BANYUHAY
OPISYAL NA PAHAYAGANG FILIPINO NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LUNGSOD QUEZON
Ang walang sapat na access sa internet para sa gaganaping ‘online classes’
ONLINE CLASSES
ERROR 404:
‘DI MAHANAP NA PAGKATUTO Sa nalalapit na pagbabalik ng klase, sapat na bang sabihin na handa na ang ating bansa sa moderno at makabagong paraan ng paglinang? Sapat na bang maiwan ang ilang libong kabataan tatanggalan ng karapatan upang makapag-aral sa tinatawag na new mode of learning? Silipin ang naging mga kaganapan ngayong pandemya sa aming ispesyal na edisyon ng Newsletter hatid sa inyo ng isa sa nangungunang pahayagan sa rehiyon.
45% BALITA
4
OPINYON
7
LATHALAIN
11
AGHAM
18
404
MENTAL HEALTH
MENTAL HEALTH WEBINAR Naganap ang unang Mental Health Webinar ng Quezon City Science High School (QCSHS) kasama ang mga guro at mga magulang noong Agosto 24, Biyernes ng umaga. Katuwang ng QCSHS ang Real LIFE Foundation at Every Nation Campus Katipunan sa pagdadaos ng pagpupulong.
PAHINA 5 KATUTUBO
LIRIKO NG MGA KATUTUBO:
“Ang bayan ko’y tanging ikaw, Pilipinas kong mahal. Ang puso ko at buhay man, sa iyo’y ibibigay.” –Francisco Santiago Awiting nakakapampukaw ng damdamin ng isang Pilipino, kapwa nating kababayan na mahal ang bayang ating sinilangan.
Ayesha David
PAHINA 12
Kisay, inalala ang kabutihan ni Maam Gapas PAULINE TANILON Sa paglisan ni Binibining Liza Ribac Gapas sa Quezon City Science High School, ginanap ang “GAPAS: Ginintuang Ani ng Pagmamahal” na pinamunuan nina Ron Caballero, Vea Ladeza,
at Humphrey Soriano noong ika-20 ng Hulyo sa QueScie Agapay page upang maghandog ng pasasalamat at damayan ang maestra sa kaniyang pagpapagaling. Isang linggong ginunita ng mga mag-aaral, alumni, mga katrabaho, at iba pang miyembro ng paaralan
ang kanilang mga hindi malilimutang karanasan at ala-ala kasama ang mapagmahal na guro. Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang kuwento ay si Ginoong Jayson Donor Zabala, dating estudyante at kapwa guro ni Ma’am Gapas. Hindi malilimutan ni Ginoong Zabala ang suportang ibinigay ni Ma’am Gapas sa kaniyang karera sa Kisay at ang pagiging masigasig ng guro... ITULOY SA PAHINA 4
ISPESYAL NA EDISYON NG NEWSLETTER Maging updated sa susunod naming release. Sundan kami sa aming social media accounts
/banyuhayqcshs @banyuhayqcshs banyuhay2020.qcshs@gmail.com Humphrey Soriano
2
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLETTER TOMO I BLG MMXX
BANYUHAY
ENERO-AGOSTO 2020
BAGONG BANYUHAY
47 Taon sa Larangan ng Pamamahayag Sa pagdaan ng maraming taon, napanatili ng Banyuhay ang estado ng tapat at komprehensibong pagbabalita kasama ng taas noong pagsasaboses ng mga impormasyong walang kinikilingan, pundasyon ang pagmamahal sa bayan at sa balita. Humarap man sa iba’t ibang hamon, patuloy na ginampanan ng mamamahayag ng Banyuhay ang sinumpaang tungkulin na tapat at walang takot na pamamahayag. Sa pagpasok ng panibagong taon, patuloy kaming titindig para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan. Kami ay tumitindig para sa bayan tungo sa bagong anyo ng buhay, ang Bagong Banyuhay.
Brian Axel Ycoy
Humphrey Soriano
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LUNGSOD QUEZON
NILALAMAN
ENERO-AGOSTO TOMO 1 | BLG. XLVII
BALITA 01 QCSHS, nagdaos ng Mental Health Webinar
02 Mahigit P100,000, nalikom ng Quesci Agapay
03 QCSHS, Idinaos ang
pagtatapos sa pamamagitan ng isang virtual graduation
04 Pag-indak sa gitna ng pandemya
05 Kisay, inalala ang kabutihan ni Senorita Gapas
06 Bagong Banyuhay EDITORYAL 01 Bangka ng Batas: Pumarito ka Sinas
02 Ikasa ang Bala 03 Huli Ka! 04 Kapamilya sa gitna ng pandemya
05 Pagtugong hindi naaayon 06 Boses ng Dalub-Agham, dapat pakinggan
07 Wakasan ang karahasan LATHALAIN 01 Tawag ng Guro’t Magulang: Sagot ng Kabataan
02 CoViD-19 Pandemic: New
Nor-Malulupit na Pagsubok
03 Sa Silid-Aralan ng mga Social Media
04 Sa Screens ng Virtual World:
Iba’t Ibang Mukha ng Scientian
05 Banyaga sa Sariling Bansa 06 Pilipinas Kong Mahal: Liriko ng mga Katutubo
07 Elehiya sa Kinabukasan: Ang Pinatay na Bukas ng mga No Work, No Pay
AGHAM 01 Alamin ang Pagkakaiba: Testing Kits
04 Sakit ng Isa, Sakit sa Lipunan
02 Pagbangon! Laruin ang
Para sa bukas na walang kasiguraduhan dahil sa pandemya. Isang paglalarawan sa kasasapitan ng mga mag-aaral para sa bagong normal sa pag-aaral.
Tadhana: Castilyo ng mga Pangarap
03 S.O.S. Humphrey Soriano
TUNGKOL SA PABALAT
Ayesha David
Humphrey Soriano
DONASYON
Bumuhos ang mga donasyon sa Quezon City Science High School (QCSHS) bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan at para sa ‘New Normal’.
BANYUHAY | TOMO I BLG XLVII
QCSHS, idinaos ang pagtatapos sa pamamagitan ng virtual graduation 302 na mag-aaral ang nagtapos mula 12-Curie hanggang 12-Mendeleev noong ika-lima ng Agosto via live streaming sa Facebook at Youtube account ng Quezon City Science High School. Sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon na kinahaharap ng ating bansa ay matagumpay na pinagdiwang ang pagtatapos
ng mga mag-aaral mula ika12 na baitang. Nangunguna sa mga nagsipagtapos sina Arniel Joseph Gilo, Ernztin Andrea Terre, Abigail Manahan, Anjelina Sereneo, Jenno Laurent Cabrera, Elyssa Katrina Dueñas, Chanel Nathalie Ayes, Frances Jillian Gayle Cruz, Princess Salamanes at Jeff Nereo Pecson na nagmula sa
Donasyon
12- Curie. Ipinakita nila ang kagalingan pagkatapos gantimpalaan bilang isa sa mga mag-aaral na may mataas na karangalan. Nagkamit at ginantimpalaan ang 252 na mag-aaral mula sa iba’t ibang pangkat bilang may karangalan at 42 naman ang kabuuan ng may mataas na karangalan.
Ngiting Tagumpay.
Pinangunahan ni Arniel Gilo ang mga nagsipagtapos na Batch 2020 ng mga Scientians
Binigyang diin ni Superintendent Dr. Jennilyn Rose B. Corpuz ang kanyang paniniwala na ang mga nagtapos ay mga maaasahan para sa kinabukasan ng ating bansa, na makikita sa tema ngayong taon: Sulong Edukalidad: Championing the Nation’s Future. Tinapos ni QC SDS ang kanyang pananalita sa pamamagitan ng
BAGONG BANYUHAY Banyuhay, nagbukas na para sa panibagong taon SHEENA SANCHEZ
PARA SA MGA KAWANI NG KISAY: Mahigit P100,000, nalikom ng QueSci Agapay RINOA SANCHEZ Mahigit 100,000 piso ang nakalap ng QueSci Agapay upang tulungan ang 38 empleyado ng Quezon City Science High School (Kisay) na nawalan ng kita habang nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila noong Abril. Makalipas pa lamang ang apat na araw matapos mailunsad ang proyekto ay may 60,000 piso na agad ang nalikom na naibahagi para sa mga manggagawang kumikita ng arawan mula sa pagiging guard, maintenance personnel at canteen attendant sa Kisay. Lubos naman ang pasasalamat ng mga manggagawa maging ng mga taong nasa likod ng proyekto. “Umiyak talaga ako
nung natanggap ‘yung text galing kay Ate Estrella [Ramos] – janitor siya ng QueSci – na naka-all caps na, ‘Salamat sa inyong lahat!’ Malaki raw ‘yung magiging tulong sa kanila at hindi raw nila akalain na maaalala pa sila. It’s worth it when you receive that,” ani Jiean Sagadraca, alumnus at isa sa mga nanguna sa proyekto. Kasama rin ni Sagadraca sa proyekto ang mga dating mag-aaral ng Kisay na sina Gabby Bernardo at Elian Dominguez. Patuloy naman ang iba pang proyekto ng QueSci Agapay upang makatulong hindi lamang sa mga manggagawa kundi para na rin sa lahat ng kasapi ng Scientian Community.
Tuluyan nang inumpisahan ng Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon, ang Banyuhay, ang pagbubukas sa panibagong taon sa pamamahayag nang idineklara nila ang pangangalap ng mga bagong miyembro sa isang post sa Facebook noong ika-4 ng Agosto. Mahigit 30 katao ang sumali sa iba’t ibang kategorya upang mapakita ang kanilang husay sa malayang pamamahayag mula sa iba’t ibang baitang. Ayon kay Humphrey Soriano, punong patnugot ng Banyuhay, nagsimula ang pagpaplano noong buwan ng Mayo kung saan sila’y nag-isip ng mga proyekto na isasagawa sa hinaharap. “Kasalukuyang pinalalawak ng Banyuhay ang ating social media presence. Sa katunayan, isa ang ating pahayagan sa mga pinaka-aktibo sa buong rehiyon sa paghahatid ng tapat at komprehensibong balitaan ngayong pandemya. Patuloy pa rin ang pagdidiskubre namin ng mga makabago ngunit epektibong paraan
sa pamamahayag. Mananatili pa rin ang Banyuhay sa pagtindig sa mga isyung napapanahon at akma sa makabagong panahon pundasyon ang pagmamahal sa bayan at sa balita” tugon ni Soriano sa katanungan tungkol sa bagong layunin ng Banyuhay. Dagdag pa ni Soriano, madami siyang minimithi para sa pinamumunuan niyang mga estudyante at kabilang dito ang pagpapahalaga sa paglalahad ng katotohanan bilang mga mamamahayag. “Para sa mga bagong kasapi ng Banyuhay, nawa’y makasabay kayo sa patuloy naming pagunlad bilang isang mamamahayag. Matutunan ninyo ang mga
pagpapaalala sa mga estudyante na palaging magtiwala at alalahanin ang mga nasa paligid nila. Ayon sa mga estudyante, ang pagtatapos ay sumisimbolo bilang pamamaalam sa isa’t isa ngunit sumisimbolo rin ito bilang bagong panimula para makamit ang kani-kanilang mga pangarap. natutunan namin noong kami ay nagsisimula pa lamang sa munting pahayagang ito. Wala naman akong direktang ekspektasyon ngunit inaasahan ko ang patuloy ninyong pagmamahal sa pamamahayag at mapanatiling nag aalab ang damdamin upang maghatid ng tapat at komprehensibong mga balita tungo sa bagong anyo ng buhay, ang Banyuhay” ani Soriano. Sa kabilang banda, kasalukuyang ginaganap ang mga lingguhang webinar kung saan nagbibigay ng kani-kanilang mga kaalaman ang mga iniimbitahang tagapagsalita bilang pagtupad sa isa sa mga misyon ng pahayagan, pahayag ng punong patnugot. Kamakailan lamang, nag-uwi ng ilang napanalunang sertipiko ang ilan sa mga kasapi ng pahayagan mula sa iba’t ibang paligsahan online sa pamamahayag na labis na ikinatuwa ng punong patnugutan at itinuring din na pagwawagi ng buong samahan.
Achilles Fayloga
Bilang ng mga tanggapan para sa mental health sa ating bansa
66%
51%
18%
LUZON
VISAYAS
MINDANAO
Nasa 0.5 na bilang ng mga psychiatrist para sa mga bawat 100,000 Pilipino sa ating bansa. Walang tiyak na patutunguhan at hindi nabibigyan ng pansin ang mga kalagayang pangkaisipan o mental health sa ating bansa **datos mula sa GMA News Kawang-gawa
Kisay, inalala ang kabutihan ni Maam Gapas
Larawan mula sa Tanglaw Facebook Page
QCSHS, nagdaos ng mental health webinar ALICE ANGELA CANTA
Naganap ang unang Mental Health Webinar ng Quezon City Science High School (QCSHS) kasama ang mga guro at mga magulang noong Agosto 24, Biyernes ng umaga. Katuwang ng QCSHS ang Real LIFE Foundation at Every Nation Campus Katipunan sa pagdadaos ng pagpupulong sa isang Facebook Live na naganap 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Sinimulan ang webinar sa pagpapakilala ng QCSHS Principal Remedios Danao sa mga miyembro ng Real LIFE Foundation na sina Doc Mark Flores at Coach Ariel Martin
na naging host ng nasabing webinar. Inihayag ng isang guidance counselor na si Sally Ladignon sa kanyang presentasyon na umabot sa 47% katao ang mayroong mental health problems, mas mataas kaysa sa physical health concerns tulad ng cancer. “It is our individual responsibility—really— promoting and practicing mental health,” ani Ladignon. Ipinaliwanag ni Ladignon na ang madalas na hindi pagbibigay pansin sa mental health ng isang tao at diskriminasyon ang ilan sa mga dahilan kung bakit
PAG-INDAK SA PANDEMYA:
Online auditions ng Indak Xientia, umarangkada na CHELSEA MALLAPRE & KARL DANGUILAN
Nagpakitang-gilas ang ilang mga Scientian kasabay ng paglunsad ng ‘online recruitment’ ng Indak Xientia para sa kanilang muling paghahanap ng mga miyembro nitong ika-28 ng Agosto. Ayon kay Chelsea Mallapre, ang Public Relations Officer (PRO) ng Indak Xientia, bagamat nahirapan dahil ito ang kanilang unang beses na pagsasagawa ng ibang pamamaraan ng auditions ay umani pa rin ito ng maraming suporta mula sa madla. “Nakakatuwa kasi marami pa palang tulad Humphrey Soriano
namin na mahal ‘yung sayaw. Though mas effective pa rin kung may face-toface, at least kampante kaming may mapag-iiwanan kami ng team pagkagraduate,” dagdag pa niya. Nang tanungin tungkol sa mga magiging plano ng Indak Xientia sa pagpapamalas ng kanilang galing sa gitna ng community quarantine, nilinaw niya na may mga plano silang sinusubukan upang makapag-ensayo bagamat magkakalayo ang bawat miyembro. “Nage-experiment pa kaming mga officers ng methods for training and
tumataas ang porsyento ng mga mayroong mental health problems. “You can help people by listening to them. Huwag muna tayong magpapayo. Sapat na nandoon ‘yung presence mo.” pahayag ni Ladignon. Umabot sa sa humigitkumulang 2,500 katao ang nakadalo sa webinar kasama ang mga guro at mga magulang. Ginanap ang webinar upang magkaroon ang mga guro at ng kaguruan ng kamalayan sa mental health issue at matulungan ang mga estudyanteng mayroon nito.
stuff pero may nalatag na kaming plano. Ang ginawa rin namin throughout filming for foundation ay may group conference calls kami to teach and learn the choreographies together,” ayon pa rin kay Mallapre. Mayroon namang mensahe ang PRO para sa mga magiging bagong miyembro ng Indak Xientia: “Sana panghawakan niyo ‘yung rason kung ba’t kayo nagsimula at ‘di kayo mawalan ng passion para dito. For most, dancing isn’t a sport nor a field na magagamit mo talaga but don’t let them invalidate our craft. Hindi madali, pero ‘yung hirap kakayanin kung masaya ka sa ginagawa mo. Sumayaw lang kayo hangga’t kaya at hangga’t masaya kayo.” Nawa’y manatiling nakaantabay ang mga estudyante ng QueSci para sa mga anunsiyo mula sa Indak Xientia ngayong nalalapit na bagong taon ng pag-aaral.
PAULINE TANILON
Sa paglisan ni Binibining Liza Ribac Gapas sa Quezon City Science High School, ginanap ang “GAPAS: Ginintuang Ani ng Pagmamahal” na pinamunuan nina Ron Caballero, Vea Ladeza, at Humphrey Soriano noong ika-20 ng Hulyo sa QueSci Agapay page upang maghandog ng pasasalamat at damayan ang maestra sa kaniyang pagpapagaling. Isang linggong ginunita ng mga mag-aaral, alumni, mga katrabaho, at iba pang miyembro ng paaralan ang kanilang mga hindi malilimutang karanasan at ala-ala kasama ang mapagmahal na guro. Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang kuwento ay si Ginoong Jayson Donor Zabala, dating estudyante at kapwa guro ni Ma’am Gapas. Hindi malilimutan ni Ginoong Zabala ang suportang ibinigay ni Ma’am Gapas sa kaniyang karera sa Kisay at ang pagiging masigasig ng guro sa pagtuturo ng mga aral na hindi lamang tungkol sa Ingles at Español kundi pati na rin sa mga hamon ng buhay. “You remained steadfast, selfless not
because you felt it was your job to do so, but it was in your nature, in your person, to be the passionate educator you are. You were a Master Teacher in all aspects - pedagogy, mentorship, talent and skill,” ani Ginoong Zabala kay Ma’am Gapas. Labis naman ang pasasalamat at kagalakang nadama ni Ma’am Gapas dahil sa natanggap niyang pagmamahal at regalo mula sa Scientian community. “How can I begin to thank you all for this most wonderful gift? I know not how. I feel so loved and valued, much more than I deserve, and I will carry all of these precious memories and messages in my heart wherever I go,” pasasalamat ni Ma’am Gapas. Saad pa niya sa wikang Español, “Desde lo mas profundo de mi corazón, mil millones de gracias. Os quiero muchísimo.” (Mula sa kaibuturan ng aking puso, isang libong milyong salamat. Mahal na mahal ko kayong lahat.) Iiwan man ni Ma’am Gapas ang pagtuturo sa Kisay, mananatili namang nakatatak sa kaniyang puso at isipan ang mga ala-ala kasama ang kaniyang mga anak sa sintang paaralan.
TULOY ANG SAYAW. Larawan mula kay Angela Baja
6
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLETTER TOMO I BLG XLVII
BANYUHAY
ENERO-AGOSTO 2020
BALITA
Pinagkaloob ng Smart Comm. ang 350 unit ng pocket wifi
QueSci, nakatanggap ng donasyon mula sa iba’t-ibang organisasyon HUMPHREY SORIANO & ZAMANTHA PACARIEM Bumuhos ang mga donasyon sa Quezon City Science High School (QCSHS) bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan at para sa ‘New Normal’. Noong nakaraang linggo ay nagbigay ang PLDT-Smart Foundation, Smart Communications at Comworks ng 302 units ng pocket wifi sa pangunguna ng Quezon City Science High School Alumni Association para sa kanilang proyektong SCIENTIA: Securing Connectivity and Inclusive Education Through Internet Access na naglalayong mabigyan ng sapat na internet connection ang mga Scientian para sa ‘New Mode
of Learning’. Pinangunahan nina Gen. Nicolas Ojeda, Bise Presidente ng Alumni Association; Gng. Remedios Danao, Punongguro ng QCSHS; at ng mga kinatawan ng Smart Communications na sina Bb. Gia Palafox, Vice President for Customer Development, at si G. Clark Macabebe. Nagpaabot din ng tulong ang HANDA Organization sa pangunguna ng QCSHS Alumnus na si G. Earl Gamboa na nagbigay ng 10 unit ng pocket wifi. Hindi rin nagpahuli ang mga magulang mula sa Grade 7 na nagbahagi rin ng 10 unit ng pocket wifi. Nagkaloob naman ang
QCSHS Alumni Batch 79 ng dalawang inkjet printers, isang wireless printer at ink refills na magagamit sa paglilimbag ng mga modules na gagamitin para naman sa modular learning. Nagpahayag ng pasasalamat si Gng. Remedios Danao sa lahat ng nagpaabot ng tulong para sa paaralan. “We greatly appreciate your generosity and initiative to support our students in need to continue their education in the new normal setting,” ani Gng. Danao. Inaasahan ang mas maayos na pagbubukas ng klase sa darating na ika-5 ng Oktubre para sa mga magaaral na Scientians.
TULONG TULONG SA NEW NORMAL. Mga larawan mula sa pahina ng Smart Comm.
Kalagayan ng agham at teknolohiya, tinutukan sa SENTINEL workshop ACHILLES FAYLOGA
Binigyang linaw ng Science and Technology Editors League of the Philippines (SENTINEL) ang sitwasyon ng agham at teknolohiya (S&T) sa Pilipinas at ang pagpapaunlad nito sa kanilang workshop noong ika-17 ng Hulyo sa pamamagitan ng Zoom meeting. Pinamunuan ang naturang workshop ng mga tagapagsalitang sina Jon Bonifacio, dating tagapangulo ng SENTINEL,
at Bea Panlaqui, bagong tagapangulo ng SENTINEL. Sinimulan ang talakayan sa paglalahad ng mga tagapagsalita ng kalagayan ng S&T sa iba’t ibang bansa at ikinumpara ito sa Pilipinas. Ayon sa datos na ibinahagi ng mga tagapagsalita, masasabing ‘stunted’ ang katayuan ng S&T sa ating bansa. Sa kabila nito, minungkahi naman na posibleng masolusyonan ito sa pagbibigay ng prayoridad ng
gobyerno sa larangang ito, pagpapakalat ng lehitimong impormasyon sa madla, pati na ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagusbong nito. Dinaluhan ng mga pahayagan sa mga mataas na paaralang pang-agham sa bansa, kabilang na ang Banyuhay ng Quezon City Science High School (QCSHS), Ang Lagablab at The Science Scholar ng Philippine Science High School Main Campus (PSHS-MC), Ang Ubod
ng Manila Science High School (MSHS), at iba pa. Nakiisa rin ang ilang pahayagan sa mga kilalang unibersidad tulad ng Scientia ng UP College of Science, UP Parsers ng Department of Computer Science, UP Impulse ng College of Engineering, at UST College of Science Journal ng College of Science ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST), at iba pang pahayagang. Isinagawa ang naturang workshop upang himukin ang
mga naghahangad na manunulat ng S&T na ipagpatuloy ang pagkalat ng tunay na impormasyon sa madla at mapalawak ang kanilang kaalaman sa sitwasyon ng S&T. Asahan pa ang mas marami pang workshop tungkol sa Agham at teknolohiya lalo na ngayon pandemya dahil malaki ang gagampanang papel ng S&T para sa ating bansa at sa susunod pang mga henerasyon ng kabataan.
Humphrey Soriano
EDITORYAL
BANYUHAY OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MGA MAG -AARAL NG MATAAS NA PAARALANG PANG -AGHAM NG LUNGSOD QUEZON
ISPESYAL NA EDISYON NG NEWSLET TER
Edukasyong kulang sa aksyon
TOMO I | BLG XLVII
PATNUGUTAN 2020-2021 PUNONG PATNUGOT Humphrey Soriano IKALAWANG PUNONG PATNUGOT Kyla Louise Ramos TAGAPAMAHALANG PATNUGOT Chelsea Mae Mallapre Rinoa Somel Sanchez
PATNUGOT SA BALITA Karl Vinzent Danguilan PATNUGOT SA EDITORYAL Kyla Louise Ramos PATNUGOT SA LATHALAIN Llewellyn Ziv Lim Jeschel Jhoie Nava PATNUGOT SA AGHAM Brian Axel Ycoy PATNUGOT SA ISPORTS Humphrey Soriano PATNUGOT SA DISENYO Achilles Fayloga Brian Axel Ycoy
DIBUHISTA Patrick Jordan Santos John Aldrick Operario Ayesha David Lauren Juliana Sison Antonique Ciastiflor Pilario
TAGAPAYO Gng Elsa V. Villar TAGAPANGASIWA SA FILIPINO Gng Elsa V. Villar PUNONGGURO Gng Remedios P. Danao
Bagong Anyo ng Buhay Walang anumang pahina ang maaaring iimprenta o ipagbili ng sinuman at pagmamay-ari lamang ng Banyuhay 2020.
Sa isang bansang hindi pantay ang pribilehiyo sa buhay ng bawat mamamayan, may lakas pa ng loob pasabakin sa pag-aaral ang mga estudyante kahit na aminadong nagkukulang pa ang pamunuan sa paghahanda. Nagpahayag ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na si Leonor Briones tatlong buwan na ang nakalilipas tungkol sa nalalapit na pagbubukas ng klase na gaganapin sana sa Agosto 24 alinsunod sa Republic Act 7797 Section 3 na nagsasabing maaaring magbukas ang klase sa pagitan ng unang linggo ng Hunyo hanggang sa huling linggo ng Agosto. Dagdag pa niya, hindi makapaghihintay ang edukasyon. Kung tutuusin, balewala ang aga ng pagsisimula ng klase kung hindi naman matitiyak na magandang kalidad ng edukasyon ang matatamasa ng bawat mag-aaral. Isang malaking dagok sa edukasyon habang patuloy ang pakikipaglaban sa pandemya sapagkat hindi lahat ng mag-aaral ay may kakayahang tumugon sa mga alternatibong pamamaraan sa pag-aaral. Dalawang araw matapos ang huling araw ng enrollment, naitalang 21,344,915 o 76% lamang ng enrollees noong nakaraang taong panuruan ang nagpasyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya. Tila ikinatuwa pa ito ng mga namumuno sapagkat ayon sa kanila’y mataas pa rin ang bilang na ito. Mistulang hindi na nila iniisip ang kalagayan ng natitirang 24% ng mga mag-aaral. Humigit kumulang pitong milyong estudyante ang hinahayaan na lang mapag-iwanan at hindi makasabay sa bagong normal. Nagpatupad ang pamahalaan at iba’t ibang sektor ng mga panukala at pamamaraan na sa tingin nila’y makatutulong sa muling pagbubukas ng klase. Una na rito ang pagpirma sa Republic Act 11480 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulong baguhin ang pag-uumpisa ng klase sa panahon ng kalamidad upang magbigay daan sa iba pang paghahanda ng mga guro at mag-aaral sa tinatawag
na “blended learning” na ginagamitan ng mga modyul at online classes naman sa mga may kakayahan. Nagpaabot din ng tulong ang Local Government Units (LGU) sa pamamagitan ng pamimigay ng tablet sa mga estudyante na may kasamang load allowance kada buwan. Makatutulong ang mga ito sa pagpapatuloy ng pasukan sapagkat kung maaantala ang klase ay tunay ngang sayang ang isang buong taon ng paghihintay. Mayroon mang posibleng solusyong nairekomenda ay mas nanaig pa rin ang problema. Ayon sa ulat ng Asia Foundation, 55 porsiyento lamang ng mga Pilipino ang may sapat na access sa mabilis na internet at 26 na porsiyento lamang mula rito ang mga estudyante mula sa pampublikong paaralan. Sa Pilipinas marahil ay handang mapag-iwanan ang 45 porsiyento ng mga magaaral na walang access sa pangunahing pangangailangan sa tinatawag na bagong normal. Maaaring nariyan ang modular learning kung saan ipamamahagi ang mga nakaimprentang modyul at mayroon din namang paguulat sa radyo at telebisyon. Ngunit hindi ito sapat para sa lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na’t hindi lahat ng bata ay may patas na pribilehiyo sa buhay. Nagulantang din ang lahat ng umaasa sa serbisyo ng Google Meet para sa online class dahil sa biglaan nitong pag-
crash noong Setyembre 25 nang umaga sa Pilipinas samantalang Setyembre 24 naman sa Estados Unidos dahil sa dami ng mga gumagamit. Nangyari ito sa kasagsagan ng “simulation” ng klase ng mga senior high school sa Quezon City Science High School at iba pang paaralan. Dito pa lang ay nagkaproblema na, paano pa kaya kung dadagdagan pa ng problema sa internet connection? Isa pa, walang ibinibigay na sapat na pondo ang DepEd para sa paglimbag ng mga modules para sa mga estudyante at karamihan sa kaguruan ay ginagastos ang sisingkong pera na kanilang madudukot sa kabila ng patong patong na utang ng Pilipinas sa World Bank na umabot na sa siyam na trilyong piso. Kapwa hindi magiging madali ang papasukin ng mga mag-aaral na nakapag-enroll at ng mga mag-aaral na mapag-iiwanan ng panahon. Kailangan nilang magdesisyon kung mas gugustuhin nilang mag-aral kahit na walang kasiguraduhan kung may makukuhang sapat na kaalaman, o maghintay na lamang na maibalik sa normal ang lahat ngunit hindi na makauusad sa sitwasyon sa kasalukuyan at tuluyang nang mapag-iwanan. Paaralan at lipunang ligtas sa sakit ang kailangang bigyang
pansin ng pamahalaan. Epektibong pagsugpo sa CoViD ang susi sa pantay na pagkatuto ng mga Pilipinong mag-aaral. Mga pinunong may konkretong aksyon laban sa kinahaharap na pandemya ang kailangang solusyon ng ating bayan para magkaroon ng ligtas na balik eskwela at pagkatuto na hindi lamang tatalima sa mga mamamayang nabigyan ng higit na oportunidad para makasabay sa bagong ‘normal’ sa pagaaral.
”
Sa lagay ngayon, mas marami lang pumili magtiwala sa plano ng kinauukulan kahit na magiging magastos at walang kasiguraduhan kung may matututunan.
Tungkulin ng mga namamahala sa edukasyon na pag-isipan mabuti ang bawat desisyon na kanilang ipinapanukala. Nawa’y isaisip nila ang kapakanan ng bawat mag-aaral at hindi lamang atupagin ang pangangalaga sa kanilang pangalan. Ligtas na balik-eskwela ang panawagan ng lahat sa panahon ngayon. Gintong aral para sa mga magaaral, hindi desisyong padalosdalos at walang kabuluhan.
John Aldrick Operario
SA MGA NUMERO *mula sa isang pag-aaral na isinagawa ng Asia Foundation
45% 74%
ng mga Pilipino ang walang access sa Internet
ng mga pampublikong paaralan ay walang access sa Wi-Fi
45% ng 103 milyong indibwal ang walang access sa internet habang 74 pursiyento ng mahigit kumulang na 46,700 na pampublikong paaralan ang walang Wi-Fi
8
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLETTER TOMO I BLG XLVII
PANDEMYA
PAGTUGONG HINDI NAAAYON KYLA LOUISE RAMOS Sa anim na buwang pakikipagbakbakan ng mga mamamayan sa bansa sa hagupit ng virus na mapaminsala, hindi maramdaman kung unti-unti na nga ba tayong nagwawagi sapagkat parami nang parami ang naaapektuhan. Kabilang na rito ang takbo ng ekonomiya, pagtaas ng kaso, at lalong-lalo na ang buhay ng mga tao. Dahil dito, sinisikap ng mga taong gisingin ang gobyerno nang sa gayon ay kumilos ito nang naaayon upang ma-flatten na ang tinatawag na curve at tuluyang bumaba ang bilang ng mga kaso. Pilipinas man ang may pinakamahabang quarantine o lockdown na nararanasan, hindi maipagkakailang isa pa rin ito sa mga may pinakamabilis tumaas
AGHAM SA PILIPINAS Humphrey Soriano
189
RESEARCHERS PER MILLION
UNESCO PRESCRIBED
380
RESEARCHERS PER MILLION KUMUSTA NAMAN ANG ATING BADYET?
0.14%
GDP NAKALAAN PARA SA RESEARCH
UNESCO PRESCRIBED
1%
NG GDP NAKALAAN PARA SA RESEARCH AND DEVELOPMENT
*datos mula sa flipscience.ph
na kaso ng COVID-19. Sa katunayan, Pilipinas na ang may pinakamataas na kasong naitala sa Timog-Silangang Asya sa kasalukuyan. Nahigitan nito noong Agosto 6 ang Indonesia na mayroon noong 118,753 kaso samantalang ang Pilipinas naman ay nagtala ng 119,460 kaso dahil sa nadagdag na 3,561 bagong kaso noong araw na iyon. Mahihinuhang mayroong mali sa sistemang ipinatutupad ng pamahalaan at mistulang napagiwanan na ng mga bansang kahit walang bakuna ay matagumpay na nasugpo ang problemang dulot ng pandemya. Sa loob ng anim na buwan ay nagsagawa ang pamahalaan ng iba’t ibang hakbang na sa palagay nila’y
dapat gawing prayoridad sa panahon ng pandemya. Una na rito ang pagpapasara sa isa sa pinakamalaking istasyon sa bansa, ang ABS-CBN, na isinagawa noong Mayo 5. Makalipas ang dalawang buwan ay naipatupad naman ang isang batas na naging banta sa karapatan at kaligtasan ng mga pangkaraniwang mamamayan, ang AntiTerrorism Act of 2020. Matapos naman ang ilang buwan ay ginawang prayoridad din nila ang paglalagay ng puting buhangin sa Manila Bay na ayon sa Tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque ay makabubuti para sa mental health ng mga tao, at marami pang iba. Hindi dapat gawing prayoridad ng mga oportunista ang mga nabanggit kanina sapagkat mistulang sinamantala nila ang sitwasyon na kung saan ang lahat ay lugmok sa kahirapan. Pinalala lamang nila ang sitwasyon sapagkat imbis na maglaan ng pondo at panahon sa pagsugpo ng pandemya ay inatupag pa nila ang kanilang pansariling interes. Hiling ng mga tao
OPINYON
BANYUHAY
ENERO-AGOSTO 2020 na ma-flatten na sana ang curve ng mga nagpopositibo sa bansa ngunit tila iba yata ang na-flatten sa bansa ang kurba ng ekonomiya. Sa tinagal-tagal ng quarantine sa bansa, milyun-milyong tao na rin ang nawalan ng hanapbuhay na lubos na nakaapekto sa takbo ng ekonomiya. Sa katunayan ay pumalo na sa 45% ang walang trabaho. Ayon din sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba ng 0.7% ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa unang kwarter ng taon. Babalik lang sa dati ang lahat kung tuluyan nang kikilos ang gobyerno sa pamamagitan ng pagpapaigting ng testing sa bansa at kung itratrato nang tama ang healthcare workers nang sa gayon ay matulungan nilang makaahon sa sakit ang mga naging COVID positive. Mass testing ang sigaw ng masa ngunit ang ibinigay ng gobyerno ay mass recovery - isang paraan ng pagpupumilit na mapababa agad ang kaso ng nagpositibo sa bansa kahit hindi naman naitetest nang tama. Humigit-kumulang
22,000 hanggang 40,000 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ang ibinalita nang “recovered” sa isang araw sa loob ng ilang linggo. Nagdulot ito ng pangamba sa mga tao sapagkat maaari pa rin makapanghawa ang mga taong nagpositibo kung hindi matitiyak na wala na silang virus. Kung ganito ang paraan ng gobyerno sa pag-flatten ng curve, hindi na nakapagtataka kung bakit hindi pa rin nakaaahon sa pinsala ng pandemya ang bansang Pilipinas. Pandemya ang panguhahing problema ngayon ng bansa at maging ng buong mundo. Ito ang nararapat gawing prayoridad sapagkat kapag nasugpo na ito, maraming mga tao ang makapagsisimula muli at babangon. Mass testing ang isa sa mga solusyon upang masugpo ang pandemya, kaagapay ng pagkakaisa sa pagitan ng mamamayan at tagapamahala. Pagsumikapang ma-flatten ang curve ng mga kaso sa tamang pamamaraan nang sa gayon ay maagapan ang pag-flat ng guhit sa mga makinang sumisimbulo sa buhay ng mga tao.
PANDEMYA
Boses ng mga Dalub-Agham, Dapat Pakinggan YCEA SOSA Nabibilang ang Pilipinas sa pang-ikatlong antas ng mga bansa sa mundo, kung saan masasabing progresibo pa lamang ang ekonomiya nito. Isang malaking katanungan sa marami kung bakit sa kabila ng hindi mabilang na likas na yaman at yamang tao nito ay napag-iiwanan ang paglago ng ekonomiya nito? Bukod sa dalawang salik na nabanggit, hindi nabibigyang pansin ng pamahalaan ang ikatlong elemento— ang teknolohiya at inobasyon. Ayon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, ang edukayon, agham at teknolohiya ay nararapat na bigyang kahalagahan upang tuluyang umunlad ang bansa at magkamit ng kalayaan ang mamamayan. Kung magbabaliktanaw, maaalalang binatikos ang pahayag ni Senador Cynthia Villar na, “Bakit parang lahat ng inyong budget puro research? Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin ninyo ba ‘yung research?” Ang lantarang pagkukuwestiyon ng Senadora ukol sa paglalaan ng angkop na pondo para sa pagsasaliksik ay isang halimbawa na ang boses ng agham sa Pilipinas ay madaling napatatahimik ng mga nakaupo sa gobyerno. Sa mga usaping kinapalolooban ng importansya, ang opinyon ni Cynthia Villar ay hindi mapanghahawakan. Pitong taon na ang nakararaan mula noong ika- dalawampu’t anim na National Rice R&D Conference nang sinabi ni Villar na siya ay naniniwala na sa tulong ng pagsasaliksik ay mapapataas ang produksiyon sa sektor ng agrikultura at mababaligtad na sa wakas ang kalagayan ng mga magsasaka. Ito malayungmalayo sa kaniyang pahayag at pagtutol sa mga opisyales ng Department of Agriculture (DA) ayon sa paglalaan ng P150 milyon patungkol sa pagsasaliksik sa National Corn Program. Aniya na hindi rito magbebenepisyo ang
mga magsasaka at mas nanaisin pa nilang mabigyan ng direktang tulong tulad ng pamamahagi ng mga binhi at makinarya. Pagkatapos na ipaglaban ni Villar na ang pananaliksik at pagpapaunlad ang kasagutan para sa pag-unlad ng Pilipinas sa sariling kaparaanan nito, ay ang kaniyang pagsalangut sa sarili matapos hindi magbenepisyo rito. Marahil napagtanto niya na mas mapapakinabangan ang mga sakahan kung ang mga lupa ay tatayuan niya ng mga pabahay. Nakikinita naman na hindi naisusulong nang angkop ang layunin ng pagsasaliksik sa bansa, dahil mas madalas kaysa hindi ang mga dalub-agham ay hindi pinakikinggan ng pamahalaan. Patuloy lamang na tinatapalan ng panandaliang benda ang mga isyu ng bansa sa halip na isipin ang solusyon para sa pangmatagalang panahon. Isang kongkretong halimbawa ang bansang Hapon kung saan ito’y naniniwala na sa kooperasyon ng gobyerno sa mga dalubhasa ay ang susi sa pag-unlad ng kanilang ekonomiya. Kung kaya naman ito ay naglalaan ng sapat na badyet para sa pagpapabuti ng kanilang teknolohiya. Punong-puno ng inobasyon sa makinarya ang sektor ng kanilang agrikultura at masasabing isa sa mga bansang nangunguna sa pagkakaroon ng dekalidad at modernong mga kagamitan. Ito ay kanilang binibigyang prayoridad upang mas magamit at mapakinabangan ang kanilang mga pag-aaring yaman. Bunga nito ay nalalabanan nila ang kagutuman sa bansa at pati ang mga gutom na magsasaka ay kanilang napapakain. Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman tulad ng mga mineral, sapagkat ito ay binubuo ng higit kumulang na 7,100 na pulong mapagkukuhanan. Ang mga mineral tulad ng ginto, tanso, langis at mga pananim na makakain tulad ng palay, mais ay
hindi nalilinang nang angkop bilang mga produkto dahil sa kawalan ng pondo ng pamahalaan sa pagbuo ng makabagong teknolohiya. Milyon-milyong ektarya ng karagatan at lupang sakahan, hindi mabilang na mga ilog at lawa ngunit ang mga ito ay hindi pa rin sapat upang punan ang malaking kakulangan sa pananaliksik at pagpapaunlad. Masasabing hindi gumagalaw o paatras ang pagunlad ng sektor ng agham ng bansa dahil hindi proyoridad ng mga mamamayan o maging ng pamahalaan man ang pang-agham na kaalaman. Hindi rin lingid sa kaalaman ng nakararami na maraming mga Pilipinong dalubagham ang mas pumipiling umalis ng bansa, na humahantong sa pagbaba ng bilang ng yamang tao nito. Ito ay hindi na nakapagtataka dahil sa patuloy na pagbawas ng pamahalaan sa pondo ng Department of Science and Technology. Ang inilaan nito para sa ngayong taon ay P 79.85 milyon, o 0.99% na mas mababa mula noong nakaraang taon. Ito ay nakaaalarma sapagkat ang bansa ay nakararanas ng isang pandemya, kung kailan pinakakinakailangan ang kaalaman at kadalubhasaan ng mga eksperto. Totoo ngang inuulit ng kasaysayan ang kaniyang sarili sapagkat ang pagsasawalang bahala ng pamahalaan sa importansya ng agham ay muli na namang nangyayari ngayong may pandemya. Hindi lamang mga magsasaka ang apektado nito, kung hindi maging mga ordinaryong mamamayan at ang bunga? Dalawang daan at apatnapu’t limang libong positibong kaso. Ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa ay isang pangkalusugang krisis, ngunit sinagot ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng pangmilitar na pamamaraan. Sa halip na ito ay dumulong sa mga Pilipinong eksperto at siyentipiko
sa Pampublikong Kalusugan, Nakahahawang mga Sakit, Epidemiology at Mathematics, ang mga nakaupo sa puwesto ay nagbingi-bingihan sa mga suhestiyon ng mga nito. Ang pamahalaan din ay nagpatupad ng anim na buwan na community quarantine na lubusang nakaapekto sa mga mahihirap at pati sa mga taong nakaluluwag na nawalan ng hanapbuhay. Hanggang ngayon ay wala pa ring kongkretong plano inihahain sa mga gutom na Pilipino, ang mass testing at contact tracing na suhestiyon ng mga eksperto ay ipinagwalang-bahala. Noong Hunyo ay binati ng Tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque ang Pilipinas at sinabing, “ Wala na po panalo na tayo we beat UP prediction po, we beat it so Congratulations Philippines!” Sa kaniyang pahayag kaniyang pinaparating na ang mga dalubhasa ng UP ang kalaban ng bansa at hindi ang virus na SARS-CoV-2. Kung magkakaroon ng kooperasyon sa pagitan ng pamahaalaan at mga dalub-agham ay tiyak na maiiwasan ang tuluyang pagtaas ng mga positibong kaso sa bansa. Tuluyan lamang matatalo ang virus na ito kung pakikinggan ng pamahalaan ang mga eksperto sa larangan na ito at suportahan sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng hustong pondo. Mula sa pagpapalago ng ekonomiya hanggang sa pagresponde sa isang pandemya, napakalaking papel ang ginagampanan ng agham sa isang bansa. Sa kasamaang palad, ito ay hindi nahahasa at napalalago sa Pilipinas sapagkat ito’y hindi napagtutuunan ng pansin ng pamahalaan.Sa kapabayaang ito, hindi lamang magsasaka ang nabigo ng bansa, maging ang milyon-milyong mamamayan na nalugmok at hindi pa nakakabangon dahil sa pinsalang dulot ng virus. Pagkakataon na upang gawing prayoridad ang larangan ng agham, at himukin ang mga dalub-agham na magsalita. Panahon na upang pakinggan sila ng bansa at huwag hayaan na ang mga salita nila ay mapatahimik ng mga mapang-abusong nakaupo sa puwesto na tanging pinagsisilbihan lamang ang pansariling interes. Oras na upang unahin ang edakasyon, agham at teknolohiya ng bansa at makamit na ng mamamayan ang inaasam na tuluyan at pangmatagalang pagunlad ng ekonomiya nito.
Humphrey Soriano
OPINYON
BANYUHAY ENERO-AGOSTO 2020
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLET TER TOMO I BLG XLVII
HINDI
KATUTUBO
Wakasan ang Karahasan
72%
aaral nitong “magrebelde” laban sa ating gobyerno. Noong ika-26 lamang ng Agosto ay sapilitang pinasok ng Grupong Bagani ang Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI) at sinimulan ang pagsira ang mga paaralan. Dahil dito, napilitang umalis ang mga guro sa mga paaralang Lumad na ito sa pag-aalalang maulit ang mga pagatake at pangambang manganib ang buhay nila. Sapat na edukasyon ang sigaw ng mga batang Lumad subalit takot at paghihirap ang kanilang na tatanggap mula sa mga militar. Sinasabi rin sa Batas Republika 8371o mas kilala bilang Indigenious People Rights Act (IPRA) na may karapatan ang mga katutubong tao at mga pamayanang pangkulturang katutubo sa kanilang Indigenious Knowledge Systems and Practices (IKSP) na magkaroon ng mga espesyal na hakbang upang makontrol, paunlarin at protektahan ang kanilang mga agham, teknolohiya at pagpapakita ng kultura. Sinasalamin ng batas na ito ang karapatan ng mga katutubong sarilihin, protektahan at kontrolin ang kanilang kultura. Kabilang na rito ang mga relihiyosong aktibidad at ari-arian, mga teknolohiyang pang-agrikultura, kaalaman sa mga pag-aari ng palahayupan at flora, mga tradisyon sa bibig, mga disenyo, mga tuklas na pang-agham at pati na rin ang kanilang sariling wika at sistema ng pagtuturo at pag-aaral. Kung patuloy ibabaon at sisirain ito ng ating pamahalaan, mga militar, at pati na rin ang mga malalaking kompanya, sila’y lumalabag sa batas. Sapagkat ang siyang dapat pumoprotekta at nag-iingat sa mga ito ay sila pa ang unti-unting pumapatay rito. Mahalaga at yaman natin ang mga katutubong ito, hindi sila karapat-dapat na mapunta sa isang sitwasyon kung saan ay sila’y tinatrato na parang hayop. Samakatuwid, bawat mga katutubong ito ay hindi mga rebelde at lalung-lalo nang hindi mga estranghero. Sila rin ay may mga Pilipino, kasama sa dapat pinoprotektahan ng batas at may karapatan din. Lahat ng pangmamaltratong ito ay hindi tuwid at hindi makatao. Bahagi ang mga Aeta, Lumad, etc ng ating bansa at sila rin ang nagsisilbing representasyon ng kultura’t tradisyon ng ating mga ninuno sa kasalukuyang panahon. Yaman ng ating bansa ang mga mamamayang ito kaya’t dapat lang na sila’y mapanatili at bigyang prayoridad. Tama na ang pagmamalupit at pagmamalabis sa mga taong ito at simulan nang bumoses para sa kanilang hustisya, karapatan at pangangailangan. Tungkulin ng ating pamahalaan na pangalagaan ang ating pambansang minorya. Sana’y matigil na ang pagmamalupit ng mga sundalo sa kanilang mga pamayanan pati na rin ang pang-angkin ng mga pribado’t malalaking kompanya sa kanilang mga lupain. Nararapat ding ibalik at ipagbukas na ang mga paaralan sapagkat ang edukasyon ay isang karapatan na hindi dapat angkinin sa mga kabataang Lumad at upang magkaroon na rin muli ng trabaho ang mga guro sa mga lugar na ito. Gawan nang agarang aksyon ang mga kaso nang pagpatay, pagmamalupit at pambubugbog sa mga pangkat na ito. Bigyang hustisya ang mga pinaslang na mga pinuno at mga miyembro ng mga samahang nagnanais lamang sila’y mabigyan ng sapat na pangangailangan at ng tulong. At sa huli, ituring sila bilang isang ordinaryong mamamayang Pilipino dahil kung wala sila’y hindi natin maaabot at makakamtan ang kung ano tayo ngayon. Patrick Jordan Santos
Humphrey Soriano
28%
Pabor ka ba sa pagpapasara ng ABS-CBN?
ABS-CBN
ELISHA UMALI Pagprotekta at hindi pang-aabuso sa iyong kababayan. Ramdam din ang kalupitan sa mga kamay ng mga may kapangyarihan. Parami nang parami ang mga isyu patungkol sa pang-aabuso sa mga pangkat minorya ng ating bansa o mga katutubo. Pilit na sinisira at binabaon sa limot ang kultura ng mga katutubong Pilipino na ito. Kumakailan lamang ay lumabas ang ilang ulat na pinakain umano ng mga sundalo ang mga miyembro ng mga katutubong katutubong Aeta ng dumi ng tao. Noong Enero rin ng ngayong taon, nabalitaan ang sandamakmak na kaso nang pagmamalupit at patayan sa mga katutubong Lumad sa Davao. At hindi lang ito sa kasalukuyan, noong taong 2015, kumalat din ang balita sa pagpatay sa direktor ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) na si Ka Emercito Samarca kasama ang iba pang mga pinuno na nakikibaka para sa karapatan ng mga lumad. Aping-api na ang ating mga kababayang Pilipino, nasaan ang ating pamahalaan upang protektahan sila mula sa mga pagmamaltratong ito? Dapat ay maging pantay ang trato sa mga katutubong ito sapagkat kahit sila pa’y may ibang kultura kumpara sa atin, sila’y isa pa ring mamamayang Pilipino. Hindi dapat sila inaalipusta at pinagkakaitan ng karaniwan at mapayapang buhay. Tapusin na ang karahasang ito at itigil na ang mga patayan sa ating mga katutubo para lang maangkin ang kanilang lupang tinitirahan. Ayon sa Free Prior and Informed Consent (FPIC), may espesyal na karapatan ang mga katutubo na kinikilala sa United Nations Declaration of Rights Of Indigenious People (UNDRIP). Ito ay nagpapahayag na may karapatan na tumangi o magbigay ng pahintulot sa kahit na anong proyekto na nakakaapekto sa kanilang lupain o teritoryo. Ayon din dito, maaari lamang nilang ibigay pahintulot patungkol sa paggamit ng kanilang lupain o mga makakaapekto rito kung walang magaganap na pananakot at pagmamanipula. Isa itong pangkalahatang karapatan kaya’t hindi maaaring gamitan ng kapangyarihan o dahas ng mga pribadong kompanya o kahit na ang gobyerno ang upang makuha ang kanilang lupain na mula pa sa kanilang mga ninuno. Pang-aabuso ng kapangyarihan at ginagamit bilang gawin ang kanilang marurumi at iligal na gawain na kaakibat ang mga malalaki at pribadong kompanya. Ilan nalamang dito ay ang pagtotroso, pagmimina at iba pang gawaing nakasisira sa pagkakakilanlan at kultura ng mga nakatirang katutubo rito. Hindi sila maaaring gumamit ng kahit na anong pananakot, paninira o pagpatay sa mga katutubo para lamang sila ay makinabang. Marami pang mga kalupitang nararanasan ang ating mga kababayan sa ilalim ng mga militar hanggang sa kasalukuyan. Mayroon 3,000 mag-aaral na Lumad ang hindi makakapagaral dahil sa pagsasara ng mga paaralan sa Salugpungan dahil sa sinasabing paghimok sa mga mag-
OO
9
Kapamilya sa Gitna ng Pandemya KYLA LOUISE RAMOS Apat na buwan na ang nakalilipas nang gulatin ang sambayanang Pilipino ng biglaang pagtigil ng pagsasaere ng pinakamalaking istasyon sa telebisyon ng Pilipinas, ang ABS-CBN. Ipinadala ng National Telecommunications Commission (NTC) sa naturang istasyon ang cease-and-desist order noong Mayo 5, isang araw matapos ang expiration ng prangkisa nito. Lubos na nakabibigla na sa gitna ng pandemya ay pinili pa ng gobyernong ipasara ang isang istasyong mayroong malaking bahaging ginagampanan sa kasalukuyang panahon. Hindi na dapat dinagdagan ng mahigit 11,000 pang katao ang 7.3 milyong walang trabaho, isang buwan bago ang pagpapasara sa naturang istasyon, sapagkat lubos itong makaaapekto sa ekonomiya ng bansa. Kung totoo man ang mga alegasyon tungkol sa hindi tamang pagbabayad ng buwis, kaso tungkol sa mga manggagawa, pagsasaere ng KBO, at iba pa, nararapat lamang na bigyan ito ng karampatang parusa ngunit hindi iyon sapat na dahilan upang tuluyang silang ipasara at hindi bigyan ng prangkisa. Kung titingnan sa ibang perspektibo, mas maraming tao naman ang makikinabang kung mananatili ang ABS-
CBN kung ikukumpara sa pakinabang ng mga nasa pwesto kapag tuluyan silang naipasara. Sa panahon ng pamemerwisyo ng pandemya, mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin. Isa na rito ang pagpapabuti ng sistema pagdating sa kalusugan at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Kung mawala ang ABS-CBN ay mababawasan din ang mga maghahatid ng tulong sa mga kababayang naapektuhan ng pandemya. Malaking bagay rin ang milyon-milyong buwis na naiaambag ng naturang istasyon sa bansa upang mabawi ang pondong nagamit sa mga ayuda. Nararapat din maibalik ang ABS-CBN Regionals na may malaking gampanin sa pagpapaabot ng impormasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa. Maaaring hindi naging perpekto ang serbisyo ng ABS-CBN sa buong bansa at may pagkukulang sa mga gampanin nito. Ngunit hindi ito sapat na dahilan upang ipagkait sa sambayanang Pilipino ang istasyong kanila nang nakagawian. Pagbayarin ang ABS-CBN sa nararapat na pamamaraan at hindi gawing oportunidad para sa pansariling interes ng pamahalaan.
JOLO BOMBING
Ikasa ang Bala JOHN BENEDICK FLORES Buhat ng sunod na pagbomba sa Jolo, Sulu ay nananawagan ang sandatahan ng dagdag paghihigpit sa naturang lugar. Batas Militar na siyang ikinaalarma ng iilan ngunit tila ito’y kinakailangan. Noong Agosto ay nagrekomenda sa pamahalaan si Lt. General Cirilito Sobejana na magkaroon ng Batas Militar sa Jolo, Sulu. Buhat kasi pagbomba sa naturang lugar, nababahala sila sa kaayusan at katahimikan para sa mga taong nasa Jolo. Sa kabila ng pagkakaroon ng Anti-Terrorism Bill ay kanilang binigay ang kanilang suhestyon sa pamahalaan. Kaugnay nito, napagalaman na 17 katao ang namatay sa sunod-sunod na pagbomba, ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Poloce (PNP).Buhat nito ay nagambala ang maraming mga tao sa loob ng naturang lugar. Sa ganitong pinasala ay nararapat lamang na matapos ang terorista sa bansa. Dapat lamang aksiyunan. Dagdag pa rito, nahihirapan ang mga militar na matunton ang mga suspek buhat ng kamatayan ng apat na militar na nagiimbestiga sa mga ito.Buhat ng maaaring pagka-apruba ng Batas Militar ay maaaring mahuli ng mas mabilis ang mga taong nasa likod ng pagbomba. Sa kabila nito, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi na kailangan ang naturang Batas dahil sa umaarangkada na batas ngayon- ang Anti-Terrorism
Bill (ATB). Hindi na kailangan ang Batas Militar dahil sa mga nakapaloob sa ATB na siyang sakop ang mayroon sa Batas Militar. Hindi naman nakikita ang aksiyon ng ATB kaya’t, bilang isang mamamayan, naniniwala ako na nararapat lamang ang pagkakasa ng Batas Militar. Matagal na rin ang laban ng Mindanao laban sa terorista kaya maaaring sa doble bala ng pamahalaan na ATB at Batas Militar ay maaari nang matapos ang giyera laban sa mga terorista. Samantala, may mga tao naman na hindi naniniwalang dapat may ATB pa para sa bayan. Isang batas ang ATB na taliwas sa karapatang pantao ng mga mamamayan. Sa kabilang banda, nakikita naman na ng lahat na ang terorista ay tunay na napapanahon sa ating bansa. Bilang isang mamamahayag, nais ko rin na maayos ang bansang aking sinilangan at matapos ang giyera laban terorista. Sa pakikipaglaban ng mga militar at mga mamamayan laban terorista ay tunay na may mamatay kung hindi ito lalapatan ng batas na siyang makatutulong upang madagdagan ang bala ng militar at matapos na ang problema sa terorista. Nararapat lamang na ikasa ng pamahalaan ang bala laban terorista upang maputol na ang dami ng mga taong namamatay buhat ng mga aktibidad ng mga terorista ng bayan.
10
BANYUHAY
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLETTER TOMO I BLG XLVII
ENERO-AGOSTO 2020
KORAPSYON
HULI KA! JOHN BENIDICK FLORES Subalit hindi problema ang pondo kung hindi ay yaong mga nasa pwesto. Sa pakikipaglaban ng buong bayan sa pandemiya ay tunay na kailangan ang tulong ng lahat ng ahensiya upang magkaroon ng ayos ang sistema ngunit tila nagkakaroon ng problema buhat ng korapsiyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na siyang nakapang-iinit ng ulo bunsod ng ito’y mabistobagay
upang maging rason na dapat lamang na bumaba sa pwesto ang nasa loob nito. Nagkaroon ng imbestigasyon ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa PhilHealth matapos lumabas ang posibilidad na mabangkarote ito sa susunod na dalawang taon. Matapos itong iutos ni Presidente Rodrigo Duterte ay agad na kumilos ang grupo at napag-alaman na may P15B na pondo ang nawawala na siyang rason upang ikabahala ng mga mamamayan na umaasa rito.
Samantala, maaalala na itinalaga ni Duterte bilang Presidente at Chief of Executive Office (CEO) ng Philhealth si General Ricardo Morales na siyang namamahala sa PhilHealth habang nangyayari ang naturang isyu. Ayon kay Duterte, iniluklok niya sa pwesto si Morales upang maayos ang organisasyon at mabawasan ang korapsiyonbagay na tila hindi niya nagawa bilang isang pinuno ng korporasyon. Buhat nito naging kwestiyonable ang pamumuno ni Morales. Inihayag naman ni dating Anti-Fraud Legal Officer Thorrsson Montes Keith ang mga katiwalian na nangyayari sa loob ng korporasyon kung saan namuno si Morales. Aniya, nagkakaroon ng hindi patas na trato at nahuhuling sahod sa PhilHealth. Sinabi ito ni Keith sa kanyang liham sa pagbaba sa pwesto. Dagdag pa rito, sa kabila ng pondo na mayroon ang
korporasyon ay pinababayaran pa rin ng PhilHealth ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ng bansa. Dapat lamang na umalma rito ang mga OFW. Napag-alaman din na nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Keith at Morales ukol sa katiwalian sa loob ng korporasyon. Sinabi ni Keith na inutusan siya ni Morales na kausapin si PACC Commissioner Breco Belgica ngunit hindi ito sumunod dahil sa kabila nga ng tungkulin ni Morales na ayusin ang korporasyon ay tila hinahayaan lamang na mabulok ang PhilHealth sa mga korap. Bunsod ng pagkatahimik ni Keith ay naimbestigahan ni Belgica ang Philhealth. Kaniyang napag-alaman kung gaano karumaldumal na pandarambong ang ginagawa sa loob ng PhilHealth. Sinabi niya na nagkakaroon ng pagkagastos ng pondo para sa katiwalian na libo-libong pera na nawawaldas kada linggo. Patunay lamang kung gaanong hindi naayos ni Morales ang Philhealth sa Kabila ng kaniyang tungkulin na ayusin ito. Buhat ng pagkawala ng P 15B at ang impormasyon na maaaring mabangkarote ang PhilHealth ay nahuli na ang tunay na rason. Subalit hindi problema ang pondo kung hindi ay yaong mga nasa pwesto na siyang bistado bunsod na rin ng kanilang panloloko. Patrick Jordan Santos
MANANITA
Bangka ng Batas: Pumarito ka Sinas HANNAH REI CASING “Walang tao ang nasa itaas ng batas at walang tao ang nasa ibaba ng batas; at hindi natin hinihiling ang pahintulot ng sinumang tao kapag hiniling natin sa kanya na sundin ito,” sabi ni Pangulong Theodore Roosevelt ng Amerika. Ang batas ay ginawa para sa ating makabubuti at dapat natin itong sundin. Ang sinumang lumabag ay dapat mabigyan ng nararapat na parusa. Noong ika-walo ng Mayo 2020, nagkaroon ng pagdiriwang para sa kaarawan ng Hepe ng NCRPO (National Capital Region Police Office) na si Debold Sinas na kung saan naghanda ng sorpresang “mañanita” ang kaniyang mga kasamahan. Ayon sa isang imbestigasyon, naganap ang pagtitipon sa labas ng tirahan ni Sinas sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan. Ang pagtitipong naganap ay kinuhanan ng litrato at sumikat sa Social Media, ngunit inalis din ito kalaunan. Sa kabila ng mga patakaran ngayong pandemya, makikita sa larawang iyon na walang suot na face masks at wala ring “social distancing” ang mga dumalo kabilang na ang Hepe. Malinaw na nilabag ng mga dumalong pulis sa pagtitipon ang Bayanihan to Heal as One Act at Taguig
City Ordinance No. 12 Series 2020 na nagsasaad na kinakailangan magsuot ng “face masks” at sundin ang “social distancing.” Kasama na rin ang Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act sa nilabag ng mga pulisya. Sa ilalim ng batas na ito, nakasaad na ang hindi pakikipagtulungan ng sinumang tao na dapat rumispundi sa anumang pagkabahala sa pampublikong kalusugan ay maaaring masuspindi sa serbisyo o mapaalis sa serbisyo. Sa kabila nito, hindi nabigyan ng karampatang parusa sina Sinas at ang labing-walong opisyal na pulis, at sa halip ay binigyan lamang ang mga ito ng kaso. Ayon sa tapagpagsalita ng PNP (Philippine National Police) na si Bernard Banac, sensitibo ang PNP sa opinion at pagpuna ng publiko patungkol sa naganap na pagtitipon. Kaya naman, napilitan silang magsampa ng kaso sa mga nasabing pulis. Ngunit, mananatili pa rin si Sinas, kasama ang labingwalong pulis, sa kaniyang puwesto dahil lamang siya ay isang ikatlong antas na opisyal at isang hirang ng pangulo. Dagdag pa ni Banac
na maaaring piliin ni PunongHeneral Archie Gamboa ng PNP na hindi maalis si Sinas sa kaniyang katayuan dahil magiging mahirap ang pagpapatupad ng pagbabago sa kautusan sa gitna ng pandemya at dapat din isaalang-alang ang matagal na sebisyo ng Hepe. Hindi sapat ang mga nasabing dahilan upang hindi mabigyan ng sapat na parusa si Sinas at ang mga pulis na kaniyang kasama. Ang mga paglabag ng mga pulis, kahit isa lamang itong kamalian, ay hindi dapat ipagsawalangbahala, dahil sa susunod na pagkakataon ay magiging mas komportable na silang ulitin muli ang paglabag at ang kamaliang kanilang ginawa. Bago rin maganap ang insidenteng iyon, noong ika-dalawangpu ng Abril, apat na armadong pulis ang sumugod at sapilitang pinasok ang PPT (Pacific Plaza Towers) Condominium Complex sa Bonifacio Global City, Lungsod ng Taguig matapos maiulat sa opisina ni Mayor Lino Cayetano na mayroong mga taong “nagtipon” sa isang lugar sa condominium na walang suot na masks at social distancing. Pahayag ng mga saksi na ang mga nasabing residente na lumabag sa batas ay nakadistansya ng ilang metro
at magkakapamilya. Ayon sa dating Associate Justice Antonio Carpio ng Korte Suprema, iligal ang ginawang pagpasok at pananakot ng mga pulis sa pribadong pagaari lalo na at wala silang warrant para doon. Matapos ang insidenteng ito, nagpahayag si Sinas na, “The violators are not excused nor exempted from the national directive to use face masks, observe social distancing and the like.” Parehong insidente ang lumabag sa ating batas na magsuot ng face masks at pagsasagawa ng social distancing. Ngunit, hindi pantay ang naging pagtrato sa kanilang paglabag. Sa kaso ni Sinas na malinaw na sila ay lumabag ng batas, hindi sila nabigyan ng karampatang parusa dahil lamang sila ay mga pulis opisyales. Ang kaso naman sa Taguig na kung saan sapilitang pinasok ng mga pulis ang condo na walang warrant kahit walang matibay na ebidensya ng paglabag sa batas ay nagpapakita lamang na ang pagpapatupad ng batas sa mga pulis ay hindi kahigpitan. Ang mga pangkaraniwang tao sa ating bansa ay nabibigyan ng parusa sa kanilang mga paglabag at minsan pa nga’y sobra sobra ang parusang ipinapataw. Samantalang kapag mga opisyales, lalo na ang pulisya, ang lumabag ng batas, pinalalampas ito ng gobyerno at gumagawa pa sila ng dahilan para hindi sila maparusahan. Sumumpa ang ating pulisya na sa kanilang karangalan, hindi nila pagtataksilan ang kanilang
OPINYON BANTAY SA KABAN NG BAYAN
P151.5
BILYON KABUUANG KONTRIBUSYON NOONG 2019
P111
BILYON BAYARIN AT GASTUSIN NOONG 2019 MAANOMALYANG GASTUSIN
P21 P40 P42
MILLION PROPOSED PARA SA ADOBE MASTER COLLECTION SOFTWARE MILLION PARA SA APPLICATION SERVICES AND LICENSES MILLION PARA SA IDENTITY MANAGEMENT SOFTWARE
*datos mula sa Senate Committee Report
katapatan, pagkakakilanlan, at ang tiwala ng publiko; na lagi silang magiging matapang upang panagutan ang kanilang mga kilos; at lagi rin nilang pananatiliin ang pinakamoral nilang pamantayan at paninindigan ang kahalagahan ng kanilang pamayanan at ang kanilang ahensiyang pinaglilingkuran. Kaya naman, hindi sila nabubukod sa ating mga batas. Ang mga tagapagpatupad ng batas ang dapat nangunguna at namumuno sa mamamayan ng ating bansa upang sundin ang ating mga batas; hindi ang manguna upang ito ay suwayin. Sila rin ay dapat maging mapanindigan sa kanilang mga kilos tulad ng mga binitawang nilang salita sa kanilang sumpa. Dapat din, at mas lalo, nilang kinakailangan sundin ang ating mga batas, dahil kung hindi nila ito susundin, hindi na rin ito susundin ng mga pangkaraniwang tao at magdudulot ito ng kaguluhan sa ating bansa. Tinatawag na ng bangka ng batas si Sinas at ang kaniyang kapwa pulis upang hindi sila malunod sa kanilang pribilehiyong palawigin ang kamay ng ating batas. Ika nga ni Pangulong Roosevelt, lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng batas. Lahat tayo ay dapat sundin ito at mabigyan ng karampatang parusa sa paglabag nito. At kahit na mayroong mga tao ang nagpapatupad nito, tulad na lamang ng mga pulis, lahat tayo ay iisa lamang ang sinusundan- ang ating batas.
Humphrey Soriano
LATHALAIN 11
NO WORK NO PAY
Sa gitna ng kinakaharap na pandemya, kumustahin natin ang kalagayan ng mga No Work No Pay workers sa Kisay at ang naghihintay na kinabukasan para sa mga katulad nila
BANYUHAY | TOMO I BLG MMXX
PAHINA 12
BEATRICE ACORDA & JANAH CRUZ Naninibago. Nahihirapan. Nahihilo. Dahil sa COVID-19, tila ba’y ang lahat ay pumasok sa isang bagong henerasyon sapagkat sa panahon ngayon ay napakahalaga ng mga gadyet tulad ng cellphone, tablet o laptop, sapagkat ang mga gadyet na ito ang magsisilbing opisina’t paaralan para sa lahat ng mamamayang nagtatrabaho at nag-aaral. Sa gitna ng
aking pagmumuni-muni ay biglang tumunog ang aking cellphone. Pagkatingin ko dito ay tumatawag ang aking guro. Bilang presidente ng aming klase ay madalas ako ang unang hinahanap ng mga titser sa tuwing sila ay mayroong
Achilles Fayloga
Achilles Fayloga
kaniyang nais iparating sapagkat maingay ang aking paligid.
HAWAK-KAMAY
AWIT NA NANANAWAGAN, BAKA SAKALING NAPAKIKINGGAN “Anak! Paano ba ‘to?” parating tinatanong ng mga nakakatanda sa mga kabataan ngayon. Kanilang trabaho’y sa bahay inuwi, dulot ng Coronavirus (COVID-19) na ngayon ay isang pandaigdig na pandemya. Mga magulang na nagsisikap para sa ibabaw ng mesa ay may pagkaing maihain. Guro naman na patuloy na naghahanda sa online classes para magbigay ng kaalaman sa mga estudyanteng kinabukasan ng bayan. Ngunit ngayo’y sila naman ang may kailangan ng gabay. Pag-unawa’y hinihingi dahil sa biglang pagbabago ng daloy sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Mga kinailangan nilang tapusin na dokumento, tulong mula sa mga estudyante ay kailangan upang mapabilis ang kanilang mga gawain. Walang sawang pasensiya ang kanilang parating ipinapakita. Pagpatawad sa mga anak na may maling ginawa o paghingi ng tawad ng mga estudyante tuwing huli nakakapagpasa – “Pagpasensyahan niyo na kami anak,” ngayon ang nais nilang ipaalam.
kailangan. Sinagot ko naman ito ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi ng aking guro sapagkat napakaingay ng aking paligid. Binaba ko na lamang ito at tinext ang aking guro na sa text na lamang sabihin ang
NANAY, TATAY, SALAMAT SA TINAPAY Patuloy ang pagkayod. Sa pagtawag sa kanila ng “nanay” at “tatay”, malaking responsibilidad ang kanilang pasan. Patuloy na pagtatrabaho para sa kanilang mga anak, lahat para sila’y mapaaral at mapakain. Sila ang pinakamalakas na suporta para sa mga pangarap na nag-aalab na matupad. Lahat ng kanilang ginagawa ay dahil sa kaisipan nilang, “Lahat ‘to para sa kinabukasan nila.” Ngunit paano na ngayon? Gamit ang mga makabagong teknolohiya, hindi lahat sa kanila’y may kakayahang gumamit nito. Ano naman ang panibagong laban na haharapin nila? Work from home – hinaharap ng mga naghahanap-buhay ngayon dahil sa banta nang pagkalat ng COVID-19. Gamit ang Zoom, Google Meet, at Email, patuloy ang trabaho kahit dito’y hindi sila bihasa. Sa mga panahong ang mga magulang ang umintindi, ngayo’y sila naman ang intindihin at gabayan. Mundo ng internet at gadyet, kabataan ang may gamay. Mga magulang na unang nagturo, sila naman ang gabayan para sa kanilang trabaho online.
UMUWI NANG TILA BA’Y LAHAT NAGBAGO NA Ang bawat estudyante’y nahihilo. Para bang sumakay ng isang dyip na may pasaway na drayber. Kitang-kita sa babala na mayroong pandemya ang nagaganap ngunit pinagpatuloy pa rin ang pag-arangkada nito. Online classes – bagong pamamaraan ng pagaaral na ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Video chat ang silid-aralan, nagsisikap ang mga guro’t mag-aaral para sa mga kaalaman na ibabahagi at matututunan. Sa mundo na puno ng teknolohiya ay napakaimportante ng internet connection. Ngunit hindi naman maiiwasan dito ang kawalan ng maayos na koneksiyon na nagreresulta sa lag; sa ganitong sitwasyon ay apektado ang lahat ng gumagamit ng internet. Sa oras na ito’y nagaganap ay tanging “pasensya” na lamang ang nasasabi ng mga guro, magulang, at estudyante.
Para bang ang lahat ay hinahabol ng isang mabangis na hayop. Pagod man ay patuloy pa rin ang pagtakbo lalo na ang mga magulang at guro. Mahirap man ang pamamaraan ng pagtatrabaho’t pagtuturo, patuloy pa rin ang pagsuporta ng mga magulang natin sa tahanan at paaralan. Pagsusuporta sa paglinang ng mga kakayahan at kaalaman ng kanilang mga anak at estudyante. Dahil dito’y napakalaki ng pasasalamat na dapat nilang matanggap. Ngayo’y mayroon nang pagkakataon na maibalik ang kanilang mga pagsisikap. Sa mga tanong nila tungkol sa virtual world na nasasagot, pagiintindi at pagtulong sa mga problemang maari nilang harapin, “Salamat, anak,” naman ang kanilang sasambitin.
“Okay pa naman kasi kahit papaano may pasok pa tapos bigla nagkaroon ng pandemic dun na nag-umpisa ang crisis ng buhay,” ani Misis Maricris Fulugan o mas kilala natin bilang Ate Menchu, patungkol sa epekto ng pandemya sa kaniya. Si Ate Menchu ay tatlong taon nang nagtra-trabaho bilang utility staff ng QueSci at may tatlong anak na pinag-aaral.
Aminadong puno ng pag-aalala si Ate Menchu sa sitwasyon ngayon dahil wala siyang permanenteng trabaho na susuporta sa kanilang pangangailangan. “[Yung] panggastos araw-araw wala ka nang inaasahan na kasunod ‘pag naubos na ‘yung konting ipon mo,” agam-agam nito. “Nakiusap ako sa isang kapatid ko na may tatlong anak na ako na lang maglalaba ng mga damit nila. Kahit papaano, binibigyan naman ako ng panggastos,” ang tugon ni Ate Menchu nang tanungin tungkol sa kaniyang pinagkakakitaan, lalo na ngayong mas mahirap humanap ng trabahong makadaragdag sa panggastos dahil sa epekto ng pandemya. “Bukod po sa
paglalaba ko, may dati po kasi ako pinasukan na tahian po, nagextra din po ako kaso sa ngayon po mahina na kasi wala nang matahi –walang tela kasi pandemic walang deliver.” Mag-isa niyang tinataguyod at pinagaaral ang kaniyang mga anak. “Tatlo po sila, single mother po ako.” Dagdag pa niya na, “‘Yung anak ko sa probinsya hindi na nakapunta dito na dapat magbakasyon para makasama po namin siya, kaso wala po siyang masakyan.” Na kung tutuusin ay higit na malaking dagok sa kaniya bilang ina na malayo ang iyong anak lalo na ngayong mayroong pandemya. “Kaht papaano gagawan ko [ng] paraan para makapagpatuloy lang sila,” aniya tungkol sa pag-aaral ng kaniyang mga anak. Tunay na pursigido si Ate Menchu na mapagtapos sila. Isang kahanga-hangang kalidad na sa isang ina mo lang kadalasang makikita. Parang isang manlalayag na pursigidong sumuong sa dagat kahit pa malakas ang alon at hindi sigurado ang maiuuwing huli. Sa gantong sitwasyon ay mas lubos ang pasasalamat ni Ate Menchu sa mga kamag-anak na tumutulong sa kanila na makaraos ngayon. “Kahit papaano [tumutulong ang] mga kapatid ko na regular naman sa trabaho.”
Buong puso rin ang pasasalamat niya sa ayuda ng gobyerno at ng QueScie Agapay sa tulong na ibinigay nila, “Saka po ‘yung ayuda ng Kisay agapay malaking tulong din po sa amin at ‘yung tulong na ibinigay ng mga GPTA officers. Laking tulong talaga po sa katulad namin.” Positibo man ang pananaw ni Ate Menchu sa buhay at hindi nakalilimutang magpasalamat ay aminado pa rin ito na mahirap talaga ang sitwasyon at kung may pagkakataon na makakausap niya ang presidente ay ito ang kanyang sasabihin, “Sana matulungan kami, mabigyang pansin [ang mga] katulad namin na nagsisikap para sa anak [namin] na makatapos.” Isa lamang si Ate Menchu sa marami pang mukha ng mga kapwa natin Pilipino na patuloy pa ring nakapagbibigay inspirasyon sa panahon ngayon. Isang ina at isang magulang na hindi lamang sarili ang iniisip ngunit pati na rin ang mga anak ngayong pandemya. Patuloy pa rin sa buhay na may positibong pananaw at moral na pinaninindigan.
Sa labingtatlong taon niya bilang utility staff ng QueSci, tunay na isang malaking dagok para kay Ate Bhing ang pagsasara ng mga paaralan at pagkawala ng kaniyang pangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan. Nang kumustahin ang kaniyang kalagayan ngayon, ganito ang kaniyang naging tugon, “Kahit papaano ay nakakaraos naman, sa awa ng Diyos, at higit sa lahat ay walang sakit.” Bagaman hindi rin ganoon kaalwan ang buhay nila bago pa magkaroon ng pandemya, inamin ni Ate Bhing na talagang mas
nahirapan pa sila ngayon. “Ngayong quarantine, napakahirap. Hindi ko inakala na mangyayari ang ganito sa buong mundo. Mahirap din ang buhay noon, pero okay naman dahil alam mo ang dapat mong gawin. Pero ngayon hindi mo na alam, kasi hindi mo nakikita ang kalaban mo.” Nakatulong din sa kanilang pamilya ang ayudang natanggap mula sa gobyerno. Aminado mang hindi ito sapat para tustusan ang lahat ng kanilang pangangailangan, lalo na ngayon na magbabalikeskwela na at wala pa ring magagamit ang kanyang mga anak sa darating na online class, ay positibo pa rin ang pananaw ni Ate
Bhing.“Nagtitinda ako ng meryenda at ulam online. Ako ang namamalengke at nagdedeliver,” aniya patungkol sa pag sideline niya upang may pagka-kitaan ngayong quarantine. Sa mga araw naman na hindi nai-pagbibili lahat ang kanayang itinitinda, dinidiskartehan na lamang ni Ate Bhing ang mga natitira upang hindi ito masayang. “Yung natira yun na lang ang hapunan namin. Hindi po maiwasan yung kaunti ang benta kasi yung mga suki ko minsan nagtitipid din, pinapautang ko nalang sa iba para meron pa akong masisingil,” sabi pa niya. Marami mang pinagdadaanan ngayon ay hindi pa rin niya
nakalilimutan ang mag pasalamat sa Diyos at sa mga tumutulong sa kanya. May agam-agam man sa sitwasyon ngayon na mahirap, nakakatakot, at delikado ay matapang pa rin niyang sinusuong ang bawat araw para sa pamilya niya na tila sundalong buo ang loob sa bawat gyerang kahaharapin niya. Isa lamang si Ate Bhing sa marami pang mukha ng mga kapwa natin Pilipino na patuloy pa ring nakapag-bibigay inspirasyon sa panahon ngayon. Mga taong hindi lamang sarili ang iniisip ngunit pati na rin ang sitwasyon ng kababayan nating nahihirapan ngayong pandemya. Patuloy pa rin sa buhay na may positibong pananaw at moral na pinaninindigan.
“Okay pa naman kami bago maglockdown. Pero ang laki ng pagbabago noong nag-quarantine na, dahil karamihan sa mga tao ay nawalan ng trabaho.” Anim na buwan na mula nang maideklara ang unang enhanced community quarantine na siyang naging dahilan sa pagkakasara ng ilang pampublikong lugar. At kasama sa mga naapektuhan nito ay si Ate Divine na pitong taon nang bahagi ng utility staff ng QueSci. “Dahil nawalan ako ng trabaho, ‘yung panggastos namin sa araw-araw ay nawala rin. Umaasa na lang kami sa tulong at ayudang binibigay ng gobyerno saka ng mga kaibigan ko.” Nakalulungkot, dahil bukod sa kaniya ay nawalan din ng trabaho ang kaniyang asawa. Ngunit kahit na may mga ayudang natatanggap, hindi pa rin nito nasasapatan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. “Hindi kasi sapat sa isang buwan ang ayudang natatanggap namin, lalo na’t nasa malaking pamilya ako.
‘Pag naubos na ‘yung ayudang naibigay sa ‘min, mag-iisip ulit kung saan kukuha ng panggastos para sa mga susunod pa na buwan. Kaya mas nahirapan pa ang mga kagaya kong mahirap na, nawalan pa ng trabaho.” Kaya naman para may makain ang kanilang pamilya, silang mag-asawa ay dumidiskarte na lamang kung saan pwedeng kumita. “Minsan, may kumukuha sa ‘kin para maglinis ng bahay at magpalaba. ‘Yung nakukuha kong pera ay pinagkakasya ko na sa isang araw. At yung asawa kong, kasabay kong nawalan ng trabaho, ay sumasideline na rin ngayon.” Bukod sa problema kung anong ang kakainin sa arawaraw, isa pang hamon sa kanilang pamilya ang darating na pasukan. “Sa awa ng Diyos, oo, kasi gusto talaga nila tumuloy kahit na hindi sapat ‘yung gamit namin pang-online class nila,” sabi ni Ate Divine nang tanungin siya kung magpapatuloy ba sa pag-aaral ang kaniyang mga anak. “Hindi ko sana sila itutuloy [sa pagaaral], dahil may dalawa na akong college at dalawang high school, tapos ‘yung mga gamit pa pang-online ay cellphone lang at walang pang-internet. Pero dahil desidido sila na ituloy ‘yung pag-aaral nila,
pagsisikapan ko na lang.” Sa kabila ng mga pagsubok na napaharap sa kanilang pamilya buhat ng magkaroon ng pandemya, napapanatili pa rin ni Ate Divine ang positibong tingin niya sa buhay. At hindi pa rin siya nakakalimot na magpasalamat sa mga taong patuloy na nagbibigay ng tulong sa kaniya at sa kaniyang pamilya. “Nagpapasalamat ako sa gobyerno dahil kahit papaano ay nakatanggap ako ng ayuda mula sa kanila.” Ngunit kasabay nito ay may hinaing pa rin siya para sa mga nasa posisyon. “Kung bibigyan ako ng pagkakataon [makausap ang Presidente natin ngayon] hihingi ako ng tulong sa kaniya para sa pamilya ko at para sa pag-aaral ng mga anak ko.” Isa lamang si Ate Divine sa libolibong Pilipinong nawalan ng kabuhayan ngayon. At kahit patuloy pa ring tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa, patuloy pa rin niyang gagawin ang kaniyang buong makakaya para maitaguyod ang kaniyang pamilya sa gitna ng pandemya.
Achilles Fayloga
14
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLET TER TOMO I BLG MMXX
BANYUHAY
ENERO-AGOSTO 2020
LATHALAIN
Banyuhay
Sa Screens ng Virtual World: Iba-ibang Mukha ng Scientian MARIEL BULAN & BEATRICE ACORDIA
Sila yung mga kaklase nating mukhang nasa isang mukbang sa halip na online classes sa dami ng pagkain. Hindi mo sigurado kung study table na maraming nakalatag na pagkain ang lamesa nila o kung buffet table na may naligaw na laptop at notebook. Kumpletos rekados mula sa agahan, snacks, at threecourse lunch, samahan mo pa ng milktea na inorder nila sa Food Panda. Hindi rin siya nawawalan ng free delivery promo at halos kilala na niya ang lahat ng riders ng Grab Food. Busog ang utak at kalamnan.
Batang may laban! Maaga gumising, complete set ng uniform at higit sa lahat, naligo na. Sila lang naman ang mga kaklase natin na aangkinin ang lahat ng award na may kinalaman sa good behavior. Mula sa Most Punctual hanggang sa Best in Cleanliness. Sila rin yung madalas sumagot o magtanong tungkol sa kanilang mga clarifications sa chat box tuwing may pa-recitation si teacher at sinasabi ang sikat na: “Class, am I clear?” Huwag kang mag-alala kung nakatulog ka dahil mayroon silang kumpletong kopya ng PowerPoint nila Maam at Sir.
Sila yung mga kaklase nating nagabang ng sale sa online shopping para makapaghanda sa online classes. Complete set-up ang kanilang study area, naka green screen, condenser mic, samahan mo pa ng pangmalakasang webcam at audio mixer. Pwede na nilang maging sideline ang magrecord ng kanta at maging announcer sa radyo. Sa katotohanan, “Yes, sir!” lang naman ang nasasabi nila sa klase.
Dinaig ang mga negosyante na nag-oonline selling sa kakadutdot ng kanilang mga cellphones. Sila yung mga kaklase nating panay text at chat habang nag-oonline class. Tawanan at kwentuhan kasama ang iba pang kaklase sa groupchat niyong kayo-kayo lang. Scroll dito, scroll doon sa Facebook at Twitter. Maya-maya lang tutunog na din ang iyong notification dahil nag-add na pala siya ng Instagram Story. Tamang thumbs up at clap reaction na lang siya dahil noong nagdesisyon na siyang makinig ay end meeting na pala.
Maliban sa #AcademicFreeze na tinweet o pinost nila, talamak din sa kanilang mga IG stories ang make-up endorsements na ginawa nila bago magsimula ang klase. Ibaibang shades ng lipstick araw-araw kapares ang sari-saring filters tuwing nakaharap sila sa screen. Elegante din ang outfit nila kahit uupo lang sila sa bahay at makikinig ng klase. Sa tuwing sasagot sila para sa recitation nang may pa accent pa, mapupunta ang atensiyon mo sa kanilang vanity table.
Hindi ka sure kung si Aurora ba sila o si Snow White. Wala namang prince charming o mga kumakantang ibon na gumising sa kanila, basta mukhang kakabangon lang nila, hindi mula sa 100 na taong tulog gaya ni Aurora, kundi sa 100 na segundong idlip – minsan hindi na talaga sila natutulog. Sila rin si Moana. Bukod sa pagkanta ng How far I’ll go, gusto rin nilang alamin gaano kalayo ang mararating nila nang walang tulog. Dahil dito, sila rin ang madalas na nakakasali na sa kalagitnaan ng klase. Wala rin naman silang malupit na madrasta pero maririning mo sa ate o nanay nila na sila daw maghuhugas ng plato pagkatapos ng klase. Puyat pa more!
Lauren Juliana Sison
Brian Axel Ycoy
LATHALAIN “Ito ay hindi lamang isang pagsubok.” Pamilyar ang anunsyo ng isang malalim na tinig mula sa kawalan ngunit hindi ka na nag-abala pang alalahanin kung saan iyon nanggaling. Nagmadali ka na lamang na magbihis at lumabas ng kuwarto dahil baka maubusan ka pa ng alcohol at iba pang mga supplies sa storage room. At buti may naabutan ka pa. Unang araw pa lamang ng pamamalagi ng inyong pamilya sa isang bahay na kilala sa pintura nitong dilaw at asul sa labas. May iba pang pamilyang inimbitahan ni “Kuya” sa loob ng kanyang bahay kung kaya hindi ka na rin nagtaka na halos araw-araw na lang yata ay naaabutan mong nasimot na ang mga estante ng pagkain dahil bukod sa ganid ang mga kasama niyo, binigyan din sila ng pribilehiyo na maunang bigyan ng ayuda gayong hindi naman sila binibigyan ng mga task. Bakit pa ba sila pinapasok dito? Hindi naman nila kailangan ang premyo dito dahil madatung naman sila. Kinakailangan pa naming paghirapan ang pagkuha ng panglaman sa aming tiyan
BANYUHAY
ENERO-AGOSTO 2020
at nakita mo ang larawan
GEELYN AVANCEÑA & MARIELLE LABRADORES
samantalang sila pahiga-higa lamang. Ipinagkibit-balikat mo na lamang ito dahil inakala mong hindi naman magtatagal sa bahay na magbubukas lamang kasabay ng pagtatapos ng pandemya sa inyong bansa. Nagkamali ka. Dumaan ang araw, linggo, at buwan. Nagtalaga si Kuya ng mga taong susubaybay sa inyo sa loob ng bahay. Walang silang mukha sanhi ng pagtatago sa likod ng maskara. Sa hindi mo malamang dahilan, nabagabag ka sa presensiya nilang sumisigaw ng kaguluhan at karahasan. Ang akala mo’y guni-guni mo lamang iyon sanhi ng bitbit nilang mga armas ngunit tama pala ang hinala mo. “Pumasok ka sa confession room.” Ito ang huli mong narinig na utos ni Kuya sa tatay mo bago ka makarinig ng putok ng baril sa loob ng nasabing kuwarto. Sumunod roon ang kusang pagbukas ng telebisyon sa salas kung saan ka naroroon
NICOLE BAGSIC & MIKHAILA MAGPUSAO Hay, pasukan na naman! Dali-dali akong umalis ng tahanan ko hawakhawak ang aking pandesal at kape upang makarating nang maaga sa paaralan. Bilang bagong guro, kinabahan ako sa magiging klase ko. Ano kaya pakiramdam maging tagapayo? Nag-aral ako upang maging guro sa AP. Bata palang ako kinahihiligan ko na makinig sa balita upang malaman ang mga nangyayari sa paligid. Mahilig din ako maghayag ng aking opinyon pagdating sa politiko. Kaya’t may napag-isipan akong gawin. “Para sa unang gawain natin, hatiin niyo ang klase sa apat. Upang makilala ninyo ang bawat isa, ipahayag ninyo ang mga opinyon niyo ukol sa gobyerno”. Kitang-kita ko na sama-sama talaga silang nag-uusap ukol sa mga opinyon nila sa gobyerno. Ano kaya ang sasabihin ng Achilles Fayloga
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLET TER TOMO I BLG MMXX
mga batang ito? Makakabuti ba? Magulo ba? Makakasira ba ng mga relasyon? Tignan natin. Nang makalipas ang sampung minuto, tinawag ko na ang unang pangkat upang ipahayag ang kanilang mga opinyon. “Facebook, handa na ba kayo?” “Opo, ma’am!” Nagulat ako sa kanilang mga sinabi. “Ma’am, sinusuportahan po namin ang gobyerno. Alam po namin na ginagawa lang talaga nila ang makakabuti para sa bayan. Kahit pagod na pagod, sila’y nagtatrabaho pa rin. Mabuhay Tatay Digong!” Bago ako makapagsalita ay sumagot na kaagad ang pangkat ng Twitter, “Ha? Ano mga pinagsasabi ninyo? Ano ginawa niya para sa bansa? Tignan niyo, andami na nanghihingi ng pagkain ngunit sinasabi lang nila wala nang pera ang gobyerno. Pero nakapaglagay naman ng buhangin sa Manila Bay.”
ng tatay mong natatabunan
ng mga salitang: Tila ba bumagsak ang langit sa lupa. Ganun na pala ang eviction sa bahay ni Kuya; waring kakastiguhin lamang ang gumawa ng violation, yun pala’y papatayin na. Ginawa naman ng tatay mo ang kanyang makakaya upang kumpletuhin ang mga task at pakainin kayo gamit ang napanalunang weekly allowance ngunit bakit siya pa ang napagkadiskitahan gayong hindi naman siya gumagamit ng droga?
Sagot naman ng grupong Reddit, “Hay nako, sabi nila bato lang daw iyon na dinurog-durog. Hindi naman kayo nakikinig sa balita. Ngunit tama naman, ano ang ginawa ng gobyerno para sa mga mamamayan?” Tuloy-tuloy ang naging alitan sa mga pangkat nang sumigaw ang grupong Instagram. “Hay nako! Tumigil na nga kayo sa pag-aaway niyo. Buti pa kami, hindi namin iyan pinapansin. Basta makashare lang ng post sa story ay okay na!” “Umayos nga kayo!” sigaw ko sa klase. Napatahimik silang lahat. “Walang mangyayaring mabuti kung ipagpapatuloy niyo lang ang alitan. Halina’t magsama-sama kayo dito, at pakinggan ang sasabihin ko.” Sa milyun-milyong mga taong gumagamit ng plataporma ng social media, may mga natatangi na marami ang sumusubaybay sa kani-kanilang mga kontekstong inihahain dito. Maaaring pagbabahagi ng sining, kuro-kuro, katatawanan at iba pang bagay na nakakapag-libang ang mga patok na ibinibigay ng mga personalidad na ito para sa kanilang mga tagasuporta. Isang pindot lamang ay maaari nang makapagpasiwalat ng impormasyon
Ikinulong kayo sa bahay upang protektahan kayo sa sakit na kumakalat ngunit ipinagpatuloy pa rin ng nakatataas ang extrajudicial killings na naging mas malaking banta sa inyong buhay. Ito na ba ang new normal na sinasabi nila? Ang new normal daw ay tungkol lamang sa paghuhugas ng mga kamay, pagsuot ng mga face mask, at pagdi-disinfect ng kapaligiran ngunit hindi na naging ganoon ang kaso dahil sa nakikita mo, ang pagkiling sa nakatataas at makapangyarihan ang bagong normal sa lipunang kinabibilangan mo. O siguro nga hindi na ito maituturing na bago dahil simula’t sapul, talamak na ang krimen sa bahay. Ay oo nga, wala naman talaga kayo sa bahay ni Kuya. Nasa isang bansa kayong ang pag-apak sa karapatang pantao ay hindi isang violation. Sa bansang naging hari-harian ang isang presidenteng gaya ni Kuya ay humahakbang nang palihim. Isang presidenteng nagpapatupad ng mga batas
hanggang sa milya mang layo mula sa pinanggalingan nito. Anuman ang nilalaman ng ibinabahagi, sa dami ng utak na nagpoproseso ng sinabi, sari-sari namang mga saloobin at reaksiyon na matatanggap mo. Nagkakaiba man ang mga uri ng nilalaman na naibabahagi sa kanilang mga plataporma, ang mga social media influencers kung tawagin ay nagkakapareho sa pagiging kilala sa libu-libong mga tao. Sa dami ng pares ng mga matang nakakakita sa mga nilalaman ng social media, hindi na bago para sa mga maimpluwensiyang tao na ito ang makatanggap ng iba’t-ibang tugon galing sa mga tao. Kahit na ilan pa ang iyong mga taga-suporta, hindi maiiwasan ang makatanggap ng negatibong mga komento. Sa pagsasaalangalang ng mga pasaning pinili mong dalhin, tiyak na makabubuti ang pagiging maingat sa paggamit ng plataporma ng social media. Mahalagang isipin nang mabuti kung paano makakaapekto sa iba pang mga gumagamit nito ang mga sinasabi at ibinabahagi. Importante ring panatilihin ang pagiging totoo sa mga impormasyong mabilis na lamang maipamahagi. Sa kabilang banda naman, hindi lamang
15
na hindi mga mamamayan ang pinoprotektahan kundi ang mga anomalyang kinasasangkutan ng mga nakaupo sa pamahalaan. Oo, hindi ka nagkamali sa narinig mo kay Kuya noong unang araw ng pagkakulong mo sa bahay. At nang muli mo itong naalala, nanginig ang iyong mga kalamnan. Hindi mo tiyak ang panahon kung kailan niya ito wawakasan. “Ito ay hindi lamang isang pagsubok. Ito ay ang inyong emergency broadcast system na nagpapahayag ng pagsisimula ng Taunang Purge na pinahintulutan ng Republika ng Pilipinas. Ang mga sandata na nasa ikaapat na klase at mas mababa ay pinahintulutan para magamit sa panahon ng Purge. Ang mga opisyal ng gobyerno ay nabigyan ng kaligtasan sa sakit na dulot ng Purge at hindi maaaring saktan. Sa hudyat ng sirena, anuman at lahat ng krimen, kabilang ang pagpatay, ay magiging ligal. Pinagpala ang administrasyong Duterte at ang Pilipinas, isang bansang muling isinilang. Sumainyo nawa ang Diyos.”
ang mga influencer ang makakagawa nito, ngunit magagawa mo rin! Hindi mo kailangan ng isang milyong mga subscribers sa Youtube o isang milyong followers sa Instagram at Twitter upang magawa ito. Ang isang mag-aaral na tulad mo ay maaaring gumamit ng iyong sariling mga plataporma ng social media upang turuan ang iyong mga kaibigan at pamilya. Mula sa pagbabahagi ng mga balitang makatotohanan, pakikilahok sa mga organisasyon ng kabataang naglalayong magpahatid ng kamalayan, at iba pang mga pamamaraan ang maaari mong gawin upang himukin ang iyong mga kakilalang maging maalam sa mga pangyayari sa kapaligiran. Tulad ng hilagang bituing gumagabay sa mga manlalakbay, mainam na maging ilaw sa iyong mga taga-subaybay. Maging isang instrumento sa pagbibigay ng kamalayan lalo na sa panahon ngayong nanganganib itong hindi makarating sa pag-iisip ng bawat mamamayan. Maimpluwensiya man o hindi, gamitin ang iyong mga plataporma hindi upang mapahanga lamang ang mga tao, ngunit upang magkaroon ng malaking epekto.
“Ang bayan ko’y tanging ikaw, Pilipinas kong mahal. Ang puso ko at buhay man, sa iyo’y ibibigay.” – Francisco Santiago Awiting nakakapampukaw ng damdamin ng isang Pilipino, kapwa nating kababayan na mahal ang bayang ating sinilangan. Kay sarap pakinggan at sabayan na may dangal sa bawat notang bibitawan, bawat parte ng liriko na sasambitin bilang pag-alala sa mga bayaning nag alay ng kanilang dugo’t pawis noon –ngunit ano kayang lagay ng mga kapwa nating nag bubuwis pa rin ng buhay para pangalagaan ang bayan kahit matagal nang tapos ang gyera? Simula pa lamang noon ay pinaglalaban na ng mga katutubo higit sa kanilang karapatan ang kalagayan ng kalikasan. Naniniwala silang kung wala ang kalikasan ay wala rin sila, kung kaya’t ganoon na lamang ang pag-iingat nila rito. Ilang protesta, petisyon at iba pang proyekto ang kanilang inilunsad kasama ng ilan pang organisyong pang kalikasan at karapatang pantao upang bigyan pansin sila ng gobyerno. Ang kasunod na liriko sa awit na Pilipinas Kong Mahal ni Franciso Santiago ay ganito, “Tungkulin ko’y gagampanan na lagi kang paglingkuran. Ang laya mo’y babantayan, Pilipinas kong hirang”,na malinaw naman kung sino-sino lang ang buong buhay na ginagawa ang kanilang tungkulin sa ating bayan. Hindi lamang sa mga dayuhan ipinaglalaban ng mga katutubo natin ang ikabubuti ng kalikasan ngunit pati na rin sa mga kapwa nating Pilipino na bulagbulagan sa batas dahil sa pagiging gahaman. Habang tayo ay matiwasay na natutulog sa ating mga tahanan, ang ating mga katutubong
kababayan ay puno ng agam-agam at lungkot ‘pagkat nalayo sila sa kanilang kinagisnang tahanan. Marami sa kanila ang sapilitang pinalikas ng gobyerno dahil gagamitin ang lupang kanilang tinitirahan para sa mga “proyekto”. Habang ang ilan namang nanindigan at hindi umalis sa kanilang lugar ay inalipusta o pinapatay.
JESCHEL
JHOIE NAVA
Ayon sa KATRIBU, 67 na ang naitalang forced evacuations ng mga katutubo sa ilalim pa lamang ng administrasyong Duterte. Mahigit kumulang 38,841 na tao ang naapektuhan nito kabilang ang mga katutubo. Patuloy pa rin ang ganitong pangyayari hanggang ngayon. Hayagang hinuhubaran at ginagahasa ng kung sinosino ang ating
kalikasan. Kinokontamina ng karuhimhan ang dalisay na katubigan, nilalason ang magaan at banayad na hangin. Habang ang mga kagubatan at kabundukan nama’y kinakalbo’t sinisira nila tulad na lamang ng ginawa nila para lamang maging white sand ang Manila Bay. “Bayan sa silanga’y hiyas Pilipinas kong mahal. Kami’y iyo hanggang wakas Pilipinas kong mahal” ito pa rin ang tuloy na aawitin ng ating mga kababayang Igorot, Lumad, Mangyan at iba pang katutubo na nag mimistulang punitpunit na damit ng Inang Bayan pag katapos pagsamantalahan ng mga hayok sa yaman. Silang mga niyurakan din ang karapatan ngunit nanatili sa tabi ng ating bayan para protektahan ito sa lahat ng kanilang makakaya –hanggang sa huli. Habang tayo’y una’t huling lirikong ito, “Mga ninuno naming lahat sa iyo’y naglingkod ng tapat. Ligaya mo’y aming hangad, Pilipinas kong mahal”, lamang ang inaawit habang sila’y sinasabuhay ang bawat salita ng awiting alay natin para sa bansa. Silang walang ibang hangad kundi ang ikabubuti ng Pilipinas kasabay ng yaman nito. Habang tayo’y ligtas sa loob ng ating tahanan, sila’y lumalaban para sa kanilang karapatan at kabutihang pang kalikasan na tayo rin naman ang nakikinabang. Habang ang gobyerno ay patulo’y na nag bubulagbulagan sa kanilang sitwasyon at hinahayaan na yurakan ang ating bansa, mananatiling kalunos-lunos ang kalagayan nila –ikaw lungsod kamusta ka?
Humphrey Soriano
Humphrey Soriano
18 AGHAM
MASS TESTING Code Blue! Code Blue! Pasyente sa Silid 3B! Code Blue! Code Blue! Narinig ko ang nakapaninindig balahibong boses sa speaker .
BANYUHAY | TOMO I BLG MMXX
PAHINA 20
Kalusugang Pangkaisipan
Sakit ng Isa, Sakit ng Lipunan
SA MGA NUMERO ayon sa mga datos na nakalap ng DOH.
BRIAN YCOY Sa Pilipinas, noon pa man o kahit hanggang ngayon, sa tingin ng karamihan - isang biro lamang. Kapag nagkaroon ka nito, tiyak na tatawagin ka ng iba na, ‘baliw’, ‘siraulo’ – mga masasakit na salita na tumatagos sa pagkatao. Kahit yung iba na humihingi ng tulong sa kani-kanilang mga pamilya – sasabihin pa ay, ‘nagdradrama lang ‘yan, lilipas rin iyan.’ Iyan ang isa sa mga aspekto na hindi pinapansin ng karamihan bunsod ng mga pagbabagong dulot ng pandemya. Napapanahon. Lumalawak. Lumalamon. ‘Yan ang mga sakit sa mental health. Mga datos Bago pa man pumasok ang pandemya, ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na may mataas na bilang ng mga taong nakararanas ng depresyon – isang sakit sa mental health na karaniwang nakikita sa henerasyon ng mga kabataan ngayon na isa sa mga nangungunang factor na nakakapagpataas ng risk sa pag-suicide ayon sa mga ulat ng WHO. Tumatayang 88 sa
100,000 katao at sumatutal na 3 milyong tao ang nakararanas nito batay sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2010. Gayunman, sa gitna ng pandemya, namataan ng mga propesyunal ang biglaang pagtaas ng mga taong nakararanas ng iba pang mga mental problems simula nang nag-lockdown. Sa isang pahayag ni Dr. Maria Rosario S. Vergeire, ang DOH Assistant Secretary at Spokesperson, tumaas ani ang dami ng mga tawag sa mga suicide prevention hotlines batay sa obserbasyon sa mga buwan ng Abril hanggang Hulyo. Ito ay batay sa datos ng National Center for Mental Health (NCMH) na tumaas ang bilang sa hindi bababa sa 40 na katao ang tumatawag sa kanilang hotline. Mas mataas ito ng 30 kumpara sa average nilang 13-15 bago mag-lockdown. “Hindi porket tumawag kayo sa hotline ay loko-loko o mayroon kayong sira sa ulo. It is okay not to be okay especially in this situation na mayroong pandemiya,” ani Vergeire. Kasagutan Sa pagtutok sa aspekto ng kalusugan,
magandang oportunidad ito upang isakatuparan ang fullimplementation ng RA 11036 o mas kilala bilang “Mental Health Act” na ipinatupad at sinang-ayunan noong 2018. Nakasaad rito na ang mga community-based mental health care facilities ay marapat na maihiwalay sa mga ospital na nakalaan para rito. Ito ay upang magkaroon ng access ang karamihan, partikular na ang mga walang kaya’t naghihirap. Bagama’t wala pang masyadong update ukol rito, tinutugunan ng DOH, kaagapay ang NCMH at iba pang mga ahensya, ang paggawa ng mga mekanismo’t solusyon ngayong panahon ng pandemya. Isang ehemplo ang ginawa ng Philippine Mental Health Association, Inc. (PMHA) na kung saan ay sila’y naghahatid-tulong through online para sa mga front liners, CoViD patients at mga survivors, OFWs, at ang vulnerable groups. Patuloy rin sa serbisyo ang mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa mga lokal na baryo’t munisipyo upang maghatid-tulong at sagip sa mga nangangailangan.
Pagharap sa katotohanan Dahil walang nakaaalam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na mga araw ay patuloy na nagpapabigat sa buhay ng mga Pilipino ngayon sa gitna ng pandemya. Ang pag-adapt sa tinatawag nating “new normal” ay isa ng challenge, ika nga, sa buhay ng bawat isa. Ang pagkabagot, pagkainip, pagkamiss – mga halo-halong emosyon na umuugat sa mga pangamba’t pag-aalala. Patuloy na lalawak, lalamon, ngayong panahon – ang mga sakit sa mental health.
Ang mental health ay isang kritikal na aspekto. Dapat natin itong bigyang-tugon at pansin; pakinggan at huwag balewalain. Hindi lang ito responsibilidad ng pamahalaan, ang bawat isa sa atin ay may magagawang aksyon.
20% populasyon ng taong nakararanas ng mental health problem sa kasalukuyan.
16%
mga estudyanteng edad 13-15 taon ang nagbalak magpatiwakal. Brian Axel Ycoy
AGHAM
BANYUHAY
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLET TER TOMO I BLG XLVII
ENERO-AGOSTO 2020
19
SA MGA NUMERO
ayon sa mga datos na nakalap ng DOH.
140
mga laboratoryo at mga pasilidad na lisyensyado sa pagsasagawa ng testing.
1,815,184
ang sumatutal na kasalukuyang kapasidad ng mga laboratoryo sa pagsasagawa ng testing.
KALUSUGAN
Alamin ang Pagkakaiba: Testing Kits BRIAN YCOY
ang nasa kaliwang bahagi ay isang paglalarawan ng RT-PCR na pamamaraan. Ang kanang bahagi naman ay ang Antigen Test. Brian Axel Ycoy
Sa pagpasok ng bagong taon ay pumasok rin ang isang panibagong strain ng coronavirus na kalaunang naging isang pandemya, mas kilala sa tawag na Corona Virus Disease o CoViD-19. Nang matukoy ng mga propesyunal at mga eksperto ang nasabing virus, sinimulan ng iba’t ibang bansa ang paggawa ng mga test kits upang matukoy kung ang isang tao ay nahawaan. May dalawang uri ng test kits na pinakaginagamit: ito ang PCR test at Rapid Test. Ang PCR test o ang Polymerase-Chain Reaction test ay isang paraan kung saan kukuha ng isang sample ng genetic material, ito ay nasa anyo ng mucus o laway na manggagaling sa ilong o sa lalamunan ng isang tao. Ayon sa standards ng WHO, ito ang pinaka-accurate dahil sa pag-inspek ng parteng naapektuhan sa genetic material, garantisadong malalaman kung ikaw ay nahawaan. Sa isang pahayag ni Dr. Maria Rosario Vergeire, DOH Undersecretary and Spokesperson, ang RT-PCR testing kits (PCR) ay ang ‘gold standard’ at sandalan ng bansa pagdating sa pagtetesting. Sa kabilang banda, ang Rapid test, kilala rin sa tawag na Antibody test, ay humahanap ng antibodies o ang mga panlaban natin sa katawan sa makukuhang sample ng dugo. Kung ikukumpara sa PCR test, ito’y
mas mabilis at makukuha rin ang resulta sa iilang mga oras lamang. Bagama’t ito’y ‘rapid’, ang mga resulta ay kadalasang hindi accurate at nagbibigay ng tinatawag na false positive na resulta. Ito’y dahil maaring madetek ang antibodies kahit wala kang strain ng CoViD-19 basta’t ikaw ay nadapuan man ng iba pang klase ng virus kagaya na lamang ng common cold o sipon. May kamahalan ang mga PCR test kits kumpara sa mga Rapid test kits. Ito rin ay kasalukuyang limitado lamang kaya inirerekomenda ng mga LGUs (Local Government Units) at mga businessmen na gamitin ang mga Rapid test kits pagdating sa pag-test ng populasyon na hindi pa naman masyadong severe o malala ang mga simtomas. Bagama’t ang bilang ay limitado lamang, hinikayat naman ng DOH na gamitin ang mga testing kits na dinebelop ng mga siyentista ng University of the Philippines (UP). Ito’y mas mura at affordable sa karamihan kumpara sa mga ini-import na mga testing kits. Sa kasalukuyan, ito’y ginagamit alinsabay ang iba’t iba pang mga testing kits na nanggagaling sa iba’t ibang mga bansa. Bagama’t ang testing ay isang vital part at sandalan ng ating bansa sa pag-monitor ng mga kaso, lagi nating tatandaan na mas mainam parin ang sumunod sa mga health protocols para iwas, CoViD.
20
AGHAM
BANYUHAY
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLET TER TOMO I BLG XLVII
ENERO-AGOSTO 2020
MASS TESTING
Code Blue! Code Blue! Pasyente sa Silid 3B! Code Blue! Code Blue! Pasyente sa Silid 3B! Narinig ko ang nakapaninindig balahibong boses sa speaker malapit sa silid ng aking pasyenteng tinutulungan. Agaran akong lumisan upang matulungan ang pasyente na nag aagawbuhay. Kaba at takot ang pumasok sa aking isipan at ang pagtibok ng aking puso ay tila ba nakikipagunahan sa isang karera.
Nakakatakot isping isang maliit na pagkakamali ang babawi sa buhay ng isang taong lumalaban sa CoVID-19. ‘Di na naging palaisipan sa akin nang makita ko ang aking ibang kasamahan na kulang sa hininga. Doc ano pong naging komplikasyon? Kinukulang s’ya sa hininga, at mukang hindi na n’ya kakayanin ngunit gawin natin ang lahat ng ating mamakaya! At lahat kami ay sumagot ng “Masusunod Doc!”
ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH)
Magsisimula pa lamang kami ay mayroon kaming narinig na mahinang tila ba pagod ng boses, “Huwag na kayong magsayang ng panahon sa akin” biglang tumigil ang oras at nagkatinginan kaming lahat. “Nagkaroon na ako ng masayang panahon dito sa lupa at para saakin sapat na iyon.” Ngunit hindi parin sya tapos magsalita. “Ibigay ninyo nalang ito sa mga mas bata, mahaba pa ang kanilang panahon sa lupa at mas malayo ang kanilang mararating.” Tumulo ang aming luha, at walang nagsalita. Hindi na kami nataranta ng narinig namin ang nakabibinging tunog na nagsasabing hindi na tumitibok ang kanyang puso. Nagpasalamat kami ng taus-puso at tahimik na lumabas sa silid. Isang luha ang nalaglag sa aking kaliwang mata, ngunit walang panahon upang magsisi at malumbay. Ako’y ngumiti. “Mukang kakailanganin nating pagbutihin pa!” Matapos ang buong araw ng pagsusuot ng PPE ay maaari narin kaming magpahinga. Init na hindi
matutumbasan, sobrasobrang pagod, lungkot na ‘di
Iisa lamang ang aming hiling, kung maaring mag pa-test, gawin na, kung hindi man ay dapat ugaliin na mag self-quarantine at magkaroon ng wastong hygiene. mapapantayan. Kung ako ang tatanungin, mas magandang gamitin ang Swab test kung ngayon ka lamang nagkaroon ng sintomas o nasa early phase ka pa lamang, habang ang rapid test naman ay magandang gamitin kung clinically recovered kana sa CoVID-19. Bukod pa dito mas mura ang Swab kaya mas maraming makakabili nito. May inilunsad din ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay nakamit ang localized mass testing at kaya ang higit sa 1000 test kada linggo. Marami ng bansa
ang nagkaroon ng malaking pagbaba ng kaso matapos magkaroon ng mass-testing. Kasama ang mass-testing ay ang marapat na disiplina ng mga mamamayan. SocialDistancing. Wastong Hygiene. Pagsuot ng facemasks at face shields ay sinabing nagbibigay ng siento por siento na proteksyon laban sa CoVID-19, ngunit bakit marami parin akong nakikitang hindi nagususuot ng protective equipments? Lubos na hinihingi namin ang inyong kooperasyon, over-worked na kami, pagod na pagod arawaraw, mababa ang sweldo, ngunit hindi doon natatapos ang aming pasakit. Araw-araw ay nakakatanggap kami ng naguumapaw na galit sa mga tao sa paligid namin. ‘Di na ako magugulat kung pagsasabihan kami ng mga salitang kahit na hayop ay hindi malulumod. “Dapat kayo yung inaalay upang matapos na ang salot na bumabalot sa atin”, “Dapat nga nagpapasalamat pa kayo na mayroong kayong trabaho ngayon eh”,” Hindi ba yan yung silbi n’yo sa lipunan?” Ngayon hindi lamang iisang luha ang tumulo sa
aking mga mata ng maalala ko ang mga mapapait na salitang iyon. Ginagawa naman namin ang lahat ng aming makakaya. Kami ‘ba talaga ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito? Mahirap ngunit kakayanin ko ito! Hindi lamang para sa akin ngunit para sa aking mga kaibigan, pamilya at sa lipunang aking ginagalawan. Hindi man maging direktang sagot ang Masstetsing, masasabi nating napaka laking tulong nito sa ating laban. Ipinagdadasal ko na magkaroon na ng vaccine upang makita ko na muli ang ngiti ng mga bata na nakikipaglaro sa labas. Tuwa at saya na maririnig sa bawat sulok ng bayan. Naririnig ko na ang nagpapalakasang mga boses. At gumising na ako sa katotohanan na hindi ko nais matunguhan. Mukang hanggang dito na lamang ang aking paglalakbay. Ngumiti ako. S.O.S
Kabuuang Porsyento ng COVID-19 Tests sa Populasyon ng Pilipinas
Lisensyadong laboratoryong maaaring magpatest sa COVID-19 sa Pilipinas Brian Axel Ycoy
Brian Axel Ycoy
AGHAM
BANYUHAY ENERO-AGOSTO 2020
Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Lungsod Quezon ISPESYAL NA ISSUE NG NEWSLET TER TOMO I BLG XLVII
21
Basahin ang salitang mabubuo sa mga letrang iba ang kulay
Pagbangon! Laruin ang Tadhana: Castilyo ng mga Pangarap ACE JARED DEL MUNDO
Takot. Pangamba. Kilabot. Galit. Alinlangan. Mga emosyon na bumuhos sa aking isipan nang ako’y muling lumabas sa proteksyon ng aking tahanan upang bumili ng mga pagkain at iba pang pangangailangan, tila bang walang pandemya, maiisip mong parang nasa pistahan at kay galak ng mga tao at wala kang mahihitang lungkot o pangamba. Pitong buwan na akong nagtatago proteksyon ng aking lungga, nababalot na akong lungkot at nawawalan na ng pagasa. GCQ? ECQ? MECQ? MGCQ? Hindi ko narin alam. Tila bang nang nagdadalawang-isip ating gobyerno at hindi narin alam ang susunod na yapak. Pataas nang pataas ang kaso samantalang ang ibang bansa ay COVID-19 Free na. Ngunit kailangan kong tatagan ang aking loob para sa aking pamilya. Kahos na kahos at wala nang matutunguhan, walang pera para sa tustusin arawaraw. Ngunit! Dumating na ang ayuda! Ang kinang sa mata ng aking mga anak ay hindi ko makalilimutan. Mahabang pila. Mainit. Walang tubig at pagkain. Ngunit kaya kong lagpasan ang mga pasakit na iyon para sa aking pamilya. Maraming nawalan ng trabaho, Nawalan nga ba ako ng trabaho? Ah! Tama! Nagpapalimos nga pala kami dati malapit sa Quiapo, upang kahit papaano ay maibsan ang gutom na kumakalabog sa aming isipan. ‘Di ko narin alam kung kailan at pano nagsimula itong dilubyong ating hinaharap.
Humphrey Soriano
Paguwi ko tila bang nagdadalawang-isip ang aking mga anak na ako’y salubungin. Masakit isipin na hindi ko sila mayakap paguwi, na maramdaman ang init ng kanilang katawan na nagsisilbing aliw sa pusong nalulumbay, nang biglang nawala ako sa sarili kong mundo. “ ‘Panood na tayo ng balita!” At ako’y ngumiti at naisip, “Sila nga ang aking mundo, ang aking saya, ang aking liwanang sa dilim” Disyembre 31 nang nagkaroon ng pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Wuhan, China. Matapos ang ilang araw ay kumalat na ang virus sa iba’t-ibang bansa. Agarang kumilos ang maraming bansa upang mapigilan ang pagkalat ng isang bagong salot. Ipinasarado ang mga paliparan, pantalan atbp. Ang mga bansa ay nagisyu ng lockdowns, bunsad nito nagkaroon ng global recession, bumagsak ang ekonomiya ng maraming bansa, bumaba ang import at export, at naubusan ng pera ang mga tao. Maraming paraan na maaaring sundan sa sitwasyong ating kinalalagyan, ngunit mayroong tatlong pangunahing stratehiya ayon sa Ted Ed “Race through it”, “Delay and Vaccinate”, at ang “Coordinate and Crush.” Sa Race through it walang ginagawa ang pamahalaan at hinahayaang mahawa ang karamihan at walang sinasaradong establisyemento at walang ristriksyon. Ito ay makikitang ginamit ng bansang Sweden.
Humphrey Soriano
Naniniwala ang Sweden, na ang Herd Immunity ang kasagutan sa COVID-19. Ang Herd Immunity ay nangyayari kung saan halos lahat ng populasyon
Maraming paraan na maaaring sundan sa sitwasyong ating kinalalagyan, ngunit mayroong tatlong pangunahing stratehiya ayon sa Ted Ed “Race through it”, “Delay and Vaccinate”, at ang “Coordinate and Crush.” ay immune na sa naturang virus, mas magiging kaunti ang dadapuan, mas bababa ang pagkakataon na kumalat pa ito. Ayon sa CDC 60%-70% ng populasyon ang immune dito ngunit ayon sa iba 90% ang kailangan upang ito ay makamit. Ngunit mayroon ding malaking kapintasan ito. Mapupuno ang halos lahat ng ospital at maraming mamamatay, bukod pa dito maaring mahawa uli ang mga gumaling na. Sa pangalawang paraan na Delay and Vaccinate, ito ang
ginagamit ng karamihan ng mga bansa maging ang Pilipinas. Dito ang ating layunin ay pabagalin ang pagkalat ng virus upang mabigyan ng panahon ang mga doktor at siyentipiko upang makagawa ng vaccine. Makukuha ang kritikal na oras na ito gamit ang mass testing, quarantine, contact-tracing at social-distancing. At napaisip ako “Bakit hindi katulad ng Japan, South Korea, Thailand at Singapore pataas lamang ng pataas ang kaso at tila hindi gustong bumaba?” Magiging epektibo lamang ang pangalawang estratehiya kung pati ang mga mamamayan ay nakikiisa. At hinalintulad pa ni Sec. Roque ang Pilipinas sa Japan, kahit na napakalaki ng pagkakaiba. Sa South Korea naman ang mga “ayuda” nila ay di hamak na mas malaman kumpara sa Pilipinas kaya ang mga tao doon ay minsan lamang kung lumabas. Bukod sa pakikiisa, nangangailangan din ng disiplina sa sarili. Ang pagsuot ng face mask at face shields ay malaking tulong upang mapigilan ang pagkalat ng virus at para maprotektahan ang iyong sarili. Ang wastong paggamit din ng Social Media Platforms ay makatutulong. Sila dapat ay maging mabuting ehemplo sa publiko at hindi maging isang masamang halimbawa. Korapsyon. PhilHealth. Mañanita Party. ABS-CBN franchise. Boracay Beach sa Manila?! Ang gobyerno din dapat ang nagpapakita ng
karapatdapat na aksyon at habang sa panahon ng pandemya. Sinabi ng mga opisyal na wala ng pondo at hihingi na ng tulong sa private sectors, ngunit saan nang galing ang 389 Milyong Piso para sa Manila bay Rehabilitation? Maraming hindi natuwa dito at sinasabing kung ginamit na lamang ang pera para sa ayuda mas maraming makikinabang.Bukod pa dito ayon sa DOH ang artipisyal na white sand ay galing sa dinurog na dolomite na nakasasama sa kalusugan. Ang huli naman ay ang Coordinate and Crush, ito ay mabilis na paraan upang gutumin ang virus. Kakailanganin ng matinding preparasyon at koordinasyon upang ito ay gumana. Halos lima hanggang anim na buwan lamang tatagal ang virus kung ito ay matagumpay. Ngunit kapag natuklasang kaya nitong dumapo sa mga hayop maaaring bumalik na naman at magkaroon ng pandemya. Kaya masasabi ng mga eksperto na ang pangalawang paraan ang pinaka garantisado at ang pinakakaunti ang buhay na mawawala sa proseso ng pagkuha ng herd immunity. Tila bang nabuksan ang isipan namin, bukod sa inpormasyong ito, naisipan ko ring mapahusay ang arawaraw na paghuhugas ng kamay at pagkain ng wasto upang makatulong sa pagsulong ng ating bansa. We heal as one.
BANYUHAY
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALANG PANG -AGHAM NG LUNGSOD QUEZON
ENERO-AGOSTO 2020
PLUMANG PUSO, TINTANG DUGO “Ang mga salitang sinambit ay nag lalaho ngunit ang mga salitang naisulat ay nananatili.” – sinalin wika galing sa salawikaing Latin
JESCHEL NAVA Mahirap pumukaw ng damdamin ng iba ngunit mas mahirap ang buksan ang isipan ng madla na tanggapin ang mga katotohanang taliwas sa kanilang paniniwala. Madalas ay hindi sapat ang mga salitang sasambitin lamang ng isang beses kung kaya’t kailangan rin ng mga mapanuksong letra na maglalaro sa iyong isipan ng paulit-ulit. Yung tipong guguluhin ka hanggang sa pag tulog at hindi ka titigilan. Ngunit paano na kung mawala na ang pinanggagalingan ng mga letrang ito? Isang malaking isyu sa ngayon ang Press Freedom sa Pilipinas. Marami ang umaalma sapagkat kung kelan panahon ng pandemya ay mas pinili pang pag tuunan ng pansin ang pag papasara sa ABS-CBN, pag demanda sa Rappler Holdings Corp., pag sasabatas ng Anti-Terror Bill at pag demanda sa iba’t-ibang journalists o kahit pa simpleng mga estudyante na nagpapahayag ng kanilang saloobin
lamang dati, kahit pa ang ating bayaning si Rizal na pagsusulat ng katotohanan ang nagging mitsya ng buhay. Kung kaya mas mahirap ang ipaglaban ang katotohanan lalo na sa panahon na talamak ang kasinungalingan.
#DefendPressFreedom
ukol sa mga pangyayari sa ating bansa. Nais lamang daw iparating ng gobyerno na magkaroon ng limitasyon ang mga tao sa mga inilalagay nila sa mga social media o pahayagan sapagkat malaki raw ang epekto nito sa mga mamamayan ng Pilipinas at ginagamit daw ito ng mga terorista upang lasunin ang utak ng mga Pilipino na lumaban sa gobyerno, lalo na ang mga kabataan na madali pang maimpluwensiyahan. Laking kasalungat lamang ng kanilang opinyon sa mga propagandang hindi man nila
direktang inaangkin ay kanila namang pinag tatanggol, isa na dito ay ang isyu ngayon ng Pangulo ng Pilipinas sa Facebook. Maaalalang kamakailan lamang ay tinanggal ng Facebook ang mga tinatawag na Troll accounts at Pages sa kanilang site sapagkat lumalabag ang mga ito sa kanilang polisiya na siya ngang pinagmulan ng nasabing isyu. Kung tutuusin ang Press Freedom ay kalayaan sa lahat. Hindi nito sinasala ang mga inpormasyon upang pagandahin ang imahe ng iba o manira, binibigyan ka lamang
nito ng ibat-ibang anggulo upang tignan ang isang isyu o usapin. Hindi nito binabakuran ang iyong kaisipan bagkos pinalalago nito ang hardin ng iyong kaalaman. Ang pag-analisa ay dumadali rin sapagkat iba’t-iba man ang anggulo nito ay purong katotohanan ang nilalaman. Mabuti mang tignan ang ibig sabihin ng Press Freedom ay hindi nito maikakaila ang malagim na parte nito sa industriya ng pamamahayag sapagkat marami na ang misteryosong nawawala o pinapapatay na mga mamamahayag simula pa
Alam ng mga manunulat na hindi sapat ang isigaw mo lamang ang daan sa kalayaan sapagkat hindi mo malalaman kung sinong bukas ang pandinig at handang harapin ang liwanag ng pag babago. Sa panahong maging isa ang mga mamamahayag at putik na gawa sa lupang ating sinilangan at luha ng ating mga kababayang hirap, ang tunay na nag nanais ng kalayaan ang mismong mag bubukas sa liham na kanilang handa kung saan nakalagay ang alab ng kanilang puso na siyang pupukaw sa damdamin ng marami. Ang isinulat naman nilang pinag alayan ng buhay ang siyang mag sisilbing sulo ng madla sa kadiliman ng panahong ito.
Brian Axel Ycoy
Brian Axel Ycoy