BOSES NG SCIENTIANS
GINTONG GAYUMA: Tatak ng Pulitikang Pilipino
TAKIPSILIM: Ilaw ng Kababaihan sa Kasarinlan lathalain. PAHINA
Makabuluhang Kabulaanan opinyon.
PAHINA 11
balita.
Banyuhay
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg L | Agosto - Marso
Nagsagawa ng kauna-unahang flag ceremony para sa taong panuruan 2023-2024 ang Quezon City Science High School noong Agosto 2023.
SISTEMA NG EDUKASYON
SCIENTIANS SA
MATATAG CURRICULUM: PABOR o DI PABOR?
3 sa 5 hindi pabor sa MATATAG Curriculum
POLITIKA
CPI 2023: Pilipinas, ika-115 ang pwesto sa 180 bansa sa kurapsyon
Panulat | Christine Joy Faller & Alyssa Julianne Rogado
Inilabas ng Transparency
International ang Corruption
Perceptions Index (CPI) para sa taong 2023 noong ika-31 ng Enero na naghahanay sa 180 bansa sa buong mundo ayon sa kanilang antas ng katiwalian sa sektor ng publiko, mula sa sukat na 0 (napakalubhang korapsiyon) hanggang 100 (napakalinis).
Nakuha ng Pilipinas ang ika-115 na ranggo na may iskor na 34, habang nangunguna ang Denmark na may markang 90 at panghuli naman ang Somalia na nagtamo ng 11 puntos.
Nananatiling 43 ang pandaigdigang average ng CPI, na may 68 porsyento ng mga bansang sakop ang nakatanggap ng iskor na mababa sa 50.
Ayon sa Rule of Law Index, nakararanas ang buong mundo ng paghina ng mga sistema ng hustisya kaya hinihikayat nito ang pagkawala ng mga parusa, pagbabawas ng pananagutan, paglilimita sa mga mahihinang populasyon sa pagkamit ng hustisya habang kinokontrol ng mayayaman at makapangyarihan ang buong sistemang legal, at pagpapadali sa katiwalian ng mga awtoritaryan at demokratikong pinuno.
Madalas na nakikipagpunyagi sa isyu ng impunity ang mga nangungunang bansa sa
CPI dahil gumagamit ang ilan ng panunuhol kapag nagsasagawa ng negosyo sa mga transaksyong crossborder at walang kakayahang magsampa ng mga kasong kriminal laban sa mga transnational na tiwaling opisyal.
Nanawagan ang Transparency International sa mga pamahalaan na bigyan ng kalayaan, mga mapagkukunan, at transparency na kailangan ng mga sistema ng hustisya upang epektibong maparusahan ang lahat ng mga paglabag at magbigay ng balanse sa kapangyarihan.
“Corruption worsens social injustice and disproportionately affects the most vulnerable. In many countries, obstacles to justice for victims of corruption persist. It is time to break the barriers and ensure people can access justice effectively. Everyone deserves fair and inclusive legal systems where victims’ voices are heard at every stage. Anything else is an affront to justice,” ani François Valérian, chair ng Transparency International.
Dagdag pa ni Valérian, nananatiling hadlang sa hustisya sa maraming bansa ang korapsiyon kaya panahon na para basagin ito at bigyang-daan ng mga tao ang makatwiran dahil ang bawat isa ay karapat-dapat sa patas at legal na sistema.
Scientians, inilabas ang
Kasabay ng opisyal na pagbubukas ng Mataas na Paaralang Pang Agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) sa taong panuruang 20232024 nitong ika-22 ng Agosto, 2023, iba’t-ibang panibagong panukala, implementasyon, at pagsubok ang kinaharap hindi lamang ng mga estudyante kung hindi pati na rin ng buong sektor ng edukasyon.
Kabilang dito ang ikalawang taon ng pagbabalik ng Regional Science High School (RSHS) Curriculum sa nasabing paaralan, paglalatag ng MATATAG Curriculum, at ang
implementasyon ng Drop Everything and Read (DEAR).
Sa isang online sarbey na isinagawa ng Banyuhay, ang opisyal na pahayagang Pilipino ng QCSHS, inihayag ng Scientians ang mga tindig at hinain nito ukol sa mga programang inilatag ng paaralan at ng Department of Education (DepEd).
Aprubado sa RSHS
Curriculum
Base sa natukoy na serbey, tatlo sa limang mag-aaral ang nagsasabing nasisiyahan ito sa ikalawang taon ng pagbabalik ng RSHS Curriculum matapos
ang halos limang taong pagkawala nito noong humalaw ang paaralan sa kalalatag pa lamang na K-12 Curriculum.
Ayon kay Aljhon Clemente, mag-aaral ng 9-Kepler ng nasabing paaralan, masaya ito na bumalik ang RSHS curriculum dahil sa mga elective na humasa sa mga kakayahan ng Scientians.
“Masaya at exciting siya since maraming subjects, especially ‘yung elective ko na pamamahayag, since mas nae-enhance yung skill ko in writing aside from academics,” ani Clemente.
Samantala, tatlo sa limang mag-aaral naman
LARAWAN | Sarah Gates LARAWAN | Alice CantaDumalo ang mga mag-aaral ng Quezon City Science High School sa flag ceremony sa kanilang unang araw ng klase para sa taong panuruan 2023-2024.
SCIENTIANS:
sa edukasyon
PAHINA 3
ang hindi nasisiyahan sa pagbabalik nito dahil umano mas bumigat at “time consuming” ang mga gawain.
Sinabi rin ni Clemente na bagama’t maganda at may benipisyo ang pagbalik ng kurikulum, hindi maipagkakaila na mas mabigat ang mga gawain at mas “time consuming” ito.
Matatandaang nanawagan noong 2021 ang mga
magulang at alumni ng institusyon na ibalik ang dating kurikulum.
Sinimulan muli ang kurikulum noong taong panuruan 2022-2023 na ipinalaganap sa mga noo’y estudyante sa ika-7 hanggang ika-9 na baitang.
Hinaing sa reporma ng
DepEd
Ikinalungkot ng 50% ng Scientians ang mababang ranko ng bansa sa resulta ng pagtatala ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022.
Bilang tugon sa naging marka ng bansa, naglunsad ang DepEd ng iba’t-ibang programang pang reporma na may layuning paunlarin ang sistema ng edukasyon sa pilipinas, kasama na ang MATATAG curriculum na may tunguhing bawasan ang mga paksa at aralin ng mga estudyante ng baitang 1-10, ngunit kasabay nito ang mga hinaing mula sa kaguruan dahil sa biglaang paglunsad nito.
Tinatayang nasa tatlo sa limang Scientians ang hindi pabor sa pagtatag ng DepEd sa MATATAG curriculum sa bansa dahil umano babangga ito sa kasalukuyang RSHS curriculum ng paaralan.
Isinagawa ang nasabing kurikulum sa lahat ng pampublikong paaralan noong Setyembre ng nakaraang taon.
Samantala, nakikita naman ng 54% na may magandang epekto ang Catch-Up Fridays ng DepEd.
Nagsimula ang Catch-Up Fridays noong ika-12 Enero na may layong ilaan ang mga Biyernes sa pagbabasa, pagpapahalaga, kapayapaan, at edukasyong pangkalusugan ng mga mag-aaral.
TUKLAS: QCSHS-SSLG, nagsagawa ng 3 araw
Children’s Month celebration
Bilang paggunita sa National Children’s Month, pinanunganahan ng Quezon City Science High School Supreme Student Learner’s Government (QCSHS-SSLG) noong ika-22 hanggang ika-24 Nobyembre ang programang “Tuklas” sa ilalim ng Center for Excellence in Research and Student Leadership (CENTREX).
Sinimulan ang mismong selebrasyon sa paglulunsad ng maikling programa sa QCSHS gymnasium kung saan naghatid ang ilang mga guest speaker ng kanilang mga karanasan at ideya upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng
Scientians, ipinagdiwang ang 56th Foundation Day ng QCSHS
Panulat | Chandy Sison & Miles Bernardo
Scientians ukol sa mental health, climate change, sex education, at child abuse. Isa sa mga panauhing tagapagsalita ay si Humphrey Soriano, isang engineering student at humanitarian advocate mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman na alumnus din ng paaralan.
Ayon kay Soriano, ang mga estudyante ang may kakayahang mas mapabuti ang kalagayan ng bansa.
“Kayong mga estudyante ay may kakayahan na mapakilos ang gobyerno… dapat kayo ay may access para maisakatuparan ang inyong mga advocacy,” ani Soriano.
Dumalo ang mga magaaral sa kani-kanilang mga nakatakdang aktibidares batay sa kanilang baitang at pangkat.
Kabilang sa mga clubs na nakilahok ay ang Mathematics League, Sining at Elite Scientia, Elevate, Campus Integrity Crusaders (CIC), Tan’an, Boy Scouts of the Philippines, Science, Basketball, English, Filipino, Volleyball, Badminton, at E-Sports Club.
Nagtapos ang selebrasyon sa isang pambuklod na programa kung saan ibinahagi ng ilang mga mag-aaral ang kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw.
Nakikibahagi ang mag-aaral mula sa Quezon City Science High School sa kanilang Foundation Day ngayong ika-14 ng Setyembre, 2023.
Isang masiglang pagdiriwang ang ipinamalas ng Quezon City Science High School (QCSHS) sa paggunita ng kanilang ika56th na Foundation Day na may temang “CosmiK! Into The Scientian Multiverse 2023” na ginanap noong Setyembre 14, 2023.
Inumpisahan ang okasyon sa isang masiglang salubong ng parada ng bawat antas ng baitang at mga guro.
Sinamahan ito ng tradisyunal na “Almusal SaluSalo” na pinagsaluhan ng bawat isa.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagorganisa rin ang iba’t-ibang organisasyon at clubs ng paaralan ng kanilang mga booths at recreations.
Saksi naman ang buong paaralan sa pagputol ng liston para sa mga booths na ito.
OPINYON
PRESS FREEDOM
Tintang
Kupas
Panulat Joshua Caasi
Kasama sa mga booth ang “You may kisay the bride!” ng Filipino Club na siyang kinagiliwan ng lahat dahil sa nakakakilig at nakatutuwang mga pangyayari sa kanilang booth.
Kabilang din sa mga booth ang Karaoke Booth ng Himig Scientia kung saan hindi nagpahuli ang mga Scientian sa pagpapamalas ng kanilang aking talento sa pagkanta.
Hindi rin nagpahuli ang CosmiK Photobooth ng SSLG na isa sa mga pinipilahan ng mga estudyante.
Matapos gunitain ang Foundation Day, sinundan naman ito ng Family Day na idinanaos noong Setyembre 15, 2023.
Masaya itong dinaluhan at ginunita ng bawat Scientian kasama ang kanikanilang mga pamilya.
Nakakubli pa rin sa kabulaanan ang pinangakuang Pilipinas. Kasinungalingan na lamang ang nagiging pangunahing kanin ng madla. Wala ng boses ang mga tama’t totoo sapagkat kahit inosenteng manunulat, pilit pinatatahimik.
BASAHIN SA PAHINA 9
KABATAANOpisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg L | Agosto - Marso
SCHOOLS PRESS CONFERENCE
TROPEO NG TAGUMPAY
Banyuhay, Electron, Humakot sa Schools Press Conference
Canta sa Pagsulat ng Balita at si Kevyn Binuya sa Mobile Journalism ng Banyuhay, gayundin si Karishmah Cruz ng The Electron.
Nasungkit ng Banyuhay
Radio Broadcasting ang 1st
place sa District, 3rd place sa Electron, at parehong 3rd place sa Division; parehong 1st place naman sa TV Broadcasting ang Banyuhay at Electron sa District, at 3rd place ang Banyuhay at 4th place ang Electron sa Division.
Nasungkit naman ng Banyuhay at The Electron ang 1st place sa Collaborative Desktop Publishing sa District, at sa Division, 3rd place ang Banyuhay at nagkamit ng 3rd Best Feature Page
PAYAGPAG,
ang Electron; Sa Online Desktop Publishing, 1st place ang Electron at 3rd place ang Banyuhay sa District, sa Division, 1st place ang Banyuhay at nasungkit ng Electron ang 5th Best Feature at Sports page.
Nagkamit din ng kanikanilang parangal sa indibidwal na kategorya sina Yvo Asis, Dain Dela Cruz, Sarah Gates, Jian Montecalvo, Zamantha Pacariem, Mariel Bulan, Joshua Caasi, Kurt De
KISAY: Scientians, wagi sa nationals, internationals sa agham, matematika
Namayagpag ang ilang mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) sa mga nasyonal at internasyonal na kompetisyon sa agham at matematika.
Ngayong taong panuruan, sumali ang mga Scientian sa iba’t ibang kompetisyon sa agham at matematika.
Panalo ang math-alino
Nasungkit ni Joshua Mari Velasco ang gintong medalya sa World International Mathematical Olympiad (WIMO) 2023, Philippine International Mathematical Olympiad 2023, at International Vedic Mathematics Olympiad (IVMO) 2023, at pilak sa New Century Mathematics Invitational
Competition (NCHMIC) 2023.
Nakuha rin ni James Leonard Arzaga ang tansong medalya sa IVMO 2023, WIMO 2023 at NCHMIC, at ginto sa Guangdong-Hong KongMacau Greater Bay Area Mathematical Olympiad 2023 Big Bay BEI Heat Round.
Nagkamit din sina Josh Evan David Disu, James Leonard Arzaga, at Mia Evanna Agustin ng tansong medalya sa WIMO 2023.
Nagwagi rin si Reynald
Joseph Lomotan ng pilak na medalya sa ginanap na Fermat Mathematical Olympiad 20232024.
Tagumpay sa larangan ng agham
Naabot nina Daphne Candice F. Ras, Maria Sophia
Enriquez, Josh Evan David Disu, Jhinel Alyssa Maculit, at Erl John Trembivilla ang gintong medalya sa Hong Kong International Science Olympiad (HKISO) 2023 Heat Round.
Nanalo naman ng pilak sa HKISO 2023 Heat Round si Lance Paul Luistro.
Nagpakitang-gilas naman si Joshua Caleb C. Delloro sa Vada Science Global Finals (Team Round) 2023 at nasungkit ang tansong medalya.
Patunay ang mga nabanggit na panalo ng kahusayan ng mga Scientians sa iba’t ibang larangan gaya ng matematika at agham, mapa-nasyonal man o
Guzman, Christian Belleza, Khris Angel Garcia, Drex Santos, Lorenzo Bajas, Micia Tan, Remar Catapang, at Andry Dechavez ng Banyuhay sa District. Wagi rin ang mga mamamahayag ng The Electron sa District na sina Adelfhe Albalate, Eowyn Baldovino, Julianna Rele, Carla Orogo, Jennine Natal,Chesca Hernandez, Abrielle Cerbito, Miko Opinion, Gabriel Tuason, Janna Escoto, Amber
Andrada, Ace Balmaceda, Sheika Arami, Joshua Cabilin, at Lei Villacruz.
Nagpahayag ng galak si Karishmah Cruz ng Electron sa kaniyang back-to-back win sa Mobile Journalism,
“Actually, this is my first contest experience this high school so super happy talaga ako na I won,” ani Cruz.
Magaganap ang kompetisyon para sa NCR Regional Schools Press Conference 2024 sa Abril.
Perwisyong Patikim: Scientian commuters, umalma sa PUVMP
Ramdam na ng ilang mga Scientians ang perwisyong patikim ng PUV Modernization Program (PUVMP) nang ipatupad ang orihinal na Disyembre 31, 2023 consolidation deadline.
Sa isang pahayag, sinabi ni Nina Agcanas ng 10-Galileo na mas naging madalang ang mga jeep nitong Enero na lalong nagpabagal sa kaniyang pagkokomyut pauwi.
Taliwas ito sa pahayag ng Department of Transportation na hindi magreresulta sa public transportation shortage ang PUVMP.
“Ine-expect kong oonti talaga ito (jeepney), kulang na nga ang kinikita nila sa araw-araw, dadagdag pa ang pagbili ng makabagong jeepney,” saad ni Alessandra Robles ng 11-Galileo.
Nagkakahalagang P2 million ang isang unit ng modern jeepney na ayon sa LandBank at Development Bank of the Philippines ay mahal para sa PUV drivers at operators.
Ayon kay DOTr
Undersecretary Timothy
Batan, magbibigay subsidiya ang gobyerno sa mga apektado ng PUVMP.
Daing naman ni jeepney operator Gildo Abis, hindi pa nila natatanggap ang pangakong subsidiya ng gobyerno.
“Sabi (ng corporation), sige, mangutang na tayo, pero sa private bank. Ang down, P360,000. E wala ngang pondo, hindi naman pinondohan ng gobyerno ‘yung subsidy ng P160,000,” ani Abis.
Matatandaang inextend muli ni PBBM hanggang Abril 30 ang consolidation deadline.
Ayon kina Lucas Leung, walang benepisyo sa mga drayber ang pag-extend sa consolidation deadline.
“What’s the point of extending? They’re just making deadlines to pressure the jeepney drivers into doing what the government wants them to do, to earn more money,” dagdag ni Lucas.
Inalmahan din ni Julian Durban ng 9-Linnaeus ang PUVMP dahil sa inugat nitong PUV shortage na labis na nakaapekto sa kaniyang pagkokomyut.
“Sasamahan ka sa Kyusi,” pag-awit ng bandang Monochrome, hudyat ng pagsisimula sa bagong yugto ng buhay ng mga bagong mag-aaral. Sinundan naman ito ng iba’t-ibang palaro, talumpati, at tugtugan para magsilbing isang mahigpit na yakap at mainit na pagtanggap para sa mga bagong pag-asa ng bayan.
Ginanap ang “Kisay, G!” matapos ang oryentasyon sa mga mag-aaral sa ika-7 baitang, sa pangunguna nina Rozanne Lee at Winona Solidum nitong ika-30 ng Agosto sa QCSHS Gymnasium.
Inulan ng hiyawan at palakpakan ang bandang Monochrome at Indak
Isiniwalat ni Quezon City Science High School (QCSHS)
Principal Carolyn Simon sa kanyang pambungad na mensahe sa ginanap na Empowerment Seminar Day noong ika-4 ng Disyembre nang nakaraang taon sa pangunguna ng Gender and Development (GAD) Club, na importante ang talakayan sapagkat kailangang baguhin ang pananaw na “babae ka lang” dahil umano lahat ng babae ay makatutulong
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg L | Agosto - Marso
SSG PROJECTS
KISAY, G!,
sumalubong sa scientian freshies
Xientia sa kanilang paunang presentasyon na sinundan ng pagpapakila sa “Humans of Kisay”.
Nagbigay trivia naman sina Zian Guardapies, Fiona Ayeras, at Anton Bautista sa kanilang pagbabahagi sa Scientian Dictionary.
Ilan naman sa mga hindi makakalimutang karanasan ng mga Seniors ang inihayag sa Scientian Diaries.
“I really hope na makaraos ako sa school year na ‘to, five years na akong nag-aaral sa kisay, ngayon pa ba ako susuko?” pagbabahagi ni Miles.
Nagtapos ang programa sa pamimigay ng mga liham “xo, Seniors” na nagmula sa Seniors.
BABAE, LUMABAN KA: QCSHS GAD, nagsagawa ng Empowerment Seminar Day
Panulat | Zamantha Pacariem
upang mapaunlad ang sambayanan.
Ikinatuwa naman ito ng mga mag-aaral na dumalo dahil ani nila ito ay lubos na makakatulong sa kanila sa pagkilala ng mga dapat iwasan at tandaan ukol sa sexual harassment.
“Nakaka-help po talaga siya lalo na sa pag-iimprove pa ng knowledge namin about sexual harassment kasi po minsan may mga actions akala namin normal lang yung pero harassment na pala,” saad ni Diane Pagay mula sa 12 Linnaeus.
Pagkatapos ng seminar ay inanyayahan ang mga magaaral na dumalo sa women’s self defense training at painting class na pinangasiwaan ng
Deftac Victoria Sports at GABRIELA partylist.
Pinangunahan ang selfdefense training ni Brown Belt Jiu-jitsu Coach Alexandria Darmawan, kung saan idiniian ang kahalagahan ng kakayahan ng mga kababaihan na ipagtanggol ang kanilang sarili.
Samantala, nakatuon naman ang painting classes, na pinangunahan ng GABRIELA partylist. sa paghihikayat sa mga mag-aaral na aktibong makilahok sa anti-VAWC movement.
Tinatayang nasa 200 babaeng estudyante ang nakilahok sa self defense seminar, habang 50 na magaaral naman sa nangyaring art workshop.
LETS Read: QCSHS, nagdiwang ng taunang English Month
Sa pangunguna ng Quezon City Science High School (QCSHS) English Club, matagumpay na ipinagdiwang ng Scientians ang
taunang English Month sa temang “LETS Read: Learning, Empowering, and Transforming Our Society Through Reading”.
Pormal na sinimulan ang nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng pagdaraos ng taunang Cosplay event na may
temang “Everything, Everywhere, All at Once.”
Inatasan ang bawat baitang na magtanghal ng iba’t ibang kategorya ng kasuotan na naaayon sa nakasaad na tema, tulad na lamang ng Philippine Literature para sa ika-7 baitang, Afro-Asian Literature naman sa ika-8, Anglo-American Literature sa ika-9, World Literature para sa ika-10, at temang Contemporary Literature naman para sa ika-11 at ika-12 na mga baitang.
Dagdag pa rito, nagsagawa rin ang paaralan ng Literary Food Exhibit at
balita.
Banyuhay
Dating Pangulong Duterte, inakusahan na drug addict si Pangulong Marcos POLITIKA
Panulat Aljhon Clemente
MULA ENERO 1 HANGGANG PEBRERO 4, 2024 PAG-AARAL
216
kaso ng karahasan sa kababaihan
646
kaso ng karahasan sa kabataan
base sa datos ng Child Protection Network Foundation, Inc.
Reading Nook Activity na nilahukan ng lahat ng mga baitang.
Kasabay rin ng mga ito ay ang pagtatanghal ng dulang “Oedipus Rex” na pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang mga pangkat ng ika-10 baitang.
Nagtanghal din ng Interactive Storytelling AfroAsian Dance Fest ang ika-7 baitang, samantalang Afro-Asian Dance Fest naman ang inihanda ng ika-8 baitang, at Scientian Shakespeare Performances naman para sa ika-9 na baitang.
Sa isang talumpati upang kontrahin ang People’s Initiative (PI) Bagong Pilipinas rally noong ika-28 ng Enero 2024 sa Davao City, tinawag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isang drug addict si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.
“Si Bongbong, bangag iyan. That’s why sinasabi ko na sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag noon, ngayong presidente na, bangag ang ating presidente. Kayong mga military, alam ninyo ‘yan. Lalo na ‘yung nasa Malacañang. Alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente,” giit ng dating pangulo.
Itinanggi ni Marcos ang mga paratang ni Duterte sa kanya at sinabing ang dating pangulo ay gumagamit ng fentanyl.
“I think it’s the Fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly addictive and it has very serious side effects, and PRRD has been taking the drug for a very long time now,” ani Marcos.
Sa kanyang talumpati, binalaan ni Duterte si Marcos laban sa anumang pagbabago sa konstitusyon na maaaring magpatalsik sa kanya gaya ng kanyang ama.
Inilahad din ng dating pangulo na walang problema sa kasalukuyang saligang batas kaya’t hindi ito dapat amyendahan.
Dumalo ang mga mag-aaral ng Quezon City Science High School sa flag ceremony sa kanilang unang araw ng klase para sa taong panuruan 2023-2024. Panulat | Mischa Pingol & Kristina Del Mundo Naghayag ng mga karanasan ang mga mag-aaral mula sa SHS para sa mga Scientian Freshmen ng Quezon City Science High School sa QCSHS gym ngayong ika-30 ng Agosto, 2024. LARAWAN Jian Montecalvo Panulat | Einjhel Justiano LARAWAN Sarah GatesBanyuhay 2024
Tomo 1 | Blg 50 Agosto - Marso
PUNONG PATNUGUTAN
Punong Patnugot
Alice Angela B. Canta
Kapatnugot
Mikee C. Atabay
gintongGINTONG
Editoryal
Tagapamahalang Patnugot
Kristina Cassandra A.
Del Mundo
Mischa Shalleah D. Pingol
Balita
Alice Angela B. Canta
Zamantha April Y.
Pacariem
Einjhel Lee Justiniano
Editoryal
Drex Allen B. Santos
Lorenzo B. Bajas
Opinyon
Joshua B. Caasi
Kurt Laurence M.
De Guzman
Lathalain
Mariel B. Bulan
Geelyn G. Avancena
Mikee C. Atabay
Brianna Kezia T. Untal
Agham
Andry G. Dechavez
Fatima Joyce R.
San Jose
Isports
Yvo Gabriel D. Asis
Abraham Dain R.
Dela Cruz
Dibuho at Disenyo
Sarah Nicole S. Gates
Alice B. Canta
Jan Maximus L. Bulanadi
Willien Micia S. Tan
Remar V. Catapang
Johanna Marissee A.
Garcia
Eshana Maecy Luis
Joe Ashery Asingayan
Larawan
Sarah Nicole S. Gates
Jian Rylie S. Montecalvo
Bianca Isabel A. Pablo
Yvo Gabriel D. Asis
MGA MANUNULAT
Aljhon S. Clemente
Vlademir A. Dela Cruz
Christian Lloyd C. Belleza
Chloee Alexis C. Bautista
Arwen Elizabeth A.
Madriaga
Jared Liam C. Apo
Asiza Mae F. Dayag
Chandy Faye F. Sison
Princess Miles M. Bernardo
Erica Reigne F. Mundo
Bienvenido R. Mendoza III
Konsultant
Sarah Nicole S. Gates
Gurong Tagapayo
Gng. Elsa V. Villar
Departamento ng Filipino
Gng. Neltissa B. De Villa
Punonggwuro
Gng. Carolyn C. Simon
Dilat nga ang mata, tikom naman ang mga matatalas na dila. Sadya bang ‘yan ang bagsik ng maalindog na pera?
Pinapipikit ang madla sa kislap ng matitingkad na salaping sa matagal na panahon, ay naging gayuma na sa masa.
Panunuhol. Pambubudol. Pandaraya. Kahindik-hindik na ‘yan na ang nakagisnang tema o eksena ng alibughang pulitika sa bansa.
Limot na sa kasaysayan ang mga panahong wala pang trapo at may sariling tindig ang mga nanunungkulan sa batas.
Nitong Enero, umalingawngaw ang kaliwa’t kanang modus ng votebuying upang isulong ang People’s
POLITIKA
TatakngPulitikang
Initiative para sa Charter Change. Tinatayang 7.884 milyong lagda ang target na makalap ng kongreso. Kaya’t kapalit ng 100 piso at ilang ayuda, pinapipirma umano ang madla sa petisyong pinaiikot sa mga distrito.
Labag sa Omnibus Election Code ang anumang anyo ng vote-buying sa bansa. Subalit tila hindi matinag ang mga ganid na maharlikang nakapanloloko pa rin sa loob at labas man ng eleksyon.
Ayon sa COMELEC, higit 1000 reklamo noong 2022 National Elections ang inimbestigahan nila ukol sa umano’y palitan ng sobre. Maliit pa ‘yan, kung ikukumpara sa mga nakalipas na halalan.
SaBong
Tuloy-tuloy ang arangkada sa bangayan ng dalawang pamilyang bumubuo ng alyansang “UniTeam” na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pagtitipon nitong Enero 28 sa Davao City upang almahan ang Charter Change, nagpaulan ng suntok ang dating pangulong Duterte sa kasalukuyang administrasyon. Gagamitin umano ng pangulong lulong sa droga ang Charter Change para mapatagal ang kanyang termino.
Subalit mariin namang itinanggi at tinawanan ni Marcos ang akusang ito at sinabing ang Fentanyl o isang klase ng analgesic na iniinom ni Digong ang dahilan kung bakit ganito ang mga aksyon ng nakatatandang Duterte.
Nakapanlulumo na ganito na lamang ang ganap sa ating pamahalaan, walang silbing bangayan.
Tila lubos na pansin pa ang binibigay ng dalawang kampo at nakalilimutan na nila kung sino ba ang tunay na pinaglilingkuran - tayong mga Pilipino. Mas maraming mabibigat na suliranin sa iba’t ibang sektor ng Pilipinas, walang puwang ang kaliwa’t kanang tukaan at tahulan ng mga naturingang pinakamakapangyarihang pamilya sa bayan.
Lugmok na lugmok na tayong mga Pilipino sa nararanasan natin, hindi karapat-dapat na unahin pa ng mga nasa posisyon ang palitan ng laway.
ipinagmamalaking “Unity’ ng mga nakaluklok sa posisyon, gayo’y sila mismo ang nagiging ugat ng pagkawatak-watak.
Ngayong magkaaway na ang magkasangga.
Ginagayuma ang tao, binibili ang boto. Iyan ang trademark ng Philippine Politics. Sa ngalan ng itim na motibo, hinahamak ang lahat maging ang prinisipyo’t paninindigan ng maralitang Pilipino. Malaki na sa isang ordinaryong pamilya ang 100 hanggang 2000 piso kada botanteng vote-buying rate na lumalabas sa pag-aaral ng isang election watchdog sa Asya. Kaya’t tanong ni Juan, masisisi ba sila kung kakagat sa patalim ang praktikal na masa? Gayong ang tila puhunan lamang sa maduming kalakaran ay katumbas na ng ilang gabi nilang hapunan. Kahit mga mamamayang walang muwang sa saligang batas ay tiyak na lalagda,
Dibuho | Johanna Garcia Panulat | Drex SantosOpisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg L | Agosto - Marso
gayuma
PulitikangPilipino GAYUMA
‘pagkat sa tukso ng maduming pera ay nabibihag na sila.
Tila sa hulma ng ‘money politics’ sa Pilipinas ay nasa kamay na ng may kapangyarihan ang batas.
Patunay lamang diyan ang mga sangkot sa plunder at pork-barrel scam noong 2013 na malaya na’t may posisyon pa sa kasalukuyang gobyerno, habang ang 25 milyong Pilipinong mahirap noon - ay nananatiling mahirap ngayon.
Tunay na kung pera ang kasangga, hindi ka matitibag ng sistema.
Ginagayuma ang tao, binibili ang kalayaan.
Tila gobyerno na rin ang humuhukay sa sarili nilang libingan,
gayong may bakas na ng suhol ang mga kataas-taasang luklukan sa pamahalaan.
Mas mayaman, mas may tiyansang manalo - mas may tiyansa ring manloko!
Tunay ngang kuwarta-kuwarta na ang laban, basag na ang malinis na hangarin o ang solidong adhikain. Hindi na puso o paninindigan ang makabagong tatak ng serbisyo publiko. Hindi na rin tamis ng dila o galing mambola.
Pera na ang pinakamalakas na gayuma sa masa.
Masyado nang polluted ang political world sa lupang hinirang - panahon na upang managot ang mga nasa itaas na sa halip na
tumindig at lumaban ay tumatalima pa sa baluktot na patakaran.
Hindi si Juan ang dahilan kung bakit butas na ang kasalukuyang batasan, kung bakit kurap na ang nakagisnang tingin sa mga lingkodbayan, kung bakit baon na sa utang ang nasyong dating mayaman.
Nabulag na ang Pilipino sa walang hanggang pagluha dulot ng makikinang na gintong sumasalamin sa kasalukuyang sistema.
Marapat lang na taumabayan naman ang makaalpas mula sa mapanlinlang na pulitika sa bayan.
Subalit hangga’t patuloy na tumatalab ang kamandag ng kuwarta, tunay na hindi mamumulat ang ginayumang masa.
PAG-AARAL
Corruption Perception Index (CPI)
Inihayag ng Transparency International ang Corruption Perceptions Index (CPI) para sa taong 2023, na naglalarawan ng antas ng katiwalian sa sektor ng publiko sa 180 bansa.
Antas ng Katiwalian
Malubhang Korapsyon
0 100
Malinis
35
Antas na nakuha ng Pilipinas
Mga naging rango ng Pilipinas mula sa 180 na bansa sa loob ng 6 taon
2018 2019
115th
SAgupaan ng Kapwa
MandaramBONG
Matatandaang nag-init ang tensyon sa gitna ng dalawang pamilya noong tinanggalan ng confidential funds si VP Sara Duterte mula sa 2024 budget - subalit ni hindi man lamang natapyasan ang confidential budget ng presidente. Labis na inalmahan ito ng ama ni VP at dating Pangulong Duterte sa kadahilanang bakit pondo lamang ng Office of the Vice President (OVP) ang pinutol.
Hindi binoto ng milyong milyong masa ang Uniteam upang magkalat at palaganapin ang korapsyong nagpapadapa sa mamamayang Pilipino.
Inaasahan ba nilang aantabayanan ng madla ang mala-sabong nilang alitan habang naghihintay ng karampatang serbisyo
at aksyon? Paano na ang mga nasa laylayan? Maling mali na nahalal sa puwesto ang isang alyansang hindi bukal ang hangarin para sa Pilipinas.
Pinatunayan lamang nilang galit sa kapwa magnanakaw ang kapwa niya magnanakaw. Isa’y mangungulimbat ng kaban ng bayan, ang kabila nama’y nangunguha ng buhay.
Kabulaanan na lang ang ipinagmamalaking “Unity’ ng mga nakaluklok sa posisyon, gayo’y sila mismo ang nagiging ugat ng pagkawatak-watak.
Ngayong magkaaway na ang magkasangga sa umpisa, tila naisahan na naman si Juan sa pangakong pagkakaisa.
Sirang sira na nga ang reputasyon ng Pilipinas, dudungisan pa ba ito sa sabungan ng magulong pangulo at isang panggulong berdugo?
Kasama rin ang Pilipinas sa listahan ng “SIGNIFICANT DECLINERS” sa mga bansa sa Asia-Pasipiko sa mga ulat ng 2021 at 2022.
Para sa iba pang mga detalye, maaaring i-access online ang pahayagan
BANYUHAY FB PAGE
https://www.facebook.com/ banyuhayqcshs
https://www.instagram.com/ banyuhayqcshs/ https://issuu.com/banyuhay https://twitter.com/ banyuhayqcshs
Dibuho | Micia TanModernisasyong Sirang-plaka!
Urong-sulong na modernisasyon ang paandar ng gobyernong tila naliligaw na sa ruta. Ilang takaw-oras na hearing pa ba ang ipatatawag upang tuluyan nang ilugmok at iparada ang mga tunay na hari ng kalsada?
Pinalawig muli ni Pangulong BongBong Marcos ang sapilitang phaseout ng mga pampasadang dyip sa bansa. Ayon sa ilang eksperto, ang sunod-sunod na extensyon ay tanda ng pamahalaang hindi nakasisiguro sa pag-aksyon.
Mahigit 200,000 na tsuper ang apektado ng malawakang konsolidasyon. Wala pa riyan ang lagay ng madla na tiyak na luluha rin sa dagdag pamasahe.
Tila naging eksperimental lamang ang isang buwang pagpapatakbo sa mga modernized jeeps mula sa Tsina. Ika nila, ‘convenience’ ng publiko ang numero unong isinasaalangalang ng bagong ordinansa.
Subalit bakit tila bagsak sa masa ang grado ng mga modernong PUV?
Marami pa rin ang nakatayo sa modernized jeeps - mistulang naging mini-bus na sa halip na maging traditional jeepney. Mula 13 pesos, magiging trenta pa umano ang bayad. Mahaba pa rin ang pila, trapik pa rin ang kalsada - iba’t ibang kalbaryo ng komyuter ang hindi naman natugunan ng atras-abanteng programa.
Tunay bang maaasahan pa ang gobyerno sa kabila ng kaliwa’t kanang maniobra?
Marahil kung suportado ang mga matitiyagang drayber ay tiyak na darating na rin ang suporta ng madla.
Hindi lahat nadaraan sa agarang pagbabago. Sadyang maraming anyo ng kultura ang mananatiling gulong ng pag-asa sa kinabukasan.
PAG-AARAL Modernisasyon bago ang nasyon?
200,000 -400,000 halaga ng tradisyonal na dyip 2.4 - 2.6 Milyon halaga ng modernong dyip
Opisyal
MATATAG KURIKULUM
MATATAG o
BAGABAG?
Bagaman tila sa pagtatatag ng MATATAG kurikulum ay narinig na sa wakas ang mga hinaingbakit may mga umaangal pa rin sa implementasyon ng bagong programa?
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), ang agarang pagbabago ng kasalukuyang kurikulum ay isa na namang bigong eksperimental na palakad sa mga kabataan. Tila pa ang sandamakmak na balangkas ng MATATAG kurikulum ay wala namang pagkakaiba sa kasalukuyang K-12.
Sa halip kasi na manggaling ang suhestiyon sa mga tunay na naapektuhan, ay magmumula ito sa mga lideratong, kung hindi kaunti, ay wala talagang kaalaman sa nararanasan ng mga kabataan at kaguruan.
Hindi maayos. Hindi praktikal. Hindi makatwiran.
Tiyak na ang kawalan ng oras para sa epektibong transisyon ay magdudulot lang ng abala sa mga nagsusumikap na guro. Simple lang naman ang hangarin ng edukasyonbakit tila pinapakomplikado pa nila?
Isang programa – o sa halip ay problema na naghahangad ng maayos na transpormasyon, subalit marupok ang pundasyon.
Haligi nang maituturing ang edukasyon sa lipunan at sangkatauhan.
Itinatag ang K-12 sa hangaring maitaas ang kalidad ng edukasyon at makasabay sa pamantayan ng mauunlad na bansa. Subalit ang
LGBTGIA+ COMMUNITY
BAHAGHARI: Sagupaan ng Araw at Ulan
Panulat | Kurt Dela Cruz
nasabing hakbang ay tila umani pa ng mas maraming batikos kaysa benepisyo mula sa tinig ng masa.
Ayon sa pag-aaral, sa dami ng mga aralin at materyales na kailangang ihanda - nag-uugat ito sa maalingasaw na kawalan ng pagkatuto.
Hindi mabilang sa kamay ang dami ng beses na nakikibaka at pinaglalaban ng mga bahagi ng LGBTQIA+ community ang kanilang karapatan sa mundo, lalo na sa konserbatibong bansang ito.
Sagupaan ng araw at ulan, sino nga ba ang tunay na kalaban?
Naghihikahos at salat sa karapatan proteksyon sa batas ang mga bahagi ng LGBTQIA+ community sa bansa. Sexual Orientation, Gender Identity,
270 na Taon at 11.68 Bilyon
ang kakailanganin bago maisakatuparan ang Jeepney Modernization Program.
Source: PISTON, Transport Group
EDUKASYONPampribadong Pribilehiyo
Panulat | Mariel Bulan
Matapos ang tatlong taong University of the Philippines College Admission (UPCA) dulot ng pandemya, nahigitan ng private school qualifiers ang public
and Expression o SOGIE ang isa sa mga halimbawa, na kung susubukang iintindihin, batas para sa lahat. Nagpapatunay ito na mas pinipili ng mga mamamayan na magbubulagbulagan at isarado ang isipan sa usaping pagkapantay-pantay.
Walang katapusang diskriminasyon din ang ipinamamalas ng sambayanan sa mga bahagi ng bahagharing komunidad, tila nawalan ng kulay ang kanilang karapatan sa mata ng masa.
school qualifiers sa kamakailang katatapos lamang na UPCA 2023.
Nakaaalarmang hindi natatapatan ng kwalidad ng edukasyon sa pampublikong eskwelahan ang sa pribadong bahagi.
Hindi lamang ‘yon, ang admission test na nakakiling sa matematika at siyensya ay hindi naman naituturo nang maayos sa lahat ng pampublikong paaralan dahil sa kakulangan sa pasilidad at budget.
Mangyaring maipatupad nga ang MATATAG kurikulum, ay magiging sanhi pa ito ng kaguluhan kaysa magbunga ng kaayusan. At taliwas mismo ‘yon sa pangalan ng programa, dahil imbes na matatag, ay magsisilbi pa itong bagabag.
Mula sa 1,571 na taong kabilang sa ginawang pag-aaral tungkol sa mga taong nakakaranas ng diskriminasyon at pambubulas dahil sa kanilang sexual orientation, 30 porsyento rito ang mula sa Pilipinas.
Patuloy na binabalewala ng mga mambabatas ang paghihiwalay ng simbahan at estado sa ilalim ng 1987 Constitution of the Philippines, Artikulo III, Seksyon 6.
Sa bawat pagpasa ng mga batas na magbibigay karapatan sa mga bahagi ng LGBTQIA+ community, maraming beses na nabasura ang mga batas para sa kanila.
Sa sagupaan ng araw at ulan, walang tunay na kalaban. Namumulubi sa karapatan ang mga tao sa bahagharing komunidad, kahit simpleng karapatang pantao, patuloy pa rin nilang hinahangad.
Sa pag-usbong ng bagong sibilisasyon, hindi na naaayon na manatili pa sa matandang paniniwala na sarado ang isip pagdating sa mga gawaing hindi pa sikat sa mata ng bansa.
Isiniwalat lamang nito na isang pribilehiyo ang makapag-aral sa pribadong eskwelahan at sa maayos na kondisyon.
Bagaman nangunguna ang mga may pribilehiyo, hindi dapat nito naisasawalang bahala ang tunay na layunin ng UP - ang prayoridad na bigyan ng kwalidad na edukasyon ang masa.
Ang magsilbi sa mga mamamayang Pilipino.
TINTANG KUPAS
Nakakubli pa rin sa kabulaanan ang pinangakuang Pilipinas. Kasinungalingan na lamang ang nagiging pangunahing kanin ng madla. Wala ng boses ang mga tama’t totoo sapagkat kahit inosenteng manunulat, pilit pinatatahimik.
Ngayong balita’y umaayon na lang sa mga may kapangyarihan, tila malabo nang matanaw ni Juan ang malayang katotohanan.
Kaakibat ng mamamayan ang panulat ng mga mamamahayag. Naging mata sa gitna ng krisis at boses ng mga inaapi— ganyan kinatawanan ng mga ‘journalist’ ang sambayang Pilipino.
Ngunit ngayon, nag-iba bigla ang sitwasyon. Pinapaulanan na ng bala ang mga hindi takot tumindig sa mapait ngunit tuwid na kamalayan.
Binabaluktot ang pananaw, pinapatay ang mga nagbibigay kritisismo. Ganito naisiwalat ang huling sandali ni Percival Mabasa o mas tanyag sa tawag na Percy
Lapid. Noong Oktubre 2022, pinaputukan ng di kilalang riding in tandem ang sinasakyan niyang kotse.
Kilala si Percy sa kanyang maaanghang na kritisismo patungkol sa mga nanunungkulan. Kaya naman, walang dudang kabaha-bahala ito lalong sa simula ng administrasyon ni Marcos ito naganap.
Isa lang ang madugong kwento ni Percy sa 168 na iba pang kaso kung saan pinatahimik ng sistema ang nakabibinging katotohanan simula pa nung 1986.
Hindi pa nakapaloob dito ang panahon ni dating diktador na si former president Ferdinand Marcos kung saan halos walang tinig ng kamalayan ang madidinig.
Nakatikom lahat ng bibig, nagbubulagbulagan para ‘di mapasama sa libingan ng mga nagtangkang sumuway.
Nagbabadyang sumalamin ang kasalukuyan sa madilim na nakaraan.
Ngayong laganap ang kasinungalingan sa bansa, kailangan natin ng magmumulat sa madla.
Kaya naman delikado ngayon ang lagay ng bawat manunulat. Bawat katotohanang isisiwalat, nakabalikat ang kamay ni Kamatayan. Gayon man, nagpapatuloy pa rin dahil naniniwala silang ‘di mabubura ang sulatin kapag isinulat nang madiin.
Protektahan!
Puksain ang mga bantang balak patikumin ang sigaw ng balita. Paigtingin pa ang batas na tumutulong sa mga mamamahayag ng nasyon.
Gawing paalala ang kasaysayan upang ‘di na maging alila ng kapangyarihang mapanloko.
Para naman kay Juan, huwag magbulagbulagan at makiisa sa pagsulong ng katotohanan.
Sapagkat kahit gaano man kakupas ang tinta, basta bukas ang mata, tiyak maipapakita ang kamalayang malaya.
KALBARYO NG KALSADA
Panulat | Lorenzo Bajas
New Target Unlocked?!
Tiyak na nakakaubos-pasensya para kay Juan ang malunod sa pagkatagal-tagal na daloy ng trapiko sa Pilipinas. Sa kalalabas lang na 2023 Traffic Index ng kumpanyang TomTom Traffic, tinatayang 25 minutos ang hinihintay ng mga tsuper tuwing siksikan sa kalsada para lamang makabiyahe ng 10 kilometro. Pinakamabagal ito sa lahat ng mga naitalang datos.
Kung gaano kabagal ang galaw ng mga sasakyan ay ganoon rin namang tagal ng aksyon ng gobyerno. Palala na nang palala ang kalagayan ng ating kalsada, ngunit hindi parin ito nabibigyang solusyon ng Departament of Transportation (DOTr) at MMDA.
Sa kabilang dako, hindi kumbinsido ang MMDA sa datos na inihain ng TomTom International. Paliwanag ng isang opisyal sa MMDA, walang nakakaalam kung paanong pamamaraan ang ginawa ng TomTom para
masabing ang Pilipinas ang nanguna sa traffic index.
Walang mas makaalam ng tunay na kalagayan ng kalsada ng Pilipinas kung hindi ang mga pasahero rin. Kitang-kita na kahit saan man ang kakulangan sa plano at preparasyon ng mga departamentong humahawak dito.
Sadyang mahirap hanapan ng pangmatagalang solusyon ang nakakapagod na trapiko sa Pilipinas. Hindi ito natatapos lamang sa isang mabilisang proyekto, kinakailangan ng mga nararapat na proseso para maabot ang nilalayong maginhawang kalsada.
Sa ngayon, sadyang pabigat lang sa arawaraw na buhay ni Juan ang trapiko sa daan. Uhaw sa aksyon mula sa departamento at administrasyon. TRANSPORTASYON
Mapa-agham, matematika, journalism, isports at sa marami pang larang - todo hataw ang mga Scientians upang iwagayway ang bandera ng Kisay.
Subalit sa likod ng mga gintong tropeo’t parangal, tunay bang sapat ang suportang moral at pinansyal?
Tila doble pagod at pawis ang bigkis-bigkis ng mga kinatawan ng Kisay tuwing may kompetisyon. Karamihan kasi ng mga kinakailangang bilhin ay mula rin mismo sa sariling bulsa ng mga lumalaban, o kaya’y sariling sikap na ng mga advisers na lumikom ng sapat na pondo. Kaya’t sa halip na taasnoong lumalahok ang mga kabataan, tiyak na bibigay ang balikat ng mga ‘yan sa patong-patong na suliraning hindi dapat nila pasan-pasan. Hindi ko sinisisi ang institusyon. Lalong hindi ang mga gurong ginagawa ang lahat alang-alang sa mga pangarap ng mga mag-aaral.
MATA ENTIANSCI samata ngkabataan
Subalit hindi ko pwedeng imulat ang aking mga mata at sabihing walang mali sa sistema, gayong nariyan ang mga estudyanteng lumuluha na at unti-unti nang nawawalan ng gana.
Bitbit ang bigat ng pangalan ng paaralan, puyat sa academic workload - butas pa ang bulsa sa dagdag na gastos sa eskwela. Hindi ‘yan consequence ng extra-curricular activities. Hindi ‘yan overacting dahil pagod na. Bunga ‘yan ng kapos na suportang kahit papaano ay dapat na sukli sa pagsisikap ng isang magaaral.
Silid na walang bentilasyon, mga bagong bolang bihira lang mapatalbog ng mga atleta, printer na tila mas mahal pa sa presyo ng lugaw sa eskwela, kahit sa bansag na regional science high school ay sana’y ‘di makaligtaan na pampubliko pa rin ang pinapasukan nating sekondarya.
Dagdag pa ang laboratory, library, at gymnasium na malimit lamang
gamitin ng mga estudyante. Para san pa ho ba ang mga pasilidad na ‘yan kung hindi para sa Scientians?
Higit pa sa kahit anong insentibo o pagkilala ang hangad ng mga kapwa ko kompetitor tuwing kami’y tutuntong ng entablado bilang kinatawan ng Kisay. Sapat na sa puso’t isip namin basta’t mabigyan man lamang ng magandang laban ang pinagmamalaking paaralan.
Gantimpala nang maituturing ang malakas na palakpakan tuwing Lunes mula sa mga guro’t kamag-aral. Manalo matalo, sa maliit na pagkilala ay buhay na muli ang loob ng bawat isa - marahil sapagkat tanging diyan na lang kami nasanay.
Subalit paano na kung sa paglipas ng panahon ay tuluyan nang magsawa at mawalan ng gana ang mga dating pursigido? Masisisi ba sila? Gayong tila nakakahon na lamang sa pawang congratulations
ang katumbas ng dugo’t pawis nilang pagtitiyaga.
Hindi naman sa walang suportang naibibigay ang administrasyon. Marahil lamang na mas maeengganyo ang kabataan na lumaban, na lumahok sa mga hilig nilang larangan, na maging tunay na ‘proud Scientian’kung kahit na katiting ay umunlad man lamang ang kasalukuyang patakaran. Sapagkat kung nakakapagod maging estudyante, tiyak na nakakapagod ring maging Scientian.
pg.10
Bakas ng
Modernong Balangkas
SA MATA NG SCIENTIAN
Mainit sa mga mata at sa matatalim na dila ang paksang Artificial Intelligence (AI). Dala ito ng untiunting pagbabago ng balangkas ng panahon kung saan may kapangyarihan itong gayahin ang kayang gawin ng utak ng tao. Mahihirapan tayong pigilan ang talas ng mapang-akit na benepisyo nito.
Kitang-kita mismo ng aking mga mata kung paano magtrabaho ang AI. Isang pindot lang, tapos na ang asignaturang pinaghirapan ng iba. Kadugasan sa buhay ang hatid nito, nawawalan ng kakayahan ang mga estudyanteng ilabas ang potensyal at talento nila dahil sa AI. Kung dirediretsong aarangkada ang AI sa mundo, habang-buhay na tayong dedepende at nakatali sa isang aparato.
Papalo sa 85 milyong manggagawa ang pwedeng masibak sa trabaho sa taong 2030 dahil sa patuloy na pag-usbong ng AI sa planeta. Maghihikahos ang mga maliliit na negosyante lalo na sa larangan ng sining
sa kayang gawin ng aparatong ito. Trabaho at ekonomiya ng bawat bansa ang magagasgasan kapalit ng bagay na akala natin, alas. Matalas na alas ang AI. Malaking tulong ito ngunit hindi kayang purulin ang pinsalang kayang idulot sa oras na mapunta ito sa masamang kamay. Bumulusok pataas ang
naitalang cybercrime dahil sa kagagawan ng AI. Kaya nitong kopyahin ang pagkakakilanlan, mukha, boses at galaw ng isang tao. Hindi ba binibigyan lang natin ng oportunidad ang mga taong kayang gumawa ng kababalaghan kung hawak nila ang AI? Sa bagong bakas ng panibagong balangkas, nangingibabaw ang alas na napakatalas. Kahit kaninong kamay pa dumikit ang alas na ito, maaubuso at maaubuso ‘to sa oras na makita nila ang taglay nitong benenepisyo. Maging maingat lalo na ang mga namamahala sa bansa laban sa AI dahil maraming pwedeng mawala sa isang pindot lamang, sa oras na magamit ang talas nito ng masasama.
Malabo nang maniwala si Juan sa lantarang panggagatso’t panloloko, sapagkat alam ng sambayanan na wala nang bago sa mga pangakong pagbabago.
Nakalugmok pa rin sa kumunoy ng kabulaanan ang lupang hinirang. Sawa na sa salita ang mga Pilipinong ginutom ng huwad na pag-asa. Gayunpaman, nakaabang pa rin ang mga tao sa kung papaano tutuparin ng gobyerno ang iniyayabang na Bagong Pilipinas. Ilang beses mang
marinig, tiyak may kakagat pa rin. Upang maitago ang katotohanang mapait, kahit di sigurado, panigurado, sa matatamis na salita ang madla’y kakapit.
Samut saring reaksyon ang natatamo ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos nyang ilapag sa publiko ang planong Bagong Pilipinas. Ani nya, hindi umano ito isang mapagbalat-kayong agenda, layunin daw talaga nitong paigtingin ang bansa lalo na sa usapin ng ekonomiya at kapakanan ng mga Pilipino. Dahil sa mga katagang ito, tila aasa na naman ang masa. Magbubulagbulagan na naman sa salamin ng madilim na nakaraan. Nakaukit na sa kaisipan ng ilan ang madugong pangyayari sa panahon ni dating pangulo at diktador, Ferdinand Marcos, ama ng kasalukuyang namumuno. Kung matatandaan, pinangakuan din ang mga ninuno natin ng isang plano —isang “Bagong Lipunan”. Ganyan nya itinanyag ang simula ng madilim na kasaysayan. Matapos lamang ang ilang
Makabuluhang Kabulaanan
taon, umalingasaw ang itinatagong kasakiman ng pangulo. Gamit ang kapangyarihan, kasanayan, at talino, pinagharian ng diktador ang bayang pinangakuan.
Kung iisipin, wala naman talagang masama sa isinusubong kampanya ni PBBM, nakakapagod na lang kasing maniwala sa mga kathang isip ng mga nanunungkulan. Kahit tumayo sa kinauupuan, hindi nila natatanaw ang paghihirap ng mga nakayuko. Paulit ulit na lang, kahit ang makaraang administrasyon, nabanggit na “change is coming”. Subalit kung may nagbago man, ito ay ang pagtaas pa ng presyo ng bilihin at pagdami lang ng patayan. Marahil marami ang mapapakunot noo na kung ako’y manumbat, akala mo alam ang lahat. Estudyante man at walang larang sa politika, batid ng kahapon ko ang hinaing ng masa.
Musmos pa lang sinubok na ng panahon ang sikmura’t katawan. Sinunog ng araw ang kulay ng balat. Naranasang manirahan sa tabi ng estero na sa tuwing tanghali, di mapakali dahil sa init. Kahit kailan ba naranasan nilang gawing pantawid gutom ang tubig sa magdamag? O di kaya’y matulog sa malamig na sementong aming lapag? Isa lang
kolum
TomoIBlg.L|Agosto-Marso
ang karanasan kong ito sa milyong milyong patunay na kailanman, hindi nagbago ang Pilipinas. Nanatiling nasa tuktok ang makapangyarihan, habang ang mga nasa dulo ng tatsulok, patuloy naiiwan sa laylayan. Binibingi sa matatalinhagang salita upang mabulag sa balak na kasakiman. Nakasusulasok na ang ganyang pagsasamantala.
Paano pa maniniwala ang madla kung sa una pa lang, di na nila napanindigan ang Unity na kanilang ipinagmamayabang. Dahil di natupad, nagsaboy ng panibagong kolorete sa mukha.
Subalit di na masisisi kung aasa pa rin si Juan. Sadyang para lang may makain ang pamilya, kahit anong landas tiyak tatahakin.
Kaya naman, panindigan ang pangakong Bagong Pilipinas! Simulan ng maganda at tapusin ng matatag. Patunayan nyang mali ang lahat na nag aakalang katulad sya ng kanyang ama. Para naman sa bayan, ipagpatuloy natin ang ating sigaw. Batid mang di sigurado, suportahan natin ang tsansang pag unlad.
Dahil para sa ilang Pilipino, nanatili pa ring makabuluhan ang kabulaanan ng pangulo.
opinyon
OpisyalnaPahayagangFilipinongMataasnaPaaralang Pang-aghamngLungsodQuezon
Panulat | Christian Belleza
Tuta ng Tsina
Tila pinagmumukhang engot ang masa sa mga pangakong pinapako ni President Xi Jinping para ‘umano’ masolusyonan ang problema ng mga mangingisdang Pilipino. Umani ng samu’t saring batikos ang paggamit ng mga tsino ng cyanide sa pangingisda na sumisira sa ating mga coral reefs. Ayon pa sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya
ng Pilipinas (PAMALAKAYA), matagal nang iniulat ng mga Pilipino ang paggamit sa nasabing lason ng mga mangingisdang Tsino. Inanod ang mga paratang na ‘yan sa Chinese Embassy at inakusahan ang Pilipinas ng continuous disinformation na lubos namang ikinagalit ng ating mangingisda. Wala namang aksyon ang mga
MATA NG SA MATA NG
nauna at kasalukuyang administrasyon upang pigilan ang pagkawasak ng mga pangisdaan ng bayan. Maraming presidente na ang dumaan subalit hindi na nabago ang sistema. “David vs Goliath” nga ang turing ng karamihan sa ating posisyon. Tinatayang nasa 70 porsyento ng mga Pilipino ang nagnanais ng mapayapang paraan sa paghawak ng administrasyong Marcos
sa isyu ng agawan teritoryo batay sa isinagawang pag-aaral.
Ayon pa kay Justice Carpio, kung nawala sa atin ang West Philippine Sea, 40 porsyento ng pinagkukunangyaman ng Pilipinas ang mawawala, tulad ng mga isda, enerhiya at iba pa. Kaya naman, marapat lamang na maging matapang ang soberanya at ipaglaban ang ating karapatang pandagat - sapagkat
libo-libong kabuhayan ng mga Pilipino ang nakasalalay dito.
Wala man lang tayong magawa sa lantarang pagnanakaw ng teritoryo at karapatan. Diplomasya ang tanging paraan ngunit isinasawalang bahala lang si Juan sa kadahilanang higit na mas mahina ang bitbit nating itak kumpara sa kanyon ng kalaban.
Kailan kaya matutupad ang mga
pangako para sa mga mangingisda? Kailan matatapos ang pangaapi ng mga tsino? Spratlys, Ayungin, Scarborough at ano pa?
Ilan lang yan sa mga hamong nilalangoy nating mga Pilipino na halos sanay na tayo sa mga paulit-ulit na patintero sa ating bakuran.
Panahon na upang hindi na tayo magpauto sa mga puro salita, hindi naman ginagawa.
SCIENTIAN
PanulatOpisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo
nTAKIPSILIM: takipsilim Ilaw ng Kababaihan sa Karimlan
Dekada ng Lente Sarah Gates:
“Isa kang mamamahayag dahil gusto mong manilbihan at maghatid ng katotohanan.”
Iba’t-ibang kuwento sa bawat balintataw na nahahagip. Iba’tibang paksa sa bawat pahina ng pahayagang pinagsisilbihan. Sa bawat pitik na nagdaraan, minsan ay hindi maiiwasang mapukaw ang kuryosidad mo– sino nga ba ang nasa likod ng lente nito?
“Bilang sampung taong gulang, nagsimula ako sa journalism for the sake of competition and extracurricular. Pero as time goes on, sa anim na taon ko sa Kisay, mas lumalalim na ang pagmamahal ko sa pamamahayag.”
Anim na taon na magmula nang simulan ni Sarah ang kaniyang paninilbihan bilang tagapagkuha ng larawan at tagapagdisenyo sa Banyuhay, ang opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pangagham ng Lungsod Quezon. Makikita mo ang mga disenyo at larawang naililimbag. Mula sa pagiging isang campus journalist noong elementarya, napayabong niya ang pagiging isang pamamahayag sa kaniyang pagpasok sa panibagong mundong dala ng Kisay. Hawak ang isang mumunting digital camera, taas-noong sinuong ni Sarah ang ibon ng apoy na nagaabang sa kaniya.
“
Nakasisilaw man ang mga pilak at gintong medalya na naisabit kay Sarah sa ‘di-mabilang na mga parangal na kaniyang natanggap mula sa taong 2018, hindi natitinag ang puso ng isang mamamahayag. Nananatiling marangal at matikas ang prinsipyo sa paninilbihan para sa katotohanan at pananawagan para
sa hustisya. Bukod sa kaniyang determinasyon sa paghahatid ng katotohanan, ang matatag na samahan din ng Banyuhay ang siyang naging rason sa patuloy na pagliyab ng paninindigan ni Sarah.
“Reality talks about how journalists are underpaid and lack opportunities– but I’m not pursuing journalism just because of the salary, but because I want to wake up each day doing something I love.”
Dala-dala rin ni Sarah sa kaniyang hinaharap ang iba’tibang mga aral at kakayahan na nasanay sa kaniya sa mga taon na ginugol niya sa Banyuhay. Matindi man ang hamon na kinakaharap sa praktikal at pangkaligtasang usapin ng pagiging isang mamamahayag, sa pangalawang pagkakataon ay taasnoong hinaharap ni Sarah ang mga pagsubok na nag-aabang sa kaniya. Katakot-takot man ang kaniyang tatahakin, iba pa rin ang puso ng isang pursigidong Scientian na lumaki sa kalinga ng Banyuhay.
“I have loved being a journalist for the past 8 years.”
Nananatiling klaro ang lente ni Sarah sa mundo na ang salamin ng mga tao ay kulay rosas na. Sa anim na taon niya sa Banyuhay, at sa pagdedekada niya sa larangan ng pamamahayag, tuluyan ding nabago ang anyo ng kaniyang buhay. Tila isang matapang na ibon, muli na namang papagaspas si Sarah sa bagong mukha ng mundo na naghihintay sa labas ng Kisay. Patuloy na maninindigan para sa kapayapaan, kaunlaran, at katotohanan.
Panulat | Mariel BulanCarolyn Simon: Agila ng Kinabukasan
Panulat | Mikee Atabay
“It has always been my goal to be an inspiration to each and everyone.”
Nakatatak sa kasaysayan ng Pilipinas ang kasabihang, “Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.” – bagkus, hindi mararating ng mga estudyante ang rurok ng kanilang pangarap kung walang matang gumagabay sa kanilang paglalakbay at sumusuporta sa byahe upang mapatunayang sila ang pag-asa ng taumbayan.
Carolyn Simon – isang matatag na kababaihang patuloy na nagpapatunay kung gaano kalinis magpalakad ang mga babae sa iba’t ibang larangan. Siya ay isang validator, trainer, writer, policy maker, at ang punongguro ng QCSHS.
Mula sa kaniya’y sumisimbolo ang katatagan bilang agila, kahit man malawak ang sakop ng himpapawid, ang kaunlaran pa rin ang maghahari gamit ang mga mata at boses ng adbokasiya.
Ukol sa kaniyang perspektibo, may layunin siyang makapagbigay ng inspirasyon at maisiwalat na ang edukasyon ay may kariktan sa buhay ng tao. Sa labis-labis niyang
pagmamahal at pag-aalaga sa mga mag-aaral, sumasalamin din ito sa tungkulin niya bilang asawa at ina sa tatlo niyang anak. Ayon sa kaniya, nakikita niya ang mga estudyante bilang mga anak kung kaya’t walang hanggan ang pagsuporta nito sa scientian community. Umaapaw ang kaniyang kaligayahan sapagkat nasaksihan niya ang nagsisi-alab na kagalingan at abilidad ng mga kabataang dapat ipagmalaki.
Sa ilang taon niyang pamamalakad sa eskwelahan, nasubok ang kaniyang kakayahan sa mapanghamong karanasan bilang isang punongguro. Ngunit naging mas madali ang lahat sapagkat mayroong iisang layunin ang namuo — ang panatilihing nasa magandang posisyon ang paaralan.
Mula nang magsimula ang kaniyang termino, mahihinuha ang naging magandang reporma ng paaralan pagdating sa mga pasilidad, pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran, at iba pa. Mula sa maraming reklamo ang mga
Cassandra Austria:
Panulat | Geelyn Avanceña
Pirma rito, pirma roon. Kahit nakangiti sa ilalim ng tirik na araw habang hawak ang mga ipapapirmang papeles ay walang kasiguraduhan ang pagdalo niya sa mga klase. Minsa’y nasa silid-aralan, ngunit siya rin ay
estudyante hanggang sa naging tahimik at walang kaguluhan — mas pinaigting ng agila ng QCSHS ang kaayusan ng buong paaralan. Ipinahayag din niya ang pinangako ng lungsod na magiging “School of the Future” ang QCSHS sa taong 2028 — kahit hindi na siya ang namumuno sa mga taong iyon, masaya pa rin siya kung ito’y matutuloy sapagkat nagsimula ito sa kaniyang termino.
“I always believe in the beauty and power of everyone’s dreams,”
kay tindig ng kaniyang paniniwala sa mga kabataan, lalo na sa pwersa ng kanilang mga pangarap. Mga pangarap na magpapabago sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon at mas mapaigting ang kasabihang ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sa mga nabubunyag na kakayahan at abilidad na dapat ipagmalaki ng sinuman.
Lagi’t lagi, CASSama ng bayan
matatagpuan na lumilibot sa paaralan, o ‘di kaya’y mananatili ng ilang linggo sa labas ng rehiyon upang ipakita ang taglay niyang kakayahan sa pagiging lider.
Ngunit, paano nga ba nasusukat ang katatagan ng isang tunay na lider mula sa mga mata ni Ma. Cassandra Austria?
Mas kilala sa palayaw na ‘Cass,’ siya ang kasalukuyang presidente ng Quezon City Science High School Supreme Secondary Learner Government (QCSHS-SSLG), at ng Quezon City Division at National Capital Region (NCR) Regional Federation. Bukod sa mga nabanggit, marami pa siyang ginagampanan kung kaya’t ang kanyang karanasan ay tuluyang nahuhubog sa loob at labas ng paaralan.
“Para sa kabataan, para sa bayan, lagi’t lagi.”
Bilang boses ng kabataan, lagi niyang isinasaisip ang mas nakabubuti para sa kanyang mga kasapi. Bawat inisyatibo ay kanyang isinasapuso, kasabay ng pagdalo at pagplano sa mga usaping nakatutulong sa mga Scientian at kapwa kabataan. Siya rin ay pinaniniwalaang isang taong kinakapa ang mas nakabubuti para sa masa.
Isa lamang sa mga patunay ng paglakas ng kanyang boses ang pagbaba nito ng memorandum kung saan ang mga Scientian ay maaaring magsuot ng uniporme batay sa kanilang
gender identity. Hindi man ito ang ultimatum, may pag-asang maisulong ito sa iba pang akademikong institusyon sa Quezon City at sa iba pang rehiyon.
Subalit, gaya ng musmos na nag-uumpisa pa lang sa mga bagaybagay, hindi rin maiwasan ni Cass ang magkamali.
Likas sa kanya ang paggawa ng mga trabaho na may kinalaman sa pagiging lider mula noong siya ay nasa elementarya pa lamang. Dinala na niya ito pagdating ng sekondarya hanggang sa lumawak ang kanyang karanasan ngayong taon. Sa kasamaang palad, noon ay nasanay ang lider na siya lang ang gumagawa ng halos lahat ng gawaing iniatas sa kanya, kung kaya’t noong una’y hindi naging maayos ang paraan ng kanyang paninilbihan.
“We try to compromise. Hindi pwedeng palaging masunod ang gusto ko,” aniya.
“In pursuit of Scientian excellence.”
Bilang kinatawan ng bawat Scientian, naniniwala rin si Cass na ang lahat ng hakbang na ginagawa ng QCSHS-SSLG ay para sa kagalingan ng student body. Patunay rin ito na isinasapuso niya ang kapakanan ng bawat estudyante.
Hindi biro ang pagiging Scientian leader, ayon kay Austria. Marami ang umaasa, kung kaya’t nagiging mahirap ang tungkuling ito, lalo na’t nagkaroon ng kakulangan sa oposisyon ng mga lider na mag-aaral noong nakaraang QCSHS-SSLG Eleksyon. Ngunit, siya ay patuloy na lumalaban para sa kinabukasan ng Kisay— na siyang dadalhin niya tungo sa labas ng paaralan habang-buhay.
lathalain.
Kabanata
56
Panulat Liam Apo & Asiza Dayag
Kisay, Kisay, Kisay.
Nagbukang-liwayway na sa Setyembre 14. 56 years ka na, Kisay. Ngayon mo lang muli narinig iyan diba? Hindi natin naipagdiriwang ang iyong 55th, 54th, at 53rd dahil sa pandemya. Tila nakakapanibago lamang sa’ming lahat itowng kaarawan mo, hindi nga namin nagawang batiin ka ng “Happy Birthday!” Ngunit ikaw ang nagsilbing gabay at tanglaw ko papunta sa magandang kinabukasan. Ang tanong ko lamang, paano ka ba ipagdiriwang?
Q! C! S-H-S! GO KISAY! Sigaw ng hukbong Berde, Dilaw, Pula, Asul, Rosas, at Maroon: kulay ng anim na baitang ang bungad sa quadrangle ng paaralan. Isa-isa ring nagsilakad paikot ng paaralan, bakas ng tuwa at galak nang makapiling ang kapwa nila, Seniors man, o mas nakababata, teachers man, o kahit ang mga staff kahit saan man. Kaway sa kaliwa at kanan, lahat iisang sigaw, Kisay, maligayang kaarawan.
Kaarawan mo’y hulog ng Diyos. Sabay panalangin, ipinagdiriwang ang isa mo pang taon. Sa isang ekumenikal na pagtitipon, nanalangin, umawit, sa ngalan ng pag-alala sa mga ang mga nagawang mabuti ng Diyos para sa paaralan kong ito. Isa pang taon, isa pang pagkakataon. Dinggin nawa ng maykapal ang tanging dalangin namin: Kisay, pag-asa’y lalong ihatid. Marami ka pang isip na mailalago pa, sumibol ka, eskuwelahan ko.
At tingnan ang mga tala, ang tinig ng mga banda’t sigawan. Maski banda man, o sayaw, hiyaw ng mga tao, abot langit ang suportang ihahatid. Isa isang bumirit, humataw, humiyaw, sabay sigaw ng buong sang-Scientian.
Pero para sa akin, ang kaarawan mo ay para rin sa aking mga kaibigan. Inisa-isa ang bawat booth, stall, at ride sa paligidligid. Nakapagpagawa ka ba ng friendship bracelets? Nakabili ka ba ng Shawarma at Milktea? Nakanood ka ba ng pelikula, o nakapagtambling-tambling na sa inflatable slide? Hindi pangkaraniwan ang abutan ka nang walang klase. Pawang naglilibot ka lamang, inuubos ang oras at pera sa iyong mga munting palaro’t pahanda. Tila ba’y simpleng regalo mo rin sa’min, kaming nagtiwala pa’t palaguin ang aming katauhan.
Kung makakapagsalita ang iyong mga pader, ito ang kanilang magiging sigaw: “Happy 56th Birthday, Kisay!” Baka ganoon na nga i-celebrate ang iyong kaarawan, pandemya man ang humadlang. Ang araw mo ay araw ng buong madlang Scientian; kaming iyong pinatatag, upang makasama ang kaibigan, magmunimuni sa Diyos, at magwari-wari sa kung ano naging, kung ano ang, at kung ano ang magiging— Kisay.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg L | Agosto - Marso
TEACHERS
Ma, Pa: Liham Para sa mga Kaguruan
Panulat
Geelyn
Sa aming paglalakad sa araw-araw, minsa’y nawawala ang luwag sa aming pakiramdam. May mga hakbang na may bahid ng takot, pangangamba, at bigat. Kadalasan, kumakapit na lamang sa medalyang hindi mawari kung bakit, ngunit nagbibigay ng seguridad gawa ng mga perlas, at isang malaking dyamanteng nakasabit – parang kayo lamang.
May munting bigat, pero sa oras na suot na namin ang mga perlas na ito sa pag-akyat sa entablado balang araw – mayroong maliit na tinig na nagsasabing “kaya mo na.” Ngunit, bago nyo isukbit ang medalyang ito sa aming leeg…
Ma, Pa, kamusta? Araw-araw ka naming nakikita nina ate’t kuya, ngunit tila sa bawa’t pagsubok na iyong hinaharap, ni isang daing o buntong hininga, ay ‘di dumating sa aming pandinig. Kada daan namin sayo, lagi kang nakangiti at nagpapakapagod. Kaya mo pa ba?
MADUGONG BANGA: KARAHASANG NAKAUKIT SA MEMORYA
Panulat | Mikee Atabay
Sa bangang kay lagim— kinababalutan ng bayolensa at kalapastangang kahindikhindik, hindi maipagkakait na dugo’t permanenteng sugat ang kahihinatnan na kay tagal maghilom.
“Isang taon pa lang ako, nasapak na ni tito. Grade 6, labindalawa na ako, kasingdami na ng pasa’t sugat ko!”
Nakakatakot.
Nakakatindig-balahibo.
Nakakaalarma.
Sobrang dilim ng mundo, hindi ko makita nang maayos. O baka naman sadyang may pasa lang ako sa kaliwang mata mula sa kamao ni tito?
“Sampung mga daliri, kamay at paa!” Benteng daliri - ngunit hindi ko na mabilang kung ilang pagpapahirap ang sinapit, may kinabukasan pa ba ako?
Isa lang naman akong paslit na gustong makakuha ng atensyon pero bakit kadiliman, pagmamalupit, at pagmamaliit ang aking sinapit?
Ako ay isang batang kababaihan.
Wala sa edad kung kanino nila ipupukol ang karahasan - mapabata man o may katandaan na.
Ganito na lang bang kagulo ang maaabutan ng mga susunod na henerasyon?
Kay daming katanungang hindi masagot-sagot.
Ngayong kwarenta anyos na ako’t may paslit, biglang nanumbalik sa memorya ang pagdurusang hinding-hindi ko makakalimutan nang marinig ko mula sa karanasan ng aking anak ang kaharasang pinagdaanan niya sa kaniyang eskwelahan.
Kahit saan nga talaga’y walang pigil ang mga may masasamang intensyon at madidilim nilang balak.
Iyak at galit ang bumugso na tila ba’y mala-impyerno ang nagbabagang emosyon.
Patuloy na dumadaan ang mga henerasyon, ngunit patuloy ring dumadami ang bayolenteng hindi nagpapaawat at nagdudulot ng kasamaan sa karapatang pantao lalo na sa mga kababaihan at kabataan.
Mayroon na tayong batas upang protektahan sila, subalit kung ang isip ng mga kriminal ay mala-gulong kung umikot upang maulit ang nakaraan— hindi mawawala ang mga aninong nagpapanggap na hindi ka sasaktan at pahihirapan upang makuha lamang ang kanilang kagustuhan.
Madugong aninong nasa memorya mo’t hindi kailanman maglalaho.
Lingid sa aming kaalaman ang pinagdadaanan mo, ngunit kulang pa pala iyon. Mula sa unang hikab sa umaga, pagdating sa eskwelahan hanggang sa makauwi at lahat ng nasa pagitan, hindi namin alam kung paano mo kinakaya. Kaya sa bawat paghinga ninyo, maraming salamat po.
Sa mga araw na na pakiramdam ko’y nakakapit ako sa madulas na lubid habang hirap na hirap sa paghinga na parang nakakulong sa dugo’t pawis na ibinibigay para sa eskwelahan, nandyan ka para isalba ako.
Aking naaalala ang mga panahong ikaw ay pursigido pa rin sa pagtuturo, kahit ang ilan sa amin ay bumabagsak na. Naging mahirap ito, sapagkat kami’y bumubwelo pa lamang sa taong ito. Subalit, maging ikaw ay hindi mo ginusto ang pangyayaring ito, at sa susunod na markahan ay mas determinado ka sa pagtuturo upang lahat na kami ay pumasa.
Maging ang iyong mga pahinga ay minsan na palang nawala na parang bula, gawa ng iyong pagaasikaso ng mga lesson plan para bukas, at sa pagmamarka sa aktibidad na iyong natatanggap. Hindi man naging madali ang araw na ito para sa iyo, nagagawa mo pa ring humarap sa amin habang may ngiti sa iyong mukha.
Ngayong suot na namin ang dyamanteng ilang taon naming pinaghirapang makamit, nawa’y magbigay din iyon ng seguridad sa iyong kinabukasan bilang isang guro.
Sabi nila, nandyan sina nanay at tatay para pasalamatan ko sa sandaling aapak na ako sa entablado. Pero, Ma’am, Sir, sa sandaling iyon, sa ating pakikipagkamay ay maaalala ko ang mga sakripisyong ginawa mo para ako ay matuto— lahat ng pagod niyo.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg L | Agosto - Marso
ANG PAGDATING NG DRAGON
Panulat | Arwen Madriaga
Noong ang bagong taon ay ating salubungin, panibagong oportunidad
Ngunit hindi lang sila ang makakaranas ng magandang enerhiya
“Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba [ang] love of my life?”
Sa larangan ng pag-ibig, maaaring maging makulay ang taon na ito. Ang dragon ay nagdudulot ng init at
kang mag -alala dahil ang taon na ito ay magbibigay ng swerte sa iyong bulsa! Ngunit, tandaan na wala pa ring hihigit sa dasal at tiyaga para magtagumpay. Ang Year of the Dragon ay hindi
Kailan Kaya Makakatikim ng Kalayaan?
Panulat | Chloee Bautista
Sa isang ginintuang kulungan, mayroong kalapati na kay gandang pagmasdan. Mukha man siyang komportable’t payapa, nais niyang makalaya.
Bagama’t siya’y mukhang alagang-alaga, ang katotohanan ay siya’y kinadena. Hindi
niya hinangad na matahimik at makulong sa isang lugar na tila impyerno. Hanggang kailan ba bago niya matikman ang kalayaang kay tagal na ninais?
Tulad ng kalapati sa kulungang ginto, ang kalayaan ng mga mamamahayag ay siya ring
nakakadena’t nakakulong. Maraming taon na ang dumaan, ngunit tila walang pagbabago. Nais man nilang magsalita, hindi nila magawa-gawa, dahil ang kanilang propesyon ay tinuturing na delikado dahil isang maling salita lang nila’y pagkakaisahan na ng mundo lalo na’t hindi biro ang mga bagay na kayang gawin ng mga tao para lamang sa reputasyong malinis.
Tila nakakalimutan nila na ang mga mamamahayag ay hindi utusan o bayaran, bagkus sila’y mga matatapang na nilalang. Ang pang-aapi na ginagawa sa kanila’y dapat na tigilan. Karapatan ng mundo na
malaman ang tunay na nangyayari sa paligid, kaaya-aya man o hindi. Ang pilit na pagpapatahimik ay patunay lamang na sila’y may nagawang hindi kanaisnais, dahil kung alam nila na sila’y walang nagawang mali, bakit nila kailangan magpatahimik ng bibig?
Darating din ang araw na ang kalapati’y makakaalis sa kaniyang kulungan. Nawa’y makatikim nito ang kalayaang ninanais. Tulad ng kalapati, ang araw na ang mga mamamahayag ay makakapagpahayag ng malaya’y darating din. Hindi man ngayon o bukas, ngunit paniguradong ang araw nila’y darating rin, sa wakas.
Hinaing ng Kalsada:
Makukulay na dyip ang aking nadadatnan sa bawat sulok ng protesta, habang boses ng maraming tsuper ang umalingawngaw sa aking pandinig. Puno ng paghihinagpis ang paligid, sapagkat hindi lang kakarampot ang nawala sa kanila, kundi pati na rin ang sangkatutak na baya ng pangkabuhayan. Hawak ang malaking plaka, nanatili ako sa tabi ng aking ama at sabay kaming humihiling ng mas mahaba pang prangkisa.
Bilang tsuper na umaasa lamang sa kinikita niya sa pagmamaneho, minsan ay kapos pa ito para tustusan ang pangangailangan namin sa buhay. Bagamat ito’y marangal, may ilang pasaherong mapagsamantala pa rin, kung kaya’t kami ay minsang nalulugi. Masakit man para sa anak ng isang tsuper, hindi
Bukod sa aming mga protesta ay tila nadamay ang mga komyuter. Gaya ko, maging ang mga Pilipino ay mas mahihirapang makahagilap ng behikulong aming makakasama sa paglalakbay tungo sa paaralan o trabaho. Magkakaroon din siksikan sa mga sakayan, sapagkat untiunting mababawasan ang uri ng transportasyon na angkop sa aming kalagayan. Dagdag-perwisyo. Paghihirap. Kabuhayan. Bilang bahagi ng isang kultura, patuloy na bumibida ang mga dyip sa pamamagitan ng mga makukulay na obra at mga kwentong nakakaantig ng damdamin. Ngayong posible ang pagkawala ng mga dyip sa ating bansa, tila napawalang bahala ang mga hinaing ng mga tsuper — at maging sa amin na kanilang
SSSC: Tagisan ng Talino tungo sa Mundong Makabago
Bugtong-bugtong, sagupaan ng mayayabong na kaisipan, resulta ay modernisadong inobasyon para sa mas pinagtibay na kapaligiran.
Nagpakitang-gilas ang ilang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa sa TimogSilangang Asya sa ginanap na SEAMEOSingapore Students Challenge (SSSC) nang Hulyo apat hanggang walo, taong 2023.
Matagumpay na idinaos ng Southeast Asian Ministers of Education Organisation o SEAMEO ang patimpalak na ito kasama ang Singapore’s Ministry of Education (MoE) at Science Centre Singapore (SCS) na may temang “Sustainable and Resilient Communities”.
Layunin nitong paghusayin at hasain ang mga kasanayan sa 21st Century ng mga mag-aaral sa Timog-Silangang Asya, itaguyod ang pagtutulungan at pagkakaisa ng rehiyon, at pagyabungin ang pagbabago sa pamamagitan ng isang network ng kabataan para sa pagpapalitan ng kultura at pinakamahusay na mga kasanayan sa larangan ng edukasyon.
TINGNAN:
SAGIP-SAPA: Malikhaing Solusyon sa Sapang Puno ng Polusyon
MGA PARANGAL
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg L | Agosto - Marso
HUSAY NG SCIENTIANRUROK NG TAGUMPAY:
Scientians, wagi sa iba’t-ibang Research Competitions
Husay Kisay! Muling ipinamalas ng mga
mag-aaral ng Quezon City Science High School ang kanilang husay sa talino’t galing sa siyensya habang tinutulungan ang mundo’t kapwa.
Iwinagayway ng mga
scientians ang kanilang mga researches na may layuning mapabuti ang lagay ng kalikasan o ‘di naman kaya’y kalusugan ng kapwa na namayagpag sa iba’t-ibang kompetisyon sa bansa. Kabilang sa mga ito ang mga 2023 Innohub Grand Winners na may titulong ReMSea: Removal of Microplastics in Seawater Using Magnetic Carbon Nanotube-Embedded Robot (na siya ring nagkamit ng unang gantimpala sa 2022 National Science and Technology Fair), SIMOY: Solar Integrated Machine for Oryza sativa (Rice Grain)
Panulat | Andry DechavezDryer mula sa 10-Darwin at TUKLAS: Tumor and Unveiled Karyological Lesion Analysis and Early-Detection System through Convolutional Neural Network ng 10-Curie na mga nagsipag-uwi lang naman ng tig-100,000 pisong cash prize.
Sumungkit din ng mga parangal ang iba’t-ibang researches ng scientians sa 2023 Regional Science and Technology Fair na ginanap mula Agosto 30 hanggang Setyembre 7.
Kasama sa mga nagwagi ang mga paksa mula sa team category na Herbicidal Effect of Rice Straw Extract (Oryza sativa L.) on the Seedling Viability of Itchgrass (Rottboellia cochinchinensis) [1st Place] at A SolarPowered Smart Traffic Light System for Emergency Vehicles Prioritization
Using Al-Enhanced Deep Learning Framework [1st
place] at mula sa individual category na may paksang
Arduino-Based Autonomous Navigation to Detect Solid Metals for Ground Contamination Recovery (ANDAR) [1st place] at Anticancer Potential of Molave (Vitex parviflora Juss.) Crude Leaf Ethanolic Extract Against Lung Cancer Cells (A549 and GL01) [1st place at best display board] na lahat ay qualifier para sa National Science and Technology Fair (NSTF). Nag-uwi rin ng tagumpay ang researches na Classification of Electron Beam Irradiated Papaya (Carica papaya) Using Neural Network [2nd place], Revitalizing Carbonates: An Innovative Solution to Recycling Concrete Waste Using Irradiated Concrete into Calcium HydroxideBased (Ca(OH)2) Carbon Capturing Technology [Top
8 finalist], S.A.R.H: A Soft Actuated Robotic Hand for Range of Motion Therapy on the Rehabilitation of Hand Function for Monoparesis Patients [3rd place], Arduino UNO for Power Interruption Adjunct to Flood Water Detection (APAW) [4th place] at A Mathematical Investigation on a Strict Upper Bound for the Maximum Number of Intersections of Varying Number of Segments from each Vertex Equally Dividing the Angles of a Triangle [4th place] para sa nasabing patimpalak. Patunay lamang ang mga parangal na nakuha para ipakita ang kanilang talino’t husay para masungkit ang tagumpay. Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa darating na National Science and Technology Fair ngayong taon.
Tinatanggap ng mga mag-aaral ang kanilang mga cash prizes mula sa InnoHub sa Quezon City Hall.
BATANG QC:
Isang tagumpay na naman ang nakamit ng mga magaaral mula sa Quezon City Science High School (QCSHS) sa mundo ng pananaliksik at inobasyon. Hindi nawawala sa taunang patimpalak ng eskuwelahan ang samu’t saring pagkilala sa mga teknikal at nakapupukaw-pansin na mga pananaliksik tungo sa pagpapabuti ng iba’t ibang aspeto ng pamumuhay at agham.
Bilang tradisyon sa eskuwelahan ang taunang pagkilala sa mga proyektong ito, tunay nga’t hindi nagpahuli ang mga Scientians sa InnoHub: Mga Solusyon Mula sa Bagong Henerasyon, na ginanap sa Quezon City Hall noong ika-10 ng Disyembre 2023. Isang programang inilunsad ng Quezon City Government para sa mga natatanging research proposals ng mga kabataan ng lungsod.
Inirepresenta ng grupo ni Jadriel Mirah C. Tadaya, Bienvenido III L. Mendoza, Nathan B. Candole, Ashton Kendrick James D. Godes, at Roselyn J. Lopez ang kanilang proyektong
ReMSea: Removal of Microplastics in Seawater Using Magnetic Carbon
Nanotube-embedded Robot sa pamumuno ni Bb. Genevieve Vasquez, na dahilan upang makamit ng grupo ang
pangatlong patimpalak sa Grand Finals Round ng kategoryang Environment. Sa pagkapanalo naman ay tumanggap ng prestihiyosong gantimpala ng mga katibayan at ng P100,000 cash prize.
Sa pagbibigay ng parangal, ang mga mag-aaral ay inaasahang mabigyang suporta at pondo ang kanilang proyekto upang maitanghal ang mga resulta at dulot nito sa lungsod.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg L | Agosto - Marso
INOBASYON
SAGIP-SAPA
Panulat | Kurt De GuzmanMalikhaing Solusyon sa Sapang Puno ng Polusyon
Sa kabila ng pagsubok ng ating kalikasan, ipinakita ng mga mag-aaral mula sa
Quezon City Science High School (QCSHS) na sina
Altheo Adriel Amatong, Jonagelle Beatrice Baccay, Emerson Lina, Yasmin Alpha Tamayao, at Kenzo Miguel Tayko ang kanilang kahusayan sa larangang ito nang kanilang masungkit ang ikatlong pwestong gantimpala sa nasabing patimpalak bilang kinatawan ng Pilipinas. Taas-noong ibinahagi
ARTIFICIAL INTELLIGENCE
ng mga mag-aaral na kumatawan sa ating bansa ang kanilang proyektong pinamagatang SAGIP-SaPA o Solar and Aqua-powered Garbage Intelligent Processor on Streams with Polluted Water Analyzer na isang solar at aqua-powered device na may layuning i-segregate ang mga basurang dumadaloy sa mga sapa. Ipinakita ng grupo ang kakayahan ng teknolohiya upang maresolba ang environmental problems,
“
Malaking tulong ito sa pamayanan natin dahil sa problemang hinaharap natin sa pagbaha na dulot ng mga basurang dumadaloy sa mga sapa at estero, ..ani Lina, isa sa mga representado ng nasabing patimpalak. Epektibo rin daw ang ganitong klaseng mga patimpalak dahil binibigyan nito ng pagkakataon at inspirasyon ang mga kabataan na solusyunan at aksyunan ang kontemporaryong problemang kinakaharap natin, dagdag ni Lina. Bugtong-bugtong, sagupaan ng mayayabong na kaisipan, resulta ay modernisadong inobasyon para sa mas pinagtibay na kapaligiran, ang sagot ay ang SSSC. Malaking ambag ang kayang ibigay ng mga ganitong klaseng patimpalak lalo na sa mga kabataan. Isa ito sa mga programang lilinang sa mga pag-asa ng bayan sa teknolohiya ay kapaligiran. Kung patuloy na susuportahan ng mga pamahalaan at palalaguin ang ating kaalaman sa nasabing larangan, pagyabong ng kanya-kanyang mga bansa ang maaaring makamtan.
Makabagong Salamangkerong Sistema:
MAHIKA o BALAKID?
Panulat | Fatima Joyce San Jose
Edukasyon ang
pinakamakapangyarihang
sandata at pundasyon ng mga mag-aaral tungo sa pagkamit ng kanilang natatanging mga pangarap. Mula sa pagbabasa ng mahahabang aralin, pagresolba ng mga nakauubos brain cells na problema sa matematika, at mga gawaing tila ‘di ka na nilubayan at ‘di maubos-ubos. Ngunit bilang estudyante, ano nga ba ang tunay na pinanghahawakan mo? Ang mga libro’t lapis, o ang makabagong salamangkerong sistemang minamahal mo nang labis?
Kaakibat ng patuloy na pag-agos ng panahon ay ang patuloy ring pagbabago sa mga bagay at gawing atin nang nakasanayan, gaya na lamang ng pag-usbong ng iba’t ibang Artificial
Intelligence o AI na kasangga ng mga tao lalo na ng mga estudyante upang gawing mas magaan ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain. Nakatutulong ito sa iba’t ibang mga larangan gaya na lamang ng gramatika, lenggwahe, sining, matematika, at marami pang iba. Bagay na patuloy ring naaabuso sapagkat hindi
nagagamit nang tama at maayos.
Kaunting pindot at kalikot, tiyak kuha mo na agad ang mga sagot. Ginhawang siya namang laging inaasam na makamit ng mga mag-aaral sa kagustuhang ang mga gawaing tunay na kay sakit sa ulo at mga kamay upang magawa, ay madaling mairaos.
Sa bawat CLICK ay tiyak na may patutunguhan ang bawat TICK ng orasan na siyang nagpapatunay sa patuloy na paggalaw ng oras na hindi nasasayang sapagkat ang paghahanap ng mga impormasyon at kasagutan ay abot kamay mo na.
Ayon sa isang artikulo mula sa Harvard Univeristy, naimbento ang AI sapagkat ang mga kompyuter ay maaaring mag-imbak ng higit pang impormasyon sa mabilis, mas mura, at mas madaling ma-access na paraan.
Dibuho | Micia Tankasagutan ng kaniyang estudyante mula sa isang AI application.
siya ring nagsisilbing balakid sa paggamit ng kanilang mga sariling ideya at kaalaman mula sa mumunting mga isip na nagreresulta sa pagiging dependent sa nasabing plataporma.
Datapwat sa kabila ng orihinal na layunin nitong makatulong sa pagpapabilis ng trabaho ng mga user, o mga mag-aaral na gagamit, ay
Humahantong ang mga maliliit na problema kagaya nito sa mga mas malaki pang suliranin. Gaya na lamang ng pumutok na isyu kamakailan kung saan ibinahagi ng isang guro ang kaniyang pagkadismaya sa isang estudyanteng kaniyang tinuturuan sapagkat galing umano ang lahat ng
Nawawala ang dedikasyon at pagpupursigi ng mga estudyante na gawin ang kanikanilang mga gawain mula sa sariling isipan na naglalaman ng kanilang mga dapat na natutuhan at nalalaman.
Tila umaasa na lamang sa kakayahan ng iba’t ibang mga AI na gawin para sa kanila ang mga asignatura at gawaing iniatas ng mga minamahal na guro.
Bagaman hindi
maipagkakaila ang malaking tulong na naihahatid ng makabagong mahikang sistemang hatid ay mapabilis at maging abot kamay ang mga kaalamang nais malaman, ay may kaakibat ding negatibong epekto tulad ng labis na pag-asa ng mga tao rito.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang mga isyu at pagdududa, isa lang ang malinaw: walang anumang bagay ang makapapalit o makapapantay sa gawa ng isang indibidwal na nagmumula ang ideya sa malinaw na puso at kaisipan na siyang ayaw maligaw.
Minokawa
SONETO
Mano po, ma! Mano po, pa! Amoy na amoy ko na ang samyo ng adobo pag-uwi, ang halakhak ng kapitbahay — abot na abot hanggang sa palikuran sa tabi ng bahay. Chikahan nina tita at tito? Hanggang ngayon alam ko pa rin ang pangyayari sa buhay ng mga katrabaho nila.
Pagdungaw ko sa bintana, nakita ko pa nga sila Nene na nagkakaraoke; tila tumigil naman ang oras ng mapatingin na lamang ako sa babaeng nakasakay sa jeep na nagbabasa ng Noli Me Tangere.
Ang kasiyahang nadarama sa kada paguwi, mula sa pagkain, talastasan ng mga tito’t tita, ang preno ng mga tricycle at jeep na gumigising sa’kin sa umaga – hindi ko yata makakamit ang kalayaang huminga ng hangin mula sa bansang makulay kundi ito nagmula sa
PAGLANGOY
mga bayaning tulad ng nagsulat ng librong hawak nya.
Sumunod na araw, nakabihis ng pangsayaw ng pandanggo sa ilaw. Nabigyan ng oportunidad na sumayaw para sa Buwan ng Wika; pagkuha ng kandila, napalibutan ng liwanag –ang liwanag ng sampung milyong iba’t ibang kulay, lahat na nangungusap na ipahiwatig ko sila isa-isa.
Sa paggalaw ng aking braso, sa dahandahang pagdala gamit ng aking sariling mga kamay at ulo ng mga kandila, at malumanay na pag-apak ng paa, taas-noo ko itong ipinagpatuloy. Ang saya sa bawat galaw, bilang may kaalaman na nabibigyang hustisya ko ang mga kulay na ito, doon ko lamang naintindihan.
Doon ko lamang nakamit ang buong pag-unawa sa aking ginagawa ng ilang taon na. Ang pagsayaw —
hindi lamang isang simpleng serye ng mga galaw, sa oras na iyon, ito ay isang wika.
Ikaanim ng Setyembre, 2023 — ang Indak Xientia, ang dance club ng Kisay, ay lumihis sa karaniwan nating nasasaksihan mula sa kanila. Kasabay pa ng isang hiphop na sayaw, ang Indak ay nagsanay ng apat na linggo para sa pagtatanghal na ito.
Humarap man ng mga hamon sa apat na linggong iyon, sa sarisariling paghahanda sa pasukan, hindi nagpatinag ang club at bilang isang grupo, nirepresenta nila ang sampung milyong kulay ng kultura ng Pilipinas –lalo na ang wika. Kada galaw ay salita, at ang buong sayaw ay isang tula. Nagtanghal sila sa Filipino Club, mga estudyante, at mga guro at staff ng paaralan.
Hindi rito nagtatapos ang pagtuklas pa ng iba’t ibang sayaw ng Indak
Palaca, Bonus, sumisid; sari-saring medalya, dinagit
Panulat | Valrinilli Valbarez
Nasungkit nina Ayiesha
Rosse Palaca at Ciann Lee Bonus ang wagi sa larangan ng paglangoy at dinala ang bandera ng Quezon City Science High School nitong Agosto hanggang Nobyembre.
Naisako ni Palaca ang tanso sa 50 meters SC freestyle - class C, tanso sa 50 meters SC backstroke - class C, at pilak sa 100 meters backstroke - class D na nadagdag sa koleksyon ng Kisay.
Nauwi naman ni Bonus ang gold sa mga sumusunod na larang: 400 meters IM (Class A), 800 meters freestyle (Class A), at 100 meters fly (Class B).
“It’s a really rewarding but at the same time a humbling experience, it brings me joy to represent QCSHS as a swimmer and showcase my skills. It is a moment not only for me but for everyone who supported me,” masayang sabi ni Palaca.
Naging magandang karanasan para kila Palaca
at Bonus ang pagdala sa pangalan ng paaralan.
“I believe that the people, like my coach, swim team, and family in this swimming competition demonstrated dedication and trust in themselves, they really motivated me to push my limits and strive to do my best performance. They always reminded me that success as an athlete is to achieve through hard work and determination,” dagdag pa ni Palaca.
Nakakuha sila Palaca ng Bronze para sa 50 meters backstroke category at para naman kay Ciann ang Gold in 100 meters free category, bronze sa 200 meters IM, at bronze sa 50 meters fly Category nitong ika-11 ng Marso sa Dubai International Pre-qualifying Selection.
“Personally, swimming competitively is not about winning medals or trophies. For me, you won because you improved yourself,” sabi ni Palaca.
na nagbibigay pansin sa pagrerepresenta ng ating kultura. Isa lamang sa mga panimula ang Pandanggo sa Ilaw noong Buwan ng Wika
bilang pagpapahiwatig ng sayaw bilang isang wikang Pilipino. Tila isang soneto, may isang nakapirming istruktura, may mga bilang ng
pantig na sinusunod, ngunit, kapag sinulat at ibinigkas ay tanging pagmamahal ang ipinapakita, para sa ating bayan.
Scientian Players, bumida sa QC Taekwondo Championships
Panulat | Erl Trembivilla TAEKWONDO Bumandila ng dalawang pilak sina Emily Parungao at Chester Emmanuel Reyes matapos ipakita ang buong lakas na paglaban noong, ika27 ng Agosto, 2023, sa Quezon City Age Group Taekwondo Championships na ginanap sa Pamantasang Ateneo de Manila.
Sinelyo naman ni Nicolas Elijak Franco ang pilak sa Cade Male Novice 1 na kategorya upang mag-ambag sa mga sinalansang medalya scientian taekwondo players.
Hindi nagpatinag si Parungao nang makita ang nakatataas na kalaban at kahit rumaragasa ang emosyon sa labas ay puspusan pa rin ang pakikipagtunggali ng freshman.
“I saw that she was taller than me, but it’s about sa galing at bilis ng mga sipa,” sambit ni Parungao.
“I became overwhelmed, but I fought hard,” dagdag pa niya.
Sa kabilang dako, nagpamalas din ng galing si Chester Reyes at sinungkit ang pilak
sa Junior Male Novice 2 category nitong una ng Oktubre sa 2023 National Interschool Taekwondo Championships na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Diretso ang tingin ng grade 10 player, lalo na sa mga atake upang masulot ang sikitang tunggalian kontra sa mga kalaban.
“Since all of my opponents were taller than me, I stayed focused on attacking even though they are good at defending... And I guess all of my hard work paid off,” bigkas ni Reyes.
Mga panalo ng QCSHS sa larangan ng Taekwondo ngayong Taong Panuruang 2023-2024
Palarong Pambansa Division Meet
2023 National Interschool Taekwondo Championship
2023 Quezon City Age Group Taekwondo Championship
SCIENTIAN VARSITIES
isports. BOUNCE BACK
Muling Pag-arangkada ng QCSHS Varsities
Dagundong ang dala ng ingay na nagmula sa mga nagsatihimikang mga court at field sa eskwela.
Kasabay ng nagsisilakasang mga boses ay ang panunumbalik sa pakikibaka ng mga koponan ng Quezon City Science High School, hayok na hayok matapos ang walang katapusang mga timeout na ipinito ng pandemya.
Angkla ang pagkakataon, puno ng pag-asa at lakas ng loob ang pagpapamalas ng mga manlalaro sa kawawakas lamang na Division Meet.
Nag-iwan ng marka ang mga Scientian players matapos ibandera ang angking kakayahan, dedikasyon, at lakas sa larangan ng volleyball, football, at futsal.
pusong nanlalatay.
“ “
Before our games sinabi ng coach namin, that we should play with two things.
‘Lumaban gamit ang isip at lumaban gamit ang puso,’ and I totally felt that the team brought their passion during the competition,
...sambit ng defender ng women’s futsal team, Sehanna De Vera.
Kumuda lamang ng isang goal ang women’s futsal team sa kabuuan ng patimpalak na pinamunuan ng masigasig na pag-arangkada ni Ace Balmaceda sa loob ng court kontra San Francisco High School (SFHS). Sapat na ‘yon upang magbaga ang mga
Salungat sa pwersang nag-aalab ay humarap pa rin sa mga pagsubok ang mga koponan. Mahirap itago ang reyalidad ng malaki ang lamang ng kalaban sa ilalim ng scoreboard ngunit nagpakita pa rin ng katatagan at determinasyon ang teams sa pagharap sa mga hamon.
“Bawi next year,” ani Raika Villa, futsal varsity winger. Bagaman maraming pagkatalo ay hinding-hindi ito nagpatinag sa mga manlalaro. Hindi ito naging dahilan para mawalan sila ng lakas ng loob, kundi ginamit nila ito bilang inspirasyon sa pagpapabuti pa ng kanilang talento at kasanayan. Sa muling paglipad, itinanghal nila ang kahalagahan ng pagtutulungan at tiyaga.
This experience also made me realize the importance of a close-bonded team, as it’s essential to know who you’re playing with to maximize your strength as a team, ...paliwanag ni women’s volleyball team captain ball, Gabriela Faye Gaviola. Para sa manlalarong scientian, nadiin lamang ng karanasang ito ang kahalagahan ng pagbangon mula sa gapi. Binigyang halaga rin na ang paglingon sa nakaraang pagkakamali ay paglutas sa problemang kahaharapin. Hinuhubog nito ang muling pagbabalik nang mas malakas, mas madiskarte, ng karakter at pag-unlad ng bawat isa.
Bilang ng mga miyembro ng Varsity Teams sa nagdaang tatlong taon.