Isyu 12 | Disyembre 2020
KATOTOHANAN AT KARAPATAN PARA SA MAKATAONG KINABUKASAN
Adbiyento ng Buhay at Karapatang Pantao Fr. Robert Reyes Matatapos na po ang taong 2020. Sumapit na tayo sa ika labing-dalawang buwan ng palipas na taong 2020, ang taon na anuman ang gawin natin, hinding-hindi natin maibabaon ito sa limot. Marahil nais ng Diyos ang kakaibang pagdiwang ng Adbiyento sa aming Parokya
(Itutuloy sa Pahina 2)
2
ED ITORYAL
Adbiyento ng Buhay at Karapatang Pantao Fr. Robert Reyes ADBIYENTO na po. Apat na linggo tayo maghihintay at maghahanda para sa kapaskuhan ng Kapanganakan ng Panginoon. Matatapos na po ang taong 2020. Sumapit na tayo sa ika-labindalawang buwan ng palipas na taong 2020, ang taon na anuman ang gawin natin, hinding-hindi natin maibabaon ito sa limot. Kung hindi makakalimutan ng marami ang taong 2020 dahil sa pandemya at kalamidad, kami po sa Parokya ni San Isidro Labrador sa Barangay Pinyahan ay mayroon pong karagdagang dahilan. Ito po ay listahan ng labindalawang biktima ng Extrajudicial Killings o EJK sa parokya ng San Isidro Labrador sa Barangay Pinyahan, Quezon City. Nais ko pong ipaliwanag ang ilang bagay sa listahang ito. Una, kung atin pong aalamin ang simula ng pandemyang COVID-19, ito po ay natuklasan na subalit hindi pa lubos na nakikilala bago pa mag-Disyembre 2019. Kaya, malinaw na hindi tumigil ang EJK sa kabila ng banta; pagpasok at paglaganap ng COVID- 19. Pangalawa, mayroong naganap na EJK, siyam sa labindalawang buwan ng kasalukuyang taon. Pangatlo, subalit biglang tumindi ang pagpatay mula Hulyo hanggang Oktubre. At sa loob ng apat na buwan, siyam ang pinatay, o mahigit dalawa sa bawat buwan. Pang-apat, sa siyam na pinatay mula Hulyo hanggang Oktubre, tatlo ang pinatay sa Hulyo; apat sa Agosto at tig-iisa sa Setyembre at Oktubre. Panlima, sa buong akala natin ay tuluyan nang tumigil ang pagpatay pagkatapos patayin si Allan Sumayao noong ika-4 ng Setyembre. Tila bunga ang pansamantalang kapayapaan o
pagtigil ng karahasan ng pakikipagusap natin kay Mayor Joy Belmonte kasama si Kapitan Carl Lipnica ng Barangay Pinyahan. Pagkatapos na pagkatapos ng pag-uusap natin sa butihing Mayor ng Quezon City, ito po ay naglabas ng pahayag tutol sa karahasan at malagim na patayan sa siyudad ng kanyang pinamumunuan.
ikalawang linggo ng Setyembre hanggang katapusan ng Oktubre. Pampito, subalit lingid sa ating kaalaman ang pagkawala ni Melchor Umadhay, 38, nang ito ay sunduin ng isang lalaking naka-motorsiklo noong ika-10 ng Oktubre. Pangwalo, nabasag ang katahimikan at ang aming pasasalamat
January 30 • Noel Barieces, NIA Road May 27 • Carlito de la Cruz, Mapang-akit Street June 3 • Jerson Gimarangan, Maunlad Street July 15 • Jesselyn Ordonio, Maunlad Street July 20 • Gilbert Bulldog Paala, Mabilis Street July 30 • Jonathan Tantan Burce, NIA Road August 1 • Kim Montero, NIA Road August 2 • Wife of Kim Montero, Agham Road August 11 • Neil Pagkalinawan, Matapat Street August 20 • Michael Vililla, NIA Road Sept. 4 • Allan Sumayao, Taguig City October 11 • Melchor Umadhay, NIA Road
Pang-anim. Dahil sa sinimulan natin ang pagsindi ng kandila mula sa ikapitong pinapatay, tila tumigil ito pagkaraan ng ika-11 biktima. Gabi-gabi sa katapusan ng misa ng ika-6 ng gabi, nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pawang paghinto ng karahasan at malagim na pagbuwis ng buhay. Bumilang tayo ng mahigit na dalawang buwan na walang pagpatay, dahil walang anumang balita tungkol sa pagpatay mula
para sa pansamantalang pagtigil ng pagpatay nang dumating sa amin ang balita mula NIA road hinggil sa isa pang pinatay noong ika-11 ng Oktubre. Pansiyam, hindi pala lubos na nanahimik sa aming barangay. Lumampas lang ng isang buwan at isang linggo mula ika-4 ng Setyembre hanggang ika-11 ng Oktubre ay mayroon na namang itinanghal na isa pang biktima ang madugong programang Giyera Laban sa Droga.
Sa halip na magsimula na ang panahon ng masaya at marubdob na pagdiriwang ng kapayapaan at pag-asa ngayong adbiyento, tuluyan kaming nagluluksa sa walang tigil na paglapastangan sa karapatang pantao. Marahil nais ng Diyos ang kakaibang pagdiriwang ng Adbiyento sa aming Parokya. Noel ang pangalan ng unang pinatay sa aming parokya sa taong ito, Melchor naman ang pinakahuli. Noel ang isa pang pangalan ng Panginoong Hesus. Melchor naman ang pangalan ng isa sa Tatlong Hari. Kakaibang pagsalubong sa Pasko. Tulad ng mga Poinsettia at parol na pula, pulang-pula ang paligid ng parokya sa nagkalat na dugo ng kanilang pinatay. Matigas, inaagnas at naglaho na ang karamihan sa mga dugo ng kanilang pinatay. Kakaibang pagdiriwang ng Pasko ng pag-asa, pag-ibig at kapayapaan. Buhay na buhay ang aming dugong nanginginig sa galit at hinagpis. Buhay na buhay ang aming pinagsma-samang dugong naghahanap ng katarungan at katapusan sa baliw at mala-hayop na pagpatay. Ngunit halos Pasko na nga po, buo na at buhay ang Tahanang San Isidro - ang samahan ng mga pamilya ng mga biktimang maliliit, mga pawang siit sa nag-aapoy nang siga ng mga sinampulang buradong mukha ng sistematikong paninindak nila. Ngunit, buo na, hindi lang ang samahan kundi ang diwa, pananampalataya at paninindigan. Buong tuwa at sigla naming sinisigaw…Pasko na, Pasko na. Salamat po sa Buhay, sa Dangal at Karapatan ng lahat!
Bawat tao ay may karapatan. Bawat buhay ay mahalaga. Ang buhay na may dignidad ay para sa lahat. RIGHT TO BE
FREE & EQUAL
RIGHT TO EQUALITY BEFORE THE LAW
FREEDOM OF ASSEMBLY
RIGHT TO LIFE ACCESS TO JUSTICE
FREEDOM OF EXPRESSION
Bawat isa ay may karapatan sa buhay. Ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pantay-pantay na karapatan anuman ang pinagmulan, lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika, katayuan sa buhay, ari-arian at iba pa.
Walang sinuman ang dapat makaranas ng labis na paghihirap, torture o malupit at hindi makataong trato o parusa. Ang lahat ay pantay-pantay rin dapat sa harap ng batas maging sino ka man. May pagkakataon rin dapat ang lahat sa patas na paglillitis ng hukumang malaya, walang kinikilangan at makatarungan.
Ang bawat tao ay may karapatan sa malayang pagkukuro at pagpapahayag. Karapatan rin natin ang makatanggap ng tama at wastong impormasyon upang mapabuti ang kaisipan at saloobin. Gayundin, ang bawat isa ay may kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagbuo ng samahan nang hindi sapilitan.
RIGHT TO WORK May karapatan kang magtrabaho at makapili ng hanapbuhay. Ang bawat isa ay may karapatan sa makatarungan, patas na bayad o sahod, ligtas at maayos na kalagayan sa paggawa. Karapatan rin ang pagtatatag at pag-anib sa mga unyon ng manggagawa para ipaglaban ang kanyang kapakanan.
FREEDOM FROM DISCRIMINATION RIGHT TO ADEQUATE STANDARD OF LIVING
RIGHT TO EDUCATION
Ang bawat isa ay dapat magkaroon ng maayos na pamantayan sa pamumuhay kung saan natatamasa ang sapat at wastong kalusugan, pagkain, tirahan, pananamit, serbisyong medikal at mga programang panlipunan para sa ikauunlad ng buhay. Kasama rin dito ang pagkakaroon ng kalidad at abot kamay na edukasyon para sa lahat. Ang edukasyon ay itutungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at pagpapalakas ng mga karapatan at kalayaan ng bawat isa.
Ang mga karapatang nabanggit ay mga artikulong nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR). Ipinagdiriwang ang International Human Rights Day tuwing Disyembre 10 kada taon sa buong mundo mula nang ideklara ang UDHR noong 1948 ng United Nations General Assembly.
l at h a l a i n
Karapatan ng mga Detainees, Dapat Isulong Kahit may Pandemya Mitzi Sumilang “Innocent until proven guilty. May karapatan din sila.” Ito ang pahayag ng isang abogado ukol sa karapatan ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL na tinalakay sa All Rights program ng Radyo Veritas nitong Nobyembre. “Sa mata ng Saligang Batas, ang bawat mamamayan ay dapat na ituring na inosente hanggang mapatunayang may sala. Kung may nagawa ang isang tao na offense ay kinakailangan pa rin dumaan sa due process na tinatawag,” ani Atty. Francis Mangrobang mula sa IDEALS, Inc. Ang mga PDL o mga detainees ay ang mga indibidwal na naghihintay ng paglilitis ng kaso o desisyon ng hukuman. Sila ay kasalukuyang naka-aresto, nakakulong o nasa kustodiya ng mga awtoridad. Ang due process ay karapatan ng bawat mamamayan sa isang makatwiran, makatarungan at patas na paglilitis at pagkamit sa hustisya. Gayunpaman, hindi lahat ay natatamasa ang karapatang ito. At kahit sa panahon ng pandemya, mayroon pa ring mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan.
Tulad sa kaso ni “Kath,” hindi niya tunay na pangalan. Isa siyang menor-de-edad na biktima ng torture at iligal na pagdakip ng mga pulis sa Morong, Rizal. Hulyo ng gabi nang dinakip ng mga kapulisan mula sa kanilang tahanan si Kath, ang kanyang ama at ang isa pa nilang kasambahay matapos paghinalaan na sangkot sa iligal na droga. “Tinatanong niya rin ang aking ama, pilit nitong pinapaamin sa kanya galing ang drugs, at sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang sagot ng aking ama ay ako naman ang kanyang sinasaktan ng paulit-ulit at sinabi din ng pulis na trip niya lang ang manakit,” salaysay ni Kath. Dahil sa mga pangyayaring ito, naghanap at lumapit ang pamilya ni Kath sa iba’t ibang grupo na maaaring makatulong sa sitwasyon nila. Tumugon ang legal na organisasyon na Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), Inc. upang tulungan ang pamilya sa kanilang kaso. “Sila po yung tumulong sa amin para mapabilis po yung paglabas ko at para makasuhan din po yung mga pulis. Nabawasan na po ang sikip ng dibdib ni mama.
Nakita po namin siya kanina nakangiti na po,” ani Kath. Ang karanasan nina Kath ay hindi nalalayo sa mga danas ng iba ring mga detainees o mga PDLs. Ang mga tulad nila ay mayroon ding mga karapatan. Ilan sa mga ito ay ang: (1) karapatang mabuhay, (2) karapatang sumailalim sa due process of law, (3) karapatan na hindi ma-torture at gamitan ng dahas, banta at intimidasyon, (4) karapatan na mag piyansa, (5) karapatan na hindi arestuhin dahil lamang sa paniniwalang politikal, at (6) karapatan sa pisikal, medikal at psychological na mga eksaminasyon. Ayon naman kay Atty. Mangrobang, ang mga kababayan nating nasa bilangguan ay nararapat ring irespeto anuman ang kanilang katayuan sa buhay dahil sila rin ay may karapatan sa buhay na may dignidad sa gitna man ng pandemya. Sa gitna ng pangkalusugang krisis tulad ng COVID-19 pandemic, nakapaloob rin sa kanilang mga karapatan na sila ay maprotektahan laban sa virus. Dahil dito, nirekomenda rin ng United Nations Subcommittee on Prevention of Torture (SPT) na dapat gumawa ng mga aksyon
ang gobyerno at mga independent monitoring bodies upang maitaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga detainees. Kung susuriin ang kalagayan ng mga bilangguan sa ating bansa, matuturing na nasa mapanganib at malalang kondisyon ang mga detainees. Sa bilang palang ng populasyon sa loob ng mga bilangguan, mahirap nang masunod ang social distancing na isa sa pangunahing paalala upang mapuksa ang paglaganap ng COVID-19 virus. Dagdag pa rito ang malubhang lagay ng kalinisan at sanitasyon, kaya naman mas lalong napupunta sa bulnerableng sitwasyon ang mga detainees. Ipinaglalaban ng ilang grupo tulad ng PRESO Foundation na tugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangang medikal ng mga PDLs. Kasama sa mga suhestiyon ng mga grupo, ang pagbibigay ng pansamantalang paglaya upang lumuwag ang mga kulungan at mabigyang atensyon ang karapatan sa kalusugan ng senior citizens, mga buntis, may sakit, mga kaso na bailable, non-violent, first time at low risk.
5
Reseta sa Pandemya: Paggalang sa Karapatan Nananatili ang ating mga karapatan anumang sakuna, bagyo o krisis ang dumating. Sa gitna ng pandaigdigang pandemya na ating kinakaharap, ang mga karapatang pantao ay mas lalo dapat protektahan at isaalang-alang ng ating pamahalaan sa kanilang pagpapatupad ng seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan. Ngunit ngayon, mas nararanasan ng mga kababayan nating maralita ang bigat ng batas. Sa nakalipas na buwan, naging laganap pa rin ang karahasan at paglabag sa karapatang pantao, kabilang na rin ang pagdami ng mga inaaresto at ang iba ay pinarurusahan sa hindi makataong paraan alinsunod sa mga bagong patakarang ipinatutupad ng ating pamahalaan. Bagamat kailangang mahigpit na ipatupad ang batas kaugnay ng COVID-19 pandemic, dapat pa ring pangalagaan ang karapatan ng bawat Pilipino. Malinaw rin sa batas na ang bawat isa ay dapat mabigyan ng Due Process. Hindi kamay na bakal at pananakot ng kaparusahan ang solusyon sa kinakaharap nating problema. Ang responsibilidad para sa pagsugpo ng COVID-19 ay naka-atang sa ating lahat at hindi lamang sa mga health frontliners o iilang miyembro ng gobyerno.
Mas kailangang paigtingin ang lakas at kakayahan ng mga barangay at lokal na pamahalaan sa pagtugon sa kailangan ng komunidad. Hindi dagdag na kapangyarihan sa pangulo, kundi dagdag na suporta at pakikipagtulungan sa lokal na nanunungkulan. Sa gitna ng krisis, dapat ding paigtingin ang malasakit lalo na sa mga mamamayang may mas matitinding pasanin at pangangailangan. Kung walang kakainin dahil hindi makapag-hanapbuhay, o walang tahanang matitigilan sa oras ng curfew, hindi lubusang makakasunod sa mga batas at patakaran ang mahihirap. Sa halip na masugpo ang COVID-19, mas lalong palalalain ng mga istriktong patakaran ang suliraning pangkalusugan at panlipunan. Nananawagan tayo sa ating pamahalaan na tutukan ang mga kagyat na suliranin ng taumbayan gaya ng kakulangan ng pagkain, tirahan, atensyong medikal at iba pang batayang pangangailangan. Ang COVID-19 ay ‘di malulunasan ng mga patakarang nakatutok sa pagsagka sa ating mga karapatang pantao. Ang ating gobyerno ay dapat na bigyang-atensyon ang pagpunan sa pangangailangan ng mamamayan, paggalang sa ating mga karapatan, at pagsiguro na ang lahat ay namumuhay ng may dignidad kahit sa gitna ng pandemya.
Program Manager for Media and Communications: Mikhaela Dimpas • Editor-in-Chief: Dada Grifon • Layout Director: Kel Almazan • Cartoonists: Mariannel Crisostomo, Bladimer Usi • Infographics: Kel Almazan, Mitzi Sumilang Sulat Saliksik: Kristine Rebote, Mitzi Sumilang • Larawan: Dada Grifon
Ang Dignidad tabloid ay inilimbag ng IDEALS, Inc. mula 2018 upang ibahagi ang mahahalagang balita at kwento sa ating lipunan. Layunin nitong mulatin at palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng katotohanan at kaalaman ukol sa karapatang pantao.
Palaging may puwang ang pag-asa sa puso ng bawat Pilipino. Gaano man kabigat o kahirap ang dinanas, napuno man ng balisa at pangamba ang taong 2020, mas nanaig pa rin ang nabuong bayanihan sa panahon ng kalamidad at pandemya. Ang buwan ng Disyembre ay hindi lamang hudyat ng kapaskuhan. Ito ay pagdiriwang ng ating karapatan sa paggunita ng National Human Rights Consciousness Week. Napatunayan natin na sa kabila ng anumang pagsubok, hindi natitinag ang diwa ng ating pagkakaisa. Ang bawat isa ay may halaga at may tungkuling ginampanan para sa ikauunlad ng komunidad. May angking lakas tayo para kumilos at higit sa lahat, may boses at kakayahan para ipaglaban ang ating mga karapatan. Iisa ang hangarin natin sa pagsalubong at pagbangon sa bagong taon— kapanatagan, hustisya at buhay na may dignidad.