaraang taon, hindi siya nagpakampante at ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa laro.
“Isa sa mga hamong nakaharap niya ang pagbabalanse ng kanyang iskedyul dahil sa pag-aaral. Sa kabila nito, sinigurado niya pa ring makadadalo siya sa mga pagsasanay. Kahanga-hanga ang kanyang pagkamahinahon, lalo na ang pamamahala niya ng kanyang mga inaasahan. Kung hindi niya makuha ang panalo sa isang laro, tinitiyak niyang babawi siya sa susunod na mga laban,” salaysay ni Jesiah Aguilar, ang tagasanay ng koponan sa chess ng PSHS-WVC.
Nagsimula ang laban ni Esona sa board noong nasa elementarya pa lamang siya. Inalam at sinanay niya ang iba’t ibang mga estratehiya upang mapaatras ang kanyang mga katunggali hanggang wala na silang matakbuhan pa.
“May isang laro akong sinalihang akala ko ay matatalo na ako, at ang nagawa ko na lamang ay humiling at mag-manifest nang todo na makablunder ang kalaban ko. Kasi kapag napindot na ang orasan, hindi mo na ito maibabalik pa, kaya dapat kalkulado ang bawat galaw. Pero minsan, hindi ko makikita ang iba, at sumusobra ang aking pag-aanalisa sa mga bagay. Mabuti na lamang at nanatili akong mahinahon sa mga oras na ito,” ani Esona.
Ikinasangkapan ni Esona ang kanyang unang mga karanasan upang mapagwagian din ang Ugnayan, ang pampalakasang paligsahan sa pagitan ng iba’t ibang mga kampus ng PSHS System, kung saan nasungkit ni Esona ang gintong medalya sa Women’s Category ng chess.
Parang isang pinuno sa isang giyera, ginupo nang may kasanayan ng iskang si Esona ang kanyang mga katunggali sa chess board upang lumabas na matagumpay sa labanan ng isipan.
G10 Boys, G9 Girls humakbang patungong kampeonato sa Intrams ‘24 Football Games
TLEITHOLD RONQUILLO
inapak-tapakan ng Grade 10 Boys’ Football Team at Grade 9 Girls’ Football Team ang kani-kanilang mga katunggali sa Philippine Science High School - Western Visayas Campus Intramurals 2024 Football Games noong Enero 18 hanggang 20 sa PSHS-WVC Quadrangle. Tinadyakan ng Boys’ Football Team ng Seniors ang Freshmen, Sophomores, at Juniors (4-2, 4-0, 5-4), at ipinakita ang kanilang kasanayan sa field na kinatakutan naman ng Juniors.
Faculty, staff, alumni sinupil ang mga estudyante sa
NG
ang
ng
Ginamit ni Rence Montero ng Seniors ang kanyang karanasan at liksi upang umatake sa close-range na nagsulong ng kanilang dominasyon sa mga laro. Ayon kay Montero, “Bilang parte ng koponan ng Seniors, ang overall champion sa Intrams sa taong ito, hindi ko maitatanggi ang labis na kasiyahang aking nadarama dulot ng aming pagkapanalo. Sa bawat pangkat na aming nakaharap, nariyan ang kaba at sabik na sila ay aming makasagupa. Ngunit, nangibabaw ang aming pagiging kalmado at kasiyahan sa field, rason upang makamit namin ang tinatamasang pagkapanalo. Huling taon na namin bilang kalahok sa taunang tagisan sa isports ng bawat batch, at masasabi naming maraming potensyal ang ating Juniors sa larangan ng isports. Tunay na binigyan nila kami ng hamon at saya sa bawat tunggalian.” Kumislap naman ang Girls’ Football Team ng Juniors kontra Freshmen, Sophomores, at Seniors (3-1, 4-1, 4-0) na pinangunahan ni
Renee De la Cruz, kapitan ng PSHS-WVC Girls’ Football Team, gamit ang kanyang mala-bituin na long range shots na nagmukhang abottanaw na lamang sa mga kalaban.
“Nakatataba ng puso ang pagtanghal sa amin na kampeon pagkatapos ng laro. Ang aming pagsusumikap sa mga pagsasanay at paglalaro ngayon at noong nakaraang taon ay rason ng aming pagkapanalo. Ako at ang aking koponan ay may naisagawang “game plan,” at matagumpay namin itong naipatupad. Sineryoso namin ang lahat ng mga laro habang nag-e-enjoy at nakikipaglaban sa iba’t ibang batches. Sana magampanan namin ang aming posisyon sa susunod na taon at lubos na masiyahan sa mga laro,” pagbahagi ni De la Cruz. Para sa dalawang kampeon, ang totoong sukatan ng pagkapanalo ay pagkaramdam ng kasiyahan sa bawat laro at pagkilala na rin sa kagalingan ng mga katunggali.
KAIZER DIVINAGRACIA
isports
TAGISAN
GALING SA COURT: Nagharap
mga mag-aaral at mga guro, kawani, at alumni
PSHS-WVC sa isang friendly men’s basketball game noong Oktubre 11, 2023 sa loob ng gymnasium. GAB BAYATE
BAGUHAN KONTRA BETERAN: Nagsalpukan ang Grade 10 at Grade 7 boys sa isang football match para sa panalo ng kanilang batch sa Intramurals 2024. Larawan mula sa SineSci FB Page