Banyuhay 2019 Issue

Page 1

Guro, nagbitiw matapos ipa-Tulfo

Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon Isyu MXIX Bilang I

Hunyo - Disyembre 2019

RON CABALLERO KONTROBERSIYA

apilitang magbitiw sa pwesto ang isang guro matapos siyang ireklamo sa The Raffy Tulfo Show, isang online na programa, ng lola at nanay ng estudyanteng pinalabas niya ng silid-aralan dahil hindi niyo naibalik ang report card sa takdang-araw. Umani ng samu’t saring batikos ang programa bunga ng kaso dahil hindi raw makatarungan ang nangyari sa panig ng guro. Tumugon naman si Raffy Tulfo sa mga komento at pinagbati na lamang ang guro at mga kamag-anak ng estudyante kaysa mauwi sa pagkawala ng trabaho ng guro. Nag-iwan pa rin ng malaking anong sa madla ang insidente sa kung saan natatapos ang pagdidisiplina ng guro at nagsisimula ang pagtatanggol sa kapakanan ng estudyante.

N

24%

42

bagong anyo ng buhay

Kisay, Pinamunuan ng Tatlong Tinitingalang Punong-Guro CASSANDRA DOMINGUEZ WORKSHOP

%

15

0

o ta a k

ANYUHAY

34%

HINDI SIGURADO HINDI OO

Tama lang ba ang parusang natamo ng guro?

Bayanihan Tungo sa Kalinisan HUMPHREY SORIANO PROYEKTO

atapos ang naganap na panunumpa ng mga bagong opisyales ng GPTA ay agad silang nagsagawa ng CleanUp Drive o ‘Bayanihan Tungo Sa Kalinisan’ sa pamumuno ng kanilang presidente na si Mrs. Jeanly T. Soriano. Kasamang naglinis ang mga miyembro ng HRPTA at iba pang mga magulang mula sa Grade 7 hanggang sa Grade 12. “Mahalagang ang kalinisan ng ating paaralan lalong lalo na at laganap ang mga sakit sa ating lipunan,” ani Mrs. Soriano.

M

P

inamunuan ng tatlong magigiting na punong guro ang Quezon City Science High School school year 2019-2020 at sa kanilang mga termomino nakita ang kanilang husay na pagandahin ang QCSHS community. Nagsimula ang naturang school year sa pamumumuno ni Ginang Edna V. Bañaga, pirincipal IV, kung saan pinalitan niya ang pamumuno ni Ginoong Rodolfo de Jesus, maraming proyekto ang nagawa at nai-alis ang ibang programa na sa tinggin niya’y hindi maganda para sa mga mag-aaral ng QCSHS. Ilan sa mga ipinatupad ni Ginang Bañaga ay ang no interruption of classes na kung saan iniiwasang matamaan ng programa ang mga klase, sa paraang ito ay mas maraming

matututunan ang estudyante. Inalis din niya ang electives at ang ilan ginawang asignatura nalamang, nag promote din ng mga guro at sinimulan ang pagpapaggawa ng gymnasium at iba pang mga gusali. Nais din ni Ginang Bañaga na pataasin ang score sa National Achievement Test (NAT) ng paaralan upang muling itaas nga pangalan ng QCSHS Inilunsad niya ang enhancement program para sa mga mag-aaral na bagsak sa isang pagsusulit upang maiwasan na bumagsak sa isang partikular na asignatura ngunit ang ilan ay hindi sumang-ayon dito. Ani ni Vea Ladeza isang mag-aaral “ Pabor ako sa Enhancement kasi it gives students an avenue to improve on themselves especially doon

sa areas na hindi nila gaanong naintindihan kasi different yung learning pace nila as compared sa classmates nila “ dagdag pa niya “However, slightly hindi ako pabor sa Enhancement kasi Students use it to take for granted ‘yung quizzes/tests na tinetake nila prior enhancement. And kung hindi man ganun, nagiging pampataas ng grade ‘yung Enhancement which is kinda pangit kasi parang tinuturuan mo ‘yung mga estudyante na parating may second chance when the truth is wala naman always.” Pinalitan naman ni Ginoong Guiliver Eduard L. Van Zandt, Principal III ang pamumuno ni Ginang Bañaga at ilan sa mga proyektong kanyang ginawa ay ang Clean Up drive sa tulong nga General ParentsTeachers Association (GPTA).

Umabot nang himigit kumulang dalawang buwan ang serbisyo ni ginoong Van Zandt sa QCSHS at sa kasamaang palad ay siya’y pumanaw na, nakidalamhati ang QCSHS community sa pamilya at kamaganak ni Ginoong Van Zandt. Pinalitan naman ni Ginang Remedios P. Danao, principal III,si ginoong Van Zandt ay sa kasalukuyan ang mga mga proyekto na siyang nais ipagawa upang pagandahin ang QCSHS hindi lang sa pagpapagawa ng imprustruktura pati sa rin sa curriculum ng paaralan. Inaasahang magtutulotuloy ang pagpapaunlad sa QCSHS sa pakikipag tulungan ng mga punong guro, GPTA, Supreme Students Government, at mga mag-aaral ng QCSHS.

QCSHS RSTF Qualifiers, Nakamit ang NIKKI ANTONIO PARANGAL

angdakot ng medalya ang hinakot ng mga qualifiers mula sa Quezon City Science High School (QCSHS) sa Regional Science and Technology Fair (RSTF) 2019 noong ika-23 ng Nobyembre 2019 na ginanap at ipinarangal sa Mataas

S

SARAH GATES PATIMPALAK

Mᜀᜄᜎᜒᜅ᜔ ᜔ (Magaling) Nagwagi ang QCSHS ng mga medalya sa RSTF.

Pinakamataas na Karangalan na Paaralan ng Naptali A. Gonzalez, Mandalaluyong. Apat sa limang Junior High School (JHS) habang dalawa sa limang Senior High School (SHS) na nakilahok ang nakasungkit ng karangalan sa patimpalak. Sinungkit nina Jannea

Nicole F. Villaverde, Hillary Angelle Denise T. Miba, at Mico Kent P. Malatag ng 10 Kepler ang pinakamataas karangalan sa kategoryang Junior Highschool Physical Science Team. Binansagan din silang Best Research Presenter para sa parehas na kategorya.

ᜁ A ᜎ O

OPINYON

Payasong Pilipino P. 05

LATHALAIN

Kilusang Makulay P. 12

AGHAM

Mapaminsalang Sakit P. 15

ISPORTS

Husay at Talento P. 19


ᜊ BALITA

O ᜎ A ᜁ BANYUHAY |

OPINYON

AGHAM

LATHALAIN

ISPORTS

02 HUNYO-NOBYEMBRE

“Kisay ang

Iba’t ibang parangal, sinungkit ng QCSHS sa pamamahayag WILSON ANDAYA PAMAMAHAYAG

umakot ng sangkatutak na tropeo at medalya ang mga mamamahayag ng Quezon City Science High School (QCSHS) sa magkasunod na Press Conferences na may temang “Strengthening Campus Journalists’ Role in Promoting Unity amid Diversity” na idinaraos noong buwan ng Agosto at Setyembre 2019. Unang ginanap ang 2019 District Secondary Schools Press Conference sa Siena College of Quezon City noong Agosto, 29, 2019 kung saan nasungkit ng QCSHS ang “Overall Highest School Pointer” sa buong unang distrito.

H

Sinundan naman ito ng 2019 Division Secondary Schools Press Conference na isinagawa sa Judge Feliciano Belmonte Sr. High School mula ikasiyam hanggang ika-13 ng Setyembre 2019 na nilahukan pa rin ng mga mamamahayag sa nakaraang patimpalak. Labis ang pagkagalak ng buong QCSHS sa pagbandera ng mga manunulat nito ng paaralan sa larangan ng pamamahayag sa pamamagitan ng pag-uwi ng mga karangalan. Hindi magiging matagumpay ang mga magaaral na ito kung hindi sila nahasa nang maayos ng kanilang tagapagturo na si Elsa Villar.

inspiration ko.

CLARISSE ROMERO PATIMPALAK

ᜈᜅᜓᜈ (Nanguna) Pinamalas ni Citrei ang kanyang galing sa Matematika.

Math wiz, nanaig laban sa 14 na bansa RON CABALLERO SIPNAYAN

uwing may pagsusulit sa sipnayan, inaasahan siya lagi ang mangunguna. Walang palyang sumungkit ng parangal sa mga tagisan sa matematika. Nito lamang ay naka-100 pa siya sa asignatura. Kinakatawan ni Citrei Kim Padayao ang katangiang pumapasok sa isip ng madla na taglay ng isang “math wizard”. “Very easy lang naman ‘yung test,” aniya matapos ang Mathematics Without Borders, isang patimpalak sa Bulgaria. Nasungkit ni Citrei ang

T

gintong medalya rito laban sa 740 na kalahok mula 14 na bansa. Inaasahan man niyang mag-uuwi ng parangal ay hindi niya naisip na makukuha niya ang pinakamataas na gantimpala. Pumasok din si Citrei sa Area Stage ng Philippine Mathematical Olympiad, kung saan nagtulungan ang Mathematics Department ng Quezon City Science High School para ihanda siya sa naturang patimpalak.

Bukod dito, nagsanay din siya mismo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga online worksheets. Lumalakas ang loob niya sa pakikipagtagisan dahil sa ipinagkakaloob na tiwala sa kanya ng mga guro at kapwa mag-aaral mula sa higher batches dahil sa nakikita nilang potential sa kanya. Nais ni Citrei na muling iangat ang kabantugan ng Kisay sa matematika sa pagiging kinatawan nito sa mga paligsahan sa labas ng paaralan.

Libreng pest control, Scientian, nagpamalas ng galing WILSON ANDAYA sa Rubik’s Cube PARANGAL isinagawa sa QCSHS agkahilig sa Rubik’s Cube kinabahan ako sobra. Sobrang bagal ko pa FERIELYN CIRIACO PROYEKTO siyang matuto mag- noon. Masaya kasi alam ko sa sarili kong P Nagsimula Rubik’s Cube noong siya ay nasa ii-improve ko ang sarili ko”, ani Zipagan. Sinira ng mga pest agsagawa ng libreng Pinakadakilang Tagumpay ika-6 na baitang dahil sa impluwensiya control ang controller ang mga pugad N pest Ayon kay Zipagan, maituturing PestProPH pest ng insekto gamit ang mist galing sa kaniyang mga kamag-aral at management na pagmamayari ng dalawang magkapatid na alumni ng Quezon City Science High School (QCSHS) sa buong paaralan, noong Agosto 19, 2019. Kinilala ang magkapatid na sina Margarette at Joshua Malana na alumni ng batch 2006 at 2009 at kapwa nagtapos ng kolehiyo sa University of the Philippines Los Banos. Ayon kay Margarette, ang pest control ay isinagawa upang mapuksa ang mga peste at insekto, at maiwasan ang mga sakit mula rito tulad ng dengue at malaria.

blower na nagbubuga ng kemikal laban sa mga ito. Inererekomenda ni Malana na pagkatapos ng pest control sa lugar ay wala munang tao sa loob ng ilang oras para na rin sa kaligtasan nila. Samantala, ang mga mismong nag-pest control ay nakasuot ng mask at iba pang protective gears bilang proteksyon sa kemikal Inaasahang sa tulong na isinagawa ng pest control ay maiiwasan ang mga kaso ng dengue at iba pang sakit na maaaring makuha ng mga mag-aaral ng QCSHS.

kaniyang kuya na magaling din sa nasabing laruan. Sumali siya sa kaniyang pinakaunang kumpetisiyon noong siya ay 14 taong gulang pa lamang at hindi siya pinalad na manalo ngunit hindi siya pinanghinaan ng loob at alam niyang maaari pa siyang gumaling sa larangang ito. “Noong una kong competition,

niya bilang kaniyang pinakadakilang tagumpay noong natanghal sila ng mga kapwa niya manlalaro bilang kauna-unahang City Cup Champions sa ginanap na Philippine Championships noong ika-26 hanggang ika-28 ng Setyembre, 2019 sa Robinsons Novaliches. “Iba ‘yung feeling na nanalo ka kasi may sumusuporta sayo”, dagdag pa niya.

GLEIR FIRMALO PATIMPALAK

ᜋᜊᜒᜎᜒᜐ᜔ ᜔ (Mabilis) Ipinakita ni Nikolai ang kanyang husay sa Rubik’s Cube.

ᜋ ᜊᜒ ᜎᜒ ᜐ᜔

QCSHS Robotics Prodigies, wagi sa iba’t ibang patimpalak NAOMI AMPARO PARANGAL

pinakita ng Scientians ang kanilang galing sa Robotics matapos maguwi ng mga gantimpala mula sa ginanap na 18th Philippine Robotics Olympiad (PRO) noong ika-2 hanggang ika-6 ng Setyembre, 2019 sa 4F Annex Building, SM North EDSA, Quezon City. Lumahok din sa 2nd Philippine Robotics Excel Olympiad ang mga mag-aaral na idinaos naman noong ika-27 ng Setyembre, 2019 sa

I

SARAH GATES PATIMPALAK

ᜋᜑᜓᜐᜌ᜔ (Mahusay)

Nagwagi ang QCSHS ng mga medalya galing sa Robotics Competition.

Quezon City Science Interactive Center. Nasungkit nila Arthur Jed Lluisma, Jeschel Jhoie Nava, at Mark Dennis Obumani ang ika-limang karangalan para sa Senior Team Category. Umabante naman papuntang Division Level ang mga pambato ng QCSHS sa nasabing patimpalak noong ika-11 ng Oktubre, 2019 na ginanap sa Activity Center, Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City. Nauwi nila Lluisma, Nava, at Obumani ang ikatlong puwesto samantalang

naparangalan naman sina Gaebriel Sobremonte, Sarah Nicole Gates, at Cassandra Austria. Bago sumabak ang mga tinaguriang Robotics Prodigies, puspusang pageensayo muna ang kanilang natanggap mula sa kanilang mga tagapagsanay na sina Sir Jonathan del Carmen, Ma’am Julie Macasieb, at Ma’am Cecille Pegtuan para sa Senior Team habang sina Ma’am Dannilyn Allam at Ma’am Ritchelle Remolano para sa Junior Team.


03 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

ᜁ A ᜎ O ISPORTS

AGHAM

LATHALAIN

ᜀ ᜈ᜔ ᜆᜓ ᜆ᜔o᜔

DAVID MENDOZA PANTAS ARAL

ᜀᜈ᜔ᜆᜓᜆ᜔o (Natuto)

Nagkaroon ng libreng pantas aral sa QCSHS para sa mga mag-aaral na nais maging mamamahayag.

Banyuhay workshop, isinagawa para sa aspiring writers WILSON ANDAYA WORKSHOP

agbahagi ng kaalaman ang mga batikan sa larangan ng pamamahayag sa mga bagong miyembro ng Banyuhay na ginanap noong ika-13 ng Hulyo, 2019 sa Quezon City Science High School (QCSHS). Inimbitahan sina Earl

Cansiño bilang tagapagsalita sa Balita at Editoryal, Kaye Itable sa Lathalain, Phoebe Guerrero sa Agham, Myke Miraute sa Balitang Pampalakasan, Clara Gonzales sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita, Michael Moñuz sa Kolum, Abigail Manahan sa Kartuning, at

N

OPINYONG PANGKAMPUS

41%

27% 150 KATAO

Sang-ayon ka ba sa No Homework Policy? OO HINDI HINDI SIGURADO

32%

‘No Homework Policy’, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko HUMPHREY SORIANO EDUKASYON

asalukuyang dinidinig sa senado ang Senate Bill 966 o mas kilala sa tawag na ‘No Homework Policy’ na naglalayong tanggalin ang takdang aralin o “takehome activities” sa mga estudyante mula Kinder hanggang sa Grade 12. Naglabas ng pahayag ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd kung saan sila ay sumusuporta sa planong pagbabawal sa mga takdang aralin sa mga estudyante upang mas magkaroon ng panahon at oras ang mga bata sa kanilang pamilya at kaibigan sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga takdang aralin. Makatutulong din ito upang mabalanse ng mga estudyante ang oras sa larangan ng akademiko at sa personal na pagunlad

K

bilang isang makataong Pilipino. “We want all formal studying, assignment, project, whatever, to be done inside the school,” saad ni Education Secretary Leonor Briones. Bagaman marami ang sang-ayon sa pagpasa ng Senate Bill, marami rin ang tumututol kung sakaling ito ay maipapatupad dahil ang mga takdang-aralin ay isang paraan kung saan maaaring palawakin ang kaalaman na hindi naituro sa loob ng paaralan at maisabuhay ang natutunan sa loob ng silid-aralan. Patuloy pa rin ang ginagawang pagdinig ukol sa nasabing Senate Bill na pagtutuunan ng pansin ni Senate Committee on Basic Education Chair Sherwin Gatchalian.

Sophia Agosto sa Pag-aanyo ng Pahina. Nagsilbi ito bilang paghahanda sa mga kalahok na isinabak sa nakaraang Press Conferences. Nagbigay ng payo ang mga tagapagsalita kung paano maging mahusay na mamamahayag.

Bukod sa pagbibigaypayo, ibinahagi rin ng nila ang kanilang mga karanasan bilang mga mamamahayag. Bilang pagtatapos sa nasabing pantas-aral, ipinakita ng mga lumahok ang kanilang kaalaman sa panunulat sa ginanap na maliit na patimpalak.

OPINYON

ᜊ BALITA

QCSHS, binigyang kulay CASSANDRA DOMINGUEZ PROYEKTO

agpinta ng mga iba’t ibang hayop sa dingding ng Quezon City Science High School ang mga mag-aaral, mga alumni, at iba pang volunteers noong ika19 ng Agosto. Pinangunahan ni AG Sano, alumni ng batch 1992, ang naturang programa sa paaralan upang mabigyang pansin ng mga mag-aaral sa mga iba’t ibang nanganganib na hayop sa bansa at tumanaw ng utang na loob sa paaralan. Magpapatuloy ang pagagawa ng mga Murals upang mas lalong mabigyang kulay ang mga dingding ng paaralan.

N

Kisay gymnasium, umabot ng 75M RINOA SANCHEZ PROYEKTO

n a a s a h a n g matatapos sa Enero 2020 ang gymnasium ng Quezon City Science High School (QCSHS). Ang nasabing proyektong nagkakahalagang 75-milyong piso ay itinatayo sa dating covered court ng paaralan. Isinasagawa ang gymnasium upang magsilbing mas malaking pasilidad para sa mga pagtitipon, kompetisyon at mga pampalakasang gawain, at magkaloob ng mas maayos na mga laboratoryo para sa

I

Scientians. Nagsimula ang konstraksyon noong ika-25 ng Marso 2019 sa panguguna ni dating punong-guro Gng. Edna V. Bañaga at sa tulong ni dating Mayor Herbert Bautista. Matapos ang termino ni Bañaga ay ipinagpatuloy ito ni Ginoong Guiliver Eduard L. Van Zandt subalit nahinto ito ng dalawang buwan dahil sa hindi pagkakaunawaan ukol sa pagtatago ng mga lumang materyales ng pasilidad. Inaasahang sa

pangunguna ni kasalukuyang punong guro Remedios P. Danao ay maisasagawa ang nasabing gymnasium sa Enero ng susunod na taon. Inaabangan na rin ng Scientians ang pagkompleto ng naturang proyekto. “Mas matutulungan nito ang mga varsity na magkaroon ng maayos na training venue… bilang atleta, mas gagaganahan din akong maglaro sa mas magandang pasilidad,” ani Jean Acosta, co-captain ng QCSHS Futsal Team.

UP DebSoc, naghandog ng debate workshop CASSANDRA DOMINGUEZ WORKSHOP

DAVID MENDOZA PROTESTA

SIᜈᜈᜌ᜔​᜔ (Sinanay) Nagkaroon ng libreng pantas aral sa QCSHS sa tulong ng UP Debate Society.

inanap ang Tabula Rasa: A Debate Workshop sa pakikipag tulungan ng University of the Philippines Debate Society (UPDS) noong ika – 16 Nobyembre sa Conference Hall ng

G

S I ᜈ ᜈ ᜌ᜔​᜔ Quezon City Science (QCSHC) upang hasain ang kakayahan at dagdagan ang kaalaman na scientians ukol sa pakikipagdebate. Nilahukan ang programa ng mahigit 30 scientians mula sa iba’t ibang baitang,

at isa si Cj Carlos, isang miyembro ng UP debate society sa mga nagbahagi ng iba’t ibang ipormasyon tungkol sa debate at maraami pang iba. Nagkaroon ng seminar at lectures tungkol sa tamang pagdedebate sa unang bahagi ng workshop at mga gawain naman sa ikalawang parte upang matiyak na natutunan ng mga estudyante ang mga tinuro sakanila. Inaasahang sa sususnod na taon ay marami ng sasali sa debate club ng paraalan at magagamit nila ang kanilang natutunan sa naturang workshop.


04 ᜎ ᜊ O A ᜁ BANYUHAY | Babaeng delegado ng QCSHS, BALITA

OPINYON

LATHALAIN

AGHAM

HUNYO-NOBYEMBRE

ISPORTS

nakibahagi sa Inspired Conversations VEA LADEZA KABABAIHAN

inaluhan ng 11 babaeng delegado mula Quezon City Science High School ang Women Expo and Forum Inspired Conversations: Nothing Left Unsaid na inilunsad ng Filipina CEO Circle (FCC) at Management Association of the Philippines (MAP) noong ika-10 ng Oktubre 2019, sa Marriott Hotel Grand Ballroom mula alas-otso ng umaga hanggang alas-seis ng gabi. Sa tulong nina Gng. Aurea Alucen at Gng. Rosalyn Mesina mula QCSHS Batch 1994, nagkaopurtinidad ang mga babaeng estudyante na makapanayam ang mga babaeng Pilipinong nangunguna sa kanilang mga karera sa kasalukuyan. Nagsagawa ng expo at job fair noong umaga kasabay ng On The Stage Sessions kung saan nagsalita ang mga babaeng CEOs tulad nina Margie Moran, Stephanie Balois, at Ambassadress Delia Albert patungkol sa kanilang mga karanasan bilang mga babae ng makabagong panahon. Pagkahapon, ginanap ang Plenary Session na may temang “Fearless” kung saan nagsalita sina Maria Ressa, Mica Tan, Xyza Bacani, at Mayor Isko Moreno patungkol sa mga isyung kasalukuyang hinaharap ng mga babae at mga hakbang upang matugunan ang mga ito. Tunay na naging matagumpay ang kaganapang ito na sana’y madaluhan ng mas maraming babae sa hinaharap.

D

VEA LADEZA KUMBENSYON

ᜈᜃᜃᜎᜓᜎ (Nakakalula) Masayang nakikinig ang mga delegado ng QCSHS sa Inspired Conversations.

Panibagong opisyales ng GPTA at HRPTA, opisyal ng nanumpa HUMPHREY SORIANO PANUNUMPA

O

pisyal ng ipinakilala ang panibagong manunungkulan sa General-Parents Teachers’ Association kasabay ang panunumpa ng mga Homeroom Officers noong ika-29 ng Agosto sa loob ng Conference Hall. Pinangunahan ni Gng. Remedios Danao ang pagpapakilala sa mga bagong opisyal ng GPTA kasama si Congressman Anthony ‘Onyx’ Crisologo. Naganap ang halalan ng panibagong opisyales noong Hulyo at nahirang bilang presidente si Mrs. Jeanly T. Soriano; bise presidente si Mr. Vicente

V. Molin; Mrs. Clarinda “Sisikapin ko na Berja bilang kalihim; si makalikha ng mas maayos Mrs. Floramie Gates bilang na kapaligiran para sa mga ingat-yaman; si Mrs. Amy estudyante,” saad ni Mrs. Lacsa bilang auditor; Mr. Soriano. Llenard T. Sison bilang Business Manager; Mrs. Leonora D. Sinel bilang P.R.O. Nahalal naman sina Mrs. Lovely Caabay, Mrs. Jessica Fernandez, Mrs. Elizabeth Casiple, Ms. Mary Grace Espiel, Mr. DAVID MENDOZA Joel Viana at Mr. PANTAS ARAL Richard Sagcal ᜆᜉᜆ᜔(Tapat) bilang Board of Nanunmpa ang mga opisyales ng GPTA. Directors.

Kasalukuyang nakaabang pa ang planong pagpapagawa ng connecting bridges sa tulong ni Congressman Onyx Crisologo at ang pagbibigay ng STIPEND kaagapay ang Quezon City Government. Pinaplano rin ang pagpapagawa ng covered pathwalk sa loob ng ating paaralan. Inaasahan ang mas maigting na pagsuporta sa mga bagong halal na mga guro at magulang upang matugunan ang ilan sa mga pangangailangan ng mga estudyante sa loob ng paaralan at sa panibagong komunidad na maaaring buoin ng responsible, matapat at matatag na pamunuan.

ᜆ ᜉ ᜆ

QCSHS, naghanda ng dalawang magarbong selebrasyon sa Teacher’s Day N CASSANDRA DOMINGUEZ ARAW NG GURO

aghanda ng isang magarbong selebrasyon ang mga mag-aaral ng Quezon City Science High School para kanilang mga masisispag, matatiyaga, at magigiting na mga guro noong ika lima ng setyembre at unang araw ng Oktubre. Ipinakilala ng mga

department heads ang mga guro sa iba’t ibang asignatura ng Science, Math,English, Mapeh, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Information and Communications T e c h n o l o g y . Gumawa ng isang tula si Ginang Lorna Mendoza, English department head,

para pasalamantan at ibahagi ang importansya ng mga guro sa bawat bata. Nagbigay ng mensahe ang mga mag-aaral at General Parents-Teachers Association (GPTA) officers para sa mga guro ng QCSHS. “You are all our child’s inspiration. “ ani ni Floramie Gates, GPTA treasurer.

Dagdag naman ni ginang Remdios P. Danao, punong guro ng QCSHS “ Thank you for making our students a successful students, we salute you.” Naghandog ng awit ang Himig Scientia ng Kapag Tumibok ang Puso at umawit din ang estudyante mula sa ika-pitong baiting

ng Rolling in the Deep upang pasalamatan ang mga guro. Ipinakita naman ng Indak Scientia ang kanilang pasasalamat sa mga guro sa pamamagitang ng pagsayaw. Nagbigay ng payong, bulaklak, at greeting cards ang mga magaaral sa kani-kanilang mga guro.


05 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

ᜁ A ᜎ O ᜊ ISPORTS

AGHAM AGHAM

LATHALAIN

BANYUHAY Christianneil Ocampo Punong Patnugot Ron Caballero Kapatnugot Cassandra Dominguez Patnugot sa Balita Christianneil Ocampo Patnugot sa Editoryal Ron Caballero Patnugot sa Lathalain Therese Dela Rosa Patnugot sa Agham Vea Ladeza Patnugot sa Isports Wilson Andaya Pagwawasto Sarah Gates Jian Montecalvo Tagakuha ng Larawan Abigail Manahan Uneil Pabolar Taga-Dibuho Naomi Amparo David Mendoza Humphrey Soriano Achilles Fayloga Joshua Espinosa BrianYcoy

Patnugot sa Grapiks at Layout

Elsa V. Villar Tagapayo Imelda A. Hilario

Puno ng Kagawarang Filipino

Remedios P. Danao Punong-Guro

Paglagapak ng Inang Bayan

sa akong proud Filipino - apat na salitang tila pahirap nang pahirap bigkasin ng kahit sinomang mamamayan ng bansa. Ito’y isang pahayag na higit na kumokontra sa nakakapanlumong reyalidad na nararanasan ng sambayanang Pilipino. Habang dumadaloy ang agos ng panahon, nalulugmok ang Pilipinas sa kaliwa’t-kanang suliranin, krisis, at kontrobersya. Simula nang mahalal sa posisyon ang mga kasalukuyang pinuno ng bansa, naharap ang Pilipinas sa isang serye ng mga suliranin na higit na nakakaapekto sa mga nasa laylayan ng lipunan. ‘Di hamak na naging kahina-hinala ang mga hakbang na ginawa ng mga ito tungo sa pinaniniwalaan nilang kaunlaran. Isa na sa mga malalalim na suliraning hinaharap ng bansa ay ang walang katapusang drug war na sinimulan ng kasalukuyang

I

pangulong si Rodrigo Duterte. Isang digmaan na nagsimula sa isang pangako na matatapos sa loob ng anim na buwan, ngunit tumagal ng humigit dalawang taon. Isang ligwak na proyekto na walang nasupil kundi ang buhay ng mga pobreng Pilipino. Dagdag pa sa pasanin na dala-dala ng bansa ay ang mga korap na opisyales na patuloy na pinagsasamantalahan ang sambayanan. Kung ililista ang lahat ng mga kaso ng korapsyong naipamulat sa publiko sa nakaraang anim na buwan, hindi na matatapos ang editoryal na ito. Base rito, napakahirap nang paniwalaan kung ang pangunahing layunin ba talaga ng gobyerno ay ang paglingkuran ang mga tao o pagkakitaan ang mga ito. At mayroon pang mga opisyales na sadyang nagbubulag-bulagan sa mga krisis na higit na nagiging

Krisis sa Transportasyon, Gawan Agad ng Aksyon

KYLA LOUISE RAMOS TRANSPORTASYON

agsapit pa lang ng umaga ay may nakatakda nang pupuntahan ang iba’t ibang tao, mapa-opisina man o sa paaralan. Ngunit iba-iba man ang direksiyon na patutunguhan, iisa naman ang problemang kanilang nararanasan. Ito ay ang krisis sa transportasyon na talagang pinoproblema ng karamihan. Sa kabila ng ganito kabigat na sitwasyon, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na wala namang krisis sa transportasyon na nagaganap sa bansa. Nakakarating pa rin naman ang mga tao sa kanilang destinasyon at may nasasakyan naman. Kailangan lang umano umalis nang mas maaga mula sa nakasanayan at maging ‘creative’ lang. Krisis nang maituturing ang

P

nangyayari sa bansa ngayon sapagkat nagpatunay na dito ang oras na ginugugol ng mga mamamayan sa kahihintay ng masasakyan at matagal na biyahe dahil sa mabigat na daloy ng trapiko. Bukod dito, madalas din magkaroon ng aberya sa LRT at MRT na mas lalong nagpapahirap sa mga mamamayan. Si Panelo mismo ang nakaranas ng suliranin sa transportasyon na ito noong tinanggap niya ang commute challenge. Makikita na hindi nakakarating sa tamang oras ang isang tao dahil sa sitwasyon sa Pilipinas. Kung iisipin ay mas magaan pa ang naranasan ni Panelo sa pagcocommute sapagkat kilala siya ng mga tao kaya napabilis ang pagsakay niya at may nag-alok pa sa kanyang sumakay sa mitorsiklo. Paano

pabigat sa mga mamamayan. Kung titingnan naman ang mga mas sariwang kontrobersya, nakakapagtaka para sa karamihan ang kinalabasan sa pagsalubong ng bansa sa SEA Games 2019. Tunay na isa ito sa

Mahirap na ngayong umasang maaahon pa ang imahe ng Pillipinas at mas lalong mahirap pang maipagmalaki ang pagka-Pilipino ng bawat mamamayan. mga inaabangang pagdiriwang taon-taon kaya’t ‘di maiiwasang paggastusan ito ng pamahalaan. Ngunit sa mga lumalabas na datos ukol sa kabuuang perang

na lamang ang mga normal na mamamayang mas matindi pa ang nararanasan sa arawaraw? Maaaring hindi alam ng karamihan kung ano talaga ang sinasapit ng bawat tao sa pagcocommute, kabilang na ang hirap sa pagsakay at tagal ng biyahe, ngunit isa lamang ang matitiyak - isa itong malaking pasanin. Nararapat na gawan ng solusyon ang lumalalang sitwasyon sa transportasyon at trapiko sa Pilipinas, at hindi diktahan ang mga tao na gawin ang mga bagay na hindi naman talaga makapagpapagaan ng sitwasyon. Pagtuunan sana ng pansin ang pagsasaayos ng mga pangunahing transportasyon tulad ng MRT at LRT na suki na ng aberya at nakapeperwisyo sa mga tao. Maaari rin magtayo ng karagdagang mga tren sapagkat bukod sa hindi ito makakadagdag sa bilang ng mga sasakyan, marami pa ang makikinabang dito. Ang patuloy na pagdami ng sasakyan ay dapat din makontrol sapagkat nagsasanhi ito ng mabigat na daloy ng trapiko na siyang nagpapatagal ng pagdating ng mga jeep at bus. Ang mahalaga ay isaalang-alang ang kapakanan ng mga tao at maghangad ng ikagiginhawa ng bawat isa.

OPINYON

BALITA

ginugol, nakalilitong isipin kung saan nanggaling ang ganito kalaking pondo. Nagiging kadudaduda ito lalo na’t laganap ngayon ang budget cuts sa iba’t-ibang sangay ng lipuanan. Ngunit kung tutuusin,kabahagi rin ang taumbayan sa pagsalo ng bintang ukol sa sitwasyong hinaharap ng bansa. Hindi mahahalal ang mga opisyales na nagpahamak sa bansa kung walang mga mamamayan na bumoto sa kanila. Sa kasalukuyan, ang basehan na lamang ng mga tao sa pagpili ng iboboto ay kung sinong kandidato ang may pinakanakakaakit na patalastas at may pinakamalawak na binibitawang pangako. Mga pangakong tila bukambibig lamang at kahit kailan ay hindi natupad. Kung tunay na hangad ng tao ang kaunlaran ng kanilang bansang sinilangan, dapat silang matutong maging matalino sa pagboto. Dapat nilang piliin ang mga kandidatong may busilak na hangarin para sa bansa at hindi ang mga taong sumikat lamang dahil sa isang pumatok na tono. Habang parami nang parami ang mga nakabibigong insidente sa bansa, lalong bumibigat ang duda sa kaunlaran nito. Mahirap na ngayong umasang maaahon pa ang imahe ng Pillipinas at mas lalong mahirap pang maipagmalaki ang pagka-Pilipino ng bawat mamamayan. Subalit sa kabila ng mga mabibigatnakaganapangnangyari sa bansa, ang kaisa-isang bagay na kayang gawin ng bawat Pilipno ay ang magpatuloy. Magpatuloy na mag-asam sa kaunlaran at pagbabagong nararapat para sa Pilipinas kahit mukhang imposible itong mangyari. Habang umaalpas ang bansa paharap, dapat gumising ang bawat tao, gobyerno man o taumbayan. Dapat maipamulat sa lahat na walang mangyayaring pag-unlad kung patuloy nating hahatakin pababa at pagsasamantalahan ang isa’t-isa. Simulan mo ang pagbabagong inaasam mo kababayan. Gawin mo ito para sa sarili mo, para sa lipunang kinabibilangan mo, at para sa bansang pumapalibot sa pagkatao at pagka-Pilipino mo.

larawan mula kay Patrick Santos

“Kami ay tumitindig para sa kapayapaan, kaunlaran, at katotohanan. Kami ay tumitindig para sa bayan tungo sa bagong anyo ng buhay.’ Ang pahayagang pang-kampus na Banyuhay ay nakikiisa sa uniyong manggagawa na nakikibaka para sa pantay na karapatan at oportunidad sa industriya.


ᜊ O ᜎ Aᜁ BALITA

OPINYON

LATHALAIN

AGHAM

ISPORTS

06 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

Takalan ni Juan, Wala ng Laman

Trapong Nanunungkulan Ugat ng Kahirapan ALLYZA GIOLAGON KORAPSYON

asakiman, isang matapang na salita na ngayo’y dahilan ng paghihirap ng isang bansa. Sa ating bansa, hindi na maiaalis ang salitang korupsyon kapag ang usapa’y ukol na sa pamahalaan, ‘tila ba’y nakaangkla na sa sistemang politika. Kung sisiyasatin ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya, masasabi mo na ang pangunahing dahilan nito’y korupsyon sa loob ng gobyerno. Sa nagdaang eleksyon, nagsilitawan nanaman ang mga ‘trapo’ o mga tradisyonal na pulitiko. Kung saan popularidad at salapi ang ginagamit na pang-akit upang makuha ang sagradong boto ng mga mamamayan. Ginagamit nila ang kakapusan ng mga mamamayan pabor sa kanilang minimithing pwesto sa pamahalaan para lamang makakuha ng kapangyarihan at hindi na upang makapaglingkod sa inang bayan. Lingid pa sa kaalaman ng publiko na ang kanilang inilabas na pera noong eleksyon ay kanila namang babawiin mula sa kaban ng bayan. Ito ang dahilan sa patuloy na kahirapang kinahaharap ng mga mamamayang nasa laylayan.

K

JOHN BENI FLORES RICE TARIFFICATION

Ang perang pinaghihirapan ng mga mamamayang tapat sa pagbabayad ng buwis ay winawaldas lamang ng mga namumuno sa kanilang mga luho. Ang mga pangakong pagbabago ay patuloy na napapako. Ang pagnanais na maglingkod sa mga mamamayan ay ginamit na lamang paraan upang makakuha ng kapangyarihan. Kasakiman at pansariling interes ang umiiral sa sistema ng panunungkulan ng ating pamahalaan. Ang esensya ng paglilingkod sa bayan ay Kasakiman at pansariling interes ang umiiral sa sistema ng panunungkulan ng ating pamahalaan

napapangibabawan na ng makasariling layunin. Imulat ang ating mga mata sa tunay na nangyayari sa ating lipunan. Ang hamon sa ating mga kabataan ay paigitingin ang pakikilahok sa mga mapayapang pagkilos tungo sa pagbabago.

alamak na kagutuman ang siyang kalaban nitong pamahalaan. Lantaran na pangingikil sa kaban ng bayan, mga pobreng may hawak ng kapangyarihan na nagpapakasasa sa pinuhunan ni Juan; ganitongganito ang eksaktong larawan ng pamahalaan na mayroon ang bansa ni Juan. Kumakalam na kalamnan ng bawat magsasakang siyang sa bawat tao’y bumubuhay, at butas na mga bulsa ng mga mamimili. Lahat sila ang takalan ay hangin ang laman. Kaya matugunan ang nais ng bawat konsyumer at prodyuser, lalo na ang mga magsasaka, ang siyang tinataguyod ng mga Senador sa Senado. Mapababa ang presyo ng mga produkto habang tumataas ang magiging kita ng mga magsasaka ang nais tumbukin ng Senate Bill No. 1998 na isa nang batas na tinatawag na Rice Tariffication Law o Republic Act 11203. Tumitinding kagutuman, at kahirapan sa linya ng mga magsasaka ang siyang nais solusyonan nitong batas ng bayan. Ayon sa naturang batas ay maglalaan ng P13B ang palasyo upang tulungan ang mga magsasaka para sa kanilang patubo. Dagdag pa rito’y tataasan na nila ang taripa o buwis ng mga bigas o produkto na iaangkat buhat sa ibang bansa. Mas mapapababa ang demand, bilang ng

Oras na Ba?

ELSA VILLAR NATURAL DISASTERS

“Lindol! Bagyo! Landslide! Sunog! Patayan! Droga! At Iba Pa!” amu’t saring pananaw at persepsyon ang maaring masambit sa konsepto ng mga kaganapan o delubyong matatawag na nangyayari sa ating bansa at sa ibang bansa. HINDI na maipaliwanag ng lubos kung bakit nagaganap ang mga bagay na ito. Tao laban sa tao, kalikasan laban sa tao o ano nga bang matatawag sa mga kalamidad. Delubyo nga bang maituturing, noon panahon ni Hesuskristo, marami ang hindi naniniwala sa kanya bilang “Hari nang mga Hudyo” o di kaya’y ang ating “Panginoon”. Marami ang nagpakasakit sa kanya na humantong sa puntong ninais lahat na ipapako siya sa krus. Maaring maiugnay ang isang sanhi kung bakit nararanasan ang iba’t ibang kaganapan maituturing. Sunodsunod na kalamidad o sinasabi nilang senyales na bai to nang pagpaparamdam

S

ng Panginoon dahil sa umaabuso na ang sangkatauhan. Maraming teorya at haka-haka ang kumakalat tungkol sa kung paano magwawakas ang mundo. Para sa mga Kristiyano ang kasagutan ay nasa Bibliya, sa isang kapitulo ng aklat ng Rebelasyon nakalatag ang mga senyales ng kanyang pagbabalik sa sanlibutan. Kabilang ang mga matitinding kalamidad, giyera, patayan, awayan, kahirapan, korapsyon, bangayan sa pulitika, bangayan ng pamilya, digmaan , huwad na mga lider at iba pa.. Ngunit sino ang makakawata na ito na nga ang simula ng paghuhukom ng ating Panginoon. Sa aking palagay, ang mga nagaganap na ito ay hindi senyales, kundi mga natural na proseso lamang na nararanasan natin. Subalit sa panahon ngayon, dahil din sa gawa nang tao mas napabibilis ang

Walang Kupas sa Pagaspas

SEAN OLIQIANO LGBTQ+

N

230

kat a

o

akapanlulumong isipin na sa kabila ng mga taong lumipas at deka-dekadang nagdaan, nasa lipunan pa rin ang kawalan ng lubusang pagtanggap sa mga taong kabilang sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer + (LGBTQ+) Community. Halimbawa na lamang ang nangyari sa transgender woman na si Gretchen Custodio Diez na hindi pinagamit ng palikuran para sa mga babae sa Farmer’s Plaza, Cubao, Quezon City. Ayon kay Diez, pinagtulakan siya ng janitress at sinabihang gamitin ang palikuran para sa mga kalalakihan. Hindi ito nakatakas sa mga mata ng tao sapagkat may umiiral na anti-discrimination ordinance sa nasabing lungsod. Naging mainit na usapin ito sa bawat sulok ng bansa. Marami ang sumuporta ‘Di Sangat bumatikos dahil dito. Sang-ayon ayon Samaktwid, nakaalpas na nga ba sa kumunoy na pumipiit Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng at nakalaya na ba sa kweba ng kadiliman ang mga taong Same Sex Marriage sa Pilipinas?

72%

28%

T

mga pagbabago kaya nagkakaroon ng mga masamang epekto mapa sa inang bayan o pangkalawakang pandaigdigan. Bakit tayo natatakot sa posibilidad na ang mga kalamidad at krisis na ating kinakaharap ay senyales ng pagkagunaw ng mundo? Dapat nga tayong matuwa dahil malapit na ang pagbabalik o paghuhukom ng tagapagligtas natin ang Panginoon. Bilang mga alagad ng Diyos nararapat lamang na tanggapin natin ang lahat ng pagsubok na ating nararanasan. Ginigising tayo sa mga mga gawaing hindi nakakasiya sa kanyang paningin, ipinapaalala niya sa atin ang lahat nang ito’y sa kanya nagmula at siya rin ang

kabilang sa mundo ng bahaghari? Sa makabagong panahon at mundong ating ginagalawan, hindi na bago ang mga ideolohiyang umuusbong. Sa bawat pagtalikod ng taon maraming bagay ang nagaganap bago ito tuluyung magsara at sa muling pagkakataon sa loob ng dalawampung taon kasabsay ng nagbabagang isyu tungkol sa kaso ni Diez, kumakatok ang ilang grupo sa pintuan ng mga mambabatas na maisabatas na ang panukalang magpapataw ng karampatang parusa sa sinomang aapi sa isang tao batay sa kanyang “sexual orientation” at “gender identity or expression” (SOGIE bill) May dalawang nais maisabatas na tumatalakay sa SOGIE: Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado at ang House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara. Tila magkaiba ang pakahulugan ng dalawang panukala ngunit iisa lamang ang kanilang layunin--ito ang pantay na karapatan sa lahat, babae man o lalake, bakla man o tomboy at iba pa ngunit sa kasamaang palad hindi ito lumusot sa kamara. Maraming kaganapan at programa na sumasalamin na kahit papaano’y kinikila na ang kalayaan ng mga LGTBQ+, katulad ng mga beauty pageants sa kanilang larang. Parte na rin sila ng gobyerno, ang iba ay ibinoto ng mga tao

pagtangkilik, ng mga konsyumer sa mga bigas na di maka-pilipino; at sa ganitong paraan mas mapatataas ang kalidad ng bigas sa Pilipinas. Pilipinas ang dating pangunahing tagapamahagi ng bigas sa buong mundo, ngunit sa mga araw na ito ay Pilipino na ang namamalimos ng bigas na gawa ng ibang tao. Tunay na maganda ang layunin ng naturang Batas, ngunit walang magagawa kung walang gagawa. Problema’y di maayos kung walang kikilos. Naglabas na ng kayamanan ang palasyo para sa naturang proyekto, ngunit nasaan na ang sinasabing pera para sa pondo ng mga magsasakang Pilipino? Hindi ba’t nakain na ito ng buwayang isa sa mga namumuno? Hindi lang batas ang kailangan, dapat may sumusunod na gawa upang problema’y mawala. Kung paiiralin ang katarungan, at hindi pagiging gahaman, ay tiyak na parehas na ambisyon ay maaayos ng konstitusyon. Hindi kailangan ang kung sino-sino, kailangan dito’y mabilis na gawa hindi lang puro salita. Nawa’y tigilan na ang dada. Simulan nang gumawa, dahil takalan ng mamamayan ay hangin na ang laman. Bawat mamamaya’y sumisigaw na ng, “Dapat nang punan ang kaldero ni Juan.” huhusga. Oras na ba? Walang makapagsasabi ang mahalaga pananampalataya, pananalig, pagmamahal sa kapwa at pag-ibig ang dapat mamayani sa sangkalupaan.

at naihalal na sa pwesto, katulad ni Geradline Roman na kauna-unahang transgender woman na naluklok sa Kongreso. Ngunit sa kabila nito, hindi mabilang na kaso, marami ng ang namatay dahil sa pang-aabuso, piskal, emosyonal o seskwal na pang-aabuso man. Tama na ang pagkakawatak-watak. Panahon na para tanggapin ang katotohanan na nasa iisang lipunan tayong ginagalawan. Ang karapatan ay karapatan. Walang dapat kinikilingan at hindi pili lamang. Tama na ang pagpapalitan ng mga salita, kailangan ng gawa, kailangan nang may gawin--matagal na itong nais ng bayan. Hindi man sa ngayon nanalo at muling mang nasawi ang panukala ngunit patuloy pa rin ang pagasapas ng mga pakpak ng LGBTQ+. Patuloy ang buhay at sa bawat pagtago ng araw at paglabas ng dilim, sabay-sabay na umaasa na darating ang panahon--ang bawat isa ay may pantay na karapatan. Hindi na kailangan ng batas at umiral pa ito sa kasalukuyan sapagkat ang bawat isa ay may magagawa, may magagawa ka. Ang pagmamahal sa kapwa, ang respeto at pagtanggap sa pagkatao ng isang tao ang susi sa pantay na karapatan na matagal nang inaasam ng lahat--ang buhay sa isang mundo na punong-puno ng kulay at ligaya.


07 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE Pagsagot sa Katok ng Depresyon HANNAH REI CASING DEPRESYON

a panahon ngayon, dumadami na ang mga humahamon sa ating kalusugan lalo na sa ating pangkaisipang kalusugan. Dumarami ang mga taong nagkakaroon nito, lalo na ng depresyon ngunit ano ang ating ginagawa? Binabalewala natin ito. Tinuturing bilang isang biro. Hinahayaan nating malunod sila sa kanilang karamdaman at sa minu-minutong pinalalampas natin, isang buhay ang natatapos. Kung krimen lamang ang pagsasawalang-bahala, malamang kakaunti na lamang ang malaya. Isa lamang ang depresyon sa mga sakit sa isip na nararanasan ng kabataan ngayon. Isang masalimuot na karamdaman, maaring lungkot o galit, na nagdudulot ng negatibong pagtingin ng tao sa kanyang buhay. Mahirap makita at mapanlinlang. Hindi lahat ng mayroon nito ay nakikitaan agad ng simtomas kaya naman di-biro ang sakit na ito. Walang pinipili ang sakit na ito. Bata man o matanda. Ngunit, bakit tila nauuso sa mga mag-aaral? Lahat tayo ay dumaraan sa pagiging isang mag-aaral. Ang yugtong ito ng ating buhay ay sadyang puno ng kulay. Lalo na pagtungtong natin sa high school dahil yugto ito ng ating buhay kung saan dumadaan tayo sa masalimuot na proseso ng pagiging mature. Ito ang kalagitnaan ng ating

S

ᜁ A ᜎ O ᜊ ISPORTS

AGHAM AGHAM

LATHALAIN

kabataan kaya naman sadyang magulo. Marahil ito ang dahilan kung bakit nalalapit ang depresyon sa mga mag-aaral. Maraming balakid sa yugtong ito at kung hindi tayo magagabayan at masusuportahan ng lubos ng nakatatanda magiging mahirap para sa atin. Sa paglipas ng panahon, batid ko na malaki na ang pinagbago ng Sistema ng edukasyon. Madami sa atin ang nakararamdam na tayo ay nagaaral para na lamang sa magandang grado at hindi na para sa kakanyahan na matuto. Ang ating pag-aaral ay nagiging isang pangangailangan na lamang. Kaya naman nakadidismaya para sa isang mag-aaral na makakuha ng mababang grado sapagkat nagiging batayan ito ng katalinuhan ng isang mag-aaral. Sa mga gradong hinuhusgahan tayong mga mag-aaral hindi lamang ng ibang tao kundi pati ng ating kapwa mag-aaral. Kasabay nito, nagiging salik din ang ekspektasyon, hindi lang ng ating mga magulang kundi pati na rin ang ibang tao. Likas na pinagmamalaki natin ang mahigitan ang ekspektasyon ng ibang tao. Kaya naman kapag hindi natin ito natupad ay nadidismaya tayo at nawawalan tayo ng tiwala sa sarili. Nakakalungkot isipin na ang mga tao ngayon ay ginagawa na lamang itong biro. Simpleng tawa na lamang at hindi lingid sa ating kaalaman na ang pagsasawalangbahala rito ay maaaring tumapos sa isang buhay. Imulat natin ang ating mata sa kamalayan na dapat nating pahalagahan at pangalagaan ang pangkaisipang kasulugan ng bawat kabataan. Sabi nga nila, kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Paano iyon magagampanan at matutupad nating mga kabataan kung hindi maayos ang ating pangkaisipang kalusugan? Buksan natin ang ating mga pinto sa katok ng mga mag-aaral na nangangailangan ng ating busilak at walang hangganang tulong.

Isa, Dalawa, Tatlo, wala pa ring kibo “Gumising ka na kababayan. Buksan mo ang puso mo sa tawag ng Inang Kalikasan” KYLA LOUIS RAMOS KALIKASAN

ahagi na ng buhay ng tao dito sa mundo ang pagbabago, ngunit kung klima at panahon ang paguusapan, hindi nararapat ituring na normal ang pagbabagong nagaganap dito. Kaliwa’t kanan ang nararanasang polusyon sa kasalukuyang panahon dahil pa rin sa kakulangan sa disiplina ng mga tao. Tone-toneladang basura, lalo na ang mga plastik, ang naglipana sa mga anyong lupa at tubig. Ayon sa isang report ngayong 2019, halos 60 bilyong maliliit na pakete ng plastic ang nakokonsumo ng mga tao sa loob ng isang taon. Nagkaroon na rin ng malawakang pagtaas ng temperatura dulot ng patuloy na pagdami ng carbon emission na siyang pumipigil sa init na lumabas sa atmospera. Lubusang nakaaapekto sa sangkatauhan ang mga polusyong ito dahil una, ang mga basura sa tubig at lupa ay nagsasanhi ng matitinding pagbaha kapag nagkakaroon ng bagyo tulad ng nangyari noong nanalasa ang bagyong Ondoy noong 2010 at Yolanda noong 2013. Maraming buhay ang nasawi at ari-arian ang napinsala. Ang pagtaas naman ng temperatura ang sanhi kung bakit mainit pa rin ang panahon kahit magpapasko

B

na, na karaniwan dati ay malamig na panahon na. Kung hahayaan lamang na maging ganito ang sitwasyon sa daigdig, mga tao rin ang mahihirapan at tiyak na ito ay pagsisisihan sa huli. Ito na ang panahon upang itigil ang pagsasawalang-kibo at hayaang ipahayag ang damdamin bago pa tuluyang masira ang mundo. Ayon pa sa iilan, 18 buwan na lang ang nalalabi bago mahuli ang lahat. Dahil dito, matapang na tumindig ang mga taong nagnanais ng pagbabago tulad na lamang ng mga kabataan na kahit sa murang edad ay nakauunawa na ng mga nangyayari sa mundo. Isang halimbawa nito ay si Greta Thunberg. Si Greta Thunberg ay 16 taong gulang na Swedish at nakilala sa buong mundo dahil sa kaniyang adbokasiya na mapabuti ang kalikasan at mahinto ang pagbabago sa klima. Buong tapang niyang ipinahayag ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga kabataan na samahan siya na maipaalam sa mundo kung ano na talaga ang nangyayari upang maging mulat sila, kahit na ang kapalit nito ay ang pagliban niya sa paaralan. Umani si Greta ng sarisaring papuri sa buong mundo at siyang naging inspirasyon ng

Walang Takot na Pagsulong CHRISTIANNEIL OCAMPO PAMAMAHAYAG

apag tinanong ang mga Pilipino ukol sa pinakamahirap na trabaho para sa kanila, maaasahan na magiging ibaiba ang mga sagot nito. Maaring ito ay pagiging doktor para

K

sa karamihan, o kasambahay naman para sa iilan. Ngunit isa sa mga pinakamahirap na trabaho na kadalasang nababalewala ng masa ay ang pagiging isang mamamahayag. Isang hangarin ng

iba pang kabataan na ipagpatuloy ang nasimulan ni Greta. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi maiiwasan na may iilan pa ring pupuna sa kanya sapagkat ayon sa kanila’y masyado pang bata si Greta upang makisawsaw sa ganitong mga bagay. Ganito rin

Walang tamang edad pagdating sa ganitong mga bagay sapagkat mapa-bata man o matanda ay may mga matang may kakayahan tumingin sa realidad at may kakayahang kumibo upang masugpo ang problema.

ang karaniwang nangyayari sa mga kabataan sa Pilipinas na sumusubok manindigan sa gusto nilang mangyari. Ang kanilang munting tinig ay tila masyadong mahina para sa saradong tainga ng mga makapangyarihan. Hindi maaaring sabihin na bata lamang ang mga taong katulad ni Greta kaya’t hindi dapat pakinggan ang kanilang mga hinaing. Hindi pa ba sapat bawat mamamahayag ay ang pagsulong ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon. Ngunit sa mga kasalukuyan tila pahirap na nang pahirap ang pagsasabuhay ng ganitong tungkulin. Napapansin na mayroong mga kusang kilos na ginagawa ang mga sakim na poltiko upang matikom ang bibig ng mga ito kaya’t nalalagay ang buhay nila sa alanganin. Tunay na nakakatakot ang pagsabak sa mundo ng pamamahayag, ngunit kung

na may mga taong nakakakita ng totoong problema at naghahangad na solusyunan ito? Kinakailangan ba na matanda ang magsasalita? Walang tamang edad pagdating sa ganitong mga bagay sapagkat mapa-bata man o matanda ay may mga matang may kakayahan tumingin sa realidad at may kakayahang kumibo upang masugpo ang problema. Sa kabilang banda, kahit na may mga taong katulad ni Greta at iba pang climate change activists, desisyon pa rin ng sambayanan kung makikinig sila sa mungkahi ng mga aktibistang ito. Sila pa rin naman ang mamamahala sa kanilang kilos kung ipagpapatuloy nila ang madalas na paggamit ng plastik, kung magtitipid ba sila ng kuryente at tubig, o magsasawalang-bahala na lamang sa lahat ng nangyayari. Kailan man ay hindi masama maging aktibista lalo na kung mabuti naman ang iyong layunin at mabuti ang pamamaraan mo sa pagpapahayag ng iyong adbokasiya. Ngunit walang ring mangyayari kung hindi pakikinggan ng sangkatauhan ang mungkahi ng mga ito. Kung nais talaga ng tao ng pagbabago at mapabuti ang kapaligiran, nararapat na sa sarili muna magsimula ang lahat, kahit sa simpleng mga bagay lamang. mismong mga mamamahayag ay aatras sa pagsulong ng

Ang pamamahayag ay isang mahirap na tungkulin ngunit ang pagsulong katotohanan ay isang prayoridad ano man ang sakripisyong kaakibat nito.

katotohanan,

walang

ibang

OPINYON

BALITA

34%

Sang-ayon

66%

‘Di Sang-ayon

142 katao

Sang-ayon ka ba na nahuhubog ng tama ang kabataan ngayon?

Pa’no na ba ang Kabataan ngayon? HANNAH CASING KABATAAN

a malawakang perspektibo higit na naiiba ang naibibigay na disiplina ng mga nakatatanda sa mga nakababata ngayon kumpara noon. Higit na masunurin ang mga kabataan noon kaysa ngayon. Ang kabataan ngayon ay mayroong sarili-sariling mundo. Tila nakatatakot nga raw kung sila ay matututo sapagkat karamiha’y sumusuway na sa nakatatanda dahil iniisip nila’y marurunong sila’t may lubos na kakayahan. Sa aking nasisilayan ay magagaling at marurunong ang karamihan sa kabataan ngayon ngunit nagkukulang sa hubog ng kaugalian. Upang matugunan ay kailangan ng mga nakatatanda na magtrabaho. Dahil dito, hindi na natututukan nang maayos ang mga nakababata. Kasabay na rin ng pagusbong ng teknolohiya sa ating buhay ay mas napapadali at napapabilis ang pagkalat ng kaalaman, tama man o mali. Lalo na’t sa murang edad pa lamang ay namumulat na sa teknolohiya ang mga bata kasama na ang ‘social media’ na kung saa’y ang mga nakikita ng mga bata ay hindi nila natitiyak kung ito ba ay makatotohanan. Dahil na rin sa pag-iisip ng kabataan ngayon ay madalas iniisip nila na mas nalalaman nila kung ano ang nakabubuti para sa kanila. Iniisip nila na hindi sila nauunawaan ng kanilang mga magulang. Kung napagsasabihan naman ay hindi iniintindi ang payo ng magulang. Sa pagtatapos ay napagtanto ko na napababayaan ang paghubog sa ugali ng henerasyon ngayon dahil na rin sa kawalan ng oras ng mga nakatatanda na pagtuonan ang mga bata at pati na rin ang kawalan ng pag-unawa ng mga kabataan sa nakatatanda.

S

gagawa nito para sa kanila. Ang mga mamamahayag ang tulay ng ating bansa sa pagsulong ng busilak na katotohanan. Sa kabila ng mga panganib na kaakibat nito, hindi dapat ito maging hadlang sa kanila kundi isang rason para mas lalo pang ibunyag ang kabalastugan sa bansa. Ang pamamahayag ay isang mahirap na tungkulin ngunit ang pagsulong ng katotohanan ay isang prayoridad ano man ang sakripisyong kaakibat nito.


ᜊ O ᜎ Aᜁ BALITA

OPINYON

LATHALAIN

AGHAM

Filipino at Ingles THERESE DELA ROSA TAKOT SA INGLES

a tuwing kinakailangan naming magsalita sa wikang Ingles sa aming paaralan, pakiramdam ko ay nawawalan ako ng boses. Sumisikip ang aking dibdib at nahihirapan akong magsalita. Sa tuwing nakakarinig ako ng mga taong nag-uusap gamit ang Ingles ay parang nararamdaman ko na ang dugo na tumutulo mula sa aking ilong. Takot, kaba, at pagaalinlangan ang hamumutawi sa aking dibdib sa tuwing pipilitin kaming magsalita ng Ingles. Marahil ay ganito rin ang nararamdaman ng karamihan sa mga Pilipino na hindi Ingles ang unang wika. Gayunpaman, kahit pa ang Ingles man ay ang iyong ikalawa o ikatlong wikang natutunan o matututunan, ito ay isang wikang hindi dapat katakutan at paka-ilagan. Napagtanto ko na hindi dapat katakutan ang wikang kaagapay ng Filipino bilang ating wikang opisyal. Ito ay dahil sa kabila ng pagiging pinakakinatatakutang wika ng Ingles, hindi natin maiiwasan na gamitin ito sa mga opisyal na transaksiyon, sa mga unibersidad, at maging sa pangaraw-araw nating pakikipagusap. Bahagi na ng ating mga buhay-Pilipino ang pagsasalita ng wikang Ingles na kinakailangan na nating humiram ng mga salitang Ingles upang maipahayag nang malinaw ang diwa ng ating mga sinasabi. Ayon nga sa kolumnista at propesor ng Ingles na si Danton Remoto, inangkin

S

na natin ang Ingles bilang isa sa halos 150 na wikang sinasalita sa Pilipinas. Ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalaking populasyon ng mga mamamayang matatas at marunong gumamit ng wikang Ingles. Bilang isang wikang kadikit na ng ating kasaysayan bilang Pilipino, dapat ay matutunan nating yakapin at mahalin ang Ingles kasabay sa

Dapat ay matutunan nating yakapin at mahalin ang Ingles kasabay sa pagpapahalaga natin sa sarili nating wika na Filipino.

pagpapahalaga natin sa sarili nating wika na Filipino. Mawawala ang takot nating mga Pilipino sa wikang ito kung isasabuhay at tuluyan nating yayakapin ang wikang Ingles. Sa pamamagitan ng panonood at pakikinig ng mga programa, pagbabasa ng mga babasahin, at pagsusulat sa wikang Ingles ay masasanay natin ang ating kakayahan sa pagsasalita sa ganitong lengguwahe. Magiging mainam din kung bubuksan natin ang ating mga sarili sa pagtanggap ng iba’t ibang kultura, partikular na ang Kulturang Ingles dahil mas madaling maiintindihan ang isang wika kung iintindihin din ang kulturang kaakibat nito.

Pagpapatimo sa Nasyonalismo CHRISTIANNEIL OCAMPO EDUKASYON

isiplina at damdaming makabayan – ito ang dalawang bagay na pinaniniwalaan ni pangulong Rodrigo Duterte na dapat muling taglayin ng kabataan sa kasalakuyan. Kaugnay nito,

D

ipinanukala ng pangulo ang kanyang balak na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC bilang isang sapilitang gawain sa senior high school. Iminungkahi rin ng pangulo na mapapadali ng programang ito ang

Teknolohiya: Bilanggo ng Kabataan KYLA LOUIS RAMOS TEKNOLOHIYA

ila isang biyaya nga ang teknolohiya sa mga edad man o sa kabataan. Malaking tulong ang nagagawa nito sapagkat mas napapadali ang komunikasyon, nagiging libangan ng karamihan, at nakatutulong sa pag-aral ng mga kabataan. Ngunit ang itinuturing na iisang biyaya ay unti-unti nang nagiging bilangguan ng kabataan at ito’y kanila nang kinaaadikan. Tunay ngang lulong na ang kabataan sa tekknolohiya. Kaliwa’t kanan ang

T

nasasaksihang menor de edad na may account sa social media tulad ng facebook, twitter, instagram, at ib pa. Ayon sa The London School of Economics and Political Science, 3.8 bilyong tao sa mundo ang gumagamit ng teknolohiya sa halos kalahati ng buong populasyon ng mundo/ Walang masama sa paggamit ng iba’t ibang sociial media. Sa katunayan ay lubos itong nakatutulong upang ang mga kabataan ay makapaglibanglibang at makatakas sa mga

ISPORTS

08 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

gawain sa paaralan. Kung ganito ang klase ng mga gawain na ibibigay sa mga espesyal, sila’y lubos na mahihirapan. Sa kabilang banda, matatandaan na hindi talaga pinaglaanan ng sariling pondo KYLA LOUISE RAMOS ang SPED sa 2019 budget. Ginawa SPECIAL EDUCATION lamang itong parte ng Maintenance and Other Operating Expenses ahat ng tao ay nilikhang taglayin ng bawat isa. Mas magiging (MOOE). Kung talagang mahalaga pantay-pantay, ika nga mayabong ang kaalamang tinataglay ang edukasyon, bakit walang sariling nila. Ngunit sa reyalidad, nila kung mabibigyan sila ng pantay na pondo ang mga batang may espesyal mapapansin na hindi naman talaga karapatan sa edukasyon. Maiiwasan na pangangailangan? Bata rin sila. sapagkat may taong ipinanganak na rin ang diskriminasyon na kanilang Mahalaga rin sila dito sa lipunan. mahirap o mayaman, matangkad o tinatamasa sa araw-araw. Karapatan ng lahat na magtaglay maliit, nakapag-aral o hindi. Ito ang Kung susuriin, maganda ng kaalaman. Dapat ay pantay katotohanan sa mundo na kay hirap ang binibigay na karapatan sa mga lamang ang pagtingin sa kanila ng baguhin. batang espesyal, ngunit hindi rin natin sambayanan. Isaangedukasyonsamgabagay maipagkakaila na hindi pa rin sila Tunay na mahalaga ang na kay hirap makuha ng lahat sapagkat dapat bigyan ng parehong lebel ng pagbibigay ng edukasyon sa mga may mga batang may problemang pinag-aralan o edukasyon katulad batang espesyal. pinansyal. Mayroon din ng mga normal. Ang mga Ngunit dapat din namang mga batang minsan normal na estudyante ay may ikonsidera ang ay hindi napahihintulutan kakayahang tumanggap at iba’t ibang na mabigyan ng normal gumawa ng mabibigat na bagay tulad ng na edukasyon dahil sa kakayahang kanilang pisikal o mental na gumawa ng kaanyuan. gawaing pampaaralan Ayon sa Kagawaran ng at pagtrato sa kanila Edukasyon, pumalo sa 400,732 ang ng karamihan. bilang ng mga mag-aaral na may Nangangailangan sila kapansanan o may espesyal na ng mas mataas na antas pangangailangan sa edukasyon. ng alaga, proteksyon, at Binigyang pang-unawa. Bata rin sila. pansin ng senado Maaaring ituro Mahalaga rin sila ang ganitong ng mga guro ang normal dito sa lipunan. sitwasyon sa na itinuturo sa paaralan. pamamagitan ng Huwag lang sanang Karapatan pagsusumite ng umabot sa puntong ng lahat na panukalang batas, mabigat na ang pasanin magtaglay ng ang Inclusive ng mga estudyante sa kaalaman. Dapat Education for paaralan dahil sa totoo ay pantay lamang Children and lang, ang sistema ng ang pagtingin Youth with edukasyon sa bansang Special Needs Act. Pilipinas ay kailangan sa kanila ng Layunin nito na pa isaayos. Mabuti ang sambayanan. bigyan ng pantay pagbibigay ng pantay na na karapatan sa edukasyon ang mga karapatan, ngunit mas normal at mga batang nangangailangan mabuti kung ng espesyal na pangangalaga. i s a s a a l a n gSa pamamagitan nito, hindi alang ang maipagkakait sa mga espesyal na kanilang batang ito ang karunungang dapat kapakanan.

Gintong Aral para sa Espesyal na Mag-aaral

L

paghahanda ng bansa lalo na sa ng saysay ang pagiging sapilitan panahon ng digmaan. nito? Sapagkat kung pabor ang Tunay na kailangang mapatimo ang nasyonalismo at Hindi kinakailangang disiplina sa loob ng kabataan. matutunong humawak Ngunit kung tutuusin, hindi lang ng baril ang isang tao ang ROTC ang tanging paraan upang makamit ang layuning para masubok ang ito lalo na’t kung titingnan ang kanyang pagmamahal marahas nitong kasaysayan. sa bayan Nabanggit kamakailan ni Ronald “Bato” Dela Rosa na mayroong libo-libong kabataan na may nais sa programang ito, subalit kung totoo man ito, hindi ba’t naawawalan kabataan sa mandatori na ROTC, banta ng depresyon na siyang nararanasan ng mga tao dulot ng sobra-sobrang lumbay. Napadadali rin ang paglaganap ng mga balita at impoormasyon sa pamamagitan ng teknolohiya. Noon kasi, kinakailangan pa bumili ng tabloid upang maging mulat sa mga nangyayari sa paligid. Sa

nadudulot ng social media o ano pa mang nagagawa gamit ang teknolohiya. Dahil sa sobrangsobrang pagkahumaling sa gadgets at apps dito, halos sa teknolohiya na umiikot ang mundo ng mga tao, lalo na ang mga kabataan. Maraming oras ang naipagpapalit ng kabataan para sa

magkukusa ang mga ito na sumali sa naturang programa. Hindi kinakailangang i-asa sa isang kurso o kurikulum ang pagiging makabayan at disiplinado ng mga mag-aaral, at mas lalong hindi kinakailangang matutunong humawak ng baril ang isang tao para masubok ang kanyang pagmamahal sa bayan. Ang paghahanda ng bansa ay hindi dapat tungo sa isang mapahamak na digmaan, kundi dapat ay tungo sa malawakang pagsulong at kaunlaran.

ang nagaganap sa buhay ng iba. Maari rin magdulot ng sakit ang sobrang pagkalulong sa teknolohiya. Ang matagal na oras ng pagtitig sa gadgets ay maaaring magdulot ng pagkalabo ng mata. Naglalabas ng radiation ang screen ng selpon na siyang nakasasama sa kalusugan. Sa kabila ng mga negatibong epekto ng teknolohiya, lubos na tinatangkilik pa rin ng kabataan Dapat din isaalang-alang ang konekwensya ng teknolohiya. ito. Habang may panahon, may pagkakataon pang kontrolin Lubos na mahalaga aang lahat ng bagay bago pa mahuli ang lahat. ang paglilibang, lalo na sa kasalukuyang panahong tila napapaligiran ang lahat ng komunikasyon naman, noon teknolohiya. Ang oras sa pamilya problema. Ngunit dapat din ay sulat ang pinakapayak na ay nababawasan sapagkat mas isaalang-alang ang konekwensya pamamaraan ng pakikipag- pinipili na ng kabataan tumitig ng teknolohiya. Habang may ugnayan, lalo na sa ibang bansa. sa selpon at makipag-usap na panahon, may pagkakataon pang Sa kabilang banda, hindi lamang sa mga kaibigan habang kontrolin aang lahat ng bagay rin naman laging maganda ang nag-aabang din kung ano nga ba bago pa mahuli ang lahat.


09 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

ᜁ A ᜎ O ᜊ ISPORTS

AGHAM AGHAM

LATHALAIN

BALITA

OPINYON

Mahal kong Kisay, Anong Nangyari Sa’yo?

JASPER QUEJADAS KALAGAYAN NG QCSHS

aong 1997 nang opisyal na nahalal ang Quezon City Science High School bilang pangunahing paaralang pang-agham sa rehiyon ng National Capital Region o NCR. Sa bisa ng DECS Order No. 58 Serye 99 at Republic Act 8496, tinagurian ang QueSci bilang isa sa mga paaralang nangunguna sa pagbunsod ng kahusayan at katalinuhan. Mula noon, naging tanyag ang paaralan sa buong bansa para sa angkin nitong husay at kakayahang makapagturo sa mga pinakamatalinong mag-aaral sa bawat henerasyon. Taon-taon, libolibong kabataan ang nag-aagawan para sa limitadong opurunidad na makapag-aral sa tinaguriang institusyon at sa huli, ang mga nangingibabaw lamang sa talino ang nagagantimpalaan ng naturang pagkakataon. Sa kasalukuyan kung saan nakalipas na ang dalawang dekada mula sa inagurasyon ng QueSci, tila ibang paaralan na ang pinaguusapan. Mula sa anyo ng paraalan, kurikulum, at maging ang mismong magaaral, napakalaki ang naging pagbabago nito sa puntong mahirap na ito paniwalaan lalo na sa mga dating magaaral at guro ng paaralan. Habang tumagal ang panahon, unti-unting nawala ang dating pagkakakilanlan ng paaralan. Isaisang natimbag ang mga tanging bagay nagpaangat at nagpatindig sa imahe ng QueSci, kaya’t ngayon napagkakamali na ito para sa isang

T

karaniwang pampublikong paaralan. Isa na rito ang pagkawala ng mga espesyal na asignatura at electives na dati’y bukodtanging sa QueSci lamang nasasagisag. Hindi rin maitatanggi na maging mismong mga mag-aaral ng QueSci o Scientians ay nagbago rin. Sa perspektibo ng isang guro, mapapansin na kumupas na ang dating pagpakumpetensya ng mga bata pagdating sa pagsisikap at pag-aaral. Kung pagbabasehan ang passing rate ng Scientians sa mga College Entrance Exams o CETs, nakakalungkot makita na bumababa ito habang dumadaloy ang m g a

taon.

Tunay na malaki ang naging pagbabago sa QueSci kumpara sa kalagayan nito noong nakaraang dalawampung taon, ngunit hindi ibigsabihin nito na hindi na ito maaring mabalik. Kinakailangan na muling isabuhay ang dating nagpapatangi sa paaralang ito at maipamulat sa mga mag-aaral ang tunay na diwa ng pagiging Scientian. Ang QueSci ay tila isang ibon na nakalimutang lumipad, at sa pamamagitan ng sanib puwersang pagpupursigi ng mga mag-aaral, guro, at opisyales nito, muling makakaalpas tungo sa kahusayan ng ating minahal na alma mater. “To thee we pledge our loyal hearts and souls”. Isabuhay natin ang mga lirikong ito na tuluyang pumalupot sa pagkakakilanlan natin bilang Scientian.

Takdang Aralin, Hindi Takdang Pasanin THERESE DELA ROSA NO HOMEWORK BILL

a pagpapanukala ni Senadora Grace Poe ng bagong Senate Bill tungkol sa pagbabawal ng pagbibigay ng takdang-aralin, samu’t-sari ang naging reaksiyon ng mga Pilipino maging sila man ay estudyante o hindi. Maraming opinyon ang nagsilutangan na kesyo para raw ito sa kapakanan ng mga mag-aaral at ikagagaan ng kanilang pag-aaral. Maaaring makatulong ang pagsasabatas nito ngunit sa punto de vista ng isang mag-aaral na mula sa isang paaralan na mayroong mataas na ekspektasyon mula sa mga estudyante, mas makakadagdagpasakit pa ito. Nahahati ang araw ng isang estudyante sa paaralan sa iba’t ibang asignatura. Sa isang regular na sekondarya, ang kanilang araw sa paaralan ay maaaring mahati sa lima hanggang anim na asignatura kung saan ang bawat guro ay nabibigyan lamang ng isang oras upang magturo at magpagawa ng mga gawaingpampaaralan. Kung ang mga magaaral ay nangangailangan ng mas malalim na pag-aaral pa

S

para sa isang leksiyon, hindi na kakayanin pa na tapusin ang mga gawain sa itinakdang isang oras. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga takdang aralin, mas natututukan ng mag-aaral ang pagaaral ng leksiyon kahit na tapos na ang klase. Sa pamamagitan din nito, hindi nauubos ang oras sa klase at mas nakakapagturo ang mga guro ng hinanda nilang plano para sa araw na iyon. Kung sa isang regular na sekondarya nga ay nakararanas

mag-aaral na tapusin ang tambaktambak na gawain para sa isang araw. Karamihan sa amin ay umaasa na lamang na ibigay na homework ang isang gawain upang hindi makaapekto sa aming konsentrasyon sa sunod na asignatura ang paggawa ng gawain. Kaya naman base sa aking karanasan, masasabi ko na hindi solusyon ang pagbabawal ng pagbibigay ng takdang-aralin upang matulungan ang mga magaaral. Mas mainam na gawan ng Sa bigat ng mga gawain, paraan ng gobyerno na pagaanin ang mga gawaing binibigay sa mga hindi na kinakaya pa estudyante. Imbes na tanggalin ng mga mag-aaral na ang mga takdang-aralin, dapat na tapusin ang tambaktambak na gawain para bawasan na lamang ang bilang ng mga binibigay na gawain para sa isang araw. sa isang araw o kaya naman ay bigyan ng mas mahabang oras ang mga asignaturang talagang sila ng hirap na pagkasiyahin ang kinakailangang paglaanan ng mga gawaing-pampaaralan sa panahon para sa mga gawain. isang araw gayong anim lamang Layunin ng pag-aaral ay ang asignatura nila, mas matinding para matuto ang mga mag-aaral pasakit ang nararanasan naming subalit kung tatanggalin ang isang mga mag-aaral na sekondaryang pamamaraan na maaari sanang pang-agham. makapaghatid ng mas malinaw na Sa bigat ng mga gawain, pag-intindi sa mga aral, paano na hindi na kinakaya pa ng mga mararating ang pagkatuto?

PULSO NG SCIENTIA CHRISTIANNEIL OCAMPO OPINION NG SCIENTIAN

alo-halo ang opinyon pagdating sa pagtingin ng mga tao sa reputasyon ng Quezon City Science High School. Mayroong mga nagsasabi na hindi nakakasabay ang paaralang ito sa kasalukuyang pamantayan ng edukasyon sa Pilipinas. At mayroon namang pumupuri dito dulot sa kakayahan nito na makapaghasa ng mga matatagumpay na mag-aaral. Narito ang opinyon ng mga ilang mag-aaral at guro ng QCSHS ukol sa naturang debate.

H

“Lumalapit na tayo sa kurikulum ng mga nasa general public schools at unti unti ng nawawala ang prestihiyosong ugat ng pagkatuto sa mga estudyante” -Humphrey Soriano, 10 Curie

“Nakakatuwa ngayon na marami na ulit naiuuwing mga panalo ang mga bata sa iba’t ibang competitions. Sa curriculum sana maibalik yung dati kasi napakaganda ng mga subjects before” - Ritchelle Remolano, Teacher I; ICT Department

“Sa bagong administrasyon, may pag-asang maibalik ang katanyagan ng Kisay sa pamamagitan ng unti-unting pagbuhay ng nakagisnang kurikulum. Maski kaming mga guro, ito ang pulso namin.” - CJ Navidad, Teacher I; Filipino Departmnet

“Medyo bumaba ‘yung antas ng Kisay pagdating sa curriculum kasi nawala na ‘yung special science subjects natin pero makikita pa rin talaga na may angking talino ‘yung mga Scientians” - Vea Ladeza, 11 Curie

Magandang araw! Una sa lahat, maraming salamat sa pagiging tapat sa paghatid ng impormasyon at opinyon tungkol sa ating paaralan. Noong nakaraang taon, marami akong paaralan na pinagpilian bago ako pumasok sa Senior High School ngunit sa bandang huli ay napagdesisyunan ko na ipagpapatuloy ko ang aking pagaaral dito sa Quezon City Science High School. Tunay nga na ibang-iba talaga ang buhay ng Junior High School sa Senior High School dahil sa mga napakaraming gabing walang tulog at napakahirap na mga asignatura na kinakailangang ipasa. Naniniwala ako na kinakailangan natin magkaroon ng pusong bukas para yakapin ang mga pagbabago na ito sa ating sistemang edukasyon ngunit hindi lamang dapat nakasalalay sa atin ang kahandaan para sa programa ng K to 12. Sa tingin niyo ba, na sa kasalukuyang pamamahala ng ating punong-guro ay handa na ba nating harapin ang mga hamon sa pagiging Senior High School student? Lubos na gumagalang, Kathleen Ceralde, 11-Curie

ᜉ ᜆ᜔ ᜈᜓ ᜄ᜔o ᜆ᜔

P A T N U G O T

L I H A M S A

ᜎᜒ ᜑ ᜋ᜔ ᜐ

Pagbati! Maraming salamat sa pagkilala sa pagsisikap ng pahayagang ito sa pagsulong ng impormasyon at katotohanan dito sa paaralan. Ipinapangako ko na ipagpapatuloy namin ito sa abot ng aming makakaya. Sa katunayan, naranasan ko rin ang pinagdaanan mo nang magtapos ako ng Junior High School at napagdesisyunan ko rin na manatii dito sa Quezon CIty Science High School. Sa simula, ‘di hamak na nagaainlangan ako kung tama ba ang naging desisyon ko na magpatuloy dito sa QCSHS sapagkat kung tutuusin, napakaraming ibang paaralan ang maari ko sanang nalipatan na may mas maayos at maunlad na Senior High. Hindi maitatanggi na kung ikukumpara ang QCSHS sa ibang tanyag na paaralan, malaki ang agwat nito sa isa’t-isa Subalit ang rason na nagpatuloy ako dito sa QCSHS ay dahil naniniwala ako na sa kabila ng natutumbukan nitong kalagayan, kaya parin ako nito ihanda at ipagsabay sa mga mag-aaral na mula sa ibang kilalang institusyon. Ika nga “benefit of the doubt” ang hinahangad ko dahil sa apat na taon ko bilang Junior High, nahasa ako ng mabuti ng ating paaralan at wala akong duda na mas lalo pa akong mahahasa sa dalawang taon ko bilang Senior High. Taos-pusong bumabati, Christianneil Ocampo, Punong Patnugot ng Banyuhay


e

e

e

Muling nagsalita ang tinig at sinabing, “Binabati kita sapagkat natapos mo ang iyong paglalakbay. Narito na ang tadhanang sa iyo’y matagal nang naghihintay.” Gumalaw

na mag-uli ang sahig at dinala ako sa kabilang dulo ng tulay. Sa pagkawala ng tinig ay biglang nagliwanag ang paligid. Ipinikit ko ang aking mga mata nang ‘di masilaw sa liwanag. At sa aking pagdilat, isang lalaking may bitbit na bulaklak ang lumapit sa akin. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nanahanan ang ngiti sa aking mga labi matapos ang pait na ipinaranas sa akin ng mundo. Naramdaman ko ang pintig ng aking puso. “Mahal kita, at mula ngayo’y hindi ka na mag-iisa.”

e

e

g

N

Ziv

B

Habang naglalakad, kapansinpansin ang pagiging tahimik ng paligid. Tila ba may ayaw silang magising. Sa patuloy na paglalakad, nakita mo ang iyong sarili, mukhang payapa at masaya. Naisip mo ang mga araw ng iyong kabataan, at napangiti ka sa mga imaheng nabuo sa iyong isipan. Maraming mga ala-ala ang tiyak na tumatak sa iyo. Lubos ang pasasalamat mo sa iyong sarili, dahil nasulit mo ang iyong kabataan. Naging masaya ka kasama ang iyong mga nabuong kaibigan. Laking tuwa mo na hindi lang puro pag-aaral ang ginawa mo noon. Kahit papaano ay naisisingit mo pa ring magsaya. Totoo, hindi naging madali ang mga taon ng iyong kabataan, pero mabuti na lang at tama ang mga kaibigang iyong napili. Ngunit kasabay ng mga masasayang alaalang ito, untiunti ring nabuo sa iyong isipan ang pagiging masalimuot ng mga taòng ito. Hindi lang puro saya ang ibinigay nito,

t

A

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay bumuhos ang ulan. Malamig. Madilim. Mag-isa. Nagbalik ang pagpatak ng aking mga luha. Hinugasan nito ang lahat ng sakit na umuubos sa akin. Inalis nito ang galit at poot na naitanim sa aking damdamin. At higit sa lahat, pinunan nito ang bukal ng aking puso. Pagkatapos ay nakumpleto na rin ang mga kulay ng tulay sa paglitaw ng bughaw at lila.

g

p

kulay ng luntian sa tulay. Hindi malayo’t mararating ko na rin ang dulo nito. Naglaro ang aking gunita sa mga panahong labis ang kasiyahan ng aking puso. Mga panahong nakatayo ako sa harapan ng salamin at ibinibida ang mapupula kong mga labi dulot ng kending nabili ko sa nayon. Mga panahon kung saan ibinabalot ko ang aking batang katawan sa mga kumot at nagkukunwaring reyna. Mga panahong tumatalon ako papaibabaw ng tali habang nagpapalakpakan ang iba ko pang kalaro. Ito ang mga panahong malaya ang aking puso.

k

Nagising ako sa isang mahiwagang lugar. Kahit saan man ibaling ang mga mata, tanging puti ang bumabalot sa paligid. Maliban na lamang sa isang pakurbang tulay na patay ang kulay at nakalagak sa aking harapan. Tanungin niyo man ako kung papaano ako napadpad dito, wala rin akong maisasagot. Ilang sandali ang lumipas at biglang may tinig mula sa kung saan na umalingawngaw, “Kinakailangan mong tawirin ang tulay na iyan upang marating mo ang dulo kung saan naghihintay ang iyong tadhana. Upang magawa ito, dapat mong malampasan ang bawat balakid at makulayan ang tulay.” Sinubukan kong hanapin kung saan nanggagaling ang tunog ngunit biglaan namang gumalaw ang sahig na kinatatayuan ko. Dinala ako nito papalapit sa tulay at noo’y alam ko na kung ano ang dapat gawin. Kailangan ko nang simulan ang paglakakbay tungo sa tadhanang sinasabi ng tinig. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at noon di’y biglang yumanig ang tulay at napuno ng hiyawan ang paligid. “Makasalanan ka!” Sa bawat paghakbang ko ay tila lalo lumalakas ang mga sigaw. H anggang sa unti-unti ay tumahimik ang paligid at tumigil na rin ang pagyanig. Ilang saglit pa’y nawala na ang ingay. Lumingon ako sa aking likuran at unti-unting nabalot ng pula ang maliit na bahagi ng tulay. Nagpatuloy ako sa paglalakbay hanggang maramdaman ko ang pag-init ng aking buong katawan kasabay ng pagsiklab ng nakasisilaw na apoy na lumalamon na sa malaking bahagi ng tulay. Kasing-init ng apoy ang bawat paghampas at pagratay ng mapanghusgang mga kamay sa aking kawawang katawan; ang bawat pananakit at panghahamak dahil lang ako ay naiiba. Sa kabila nito, sinliwanag din ng apoy ang aking pag-asang may makatatanggap pa sa akin; pag-asang may magmamahal sa akin nang lubos. Tumangis ng luha ang aking mga mata kasabay ng pagbalik ng lahat ng alaala ng aking naging buhay. Ang lahat ng sakit ay nagbalik sa kaanyuhan ng aking pag-iyak na siya ring pumuksa sa apoy na umusbong sa tulay. Dilaw at kahel— ito ang sumunod na mga kulay ng tulay. Hindi pa ko nakalalayo ay dumating naman ang malakas na hanging halos magpatumba sa akin. Sa tindi ng pagbugso nito ay tila ba mapupunit na ang aking balat. Kawangis ng malakas na hangin ang mga salitang binitiwan nila sa akin— Kahihiyan! Salot! Nakasusuklam!— Ang mga salitang ito ay pumunit sa aking dignidad at pagkatao. Gayunpaman, nananatili akong matatag sa lahat ng pangungutya at pambubuyo. At unti-unti’y lumipas na rin ang mapanirang hangin. Gumapang ang

A

Jersey Blanco

O

e e ang tulay ng tadha na e e

n it h I n n a p n m p b K iy n a m

p n a a

s a m in


pa

a

v Lim

k

e e AT KATAPATAN

KATOTOHANAN

Rica Santuyo

la

*Kring Kring* Hala! Nag-alarm ako kaninang madaling araw para makapag-aral ako pero hindi na naman ako nagising. Ilang alarm na iyong sinet ko kasi hindi ko na talaga kaya labanan iyong antok ko dahil ilang araw na kong walang tulog kasi nagsabay-sabay nanaman mga requirements at mga test. Pagkatapos ko mag-aral sa dalawang subject dahil may tatlong long test kami bukas. Tama ba iyon? Tatlong long test sa isang araw, dinaig pa yung perio. Sabi ko kasi iidlip lang ako tapos mag-aaral na ko sa Math. Pero kung hindi ako magising, andiyan naman siguro mga katabi ko, nagtutulungan naman kami. Ano bang silbi na tumabi ako sa mga kaibigan ko kung hin-

t

la

nagdulot din to ng sakit at hinagpis sa iyo. Ilang beses kang nawalan. Nawalan ng kaibigan, gana, at motibasyon. At ang pinakamalungkot dito ay naiwala mo rin ang sarili mo. Gayunpaman, masaya ka pa rin kung paano hinanap ng batang ikaw ang kaniyang sarili. Kahit pa ilang balde ng timba ang yong naibuhos habang nasa proseso ng paghahanap naging sulit naman ang lahat, dahil ikaw ay nagbalilk na mas malakas. Kung sakali mang bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang sarili, malamang na tatanggihan mo iyon. Oo, hindi naging madali ang lahat para sa iyo. Pero ang lahat ng mga nangyari ang siyang humubog sa pagkatao mo. Tila ba hinalikan ng ulan ang iyong mga mata dahil sa tuwa sa lahat ng mga naalala mo. Masaya ka sa kung ano ang kinalabasan ng buhay mo. “Salamat,” ang bulong mo sa iyong sarili habang nakikita mong unti-unti ibnababa sa hukay ang katawan mo.

di naman kami magtutulungan diba? Parang mababa kasi ang nakuha naming grado noon tapos sabi namin babawi kami. Pero paano kung ipaglayo ni Ma’am yung mga upuan? Paano kami makakapagkopyahan niyan? Ibabagsak ko na naman ba iyong long test ko sa Math? Ano bang ginagawa ko sa buhay ko? Math pa talaga ang hindi ko inaral at napili kong ibagsak. Ang lakas talaga ng loob ko. Hindi na nga ako magaling doon tapos hindi pa ko nakapag-aral. Putek! Kahit notes man lang, wala ako. Papasok na lang ako kahit wala pa kong naaral. Bahala na talaga. Kasalanan ko naman ito. “Grabe! Hindi ako natulog kagabi para mag-aral sa Math. Sana naman pumasa na ko.” Sambit ng matalik kong kaibigan na halos lumuwa na ang mata dahil sa antok na nararamdaman. Halatang-halata na lahat ng kaklase ko ay handa na para sa pagsusulit mamaya. Isang mabigat at malalim na buntong hininga na lamang ang aking nagawa dahil nagsisisi talaga ako na natulugan ko lahat ng dapat kong gawin kagabi. Mas nadama ko ang kaba noong nagbigay ng tanong ang isa kong kaklase para sagutan ng buong klase at lahat sila’y nasagutan iyon nang maayos maliban sa akin. Napatanong na lang ako sa sarili ko na bakit ba ako narito? Ang

e

e e

tatalino ng mga tao rito, hindi dapat ako nandito. Pinagdududahan ko na ang aking sarili na bakit ba hindi ako pinanganak na magaling sa Math. Matalino naman yung mga magulang ko, bakit ba hindi ko namana yon? Hanggang sa napansin na ng matalik kong kaibigan na balisa ako kaya nilapitan niya ako. Tinanong niya kung ayos lang ba ako kaya sinagot ko siya ng “Hindi ko na talaga alam. Kinakabahan talaga ako. Ramdam kong babagsak ako mamaya. Totoo na talaga ‘to, wala pa kong naaaral.” Sinubukan niya kong i-comfort at sinabi niyang, “Ayos lang ‘yan. Ako rin naman, dati, hindi rin ako nag-aral pero pumasa naman ako.” Sabay-sabay na lang tayong magsabi ng “sana all.” Sumagi na sa isip ko na makipagtulungan na lang sa mga katabi ko kasi ganoon naman kami lagi. Ngunit, bigla akong binagabag ng konsensya. Pinaghirapan nila ito, nag-aral sila para rito, nagpuyat sila para rito. Kung papasa man sila rito dahil iyon sa puyat at hirap nila. Pero lagi naman kaming ganito. Wala namang bago. Nakasanayan na ito kaya bakit ako matatakot? Subalit, labag naman ito sa tinuro ng aking mga magulang at guro. Labag din ito sa aking isip na paulit-ulit na bumubulong na gawin ko ang tama at ang nararapat. Kaya kung hindi ako nag-aral, kasalanan ko na iyon. Bahala na. Basta sa huli, honesty is the best policy.”

Jeschel Nava Kung ang pag-ibig ay isang Rosas, ay ayoko na lamang mag mahal Ito’y parang pagkakapiit sa rehas ng kagandahang inalisang dangal Masalimuot at malungkot Puno’ng pag –aalala’t takot ‘pagkat di lamang puro kasiyahan mayroon sa nagmamahalan

g

Kung ang pag-ibig ay isang Rosas, Kalimutan mo na ito’y wagas ‘pagkat higit pa ito sa panlabas Di rin ito ginagamitan ng dahas Tatanggapin nito ang saya ang pait, ang di perpekto

kaya wag mong ibigin ang ideya Hayaan mong mahulog ka sa tao Di nito aalisin ang iyong mga tinik Aakapin ka nila sa kabila ng sakit Di perpeksyon sayo hahanapin Kundi tanging yakap mo rin

Kaya ang pag-ibig ay hindi Rosas Na babaguhin ka sa dahas Ikaw mismo ang babago sayo Hindi sila, kundi ang pagmamahal mo

e e


b O lAI BALITA

OPINYON

LATHALAIN

AGHAM

Kwento ng Dalawang Magkaibigan

va l Na Jesche

“Malakas na hagulgol ang una mong narinig sa akin bago tayo magkakilala, diba?” Tanong ng munting bata sa kaibigan niyang tinuring na niyang sandalan pag nag-iisa –pangalawang tahanan kung baga. “Oo, kasi ayaw mong maiwan sakin ng wala ang iyong Mama o Papa. Pero natutunan mo naman na sumaya sa’kin, diba?” T u m a n g o ang bata at saglit na pinunasan ang luha sa pisngi niya. Matagal na silang matalik na mag kaibigan. Suot-suot pa nga niya ang damit na sumasagisag sa ugnayan nilang dalawa. “Pero hindi ka na katulad ng dati. Hindi mo na alam ang salitang konsiderasyon.” Walang sagot. Tahimik lang ito. Himala. Unang beses itong nakinig sa hinanaing ng bata ng walang sinasabi pabalik. “Alam mo kung nasaan ako. Alam mo kung ano ang ginawa ko. Alam mo, diba?” Katahimikan. “Sa iyo pa galing ang pahintulot pero bakit itatanggi mo na sagot mo ko? Anong klaseng kaibigan ka? Ngayon ka sumagot! Bakit?” Sila na lang dalawa ang nandito pero parang boses ng lahat ng tulad niya ang nagsasalita. Ganun ba sila kadami? “K-kasi, hindi naman kita pinilit na sumama. Tinanong lang kita kung gusto mo pero dapat inuna mo muna ang pagaaral mo.” Sarkastikong natawa ang bata. “Ganun? Bakit, pangalan ko ba ang inanunsyo noong nanalo ako? Diba pangalan mo?” Madilim na ang mukha nito ngayon. Inis. Galit. Pero nanghihinayang. “Binigay ko ang oras ko dun hindi dahil ayokong unahin ang pag-aaral ko. Alam mong pag-aaral ang dahilan bakit tayo nagkakilala. Kaya kong makipagsabayan sa klase pero ilang araw lang ang hinihiling ko para maghanda. Hindi mo pa binigay ng walang kapalit.” Pareho na silang nasasaktan.

May prayoridad ang bata pero meron din itong pasyon. Pasyon na nagbibigay kulay sa itim at puting tanawin ng prayoridad. Parang kabataan sa katawan ng isang matanda o kaya’y bahaghari matapos ang ulan. Musika sa mundong mapait. Hindi lamang malinaw kung kinokonsidera pa ba ito ng kaibigan niya. Ito man ay may responsibilidad –ang turuan ang bata sa kung paanong alam niya. “Mahirap bang bigyang saysay ang naturingang excuse letter na binigay mo? Wala namang problema na wala ako sa klase ko at mag hanap na lamang ng oras kung kelan ako hahabol –pero hindi eh. Hinayaan mo sila. Pinabayaan mo ko!” Kinaway-kaway nito ang kanyang markahang papel. Halos mabura na ang mga naka-imprinta dito sa luha niya at pulang tintang pakupas na lamang ang tangi mong makikita para maintindihan ang hinanakit niya. “Ilang kaibigan mo na ba ang umalis dahil dito? Gaanong karami na ang nagbigay parangal sa pangalan mo pero nanatiling nakatago sa anino mong pinipigilan silang manaig sa parehong mundo. Sa mundo sa labas ng sakop mo at sa mundo kung saan kontrolado mo’ng lahat pero wala kang ginawa?” Umiling na lamang ang bata at saka kinuyom ang palad na lumukot sa markahang papel na ngayon ay tuyo na. Natuyo na sa tagal ng walang pag babago. Tumigil na rin siya sa pag-iyak. “Salamat sa lahat. Salamat sa saya at sakit. Salamat sa huling araw na ito. Pinapatawad na kita kahit na hindi ka na humingi ng tawad. Patawad rin dahil sa mga pag kukulang ko at patawad dahil hindi ko na kayang mag tapos kasama ka. Hindi ko kayang pigilan mo ang pag lago ko o ang ipilit ako sa maliit na kahon ng pag intindi mo. Walang magandang kagubatan ang nabubuo sa maliit na bakod ng bahay lamang. Paalam, kaibigan. Paalam, Kisay.”

PANANALIKSIK

ISPORTS

12 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

Sining sa Agham,

RON CABALLERO SINING

Agham sa Sining Panayam kay A.G. Saño Habang itinuturing sa bansa na bastos at dugyot ang pagsusulat at pagguhit sa pader, narating ni A.G. Saño ang labinlimang iba pang bansa na ganyan mismo ang ginagawa. Noong linggong bago siya makapanayam ng BANYUHAY ay kakagaling lang niya ng Japan nang ikalawang beses. Bilang isang miyuralista, nag-alay na rin siya ng kanyang mga likha sa Australia, Singapore, China, Hong Kong, Indonesia, Vanuatu, Greece, Netherlands, France, Poland, Germany, Switzerland, Italy, at Estados Unidos. Sinasalamin ng kanyang mga likha ang kariktan ng kalikasan. Dito kung saan mas madalas makakita ng mga kalye at nagtataasang gusali, madaling malimot ang hiwaga ng humuhuning mga ibon, malinaw na katubigan, at matatayog na mga puno. Nais imulat ni A.G. bawat isa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan at ang halaga nito sa ating pang-araw-araw na buhay gaano man ito kalayo sa ating abot-tanaw.

Ugnayan ng Sining at Agham Mula sa mga blangkong pader na semento ay lumitaw ang sari-saring anyo ng buhay, tulad ng mga lumulundag na lumba-lumba at pawikan sa tubig at mga ibong mapagmatiyag na nakadapo sa bahaghari – ganitong eksena ang masisilayan sa inihandog niya dito sa paaralan kung saan siya minsang nag-aral. “Ito ‘yung mga creatures, mga hayop na ‘di natin nakikita pang-araw-araw; so ‘di tayo conscious sa existence nila.” Tinuro niya ang isang nilalang na may sungay sa muralya: ang tamaraw. “Karamihan sa mga bagong generation, hindi na alam kung ano ‘yan. Hindi siya kalabaw - endangered siya na endemic species sa Mindoro na posibleng mauubos sila sa lifetime natin. Sobrang importante sila sa ecosystem na ginagalawan nila pero nauubos sila dahil sa human activities.” Hindi siya nag-iisa sa kanyang pagsisikap. Tulad ng pakikiisa ng mga Scientians sa pagpipinta niya ng miyural sa loob ng campus, lumalahok din ang mga miyembro ng pamayanan na pinaghahandugan niya ng kanyang mga likha. Sa bawat tilamsik ng pintura ay hindi lamang nila nakukulayan ang mga imahe kundi nag-aambag din sila sa pagpapalaganap ng makabuluhang mensahe. Nagmula man sa isang science high school ay hindi ito naging hadlang sa napiling larangan. Nakatulong pa nga ito dahil nakita niya ang dulot ng ugnayan ng sining at agham sa pakikilahok sa lipunan. Kahit naririnig at nababasa na natin sa paaralan ang halaga ng kalikasan, napatunayan ni A.G. sa karanasan niya bilang isang mananaliksik at manlilikha na mas mababatid ito ng madla sa pamamagitan ng sining. “‘Yung mga scientist, ilalabas lang ‘yung data, ‘yung truth. ‘Di sila magsisinungaling pero ‘di nila alam paano iko-communicate sa publiko. Doon pumapasok ‘yung artists, ‘yung creatives. Para ma-communicate. Para mapakilos yung taumbayan.” “Yung pagri-research namin about marine mammals, ‘yung conservation work, data gathering, science lahat ‘yan. Pero noong

Isang ‘Di Natatapos na Siklo

JOSHUA ESPINOSA PANANALIKSIK

Pananaliksik: isang isasagawa. Kung akala mo'y madali lang ZIV LIM sistematikong pag-aaral gumawa ng plano, diyan ka nagkakamali. PANANALIKSIK Kailangan mong gawing komprehensibo upang makabuo ng mga panibagong kaalaman. Kung ang iyong plano, at siguraduhing posible saan sa bawat problemang ang gusto mong mangyari. Ilang buwan ang natutuklasan, kinakailangang iyong gugugulin para lamang makagawa ng isang gumawa ng solusyon. Ngunit bilang magandang plano. isang mag-aaral, ang pananaliksik ay Kasama rin sa inyong paglalakbay bilang hindi biro. Hindi madaling maghanap ng mananaliksik ay ang paghahanap ng consultant na may sapat problemang iyong tututukan at bibigyang na kaalaman sa larangan na pinag-aaralan niyo. Isang hamon solusyon. Kadalasan ito'y inaabot ng ilang din ang paghahanap ng laboratoryo na tatanggap sa inyo. Sa linggo. mga gawaing ito, kalaban mo ang pagod, gutom, at gastos. Kapag nakahanap ka na ng isang Ngayong may plano, consultant, at laboratoryo ka problema, ang susunod na dapat mong na, ano na ang susunod na dapat mong gawin? Isagawa gawin ay gumawa ng isang plano. Sa ang solusyon! Bilang isang mananaliksik, ito marahil ang planong ito nakapaloob ang problema, pinakanakakasabik, ang malaman kung epektibo ba ang ang naisip na solusyon, at kung paano ito ginawa mong solusyon. Kadalasang naisasakripisyo mo rito

CASSANDRA DOMINGUEZ SINING

kailangan n a n g i - p r o m o t e , kailangan nang i-communicate sa community, sa taumbayan, kung anong problema ng environment.”

Karanasan bilang Isang Scientian “Noong napasok ako sa Quezon City Science High School, ‘di ko alam kung ano ‘yung pinasok ko eh.” Sumubok lamang siya sa entrance exam dahil na rin pareparehong nagmula sa science high school ang kanyang pamilya. Kaya nga hulog ng langit kung ituring niya nang isama ang Humanities bilang isa sa mga elective sa paaralan. Nagsilbing guro nila rito si Bb. Perlita Depatillo, na naging acting officer-in-charge ng paaralan kamakailan, ang nagsilbing guro nila sa Humanities. Malaking pasasalamat niya sa guro dahil nadagdagan ang kanilang kaalaman sa sining. Ipinagmalaki ni A.G. na namuno ang kanilang klase sa kauna-unahang art exhibit sa Quezon City Science High School. Aniya, may invitation at ribbon cutting pang naganap. Nilahukan ito hindi lamang ng mga estudyante sa kanilang elective kundi ng lahat ng manlilikhang Scientian sa bawat baitang. “In-involve namin ang lahat ng artists sa school – first year, second year, third year high school - para ikampanya na lahat ng artist, gagawa ng art sa exhibit namin so naging successful. Sobrang unforgettable.”

Para sa mga Kabataang Manlilikha Nasa tamang panahon ang kabataan para magsimula sa sining dahil tinutuklas nila kung saan nila ilalaan ang hinaharap. “Find out about the things that would make you happy. Speaking as a 40-year old person, sayang ang buhay kung ang ginagawa niyo ay hindi niyo gusto.” Bukod pa rito, nakikita ni A.G. na paraan ang sining para makilahok ang kabataan sa lipunan kahit sa murang edad. “Maraming bagay na nagpre-prevail today sa society na ang dahilan ay there was an artist in the past who did something right to change the world.” Ibinida pa ni A.G. ang kuwento ng litratistang si Lewis Hine, na nagsiwalat ng mga panganib ng child labor sa kanyang mga larawan at nagdulot na ipagbawal ito sa Estados Unidos. Habang nangunguna ang mga tulad ni A.G. sa kilusan, maaasahan natin ang makulay at maliwanag na kinabukasan. Huwag maliitin ang mga nakasulat sa pader, dahil hindi nasusukat ang bigat ng mensahe sa kung gaano kalakas ang nililikha nitong ingay kundi sa kung gaano karami ang gusto itong ikubli sa katahimikan.

ang ilang araw ng pagpasok sa paaralan para lang matapos. Isang malaking bato ang tila bang matatanggal sa iyo't makakahinga ka na uli ng maluwag kapag nakita mong sulit ang lahat ng iyong pinagdaanan. Para bang ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo kapag nalaman mong epektibo ang iyong solusyon. Pero ang nakakalungkot, hindi laging ganito ang sitwasyon. Maaaring hindi maging matagumpay ang inyong eksperimentasyon sa una niyong subok. Pero okay lang iyan, dahil pwede ka namang sumubok uli kung iyong gusto; o kaya'y ang mga susunod nang mananaliksik ang magpatuloy ng iyong pag-aaral. Pero ano pa man ang maging resulta ng iyong pananaliksik, tandaan na ang lahat ng iyong ginagawa ay para sa bayan. Hindi ka man magtagumpay, huwag panghinaan ng loob. At kung sakaling magtagumpay ka man, tandaan na hindi diyan nagtatapos ang paglalakbay mo, dahil ang pananaliksik ay isang 'di natatapos na siklo.


13 CASSANDRA DOMINGUEZ WATTPAD

Wattpaders can relate

BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE Wattpad, isang aplikasyon na naglalaman ng mga taong nais ilabas ang kanilang mga imahinasyon sa pagsusulat. Pero sabi ng iba, gasgas na raw ang mga kuwentong kanilang ibinabahagi, pare-pareho ng flow at wala nang mga plot twist. Hindi na raw makatotohanan ang mga katangian ng mga karakter. Higit sa lahat, puro mahirap at mayaman ang nagkakatuluyan kahit anong pigil ng mga magulang, pero sa katunayan hindi naman ganito ang kinakalabasan. Mas kapanipaniwala pa na ang mga mahihirap ay para sa mahihirap at ang mga mayayaman ay para sa mayayaman lamang. Kaysa mag-aral, nag wawattpad. Kaysa maghugas ng pinggan, nagwa-Wattpad. Kaysa gumawa ng gawaing pampaaralan, nagwaWattpad, pero ang hindi nila alam ay sa likod ng mga kwentong aking binabasa ay nagkakaroon ako ng munting panahon na maglaho sa realidad na aking ginagalawan. Nagkakaroon ako ng pag-asa na kahit anong hirap ng problemang aking haharapin ay matatanaw ko rin ang aking happy ending. Nagkakaroon din ako ng pagkakataong makilala ang lumikha sa mga istoryang aking kinababaliwan. Nakikilala ko rin ang mga kapwa ko bata na nahuhumaling sa manunulat o hindi kaya ay nababaliw rin sa pagbabasa ng librong kanilang isinusulat. Hindi lang naman puro love at romance ang pwedeng basahin sa Wattpad. Napakarami pang ibang barayti na pagpipilian. Sa pagbabasa sa naturang aplikasyon, nakatutulong din kami na masuklian ang dugo’t pawis na kanilang nilalaan sa pamamagitan ng panonood ng mga ads.

“Rain, rain, go away Come again another day” Isa sa mga ayaw ko bilang isang bata noon ay ang ulan. Madalas nagsisi-uwian ang mga kalaro ko sa kani-kanilang tahanan kaya’t napipilitan na din akong umuwi. Gustuhin man naming magpakasawa kalalaro sa labas kahit pa amoy araw na ang aming mga balat ay hindi namin magawa dahil sa ulan. Kaya’t lagi ko itong kinakanta upang makiusap sa mga ulap na pagbigyan kami. Minsan, nasusunod pero madalas, hindi. Ngayong may

isip na ako ay unti-unti ko nang naiibigan ang pag-ulan. Lalo na kapag nasa klase kami. Ito nalang ang isa sa mga paraan namin para tumakas sa sandamakmak na gawain sa paaralan. Uuwi nang maaga, o minsan ay nagkakaroon pa ng ‘di planadong gala sa tuwing may class suspension. Sino ba namang may ayaw nito, hindi ba? Andyan na naman siya. Nagsisimula na namang pumatak ang mga luha niya. Lahat ng aming mga mata ay nakaabang sa pintuan k u n g

iI ISPORTS

Al O AGHAM

LATHALAIN

OPINYON

b BALITA

RICA SANTUYO GADGET Pagkagising, cellphone. Pagkatapos maligo, cellphone. Habang kumakain ng almusal, cellphone. Habang nasa biyahe papuntang paaralan, cellphone. Habang nasa klase, cellphone. Paguwi, cellphone. Patulog na, cellphone pa rin. Hindi maipagkakaila na buong araw, mga gadgets natin tulad ng ating cellphone ang hawak natin. Noong musmos pa lamang tayo, umiiyak at nagmamakaawa pa tayo sa ating mga magulang na bilhan tayo ng cellphone kahit na de pindot lamang ito. Dahil noon, kapag may cellphone ka, mayaman ka kaya kakaibiganin ka ng lahat. Nagsimula tayo sa mga de pindot na cellphone hanggang sa naging smartphones. Malaki ang pakinabang ng mga cellphone natin sa ating arawaraw na pamumuhay lalo na sa ating mga estudyante. Ginagamit natin ito bilang alarm clock, nau-update tayo sa mga balita, nakakasagap tayo ng impormasyon tungkol sa mga ganap ng ating mga idolo, ginagamit natin ito upang makahanap ng sagot sa takdang aralin, at ginagamit natin ito upang makipag-usap sa ating pamilya at mga kaibigan. Tila bang wala tayong buhay kung wala ang ating cellphone. Minsan nga’y isang oras pa

sakali mang may magaanunsyo na wala nang klase. Ang iba, patago pang nakaantabay sa kanilang mga selpon para tignan ang balita. Sinabi ng aming guro na mahina lang naman kaya’t huwag na kaming umasa. Lahat kami ay nanlumo. Maya-maya ay may narinig kaming sigawan. Nagsilabasan ang mga estudyante sa katabi naming silid at nagsitalon sa tuwa. Untiunti kaming nagsilabasan upang makita kung

lamang na ‘di natin nahawakan mga cellphone natin ay

parang ang dami na nating hindi alam dahil ang dami na nangyari sa mga socmed (social media) accounts natin. Ngunit, ang lahat ng sobra ay masama. Dahil sa sobrang paggamit natin sa ating mga cellphone, minsan nakakalimutan natin ang ating mga prayoridad, nakakalimutan natin kung ano bang mga gawain ang dapat nating unahin. Minsan din nama’y hindi natin nabibigyan atensyon ang mga taong nasa paligid natin dahil nakatutok tayo sa mga bidyo na pinapanood natin. May mga napapahamak pa nga dahil sa kaadikan sa mga gadgets tulad na lamang ng napapanood natin sa TV na nasagasaan daw dahil

anong nangyayari. Nang bigla naming malaman, hindi lang pala papasok ang kanilang susunod na guro. Hay nako, paasa! Napaisip ako, bakit nga ba gusong-gusto naming umuulan ng malakas? Bakit pa ba kami umaasa sa bawat simpleng pag-ambon? Ah alam ko na. Nakakatuyo na din kasi ng utak ang mga aralin. Nakakapagod gumawa ng tambak na seatworks at mga aktibidad. Ang haba pa

nagcecellphone habang tumatawid. Mahalagang tandaan natin na lahat ng bagay ay masama kapag kulang, mabuti kapag katamtaman, at mas lalong masama kapag sobra. Ang makabagong teknolohiya ay nariyan upang paginhawain ang ating mga buhay at hindi upang maging ang ating buhay.

ng oras namin dito sa paaralan. Gusto naman naming matulog ng maaga. Gusto naming umuwi ng wala pa masyadong trapik. Nais naman naming magpahinga, nang mas mahaba. “O buhos ng ulan, Wag nang tumila pa”

MARIEL BULAN ULAN

Umabot na ang tinig ng Silangan sa industriya ng musikang Kanluranin. Naging maingay at dumadagundong ang pagpasok ng pitong kalalakihang kinahuhumalingan ngayon ng milyonmilyong tagahanga mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Pinatunayan nila RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook ng bandang BTS na hindi hadlang ang wika upang makapaghatid ng musika at ngayon ay tinatahak na nila ang landas tungo sa pagpapakilala ng K-Pop sa buong mundo. Iba man ang wika, umaalingawngaw naman ang mga mensaheng pinaaabot ng banda sa kanilang mga tagapakinig. Natatangi ang mga kanta ng banda dahil na rin sa naiiba nitong paksa. Hindi tulad ng mga sikat na kanta sa kasalukuyan na may mapupusok at sekswal na tema, pinipiling kilatisin at punahin ng kanilang mga kanta ang samu’t saring batik sa lipunan na dulot ng pag-iisip ng mga tao sa panahon ngayon. Sa nakaka-aliw na sayaw at video ng “Go Go” kung saan ang mga kasuotan nila ay hinango sa “Snow White and the Seven Dwarves” ay isa sa mga kanta nilang pumupuna sa pagiging materialistic ng mga tao. Sa likod ng masayang tunog nito ay ang

kritisismo sa pag-uugali ng kabataan na pagiging magastos at sa masamang gawi na pagtakas sa sa responsibilidad. Sa kanta naman nilang “Am I Wrong?” na isa namang kritisismong pampolitika, diretsahan binatikos ni Suga, isa sa rapper at producer ng BTS, sa kantang ito ang isang politiko sa South Korea sa pamamagitan ng paggamit ng pangiinsulto nito sa kaniyang rap. Matapang din nilang tinalakay ang mga sensitibong paksa tulad ng depression. Ikinuwento ni Suga sa kaniyang mixtape na Agust D ang pakikipagtunggali niya sa anxiety at depression na nakatago sa likod ng lente ng kamera. Bukod sa paglalahad sa realidad ng pagkakaroon nito, itinampok din nila sa kanta nilang “Magic Shop” ang pagnanais nilang matulungang kumalas ang kanilang mga tagapakinig sa

THERESE DELA ROSA K-POP

pagkakasakal sa anxiety at depression sa pagbabahagi ng kanilang mga kuwento. Tulad nga ng sinabi ni RM, ang lider ng grupo, sa isang panayam, “We write about things people don’t want to say.” Nangingibabaw din sa mga kanta nila ang tema na pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili. Nakasentro ang kanilang Love Yourself album series sa pagtahak nila sa landas tungo sa pagtamo ng self-love. Hango sa naturang album series ang kanilang kampanyang Love Myself sa pagprotekta sa mga kabataan laban sa karahasan.

Ito ay sa pakikipagtulungan nila kasama ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) kung saan sila ay isa sa mga Goodwill Ambassadors. Naging salamin sila sa mga katotohanan ng lipunan, maging ang realidad man na ito ay kapuri-puri o kapuna-puna. Ang mga taos-puso nilang mensahe ay mga binhing itinatanim ng banda sa puso ng kanilang mga tagahanga na siyang dahilan ng kanilang malakas na impluwensiya. Unti-unti nang natatamo ng grupo ang malawakang pagkilala at sa bawat tagumpay na kanilang natatamo, hindi nila nalilimutang pasalamatan ang mga pakpak na nagdala sa kanila sa rurok ng tagumpay. Patuloy na natutunaw ang mga puso ng kanilang mga tapat na tagahanga – ang A.R.M.Y., pagpapa-ikli sa pangalang Adorable Representative M.C. for Youth na mula sa iba-ibang nasyonalidad at edad kaya kilala ang A.R.M.Y. bilang isa sa pinakamalawak na fandom sa industriya ng makabagong musika. Ngunit hindi nagtatapos sa

A.R.M.Y. ang pagmamahal na galing sa BTS dahil ibinabahagi nila ang pagmamahal na ito sa pamamagitan ng pagkakawanggawa. Halimbawa na lamang ay ang mga tree planting events, charity events, at pagtataguyod ng awareness sa social media tungkol sa mga problema sa mundo. Ipinamalas ito ng mga A.R.M.Y. kamakailan lang nang magpa-trend sila ng hashtag na #ARMYHelpThePlanet para makapukaw ng pansin sa mga social media users ukol sa pagkasunog ng Amazon rainforest. Ginagawa ito ng A.R.M.Y. bilang pagdiriwang ng kaarawan ng bawat miyembro ng BTS, pagkapanalo, o kaya naman ay anibersaryo ng naturang banda. Sa isang radio interview, sinabi mangaawit at malapit na kaibigan ng BTS na si Halsey ang mga katagang, “Can you imagine if everyone’s fans thanked them by organizing charities in their name? What a better place this world would be.” Tunay ngang hindi hadlang ang wika pagdating sa musika dahil isa rin itong midyum upang maiparinig ang mensahe at maipadama sa tagapakinig ang nais nitong ipahiwatig. Gamit ang kanilang musika, minumulat nila ang mga mata ng kabataan sa iba’t ibang isyu at sila ang nagsisilbing boses ng kabataan sa panahong hindi sila dinidinig ng nakararami.


Bb O l A I BALITA

OPINYON

LATHALAIN

AGHAM

ISPORTS

14 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

I

N A Y A B A K A P A P G A P TAMA NA ANG a. siyang maging tulad nil a bayani, at nangarap papawid him sa o ma ka g Naniwala si Lino sa mg an s taa sa mga kalye nang naka narinig Lagi siyang tumatakbo lang kapa. Pero kapag istu gm na na t mo ku g an od i. lik sa uw it pa sab as ka rip habang na siyang kumaka bi ng mga multo, agad hindi na na niya sa kalye ang hik maging binata si Lino, ng Na n! po gti Ma y! sa ma ka gay gm Humanda! Pu a kadeteng na amart ni. Pila-pila silang mg aya ab ak ap gp pa g an o lamang lar song sikat ng araw. ng utos. Walang sa ilalim ng nakakapa Walang kinukuwestiyo l. ka ba na y ma ka Hinubog ng tusan sinasanto. pas ng panahon, at inu hikbi sa kalye sa pagli g kung an in g an rap ha lam g s an ka siy ma Lu karipas. Handa na ka a siy na i nd Hi . ito siyang patahimikin ang gatilyo nang wala siy anuman ang nasa labas. kalabitin na niya ang Ka na ril. y ba ma g ka an a a mg niy i nd Kinasa ang nakita ku ay, o pangil. Wala siy am gal , ko ku g an kit na mura a kumakalam ang sik humihingi ng saklolo. ibang multo. May mg ’t a t iba g w a an o b am sum Nagsu ng sampaguita sa nta ebe gb na na kahit

SIGNOS

awa. salanang hindi nila gin baril sa kalye para sa ka na a mga mg y y Ma Ma . . an tse am ko g yay madaanan gkakitaan ng ma pa ra pa an an tah niy ng ng buhay tulad a. May mga ninakawan nganak sa maginhawa na ipi di hin na a niy a ipinagsasawalambahala multong kamukh nggol ang kapwa, bakit gta ipa g an a la siyang nil ta na Kung pa g natuklasan, pero wa wa? Ibinahagi niya an wa ka ng ing da g an nila tin at sipa. awa? Tungkulin na natanggap kundi suntok Titiklop ka dahil sa ? na .” ka t rito bo ala lam mb otma “Lalamb ang sinumang gu ikan, at masasagasaan Kahit na panatilihin ang katahim ilit bumangon si Lino. um gp na ay s lto pa at sa pa a naging tiyak sa nais Tadtad man ng ay ngayon lamang siy lay ma ng nang na lan wa parang mawa ayani, at magsisimula na siyang magpakab s po Ta . an dig nin pa niyang maging bayani. sanay lang tahimik na buhay. Na “Hindi totoong may ihan.” tayong magbingi-bing

MALAPIT NA BA ANG KATAPUSAN? RON CABALLERO

ISYUNG PANLIPUNAN

NAGLAHO NA ANG MGA DIWATA

Nilamon na ng sumpa ang lupa, at ngayon wala ng buhay ang maaaring tumubo rito. Pawis ng kanyang ama ang nagdidilig sa lupa, at dati sapat na ang pawis para tumubo ang buhay. Mula rito ay umuusbong ang mga luntian, dilaw, at pula – sari-saring ani na bumubusog sa bawat tao. Umaakyat siya ng puno kasa ang ibang kalaro. Nakikipaghabulan siya sa mga diwata sa mga matataas na talahib. Humihiling siya sa mga puting bulaklak na lumulutang kapag hinipan kahit na makati ito kung hawakan. Lumaki siya nang lumaki, mas malaki na kaysa sa mga talahib na dati nilang pinaglalaruan. Naglaho na ang mga diwata. Nawalan na ng hiwaga ang puting bulaklak. Namulat siya sa sumpa. Walang pagod sa pagbabanat ng buto ang kanyang ama. Kilala ng kalamnan niya ang sikat ng araw. Natutunan nitong magtrabaho kahit na parang hinihiwa

ng umaapoy na kutsilyo. Kilala ng likod niya ang patak ng ulan. Natutunan nitong magtrabaho kahit na barado ang ilong at tumatahol na sa ubo. Nagtrabaho siya nang nagtrabaho ngunit nandoon pa rin siya kung saan siya nagsimula. Kumalat nang kumalat ang sumpa hanggang sa hindi na niya makilala ang tahanan. Kalbo’t tigang na ang dating hitik sa luntian, at imbis na pananim ay sumibol mula rito ang naglalakihang mga gusaling bato at bakal, mamahaling bahay, malalawak na pasyalan, at matataas na bakod. kung kasalanan mo “Hindi ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo na kung mamatay kang mahirap,” sabi nila. Kung ganoon, bakit namamayani ang gutom sa mga nagsisipag habang busog ang mga hindi naman ng mawawalan laman ang tiyan?

G N O R U T U IN T G N IISA A MGA DALIRI Namumulang mga pantal na sa sobrang kati ay halos balatan na ang sarili para kamutin. Halos iluwa ang laman ng tiyan, hanggang sa tubig kung wala nang laman ang tiyan, hanggang sa dugo kung wala nang tubig. Umaapoy na lagnat na sa sobrang taas ay iikot ang paningin at makakakita ng mga guniguni. Kahindik-hindik makitang lumusob ang sintomas sa mga bata, ngunit mas kahindik-hindik kapag tinakpan na sila ng puting tela. Nadagdagan na naman ang mga nabiktimang musmos, at iisa ang tinuturo ng mga daliri kung bakit. Mula nang pumutok ang isyu tungkol sa Dengvaxia ay nawalan na ng tiwala ang mga magulang sa kahit anong uri ng bakuna. Inaasahan na susugpo sa banta ng dengue ang naturang bakuna ngunit nanaig ang bulungan na nagdudulot pa raw ng pagkasawi ng ilang bata, kahit na hanggang ngayon ay wala pang napapatunayang ito ang sanhi. Ginatungan pa lalo ito ng mga pahayag sa ilang kilalang kritiko tulad nina Persida Acosta na nagpapakalat ng mga posts sa social media na nakakamatay ang mga bakuna. Sikapin man ng mga eksperto na ibalik ang tiwala ng publiko sa pagpapabakuna ay mahihirapan sila dahil nabulag na ang madla ng takot. Kulang na lamang ay sumugod ang mga magulang na bitbit ang mga sulo at naglalakihang tinidor ang mga nagtatanggol sa bakuna na para bang mga mambabarang itong nais kulamin ang kanilang mga anak. Mula rito ay muling namiminsala ang mga salot na higit pang mas mapanganib sa dulo ng karayom. Mistulang nalulunod at hindi makalunok kahit na walang sagabal sa daloy ng lalamunan. Kung mamalasin ay maaring sa pagtakbo ng orasan ay habulin na sila ng kanilang katapusan, datapwat makaligtas man ay hanggang panaginip na lamang sila makakapaglakad kahit isinilang na may paa. Polio ang pinakabago sa mga dinanas na epidemya ng bansa ngayong taon, matapos ng measles o tigdas noong Pebrero at dengue noong

Agosto. Halos dalawang dekada na mula nang ideklarang nawakasan na ang pagkalat ng polio sa Pilipinas noong 2000, pero ngayong Setyembre lamang ay muli itong nambibiktima ng mga kabataan. Masasabing ang muling paglaganap ng mga nasabing karamdaman ay dahil sa pagkawala ng tinatawag na herd immunity. Tumutukoy ang herd immunity sa konsepto na kahit na hindi magpaturok ng bakuna ang isang indibidwal ay maaari silang maaambunan ng proteksyon nito dahil haharangin ng mga kasama nila sa pamayanan na naturukan ang paglaganap ng sakit. Subalit ang lakas nito ay depende sa dami ng taong naturukan, kaya humihina na ito dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna. Pagdududa ang pinakanakakamatay na lason, pagkat dahil dito ay nagagawa ng isang tanggihan kahit na ang pag-abot ng saklolo. Hindi dahil iisa ang tinuturo ng mga daliri ay katotohanan na itong masasabi.

Y A K g N A B G N A AHIT IBAON

K

“Ayoko po.” “Igalang mo ang patay. Matuto kang makiramay.” Kahit anong pilit niya ay walang nagawa si Ella kundi sumama sa kanyang pamilya dito sa probinsya. Bibisitahin nila ang yumao niyang tito ngayong Undas. Dumaragsa pa rin ang mga pamilya sa sementeryo kahit pa kumagat na ang dilim. Nagtipon ang mga kamag-anak niya sa puntod ng kanyang tito. Nagtirik sila ng mga kandila. Nag-alay sila ng mga arko ng puting bulaklak. Marami man ang mga nitso sa paligid at mga kalansay sa ilalim ng nilalakaran niyang lupa ay walang papantay sa takot na dala kay Ella ng mukhang nasa picture frame. Napagdesisyunan ng mag-anak na magbahagi ng mga alaala kasama ang namayapa. “Puro kalokohan, pero kahit ganoon ay wala siyang palya na patawanin kami,” pagbabahagi ni Papa, kapatid ni Tito. “Ang laki mo na, hija. Dalagang-dalaga na.” Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Tito. “May boyfriend ka na ba?” “Wala pa po,” tugon ni Ella. “Bolero. Noong pinakilala ako sa pamilya, ‘Miss Beautiful’ agad ang tawag sa’kin. Buti na nga lang, hindi nagselos itong asawa ko,” pagbabahagi ni Mama. “Siguro sumasakit ang ulo ng Papa mo sa dami ng manliligaw mo.” “Nako, wala rin po. Wala pong nanliligaw sa’kin.” “Wala? Imposible, eh kay ganda mong babae!” “Wala po talaga. Bilin po kasi sa’kin ni Mama,

magaral daw muna.” “Tapat na asawa. Walang araw na nanlamig ang pagmamahal niya sa’kin. Kahit kailan ay hindi ‘yan nangaliwa,” pagbabahagi ni Tita, asawa ni Tito. “Huwag po,” paulit-ulit niyang usal pero parang walang nakakarinig. Gutom ang mata ng kanyang tito. Hindi siya makagalaw. Wala siyang kalaban-laban pero patuloy pa rin sa pagsakop ang kamay nito sa kurba ng kanyang katawan. Nagsumbong siya kay Papa. Sabi nito, “Palabiro lang talaga ang tito mo.” Nagsumbong siya kay Mama. Sabi nito, “Huwag kang gumawa ng kuwento.” Nagsumbong siya kay Tita. Sabi nito, “Layuan mo ang asawa ko.” Kung walang makikinig sa kanya, sapat na sa kanyang iwasang balikan ang nangyari. “Ayoko po.” Nagmakaawa siya. Ayaw niyang pumunta. Ayaw na niyang maalala ang lahat. “Igalang mo ang patay. Matuto kang makiramay.” Umagos nang masagana ang luha niya. Umagos rin ang luha ng mga kamag-anak niya ngunit hindi ito para sa kanya. Tulala niyang pinanood na unti-unting malusaw ang mga kandila sa init ng apoy, bagay na walang pinagiba sa kanya. Habang inaalayan ng dasal ang nambiktima, parang sinusunog naman ang kanyang kaluluwa. Sapat na bang dahilan ang kamatayan para mabura ang mga nagawang kasalanan? Kahit ibaon sa lupa ang bangkay niya, hindi naman kayang ibaon sa limot ang pinsala ng ginawa niya.


PAS. Ito ang palayaw na ibinigay sa akin mula sa pinaikli kong pangalan, Antiphospholipid Antibody Syndrome. Nilikha ako upang pagsilbihan o protektahan ang aking tirahan, ang katawan ng tao, laban sa mga ‘di pamilyar na bagay na pumapasok o nangyayari sa aking tirahan. Takot akong masira ang aking tinitirhan. Sa takot kong ito awy mas lalo ko pang nasira ang aking tahanan. Hindi ko na mapigilan ang likas kong katangian – ang patuloy na paglikha

IO ON N NT UGA I A LUS KK KA

at paglabas ng ng mga antibodies na siyang umaatake sa mga phospholipids, isang uri ng taba, na nagsasanhi ng pagkasira ng mga selula sa katawan at nagdudulot minsan ng pamumuo ng dugo sa mga ugat. Alam ko ring hindi na natutuwa ang tunay na may-ari ng katawang ito, si Gng. Crickette Tantoco, sa aking trabaho. Umiiyak siya minsan sa hapdi mula sa aking pinaggagawa. Binansagan akong autoimmune syndrome pagkat walang nakapipigil sa akin. Maliban sa kaniya. Ang embryo sa sinapupunan ng ginang. Dapat kasama siya sa mga masisira ko. Kaya ng aking lakas na wakasan agad siya. Ngunit, nanatili siyang matibay. Labis akong humahanga pagkat ‘di siya nagpapatinag. “May mararating ito,” sabi ko sa sarili. Ika-30 ng Hunyo, matapos ang tatlumpu’t apat na lingo, namaalam na siya. Sa kaniyang pag-alis sa aking tahanan ay siyang sinalubong sa bago niyang tahanan. Ang kaniyang pag-iyak ay nagbigay ng masayang luha sa mga mukha ng kaniyang mga magulang. Hindi nila inakalang siya’y mabubuhay hangga’t narito ako. Ngayon, nasa mga bisig na nila ang isang himala. Ang pangalan ng sanggol ay Gianna Nicole Tantoco de los Reyes. Parehas kaming mahaba ang ngalan, ngunit mas magandang pakinggan ang sa kaniya. Tila nagdadala ng pangakong pasisiyahin niya itong mundong puno ng APAS at ng mga kawalan ng pag-asa.

JO KAL SHUA USU ES GAN PIN O

NI

“Nilikha ako upang pagsilbihan o protektahan ang aking tirahan, ang katawan ng tao, laban sa mga ‘di pamilyar na bagay na pumapasok o nangyayari sa aking tirahan. “

A

SA

A

ng Meningococcemia ay isang impeksyon sa dugo na kadalasang tumatama sa mga batang apat na taong gulang pababa. Ang nasabing impeksyon ay tila mailap kung saan sampung porsyento lamang ng populasyon ay mayroon nito. Hindi ito nagpapakita ng masasamang epekto, ngunit ang maliit na bahagi ng mga taongmayroongMeningococcemia, ay nagkakasakit. Nagsisimula ito sa simpleng pag-ubo, pagkahilo, at sakit ng ulo, ngunit ito rin ay mabilis lumala at magpakita ng mga sintomas tulad ng hypotension at ang pagkaroon ng mga Haemorrhage. Ang ibang mga kaso nito ay nagbubunga sa kamatayan makalipas lamang ang ilang oras ng impeksyon. Ang kondisyong ito ay nakakahawa, ngunit ang posibilidad na makakuha nito mula sa ibang tao ay mababa. Ito ay nagmumula sa bakteryang Neisseria meningitidis - ang mikrobyo na siya ring nagdudulot ng sakit na Meningitis. Ngunit, ang dalawang karamdaman ay hindi dapat mapaglito. Masasabi na ito ay isang kaso ng Meningitis kung ang utak, pati na rin ang spinal chord ay naimpeksyon. Kapag ang bakterya naman ay nanatili lamang sa dugo at walang ibang naapektuhan, ito ay matatawag na Meningococcemia. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang may naitalang kaso ng Meningococcemia. Noong Agosto ng taong ito, mayroon nang apat na tao, ang nabawian ng buhay dahil sa sakit na ito. Bagama’t ito’y nagbigay ng takot sa mga mamamayan, iminungkahi ng Department of Health (DOH) na wala pang naitatalagang outbreak ng Meningococcemia sa bansa. “As of the moment, there is no meningococcemia outbreak in the country,” ani DOH Assistant Secretary of the Public Health Services Team Maria Rosario Vergeire. Salamat sa mga makabagong pananaliksik sa larangan ng medisina, ang Meningococcemia ay mayroon nang lunas. Sa pamamagitan ng Early Intravenous Antibiotic Therapy, na kung saan ay sa madaling panahon pa lamang, ay binibigyan na agad ng mga antibiotic tulad ng cephalosporin ang isang pasyente bago pa lumala ang mga sintomas. Bukod pa rito, ang paggamit ng hemodialysis at intravenous fluids ay nakatutulong sa pagpapaibsan ng mga sintoma. Sa huli, masmabuti pa rin kung tayo ay mananatiling alerto sa mga maaring mangyari sa ating kalusugan, nang sa gayon ay mapanatili ang ginhawa ng buhay.

JULIE LALILARMO KALUSUGAN

Noong taong 2000, idineklara ng World Health Organization o WHO ang Pilipinas bilang isang “poliofree country”. Ngunit pagkalipas ng labing-siyam na mahahabang taon ay nagbabalik ang sakit na polio sa bansa. Kinumpirma ito ng Department of Health o DOH nang maglabas sila ng kaso ng polio sa isang batang babae. Ang Poliomyelitis o mas kilala bilang Polio, ay isang nakakahawang malubhang sakit na nanggagaling sa poliovirus na hindi nagagamot . Inaatake ng virus na ito ang nervous sytem at napipigilan lamang sa pamamagitan ng bakunat nagdudulot ng pagkaparalisa, at kung lumala ay pagkamatay. Naipapasa ito sa pamamagitan ng “faecal-oral route”. Halimbawa, kapag ang isang tao ay humawak sa dumi ng tao (human waste) na kontaminado ng nasabing virus, at pagkatapos ay kumain siya

nang hindi maayos na nahugasan ang kamay, maaaring makapasok ang virus sa loob ng kaniyang katawan. Isang kaso ng polio sa isang tatlong-taong gulang na batang babae sa Lanao del Sur ang kinumpirma ng DOH nitong ika-19 ng Setyembre, taong 2019. Maliban sa nakumpirmang kaso, ang poliovirus ay na-detect rin sa ilang samples na kinuha sa

mga dumi sa mga imbornal sa lungsod ng Maynila at sa ilan sa mga daanan ng tubig sa lungsod ng Davao. Ang mga samples na nakuha ay pinagaralan ng Research Institute for Tropical Medicine at kinumpirmang kontaminado ng Japan National Institute for Infectious Diseases at ng United States Centers for Disease Control and Prevention. Ang DOH, katuwang ng iba pang mga government units at mga ahensiya, kasama ng suporta ng WHO, United Nations Children”s Fund

(UNICEF), at ng iba pang mga ahensiya, ay naghahanda na para sa nasabing polio outbreak. Kasama nito ay magbibigay rin ang DOH ng mga bakuna para sa mga batang nasa limang taong gulang pababa sa mga lugar na apektado ng poliovirus. Isasagawa nila ang polio vaccinaction sa buwan ng Oktubre, ngunit wala pang nasasabing araw. Marapat din na magkaroon ang bawat bata, kasama na ang mga matatanda ng kalinisan sa katawan. Makatutulong ito sa pagpigil ng pagkalat ng sakit. Ganun na nga talaga siguro, may mga bagay na bigla-bigla na lang aalis, tapos kapag ayos ka na saka magpaparamdam, para saktan ka ulit. Kaya’t ang maaari nalang gawin ay maging matalino, at maging matatag upang k2wahit pa ang sakit ng kahapon, na ngayon ay nagbabalik, ay maiiwasan, at hindi na muli pang magkasakit.


b BALITA

O l

OPINYON

LATHALAIN

Puti, Malagkit, at Magatas ZACHARY MIJARES PAGKAIN

H

indi mawawala ang marikit na kulay ng ube sa karamihan ng panghimagas ng Pinoy. Isa na rito ang kilalang-kilala natin na Ube Halaya at ang Halo-halo. May kakaibang dating ang pagkakulay lila nito na nakakaakit sa ating mga paningin. Ngunit nitong nakaraang Septyembre 23, isa sa pinakatanyag na bilihan sa Baguio, ang Good Shepherd, ang nag-anunsyong magbebenta sila ng puting baryant ng kanilang ube jam. Dioscorea alata o kilala rin bilang ube, purple yam, at greater yam ay matatagpuan lamang sa timog-silangang Asya. Ayon sa CABI, ang ube ay maaring mahati sa limang grupo na tinatawag na cultivars. Ang ubeng kilala natin sa dilag ng kanyang pagkakulay lila ay isa sa mga ubeng nasa cultivar group na Purple Compact. Napakaraming anthocyanin ang laman ng isang Purple Compact kaya naman ito nagkukulay ube o lila, kabaliktaran naman nito ang Poor White cultivar group na kakaonti lang ang anthocyanin kaya naman ito ay kulay puti. Sa hindi pa alam na kadahilanan, hindi na kayang sumabay ng lilang ube sa bilis ng pagbabago ng klima, kaya naman ang farmers ng Good Shepherd ay napipilitang gumamit ng puting baryant nito. Kamakailan lamang ito nangyari, athindipamasyadongkilalaangPoorWhite cultivar group sa Pilipinas. Nagsisimula na ang mga studyanteng mananaliksik na tuklasin ang mga tinatagong ganda at sarap ng puting ube. Ano nga ba ang dahilan ng pagbabago nito mula sa matingkad nitong kulay tungo sa pagiging maputi, malagkit, at magatas?

AI AGHAM

ISPORTS

16 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

Mind Palace: Kaibigan Mo Sa Pagkakabisado NIKKI ALEXIS ANTONIO EDUKASYON

a dokyumentaryong Memory Games, tinipon ang ilang mga dalubhasa sa pagkakabisa kasama si World Memory Champion Yanjaa Wintersoul upang magpakitaan ng iba’t ibang paraan sa pag-iimbak ng daandaang impormasyon sa kanilang utak. Kinalabasan? Lahat sila ay tumuturo sa iisang pinakamabisa at pinakamatandang teknik na magagamit ng kahit sino: Ang Mind Palace. Ilang beses na rin napatunayan kung gaano ito kaepektibo. Pagkakahulugan na ang nasabing teknik ay research-based. Upang makabuo ng Mind Palace, gagamit ka ng tatlong katangiang tumutulong sa pagtatatak ng impormasyon sa iyong utak. Ito ay ang lokasyon, emosyon, at kwento. 1. LOKASYON Noong 2013, natuklasan ng isang pag-aaral sa Unibersidad ng Pennsylvania na bago umalala ng pangyayari ang ating utak, inuuna muna nitong maalala kung saan ito nangyari o saan nito nakuha ang impormasyon. Pinangalanan nila ang penomenang ito na “geotags” na hango sa pagiging katulad ng GPS (Global Positioning System) ng ating utak. Tinatawag ding spatial navigation, ang mga geotags ay ang mga ine-encode na impormasyon sa mga nangyari sa lokasyon iyon. Dinadala ito sa Hippocampus, ang sentro ng pag-iimbak ng impormasyon ng ating utak, na siyang gumaganap bilang arkitek ng isip pagkat minamapa nito ang mga geotags. Sa ating gagawing pagsasanay, ipinta mo sa iyong isipan ang isang lugar na sobrang pamilyar ka. Aralin mo muli ang ruta mo mula sa pasukan ng ating paaralan patungo sa iyong silid-aralan. Pumili ka ng tatlong katanda-tandang lokasyon na iyong mararaanan. Dito mo ilalagay ang mga imaheng nabuo mo sa #2 (Emosyon) upang mas lalo mong matandaan ang pagkasunod-sunod nila. 2. EMOSYON Gumagana ang ating isip dahil sa iba’t ibang impormasyong nakukuha ng ating pandama. Ang mga biseral na imahe, tulad ng pandidiri sa putikan, ay nabibigyang tugon ng isang parte ng ating utak upang mas lalo pa natin maalala ang mga pangyayari. Ang parteng ito ay tinatawag na amygdala na ayon kay Donna Rose Addis, isang dalub-agham sa

S

utak, ang parte ng utak na humahawak sa ating emosyon. Katabi ng Amygdala ang Hippocampus kaya mas napapatibay ang mga imaheng pinasisindak ng emosyon. Subukan mo gamitin ang mga sumusunod: Roosevelt, Balintawak, Monumento. Upang maalala ang Roosevelt, isipin mong pumupulupot sa iyo ang isang sinturong puno ng tinik ng rosas hanggang sa ang bewang mo’y dumugo. Sa Balintawak, may mga lintang itim tulad ng kulay ng uwak. At isipin mong may isang

estatwang kumakain

ng mentos u p a n g maalala mo ang Monumento. Kung panay numero naman ang inaalala mo, base kay Wintersoul, maari mong gawing

letra ang mga numero. Halimbawa, ang oras ng LRT-1 Stations na 5:00 – 9:30 ay magiging SOO GEO, pagkatapos ay magbibigay ng interpretasyon sa mga letrang iyan. 3. KWENTO Sa isang pag-aaral, dalawang pangkat ng tao ang pinakabisado ng 12 grupo ng sampung salita. Pitong beses na mas maraming salita ang nasabi ng pangkat na gumamit ng narrative story technique kaysa sa pangkat na normal na pagmememorisa. Ngayon, ipagsama mo ang iyong mga nagawang imahe saka mo ito ilalagay sa iyong napiling lokasyon base sa pagkasunod-sunod nito. Ngayo’y gagawan mo ito ng kwento. Kunwari’y may misyon kang dapat iwasan ang mga nakikita mo upang makapasok ka sa una mong klase. Nang bigyan mo ng kahulugan ang ating pagsasanay, mas naalala mo kung ano ang nangyayari sa mga lokasyon. Ngayon alam mo na ang unang tatlong istasyon ng LRT-1, maaari mo itong bunutin mula sa iyong utak kung kakailanganin mo itong maalala ulit. Tatandaan mo lang kung saang lugar sa iyong Mind Palace itinago ang impormasyong ito. Ganito lang kadaling gumawa ng mind palace. Mas madali itong gawin kaysa sabihin. Maaari mo itong gamitin sa iba’t ibang pangyayari sa iyong buhay. Mahalagang alam mo rin kung paano pangalagaan ang ating memorya. Subukan mong sumagot ng iba’t ibang pagsasanay gaya ng crossword puzzles, sodoku, at word search. Makatutulong ang mga ito sa paglaki ng iyong Hippocampus. Bigyan din ng sapat na pahinga ang utak upang hindi ito laging nauubusan ng oxygen. Sinasabi rin ng mga pagsusuri ng Unibersidad ng Stanford na ang meditation ay makakapagpapokus at makakapaghasa ng ating utak. Hindi imposibleng madaliin ang pagkabisado ng dalawang pahinang sanaysay sa loob ng dalawang oras. O ‘di kaya kung kinakailangan mong malaman lahat ng bansa sa Asya upang makapasa sa AP Quiz Bee. Sa susunod na tanungin sa’yo ng iyong guro mo sa Agham ang mga atomic mass ng mga elemento sa periodic table, alam mo kung saan sa Mind Palace mo ito kukunin.

Ibong Mandaragit RON CABALLERO KALIKASAN

ula sa karimlan, naaaninag lamang nila ang matatalim na bato sa mga sulok na nagmistulang pangil sa bunganga ng halimaw. Sumunod ang pagliyab. Dumami ang mumunting dula ng apoy - libo-libong alitaptap na isiniwalat ang magagarang anyong inukit sa bato ng hampas ng alon at hagupit ng hangin. Kung hindi dahil sa lakas ng loob, mapapalagpas niya ang karangyaan ng kuweba ng Cagayan. Ngunit walang sinasayang si Gina Lopez na pagkakataong tuklasin ang hiwaga ng kalikasan, kahit pa ibig

M

sabihin nito’y sumisid sa kawalan. Tuwing naglalakbay ay mistula siyang ibong malaya, saksi sa mga karanasang parang panaginip lamang. Marahil nag-ugat dito ang kanyang malalim na pagmamahal sa kalikasan. Nag-aanyo siyang ibong mandaragit laban sa walang habas na pagmimina at iba pang gawaing nakasisira sa likas na yaman. Kahit na malalaking korporasyon ay walang kawala sa matatalim niyang kuko. Nakakalungkot mang pumanaw na siya ay hindi pa huling sundan ang kanyang bagwis. Kung siguro’y yakapin natin ang kalikasan nang tulad ni Gina, mas matututunan nating bigyan ito ng nararapat na halaga.


17 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

I A Ll O Bb ISPORTS

AGHAM

LATHALAIN

BALITA

OPINYON

Sarap, Sakit, Samgyup THERESE LIBERTY DELA ROSA KALUSUGAN

nang sulyap mo pa lang sa kanya, isang salita lang ang maiiisip mo. Masarap. Irresistible. Iyong tipong mabanggit lang ang pangalan niya ay hindi mo na maiwasang matatakam. Mabango, malaman, at ulam na ulam. Iyan ang samgyeopsal o mas kilala natin sa maikli nitong pangalan na samgyup. Mula pa sa Korea, mayroon na namang dumating na bagong kinababaliwan ang bayan. Matapos ang pagkahumaling natin sa mga K-Drama at K-Pop, dinadagsa naman ngayon ang mga samgyeopsal restaurants na naglipanang parang kabute sa iba’t ibang panig ng Metro Manila. Pero hindi tulad ng pagsakit ng isang sikmurang gutom, ibang klaseng sakit naman ang dala ng tiyan na puno ng samgyup. Hindi lang isa kundi dalawa sa mga pinakanakamamatay na sakit ang dulot ng madalas na pagkain ng naturang putahe. Tulad ng pagkaka-ugnay ng apoy at usok, ang sobrang pagkain ng samgyup ay magreresulta , una, sa hypertension o high blood

pressure o kaya naman ay sa, pangalawa, kanser. Tianlakay sa 2018 American Heart Association Epidemiology and Prevention Lifestyle and Cardiometabolic Health Scientific Sessions ang isang pag-aaral mula sa Harvard T.H. Chan School of Public Health sa Boston ang kaugnayan iba’t ibang pamamaraan ng pagluluto sa pagkakalikha ng heterocyclic aromatic amines (HAAs), isang kemikal na resulta ng malabis na pagpapa-init sa karne. Ito ay napag-alamang nakapagpapataas sa tiyansa ng pagkakaroon ng hypertension. Isa sa mga siniyasat ay ang pagluluto sa pamamagitan ng pag-iihaw. Napag-alaman nila na mas naaapektuhan ng hypertension ang mga gumagamit ng open-flame sa pagluluto. Dagdag pa dito, ang pag-iihaw ng karne ay nakapagpapataas din ng risk ng pagkakaroon high blood pressure dahil sa cholesterol na mula sa karne at sa madalas ay

U

Oxytocin

Masaya Oxytocin

Serotonin

Nalulumbay Oxytocin

Serotonin

Balisa

Pagmamahal

Oxytocin

Serotonin

Dopamine Walang kapantay na ligaya ang hatid ng dopamine. Tinutulak din nito ang tao na hanap-hanapin ang sanhi ng ligayang ito, kaya naman mas malala ang tama ng dopamine kapag mas madalas ang away sa relasyon. Kapag kasi tuloy-tuloy ang kilig, tuloy-tuloy din ang pag-iral ng dopamine kaya mabilis magsawa ang utak. Ngunit kapag nagkakaroon ng away, mas tumataas ang lebel ng dopamine para hikayatin kang magsikap para ibalik ang tuwa sa inyong relasyon. Kaya kahit ikaw na ang bugbog at naghihikahos, ikaw pa rin ang naghahabol. Masarap umibig, ngunit hindi ka dapat magpadaig sa iyong damdamin dahil maaaring nililinlang lamang tayo ng ating utak. Gumising ka. Bumitaw ka na. Pinaglalaruan ka lang ng utak mo gaya ng kung paano niya pinaglalaruan ang nararamdaman mo.

Serotonin

Serotonin at cortisol Hindi ka ba mapakali dahil siya lamang ang tumatakbo sa isip mo? Kapag umiibig ka kasi, bumaba ang lebel ng serotonin sa iyong utak. Nagpapanatili ng mental stability ang serotonin, kaya naman kapag iniisip mo siya ay ikaw ay natataranta. Dahil sa biglaang pagbaba ng serotonin, tumataas naman ang lebel ng cortisol na ang tungkulin ay ihanda ka sa mga sitwasyong nakakataranta.

Oxytocin Oxytocin ang nagtutulak sa isang tao para magtiwala sa iba, at dumadahil sa mga pisikal na pakikipaglandian tulad ng paghawak sa kamay, pagyakap, at pakikipaghalikan. Kapag nasobrahan, ito ang nagiging dahilan kaya nagagawa mong magbulag-bulagan kahit niloloko ka na niya nang harapan-harapan.

Normal

Dopamine

ani Gardner – ibig sabihin, ang isang tao ay maaaring magtaglay ng higit sa isang uri ng katalinuhan. Maaaring kapos ka sa katalinuhan sa isang aspeto, pero angat ka sa dalawa o higit pang aspeto.

N

Kapag natataranta ka, ginagawa ng cortisol na walang ibang makitang bagay kundi ang dahilan nito. Kaya naman hindi mo makita ang sarili mong mabuhay nang wala siya.

Dopamine

apapabayaan mo na ba ang pag-aaral mo at binabalewala ang tropa mo dahil sa kanya na lamang umiikot ang mundo mo? Nasasaktan ka na ba sa ginagawa niya pero pinapalabas pa niyang ikaw ang may kasalanan? At kahit ganito ang sitwasyon, hindi mo ba siya magawang bitawan? Natamaan ka ba? Dalawa lang iyan: lulong ka sa droga o hibang sa pag-ibig niya. Ayon kay Dr. Helen Fisher, magkahawig ang utak ng isang adik sa utak ng isang taong umiibig. Kaya naman saktongsaktong “toxic relationship” ang tawag dito - nilalason nito ang isip mong manatili sa isang relasyong unti-unting uubos sa iyong pagkatao. Nabubuo ang pag-ibig dahil sa kombinasyon ng mga kemikal sa utak na tinatawag na neurotransmitters. Bagamat nagbibigay ito ng walang kapantay na ngiti sa ating labi, nagdudulot din ito ng pambihirang sakit.

Dopamine

“Everything can be taught in more than one way,”

RON CABALLERO SIKOLOHIYA

Oxytocin

B

Mathematical intelligence. Habang ang kahusayan naman sa pagsayaw, pampalakasan, at iba pang paggalaw ay maituturing Bodily-Kinesthetic Intelligence. Musical Intelligence naman ang tawag sa karunungan ng isang taong tumugtog ng instrumento, kumanta, pati na rin ang umintindi ng mga anyo at estraktura ng isa kanta. Ang Interpersonal Intelligence naman ay tumutukoy sa mga kahiligan ng tao na makisama at umintindi ng kalagayan ng kanyang kapwa. Habang ang Intrapersonal Intelligence naman ay ang kakayahan na alamin at intindihin ang sariling kalagayan. At ang huli ay ang Naturalistic Intelligence. Ito ay tumutukoy sa talino sa pangangalaga ng mga hayop at ng kalikasan.

Nakakalason ang Umibig

Dopamine

agsak! Bakit kasi hindi ako matalino?” Itinatangis ng isang estudyanteng nakakuha ng mababang marka sa pagsusulit. Tipikal na basehan ng karunungan ng isang tao ang pagsusulit o ang tinatawag na “intelligence quotient,” mas kilala bilang IQ. Ngunit, ang IQ ay isang mababaw na pamantayan lamang ng kaalaman ng isang indibidwal. Iminungkahi ni Howard Gardner ang teorya ng Multiple Intelligence, isang teoryang nagsasabi na ang lahat ng tao ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng katalinuhan. Unang ibinalangkas ang teoryang ito sa kaniyang akdang pinamagatang “Frames of Mind: The Theory of Multiple Intelligences.” Ayon dito, mayroong walong uri ng intelekuwal na kakayahan. Maituturing VisualSpatial Intelligence ang karunungan ng isang tao na magpinta, gumuhit, pati ang iba pang uri ng sining. Ang Linguistic-Verbal Intelligence naman ay ang kahusayan ng isang taong magsalita at sumulat. Ang taong mataas ang ganitong uri ng kataliuhan ay may malawak na bokabularyo. Ang kakayahan ng isang taong maghanap ng lohikal na ugnayan sa pagitan ng mga bagay, at ang kahusayan sa sipnayan ay tinatawag na

kalusugan. Dapat natin itong unahin kaysa sa ating mga kagustuhan. Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa ating katawan at kalusugan, magkakaroon tayo ng pagkakataon na makatikim ng mga pagkaing mas masarap pa sa samgyeopsal. Dahil hindi maikukumpara ang sakit ng sikmurang gutom sa sakit ng pagkawalay sa mga minamahal sa buhay.

Serotonin

ACHILLES FAYLOGA EDUKASYON

Nakakaapekto rin sa pag-develop ng kanser ang pagkapit ng usok sa pagkain na dulot ng pagtulo ng natunaw na taba o acrolein sa mga nagbabagang uling. Napapataas daw nito ang risk ng pagkakaroon ng prostate, colorectal, at stomach cancers. Madalas, mas malakas ang sigaw ng ating sikmura kaysa sa sigaw ng ating konsiyensiya. Ngunit kahit ganito, dapat nating isaalang-alang ang ating

Dopamine

Iba’t ibang Kulay ng Karunungan

mataas na lebel ng sodium na kasama sa pagluluto nito. Sa isang hiwalay na pagaaral naman na inilathala sa Mutation Research pinag-aralan ang kaugnayan ng kanser sa madalas na pag-iihaw ng pagkain. Nakita sa kanilang pagsasaliksik na may kemikal rin na nakakasira sa DNA na makapagdudulot ng pag-develop ng mga tumor partikular na sa mga cell ng colon, breast, prostate at lymph systems.


b O BALITA

l A

OPINYON

LATHALAIN

I

ISPORTS

BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

Mc Nicholson “Mc” Villanueva John Anthony “Natsumi” Vargas Jun “Bok” Kanehara Marvin Salvador “Boomy” Rushton Bryle Jacob “CML” Alvizo Van Jerico “Van” Manalaysay James Erice “Erice” Guerra.

Team dota II

Team arena of valor

AGHAM

18 Team Tekken 7

Andreij Hosea “Doujin” Albar Alexandre Gabrielle “AK” Laverez

Team Sibol, sisiklab sa 2019 Sea Games

Kevin Kio “Gambit” Dizon Jeremiah “1717” Camarillo Jevan Lorenzo “Bents”Delos Santos Lawrence Anthony “Rubixx” Gatmaitan Miguel Klarenz “Miggie” Banaag Bradie Ryan “Yats” Velasquez Kyle Jepherson “Vindiicated”Padlan.

HUMPHREY SORIANO E-SPORTS

agpapasiklab ang 27 miyembro ng Team Sibol upang patumbahin ang siyam na kalabang bansa para sa gintong medalya sa E-Sports Event ng Southeast Asian Games sa Fil-Oil Flying V Center sa Disyembre 5, 2019. Sasabak sa matinding tapatan ang Team Sibol sa Mobile Legends:Bang Bang, Arena of Valor (AOV), Hearthstone, DOTA 2, Starcraft II, at Tekken 7. Sinala ang 27 magagaling na manlalaro mula sa 77 nag-aasam makapasok ng national boot camp at dumaan sa matinding pagsasanay upang mapabilang sa National Roster sa

M

tulong ng malalaking internet at gaming company sa bansa. “Esports in the SEA Games is not just about making history; it is about building the foundation for all our young Filipinos who aspire to represent our country on a world stage. The athletes of Sibol are not just pioneers, they are our country’s pride,”ani Al Panlilio na presidente ng SMART Communications. Nag-uwi na ng dimabilang na medalya ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang patimpalak sa E-Sports sa loob at labas ng bansa ngunit inaasahan pa rin ang mas matitinding makakalaban sa rehiyong kinabibilangan ng bansa. Patuloy pa rin ang pagsasanay ng Philippine National Team para makuha ang anim na gintong medalya.

Team Hearthstone

Dustin “WaningMoon” Mangulabnan Jacinta “Jia” Dee.

LARAWAN MULA GOOGLE.COM KOMPETISYON

mAAsAhAn (Maasahan) Sasabak ang Team Sibol, ang E-sports team ng Pilipinas sa 19th SEA Games

VEA LADEZA E-SPORTS

H

Kenneth Jiane “Kenji” Villa Karl “KarlTzy” Nepomuceno Carlito “Ribo” Ribo Jeniel “Haze” Bata-anon Angelo Kyle “Pheww” Arcangel Allan Sancio “Lusty” Castromayor Jason Rafael “Jay” Torculas.

Team StarcrAFT II

E-sports, tunay bang isports?

abang lumilipas ang panahon, iba’t ibang pag-unlad na ang ating nararanasan dulot ng teknolohiya. Dahil dito, nagkakaroon na rin ng ibang depinisyon ang mga tradisyonal nating gamit at gawi. Isang mainit na usapin ang isyu patungkol sa Electronic Sports o E-Sports. Sinasabing ang paglaganap nito bilang libangan ang siyang bumabago sa depinisyon ng isport. Ngunit, tunay nga bang

Team MLBB

binago ng esports ang tingin ng isports? Isports – gawain na nangangailangan ng pisikal o mental na kasanayan kung saan lumalaban sa kompetisyon ang isang koponan. Sa E-Sports, nangangailangan ng taktikang ginagamitan ng mabusising pag-iisip. Ang tagumpay ng mga planong ito sa mismong laro ay nagdudulot ng pagtaas ng heart rate na maituturing ng ehersisyo dahil sa pwersang

pisikal. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan kapag pabuhat ‘yung mga kakampi mo, na-wipeout na ‘yung team mo at endgame na? Ang levels/ rankings naman sa E-Sports ang siyang nagpapakita na nangangailangan ito ng sapat na karanasan at kakayahan. Sa katunayan, madalas na ginagamit pa itong pamantayan upang masabing kwalipikado ang isang manlalaro sa kompetisyon. Saan mang panig ng mundo, laganap ang mga kompetisyon sa E-Sports. Kung tutuusin, hindi binabago ng E-Sports ang depinisyon ng isports bagkus, umaayon lang ito sa mga paraan na hindi natin agad mapapansin.

Justin “NuksPH” Santos Caviar “Enderr” Acampado

LARAWAN MULA GOOGLE.COM E-SPORTS

mAAninAwAn (Maaninawan) Pagiging tanyag ng E-sports sa mga mata ng mamamayan


19 BANYUHAY | HUNYO-NOBYEMBRE

I

ISPORTS

NU Pep Squad, muling umupo sa trono YVO ASIS SAYAW

LARAWAN MULA GOOGLE.COM KAMPEON

tAgUmpAy (Tagumpay) Nagwagi ang NU Pep Squad sa ika-82 season ng UAAP Cheerdance Competiton

1st NU PEP SQUAD 2nd FEU CHEERING SQUAD 3rd adamson pep squad salinggawi 4th ust dance troupe

AGHAM

LATHALAIN

inoronahan muli bilang UAAP Season 82 Cheerdance Compeptition Champion ang National University (NU) Pep Squad matapos magpakita ng hindi mapapantayang performance nitong Linggo, ika-17 ng Nobyembre na ipinalaganap sa Mall of Asia (MoA) Arena. Napakalaking pagbabago ang nakita sa mga squads nitong Linggo ngunit pinatunayan ng NU na sila pa rin ang maghahari sa entablado sa pagpapamalas ng mahihirap na stunts at nakakagimbal na routine. Nahablot ng NU ang titulo dahil na rin sa kanilang temang pinoy pride at ito rin ang ikaanim nilang panalo sa pampitong edisyon ng kompetisyon. Naiuwi rin ng nasabing unibersidad ang best toss at best pyramid award at 50,000 pesos sa kanilang pagkawgi. Ayon kay NU coach, Ghika Bernabe, ang kanilang routine ay tungkol sa pagpapasalamat sa kapuwa Filipino. “It’s about giving back to the Filipino supporters,” sambit ni coach Bernabe.

K

OPINYON

BALITA

“Very skillful. Hindi nilalagay sa ulo nila, nandito sa puso nila,” dagdag pa niya. Nagpamalas rin ng galling ang Far Eastern University (FEU) na nagtapos sa ikalawang puwesto sa temang Michael Jackson at ikatlong puwesto ang Adamson University (AU) Nagsumite ng kabuuang 722 puntos ang NU, habang 706 puntos ang FEU, at 658.5 puntos sa Adamson. Nakatanggap ng 30,000 pesos ang FEU at 15,000 naman sa Adamson. Nasungkit naman ng University of Santo Tomas (UST) ang ikaapat na puwesto kasunod ang University of the East (UE), Univiersity of the Philippines (UP), Ateneo de Manila University (ADMU) at De La Salle University (DLSU). Nahirapang mamili ang mga hurado ayon kay cheerdance head judge, Paula De Llana-Nunag dahil mas lalong gumaling at mas naging mahirap gawin ang mga naipamalas ng mga unibersidad. “This year was really,really special… This was the year where the competition was really tough. Everybody really leveled up,” pahayag ni Nunag.

5th Up PEP SQUAD 6th Cool Smashers, muling ADMU BLUE th sinungkit, korona Babble BATALLION 7 dlsu animo squad 8th UE PEP SQUAD

UAAP Season 82 Cheerdance Competition

A l O b

“Kung Gusto Niyo Talagang I-try, ngayon na” - Yulo

LJ Merino HIMNASTIKO

LARAWAN MULA GOOGLE.COM KAMPEON

pAgwAgI (Pagwagi) Nagtagumpay ang Creamline Cool Smashers sa championships ng Premiere Volleyball League

YVO ASIS VOLLEYBALL

N

LARAWAN MULA GOOGLE.COMKOMPETISYON

mlksi (Maliksi) Tagumpay si Carlos Edriel Yulo sa ika41 na FIG Artisitic Gymnastic World Championships

i Carlos Edriel Yulo, o mas kilala sa kaniyang palayaw na “Caloy”, ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gintong medalya sa floor exercise matapos makapagkamit ng best score na 15.300 sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championship sa Stuttgart, Germany noong Oktubre 12. Siya rin ang ikalawang Pilipinong qualifier sa 2020 Tokyo Olympics kasunod ni EJ Obiena, pole vaulter noong Setyembre. Ang 4’9 gymnast ay ipinanganak noong ikalabing-anim ng Pebrero taong 2000 sa Malate, Maynila. Bata pa lamang siya ay kinakitaan na siya ng interes sa larangang ito nang makita siya ng kaniyang lolo na tumatambling sa playground. Lumaki siyang nanonood sa mga Pilipinong gymnast na nag-eensayo at sumasali sa mga paligsahan sa Rizal Memorial Sports Complex. Sa edad na pito, si Yulo ay naging parte ng Gymnastics Association of the Philippines program. Siya rin ay binigyan ng Philippine Sports Commission ng libreng training sa Rizal Memorial Complex at si Ricardo Ortero ang

S

apaluhod ang Motolite Petro Gazz Angels matapos durugin ng Creamline Cool Smashers, 29-27, 25-22, 27-25, Sabado, ika- siyam ng Nobyembre sa Premier Volleyball League (PVL) na idinaos sa Filoil V Centre, San Juan City. Itinanghal bilang Most Valuable Player (MVP) ng buong season si Jema Galanza na nagdala sa Cool Smashers sa 20-0 baraha sa tulong din ni Alyssa Valdez. “Para sa akin naman po, sobrang sarap sa pakiramdam kasi lahat ng pinaghirapan ng team, pinaghirapan ko, may nangyari, na alam mo yung pagod talaga may nangyari din,” sambit ni MVP, Galanza. Nagsumite ng 33 kabuuang iskor sina Valdez at Galanza na kapuwa may tig-18 at 15 puntos. Hinirang naman bilang Finals MVP at Best Setter si Jia Morado sa pagtatala ng 24 excellent sets at Best Libero si Kyla Atienza sa pagbulsa ng 22

kaniyang naging coach. Nagsimula siyang sumali sa mga patimpalak noong tang 2008 at ang ilan sa mga ito ay ang Palarong Pambasa at Philippine National Sea games. Siya ay tumungo sa Japan upang makapag-aral sa kolehiyo sa Teikyo University, Itabashi, Tokyo noong 2013 upang kumuha ng degree sa literature. Siya rin ay nagsanay sa ilalim ni Japanese coach Munehiro Kugimiya. Noong 2018, si Caloy ay naging isang consistent World Cup series podium finisher matapos makasungkit ng medalya sa Melbourne, Baku, Doha, at Cottbus. Sa 2018 Asian Games Men’s floor exercise event, siya ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa qualification phase ngunit bigo siyang makauwi ng medalya matapos sumampa sa ikapitong puwesto. Nagkamit ng bronze medal si Yulo sa 2018 World Artistic Gymnastics Championships floor exercise sa Doha at itinanghal na kauna-unahang Pilipino at kauna-unahang lalaking Southeast Asian na nakakuha ng medalya sa nasabing patimpalak.

excellent digs at 17 receptions. Nagpaulan ng apat na sunod na puntos sa unang set ang Cool Smashers upang lalo pang lumamang sa laban, 2318 ngunit hindi ito hinayaan nina Jeanette Panaga at Cherry Nunag na agad binawian ng 4-0 rally ang Cool Smashers, 25-24. Sinubukang nakawin nina Jonah Sabete at Jovielyn Prado ang unang set nang aksyunan agad ito ni Risa Sato kasama ang mga pamatay na crosscourt spikes ni Valdez, 29- 27. Uminit pa lalo ang laro sa ikalawang frame ng maghabulan ng lamang ang magkatunggali sa pagharang ni Panaga sa mga attacks ni Michelle Gumabao, 23-22, pero ‘di pa din sila pinagbigyan ni Valdez na hinabol at winakasan ang set, 25-22. Pinangunahan ng Angels ang simula ng ikatlong frame ngunit hindi na sila pinaasa pa nina Valdez at Galanza na patuloy na humahakot ng puntos sa front line.


ISPORTS QCSHS 3 SFhs 1 nagharap ang QCSHS laban sa SFHS sa District Meet ng football noong ika-10 ng Setyembre

Kuha ni Paolo Aquino TAGUMPAY

Nagwagi ang QCSHS sa iskor na 3-1 sa tulong ng Player of the Game na si Klye Balanay, ang goalkeeper ng Kisay

gIlAs (Gilas) Nagwagi ang Kisay Knights kontra sa manlalaro ng San Francisco High School

Kisay pinabagsak Kiko sa District Meet YVO ASIS FOOTBALL

agharap muli ang magkapitbahay na Quezon City Science High School (QCSHS) at San Francisco High School (SFHS) kung saan dumapa ang Kiko sa final score na 3-1 Martes, ika10 ng Setyembre sa District Meet ng Football na idinaos sa QCSHS Football Field. Itinanghal na Player of the Game ang grade 10 goalkeeper ng Kisay na si Kyle Balanay na nagtayo ng magandang depensa sa pagpapatuloy ng laro.

N

Kasanggi ni Kyle ang grade 12 striker na si Clarence Garcia na bumuo ng patuloy na magandang opensa’t depensa. Ibinalikat naman nina John Mark Franciso at #11 Rayos ang Kiko na kapuwa sumubok na habulin ang iskor sa half-time, 3-1. Lumamang agad ng dalawang puntos ang Kisay team sa half-time dahil na rin ito sa home field advantage at motibasyon na nanggagaling sa ingay ng mga scienctians. “I think the reason why we won is because of

the team spirit and the good team chemistry,” sambit ng grade 12 player, Eljo Oribiana. Kakulangan sa star players ang isa sa dahilan ng pagkatalo ng Kiko, kung kaya’t nahirapan silang sabayan ang kanilang koponan. Hindi tumigil sa paghahabol ng puntos ang Kiko sa full-time score hanngang sa mawalan na sila ng pag-asa kasabay ng oras. Inaaasahang sasabak muli sa pakikipagtunggali ang Kisay team sa darating na Division Level.

QCSHS Lady Knights, laglag sa Xavier Cup Tournament VEA LADEZA FOOTBALL

ikatlong laro nang bumida si Rinoa Sanchez na nagkamit ng isang goal laban sa Claret Football Team. Agad namang nakabawi ang Claret kung saan tinapos nila

igo ang QCSHS Women’s Football Team Lady Knights na sungkitin ang kampeonato sa Xavier Cup 2019 Tournament na ginanap noong ika-30 ng Nobyembre, 2019 sa Xavier School, San Juan City. Sa iskor na 4-0 at 5-0, matagumpay na winalis Kuha ni Niko Feliciano ng Xavier School at MOTIBASYON Sims Football Club ang pUrsIgi(Pursigi) Lady Knights sa una at Nagwagi ang Kisay Knights kontra sa ikalawang laro ng koponan manlalaro ng San Francisco High School sa nasabing tournament. Sinubukan bumawi ng Lady Knights sa kanilang

B

ang laro sa iskor na 2-1. Para sa kanila, isa sa mga hamon na kanilang kinaharap ay ang kakulangan sa karanasan pagdating sa nasabing liga pati na rin sa pageensayo. Pinayuhan naman ni Lady Knights Coach Feb Baya ang koponan na huwag mawawalan ng pag-asa sapagkat may pagkakataon pa sila upang makabawi. Susunod na lalaban ang Lady Knights sa Rizal Football Association High School Open na siyang gaganapin sa Enero ng susunod na taon.

Basketball, dapat bang unahin?

VEA LADEZA BASKETBALL

ing at court. Isa sa mga prominenteng makikita saanmang sulok ng Pilipinas; bagay na naglalapit sa lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang estado. Mahihinuhang Basketball ang pinakatinatangkilik na isport ng mga Pilipino at malaking parte ng badyet ng Philippine Sports Commission ang inilalaan sa mga programang may kinalaman sa paglinang ng mga atleta nito. Ngunit, tama bang Basketball ang isport na prayoridad ng mga Pilipino? Sa kasalukuyang estado ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup, makikitang nahihirapan ang koponan pagdating sa internasyonal na kompetisyon. Sa katunayan, walang naipanalong laro ang Gilas noong nakaraang FIBA World Cup. Dito pa lamang, masasabing hindi basketball ang kalakasan ng mga Pilipino. Hindi maikakaila na may puso tayo sa paglalaro ngunit hindi nito kayang higitan ang kakulangan natin sa pisikal na kaanyuan. Hidilyn Diaz, Aidric Chan at Margielyn Didal; mga pangalang nagging sikat kamakailan dahil

R

ng Cabellero Shrubs ang palibot QCSHS Batch 1994, nanguna sa upang maprotektahan sa muling Para sa huling yugto, pagsasaayos ng QCSHS Football Field pagkasira. pinaplanong lagyan ng rubberized VEA LADEZA FOOTBALL

inimulang ayusin ang football field ng paaralan ng Quezon City Science High School sa inisyatibo ng QCSHS Alumni Association Batch 1994 kasama ng QCSHS Supreme Student Government

S

bilang pangunahing bahagi ng kanilang Back to Give Back 25th Homecoming Anniversary ngayong taon. Ayon sa plano, kasama rin sa rehabilitasyon ang ginagawang Team Building Area na siyang katabi ng football field upang magamit ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura tulad na lamang ng MAPEH.

Matagal nang plano ang pagsasaayos ng field dahil na rin sa hindi magandang kalagayan nito. Bagamat nagagamit, madalas na nahaharap sa aksidente ang mga estudyanteng gumagamit nito dahil sa mabatong anyo at bumababang estado ng damo. Inumpisahang ayusin ang lupa ng field upang malagyan ng bagong damo, sunod namang la-lagyan

mat ang Team Building Area upang magamit ito ng mga magaaral nang walang disgrasyang nakaabang. Ikinagalak ng marami ang rehabiliitasyon ng field lalo na ng QCSHS Football Team dahil malaking tulong ito sa kanilang paghahanda at pageensayo para sa mga paligsahang kanilang sasalihan sa hinaharap. Matatapos ang football field na

sa pag-arangkada sa iba’t ibang larangan ng isports, partikular sa weightlifting, golf at skateboarding. Ilan lamang sila sa mga matagumpay na Pilipino sa ibang larangan ng isports. Ang karaniwang kwento ng mga tulad nila: rags to riches. Ito ay dahil nagiging normal na para sa mga atletang hindi basketball ang isport na hindi makatanggap ng suporta mula sa gobyerno. Bagamat nakapupukaw ng ispirasyon, hindi tamang doblehin ang hirap na dinaranas ng mga atletang Pilipino kung hindi naman kinakailangan. Ang atletang Pilipino na ipinadadala sa ibang bansa ay may karapatang makatanggap ng mga benepisyo o tulong upang lalo pa nilang mapaghusayan ang kanilang sarili sa kanilang gawain. Totoong Malaki ang ginagampanan ng basketball sa pagbubuklod ng Pilipinas. Subalit marapat nating bigyang atensyon ang mga isports kung saan maari pang umarangkada ang Pilipinas at suportahan ang mga delegadong may malaking pagkakataon na maiuwi ang kampeonato.

bahagi ng rehabilitasyon sa ikatlong linggo ng Disyembre taong 2019 ngunit hindi muna ito maaaring gamitin sa loob ng isang buwan upang payabungin ang mga bagong damong inilagay. Sa Abril ng susunod na taon, inaasahang matapos ang kabuoan ng rehabilitasyon k Umaasa ang Batch 1994 at SSG na mahalin at alagaan ng lahat ang bagong field upang mas matagal pang pakinabangan ng mga susunod na henerasyon na Scienitians.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.