PAG-AARAL PAGBABALIK NI JUAN SA PAARALAN:
Bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll para sa taong panuruang 2022-2023
PAG-AARAL PAGBABALIK NI JUAN SA PAARALAN:
Bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll para sa taong panuruang 2022-2023
F2F CLASSES
bilang ng mga estudyante ang naka-enroll para sa taong panuruang 2022-2023.
18.1 milyon 2.4 milyon enrolled sa pampublikong paaralan enrolled sa pribadong paaralan
Naitalang datos sa bawat rehiyon: Region I to Region XII = 22,256,404
CARAGA = 848,546 BARMM = 918,621
CAR = 465,389 NCR = 2,669,618
ang mga mag-aaral ng Quezon City Science High School na nanunumpa sa watawat ng Pilipinas sa kanilang unang araw ng face-to-face classes.
Matapos ang dalawang taong online classes, unti-unti nang sinimulan ang face-toface classes sa Quezon City Science High School (QCSHS) mula junior hanggang senior high school noong ika-22 ng Agosto 2022.
Bilang panimula, naglunsad sa gymnasium ang guidance center ng paaralan ng tatlong araw na Psychological Support Orientation para sa mga magaaral upang makatulong sa kanilang mental health sa untiunting pagbabalik sa face-to-
face classes.
Naunang sumabak sa on-site orientation ang mga mag-aaral mula sa grade 7 at 8, sinundan naman ito ng mga estudyante mula grade 9 at 10 at sumunod naman ang mga nasa senior high school.
Damang-dama ang kasabikan ng mga mag-aaral sa muling pagbabalik ng in-person classes matapos ang dalawang taong distance learning.
Ani ng isang mag-aaral galing sa Mendeleev 10 na si Klyde Rahon,
BRIGADA ESKWELA:
QCSHS, sinungkit ang ‘Best Implementing School Award’ sa brigada eskwela
Inuwi ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) ang ikaunang pwesto sa ‘2022 Brigada Eskwela Best Implementing School Award’ matapos ang isinagawang brigada eskwela noong ika-8 hanggang ika-12 ng Agosto, 2022.
Ginawaran ang QCSHS ng nasabing award sa “large school category” sa isinagawang Brigada Eskwela Awarding Ceremony sa Great Eastern Hotel, Quezon City noong ika-28 ng Pebrero, 2023.
Bago isagawa ang nangyaring brigada eskwela, nagpanimula ang QCSHS ng isang kick-off program noong
Nagsabay-sabay naman sa sumunod na linggo ang lahat ng estudyante mula junior hanggang senior high school sa tatlong araw na partial faceto-face classes tuwing Lunes, Martes, at Miyerkules.
Samantala, tuluyan namang sinimulan ang full capacity na in-person classes noong Nobyembre 2022. Ikinatuwa naman ito ng karamihan sa mga estudyante, anila ito umano ay mas epektibo kung ikukumpara sa distance learning.
“Nararanasan po namin
ika-5 ng Agosto, 2022.
Ginanap ang nasabing programa na may temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas Balik-Aral” sa gymnasium ng paaralan kung saan ito dinaluhan ng mga magulang at mga mag-aaral mula Baitang 7-12, mga guro, at non-teaching personnel (NTP).
Sinimulan ang nasabing event ng isang zumba dance, sumunod naman ang pambansang awit ng Pilipinas, doxology, at QCSHS hymn sa pamumuno ng Himig Scientia.
Ayon kay Cecilia Cauguiran, head teacher ng Science Department, nagsilbing simbolo ng pagkakaisa ng Scientians ang pagdalo at pagsali sa
ang iba’t-ibang bagay sa ibang environment kapag face-toface kung ikukumpara siya ‘pag nasa bahay lang ako saka mas na-absorb ko yung mga lessons namin,” pahayag ng estudaynte na si Diane Pagay mula Darwin 11.
Matatandaan, saglit na nakaranas ang ilan sa mga estudyante ng senior high school noong nakaraang panuruan nang magkaroon ng ilang linggong hybrid classes kung saan sila ay naklihaok sa face-to-face classes.
brigada eskwela sa gitna ng pandemya.
“Sama-sama po tayong maki-isa sa brigada eskwela 2022 bilang tugon sa ligtas na balik-aral,” ani Cauguiran sa kanyang panimulang pananalita.
Samantala, iprinisenta naman ni Carolyn Simon, punongguro, ang mga prayoridad na pangangailangan ng eskwelahan at mga proyekto ng brigada.
“With this, I hope, we will be the best science high school in terms of resiliency,” sabi ni Simon.
Nagsilbing panimula ang programa para sa ginanap na brigada eskwela.
NakuhananExcited po ako kasi we can finally learn without any difficulties with the internet.Panulat | Zamantha Pacariem LARAWAN | Sarah Gates PAHINA 2 Panulat | Alice Canta
May 25, 2023
4,125,716
ang mga naitalang nagpositibo sa COVID-19 ngayong ika-25 ng Mayo, 2023.
4,042,747 66,466 bilang ng mga nakarekober bilang ng mga pumanaw
Inaprubahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagsasabatas ng City Ordinance SP-3182 kung saan napapaloob ang pagtatag ng Learning Recovery Trust Fund para sa pagsagawa ng mga learning recovery program sa mga pampublikong paaralan sa QC.
Sa ilalim ng temang Harana: Himig ng Awiting Pag-ibig, damang-dama sa hiyawan ng mga Scientians ang kanilang kagalakan matapos maibalik ang taunang selebrasyon ng Band Night sa Quezon City Science High School (QCSHS), pagkaraan ng mahigit limang taon na pagkatigil nito. Sa pangunguna ng Quezon City Science High School Supreme Student Government (QCSHS SSG), ay naisakatuparan ang selebrasyon noong ika-26 ng
Marso. Bilang pambungad ng gabi ay pinasiklab ng Indak Scientia ang pagdiriwang sa paghahandog ng isang masigabong dance performance.
Hindi rin nagpahuli ang mga Scientian band na PHarenheit, Sam’s Script, Iskrambol, Talintala sa pagbabahagi ng kanilang himig ng awiting pag-ibig noong gabing iyon.
Sinundan naman ito ng isang munting segment kung
saan ay nakipag-panayam ang mga hosts ng HARANA sa ilan sa mga napiling miyembro ng manonood.
Lalong namang nabuhayan ang madla nang magsimula nang tumugtog OPM guest band na “The Ridleys” ng kanilang mga sikat na awitin na kinagiliwan ng mga tagpakinig.
Ani Krista Mesina mula Darwin 11, “Fan po talaga ako ng OPM kaya natuwa at na enjoy ko. Very excited ako nung nalaman na magkakaron
ulit ng ganto since memorable talaga yung unang band night na naattendan ko here sa Kisay”.
Matapos tumugtog ng banda ay nagkaroon din ng pagbibigay ng parangal kung saan ay ginawaran ang Talintala bilang “Band of the night”.
Nagtapos ang gabi sa pambuklod na performance na sama-samang ginanapan ng lahat ng Scientian bands at ng mga manonood.
Ayon kay Belmonte, nakikipagtulungan ang city goverment sa Schools Division Office (SDO) ng Department of Education (DepEd) upang ipatupad ang mga programa na tutugon sa mga pangangailangan ng bawat mag-aaral sa QC.
“A crisis of this magnitude requires all stakeholders to adopt a unified focus in prioritizing the needs and interests of our children. Our approach should be comprehensive and coordinated, which would demand the participation of multiple stakeholders including educators, parents, policy makers, and private organizations,” ani Belmonte.
Isiniwalat ni Belmonte na makatututulong ang pagbuo ng pondo para sa edukasyon sa pagpapalakas sa kooperasyon at pakikipagtulungan sa pagitan ng lungsod at mga mamamayan nito.
Hinihikayat din ni Belmonte ang mga negosyo na tulungan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral bilang mga kasapi ng lakaspaggawa sa hinaharap.
“The current learning crisis is a disturbing phenomenon that ultimately affects our youth. Our strategy among other initiatives is to provide targeted remediation to students who need it most, focusing on foundational skills, such as Reading and Math, which are essential for success in other subjects.” sabi ni Belmonte.
Binuo ang nasabing ordinansa nina Konsehal Dorothy Delarmente, Aly Medalla, at Shay Liban.
QUEZON CITY Panulat | Alice Canta LARAWAN | Sarah Gates QCSHS-SSGMental Health
Sinimulan na ng Quezon City Science High SchoolSupreme Student Government (QCSHS-SSG) ang “YAKAP: A Scientian’s Avenue”—isang proyektong magiging daan ng mga estudyante upang mailabas ang kanilang hinanaing ukol sa paaralan.
Binuksan ng QCSHSSSG ang nasabing proyekto nitong Enero 9 upang mas mapadali ang pagpasa sa mga kinauukulan ng mga concerns at suggestions ng mga estudyante para sa QCSHS.
Isiniwalat ni QCSHSSSG Vice President John Benedick Flores na inilunsad nila ang proyekto dahil hindi agad umaabot sa QCSHS Administration ang regards at concernment na ipinapadala ng mga estudyante sa kaguruan o sa QCSHS Confessions, isang Facebook page na naglalabas ng mga “anonymous confessions” ng mga scientians.
Naisip namin kung what if kami ‘yung maging bridge ng Scientian body para iparating yung mga problema nila to administration.
In that way, mas mapapabilis ‘yung aksyon ng administration,
ani Flores.
Sinusuri ng QCSHSSSG ang mga ipinasang concerns sa proyekto sa bawat pagtatapos ng linggo, at sinisigurado nilang lahat ng hinanaing ay tiyak na makararating sa school administration ng QCSHS.
Ayon din kay QCSHSSSG President Cassandra Austria, “To address numerous concerns, we’ve set meetings with our School heads, Ma’am Carolyn Simone and Ma’am Elma Mansit, to ensure that all complaints and requests are heard and dealt with accordingly.”
Maaaring makapagpasa ng concerns at suggestions ang mga estudyante para sa proyektong “YAKAP: A Scientian’s Avenue” sa dalawang paraan—sa dropbox na inilagay sa unang palapag ng Margate Hall kalapit ng Principal’s Office, at sa Google Form na makikita sa Facebook page ng QCSHSSSG.
Opisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg XLIX | Agosto - Mayo
LARAWAN | Sarah Gates
Mainit na sinalubong ng mga estudyante ng Quezon City Science High School (QCSHS), sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG), ang club recruitment na pinamagatang “ORBIT” para sa S.Y. 20222023 na ginanap sa QCSHS
Gymnasium nitong ika-10 at ika-11 ng Nobyembre.
Naunang tumanggap ng mga magpaparehistrong estudyante para sa unang araw ng “ORBIT” ang mga club mula sa academic sector na Filipino, Robotics, Math League, English, at Science club na siya ring kasabay ng mga extracurricular clubs na Performing arts, Media and
Publications, at Analysis and Discourse club.
Kasunod nito, nagbukas din ang mga club na CBI, Elevate, Ta’nan, Gender and Development club, Campus Integrity Crusaders, Boy Scout of the Philippines at ang mga sports club tulad ng Chess, E-sports, Basketball, Volleyball, Badminton, Football, at Taekwondo/ Frisbee club.
Alinsunod dito, naging bukas ang “ORBIT” sa lahat ng Scientians mula sa grade 7 hanggang grade 12.
Naging maayos din ang daloy ng event dahil sa pagbabantay ng mga SSG officers na sinigurong
mapapanatili ang kaayusan ng mga estudyante na lalabas at papasok sa gym.
Para kay Jabez Banzon, isang mag-aaral mula sa Grade 11-Galileo, lubos siyang natuwa sa mga kaganapan sa “ORBIT” dahil sa kaayusan ng event at sa naramdaman niyang bukas-pusong pagtanggap sa kaniya ng mga clubs na kanyang pinuntahan.
Aniya, “una sa lahat, ‘yung online na mga anunsyo at gabay ay sobrang nakatulong sa paghanap at pagpili ng mga sasalihang club.”
“Pangalawa, ‘yung pagkakaayos nung event, naramdaman ko na pinaghandaan nang husto
dahil organisado at marami ring mga taong handang magbigay ng gabay sa iyo pagpasok pa lang sa gym at may kanya-kanyang gimik din ang bawat isang club para mag-anyaya ng miyembro. Katulad na lang sa Indak na may pa-sayaw, may mga naaalala rin ako na nagtayo ng freedom wall, prayer request wall, at photobooth,” dagdag pa niya.
Hindi malilimutang napasama ang Orbit Club Recruitment 2022 sa Top 10 memories ng QCSHS SSG 2022 wrapped bilang isa sa mga hindi malilimutang karanasan ng taong 2022.
Scientians, binigyang pugay ang mga guro sa World Teachers
Ipinagdiwang ng mga Scientians ang National World Teachers Month sa ilalim ng temang “Paglikha” bilang pasasalamat sa kanilang mga guro, nagdaos ang student body ng isang maikling programa sa gymnasium noong ika-3 ng Oktubre 2022.
Pinangunahan ng Himig Scientia ang pagkanta ng pambansang awit, at sinundan ito ng mga palarong inihanda ng Quezon City Science High School Supreme Student Government (QCSHS SSG) na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang antas.
Saglit ding naglaan ng katahimikan ang mga mag-aaral habang inalala ang pagyao ng dating guro ng paaralan na si
Bb. Liza Gapas. Sinimulan ang mismong programa sa pagbibigay mensahe ng punong guro na si Gng. Carolyn Simon ukol sa selebrasyon.
Aniya, espesyal ang araw na ito sa kanya sapagkat damang-dama raw niya ang tila pagiging isang “celebrity”.
Dagdag pa niya, “Nararamdaman ko ang pagmamahal niyo sa lahat ng mga kaguruan ng Kisay.”
Matapos nito ay nagpasiklab naman ang Indak Scientia sa kanilang handog na sayaw, na nilahukan din ng ilang guro.
Samantala, pinarangalan ng Scientian’s Choice Award (SCA) ang
ilan sa mga pinaka mahuhusay na guro mula junior hanggang senior high school.
Sa ilalim ng SCA ay nagkaroon ng tatlong awardees bawat antas, ang mga nagwagi ay nakatanggap ng certificates at iba pang mga papremyo.
Nagbigay din ng pangwakas na mensahe ang Katuwang ng Punongguro na si G. Philip Austria, hinggil sa pagpapahalaga at pagsisikap ng mga guro.
Bilang pagtatapos, ang mga magaaral ay nagbigay ng mga regalo at nag-alay ng kantang pasasalamat para sa mga minamahal nilang guro.
Nakuhanan ang isang mag-aaral mula sa Quezon City Science High School na nagrerehistro para sa QCSHS Basketball Club. Panulat | Julia Prestosa Panulat | Einjhel JustianoOpisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg XLIX | Agosto - Mayo
Grade 7 Entrance Exam
Isinagawa muli ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) ang Grade 7 entrance examination nito noong ika-14 ng Abril, 2023 matapos ang dalawang taong online classes.
Kilala ang paaralan bilang isang institusyon na
Career Guidance
Panulat | Sophia Florendo
nagbibigay ng pagkakataon sa mga nararapat na estudyante na makapag-aral nang libre kaya naman ito talaga ay pinipilahan at inaasam ng bawat estudyante at kanilang mga magulang.
Ayon sa isa sa mga proctor ng nasabing entrance exam na
Nagsagawa ng isang career fair ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon (QCSHS) para sa mga estudyante ng baitang 10 at 12 noong Nobyembre 3 hanggang 4.
Naganap ang unang araw ng nasabing fair mula 8:00 n.u. hanggang 3:45 n.h. sa QCSHS gymnasium kung saan nagbahagi ang ilang panauhing tagapagsalita ng kanilang karanasan bilang mga dating estudyante at sa kanilang mga trabaho.
Inilathala ni Tovera, Quesci Batch 2018 alumnus at magna cum laude ng UP Diliman BS Biology, ang kanyang karanasan bilang dating estudyante ng QCSHS at ng Unibersidad ng Pilipinas sa BS Biology.
Aniya, nahirapan din sa pagpili ng kursong kukunin dahil maraming iba’t ibang propesyon ang pwedeng makuha sa iba’t ibang kurso.
Payo ni Tovera, “hayaan niyong sumiklab ang apoy ng ambisyon ninyo. Huwag niyong sasayangin ang opportunity. Ialay niyo ang kakayahan ninyo para sa bayan.”
Samantala, ibinahagi naman ni Dr. Candy C. Mercado, Chairperson ng Department of Mining, Metallurgical, and Materials Engineering (DMMME) ng UP Diliman, ang isang presentasyon kung saan ipinakilala nito ang mga BS program, vision, mission, at layunin ng DMMME.
Isiniwalat naman ng pangatlong panauhing tagapagsalita na si JC Punongbayan, Ph.D ng Economics sa UP Diliman, columnist ng Rappler,
si Bb. Maria Bernadette Monis mula sa Maligaya High School, naging maayos ang daloy ng pagpasok ng estudyante para sa pagsusulit, kahit nagkaroon ng kaunting problema dahil sa pagdagsa ng mga magulang
at Quesci Batch 2005 alumni, ang kanyang karanasan bilang isang Scientian hanggang siya ay maging isang “accidental economist”.
Ibinahagi naman ni Patrick Patriwirawan
Jr., Director ng Local Employment sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Quesci Batch 2005 alumni, kung ano trabaho nito bilang isang direktor ng nasabing ahensya, at kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa labor market ng Pilipinas.
“Pagka-graduate natin, hindi tayo polish agad. We start at the bottom,” payo ni Patriwirawan.
Samantala, sa pangalawang araw naman ay nagsiwalat ang mga senior high school teachers ng mga impormasyon sa grade 10 students bilang paghahanda nila para senior high.
Kasabay nito, nagtipon-tipon ang mga kinatawan mula sa 15 mga unibersidad, kabilang ang University of Santo Tomas (UST), De La Salle Araneta University (DLSAU), Far Eastern University Diliman (FEU Diliman), at University of the East (UE), upang ipaliwanag sa mga magaaral ng Grade 12 kung paano at bakit sila dapat mag-enroll sa kanilang mga nasasakupang unibersidad.
Bukod sa career fair, nagkaroon din ng on-site examination para sa mga estudyante ng grade 12 ang FEU noong Nobyembre 8, DLSU noong Nobyembre 23, at UST noong Disyembre 4.
Dagdag pa ni Monis, naihanda nang maayos ang mga silid aralan na gagamitin para sa pagsusulit.
Nagsagawa rin ng iba’t ibang oryentasyon ang paaralan para sa mga magulang, mga kwalipikadong estudyante, at mga guro na nagtatrabaho sa institusyon.
Isinaad naman ng isang magulang na si Ronalisa Gonzales, isa ring guro, nakatulong ang entrance exam
upang salain o piliin ang mga estudyanteng karapat-dapat makapag-aral sa QCSHS.
Siwalat naman ng isa sa mga estudyante na si Lindy Garcia, may parte sa entrance exam na naging madali para sa kaniya ngunit may ilang nagpahirap dahil ang ilan sa paksa ay hindi pa napagaaralan.
entrance exam ng mahigit tatlong oras.
Umarangkada nang muli ang Face-to-Face District at Division Secondary Schools Press Conference nitong kasalukuyang taong panuruan.
Kasabay nito ay ang pagsungkit sa sunod-sunod na parangal ng ilang mamamahayag mula Banyuhay at Electron.
Tagumpay na nakakuha ng 1st place overall sa District ang lahat ng group categories ng Banyuhay. Nagkamit ng 2nd place overall sa Division ang Collaborative Desktop Publishing at Online Desktop Publishing; 4th place overall ang Radio Broadcasting; at 5th place Best Script at Video Editing ang TV Broadcasting.
Nasungkit din ng Electron Online Collaborative Publishing ang 1st place overall sa District, at 4th place overall sa Division; 1st place overall sa District ang Desktop Collaborative Publishing; at TV Broadcasting bilang 2nd place overall sa District, at Rank 4 Overall sa Division.
Nagkamit naman ng back-to-back 1st place award sa pagsulat ng kolum si Joshua Caasi ng Banyuhay.
Pinarangalan din sa kani-kanilang indibidwal na kategorya sina Andry Dechavez, Fatima San Jose, Yvo Asis, Abraham Dela Cruz, Christian Belleza, Khris Garcia, Alice Canta, Zamantha Pacariem, Geelyn Avancena, Mariel Bulan, Drex Santos, John Benedick Flores, Joshua Caasi, Williem Tan, Remar Catapang, Sarah Gates, Jian Montecalvo, at Charlene Ocampo, ng Banyuhay.
Gayundin ang ilan sa mga mamamahayag ng Electron na sina Hanna Balmaceda, Beatrice Acorda, Jarelle
Ricaforte, Joshua Cabilin, Lei Villacruz, Alliyah de Leon, Bianca Borromeo, Kyle Santiago, Aldrin Garcia, Kianna Torrefiel, Angela Bagsic, Gabriel Tuason, Miko Reyes, Patricia Jutie, Amber Andrada, at Dayanara Marcos.
Preparation was exhausting but fulfilling. It helped me shape myself into a better journalist, a better student, and a better team player,
pahayag ni Balmaceda, miyembro ng Online Desktop Publishing at Head ng Photojournalism ng Electron.
“It was daunting for me because I was the youngest competing member of the Electron.”, dagdag ni Balmaceda.
Ayon naman kay Kristina Del Mundo, miyembro ng TV Broadcasting ng Banyuhay, kinailangan niya at ng kanyang mga kasama ang matinding pagsasakripisyo para sa paghahanda sa nasabing patimpalak.
“Siyempre sobrang preparation yung ginawa ng team namin and may lessons along the way. Of course, sabi nga ni Taylor Swift, “everything you lose is a step you take,” ani Del Mundo.
Itinanghal namang Rank 6 in Overall Top Performing School ang Quezon City Science High School.
JEEPNEY
Panulat | Mischa Pingol Panulat | Alice CantaOpisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg XLIX | Agosto - Mayo
Bukang LiwayayNakamit ng Scientian companies na Clothe Chasers Co. at Leismo ang ikalawa at ikatlong pwesto sa ginanap kamakailan lamang na patimpalak na “TOP 10 Annual Report in the Business Skills Pass Program 20222023” ng Junior Achievement Philippines Inc. (JAP)
Kabilang sa mga
napanalunan ng Clothe Chasers ay ang ikalawang pwesto sa Top 10 Annual
International
Report, Top 3 Performers Of Vice President For Finance, at ikatlong parangal sa Top 3 Performers Of Vice President For Public Relations.
Nasungkit din ng Leismo ang ikatlong gatimpala para sa Top 10 Annual Report, Top 3 Performers Of Vice President For Finance, at unang parangal sa Top 3 Performers Of Vice President For Finance.
Labis ang kagalakan ni Rejine Valmonte, CEO
ng Leismo, at ni Kalayaan Salumbides, CEO ng Clothe Chasers Co. sa kanilang tagumpay.
Ani Salumbides sa kanilang pagkapanalo, “As the Chief Executive Officer of Clothe Chasers Co. I am proud of how far our company has gone. I stand here, not alone but together with the entire Clothe Chasers Community, still burning with passion and desire to make the world a
Sa pagbubukas ng 42nd ASEAN Summit sa Labuan Bajo, Indonesia, nitong ika-10 ng Mayo, hinimok ni Pres. Bongbong Marcos sa kanyang talumpati ang kapuwa ASEAN Leaders na sumunod sa International Law.
Iginiit ng pangulo na ito ay para makamit ang katatagan, kaunlaran, kapayapaan, at seguridad sa buong rehiyon.
Sinabi rin ng pangulo na suportado ng Pilipinas na palakasin ang kooperasyong panrehiyon nito upang matugunan ang cross-border crimes, partikular na ang human trafficking.
SSG-CGL
sa international law
Panulat | Mischa Pingol
Pinagtuunan din ng pansin ni Marcos ang pagtaas ng presyo ng pagkain at enerhiya dahil sa tensiyon sa rehiyon, pandemya, at climate change. Ipinahayag din nito ang kanyang pagkabahala sa tumataas na bilang ng tumatandang populasyon na aniya dapat tugunan din ng ASEAN.
Base sa pag-aaral ng Asian Development Bank, isa sa bawat apat na tao sa Asya Pasipiko ay lagpas 60 taong gulang, pagsapit ng 2050.
“ASEAN goals in work plan should ensure health, health for our elders, a safe and dignified productive life,”
ani Marcos.
Ibinahagi rin ng pangulo ang pagpasa ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEF) agreement na makatutulong sa pagsama sa mga maliliit na negosyo sa global economy.
Nagpulong naman sa isang Bilateral meeting sina pangulong Marcos at Prime Minister Sonexay Siphandone ng Laos PDR.
Sa isang pahayag, sinabi ng dalawang bansa na pagtitibayin nila ang kooperasyon sa larangan ng kalusugan, edukasyon, kalakalan, at iba pang mga kasunduan.
Matagumpay na naidaos ang fundraising event ng
Curriculum Grade Level 11 (CGL 11) na pinamagatang
Kita’t Kalikasan noong ika-21 at 22 ng Disyembre 2022.
Ginanap ang two-day live selling event sa Facebook page ng CGL 11. Hangarin ng programa na i-promote ang environmental awareness sa
Panulat | Sheryne Dela Cruz
Scientians sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanikanilang second hand items. Kasabay nito layunin rin ng programa na makalikom ng pondo para sa susunod na proyekto ng organisasyon. Nakatanggap ng mahigit kumulang 500 items ang organisasyon mula sa iba’t ibang pangkat ng Grade 11
students.
Nagkaisa naman ang CGL 11 at 10 para sa fundraising event ng CGL 10 na UKISAY kung saan mapupunta ang unsold items ng Kita’t Kalikasan.
Nagsimula ang UKISAY mula ika-12 hanggang ika14 ng Abril sa Quezon City Science High School.
better place.”
Nasiyahan din ang CEO ng Leismo na si Valmonte, “I feel very proud of all the achievements of Leismo. I am very thankful for the hardwork and perseverance of all the members in promoting and selling our products. Our journey was not easy but in the end, everything was worth it.”
Lubos naman ang pasasalamat ng mga negosyanteng mag-aaral sa
kanilang adviser na si Gng. Lyris Simbulan at mga kapwa Scientians na tumangkilik sa kanilang produkto.
Ang JA Business Skills
Pass ay isang programa na nagbibigay oportunidad sa mga mag-aaral na magkaroon ng kalidad na immersion at training sa larangan ng pagnenegosyo.
Inabisuhan ng punongtanggapan ng Kuwait ang mga paliparan sa bansa nitong ika-12 ng Mayo ang pagbabawal sa pagpapapasok sa mga Pilipino sa Kuwait, maliban sa mga may residence permit.
Ayon sa Kuwait, ang nasabing pagpapatupad ng entry ban at visa suspension ay dahil sa paglabag ng Pilipinas sa Bilateral Labor Agreement.
Mariin namang itinanggi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes sa isang Palace briefing ang pahayag na ito.
Ayon kay Cortes, nakasaad sa BLA ang pagkakaloob ng pansamantalang tirahan para sa mga “distressed Filipinos”, sa ilalim ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.
“Allegedly, we have shortcomings in that agreement, which is somewhat false. Because we
did not agree that we would not establish a center,” ani Cortes.
Ayon naman kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Eduardo de Vega, hindi pauuwiin ang mga OFWs sa Kuwait dahil sa nasabing ban.
Mahigit 275,000 – 300,000 na mga manggagawang Pilipino ang nasa Kuwait, 70% sa mga manggagawang ito ay household workers at 30% ay non-household workers.
Samantala, nakatakda ang pagbisita sa Kuwait ng ilang opisyales ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers ngayong buwan upang makipagdiskusiyon.
Matatandaang unang nagpatupad ng deployment ban ang Pilipinas para sa mga first-time domestic workers sa Kuwait, dahil sa pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara nitong Enero.
Source: Department of Foreign
Bukang Liwayway
Nicole S. Gates
Kapatnugot
Yvo Gabriel D. Asis
Alice Angela B. Canta
Balita
Alice Angela Canta
Zamantha Pacariem
Editoryal
Drex Allen B. Santos
Opinyon
Joshua B. Caasi
Lathalain
Mariel B. Bulan
Geelyn G. Avancena
Mikee C. Atabay
Agham
Bienvenido Mendoza III
Fatima Joyce R. San Jose
Isports
Yvo Gabriel D. Asis
Abraham Dain Dela Cruz
Dibuho at Disenyo
Jan Maximus L. Bulanadi
Willien Micia S. Tan
Sarah Nicole S. Gates
Remar V. Catapang
Larawan
Sarah Nicole S. Gates
Jian Rylie S. Montecalvo
MGA MANUNULAT
Shalleah Pingol
Dominique Ignacio
Julia Prestosa
Sheryne Dela Cruz
Sophia Florendo
Sheena Sanchez
Andry Dechavez
Erica Mundo
Konsultant
John Benidick S. Flores
Gurong Tagapayo
Gng. Elsa V. Villar
Departamento ng Filipino
Gng. Neltissa B. De Villa
Punongguro
Gng. Carolyn C. Simon
I-access online ang pahayagan
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg XLIX | Agosto - Mayo PAHINA
https://www.facebook.com/ banyuhayqcshs
https://www.instagram.com/ banyuhayqcshs/ https://issuu.com/banyuhay
https://twitter.com/ banyuhayqcshs
Sadyang ang huwad na salamin ng nakaraan ay kay labo-labong pagmasdan, lalo na’t kung ang titingin ay mula sa mga mata ng isang taong nagbubulagbulagan. Sa ‘golden era’ nilang inasam-asam ay tila nagbalik lamang ang mga ala-ala’t bangungot ng isang madilim na kabanata ng kasaysayan.
Mayo nuebe ng nakaraang taon, ginanap ang eleksyong ikinawagi ni ngayo’y Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa isang landslide victory. Nagtamo siya ng 31 milyong boto mula sa mga mamamayan, pinakamaraming botong naitala sa lahat ng mga halalang nagdaan.
Ngunit tanong ni Juan, ano na nga ba ang nagawa ng administrasyon sa loob ng isang taon?
Bakit tila hindi ramdam ng mga Pilipino ang pagupo sa pwesto ng bagong Pangulo?
Marahil ay hindi ramdam ng mga maralita, subalit tiyak na ramdam ito ng mga maharlika. Sapagkat kung
mariing susuriin, hindi argikultura, kalusugan, o edukasyon ang numero unong prayoridad sa unang taon ni Marcos, bagkus ay pinagtuunan niya ng pansin ay kung papaanong maiaangat muli ang reputasyon ng ‘bumagsak’ niyang pamilya sa magulong eksena ng politika.
“Party rito, party roon,” Gayo’y iyan din naman ang eksena ng politika sa panahon ng kanyang ama. Ano pa’t tila ikinagulat ng marami na ganyan ang produkto ng isang Marcos? Hindi ba’t matagal na rapat mulat ang masa mula pa noong rebolusyon?
O marahil ay mas pinili na lamang ng tao na tumingin sa malabong anino ng nakaraan. Sa kagustuhang maibalik ang magaganda ng dati ay tila naibalik nila ang halimaw na pilit ikinukubli ng kasaysayan.
Masasabi sa nakalipas na taon na walang interes si Pangulong Marcos na sundan ang yapak ng kanyang ama sa isang diktaturya - subalit ang
Marcos Sr. 1972-1985
hindi niya pagtanaw sa mga kasalanan at karahasang umiral sa kamay ng iniaangat niyang pamilya ay higit pa sa mga pagkakamaling iyon. Ika nga,
subalit tila naging tatak Marcos na ang humayo at tumakbo sa mga pananagutan. Hindi na maiiwasan na maging imahe ng kasalukuyang Marcos ang nakalipas na rehimo ng kanyang ama - kung saan libo-libo ang inabuso at pinatahimik. Kung kaya’t ang pagkaluklok muli ng pamilya sa Malacañang ay isang pagkakataon upang masubukan na nilang maalis ang mantsa sa madumi nilang pangalan, at mapatunayang ang serbisyo Marcos ay walang iba kundi para sa
bayan. Subalit sa halip na magbago ang ihip ng hangin, ay tila sumalamin lamang sa bawat hakbang ng pamahalaan ang anino ng nakalipas na diktaturya. Walang puwang sa bayan ni Juan ang isang pamahalaang hindi batid ang danas ng kanyang mga nasasakupan, isang pamahalaang hindi marunong bumaba sa lebel ng pangkaraniwang masa. Walang puwang sa bansa ang isang pamunuang kumikilala sa tatsulok ng karangyaan at kahirapan. Sapagkat hindi tunay na serbisyo publiko ang isang gobyerno kung ang serbisyo ay para lamang sa mayaman.
Hindi magwawakas ang laban sa katiwalian, kung mismong sa itaas nagsisimula ang problema. Hindi uusbong ang pagkakaisa at solidaridad, kung mismong gobyerno ang ugat ng pagkawatakwatak ng mamamayan.
Pilipinas, hindi tunay na makakaalpas ang bayan hangga’t ang salamin ng nakaraan ay hindi pa tuluyang nababasag.
KOLUM
3.4% 7.6%
Marcos Jr. 2022-Present
Mula sa Social Weather Stations, 47% ng mga Pilipino ay tingin na delikadong magbigay ng kritisismo sa gobyerno. Mahigit kumulang
19% ang “strongly agree” habang
28% naman ay “somewhat agree.”
Panulat | Yvo Asis
Paulit-ulit na talumpati. Magkaibang nilalaman na parehong magwawakas sa wala...
To take accountability is a must for a leader,
“
Bukang Liwayway
PAHINA
Inflation
Maaaring sabihin na ang Pilipinong gipit, ay sa mga pangako ng pangulo kumakapit. Ngunit ang mga pangakong ito, kailan nga ba sasapit?
Hihintayin pa ba natin na ang presyo ng mga bilihin ay umabot na sa langit?
Bukod sa mga paputok, isa sa mga ikinagulat ng sambayanang Pilipino ay ang
biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas nitong nakaraang Enero. Ayon sa datos ng Kagawaran ng Agrikultura, pumapatak sa 500800 pesos ang kada kilo ng sibuyas. Kasabay ng pagtaas ng presyo ng sibuyas ay ang pagtaas ng
inflation rate ng ating
bansa. Mula sa 8.1% noong Disyembre ay tumaas sa 8.7% ang
inflation rate pagsapit ng Enero. Dahil sa lubusang pag-angat nito, ang presyo ng tubig, kuryente, gasolina, pagkain, transportasyon, at iba pa ay tuluyang nagtaas at halos hindi na ito kayang abutin ng pangkaraniwang Pilipino.
Ayon sa
Malacanang, umangat pa ng 7.6% ang gross domestic product
Freedom of Speech
(GDP) ng ating bansa ngayong taon sa lagay na iyon. Ngunit ang mga numerong ito’y nakapagtataka gayo’y wala namang pinagbago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Kung tutuusin ay parang dumarami lamang ang mga mahihirap at lalong humihirap. Kailan pa ba nangyari na ang presyo ng sibuyas ay mas mahal pa sa inaangkat na gasolina? Nakakagambalang isipin na kahit ang taas ng presyo ng mga bilihin, ang ating mga magsasaka ay hindi pa rin naman umuunlad.
Tila napako na ang mga ipinangakong tulong sa kanila noong kampanya. Mga pangakong nagbigay ng maling pag-asa sa mga Pilipino.
Tila ang mga nakaupo ay nagbubulag-bulagan na lamang sapagkat hindi nila dama ang hirap ng mga hindi nakaka-angat. Walang pakundangan sa kapwang Pilipino na tangan-tangan ang kanilang tulong at mga pangako noong eleksiyon. Ito na ba ang ipinangakong kaunlaran at pagbabago? Walang
nagbago. Lumalala lamang ang lahat. Ang presyo ng sibuyas at ibang pangangailangan ay lumilipad na sa langit. Halos hindi na makita ng mga Pilipino paano ito aabutin. Sayang lang ang pera natin sa mga proyektong hindi nakatutulong sa atin. Kung sa pagkain sana ito itinuon, walang gutom, at may trabaho ang lahat. Sana ay nabusog ang mga pamilyang nakaasa sa kakarampot na kinikita at ayuda ng gobyerno na hindi sapat para sa kumportableng buhay.
Panulat | JB Flores
Mayroon ngang kalayaan ang mga mamamahayag na magsalita, ngunit limitado pa rin ang mga aksiyon na kanilang magagawa dahil karangalan ang tingin ng marami sa karapatan.
Kamakailan lamang ay ginantimpalaan ang mga dakilang mamamahayag sa Lungsod Quezon matapos ang Division Secondary Schools Press Conference sa San Francisco High School. Nakatatawang may karangalan ang mga mamamahayag na sa kahusayan nilang maglathala, ngunit sa katotohanan ay wala naman silang karapatan na magsalita.
Bilang paglilinaw, ayon sa Committee to Protect Journalists’ (CPJ) Global Impunity Index 2022, nasa ika-pito pa rin ang Pilipinas sa isa sa mga bansa na mapanganib para sa mga
International Criminal Court
mamamahayag. Ito ay sa kabila ng pagpapalit ng Pilipinas sa bagong administrasyon. Dagdag pa rito, ayon sa datos ay patuloy pa rin ang karumal-dumal na patayan sa kabila ng bagong administrasyon.
Nakapanlulumo lamang na ganito ang sitwasyon ng Pilipinas. Simula pa lamang ng pag-aaral ng mga estudyante ay mayroon nang karangalang ibinibigay sa kahusayan nilang magsulat. Sa kabila nito, makikitang hindi na ito karapatan buhat na rin ng kawalan ng kapayapaan para sa mga mamamahayag.
Kamakailan ay naglabas ng panawagan si Dating
Pangulong Gloria Arroyo hinggil sa pagsuporta kay Rodrigo Duterte sa planong pagiimbestiga ng
International Crime Court, o ICC, sa war on drugs ng
Administrasyong Duterte.
Mababalikan sa drug war ang mga karapatang pantao na natapakan.
Nagpahirap ito sa buhay ng mga aktibista at kumitil ng libu-libong mga inosente na hindi nabigyan
ng pagkakataong sumailalim sa tama at tapat na paghuhukom. Hanggang ngayon ay nananatili ang hinaing ng mga naiwang pamilya para sa hustisya.
Ayon sa datos ng Philippine Drugs Enforcement Agency, o PDEA, aabot ng
6,248 ang bilang ng mga namatay sa drug war ng Administrasyong Duterte. Matatandaan na sinuspindi ang operasyon ng ICC sa imbestigasyon sa taong 2021, sa pangangatwiran ng gobyerno na wala umanong karapatan
ang ICC para sa anumang paghahatol.
Dapat ikondena ang ginawang pagtutol ni Gloria Arroyo sa imbestigasyon at pag-hikayat sa iba pang mga politiko na suportahan si Duterte.
Dapat lamang na isang internasyunal
na organisasyon ang humawak sa paghuhukom na ito. Patas at malinis na perspektibong hindi makokontrol ng sinuman mula sa kampihang binubuo ng kasalukuyang mga nakaupo. Malagot ang dapat managot.
Panulat | Dominique IgnacioNoong 2016, idineklara ng
Permanent Court of Arbitration (PCA) ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na may sovereign rights ang Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), at may hurisdiksyon sa 200 nautical miles exclusive economic zone (EEZ). Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagpasok ng China sa WPS.
Nitong Pebrero 6, tinutukan ng isang Chinese vessel
ng military-grade laser ang isang Philippine Coast Guard vessel na nagresulta sa temporary blindness sa mga nasa loob ng nasabing vessel. Isa lamang ito sa mga halimbawa ng pananamantala ng China sa Pilipinas.
Nailabas din ang ilang beses na pananamantala ng China sa mga lokal na mangingingisda kung saan hindi sila makapangisda dahil sa pagpasok ng maraming bilang ng Chinese vessels sa WPS.
Kahit na lumabas na may karapatan ang Pilipinas sa WPS, hindi pa rin tumitigil ang China sa pag-angkin sa buong South China Sea. Hindi rin maproteksyunan nang maayos ng gobyerno ang mga mangingisda dahil mabagal ang progreso ng negosasyon sa China.
Dapat tutukan ng Pilipinas ang talagang pag-angkin sa teritoryo ng bansa. Hindi dapat nagpapadaig kung ang resulta
Matagal nang nagsimula ang transisyon sa face-to-face ng Quezon City Science High School. Kasabay nito ang pagbabagong hinarap ng mga estudyante at guro bilang kababalik lamang sa tradisyunal na setup. Isa rito ang dati nang pinoproblema ng mga titsersweldo.
Lumalabas na sumusweldo ng mahigit 25k ang mga kaguruan, hindi pa bilang ang buwis at insurance na kinakaltas. Kulang pa ito para ibalik ang pagsisikap na
binubuhos ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Narito ang iba pang rason kung bakit kailangang itaas ang sahod ng mga guro.
Ayon sa Helplineph, ang guro ang propesyonal na may pinakamataas na nalilikom na tax sa bansa. Dahilan na rin bakit hindi sapat ang natatanggap nila. Isa pa, hindi lang pagtuturo ang ginagawa ng mga guro kundi paggawa ng lesson plans, pag-attend ng seminar, pag-input ng grades, at ang iba ay nag-aaral pa.
Tinuturing na pangalawang ina ang mga guro kaya malaking responsibilidad ang nakaangkla sa kanilang balikat.
Kumpara sa kapulisan na nabiyayaan ng malaking pasweldo at mga benepisyo, malayo ang agwat nito sa mga natatanggap ng kaguruan.
Kung kusang nagagawa ng gobyernong taasan ang sahod ng ibang kawani, paano pa ang sangkaguruan na silang matagal nang may pilit ipinaglalaban?
Pumapatak ng halos limandaan ang minimum wage ng isang ordinaryong empleyado, natapos man sa kolehiyo o hindi. Dahil dito, marami sa mga mag-aaral ay pinipili na lamang na mag dropout at magsimula ng kanilang sariling
hanapbuhay upang lalong mapunan ang kanilang mga pangangailangan. Isa na rito ang sikat na hanapbuhay ngayon– vlogging.
Minsang nailalabas sa publiko ng mga sikat na vlogger ang kinikita nila sa paguupload ng mga bidyo sa platapormang youtube, kung saan madalas na hindi bababa ng isang milyon ang kanilang kinikita bawat buwan. Naitala sa AdSense, isang aplikasyon na namamahala ng ads
naman na inilabas ng PCA ay pumapanig sa atin. Isa sa pinakaimportanteng mga tao sa bansa ay ang mga mangingingisda na nagbibigay makakakain sa mesa ng mga Pilipino kaya dapat protektahan sila.
Kinakailangang protektahan ng Pilipinas ang WPS dahil likas ito sa langis na maaaring makatulong upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Source: Annalyn M. Sevilla, DEPED Undersecretary for Finance
sa isang youtube video, na sa bawat isang milyon na views ay maaaring kumita ang isang youtuber ng mula sa halagang singkwenta mil hanggang otsenta mil, sobra sobra sa buwanang sahod ng isang ordinaryong manggagawa.
Dahil dito ay marami ang sumusubok na palaguin ang kanilang pagiging youtuber sa halip na ipagpatuloy ang kanilang pagaaral. Walang masama sa ganitong uri ng pagdedesisyon.
Nakadepende ito sa kagustuhan ng isang indibidwal. Mahalaga lamang tandaan na walang kabataan ang dapat na isinasakripisyo ang kanilang pagaaral para lamang maghanap ng makakain sa pang-araw-araw.
WEST PHILIPPINE SEAAll-rounder at pasan ang lahat. Sumusuong sa kung anong ibibigay sa kanila. Tulad ng isang kutsarita, sala sa init at sala sa lamig. Isang kahig, isang tuka.
Mahigit-kumulang PHP 344 ang pinakamababang pasahod na naitala ng DOLE o Department of Labor and Employment. Aabot na ng PHP 22 kada-kilo ang presyo ng bigas, pinakamababang presyong naitala ng NFA o National Food Authority. Kamakailan lang din
ay naaprubahan ng DTI o Department of Trade Industry ang pagdagdag ng sampung porsyento (10%) sa presyo ng mga de-lata at tinapay. May pamilya man o wala, tiyak ay kulang ang gastusin sa kikitain ng isang manggagawa. Nakadidismaya man, pati ang mga nasa gobyerno’y aminadong ‘di alam ang dapat gawin. Kung gayong hindi agarang masolusyunan ang ekonomiya, dapat bang taumbayan ang magdusa sa kalat ng nakaraang administrasyon? Dagdag pang hindi na nga sapat ang kita, kahit wala sa job
description ay tinatrabaho na rin.
Kung ang isang kutsarita ay hindi mapangalagaan, kasabay pa na ginto ang inihahain, kung hindi mangalawang ay baka mabali na ito.
Presyo ng bilihin ay ibaba, sahod at makatarungang pagtrato sa mga manggagawa ay itaas.
Mahalimuyak pakinggan sa unang tingin, ngunit tulad ng marami, may nakatagong lason ang inihahaing pagkain.
Nakayayamot na ang walang prenong bangayan ng gobyerno at ilang Pilipino patungkol sa tuluyang pagpalit ng mga tradisyunal na jeepney. At ngayon, mukhang tatagal pa ang pagtirik ng plano matapos i-extend ng Land Transportation
Franchising and Regulatory Board o LTRFB ang programang modernization ng nasabing sasakyan. Sa patuloy na pagpatak ng panahon, alin nga ba ang mas matimbang na dapat gawing aksyon?
Katanggap-tanggap ang urong sulong na proseso sa planong pag phaseout ng mga lumang jeepney. Kung papalitan ang pampublikong sasakyan na ito, walang dudang mas makabubuti ito sa ating kapaligiran,
dagdag pa, mas ligtas ito kumpara sa mga nilipasan na ng panahong mga jeepney. Subalit hindi nito matitimbangan ang magiging dalang kanser ng plataporma.
Pilit isinusubo ng gobyerno ang planong phaseout sa kadahilanang para ito sa ikabubuti ng bansa.
Mayroon man itong mga malilinis na intensyon, marami pa rin ang butas ng programang maaring magdulot ng paglagpak ng mga Pilipino, lalo na ang mga jeepney drivers at operators.
Ayon sa Land Transportation
Franchising and Regulatory Board (LTRFB), naglalaro sa mahigit kumulang 2.8 million php ang isang modernized jeepney. Kung iisiping mabuti, tila imposibleng maaatim ng mga drivers ang mga ito kahit may 160,000 php na subsidiyang ipinangako sakanila.
Sa kararampot na iilang daang
pisong kinikita ng mga driver ngayon, ‘di maipagkakailang suntok sa buwan ang hinihiling ng mga nanunungkukan. Kahit batid na nila ito sa kanilang kakintalan, pinipilit pa rin nilang iarangkada ang anti poor at makasariling plano na ito para lamang makalikom ng milyon-milyong pera mula sa mga kumpanyang nagbebenta ng modernized jeepneys. Sakim kung iisipin sapagkat para lamang umangat, ibinabaon nila sa utang ang mga Pilipinong dapat nilang iniaahon sa hirap.
Nakatatalinhagang isipin na ang mga makalawang na jeepney ay isang yaman ng bansa. Madami sana ang magagandang maidudulot kung gagawing moderno ang mga ito kung hindi lang gahaman ang mga nasa pamahalaan.
Uhaw na uhaw sa yaman sapagkat kahit mga nasa laylayan, ginagawang
puhunan. Mga talangkang ‘di na napagod sa pag-upo, ‘di tatayo kung walang pilipinong yuyuko. Sobrasobra na! Itigil na ang pangloloko’t pang-uuto.
Imbis na ihain ay dapat na munang gisahin ang programa. Kung itutuloy ang planong ito, huwag nawang kalimutan at isantabi ang mga tsuper na umaasa lamang sa barya ng mga Pilipino, bagkus, ay unahin at tulungan silang manatiling hari ng kalsada.
Para naman sa mga tumitirik na jeep, pagandahin at pagtibayin pa ang mga ito na hindi makasisira sa ating kalikasan at swak pa sa bulsa ng karamihan.
Sa pamamagitan nito, tuloy-tuloy ang arangkada ng Pilipinas sa lubak lubak na tinatahak nitong bukas.
“ Bayad ho, papunta sa progresong makabayan!
Paulit-ulit na talumpati. Magkaibang nilalaman na parehong magwawakas sa wala. Pareho lang kasi ang nangako. Pareho lang din napako. Walang tawad na ginagatasan ang kaban ng bayan, minsan ay hindi pa binabayaran. Gagawin ang lahat para iangat ang sariling kapakanan kapalit ng sa bayan.
Mula sa pinakamataas na posisyon sa politika hanggang sa pinakamababa ay namamayagpag ang nepotismo at political dynasty. Sa katunayan, mismong ang dalawang pinakamataas na posisyon sa politiko ay bunga nito. Sabi ng iba, wala naman daw problema kung magaling naman. Pero iyon nga ang problema, wala nang sinusunod na kwalipikasyon para pangunahan ang lipunan.
Mahigit 29% ng lokal na gobyerno ay kabilang sa “fat” political dynasty. Ito ang mga senador, kongresista, gobernador, at opisyal sa local government units (LGU) na magkakamag-anak. Ayon kay Ronald Mendoza, governance and institutional reforms specialist,
Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
may kaugnayan ang pagkakaroon ng “fat dynasties” sa hindi magandang pamamalakad ng pamahalaan at hindi pag-unlad ng lipunan.
Kung magpapatuloy sa paglobo ang bilang ng pamilyang may dinastiya, patuloy na ring maglalaho ang diwa ng demokrasiya. Ang mikroponong pinagpasa-pasahan ng magkakadugo ay sawang-sawa na iparinig sa bayan ang talumpating kaytulin na tinangay ng hangin magmula nang lumabas sa bibig.
Kung tanging nakakapagsalita lamang ‘to, malakas ang kutob kong isisigaw niya lamang na,
Historical revisionism, iyan ang tawag sa paraan kung saan ang isang bahagi ng kasaysayan ay iniiba upang ito ay makabuo ng panibago at mas magandang imahe sa publiko. Isang malaking halimbawa ay ang nasabing ‘sugarcoating’ sa mga modyul ng DepEd tungkol sa madugong Martial Law na naganap noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.. Sa isang modyul para sa mga mag-aaral ng Senior High School sa Marinduque, ipinaliwanag ang batas-militar bilang panimula sa ‘New Society’ nang ideklara ito ni Marcos noong Setyembre 21, 1972.
Dagdag pa rito ang deskripsyon na ang nasabing ‘New Society’ ay isang panahon ng mataas na antas ng disiplina at maunlad na ekonomiya, kultura, at turismo.
Ayon pa sa modyul, ang mga dyaryo at publikasyon noong
panahong iyon ay nagkaroon ng iba’t ibang anyo - at hindi man lamang binanggit ang mga ‘censorship’ na naganap noon. Kung kaya’t taliwas at kulang ang pahayag na ito kung ikukumpara sa katotohanan na ang mga dyaryo at publikasyon noong Martial Law ay ipinasara at tinanggalan ng karapatan.
Agad naman umaksyon ang mga miyembro ng Makabayan bloc na naghain ng House Resolution
498 upang ikondena ang anumang paraan ng ‘rebranding’ o ‘historical distortion’ at umapila ng masusing imbestigasyon at paliwanag mula sa Department of Education (DepEd). Liban sa terminong ‘New Society’, may ilang modyul rin na gumamit ng ‘Bagong Lipunan’ na siyang partikular na ginamit ni Marcos Sr. noong 1972, at ng anak niyang si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. noong 2022
national elections.
Bago pa man naluklok sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos, marami na ang usap-usapan sa kung ano ang magiging tugon niya sa historical revisionism, lalo na’t ginawa niyang prayoridad ang mapabuti ang masamang imahe ng kanyang pamilya sa kasaysayan.
Isang malaking kapangyarihan ang tangan-tangan niya ngayon at kung anong maari niyang gawin - ay hindi pa tiyak sa kasalukuyan. Ngunit kung iisipin, ang pagbaluktot sa kasaysayan sa pamamagitan ng mga libro at modyul ay isang malaking sampal at insulto sa talino ng mga Pilipino, sapagkat ang tunay na katotohanan ay nakaukit dapat sa puso at isip.
Gayunpaman, kung patuloy na iiral ang ganitong klase ng distorsiyon para sa reputasyon ng mga Marcos, isa itong malaking hakbang na
nangangailangan ng agaran at tuwirang aksyon. At hindi na ito umiikot sa kung ikaw ay maka-Marcos o hindi, sapagkat bilang Pilipino, tiyak na alam natin kung gaano kahalaga ang kasaysayan sa ating kinabukasan. Ito ay leksiyon ng mga pagkakamali mula sa nakaraan.
Walang ampas, walang kulang, walang mag-iiba, at walang tinatagong salita.
Ang kasaysayan ay nararapat na tumayo ng diretso, hindi baluktot at hindi paliko.
Ito ay dapat manatiling makatotohanan, lalo na sa mga libro at modyul sa eskwela, sapagkat kabataan ang pag-asa ng bayanngunit paano pa sila magiging pagasa kung sa simula pa lamang ay manipulado na sila?
Tomo I Blg XLIX | Agosto - Mayo“Ang kalayaan ko at ng bayan ko ay sarado para sa negosyo ng pamilya niyo.”Panulat | Yvo Asis Political Dynasty Historical Revisionism Panulat | Drex Santos
Bilang isang scientian, minsan na rin sigurong sumagi sa iyong isipan kung ano nga ba ang naghihintay sa’yo sa hinaharap. Ang mga pagdududang kumakatok sa iyong puso’t isipan– tila ba masyadong nakalulula ang tunay na mundo para sa isang musmos na kagaya mo. Siguro’y umabot ka na rin sa puntong makukuwestiyon mo ang kakayahan mo– tunay nga bang maaabot mo ang tagumpay mong inaasam-asam? Marahil, minsan ding naging ganiyan ang mga kapwa mong scientians na nakapagtapos sa Kisay. Ang pakiramdam na hindi mo mahanap ang nag-iisang tiyak mo sa pag-agos ng sanlibong duda. Pero halika, hayaan mong ipakilala ko ang munti nilang mga kwento sa’yo.
Maaaring isa sa mga ekspektasyon ng mga mag-aaral na tulad mo at ng iba pang tao na ang mga Scientians ay tunay na maipagmamalaki sa larangan ng agham, ngunit hindi lamang dito nagtatapos ang tulay tungo sa pag-abot ng pangarap ng mga Scientians. Karamihan sa ating mga nagsipagtapos na kapwa Scientians ay nahanap ang kanilang kapalaran sa larangan ng patimpalak ng kagandahan (beauty pageant), pagseserbisyo sa gobyerno, at pagsusulat. Narito sina Juvel Bea, Patrick Patriwirawan Jr., at Jan Carlo Punongbayan upang magpatunay na hindi lamang nalilimitahan sa agham at siyensiya ang kakayahan at mga kayang gawin ng isang Scientian na tulad mo. Kanilang pinatunayan na sa pamamagitan ng sipag, tibay, tapang, at determinasyon, nagawa nilang matahak
ang daan tungo sa kanilang pangarap.
Si Juvel ay namumukadkad bilang isa sa mga kalahok sa Binibining Pilipinas, kung saan kaniyang inirerepresenta ang lungsod ng Quezon. Dala ang kaniyang angking kagandahan at talino, layon ni Juvel na paigtingin ang pagbibigay ng ligtas at angkop na komunidad para sa mga kababaihan. Isa rin sa kaniyang mga adbokasiya ang pagkakaroon ng pantaypantay at mas magandang kalidad ng edukasyon para sa lahat.
Samantala, si Patrick naman ay naninilbihan bilang Division Chief sa Department of Labor and Employment (DOLE | Bureau of Local Employment).
Siya ay nagtapos mula sa Kisay sa taong 2005, kung saan sa kaniyang buong pananatili sa Kisay, mula ika-una hanggang ika-apat na taon, patuloy siyang naging natatanging estudyante ng baitang na Becquerel. “Bilang bahagi ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo, mahalaga para sa amin ang makapagbigay ng gabay at paghihikayat na magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan ang lahat lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan upang magtagumpay sa kani-kaniyang propesyon o paghahanapbuhay.”
Si JC ay kasalukuyang assistant professor sa University of the Philippines School of Economics, isang kolumnista para sa online news site na Rappler, at buong bagsik na naging manunulat ng librong
“False Nostalgia: The Marcos “Golden Age” Myths and How to Debunk Them”. “Sinulat
ko ang False Nostalgia mula sa pitong taon ng research hinggil sa ekonomiya noong Batas Militar… Sana maraming makabasa ng libro, para marami sa kabataan ang maging mulat sa mga nangyari sa ating kasaysayan, at ’di tuluyang makalimot ang ating lipunan.” Bilang mga kapwa natin Scientians, marahil ay maihahalintulad din ang kanilang mga naging karanasan sa bawat isa sa ating kasalukuyang nag-aaral sa paaralang ito. May mga panahong madadapa, malulunod, at tila hindi mo na alam kung saan ka tutungo, ngunit ang mahalaga ay marunong kang tumayo, umahon, at sikaping mahanap ang daang tatahakin mo. “I-enjoy niyo
Siguro, marami na ang narinig mo tungkol sa Kisay. Kesyo mahirap daw at hindi pwede ang tatamad-tamad. Pasiklaban ng talino! Kaya naman, sa unang tapak mo rito, mistulang bida ka sa isang pelikula na determinadong suungin ang hayskul life habang taas noo’t matayog ang lipad. Unang pasok sa paaralan, pilit agad kinikilala ang mga magiging kaklase mo, A.K.A. the competitors. Know your enemies, ika-nga!
Level #1: The freshie mission! Freshie kaya naman fresh na fresh! First year, kaya’t ang plan ay maging first din sa lahat! Early sa deadlines, hindi papatalo sa gawa nila klasmeyt! Complete set ang mga gamit para may advantage sa bawat pa-activity!
Time-management is real! Studies first ang laging goal. Masunurin kay teacher, kapag sinabing huwag maingay, aba’y quiet talaga! Pasok maaga, uwi maaga!
Level #2: The not-so-freshie era! Second year, dito na rin madalas nabubuo ang mga ‘4-lyfers’ mo. Unti-unti mo nang nakikita na hindi lang naman pala sa pag-aaral umiikot ang buhay ng lahat. Makatatagpo ka ng mga kaibigan mo na makakasabay mo sa lahat ng kalokohan. Ramdam na rin ang pagod sa bawat lesson. Sakto-sakto na lang sa deadline, saktong hiraman na lang din ng mga gamit. Medyo exciting pang gumawa ng ideas para sa Research at bumuo ng paper kaya kahit papaano’y bigay-todo pa rin!
Level #3: The happy-go-lucky point! Medyo bumibigat ang mga gawain sa Grade 9. Sa dami ng pasanin ay hindi ka na naeexcite, hindi ka na rin nati-thrill. Tinatamad ka na lang talaga. Bahala na kung anong ipapasa. May sense pa rin naman ng pagiging isang competitive Scientian, pero minsan talaga, isusuka mo na lang kung anong meron ka para lang makatapos ng isang gawain. Medyo tumitigas na rin ang ulo dahil hindi na takot sa kalakaran ng Kisay. Minsan, sina ma’am na lang ang susurrender sa batch niyo.
Level #4: The sanayan-na-lang-angpuhunan motto! May problem ka ba? Ah, pagod ka na? Same. Sa puntong ito,
Bukang Liwayway Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon Tomo I Blg XLIX | Agosto - Mayo Panulat | Fatima Joyce San Jose Panulat | MarielOpisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg XLIX | Agosto - Mayo
Bukang Liwayway
lang ang panahon niyo sa Kisay, huwag kayong magmadaling tumanda o mag-mature. I-explore ninyo lahat ng posibilidad, mag-aral nang mabuti, mag-enjoy, maglaro, makihalubilo, at huwag matakot na magkamali o madapa.” ayon kay JC
Punongbayan.
Mahalaga rin na alam natin bilang Scientians na marami tayong kayang gawin, at dapat natin silang linangin at ipamalas. Ani nga ni Patrick na ngayo’y bahagi na ng
Kagawaran ng Paggawa at Empleo, “Marahil isang mahalagang payo na aking maibibigay sa inyo ay patuloy na pagtibayin ang inyong technical skills at lalo na ang tinatawag na core skills or soft
skills upang mas maging employable sa hinaharap. Ang mga soft skills, tulad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa, pagpaplano at pag-oorganisa ng inyong trabaho o gawain, pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay at pagkamalikhain, ay lubos na mahalaga.”
Hindi maikakaila ang galing at sigasig na taglay ng ating mga kapwa kamagaral dahil sa patuloy na pagniningning ng bawat indibidwal sa iba’t ibang larangan at kategorya sa paglipas ng panahon. Ngunit mahalaga ring tandaan na hindi magiging posible ang lahat ng ito kung wala ang suporta mula sa mga taong naging malapit na sa atin sa paglipas ng panahon.
Alagaan niyo rin ang inyong mga kaibigan at ka-eskuwela, dahil marami sa kanila ay magiging kaibigan at kasangga ninyo hanggang pagtanda. Matuto ring magpasalamat sa mga guro at staff ng Kisay na gumagabay sa inyo araw-araw.
– JC Punongbayan, PhD.
Katulad ng bawat kalsada sa mundo na siyang nilikha ng ‘di-mabilang na mga manggagawa, hindi mabubuo ang mga daan
hindi mo na alam kung Research is for finding life o life is for finding Research nga ba. Kabado-bente sa paparating na defense. Sa sobrang kaba mo, nalimot mo na ang ibang reqs mo. Pero ang matindi, hindi ka na rin talaga kabado! Isabay pa na minsan, napapaisip ka na rin sa love-life mo. At sa hirap na binigay sa’yo ni Kisay, sa level na ‘to, desisyon mo kung magqquit ka at hahanap ng iba, o tutuloy ka sa season 2, A.K.A senior level!
Level #5: The nakasurvive sa grade 10 defense level + no choice kundi Kisay pa rin! At dahil limitado lang ang strands sa Senior High ng Kisay, marami sa mga kaibigan mo ang nagdesisyon na lumipat ng ibang paaralan. Pero, heto ka, nakatayo pa rin sa kung nasaan ka noon. Panibagong mundo na naman ang haharapin mo. Hindi mo alam ang mga asignatura, at akala mo rin mas mahirap dito. Magugulat ka na lang na mas chill pala rito kahit mas mahirap ang lessons dahil parang katropa mo lang sina ma’am at sir! Calculus, huwag mo akong lapitan!
Level #6: The BOSS level. Paparating na ang college habang ikaw, hindi ka pa rin gaano kadesidido sa kung ano ba talaga ang gusto mong tahakin sa buhay. Minsan,
gusto mo na lang mag-go with the flow, pero sayang din ang pera kung hindi tiyak ang pipiliin. Nandyan na rin si entrep fair! Mukhang masaya at exciting, pero struggle iz real pagdating sa marketing, finance, at D-Day! Pero sa huli, habang suot mo na ang asul na toga na sinamahan ng maririkit na detalye ng ginto, mapapabuntonghininga ka’t masasabi mong kahit papaano… “worth it.”
Sa lahat ng pinagdaanan mo, marami ang nag-iba sa’yo. Ngunit gaano man kahirap ang ipinataw sa’yo ni Kisay, sa huling punto ng buhay mo bilang isang Scientian, mapapaisip ka kung may retry pa ba sa buhay.
Hindi mapapawi ng kahit sino ang pagmamahal na nabuo mo sa mga taong nakasalamuha mo rito, at mga lugar na minsan niyo nang iniyakan, tinawanan, kinantahan, sinayawan, at marami pang iba.
Sa reyalidad na haharapin mo, panibagong Mission Impossible na naman ang kailangan mong mapagtagumpayan. Padayon!
nating tinahak kung wala ang ‘di-mabilang na mga tao sa buhay natin na naging katuwang natin mula sa paglakad sa paanan hanggang sa pagdaplas tungo sa rurok ng tagumpay. At bilang isang pasasalamat, marapat na patuloy natin silang lingunin at kilalanin sa bawat hakbang na gagawin natin sa ating buhay.
Bilang mga iskolar ng bayan, huwag nating kalimutan na ibalik sa taumbayan lahat ng nalinang na kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng ating paglilingkod at pagiging lingkod-bayan.
– Direktor Patrick Patriwirawan.
Siguro’y sa pagbabasa mo, nagkakaroon ka na rin ng ideya sa dami ng maaari mong makamit sa buhay. Hindi rin mali kung sadyang naguguluhan ka pa sa kung ano bang dagat ang dapat sisirin mo. Hayaan mong matuklasan ng iyong sarili ang tunay na hangarin ng iyong puso. Nasa iyo kung sasabay ka sa agos ng mundo, o kung ikaw ang lilikha ng sarili mong alon. Nasa kamay mo ang kinabukasan mo. Iyo ang pangarap mo.
“Trrt! Trrt! Trrt!” Rinig ko na ang huni ng mga kuliglig, mukhang ginabi na naman ako. Talagang matindi ang bakbakan namin ngayon sa paaralan para sa isang proyekto. Lalo na’t isa akong scholar, pagod man ay ‘di alintana ang bigat ng mga pasanin, dahil isa ito sa rason na napagpapatuloy ko pa ang pag-aaral ko. Sa paglabas ko mula sa aming silid, bumungad sa mga mata ko ang eskwelahan naming binabalot ng kadiliman. Natulala ako sa lawak ng kailangan kong lakarin, kumakabog nang
matindi ang dibdib. Paano na lang kung may humablot sa’kin mula sa kung anong sulok? Jusko! Kailangan ko nang umuwi, may pasok pa bukas! Habang naglalakad ay nakadiretso lamang ang tingin ko sa daan, halos matapilok na. Niyayakap ako ng malamig na simoy ng hangin habang pilit isinasawalang-bahala ang takot. Aba, walastik nga naman! Nagawa ko ngang kalimutan ang kaba sa multo, dumapo naman ang utak ko sa bagong takot. Mga traysikel drayber sa labas na walang preno! Depende na lang kung iisipin mong sa motor… o sa pananalita.
Mula sa kamusmusan ko, madalas ko nang napapanood sa telebisyon ang iba’t-ibang magkakasintahan na kung maglambingan ay singtamis ng kendi. Tiyak ay laging mag-asawa sina Barbie at si Ken. Magmula noon ay naging samo’t dalangin ko na ang matagpuan ang magiging kabiyak ng puso ko.
Laging sambit nila mama, “Clara, hindi inaatupag yang pag-ibig na yan. Bata ka pa!” Darating din daw iyon. Nagdaan ang hayskul, ngunit hindi ko manlang naranasan ang tinatawag nilang puppy love. Kaya’t pagtungtong ko sa kolehiyo, sinigurado ko nang hindi sayangin ang pagkakataon. Ang mahanap ang makakasama ko hanggang sa pasilyo, kasabay sa aking kumikinang na palasingsingan!
Natuto akong magsuot ng mga bestida’t mag-ayos ng hitsura. Tuwing lalarga, pinapaganda ko ang aking buhok at gumagamit ako ng kolorete upang tumingkad ang aking mukha. Ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko, ‘Clara ganda’.
Minsan sa may kalayaan ay mayroon akong nakilala… si Damaso. Mistula nakalunok ako ng mga paruparo nang una kong marinig ang pangalan niya dahil kakaiba ito at makaluma. Malakas ang dating niya at hahatakin ang interes mo. Nakabalot sa aking isipan na baka ito na ang oras na pinakahihintay ko. Nakikita ko rin ang mga nakaw niyang tingin kasabay ang pasimple niyang pag-ngisi. Tama nga! Gusto niya rin akong kilalanin! Nagsimula ang pag-uusap namin nang lumapit siya’t bumanat sa akin, at ako naman itong parang kamatis kung mamula! Habang napapasarap
ang kwentuhan ay nilibre niya ako ng inumin. Nang una’y may duda pa sa aking kalamnan ngunit katwiran ko’y mukha naman siyang maayos. Lumalalim ang usapan at ramdam ko’y pati na rin ang paningin ko. Nakakahilo! Nagulantang ako nang magising ako sa isang ospital, napapalibutan ng mga galit na kamag-anak. Bakit daw kasi ganoon ang sinuot ko nang gumala ako? Sa gitna ng mga sermon nila ay nakita ko ang malaking pasa sa may pulsuhan ko. Ramdam ko na masakit ang pagitan ng hita ko at may bukol sa ulo ko. Rumagasa sa isipan ko ang lahat ng nangyari– ang paghiyaw ko ng saklolo, ang nakakatakot niyang mga ngisi. Ang paghagulgol ko hanggang sa mawalan ako ng malay nang iniuntog niya ang ulo ko. May pagmamahal pa bang natitira kung sariling katawan ko’y hindi ko na mayapos? Kasuklam-suklam na imahe sa bawat repleksyon kong matatanaw. Nakabakas ang bawat inilapat na kamay sa balat kong minsang pinakaiingatan.
Kasalanan ko nga ba ang lahat? Isa raw akong inutil. Masyado ko raw kasing pinapalabas ang kaluluwa ko. Ngunit hindi ba’t nasa kamay ko ang kung anumang nais kong pananamit sa aking katawan? Ang simpleng pakikipag-kilala ko ay hindi hudyat na maaari na akong salingin ng kahit sino. Ako lang ang may karapatan sa katawang mayroon ako. Hindi kumakausap, hindi nakikiusap, at hindi nangungusap ang pananamit ko. Ang kalagayan ko ngayo’y hindi dapat ganito.
Hindi dapat ako ginanito.
“Ting ting ting!” Habang lunod sa malalim kong pag-iisip ay nagulantang ako sa tunog ng maliit na kampana. Tanaw ko mula sa gate ang isang lalaki. Kumakain siya ng sorbetes, inuubos niya na lang siguro ang paninda niya. Paglabas ko ng gate, marahan kaming nagkatinginan. Hinayaan ko na lang ito’t agad na lang siyang nilagpasan. Sa paglalakad ko ay biglang naririnig ko na may sumusunod na mga yapak sa akin.
Sinusubukan kong mag-patay malisya, pasimpleng binibilisan ang bawat yapak. Ngunit singbilis ng tibok ng puso ko ay dama kong may nakikiayon sa tulin ng galaw ko. Nang tuluyan akong lumingon, nakita ko si manong sorbeterong nakatayo’t nakayuko. Tinanong ko kung ano ang kailangan niya, ngunit hindi siya
nagsalita. Unti-unti akong umatras nang itinaas niya ang ulo niya sa akin. Lumabas ang kamay niyang may hawak na sorbetes, nakangisi ang maiitim niyang ngipin at tumingin ang itim niyang mga mata sa akin. May danak ng dugo sa apa ng sorbetes niya. TAKBO!
Paglingon ko ay wala na ang nakakatakot na mamang. Nang akala ko’y ayos na ang lahat, bumungad naman sa akin ang mga pamilyar na boses. “Uy, Israel ganda! Pa-150 naman dyan!” Ayan na nga ang kinatatakutan ko. Mga drayber na kay tatabil ng mga dila. Hindi nila matanggap na ako si Isay. Matagal na akong hindi si Israel. Sa hinaba-haba ng kalbaryo’y bakit ba pasan ko pa rin ang mga latay ng latigo nila? Siguro nga ay mas dapat talaga matakot sa buhay kaysa sa patay.
Naku hija, kaunting delicadeza naman! Oh, ikaw, Juan!?
Lalamya-lamya ka na naman!
Ilang beses na sa tanan ng buhay ko napapakinggan ang mga dayalogong ganito, pati na rin ang kapatid kong si Juan. Bawat galaw na hindi naaayon sa kasarian namin, walang palya ay may ganyan! Mula sa kung sinu-sinong kamag-anak, maririnig namin ‘yan!
Mahinhin. Malumanay. Masunurin. Iyan ang inaasahan na mga katangian mula sa mga kababaihang tulad ko. Tularan daw si Maria Clara mula sa nobela ni Rizal, sabi nila. Sa paningin nila, tila hindi na ako babae pag hindi ako naging mala-Maria Clara.
Matapang. Matibay. Mabisa. Ito naman ang mga hinahanap nila mula sa bunsong kapatid ko na si Juan. Dahil lalaki siya, iyan ang mga sumasalubong sa kaniya. Isang katiting ng kahinaan, nawawala na raw ang ganap niyang kalalakihan.
Hindi na ba ako babae kung kaya kong makabasag-pinggan? Hindi ba maaaring maging haligi rin ako sa angkin kong lupa?
Isang patak ba ng luha’y hindi na lalaki si Juan? Hindi na ba siya lalaki kung kikilalanin niya ang mga kahinaan niya?
Matinding reaksyon ang natanggap ko galing sa pamilya ko nang malaman nila na civil engineering ang gusto kong kunin at clothing technology naman ang napili ni Juan na kurso sa kolehiyo. “Pangmason ‘yang trabahong ‘yan!” tugon ni Tita Betty sa akin. “Bakit damit!? Palit kaya kayo ng ate mo!” wika ni Tito Jose kay Juan. Hindi napigilan ng noo ko na kumunot. Nakapagtataka. Wala namang batas na nakasulat na panlalaki ang propesyon na gusto ko. Aba, desisyon?
Napakamot ako bigla sa ulo. Ayon naman sa artikulo 2, ika-14 na seksyon ng 1987 constitution, pantay na kinikilala ng estado ang papel ng kababaihan at kalalakihan sa pag-usbong ng bansa. Bakit kaya negatibo pa rin ang mga natatanggap namin sa panahon ngayon?
Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko. Mayroon ba talagang hati sa kasarian? Babae, Lalaki... Ano ba ang iyong dapat ginagawa?
Babae, Lalaki… Paano Ka Ginawa?
Panulat | Mariel BulanOpisyal na Pahayagang Filipino ng
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod Quezon
Tomo I Blg XLIX | Agosto - Mayo
Kaya walang nangyayari sa bayang ito… dahil sa mga pilipinong kagaya mo na walang pakialam…. sa totoong istorya ng kasaysayan…
Kay diing pahayag na kay raming kahulugan. Kay hirap ang pinagdaanan ng nakaraan ngunit hindi pinapahalagahan ng iba sa kasalukuyan. Subalit, isang nobela ang magpapabago sa mga matang bulag na mas masahol pa sa hayop at malansang isda.
Isang nursing student, na nagngangalang “Klay”, ang bida sa isang palabas na “Maria Clara at Ibarra” na hango sa nobelang “Noli Me Tangere” na akda ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang kaniyang guro sa History ang tila nagbigay ng mahika upang siya’y ipadala sa nakaraan sa petsang ika-11 ng Mayo taong 1884 upang iparanas ang nobela. Ang proyekto na ito ng GMA, isang network channel, ang siyang dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga Pilipino, kasama na rin ang mga kabataan, sa pagdiskubre ng totoong istorya kasaysayan. Ang nobelang ito’y kapupulutan ng aral kung paano pinagmamalupitan ng mga mananakop na espanyol ang mga sinaunang Pilipino, lalo na ang mga tinatawag nilang indio.
Mararahas na natamo ng mga biktima ang kawalan ng karapatan ng mga kababaihan at mababang antas sa lipunan. Ang mga ito ay ilan lamang sa nasaksihan ni Klay sa kaniyang paglalakbay sa mundo ng nobela. Dati’y siya’y walang pakialam, ngunit ngayo’y biglang naalarma. Dati’y bulag-bulagan ngunit naging mulat at nais ibahagi ang kamalayan sa kabataan ng bagong henerasyon. Pilipinong may limitasyon, kawalan ng kapangyarihang tumutol sa gusto ng makapangyarihan, at walang karapatang bumoses noon na maihahalintulad na lamang na presong walang kawala. Ang pag-aalipusta ng mga gahamang prayle ay kasingpakla ng mga politikong walang binatbat at mga erehe. Mga kababaihang mula pagkabata’y sinasaraduhan
Bukang
Liwaywayng kakayahang gawin ang tulad sa kalalakihan ay tila pinagkakait na mabuhay sa gusto nilang gawin.
“Truth be told, sir. Ang hirap-hirap mahalin ng Pilipinas.”
Sari-saring pangyayari sa nobela ang natuklasan ng paningin ni Klay na dati’y nakapikit. Kawalan ng kalayaan—ang gusto niyang wakasan sa pamamagitan ng kaniyang lakas-loob at katapangan na natutunan niya sa kaniyang panahon, na hindi kailanman gawi ng mga kababaihang nasa nakaraan. Ang pinaglalaban ay dapat pinaglalaban, lalo na kung para sa mga nangangailangan—’yan ang kaniyang nais para sa kaniyang bayang sinilangan. Kung kaya’t nahuhumaling ang mga kababaihan sa nobela kay Klay sapagkat isa itong extra-ordinaryong kababaihan sa kanilang paningin. Na kaya niyang gawin ang mga gawi ng kalalakihan, tulad nalang ng malayang pagpapahayag ng opinyon gamit ang kaniyang boses, hindi hinahayaang diktahan siya ng iba lalo na ang mga kalalakihan, at ang gawaing propesyonal na mga kalalakihang nakapag-aral lang ng medisina ang may kayang gawin.
Tunay ngang mahirap mahalin ang Pilipinas, lalo na sa mapangmalabis na kamay at mata—na nararanasan ng Pilipino mula nakaraan hanggang kasalukuyan o maaaring pati sa hinaharap. Mahirap ngang mahalin ang Pilipinas lalo na’t kung ang mamamayan ang siyang nagpapababa sa kanilang bayan at kung pati ang nakaraan ay binibigyan ng walang kahalagahan. Pauunlakan pa ba natin ang pagkakataong maranasan ang nangyari kay Klay para lamang mahalin at unawain ang kasaysayan ng ating inang bayan?
Kalayaan. Bayanihan. Boses ang sandata. Lahat ba ng Pilipino ay ipaglalaban ang kaniyang sinilangan o hahayaan mo na lamang ang iba para diktahan at pamunuan ang sarili nating bansa?
Panulat | Andry Dechavez pagkatao. Makapangyarihang pamilya kung susumahin. Kapangyarihang lalatay sa kung sino ang hahadlang. Isang kindat at babaliktad na ang mesa. Tablado ang mahihirap!
Linya mula sa sikat na kantang “Walang Natira” ni Gloc 9. Gaya ng sa kanta, ipinakita ng bagong TV show ng ABSCBN na “Dirty Linen” na nagsimulang umere noong Enero, gawa ni Direk Andoy Ranay ang marahas na realidad na marahil marami ang bulag.
Dadanak ang dugo sa minsang pinanggalingan nito. Umiikot ang istorya sa apat na karakter na naghahangad ng paghihiganti para sa kanilang mga kaanak na nalayo sa kanila upang mag-aruga ng iba, walang baon kundi ang hangarin sa magandang buhay at kinabukasan, ngunit sa isang iglap ay walang pakundiling pinaslang.
Sa pamamasukan nila sa pamilya Fiero, unti-unting ilalahad ang totoo nilang
Teleseryeng maraming makakarelate dahil sa pagkatotoo nito. Maihahalintulad ang pamilyang Fiero sa mga politiko’t mayayamang pamilyang matagal nang
“Ay! Barbie sabi ko na!” Dumaan lang naman ako, nakutya na agad ako. Kahit bata o matanda ay nagbubulungan kapag ako’y napagawi sa harap ng bahay nila. Ano ba dapat ang maramdaman ko? Saya o inis? Saya sapagkat ako’y sinasabihan nilang barbie o inis kasi ito’y tunog pangasar?
Ilang taon pa lamang ako, alam ko na sa sarili kong mas malamya pa ako kaysa sa isang ganap na babae. K ung papapiliin ako sa laruan dati, hindi na ako magdadalawang isip na kunin ang barbie kaysa sa robot. Sa paaralan, mas gusto ko kung mga babae ang aking kaibigan kasi inaayusan nila ako. Ngunit ‘pag dating sa labas ng eskwelahan, iba na ang aking naririnig, tila malalakas na bulong na maaaring magpabagsak sa pagtingin ko sa aking sarili. Delikado!
“Ako’y isang sirena. Kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda!” Kahit ano man ang lumabas sa kanilang bibig, kahit ano man ang itawag nila sa akin, o kahit ano man ang pang-aasar at pangungutya sa taong katulad ko, hindi ako magpapatinag kasi mas mataas pa sa Eiffel Tower ang aking kumpiyansa, ano!
“Ako’y isang sirena. Kahit anong sabihin nila, bandera ko’y di tutumba!” Kolorete sa mukha, bonggang kasuotan, mahahabang buhok, kagandahan ng aking mataas na takong—’yon na ang dahilan ng paglingon ng kanilang nagkikislapang mata na sumasalamin sa aking enggradeng alahas na pambagay sa aking kagandahan.
Ngiti’y masisilayan sa aking mukha habang nanonood ako ng Drag Race. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa kanilang kagalingang taglay, ano?
Tila ba’y malalayang ipahayag ang kanilang sarili at ubod ng kasiyahan ang kanilang buhay. Kahit sila’y nababalutan ng mga magagarbong damit, hindi maipagkakailang malayo ang kanilang pinanggalingan at mahirap ang kanilang pinagdaanan.
Tapos na ang panibagong episode kaya pagkapatay na pagkapatay ko pa
nagpapahirap sa mga Pilipino. Ehem, ehem. Ooops! Teka! Baka naman maredtag ako nito!
Babarilin, ibabaon, papatayin pati mga testigo. Babaliktarin ang senaryo para hindi magtanim ng motibo ang publiko. Kung sino pa ang inapi, siya pa ang nagmukhang kontrabida ng kwento. Gagamitin ang pera’t impluwensya para manalo. May butas ang batas siya ngang totoo.
lang sa telebisyon, muling ngiti na naman ang pinakawala ng aking labi dahil sa pagdapo nang biglaan ang ideyang totoo ngang may progresibo ang Pilipinas.
Kung noon ay pinagkakait ang ibang kasarian, ngayon ay umuusbong na ang pagpapahalaga kung sino man o iyong pagkakakilanlan, sa sarili pati na rin ang pagtingin ng ibang kapwa mamamayan. Kung ano man ang gusto mo para sa sarili mo, kung ano man ang hilig mo, kung ano at sino ka pa man!
Tinatanggap na nila ang katulad ko, pati ang katulad mo! Nagiging malaya na ako! Malaya ka na! Malayang-malaya na tayong lahat!
“I was born this way!” Pinanganak kaming may karapatang ipahayag ang aming sarili. Patuloy na ipapakita sa aking sarili ang totoong ako, na walang halong pagtago, at sa maraming tao kung sino talaga ako. Kung sino ang bahagharing bumungad matapos ang madilim na dinanas na nagdulot ng iba’t ibang sugat. Pula. Lipstick na pula’y itatapal sa labi. Kahel. Kahel na buhok ang siyang magpapalingon sa mga tao. Dilaw. Kasingdilaw ng araw ang siyang liwanag ko patungo sa aking kagustuhan. Berde. Berde ang aking kasuotan nang sa gayon aking kagandahan ay kasingganda ng inang kalikasan. Asul, tina, at lila. Ang kolorete sa aking talukap ay tila karagatan sa lalim. Pinapahalaga ang bawat sarili sa pinakamasining na paraan at pinapakita nila kung gaano kahusay sa iba’t ibang larangan, mapasayaw, kanta, o iba pa. Kaya’t di mo ipagkakaila kung sila’y pagkamalang isang paralumang kaayaaya.
Kumbaga, ang matamlay na buhay noon, ngayon ay nagkakakulay na. Ang ulan na may kasamang kidlat at kulog dati’y nagkakaroon na ng bahaghari—-ng makulay na bahaghari! Mula sa panunukso ay napalitan na ng puro puri.
Mula sa pugad na aking pinagtataguan, ngayo’y kaya ko nang lumipad nang malaya’t katanggaptanggap sa lipunan—bilang paraluman.
Deserve ba ito ng mga kababayan natin? Sagot ay never ever! Sigaw ay hustisya para sa mga taong pinaslang dahil sa paglalahad ng katotohan. Katotohanan na siya namang dapat manaig. Mga mayayamang pamilya na pigilin.
Tunay ngang hindi mabubura ng pagkawalang kibo ang mantsa sa linsong dulot ng pang aabuso sa maraming Pilipino. Minsa’y binabaon na lang sa lupa na kailanma’y hindi matatamasa ang hustisya. Kahit anong sabon man ang gamitin dito, aalingasaw pa rin ang baho.
Darating kaya ang araw na ito’y magiiba? Sabi pa nga sa kanta, “Kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na.”
Tulad ng isang bituin sa bilyon-bilyong uri’t bilang nito sa dilim ng kalawakan, o maging isang daigdig sa lawak ng pagpipilian, tila nga ba’y nabigyang malaking pagkakataon ang paaralan upang personal na makasama at makausap ang isa sa mga mahahalagang mukha sa larangan ng eksplorasyon at agham sa buong mundo.
Ito ay walang iba kung hindi si Dr. Fyodorin Yurchikin, isang retired cosmonaut. Si Dr. Yurchikin ay isang cosmonaut na napabilang na sa limang spaceflight, kabilang ang mga long-duration stays sa International Space Station at siyam na spacewalk. Siya rin ay kinikilala bilang isa sa mga Hero of the Russian Federation
bungad ng mga iba’t ibang kontribusyon at nagawa nito sa kaniyang larangan.
Mahalagang malaman
at makilala ng bawat isa
ang kritikal na pagkakaiba
ng pagiging cosmonaut
sa ibang terminolohiyang
tulad ng mga austronaut.
Ang salitang “cosmonaut”
ay mula sa griyegong
salitang-ugat na ‘kosmos’
na nangangahulugang
‘kalawakan’ at ang ‘nautes’
na nangangahulugang
‘mandaragat.’ Mahalagang
tandaan na ang parehong
salita ay waring tumutukoy
sa mga dalubhasa at sinanay na indibidwal na naglalakbay sa kalawakan, ngunit ang pagkakaiba nito ay sapagkat ang isang “astronaut” ay
tumutukoy sa isang
American o Western European Space Traveler at ang “cosmonaut” ay tumutukoy sa isang Soviet o Russian Space Traveler. Kung susuriin ang kahalagahan ng pagbisita ni Dr. Yurchikin sa paaralan, makwikita na bilang mga natatanging mag-aaral tungo sa larangan ng agham at teknolohiya, wari ay isa itong daan upang mabigyang kaliwanagan ang mga nagugutom at maurirang mga isipan ukol sa kagandahan ng kalawakan at pag-abot ng natatanging kadakilaan. Isang pangarap, isang mithiin, ano pa ba ang hihingin ng isang mumunting isipan kundi ang makita sa kaniyang sariling
Simula nang pagluklok sa pwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naging agamagam na ang pagsasabalik ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Nakapanlulumo lamang sapagkat maaari itong maging solusyon sa problema sa enerhiya sa bansa ngunit maraming mga salik ang magiging peligro para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
Bilang paglilinaw, ayon sa sarbey, maraming may nais ng pagbabalik ng BNPP sa bansa upang maisaayos ang presyo ng kuryente sa bayan.
Ngunit ipinapakita rin ng sarbey na marami rin ang nagsabi na ayaw nilang ilagay ang planta sa kanilang lugar. Sa kasalukuyan, wala ring pwesto sa Pilipinas ang maaaring pagtayuan ng planta bunsod na rin ng malalang populasyon sa bansa. Masiyado ring mahal ang pagpapatayo ng planta sa bansa. Sa kasalukuyan, malala pa ang ating utang. Kung kaya mahirap ipagpatuloy ang
ganitong proyekto dahil sa posibilidad na mangutang ulit para lamang dito. Hindi lamang nito mababaon ang bansa sa utang kundi ay hindi rin masosolusyunan ng bansa ang iba pang problema. Matinding problema rin ang kaligtasan ng mga
mamamayan sa pagpapagawa ng planta
sapagkat maaari itong makaapekto sa kalusugan ng mga tao lalo na at nasa
Pacific Ring of Fire ang Pilipinas na makapinsala sa planta.
Solusyon naman talaga sa problemang enerhiya ang
nulcear plant sa bansa subalit
malaki rin ang peligro kung
ipagpapatuloy ito sa bansa.
Kakulangan sa pasilidad, pondo, at seguridad ng mga
Pilipino ang nararapat na isipin ng pamahalaan bago ito ipatupad.
mga mata ang maaaring diwa’t sagisag ng kaniyang kinabukasan?
Tulad ng ibang mga mag-aaral, makikita rin sa mga pahayag ni Dr. Yurchikin na ang paniniwala tungo sa edukasyon at pagkagutom sa kaalaman ay ang daan tungo sa kinabukasan.
Ika nga ng naging
panauhin, “Sa paniniwala at pagiging bukas sa kaalaman ng mga mag-aaral nagsisimula at nahuhubog ang kinabukasan.” At nang sa ganon ay naisasakatuparan at nahuhubog lamang din ang ganitong kaisipan kung ito’y bibigyang suporta at pagkilala ng mga taong may kakayanan at waring kaalaman.
Kasama ni Dr. Yurchikin ang iba pang mga delegado mula sa Department for External Economic and International Relations of Moscow. Sa programa ay nabigyang kasagutan ni Dr. Fyodorin Yurchikin ang ilan sa mga umiikot at umiiral na katanungan mula sa mga Senior High School Students bilang paghahanda para sa tatahaking daan sa kolehiyo. Ito ay naging matagumpay at naisakatuparan sa pamumuno ng Philippine Space Agency (PhilSA) kasama ng DepEd Quezon City Division Office, Quezon City Science High School Senior High School Faculty, Science and Research Department.
Kumakailan lang ipinalabas ng Netflix ang bagong pelikula na “Don’t Look Up”. Sa nasabing pelikula, nadiskubre ng mga astronomer na sina Dr. Randall Mindy at Kate Diabisky ang kometang aabot sa 10 kilometro ang haba na tatama sa mundo sa loob lamang ng anim na buwan.
Nakabase ito sa totoong kometa na C/2020 F3 o mas kilala bilang “NEOWISE” na mga malalaking bola ng yelo na may tipak ng frozen gases, bato at iba pang materyal sa loob. Ito ay hindi nakikita dahil hindi nagpo-produce ng enerhiya at ilaw subalit nagiging visible ito kapag papalapit sa araw.
Nakitang ang mga lider ng mundo ay nakatuon lamang sa kanilang mga personal na interes kaysa ang kapakanan ng marami. Halimbawa na lamang si President Orlean na mas inisip ang mga materyal na
makukuha sa kometa imbes na mag-isip ng paraan kung paano maliligtas ang mundo sa pagtama nito.
Nakikita rin natin kung paano iniisip ng ilang tao na hindi mahalaga ang pagbabago ng klima dahil hindi nila nakikita kung paano ito nakakaapekto sa kanila ngayon. Hindi nila pinansin ang mga pag-aaral na ginawa ng mga bida kundi ginawa pa silang katawatawa. Ngunit kung hindi natin aalagaan ang mundo, maaari pang lumala ang problema ng mundo.
Sinasabi sa atin ng pelikulang “Don’t Look Up” na kailangan nating gumawa ng isang bagay para mapaganda ang mundo at malunasan ang mga hamon nito. Nasa atin na ang ayusin ang mga problema at siguraduhing ligtas ang mga tao. Dapat tayong magkaisa upang maisulong ang mga hakbang na magpapabuti sa kalagayan ng mundo at ang kaligtasan ng sangkatauhan.
BNPP Panulat | JB Flores Dibuho| JB Flores Larawan | Sarah GatesAyon sa World Economic Forum noong 2023, ang mircroplastic ay naging malaking problema na sa buong mundo. Nakaaapekto na ito sa kalikasan, mga hayop, at kalusugan ng mga tao matapos itong makain, mainom, at malanghap.
Source | World Economic Forum
SCIENTIAN ACHIEVEMENT
“Sa Quezon City Science
High School pala ‘yan nagaaral, magaling siguro sa asignaturang Robotics at Research!”
Katagang maaaring madalas mong naririnig na ekspektasyon ng nakararami.
Napatunayan ito ng mga Scientians nang masungkit ng QCSHS ang mga prestihiyosong mga parangal sa katatapos na 12th First
Lego League Philippines 2023 na ginanap sa SM
North Edsa noong ika-10 at 11 ng Pebrero, 2023. Nakamit ng mga scientians na sina
Helloize Dawn B. Entrampas, Joshua Uriel P. Quirante, at Arthur Leonard M. Suyat na mula 10-Linnaeus; Gaebriel
D. Sobremonte at Jumhea
S. Villa mula 10-Fleming at Darwin ang ikalawang pwesto, Best Robot
Performance Award at Best Robot Design Award, sa pamumuno ni G. Earl Francis C. Merilles, Master Teacher II sa asignaturang Science. Sa kabilang banda, binigyang pansin naman ang mundo ng Research at ang mga mahuhusay na estudyanteng mananaliksik na nag-uwi ng Unang gantimpala sa Novus Case Competition: STEM
Category 2023, na ginanap sa De La Salle Rufino
Campus noong ika-18 ng
Pebrero, 2023. Narito ang grupo nina
Jadriel Mirah C. Tadaya, Bryle Andrew L. Galindo, Bienvenido III L. Mendoza, at Micah Althea M. Magalong upang irepresenta ang kanilang proyektong
“A CASE STUDY ON THE INTEGRATION OF ICT
QCSHS-SSG PROJECT
Sapagkat mas kalidad ang edukasyon kung ang mga mag-aaral ay nasa maayos na sitwasyon.
Tuluyan nang
binuksan ng Quezon City
Science High SchoolStudent Supreme Government (QCSHS-SSG) ang YAKAP: A Scientian’s Avenue upang bigyang tulong ang mga mag-aaral ng paaralan ukol sa kanilang problema sa pag-aaral.
Inilunsad ng QCSHSSSG ang YAKAP bilang isa sa kanilang mga proyekto para sa kaayusan at kalusugan ng mga kapwa
mag-aaral. Ang YAKAP: A Scientian’s Avenue ay isang platraporma upang maihatid kaagad sa mga concerned teachers, personnel, at school administration ang mga hinaing ng mga estudyante.
Sa proyektong YAKAP, gumagawa ng mga sulat ukol sa reklamo ng mga estudyante ang QCSHSSSG. Ilan lamang sa mga paksa na kanilang natalakay na ay ang mga akademikong problema, pasilidad, at ang mentalidad ng mga estudyante.
Sa patuloy na pag-usad ng taong 2023, ang panahon ay inaasahan din sa patuloy nitong pag-init. Ito ay dulot ng pormal na pagsisimula ng panahon ng tagtuyot sa pagkawala ng Hanging Amihan (Northeast Monsoon) sa direksyon nito patungo sa bansa.
Sa pahiwatig na ito, dapat paalalahanan ang bawat mamamayan na maging mapanuri at maingat sa kanilang mga gawain sapagkat matindi ang inaasahang aakyatin ng mga temperatura sa bansa ngayong tag-init. Ang matinding init ang kadalasang nagiging dulot at panimula ng mga sakit at pinsala sa ating kalusugan. Kasama na sa mga maaaring maidulot nito ay ang mga heat cramps, heat exhaustion, sunburn, rashes, at ang nakamamatay na heatstroke.
Sa mga nabanggit, tila ang heatstroke ay isa
sa mga pinakadelikadong karamdamang maaaring maranasan ng tao dulot ng matinding init.
INTO ENVIRONMENTAL AND INFRASTRACTURAL MANAGEMENT USING
REMSEA: Removal of Microplastics in Seawater using Magnetic Carbon Nanotube-Embedded Robot” na naghatid sa kanila tungo sa pagkapanalo, sa pamumuno nina Bb. Geneive C Vasquez, Bb. Julie B. Macasieb, at G. Earl Francis C. Merilles.
Nangyayari ang heatstroke dahil sa kawalan ng abilididad ng katawan na makontrol ang sarili nitong temperatura.
Sa pamamagitan ng pagpapawis, nababantayan at nakokontrol ng katawan ang sarili nito sa panahon ng tag-init. Ngunit, sa panahon na ito ay mawalan ng kakayahan, ang mekanismo ng pagpapawis ay nawawalang bisa na nagiging dahilan upang ang
katawan ay labis na uminit.
Sa panahon na ito ay mangyari, maaaring tumaas ang temperatura ng katawan sa 41 °C sa loob ng 10 hanggang 15 minuto na maaaring magdulot ng maraming implikasyon sa katawan.
Dulot ng mga ito, mahalagang maging mapanuri ang mga tao sa mga kadalasang sintomas o pananda ng sakit na ito. Kasama na rito ang pagkalito, hirap sa pananalita, matinding pagpapawis, seizures, at ang biglaang pagkawala ng malay.
Panulat | JB Flores HEAT STROKE Panulat | Bienvenido Mendoza III Dibuho | JB Flores Larawan| QCSHS-SSG Panulat | Andry Dechavez & Fatima San JoseSa isang maalab na labanan ng volleyball, hinarap ng kasalukuyang kuponan ng mga manlalaro ng Kisay Soaring Griffins ang mga dating manlalaro — alumni — sa isang pagtutuos na inialay sa kanilang mga tagumpay at karanasan sa larangan ng volleyball. Ngunit, hindi ito basta lamang isang laro, ‘pagkat hindi simpleng labanan ng mga mag-aaral ang kanilang kakaharapin kundi pati na rin ang mga nakatatandang
Taekwondo
manlalaro na sa kanilang kabataa’y nagdala ng karangalan sa paaralan sa larangan ng paglalaro ng volleyball.
Matapos ang ilang mga rally at ang pagkakabuhol-buhol ng laro, hindi nagtagal at nasungkit ng mga alumni ang unang set. Hindi nagpatalo ang Soaring Griffins at nagpatuloy sila sa kanilang mga laban, ngunit hindi nila kayang matagumpayan sa karanasan aang mga alumni. Matapos ang ilang
Panulat | Dain Dela Cruz
Sa bawat sulok ng eskwelahang ito, makikilala ang iba’t-ibang kabataang may natatanging galing at husay sa iba’t ibang larangan. Mula sa pagtuklas sa Agham at Teknolohiya, pagtatalas ng utak sa Matematika, hanggang sa pagpapalakas ng kanilang mga kaisipan at katawan sa pamamagitan ng Taekwondo.
Isang makapangyarihang sining ng pagtatanggol at disiplina, ang Taekwondo ay hindi bastabasta na laro. Mula sa mga makapangyarihang mga sipa at suntok, mga intrikadong taktika, at paggamit ng kahusayan at diskarte, nakamit ng mga manlalaro sa Taekwondo ng Quezon City Science High School ang iba’t ibang parangal at karangalang nagpatunay ng kanilang pagsisikap at kahusayan.
Tulad na lamang ni Julian Ernest Mercado. Sa kanyang mga mabilis na galaw at matapang na mga sipa, pinatunayan niya ang kanyang husay bilang isang atleta ng Taekwondo. Kamakailan lamang, nasungkit niya ang tanso sa DepEd-NCR Palaro 2023, kung saan kinatawan niya ang Quezon City. Ang kanyang mga tagumpay
ay nagbigay ng inspirasyon sa mga kapwa mag-aaral na patuloy na mangarap at magsumikap upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
‘Di rin nagpatalo sa lakas at galing sina Chester Emmanuel at Juan Miguel Osido, na nakipaglaban sa 2023 Quezon City Taekwondo Championships nang maiuwi ni Chester Emmanuel ang Bronze Medal sa Kyurogi at naisungkit naman ni Juan Miguel Osido ang gintong medalya sa Sparring/ Kyurogi.
Ang QCSHS ay hindi lamang tagapagtanggol ng kaalaman, ngunit tagapagtanggol din ng disiplina at kagitingan sa larong Taekwondo. Ang mga manlalarong ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagsisikap, pagtitiyaga, at dedikasyon, malalampasan ng kabataang Pilipino ang anumang hamon na kanilang harapin.
Sa mga kamay at paa ng mga manlalarong ito, nabubuhay ang diwa ng tradisyon at kagitingan. Ipinapakita nila sa bawat laban ang hindi matatawarang tapang at galing na kinakailangan upang maging kampeon.
maalab na set, natapos ang laro sa 25-12, 25-10, 25-10.
Sa kabila ng pagkatalo ng Soaring Griffins, ikinatuwa ng ilang manlalaro nito ang pakikipaglaban sa kanilang mga senior.
“Syempre, it feels nostalgic na makasama ulit sila sa loob ng court, and it also made me feel na sobrang fulfilled kasi napakita ko sa kanila kung ano ‘yung growth ko mula nung nakita nila ‘ko last time and ngayon na nakita nila
akong grumaduate na sila and ako, papunta pa lang sa yapak nila,” ani James Carlos, kasalukuyang team captain ng Soaring Griffins. Hindi lamang tungkol sa tagumpay ng alumni ang labang ito, ngunit sa pagkakataon ng Soaring Griffins na mapakita ang kanilang kakayahan sa harap ng mga dating kampeon. Sa kabila ng kanilang kabiguan, nanatiling magalak at masigla ang mga manlalaro ng kasalukuyang koponan.
Panulat | Erica Mundo
Bumabangon nang muli ang mga atletang namanhid na ang mga braso’t biyás dulot ng pandemya. Kasabay ng pagbubukas ng mga paaralan para sa face-to-face classes, ang muli namang pag-iingay ng mga basketball courts, mula sa mga paliga tuwing pista, at sa mga torneyo sa eskwela.
Isa ito sa mga ikinagagalak ng mga atletang-estudyante ng QCSHS dahil sa muling pagbabalik ng mga kuponan matapos ang sunodsunod na lockdowns na dala ng COVID-19 sa bansa.
“Sa kabutihang palad, ang Kisay Soaring Griffins ay naging aktibo magmula noong
nagsimula ang F2F classes. Malaki ang aming pasasalamat sa SSG dahil sa kanilang inisyatiba na buksang muli ang club recruitments,” ani James Carlos, ang Captain ball ng Men’s Volleyball Team.
Hindi naman bababa sa 100 ang bilang ng mga manlalaro sa Kisay. Kasabay ng mabibigat na pang-akademikong gawain ay naglalaan sila ng oras upang makapagensayo para sa mga kaganapan ng kaniya-kaniyang mga varsity teams.
“I’m really happy and thankful na nabalik na yung mga sports club kasi halos 2 years din na online classes…
mayroon nang other activities na paglilibangan mga estudyante aside of focusing solely on their studies.” Sambit naman ng Kisay Football Team Captain na si Miggy Aquino.
Liwanag. ‘Yan ang ang salitang naglalarawan sa muling pagbabalik ng mga sports club ng Kisay. Nagkaroon ng panibagong daan para sa mga atleta na maipakita ang kanilang mga kakayahan at talento sa iba’t ibang laro. Hiling lamang nila ay mas makatanggap ng suporta galing sa inaasahang mga panauhin upang mas maipamalas ang ningning na dala ng bawat manlalaro.
Panulat | Dain Dela Cruz LARAWAN | Sarah Gates Volleyball QCSHS VarsitiesIsiniwalat ni world’s no.3 pole vaulter EJ Obiena ang dahilan ng pagliban nito sa Asian Indoor Championships sa Kazakhstan noong ika-8 ng Pebrero.
Dalawa ang ani niyang dahilan; walang kakayahang dalhin ang mga kagamitan niya para sa patimpalak at; problema sa pondo na naging dahilan sa pagbanta sa pagliban ng mga kasamahan niya.
Ting! Klang!
Kumusta mga kakalye?
Ako ‘to si Buboy. Mukhang nagtataka kayo kung bakit may paslit sa harapan ninyo. Magmula ngayon, isa-isa nating aalalahanin ang mga larong kalye. Sa araw na ‘to, ituturo ko sa inyo ang larong tinuro sa’kin ni Papa, maglalaro tayo ng tumbang-preso.
Binubuo ng lima
hanggang sampung tao ang tumbang-preso. Sabi ni Papa, tsinelas bilang “pamato” at lata ang ginagamit nila sa larong ‘to. Nagmamaiba-taya sila para malaman kung sino taya. Hindi raw dapat lalayo sa limang metro ang distansiya ng taya sa mga manlalaro.
Para simulan, isa-isang
ihahagis ng mga manlalaro ang kanilang mga pamato upang tamaan ang lata. Pwede silang habulin habang sinusubukang nilang kuhanin ang sarisariling tsinelas.
Lagi rin pinapaalala sa ’kin ni Papa tuwing ako ang taya na pwede ko raw tapakan ang tsinelas na pinakamalapit sa’kin at ang lata nang sabay, para
maitaya ang may-ari ng tsinelas na iyon.
Sobrang saya alalahanin ang mga tradisyunal na laro ng ating bansa.
Kaso, nakalulungkot na hindi ko na masyadong nalalaro ang mga ‘to. Pero ngayong alam niyo na ang tumbang-preso, pwede na tayong maglaro, ‘no?
Yehey!
Itinanghal na kampeonato ang
Creamline Cool Smashers matapos matapos pulbusin ang kalabang Petro Gazz Angels sa nagdaang Finals ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference noong ika-30 ng Marso sa Mall of Asia Arena.
Nangibabaw ang itinanghal na Finals MVP na si Jia De Guzman matapos nito magpaulan ng mga puntos upang maipanalo ang apat na sets sa mga puntos na 20-25, 25-20, 25-18, 25-15.
“We missed the finals last year, pero nakabawi tayo this year,” Ani ni MVP Jia De Guzman na siya ring Team Captain ng Creamline. Ipinahayag niya ang kaniyang
pagpapasalamat sa mga fans na sumuporta kahit wala ang isa sa top hitters ng koponan na si Alyssa Valdez.
Nilipad man ng Petro Gazz ang unang set ng laban, nakabawi pa rin ang Creamline sa mga sumunod na sets. Sinimulan ng Creamline ang fourth set sa pamamagitan ng tatlong magkakasunod na service na ibinato ni Outside Hitter Jema Galanza, 4-0.
Matapos magtambak ng apat na puntos, tumawag ng time-out ang Petro Gazz coach na si Coach Oliver Almadro upang mailipat ang momentum sa kaniyang team. Sinubukan mang kumamada ng
Petro Gazz, napanatili pa rin ng Cool Smashers ang kanilang fourpoint lead hanggang matapos ang First Technical Timeout. w
Sinelyuhan ng Creamline ang Finals - Game 3 sa harap ng 12,175 na manonood matapos ang mabangis na set na inihanda ni De Guzman para sa full-force hit ni Galanza na siyang tumapos sa laban.
Ito na ang ika-anim na pagkakampyon ng Creamline sa PVL sa loob ng walong taon. Ang mga manlalaro ng CCS ay inaasahang lilipad patungong Cambodia upang irepresenta ang Pilipinas sa 32nd South East Asian Games ngayong Mayo.
Makatwiran ang dahilang problema sa transportasyon, ngunit wari ay masakit na sa tainga ang marinig na hanggang ngayon ay may tinik pa ring hindi matanggal sa usaping pondo sa pampalakasan at nakakapagpabagabag na ilang taon na itong walang solusyon.
Matatandaang kahiyahiyang pinabayaan ng Philippine Sports Commission (PSC) kasama ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) nitong Disyembre 2021 ang 27 taong gulang nang hindi siya makatanggap ng pondo mula sa mga nasabing sangay ng gobyerno.
Dahil dito, si coach Vitaliy Petrov, coach ni Obiena, ang sumagot sa pagpapagamot ng kaniyang ‘knee injury’ na natamo niya mismo habang nag-eensayo upang kumatawan sa Pilipinas sa nalalapit na Innit Indoor Meeting.
Matagal nang iniinda ng mga kumakatawang Pilipinong atleta ang walang katapusang siklo ng pag-asa sa wala.
Kawalan ng paninindigan sa responsibilidad at kakulangan sa suporta ang dahilan ng isa-isang paglisan ng mga atleta sa sinag ng liwanag ng kanilang mga palaruan.
Kung sana’y subukang tumayo ng mga nakaupo, at matanaw ang tunay na kalagayan ng mga atletang gaya ni Obiena.
Panulat | Yvo AsisHingang malalim. Tinatansya kung paano sisisirin ang kalawakan ng bughaw. Nakahalang na umibabaw ang katawan sa pagtalon sa kalaliman. Walang humpay ang paghampas ng braso sabay sa ritmo ng pagpadyak ng mga paa, papalapit nang papalapit sa hangganan ng kwadradong tanghalan. Nang makawala ang ulo sa yakap ng tubig ay tsaka hahabulin ang hangin makahagip lang ng isa. Nang sapat na, tsaka pataas na kukurba ang mga labi sa tantong isang karangalan na naman ang nakubra. Hindi lang para sa sarili, kundi para sa kaniyang pamilya.
Papunta nang dekada. Humigit kalahati na ng buhay niya lumalangoy si Ciann Lee Bonus, estudyante ng Quezon City Science High School, mula sa ika-11 na baitang ng Einstein. Taong 2014, pinayuhan si Ciann ng kaniyang ina na lumangoy upang mas maging mabuti ang kalusugan. Isang taon na sa larangan ang bata nang mapalapit na sa puso ang paglalangoy. Doon, napagpasiyahan niyang simulan ang pag-umapaw sa palakasan at sisirin ang mundo ng isports.
Dalawang daan, apat na daan, at walong daan. Sa haba ng mga metrong kaniyang nilalangoy ay mahaba rin ang iginugugol ni Ciann sa pagsasanay ng kaniyang kakayahan.
Kung gaano katagal ang binabad ng dalaga sa tubig ay siya ring tuluyang pagdami ng sinasalansan niyang parangal kabilang ng katatapos lamang na NCR Swim Series League 1 kung saan
nakasungkit siya ng isang ginto at dalawang tanso.
Tulad ng karaniwang daloy ng buhay, may mga pagkakataon na sa isang iglap ay nagbabago ang ikot ng mundo. Sa loob ng ilang taon na kaakibat niya na sa buhay ang paglangoy, sa hindi inaasahang pagkakataon ay ikinulong ng pandemya ang nakagawian niyang ito. Ngunit nagpursige ang scientian swimmer na mag-ensayo pa rin upang hindi mapurol ang matagal na niyang hinahasang kakayahan.
Kaso, sa isa muling hindi inaasahang pagkakataon, parang kisapmata, mistulang pinagbagsakan ng langit at lupa si Ciann. Ika-15 ng Mayo, habang nag-eensayo, sa saktong pagsisid niya ay hindi inaasahang tumama ang labing pitong gulang sa sahig ng palanguyan. Nagtamo ang dalagita ng C1 fracture, isang major injury sa bandang leeg at likod. Dahil do’n, hindi muna nakalangoy si Ciann ng tatlong buwan.
“Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin yung exact moment ng injury ko and how the injury could've ended badly na kung saan baka instead na neck brace ang bagsak ko, pina-surgery ako, or nawalan na ako ng malay sa mga parts ng katawan ko, or worse nawalan ako ng buhay,” sambit niya.
Gagawin niya ang lahat para sa sarili, sa layunin, at sa pamilya. Walang makakapigil sa kaniya para abutin ang mga para rito. Nang maghilom na ang sugat na dinanas sa ilang buwan ng pagtitiis, hindi pinalampas ni Ciann ang taong 2022 nang walang nalilikom na medalya kaya agad siyang
umarangkada. Tinuldukan niya ang taon nang may isang pilak, isang fourth, at isang fifth place.
Iba’t-iba man ang experience ng bawat isang atleta pero at the end of the day we still strive to do our best in our sport and in life for us to achieve what we want,
mensahe ni Ciann para sa mga kapuwa estudyanteng atleta.
Narito man sa dulo ng pisina, ngunit hindi pa ito ang hanganan ng daloy ng buhay ni Ciann. Mayroon pang mas mahabang ilog, mas maalat na dagat, mas matarik na talon, at mas malawak na karagatan na naghihintay sa hinaharap.