5 minute read

Espada | Ang laban ni Hannah Belarmino sa mundo ng fencing

Ito ay kwento ng pakikipaglaban.

I am not talented in fencing or any kind of physical activity. I was told several times that I don’t have coordination, I am very stiff, that I will not be a good fencer, not to include that I was a very sick child. The only thing I have is confidence and heart.

Advertisement

Iyan ang sabi ni Hannah Dominique E. Belarmino, labing-apat na taong gulang na ngayo’y nasa ikawalong baitang at nag-aaral sa Quezon City Science High School.

Nakapanayam ko si Hannah nitong mga nakaraang araw tungkol sa mga karanasan niya sa pagiging atletang mag-aaral, lalo na ngayon ang mundo’y sinasakop ng pandemya. Kung sa tingin niyo ay kinwento niya lamang kung gaano kahirap umangkop sa bagong pamamaraan ng pag-aaral, nagkakamali kayo. Hindi na rin naging bago para kay Hannah ang ganitong bagay.

“What’s great about being homeschooled is that we own our time. The difference with Kisay online ver(sion) is that we have a schedule here and we have requirements. Sa homeschool po kasi, we just have an outline of what we need to finish every quarter and it’s up to us when to do it. So basically po nung homeschooled ako, I can train six hours daily without affecting my acads”.

Kumakain ng anim na oras ang training ni Hannah noong siya’y homeschooled. Nang mga panahong ‘yon, ang fencing ay isa lamang sa mga paborito niyang libangan hanggang sa dalhin siya ng kaniyang mga magulang sa training sessions linggo-linggo. Kinalaunan ay sumali na rin siya sa patimpalak at natamo ang kaniyang unang pagkatalo pagkatapos ng isang taon.

I lost big time, I was last. I cried so much, I was almost eight back then, and my parents just said that I could choose a different PE activity for 3rd grade. But I said no, losing actually motivated me to be better.

Nagsimulang mag-ensayo ng tatlo hanggang limang oras araw-araw si Hannah mula noon. Doon siya’y simulang itanghal na pinakamahusay sa halos lahat ng kompetisiyong kinabibilangan. At nang siya’y tumuntong sa pagkasiyam, isinasalang na siya sa matataas pang brackets at nakakapaguwi pa rin siya ng medalya.

Baka nagtataka kayo kung paano niya nagagawang pagsabayin ang lahat ng ‘to. Ayon kay Hannah, lahat ng trainings at mga pagsisipag niya ay naging parte ng kaniyang paglaki at hindi ‘yon naging hadlang para siya’y magkaroon pa rin ng oras upang manamnam ang kaniyang pagkabata.

Sumapol ang pandemya kasabay ng kaniyang pagpasa sa Quezon City Science High School.

“Being in Kisay is already a challenge for most of us students. The pressure of maintaining high grades, being at par with your classmates, being a CGL chairman, and submitting requirements on time are just a few things that most students find difficult already. Being an athlete adds more challenge to all of this.” sambit niya tungkol sa buhay Scientian at pagiging atleta.

Kumakalma na ang pandemya sa kasalukuyan, lilisan ng bahay si Hannah pagkatapos ng klase o ‘di kaya’y sa byahe siya nagkaklase. Uuwi siya ng hatinggabi ngunit hindi pa ron nagtatapos ang araw niya sapagkat do’n niya pa lang maaaring gawin ang mga requirements sa paaralan.

“I have daily training that lasts from three hours to six hours so I really have to manage my time well to maintain my grades and be better in my sport. Sleep deprivation is normal for studentathletes like me. Doing requirements up to two A.M is normal but these are the sacrifices I have to make in order to fulfill my dreams.” Hindi niya hinayaang tablahin ng pandemya ang kaniyang kasipagan at dedikasyon.

Kahit na ganoon, gaya parin natin, naapektuhan din ng pandemya ang dalaga. “To be honest it (pandemic) caused a halt to almost all physical activities outdoor and ung mga competitions rin. At first we tried online training for a few months, but syempre naman po it wasn’t that beneficial since yung mga coaches ‘di po nakikita kung tama talaga ginagawa namin” sabi niya.

Bumwelta muli si Hannah nitong nakaraang taon upang magqualify sa SEA Games. Ngunit dalawang linggo pa lamang sa training, nagpositibo siya sa COVID-19 at walang nagawa kundi pumiglas sa laban. Naging mabangis man ang nakaraan sa kaniya, ngayon ay muli siyang tatapak ng entablado bilang mas ganap na atleta at isa sa mga rerepresenta ng Pilipinas sa darating na Southeast Asia Pacific Fencing Championship.

PARANGAL

KARERA NI HANNAH SA FENCING

Humphrey Soriano

2019 Philippine Fencing Association - Mini Me 3rd Leg

2019 Singapore MiniMe - 2nd Quarter

U12 & U14 FOIL

2018 Asian Collaborative Trophy

U10 FOIL INDIVIDUAL & TEAM

2022 Canlas Fencing Inter Club Challenge &2022 Duelympics

FOIL & EPEE INDIVIDUAL & TEAMS

This article is from: