KURIKULUM
IBALIK ANG HUSAY
Naglabas ng isang pinagkaisang pahayag ang Quezon City Science High School (QCSHS) sa pamumuno ng Supreme Student Government, QCSHS
Alumni Association Inc., General Parent-Teacher Association, at ng Coordinating Council of Campus Co-curricular Organizations ng paaralan ukol sa pagbabalik ng Regional
Science High School Curriculum para sa pagpapabuti ng kalidad at sistema ng edukasyon noong ika14 ng Marso 2022. ITULOY SA PAHINA 3
NATIONAL
Soriano, nakaharap si Sec. Briones TINGNAN SA PAHINA 6
BANYUHAY BAGONG ANYO NG BUHAY.
TOMO I | BLG XLVIII
SETYEMBRE-HUNYO 2022
OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG QUEZON CITY SCIENCE HIGH SCHOOL
I-access online ang pahayagan online
EDITORYAL
Tunay na kasagutan, hindi katatagan OPINYON
Bagong Pilipinas, Bagong Sumpa PAHINA 8
Nakapanlulumong katatagan lamang ang nagiging sagot ng bayan sa mga kontemporaryong isyu ukol sa sistema ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya na kaya namang paghandaan at sagutan ng mamamayan at pamahalaan. PAHINA 7
LATHALAIN
Edukasyong Para Sa Maralita PAHINA 10
PAGSUBOK AT KASAGUTAN sa ikalawang taon ng pakikipagsapalaran ng mga kabataan at ng ating bansa
AGHAM
Sa likod ng Atom: Mental Health Bot PAHINA 13
ISPORTS
Ang laban ni Hannah Belarmino sa mundo ng fencing Ito ay kwento ng pakikipaglaban. “I am not talented in fencing or any kind of physical activity. I was told several times that I don’t have coordination, I am very stiff, that I will not be a good fencer, not to include that I was a very sick child. The only thing I have is confidence and heart.” PAHINA 16
PAG-AARAL
[PAGLALARAWAN]
SERVER CONNECTING: SA PAGHAHANAP NG PAGKATUTO
Ang Online Learning Survey ay isinagawa simula ika-apat hanggang ikasampu ng Disyembre, taong 2021 (Dec. 4-10, 2021) at nangalap ng 349 na tugon (approx. 95% Confidence Interval at 5% Margin of Error) mula sa mga mag-aaral ng Quezon City Science High School. Ito ay upang malaman ang antas ng kanilang pagkatuto sa pagpasok ng ikalawang taon ng online class
QCSHS-SSG
balita.
Bagong Sistema, Hamon sa Kabataan: Isang mag-aaral mula sa Quezon City Science High School ang nagtatalumpati nagtatalumpati noong ika-9 ng Setyembre, 2021
Pahina 2
LARAWAN | CLARISSE ROMERO SALITA | SARAH NICOLE GATES
PAGSUBOK SA PAG-AARAL
55.8% ang hindi nakakaramdam ng academic ease
mula sa Online Learning Survey
ANG WAKAS NG PROBLEMA, ISANG BAGONG PAG-ASA Dain Dela Cruz
Nagsimula na ang bagong panuruan sa mga pampublikong paaralan sa bansa, kabilang na ang Mataas na Paaralang Pangagham ng Lungsod Quezon (QCSHS), nitong Setyembre 13, 2021. Pagkabukas ng bagong taong panuruang 2021-2022, iba’t ibang balakid sa ngayong blended learning ang bumungad sa mga estudyante ng nasabing paaralan. Ayon sa isang Online Learning Survey na isinagawa noong ika-apat ng Marso, 2021, umabot sa 55.8% ng mga estudyante ng (QCSHS) ang nakaramdam na walang academic ease sa taong panuruang 20202021, kung saan nagsimula ang new normal.
Nakakalap ang nasabing sarbey ng 349 na tugon mula sa nasabing paaralan, 21.8% dito ay mula sa ika-pitong baitang (76 na tugon); 8.9% ay mula sa ikawalong baitang (31 na tugon); 30.1% ay mula sa ika-siyam na baitang (105 na tugon); 8.9% ay mula sa ika-sampung baitang (31 na tugon); 25.8% ay mula sa ikalabing-isang baitang (90 na tugon); at 4.3% ay nagmula sa ikalabingdalawang baitang (15 na tugon). Ayon kay Christine Tan, estudyante ng nasabing paaralan, naging mahirap sa kanya ang pag-aaral dahil hindi naging handa ang mga estudyante sa mga pabiglang pagbabago sa paraan ng pagkatuto. “Naging mahirap
ang pagsubok na dinulot ng distance learning dahil napakaraming ginawang kompromiso at mga shortcut para madala ang edukasyon ng mga bata nang maayos,” ani Tan. Samantala, nakasaad din sa nasabing sarbey na 57.9% ng populasyon ng paaralan ang nagsasabing nakahihigit sa kanilang makakaya ang dami ng gawain na ibinibigay sa mga asignatura. Ito ay sa kabila ng anunsyo ng dating punongguro ng QCSHS, Gng. Remedios Danao. Dahil sa palalang sitwasyon ng kasalukuyang sistema ng edukasyon, nagsagawa ang Regional Office ng Department of Education (DepEd) ng School Safety Assessment Tool sa iilang
mga paaralan, kasama na ang QCSHS, upang makita kung pasok ang nasabing paaralan na magsagawa ng pilot limited face-toface classes. KOMPROMISADONG SOLUSYON, GALING SA MGA LOKAL Sinabi ni Regina Sibal, lead convenor ng education advocacy group na Aral Pilipinas, na, bukod sa mabagal na pagtugon, ang top-down approach ng gobyerno sa paggawa ng patakaran ay isa pang hadlang sa muling pagbubukas ng mga paaralan. Sinabi niya na ang gobyerno ay hindi dapat nagpapatupad ng “blanket rule” sa buong bansa. Kaya naman, nang lumipas ang ilang
buwan ay nagsagawa na ng School Safety Assessment Tool sa iilang mga paaralan, kasama ang Kisay. Batay sa pahayag ng ni Gng. Remedios Danao, pinili ng Regional Office ang nasabing paaralan at matapos nito ay napasailalim sa isang re-assessment ng DepEd National Capital Region (DepEd-NCR) para mas mapatunayan ang kakayahan at istruktura ng paaralan na magsagawa ng face-to-face classes. Naunang magkaroon ng pilot faceto-face classes ang mga estudyante ng QCSHS sa ika-11 at ika-12 baitang noong Disyembre 2021. Matapos ang ilang buwan, ay nagkaroon na ng pilot testing para sa face-to-face classes.
3 sa 5
sa mga mag-aaral ay nagsasabing natututo sila nang husto sa pakikinig sa klase habang nagtuturo ang guro sa Google Meet, Zoom, Edmodo, at iba pa. Malaking porsyento rin ng mga mag-aaral nagsasabing sakto lamang ang pagkaepektibo nito.
Banyuhay Balintataw 2022 Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo
56.4%
[LIKERT SCALE MULA 1 TO 5]
[PAGKUNSUMO SA GADYET]
MATAAS NA LEBEL NG PAGKATUTO
Mathematics & Numerical Based Subjects
Science Based & Research Subjects
Linguistics, Filipino & Communication Subjects
ng mga mag-aaral ang naglalaan ng lima hanggang walong oras sa harap ng kagamitang pagkatuto.
[GADGET TO STUDENT RATIO]
2:1
Ang 86% ng mag-aaral sa QCSHS ay may 2 gadget na ginagamit sa klase.
KURIKULUM
Scientian students, alumni, at magulang inihain ang pagbabalik ng RSHS curriculum Bienvenido Mendoza III
PARA SA DATOS NG SARBEY
Nagkaroon na rin ng ilang mga pagsusuri sa ating paaralan kung mapapayagang lumahok din ang mga Junior High School Students. Nakita natin ang ating bansang biglang bumagsak dahil sa pandemya, maraming naging biglaang solusyon at kompromiso sa iba’tibang sektor, kasama na ang ating sektor sa edukasyon. Sa patuloy na pagkalugmok ng ating bansa, patuloy pa rin tayo sa pinagsasapalaran ang kaligtasan ng mag aaral at kaguruan na mistulang nalalayo sa pagwawakas ng ating problema at ang inaasam na bagong pag-asang magsasalba sa krisis na ating kinakaharap.
Naglabas ng isang pinagkaisang pahayag ang Quezon City Science High School (QCSHS) sa pamumuno ng Supreme Student Government, QCSHS Alumni Association Inc., General ParentTeacher Association, at ng Coordinating Council of Campus Co-Curricular Organizations ng paaralan ukol sa pagbabalik ng Regional Science High School Curriculum para sa pagpapabuti ng kalidad at sistema ng edukasyon noong ika-14 ng Marso 2022. Sinang-ayunan ang pinagkaisang pahayag ng buong Supreme Student Government ng paaralan sa pamumuno ni Humphrey Soriano, kasama ng Quezon City Science High School Alumni Association Inc. sa pamumuno ng kanilang presidente na si Atty. Benjamin A. Moraleda Jr, General Parent-Teacher Association sa pamumuno ni Mrs. Jeanly Soriano, at ng lahat ng mga pinuno at tagapagsalita ng mga Coordinating Council of Campus Co-curricular Organization. Mula sa pahayag,
mababasa ang makabuluhang katagang, “We must remain critical and committed to ensure that the school fully maximizes our development as the next leaders of our world. Let this be our legacy and heritage. Together, we stand as one community, as one Scientian.” Sa muling pagbabalik ng paaralan tungo sa Regional Science High School Curriculum, inaasahan rin ang muling pagbabalik at pagpapatibay ng dating kadakilaan ng paaralan. Kinikilala ang Quezon City Science High School bilang ang Regional Science High School ng National Capital Region (NCR) na siyang isa sa mga kaunaunahang naipatayong Science High School sa bansa kasabay ng Manila at Philippine Science High School. Bilang kahanay ng mga prestihiyoso mataas na paaralan sa bansa, naiiba ang sistemang sinusunod nito sa kurikulum na naaayon bilang Regional Science High School Curriculum. Dulot ng mga pagbabago, iniangkop ng paaralan ang K-12 Curriculum
mula sa Kagawaran ng Edukasyon noong 2016. Kasabay nito, binansagan ang paaralan bilang ang kaisa-isahang Regional Science High School sa bansa na hindi nakaangkop sa Regional Science High School Curriculum kasabay ng paglipat nito tungo sa K-12 Program. Sa mga sumunod na taong panuruan matapos ang paglipat nito sa ilalim ng K-12 Curriculum, naranasan ng paaralan ang matindi at mabilisang pagbagsak ng mga naging resulta nito sa National Achievement Tests na isinasagawa kadataon upang masukat ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Naobserbahan din ang pagbaba ng passing rates ng mga mag-aaral ng paaralan sa iba’t ibang unibersidad sa bansa. Kinilala ang K-12 curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon matapos ang pormal na paglalagda ni Pangulong Benigno Aquino sa Enhanced Basic Education Act of 2013. Bahagi ng kurikulum ang iba’t ibang asignaturang makabuluhan at nararapat sa edukasyon ng bata
tulad ng Wika, Literatura, Komunikasyon, Matematika, Pilosopiya, at Natural at Panlipunang Agham. Ayon sa panig ng mga mag-aaral at guro, ang matinding kawalan ng pagsasanay at antas ng pagtuturo sa nasabing kurikulum ay lubhang malayo at hindi tutugma sa nararapat na maipamalas na kalidad ng edukasyon ng isang Regional Science High School. Sa kabilang banda, pinalolooban ang Regional Science High School Curriculum ng mga pagsasanay sa iba’t ibang asignatura kasama ng espesyalisasyon sa Agham at Matematika. Sumusunod ito sa isang-taong kurikulum na kung saan ang mga espesyalisadong asignatura ay kukunin ng mga mag-aaral para sa isang buong taong panuruan. Maraming magaaral ang pumapabor sa paraang ito kung ikukumpara sa K-12 Curriculum na nakabatay lamang sa mga ibinibigay at ipinapasang proyekto’t gawain.
I-scan para sa Facebook Post
ONLINE CLASSES
Bagong Taong Panuruan, Bagong Paraan: QCSHS ipinanukala ang Academic Ease Natalakay ni Dr. Remedios Danao sa pagbubukas ng paaralan at pagpasok ng bagong taong panuruan 2021-2022 ang planong pagpapadali at pagpapasimple sa mga gawaing... ITULOY SA PAHINA 5
KOLUM
RSHS CURRICULUM
BALIKURIKULUM Karel Ayesa & Marielle Labradores ITULOY SA PAHINA 8
4 | balita.
Banyuhay Balintataw 2022
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo
LARAWAN AT SALITA | SARAH NICOLE GATES
Station 2022: Isang pagpupulong ang pinangunahan ng Pangulo ng SSG na si Humphrey Soriano matapos ang ikalawang General Assembly noong ika-23 ng Pebrero, 2022. Pinapakita ng kasalukuyang QCSHS SSG President na si Humphrey Soriano ang kanilang mga natitirang plano para sa katapusang bahagi ng taong panuruan.
ONLINE CLASSES
QCSHS SSG, nagdaos ng ikalawang hybrid student body General Assembly Zamantha Pacariem
Nagsagawa ng ikalawang virtual General Assembly sa Zoom ang Quezon City Science High School Supreme Student Government (QCSHS SSG), na may temang “Station 2022”, noong ika-7 ng Abril, upang talakayin ang mga alalahanin ng mga estudyante mula junior hanggang senior high school. Matatandaang nagkaroon din ng pagtitipon noong Disyembre ng nakaraang taon para matugunan ang
parehong kadahilanan. Sa pamumuno ng pamahalaang pang mag-aaral, dinaluhan ng QCSHS Principal Gng. Carolyn Simon, iilang mga guro, mga CGL officers, at homeroom class presidents ang nasabing pagpupulong. Sinimulan ang mismong pagtitipon sa pagbabahagi ng mga CGL chairman ng bawat antas, ng mga saloobin at mga alalahanin na nais iparating ng mga estudyante mula sa kanilang lebel.
Karamihan sa mga Scientians ang naglabas ng kanilang mga hinanaing ukol sa mga mabibigat na takdang araling, maraming pangkatang gawain, at maiikling oras para tapusin ang lahat ng ito. Sinagot naman isa-isa ni Principal Simon ang mga alalahanin ng bawat antas at aniya, sinabihan na niya umano ang mga guro na bawasan ang pagbibigay ng mga gawain. Binigyang diin din niya na hindi talaga
LARAWAN | COLE SANCHEZ
HATID AY PAG-ASA 54th Foundation Anniversary ng QCSHS, matagumpay na naidaos Zamantha Pacariem
Matagumpay na naipagdiwang ang ika-54 na anibersaryo ng Quezon City Science High School (QCSHS), sa pangunguna ng Quezon City Science
maiiwasan ang marami at mahihirap na mga takda sapagkat isang science high school ang paaralan. Pinayuhan naman niya ang mga estudyante na patuloy lamang makipag ugnayan sa kanilang mga guro, lalo na at online modality ang ginagamit ng nakakarami. Pinasadahan din ni Gng. Simon ang tungkol sa mga alituntunin at posibleng ganapin sa face-toface classes ngayong taon ng panuruan. Pahayag niya,
High School Supreme Student Government (QCSHS SSG) at ng Quesci Agapay, na may temang “Royal Revolution: The Rise of Scientians in Challenging the Status Quo” noong ika-17 ng Sityembre ng nakaraang taon. Naglunsad ang mga ito ng fundraisers, sa pamamagitan ng battle of the bands na may temang “Maharlica: Sa hiwaga ng musica”, music festival at E-sports tournament ng Valorant at Call of Duty. Sa kabuuan, umabot ng 12,628 piso ang nakalap sa fundraisers, 10,628 piso sa donation
matutuloy ang faceto-face classes ng senior high hanggang matapos ang school year, maliban na lamang kung baguhin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga guidelines nito. Kaugnay nito, maari rin umano na magkaroon ng faceto-face graduation kung ang alert level ay mananatili sa level 1, sa katapusan ng school year. May posibilidad din daw na magkaroon ng face-to-face classes ang mga mag-aaral ng junior high school ngayong Mayo. Klinaro niya na ang pakikilahok sa face-to-face classes ay boluntaryo lamang at ang binibigyang prioridad ay ang mga fully vaccinated at walang comorbidity na
drives, tatlong libong piso sa E-sports, at 116,000 mula sa sponsors. Ang mga nalikom ay naibahagi sa mga field workers ng paaralan na kasalukuyang “no work, no pay” dahil sa pandemya, sa pamamagitan ng groceries, at o di naman kaya ay cash. Pinasinayahan din ng SSG ang isang Tiktok competition na may layuning ihayag ang “lifestyle & culture” ng isang Scientian. Samantala, bilang handog naman sa anibersaryo ng paaralan, ang Opisyal na Pamahayagang Filipino ng eskwelahan,
estudyante. Nilinaw niya na kung ang estudyante na nag face-to-face ay magkakaroon ng COVID, walang pondo ang paaralan, at walang probisyon na ibinigay ang Department of Education (DEPED) para sa mga ganitong sitwasyon. Ngunit, sinigurado naman niya na wala pang estudyante na nakilahok sa face-toface ang nagpositibo at ang paaralan ay dinidisinfect dalawang beses sa isang linggo. Tumagal ang pagtitipon ng kulangkulang dalawang oras, at natapos ito sa pagtitiyak ni Gng. Simon na nakikinig ang administrasyon sa mga saloobin ng bawat lebel, at sinusubukan nilang mapabuti ang pag-aaral ng mga estudyante sa paaralan.
ang Banyuhay ay naglunsad ng isang programa na may temang “Hiyas 2021: A scientian Vodcast”. Makikita kung papaano inihanda ng SSG at CGL ang mga palatuntunan para sa anibersaryo ng paaralan, sa programang ito. Masasaksihan din muli ang mga tugtugan ng mga banda nanakilahok sa Maharlica, at kwento ng pagwawagi ng bandang DOUBLETHINK at WASAB1 Nagtapos naman ang selebrasyon sa paghahatid kasiyahan at tawanan ng Hiyas Vodcast.
balita. | 5
Banyuhay Balintataw 2022 Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo KATULOY
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
CLUBS
QCSHS QUEENDOM ipinanukala 2021 ang Academic QCSHS-SSG, nagdaos ng kauna-unahang ‘virtual Ease organization fair and mula sa pahina 3
Bienvenido Mendoza III
...sa mga gawaing ipamimigay sa mga estudyante upang makapagbigay daan para sa isang progresibo at sensitibong pag-aaral. Inihain ang planong Academic Ease bilang tugon sa mga naging resulta ng mga sarbey na isinigawa ng paaralan noong nakaraang taong panuruan. Ayon kay Franz Ashley Elenore Garcia, isang mag-aaral mula sa ika-10 na baitang, “When I first heard about the plan of lessening and simplifying our activities, it was an immediate relief for our side as students due to the fact that we would enter another school year under the Blended Learning Modality because of the pandemic.” Bukod rito, mananatili umano ang Integrative Project Assessment (IPA) ng mga estudyante sa kabila ng planong ito. Iginiit na maaari pa rin ipamahala ito sa asignaturang ang mga aralin ay konektado at nakahanay. Patuloy namang naging positibo ang mga naging pananaw ng karamihan ukol sa naging epekto ng proyekto sa pagpapatuloy ng taong panuruan dulot ng mga naging litaw at magandang pagbabago ng naging resulta ng taong panuruang ito kaysa sa naging daloy ng pagbibigay ng gawain noong unang taon sa ilalim ng Blended Learning Modality. Dahil sa mahirap na pagbabago noong nakaraang taong panuruan, karamihan sa mga mag-aaral ay sumasang-ayon sa pagpapatuloy ng proyektong ito ng administrasyon. Nabigyang tuon ng karamihan sa mga estudyante ang kanilang atensyon tungo sa pagaaral at pamamahala ng kanilang pang-arawaraw na gawain kaysa sa pagtuon lamang sa pagtapos at pagpasa ng mga gawain dulot ng pagpapadali at pagpapasimple ng mga gawain.
involvement week’ Alice Canta
Nagpasimula ng isang bitwal na organization fair at involvement week para sa mga iba’t ibang clubs ang Supreme Student Government (SSG) ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) nitong Setyembre 24, 2021. Inihandog ito ng QCSHS SSG bilang alternatibo sa noo’y face-to-face involvement week matapos lumipat sa blended learning ang nasabing paaralan dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Nahahati ang mga lumahok na club sa anim na sektor; Academic,
Performing Arts, Sports, Media and Publications, Analysis and Discourse, at Faith and Advocacy. Nagbigay ng kani-kanilang registration forms at registration deadlines ang nasabing clubs sa isang Facebook post ng QCSHS-SSG. Layunin ng mga nabanggit na clubs na mabigyan ng oportunidad ang mga Scientian na magpatuloy sa pagpapahasa ng kanilang mga kakayahan at magawa ang mga bagay na nakapupukaw sa kanilang mga interes sa kabila ng hirap na dinadanas ng mga ito sa gitna ng pandemyang COVID-19.
LARAWAN | JAYSON ZABALA SALITA | SARAH NICOLE GATES
“
I have accepted the challenge
BAGONG PINUNO, BAGONG KISAY
Carolyn C. Simon Principal
Shalleah Pingol
Nagsimula na, at patuloy sa serbisyo ang bagong punongguro ng Quezon City Science High School (QCSHS) na si Gng. Carolyn C. Simon noong Enero 7, 2022 matapos ang ginanap na turn-over ceremony nila ni Gng. Remedios P. Danao, dating punongguro ng Kisay, sa QCSHS Conference Hall noong Enero 6, 2022. Dinaluhan ang nasabing seremonya ng Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) Engr. Marc Voltaire Padilla, representative ng Commission
on Audit, staff at administrative officer ng Division Office, Camp General Emilio Aguinaldo High School staff at faculty, kasama ng mga kaguruan, mga magulang, at mag-aaral ng QCSHS. “I have accepted the challenge,” hudyat ni Simon sa kanyang pormal na pagsisimula sa panunungkulan Dagdag pa niya, “I know, deep in my heart, that I have a lot of big things and big giants to face here in this school”, pagbibigay-diin ni Simon habang humihiling at nananalangin ng gabay sa
Maykapal. Ibinahagi ng mga miyembro ng QCSHS stakeholders ang kanilang suporta sa bagong administrasyon, nang hingin ni Simon ang suporta mula sa buong Scientian Community. “To Maam Simon, I hope that we can smile together, laugh together and cry together. As we like to say in the SSG, in our continuous pursuit of Scientian excellence,” pagpapaunlak ni QCSHS SSG President Humphrey Soriano. Samantalang
ONLINE CLASSES
Reste Forte, Tabang Agapay: mahigit P270,000 nalikom ng Quesci Agapay Zamantha Pacariem
Sa ilalim ng mga proyektong, “Tabang Agapay”, at “Reste Forte”, nasa mahigit 270,000 piso ang nakalap ng Quesci Agapay, sa pamumuno ng Quezon City Science
High School Supreme Student Government ngayong taong panuruan, bilang lingap kay Ginang Sheryl Verdadero at tulong sa mga nasalanta ng Super Typhoon Odette. Nagsagawa
ang Quesci Agapay ng donation drive na may temang “Reste Forte” upang damayan si Ginang Sheryl Verdadero para sa kanyang operasyon dahil sa aneurysm na matagumpay na
ipinahayag naman ng outgoing principal na si Dr. Remedios Danao ang kanyang pasasalamat sa pagtatapos ng kaniyang pamumuno sa Kisay. “I’m very much honored to be the principal of Quezon City Science High School for more than two years when during the pandemic strike the country and the whole world,” ani niya. Umaasa rin siya sa patuloy na paghakot ng Kisay sa mga parangal. Kasalukuyang punongguro si Gng. Danao sa Quirino High School.
naisagawa noong ika-30 ng Mayo. Samantala, nakapaghatid tulong din ang QueSci Agapay sa mga biktima ng Super Typhoon Odette noong Disyembre ng nakaraang taon, sa pamamagitan ng proyektong “Tabang Agapay” na nakalikom ng mahigit 29,000 piso. Ang perang nalikom ay ibinili naman ng 4,824 na bote ng tubig, na ipinaabot ng mga volunteers ng Tabang Agapay sa LeniKiko2022 Volunteer Center, kung saan ipapamahagi nila ito sa mga evacuation centers.
Ayon kay Supreme Student Government Secretary at Tabang Agapay Volunteer Cole Matthew Sanchez, “Well it’s fulfilling na kahit at a young age very aware na kami sa nangyayari sa community and na we use the resources we have to help out different people.” Patuloy naman ang mga proyekto ng QueSci Agapay upang magbigyang agapay, hindi lamang sa Scientian community, kung hindi ay pati na rin sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.
6 | balita. Banyuhay Balintataw 2022
Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo
Batch ‘27 Meet-Up: Isang pagtatanghal ng mga mag-aaral ng Quezon City Science High School ang nakuhanan sa loob ng School Gymnasium noong ika-14 ng Mayo, 2022.
PAGSASAMA GRADE 7 SCIENTIANS, NAGTIPON SA QCSHS GYMNASIUM JB Flores
LARAWAN | SARAH NICOLE GATES SALITA | SARAH NICOLE GATES
Idinaos ng mga estudyante sa ika-pitong baitang ang “QCSHS Freshmen Grand Meetup” noong Mayo 14, ikawalo ng umaga nang magkaroon sila ng munting pagbati sa bawat isa bago matapos ang taong panuruan. Nagsimula ang pagtitipon sa pamamagitan ng pagparada ng bawat seksyon papunta sa gymnasium ng paaralan na pinilahan ng mahigit kumulang 300 mag-aaral kasama
PAG-AARAL
Saang unibersidad ka? Humphrey Soriano
Isang pag-aaral sa nais patunguhang kolehiyo ng mga magsisipagtapos na mga Scientians
83.4%
UP
48.1%
ADMU
45.4%
UST
32%
DLSU
*Isinagawa sa 259 na mga magaaral sa ika-12 baitang
na ang kanilang mga magulang. Malugod na binuksan ang pagtitipon ng tagapangulo ng Grade 7 Level Parent-Teachers Association (LPTA) na si Gng. Lira Riduca sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng pambungad na pananalita. Kasunod nito, nagbigay rin ng mensahe si Gng. Carolyn Simon, punong guro ng QCSHS, upang pangunahan ang selebrasyon ng makabuluhang pananalita, “Karangalan
ko ngayon na makita kayong lahat sa unang pagkakataon.” Pagkatapos, nagpresenta ang bawat seksyon ng kanilang iba’t-ibang cheerings o chant upang ipakilala ang kanilang seksyon at magbigay buhay sa kanilang mga kamagaral. Nagpakita naman ang mga estudyante mula sa seksyon ng Campos at Alcala ng kanilang intermission number. Pinarangalan ang mga nakilahok at mga nanalo sa paggawa ng logo para sa mga
batch shirts at mugs, pati na rin ang mga nanalong seksyon para sa kanilang cheer. Itinanghal ang Zara bilang kampeon, kasunod ang Almeda at Biyo. Nagkaroon din ng palaro at raffle ang nasabing pagtitipon. Natapos ang programa nang matiwasay sa loob ng kani-kanilang silid aralan kung saan nagkaroon ng salu salo matapos ang pangwakas na mensahe ng Grade 7 Coordinator na si Sir Christopher Pabona.
Engagement cum Conversation with Sec. Liling: Matagumpay na dumalo ang QC Federation President at NCR Regional Federation SSG Vice President na si Humphrey Soriano noong nakaraang ika-23 ng Disyembre sa Rizal High School. ONLINE CLASSES
Soriano, nakaharap si Sec. Briones Xavier Son
Nagpahayag ng mga suhestyon, karanasan, at kuro-kuro ang tagapangulo ng Quezon City Science HIgh School Supreme Student Government (QCSHS SSG), Quezon City Division
Federation SSG President at ikalawang pangulo ng NCR Regional Federation SSG na si Humphrey Soriano matapos makipagpulong sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Leonor Magtolis Briones sa
LARAWAN | DEPED PHILIPPINES SALITA | HUMPHREY SORIANO
Rizal High School, ika23 ng Disyembre. Dinaluhan ang pagpupulong ng iba’t-ibang kawanihan ng pambansang sangay ng kagawaran
kasama na rin ang mga mag-aaral, guro at punongguro mula sa 16 na dibisyon sa Metro Manila. Sumentro ang naging pagpupulong
sa kasalukuyang implementasyon ng blended learning. Natapos ang pagpupulong sa pagbibigay ng komento ng kalihim.
PATNUGUTAN
7
EDITORYAL.
DIBUHO John Aldrick Operario
Banyuhay Balintataw 2022 Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo Punong Patnugot
John Benidick Flores Kapatnugot
Sarah Nicole Gates Janah Vianca Cruz Tagapamahalang Patnugot
Kyla Louise Ramos Jeschel Jhoie Nava
Tunay na Kasagutan,
Hindi Katatagan! agan!
Balita
Alice Angela Canta Opinyon
Hannah Rei Casing Lathalain
Jeschel Nava Isports
Yvo Gabriel Asis Dibuho
John Aldrick Operario Lauren Juliana Sison Jeanelyn Gonzales Larawan
Beatrice Santos Manunulat
Bienvenido Mendoza III Elie Batisil Zandra Cherivias Romer Gonzales Fatima San jose Dain Dela Cruz Zamantha Pacariem Shalleah Pingol Jodie Morales Karel Panghulan Marielle Labradores Jenna Crame Denise Grabillo Lovely Gagante Kyla Ramos Jeanelyn Gonzales Lean Santillan Dominique Ignacio Drex Santos Elisha Umali Jiana Tamayo William Pineda Mikey Atabay Franz Garcia
Konsultant
Humphrey Soriano
Gurong Tagapayo
Gng. Elsa Villar Departamento ng Filipino
Gng. Neltissa De Villa Punongguro
Gng. Carolyn Simon
I-access online ang pahayagan online
Nakapanlulumong katatagan lamang ang nagiging sagot ng bayan sa mga kontemporaryong isyu ukol sa sistema ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya na kaya namang paghandaan at sagutan ng mamamayan at pamahalaan. Naging malakas na panawagan na ng iba-ibang mga sektor ng lipunan ang problema sa edukasyon at sistema nito ngayong panahon ng pandemya. Pinangunahan ng iba’t ibang mga kilusan ang panawagan sa ligtas na balik eskwela nitong panahon ng pandemya tulad ng Rise for Education, High School Editors League of the Philippines, College Editors League of the Philippines, at Science Editors League of the Philippines. Nakalulungkot na sa ikalawang taon ng panuruan sa Pilipinas sa gitna ng pandemya ay nakikitang hindi pa talaga nabibigyang halaga ng pamahalaan ang edukasyon para sa ligtas at kalidad na pagkatuto ng kabataan. Pawang pagsunod lamang ang tanging magagawa ng kabataan para sa kanilang kaunlaran buhat ng balikong solusyon ng pamahalaan. Simula pa lamang ng pandemya ay nakikitaan na ng mga butas sa pamamalakad ang administrasyong Duterte lalo na sa usaping edukasyon. Maaalala na ang Pilipinas ay nagsimula ng kanilang pagbabalik sa edukasyon noong buwan ng Oktubre, 2020 – ‘di hamak na sobrang nahuhuli sa kalendaryo ng edukasyon ng ibang bansa. Sa kabila ng nahuling iskedyul para isulong ang pag-aaral ng kabataan, pinili rin ng
PANATA
BANYUHAY SA IKA-48 TAON NG PAMAMAHAYAG
pamahalaan na unahin ang iba-ibang mga proyektong pang-imprastraktura at pangekonomiya. Buhat nito, lumala pa lalo ang problema sa edukasyon ng bansa. Isa sa mga ibinunga ng mga aksiyong ito ay ang kakulangan ng tamang kaalaman ng mga guro sa paggamit ng online platforms para sa kanilang pagtuturo. Sa naganap na pangkalahatang pagpupulong ng Quezon City Science High School-Supreme Student Government (QCSHS-SSG) kasama ang mga opisyales ng bawat baitang at bawat klase, nailatag ng ibang mga estudyante ang kakulangan ng kaalaman ng ibang mga guro sa teknolohiya na siyang nakapagpapahirap sa kanila upang tuluyang matuto. Buhat ng biglaang paglipat ng midyum ng pagkatuto sa online setup, nahihirapan ang ibang magagaling na mga guro na makapagturo. Nakararanas din ng kakulangan sa gamit panturo ang ibang mga guro lalo na sa pang-data o di kaya’y internet. Isa pa ay ang tambak na gawain at marahas na iskedyul ng mga estudyante. Noong ika-9 ng Setyembre 2021 ay nagkaroon ng oryentasyon ang QCSHS para sa kanilang darating na pasukan. Kaugnay nito, isinaad ng dating Principal ng QCSHS, Dr. Remedios P. Danao, na magkakaroon ng bawas na gawain ang mga mag-aaral upang makatulong sa mga guro at mag-aaral. Sa kabila nito ay nagkaroon pa rin ng panawagan ang mga estudyante buhat ng araw-araw na synchronous classes na may kakaunting pahinga sa pagitan ng mga klase. “Masyadong kakaunti ang oras upang
gawin ang asynchronous na mga gawain,” ang naging tugon ng mga estudyante sa panawagang ito. Maaaring maagap na nasagutan ng administrasyon at SSG ng QCSHS ang problemang ito, ngunit kung iisipin ay hindi lamang ito ang tanging paaralan na may ganitong isyu. Noong
“
Kung kaya, sa patuloy na sistemang pangedukasyon ng bansa, madaming Pilipinong estudyante ang nananawagan ng tunay na kasagutan. nakaraan lamang ay kumalat ang isyu ng 10 estudyanteng nagpakamatay sa paaralan ng Saint Louis University (SLU). Nagpatiwakal ang 10 estudyanteng ito buhat ng marahas na iskedyul sa kanilang klase at malalang pang-akademikong mga gawain. Nakapanggagalit sapagkat mataas ang ekspektasyon ng pamahalaan sa kabataan sa usaping edukasyon ngunit wala man lamang suportang natatanggap mula sa nasyonal na pamahalaan. Sa katunayan, ayon sa pag-aaral ng American Psychological Association (APA), 81 porsyento ng mga mag-aaral ang nakararanas
bn+yuhy+ [ BANYUHAY ]
BAGONG ANYO NG BUHAY
ng hindi maayos na estadong pangsikolohikal ngayong panahon ng pandemya. Walang tulong mula sa pamahalaan ang narinig upang tugunan ang isyung sikolohikal ng kabataan. Nakikita na sa kasalukuyan, malaki ang butas sa sistemang edukasyon ng bansa. Mula sa mga estudyante, sa kaguruan, pasilidad, hanggang sa kagamitan ay nahihirapan ang mga Pilipino na patuloy na maging matatag sa wasak na sistema ng pamahalaan. Hindi na sapat ang katatagan upang patuloy na umayos ang sistemang edukasyon ng bansa. Magandang aksiyon kung patuloy na isusulong ng pamahalaan ang ligtas balik eskwela. Maaari ring paigtingin pa ang kaaalaman ng mga guro sa mga kagamitang may kinalaman sa teknolohiya. Isang matalinong hakbang din kung itataas ang estado ng pagkatuto ng kabataan kung may sapat na oras upang gawin ang mga takdang gawain. Nararapat ding paigtingin ang maayos at ligtas na balik eskwela ng mga mag-aaral. Bilang rekomendasyon, maaaring maging mapanghikayat ang pamahalaan sa kalidad na edukasyon kung patuloy na pagtutuunan ito ng pansin at bibigyan ng nararapat na alokasyon ng pondo ang sektor na ito. Sa huli, kung patuloy na ipipilit ng pamahalaan ang katatagan na maging solusyon sa akademikong problema ng bansa ay walang patutunguhan ang mga kabataan. Sapagkat ang tunay na kasagutan ay maayos na pamamalakad na nanghihikayat ng dekalidad na edukasyon at hindi katatagan ng buong nasyon.
Kami ay tumitindig para sa kapayapaan, kaunlaran at katarungan.
Kami ay tumitindig para sa bayan tungo sa bagong anyo ng buhay.
8 | opinyon.
Banyuhay Balintataw 2022
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo
RSHS CURRICULUM
BALIKURIKULUM Karel Ayesa & Marielle Labradores
Noong ika-14 ng Marso taong 2022, tumindig ang Supreme Student Government (SSG) ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) kasama ng alumni, GPTA, at 25 clubs sa layong pagpapanumbalik ng Regional Science High School (RSHS) kurikulum sa QCSHS. Matapos ito ng emerhensiyang pangkalahatang pagpupulong na ginanap noong ika-3 ng Marso taong 2022. Pinagusapan dito ng mga presidente at bise presidente ng bawat klase at ang kani-kanilang opisyal mula SSG-CGL ang kahalagahan ng naturang kurikulum sa nabanggit na paaralan. Sumasang-ayon kami sa pagkasang muli ng kurikulum para sa RSHS na siyang magsisilbing pangunahing sandata ng QCSHS at magpapatibay ng pundasyon ng pagiging isang Scientian. Simula’t sapul pa ng inagurasyon ng QCSHS noong 1967, may layunin na ang eskwelahan na maging daan sa napakaraming oportunidad sa mga estudyanteng interesado sa disiplina ng agham, sipnayan, at teknolohiya. Ayon kay Bb. Mildred Legaspi, ang QCSHS ay produkto ng ideya ng dating Division Science Supervisor Gng. Hermenhilida Margate na magkaroon ng isang natatanging mataas na paaralang pang-agham. Labimpitong (17) taon matapos ang
naturang deklarasyon ng pagiging RSHS ng QCSHS noong 1999, inihalaw ng pakultad ng institusyon noong 2016 ang kurikulum nito sa K to 12 program. Bilang resulta, hindi na napangatawanan ng QCSHS ang titulo nito bilang RSHS ng National Capital Region. Hindi na nito nabibigyang-pansin ang mga sangay sa ilalim ng agham at sipnayan na siyang parte sana ng layunin nito. Ayon pa sa ulat ng QCSHS SSG, ang QCSHS ang natatanging science high school na sumunod sa kurikulum ng K to 12 kung kaya wala nang pinagkaiba ang itinuturo ng eskwelahan sa pinag-aaralan ng mga estudyante sa pampublikong paaralan. Kung iisipin, kaydaling ipanukala ang pagpapanumbalik ng dating kurikulum ngunit mahirap itong gawin. Hindi mabilis ang proseso ng paglagda rito lalo na’t nakasanayan na ng eskwelahan ang pagsunod dito. Bilang tugon sa suliraning ito, kasama sa mga iminungkahi sa kinauukulan ang pagpapatupad ng naturang kurikulum sa darating na batch ng ika-pitong baitang. Sa pamamagitan noon, maibibigay sa mga batang mag-aaral ang suplemental na kaalaman sa unang taon nila sa hayskul nang ‘di naaantala ang sistema sa mga mas
nakatataas ang lebel sa edukasyon Mabibigyang muli ng “Scientian advantage” ang mga darating na henerasyon ng mga mag-aaral sa QCSHS na siyang naglaho nang tumalima ang paaralan sa kurikulum na ginagamit ng general public high school. Sa kasalukuyan, bumaba ang bilang ng mga nakapapasa mula QCSHS sa mga admisyon pakolehiyo, nang may diin sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Makikinita ring dumadaan pa sa distrito at dibisyong antas ng mga patimpalak ang mga Scientian at ang tunay na magagaling lamang ang nakararating sa rehiyonal, nasyonal, at internasyonal na pamantayan. Ibang-iba ito sa dating kalagayan ng mga Scientian na ayon sa isang guro sa sipnayang naglingkod sa QCSHS mula 1986, higit sa 80 porsiyento ang passing rate ng mga Scientian sa UP noon at ang natitira ay nasa waiting list pa. Kung babagsak man ang numero ng mga mag-aaral mula QCSHS na makapapasok sa UP ay kakaunti lamang ang nababawas. Sa pag-alala niya, walang review center noon sa UP College Admission Test (UPCAT) ngunit nakapapasa pa rin ang kanyang mga estudyante. Kinumpirma pa ng isang nagsilbi sa QCSHS bilang guro sa Ingles mula 2005 na kadalasan ay nag-uuwi ng gintong medalya ang mga Scientian noon at dumidiretso na sila sa rehiyonal at nasyonal na antas ng mga kompetisyon. Bukod sa pagkawala ng mga pribiliheyong nabanggit, nagkaroon pa ng masamang epekto sa mga Scientian ang patong-patong na gawaing ibinibigay sa ilalim ng kurikulum na Kto12. Naisasakripisyo na ang kalusugan ng mga bata at umaabot pa sa puntong nananawagan sila ng “academic ease.” Ang mahirap doon, patuloy na inoobserbahan sa naturang eskwelahan ang mataas na pamantayang inaasahan pa rin sa isang mag-aaral ng isang rehiyonal na paaralang pang-agham. Dahil dito, wala nang natututunan ang mga estudyante sa kanilang mga aralin dahil mas binibigyan nila ng atensyon ang pagkamit ng matataas na marka. Oras na upang tugunan ang krisis na dulot ng pagpapatupad ng kurikulum ayon sa K to 12 Basic Education Program na hindi naaangkop sa isang regional science high school. Pakinggan na sana ang matagal nang panawagan ng komunidad ng QCSHS upang mapanumbalik ang kagalingan nito sa akademya. Pakatatandaan sanang ‘di kasagutan ang pagtalima sa nakasanayan ng iba kung kinabukasan ng mga mag-aaral ng agham at sipnayan ang nakataya.
ELEKSYON
BAGONG PILIPINAS
BAGONG SUMPA Lovely Gagante & Kyla Ramos
Igalang ang pasya ng mayorya ngunit hindi palaging nangangahulugang ang mayorya ang tama. Nabigyang boses ang milyonmilyong Pilipino noong ika-9 ng Mayo 2022 upang maghalal ng mga bagong mamumuno sa Pilipinas. Ngunit
dahil sa pandemya, nagkaroon ng mga pagbabago sa eleksyon ngayon. Ayon sa mga ulat, maraming naitalang insidente ng irregularidad ngayong halalan kumpara noon: mula sa bilangan, pagtransmit, hanggang sa resultang inilabas ng Commission on
BALIK ARAL
KALIGIRANG PANGKAS
QUEZON CITY SC 1967 Pagbubukas ng Kisay bilang paaralang pang-agham ng Lungsod Quezon
S
opinyon. | 9
Banyuhay Balintataw 2022 Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
( booster ) DIBUHO John Aldrick Operario
G Elections (COMELEC) na talagang nakaaalarma. Ani pa ni COMELEC Commissioner George Garcia ay normal ang mga nangyaring insidente. Ngunit malinaw na hindi naging maayos ang proseso ng botohan bunsod ng mga naiulat na
pandaraya sa loob ng mga presinto. Tulad ng ‘manufactured electoral victory’ ng tambalang MarcosDuterte. Nagkaroon din ng kaliwa’t kanang pagpalya ng mga vote counting machines (VCM). Sa kabila ng mga ito, umabot sa 98.32% ang mga presintong nakapagtala ng mga boto. Tinatayang 31 milyong boto (58.7%), ang nakuha ni Ferdinand Marcos Jr. Higit pa ito sa doble ng sumunod sa kaniya na si Leni Robredo na may 14.8 milyong boto (28%). Bunsod nito, inihayag ni AFP spokesperson Army Col. Zagala noong ika-9 ng Mayo na matagumpay ang halalan at ‘generally peaceful’ sa kabila ng mga reklamo sa bansa. Hindi natin maitatangi ang mga anomalyang nangyari. Bago pa man ang eleksyon ay nagkaroon na ng problema sa kawalan ng transparency sa pag-imprenta ng mga balota at configuration ng Secure Digital (SD) cards na ating ginamit. Dagdag mo pa ang lantarang pagbebenta ng mga boto, malawakang red-tagging, at iba pang propaganda na pinakinabangan ng tambalang MarcosDuterte. Mahihinuha rin ang hindi kaayaayang gawi sa botohan na siyang pinagkadismayahan ng maraming kabataan, pati na
ng mga mag-aaral sa Quezon City Science High School. Marami sa mga ito ang sumama sa kilusan at panawagan ng pagkadismaya sa naging resulta ng halalan. Bilang Scientian, masasabi kong lubos na nakatulong ang mga leksyon sa Araling Panlipunan, sapagkat hindi hinayaan ng mga guro na mabasura ang kasaysayan at tuluyang makalimutan ang karimarimarim na nakaraan. Dagdag pa rito, lalo lamang pinatunayan ng eleksyon ang patuloy na laban ng maraming tao ang problema sa sistema pangedukasyon ng bansa. Ayon sa pananaliksik ng Far Eastern University Public Policy Center (FPPC), mayroong “little to no discussion” ang mga librong Araling Panlipunan sa elementarya tungkol sa 20 taon pang-aabuso ng dating diktador na Marcos. Ayon kay Jamica Ignacio, isang guro sa Araling Panlipunan, kung maibabalik sa junior high school ang pagaaral ng kasaysayan ng Pilipinas, mahuhubog nito ang kritikal na pagiisip ng mga Pilipino lalo na’t mabilis ang paglaganap ngayon ng fake news. Sapagkat, kaayusan at katotohanan ang magpapaikot sa bayan kung pundasyon sa kaalaman sa kasaysayan ay
matibay. “Tapos na.” “May nanalo na.” “Respeto na lang sa naging desisyon ng taumbayan.” Maaaring matagumpay ang naganap na eleksyon dahil naisagawa ito sa gitna ng pandemya, ngunit hindi ito natatapos dito. Hindi naging sistematiko ang eleksyon dahil sa samu’t saring aberya, hindi rin naging malinis ang nangyaring botohan. Higit sa lahat, muling nakabalik sa Malacañang ang pamilyang nagpalaganap ng diktadura. Igagalang ngunit hindi kukunsintihin. Rerespetuhin ngunit hindi sasambahin. Bilang Pilipino ay nararapat nating gampanin ang tungkuling maging mulat at mabigyang kaalaman ang iba. Buong tapang na lumaban upang hindi na muling mangyari ang sumpa ng nakaraan. Nanalo man ang sinusuportahang kandidato o hindi, nawa’y manaig pa rin ang pagmamahal, sapagkat mas radikal ang magmahal. Huwag matakot tumindig kung alam mong nasa tama ka. Sapagkat sa huli, katotohanan ang mananaig. Kapag tumindig ka, siguradong mayroon ding titindig kasama mo. Hindi tayo nagiisa sa labang ito — ang laban tungo sa kaunlaran ng Pilipinas at ng buong sambayanang Pilipino.
BANYU
SAYSAYAN NG BATAYANG KURIKULUMHAYST! NG
CIENCE HIGH SCHOOL
Pagtatalaga bilang Regional Science High School for NCR
1999
2016
Pagbuo ng panawagan sa pagbabalik ng RSHS Curriculum
Paglipat sa K-12 Curriculum sa panahon ni Gng. Edna Bañaga
2022John Aldrick Operario DIBUHO
shots
FIRED!
DIBUHO Remar Catapang
BASAHIN ONLINE!
I-scan ang QR code gamit ang iyong mobile phone APOLITIKAL
WALANG PUWANG ANG PANANAHIMIK! Tiyak na narinig mo na ito. Dalawang tao na pinagtatalunan ang mga merito ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo nang ang pangatlo ay nagsalita: “Alam mo — hindi talaga ako nakakasabay sa balita. Ito ay napakanegatibo at masyadong nakaka-stress. At pulitika? Iniiwasan ko lang at mas masaya ako dahil doon.” PAMUMUNO
AKSYON HIGIT SA POSISYON Sa isang komunidad, hindi maikakaila ang kahalagahan ng mabuting pamamalakad ng namumuno. Mula sa mga pangkatang gawain, class officers, at student government sa isang paaralan, hanggang sa mga opisyal ng gobyerno sa isang bansa, makikita natin kung paano nakaaapekto ang kalidad at karakter ng lider sa mga nakapaligid sa kanya.
EDUKASYONG PINAGKAIT
SA MARALITA Mikee Atabay
Kahirapan. Kakulangan. Karalitaan. Malubhang rason kapalit ang magandang edukasyon. Maraming naitalang datos noong nagdaang taon na nagpapahayag kung ilang porsyento ng mga estudyante ang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pangangailangan na mas lalong pinalala ng pandemya. Nang dahil sa lockdown, sari-saring pagbabago ang ating naranasan kasama na rin ang pamumuhay at ang edukasyon. Nagliyab ang paggamit ng teknolohiya dahil sa pandemya ngunit hindi ibig sabihin na lahat ay may kakayahan o tyansang makagamit nito. Sa kadahilanang gusto ng mga kabataang ipagpatuloy ang pag-aaral kahit may mga hadlang, ang Department of Education (DepEd) ay gumawa ng paraan sa pamamagitan ng iba’t ibang sistema. Ilan na roon ang Blended Learning, Modular, at Online Class (OLC). Sa pamamagitan ng OLC, kailangan ng gadget at maayos na internet para makapag-aral at ang Modular naman ay sa pamamagitan ng printed modules samantalang ang Blended ay pinagsamang OLC at Modular. Sa mga liblib na pook sa Pilipinas, ang koneksyon sa internet ay mahina at ang iba pa nga ay walang-wala talaga. Ito ay isang hadlang sa OLC sapagkat para maging malinaw at tuloy-tuloy ang lektura ng mga guro, nangangailangan ito ng malakas at matatag na koneksyon. Hindi nila kawalan ang teknolohiya dahil maaari silang mabuhay gamit ang limitadong pinagkukunan ngunit para sa mga mag-
aaral na nakatira roon ay mahirap na makasama sa sistemang OLC. Isa sa pinsala ng pandemya ay ang pagkawala ng trabaho ng nakakarami kung kaya’t nahuhugot ang pambayad sa tuition fee sa paaralan na naging rason sa iba na piliin na lamang na tumigil muna para makatulong sa kanilang bahay. Mas inisip nila ang kanilang araw-araw na gastusin at isinantabi muna ang pagsusumikap para sa kanilang magandang kinabukasan. Hindi lang gadget at tuition fee ang pinaggagastusan kundi ang pag-load na rin para sa online class. Ito ay dumadagdag sa budget ng pamilya at kung may kakulangan, nagdudulot ito sa estudyante sa pagkaiwan ng mga leksiyon at pagliban sa klase. Gustuhin man ng ibang estudyante na makapag-aral ngunit may mga hadlang talagang makakasalubong para makamit ang magandang edukasyong inaasam at pangarap ng lahat. Ang iba ay hindi na importante ang engrandeng paaralan sapagkat ang kanilang puntirya lamang ay upang matuto sa tulong ng mga magagaling na guro. Ngunit kahit tignan natin sa iba’t ibang anggulo, ang edukasyon ay importante dahil isa sa karapatan ng bawat anak ang makapag-aral pero tila ang iba ay pinagkait ng kapalaran. Masakit mang isipin na mahirap ang pagdadaanan ng iba kaysa sa mga may pribilehiyo upang maging tanyag na tagumpay sa sarili nilang gusto, sila’y may mahahantungan din dahil sa taglay nilang sipag na ipinamalas nang buong-buo.
14 | agham.
Banyuhay Balintataw 2022
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
PATULOY NA
Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo
TATAS. Sampung mag-aaral na Scientian ang nakapag-uwi ng karangalan sa katatapos lamang na Regional Science Technology Fair. LARAWAN | SARAH NICOLE GATES SALITA | HUMPHREY SORIANO
MAGNININGNING Scientians, aarangkada sa National Science and Technology Fair John Benidick Flores
Iwinagayway ng mga mag- aaral ng Quezon City Science High School ang pangalan ng kanilang sintang paaralan sa naganap na Science and Technology Fair 2022. Kagila-gilalas na mga pananaliksik ang inilatag ng mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang. Bunsod ng kanilang itinanghal na aralin sa Life ScienceTeam Category ng Division Science
and Technology Fair, nagkamit ng ikatlong pwesto ang grupo nina Joseph Samuel Calsena, Chrisczalynne Blanche Damian, at Lei Stefannie Villacruz. Samantala, nakamit ng grupo nina Shayne Rivera, Marl Ysaac Atienza, at Rousella Jelaine Galero ang ikalawang pwesto. Ngayon, naghahanda naman para sa nalalapit nilang kompetisyon sa National Science and Technology Fair
ngayong taon sina Jadriel Mirah Tadaya, Hannah Elloria Lopez, at Bienvenido L. Mendoza III na siyang nagkamit ng unang pwesto sa Division and Regional Science and Technology Fair. Kasama rin sa nagbandera ng kaniyang aralin ang ika-12 baitang na estudyante na si Citrei Kim Padayao na nagwagi ng unang gantimpala sa Mathematical and Computational
SciencesIndividual category ng Division and Regional Science and Technology Fair. Sa ngayon, may isang grupo at isang indibidwal ang naghahanda upang irepresenta ang paaralan sa darating na National Science and Technology Fair ngayong taon.
Larawang kuha ng James Webb Space Telescope, inilabas na ng NASA
John Benidick Flores
Pang-ibang kalawakan ang kagandahan ng larawang inilathala ng National
Aeronautics and Space Administration (NASA) sa kanilang opisyal na page. Inihayag ng NASA na malaking dulot ang mga larawang nakuha ng James Webb Telescope upang magkaroon ng bagong pananaw ang mundo sa kalawakan. “Every image is a new discovery and each will give humanity
a view of the universe that we’ve never seen before,” hayag ni NASA Administrator Bill Neilson sa isang pagpupulong. Upang makakuha ng malinaw na larawan, gumagamit ang James Webb Telescope ng infrared image (isang proseso upang makuha ang larawan ng mga bagay na naglalabas ng infrared radiation na
hindi nakikita ng ating mga mata). Bunsod nito, binansagang pinakamalinaw ang mga larawang nakuha ng James Webb Telescope. Ilan sa mga nakuha ng naturang telescope ang Carina Nebula, Southern Ring Nebula, at ang kilalang SMACS 0723.
LARAWAN | NASA’s James Webb Space Telescope
TINGNAN. Silipin ang iba pang larawan mula sa James Webb Telescope sa opisyal na website ng NASA.
isports 15
Banyuhay Balintataw 2022 Tomo 1 | Blg 48 Setyembre - Hunyo
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
PAG-AARAL
NAGHIHINGALO:
[ BILANG ]
[ BILANG ]
QCSHS Griffins
QCSHS
Volleyball Team Varsity
7/18
NATITIRANG MIYEMBRO NG MGA KOPONAN SA QCSHS VARSITY
Football Team Varsity
5/23
matitirang kasapi ng volleyball team para sa susunod na taon
Humphrey Soriano
matitirang kasapi ng football team para sa susunod na taon
UAAP
UAAP, bumangon mula sa dalawang taong pahinga Yvo Gabriel Asis
WALANG KATAPUSANG
TIME OUT PANDEMYA
PANGAMBA. Para kay Coach O, isa pa ring malaking dagok ang pandemya para sa mga tulad nilang atleta kung saan hindi maaaring ilipat ang industriya ng pampalakasan sa onlne setup.
WALANG KASIGURADUHANG KINABUKASAN PARA SA QCSHS SPORTS VARSITIES
LARAWAN | QCSFC SALITA | HUMPHREY SORIANO
Humphrey Soriano
Nagmistulang nilimot ng panahon ang mga court sa mga kalye’t lansangan. Ang dating ingay ng mga paliga sa barangay tuwing pista, at mga torneyo sa paaralan ay nawala na parang bula. Para kay Noa, ito na marahil ang pinakamalungkot na taon para sa katulad niyang isang manlalaro. “Naging mahirap po para sa aming sports varsities ang pagpasok ng pandemya, sobrang daming nawala at maraming nakakapanibago,” sambit ni Noa na isang team captain sa isang koponan ng
football sa Lungsod Quezon. Mahigit kumulang 250,000 na mga estudyante sa Lungsod Quezon ang tinengga ng pandemya at ilang libo rito ang mga itinuturing na opisyal na manlalaro ng bawat paaralan. Naibalita kamakailan lamang ang pagbubukas ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 76 sa darating na Hunyo. Ang pagbabalik ng isa sa nangungunang pangkolehiyong liga sa bansa ay magbibigay liwanag para sa mga kabataang atleta. “Umaasa kami na sana
DONASYON
Kisay, nakatanggap ng bagong bola ng volleyball mula sa PVL Yvo Gabriel Asis
Nakuhanan si Reece Malonzo ng Quezon City Science High School kasama si Gng. Carolyn Simon matapos makatanggap ang naturang paaralan ng donasyon mula sa Philippine Volleyball League noong Hunyo, 2022.
sa lalong madaling panahon ay maibalik na ang lahat sa dati kasi yung sports, parang mahirap siya gawin online lalo na hindi lahat may access sa internet. Talagang mahirap,” dagdag pa niya. Tila palaisipan pa rin sa mga tulad nilang manlalaro sa mga maliliit na paaralan ang pagbabalik ng mga larong pampalakasan sa tinuturing na bagong normal. Ang mga pang-araw-araw na training na kadalasan ay ginagawa nang sabay ay hindi na maaaring matupad sa tinalagang distance learning ng pamahalaan.
“...dahil sa nakuha natin na mga bola ay nagkakaroon tayo ng pag-asa to compete.” Mga katagang nagmula kay G. Rey John Simbulan, P.E teacher ng Quezon City Science High School (QCSHS). Pag-asa ang dala ng mga donasyong bola na nagmula sa Premiere Volleyball League (PVL) na naibot sa paaralang Kisay nitong ikauna ng Hunyo upang makatulong sa pagpapaunlad ng grassroot programs sa iba’t ibang paaralan sa bansa. Mapalad ang Kisay na isa sa mga eskwelahang makatanggap nito dahil magkakaroon na ng pagkakataong mapayabong ang isports sa campus. “I’m very grateful sa PVL donations and syempre (sa) Malonzo family. Ang mga donations na mga bola ay malaki ang maitutulong sa skills development ng mga players ng school natin,” pahayag ni Ginoong Simbulan. Kilala ang PVL bilang isa sa pinakasikat na liga ng balibol sa bansa, isa sa kanilang hangarin ay
“Nakakamiss talaga yung every month or every week may training kami. Kumbaga hindi lang physical health yung naiimprove, kasama na rin yung mental health naming players.” Iisa ang hiling ng bawat sports varsity na maibabalik na ang lahat sa dati upang ang kanilang kinagiliwang sports ay kanila nang malaro at manumbalik ang sigla at saya sa mga court at lansangan. Para sa mga tulad ni Noa at sa libo-libo pang kabataang atleta, nawa’y agad nang matapos ang walang katapusang timeout.
isulong ang naturang isports sa bansa at mapaganda ang mga programa nakahilig dito upang mapaunlad ang kakayahan sa internasyonal at mahikayat ang kabataan sa isports. Si Therese “Reece” Eleanor Malonzo, scientian mula sa 10 Mendeleev ang nagsilbing tulay para upang maisagawa ang donasyon. Bilang isang atleta, alam ni Malonzo kung gaano kahalaga ang isports sa buhay. “As part of the CGL, a member of the scientian community, and an athlete myself, I’ve seen how sports have improved lives. That’s why I’m hoping that this small contribution can help further sports awareness and interest in our school for the well-rounded development of Quesci students.” Sambit ni Malonzo. Nagsagawa naman ang PVL ng Asian Invitational Conference kung saan inaasahang sasalang sa court ang ilang foreign teams mula sa Chinese Taipei at Japan na gaganapin sa ika-9 ng Hulyo.
“People have said sports is a barometer of the health of a nation” Pagtinig ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Rebo Saguisag sa muling pagbubukas ng pinto ng UAAP para sa Season 84 nitong ika-26 ng Marso sa pag-aarangkada ng Men’s Bastketball matapos ang higit pa sa dalawang taon nitong pag-iistambay nang dahil na rin sa pandemya. “That would mean the world to me, for what it would also mean to the world,” pahayag ni Saguisag. Itinala ang mga sumusunod bilang mga tanging isports na itatanghal para sa pagbabalik ng paligsahan: men’s basketball, men’s and women’s 3x3, women’s volleyball, men’s beach volleyball, cheerdance, poomsae, at chess. Nagsumite rin ng mga lokasyon kung saan gaganapin ang patimpalak tulad ng Mall of Asia Arena, Smart Araneta Coliseum, FilOil Flying V Centre sa San Juan, at Ynares Sports Arena sa Pasig. Isinagawa ng asosasyon ang “bubble” setup para sa bagong season kung saan mamamalagi muna ang mga collegiate teams sa kani-kanilang mga eskwelahan at ihahatid sila ng mga sasakyan papunta sa pagdadausan. Sinigurado na rin ang kaligtasan ng lahat ng atleta noong nakaraang taon pa sa pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 at magsasagawa rin ng RT-PCR at antigen linggo-linggo bago ang araw ng laro. “Rest assured we’ll be working within what’s allowed scientifically, medically, and legally,” paninigurado ng Executive Director. Nahablot na ng University of the Philippine (UP) ang kampeonato para sa UAAP Men’s Basketball nitong ika-13 ng Mayo sa habol-hiningang bakbakan kontra Ateneo de Manila University (ADMU), 7269, na siyang pumuksa sa tatlong dekadang imperyo ng Ateneo sa harap ng libo-libong tao sa Mall of Asia Arena.
PARANGAL
KARERA NI HANNAH SA FENCING
2019 Philippine Fencing Association Mini Me 3rd Leg FOIL & EPEE
2019 Singapore MiniMe - 2nd Quarter
2018 Asian Collaborative Trophy U10 FOIL
isports. Humphrey Soriano
U12 & U14 FOIL
INDIVIDUAL & TEAM
BANYUHAY
OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LUNGSOD QUEZON
2022 Canlas Fencing Inter Club Challenge &2022 Duelympics FOIL & EPEE INDIVIDUAL & TEAMS VARSITY
WALANG KATAPUSANG TIMEOUT Ang kinabukasan ng Scientian varsities PAHINA 15
ISYU 1 | TOMO 48 | SETYEMBRE - HUNYO
FENCING
ESPADA ANG LABAN NI HANNAH BELARMINO SA MUNDO NG FENCING Yvo Gabriel Asis LARAWAN | HANNAH BELARMINO SALITA | SARAH NICOLE GATES
Ito ay kwento ng pakikipaglaban. “I am not talented in fencing or any kind of physical activity. I was told several times that I don’t have coordination, I am very stiff, that I will not be a good fencer, not to include that I was a very sick child. The only thing I have is confidence and heart.” Iyan ang sabi ni Hannah Dominique E. Belarmino, labing-apat na taong gulang na ngayo’y nasa ikawalong baitang at nag-aaral sa Quezon City Science High School. Nakapanayam ko si Hannah nitong mga nakaraang araw tungkol sa mga karanasan niya sa pagiging atletang mag-aaral, lalo na ngayon ang mundo’y sinasakop ng pandemya. Kung sa tingin niyo ay kinwento niya lamang kung gaano kahirap umangkop sa bagong pamamaraan ng pag-aaral, nagkakamali kayo. Hindi na rin naging bago para kay Hannah
ang ganitong bagay. “What’s great about being homeschooled is that we own our time. The difference with Kisay online ver(sion) is that we have a schedule here and we have requirements. Sa homeschool po kasi, we just have an outline of what we need to finish every quarter and it’s up to us when to do it. So basically po nung homeschooled ako, I can train six hours daily without affecting my acads”. Kumakain ng anim na oras ang training ni Hannah noong siya’y homeschooled. Nang mga panahong ‘yon, ang fencing ay isa lamang sa mga paborito niyang libangan hanggang sa dalhin siya ng kaniyang mga magulang sa training sessions linggo-linggo. Kinalaunan ay sumali na rin siya sa patimpalak at natamo ang kaniyang unang pagkatalo
“
pagkatapos ng isang taon.
I lost big time, I was last. I cried so much, I was almost eight back then, and my parents just said that I could choose a different PE activity for 3rd grade. But I said no, losing actually motivated me to be better. Nagsimulang mag-ensayo ng tatlo hanggang limang oras araw-araw si Hannah mula noon. Doon siya’y simulang itanghal na pinakamahusay sa halos lahat ng kompetisiyong kinabibilangan. At nang siya’y tumuntong sa pagkasiyam, isinasalang na siya sa matataas pang
brackets at nakakapaguwi pa rin siya ng medalya. Baka nagtataka kayo kung paano niya nagagawang pagsabayin ang lahat ng ‘to. Ayon kay Hannah, lahat ng trainings at mga pagsisipag niya ay naging parte ng kaniyang paglaki at hindi ‘yon naging hadlang para siya’y magkaroon pa rin ng oras upang manamnam ang kaniyang pagkabata. Sumapol ang pandemya kasabay ng kaniyang pagpasa sa Quezon City Science High School. “Being in Kisay is already a challenge for most of us students. The pressure of maintaining high grades, being at par with your classmates, being a CGL chairman, and submitting requirements on time are just a few things that most students find difficult already. Being an athlete adds more challenge to all of this.” sambit niya tungkol sa buhay scientian
at pagiging atleta. Kumakalma na ang pandemya sa kasalukuyan, lilisan ng bahay si Hannah pagkatapos ng klase o ‘di kaya’y sa byahe siya nagkaklase. Uuwi siya ng hatinggabi ngunit hindi pa ron nagtatapos ang araw niya sapagkat do’n niya pa lang maaaring gawin ang mga requirements sa paaralan. “I have daily training that lasts from three hours to six hours so I really have to manage my time well to maintain my grades and be better in my sport. Sleep deprivation is normal for studentathletes like me. Doing requirements up to two A.M is normal but these are the sacrifices I have to make in order to fulfill my dreams.” Hindi niya hinayaang tablahin ng pandemya ang kaniyang kasipagan at dedikasyon. Kahit na ganoon, gaya parin natin, naapektuhan
din ng pandemya ang dalaga. “To be honest it (pandemic) caused a halt to almost all physical activities outdoor and ung mga competitions rin. At first we tried online training for a few months, but syempre naman po it wasn’t that beneficial since yung mga coaches ‘di po nakikita kung tama talaga ginagawa namin” sabi niya. Bumwelta muli si Hannah nitong nakaraang taon upang magqualify sa SEA Games. Ngunit dalawang linggo pa lamang sa training, nagpositibo siya sa COVID-19 at walang nagawa kundi pumiglas sa laban. Naging mabangis man ang nakaraan sa kaniya, ngayon ay muli siyang tatapak ng entablado bilang mas ganap na atleta at isa sa mga rerepresenta ng Pilipinas sa darating na Southeast Asia Pacific Fencing Championship.