Banyuhay 2022 | Tomo I Blg XLVIII

Page 5

balita. | 5

Banyuhay Balintataw 2022 Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo KATULOY

Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon

CLUBS

QCSHS QUEENDOM ipinanukala 2021 ang Academic QCSHS-SSG, nagdaos ng kauna-unahang ‘virtual Ease organization fair and mula sa pahina 3

Bienvenido Mendoza III

...sa mga gawaing ipamimigay sa mga estudyante upang makapagbigay daan para sa isang progresibo at sensitibong pag-aaral. Inihain ang planong Academic Ease bilang tugon sa mga naging resulta ng mga sarbey na isinigawa ng paaralan noong nakaraang taong panuruan. Ayon kay Franz Ashley Elenore Garcia, isang mag-aaral mula sa ika-10 na baitang, “When I first heard about the plan of lessening and simplifying our activities, it was an immediate relief for our side as students due to the fact that we would enter another school year under the Blended Learning Modality because of the pandemic.” Bukod rito, mananatili umano ang Integrative Project Assessment (IPA) ng mga estudyante sa kabila ng planong ito. Iginiit na maaari pa rin ipamahala ito sa asignaturang ang mga aralin ay konektado at nakahanay. Patuloy namang naging positibo ang mga naging pananaw ng karamihan ukol sa naging epekto ng proyekto sa pagpapatuloy ng taong panuruan dulot ng mga naging litaw at magandang pagbabago ng naging resulta ng taong panuruang ito kaysa sa naging daloy ng pagbibigay ng gawain noong unang taon sa ilalim ng Blended Learning Modality. Dahil sa mahirap na pagbabago noong nakaraang taong panuruan, karamihan sa mga mag-aaral ay sumasang-ayon sa pagpapatuloy ng proyektong ito ng administrasyon. Nabigyang tuon ng karamihan sa mga estudyante ang kanilang atensyon tungo sa pagaaral at pamamahala ng kanilang pang-arawaraw na gawain kaysa sa pagtuon lamang sa pagtapos at pagpasa ng mga gawain dulot ng pagpapadali at pagpapasimple ng mga gawain.

involvement week’ Alice Canta

Nagpasimula ng isang bitwal na organization fair at involvement week para sa mga iba’t ibang clubs ang Supreme Student Government (SSG) ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) nitong Setyembre 24, 2021. Inihandog ito ng QCSHS SSG bilang alternatibo sa noo’y face-to-face involvement week matapos lumipat sa blended learning ang nasabing paaralan dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Nahahati ang mga lumahok na club sa anim na sektor; Academic,

Performing Arts, Sports, Media and Publications, Analysis and Discourse, at Faith and Advocacy. Nagbigay ng kani-kanilang registration forms at registration deadlines ang nasabing clubs sa isang Facebook post ng QCSHS-SSG. Layunin ng mga nabanggit na clubs na mabigyan ng oportunidad ang mga Scientian na magpatuloy sa pagpapahasa ng kanilang mga kakayahan at magawa ang mga bagay na nakapupukaw sa kanilang mga interes sa kabila ng hirap na dinadanas ng mga ito sa gitna ng pandemyang COVID-19.

LARAWAN | JAYSON ZABALA SALITA | SARAH NICOLE GATES

I have accepted the challenge

BAGONG PINUNO, BAGONG KISAY

Carolyn C. Simon Principal

Shalleah Pingol

Nagsimula na, at patuloy sa serbisyo ang bagong punongguro ng Quezon City Science High School (QCSHS) na si Gng. Carolyn C. Simon noong Enero 7, 2022 matapos ang ginanap na turn-over ceremony nila ni Gng. Remedios P. Danao, dating punongguro ng Kisay, sa QCSHS Conference Hall noong Enero 6, 2022. Dinaluhan ang nasabing seremonya ng Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) Engr. Marc Voltaire Padilla, representative ng Commission

on Audit, staff at administrative officer ng Division Office, Camp General Emilio Aguinaldo High School staff at faculty, kasama ng mga kaguruan, mga magulang, at mag-aaral ng QCSHS. “I have accepted the challenge,” hudyat ni Simon sa kanyang pormal na pagsisimula sa panunungkulan Dagdag pa niya, “I know, deep in my heart, that I have a lot of big things and big giants to face here in this school”, pagbibigay-diin ni Simon habang humihiling at nananalangin ng gabay sa

Maykapal. Ibinahagi ng mga miyembro ng QCSHS stakeholders ang kanilang suporta sa bagong administrasyon, nang hingin ni Simon ang suporta mula sa buong Scientian Community. “To Maam Simon, I hope that we can smile together, laugh together and cry together. As we like to say in the SSG, in our continuous pursuit of Scientian excellence,” pagpapaunlak ni QCSHS SSG President Humphrey Soriano. Samantalang

ONLINE CLASSES

Reste Forte, Tabang Agapay: mahigit P270,000 nalikom ng Quesci Agapay Zamantha Pacariem

Sa ilalim ng mga proyektong, “Tabang Agapay”, at “Reste Forte”, nasa mahigit 270,000 piso ang nakalap ng Quesci Agapay, sa pamumuno ng Quezon City Science

High School Supreme Student Government ngayong taong panuruan, bilang lingap kay Ginang Sheryl Verdadero at tulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Odette. Nagsagawa

ang Quesci Agapay ng donation drive na may temang “Reste Forte” upang damayan si Ginang Sheryl Verdadero para sa kanyang operasyon dahil sa aneurysm na matagumpay na

ipinahayag naman ng outgoing principal na si Dr. Remedios Danao ang kanyang pasasalamat sa pagtatapos ng kaniyang pamumuno sa Kisay. “I’m very much honored to be the principal of Quezon City Science High School for more than two years when during the pandemic strike the country and the whole world,” ani niya. Umaasa rin siya sa patuloy na paghakot ng Kisay sa mga parangal. Kasalukuyang punongguro si Gng. Danao sa Quirino High School.

naisagawa noong ika-30 ng Mayo. Samantala, nakapaghatid tulong din ang QueSci Agapay sa mga biktima ng Super Typhoon Odette noong Disyembre ng nakaraang taon, sa pamamagitan ng proyektong “Tabang Agapay” na nakalikom ng mahigit 29,000 piso. Ang perang nalikom ay ibinili naman ng 4,824 na bote ng tubig, na ipinaabot ng mga volunteers ng Tabang Agapay sa LeniKiko2022 Volunteer Center, kung saan ipapamahagi nila ito sa mga evacuation centers.

Ayon kay Supreme Student Government Secretary at Tabang Agapay Volunteer Cole Matthew Sanchez, “Well it’s fulfilling na kahit at a young age very aware na kami sa nangyayari sa community and na we use the resources we have to help out different people.” Patuloy naman ang mga proyekto ng QueSci Agapay upang magbigyang agapay, hindi lamang sa Scientian community, kung hindi ay pati na rin sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.