2 minute read

Bagong Pinuno, Bagong Kisay

Jayson Zabala

BAGONG PINUNO,BAGONG KISAY

Advertisement

Nagsimula na, at patuloy sa serbisyo ang bagong punongguro ng Quezon City Science High School (QCSHS) na si Gng. Carolyn C. Simon noong Enero 7, 2022 matapos ang ginanap na turn-over ceremony nila ni Gng. Remedios P. Danao, dating punongguro ng Kisay, sa QCSHS Conference Hall noong Enero 6, 2022.

Dinaluhan ang nasabing seremonya ng Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) Engr. Marc Voltaire Padilla, representative ng Commission on Audit, staff at administrative officer ng Division Office, Camp General Emilio Aguinaldo High School staff at faculty, kasama ng mga kaguruan, mga magulang, at mag-aaral ng QCSHS.

“I have accepted the challenge,” hudyat ni Simon sa kanyang pormal na pagsisimula sa panunungkulan

Dagdag pa niya, “I know, deep in my heart, that I have a lot of big things and big giants to face here in this school”, pagbibigay-diin ni Simon habang humihiling at nananalangin ng gabay sa Maykapal.

Ibinahagi ng mga miyembro ng QCSHS stakeholders ang kanilang suporta sa bagong administrasyon, nang hingin ni Simon ang suporta mula sa buong Scientian Community.

“To Maam Simon, I hope that we can smile together, laugh together and cry together. As we like to say in the SSG, in our continuous pursuit of Scientian excellence,” pagpapaunlak ni QCSHS SSG President Humphrey Soriano.

Samantalang ipinahayag naman ng outgoing principal na si Dr. Remedios Danao ang kanyang pasasalamat sa pagtatapos ng kaniyang pamumuno sa Kisay.

“I’m very much honored to be the principal of Quezon City Science High School for more than two years when during the pandemic strike the country and the whole world,” ani niya.

Umaasa rin siya sa patuloy na paghakot ng Kisay sa mga parangal.

Kasalukuyang punongguro si Gng. Danao sa Quirino High School.

This article is from: