DIGNIDAD ISSUE 11

Page 1

Isyu 11 | Oktubre 2020 KATOTOHANAN AT KARAPATAN PARA SA MAKATAONG KINABUKASAN

TAHANAN NG SAN ISIDRO (3)

HUSTISYA (4)

BALIK PASADANG LIGTAS (6)

Pag-asa ng Bawat Pamilya “Mabigo man tayong maranasan ang kalinga at malasakit ng gobyerno, panghuhugutan natin ang tibay ng pakikipagkapwa at malasakit sa isa’t isa. Hindi maikakahon at maigagapos ang tunay na lakas ng taumbayan—ang nagkakaisa nating boses at pagkilos para sa buhay na may dignidad sa gitna man ng pandemya.” (Itutuloy sa Pahina 2)

IPASA PAGKABASA

Pakikiisa sa Damdamin Hindi natin dapat ituring na numero lamang ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa at mga bilang ng mga namatay. Ang bawat isa sa kanila ay may karapatang mabuhay. May dignidad at may pangalan. May mahalagang pakay at kontribusyon sa ating lipunan at tulad mo, mayroon ring pangarap. Noong nalaman ko ang pagpanang isang matalik na kaibigan, hindi ako makaiyak. Abril noon at iilan pa lamang ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Kaya mahirap tanggapin na isa sa mga unang biktima ng sakit na ito ang aking kaibigan. Mahirap makahanap ng espasyo sa pagmumuni kung natatabunan ito ng pangambang mahawa at makahawa. Sa panahon ng pandemya, paano nga ba ang magluksa? Paano ba dapat isalin ang dalamhati kung limitado tayo sa utos na stay-at-home at social distancing? (Itutuloy sa Pahina 2)


2

ED ITORYAL

BA LI TA

Tahanan ng San Isidro: Landas sa Paghilom

Pakikiisa sa Damdamin Miski ang pagbisita sa ospital o pakikilamay, hindi na rin ganoon kadali. Walang mahigpit na yakap. Walang haplos ng pakikiramay. Impit ang lungkot at luha. Hindi ko agad natanggap na wala na talaga ang aking kaibigan lalo pa’t hindi ko man lang siya nasilayan sa mga huling sandali. Anim na buwan na ang lumipas mula noon, kasagsagan pa ng Enhanced Community Quarantine, at ngayon tinatayang nasa higit 6, 400 na ang bilang ng pumanaw dahil sa COVID-19 sa bansa. Pero hindi lang ito ang danyos ng pandemya. Marami pa rin ang binawian ng buhay dahil sa kakulangan ng mga tatanggap na ospital at mga healthcare workers na dapat sana’y tutugon sa mga pasyenteng may iba pang sakit. At ang pinakamalala, patuloy pa rin ang extrajudicial killings at mga biktima ng karahasan sa gitna ng krisis na ating pinagdaraanan. Sa isang ulat, 155 katao ang naging biktima ng pagpaslang mula Abril hanggang Hulyo nitong taon. Miski sa hanay ng mga medical frontliners, 60 na ang pumanaw dahil sa COVID-19 habang nasa 9, 347 naman ang naging positibo

ayon sa ulat ng Department of Health nitong Setyembre. Sa umpisa pa lamang ng taon, tinutukan na ng buong mundo ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 at sa paglipas ng panahon, ang mga pabago-bagong numerong ito ay tila nakasanayan na lang bilang bahagi sa araw-araw. Nakakalungkot man ang katotohanang maaaring ang ilan ay namanhid o na-desensitize sa isyung ito pero dapat sanang mas manaig sa bawat isa ang pangkalahatang damdamin ng pakikiramay sa gitna ng kawalan. Hindi natin dapat ituring na numero lamang ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa at mga bilang ng mga namatay. Ang bawat isa sa kanila ay may karapatang mabuhay. May dignidad at may pangalan. May mahalagang pakay at kontribusyon sa ating lipunan at tulad mo, mayroon ring pangarap. Ang kanilang pagkawala, kung tutuusin ay maaaring naiwasan sana kung mas naging maagap, matalino at epektibo lamang ang ginawang stratehiya sa pagresponde ng pamahalaan sa pandemya. Natunghayan natin kung paano pinatingkad ng pandemya ang matagal nang krisis at problema sa sistema

ng public healthcare sa bansa – kakulangan sa kahandaan at proteksyon sa mga manggagawang medikal. Sa panahong umaasa ang maralita sa tulong at pagdamay ng pamahalaan, hindi naramdaman ang malasakit at taus-pusong serbisyo lalo na kung babasahin ang aksyon at salita ni Pangulong

Kung unibersal ang pakiramdam ng kawalan at pangungulila, mas lalong pangkalahatan rin ang pakikisimpatya at malasakit nating mga Pilipino. Natural sa atin ang pakikiisa sa damdamin ng ating kapwa. Rodrigo Duterte. Sa katunayan, hanggang ngayon, wala pa ring malinaw at detalyadong plano ang pamahalaan kung paano tutugunan ang pandemya. Wala paring katiyakan kung hanggang kailan ang ating paghihintay na matapos na ang pandaigdigang krisis na ating kinakaharap.

3

Kristine Rebote

Gayunpaman, sa pamamagitan ng ating pagtutulungan at pakikiramay, gumagawa tayo ng paraan para patuloy na lumaban. Kung unibersal ang pakiramdam ng kawalan at pangungulila, mas lalong pangkalahatan rin ang pakikisimpatya at malasakit nating mga Pilipino. Natural sa atin ang pakikiisa sa damdamin ng ating kapwa. Ang pagiging sensitibo natin sa pinagdaraanan ng ating mahal sa buhay, kaibigan, kapitbahay at miski na para sa isang estranghero. Umusbong ang iba’t-ibang inisyatibo ng mga indibidwal at grupo para sumalo at tumulong sa kapwa. Ang pagkakaroon ng pusong nakikiramay at balikat na handang masandigan para sa kapwa. Sa pagtangan ng hustisya, karamay rin natin ang isa’t-isa. Pinapalakas ang loob at umaagapay hanggang makamit natin ang paghilom at pagsibol ng bagong pag-asa. Ano mang mayroon sa isa, handang ibahagi ito sa kapwa. At dahil dito, naging mabigat man ang kawalan at pagluluksa, may katiyakang lilipas rin ang sakit at mas magiging matatag nang sama-sama bukas.

Program Manager for Media and Communications: Mikhaela Dimpas • Editor-in-Chief: Dada Grifon Layout Director: Kel Almazan • Cartoonists: Mariannel Crisostomo, Bladimer Usi Infographics: Trina Baclayo, Jeyra Morallo • Writers: Bea Del Rio, Kristine Rebote, Mitzi Sumilang, Jeyra Morallo, Trina Baclayo, Gena Myrtle Terre

Ang Dignidad tabloid ay inilimbag ng IDEALS, Inc. mula 2018 upang ibahagi ang mahahalagang balita at kwento sa ating lipunan. Layunin nitong mulatin at palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng katotohanan at kaalaman ukol sa karapatang pantao.

MALAYO pa man ang undas, gabi-gabi nang nagsisindi ng kandila si Fr. Robert Reyes para sa mga yumao—hindi dulot ng pandemya, kundi dahil sa extrajudicial killings na naging laganap sa kanilang lugar sa gitna ng krisis. “Sunud-sunod ang patayan. Takot na takot sila eh. Ako ang lumapit sa kanila sabi ko ang proteksyon niyo ay huwag matakot. Tutulungan kayo ng simbahan at mga abogado,” ani Fr. Robert, kura-paroko ng San Isidro Labrador Parish sa Quezon City. Sa gitna ng community quarantine, patuloy na nagdaraos ng misa at mga relief operations ang pari, lalo na para sa mga biktima ng karahasan tulad ng anak ni Demetria Burce, na si Jonathan. “Napakasakit na mawala ang anak ko. Kaya lang ‘yung mga gumawa noon sa anak ko ay mga walang puso. Hindi nila alam ang halaga ng buhay,” sabi ni Demetria o mas kilala bilang Nanay Demi sa isang misa para sa 40 days ng pagkamatay ng anak. Kwento ng 69 taong gulang na ina, isang araw bago pumanaw si Jonathan, nagbunyi pa ito matapos niyang malamang negatibo siya sa swab test. Nasabik ang anak sa mga pangarap at pinlanong muling buksan ang munting lechunan para magkaroon ng pagkakakitaan. Subalit kinabukasan, Hulyo 30, pagkatapos linisin ni Jonathan ang kanyang tindahan, dumating ang mga vigilanteng naka-motor at sumunod ang sampung putok ng baril na pumatay kay Jonathan. Isa lamang si Jonathan sa 11 na biktima ng pagpaslang sa gitna ng pandemya sa Barangay Pinyahan at karatig na lugar, ayon kay Reyes. Hindi kilala ang mga suspek ng pagpatay pero giit ng pari, ito ay may kinalaman pa rin sa Oplan Tokhang sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumitil sa libo-libong maralita.

Ayon sa isang report ng Human Rights Watch, mas tumaas ang bilang ng mga pinaslang sa ‘giyera kontra droga’ simula nang magpataw ang gobyerno ng lockdown na dulot ng COVID-19. Sa lumabas na datos ng gobyerno, 155 katao ang pinaslang mula Abril hanggang Hulyo nitong taon. HUSTISYA AT PAGHILOM Mas nanaig sa mga komunidad ang takot dulot ng nakaambang karahasan, kaysa sa pangambang dulot ng pandemya lalo pa’t ang ilan sa mga pamilya ay patuloy pa ring nakararanas ng traumang babalikan sila. Upang tugunan ito at matulungan ang mga pamilya, binuo ng Simbahan ang ‘Tahanan ng San Isidro’ na magsisilbing kanlungan nila sa pagkamit ng paghilom at hustisya. Nagkaisa ang iba-ibang mga organisasyon tulad ng Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) Inc., Commission on Human Rights (CHR), Medical Action Group (MAG), Philippine Human Rights Information Center (PhilRights),

Isang misa ang idinaos ni Fr. Robert Reyes para sa mga pamilya ng biktima ng extrajudicial killings noong Setyembre 9, 2020 sa San Isidro Labrador Parish.

Office of Senator Leila de Lima (OSLDL) at iba pa upang suportahan ang mga pamilya ng biktima sa pamamagitan ng paghahatid ng mga serbisyo tulad ng legal services at trauma therapy. “Kasama ko ang mga biktima ng karahasan. Nagpapasalamat po kami sa mga tumutulong upang bigyan ng hustisya ang mga nangyayari sa amin,” ani Demi.

Sa komunidad ng NIA Road sa Quezon City, makikita ang mga nakasabit na tarpaulin na nananawagan ng hustisya. Isa rin si Michael Vilila sa mga biktima ng karahasan sa gitna ng pandemya.

Dada Grifon

Dada Grifon

Kada buwan, nagtatagpo ang mga pamilya upang ibahagi ang kanilang boses at karanasan. Sa pamamagitan nito, nararamdaman nilang mayroon silang karamay at maibsan kahit papaano ang takot at pangungulila. “Iyong sakit, ‘yung sama ng loob, ang mawala sa amin ang mahal sa buhay—mahirap hilumin yun eh. Mas masakit kapag pakiramdam mo, wala kang kasama. Kaya ang ginagawa ng simbahan ay lumalapit sa kanila, at inilalapit ang simbahan sa mga tao na ang hinahanap talaga ay hindi milagro—kundi konkretong sasandalan,” ani Fr. Robert. Hiling ng pari, tumigil na ang patayan at hindi na masundan pa ang karahasan. Samantala, para kay Demi at sa iba pang naulila, hindi makakamit ang paghilom kung walang hustisya. “Kami pong mga biktima ng karahasan ay humihingi po ng hustisya. Pinapanalangin namin sa Poong Maykapal na gabayan kami para naman hindi ganoon kasakit sa aming naiwan,” aniya.


4

L ATHAL AI N

HUSTISYA: Hiling ng pamilya ng healthcare worker na pumanaw dahil sa COVID-19 Si Ma. Theresa Cruz ay isang public hospital nurse sa Cainta Municipal Hospital sa loob nang sampung taon. Pumanaw siya noong Hulyo 22, 2020 dahil sa COVID-19. Facebook Kasama ang mga abogado mula sa IDEALS, Inc., nagsampa ng kaso si Joie Cruz noong Oktubre 8 sa Office of the Ombudsman laban sa Cainta Municipal Hospital Administrator. Mitzi Sumilang

Naging emosyonal si Joie Cruz matapos ibahagi sa media ang Facebook post ng kanyang ina bago ito pumanaw. Mitzi Sumilang

“ANG LABAN na ito ay hindi lamang po para sa aming nanay, kundi para na rin po sa ibang mga frontliners,” ani Joie Cruz, anak ng Cainta nurse na si Ma. Theresa Cruz na binawian ng buhay dahil sa COVID-19 noong Hulyo 22. Nitong Oktubre 8, sinampahan ng pamilya Cruz ng reklamong Gross Neglect of Duty and Conduct Unbecoming of a Public Officer sa Ombudsman ang Cainta Municipal Hospital Administrator. Ayon kay Joie, hindi ginampanan ng administrator ng ospital ang responsibilidad na alagaan ang kapakanan ng mga empleyadong frontliners. “Nadiskubre namin na ilang beses pong na-expose ang aming nanay sa COVID-19 positive patients. Rapid test lang ang binigay at alam naman natin sa protocol, lalo na

sa frontliners, dapat ay swab test talaga,” dagdag pa niya. Dahil nahuli na ang swab test ni nurse Theresa, pumanaw na siya bago pa malamang nagpositibo siya sa COVID-19.

We should give them [frontliners] what they deserve especially when they are risking their lives Ibinahagi rin ni Joie ang kapabayaan ng ospital na magbigay ng angkop at akma sa sukat na Personal Protective Equipment (PPE) para sa ina. Bukod pa dito, matatandaang nag-viral rin ang post ni Joie

matapos niyang ibahagi ang hindi makatarungang hazard pay na natanggap ng kaniyang ina matapos nitong pumanaw. Ang nasabing post ay nag-udyok rin sa iba pang mga frontliners na ibahagi ang kanilang hindi nalalayong karanasan. “We should give them [frontliners] what they deserve, especially when they are risking their lives para sa COVID-19 battle,” ani Joie. Noong Marso, matatandaang nagbigay ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan ang kapakanan ng mga healthcare professionals na nagsilbing bagong bayani ngayong pandemya. Sa kabila nito, umiinda pa rin ang maraming frontliners sa kakulangan ng aksyon at suporta ng pamahalaan.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Setyembre, 60 na ang pumanaw na healthcare workers dahil sa COVID-19 habang nasa 9, 347 naman ang positibong kaso. Naniniwala si Joie na ang laban para sa hustisya sa ina ay hindi lamang para sa kanila at hangad niya na mas maibigay ang nararapat para sa mga healthworkers na nagsasakripisyo para labanan ang pandemya. “Marami na pong mga frontline workers natin, lalo na ngayong pandemya ang nakakaranas ng diskriminasyon, hindi maayos na pagtrato, ang kanilang mga benipisyo ay hindi naibibigay nang maayos, on time at tamang computation. Kaya ang laban na ito ay hindi lang po para sa aming nanay kundi para sa ibang frontliners, aniya.


6

OPINYON

Balik Pasadang Ligtas, Panawagan ng mga Jeepney Drivers Bea del Rio

?

TANONG Ano po ba ang dapat kong gawin kung ang asawa ko po ay hindi na nagbibigay ng suporta sa amin ng mga anak niya. Kasal po kaming dalawa at may dalawang anak pero may iba na po siyang kinakasamang babae sa ngayon.

!

SAGOT

Kayo po ay maaaring magsampa ng kaso laban sa iyong asawa sa paglabag ng Anti-Violence Against Women and Children Republic Act 9262. Base po sa inyong kwento, ang asawa niyo po ng ay nagdudulot ng psychological abuse sa pagkakaroon niya ng ibang kinakasama at economic abuse naman dahil sa hindi pagbibigay ng suporta para sa inyong pamilya. Ang mga pangaabuso po na ito ay basehan upang siya ay makasuhan sa nabanggit na batas. Sa kaso po na ito maaari po ninyong hingin sa korte na magbigay ng sapat na sustento ng asawa niyo sa inyong mga anak. Kung mayroon po kayong maaaring ebidensiya na siya ay may ibang kinakasama sa isang bahay, pwede din niyo siyang kasuhan ng Concubinage. Kung nais na po magsampa ng kaso laban sa iyong asawa, maaari po kayong lumapit sa Public Attorney’s Office o Integrated Bar of the Philippines. Sila po ay pwede humawak ng mga gustong mag kaso ngunit hindi sapat ang pera para makakuha ng privadong abogado. Dahil po sa COVID, mayroon pong limitasyon ang operasyon ng mga korte. Ngunit pwede parin pong magsamapa ng kaso sa pamamagitan ng electronic filing. Eto po ang mga contact details ng PAO at IBP. Integrated Bar of the Philippines: Legal Aid Office 631-3013 o tignan ang kanilang social media account sa Facebook @IntegratedbarPH Public Attorney’s Office: Hotline: (02) 929-9436; (02) 4262075; (02) 4262801; (02) 4262450; (02) 4262987; (02) 4262683

#

PAALALA

Kailangan mo ba ng libreng legal advice? Mag-pm na sa Tisya Hustisya FB Page o mag-text sa Globe at TM 0953 382 6935) o sa Smart, TNT at Sun (0951 077 4412)

Nananawagan sa Korte Suprema noong Setyembre 29 ang mga myembro ng National Confederation of Transportworkers Union (NCTU), Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) at IDEALS, Inc. ng Balik Pasada para sa mga ilan suspendidong Public Utility Jeepneys’ (PUJ) operations.

Kristine Rebote

NAGSAMPA ng petisyon ang mga miyembro ng National Confederation of Transportworkers Union (NCTU) sa Korte Suprema noong Setyembre 29. Pinuna nila sa petisyon ang hindi makatarungang mga polisiya ng estado para sa mga tradisyunal na dyip sa panahon ng lockdown. “Sana magising ang DOTr sa gagawing hakbang na ito,” ani jeepney driver at NCTU president na si Ernie Cruz. “Hindi maganda yung desisyon nila dahil maraming naiwan. Marami ang nagugutom.” Anim na buwan simula nang magdeklara ng lockdown ang gobyerno, maraming tradisyunal na dyip pa rin ang pinagbabawalan bumyahe. Kinuwestyon ng mga drayber ito, lalo na’t ang ibang pampublikong sasakyan ay pinayagan nang makabalik pasada. “Malinaw na may pagkiling ang gobyerno para sa modernized jeepneys, kahit na hindi naman napatunayan na mas ligtas sila

kaysa sa tradisyunal na dyip,” ani Atty. Gena Myrtle Terre, isa sa mga abogado mula sa IDEALS na humahawak sa kaso. Diniin sa petisyon ang kabiguan ng gobyerno na gawin ang kaniyang tungkulin protektahan ang karapatan ng mga drayber na mabuhay ng maayos at may dignidad. Dahil nawalan ng trabaho, maraming drayber ang napilitang manlimos para buhayin ang kanilang pamilya. Ilang buwan na silang nanawagan sa gobyerno upang makabalik pasada o mabigyan ng ayuda ngunit isinawalang-bahala ito ng estado. Hangad ng mga drayber na maging daan itong petisyon para matugunan na ang kanilang panawagan.

Maglingkod nang lagpas pa sa titulo Gena Myrtle Terre NAKAUKIT sa mga babasahin sa klase ng mga nag-aaral ng batas ang mga isinambit ni dating Pangulong Ramon Magsaysay: “Those who have less in life should have more in law.” Ang mga salat sa buhay ay dapat masagana sa batas. Malayong-malayo ito sa kinamulatan natin dahil talamak pa rin ang paniniwalang para sa mayaman lamang ang hustisya— at malaki ang magiging ambag ng mismong mga abogado upang iwaksi ang kuru-kurong ito, kung magpapasya tayong pagsilbihan ang mga nangangailangan. Alinsunod nga sa sinabi ni Magsaysay, ang batas ay para sa kapakanan ng mamamayan at siyang kanlungan natin laban sa mga di-makatarungang aspekto ng buhay. Gayunpaman, hindi na lingid sa kaalaman ng marami na tila may pinipili kung sino ang mananagot sa ilalim ng batas. Maging ang ex-Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, isang abogado at topnotcher ng 1990 Bar Exams, ay humingi ng pagkahabag at nagmistulang iginiit pang hindi siya sakop ng batas nang labagin niya ang mga patakaran ng gobyerno tungkol sa quarantine sa panahon ng pandemya. Lumabas na positibo si Pimentel sa COVID-19 ngunit imbis na manatili sa quarantine ay pumunta pa siya sa ospital kasama ang kanyang manganganak na asawa noong ika-25 ng Marso. Gumaling na si Pimentel mula sa virus ngunit inuunti-unti pa ang pag-usad ng kaso laban sa kanya. Samantala, mula noong nagbaba ng Enhanced Community Quarantine ang gobyerno, marami nang karaniwang mamamayan ang binugbog, binilad sa araw, at pinahiya dahil sa mga katulad na paglabag ng mga patakaran sa quarantine. Tulad ng mga biktima ng Oplan Tokhang, hindi na sila dumaan pa sa batas kundi sa

mabibigat na kamay na lang ng mga awtoridad. Sa kabila ng mga balitang ito, hindi lahat ng abogado ay handang mag-abot ng libre at kalidad na tulong dahil marami sa atin ang tumutungo sa pribadong pagsasanay. Wala mang masama rito, kakaunti lamang ang may kakayahang magbayad ng kanilang serbisyo. Lalong mas kakaunti ang nag-aabot ng libreng tulong, kaya maging mga abogado ay kailangan ng tulong sa kanyang kapwa abogado para matugunan ang bawat legal na problema. Mayroon mang mga organisasyon na handang tumulong nang walang kapalit, hindi kaagadagad nakakarating ang ganitong impormasyon sa mga taong nasanay nang pinagkakaitan ng hustisya. Nauuwi na lamang sila sa kawalan ng pag-asa tungkol sa kanilang kalagayan. Ngayon, higit kailanman, malinaw na dapat paglingkuran ng mga abogado ang mga mahihirap at malalayong komunidad na mga pangunahing biktima ng paglabag sa karapatang pantao at ng tumitinding kahirapan. Sa panahong maging ang batas ay ginagamit bilang armas ng mga nasa katungkulan, abogado na lamang ang magsisilbing kalasag para sa mga biktima nito. Kung hindi, mahuhulog tayo sa madilim at malalim na balon ng kawalan ng pananagutan. Bilang babala, hindi ito dahilan upang ilagay ang mga sarili sa pedestal kung saan utang na loob sa atin ng lipunan ang ating dunong. Sa halip, ito ay panawagan upang maglingkod sa bayan dahil ito ay likas na hinihingi ng ating propesyon. Kaya sa mga manunumpa pa lamang, tiyakin nating hindi lamang natin ikakabit sa ating mga sarili ang titulong “abogado”—isabuhay din natin ang pagiging tunay na manananggol.

OPI NYON

7



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.