Cover
1
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
i
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Istorya sang Pandemya Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic Karapatang-ari © 2022 ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus Reserbado ang lahat ng karapatan kalakip na ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari. Inilimbag ng Panorama Printing, Inc., Lopez Jaena St., Jaro, Iloilo City 5000 Philippines Disenyo ng pabalat ni Samantha Kate A. Dellota Disenyo ng aklat ni G. June Mar C. Tejada Inilimbag sa Pilipinas
ii
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Istorya sang Pandemya Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
iii
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
A
ng nakalipas na dalawang taon, 2020 at 2021, ay tiyak na makasaysayang mga taon hindi lamang ng bansa kundi pati na ng
mundo. Dahil tinamaan at inilagay ng COVID-19 pandemic ang lahat sa ilalim ng bagong normal, nagkaroon ng mga hamon ang buhay sa lahat ng aspekto nito—personal, propesyunal, at sosyal. Tinuruan tayo nitong magpatuloy sa buhay sa tulong ng kamangha-manghang digital at birtwal na mundo nang may pagsasaalang-alang sa mga limitasyong itinakda ng pandemya. Naging puno ng galak ang mga paglalakbay sa bagong mundo, sa bagong normal, subalit ito ay tiyak na mapanghamon, nakabibigo, at mahirap para sa marami. Ang bawat isa ay may kuwentong gustong ibahagi—kuwento ng kataasan at kababaan, pagkawala at pakinabang, luha at takot, at istorya ng pagkadapa at pagbangon. Marami ang mga dapat ikuwento at ibahagi, ang dapat alamin at pag-aralan. Kaya, itong Book Project na Istorya sang Pandemya ay isang marapat na pagkakataon upang maitala ang lahat ng mahahalagang mga sandali sa kasaysayan.
iv
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pinasasalamatan ko at binabati ang mga nagsitaguyod nitong Book Project na pinamunuan ni Dr. Carlito Cerbo, Jr, kasama ang mga tagapayo ng ating mga pahayagang pangkampus na sina Gng. Marie Therese Lourdes G. Ledesma at G. Roden P. Pedrajas. Maraming salamat din sa pamatnugutan ng ating Sci-link at Banaag, mga tagaambag, mga iskolar, kalakip na ang ating mga propesyunal na tagawastong sina Dr. Maria Diosa Labiste at Dr. Pearly Jade Embajador. Dahil sa inyo, naging posible ang mahalagang regalong ito na tamang tama lang sa ika-30 taon ng PSHSWVC ngayong 2022. Nawa, ang mga kuwento sa aklat na ito ay magbigay-inspirasyon sa mga mambabasa na lumipad pa nang mas matayog at tumuklas pa lalo sa gitna ng mga pagsubok ng buhay at panahon. Taglay ang pasasalamat sa ating mga puso, maaari tayong matuto sa nakaraan, mamuhay nang buo sa kasalukuyan, at maghanda para sa mas mabuting hinaharap. Pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal!
DR. SHENA FAITH M. GANELA Campus Director PSHS-WVC
v
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
N
atutuwa ako sa pagkakalathala ng Istorya sang Pandemya na nagdodokumento ng mga karanasan ng mga mag-aaral ng Philippine
Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) ngayong malaganap pa rin ang COVID-19. Ang inisyatibong ito ay hindi lamang antolohiya ng hango-sa-totoong-buhay na mga karanasan kundi pati na ng nakakapagdulot-inspirasyong talang nagtuturo ng tibay ng loob, kalakasan, determinasyon, responsibilidad, at pagmamalasakit sa panahon kung kailan ang takot, kaguluhan, at pagkalito ay labis na umaapekto sa milyon-milyong katao at bumabaliktad ng mga buhay sa buong mundo. Ang COVID-19 na pandemya ay nag-udyok sa ating lumikha ng sarili nating sandata upang kumilos sa personal at kolektibong pamamaraan tungo sa ating kaligtasan. Ang ating kaligtasan at kagalingan ay nahaharap sa hamon ng hindi nakikitang banta, subalit pinili nating bumangon mula sa kinalugmokang mga pagsubok. Maliban sa nasa nating manatiling buhay,
vi
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ang ating moral at ispiritwal na lakas ay nakatulong sa ating kayanin ang lahat at umunlad nang may dignidad at kababaang loob. Ang mga pakikibaka at hamon sa buhay ay nagtutulak sa atin upang lalong maging malakas. Inilalantad ng mga ito ang ating kahinaan, ngunit ang parehong kahinaan ay nagpapalakas ng ating diwa upang magtiis at gumawa ng mas matalinong mga aksyon sa pagpapaunlad ng ating mga buhay. Dagdag pa, dakilang guro ang pandemyang maaaring magpalalim ng ating mga pagpapahalaga at gumabay sa atin sa ginagawang mga desisyon. Ang mga pakikibaka, hamon, at kuwento ng tagumpay ng kabataan sa panahon ng pagsubok ay nagpapaalingawngaw ng boses ng pag-asa at pasyong kailangan upang maging mabisa at epektibong mga lider sa hinaharap ng kanilang sariling mga komunidad. Binabati ko ang PSHS-WVC sa isinakatuparan nitong Istorya sang Pandemya. Isa na naman itong mahusay na gawang dapat tularan at maaaring matutunan ng iba pang mga kampus ng PSHS.
DR. LILIA T. HABACON Executive Director Philippine Science High School System
vii
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
A
ng pagbabago ay siyang tanging pinakapermanenteng bagay dito sa mundo. Subalit sa pagpasok ng taong 2020, idineklara ang pandemya
bunsod ng pagkalat ng Covid-19, at ang mundo ay nawindang. Sa bawat galaw ng mga kamay ng orasan, ang mga bansa ay parang naging kaawaawang mga biktimang paunti-unting nilalamon ng alimpuyo, hindi alam ang unang hakbang na dapat gawin sapagkat ang gobyerno at lipunan sa pangkalahatan ay hindi magkandaugaga matapos masaksihan ang mapapait na karanasan ng pagkabigo dulot ng pagkawala ng minamahal sa buhay, agam-agam, siphayo, at pagkawala ng koneksyon sa halos lahat ng aspekto ng buhay. Sa loob ng halos dalawang taon, ang mga tao ay nangangapa pa rin sa tinatawag na bagong normal, ang paraan ng pamumuhay sa gitna ng pandemya. Ang mga lockdown, social at physical distancing, pagsuot ng face masks, working from home, virtual learning, quarantine, isolation, at teleconsulting ay ilan lamang sa mga gawaing ipinatutupad para sa kaligtasan ng lahat.
viii
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga siyentipiko, ang tinaguriang shakers at movers sa larangan ng agham, sapagkat mayroon na tayong mga bakuna at medisinang pinabubuti upang labanan ang COVID-19. Ito ang nagbigay ng pag-asa sa mundong binalot ng takot. Ganunpaman, ang mga emosyonal, pisikal, sosyal, ekonomiko, at iba pang mga suliraning kinahaharap ng sambayanan ay nangangailangan din ng agarang solusyon. Kaugnay rito, aking pinupuri ang Philippine Science High School-Western Visayas Campus sa pangangasiwa ng DOST, sa kanilang inisyatibong bumuo ng aklat na pinamagatang, Istorya sang Pandemya, isang koleksyon ng mga natatanging kuwentong tumatalakay sa kabilang mukha ng siyensiya—ang sangkatauhan bilang mga indibidwal na may pakiramdam. Ang mga istoryang isinatitik ng mga estudyante ay tiyak na may malaking epekto sa ating pag-unawa kung paano hinuhubog ang makaagham na pagtugon ng mga iskolar sa mga hamong dala ng pandemya. Ang kanilang mga salaysay ay hindi lamang kawili-wili sa interes ng tao, kundi gayundin sa pamamaraan kung paano makatutulong ang sistema sa pagsasama ng agham at humanidades sa paglinang ng mga magiging lider ng bansa sa hinaharap. Pagbati sa lahat ng bumubuo sa PSHS-WVC!
FORTUNATO T. DE LA PEÑA Kalihim Department of Science and Technology
ix
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Introduksyon
Sa huli, ang pinakadakilang aral na maituturo ng COVID-19 sa sangkatauhan ay sama-samang pagharap natin sa pagsubok na ito. ~ Kiran Mazumdar-Shaw
Sa loob ng mahigit dalawang taon, ang COVID-19 na pandemyang ito ay naglagay ng buong daigdig sa isang panahon ng kawalang katiyakan at takot. Bawat isa sa paligid natin ay naapektuhan sa maraming paraan, na may iba’t ibang antas. Nang tumama ito sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2020, nataranta ang mga Pilipino. Ang mga balitang natanggap natin mula sa sari-saring plataporma ng media ay lumikha ng walang-pag-asang tagpo hinggil sa pagiging malala ng COVID-19 sa mga sawing palad na mga biktima nito. Habang nangapa ang mundo sa pag-unawa sa virus at nakipaghabulan sa oras upang makalikha ng medikal na solusyon, ang bansa ay naguluhan kung paano harapin ang pananalasa ng isang paparating na krisis. Walang ano-ano, ang estadistika ng mga kaso ng COVID-19, bilang ng mga namatay, ang paggamit ng mga hospital bed, at iba pa ay nagpakita ng nakatatakot na trend ng naghihintay na trahedya o wakas. Kasunod nito,
x
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ang normal na pamumuhay ay huminto. Ang “bagong normal” ay pumasok sa eksena. Nasuspende ang mga klase. Nagsara ang mga paaralan. Nakalockdown ang mga estudyante. At ang natira ay kasaysayan. May kahulugan ang mga pandemya sa yugto ng ating kasaysayan. Kung titingnan natin ang timeline ng mga pandemya, marami sa mga ito ang nagdulot ng pagbabago sa takbo ng kasaysayang may implikasyon sa politikal, pang-ekonomiya, sosyal, at kultural na mga aspekto ng ating mga buhay. Ang COVID-19 na pandemya ay nagdulot ng hindi hamak na kawalang kaayusan sa daigdig at ang mga Pilipino ay hindi nakaiwas dito. Kagaya ng sa nakaraan, sa panahon ng mga pandemyang ito, umiral ang mga kuwento kung paano namuhay at nakaligtas ang mga tao sa mga panahong yaon. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito ay natagpuan natin ang mga batayang pagpapahalaga at prinsipyo ng sangkatauhan. May mga kuwento mula sa mga pinuno na nagsasalaysay ng mga mekanismo sa pagkontrol ng mga pandemya. May mga kuwento mula sa mga mananalaysay na ang gawain ay magdokumento ng mga pangyayari sa nakaraan. Saanman, isinasalaysay ang mga istorya, muling ikinikuwento, ipinapasa, mula sa isang henerasyon patungo sa susunod na mga ordinaryong mamamayan. May ilang naidokumento at napreserba, habang ang natira ay nawala kasama ang kinalimutang kahapon. At ito ang dahilan kung bakit mayroon kami nitong aklat. Ayaw naming ang kanilang mga kuwento at karanasan tungkol sa COVID-19 pandemic ay maging bahagi na lamang ng kinalimutang alaala ng kanilang henerasyon. Mula sa kanilang mga salaysay at naiisip, makakakuha tayo ng ideya kung paano nila tiningnan ang pandemya mula
xi
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
sa kanilang perspektibo bilang teenagers, bilang mga estudyante, bilang mga iskolar ng Pisay. Simple man ito sa turing ng iba, may dala naman itong malalim na kahulugan hinggil sa ating mga buhay at pag-iral sa gitna ng panahon ng walang katiyakan. At bilang isang institusyon ng edukasyon, marami tayong natutunan mula sa kanila. Ipinagdiriwang ngayong taon ng PSHS-WVC ang ika-30 Anibersaryo ng Pagkatatag nito. Bahagyang hindi nga lang naging akma sa panahon dahil inaasahang ito ay masayang pagdiriwang para sa buong komunidad, kagaya ng maraming Anibersaryo ng Pagkatatag sa mga panahon bago ang pandemya. Ang tanging magagawa na lamang natin ay sariwain ang mga araw kung kailan pinahihintulutan pa ang mga pagtitipon ng komunidad, walang limitasyon sa galaw ng tao, at ang bawat isa ay masayang nagdiriwang. Sa tatlong dekadang pag-iral at pagsulong ng kahusayan at serbisyo sa taumbayan sa pamamagitan ng siyensyang edukasyon, ang PSHS-WVC ay may marami pa ring dapat pasalamatan sa kabila ng pandemya. Ang ating pamumuhay ay kumakatawan sa ating tibay ng loob bilang mga tao, komunidad, at institusyong pang-edukasyon. At ang aklat na ito ay aming paraan ng pagbabalik ng pabor sa komunidad at sa bansa, ang aming munting kontribusyon sa pagpreserba ng ating mga alaala ng pangunahing pangyayaring pangkasaysayan ng dantaon. Ito ay magiging durungawan ng kahapon sa sandaling ang pandemya ay sasapit sa kanyang wakas. Ito ang ating tulay na nag-uugnay ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng ating komunidad. At sa ating manunulat na mga mag-aaral, salamat sa pagbahagi ng inyong mga kuwento.
xii
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ang aklat na proyektong ito ay hindi maisasakatuparan kung walang suporta ng pamatnugutan ng mga pahayagang pangkampus na Sci-link at Banaag. Nagbigay sila ng karagdagang mga kuwento upang makompleto ang proyekto. Ibig naming kilalanin ang tulong na ibinigay sa amin nina Dr. Maria Diosa Labiste (editor ng mga kuwento sa Ingles), Dr. Pearly Jade Embajador (editor ng mga kuwento sa Filipino), at G. June Mar Tejada (tagadisenyo ng layout). At higit sa lahat, ang aming pasasalamat sa PSHS-WVC Management Committee na pinamumunuan ng ating campus director, Dr. Shena Faith M. Ganela sa pag-apruba ng aming budget request para sa paglathala ng aklat. Nagkatotoo ang pinangarap naming mangyari noong Humanities Celebration 2020 para sa aming Istorya sang Pandemya Storytelling Competition. At ito ang aming regalo sa komunidad sa pagdiriwang ng ika-30 Anibersaryo ng Pagkatatag nito.
Marie Therese Lourdes G. Ledesma, Sci-Link Adviser Roden P. Pedrajas, Banaag Adviser Dr. Carlito A. Cerbo, Jr, Team Lead Istorya sang Pandemya Book Project
xiii
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Talaan ng mga Nilalaman Mensahe ng Campus Director........................................................... iv Mensahe ng Executive Director....................................................... vi Mensahe ng DOST Secretary............................................................ viii Introduksyon.................................................................................... x Hagdan ng Buhay............................................................................. 2 “Okay lang” sa Pandemya................................................................ 10 Silay ng Liwanag sa Gitna ng Pangamba.......................................... 16 Para sa Ikaayo sang Tanan................................................................. 22 Ang Siyam ka Bulán nga Inulán!.................................................... 29 Dear 2020........................................................................................... 37 Isang Libong Salita ng Pandemya..................................................... 44 Pangkaraniwang Daan sa Buhay........................................................ 50 Pagpangabuhi sa Tion sang Pandemya............................................. 56 May matutunan nga ba?..................................................................... 65 Pananaw............................................................................................. 72 Pandemyang Puno ng Pagtatanto..................................................... 77 Mga Kulay ng Karanasan.................................................................. 85 Pagtawid ng mga Gawain sa Gitna ng Pandemya............................. 89 Bagong Taon, Bagong Problema?....................................................... 93 Pagharap sa mga Hamon ng Bagong Normal.................................... 98 Tao lang po Kami............................................................................... 107
xiv
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Palutang-lutang Patungo sa Silong ng Bagong Normal........................................................................ 111 May natutunan ba tayo?................................................................. 116 Naunang Lunas para sa mga Iskolar ng WVC................................. 121 Sa mga iskolar ngayong bagong normal, kaya pa ba?..................................................................................... 127 Mula sa online classes tungo sa bigong inaasahan: Ang sagabal sa mabisang pag-aaral............................. 134 Tunay nga bang epektibo ang ginawang hakbang ng Pisay?.......................................................................... 140 “Nasasakal na ako”: Ligtas na Balik Eskwela, Solusyon ba?................................................................................. 146 Mga Hadlang sa Online Classes..................................................... 153 Pag-aaral ng mga Iskolar sa Ilalim ng Bagong Normal: Madali nga ba o Mahirap?.................................. 159 Mga Salita ng isang Inip na Iskolar................................................. 165 Bagong Normal: Mga Balakid sa Likod ng Tagumpay....................................................................................... 171 Bagong pamamaraan ng pagkatuto ng iskolar ng Pisay, epektibo nga ba?.................................................. 176 PANDEMYA: Aral sa Gitna ng Pagsubok...................................... 182
xv
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p8usxbb
1
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Hagdan ng Buhay Ni Ellen Faye Ann P. Yabut Grade 10-Tau
Isa. Malapit ka na, Iska. Konti na lang. Dalawa. Dugo’t pawis ay sadyang napawi nang natatanaw ko na ang huling hagdan. Hinga ng malalim, Iska. At tatlo. Aray! Ako’y natumba, nahulog pabalik sa kaila liman ng hagdan. Ngunit mas masakit ang damdaming magsisimula muli kumpara sa hapdi ng pinsalang natamo. At ang tuktok ay naging pangarap na lamang. Dalawang taon na ang nakalipas mula noong kinamuhian ko ang katotohanang malayong-malayo pa pala ako sa ginintuang tuktok na ginawa kong mithiin– isang dahilan ng aking pagkabuhay.
2
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Musmos pa lamang ay itinanim na sa aking munting isipan na ang isang tao ay mamahalin lamang kung siya ay hindi bababa sa pagiging perpekto. Igagalang ka kung nasa pinakamataas kang estado ng lipunan. Ituturing kang kaibigan kung marami kang koneksyong tiyak na magagamit nilang tulay sa ibang tao. Mas tatanggapin ka kung ikaw ay mabikas, matalas, at mapagbigay. Kaya naman, ang munting Iska na walang ibang gusto kundi ang mahalin siya ay nagbihis bilang ibang tao. Itinago niya ang tunay niyang balat sa likod ng isang maskarang magkukubli sa totoo niyang pagkatao– sa sariling akala niya’y agad na huhusgahan ng kanyang paligid. Sa panahong iyon, ang aking inosenteng Iska ay nagsimulang mamuhay sa isang hamak na pangarap: ang makamit ang tuktok na walang paroroonan. Kawawang Iska. Ni ideya ay wala man lang siyang alam na ang pangarap na ito ang mismong wawasak sa kanya hanggang siya ay magiging pirasong na lamang na naghihintay mabuo muli. Isa ang pandemya sa mga yugtong pinakahumamon sa aking pagkatao. Araw-araw ay tila isang pagsubok na kailangan kong malagpasan. Pilit akong humahakbang sa bawat pagtaas ng hagdan, ngunit nakikita kong hindi naman ako gumagalaw mula sa aking kinaroroonan– mas nakatatakot isipin kung baka hindi na talaga ako sumubok na humakbang pa at pinili na lang ang sumuko. Parang ako ay nabitag ng isang halimaw na hinihintay lamang ang tamang hudyat na ako’y silain. Nakakapagod ng lumaban para lamang makatakas sa
3
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
mapait na yugtong dala ng pandemya. Bawat umaga ay isang laban na makabangon– isang labang patuloy na huminga at hanapin ang tadhanang itinakda sa akin. Kailanma’y hindi ko itinangging mahirap ang buhay-iskolar sa Pisay. Mas mabigat ang kurikulum, at mas nakauubos-oras ang mga pagsasanay. Bawat panahong ginugugol sa mga aralin ay isang pagsubok ng isipan at mental na kakayahan. Ngunit hindi lamang ito dahil sa mga nakapapagod na mga gawaing kailangan kong isumite, kundi dahil na rin sa realidad na kinakailangan kong lunukin. Sa Pisay, maraming istorya ang iyong mabubunyag. Sari-saring kuwento ang iyong matutunghayan sa bawat sulok ng kampus. Minsan nga mabibigla ka na lang na ikaw na pala ang bida ng kanilang pinaguusapan. Iba’t iba man ang aming pinanggalingan, isa lamang ang bagay na sigurado. Lahat ng nasa Pisay ay higit na matalino. At iyan. Aking aamining nakapapanghinang isipin ang katotohanang hinding-hindi ko matatakasan. Tila isang nakagigimbal na suntok sa perpektong pagkatao ni munting Iska. Nang kami’y kinulong sa aming tahanan dulot ng pandemya, kinakailangan naming mabatid at makapag-adjust sa bagong pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto. Bilang isang mag-aaral na medyo mas mabagal makapagunawa ng mga aralin, walang duda na nahirapan ako sa mga panahong ito. Kailangan kong mamalagi sa harap ng aking kompyuter nang humigit-kumulang labinlimang oras, lalo na kung gugustuhin kong mapagtagumpayan ang aming mga pagsasanay. Kinamuhian ko
4
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ang ideyang nakikipagpaligsahan lamang ako sa iba– na parang nakadepende ang aking halaga sa kung paano ko sila malalampasan. Ngunit sa aking pagmumuni-muni, mas naawa ako sa aking sarili, sapagkat hindi ko na namalayang namahala na sa aking isipan ang mga negatibong pananaw ko sa buhay. Aking napagtanto na hindi kompetisyon ang tunay kong nakatagong hangarin, sapagkat higit sa lahat, nais kong mapatunayan sa iba at lalo na sa aking sarili na ang totoong anak, mag-aaral, at kaibigan sa likod ng ‘perpektong’ Iska ay kamahal-mahal din. Ngunit anumang dilubyo ng damdamin ang bumubuo sa aking kalooban, hindi ako makahingi ng tulong. Gustohin ko man, ayokong makadagdag pa sa problema ng iba. Talagang nakatutulig ang katahimikan, lalo pang nakakulong ang damdami’t isipan sa yakap ng karimlan. Ang mga basag na piraso ni Iska– ang kanyang kapintasan at lamat ng pagkatao– ay unti-unting nagiging bangungot sa akin. Ang nagpapanggap na matapang ay dahan-dahang nalulukot. Ang naghahangad ng perpekto ay sadyang nagiging kasalungat nito. Ang hapdi ng ideyang hindi magiging sapat ang totoong ako ay paulit-ulit na bumubuwag sa aking kalooban. Ang perpektong imahe ni Iska na aking binuo ng ilang taon mula sa pagkabata ay unti-unti nang nawawasak. Gayunman, hindi ko hinayaang magpatalo lamang sa mga laban ng aking buhay. Kung meron man akong natutunan sa labinganim na taon kong pakikibaka, iyon ay ang paghasa at pagsiklab
5
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ng lakas ng loob. Sa bawat kritisismo at tulak sa akin, sa bawat pagkatalapyok sa hagdan, parating madidinig ng aking mga tenga ang isang bulong na nagsasabing ako’y dapat tumayo, dahil kung hindi, ay baka ‘di na ako makakahakbang pang muli. Kaya tulad ng nakaraan, ako’y tumindig na may hindi inaasahang lakas ng loob at higit na tiwala sa sarili. Inumpisahan ko ang personal kong pagbabago– positibong pagbabago– sa pagtanggap ko sa aking tunay na pagkatao. Niyakap ko ang mga kamalian at mga bangungot sa aking kuwento. Kinaibigan ko ang totoong ako, at unti-unting kinalimutan si ‘perpektong’ Iska na aking binuo sa mahabang panahon. Ngayon, nakikita ko sa salamin ang basag na anak, kaibigan, at mag-aaral; ngunit, sa parehong salamin, mas nakikita ko ang anak, kaibigan, at mag-aaral na determinadong magbago para sa kanyang sarili, para sa kanyang pamilya, at para sa mga taong kinaiingatan niya. Nakikita ko ang isang mandirigmang nahulog at hindi na nakaangat pa sa hagdan; ngunit, mas nakikita ko ang isang mandirigmang handang tumayo at lumabang muli. At sa pagkakataong ito, alam kong ako’y humakbang ng isang hagdan pataas. Upang higit na matanggap ang kakulangan at kapintasan ng mga nilalang sa mundo, kinakailangan kong maunawaan ang istorya ng ibang tao. Kaya naman, nagtiyaga akong sumali sa mga organisasyong itinatag ng mga aktibong kabataan. Ang mga organisasyong ito ang nagsilbing espasyong tumiyak na
6
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ako’y ligtas at nababagay. Dito ko nakilala ang mga taong ‘di ko kadugo ngunit itinuring ko ng pangalawang pamilya. Dito ko malayang naipahihiwatig nang walang bahid ng panghuhusga ang mga karaingang bumubukal sa aking kalooban. Dinig ko ang mga kuwento ng pagsubok at pagbangon ng iba kong kasama, at dito ko napagtantong kailanma’y hindi ako nag-iisa. Ang bawat nilalang ay may kahinaang tinatago, pero ang tapang ng diwa at damdamin ay mas malakas kumpara sa kahinaang humihila sa atin pababa ng hagdan. Nagpapasalamat ako sa mga organisasyong aking naging tahanan, sapagkat dito ko nakilala ang mga taong handang maging kalasag ko sa mga panahong nawawalan na ako ng pananalig sa sarili. At sa pagkakataong ito, aking nabanaagan ang liwanag ng pagasa sa gitna ng karimlan. Sa huli, nais kong maging instrumento sa aking kapwa, lalo na yung mga napanghihinaan at ang mga nahuhulog din sa kanilang hagdan. Dahil naranasan at napagtagumpayan ko ang parehong yugto, gusto kong maging gabay para sa mga nabibitag nito. Hindi tulad dati na pilit nag-aanyong ibang tao, sa kasalukuyan ay gusto kong maging isang kaagapay– isang taong ginusto kong dumamay sa akin sa mga panahong iyon. Dulot nito, naging masigasig ako sa pagpapaunlad ng mga kampanyang nagtataguyod ng mental health. Nakiisa rin ako sa mga proyektong nakatakdang tumulong sa mga kabataang nasa laylayan at sa mga nangangailangan pagkatapos ng sakuna. Isa sa mga isinagawang inisyatibong lubos kong
7
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ipinagmamalaki ay ang aming donation drive para sa mga batang may kanser. Hindi ko inakalang may kakayahan kaming mangalap ng higit sa sapat na tulong pinansiyal para sa mga bata. Napawi lahat ng pagod at puyat bunga ng aming paghahanda nang makita namin ang di-mapapantayang sigla ng ngiti at ningning ng mga mata nila. At sa isang saglit, napagtanto kong sa isang aspeto, ang kanilang pagsubok ay likas na mas mapanghamon kumpara sa akin. At dahil may pagkakataon akong tulungan sila, pinili kong sumali sa laban nila kontra kanser– pinili kong maging liwanag sa kanilang karimlan. Hagdaan pataas. Hagdan pababa. Anumang istorya ang itinadhana sa atin, ‘di natin maiiwasang madapa sa hagdang ating hinahakbangan. Minsan, tayo’y naguguluhan at ‘di na namamalayang pansamantala na pala tayong huminto. Ang hagdan ng buhay ay walang natutuklasang hangganan o tuktok. Subalit, hindi ibig sabihin nito ay walang kahulugan ang ating paglalakbay. Katulad ng pandemya, ang ating paglalakbay ay siyang nagdadala ng pinakamatibay at pinakamahinang bersyon ng ating pagkatao. Ang hagdan ay hindi madaling hakbangin. Minsan, may mga patalim na sinusugatan ang mga paa. Ngunit anuman ang mangyari, ang pinakamahalaga ay muli tayong tatayo at magpapatuloy sa lakbay ng panahon. Kung may kinakapitang pamilya, pananalig sa sarili, at pananampalataya, ang bawat musmos na nakatago sa likod ng kanilang Iska ay kakayanin ng lumabas at magtagumpay sa hagdan ng buhay.
8
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p8usxbb
9
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
“Okay lang” sa Pandemya Ni Bea Reyjoyce H. Sendico Grade 9-Beryllium
Kung ako ay tatanungin kung kumusta ako ngayong may pandemya, palagi kong sinasagot na okay lang ako. Ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘okay lang?’ Isang nakahahawang sakit na tinatawag na COVID-19 ang nagdulot ng karimlan sa buhay natin. Marami ang nagkasakit, nawalan ng kapamilya o kaibigan, at ang pinakamasakit ay may mga tao ring namatay. Narito ang istorya ng aking buhay ngayong may pandemya. Ikalabintatlo ng Marso 2020, nagdeklara ang alkalde ng lungsod ng Iloilo na si Mayor Jerry Trenas na masususpende ang mga klase sa loob ng labing-apat na araw. Noong narinig ko ang balita, ako’y lubos na naging masaya dahil magkakaroon na ako sa wakas ng oras sa aking sarili at pamilya. Makakalaro na rin ako sa aming mga alagang aso at 10
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
pusa. Magkakaroon din ako ng oras upang makapag-aral nang maaga sa susunod naming mga leksiyon sa klase at sa panonood ng paborito kong mga pelikula. Ngunit iyon lang pala ang akala ko. Akala ko labing-apat na araw lamang iyon, sapagkat na-lockdown ang lungsod at pinahaba ang pagsuspende ng klase. Hanggang umabot na ito ng ilang araw, linggo, at buwan. Dito na namulat ang mga mata na hindi na pala ito normal. Sa bawat patak ng oras ay naalala at nami-miss ko ang mga kaklase, guro, at kaibigan ko dahil matagal na kaming ‘di-nagkita-kita. Naalala ko ang aming silid-aralan, mga tawa ng mga kaklase ko, mga taong palaging pumupunta sa gym upang makita ang kani-kanilang crush, mga taong pumupunta sa silid-aklatan upang magpa-aircon, mga taong pumupunta sa bakerite tuwing tanghalian, at marami pang iba. Ikalabing-apat ng Abril 2020, naisipan ng pamilya kong magpinta ng pader sa aming bahay. Hindi talaga ako magaling sa pagpinta ngunit sinubukan ko pa rin. Nagpinta kami ng mga bulaklak, kahoy, at marami pang iba. Hindi ko man maipagmamalaki yung naipinta ko ay napakaganda naman ng karanasang iyon. Habang pumipinta kasi kami ay puno lamang ng tuwa ang aking nadarama. Ikasiyam ng Mayo 2020, ito ang kauna-unahang kaarawan ko habang may pandemya. Hindi man makakapunta ang aking mga kaibigan at kapamilya ay itinuloy pa rin namin ang pagdiriwang. Dahil nga walang ibang taong makatutulong sa pagluto at hindi rin namin isinasaalang-alang ang paghahatid ng pagkain dahil may pandemya, ay napilitan kami, kami mismo ang magluluto ng mga putahe. Ako
11
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
at ang aking nakatatandang kapatid na babae ay nagluto ng mga pagkaing panghimagas at ang nanay at tatay ko naman sa mga putahe. Napakasaya namin dito at sigurado akong hindi ko malilimutan ang karanasang iyon. Hunyo hanggang Agosto ng taong 2020, unti-unting nababawasan ang aming naipon sa pagbili ng mga pagkain at mga kailangan sa bahay kaya’t napaisip kami na gumawa ng pots para sa mga halaman. Kami rin mismo ang nagpinta at ibinenta rin namin ang mga iyon. Sa katunayan ay gumawa rin kami ng facebook page, ang ReyJoyce Pots n Crafts. Hindi man iyon naging matagumpay ay nagkaroon naman kami ng pagkakataong matuklasan ang aming talento sa paggawa ng mga pots. Noong Septyembre sa taong 2020, nagsimula na ulit ang klase ngunit ang aming naging silid-aralan ay ang aming bahay at nakikita lamang ang mga guro at kaklase sa pamamagitan ng gadgets. Nanibago ako sa istilo ng pagtuturo sa amin sapagkat mayroon ng “monitoring session” at “consultation session.” Ang aming klase ay pinaghalo na online at modular na pag-aaral. Ikalawa ng Agosto 2021, natanggap ako sa isang organisasyon sa Pilipinas na tumutulong sa mga mamamayan dito. Ang organisasyong ito ay tinatawag na Project SMILE dahil ang layunin namin ay makapagbigay ng mga ngiti sa mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga donasyon para sa nangangailangan at gumawa ng mga webinar
12
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
para mas malaman ng mga tao o mapahusay ang kanilang kaalaman tungkol sa ating mundo ngayon. Sa katunayan ay hanggang ngayon miyembro pa rin ako ng napakagandang organisasyong ito. Setyembre ng taong 2021, masasabi kong ang mga buwan na ito ang napakalungkot. Mayroon kaming pitong alagang aso sa bahay. Nagkasakit ang isa at namatay, Vita ang pangalan, siya ang masasabi kong pinakamabuting aso sa kanilang lahat. Nasagasaan ang pinakapaborito kong aso sa harap ng aming bahay, Solo naman ang kanyang pangalan. Kinabukasan, namatay din ang isa pa naming aso, Coco ang kanyang pangalan. Pagkalipas ng ilang linggo ay namatay ang pinakamatanda naming alagang aso na si Juan De. Sumunod na namatay ang alagang Japanese spitz namin na si Yassi dahil siya ay nagkasakit matapos namatay ang kanyang kapatid na si Coco. Pagkalipas ng ilang linggo ay namatay ang pinakamaliit naming alagang aso na si Tiny sapagkat siya ay nagkasakit. Puno ng lungkot ang aking puso sa mga panahong iyon. Lalo na’t ako mismo ang nag-aalaga sa kanilang lahat sa mahigit kumulang walong taon. Ngayon ay isa na lamang ang natira sa mga aso namin. Nobyembre ng taong 2021, katatapos ko lang kumuha ng aming pagsusulit sa unang markahan ay nabalitaan naming namatay ang kapatid ng aming lolo. Ang nanay naman ng aking inay ay may sakit na kailangang operahan. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at sa mga taong tumulong sa amin sapagkat naging matagumpay ang operasyon.
13
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Disyembre ng taong 2021, ito ang tinatawag kong yugto ng paghilom. Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa rin ang aking pamilya sa lahat na sinapit namin ngayong may pandemya. Maraming mga pagbabago ang epekto ng pandemya sa buhay nating lahat. Nalilimitahan na ang paglabas ng mga tao sa kanilang mga tahanan. Kaya’t napakahirap kung ikaw ay magkakasakit dahil ang mga ospital ay palaging punong-puno ng mga pasyente. Ang mga estudyante ay sa bahay na lamang nag-aaral. Marami rin ang nawalan ng trabaho ngayong pandemya. Tuwing lalabas ay kinakailangang sumuot ng face mask at face shield. Kailangan ding lumayo ng isang metro sa isa’t isa. Paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol ay kinakailangan rin. Dito na tayo bumabase sa ating kaligtasan sa pang araw-araw. Kaya’t ano nga ba ang ibig sabihin ng ‘okay lang?’ May mga masasayang araw at malulungkot na araw ang dadating sa buhay natin. Sa mga panahong ito ay dapat nating tandaan na ang Diyos ay palaging nasa tabi natin. Huwag din nating kalimutan na magpasalamat sa lahat ng ating pinagdaanan dahil iyon ang naging dahilan kung paano tayo naging matatag. Okay lang, may mga panahong puno ng saya at may mga panahong puno ng lungkot. Okay lang, huwag susuko. Patuloy ang buhay.
14
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p8psmsr
15
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Silay ng Liwanag sa Gitna ng Pangamba Ni Jillian M. Pastrana Grade 11-Vega
Kapag aking ginugunita ang panahon nang tuluyang lumaganap ang Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas, palaging sumasagi sa aking isipan ang araw ng Marso 13 ng taong 2020 – ang unang araw ng pag-anunsyo ng implementasyon ng lockdown sa bansa. Ang buong akala ko ay mayroon lamang dalawang linggong pagkansela ng klase sa Iloilo, at nagsaya pa nga dahil magkakaroon pa kami ng mas maraming oras na mag-ensayo para sa dula sa El Filibusterismo. Hindi ko noon lubos na sineryoso ang bagong sakit na ito, ngunit sinong mag-aakalang ang dalawang linggong iyon ay tatagal na ng halos dalawang taon?
16
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Hindi maiiwasan na sa mga unang buwan ng lockdown, inip na inip ang lahat dahil tila bago sa pakiramdam ang walang trabaho o mga takdang araling inaalala. Wala na nga akong ginawa kundi ang kumain, gumawa ng gawaing-bahay, manood ng TV, mag-cellphone, at saka matulog. Mas gugustuhin ko pa ngang mag-aral at pumasok na lang sa paaralan kaysa tumunganga lang sa bahay buong araw. Subalit marahil ang isang pandemya sa gitna ng abalang mundo ay upang tayo’y huminto muna, magkaroon ng oras magpahinga at magnilay-nilay o hindi kaya’y gawin ang mga bagay na hindi natin magawa-gawa. Una sa lahat, nakapag-ipon ako mula sa aking natatanggap na buwanang stipend. Naging limitado ang lahat ng aming mga gawain sa loob ng bahay, kaya nabawasan ang gastusin ng aking pamilya. Hindi ko na kinailangan pang maglaan ng pera para sa aking paglalakbay, pagkain, at pansariling mga gastusin sa Iloilo. Dahil dito, nagkaroon ako ng mas maraming pagkakataong manatili at makipag-bonding sa aking mga pinsan at kamag-anak na matagal ko nang hindi nakasama. Movie marathon, sleepover, picnic, pagtiTiktok, at paglaro ng volleyball at badminton ang ilan lamang sa mga aktibidad na ikinatuwa naming gawin. Nasubukan ko ring magehersisyo, gumuhit, tumugtog ng ukulele, mag-cross-stitch at matuto ng mga kanta at sayaw. Bumalik ang aking pagkawili sa KPop na isa sa mga naging sandalan ko sa mga oras ng pagkalugmok at pinagkukunan ng inspirasyon sa araw-araw. Sa unang pagkakataon
17
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
din ay nakadalo ako sa Simbang Gabi. Ipinatupad ang curfew na nagbabawal sa lahat na lumabas sa itinakdang oras upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa lugar. Nakakapanibago nga lang ang nakabibinging katahimikang bumabalot sa aming pamayanan at hindi ko mawari kung ako ba ay masisiyahan o malulumbay dahil wala ng ingay o gulo na bumabagabag sa tuwina. Sa kabila naman ng pandemya, ipinagpatuloy pa rin ang nalalabing tatlong buwang klase ng taong panuruan 2019-2020 sa pamamagitan ng isang Bridging Program mula buwan ng Hulyo hanggang Agosto. Nagsilbi na itong pagsasanay sa mga mag-aaral at guro para sa aktwal na implementasyon ng Blended Learning sa susunod na buwan. Nagkaroon ng mga maiinit na diskusyon tungkol sa bagong pamamaraang ito ng pagtuturo subalit tinanggap na lang at nakasanayan na rin ito ng mga mag-aaral, mga guro, at mga magulang. Tiyak na nagpahirap sa akin ang mahinang Internet o signal sa amin, at ang nakakapagod at tila walang hanggang pag-aaral. Gayunpaman, ang lahat ng pagsubok na iyon ay kapalit din ng aking pagtanggap ng kauna-unahang Director’s List award. Nakakatuwang natapos ko rin ang Science Immersion Program (SIP) na isang requirement bago magtapos ng sekondarya. Nakatulong itong madagdagan ang aking kaalaman at kakayahan sa Pisika at maihanda ang aking sarili para sa senior high school at sa Research.
18
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pero syempre, hindi palaging masaya ang takbo ng isang kuwento. Ang pagkakakulong sa apat ng sulok ng aming bahay ay siyang mas nagpababa ng aking kakayahang makipag-ugnayan sa ibang tao. Hindi ko maiwasang mailang sa paligid ng iba, kahit man lang sa mga virtual classroom. Minsan ay mas nanaisin ko pa ang mag-isa kaysa makihalubilo sa aking mga kaklase at kaibigan. Maaaring naidulot ito ng aking labis na pagkababad sa tambak-tambak na mga akademikong gawain, na sa halip na sumama ako sa mga gala, pagkikita sa aking mga kamag-anak o simpleng pagpapahinga ay tinatanggihan ko hangga’t hindi natatapos ang mga takdang aralin. Ituring man itong pagmamalabis ngunit makailang beses na itong nangyari sa akin. Naroon din ang pangamba dahil marami sa aking mga kamag-anak at kakilala ang tinamaan ng COVID-19. Mangilan-ngilan naman ang binawian ng buhay dahil dito at sa iba pang malulubhang mga sakit. Hindi man lahat inaasahan ngunit wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang mga masasakit na pangyayaring ito. Dumaan din ang mga sakuna kagaya ng bagyo na mas lalong dumagdag sa kahirapang dinaranas ng lahat. Naapektuhan marahil ng mga ‘di-kaaya-ayang pangyayaring ito ang aking tiwala sa sarili. Naroon ang pagdududa, pangungwestyon at pag-aalala. Bakit ko ito nararanasan? May kasalanan ba ako? Kakayanin ko ba itong malampasan? Ang mga tanong na ito ang namuhay nang matagal sa aking puso’t isipan.
19
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ngunit ang lahat ng ito ang lalong nagpatatag sa akin. Ipinapaalala ng mga ito ang kahalagahan ng bawat oras na buhay ako at nakakasama ko ang aking mga mahal sa buhay. Natuto rin akong makiramay sa nararamdaman ng iba lalo na at alam kong pare-parehong tayong nagdurusa sa pandemya. Naging mas mature ang aking pag-iisip dahil sa aking mga natutuhan at mga napagtanto sa bawat kasiyahan at kalugmukang dinanas ko sa gitna ng pandemya. Binabawasan ko na ang pagrereklamo at pangungwestyon dahil mas malaki ang pasasalamat ko na ligtas at maayos kami hanggang ngayon. Ipinatatag ng mga pagsubok na ito ang aking pananalig sa Diyos. Sinisikap kong lumayo sa mga negatibong pag-iisip at sa halip ay hinahanap ko ang pag-asa sa lahat dahil alam kong may plano Siya sa atin. Palagi kong ipinapaalala sa aking sarili na lahat ng bagay ay nangyayari nang may kadahilanan. Kahit na ang COVID-19 ay nauugnay sa mga negatibong paksa, nakatulong din naman itong makamtan ko ang aking mga layunin at pangarap sa buhay. Nakatutuwang pagnilayan ang mga naging karanasan ko mula nang lumaganap ang pandemya at ikumpara ito sa mas maganda ng sitwasyon ngayon kung saan tayo ay unti-unti nang nakakabangon mula sa pagkalugmok. Kaysarap ipagmalaki sa mga susunod na henerasyon na nakayanan kong malagpasan ang COVID-19 na pandemya. Sana ito na ang simula ng kaayusan ng lahat hanggang sa makabalik tayo sa ating normal at nakagawiang pamumuhay.
20
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/33ch5p83
21
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Para sa Ikaayo sang Tanan Ni Elisha L. Eusebio Grade 11-Sirius
Ringgg!!! Classes are suspended indefinitely. The President has declared the country under a public health emergency due to the spread of the Coronavirus Disease.” Amu ini ang pinaka-ulihi nga gin-anunsyo sa mga iskolar sang Marso 13, 2020. Amu man ini ang pinaka-ulihi nga adlaw namon sa “Pisay” sang nagligad nga tuig. Naga-sinamo lang ang emosyon nga amon ginbatyag. Wala kami kabalo kung dapat bala kami nga mangasubo tungod nga indi kami anay kakilit-anay ukon mangalipay tungod makapahuway kami sa mga tulun-an. Madumduman ko pa nga sang amu ini nga adlaw, may inugpasa pa kami sa research pero biskan gapalak na kami tanan sang ubra, wala gid namon napunggan 22
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ang amon nga mga tagipusuon nga magbatyag sang kasubo, kaakig, kag kabalaka tungod sa mga gakalatabo sa kalibutan kapin na gid sa Pilipinas. May mga iskolar nga naghibi, nagkadlaw, kag may iban man nga daw wala lang labot. Isa ako sa mga naghibi tungod nga nahibaluan ko nga madugay pa ko liwat makabalik sa eskwelahan kung diin ko mas nakilala ang akon kaugalingon. Isa ako sa mga iskolar nga indi taga siyudad sang Iloilo. Amu ina nga pagkatapos mag-anunsyo si Sir Lando nga suspendido ang amon mga klase, gindali-dali ko na tapos ang akon mga inugpasa para matigayon nga makapauli na ako sa Bacolod. Nagatulo man ang akon luha samtang gapanghimos ako sang akon mga kagamitan sa dorm, kinahanglan ko man gihapon maghulag kay may pamilya ako nga nagahulat kag nagapanumdom sa akon. Bisan grabe na gid ang kasubo ko kay basi indi na kami makakilit-anay liwat, wala man ako sang iban nga mahimo. Pagpana-og ko halin sa dorm, nakita ko ang akon mga abyan nga nagahulat sa akon. Sang galakat kami pakadto sa guard house, ginapunggan ko lang ang lawas ko sa paghibi kay indi ko man gusto nga magbatyag sila sing kasubo. Sang nag-abot na ang taxi nga madul-ong sa akon sa pier, isa-isa ko na nga ginhakos ang akon mga abyan. Daw indi ko pa gusto magbuya sa ila pero kinahanglan gid. Sang nagtalikod na ako kag nagsakay sa taxi, didto na ‘nag-ulan’. Nag-ulan na sang luha halin sa akon nga mga mata. Wala ko na gid napunggan ang akon nga ginabatyag. Ginapanumdom ko na lang nga
23
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
para man ini sa amon nga ika-ayo. Samtang gabyahe, naga sige lang ako ka pangadi nga kabay pa makabalik kami sa sunod nga semana para sa amon prom. Sang nagapila na ako sa pier para magbakal sang ticket papauli, nabasahan ko nga gindeklarar na ni Mayor Jerry Treñas nga suspendido ang mga klase sugod Marso 16 tubtob Marso 29. Nadugangan pa gid ang akon kasubo tungod nga indi na madayon ang amon dugay na nga ginpangabudlayan nga prom. Sa liwat, ginpanumdom ko na lang nga para man ini sa ikaayo namon nga tanan. Pagkatapos sang isa ka oras nga biyahe, nakapauli naman gid ako sa akon pamilya sa Bacolod. Nalipay gid ako nga maka-upod na ako liwat sa ila sa mas malawig nga panahon pero indi man gihapon makakas sa akon paminsaron nga madugay pa antis ako makabalik sa Iloilo, maka-upod sa akon nga mga abyan, kag makabalik sa “Pisay”. Naglipas ang Abril, Mayo, Hunyo, kag Hulyo nga ara lang ako sa amon balay. Nagasulit-sulit lang nga magbugtaw, makaon, matambay, kag matulog naman. Madasig lang nga gakatapos ang mga inadlaw tungod nga wala man ako sang mga bug-at gid nga ulubrahon. Nagapaninlo man ako kag nagapanghimos sang amon nga balay pero permi man ako gihapon nga gatanga lang sa kisame namon sang sige kapanumdom kung ano naman ang manami nga ubrahon. May iban
24
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
man nga gab-i nga indi gid ako katulog. Kasaw-a lang nga sa apat ka bulan, wala ko gid ang akon mga abyan na-istorya nga naga-atubangay. Nahidlaw gid ako sa amon mga lagaw kada tapos sang amon mga exam. Sang amu sadtu nga mga tini-on, nadugangan pa gid ang akon kasubo kay wala man nadayon ang amon “culmi” nga dapat ginhiwat sang Mayo. Apang para indi na maglain pa gid ang akon nga buot, ginpanumdom ko na lang liwat nga para man ini sa ikaayo namon nga tanan. Nag-abot ang Agosto kag Setyembre. Nabuhinan na ang akon nga kasubo kay tungod mabalik na kami liwat sa pagtambong sa klase. Bisan sa online man lang kag daw masal-an na ako nga buang nga naga-sige ka istorya sa screen sang laptop ko, nalipay man ako gihapon kay makita ko na liwat ang akon mga abyan bisan kadali lang sa isa ka adlaw. Nagbalik man ang balatyagon nga gapalak ko liwat sa pagpasa sang mga inugpasa ko kada mag-abot ang mga deadline. Kasaw-a man sa una kay tungod naanad na ako nga gatambay lang sa balay pero mas kasaw-a nga nahidlaw ako nga mastress tungod sa mga tulun-an. Samtang gasige na liwat ang amon nga mga klase, nakigbagay na ako sa bag-o nga plastada sang akon kabuhi. Abi ko maayo na ang tanan kag mapadayon na ang pag-uswag sang kalipayan sa akon nga kasingkasing pero akon lang gale ini nga paghandum.
25
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Huo, nalipay gid ako nga magtambong liwat sa klase. Dako gid nga kasadyahan ang pag-atubang ko sa akon mga bag-o nga abyan subong nga Grade 11 na ako galing daw may sala? Ngaa daw nagbugat ang akon nga dughan? Ngaa gatulo ang akon nga luha bisan wala man ako sang may mapaminsaran nga rason? Ano gid bala ang akon tuod tuod nga ginabatyag? Indi ko na gid ya maintindihan. Para gid man bala ini sa amon nga kaayuhan? Madasig lang nga naglipas liwat ang mga inadlaw. Naglabay ang Oktubre nga daw hangin lang sa akon panulukan. Subong, Nobyembre na ang akon gina-atubang. Gasige man gihapon ang amon mga klase pero sa kadugayon nga laptop na lang gid ang akon kaupod halin alas otso sang aga asta na nga mag-kaagahon, tungod sa pag-ubra sang mga inugpasa kag sang pagtuon sang akon mga tulun-an, nagabot ang balatyagon nga wala ko gid gina-expectar nga maga-abot, ang mas madalum pa gid nga kasubo. Isa ka adlaw, napaminsaran ko nga mamalandong. Nagpungko ako sa sulod sang akon kuwarto nga ako lang isa. Ginpanumdom ko liwat ang tanan nga nagkalatabo halin sa paglunsad sang lockdown asta sa subong nga adlaw. Sa padayon ko nga pagpaminsar, didto ko nabinagbinagan nga indi man lang ako ang nagabatyag sang kabug-at sa akon nga tagipusuon. Tanan nga mga estudyante pati na ang mga maestra namon nabudlayan man sa sitwasyon sang kalibutan naton sa
26
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
subong nga panahon sang pandemya. Didto ko man na-intsindihan nga bisan damo malain kag masubo nga nagkalatabo, may ara man gihapon sang mga dapat nakon pasalamatan: ang pamilya ko nga naga-atipan kag nagapalangga sa akon, ang mga abyan ko nga ara lang da permi para magpamati sang akon mga labay-labay nga istorya, kag ang aton Ginoo nga nagahatag sa aton sang seguridad kag paglaum nga may katapusan gid ang tanan naton nga mga problema. Madamo gid gindala ang pandemya sa aton mga pangabuhi. Gulpi man nga na-untat ang aton nga mga naangdan, indi ni dapat mangin rason nga mawad-an na kita sang paglaum sa kabuhi kag sang gana nga magpadayon pa. Tungod sa pandemya, nagtatak gid sa akon paminsaron nga wala ako naga-isahanon. Ara gid ako sa maayo nga kahimtangan kay may ara ako sang pamilya, mga abyan, kag mga maestra nga gatuytoy permi para sa akon kaayuhan. Isa pa, bisan madamo malain kag masubo nga nagkalatabo kag ginahanduraw ko na lang ang mga tiyempo nga nagasinadya kami sa “Pisay”, madamo ako gihapon sang rason nga mangin malipay. Isa na dira nga ari ako di gihapon, buhi kag negatibo sa COVID-19 virus, nagapadayon sa akon nga pagpangabuhi kag sa paghatag sang inspirasyon sa iban pa nga mga lamharon sa paagi sang pagsulat sang istorya nga ini.
27
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/4jh3vthf
28
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ang Siyam ka Bulán nga Inulán! Ni C-Sar Mart P. Aguirre Grade 12-Archimedes
Nag-ulán! Nag-ulán! Ginkansela gid ni Treñas kag Defensor ang klase, lima ka bulán. Nagpundo kamí, kamó, kitá tanán Kag nagdaralagan sa aton tagsa-tagsa nga mga puluy-an, Para may atóp nga masirungan Sang nag-abot ang pwerti kadamol nga ulán. Wala gid ta gilayon nagkabalaka Kabalak-an mo gid nga isa lang man na sia ya ka semana. Talithi lang na ya, talithi nga manaya-naya! Apang nag-abót isa, duha, tatlo, tubtob siyam ka mga binulán, Ang ulán, wala sa gihapon naghagan-hagan! Nagkusog pa gid sia ya! Sus! Katudo-tudo sang pahuyop sang hangin sa akon banggerahan, Kag ang pagbundak sa gwâ sang ulán. 29
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pwerti ka gal-om, gabinundak lang! Ka-itúm sang mga panganod daw bulî sang kalán. Wala na klaro kon san-o matapos Pila pa ka bulán ayhan? Ang aton pag-antus sa ulan? Indî gid kuno magsulay kay ikaw trangkasuhon. Ti, namurungkot na lang ko, halin aga asta maghapon, Naka samra kag kalo para indî pagsip-unon Naga-inóm ininit kag salabat para indî pag-ubohon. Indî gusto maghulag, indî gusto magbangon, Kay pwerti kalamig kag kakusog sang hangin, daw akó mismo paliron! Pagbukas sang balità, sa TV man ukon radyó, Wala man sang may gasiling nga may bagyó? Wala kuno ulán? Indî bala nila makità ang mga kilát nga gakurit sa kalangitan? Indî bala nila mabati-an ang pwerti kakusog nga mga dagu-ob, gasininggitan? Wala sila gakabasà sang ulán? Hambal sang Estados Unidos, ini kuno tsismis lang halin sa Tsina. Kontra partido, ginapakamalain lang gid ang presidente nila Hambal sang Italya, wakak lang ni kuno ya sang medya Tungod sang ulan, untaton gid ya ang ekonomiya?
30
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pero anó ni?! Pilipinas! Subra kwatro-siyentos mil na ang naanod, gakapay-kapay sa bahâ. Otso mil kinyentos na ang nalumos kag wala na kabutwâ. Wala sang may ginapili, tigulang man ukon batâ. Bisan sin-o lang, gina-ambihan! Gakabasâ! Wala kabalo kon diin makadto, Ginagutom, wala sulod ang ila mga kaldero Bisan kan-on lang para karon sa udto Sa dalan, mga nawad-an ubra gapangalimos piso. Ah! Galî? Amo na nga-a wala sila kabatyag sang bundak sang ulán? Sa kakusugon, sa kadamulon, mga wala inalung-ungan! Mga tawo nga ara sa babaw pwesto, ini kuno lang ihi-an? Saging kuno kag asin, indî ka na maambihan! Ay hu-o gid! Ara gali sila, mga nakabarko it mitál kag arko nga mabakod. May ara man nga sa eroplano mas mataas pa gid ya sa mga panganod. Bisan ano kakusog sang ulan kag hangin, ila mga lamisa wala gid naga-uyog. Ila mga ulo? Gaduaw-duaw lang sa mga gakaanod! Wala ginagutom, punô ang ila mga tiyan nga mga butod! Wala gakaambihan! Wala gakahanginan! Wala gakaulanan
31
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Kristal nga mga bintana ang ila duru-awan. May kurtina? Nga-a daw wala gid sing may nakit-an. Wala animo nga may ulán. May mga kapol sa ila dulunggan. Sa pagsinggit “Tabang-tabang!” sang kadam-an? Sa pagpangayo sang bulig sang tanan? Ni isa, wala gid sila sing may nabati-an. “Kapila gid hambalan!” ang ila singgitan Sang mga ara sa barko, arko, kag eroplano. Indî ganì maggwa, mga batinggilan! Mga tig-a ulo! Mga retobado! Indî ganì magsulay kay trangkasuhon kamó! Dira lang bala kamo sa inyo mga balay Lantaw TV, tanom sing utan, kag magpahunayhunay Indi gid bala maintindihan? Ngaa daw kabudlay. Indî bala nila makità! Ginakurog, indî na kabatyag init ang kadam-an. Galusong na lang kag gapabasa sa ulán Makakaon lamang. Wala klaro kon mabuhì pa bala karon pagpulì Ginaanod na mga tawo kag baláy Kapín na gid ang ara sa idalum sang mga tuláy
32
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ining mga nakabarko, aroko, kag eroplano, Ila nga nakit-an, pagkatapos sang pila ka mga bulan Ila na nabatyagan, sang pila nasa ila ang naambihan Kag nangita na sang pamaagi Para ang mga naanod, indi na madugangan. Abi mo mangin maayo na kay ila na nga nakit-an. Bugtaw na sila! Halin sa ila nga mamuok nga tulog. Pero ang ila solusyon? Mahulat sing payong halin sa iban nga pungsod Maabot na na, dugay-dugay, ang ila sugilanon Halin pa sa Marso, asta subong nga manugtapos na ang tuig, Amo man sa gihapon. Maabot na ang mga payong. Apang maabot gid man bala? Amo ina ang akon palamangkutanon. Nag-ulán, nag-ulán! Wala sa gihapon klase, siyam na ka bulán! Nagpundo kamí, kamó, kitá, tanán. Kag nagdaralagan. Nagdalagan akó sa akon puluy-an Samtang wala sing kasiguraduhan Kon may baláy bala nga pululian ang kadam-an. May atop akó nga nasirungan
33
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Samtang ni salóg ukón haligi ang ibán, Walâ man. Wala ko masyado nabatyagan ang ila kapabayaan Kay may balay nga nagprotektar sa akon ulo kag kalawasan Ang amay kag ang iloy, sa ila mga ubra, wala nadulaan Kwarta kag pagkaon, gaabot adlaw-adlaw, hapon-hapon. Ginakompesar kó. Nabun-ag akó nga pribileheyado. Gaduaw-duaw halin sa akon barko. Ang mga ginmitlang ko kaina, nangin isa akó. Kamó man nga nagabasa sing piyesa nga ini, sigurado gid akó, Gapahunay-hunay man kamó sa inyo Nga mga arko, barko, kag mga eroplano. Kag iban pa nga mga sarakyan nga wala ko pa na-engkwentro Kon maglusong man, may mga botas kita. Gamay ang tsansa nga mabasa, permi mala. Kon magpulì, may pagkaon sa aton mga kusina. Sa aton mga bangko, may mga kwarta. Wala ginakulbaan nga madulaan ubra. Apang gusto ko mahibaluan, Kon nabatian ta na bala ang ila singgitan? Ukon pilit ta nga ginakapulan ang aton mga dulunggan. Ang aton mga mata, pilit ta bala nga ginatakpan Para indî kakitâ nga ginakurog kag basâ na ang kadam-an.
34
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Kapin dise-sais porsyento sang aton pareho Pilipino Ang nagapangabuhi nga mga pinakapigado sang mga pigado. Dise-sais milyones ka mga indibidwal ang haruson Na ang tanan para sila kag ila pamilya, makakaon. Basi ang mga matá bukás gid man, Kag wala kapol ang mga dulunggan. Indi anay magginhawa, Basi may atraso ka pa? Sa banggerahan, lantawa bi kon may kurtina. Kurtina nga wala gasirang kag maitum-itum pa. Ang buhò sa imo kusina may tapal balá? Gintapalan para wala sing may mabatian pa. Tani indî amo ni ang pagtulok ta sa ila Kita nga mga prebilihado kag mga prebilihada Buksan ang dulunggan, Ang mata, indî pagtakpan Ang bintana indi gid pagtabunan Sa mga gapangayo bulig Subong nga naga-ulán. Kapin na gid subong wala na ta sing may masaligan Kung indi ang isa kag isa lamang.
35
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p97tyhr
36
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Dear 2020 Ni John Earl S. Setias Grade 11-Rigel
Enero. Bagong taon, bagong buhay ang ninais kong makamit nang humantong sa ika-labindalawa ang mahabang kamay ng orasan. Taong 2020 na. Isang bagong dekada na naman ang aking tatahakin. Isang dekada upang iwasto ang mga mali, ipabuti ang mga nakaraang gawi at gawin ang mga matagal nang minimithi. Hinangad kong magkaroon ng isang mas makabuluhang pamumuhay upang ako ay masiyahan at magkaroon ng bagay na maaari ko namang maipagmalaki. Sinalubong ko ang taon nang labis ang pag-aabang sa mga bagong karanasan kasama ang aking pamilya at mga kaibigan. Napuno ako ng kasiyahan dahil sa iba’t ibang mga selebrasyon tulad ng Dinagyang, Ati-atihan at mga kaarawang naganap buong buwan. Kulang na nga lang ay mapunit ang mukha ko sa ngiti tuwing kasama ko ang aking 37
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
mga kabarkada kung saanman. Hinding-hindi ko malilimutan ang aking mga karanasan sa simula ng taong ito, at napaisip na lang ako kung paano pa ba kukulayan ng 2020 ang walang kulay na buhay kong ito. Pebrero. Napuno ng pag-aaral ang buwang ito. Takdang aralin dito, takdang aralin doon. Proyekto dito, proyekto doon. Pagsusulit dito, pagsusulit doon. Gayunpaman, nagamit ko ang isa sa mga pinakamahalagang natutunan ko sa Pisay: ang gumawa ng iba’t ibang bagay nang sabay. Dahil dito, nagagawa ko pa rin minsang maglakwatsa at gawin ang aking mga ninanais kahit na sinasakal na ako ng mga requirements sa paaralan. Nakakapunta pa ako sa mga mall kung saan pwede akong kumain sa aking paboritong fast food chain, manood ng sine, o kahit na umikot lamang nang walang dahilan. Hindi ako nawawalan ng ganang pumasok sa klase tuwing Lunes hanggang Biyernes dahil nakakasama ko pa ang aking mga kaibigan. Wala man akong ka-ibigan noong Araw ng mga Puso, mas mabuti na lang iyon kaysa mawalan ng scholarship. Nagawa ko pa ring i-maintain ang aking mga grado habang ginagawa ang aking mga gusto nang walang masyadong pinoproblemahan. 2020, ang bait mo naman. Marso. Isa na namang buwan sa paaralan. Naging mabigat ito sapagkat dito nagsama ang hell week at quarter exams na lubos na kinakatakutan o kinaiinisan ng sinumang estudyante na nag-aaral sa Pisay. Mayroon ngang kasabihang, “Lokohin mo na ang lasing o bagong gising, huwag lang ang walang tulog.” Tama ba ‘yon? Ewan. Pero ang sigurado lang ako ay basta taga-Pisay, walang tulog iyan. 38
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Lubos lamang ang pasasalamat ko noong matagumpay kong natapos ang QE at iba pang mga pasahin sa eskwelahan. Dahil sa pagod dulot ng mga gawaing ito, ninais kong magkaroon ng sapat na panahon upang makapagpahinga. Tuwang-tuwa ako noong inanunsyo ang temporaryong paghinto ng klase dahil sa isang virus na posibleng kumalat dito sa Pilipinas. Hindi ko naisip na maaaring maging malubha ang sitwasyon ng bansa dahil dito, at ang inaalala ko lamang ay ang oras na nakamit ko upang makapagpahinga. Nagtaka na lamang ako noong naging usap-usapan ang pagsuspende ng mga klase para sa buong school year. 2020, ano ba ‘to? Abril. Nangyari nga ang isang bagay na hindi ko inakalang mararanasan ko buong buhay. Ginulat kami ng isang balitang paghinto ng klase hanggang makaraos ang bansa mula sa pandemyang dulot ng COVID-19. Mayroon ring posibilidad na tumagal ito hanggang sa susunod na taon. Kinabahan ako. Ang mabilisang pagpapaalam ba noong isang araw ng Marso ang huling araw na makikita ko ang aking mga kaibigan? Hindi ako nakapaghanda para dito. Sapat na ang isang linggong pahinga para sa akin, bakit pa ako bibigyan ng isa pang taon? Pero wala na naman talaga akong iba pang pagpipilian. Kung gusto ko pang mabuhay, mananatili na lang ako sa loob ng aking tahanan, kahit na mahirap. Dahil dito, naghanap na lang ako ng mga bagay na maaari kong gawin sa loob ng bahay upang gawing pampalipas-oras. Gumawa ako ng listahan ng mga pelikulang pwedeng panoorin at mga librong gusto kong basahin. Nagplano rin ako na magsimula sa pag-eehersisyo at maghanap ng iba pang mga aktibidad na mas makakapabuti ng aking kalusugan. Mayroon pa rin naman akong cellphone upang makipag39
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
usap sa aking mga kaibigan kahit na hindi kami personal na nagkikita. 2020, kakayanin ko ‘to. Mayo. Naranasan mo na bang mapagod kahit wala ka namang masyadong ginagawa sa buhay mo? Iyan ang pakiramdam ko sa buong buwang ito. Walang humpay na tulog, kain, tulog, kain lamang ang nangyayari araw-araw. Naganap rin ang kaarawan ko sa buwang ito, pero mistulang hindi ko ito namalayan dahil kumain lang naman ako. Nararamdaman kong unti-unti na akong nawawalan ng ganang kumilos pa, at hindi ko alam kung bakit. Buong buwan ay babad ako sa aking cellphone at laptop dahil iyon na lamang ang nakakapagpasaya sa akin sa sitwasyong ito. Gustuhin ko mang maging mabunga ang araw ko, parang nawawalan na ako ng gana sa pagmulat ko pa lang ng aking mga mata sa hapon. Oo, hapon. Sirang-sira na rin ang aking oras sa pagtulog dahil para na akong kuwago na tulog sa umaga, gising sa gabi. Hayop ka, 2020. Ano ‘tong ginawa mo sa akin? Hunyo. Wala. Hulyo. Wala pa rin. Agosto. Nagdaan ang nakaraang dalawang buwan nang parang kasingbilis ng isang kisapmata. Sa ngayon, hindi ako makapaniwala. Magpapatuloy ang klase pero hindi kami papahintulutang bumalik sa paaralan. Dagdag sa mga gastusin na naman ito. Magkano nga ba ang kailangan upang magkaroon ng matibay na internet connection? Paano na lang ang mga kaklase kong walang laptop o anumang gadget? 40
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Nagbigay naman ng tulong ang paaralan sa mga estudyante pero sapat nga ba ang mga ito? Sa sitwasyong ito, parang hindi ko pa kayang kumilos. 2020, kakayanin ko pa ba ito? Setyembre. Nasa ika-11 na baitang na ako. Matagal ko nang inaasam ang makapagtapos ng high school pero hindi ko inaasahang dadaan muna ako sa kalagayang ito. Hindi pa rin nagbago ang pang araw-araw na gawain ko. Tutok pa rin ako sa aking cellphone at laptop, pero sa ngayon ay may kaakibat na itong mga gawaing kinakailangang ipasa sa madaling panahon. Hindi ito naging mabuti para sa kalagayan ko, kaya mas nahihirapan lang ako sa bawa’t araw na lumipas. Lalo kong napagtanto ang kahalagahan ng may kinakausap dahil minsan ko na lamang nakakasalamuha ang mga kaklase ko. Napagtanto ko rin na pati ang mga kaibigan ko ay nahihirapan sa sitwasyong ito. Nakakalungkot na sa kabila ng hinaing naming mga estudyante, patuloy pa rin ang pagbibigay ng matinding mga gawain sa amin. 2020, paano ko gagawin ang lahat ng ito? Oktubre. Inaasahan ko nang mahirap ang mag-aral nang magisa sa bahay, pero hindi ko inaasahang ganito pala talaga kahirap. Wala akong ibang maaasahan sa mga gawain sa paaralan kundi ang aking sarili. Mayroon rin akong mga personal na problema na dinudusa habang ginagawa ko ang aking makakaya upang matapos ang aking mga takda. Inaalay ko na ang dugo at pawis ko sa aking pag-aaral, ngunit parang hindi pa rin ito sapat upang makalikom ng magagandang mga resulta. 2020, hindi ko na alam kung ano pa ang aking magagawa.
41
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Nobyembre. Medyo natuto na akong makaraos sa kasalukuyang sitwasyon sa “online learning”. Oo, mahirap pero kinakaya ko pa rin naman. Samantala, nadagdagan ang mga sakunang hinaharap ng bansa. Napakaraming bagyo ang dumating na nagresulta sa kasawian ng ating mga kababayan. Masakit isipin na parang wala akong magawa upang makatulong. Sa kasalukuyang panahon, mas naging mahirap pa ang sitwasyon para sa kanila. Hindi pa rin napapabuti ang kalagayan ng pandemya sa bansa. Pagod na pagod na ako, 2020. Tama na. Disyembre. Magtatapos na ang taon at hindi pa rin ako nakakatapak sa labas ng bahay. Aaminin ko, hindi naging maayos ang dulot ng taong ito sa pansariling kapakanan ko. Hindi ko nagawa ang ibang nais kong gawin at hindi ako lubos na nasiyahan sa mga pangyayari sa 2020. Higit na lamang ang pasasalamat ko na natapos ko ang taong ito bago pa ako tapusin nito. Gayunpaman, hindi pa nahahadlangan ang trahedyang dala ng pandemya. Kaya pa ba? Ewan ko. Pero kakayanin hanggang bumalik na sa normal ang mundo. Kailan pa kaya? Ang alam ko lang ay hindi na ito aabot pa sa taong ‘to. Paalam, 2020. Sana ay hindi na tayo muling magtagpo.
42
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p9fwpks
43
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Isang Libong Salita ng Pandemya Ni Hendrick Lorenz B. Alabata Grade 12-Archimedes
Walang nagkaakalang hahantong sa ganitong sitwasyon ang kalagayan ng mundo. Isang pandemyang magdadala ng takot sa bawat isa, kahit saang sulok ka man ng kalawakan. Hindi inasahan ng karamihan ngunit alam na ng mga taong intelektwal at bukas ang isipan na palaging nagpapaalala sa ating lahat na maglalaganap ang sakit na nagresulta ng pandemya. Naging bingi-bingihan ang halos lahat sa atin, lalong-lalo na ang mga nasa itaas at kinauukulan. Para sa akin, hindi virus ang pangunahing kalaban natin kundi ang ating mga sarili. Hindi naging kanais-nais ang naging karanasan ngayong panahon kung saan laganap ang sakit na kung tawagin ay Covid. Takot at pagkabagot ang aking naramdaman sa mga unang buwan 44
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ng lockdown. Lahat ng galaw ay limitado at binabantayan na parang tumigil ang pag-ikot ng mundo at ng mga kamay ng oras sa relo. Base sa aking mga napanood sa telebisyon, social media at pati na rin sa aking paligid, marami ang nagsara lalo na ang mga negosyo at mga paaralan at marami rin ang nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil dito. Ang mga pangyayaring ito ay hindi naging hadlang upang magpatuloy tayo sa buhay. Marami ang mga naging pagbabago sa paligid gaya lamang ng mga face mask at face shield na dapat suotsuot kapag lumabas ng bahay. Noong nagsisimula pa lamang ang lockdown, naninibago pa ang lahat ngunit sa pagdaan ng mga araw at buwan, ito na ang naging bagong normal sa ating pamayanan. Isa pang pagbabago ay ang online na komunikasyon at transaksyon ng mga tao kung saan ginamit ito bilang pamamaraan sa pagtuturo sa mga mag-aaral. Marami ang hindi nakapagpatuloy ng kanilang edukasyon dahil sa pagbabagong ito sapagkat wala silang kagamitan para dito. Sa aking sariling karanasan, hindi naging hadlang ang pagbabago upang ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral ngunit hindi ko ipagkakaila na mas mahirap sumabay sa sistema ngayon kumpara sa nakaraan. Nakakapanibago sapagkat ngayon ko lang ito naranasan. Sumasang-ayon ako sa ibang estudyante na nakakapagod at mahirap mag-aral ngayon sa gitna ng pandemya dahil sa mga hamon. Maliban sa sobrang bagal na nga ang internet connection, sobrang hirap pang intindihin ang mga aralin dahil sa walang diskusyon na nagaganap hindi katulad sa nakaraan na nagtuturo pa ang mga guro sa paaralan
45
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
lalo na at nasa panghuling taon ko na dito sa Pisay kung saan mas komplikado at mahirap ang mga araling pinapaaral sa amin. Halos hindi na ako nakakatulog nang maaga hindi tulad nang dati dahil sa mga takdang-aralin at mga modyul na kailangang gawin at ipasa at dahil na rin sa mga bagay-bagay na aking iniisip tuwing gabi na bunga siguro ng pagkabagot. Nararamdaman ko na parang nasasakal na ako ng mga gawain hindi lamang sa pag-aaral pati na rin yung mga gawaing bahay. Mayroong mga oras na hindi ko alam kung ano ang dapat kung unahin at bigyan ng pansin. Hindi ko rin makakayang humingi ng tulong sa aking mga magulang sapagkat wala silang maintindihan sa aking aralin, tulad ko. Mayroon ring mga panahon kung saan gustong-gusto at ginaganahan na akong gumawa ngunit wala talagang silbi yung internet kaya napipilitan nalang akong gawin sa madaling araw ang gawain kung saan malakas ang koneksyon. Nanghihinayang lang ako ngayong taon sapagkat hindi ko makikita ang aking mga kaibigan sa paaralan at nasa huling taon na namin sa Pisay kaya’t walang kasiguraduhan kung kailan ulit kami magkita-kita sa personal. Mahirap ang mawalay sa mga taong naging malapit sa akin sapagkat naaalala ko ang mga pagkakataong magkasama kami. Ang kabutihan lang na dulot nitong pandemya ay ang nakakapiling ko at nakakasama ko ang aking pamilya sa bahay at nagkakaroon ako minsan ng oras para sa aking sarili.
46
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Minsan sa sobrang pagkawili ko sa ibang bagay ay nakakalimutan ko na ang aking mga gawain sa pag-aaral. Napapaisip ako na hindi angkop ang bahay bilang lugar sa pagkatuto. Maraming istorbo at sagabal. Mayroong mga oras na sobrang ingay dahil sa mga kapatid kong nag-aaway o yung mga magulang kong hindi napapagod sa pag-utos kahit alam na marami kang ginagawa. Sa halip na dapat tahimik, hindi magulo ang kapaligiran at produktibo, naging kabaliktaran pa ang nangyari. Napapagod na nga ako sa mga aralin, dumagdag pa sila sa mga problema. Noong nakabalik ako sa syudad ng Iloilo, nakalimutan ko na nasa gitna pala tayo ng pandemya. Sumakay ako sa dyip at nakalimutan kong may protokol palang sinusunod. Ipinasa ko ang aking sa katabi kong pasahero at nakalimutan ko na bawal pala na may pandemya kaya’t sobra kahihiyan yung ginawa ko. Yun lang, share ko lang. Maidagdag ko lang, sobrang init pala ng kasuotan ngayong pandemya. Parang mauuna pa akong mamatay dahil sa init na dala ng face mask at face shield at hindi ng dahil sa virus. Ang masasabi ko lang na may pagkakatulad ang face mask sa mga modyul dahil pareho silang sinasakal ako. Nahihirapan ako kung ginagamit ko ang mga bagay na ‘to.
47
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Malaki talaga ang naging epekto ng pandemya sa buhay ng mga tao. Sinong makakaisip na halos lahat ng tao ay tutok na tutok sa screen ng kanilang mga gadgets, maging bata man o matanda at walang pinipiling edad, maaaring pampalipas oras, para sa trabaho o para sa pag-aaral. Nakakapagod at masakit sa mata nga lang ang epekto nito. Mabigat sa ulo at nakakapang-antok ang mga makabagong teknolohiya ngayon lalo na at buong araw akong nakatutok dito. Kung may pahinga man, maikli lang at minsan wala na. Masasayang lang ang napag-aralan namin kung hindi naman kami nasa tama at malusog na kondisyon. Kung mayroong aral na tinuro ang pandemyang ito sa akin, ito ay ang pagkakaroon ng mahabang pasensya. Ang dami kong isinakripisyo para lamang dito. Simula sa sobrang bagal na internet hanggang sa pasensya ko sa mga kasama ko sa bahay. Kung mayroong kanta na maglalarawan sa pandemya, maaari itong maging kanta ng Neocolours na Tuloy Pa Rin. Hindi humihinto ang panahon at maghihintay para sa atin kaya’t dapat natin itong sabayan kahit ano ang pagbabago at hamon ang ating maranasan. Tatagan lang natin ang ating sarili ang mas habaan pa ang pasensya dahil malalagpasan din natin itong pagsubok na ito.
48
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/48ub4vr9
49
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pandemya: Isang Hindi Pangkaraniwang Daan sa Buhay Ni Charles B. Rasgo Grade 9-Magnesium
Pandemyang malupit, o pandemyang malupit. Bakit ka pa dumating kung ika’y hindi naman kaakit-akit. “Kailan pa ba ito matatapos” ito ay sinasabi ko at ng halos lahat sa atin araw-araw na nakakulong sa masaklap na katotohanan. Ang pandemya para sa akin ay parang isang balakid sa buhay ko na, hindi ko talaga inaasahang mangyari. At kung iniisip ko na paano kung may pandemyang darating sa buhay ko, magugulat ako na mangyayari iyon nang mas maaga. Ang pandemya ay isang sitwasyong mahirap lagpasan; pero kung iisipin ko, nakayanan ko ang higit sa isang taong pagtitiis sa krisis. At dahil diyan, itinuturing kong swerte ang aking sarili. Ngunit, hindi lamang paghihirap ang binigay sa akin ng pandemya, dahil tinulungan rin nito ako na gumawa ng mga masasayang alaala.
50
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ang inakala ko na dalawang araw na walang pasok ay pinahaba sa dalawang linggo. Ang dalawang linggo na iyon ay mas pinahaba pa hanggang sa malagpasan nito ang isang taon, samakatuwid mas marami ang oras ko sa aking tahanan. Ang oras na iyon ay ginamit ko sa paglilibang, pag-aaral, at mas mahabang pagpahinga. Syempre sa unang hakbang ng lockdown, nahirapan akong masanay na mamuhay sa bagong normal. Hindi ako madaling makakalabas ng bahay at hindi ko makikita ang mga kaklase at guro ko nang harap-harapan. Mahirap man tanggapin, masaya pa rin ako dahil nakakausap ko pa rin sila sa pamamagitan ng pagchat sa messenger o discord. Sa katunayan, mas gumaling pa ako na makihalubilo sa ibang tao dahil diyan dahil nadiskubre ko na pwede akong makagawa ng mas maraming kaibigan kapag ginamit ko ang mga apps na iyon, at gumana nga. Mas lalo ko na ring nakakausap ang mga kaibigan at kaklase ko nung opisyal na nagsimula ang online na pasukan. Tungkol nga pala sa online classes, ito rin ay isang hindi malilimutang nangyari sa panahon ng pandemya; dahil sa biglang pag-iba sa paraan ng pag-aaral, hindi madali para sa akin ang magadjust dahil hindi pa ako sanay gumamit ng laptop sa panahong iyon, at dagdag pa sa istress ang mahinang internet connection sa aming lugar. Dahil nasa bahay rin ako ay mas madali akong maapektuhan ng mga distractions. May mga pakinabang rin ang online na pasukan, gaya
51
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ng madaling komunikasyon ng mag-aaral at guro, at mas malaking oras na binigay para tapusin ang mga gawain sa paaralan. Mabuti na lang ay nagpairal ako ng mga tuntunin na nagpapabuti sa aking sarili upang makabawi sa mga susunod na markahan. Nakagawa rin ako ng aking epektibong sistema sa pag-aaral upang mas madali ko na mapamahalaan ang oras ko para sa iba pang mga gawain. Simula noong umiral ang lockdown upang mabawasan ang panganib na dinadala ng pandemya, kadalasan ay nasa isang kuwarto na lang ako halos buong araw dahil sa mga pwedeng gawin na pampalipas oras diyan, gaya ng pag scroll sa social media, panonood ng anime, pagsasanay sa pagtugtog ng gitara, pagbabasa, at marami pang iba. May mga panahon rin na iba’t ibang bagay ay sinusubukan ko para malaman ko kung saan ako magaling at kung ano ang nagpapasaya sa akin. Ngunit, iba talaga ang pakiramdam na marami rin akong pwedeng gawin sa labas ng aming bahay. Iba talaga ang pakiramdam kapag kasama ko ang mga kaibigan ko dahil marami rin kami na pwedeng gawin na magkasama. May mga panahon na kung saan, sobrang sakit ng nararamdaman ko kasi gusto ko nang bumalik sa dati ang lahat at sana hindi na maulit ang pandemya. Halos mapuno ang loob ng isip ko at nahirapan akong pamahalaan ang mga pag-iisip na ito. Sa ngayon, parang mas gumagaan ang aking pakiramdam dahil nasanay na ako
52
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
sa ganitong klaseng buhay. Minsan ay iniisip ko rin ang mga aral na natutunan ko sa gitna ng pandemya. Nakatulong rin ang mga iyon sa akin upang malagpasan ang mga iba’t ibang problemang aking nakasalubong at makaahon ang aking sarili mula sa paghihirap. Dahil nga palagi na lang akong nasa bahay, mas kapanapanabik ang marinig na may pupuntahan kami upang magpasyal at magsaya kasama ang aking pamilya. Kahit simpleng pasyal lang ay nagpapasaya sa akin. Kakaunti lamang ang pagkakataon na makalabas ako sa bahay kaya ito ay palagi kong inaabangan. Hindi rin mawawala ang pagbubuklod ng aking pamilya sa loob ng bahay. Dahil sa pandemya, mas marami ang oras na magkasama kaming lahat sa isang lugar, at kapag magkasama kami, mas lalo akong natutuwa. Para sa akin, ang mga pinaka nagustuhan ko na sariling karanasan noong nagkapandemya ay ang pagbawi ko sa mga gawaing pampaaralan noong nakaraang taon, dahil nasisiyahan akong nakamit ang paggawa niyan at nagpapakita ito na mas makakaya ko kung pagsisikapin ko pa nang maigi. Isa pang karanasan na nagustuhan ko ay noong nagkitakita kami ng mga kaibigan ko sa araw ng pagbabakuna, dahil ito ay hinintay naming dumating at ikinatuwa namin ang nangyari dahil sa wakas ay magkakasama na rin kami.
53
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Masasabi ko na, ang pag-iral ng pandemya ang panahon na marami akong pinagdaanan sa buhay ko. Tuwing hindi maganda ang aking pakiramdam o parang gusto ko nang sumuko, kinailangan ko na isipin kung hindi dapat ako sumuko agad at kung para ba ito sa kapakanan ko at ng iba. Ang aking mga karanasan sa pandemya ay puno ng tagumpay at kabiguan. Minsan, pabor sa akin ang ibang mga pangyayari, kadalasan namang hindi natutupad ang mga iniisip ko na gusto kong mangyari. Kahit papano ay masaya pa rin ako dahil nakayanan ko na gumawa ng mga magagandang alaala habang tinitiis ang matinding agos ng pandemya. Nagpapasalamat ako sa aking pamilya, mga kaibigan, mga guro, at ang mga taong tumulong sa akin na lagpasan ang mga hadlang na binibigay ng pandemya, dahil sila ay nakapagbigay sa akin ng mga masasayang mga sandali sa buhay na nangyari sa panahon ng pandemya. Hinding hindi ko talaga malilimutan ang inyong suporta sa akin. Gusto ko ring sabihin na, sana kawili-wili rin ang inyong mga karanasan sa panahon ng pandemya. Salamat rin sa mga espesyal na taong palaging nandyan para sa akin. Hindi kompleto ang aking mga karanasan sa pandemya kung wala sila.
54
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/4p7276xm
55
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pagpangabuhi sa Tion sang Pandemya Ni Gydel Faith A. Orbina Grade 12-Euclid
“…again, classes are suspended for the next two weeks. We will sanitize the school.” Damo-damo na ako sing nabatian sa akon nga pagpanglakaton pakadto sa akon hulot buluthuan. “Ay hala! Human na ang akon prom dress. Madayon pa ayhan ang prom?”, pamangkot sang isa. “Ay ahay ah, napabook na ‘to ni Mommy ang make up artist ko bala. Tani i-move lang.”, sabat naman sang isa.
56
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Nanumdom ako gulpi. Oo no? Kung wala klase, paano na ang prom? May prom pa ayhan? Ipang-simba ko nalang ini ang akon nga gabukagbukag nga bulaklakin nga gown kung wala. Nagpadayon ako sa paglakat asta nakalab-ot ako sa amon nga hulot buluthuan “Mapuli ka? Mapuli ako ya. Nagchat sa akon si Papa nga malockdown kuno ang Iloilo. Kinanglan ko makapuli sa Aklan.”, ginahapo-hapo nga pamangkot sang akon nga kabutho samtang nagadali-dali sia suksok sang iya bag kag magdalagan paguwa. “Mangmilktea ta bala anay sa Citymall. Bwas ka lang puli. Fake news man ina ang lockdown lockdown. Wala pa man kaannounce si Mayor.”, singgit sang iya nga amiga apang wala na gid sia nagbalikid pa. Masako na ang akon nga mga upod sa hulot buluthuan. May mga nagasabat sa tawag sang nanay, may mga nagatext sa tatay, may mga gapanghimos sang bag kay mapuli na, may mga nagadali-dali, kag may mga wala man sang labot. Kaupod ko magpuli ang isa ko ka kabutho. Mapauli sia sa ila balay kay may nagapalapnag nga malockdown na ang Iloilo.
57
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
“Kitaay lang kita pagkatapos sang duwa ka semana ah. Makaon-kaon naman kita liwat sa Bulljack pagbalik ko.” “Sige ah. Halong ka.” Amo man ang amon nga hulat-hulat nga matapos ang duwa ka semana para maubra na namon ang amon nga mga plano. Pagabot sang ikaduwa nga semana halin sang nag-untat ang klase, nadugangan lang ang mga inadlaw nga indi naman kami magkililitanay sang akon nga mga kabutho. Isa ka adlaw, aga pa sang may nanagbalay sa atubangan sang amon balay. May bitbit sia nga kaserola kag nagapamalaybalay sa amon nga barangay. “Tagbalay? Tagbalay! Ga, ara si Mama mo?”, pamangkot sang babayi. “Maayong aga. Ano ato tani ta?” “Ang yahong niyo tani ga, may rasyon kamo halin kay Kapitan, tinola nga manok.”, sabat sang babayi.
58
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Nagpadayon ang amon nga pagbaton sang rasyon halin sa barangay kada semana sa anom ka bulan. May isa ka adlaw nga nagapulupungko ako sa hagdan sa sa gwa sang amon nga panimalay. May nag-agi nga duwa ka lalaki, may tabon nga tela ang ila nga baba kag ila nga ilong. “Daw kada lakat mo, amo-amo gyapon imo bayo parts haw?”, pamangkot sang isa ka lalaki sa iya nga amigo. “Nabilin ko akon mga bayo sa boarding house sa Manila. Abi ko ya duwa lang man ka semana, mabalik naman ako. Wala man ako naghuna-huna nga matuigan gali ako diri.”, nagakadlaw nga sabat naman sang isa ka lalaki. Sang isa pagid ka adlaw nga nagapamunyag ako sang mga tanom ko, naglabay ang duwa ka babayi sa sa gwa sang amon balay. “Nagsukmatanay kuno si Marites kag si Bebeng sang nagligad adlaw sa tubang ni Kap.” “Ngaa man?”
59
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
“Wala sia iya kuno nalista ni Bebeng sa mga makabaton sang SAP. Ang tupad balay ya nga abroad ang mga kabataan, natagaan. Sia iya nga wala sang pangabuhian, indi pa mahatagan.” Kung kaisa nagareklamo ako sa sitwasyon. Pagkabati ko sang mga isturya sang iban, daw nakita ko gulpi nga may mga tawo nga mas budlay pa ang ginaagyan kaysa sa akon. Kung ako nagaproblema kay naubos ko na ang mga Kdrama sa Netflix, ang iban nagapamroblema kay wala sila ipakaon sa ila pamilya. “Nak, maabot si Tatay mo. I-quarantine siya sa Manila, pagabot ya sa Iloilo, i-quarantine pagid sia.” Nagakalipay kami sa pag-abot sang amon nga amay, apang mahulat pa kami sang madugay para makapuli sia sa amon nga balay. Ang bakasyon sang akon nga amay, indi parihos sang mga nagligad niya nga mga bakasyon. Kung sang una nagalagaw kami sa mga malayo nga lugar, subong, asta nalang kami sa likod balay, nagapamubod sa mga manok, sa mga gansa, kag sa mga pabo. Nakaangkab na kami sang pipino nga gintanom sang akon katiyuan sang pagsugod sang lockdown apang wala gihapon nakabalik sa normal ang pangabuhi namon. Naglapad na sing lima
60
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ka dupa ang gintanom ko nga mga bulak apang wala gihapon sang pagbag-o sa sitwasyon. “Hello, pasensya sa disturbo pero mangayo lang tani ako pasensya kay indi na madayon ang akon nga debut.” “Ay ngaa haw?” “Bawal na ang mga pagtipon-tipon. Basi magnilat-anay kita kon dayunon ko gid ang akon okasyon.” Isa ka tuig nga ginplanuhan ang matabo nga okasyon. Ugaling indi man madayon tungod sa subong nga sitwasyon. Wala ako sing may mahimo. Gustuhon ko man maagyan ang ginatawag nila nga debut, indi ko man gusto nga ako ang maging rason nga magmalasakit ang mga kakilala ko. Masubo pero wala ako sing mahimo. Mabudlay pero wala ako sing mahimo para mabuhinan ang kabudlay biskan gamay. Husto lang ako magkaon-kaon sang pwerte ka kahang nga Oishi Crakers nga binakal sang akon nga iloy sang nakagwa sia sang nagligad nga adlaw samtang nagalantaw nga nagahibi-hibi si Lee Jong Suk sa TV. Mga isa naman ka semana nga puro lang kahang nga chichirya
61
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ginakaon ko. Amo lang ina abi ang nagakabilin sa baligyaan kay nagakaubsanay na pagkaon. “Day, paano ini man? Indi ako kaisrot maghimo sang ano gani tawag sini ah? Pawerpowent? Basta ang daw may effects effects bala. Kinanlan ko tani kay may virtual reporting kami bwas.” Kaluoy sang kamal-aman nga indi kaisrot magpilipindot sa ila nga mga laptop kag cellphone. Kaluoy sang mga naga-ululubra nga indi kahimo sang mga ulubrahon tungod kay indi sila makahibalo kon paano ipakita sa iban ang ila mga inubrahan nga wala sila nagakililit-anay. “Nang, pwede patyon mo anay imo WiFi? May klase ako, maagaway kita karon sang internet. Ako lang anay magamit ha.”, siling sang akon nga manghod. “Ma’am pasensya, wala ako internet kahapon. Katudo abi sang ulan sa amon. Wala ako nakaabot sa imo klase kahapon.” “Guys sorry wala ako naka-edit sang aton project kahapon, brownout sa amon bilog nga adlaw.” Tatlo lang ina sa mga pirme ko mabatian sa sulod sang amon balay sang nagsugod na ang klase. Kon mabudlay magtuon sang una nga wala pa sang pandemya, mas nagbudlay pagid subong. Kon wala
62
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ka internet, kuryente, kag signal, indi ka makakuha sang test. Kon nagawawaw ang lapsag sang akon tupad balay, indi ako makatuon sang maayo. Kon nagahinuni ang mga manok sang akon nga amay, indi man ako makatuon sang maayo. Kon
nagapinamulpog
ang
mga panday sa construction site sa kilid balay, mas indi pagid ako makatuon sang maayo. Wala ako sang kadtuan, bawal maguwa. Duwa lang ka butang, antuson ko ang kagahod, ukon indi ako makasabat sa mga hilikuton. Sa pagpangabuhi sa tion sang pandemya, daw halos adlawadlaw, nagasulit-sulit lang ang mga nagakalatabo. Nagabutaw sa aga para mamahaw, mamubod manok, mamunyag tanom, matuon, manyaga, matuon liwat, manyapon, matulog, kag maliwat naman sa puno sa sunod nga adlaw. Kabudlay sang pagpangabuhi sa tion sang pandemya. Madamo sang bawal. Madamo sang dapat bantayan. Madamo sang mga plano nga wala nagkaladayon. Tam-an ka dako sang kinanlan bag-uhon. Kabay pa nga matapos na ini tanan. “Manang, help! Indi ko kabalo paano magsulod sa Google Meeeeeeet!” Sige, diri lang kita asta anay. May nagapangayo naman bulig, buligan ko anay. Sa dason naman ah. Halong!
63
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/7ztf86sr
64
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
May matutunan nga ba? Ni Marco Cedrick D. Ligtas Grade 9-Beryllium
Kaming mga iskolar ay kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng bagong normal ng pag-aaral, at tiyak na nakaisip kami ng iba’t ibang opinyon tungkol dito. Matulungin ang online na pag-aaral, gayunpaman, itinutulak pa rin ng karamihan sa mga iskolar sa twitter at facebook na ito ay “hindi nakatutulong”, “walang matututo”, “nakaka-stress”, “sobrang dami”, atbp. habang sinasabi rin ng ilang iskolar na mas madali ito kaysa sa personal na mga klase dahil tayo ay maaaring gumawa ng trabaho sa sarili nating mga kaginhawaan sa pamamahay. Ngayong nasa ikalawang taon na tayo ng online na pagaaral, sadyang may natutunan kaming mga bagay-bagay sa paraan na
65
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ito. Ikinagagalak rin ng maraming mga iskolar nung nalaman na nilang may pagkakataon sa susunod na taon na bumalik na sa face-to-face classes. Samantala, habang naghihintay tayo, tatalakayin ko ang lahat ng natutunan ko, pati na rin ang paglalahad ng aking mga pananaw tungkol dito. Natutunan ko sa bagong pamamaraang ito na naging mas masipag at aktibo ako sa pagsusumite ng mga gawa, ngunit dahil lamang ito sa napakaraming dapat sabayan. Sa panahon ng personal na paraan ng pag-aaral, mas kaunti ang mga gawain kaya nagkaroon ako ng oras para gawin ang ibang bagay na gusto ko, at dahil dito, naging tamad ako kapag nagtatrabaho sa mga kinakailangan. Bagaman, untiunti akong natuto kung paano pamahalaan ang oras nang maayos habang nagpapatuloy kami sa ganitong uri ng pag-aaral. Alam ko kung paano ayusin ang aking mga prayoridad at mag-set up ng mga libreng oras at iskedyul, na humahantong sa akin na pangasiwaan ang lahat ng aking mga gawain nang maayos. Bukod pa rito, talagang natutunan ko na hindi ako isang “malayang” o mapagsariling uri ng tao pagdating sa pag-aaral. Sa totoo lang, marami akong nakuhang tulong mula sa aking mga kaklase at magulang noong face to face na klase. Kapag nag-aaral ako, minsan humihingi ako ng tulong sa aking ina kung may hindi ako maunawaan na mga bagay. Humihingi rin ako ng tulong sa aking mga kaibigan
66
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
sa anumang gawaing kailangan kong gawin. Ngayong nagsagawa na tayo ng online na pag-aaral, mas mahirap makipag-usap sa sa isa’t isa at abala rin ang aking mga magulang, kaya nag-iisa ako sa paggawa ng aking trabaho, at tiyak na hindi ito ang pinakamagandang karanasan para sa isang iskolar; ang mga marka sa aking mga isinumite at pagsusulit ang nagpapatunay nito. Isa pang natutunan ko ay kapag may kailangan kang magsumite, isumite ito. Hindi mahalaga kung hindi ka ganoon ka sigurado sa iyong awtput o hindi, ngunit gawin mo lamang ito dahil mayroon ding tinatawag na “compliance”, at maaari ka nang makakuha ng disenteng halaga ng mga puntos kapag naipasa mo ang isang awtput bago ang takdang petsa, hindi mahalaga kung ang iyong mga sagot ay mali man o hindi. Noong nagsimula nang nakaraang taon ang online class, nagkamali ako sa pamamagitan ng pagsigurado na tama muna ang lahat ng aking mga sagot, samakatuwid ito ay nakakaubos ng oras, na nagresulta sa pagsumite ko na lampas sa deadline, at pag-uubos nito ng oras para sa iba pang mga gawain. Inayos ko ang pagkakamaling ito noong ikalawang kalahati ng nakaraang taon, at naging maganda ang resulta nito. Sinigurado ko pa rin na tama ang mga sagot ko, ngunit hindi ako naging ganoon kaingat tungkol dito dahil naglalampas rin ang oras.
67
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Sa kabila ng lahat ng mga realisasyong ito tungkol sa aking sarili sa online na klase, gayunpaman, ako ay tutol pa rin dito. Syempre, ito na ang huling paraan o last resort para sa edukasyon dahil nasa pandemya tayo hanggang ngayon, bagama’t kapag natapos na ito, gusto ko nang bumalik sa face-face classes. Tiyak akong maraming tao ang sasang-ayon sa akin sa paninindigan na ito, at mayroon din akong ilang wastong dahilan kung bakit ako mismo ay tutol sa online na pagaaral. Ilalahad ko rin dito ang ilang mga opinyon sa mga mag-aaral sa bansa. Una, malaking porsyento ng mga iskolar ay walang pribilehiyong magkaroon ng mabilis na koneksyon sa internet o magkaroon ng mga naaangkop na kagamitan. Minsan, karamihan sa aming mga iskolar ay maaaring magkaroon ng mga pagkaantala na maaaring makaapekto sa aming pagtuon sa aktwal na pag-aaral. Ito rin ay humahantong sa aking pangalawang punto; marami sa amin ang hindi makapagfocus sa sarili naming mga tahanan. Sa paaralan noong face to face, talagang matututo tayo at hindi mapakali dahil napapaligiran tayo ng ating mga kaklase at guro na makakapagbigay ng tulong sa atin, na nagpapadali sa pakikipag-usap. At ang huli, napakasobra na minsan ang gawaing ibinibigay sa amin ng mga guro. Patuloy akong nag-iisip tungkol dito, dahil sa mga personal na mga klase, hindi ganito ang kaso. Lahat ng mga gawain ay kontrolado at madali, ngunit nang pumasok ang online na klase, binibigyan nila kami ng humigit-kumulang 15-20 na workload bawat linggo.
68
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Samantala, gusto ko rin maging patas kaya ituturo ko din na may ilang mga benepisyo na mayroon ang bagong mode na ito. Una sa lahat, ito ay maganda para sa ilang mga mag-aaral na madaling magtrabaho sa kaginhawahan ng kanilang sariling mga tahanan, dahil sa mode na ito, hindi tayo pisikal na mapagod upang pumunta sa paaralan araw-araw. Pangalawa sa lahat, tulad ng nangyari sa akin, maaari kang magkaroon ng responsibilidad at disiplina sa iyong sarili, at laging tandaan na ang iyong mga aksyon ay may mga kahihinatnan sa hinaharap. Panghuli, maaari kang magtrabaho sa sarili mong bilis anumang oras dahil hindi mo na kailangang aktwal na dumalo sa mga klase tulad ng sa mga klase sa personal; maaari mong pamahalaan ang iyong oras at trabaho kung mahusay ka dito. Ngunit sa kabila ng mga kalamangan na mayroon ang online na klase, hindi pa rin ako pabor dito. Bago matapos ang buong bibliyang ito na aking ginagawa, nais kong talakayin ng ilang sandali ang mga face-face na klase dahil malapit na tayong bumalik. Nang marinig namin na sa Enero ay maaari na tayong bumalik sa dating normal na pamamaraan, marami sa amin ang nag-aalinlangan dahil masama pa rin ang pandemya, bagaman marami rin sa amin ang natutuwa dahil matagal na rin kaming hindi nagkakita ng isa’t isa at magiging mas madali para sa amin ang pagaaral. Kailangan ko pa rin mag-adjust ulit, dahil mas lumala ang sleep schedule ko, at naging tamad ako sa paglalakad, kaya mahirapan akong magbalik ulit sa “lumang normal” kahit hindi pa rin ako nakaka-
69
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
adjust sa online na klase. Maraming mga iskolar ay ganito rin; minsan nakipag-chat ako sa kaibigan ko 3:14 AM at gising pa siya, ganoon din ang mga guro, nakikita ko silang online sa pagitan ng 1-4 AM. Upang wakasan ang kabuuan ng lahat ng bagay na aking isinulat, tinalakay ko ang lahat ng natutunan ko sa online na klase. Tiyak na napagtanto ko ang ilang mga bagay at naging mas magandang bersyon ako ng aking sarili sa pamamagitan ng pag-aaral, bagaman sa kabila ng mga ito, hindi pa rin ako pabor sa sa bagong normal. Maraming iskolar ang sumasang-ayon sa akin sa sitwasyong ito, ngunit ito ay mabuti na para sa amin dahil patapos na ang online na klase, at oras na para sa mga personal na klase na muling pumalit. Ang dalawang mga pamamaraan ay may maraming mga pakinabang at kapinsalaan, ngunit ang mga kasahulan ng online na pag-aaral ay mas matimbang kumpara sa harapang mga klase. Inilahad ko rin itong mga kalamangan at kahinaan sa online class na aking nabanggit, kaya ikaw na ang bahalang magpasya kung aling paraan ang gusto mo.
70
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/y8yw3uzh
71
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pananaw Ni Clark Andino R. Magada Grade 11-Sirius
Dalawang taon, dalawang taon ng paghihirap, dalawang taon ng pagsisikap, dalawang taon sa loob ng nakalulusaw na pandemya. Tiyak na apektado ang lahat sa sitwasyon ngayon, at narito ako upang ipaalala sa inyo na hindi kayo nag-iisa. Ikasampu ng Marso 2020, tinatapos namin ang aming proyekto sa Biology nang biglaang nadinig ang boses ng aming guro, lahat ay tahimik, “magkakaroon tayo ng isang linggong break bilang isang pag-iingat sa dumaraming kaso ng Covid-19 sa mga kalapit na lalawigan” wika ni Sir Oliver. May kakaunting saya dahil nga walang klase, ngunit mas napuno ang silid ng takot. Pumasok ang aming adviser upang magbigay ng huling mga paunawa bago magbreak. Dali-dali akong bumalik sa aming dormitoryo upang mag-impake, kampante na isang linggo lamang ang break, iniwan ko nalang muna 72
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ang aking laptop at gamit ko roon. Nagpaalam kami lahat sa isa’t isa at nagsiuwi sa kani-kanilang mga probinsya. Isang linggo ang nakalipas at nag lock down ang buong Pilipinas, isang malaking pagbabago sa buhay ng kayraming tao at malaking pagsisisi sa aking parte dahil iniwan ko nga ang aking laptop. Nagkaroon ng extra classes o “bridging” bilang kompensasyon sa hindi natapos na 4th quarter, hindi naman ito required kung kaya at mas pinili ko munang hindi pumasok noon dahil nahirapan ako sa sitwasyon, sa isang iglap andami nang nagbago sa buhay ko at na overwhelm ako. Nagsimula ang ika-sampung baitang at hindi agad ako nakapaghabol sa mga gawain, sa una, wala talaga akong naintindihan sa mga tinuturo, tila lumalabas sa kabilang tenga ang mga aralin dahil hindi talaga ako sanay na walang tao na nagtuturo sa harapan ko. Natumpukan ako ng pressure noon, mas lalo na dahil ako ang bise presidente ng klase at hindi ko na rin nagagawa ng maayos ang mga tungkulin ko. Maswerte ako dahil napapaligiran ako ng mga kaibigan na handang tumulong sa akin sa mga aralin, nagpapasalamat talaga ako kila Nicole, Hanna, Glory, at Charisse sa pagtuturo sa akin sa kanilang free time. Nagkaroon din ako ng maraming problema tungkol sa mga gadyet at syempre ang mahinang internet! Sa kurso ng isang taon nasira ang aking desktop ng limang beses, oo napilitan kami na bumili ng bago dahil bawal ko pa kunin ang aking laptop sa dormitoryo, sa limang beses na iyon hindi ako nakapaggawa ng mga takdang aralin ng maayos at mas nahuli ako sa mga gawain, ilang beses rin ako umiyak dahil paminsan-minsan ay napakahina ng wifi ng PLDT, marami na akong nai-reschedule na eksaminasyon at 73
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
gawain dahil doon. Naaalala ko pa noong ang mga email na naisulat ko para lang maipaumanhin ang aking mga liban at gawain, maswerte ako at maunawain ang mga guro sa aking eskwelahan. Kay dami ko mang pansariling problema tungkol sa pagaaral, hindi ko masasabi na mabigat ang mga problemang ito, alam ko sa sarili ko na ako ay may mga pribilehiyo na wala ang iba, kaya’t tungkulin ko rin na tumulong. Sa pagbukas ng peysbuk marami kang balitang makikita, isa na roon ang mga lumalabag sa kwarantin. “Mga pasaway! Hindi marunong mag hintay at mga arisgado talaga !” Ito ang tugon ng mga tao sa social media laban sa mga lumalabag sa kwarantin protokol, inaamin kong isa rin ako sa mga galit noon, ngunit sa kaunting pagbabago lang ng pananaw ay mauunawaan mo ang paghihirap na dinaranas ng mga lumalabag. Sa mga krimen ang unang tinatanong ay bakit, bakit nila iyon nagawa? Doon mo nalang makikita na karamihan sa mga lumalabag ay mga magulang at bata na nanglilimos at ginagapang ang kanilang negosyo upang may maiuwi sa kanilang pamilya, mga magnanakaw na gutom at gusto lamang mabuhay, at mga pumuprotestsa dahil walang pansamantalang solusyon ang gobyerno sa mga naisarang mga tindahan. Karamihan sa mga lumalabag sa batas ay ang mga wala nang mapuntahan, at sa pandemyang ito kailangan natin silang mas unawain. Ang tao ay hindi lalabag sa batas ng walang rason. Sila ay mahihirap, gutom, at nangangailangan ng tulong. Hindi lamang sila ang nangangailangan ng tulong, ubod ng balita ngayon ang pag ooverwork ng mga medical proffesionals dahil sa CoVid-19, paminsan ang ospital na mismo ang nagiging tirahan ng 74
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ibang mga nars, humihingi ng tulong dahil sa hirap ng trabaho ngunit kakaunting barya lamang ang naidadagdag ng hazard pay sa kanilang sweldo. Nakararanas din sila ng diskriminasyon at linalayuan dahil sa takot na mayroon silang CoVid-19. Bilang isang simpleng mag-aaral limitado ang pwede kong gawin upang matulungan sila, ngunit para sa akin, ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon patungkol sa CoVid-19 at ang paghihikayat sa lahat ng magpabakuna ay malaking tulong na. Mas namulat ako sa realidad na parami nang parami ang mga problema sa ating mundo, bilang isang iskolar ng bayan ako ay nagdesisyong mas maging vocal sa aking mga pinaniniwalaan. Sumasali na ako ngayon sa maraming organisasyon upang marinig ang aking boses at makatulong, katulad ng Nuevo Youth na ang adbokasiya ay ang pagpalaganap ng impormasyon patungkol sa climate change at mga endangered species. Sa ngayon, mayroon rin kaming concert ng AKAY, isang organisasyon na itinayo ng mga estudyante ng PSHS-WVC, kung saan ang lahat ng makukuhang pera ay ihahandog sa Friends of Cancer Kids Iloilo Foundation. Isa rin sa aking mga adbokasiya ay ang mental health, sa pandemyang ito hindi talaga maiiwasan na malumbay, mas lalo na sa kabataan na ninakawan ng dalawang taon ang pinakamasayang parte ng kanilang buhay. Marami kang makikitang estudyante at mga guro na pagod na sa online setup at nagkakaroon ng depresyon at anxiety, ugaliin natin na kamustahin ang mga kaibigan at guro natin dahil tayo rin lamang ang magtutulungan sa sitwasyon na ito at syempre ugaliin rin na alagaan ang ating sarili. 75
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ang pandemya ko ay puno ng pagsubok at alam kong parepareho lang tayo, nawalan ako ng oras para makipaghalubilo sa pamilya at mga kaibigan ko at tambak tambak din ang mga gawain sa eskwelahan, ngunit alam ko na malalagpasan rin natin ito. Sandali na lang at babalik na rin tayo sa normal. Sa kabila ng kalungkutan, marami pa rin akong mapapasalamatan, katulad ng kompletong pamilya ngayong Pasko at syempre sa buhay ko.
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p8urwwj
76
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pandemyang Puno ng Pagtatanto Ni Timothy Clyde B. Bendo Grade 8-Gumamela
Mga araw na tila hangin lang. Lumalagpas na parang minsan hindi mo na namamalay`an. Wala naman akong nagagawang makabuluhan kundi manood ng YouTube videos, kumain at matulog. Ang haba ng oras sa bawat araw na dumaraan, ngunit hindi man lang makakabakasyon o makalabas ng bahay. Paulit ulit ang mga nangyayari sa araw-araw, palala nang palala ang mga balita. Paminsan-minsan naman ay nagbabasa ako o nag-aaral ng mga bagong gawain subalit parang kulang pa talaga dahil palagi nalang nasa loob ng bahay. Naintindihan ko naman na kailangan at sundin ang mga alituntunin na manatili ng bahay para sa kaligtasan ng lahat subalit, talagang hindi ko nagustuhan na palagi nalang akong hindi produktibo at wala halos ginagawa. May mga panahon na tila
77
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
natataranta na parang naisasalin ko rin sa aking lola, kaya napagisipan ng tiyahin ko na magkaroon kami ng ‘road trip’ paminsanminsan kung saan kami ay nasa sasakyan lamang. Ito’y nakabigay sakin ng bagong perspektibo dahil sa mga nakikita kong mga tao sa daan na mahirap ang buhay pero nananatiling masaya kahit papaano. Dito ko napagtanto na dapat kontento na sa kung anong meron ako dahil mabuti ang aking kalagayan at malusog kami ng aking pamilya. Hindi naman kami nagkakaroon ng malalaking problema na tulad ng nararanasan ng ibang tao lalo na sa mga nagugutom, mga nakaratay at nag-iisa sa ospital, mga frontliners na hirap na hirap sa trabaho nila. Tinanggap ko nalang na ganito na talaga ang magiging sitwasyon habang may pandemya. Patuloy ko na lang iniisip na magpasalamat sa biyaya na natatamasa naming pamilya. Naging mas malinaw ang lahat at naging madali iwasan ang mga hindi magandang naiisip. Nagsimula ang aming pag-aaral sa grade 7, doon ko namalayang nawala na sa aking isip na mga pinag-aralan ko noong nasa Grade 6 pa ako. Ako ay nabigla na may mga gawain na kaagad sa unang linggo pa lamang ng online class at hindi ko inaasahan na ganoon karami ang mga pag-aaralan at mga gawain. Nahirapan ako sa aming mga aralin sa unang buwan pa lamang at matindi ang paghihigpit sa aking sarili para makasabay sa klase. Dagdagan pa ng panahong mahirap magsama-sama ang pamilya at mga kaibigan mula sa ibang lugar, nakaranas ako ng pagkalungkot. Kinailangan
78
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
kong malagpasan ang pagkalungkot para makahabol sa pag-aaral at ng ako’y hindi na masyadong mahirapan. Nalaman ko na dapat maging kalmado lamang at gawin ang lahat nang may tiwala at disiplina sa sarili. Mula noon bihira ko na pahirapan ang aking sarili at laging iniisip na malagpasan ang tindi ng pag-aaral sa Pisay. Laking pasalamat ko sa suporta ng aking pamilya kaya kalaunan ay gumaan ang aking loob. Nakilala ko rin ang aking mga kaklase na mabilis na naging matatalik na kaibigan. Kami ay palaging nagbabahagi ng aming mga saloobin sa isa’t isa at ito ay nakatutulong nang bahagya sa amin. Nalaman ko ang pamamaraan kung saan ako ay makapagaral nang mabuti at nagagawa nang maayos ang mga gawain na ibinigay sa amin ng aming mga guro. Pinatuloy kong gawin ito. Kaya’t pagdating ng araw ng pagbigay ng kard ay nakita ko ang resulta ng lahat ng pinaghirapan at nabiyayaan nang angkop na mga grado. Masasabi kong matindi ang karanasan sa online na paraan ng pagkaklase kesa sa pangkaraniwang klase. Hindi biro kung sasabihin ng mga estudyante na mahirap makuha at maintindihan ng maayos ang mga aralin. Pagkatapos ng isang school year ay ang summer break kaya balik nanaman ako sa sa dating gawain na manatili sa bahay dahil patuloy parin ang pandemya. Tila walang katapusan ang sitwasyon at lagpas na ng isang taong naging delikado ang paligid dahil dito. Maririnig sa news na marami parin ang naidadagdag na kaso ng
79
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Covid kada araw sa Pilipinas kaya hindi pa ipinapayo na pwede nang maglakbay kung saan-saan. Pero, kagaya nga ng nasabi ko, mas mabuti na tayo ay magtiis muna para maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa virus para maiwasan ang pagdami ng mga kaso. Pareho lang ang ginawa naming plano sa dati. Paminsan minsan kami ay nagroroad trip at iyon ang masayang nagaganap sa amin. Dito sa lugar namin ay lumuwag dahil kaunti na lang covid cases kaya pwede na kaming bumisita sa ibang pamilya na nasa ibang lugar kung kaya’t naging masayahin na naman ang bawat isa kahit na marami pa ring kapamilya ang hindi makauwi. Malaking bagay ang makalabas ng bahay, makausap ang mga tao na matagal nang di nakikita at makagala kahit papaano. Sa aking pagtatasa, nasagi sa isip ko na may mga tao na hindi nakakauwi sa kani-kanilang mga pamilya at walang pagod na magtrabaho maitaguyod lamang ang pang araw-araw. Marami ring mga taong hindi pinapahalagahan ang kanilang buhay at nagrereklamo na mahirap ang kanilang sitwasyon ngunit marami pang mga tao ang mas hirap pero hindi sila nagrereklamo. Sana ay pahalagahan natin ang ating buhay, magpasalamat at maging kontento sa kung ano ang mayroon tayo. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na maging mentor sa mga Grade 6 sa dati kong eskwelahan sa kanilang preparasyon para sa entrance exam sa High School. Dahil dito ay naging makabuluhan ang aking summer break. Masaya akong naibahagi ang konting kaalaman at kung ano-ano ang dapat pag-aralan at higit sa lahat, nagkumustahan sa mga dating kaibigan.
80
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Nagbigay ang pandemya na ito ng kakaibang perspektibo sa akin. Maraming pagkatanto ang nangyari at ito’y naging makabuluhang aralin na magagamit ko balang panahon at hindi makakalimutan habang buhay. Ang mga pinagdaanan ko ay magbibigay ng tulong dahil alam ko na magagamit ko ang napagdaanan hanggang sa pagtanda. Mahirap nga ang buhay habang may pandemya pero dapat huwag tayong mawalan ng pag-asa at balang araw, matanggap ang kung ano man ang mangyari. Sundin ang lahat ng makakaya para maiwasan ang pagkalat ng virus ng tuluyan nang matapos ang pandemya at magkaroon ng bagong normal na buhay. Ang pandemya ay nagbigay ng mga negatibong pangyayari o reaksyon sa ating mga buhay pero marami ring magaganda at positibo na bagay ang nabigay nito. Marami ang naging maawain at matulungin, malikhain at produktibo, may magagandang loob. Ako, bilang isang taong nagsisikap na makamit ang mga hangarin, ay naging mapagmatyag kung ano ba talaga ang nangyayari sa ating mundo, naging seryoso at responsable dahil sa mas pagtutok at pag-unawa sa mga pangyayari sa kapaligiran. Sa nakaraang dalawang taong may pandemya, tayo ay nadapuan ng iba’t ibang problema pero dapat tayong matuto at maging mas matatag ang loob na malagpasan ang mga pagsubok sa ating buhay.
81
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/w4seemmb
82
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Mga Kulay ng Karanasan Ni Ansley Joyce H. Sendico Grade 11-Sirius
Pighati. Kalungkutuan. Kahirapan. Kawalan ng pag-asa. Ito ay ilan lamang sa mga salita na makapaglarawan sa karanasan nating lahat ngayong pandemya. Ang COVID-19 ay isang nakakahawang sakit na dulot ng SARS-COV virus kung saan maraming tao sa buong mundo ang naapektuhan. Marami ang nagkasakit, nawalan ng kapamilya o kamag-anak, at may mga tao ring namatay. Maraming pagbabago ang dala ng pandemya sa buhay nating lahat. Nalilimit na ang paglabas ng mga tao lalo na ang mga bata’t matatanda sa kanilang mga tahanan. Ang mga ospital ay
83
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
palaging punong-puno ng mga pasyente. Ang mga empleyado’t mga estudyante ay sa bahay na lamang nagtatrabaho at nag-aaral. Tuwing lalabas kami ay kinakailangang sumuot ng face mask at face shield. Dapat na ring maghugas ng kamay o di kaya’y gumamit ng alcohol bawat oras. Nang magkaroon ng lockdown dito sa Iloilo pagkatapos itong idineklara ng alkalde ng lungsod ay hindi ko maikakailang natuwa ako sa anunsyong iyon. Sa katunayan, halos lahat ata ng tao ay natuwa sapagkat magkakaroon na rin tayo sa wakas ng oras upang magpahinga pagkatapos ang napakaraming paghihirap sa trabaho at pag-aaral. Ang hindi lamang inakala ng lahat ay ang dalawang linggong lockdown na iyon ay aabot pala sa halos tatlong taon. Ang face-to-face classes na siyang uri ng klase noon ay nagbago at naging blended learning. Sa una ay napakahirap ang pagbabagong ito sapagkat hindi ako sanay na walang interaktibong klase na nagaganap. Bawat estudyante at mga guro ay kailangang magkaroon ng laptop o cellphone para makapasok sa klase. Naging pang araw-araw na ring gawain ang pagtingin kung mayroon pa bang sapat na load ang mga mobile data o wifi. Dumagdag pa ang mga problema sa internet connectivity at sa kuryente sapagkat minsan ay nagkakaroon ng mga brownouts kung kaya’t hindi ako makapasok sa klase. May mga pagkakataon ring nakikinig ako sa aking guro o kaya’y nagsasalita ako para sa aming oral recitation nang bigla na
84
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
lang lumitaw ang mga salitang “You are having internet connection problems” at mawawala na ako sa aming meet. Nakakainis at nakakairita ngunit kailangan nating indahin at magpatuloy. Habang tumatagal ay nasasanay rin naman ako sa ganitong set-up ngunit hinihiling ko pa rin na sana’y bumalik na tayo sa tradisyonal na uri ng klase sa lalong madaling panahon. Bukod sa pag-aaral ay naapektuhan din ang aking kalusugan at ng aking pamilya dahil sa pandemya. Mahina ang sistema ng aking katawan at mayroon akong asthma kung kaya’t todo ingat ako at ang aking pamilya. Naapektuhan din ang aking rehabilitation treatment para sa aking gulugod o spinal cord sapagkat mayroon akong sakit na scoliosis. Scoliosis ang tawag sa sakit kung saan ang gulugod ng isang tao ay abnormal na nakabaluktot sa harap, likod, kanan, o kaliwa. Madalas itong makikita sa mga babaeng may edad labingdalawa pataas at wala pang nakakaalam kung ano ang sanhi ng sakit na ito. Ang aking scoliosis ay nakabaluktot sa kanan at kaliwa na tila bumubuo ng letrang “S.” Dahil sa pandemya, hindi na ako maaaring pumunta sa ospital para sa aking pagpapagamot at napilitan akong gawin na lamang ang iba sa aming ginagawa tuwing ako’y magpapagamot sa bahay. Hindi pa naman ito malala ngunit mas mapapabilis ang pagpapatuwid ng aking gulugod kung may tamang kagamitan.
85
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Nitong nakaraan lamang ay naospital ang aking lola sapagkat siya ay dinudugo. Patuloy na lumala ang kanyang kondisyon hanggang sa pinaalam sa amin ng kanyang doktor na kailangan na niyang operahan. Malaki ang gastos sa pagpaopera lalo na sa panahon ngayon ngunit mas importante ang aking lola kung kaya’t ipinagpatuloy namin ito. Nagkasakit rin aking lolo marahil dulot sa pag-alala ngunit hindi naman ito gaanong malala. Ngunit kinakailangan pa rin niyang uminom ng maraming gamot bawat araw. Hindi natagalan ay nakalabas na ang aking lola mula sa ospital at nanatili siya sa aming bahay dahil gusto siyang bantayan ng mabuti ng aking ina na siya ring panganay na anak ng aking lola. Sa mga sumunod na araw ay nabalitaan na lang namin na namatay ang isa kong lolo dahil siya ay nakuryente habang nagkokonstruksyon. Ligtas naman ang kanyang anak na mas matanda sa akin ng ilang taon dahil magkasama sila nang naganap ang nakakalungkot na pangyayaring iyon. Bukod sa isa’t isa, ang naging katuwang naming pamilya sa panahong ito ay ang aming mga alagang hayop. Mahilig kami sa mga hayop lalo na sa mga aso’t pusa. Sa katunayan ay mayroon kaming pitong aso ang labing-isang pusa noon ngunit dahil sa mga kahindikhindik na mga pangyayaring nitong mga nakaraang buwan ay kaunti na lamang ang natira sa amin. Ang paborito kong aso ay nasagasaan ng humaharurot na sasakyan sa harap ng aming bahay. Nakakainis lamang sapagkat nasa loob kami ng isang subdivision na puno ng maraming bata ngunit mabilis pa ring minaneho ng drayber
86
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
na iyon ang kanyang sasakyan at nadamay pa ang aming aso na masaya lamang naglalaro. Namatay rin ang aso naming nagsilbing “guard dog” sa loob ng halos walong taon dahil sa katandaan. Ang iba naman naming mga aso ay namatay dahil sa sakit hanggang sa isang aso na lang ang natira sa amin. Sa pusa naman, dalawa ang namatay at ang iba ay binenta namin dahil alam naming mas mapapabuti sila roon sapagkat “cat lover” daw ang bumili sa kanila kung kaya’t mayroon na lamang kaming limang pusa sa ngayon. At dahil nga mahilig kami sa mga hayop, bumili ang aking ama ng anim na ibon at ang isa sa kanila ay kasalukuyang inaalagaan ang kanyang mga itlog. Masasabi kong hindi lamang mga negatibong bagay ang bigay ng pandemya sa akin sapagkat marami rin akong natutunan sa nakaraang taon. Isa na rito ay ang pagbonding kasama ang aking pamilya. Natutunan ko ring mas pahalagahan pa ang aking sarili, ang aking kalusugan, at ang mga taong malapit sa akin. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas at sa susunod na mga araw kaya dapat gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang pahalagahan ang kasalukuyan. Iba-iba man ang karanasan nating lahat ngayong pandemya, sana ay huwag pa rin nating kalimutan na magpasalamat sa mga taong palaging nandyan para sa atin at sa Panginoon na patuloy tayong ginagabayan.
87
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p87k7rc
88
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pagtawid ng mga Gawain sa Gitna ng Pandemya Ni Michelle F. Quiatchon Grade 7-Jade
Ang pandemya ay nakakatakot. Noong unang mga buwan ng taong 2020 ay hindi pa ako masyadong nababahala. Matapos malaman ang higit pa tungkol sa sakit at kung paano ito kumalat, nalaman kong mas seryoso ito kaysa sa naisip ko. Inisip kong kalaunan ay huhupa rin ito at babalik na ang lahat sa dati. Ang dati na malaya tayong pumunta sa paaralan at iba pang mga lugar nang walang pangamba. Hindi ko inakala na ang dalawang linggong pagliban ng klase ay aabot ng ilang buwan. Mabilis na lumipas ang panahon para sa akin. Pipikit lang ako at pagdilat ko ay isang linggo na ang nakalipas. Pero alam kong iba ang sitwasyon ng karamihan. Ang isang araw para sa kanila ay parang isang taon na dahil sa hirap at pagod. 89
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Noong mga nakaraang buwan ay ginugol ko ang aking oras sa pagbabasa ng mga libro, panonood ng mga pelikula, pagmunimuni sa mga kasalanan na aking nagawa, pagtulong sa ibang tao kung kaya, at iba pa. Ang pagbabasa ng libro at panonood ng mga pelikula ay iilan lamang sa maraming mabibisang paraan upang magpalipas ng oras. Araw-araw rin akong nagmumuni-muni sa mga kasalanan na nagawa ko. Iniisip ko kung paano ko pa pagbubutihin ang aking sarili. Maraming tao ang nagdarahop kaya tinutulungan ko sila kung kaya ko sa pamamagitan ng pagbigay ng mga pagkain para maramdaman nila na may mga taong nais tumulong sa kanila at hindi sila sumuko sa pagsubok na ito. Hindi ko rin nakakalimutang kumustahin ang aking mga kaibigan. Kinukamusta ko ang lagay nila. Gumawa rin kami ng mga liham para sa mga nars at doktor dahil sila ang nangunguna sa pagsugpo sa Covid at nais naming iparating ang aming pagkilala at paghanga sa kanila. Ginawa rin namin ito para maramdaman nila na importante ang kanilang mga trabaho at hindi sila sumuko. Nagbigay rin ang pamilya ko ng kakaunting pagkain at tubig para sa mga frontliners dahil ang iba sa kanila ay nakararanas na ng diskriminasyon kaya hindi sila nakabibili o nakakakain sa mga pampublikong kainan. Kailangan nating tulungan ang ating kapwa kung kaya natin dahil may iba sa kanila na sobrang nahihirapan na dahil sa pandemya.
90
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Malalagpasan ko ang pandemya sa pamamagitan ng pagalaga sa aking pisikal na kalusugan at kalusugang pangkaisipan. Sinusunod ko rin ang mga panuntunan. Hindi ako lumalabas ng bahay para gumala lang. May mga pagkakataon na kailangan kong lumabas pero nagpapanatili ako ng pagitan mula sa kapwa-tao at nagsusuot din ako ng face mask. Gumagamit din ako ng alcohol para sa dagdag na proteksyon. Nalagpasan ko at sigurado akong patuloy kong malalagpasan ang pandemya. Susunod ako sa mga protocol sa kalusugan at patuloy kong aalagaan ang aking sarili. Magdadasal din ako araw-araw. Mahirap ang sitwasyon natin ngayon pero kinaya natin ito at patuloy na kakayanin pa.
91
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/yy5x79uw
92
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Bagong Taon, Bagong Problema? Ni Dashell Sean R. Villanueva Grade 9-Neon
Ang pagdiriwang ng Bagong Taon noong 2020 ay sinalubong ng kasiyahan at masasarap na mga pagkain, lahat ng tao ay maligalig sa pagsalubong sa panibagong yugto ng buhay nila. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, isang pandemya pala ang kanilang kahaharapin sa taong ito. Ang unang linggo ng Enero ay tila normal pa para sa mga mamamayan, lalong lalo na sa mga taga-Aklan sapagkat tuwing Enero, sinasalubong ka na ng malalakas na tambol kasabay ng mga taong naghihiyawan habang sumasayaw sa kalsada. Ito ang preparasyon sa paggunita ng “Mother of all Festivals”, ang Ati-Atihan. Unti-unti ang pagdagsa ng mga turista upang makisalo sa selebrasyong ito subalit kasabay pala ng pagdagsa ng mga turista ay siya ring pagdami ng mga taong magkakasakit sa Wuhan, Tsina. Sa pagdating ng ika-12 ng 93
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Enero, inanunsyo sa publiko ng World Health Organization na may nakahahawang sakit galing sa Tsina, isinapubliko na rin ang genetic sequence nito. Gayunman, hindi ito ikinabahala ng mga lokal na pamahalaan, masasabi kong kahit ako ay hindi ito pinansin. Tuloy ang salo-salo, tuloy ang hiyawan, ang sayawan, ang pakikipaghalubilo, at maging ang pagpasok sa paaralan. Pagdating ng Pebrero, kumalat na ang sakit sa iba’t ibang parte ng Asya. Unti-unti na ring nagbago ang ihip ng panahon, sinong mag-aakalang sa isang kisap ng mata, lahat ng makasasalubong mo ay nakasuot na ng facemask, oras-oras ay nagbubuhos ng alcohol tila bang ‘pag nakaligtaan mong magbuhos sa loob ng isang oras ay mamamatay ka na. Naging takot ang mga Pilipino. Nangamba ang mga lokal na mamamayan. Nangamba ako. Sa pagpasok ko sa paaralan noong buwan ng Pebrero, maliban sa baon kong pera, may baon din akong takot. Takot na baka nakapuslit na ang bayrus sa Pisay. Tanda ko noon, pagkatapos ng pagdiriwang ng aming piyesta sa Aklan, siya ring pagtala ng unang Persons Under Monitoring sa bayan namin, sila ay galing sa isla ng Boracay. Dahil dito, pagkabalik ko ng Pisay, nakaranas ako ng diskriminasyon mula sa aking mga kaklase, dinadaan nila sa biro na baka raw dala ko ang sakit. Manghang-mangha pa ang aking mga kaklase noong ako ay nagsuot ng KN-95 mask, paano ba naman, puro surgical masks lang ang gamit nila. Marso ang buwan kung saan nagbago nga talaga ang lahat. Tuwang-tuwa pa ako sa pag-anunsyo ng ating Presidente na si Rodrigo Duterte na pansamantalang sususpenduhin ang klase nang tatlong araw. Andami kong plano noon; maglalaro ako, matutulog magdamag, 94
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
at hindi gagawa ng takdang-aralin. Ngunit ang tatlong araw ay naging dalawang linggo, umabot ng isang buwan, at ngayon, magdadalawang taon na at andito pa rin ako sa aking kwarto. Hindi ko lubos inakala na ang kasiyahan ko sa pansamantalang pagsuspende ng klase ay mababaliktad pala. Iyon na pala ang huli kong paglalakad sa hallway at pakikipagsiksikan sa kantin. Sa unang buwan, maraming taong nagpanic-buying dahil takot sila maubusan ng panustos, marami ring nagkukulong sa kanilang mga tahanan dahil takot silang mahawa ng Covid-19. Bukod sa taong takot, marami ring naghihirap at nagdodoble-kayod dahil kailangan nilang makahanap ng solusyon upang may mailatag sila sa kanilang mga lamesa. May ayudang binibigay ang gobyerno dahil sarado lahat ng tindahan ngunit hindi ito nakaaabot nang buo sa mga pamilya dahil sa korapsyon ng lokal na pamahalaan. Upang mapabuti muli ang lagay ng mga tinamaan ng sakit, ang mga frontliners ay nagkukumahog na matulungan sila. Kaliwa’t kanang doktor, nars, tagalinis, at iba pa ang lumalaban. Sa pagtaas ng kaso ng Covid-19, mas lalo kaming hindi lumalabas ng bahay, buwan-buwan ay nagpapabili nalang kami ng mga kakailanganin namin upang hindi na kami lumabas. Naglagay rin kami ng alcohol bath sa labas ng bahay, iba pa rito ang pangwisik na alcohol at Lysol. Wala kaming ginawa kundi tumunganga at magbantay sa balita na punong-puno ng mga listahan ng Covid cases sa bansa. Nakapanlulumong tingnan ang mga numero ng nasawi. Dahil sa pandemya, naghanap ng paraan ang maraming tao para matuloy ang 95
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
kanilang nakasanayan na buhay habang hindi lumalabas sa kanilang mga bahay, halimbawa ay ang online class, online shopping at iba pa. Kaniya-kaniyang hanap ng panlibangan ang mga tao, pumatok ang isang mobile application na Tiktok, hindi ko iyon pinasok pero nakikita kong andaming naaadik doon. Ginugol ko ang aking oras sa pagpasok ng mga Mathematics training at panonood ng Anime. Nobyembre 4, mahigit isang taon na ang lumipas, ako ay nakaupo ngayon sa aking kwarto, halos hindi na ako lumabas dito. Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nakalabas ng bahay. Patuloy ang pagtaas ng kaso sa Pilipinas, patuloy ang pagsuot ng face shield, patuloy ang online classes, at patuloy pa rin ang pagdami ng mga unemployed workers dahil sa pandemya. Ngayon, naiisip ko na sana hindi nalang ako nagmadaling umuwi noong nag-anunsyo na walang pasok, sana nakipagtawanan pa ako sa mga kaklase ko, at sana hindi ko pinabayaan ang huling beses na makasasama ko ang aking mga kaibigan nang walang suot na mask. Gayunpaman, salamat sa ating teknolohiya at mahuhusay na siyentista, nakapagawa sila ng samu’t-saring klase ng bakuna. Ito ang magiging tulay natin patungo sa panahon kung saan hindi na ulit kakailanganin ang facemasks. Masaya akong nakikitang marami ang gustong mabakunahan. Ngunit hindi pa tapos ang ating laban, kahit na tayo ay bakunado, ugaliing sundin pa rin ang mga alituntunin; ang pagiging bakunado ay hindi katumbas ng pagiging immortal, maaari pa rin tayong mahawa at mamatay kung kaya’t ayusin natin ang ating desisyon sa buhay at huwag maging pabaya. 96
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2kk99wx6
97
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pagharap sa mga Hamon ng Bagong Normal Ni Lana Jorich B. Samson Grade 9-Neon
“Magandang araw mga bata, narito ang google meet link para sa klase natin mamaya: https://meet.google.com/abc-def-ghi Maraming Salamat.” Sa halos tatlong buwan na nakalipas nang nagsimula ang online classes bilang bagong paraan sa pag-aral sa Pisay, nakatatak na sa utak ko ang kada salita na sinasabi ng mga guro bago ng online na klase nila. Mula sa One Time Assessment, Bridging Program at ngayon, sa Taong Panuruan 2020-2021, sinusubukan at sinisikap ng
98
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
PSHSS na makaadjust at makagawa ng bagong paraan ng pag-aaral para sa mga PSHS na iskolar ngayon sa kalagitnaan ng COVID-19 na pandemya. Ngunit sa bagong pamamaraan ng pagkatuto ng mga iskolar sa bagong normal, epektibo ba ito? Sa mahabang panahon na nakalipas na walang pormal na pagaaral na nakuha mula sa eskwelahan noong Marso hanggang Hulyo, inaasahan ko na mag-oonline classes ang Pisay at maghahanap ng paraan para matumbasan ang mga leksyon na hindi natalakay sa panahong iyon. Inaasahan ko na kaming mga estudyante, kasama ang mga payo mula sa mga guro, ang mismong magtuturo sa aming sarili ng mga leksyon. Ngunit hindi ko inaasahan na bibigyan kami ng sandamakmak na mga gawain na inubos ang oras para sa pamilya at sa sarili. Bilang isang iskolar, sang-ayon at ayos lang ako sa online na pag-aaral sa Pisay dahil may kakayahan kaming ihanda ang mga kailangan sa online classes at may mga benepisyo rin akong makukuha. Datapwat kung ipagpatuloy nila na bigyan kami ng sangkatutak na mga gawain hanggang sa punto na pagod na pagod na kami, tinututulan ko na ang online classes dahil hindi epektibo at walang saysay na ito kung ang epekto lang naman ay makapagod sa mga estudyante at mga guro at hindi para sila’y makapag-aral at makapagturo nang mabuti. Sa new normal, marami pa ang hindi sanay sa bagong daloy ng mga gawain sa paaralan at wala naman pagpipilian ang mga estudyante at mga guro kundi untiunting isasanay ang sarili sa online classes. Sa bagong pamamaraan ng pagkatuto ng mga iskolar ng Pisay, may mga benepisyo tayo na 99
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
makukuha, at ang benepisyong ito ay kaunti lang kumpara sa mga kahirapan na nararanasan ng mga iskolar. May mga positibong epekto ang bagong pamamaraan ng pagkatuto ng iskolar ng Pisay sa bagong normal. Kabilang sa mga mabuting epekto nito ay ang pagsiguro ng kaligtasan ng mga estudyante at mga guro dahil sa distanced learning, ang mabilis at madaling pag-access ng kagamitang pang-aral kahit sa bahay lang, at ang pagbawas ng karaniwang ginagastos para sa pag-aaral. Ang pangunahin at pinakamahalagang epekto ng online classes ay ang pagsigurado na ligtas ang mga estudyante at mga guro sa pamamagitan ng pagpigil ng face-to-face na klase. Dahil dito, nalimit ang interaksyon at pagkita ng mga tao sa paaralan na humahantong sa pag-iwas ng pagkalat ng posibleng coronavirus habang nakapagaral at nakapagturo pa rin ang mga estudyante at mga guro gamit ang iba’t ibang websites katulad ng K-hub, Google Classroom, at Google Meet. Ang pangalawang positibong epekto naman ng bagong paraan ng pag-aral ay ang mabilis at mabisang pagkuha o pag-access ng iba’t ibang kagamitan na kailangan sa pag-aaral. Posible lamang ang pagbigay at pagpasa ng mga modules at iba pang mga kagamitang pang-aral sa pamamagitan ng paggamit ng mga nabanggit na website sa pang-online class katulad ng K-hub. Panghuli, ang pangatlong epekto naman ng online na pag-aaral ay ang pagbaba ng karaniwan na ginagastos para sa pangangailangan sa eskwelahan kapag faceto-face classes. Kumpara sa harap-harapan na klase, ang kailangan lang na ipaglalaanan ng perang pambili ay ang mga mahalagang mga 100
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
bagay para sa online na pag-aaral katulad ng maganda at gumagana na kompyuter, papel, kagamitang pansulat, at magandang koneksyon sa wifi. Hindi na kailangang gumastos pa para sa ibayad sa pangbiyahe, uniporme, PTA na mga bayarin, at baon ng mga estudyante. May iba pang mga magagandang epekto ng pagbago ng karaniwang paraan ng pagkatuto ng mga estudyante, ngunit hindi lahat na ito ay naangkop at tumutukoy sa lahat na mga estudyante. Sa kabilang banda, may mga negatibong epekto rin sa pagbago ng pamamaraan ng pagkatuto ng iskolar ng Pisay sa bagong normal. Ang negatibong mga epekto ng online classes ay nakakaapekto sa mga mag-aaral, at bilang isang iskolar dapat tatalakayin natin ang mga problemang ihinaharap ng mga mahihirap. Ang epekto ng online classes ay nakakaapekto sa dalawang sector: ang epekto sa mga may pribilehiyong mag online classes, at sa mga estudyanteng walang kakayahan na gawin epektibo ang pag-aral online. Pag-usapan muna natin ang isang pangunahing epekto ng mga maralita na mga magaaral: pananalapi o problemang pinansyal. Ngayong binago na ang paraan sa pag-aaral sa isang pandemya, lubos na naapektuhan ang mga mag-aaral o iskolar na nasa mababang sektor. Dahil sa COVID-19, maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at ang halos na mga apektado rito ay ang mga walang maykaya. Ang mga mabigat na epekto ng pag-aaral online sa mga hindi gaanong may pribilehiyo ay ang hindi maka paglaan ng pera upang makabili ng sapat na pangangailangan sa pag-aaral. Kabilang na rito ang laptop o gadget at malakas at matatag na wifi connection, na kapag hindi nabilhan o 101
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
napaglaanan, ay makapahirap sa estudyante na makapag-aral nang mabuti. Para matulungan ang mga estudyanteng ito, naglagay rin ng mga hakbang ang PSHSS upang makatulong sila sa pagbawas ng bayaran ng estudyante para sa mga kagamitan. Sa kabuthihangpalad, nagpapakita rin ito ng mabubuting mga kinalabasan. Ngunit kahit na natulungan ng Pisay ang mga estudyanteng medyo kulang sa pinansyal na kakayahan, may mga problema pa rin na nakaabang sa bagong paraan ng pag-aaral ng mga iskolar sa isang pandemya. Kahit na mahirap na para sa ibang mga iskolar na makompleto ang mga kinakailangan upang makabilang sa online classes, may mga hadlang pa sa pag-aaral online bilang isang Pisay na iskolar: ang pangangailangan ng mabuting pamamahala sa oras o time management, ang tambak-tambak na gawain na ibinibigay, at ang kakulangan ng kasanayan sa mga leksyon na kinakailangan ng pagpraktis. Una, ang pangangailagan ng mahusay na pamamahala ng ating oras na ilalaan para sa mga modyul at para sa libangan. Dahil nag-aaral na tayo online, hinihiling nito na bumuo ng personal na kasanayan sa pamamahala ng oras. Tulad ng karamihan sa mga bagay, kung hindi mo pinamamahalaan nang maayos ang iyong oras, mahahanap mo ang iyong sarili na nakalibing sa sandamakmak na mga gawain na hindi mo pa natapos. Dapat nating gawing prayoridad ang ating pag-aaral, ngunit masama naman sa atin sarili na ubusin ang buong oras natin sa isang araw para matapos ang napakaraming gawain na ibinigay sa atin. Inaakay tayo nito sa pangalawang negatibong epekto ng online classes: ang mabigat na mga gawain o 102
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
workload na ibinibigay ng maraming mga guro sa mga estudyante. Hindi masama na mag-aral ka nang mabuti para sa mataas mong grado, ngunit masama na ang sobrang pagbigay ng oras para sa mga gawain mo hanggang sa punto na inaapektuhan na ang iyong kalusugan. Ang epektong ito ng online classes ay hindi ko lamang naranasan, kundi naranasan din ng halos lahat ng mga campuses ng PSHS sa Pilipinas. Kamakailan lamang, nagtrending sa twitter at nakaabot na nga sa balita ang hashtag na #PisayGiveUsABreak na pinamumunuan ng mga iskolar na nagpupumiglas para matapos ang lahat na requirements sa loob ng maikling oras. Sa isyung ito, hindi na ito tungkol sa pamamahala ng oras o time management, kundi hinggil lang ito sa napakaramng gawain na ibinibigay ng Pisay sa mga estudyante. Inuubos na ng mga walang katapusang requirements na ito ang oras ng mga mag-aaral kapalit sa oras para sa kanilang sarili, pamilya o iba pang libangan. Dahil sa napakaraming mga gawaing ibinibigay sa pagsagot ng mga modyul, ang layunin nito ay hindi para maka-aral ang mga iskolar ng bagong leksyon, kundi para nalang may ipasa para may grado. Ang isyung ito ay konektado rin sa panghuli at ang pinakamalaking negatibong epekto sa online classes, kakulangan sa praktis sa mga aral na nangangailangan ng kasanayan. Ang isa hanggang tatlong learning guide o aralin sa isang linggo ay hindi sapat na makapagturo sa amin at makapagpabuti ng aming kasanayan sa isang paksa. Nagpapasalamat kami sa aming mga guro dahil tinuturuan kami para maintindihan pa nang mabuti ang aming leksyon, ngunit hindi namin maintindihan kung bakit napakaraming gawain ang dapat tapusin sa kada paksa. Kailangan 103
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
naming mga mag-aaral ng sapat na oras upang mapag-aralan nang mabuti at magawa ang tamang mga gawain na nasa isang modyul, at ang pagdagdag ng mas marami pang gawain ay nagpapahirap lang sa amin. Ang online classes ay hindi na epektibo dahil halos sa mga gawain ngayong taon ng pag-aaral ay dapat ipraktis upang maging dalubhasa sa mga leksyong tinuturo, at hindi natin ito magawa kung napakaraming gawain ang ibinigay sa isang linggo, at lalong mas hindi itong mangyari kapag kompyuter lang ang kaharap mo arawaraw. Upang ibuod, maraming mga epekto ang bagong paraan ng pagkatuto ng mga iskolar ng Pisay at halos sa ito ay hindi mabuti o negatibo, ngunit may mga positibong epekto rin. Makabubuti ang online classes bilang bagong paraan ng pag-aral na katumbas ng face-to-face classes dahil nakatulong ito sa pagsugpo ng COVID-19 cases, madali mo lang ma access ang mga modyul mo kahit sa bahay ka lang, at nabawasan ang mga dating karaniwang panggastos sa pagaaral. Ngunit ang mga magandang epekto nito ay maaaring itukoy o nararanasan lamang sa mga estudyanteng may kayang maglaan ng kinakailangan kagamitan, at hindi ito tumutukoy sa mga nasa mababang sektor ng lipunan. Kahit na nagtitiis na ang ibang mga iskolar sa mga limited na kagamitan nila na baka mula rin sa PSHS, may mga di makabubuti at negatibong epekto parin ang online classes sa nakakaapekto sa lahat na iskolar. Kabilang rito ang mga hadlang katulad ng pangangailangan ng mabuting pamamahala ng oras o time management, ang sandamakmak na gawain na kinukuha 104
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ang lahat ng oras, at ang kakulangan ng pag-aaral sa mga paksang nakabatay sa kasanayan. Para makatulong tayo sa paglutas ng mga problemang ito kahit bilang isang mag-aaral, wala tayong gaanong kapangyarihan para ibago at baligtarin ang mga negatibong epekto nito. Ngunit sa pamamagitan ng pagtutulungan, at sa pagsailalim ng wastong mga hakbang, may posibilidad na ang ating mga hiling na ibago ang sistema ng online classes ay maaaring marinig ng mga awtoridad. Sa ngayon, ang unang tunguhin natin na dapat na marinig at matupad ay ang pagbawas ng mabibigat na workload sa mga estudyante. Sa pagtupad nito, nakatutulong ito sa mga estudyante na makahinga nang maayos at matatak ang mga inaaral sa kanilang isipan na humahantong sa isang mabisa at epektibong sistema ng pag-aaral sa new normal. Palagi nating tandaan na hindi ka estudyante lang, estudyante ka. Huwag kang matakot gamitin ang boses mo para humingi ng tulong at upang marinig ng mga nakatataas o awtoridad. Palagi mong tandaan na walang mali sa paghingi ng tulong kapag nahihirapan ka dahil bilang isang tao, may karapatan ka na maghiling ng pagbabago para sa kabutihang panlahat hangga’t sumusunod at ginagawa mo ang nararapat na mga gawain. Ipatuloy mo ang ginagawa mo hindi lamang para sa sarili mo, kundi para sa kabutihan ng lahat na Pilipino.
105
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/4x3uc56p
106
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Tao lang Po Kami Ni Cielo Bien R. Alabado Grade 9-Neon
Maraming pagbabago ang dinala ng COVID-19. Itong panibagong pamumuhay ay tinaguriang “New Normal”. Kasama na dito sa mga nag-iba ang paraan ng pag-aaral naming mga estudyante. Imbes na matuto sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan kasama ng aming mga guro at kaklase, ngayon ay indibidwal na lamang kaming nag-aaral sa pamamagitan ng online platforms. Kahit na binibigyan naman kami ng konsiderasyon ng mga guro, nahihirapan pa rin kaming mga iskolar sa bagong paraan ng pagkatuto. Noong ika-28 ng Oktubre, natampok ang PISAY sa balita ng ABS-CBN News. Nag-trending kase sa Twitter ang #PisayGiveUsABreak. Idinaing ng maraming iskolar na masyado na raw overloaded ang requirements ng online class. Nakadagdag pa 107
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
rito na masyadong limitado ang oras ng pagtuturo ng mga guro, kaya sariling sikap ang bawat iskolar na matuto. Bilang tugon, nagbigay ang PISAY ng Academic Break. Binigyan kami ng isang linggong pahinga pagkatapos ng aming Quarter Exams. Binawasan din ng mga guro ang mga kailangan naming isumite. Pero sa katotohanan, marami pa kaming mga proyekto hanggang sa ika-3 ng Nobyembre. Marami ding deadlines ang nagkaka-sabay. Kailangan din naming maglaan ng oras na magaral para sa aming exams. Maliban sa bilang ng mga requirements na kailangang maisumite, nariyan din ang iba pang mga balakid tulad ng mahinang internet connection, brownouts, distractions mula sa paligid, atbp. Ang pinakamalaking hamon sa akin ay ang napakahinang internet connection sa amin. Nakatira ako sa isang barangay na may kalayuan sa poblacion kaya malayo din kami sa nag-iisang cell site ng aming bayan. Dahil dito, hindi gumagana ang mobile data sa aming lugar at kinailangan pa naming bumili ng wifi. Gayunpaman, tila mas mabilis pa ang pagong kesa sa takbo ng internet. Maraming beses ako nahuli sa pagsumite dahil hindi ko mabuksan ang KHub o kaya ay hindi agad naka-umpisa ng gawain dulot ng mahinang koneksyon. Napakaraming oras ang aking nasasayang sa paghintay ng internet. Hamon din ang biglang pagkawala ng kuryente. Kamakailan ay napapadalas ang brownouts, hindi lang pala sa amin kundi pati na rin sa ibang parte ng Panay. Dahil dito, may pagkakataong lagpas 108
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
na sa deadline ako nakasumite ng gawain. Minsan din ay hindi ko pa nasave ang gawain bago mawala ang kuryente kaya ay kailangan magsimula na naman ng panibago. Hindi din maiiwasan ang nga distractions mula sa paligid. Hindi katulad sa paaralan na lugar na inilaang makapag-focus ang mga estudyante, ang tahanan ay puno ng distractions. Maliban sa mga requirements, inaatupag ko rin ang aking mga responsibilidad sa tahanan. Imbes na mas humaba ang aming oras na matuto dahil nasa bahay kami, sa katotohanan ay napapa-iksi ang aming oras dahil nahahati ang aming atensyon sa mga gawain namin sa bahay. Mas mabigat sa amin ngayong mga iskolar ang panibagong pamamaraan ng pag-aaral. Kailangang ng dobleng sikap upang matuto. Hindi lahat ng oras naming ay nakalaan sa academics. May mga responsibilidad din kami sa aming tahanan at pamilya na kailangang atupagin. At maliban sa dami ng mga requirements na gawain, marami pang hamon ang kailangan naming harapin. Maliwanag na nais lamang ng PISAY na maglinang ng mahuhusay na mga mamamayan para sa kinabukasan ng ating bansa kaya mas mahirap ang aming mga aralin at gawain. Ito ang responsibilidad na kaakibat ng mga pribilehiyo naming mga iskolar. Ngunit dahil sa pandemya, tila umaakyat kami ngayon sa isang gusali na kulang-kulang ang mga baitang ng hagdan. Sana po ay isaalangalang din na mas maraming pagsubok ang aming hinaharap nayong pandemya. Tao lang din po kami. 109
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan Larawanmula mulasa: sa:https://tinyurl.com/5n767yeh https://tinyurl.com/2p8usxbb
110
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Palutang-lutang Patungo sa Silong ng Bagong Normal Ni Darlene Angel Grace M. Miranda Grade 9-Lithium
Sa aking paningin, ang simpleng paksang nagbubuod sa pangkalahatang karanasan ay “palutang-lutang”. Ang pandemyang ito ang nagpapatunay na sadyang paiba-iba ang ruta ng buhay; minsan tumutulong sa pag-usad, minsan humahatak pabalik sa pinagmulan. Ang sigurado lamang sa kapanahunang ito ay ang realidad ng ating sitwasyon ngayon. Walang nakahula na mangyayari ito kung kaya’t mas nangangamba ang mga iskolar, dahil sa paglapit ng mapait na magiging katapusan sa kanilang “highschool life.” Kung noon man ako ay nakatutok sa kinabukasan, ngayon ang hindi maiwasang tanong sa puso na “Kung hindi nangyari ang sakunang ito, paano
111
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
maiiba ang pananaw ko sa mga pagbabagong dadating?” lamang ang agam-agam mula paggising. #PisayGiveUsABreak, sa liwanag ng kasukdulan naging patok ito sa nagdaang taong panuruan. Ito ang naging pagsamo ng mga iskolar sa gitna ng paunti-unting paglubog sa gawain. Ito ang nagpapatibay na gaano man katalino, kapag wala ng enerhiya matuto maaaring pagod na talaga. Ang pagkasanay sa set-up ng online learning ay isa sa mga pangunahing suliraning hinaharap ko. Makikita nga ang mga pagbabagong nagawa sa sistema pero hindi ito nangangahulugan ng pagbalik sa maginhawang kasanayan sa pag-aaral. Ang paunti-unting pagdistansya sa normal ay nagdulot ng pagkaputol sa masayang ugnayan kasama ang paaralan. Isang personal na kaisipan naman ay ang dagdag na puwersa ng mindset na “Gagawin ang lahat, kahit hindi mabuti para sa sariling kalagayan upang manguna at makamit ang mataas na grado sapagkat ito ang nasanayan.” Ito ay kadalasang umaabot sa burn out na lalong naging rason sa pagkahuli sa gawain. Iskolar ng Pisay ang pinag-uusapan kaya hindi maiwasang matalakay ang core values ng institusyon. Truth, kalimitang nahahamon dulot ng walang kasiguraduhan sa moralidad ng mga estudyante. Excellence, panunumpang dapat tangkilikin ang mataas na pamantayan ng paaralan. Ako ay nagkasala rin sa panindigang ito dahil sa maraming salik tulad ng hindi pagsusumite sa tamang oras. Passion, nawala ang matinding pagmamahal hindi lamang sa Agham at Matematika, pati na rin sa mga asignaturang pantao. Ayon sa isang 112
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
artikulo mula sa Uconn Today, ang mga estudyante ay mas nag-alala sa epekto ng bagong normal sa kanilang pag-aaral kumpara sa takot ng pagkakahawa ng mismong sakit (Breen, 2021). Ang matimtimang pag-iisip sa epekto, ang pangunahing rason ng mismong pagkawala sa nasabing pagkahumaling para sa mga asignatura. Sa pagsasaalangalang ng mga ideyang ito sa isipan, makikita rin ang pagkupas ng koneksyon sa pagitan ng mga magkaklase o sa buong baitang. May positibong epekto rin ang pag-aaral sa ilalim ng bagong normal, isa ay ang pagkatuto ng pagpapahalaga sa pagpapahinga. Naudlot ang normal na daloy ng buhay, kaya bumagal din ang pagdaan ng oras. Ginamit ko ang kaunting panahong ito upang mapabuti ang sarili at unti-unting bumangon mula sa epekto ng pandemya. Naging importanteng bahagi ito ng oras na ginugol sa quarantine dahil dahan-dahang akong naging komportable sa kasalukuyang set-up. Tila naging domino effect ito sa daan patungo sa mas maayos na mental health. Dagdag pa ay ang paghantong sa ibang pagsalubong ng maraming pagbabago, kaysa takbuhan natutunan kong mamuhay nang maluwag upang may lugar ito sa buhay ko; total normal na pangyayari naman ito. Lantarang niyayakap rin ang ideya na malabo talaga maging tiyak sa kahihinatnan ng bukas kaya mas maigi maging bukang-isip. Dahil namamago pa rin ang lahat sa bagong normal mas nadama ko ang pakikiramay ng mga estudyante at guro sa isa’t isa sapagkat mayroong isyu na ang kapwa lamang nakararanas. Gumaan ang tensyon sa pagitan ng dalawang panig at naging mas maunawain 113
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
sa sitwasyon ng iba. Isa pang positibong pananaw ay ang paggamit ng teknolohiyang nagpapabuti sa naiibang paraan, tulad lamang ng mga websites at interactive simulators. Ako ay napakumbabang malaman na tuloy-tuloy ang pagbabago sa sistema upang maging angkop ito sa kasalukuyang lagay ng edukasyon sa Pisay. Makikita sa mga iskolar kung paano sila nagbago bilang pangkat, ang lahat ay sumabay sa agos ng tadhana tulad ng paibaibang petsa para sa pagbabalik eskwela o pagpababakuna man. Ginagamit din ang pribilehiyong taglay sa magandang katwiran. Tulad lamang ng paggamit ng teknolohiya upang makatulong sa sariling pag-iisip, pagkikita sa mga online therapist at iba’t ibang meditation guides sa internet. Isa pa ay ang pag-organisa ng mga aktibidad na nakatutulong sa kapwa; paglikom ng donasyon mula sa online concert upang makatulong bumili ng mga gadgets. Hindi maikakaila na giniba ng pandemya ang pakiramdam ng kasiguruhan. Ang yaong mas umaapaw na kahirapang dinadanas ng mga iskolar sa bagong normal ay hindi dapat balewalain. Dagdag pa sa mga nasambit ang pagtanggap na iba’t iba ang kakayahang umangkop at may mga salik na labas na sa sariling kakayahan tulad ng internet connection. Sinusubok ng oras ang ating kakayahan at lahat ay tinulak sa delikadong ilog na kailangang languyin, kaya nakatulong ang paglutang. Unti-unti tayong makakaabot sa baybayin ng bagong normal at kailangan pa ring trabahuin ang mabuting kapalaran sa panibagong antas ng buhay.
114
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan Larawan mula mula sa: sa: https://tinyurl.com/2p8tnvxv https://tinyurl.com/2p8usxbb
115
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
May natutunan ba tayo? Ni Alady Diana L. Medalla Grade 9-Neon
Nang panahong nagsimula ang pandemya, maraming pagbabago ang nangyari sa mundo. Kabilang dito ang edukasyon ng mga iskolar para sa bayan. Inilahad ng Pisay ang isang hamong hindi lamang sa kanyang mga guro, kundi sa kanyang mga estudyante rin, sapagkat may bagong kurikulum, sistema ng pagmamarka, at, pamamaraan ng pagkatuto. Gayunpaman, ang hindi nila napagtanto ay ang magaspang na daang nasa harap nila, at ang mga kapintasan na dala ng paraang ito. Maraming mga mag-aaral, kagaya ng sarili ko, ang nahihirapan dahil sa kapaligiran ng pagkatuto, sa inaasahang pangangailangan at sa pamamaraan ng pagkatuto mismo.
116
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Mula sa apat na sulok ng silid-aralan, ang kapaligiran ng pagkatuto ay lubos na nagbago. Sa halip ng face-to-face na mga klase, inaasahan kaming matuto sa pamamagitan ng mga modyul at asynchronous na mga klase, ngunit may mga problema na lumabas dahil dito. Dahil nag-aaral na kami sa aming bahay sa harap ng aming gadyet, ang bilis namin mawalan ng pokus. Maraming distraksyon ang nasa bahay kagaya ng ingay sa kapaligiran, utos ng pamilya, at ang gadyet mismo. At tsaka, minsan may mga panahon kung saan nawalan ang mga estudyante ng koneksyon habang may pagsubok o klase. Sa isang panayam ng ABS-CBN hinggil sa pagtrending ng #PisayGiveUsABreak sa Twitter, sinabi ng isang ikalabing-isang baitang na iskolar na mas kaunti ang mga pangangailangan ngayon kumpara sa face-to-face na mga klase. Kahit na mas kaunti ang mga gawain, ang hirap tapusin ng mga ito dahil ang hirap din magpokus at kami lamang ang nagtuturo sa aming mga sarili. Bukod doon, hindi lahat ay nasa mabuting kondisyong mag-aral o maggawa ng mga takdang aralin. Upang makamit ang mga pangangailangan na ibinigay ng paaralan, marami ang napagod, dahil hindi kami makapaghinga at minsan hindi makakain at makatulog nang maayos. Sa panahong ito, marami rin ang nakakaramdam ng balisa, at kadalasan ang aming kalusugang pangkaisipan ay napabayaan.
117
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ang pagkatuto ay hindi ganito kahirap nang panahong wala pa ang pandemya. Kami na ang nagtuturo sa aming sarili ng mga aralin namin. Nawala o naging mas kaunti ang interaksyon sa pagitan ng guro at kanyang mga mag-aaral. At tsaka, ang pamamaraan ng pagkatuto ngayon ay hindi para sa lahat. Magkakaiba ang mga istilo ng pagkatuto ng lahat, at ngayon parang nagsisilbi ang pamamaraan ng pagkatuto sa mga biswal na mag-aaral, sapagkat parang nagbabasa lamang kami ng aklat-aralin upang matuto. Ang pamamaraan ng pagkatuto ngayon ay sinasabing para sa lahat, dahil matuto lamang kami sa aming sariling tulin. Gayunpaman, batay sa sarili kong pagkadanas, naging mas mahina ang bilis ko sa pagkatuto dahil sa mga dahilang nabanggit ko, kaya ang hirap pa rin humabol sa mga gawain. Kapag nasa silid-aralan gumanap ang pagkatuto, ang tulin ng lahat ay ginawang magkapareho. Naging mas may pananagutan ang estudyante kapag kailangan niyang humabol sa tulin na itinatag ng guro o paaralan. Kahit na ginawang posible ang pagkatuto sa bahay, maaari itong magbigay ng mga sagabal katulad sa mga nabanggit ko. Kahit na ginawa ng paaralan ang lahat na makakaya nila upang makabigay ng mabuting edukasyon sa mga iskolar sa panahong may pandemya, sana hindi ito maging kapinsalaan sa kanilang kalusugan at kapakanan. Ang hirap humabol sa mga takdang aralin kapag may mga gawain na hindi
118
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
mo pa ipinasa. Dumadami lang nang dumadami ang mga ito. Para lang humabol sa mga dumadaming gawain, kadalasan ang nangyayari ay napabayaan ang pagkatuto. Bilang isang taong nagmamahal ng pagkatuto, ang nararamdaman ko ngayon tuwing nag-aaral ako ay balisa at pangamba, sapagkat maraming deadlines ang kailangan ko pang habulin at napakahina pa ng bilis ko sa pag-aral kumpara sa dati. Ang edukasyon ngayon ay may kapintasan sa kapaligiran at pamamaraan ng pagkatuto at sa pamamahagi ng gawain. Kinakailangan ito ng mga reporma o pagbabago sa bahagi ng paaralan at ng mga taong kanyang nasasakupan. Sa kasalukuyang kalagayan natin ngayon, kailangan nating magtulungan at magkapit-bisig upang harapin ang mga hadlang nasa daan natin.
119
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/8mkwne6d
120
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Naunang Lunas para sa mga Iskolar ng WVC Ni Janylle Joy M. dela Torre Grade 9-Lithium
Napaghandaan, ngunit hindi pa rin inaasahan— maikukumpara ko ang pagbugso at pagdating ng mga learning guides o modules sa mga iskolar ng Pisay sa mga bagyong humagupit at kasalukuyang humahagupit sa Pilipinas. Naglaan ng isang buwan sa Bridging Program upang maihanda ang mga estudyante sa bagong plataporma ng edukasyon at upang masubok ang bagong sistemang ito. Ngunit, hindi naging sapat ang paghahanda ng mga iskolar sa pagsimula ng bagong sistema ng pag-aaral ngayong 2020. Tulad ng biglaang pagtaas ng tubig at pagbaha sa isang subdivision sa Batangas City, ang pinsalang naidulot ng biglaang pagdami ng kailangan gawing pang-eskwela sa sariling tahanan ay hindi biro sa kalusugang mental at pisikal ng mga estudyante pati 121
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
na rin sa mga guro. Noong una pa lamang, marami-rami na ang mga learning guides na ipinapagawa sa amin at pagkatapos na pagkatapos na magawa ang lahat, may sumusunod na bagong bugso ng mga gawain at babasahin ang dumarating. Kahit humupa na ang mga gawain, pagod at nawalan na ako ng gana sa paggawa ng gawain, pang-eskwela man o pambahay. Halos dalawang buwan sa Distance Learning ng PSHS system, sumikat o nag-trend noong Oktubre 18 ang #PisayGiveUsABreak sa twitter. Gamit ng hashtag na ito, maraming taga-Pisay ang nagpost tungkol sa kawalan nila ng pahinga dulot ng pagdami ng gawaing kailangan nilang isusumite (Rojas, 2020). Kumalat ang hashtag na ito hindi lamang sa ibang mga kampus, kundi pati narin sa labas ng PSHS system. Hindi naman natagalan ang pagsagot ng administrasyon sa kagustuhan ng karamihan. Ayon sa mga opisyal na memorandums ng mga kampus, at mga panukala ng student body gamit ang student governments at publications, halos lahat ng pahinga o breaks ay nasa unang linggo ng Nobyembre at nasama na dito ang wikend (Apostol, 2020). Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa ibang kampus, eh wala naman akong kilala sa kanila. Ang alam ko lang, ang kampus na kinabibilangan ko, ang PSHS-WVC, ay nagkaroon ng maagang aksyon, pagkamulat at agarang solusyon sa nangyayari sa mga estudyante nito habang nasa distance learning. Tatlong araw bago ang natakdang virtual oath-taking ceremony ng mga kahahalal pa lamang na officers ng SA, Setyembre 18 noon nang may natanggap akong survey sa aking opisyal na PSHS gmail
122
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
account. Ang survey ay patungkol sa inaasahan ng mga estudyante sa School Year 2020-2021. Ang SA ay nagpalabas ng survey na ito upang matulungan sila sa pagsusuri ng kasalukuyang sitwasyon ng mga estudyante at nang makagawa rin sila ng mga polisiya at proyektong angkop sa kapakanan ng Pisay community. Isipin natin ulit, Setyembre 7 nagsimula ang unang linggo ng pasukan at maramirami na ang kailangan kong gawin sa eskwela. Nagkaroon ng Grand Rally sa ikaapat na araw ng unang linggo, Setyembre 10, at sa araw ring iyon ay may monitoring session ako sa isang asignatura. Pagkabukas na bukas ay nagkaroon na ng eleksyon. Eksaktong isang linggo ang lumipas at may survey na ipinalabas ang SA. Magdadalawang linggo pa lamang ang klase, mag-iisang linggo matapos ang eleksyon sa SA, sa panahong ito may ginawa na sila upang masimulan ang pagsagot sa mga reklamo at stress ng mga estudyante sa bagong pamamaraan ng pagkatuto. Oktubre 2, may dalawang email na halos magkasabay kong natanggap. Nauna ang email ng pag-aanunsyo ng naganap na pagpupulong ng SA, ng CID Chief at ng SAU Head noong Setyembre 26 tungkol sa pinag-aalala ng mga estudyante base sa unang survey. Nakalakip sa email ang mga problemang kanilang nakalap sa unang survey. Ang mga ito ay kakulangan sa buwan-buwanang dagdag na allowance para sa load na gagamitin sa online na gawain, ang isyu sa maraming lingguhang gawain ng mga estudyante at kabuoang kalusugan at kalagayang mental ng mga estudyante. Nabanggit rin doon ang kanilang pag-aabot ng tuwirang atensyon sa mga isyung ito
123
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
at ang plano nila upang matugunan ang mga kakailanganin. Sumunod ang email sa isa pang survey tungkol naman sa mga learning guides at requirements na ibinibigay ng mga guro. Hinahangad ng SA na sa survey na ito, mapabuti at mapaganda nila ang karanasan ng mga estudyante sa online learning. Matapos ang isang linggo, nagkaroon na ng mga desisyon ang administrasyon at nagpalabas ng opisyal na kopya ang SA ng memorandum mula sa Campus Director. Oktubre 8, natanggap ako ang pdf na kopya nito. Nakasaad doon ang kagustuhan ng PSHS Executive Director na magbigay ng “academic ease” sa mga iskolar sa implementasyon ng remote learning. Sagot naman ng PSHSWVC ManCom ang mga Remote Learning Interventions na kanilang napagkasunduan: pagpulong sa mga guro upang mabawasan ang kailangang tapusin na gawain ng mga estudyante sa iisang linggo, panukalang ang mga non-graded na assessment ay hindi na kailangang gawin maliban na lamang kung ang mga ito ay katumbas ng alternative na assessment, pagpresenta ng proposal sa Execom meeting para sa dagdag na load allowance, at ang pag-apruba ng proposal na ibibigay ng SA para sa de-stressing breaks ng mga estudyante matapos ang isang quarter. Napuna rin doon na nakatulong ang mga survey ng SA na siyang pinagbasehan upang makagawa ng mga naaayong sagot sa mga problema at isyung napabatid at napamalay sa kanila. Sa nabanggit kong mga interbensyon at mga aksyon ng SA at ng PSHSWVC administration sa mga isyung nahaharap sa
124
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
kasalukuyang remote o distance learning, makikita natin na nandiyan talaga ang feedback ng mga estudyante tungkol sa kasanayan nila. Hindi nawala ang „input‟ ng mga kasapi ng komunidad ng Pisay kahit hindi na sila nagkikita-kita at nagkakasama na lamang sa mga virtual at online na pamamaraan. Bawat sa mga nakalap na impormasyon na tumuturo sa partikular na problema ay kanilang nasuri, at binigyan ng solusyon. Lahat ng ito ay nasimulan isang buwan bago pa sumikat ang #PisayGiveUsABreak sa social media. Marahil ang sumikat na hashtag na ito ay maslalong nagpamulat sa buong PSHS system at lalong nagdulot ng aksyon mula sa mga faculty at staff ng sistema ngunit sasabihin kong may nakabatid na ng dinaramdam ng mga iskolar at sila ay maagang nagsimula na sa pagkilos upang matugunan ang kailangan nila, mapapinansiyal man o pangkalusugan man. Kahit na ang simula ay pagkabigla at pagkalubog sa mga kailangan gawin, may mga taong naghatid ng tulog upang maibsan ang dinaranas na unos ng mga estudyante. Gaya ng SA, sila ay naging daan upang mapa-abot sa PSHS system ang hinaing ng mga PisayWVC scholars at matulungan sila sa pagbahang kasalukuyan nilang linulusong. Ang mga estudyanteng puyat at pagod na sa kakagawa ng ‘reqs’ ay mabibigyan na ng pahingang hinihingi nila kahit na ito ay iilang araw lamang. Mabibigyan sila ng oras sa kanilang mga sarili at pamilya sa kapakanan ng kanilang overall well-being sa gitna ng pandemya at bagyo.
125
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p9dnsaz
126
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Sa mga iskolar ngayong bagong normal, kaya pa ba? Ni Andrea Kate P. Famador Grade 9-Beryllium
Noong ika-17 ng Marso 2019, ipinahayag ng Pangulo ang state of calamity sa buong Pilipinas sanhi ng nakamamatay na Corona Virus Disease 2019. Dahil dito, inabisuhan na isara ang mga mall, mga restaurants, lahat na bukas sa publiko, at pati na rin ang mga paaralan. Nang una, ako’y nasisiyahan pa nga palibhasa akala ko ilang araw lang at babalik muli sa paaralan kaya ako’y magpahinga muna ngunit akala ko lang pala iyon. Ang sinabing isang linggo na pahinga at pagdidisimpekta ng paaralan ay nauwi sa ilang buwan na pagpapahaba ng quarantine na umabot ng taon. Dahil kung parang apoy na kumalat ang virus, hindi pa rin pinayagan na mag face-to-face
127
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
classes sa takot na mahawaan kaming mga estudyante pati na rin ang mga guro at staff ng paaralan kaya pansamantalang nagdesisyon muna na magsagawa ng online class upang hindi maitigil ang pag-aaral ng mga estudyante. Bilang isang iskolar ng Pisay, ako’y nahihirapan rin sa bagong normal na ito at kalimitan na rin siguro ng mga estudyante ay hindi makapaghintay kung kailan tayo muling magsasagawa ng face-to-face classes. Dahil sa online class sinusubukan rin tayong hamunin ng ating internet problems, ang parating pag brown out, kakulangan sa gadget na kailangan upang dumalo sa online class, kakulangan ng kaalaman sa mga tinatalakay na leksyon, disiplina sa sarili na matapos ang mga gawain sa takdang oras upang humabol sa deadline, at ang kawalan ng kakayahang tumuon sa screen. Sa kabilang dako, hindi naman puro negatibo lang ang dulot ng bagong normal na edukasyon. Isa sa mga positibong epekto ng bagong normal na edukasyon ay ang kaginhawaan sa pag-aaral, sa simpleng pindot mo lang sa iyong gadget at makinig lang nang mabuti sa inyong mga komportableng lugar sa bahay at hindi na kinakailangan na gumising ng napakaaga para makahabol ng jeep papunta sa paaralan lalo na kung malayo ang paaralan. Dahil sa online learning ay nag-iba ang mga kinagawian ko, kung dati ako’y gumigising ng alas kuwatro ng umaga upang maghanda at aalis ako ng bahay mag alas singko y medya at mabuti naman ako’y hindi nahuhuli sa aming klase. Samantala ngayon, ako’y gumigising na ng alas syete ng umaga para maghanda para sa monitoring sessions
128
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
namin mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Dahil sa bagong normal na edukasyon, mas mapahaba ko pa ang oras ng aking mahimbing na tulog sapagkat kung “lugaw is essential”, “tulog is essential” rin sa mga iskolar tulad ko kasi kapag hindi ka nakatulog nang mabuti ay mawawalan ka ng ganang mag-aral at syempre nakaka-blanko ng isip sa klase kasi inaantok ka. Ngayon naman gusto kong talakayin o pag-usapan ang tungkol sa face-to-face noon dahil namimiss ko na. Noong face-toface, lagi akong nagagalak kasi makikita ko ang aking mga kaibigan at kami ay magpapadeliver ng pagkain para kainin habang nag-uusap o chika pagkatapos ay sabay-sabay kaming gumagawa ng aming mga assignment o kaya’y mag-aaral kami para sa napapalapit na mga pagsusubok. Kaya ang pag-aaral ko noon ay hindi nakakatamad sapagkat meron akong mga mabubuting kaibigan na handang tumulong sa akin kapag ako’y nahihirapan at hindi boring gumawa ng mga gawain kapag kasama ko sila. Noong face-to-face ang mga gawain ay hindi ganoong kadami kung kaya makakapasa ako ng mga pinapagawa sa amin sa takdang oras at medyo hindi nakakastress. Ang mga grado ko naman noon ay katamtaman lang ngunit ngayon medyo mabilis sila mag parkour dahil napupuro ako ng mga assessments na may pinakamalaking porsyento sa grado. Base sa mga kaklase ko, hindi na sila makapaghintay na makabalik na sa normal o makapag face-to-face na dahil hindi na
129
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
kaya ang mga gawain sa online class. Noon, naranasan namin na magsumite ng halos sobra sa limang gawain sa isang araw at may mga pagsubok pa na pag-aralan dahilan ng pagkapuyat naming mga iskolar. Sambit rin ng mga seniors namin na mahirap daw ang mga tinatalakay sa baitang 9-10 at mas mabuti na mag face-to-face na upang matutukan ng mga guro ang mga iskolar na naghihirap sa kahit anong asignatura. Kung may face-to-face rin ay mas madaling maipaliwanag ng mga guro ang mga leksyon at lahat ng mga iskolar ay makapag-recite sa klase. Bilang monitor ng aming seksyon, karamihan ng mga kaklase ko ay hindi na nag-aattend ng klase lalo na sa monitoring ng huling asignatura at nagtataka ako baka kasi napapagod na sila sa kakatutok sa screen sa buong araw, may internet problems o brown out, o hindi na talaga nila gustong pumasok sa meet dahil minsan nakikita ko ang aking mga kaklase na nag-tweet sa twitter o nag-share post sa facebook habang may klase pa kaya nagdudulot ito ng kawalang kaalaman sa mga leksyon na tinalakay kung kaya’t mababa ang mga grado sa exam. Ngayong online class naman, medyo nastress ako kasi wala akong kasabay gumawa ng mga gawain at wala rin akong kausap na mag-aaliw sa akin habang gumagawa ng gawain. Isa pa, dahil online learning, mga dalawang beses sa isang linggo lang kami nagkikita at hindi iyon sapat para matalakay nang mabuti lahat
130
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
na leksyon sa tig-iisang oras na nakalaan sa kada asignatura kaya mas mabuti siguro na mag face-to-face. Dahil din sa online naman ang pag-aaral nawawalan ako minsan ng gana na tapusin ang mga modules at gusto ko lang magpahinga buong araw. Ngayong online learning, medyo bumaba ang iba kong grado pero may pagkakataon pa naman para ma-improve ito. Nakakapagod man o nakakawalanggana minsan sa online learning, kailangan ko pa rin magsumikap upang makapagtapos at makamit ang aking mga pangarap sa buhay at hindi lang naman ako ang naghihirap sa online learning kundi lahat namang iskolar. Kamakailan lamang may mga balita na unti-unti ng bumabalik sa normal ang lahat, ang mga paaralan ay unti-unti na ring nagbubukas para sa pilot-testing na isasagawa dahil buti nga napayagan na ang mga kabataan sa edad 12-17 na mabakunahan upang maging ligtas. Hindi ako sigurado pero may nabalitaan akong mag pilot testing din “daw” ang Pisay sa Enero pero sigurado ako na ngayong Nobyembre naman ay babakunahan ang mga iskolar. Kung tunay man na babalik na ang mga iskolar sa Pisay, ay ikagagalak ko ito dahil halos higit isang taon ko nang hindi nakita ang aking mga kaibigan at baka pagkakataon ko na ito na makinig nang mabuti sa mga pagtatalakay ng aming guro para kahit man lang mabawi ko ang mga mababang grado ko. Kahit may natutunan man tayo o wala sa bagong normal na online learning, ito’y magsisilbing karanasan na hindi natin makakalimutan kapag bumalik man sa normal ang lahat.
131
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
At sa wakas, pahayag nga nila “Nasa tiyaga at pagsisikap ang tagumpay ng tao”. Nakadepende na sa’tin kung paano nating pangasiwaan ang ating pag-aaral ngayong online learning. Hindi na dapat tayo magreklamo kung hanggang ngayon naghihirap tayo sa online class, hindi na ngayon mahalaga kung anong uri ng edukasyon ang makukuha ng mga estudyante gaya ko mapa-online class or faceto-face pa man yan, ang importante ay ligtas tayo sa nakakamatay na sakit at may matutunan tayo at makapagtapos sa pag-aaral. Kahit mas gusto na natin mag face-to-face na para mas mapalawak pa ang ating kaalaman at mas maipaliwanag sa atin nang mabuti ang mga leksyon, tanggapin na lang natin na ito lang ang tanging paraan upang hindi maitigil ang ating pag-aaral. Matuto tayong sumabay na lang sa agos ng sitwasyong kinakaharap natin. Ang tanging mga hiling natin ngayon ay dapat matapos na sana ang pagsubok na ito at hindi na mag-extend ng ilang buwan o taon pa dahil lahat tayo ay naghihirap na. O ano, keri pa?
132
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p8u6a45
133
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Mula sa online classes tungo sa bigong inaasahan: Ang sagabal sa mabisang pag-aaral Ni Jacques Simon L. Timtiman Grade 9-Neon
Sa panahong ito, naging mahirap ang buhay ng mga tao sa sektor ng edukasyon, pagtatrabaho, at iba pang araw-araw na mga gawain dahil sa Covid-19 na pandemya. Bilang tugon sa sitwasyon, lahat ng Pilipino ay nananatili sa kani-kanilang tahanan. Upang makapag-aral pa rin ang mga estudyante at mapaunlad ang kanilang edukasyon sa kabila ng pandemya, iminungkahi ng gobyerno ang online learning platform upang gayahin ang kapaligiran ng pisikal na silid sa pagkatuto. Ang online learning platform ay isang paraan para matuto ang mga estudyante ng mga kinakailangang aralin sa porma ng modyul o konsultasyon. Gayunman, ang ibang aspekto ng paraang 134
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ito ay nangangailangan ng mas maingat na pagsasaalang-alang. Sa aking karanasan sa online learning platform, ito ay may kaakibat na iba’t ibang suliraning teknikal, pangkapaligiran, pansarili, at sosyal. Ang una ay teknikal. Ang online learning platform ay nakadepende sa kalagayan ng mga gadyet, kahusayan ng website, at sa lakas ng internet connection. Sa tingin ko, maraming estudyante ang nakaranas ng kahit isa sa mga teknikal na suliraning ito. Minsan, pati ako ay hindi na makasagot sa pagsusulit o hindi kaya ay naaantala ang aking pagkuha nito dahil sa mahinang internet connection. Nariyan din ang mga glitch at bug ng website. Hindi rin dapat kalimutan ang mga mag-aaral na walang kakayahang bumili ng mga gadyet para sa pag-access ng learning management system portal at modyul. Ayon sa datos ng National Telecommunications Commission, sinabi ng Department of Education na noong Disyembre 2019, 67% lamang ng mga Pilipino ang may access sa internet. Nagpapakita lamang ito na marami ang namomroblema kapag online na mga gawain ang pag-uusapan. Ayon naman sa blog.pawnhero.ph, ang isa sa mga pinakamurang laptop ay P9612 na hindi mabibili ng mga pamilya dahil sa kawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya. Ang ikalawa ay mga sagabal sa paligid. Ayon kay Reggie Smith III, CEO ng nonprofit United States Distance Learning Association, “Habang nag-aaral sa bahay o kung saan-saan ang mga estudyante, maaaring may higit pang nakakagambala sa bahay, lalo na sa pamilya at marahil ang mga nakababatang kapatid.” Para sa akin, ito ay nagsasabi tungkol sa aking sitwasyon dahil may 135
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
marami akong kamag-anak sa bahay. Sumasang-ayon ako na ito ang nakakagambala at pwedeng humadlang sa mga estudyante kagaya ko sa paggawa ng mga takdang aralin. Ang iba pang mga suliranin ay maaaring nasa anyo ng mga ingay sa kapaligiran. Halimbawa rito ang tunog ng mga hayop at sigawan ng mga tao sa labas. Maaari ding hindi angkop ang kapaligiran para sa pag-aaral lalo na kung madilim at makitid ang silid. Dagdag pa, higit na nakakabahala ang sinabi ni Cari De Candia na ang pinakanakakaabala sa mga mag-aaral ay ang social media, texting, telebisyon, at pamilya na pwedeng umistorbo sa kanilang mga gawain at maging sanhi ng pagbawas ng kanilang pagiging produktibo. Ang ikatlo ay mga problemang pansarili. Dahil lahat tayo ay nasa bahay, wala tayo masyadong ginagawa at nagbabago ang ating iskedyul dahil hindi na pwedeng lumabas ng bahay. Bunsod nito, ang mga estudyante ay maaaring mawalan ng motibasyon sa pag-aaral hanggang sa magpapakatamad at magpapakampante na lamang sa kanilang mga ginagawa. Karaniwan, ang pagpunta sa paaralan ay nagsisilbing pagganyak ko dahil sa sinusunod na iskedyul at mga gawain. Ngayon, pwede kong atupagin ang aking mga gawain anumang oras o araw. Ayon kay Emily Effren ng Texas Tech University,” kung hindi mo tinitingnan ang tahanan bilang isang lugar ng pagtatrabaho o pag-aaral, magiging isang pakikibaka ang pagkakaroon ng pokus. Ang dami ng aralin at pangangailangang ibinibigay ng paaralan ay nagpapabigat pa lalo sa trabaho kumpara sa panahon bago ang pandemya.
136
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ang huli ay suliraning sosyal. Upang maging pinakamabisa ang pag-aaral, kahingian ang pakikipag-ugnayan ng guro at mag-aaral. Sa panahon ng pandemya, ang pakikipagkomunikasyon ay halos wala na dahil sa iba-ibang limitasyong kinahaharap. Sa aking opinyon, mas mainam at kapaki-pakinabang kung may harap-harapang interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral kumpara sa pagtalakay lamang online at sa pagbabasa ng mga modyul. Ayon kay Darrien Pitt, “Ang face to face learning ay nagbibigay din ng tulong sa pag-aayos ng mga magaaral at kanilang pag-aaral. Binibigyan sila ng kakayahang makipagugnay sa kanilang mga guro at iba pang mga kamag-aaral. Oo, ito ay nangangailangan pa rin ng disiplina sa sarili, dahil kinakailangan pa ring pumasok sa klase ang mga mag-aaral. Gayunpaman, kahit na ang mga mag-aaral ay walang labis na disiplina sa sarili, mayroon pa rin silang kakayahang umupo sa lektyur at makinig sa kanilang guro. Ang pag-aaral online ay nagiging mas mahirap para sa mga magaaral dahil sa pagkawala ng kanilang tradisyunal na kaligirang pangedukasyon. Ang mabibigat na mga gawain ay nakasalalay lamang sa kanilang mga balikat, subalit inaasahan silang kumilos na parang nasa kanilang normal na silid-aralan pa rin.” Sa ganang akin, kahit mahirap ang pag-aayos sa bagong normal, kailangang umangkop pa rin dahil ito ay simulang yugto lamang ng karanasan bago natin malagpasan ang pandemya. Sa ngayon, mahirap pa rin ang mga aralin pero kailangan kong harapin ito at magpakaresponsable sa aking mga gawain upang mapanindigan ko ang aking pagiging iskolar ng bayan. Kahit may mga suliranin sa online learning platform, kailangan ko pa ring tanggapin ang katotohanang ang isyu ay likas lamang sa pagkakataong ito. Lalo ko 137
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
pang pagbutihin ang aking kaalaman at saloobin bilang naturingang liwanag ng hinaharap nitong bayan. Iminumungkahi kong magbigay ang gobyerno ng laptop sa mga estudyante para makalahok ang lahat sa online na pagkatuto at hindi mahadlangan ang edukasyon ng mga Pilipino sa kabuuan. Palakasin din ang internet connection at magbigay ng mas maraming data para sa mga estudyante dahil ang iba ay hindi sapat ang data para sa maraming gawain. Isa pang mungkahi ay maghanap ng mas epektibong paraan upang subaybayan ang mga estudyante. Marami ang lumilitaw na mga suliranin sa edukasyon ng mga bata, kaya dapat tulungan din sila ng mga magulang na magkaroon ng matiwasay na kapaligiran sa pagkatuto. Mangyari ay bawasan din ang workload ng mga estudyante dahil ang ilan ay hindi na makasabay sa aralin. Ang higit na maraming oras na inilalaan ng mga estudyante sa online learning platform ay maaaring makaapekto sa kanilang personal na mga gampanin at kalusugan sa kabuoan. Ang paaralan ay kailangang gumawa ng mas komprehensibo at detalyadong modyul para sa lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ay nakapanghahamong panahon, subalit hindi tayo dapat panghinaan ng loob o magpakain sa stress at iba pang mga problema. Kakayanin natin ito kasama ang ating mga pamilya at kaibigan. Humugot ng lakas sa ating edukasyon bilang mga iskolar ng Pisay. Bagaman mahirap baguhin ang online learning platform, maaari pa rin nating baguhin ang ating pag-uugali sa pag-aral nang sa huli ay matamasa natin ang anumang pakinabang nito sa kalaunan. 138
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/yckjfv52
139
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Tunay nga bang epektibo ang ginawang hakbang ng Pisay? Ni Kimberly J. Bayog Grade 9-Lithium
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, napilitan tayong ibahin ang mga nakasanayan natin upang mapatuloy lamang ang daloy ng buhay. Isa na dito ang pagbabago ng pamamaraan ng pagkakatuto ng mga mag-aaral. Marami sa mga paaralan ay napili na ipagpatuloy ang pagkatuturo sa pamamagitan lamang ng modules kung saan may ipapasa ang mga mag-aaral na gawain kada linggo. Mayroon namang iilan na maliban sa modules, may online classes pa, kabilang na dito ang Pisay. Sa pamamaraan na ito, kailangang magpasa ng mga magaaral ng mga awtput sa lahat ng asignatura at kailangan pa nilang dumalo sa mga online monitoring kung saan ginagabayan ng mga guro ang mga mag-aaral sa kanilang mga aralin. Maliban dito, kailangan rin 140
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
nilang kumuha ng online na mga pagsusulit. Kahit pa naiintindihan ko ang kagustuhan ng paaralan na ipagpatuloy ang kalidad na edukasyon na ibinibigay nila sa mga mag-aaral, sa tingin ko ay hindi magiging tunay na epektibo ang pamamaraang ito. Maraming dahilan kung bakit sa palagay ko ay hindi ito epektibo katulad na lamang ng kadahilanang hindi lahat ay may teknikal na kakayanan para sa online classes. Kahit pa sabihin natin na marami rin namang mga positibong epekto ang pamamaraan na ito, dapat nating alalahanin na ang pagkakatuto ng lahat nang walang iwanan ang tunay na prayoridad, isang bagay na hindi maibibigay sa atin ng bagong pamamaraan ng pagkatuto. Ayon sa ginawang survey ng paaralan ukol sa Internet Connectivity ng mga iskolar, aabot sa 50% ng mga mag-aaral ang may Wi-Fi sa kanilang bahay at 30% naman ang parehong may WiFi at Data. Ang natitira namang 20% ay nahahati sa mga gumagamit ng Data lamang at sa mga binigyan ng paaralan ng load allowance para makabili ng Data. Kahit pa masasabi nating may access nga ang lahat sa internet, nagiging madalas pa rin itong problema tuwing may online monitoring ang mga iskolar o hindi kaya tuwing may pagsusulit. Ito ay dahil paminsan-minsan ay humihina ang signal ng mga mag-aaral na gumagamit ng Data. Para naman sa mga gumagamit ng Wi-Fi, nagiging problema rin ito tuwing nagkakaroon ng power interruption na minsang umaabot pa ng hanggang labintatlong oras. Masasabing problema ito dahil kadalasan ay sinasabi ng mga guro ang mga paalala sa online monitoring at minsan ay tinuturo rin nila ang
141
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
mga importanteng punto ng mga aralin dito. Tuwing may pagsusulit naman, mahirap din kapag nawawalan ng internet connectivity dahil nasasayang pa ang oras sa paglo-load ng pagsusulit na dapat sana ay ginagamit na sa pagsagot nito. Hindi lamang ito nagiging problema sa tuwing may online monitoring at pagsusulit. Nagiging problema rin ito tuwing may ginagawang gawain ang mga mag-aaral lalong lalo na’t kadalasan ay kailangan ang internet connection sa paggawa ng mga awtput na ito. Ito ay maaaring magresulta sa huli na pagkakapasa ng mga gawain na maaari ring magresulta ng pagbaba ng grado ng mga estudyante. Dahil dito, ang iba ay hirap na hirap na na tapusin kaagad ang mga gawain dahil sa takot na baka mahuli sila sa pagpasa na kung tutuusin ay hindi nila dapat nararanasan kung totoo ngang epektibo at pantay sa lahat ang blended learning na ito. Isa pang malaking kadahilanan kung bakit hindi epektibo ang pamamaraan na ito ay dahil hindi natin masisiguro na tunay ngang natututo ang mga mag-aaral. Sa palagay ko ay naisip ng paaralan na sigurado namang matututo ang mga mag-aaral kapag binigyan nila sila ng maraming gawain na kailangang isumite sa mga guro. Dito nagkamali ang paaralan. Kailanman ay hindi magiging magkatulad ang pagkatuto sa dami ng gawaing ipinapasa. Ibig-sabihin, kahit gaano pa kadami ang mga awtput na ipinapapasa ng mga mag-aaral, hindi ito nangangahulugang natututo talaga sila. Unang-una, sa dami ng gawain na kailangang isumite, ang layunin na lamang ng mga magaaral ay tapusin ang mga kailangang ipasa at wala ng oras para tunay
142
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
na intindihin ito. Sa panahon na lahat ng bagay ay pwede nang makita sa internet, hindi nakakapagtaka na dito na lang kinukuha ng mga magaaral ang kanilang mga sagot. Kung mas magaan lang sana ang mga gawain, maaaring mas mabigyan pa ng pansin ng mga mag-aaral ang pag-intindi sa mga aralin na talaga namang dapat maging prayoridad ng mga mag-aaral bilang mga iskolar lalong lalo na’t ang ibang mga aralin ay ang mga panimula sa mga susunod pang taon gaya ng Chemistry, Physics, at Biology ng ika-siyam na baitang. Pangalawa, may mga aralin lang talagang mahirap intindihin kahit anong laan pa ng oras ng mga mag-aaral dito. Kahit pa sabihin na mga taga-Pisay naman ang mga estudyante at kaya nila iyon, masisiguro kong lahat sila ay may mga pagkakataong nakatingin na lang sa kanilang mga module, parang maiiyak dahil walang naiintindihan. Alam kong ang mga guro ay higit pa sa payag na tulungan ang kung sinong mang nahihirapan, pero paminsan-minsan, hindi lang talaga sapat ang walang harapan na nagpapaliwanag sa kanila. Maswerte na lang ang may mga kamaganak o kaibigan na tutulong sa kanila sa mga panahong pakiramdam nila ay wala na silang maintindihan; ngunit, paano na lang ang wala? Maiiwan na lang ba sila? Hindi ko rin naman binabalewala ang mga benepisyo ng pagpapatuloy ng klase sa panahong ito. Maraming mga guro ang nangangailangan rin ng hanapbuhay at parang mali rin naman na tuluyan na lang itigil ang buong pasukan. Ngunit, kailangan ba talaga sa ganitong panahon at paraan? Maliban sa mga problemang nabanggit
143
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ko ukol sa pagpapatupad ng bagong pamamaraang ito, nariyan rin ang takot at pangamba ng lahat dahil sa kasalukuyang sitwasyon. Maaari ring may iba pang mga pinagdadaan ang mga mag-aaral sa panahong ito, gugustuhin pa ba ng paaralan na dumagdag dito? Mahalaga ang pagkakatuto ng mga mag-aaral pero mas mahalaga pa rin ang kanilang kalusugan, mapa-mental man o pisikal. Kaya naman, mas gugustuhin ko na lang na magpatupad ng ligtas na balik eskwela ang lahat. Alam kong mahirap itong gawin sa panahong ito, ngunit ito lamang ang tanging paraan na makakapag-aral ang lahat nang walang naiiwan. Isang karapatan ang makapag-aral, kaya naman dapat nating gawin ang lahat upang mapatupad ito. Kailangan muna nating sugpuin ang COVID-19 at pagkatapos ay siguraduhing magiging ligtas na nga para sa lahat na bumalik sa paaralan. Alam kong maaari pang matagalan bago mangyari ito, ngunit ito lang talaga ang paraan upang ang mga mag-aaral ay makapag-aral na uli nang masaya at nang hindi namomoroblema kung anong gagawin kung sakaling magka-power interruption o humina ang data, hindi napapagod dahil sa dami ng gagawin, at hindi umiiyak dahil hindi naiintindihan ang aralin.
144
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/49ry3dky
145
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
“Nasasakal na ako”: Ligtas na Balik Eskwela, Solusyon ba? Ni Therese P. Antenor Cruz Grade 9-Neon
“Nasasakal na ako”. Ganito ang saloobin ng mga iskolar gaya ko sa kabila ng mga hakbang na hinaharap sa kasalukuyang blended modes of learning na ninonormalisa ng Philippine Science High School System. Bilang bahagi ng tinatawag na new normal sa sistema ng edukasyon sa Philippine Science High school, ang online education ang nakikitang daan para patuloy ang edukasyon kahit sa gitna pa ng pandemya. Ngunit, sa halip na maitaguyod, malalaking hamon ang pinangangambahan ng mga iskolar sa pangkaraniwang pag-aaral katulad ng kahinaan ng internet connection at kakulangan ng mga teknolohiya para lubusang magamit sa pag-aaral; kawalan ng kahalagahan sa kaunlarang mental, emosyonal, at pisikal na kalagayan, at walang kasiguraduhan sa pag-unlad ng karunungan ng edukasyon sa ilalim ng online mode of learning. Sa gayon, ang distance learning ba 146
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ay hindi mabisang solusyon sa problema ng edukasyon sa panahon ng isang pandemya? Sa katunayan, ang Pilipinas ay ang natitirang bansa sa Asia at sa buong mundo na hindi pa nagaganap ang pagbubukas ng mga paaralan. Inihayag ng Department of Education (Dep-Ed) na patuloy pa rin na ipapatupad ang distance learning sa mga publiko at pribadong paaralan, kasama na dito ang 16 na kampus sa PSHS para sa school year 2021-2022. Ito na ngayon ang ikalawang taon kung saan sarado pa rin ang mga paaralan, kaya’t balik-distance learning set-up ang mga klase. Sa isang pag-aaral na ginawa ng UNICEF noong Mayo, lumalabas na tatlo sa bawat limang magulang ay nagnanais nang magbukas ang mga paaralan sa mga lugar na itinuturing na low-risk para sa COVID-19. Gayunpaman, tayo na mga iskolar ay nagtataas ng ating mga boses at patuloy na naghahangad na matamasa ang Ligtas na Balik Eskwela, karapatan natin na makamit ang isang maaliwalas na edukasyon at kinabukasan sa kabila ng pandemya. Kung titignan sa positibong pananaw, may magandang dulot rin ang online classes sa patuloy na pagkatuto ng bawat mag-aaral sa ilalim ng pandemya. Sa pamamagitan ng distance learning ay may kapangyarihan ang mga estudyante sa paghawak ng kani-kanilang mga oras. Ika nga ng mga guro “learn at your own pace”. Hindi na kailangan pang gumising nang maaga at gumastos ng oras at pera
147
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
sa pagbiyahe pagpunta sa paaralan araw-araw; bagama’t, ang pagaaral ay ginaganap sa loob lamang ng tahanan. Higit pa rito, ang “online mode of learning” ay nagsisigurado ng kaligtasan ng bawa’t iskolar sapagkat nakakaiwas tayo sa pagkalat at pagkahawa ng sakit. Nauunawaan ko ang mga dahilan kung bakit mainam na paraan para sa Philippine Science High school System ang pagpapatuloy ng online classes, ngunit, sa aking paningin mas lamang ang negatibong resulta sa kadahilanang bago ng problema na ating kinakaharap. Sa patuloy na pinapalaganap na moda ng blended leaning, ang lahat na synchronous monitoring sessions, consultations, at independent learning ay nangangailangan ng maraming mga gadget gaya ng smart phones, laptops, telebisyon, internet connection, at kuryente. Ngunit, karamihan ng mga kaklase ko ay walang akses sa magandang internet at putol-putol ang koneksyon ng kanilang signal na kadalasan ay nawawala ng buong araw. Dagdag pa, hindi kaya ng marami sa ating kababayan ang online learning dahil sa malalaking gastusin sa pagbili ng mga gadget at pangload para sa internet data. Minsan, nagkakaroon din ng problema ang mga gadgets mismo; kaya hindi na kami maaaring makasabay sa Zoom, Google Meet o iba pang plataporma. Nangangahulugan ito na lubos na apektado at naiiwan sa distance learning ng Philippine Science High School ang mga magaaral na walang nakatatandang makagagabay sa pag-aaral habang patuloy ang online classes. Kaya naman kadalasang maririnig natin
148
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
sa sild-aralan na mapapahayag ang mga sumusunod: “Hindi po ako makakasali sa gmeet.” “Makikita niyo ba ako?” “Nawala si Ma’am/ Sir.” “Lagging po ang computer/cellphone ko.” Unang buwan pa lamang ng 1st Quarter, nararanasan ko ang kahirapan na makatapos ng isang aralin sa loob ng 30 minuto nakalaang oras, dahil bukod sa pag-aaral ay marami pa akong kailangan na tutuusin katulad na lamang ng mga gawaing bahay. Isa rin sa mga suliranin na dulot ng online classes ay ang karamihan ng workload naming mga mag-aaral. Kung ikukumpara ang face to face classes at online classes, parang nalulunod kaming mga iskolar sa mga takdang aralin at iba pang mga proyekto na kailangan ipasa sa online class kaysa face-to-face classes, at kadalasan ay nagkakasabay-sabay ang pasahan nila kung kaya’t hindi magkamayaw ang mga mag-aaral sa pagtapos ng tatlo o apat na takdang aralin sa isang upuan lamang kaharap ang aming computer/phone. Gayundin, ang komunikasyon sa pagitan ng mga guro, mga kaibigan at mga mag-aaral ay mahirap din sapagkat sa pamamagitan ng messenger, google hangouts o gmail lamang puwedeng makipag-ugnayan. Hindi tulad ng face-to-face classes na ang mag-aaral ay pwedeng lalapit sa guro at mga kaklase para magtanong at may maisasagot agad ang ating mga tanong; siguro, isa ito sa mga suliranin kung bakit pakiramdam ko na parang kalaban ko ang lahat na ito na mag-isa.
149
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Nakalulungkot din isipin na minsan ay hindi rin naman bibigyan ng atensyon ang Philippine Science High School System sa mga ideya at opinyon ng mga mag-aaral. Pawang ang mga suhestiyon at opinyon ng mga iskolar ay hindi pinakikinggan. Dahil dito, maraming mga mag-aaral ang nawawalan ng diwa na magbigay ng opinyon sapagkat alam na nila na sila’y isasantabi lamang. Ang mga ganitong pangyayari ay ang dahilan kung bakit nananatiling tahimik ang mga mag-aaral sa kabila ng mga salik na hinahamon namin. Para sa akin, sana rin ay matutong makinig ang mga awtoridad sa mga suhestiyon at ideya ng mga mag-aaral sapagkat kaming mga iskolar din ay nahihirapan lalo na’t kapag ang mga nakalaang layunin ng system ay hindi pabor sa aming karaniwang kapasidad at kalagayan. Kaugnayan sa konteksto ng kasalukuyang kalagayan ng pagbaba ng de-kalidad ng edukasyon at ang mga malalaking hamon kasama sa “blended mode of learning”, nakikiramay ang mga iskolar ng PSHS sa panawagan ng #LigtasNaBalikEskwela. Kaming mga magaaral na nagmamalasakit na nag-aaral ay nananawagan sa Philippine Science High school System na tiyakin ang ligtas na balik-eskwela, at abot-kamay at de-kalidad na edukasyon sa gitna ng pandemya. Ayon sa Gabriela Youth Foundation, dito maitataguyod ang mga layuning pangkalusugang rekisitos sa tulad ng mass testing, epektibong contact tracing, isolation, at paggamot sa antas ng mga paaralan sa buong bansa. Bukod dito, matitiyak ang kalagayang ligtas na ang pagbubukas
150
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ng mga paaralan at maglulungsod ito ng sistema na walang maiiwang estudyante at kaguruan sa inaasahang darating na face-to-face na pasukan. Bilang ka-bahagi ng mga mag-aaral sa Philippine Science High School, tayo ay sama-samang lalaban upang matamo ang ating karapatan sa kalayaan, kalusugan at edukasyon. Ang edukasyon ay karapatan ng bawat isa at dapat matamasa ng lahat. Kaya sa harap ng salik at panganib na naghihintay at nararanasan ng mga mag-aaral, nararapat lamang na maglunsad ng komprehensibong plano ang gobyerno at ang Philippine Science High school System sa implementasyon ng ligtas at de-kalidad na pagbabalikeskwela. Hangad naming muling matuto at magkaroon ng dekalidad na edukasyon. Kaming mga iskolar ang haharap sa kinabukasan, kaya’t simula ngayon kikilos na kami upang ipaglaban ang iba’t ibang karapatan na dapat matamasa ng aming kapwa ng mag-aaral higit lalo, ang pagtupad ng ligtas at kalidad na edukasyon para sa aming lahat. Tiyakin ang ligtas at dekalidad na edukasyon sa pagbabalik eskwela! Edukasyon, karapatan ng mga iskolar ng bayan!
151
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/5n87fymz
152
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Mga Hadlang sa Online Classes Ni Janelle Ayessah A. Tabano Grade 9-Neon
Mahigit isang taon na mula nang nag-anunsiyo ang Pisay na magkakaroon ng dalawang linggong pahinga dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ngayon, online classes na ang bagong normal ng mga Pisay iskolar. Pagkatapos ng isang taon na online classes, napagtanto ko kung gaano kahirap maging isang Pisay iskolar sa bagong normal na ito. Sa nakakalunod na mga gawain hanggang sa pag-trend sa Twitter para lang sa isang linggong pahinga, pati na rin ang iba’t ibang problema na nagiging hadlang sa pag-aaral at paggawa ng mga gawain parehas ng mga teknikal na isyu, brownout, mental at pisikal na kalusugan, at iba pa. Alam ko na ang mga problemang ito ay nararanasan din ng ibang mga estudyante sa ibang mga paaralan ngunit bilang isang mag-aaral ng
153
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pisay, maraming inaasahan sa amin na maging mahusay at higit sa lahat ay unahin ang mga aralin dahil kami ay mga iskolar. Unang linggo palang, nahirapan na akong magpokus sa mga gawain at klase. Ginagawa ko naman ang mga gawain at ipinapasa sa tamang oras ngunit sa pag-aaral para sa mga pagsusulit, nawawalan ako ng gana pati na rin sa pakikinig sa klase. Inisip ko lang na hindi ako sanay sa online classes kaya ako’y ganito. Pagkatapos ng ilang linggo, naramdaman ko na ang pagod na dala ng online classes. Naranasan ko na ang tinatawag nilang burnout at ako’y na overwhelm na sa mga gawain. Marami rin sa aking mga kaibigan ang naranasan ang burnout at na overwhelm dahil sa nagtatambakang gawain. Kahit ang ibang mga estudyante sa ibang mga kampus ay naranasan ito, sa sobrang dami ng mga estudyanteng napagod, kami ay nagparinig sa Twitter at nagtrending ang #PisayGiveUsABreak. Sa mahigit 10,000 na tweets sa isang araw, nakarelate ako sa marami. Kagaya ko, marami rin ang nawawalan ng gana na gumawa ng mahigit benteng gawain kada linggo, na minsan may mga pagsusulit pa, tapos wala pang pahinga . Buti naman ay binigyan talaga kami ng Pisay ng isang linggong acad break ngunit sa opinyon ko ay kulang pa iyon dahil ginawa rin nila ito bilang isang linggo na maghabol sa mga backlogs, kaya ang ibang mga iskolar ay gumagawa parin ng mga gawain at hindi talaga nakapagpahinga.
154
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Sa kabilang banda, alam kong mahirap para sa mga guro na magturo ng mga aralin kapag nagkikita lang kayo ng mga estudyante ng isang beses tuwing linggo, kaya’t nagbibigay ng maraming modules upang maipatindi sa mga estudyante ang aralin. Ngunit marami rin kaming mga paksa kaya minsan napakarami ng mga modules at gawain kaya kami ay na-ooverwhelm. Minsan nga ay wala na akong oras para sa aking sarili at hanggang sa katapusan ng linggo gumagawa parin ako ng mga gawain. Minsan nga ay pinipili ko nalang tapusin ang mga gawain kaysa sa sumama sa aking pamilya. Sa magandang panig, tayo ay nasa blended mode of learning dahil ito ang pinakaligtas na paraan na matuto ang mga iskolar sa ilalim ng pandemya. Nasa bahay lang ang mga iskolar kaya sila ay komportable, hindi na nila kailangan gumising nang maaga sa mga araw na walang synchronous na klase, at pwedeng matuto sa sarili nilang pace. Lahat ito ay sa mga rason kung bakit maraming mga paaralan, pati na rin ang Pisay, ang pumili na panatilihin ang online classes. Ngunit kahit ang mga rason na ito ay may mga negatibong epekto sa iskolar din sapagkat ang ibang iskolar ay merong mga problema at gawain sa bahay at nagiging hadlang sa pag-aaral nila. Ngayon, maaga parin akong gumising sa mga araw na walang synchronous na klase upang matapos sa oras ang mga gawain, at self-paced ba talaga ang classes kung merong mga deadline bawat linggo?
155
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Isa rin sa umaapekto sa pag-aaral ng mga iskolar sa bagong normal ay ang mahinang internet connection, kulang na mga gamit, at mga brownouts. Mahirap ngayon na bumili lamang ng mga kagamitan dahil ang ibang iskolar, pareho ko, ay nakatira malayo sa lungsod, at dahil sa ilalim tayo ng pandemya, mahirap pa rin lumabas kahit nakatira sa lungsod sapagka’t kailangang sundin ang mga safety protocols. Madalas din magkabrownout sa Pilipinas dahil ayon sa Quora, karamihan na ginagamit ng mga power plants ay uling at dahil finite resource ito, mahirap humabol sa mga kinakailangang demand ng kuryente, at dahil madali ring maapektuhan ng klima ang mga power lines. Lahat ng ito ay hadlang para sa maraming iskolar dahil ito ay kinakailangan para sa online class. Lahat ito ay mga wastong dahilan kung bakit hindi nakagawa ng mga gawain at magiging sanhi ng pagkakaroon ng mga backlogs. Hindi lang sa mga gawain pwede maapektuhan ng mga problemang ito, ngunit sa mga synchronous na klase rin. Minsan ang mga tinatalakay sa mga synchronous classes ay wala sa mga modyul, kaya kung nagkabrownout o kaya ay mahina ang internet at hindi nakapasok sa klase, hindi matututunan ng mga iskolar ang tinalakay. Minsan ay isinasama ang mga tinalakay na ito sa mga pagsusulit at dahil hindi ko ito natutunan pwede akong bumagsak. Sa mga synchronous na klase, binibigyan din ng in-depth na pagpapaliwanag ang mga aralin at mga gawain, kaya kung wala ako, hindi ko
156
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
maiintindihan nang mabuti ang gawain at aralin kaya sa aking mga kamag-aral nalang ako nagtatanong. Sa wakas, sa online classes ngayon, maraming problema na pwedeng maapektuhan ang pag-aaral ng mga iskolar ng Pisay. Ligtas kami sa pandemya ngunit hindi kami ligtas sa mga negatibong epekto ng online classes sapagkat kinakailangan pang magmakaawa para sa isang linggong pahinga. Nakalulunod ang mga gawain at minsan ay parang wala pang natutunan sa mga aralin. Nauubos lahat ng oras para sa mga gawain at ang simpleng brownout ay pwedeng maging dahilan ng mga backlogs o kaya ay bumagsak sa isang pagsusulit. Sa karamihang problema na ito, ang pagtututo nang maayos ng mga iskolar ng Pisay ay parang imposible.
157
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2emyu9w6
158
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Pag-aaral ng mga Iskolar sa Ilalim ng Bagong Normal: Madali nga ba o Mahirap? Ni Santiago Miguel U. Tan Yau Grade 9-Neon
Isang taon na ang lumipas mula nang mag-trending ang tweet na #PisayGiveUsABreak at nagbigay daan sa mga iskolar na magsalita tungkol sa kanilang mga alalahanin tungkol sa edukasyon sa bagong normal. Dahil dito, namulat ang sistema at ang iba’t ibang campus at nagmungkahi ng iba’t ibang paraan na makatutulong din sa mga iskolar na dumaan dito. Isang halimbawa ay ang mga takdangaralin na ibinigay sa mga mag-aaral ay nabawasan at pagkatapos ng bawat quarter, ang mga akademikong break ay ibinigay upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng oras upang magpahinga. Sa
159
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
kalaunan ay ipinagpatuloy ito hanggang sa taong ito ng at bilang isang iskolar, masasabi kong mas pinadali nito ang aking buhay pang-edukasyon. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kalamangan at kahinaan na nakikita sa bagong normal na nananatiling tulong at balakid sa edukasyon ng mga iskolar, lalo na sa pandemyang ito. Ayon sa moneysmart.ph, ang ilang mga positibong epekto ay ang mga iskolar ay maaaring maging ligtas sa loob ng kanilang mga bahay at mababa ang panganib na makakuha ng virus, at sa pamamagitan nito, maaari rin silang magkaroon ng mas maraming oras upang samahan ang kanilang pamilya sa paggawa ng mga bagay na gusto nila. Kasama rin sa iba pang mga positibong epekto ang hindi kailangang maglakbay o mag-commute na nagbibigay-daan sa mga iskolar na makatipid ng kanilang oras at pera, at dahil dito, maaari silang magkaroon ng sapat na pahinga at pagtulog habang nasa bahay upang magkaroon ng lakas para sa online class. Panghuli, sa bagong normal, ang mga iskolar ay maaari na ngayong magkaroon ng access sa teknolohiya at magkaroon ng mas madaling edukasyon, na maaari ding magbigay sa kanila ng kalayaang pumili ng kanilang lugar na pag-aaralan na nababagay sa kanila. Bilang isang iskolar sa ilalim ng bagong normal, ang mga kalamangang ito ay tunay na nakikita sa panahon ng aking pag-aaral dahil ito ay nagbibigay-daan sa akin na magkaroon ng isang maginhawang oras upang balansehin ang aking personal at pang-edukasyon na buhay.
160
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Sa kabilang banda, inilista din ng moneysmart.ph ang mga negatibong epekto at ayon sa kanila, kasama dito na hindi lahat ay maaaring magkaroon ng tamang kagamitan para sa online learning at maaaring mahirap para sa ilang mga scholar dahil ito ay magpapabagal sa kanilang proseso ng pag-aaral, at sa ilang mga kaso, ang ibang mga guro o instructor ay hindi pamilyar sa paggamit ng teknolohiya ngayon na maaari ring hadlangan ang mga klase. Ang iba pang mga negatibong epekto ay nagsasaad na kapag nagkakaroon ng mga online na klase, ang mga teknikal na problema ay maaaring magkaroon ng pagkakataon na lumitaw at maging isang balakid para sa mga mag-aaral lalo na kapag nakikinig sa mga lektura at dahil ang interaksyon sa silid-aralan ay online na, maaari nitong limitahan ang aktwal na pisikal na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga guro at iskolar na maaaring talagang pinapayagan silang makipag-ugnayan at makipag-usap sa isa’t isa nang harapan. Maaaring naranasan ko ang mga ito sa ilang mga punto sa ilalim ng bagong normal ngunit mas nalulungkot ako para sa mga palaging nakakaranas ng mga ito dahil maaari itong humadlang sa kanila sa pag-aaral. Higit pa rito, maaaring magdulot ito ng mga problema sa kanilang pag-aaral na hindi dapat tiisin lalo na sa mahihirap na panahong ito. Lumipas na ang isang taon ng pasukan na ginamit ang online na pag-aaral bilang paraan upang makipagkita pa rin sa mga guro at makipag-ugnayan habang nagbibigay at nakakakuha ng mga aralin
161
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
mula sa isa’t isa. Sa paglipas ng mga buwan, ginawa ng mga guro ang kanilang makakaya upang bawasan ang mga takdang-aralin na ibinibigay sa mga mag-aaral at ginawa rin ng mga mag-aaral ang lahat ng kanilang makakaya upang maipasa ito sa tamang oras, bukod pa rito, pagkatapos ng bawat quarter ay may pahinga na nagiging oras nila para magpahinga at magmuni-muni sa kanilang sarili. Nagkaroon din ako ng bahagi sa mga mahihirap na panahon noong nakaraang taon tulad ng pagpasa sa aking mga output nang huli ngunit iyon ay talagang nakatulong sa akin sa paggawa ng mas mahusay ngayong taon at nagpapahintulot sa akin na malaman ang aking mga prayoridad ngayon. Nakaisip din ako ng mga solusyon tulad ng pagkakaroon ng isang planner na magbibigay-daan sa akin na maging mas organisado tungkol sa aking mga paparating na takdangaralin at bigyan ako ng disiplina na magpasa sa takdang oras, isang pakiramdam ng pagganyak upang simulan ang aking mga gawain, at isang pakiramdam ng responsibilidad na magbibigay ng katatagan sa aking buhay akademiko. Kahit na ang mga kalamangan at kahinaan ay naroroon, ang mga ito ay napakalaking tulong sa pagbibigay-daan sa akin upang matuklasan kung ano ang maaaring gawin upang mas madali ang aking buhay pang-akademiko at kung anong mga aspeto ang maaari kong pagbutihin upang ang aking karanasan sa online na pag-aaral ay mapabuti din.
162
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ang mga solusyong ginawa ay tiyak na nakakatulong para sa mga iskolar na nakaranas ng kahirapan lalo na sa mga takdangaralin na ibinigay gayunpaman, ang mga panahong ito ng pagsubok ay talagang naging mahirap para sa mga iskolar, kapwa para sa mga may sapat na mapagkukunan at para sa mga hindi, at ito ay isang indibidwal na pagpipilian kung paano haharapin ang mga paghihirap na ito sa iba’t ibang paraan. Para sa akin, ang mga pakinabang ay naging mga sandata na nakatulong sa akin at sa maraming iskolar sa pagdaan sa yugtong ito ng aming buhay pang-edukasyon at nagbigay sa amin ng sapat na lakas upang labanan ang mga hamon. Ang mga kawalan, sa kabilang banda, ay nagsilbing mga hamon na kinailangan kong harapin at ng maraming iskolar habang nananatili sa ilalim ng bagong normal, gayunpaman, parehong nagsilbing mahalagang aral sa huli. Sa akin lamang, mas makabubuti kapag ang mga iskolar ay gagawa ng planner at alamin din nila ang kanilang mga prayoridad. Dahil sa pagdaan ng mga taon sa komunidad ng PISAY, maaaring mas lalong mahirapan ang lahat lalo na sa panahon ng pandemyang ito, kaya dapat tayong maging handa at organisado, at isa pa, ang tanong na dapat mong itanong sa iyong sarili ay hindi ang tanong na ibinibigay ng iyong mga mentor kundi isang tanong na dapat mong pagnilayan: magiging isang tao ka ba na lalaban hanggang dulo o isang taong sumusuko sa harap ng kahirapan?
163
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p9d4xrh
164
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Mga Salita ng isang Inip na Iskolar Ni Cris David R. Rampola Grade 9-Neon
Napaisip ka na ba kung bakit minsan, naiinip ka? O kaya sa mga oras na kahit ginagawa mo na ang mga paborito mong bagay, naiinip ka pa rin? Hindi kaya sa sobrang dali o hirap nito, naiinip ka na lang? Nakakainip ba mainip habang nasa pandemya tayo? Nainis ka na ba dahil sa bahay ka lamang? Tungkol dito ang aking salaysay habang nilalabanan natin ang Covid-19. Ang PSHS-WVC ay isa sa mga paaralan na gumamit ng modyul bilang paraan ng paghahatid ng mga aralin ngayong pandemya. Ang mga estudyante at guro ay may hinaharap din na problema, ang hirap sa bagong normal at ang tinatawag natin na inip sa Covid-19. Nakaupo
165
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ako sa klase habang ang aking guro ay tumatalakay ng isang aralin na hindi ako interesado. Mapapatingin ka talaga sa iyong paligid o kaya mapapansin ang oras ay parang hindi gumagalaw. Ang inip ay talagang hindi komportable sa pakiramdam at nakakasuya lagi. Pangkaraniwang reklamo ito at problema ito sa mga bata at maging sa mga nakatatanda. Paminsan-minsan, dahil sa inip, nagagalit ka o kaya naiirita, nag-aalala at napapaisip nang sobra sa mga bagay na wala namang kaugnayan. Ang inip ay isa sa mga normal na na problema ngayong pandemya. Paano nga ba gumana ang inip? Sa aking sariling karanasan, sa oras na matapos ko nang maaga ang aking mga gawain o kaya ang mga modyul para sa isang linggo, ako ay naiinip. Oo, nakakapagpahinga ako ngunit minsan, naiinip talaga ako hanggang sa punto na nagugulat ako na wala na akong gawain. Dulot din ito ng kawalan ng pansin o kaya kagiliw-giliw na gawain. Isa rin na rason ay ang kakulangan sa pokus sa gawain. Idagdag ko ang halimbawa na nakuha ko sa aking pananaliksik. Sa mga oras na naghihintay ka sa iyong flight, mapapansin mo na humahanap ka ng bagay o tao na makakapagbigay-aliw sa iyo o kaya ay gawain na papatay sa oras ng paghihintay. Ito ay dahil sa iyong paligid, may sumisira o sumasagabal sa iyong pokus. Nasabi ko na kahit sa mga paborito nating gawain ay naiinip din tayo, ito ay totoo. Napapansin mo ba na kahit sa sariling trabaho o sa paborito mong laro ay parang ang dali o ang hirap na? Kapag ito ay nagpatuloy, naiinip talaga tayo. Madalas itong nangyayari sa akin o kaya sa mga kaibigan
166
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ko na parang may dalang malas o kaya ang pangit ng laro. Naiinip din ako dala ang kaunting pagyayabang kung parang ang dali at walang hamon sa kaharap kong gawain. Siguro sa ngayon, iniisip mo na masama ang inip pero sa totoo, para sa akin may mabuting epekto ito. Sa oras na naiinip ako, napapaisip ako o nag-aalala sa aking mga gawain, kaya maaayos ko ang iskedyul ng aking mga gawain. Nakakatulong din ito dahil matatandaan ko ang kakulangan ko sa aking mga gawain o ang mga bagay na nakalimutan kong gawin. Maaari ka nitong gawing mas malikhain at maaari itong makatulong na gawing mas produktibo ka sa pamamagitan ng pag-stimulate ng isang rehiyon ng utak na responsable para sa parehong mga mekanismo ng pagkontrol ng pagisip at aktibidad na nagpapalaya ng pag-iisip. Ang pagde-daydream ay hindi makakasama sa kakayahang magtagumpay sa isang itinalagang gawain, kundi makakatulong ito. At, ginagawa tayong mabuting tao nito dahil kung tayo ay iniinip, humahanap talaga tayo ng paraan para matanggal ito. Minsan ang nagagawa natin ay nakakatulong sa ibang tao. Akalain mo ba naman, dahil sa inip ang daming magagandang bagay na nangyayari o nagreresulta mula rito. Totoo, may magandang aspekto ang inip ngunit tandaan natin na ang lahat ay may kasalungat. Una, ang inip ay pwedeng magdulot ng depresyon. Alam naman natin kung ano ito at ano ang epekto nito
167
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
sa atin. Pangalawa, ang inip ay pwedeng magdulot ng mga isyu sa kalusugan. Sa akin, nagdulot ito ng dagdag na timbang sa nakalipas na tatlong buwan, at sa totoo lang, hindi ko ito nagustuhan. Pangatlo, pareho sa mga nabanggit ko sa taas, nagdudulot ito ng problema na konektado sa iyong pokus at interes. Panghuli, maaari itong humantong sa masasamang mga gawain. Kagaya ng nabanggit ko sa itaas, kapag wala tayong ginagawa, maaaring gumawa tayo ng mabubuting mga bagay sa kapwa. Ngunit, kasalungat nito ang epekto sa iba. Nagiging sanhi ito ng krimen tulad ng pagnanakaw o pananakit ng kapwa. May mga kilala ako na naging ganito nang dahil lang sa inip. Ngayon na alam natin ang mga posibleng masamang mangyari sa atin, alamin naman natin ang mga solusyon. Uunahin ko ang aking mga personal na solusyon sa oras na ako ay naiinip. Ang una kong ginagawa kapag naiinip ako ay bumabalik sa iskedyul. Sunod kong ginagawa ay humahanap ng kausap o kalaro. Sa oras na hindi iyon gumagana, dito na papasok ang motibasyon upang gumawa ng mga modyul o kaya mag-aral nang maaga. Ngunit sa totoo lang, dahil sa pandemya, ang nagagawa ko na lang habang inip ako ay matulog o kaya mag- online games. Subalit nang dumating na ang online classes, bihira na ang panahon na naiinip ako dahil sa dami ng gawaing pangedukasyon at pansarili.
168
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Alamin naman natin ang mga solusyon ng mga eksperto upang mas maging malalim ang ating kaalaman. Una, humanap ng nakakaaliw at nakakaengganyong aktibidad. Pangalawa, kung may kaibigan o kapamilya ka na naiinip, magandang ideya na kausapin siya o samahan para matanggal ito. Mas mainam na ang tao na may inip ay pansinin upang hindi ito mauwi sa depresyon. Pangatlo, gumawa ng sarili mong iskedyul at sundin ito. Kailangang ikaw ay organisado, may disiplina, responsable, at matiyaga. Kailangan ding may alam at mulat ka sa paligid upang hindi lang makaiwas sa inip kundi pati na rin sa mga bagay na nakakasama sa iyo. Ang Covid-19 ay talagang nagdulot ng napakamaraming problema lalo na ng kasawian ng maraming tao. Isaalang-alang natin ang tamang pag-iisip sa pagpapasya sa bawat sitwasyong kinahaharap. Pag-isipan nang mabuti at magsaliksik kung kinakailangan. Ang isa sa mga kalaban ng maraming tao ngayon ay problema sa pag-iisip na maaaring makuha habang nakikipagtunggali sa Covid-19. Napagalaman ko na inip ang isa sa mga ugat nito. Opo, ang laban sa Covid-19 ay napakahirap subalit hindi tayo pwedeng lumaban sa giyera habang wala tayong tiwala sa ating sariling pag-iisip at sinasalungat natin ang ating sariling desisyon.
169
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/ycr2whnt
170
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Bagong Normal: Mga Balakid sa Likod ng Tagumpay Ni Jasmine Ice Rosvirg P. Napalinga Grade 9-Neon
Sa panahon ng paghihirap ngayon, maraming bagay ang kailangang magampanan kahit mabigat tanggapin sa damdamin. Ang paghinto ng harap-harapang pagklase ay nagbigay sa akin ng kalungkutan bilang Iskolar ng Pisay. Ang mga regular na simpleng gawain ay napalitan na ng mga kumplikadong gawain tulad ng pakikipag-ugnayan sa mga kaklase at guro. Maraming paghahamon ang nararanasan ng mga iskolar sa bagong normal na nakakaapekto sa pananaw sa buhay. Ayon sa brainly.ph, nagagamit ang internet at gadget sa kapaki-pakinabang na gawain. Ang online classes ay nagbibigay pagkakataon sa mag-aaral na magkaroon ng flexible iskedyul. Maaari 171
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
mag-aral kahit saan at sa kumbinyenteng oras. Nagiging responsible sa sariling pagkatuto ang isang mag-aaral sa panahon ng pandemya, mas ligtas ang pag-aaral ng online sa bahay. Pero sa likod ng mga positibong epekto ng pagkatuto ng mga iskolar, meron ding mga pagsubok na kailangang malampasan. Ang pagkatuto ay hindi lamang sa edukasyon kundi pamamahala din sa mga bagay na bago sa iyong karanasan. Sa likod ng pandemya, maraming mga gawain ang nararapat tuparin. Pagkatapos ng mahabang kwarantina sa loob ng apat na buwan bago ang bridging program, kinakailangang maghanda na sa mga darating na online classes. Nakakapagod nito dahil kailangang gumising pa nang maaga kahit naghihikab pa. Nakakubos man ng enerhiya, pinilit kong gumawa ng mga modyul at aralin na hindi natapos noong nakaraang taon. Pagkatapos ng bridging program, binigyan ang mga iskolar ng isang linggo na pahinga bago magsimula ang opisyal na klase. Nagbigay ng oryenstasyon ang mga guro sa mga patakaran sa pagsasagawa ng virtual learning. Ipinakilala rin si Khub sa mga mag-aaral bilang plataporma sa pagkatuto ng mga aralin sa loob ng isang taon. Simula pa lang ng pasukan, ramdam na ng mga iskolar ang kahirapan sa pagsasagawa ng online classes na walang motibasyon. Isa sa mga pinakamalaking hamon dito ay ang mabagal na koneksyon
172
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
sa internet at madalas na mga blackouts sa bawat rehiyon. Balita ng GMA News, Ang mga panggagambala ng kapangyarihan sa Iloilo City na nangyari bago ang lungsod ay nagpunta sa isang lockdown dahil sa coronavirus sakit 2019 dahil sa “preventive maintenance work” na ang kapangyarihan ng lungsod ay kinailangang isagawa. Sa isang pahayag, sinabi ng MAS Electric Power Corporp na isinagawa ito sa mga substation, transformer, at cable sa lungsod matapos matuklasan ang “alarma kondisyon” ng pamamahagi noong Pebrero, nang kunin nila mula sa nakaraang kapangyarihan distributor, ang Panay Electric Co. Kahit ano ang aking gawin, walang tumatatak sa isip ko sa pagbukas at pagbasa ng aking modyuls. Ang problema ko ay lumala pa noong nagkamali ako sa paglog-in sa Khub. Sa halip na gumamit ng khub.wvc.pshs.edu.ph, ang aking ginamit ay khub.pshs.edu.ph, na nagresulta sa dalawang linggo na tambak ng modyuls. Akala ko nagkamali lang ang password ko, kaya binago ko ang password sa pamamagitan ng pagsagot ng student troublesheet. Ayon pala sa website yung problema, nasayang pa dalawang linggo ng pagsagot ng mga gawain ko dahil sa isang maliit na pagkakamali. Pamamahala ng oras ang pinakamalaking hamon na kailangan kong pagtagumpayan. Sa karamihan ng modyuls, hindi na ako minsan natutulog at kumakain nang husto sa oras dahil mahirap mag-aksaya ng oras na wala namang ginagawa. Tumigil din ako sa paggawa ng
173
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
mga libangan ko na talagang nagpapasaya sa akin para sa modyuls. Hindi ko nagawang maging masaya kasama ang aking mga kaibigan at pamilya dahil lagi akong nakaupo sa kuwarto buong maghapon. Dahil dito, nakaranas ako ng burnout at nangungulila ako sa mga pagkakataong mapabuti at mapangalagaan ang sarili ko. Sa halip ng pagkatuto sa bawat bagay, may paghahamon sa likod ng tagumpay. Ang mga kabiguang nakuha natin ay hindi nagtutukoy sa atin bilang isang tao, higit sa lahat ang mga pagdurusang naranasan natin ang nagpapalakas sa atin upang mapangasiwaan ang bawat mahirap sa sitwasyon sa buhay. Ito ay hindi tungkol sa kung paano nahulog sa paghihirap ito ay tungkol sa kung paano tumayo sa mga paa at hindi sumuko. Panatilihing nag-aalab ang apoy sa ating puso mga Iskolar ng Pisay! Ikaw? Handa ka na ba sa bagyo ng tadhana mo sa taong ito?
174
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/2p8s6zan
175
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Bagong pamamaraan ng pagkatuto ng iskolar ng Pisay, epektibo nga ba? Ni Jan Mavrick M. Uy Grade 9-Lithium
Ngayong tayo ay nasa panahon ng pandemya, maraming bagay ang nagbago at kabilang na rito ang pamamaraan ng pagkatuto na nakasanayan ng lahat. Dahil sa nakakahawang sakit na Covid-19 ay naapektuhan ang mga gawain sa buong mundo lalo na sa sektor ng edukasyon. Ang bagong pamamaraan ng pagkatuto naming mga iskolar ng Pisay sa bagong normal ay tinatawag na “blended learning”. Ngunit ano nga ba ang tinatawag na “blended learning”? Ito ay kumbinasyon ng online at modular learning. Ibig sabihin, magkikita ang mga iskolar at guro na parang sa silid-aralan sa pamamagitan ng mga apps. May mga gawain din sa mga modyul na pinapaskil sa Knowledge Hub upang mapag-aralan at masagutan habang bakante o walang pagkikita online. 176
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Hindi ako sang-ayon sa bagong paraan ng pagkatuto ng mga iskolar dahil hindi ito masyadong epektibo. Hindi ko maitatanggi na ang bagong pamamaraan ay may kalakasan at kahinaan. Una ko itong nasubukan at naranasan habang dumalo ako sa “Bridging Program” ng Pisay upang matutunan ang mga aralin na hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na matutunan. Ang unang dahilan na masasabi kong hindi epektibo dahil sa maraming bilang ng mga awtput na kailangang isumite. Mga awtput na mas marami pa kumpara sa bilang ng mga awtput na kailangang isumite sa normal na pamamaraan ng pagkatuto. At mas mahirap pa ito dahil hindi ito tinatalakay ng guro mismo at ako lang mag-isa ang sasagot at gagawa nito. Isa pa sa mga dahilan ko ay ang antas ng kahirapan ng mga modyul at awtput. Minsan ang mga modyul at awtput na kinakailangang isumite ay nangangailangan ng mas malawak na kaalaman at malalim na pananaliksik. Mayroon na kailangang gumawa ng mga gawaing pansining, mga disenyo online, at iba pang gawain kung saan masusubok ang iba’t-ibang kakayahan ko. Mahirap ito dahil marami ang aming asignatura na lahat ay may “performance task” na minsan ay mas madami pa sa mga tanong na kailangan lang sagutin at unawain. Iba-iba ang dapat gawin at minsan nakakalito, nakakainis, at nakakapagod ito maliban dito mayroong mga konsepto at mga katangian ang online softwares na hindi sapat ang aking kaalamang lubhang mahalaga.
177
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Maliban sa antas ng kahirapan isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi ito epektibo ay ang oras na nakalaan at tinakda para dito. Dahil sa mahirap ang mga pinapaggawa hindi sapat ang oras na nakalaan dito. Malayo ang inaasahang oras ng paggawa ng mga modules at awtput at problema rin ang takdang oras sa pagsusumite. Minsan hindi rin ako makasabay sa dami ng gawain at hindi lamang ito ang aking inaatupag, mayroon pa akong mga responsibilidad at gawain sa bahay. Ngunit ang mga guro ng aking baitang ay palagi namang nagtatanong sa amin kung kaya ba naming ito isumite sa takdang oras, at kung hindi ay nagbibigay sila ng palugit. Kahinaan din ang mga hindi inaasahang pangyayari na makakagambala sa pag-aaral. Isang halimbawa rito ay ang mga problemang teknikal tulad ng mga sira sa kagamitan, pag-hang, at biglang paghina ng koneksyon (Internet). Mayroon ding mga natural na dahilan tulad ng malakas na ulan, bagyo, at ang pagkawala ng kuryente na nagdudulot ng kawalan ng kagamitan at pagkahuli sa pagsusumite ng mga gawain. Ang mga ingay na nanggagaling sa paligid ay pwede ding makakagambala sa pasok at nagiging dahilan ng pagkawala ng pokus habang nag-aaral. Hindi nakakaganda para sa kalusugan ang pamamaraan ng pagkatuto na ginagamit ngayon. Ayon Worldvision.org, ang patuloy na paggamit ng gadgets nang matagal tulad ng cellphone, laptop,
178
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
desktop, at iba pa ay maaaring maging sanhi ng pisikal at mental na pagkasira sa kabataan. Sa pamamagitan ng isang pag-aaral natuklasan na malaki ang posibilidad na maging sobra ang timbang ng isang bata, at magkaroon ng seizure o problema sa mata dahil sa matagal na paggamit ng gadgets. Araw-araw kung may pasok gumagamit ako ng gadgets ng walo hangga’t labindalawang oras upang dumalo sa “online class” at tapusin ang mga gawain. Minsan ako ay kulang din sa tulog sa paggawa ng mga proyekto at alternatibong pagtatasa, ngunit kung sobrang dami ng gawain hindi na ako nakakatulog o pahinga. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring magdulot ng mania, at makaapekto sa kaisipan at modo ayon sa Harvard Health. Pero kahit na hindi epektibo ang bagong pamamaraan mayroon rin itong mga kalamangan. Nililimitahan ng bagong pamamaraan ang pagkikita ng mga iskolars at mga tauhan ng Pisay na pipigil sa pagkaroon at pagkalat ng sakit. Ang mga hakbang na ginagawa ng mga guro at “Executive Committee” para mas mapabuti at mapaganda ang sistema ay kapuri-puri. Nagpapahiram ang Pisay ng mga kagamitan katulad ng mga laptops, tablets, at Ipads para makadalo sa online classes, at makatulong sa pag-aaral online ng mga iskolars na walang kagamitan. Nagbibigay din ng pera ang Pisay buwan-buwan ng allowance para sa “internet connectivity” sa amin mga iskolars, at nagpapahiram din ang Pisay ng pera para magamit ng mga iskolars pambili ng sariling kagamitan.
179
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Para tapusin ang sulatin na ito, hindi ako sang-ayon sa bagong pamamaraan ng pagkatuto ng mga iskolars sa bagong normal dahil hindi ito gaanong epektibo. Mahirap ang mga gawain at awtputs na kailangang isumite sa takdang oras, nangangailangan rin ito ng malalim na kaalaman hinggil sa mga katangian ng gadgets at Internet, at maraming oras na paggamit ng gadgets na maaaring makaapekto sa kalusugan. Marami itong kahinaan, gaya ng mabilis itong maggambala ng mga ingay sa paligid o mga natural na dahilan tulad ng mga bagyo at kawalan ng kuryente. Ngunit sa kabila ng mga problema nito mayroon rin itong kalakasan at ang Pisay ay gumagawa ng mga hakbang upang mapaganda ito. Ang mga solusyon na naiisip ko ay bawasan ang mga mahihirap na gawain na hindi gaano ka mahalaga upang mabigyan ng panahon makapag-pahinga kaming mga iskolar, at iba pang mga paraan upang tuluyang mapaganda ang kasalukuyang pamamaraan.
180
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Larawan mula sa: https://tinyurl.com/yckhsp69
181
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
PANDEMYA: Aral sa Gitna ng Pagsubok Ni Ren Marc T. Tobias Grade 11 - Vega
Isa sa mga pinakamatinding hamon sa ating mga buhay ang paglitaw ng pandemyang dulot ng COVID-19 sa ating mundo. Nagsara ang mga paaralan, unti-unting nawawala ang mga trabahong inihahandog, nawasak ang ekonomiya, at naghirap ang mga mamamayan. Nawalan tayo ng mga oportunidad na makatutulong sa ating pag-unlad dahil sa pandemyang ating hinaharap. Sa pagtransisyon ng kurikulum ng mga paaralan dahil sa pandemya, tayo ay humarap din sa maraming mga pagsubok, katulad na lamang ng kakulangan ng akses sa klase at ang pagdami ng mga gawaing mga modyul sa paaralan. Dahil sa pandemya, kakailanganin nating mas maging handa sa kahit anumang hadlang na ating haharapin. Bagamat ilan lamang ito sa mga malalaking mga hadlang sa pagtakbo ng ating buhay, masasabi nating may mga aral pa rin tayong matututunan sa gitna ng pandemyang ito.
182
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
Ang bagong kurikulum ay nagbigay-daan sa aking pansariling pag-unlad. Sapagkat ang mga mag-aaral at mga guro ngayon ay hindi na nagkikita sa pang-araw-araw, kinakailangan naming matuto gamit ang aming sariling mga kakayahan. Namasdan ko ring ang bagong kurikulum ay labis na nagpahirap ng mga gawain namin sa paaralan, lalo na sa mga panggrupong gawain. Isa sa mga balakid sa mga gawain sa grupo ay ang pagkokomunikasyon. Dahil sa online na kurikulum, mas nahihirapan ang mga mag-aaral sa pakikipagusap sa kanilang mga kagrupo dahil sa mga isyu sa koneksyon. Mas marami rin sa mga mga mag-aaral ang hindi nagsusumite ng mga gawain sa takdang oras. Maaaring bunga ito ng hindi maayos na pamamahala ng oras o ang kawalan ng maayos na koneksyon. Sa ganitong kurikulum, natutunan kong mamahala ng sarili kong oras nang maayos sa pagtapos ng aking mga gawain. Natutunan ko ring hindi sa lahat ng oras ay may gagabay sa akin sa aking pag-aaral dahil sa bagong kurikulum kaya kailangan kong magsikap at matuto. Sa gitna ng pandemya, mas nakilala at mas natutunan ko rin ang aking sarili. Sa likod ng mga pagsubok na ating hinaharap, maraming mga bagong mga kakayahan ang aking nadiskubre sa aking sarili, kagaya ng pagkatuto ng paggamit ng teknolohiya na napakaimportante sa online na kurikulum. Ang ganitong mga kakayahan ay kinakailangan ko sa maraming mga pagpasa sa paaralan, kagaya ng mga proyekto. Akin ring nadiskubre at nasanay
183
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
pa ang aking sarili ang kakayahan ko sa pamumuno at pamamahala. Bilang isang pangulo ng aking klase, nasanay ko ang aking sarili na mamuno, mamahala, tumulong sa aking mga kaklase sa kanilang mga gawain sa paaralan. Labis na nagpapasaya sa akin ang pagtulong sa kapwa. Talagang ang mga kakayahang ito ay aking magagamit kahit ako ay nasa kolehiyo na o kahit pa sa trabaho. Marami ring mga kahinaan na aking nadiskubre sa aking sarili dahil sa pandemya, kagaya na lamang ng kakulangan ko sa pagtiwala sa aking sarili. Dahil dito, ang lakas ng loob at katatagan ng isip ang solusyon sa aking mga kahinaan. Sa pagkilala ko pa sa aking sarili, nadiskubre ko rin ang napakarami pang mga libangang aking maaaring gawin. Ilan na rito ang paghahanap at pakikinig ng iba’t-iba pang mga genre ng musika at panonood ng mga palabas. Marami man ang aking nadiskubreng mga libangan, mas pinapahalagan ko pa rin ang aking pag-aaral at nagsisilbi lamang itong aking libangan sa pagpahinga. Sa pangkalahatan, masasabi nating ang susi sa ating pag-unlad ay ang pagtiwala natin sa ating sariling mga kakayahan at ang pagbalanse natin ng ating mga gawain at pagpapahinga. Sa labas naman ng paaralan, akin ding mas binigyang-halaga ang aking pagmamahal sa pamilya. Labis naming binigyan ang isa’t-isa ng sapat na oras upang magkaisa at magtulungan sa mga pagsubok na aming hinaharap. Mahalaga rin ang pagpapanitili ng relasyon natin sa ating kapwa, kagaya ng ating pamilya at kahit pa
184
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
ang ating mga kaibigan. May kasabihang “No man is an island” na bumabahagi at tumuturo sa ating ang tao ay nangangailangan ng tulong ng iba sa kahit anumang pagsubok. Hindi man natin nakikita ang isa’t-isa, ang suporta ng ating mga mahal sa buhay at kaibigan ay nagsisilbing gabay natin sila sa pag-unlad. Natutunan ko ring ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga labis na naapektuhan ng pandemya at ng mga bagyo, ay napakahalaga. Dahil sa bagyong Odette kamakailan lang, marami ang kailangan ng tulong. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng ating mga mamamayan ay labis na makakatulong sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo. Makatutulong rin tayo sa ating kapwa kahit na lamang sa ating pagsusunod sa mga regulasyon ng gobyerno sa pagiwas natin sa panganib na dulot ng COVID-19. Sa simpleng pagsuot ng mask at paghuhugas ng kamay, marami ng mga buhay ang ating matutulungan at mapapaiwas sa sakit. Isang napakalaking pagsubok rin ang pag-aatubli sa pagbabakuna sa mga mamamayang Pilipino. Ang sanhi nitong pagsubok ay maaaring ang mamamayan ay nakakakita ng mga maling impormasyon na kadalasang makikita sa internet. Ang fake news ay isang napakatinding isyu sa ating lipunan sapagkat labis itong nakakaapekto sa pag-iisip at paggawa ng desisyon ng mga mamamayan. Naniniwala akong ang pagkalat ng maling balita ay
185
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
isang pangunahing dahilan kung bakit ilan sa ating mga mamamayan at nag-aatubli sa pagbabakuna. Aking natutunan na ang solusyon dito ay tamang edukasyon at pagbibigay ng maayos na impormasyon sa mga tao. Makatutulong rin nang labis kung tayo ay marunong pumili ng wastong pagkukunan ng impormasyon. Ang pagsolusyon sa isyung ito ay labis na makakatulong sa ating lipunan sa pagbabakuna at pag-iwas sa sakit na dulot ng COVID-19. Tiyak akong lahat tayo ay may kakayahan at pang magdiskubre at magpaunlad ng ating mga sariling kakayahan, kahit pa sa ating kasulukuyang panahon ng pandemya. Marami man ang mga suliraning ating hinaharap ngayon, makakaya nating solusyunan ang lahat ng mga ito kung tayo ay may pagsisikap, may tiwala sa sariling kakayahan, pagkilala sa ating sarili, at pagbibigay-halaga sa pagtulong sa kapwa. Ang mga ito ay ilan lamang sa napakaraming mga aral na aking natutunan ngayong panahon ng krisis at pandemya. Naniniwala akong ang pandemyang ito ay hindi hadlang sa ating pansariling pag-unlad at sa pagtulong natin sa isa’t-isa. Walang suliraning ating hindi malulutas kung tayo ay marunong magtulungan at magkaisa.
186
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
187
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic
188
Istorya sang Pandemya: Mga Kuwento at Karanasan ng PSHS-WVC Scholars Tungkol sa COVID-19 Pandemic