Isyu 10 | Setyembre 2020 Katotohanan at karapatan para sa makataong kinabukasan
BAwal sumuko (3)
Hanap ‘Buhay’ sa Krisis at Kawalan (4)
Pag-asa ng Bawat Pamilya “Mabigo man tayong maranasan ang kalinga at malasakit ng gobyerno, panghuhugutan natin ang tibay ng pakikipagkapwa at malasakit sa isa’t isa. Hindi maikakahon at maigagapos ang tunay na lakas ng taumbayan—ang nagkakaisa nating boses at pagkilos para sa buhay na may dignidad sa gitna man ng pandemya.” (Itutuloy sa Pahina 2)
KALayaan maging kritikal (6)
IPASA PAGKABASA
2
ED ITORYA L
BALITA
“Bawal Sumuko” – Guro sa Gitna ng Pandemya
Pag-asa ng Bawat Pamilya STAY AT HOME—isang mabigat na imposisyong ipinataw sa ating lahat, ngunit naging mahalagang tungkulin at kontribusyon rin ng bawat mamamayan ang pagsunod dito upang maagapan ang pandemya. Higit anim na buwan na tayong sumunod sa iba’t ibang klaseng quarantine. Pero hindi ito magiging sapat lalo kung wala ring malinaw at epektibong stratehiya ang pamahalaan kung paano susugpuin ang COVID-19 sa bansa. Dahil hanggang ngayon, nangangapa pa rin tayo sa malabo, mahina at manhid na plano ng pamahalaan. Ikinahon na lamang ang bawat pamilyang Pilipino sa kanilang mga tahanan kung saan gutom, pangamba at kawalang kapanatagan ang humalili sa kanila. Bagamat mas naging maluwag na sa ngayon ang community quarantine, hindi pa rin naman nalutas ang problema—patuloy na pagtaas ng positibong kaso ng virus. Hindi rin natugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino: proteksyon at ayuda. Halos doble ang itinaas ng bilang ng mga pamilyang nagugutom ayon sa sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Mayo. Aabot ito sa 4.2 milyong pamilya, kumpara sa 2 milyong naitala noong Disyembre 2019.
Ayon sa ahensya, tinatayang nasa 27.3 milyong Pilipino naman ang mga manggagawang walang trabaho, triple ang itinaas nito kumpara sa 7.9 milyong naitala noong Disyembre. Kasabay nito ang pagsasara ng 26 porsyento ng mga negosyo at ilang daang libong manggagawa ang nawalan pa ng hanapbuhay. Kabilang sa lubhang naapektuhan ang sektor ng pampublikong transportasyon kung saan ilang daang libong tsuper ang naantala ang pasada.
Kung walang maihatid na pagkain sa tahanan, paano na lang ang kalusugan ng bawat pamilya? Dahil walang sapat na kita, nag-aalala rin ang mga magulang kung paano tutugunan ang requirements sa online o blended learning sa pagbabalik eskwela. Ayon sa Department of Education (DepEd), tinatayang nasa 4 milyong mag-aaral ang magiging out of school youth dahil sa pandemya. Aminado rin ang kagawaran na karamihan pa rin sa mahigit 23 milyong enrollees at 500,000
na guro ay walang access sa maayos na internet connection o gadgets. Kaya hindi pa rin masisiguro na magiging angkop, kalidad, abot-kaya at epektibo ang paraang ito para sa lahat. Giit ng Pangulong Rodrigo Duterte, ang pinsalang ito ay hindi maiiwasang bunga ng pandemya. Kaya tila lalong naging “relaxed” ang Administrasyon at imbis na magmadaling umaksyon, mas nakampante itong umasa nalang sa bakuna bilang solusyon. Inamin na rin mismo ng Presidente na wala siyang kakayahang pamunuan ang krisis na ito. Kaya naman mas naging abala pa ang gobyerno sa ibang isyu sa gitna ng malalang kalagayan ng bansa: anomalya sa halos 15 bilyong korapsyon ng mga opisyal sa Philhealth; paggawad ng absolute pardon sa suspek na US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton; paggastos ng higit 400 milyon para sa Manila Bay White Sand Project; pagtanggal ng prangkisa sa pinakamalaking broadcast media na ABS-CBN; at sunud-sunod na extrajudicial killings kabilang ang pagkitil sa human rights advocates na sina Ka Randy Echanis at Zara Alvarez. Ang pamamalakad ng gobyerno ay salungat sa tungkulin na dapat sana’y ginagampanan nila. Kung walang maihatid na pagkain sa tahanan, paano na lang ang
3
Kristine Rebote
kalusugan ng bawat pamilya? Kung walang kita, paano matutugunan ang pangangailangan ng mga anak sa eskwela? Saan kukuha ng lakas ng loob ang mga kabataan kung puro bigat ang nasasaksihan sa tahanan? Responsibilidad ng pamahalaan na masiguro ang kaligtasan at buhay na may dignidad sa taumbayan. Dapat ay maghatid sila ng pangmatagalan at epektibong aksyon para matamasa pa rin ang mga karapatan kahit na humaharap tayo sa panahon ng sakuna. Mabigo man tayong maranasan ang kalinga at malasakit ng gobyerno, panghuhugutan natin ng tibay ang pakikipagkapwa at malasakit sa isa’t-isa. Sa unibersal nating danas, magiging kabuklod tayo laban sa pagsubok at magtutulungan sa paniningil sa ating mga karapatan. Tayo mismo ang magiging pag-asa natin—maninindigan at maniningil nang dapat na para sa atin. Magtutulungan at iaangat ang isa’t-isa. Hindi maikakahon at maigagapos ang tunay na lakas ng taumbayan—ang nagkakaisa nating boses at pagkilos para sa buhay na may dignidad. Tayo rin ang magkabalikat hanggang makamit ang ginhawa sa huli.
Program Manager for Media and Communications: Mikhaela Dimpas • Editor-in-Chief: Dada Grifon Layout Director: Kel Almazan • Cartoonists: Mariannel Crisostomo, Bladimer Usi Infographics: Soleil Vinoya, Mitzi Sumilang, Trina Baclayo • Research: Atty. Dupsy Rillo Writers: Bea Del Rio, Kristine Rebote, Mitzi Sumilang, Jeyra Morallo, Trina Baclayo, Gianna Catolico
Ang Dignidad tabloid ay inilimbag ng IDEALS, Inc. mula 2018 upang ibahagi ang mahahalagang balita at kwento sa ating lipunan. Layunin nitong mulatin at palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng katotohanan at kaalaman ukol sa karapatang pantao.
NAKASANAYAN na ng gurong si Orlyza Rosales, 43, ang pagpupuyat simula nang mag-lockdown. Bukod sa dami ng gawain, sa madaling araw lamang may mabilis na signal ang kanyang mobile data na gagamitin sa trabaho. Bukod sa kakapusan ng allowance para sa internet, nanghihiram lang rin ng laptop si Orlyza para magampanan ang tungkulin bilang isang public school teacher. Mahigit 250 na estudyante ang kanyang tuturuan sa darating na pasukan sa Oktubre 5. Karamihan daw sa mga ito, katulad niya, hindi pa rin handa para sa pagbabalik -eskwela. “Noong normal na may klase nga, hirap sila sa baon nila, hirap sila sa pagbili ng mga requirements nila. Paano pa ngayon na ganito na mas mahirap ang buhay?” ani Orlyza. Distance o blended learning ang paiiralin ng pamahalaan sa pasukan. Saklaw dito ang paggamit ng computer, laptop, smartphone, pati na rin ang radyo at telebisyon.
Dahil sa kakulangan ng resources, mas pinipili pa ring pumasok ni Orlyza sa paaralan. Bagamat mapanganib, mas kumpleto raw ang mga gamit na kailangan niya tulad ng internet.
Sa bansa na kung saan 45% ng mga mamamayan ay walang akses sa internet, hindi matitiyak kung angkop, epektibo at abotkaya ang bagong moda ng edukasyon ngayong may pandemya. Katulad na lamang ni Maxine, Grade 11 sa pasukan, nagpasyang humanap ng pagkakakitaan para lamang makapaghanda sa mga kakailanganin sa online classes.
Dada Grifon
“Imbes na pag-aaral lang ‘yung iniintindi mo, iniisip mo rin kung paano mag-a-adjust sa situation,” ani Maxine. Nananawagan naman si Orlyza sa pamahalaan na siguruhin ang kaligtasan nilang mga guro para makapagtuloy sa kanilang propesyon. “Natatakot po kami sa totoo lang. Wala silang rapid test for
“Kapit-bahay, kapit-buhay”
Magkatuwang si Fr. Ponpon Vasquez at Fr. Rey Amancio sa pagtugon sa pangangailan ng komunidad sa kanilang parokya. Oblates of Mary Immaculate
MALASAKIT SA KAPWA—ang pinaiiral sa proyektong kapit-buhay, kapit-bahay sa parokya ng Our Lady of Grace Parish (SOLGP) sa lungsod ng Kalookan. “Ito ang tunay na diwa ng pagiging tao at pagiging Kristiyano. Sa panahon ng pandemya, kailangan nating magkaisa sa pagtutulungan. Pantay-pantay ang ating dignidad bilang nilikha ng Diyos. Ito ay dapat nating pangalagaan,” ani Fr. Ponpon Vasquez ng parokya. Simula nang ipatupad ang lockdown, nagtatag ng Crisis Management Response Team o CMRT ang kanilang simbahan
teachers, walang swabbing for teachers, tapos wala kaming hazard pay,” ani Orlyza. Nito lamang Agosto, ipinahayag ng DepEd na wala itong pondong ilalaan para sa mga guro na matatamaan ng coronavirus. Sa kasalukuyan, mahigit 800 na ang naitalang nag-positibo sa hanay ng kagawaran, kasama ang mga guro at estudyante. Sa kabila nito, nananatiling matatag si Orlyza at hangad niyang magbigay pa rin ng pagasa sa mga mag-aaral niya. “Ang tungkulin ng guro, lalo na sa panahon ng pandemya, ay ‘wag niyang susukuan ‘yung mga estudyante niya. Kung bibitawan pa namin sila, ano na lang mangyayari sa kanila? So bawal sumuko, lalo na sa ganitong sitwasyon kasi kailangan ng mga bata ng panghuhugutan nila ng lakas ng loob para magtuloy.”
Bea del Rio upang tugunan ang pangangailangan ng komunidad. Mahigit 40,000 na indibidwal mula sa 26 na barangay na nasasakupan ng parokya ang nakatanggap ng relief goods at cash assistance. Kinalinga rin ng Simbahan ang mga taong nasa lansangan na wala talagang tahanang masilungan at hindi makakayang sumunod sa “curfew at stay home order” na pinatutupad ng pamahalaan. “Madaling sabihing walang disiplina ang mga di sumusunod sa ‘stay home order ng gobyerno’. Subalit di natin maikakaila na ang
malalim na dahilan bakit marami pa din ang lumalabas ng bahay ay ang kakulangan sa pagkain ng mga taong isang kahig, isang tuka. Kailangan nilang lumabas upang maghanap-buhay at makakain,” dagdag pa niya. Sa kabila ng panganib, sila Fr. Vasquez ay nagpapatuloy sa bokasyon at serbisyo. “Habang nagpapatuloy ang inhustisya, habang marami ang mga nagugutom at walang matirahan sa panahong ito ng pandemya, ako bilang pari ay patuloy na lalabas sa aking tirahan upang maglingkod. Ako ay tinawag ng Diyos para tumugon sa ganitong mga gawain.”
4
L ATHA L AIN
Hanap ‘Buhay’ sa Krisis at Kawalan Mitzi Sumilang
“HINDI kami mamamatay sa Covid-19, mamamatay kami sa gutom.” Ito ang kolektibong pahayag ng marami sa mga manggagawang Pilipino na lubhang naapektuhan nang ipinatupad na lockdown sa bansa bunsod ng pandemya. Kasama ang 70-anyos na tsuper ng jeep na si Federico Geronimo sa mga napilitan nang mamalimos dahil sa hirap ng buhay dulot ng ilang buwang tigil pasada. “Talagang sa mahigpit na pangangailangan ay hindi kami natatakot [sa Covid 19 virus], mabuhay lang ang pamilya namin,” ani Federico na 50 taon nang namamasada ng jeep. Sakay ang bisikleta, binabaybay ni Federico ang halos 6 na kilometrong kalsada mula Tandang Sora para lang mamalimos sa Veterans. Ito nalang raw ang paraan para mairaos ang gastusin dahil wala rin siyang ibang mahanap na alternatibong kabuhayan. Hindi man sapat ang nauuwi mula sa limos, mabuti na rin daw ito kaysa sa wala, lalo pa’t kailangan rin niya ng pambili ng gamot para sa misis niyang may sakit na diabetes. “Yung ibabayad sa kuryente, ikakain na lang namin. Ngayon naputulan na ako ng kuryente eh. Pinangbibili ko na lang ng gamot. Sa maghapon pinagtitiyagaan namin ang kamote, inilalaga ko o kaya talbos ng kamote, binabanliaan ko,” dagdag niya. Sa sektor pa lamang ng transportasyon, nagdarahop na ang mga manggagawang nawalan ng pang-araw-araw na kabuhayan. Sa ulat ng PISTON, tinatayang apektado ang higit 500,000
na tsuper at mga operators sa buong kalakhang Maynila at kalapit na lugar. TULONG AT AYUDA Noong Hunyo 2, napilitan din ang ilang mga jeepney drivers sa Caloocan na tumungo sa lansangan upang ipanawagan ang kanilang pagbabalik pasada. Ngunit ito ay nauwi sa pag aresto sa tinaguriang PISTON 6. Sinundan din ito ng balitang namamalimos at nangangalakal pa ang ilang mga tsuper sa Maynila bunsod din nang kagipitan.
Sa kabila ng pangangalampag ng mga tsuper sa gobyerno, hindi pa rin dininig ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing. Marami sa ating mga tsuper, tulad ng karamihan sa mga Pilipino, sa ayuda at tulong pinansyal lamang umaasa upang maitawid ang pang araw-araw simula nang ipataw ang community quarantine sa bansa. Gayunpaman, iilan lang rin ang naabutan ng tulong mula sa programa ng pamahalaan. At ang karamihan, naghintay na lamang sa wala.
Nakiisa ang Piston 6 sa protesta noong Araw ng mga Bayani upang manindigan na ang tsuper ng masa ay bayani ng kalsada. Nanawagan rin sila na makabalik na sa pasada
“Ang mga tsuper ay limot na bayani sa kalsada. Siyam na milyon ng mamamayan ang aming pinaglilingkuran at pinagsisilbihan upang makarating at makapunta sa kanilang patutunguhan. Napakahalaga ng sektor ng transportasyon sa ekonomiya ng ating bansa,” pahayag ni Ruben Baylon, Deputy Secretary General ng Piston at kasama ring naaresto nang manlimos sa kalsada.
Mitzi Sumilang
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kalahati lamang ng naitalang walang trabaho o 15.5 milyon lamang ang nakinabang sa Social Amelioration Program o SAP noong unang tranche at 518,000 lamang ang nabigyan noong ikalawang tranche. Panawagan naman ng ibang sektor, pangmatagalang tulong ang kailangan nila at hindi pansamantalang ayuda lang na
hindi rin naman makasasapat para mairaos ang kanilang buhay sa panahon ng krisis. TINIG NG MGA TSUPER Bagamat nakabalik na ang ilang pampublikong transportasyon, marami pa rin sa bansa, partikular sa byahe ng jeep ang suspendido pa rin. Nag-aabang pa rin ng aksyon at konkretong plano ang mga jeepney operators mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakaantabay lang rin sa malabong plano ng Inter-Agency Task Force (IATF). Dahil dito, nagkaisa na ang Mandaluyong Jeepney Operators and Drivers Association (MAJODA) para ipaglaban ang kanilang karapatang makabalik sa kanilang hanapbuhay. “Dapat binigyan nila kami ng alternatibong trabaho at pangmatagalang ayuda,” ani Elmer Carasscal, isa sa mga presidente ng samahan. Sa pamamagitan ng IDEALS, Inc., isang legal na organisasyon, magpapasa ng petisyon ang grupo sa Korte Suprema upang mapakinggan ang hinaing na makabalik pasada. Layunin rin nila na palitawin ang diskriminasyong ginawa sa mga jeepney drivers dahil sa kawalan ng batayan sa pagsuspinde sa kanila samantalang pinayagan ang iba pang transportasyon kahit na tinuring na mas mapanganib ito sa COVID-19 transmission. “Nagpapasalamat kami dahil nandito ang grupo ng mga abogado para tulungan kami. Ito ang nagpapalakas ng loob sa amin,” dagdag ni Elmer.
“Hindi kami mamamatay sa Covid-19, mamamatay kami sa gutom.” Ito ang naging kolektibong pahayag ng marami sa mga manggagawang Pilipino na lubhang naapektuhan nang ipinatupad na lockdown sa bansa bunsod ng pandemya. Kasama ang 70-anyos na tsuper ng jeep na si Federico Geronimo sa mga napilitan nang mamalimos dahil sa hirap ng buhay dulot ng ilang buwang tigil pasada. “Talagang sa mahigpit na pangangailangan ay hindi kami natatakot [sa Covid 19 virus], mabuhay lang ang pamilya namin,” ani Federico na 50 taon nang namamasada ng jeep. Sakay ang bisikleta, binabaybay ni Federico ang halos 6 na kilometrong kalsada mula Tandang Sora para lang mamalimos sa Veterans.
6
OPINYON
nong kay Tisya Hustisya Magta RIGHTS MO, SAGOT KO!
?
Ako si Tisya Hustisya, kakampi mo sa paglaban para sa karapatan!
!
#
TANONG
Kalayaang Maging Kritikal Noon at Ngayon Gianna Francesca M. Catolico
Pwede ko po bang kasuhan ang aking kinakasama sa ginagawa nitong pambabastos sa aking anak na menor de edad? Nagpapadala ito ng malalaswang imahe sa aking batang anak. Ano po ang dapat kong gawin? SAGOT Ang ginawa po ng inyong kinakasama ay labag sa batas. Pwede niyo po siyang kasuhan ng violation of R.A. 9262 o Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004. Ayon sa batas, ang mga akto ng anumang kalaswaan ay matuturing na sexual violence lalo na kung ang biktima ay menor de edad. Ang sexual violence ay isa sa mga gawain na pinagbabawal ng batas. Sa ngayon, maaari po kayong tumungo sa pinakamalapit na police station para gawan ng pormal na reklamo ang inyong kaso. PAALALA Kailangan mo ba ng libreng legal advice? Mag-pm na sa Tisya Hustisya FB Page o mag-text sa Globe at TM (0953 382 6935) o sa Smart, TNT at Sun (0951 077 4412)
Higit 3,800 nabigyan ng legal advice Jeyra Morallo ni Tisya Hustisya NABIGYAN ni ‘Tisya Hustisya’ ng libreng serbisyo ang mga mamamayang kailangan ng konsultasyong legal sa panahon ng pandemya. Si ‘Tisya Hustisya’ ay isang programang inilunsad ng Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) upang agarang tugunan ang pangangailangang legal ng mga Pilipino. Gamit ang Tisya Hustisya Facebook Page at hotline, maaari ka nang makipag-usap para sa libreng legal advice mula sa mga abogado at paralegals ng organisasyon. Simula Hunyo, umabot na sa 3,826 ang natulungang kliyente at tinatayang higit 5,000 naman ang nagawang consultations dahil marami rin ang bumalik kay Tisya para kumonsulta ng iba pang problema.
OPIN YON
Isa si ‘Jessica’ sa mga nagchat tungkol sa pagbabanta sa kanyang buhay dahil sa utang. Matapos ang konsultasyon sa abogado, nalaman niya kung ano ang dapat na gawin upang maipaglaban ang karapatan. “Maraming salamat po sa inyong tugon..ngayon po ay lumuwag ang aking dibdib sa takot,” aniya. Ilan pa sa kadalasang isyung ipinaaaabot sa programa ay patungkol sa Labor and Employment, Child Support and Custody, Legal Separation, Loan and Mortgage, at Property and Land Title. Layunin ng programa na mas maging accessible ang serbisyong legal sa mga ordinaryong mamamayan at matulungan silang malaman at ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa anumang panahon.
SA GITNA ng mga usapin sa pandemya, muling nagliyab sa loob at labas ng social media ang usapin ng kalayaan sa pamamahayag. May isang OFW na muntik nang ipa-deport dahil sa pagpapahayag ng hinanakit kay Pangulong Rodrigo Duterte. Isang taga-Agusan del Norte naman ang pinatay dahil tinawag niya umanong ‘buang’ ang pangulo. Sa kasagsagan nang paglaganap ng COVID-19, may isa pang mapanganib na ‘veerus’ na humahagupit sa ating lipunan—ang pagsupil ng gobyerno sa mga kritiko. Ang RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act kung saan ito ay ginamit laban sa mamamahayag na si Maria Ressa ng Rappler, isang online news site na tumuligsa sa madugong Oplan Tokhang ng administrasyon. Nito lamang ay binuweltahan ng Pangulo pati ang mga bashers ni Sen. Bong Go sa social media. Naging kontrobersyal naman ang Anti-Terror Law kung saan maaaring bansagang terorista ang sino mang magsasalita ng mga saloobing taliwas sa gobyerno. Waring nasa ilalim tayo ng Martial Law tulad noong panahon ng diktaturang Marcos kung saan ang may mga kritikal na boses ay sumailalim sa torture, sa pagdanak ng dugo, o di kaya’y naging desaparasidos. Wala itong pinagkaiba sa kung paano pinapatay ang malayang pamamahayag. Nakasaad sa Article 19 ng International Covenant of Civil and Political Rights at Saligang Batas na tayong lahat ay may karapatang kumalap at magbigay ng kaalaman at opinyon. Huwag sanang kitilin ang boses ng masa; ito’y garantisado ng Saligang Batas at prinsipyo ng karapatang pantao. Bagkus, pakinggan nila para pagbutihin ang kanilang pamumuno.
May kuwento, larawan o guhit ka bang nais ibahagi? Maging kontribyutor sa Dignidad!
Nagustuhan mo ba ang isyu na ito ng Dignidad? Sabihan niyo kami kung ano ang gusto niyong pang makita sa susunod!
Mag-PM sa IDEALS Facebook Page O mag-text sa 0966 760 9397
7
yo Trina Bacla