2 minute read

Pagsubok sa Pag-aaral | Ang Wakas ng Problema, Isang Bagong Pag-asa

Nagsimula na ang bagong panuruan sa mga pampublikong paaralan sa bansa, kabilang na ang Mataas na Paaralang Pangagham ng Lungsod Quezon (QCSHS), nitong Setyembre 13, 2021.

Advertisement

Pagkabukas ng bagong taong panuruang 2021-2022, iba’t ibang balakid sa ngayong blended learning ang bumungad sa mga estudyante ng nasabing paaralan.

Ayon sa isang Online Learning Survey na isinagawa noong ika-apat ng Marso, 2021, umabot sa 55.8% ng mga estudyante ng (QCSHS) ang nakaramdam na walang academic ease sa taong panuruang 2020- 2021, kung saan nagsimula ang new normal.

Nakakalap ang nasabing sarbey ng 349 na tugon mula sa nasabing paaralan, 21.8% dito ay mula sa ika-pitong baitang (76 na tugon); 8.9% ay mula sa ikawalong baitang (31 na tugon); 30.1% ay mula sa ika-siyam na baitang (105 na tugon); 8.9% ay mula sa ika-sampung baitang (31 na tugon); 25.8% ay mula sa ikalabing-isang baitang (90 na tugon); at 4.3% ay nagmula sa ikalabingdalawang baitang (15 na tugon).

Ayon kay Christine Tan, estudyante ng nasabing paaralan, naging mahirap sa kanya ang pag-aaral dahil hindi naging handa ang mga estudyante sa mga pabiglang pagbabago sa paraan ng pagkatuto.

KOMPROMISADONG SOLUSYON, GALING SA MGA LOKAL

Sinabi ni Regina Sibal, lead convenor ng education advocacy group na Aral Pilipinas, na, bukod sa mabagal na pagtugon, ang top-down approach ng gobyerno sa paggawa ng patakaran ay isa pang hadlang sa muling pagbubukas ng mga paaralan. Sinabi niya na ang gobyerno ay hindi dapat nagpapatupad ng “blanket rule” sa buong bansa.

Batay sa pahayag ng ni Gng. Remedios Danao, pinili ng Regional Office ang nasabing paaralan at matapos nito ay napasailalim sa isang re-assessment ng DepEd National Capital Region (DepEd-NCR) para mas mapatunayan ang kakayahan at istruktura ng paaralan na magsagawa ng face-to-face classes.

Naunang magkaroon ng pilot faceto-face classes ang mga estudyante ng QCSHS sa ika-11 at ika-12 baitang noong Disyembre 2021.

Matapos ang ilang buwan, ay nagkaroon na ng pilot testing para sa face-to-face classes.

This article is from: