DIGNIDAD ISSUE 14

Page 1

Isyu 14 | Hunyo 2021 KATOTOHANAN AT KARAPATAN PARA SA MAKATAONG KINABUKASAN

MODERN BAYANIHAN NGAYONG PANDEMYA (3)

KAWALAN NG TRABAHO AT MAAYOS NA SAHOD (4)

IPASA PAGKABASA

TRABAHO, AYUDA AT KALIGTASAN

Para sa Pagbangon ng Manggagawa

(Itutuloy sa Pahina 2)


2

ED ITORYAL

TRABAHO, AYUDA AT KALIGTASAN

Para sa Pagbangon ng Manggagawa SA GITNA NG PANDEMYA, hindi lamang tayo nakikipagsapalaran sa panganib na dulot ng COVID-19 pero sumusuong rin tayo sa pagsubok at hirap na kaakibat ng paghahanap-buhay. Sa kabila ng pangamba at peligro, kailangang magsakripisyo ng mga manggagawa para lamang maitaguyod ang pamilya. Noong nakaraang taon, labis nating ininda ang pagkaantala ng trabaho bunsod ng biglaang pagdedeklara ng lockdown sa bansa. Lubhang naapektuhan rito ang mga arawang manggagawa. Hindi rin naman naging madali at angkop ang “work from home” para sa karamihan. Sumadsad rin ang ating ekonomiya at maraming negosyo ang napilitang magsara. Mahigit 420,000 Pilipino ang nawalan ng trabaho noong 2020, ayon sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE). Inangat nito ang kabuuang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa 4.5 milyong katao o katumbas ng 10.5% na unemployment rate — ang pinakamataas sa loob ng 15 taon.

Bagamat nagbigay ng pansamantalang ayuda ang pamahalaan, hindi ito naging sapat. Dahil dito, gutom at labis na pagkabalisa ang naranasan ng bawat pamilya ng apektadong manggagawa. Kamakailan, umusbong ang community pantries bunga ng

Ang gawaing ito bagamat dapat suportahan ay sumasalamin rin kung gaano kakapos ang sustento ng ayuda ng pamahalaan. malasakit sa kapwa na tinaguriang makabagong bayanihan. Sa Metro Manila lamang, humigit-kumulang 150 pantries ang naitayo mula sa inisyatibo ng komunidad. Ang gawaing ito bagamat dapat suportahan ay sumasalamin rin kung gaano kakapos ang sustento ng ayuda ng pamahalaan.

Pero ang pagtutulungang ito ng komunidad, sa kasamaang-palad, ay minasama naman ng gobyerno. Kinulayan at ginawang politikal sa pamamagitang ng “red-tagging” ang inisyatibong ito, kaya naman marami ang nadismaya. Sa mga ganitong aksyon, patunay na hindi talaga maramdaman ang malasakit ng ating pamahalaan sa taumbayan, lalo na sa mga naghihirap. Ang lakas-paggawa ang sentro ng ating ekonomiya at pundasyon ng kinabukasan ng ating bansa. Pero kung hindi pinahahalagahan ang karapatan ng mga ordinaryong manggagawa, kailangan nating maningil at panagutin ang ating pamahalaan na ibigay ang karapat-dapat sa ating lahat para makamit ang buhay na may dignidad: Kalidad na trabaho, ayuda at kaligtasan para sa bawat isang manggagawa. Kailangang umaksyon na ang pamahalaan at mas maging agresibo na pakinggan ang hinaing ng mga apektadong manggagawa. Maghatid ng trabaho sa mga

nawalan at tiyaking naihahatid ang mga benepisyo, programa at tamang sahod sa mga empleyado. Malaking bagay man ang agarang ayuda, dapat pa ring tutukan ang pangmatagalang solusyon at tulong para tustusan ang pangangailangan ng bawat apektadong trabahador. At panghuli, masiguro ang kanilang kaligtasan lalo na ang mga frontliners. Kaya mahalagang isulong ang abot-kaya at malawakang COVID-19 tests at matutukan ang pagbibigay ng bakuna sa manggagawa. Sa unti-unti nating pagbabalik sa normal, kailangang unahin ang proteksyon at kalusugan ng mga manggagawa para na rin sa kaligtasan ng lahat. May pandemya man o wala, dapat na isulong ang dignidad ng manggagawa.

EDITORIAL BOARD | Program Manager for Media and Communications: Mikhaela Dimpas Editor-in-Chief: Dada Grifon • Associate Editor: Pauline Abello Layout Director: Kel Almazan • Cartoonist: Mariannel Crisostomo Infographics:Trina Baclayo, Soleil Vinoya, Jeyra Morallo Writers: Pauline Abello, Manuel Benjamin Romero, Miguel Louie de Guzman, Raevene Morillo

Ang Dignidad tabloid ay inilimbag ng IDEALS, Inc. mula 2018 upang ibahagi ang mahahalagang balita at kwento sa ating lipunan. Layunin nitong mulatin at palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng katotohanan at kaalaman ukol sa karapatang pantao.


1

2 [1] Pinangunahan ni Fr. Danny Pilario kasama ang mga kabataan at mga balong kababaihan sa pagbibigay ng tulong mula sa Hapag ng Kabataan Community Pantry

Modern Bayanihan ngayong pandemya

3

[3] Sa kabila ng kawalan ng tirahan, nag-boluntaryo sina (mula sa kaliwa) Jay, Roniel, Agnes at Rodel upang maghatid ng tulong para sa Jamboree Community Pantry

Pauline Abello Ang pag-usbong ng kaliwa’t kanang community pantries mula Metro Manila hanggang sa iba’t-ibang probinsya ay patunay na mas mabilis makahawa ang kabutihan at pagtutulungan ng komunidad! Ang community pantry na pumukaw at hinangaan ng karamihan ay binuo at inumpisahan ni Patricia Non nitong Abril 2021.

4

Nagsimula raw ito sa sa simpleng hangarin niyang makatulong sa kanilang komunidad lalo na ngayong pandemya kung saan kapos sa pantustos ang karamihan sa mga apektadong manggagawa.

[4] Binasbasan ang parokya ng Parish of the Lord of Divine Mercy bago buksan ang PLDM Community Pantry sa Brgy. Botocan [5] Nakatanggap ng pagkain at tulong ang 850 homeless communities mula sa Arnold Janssen Kalinga (Kain-Aral-Linis- NG Ayos) Center sa Tayuman, Manila.

Marami ang naantig sa kabutihang ito kaya naman, naging huwaran ito ng iba pang komunidad at mabilis na lumaganap. Umabot sa humigit-kumulang na 200 community pantries ang patuloy na umuusbong sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Patuloy na isinasagawa ang tinaguriang bayanihan para makatulong sa mga nangangailangan.

5 6

[2] Isang community kitchen ang binuksan para sa mga pamilyang nakatira sa Manila North Cemetery. Mahigit sa 300 katao ang nakatanggap ng pagkain sa pangunguna ng mga lider ng komunidad ng MNC

[6] Maaga pa lamang ay maayos na nakapila ang mga mamamayan mula sa Brgy. South Triangle upang makiisa sa Community Pantry.

Mga larawan mula sa Kariton Coalition o grupong tumutulong sa mga homeless communities.


4

L ATHAL AI N

Kawalan ng trabaho at maayos na sahod, iniinda ng manggagawa sa gitna ng pandemya Manuel Benjamin Romero ANO ANG HALAGA ng mahigit isang dekadang paninilbihan sa isang kumpanya? Para sa restaurant employee na si Mylene (hindi niya totoong pangalan), napagtanto niyang tila wala naman pala gaano. Taong 2009 nagsimulang magtrabaho si Mylene sa isang sikat na restaurant chain. Labindalawang taon siyang bahagi ng service crew—tumatanggap ng order ng mga customer at naghahatid ng pagkain—hanggang inanunsyo ang enhanced community quarantine noong Marso 2020 at napilitang itigil ng restaurant ang operasyon. Ayon kay Mylene, na isang regular na empleyado, simula noon wala na siyang natanggap na sahod galing sa kumpanya. Mahigit isang taon na rin sila ng mga kasamahan niyang hindi binabalitaan tungkol sa status nila bilang empleyado. “Ni isang tao, wala pang nag-message sa amin kung may babalikan pa kami o wala. Ang lagi lang sinasabi ng supervisor namin, wala naman daw silang magagawa; intindihin na lang daw namin ang mga boss namin kasi nahihirapan din sila,” aniya. “Hanggang kailan kami maghihintay eh parang walang naman kaming ibang mapapasukan?” Kalagayan ng mga manggagawa sa gitna ng pandemya Isa si Mylene sa 2.1 milyong manggagawang inilagay sa floating status ng kanilang employer. Ibig sabihin, pansamantala silang hindi ipinagtatrabaho at sinusuwelduhan para makaiwas sa pagkalugi ang kumpanya. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), isang taon

ang maaaring itagal ng mga empleyado sa floating status, maliban kung magkasundo ang empleyado at ang kanyang employer na pahabain pa ito. Base sa survey na isinagawa ng International Trade Centre (ITC), 70% sa mga negosyo sa bansa ang lubhang naapektuhan ng pandemya; isa sa bawat 10 naman ang nanganganib na permanenteng isara. Pinakamabigat ang pasaning ito sa karaniwang manggagawa. Sa kanilang inuupahang silid sa Quezon City, magkakasamang naninirahan sina Mylene, ang kanyang asawa, at ang kanilang 0 buwang gulang na sanggol. Parehong walang trabaho ang mag-asawa, at hirap silang makahanap ng panustos sa pang-araw-araw na gastusin. “Mahirap talaga. Ang hirap ng buhay. Walang-wala kami, kaya umaasa lang talaga ako na mabigyan na ng aksyon ang mga hinaing namin.” Ang mas malala pa para sa mga katulad ni Mylene, mahirap ding makahanap ng trabaho sa ibang lugar. Kwento niya, ilang buwan na siyang sumusubok makapasok sa iba’t ibang trabaho, pero hanggang ngayon, wala pang tumatanggap sa kanya. Ayon sa DOLE, mahigit 420,000 Pilipino ang nawalan ng trabaho noong 2020. Inangat nito ang kabuuang bilang ng mga walang trabaho sa bansa sa 4.5 milyong katao o katumbas ng 10.5% na unemployment rate — ang pinakamataas sa loob ng 15 taon. Para kay Mylene, na 12 taon ang itinagal sa kanyang trabaho, umasa siyang masusuklian man lang ng kumpanya ang kanyang paninilbihan.

2.1 milyon

ang floating na manggagawa

70%

negosyo sa bansa ang lubhang naapektuhan ng pandemya

1 sa bawat 10 Isa sa bawat sampung negosyo ang nanganganib na permanenteng magsara

420,000 mahigit ang nawalan ng trabaho noong 2020

10.5% ang unemployment rate na pinakamataas sa loob ng

15

taon Datos mula sa DOLE at International Trade Center

“Sobrang nakakasama ng loob. Ang sakit sa dibdib. Hindi ako makatulog kaiisip kung magkakasagot ba ang lahat ng tanong ko. Sayang ang ilang taon naming paninilbihan — sa panahon ng matinding pangangailangan, wala pala kaming mapupuntahan.” Paglaban para sa Karapatan Sa datos ng IDEALS o Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services, ang karamihan sa mga isyung kinakaharap ng mga manggagawa ay patungkol sa retrenchment, hindi pagbabayad ng separation pay at illegal dismissal. Tinatayang nasa 1,352 na katanungang legal naman ang natugunan ng mga abogado mula sa inisyatibong Tisya Hustisya. Aabot naman sa 69 kliyente ang nabigyan ng libreng legal assistance ng organisasyon. Sa kabila ng kawalang-katiyakan, hindi raw titigil si Mylene sa paggiit sa kanyang mga karapatan. Kasama ang iba niyang katrabaho sa kumpanya, naghain ng claim si Mylene sa DOLE noong Pebrero 2021 para mahingi ang kanilang nakabinbing sweldo at benepisyo. Kasalukuyan pang nilulutas ang claim nila sa tanggapan. “Hindi ako dapat mahiya na nagrereklamo ako. Bakit ako mahihiya? Karapatan ko ‘to. Ang dami naming matagal na nanilbihan para sa kanila. Kung wala kami, wala rin naman silang kikitain.” Higit sa lahat, malaking bagay para sa kanya na marami silang magkakasama sa kanilang laban.| “Nakakaluwang sa pakiramdam na hindi ka nag-iisa, na may karamay ka. Sabi ko sa kanila, “Tuloy tayo, huwag tayong matakot. Karapatan natin ito.”



6

O PINYON

Bakuna, Karapatan at Pananagutan Natin Atty. Mario Maderazo ISANG malaking kabalintunaan na natatakot tayong madapuan at mamatay sa COVID-19, pero marami ring natatakot na magpabakuna. Ang takot ng karamihan na magpabakuna ay tila isa na ring epidemya na dapat nating sugpuin. Responsibilidad natin ang magpabakuna upang magkaroon tayo ng proteksyon at mapigilan ang pagkalat ng virus. Malinaw ang paliwanag ng mga eksperto na ang bakuna ay hindi isang agimat laban sa COVID-19. Ito ay magbibigay lamang ng dagdag na proteksyon upang kung tamaan man tayo ng sakit ay hindi magiging malubha ang epekto nito at upang magsalba ng marami pang buhay. Ang pagpapabakuna ay karapatan din natin. Pinatupad ang RA 11525 o National Vaccination Program laban sa COVID-19 kung saan nakasaad ang tungkulin ng gobyerno na maipaabot sa bawat mamamayan ang ligtas at epektibong bakuna. Bagamat maaaring tumanggi o i-waive ang karapatang mabakunahan, mas hinihikayat pa rin ang publiko na magpabakuna, upang mas mapabagal na ang pagkalat ng virus. Kaya napakahalagang paigtingin ang pagpapalaganap ng sapat at tamang impormasyo ukol sa pagbabakuna upang ma-engganyo

ang publiko na tangkilikin ang National Vaccination Program. Ngunit paano na kung ang iilang opisyal ng gobyerno pa mismo ang nagbabahagi ng maling impormasyon? Kung sila mismo ang sumasalungat sa mga protocols at hindi umaayon sa mga medical experts? Paano kung ang mismong Pangulo at mga lingkod-bayan ang nag-mamando ng maling direksyon para labanan ang pandemya? Ang mga pangyayaring ito ay nagbibigay lang lalo ng kalituhan at pangamba sa taumbayan. Sumasalamin lamang ito na bukod sa kakulangan pa sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon, wala pa ring malinaw na pananagutan ang mga nanunungkulan. Binabalewala ang batas. Kaya bilang responsableng mamamayan, tungkulin naman nating mas maging mapanuri at kritikal sa mga impormasyong ating pinaniniwalaan. Sa panahon ng pandemya, mas mainam na magdesisyon batay sa payo ng mga health and medical experts na bumase sa ebidensya at siyensa. Hindi sa mga pulitiko na nagsusulong lang ng interes ng iilan. Dapat na maiparating ang tamang impormasyon mula sa mga eksperto sa medisina upang

magabayan ang publiko sa gutan, at may pagkilala sa ating nararapat na gawin. At dadaloy mga karapatan. ang sapat at tamang impormasyon Magpabakuna na, karapatan sa pamahalaang may panana- at responsibilidad natin ito.

Barrios Communities Week Pauline Abello Alam mo ba na humigit kumulang 80% ang naninirahan sa mga baryo sa Pilipinas? Kaya naman, idinaraos tuwing ikatlong linggo ng Mayo ang Barrio Communities Week bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga kababayan nating naninirahan sa kanayunan. Layunin ng programa na maipaabot ang mga benepisyo, oportunidad para sa mga manggagawa at mapaunlad ang kanilang kalusugan. Ngayong panahon ng pandemya, mahalaga ang sanitasyon o ang kalinisan sa bawat komunidad. Kaya naman, inilunsad ng Hygiene Behaviour Change Coalition (HBCC) ang programang Mum’s Magic Hands sa mga upang magbigay ng mga impormasyong pangkalusugan sa mga kababayan natin sa Mindanao. Isa si Rohamina Usman Pango, 33, OFW na umuwi galing sa Saudi Arabia, ang nabigyang kaalaman tungkol sa tamang impormasyong pangkalusugan. Dahil dito, tumaas ang kumpiyansa niya na maproteksyunan at maalagaan ang kaniyang pamilya.


O P IN YO N

7



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.