Isyu 15 | Hunyo 2021 KATOTOHANAN AT KARAPATAN PARA SA MAKATAONG KINABUKASAN
PAGHILOM (3)
HALALAN 2022 (4)
BOSES SA GILID NG KALSADA (7)
IPASA PAGKABASA
2
ED ITORYAL
“Malaya at Malayo sa Pangamba” Pinangungunahan ka ba ng takot o pag-asa? Hindi pa rin tapos ang pandemya. Bagamat dumating na ang bakuna at unti-unti nang nagbubukas muli ang ekonomiya, hindi pa rin naiibsan ang takot ng bawat isa, lalo na ang mga pamilyang mas nalugmok dahil sa pagtigil ng kabuhayan. Mas nananaig pa rin ang pagkabagabag at kawalan natin ng tiwala sa ating hinaharap. Malaking bahagi nito ay dahil walang binibigay na kumpiyansa ang ating pamahalaan dahil sila naman ay pinangungunahan ng kalituhan, pulitika at personal na interes. Lalo pa dahil papalapit na ang eleksyon, natabunan ang iba pang mga isyu ng bansa na mas nangangailangan ng pansin. May pandemya pa at patuloy pa ring
tumataas ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, dagdag pa rito ang banta ng lalong dumaraming kaso ng Delta variant. Marami pa rin ang nanganganib ang kanilang kaligtasan at kalusugan. Maliit na pursyento palang ang nababakunahan at matingkad ang agwat dulot ng access ng mga may-kaya sa buhay. Milyong mga Pilipino ang wala pa ring trabaho at walang natanggap na ayuda. Binalewala ng pamahalaan ang tawag para sa katarungan ng mga biktima ng karahasan at mga nalabag na karapatang-pantao. Bago pa man dumating ang pandemya, sinisikil na ang karapatan at kalayaan ng mga maralita. Mas lalo pa ngayong dumating ang pangkalusugang krisis, sila rin ang lubhang apektado.
Pero ang mas naging kahangahanga sa mga nasa laylayan ay sa kabila ng takot at paghihirap, nandoon pa rin ang pag-asa ng bawat isa. Sa kabila ng maraming nagdaang pagsubok at paniniil, sumisiwang pa rin ang pag-asa. Ang kasaysayan natin ang magpapatunay na marami na tayong napagtagumpayang laban. Mula sa ilang daang taong pananakop sa atin ng mga dayuhan, ang pag-alsa natin laban sa ilang dekadang diktadurya at ang ating bayanihan anumang krisis, kalamidad, bagyo at hirap ang magdaan. Ang ating kapanatagan ay nakaangkla sa ating pagkakaisa at pagtutulungan bilang iisang bayan na tumitindig para sa ating mga karapatan at kalayaan.
Paralegal training, dinaluhan ng mga volunteer ng Simbahang Katolika Nagsama-sama sa isang virtual workshop ang mga Katolikong volunteer mula sa Mindanao para paigtingin ang kaalaman nila tungkol sa batas at sa mga karapatang pantao. 86 volunteers mula sa iba’t ibang parokya sa Diyosesis ng Marbel ang lumahok sa “Writethe-Wrong” paralegal training na isinagawa sa Zoom noong Hunyo 10, 2021. Mga abogado ng IDEALS, Inc. ang nagbahagi sa kanila ng kaalaman tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao, search and seizure, criminal law, at arrest and detention. Ayon kay Atty. Margaret Callanta, isa sa nagsilbing resource persons para sa training, ang pangunahing layunin nito ay ipaalam sa mga tao ang karapatan nila at kung paano nila
maipagtatanggol ang kanilang komunidad. “Kailangan nilang maintindihan: ano ba itong konsepto ng paglabag sa karapatang pantao? Paano dapat kinakausap ang mga nakakasaksi ng paglabag? Anuano ang mga batas na maaaring
malabag? Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan ng background sa batas, at iyon ang itinuturo namin.” Sinasanay sa batas ang mga volunteer para maging paralegal —mga kaagapay ng kanilang komunidad sa pagbabantay at
Salamin ito na hindi patitinag ang mga Pilipino sa takot. Hindi man lubusang mapuksa ito, ang isang bagay na kaya nating gawin ay patuloy na lumaban kahit may bakas ng pangamba sa atin. Alam natin na hindi tayo magisa. Buhat ito ng pananampalataya at dahil may kakayahan tayong humugot ng lakas ng loob mula sa ating pamilya. Dagdag pa rito ang mga inisyatibo at pagtutulungan ng Simbahan, komunidad at mga organisasyong may totoong malasakit sa taumbayan. Mas umiigting pa ang pag-asa na makakayanan rin nating labanan ang krisis na ito. Higit sa lahat, mabuo ang iisang panawagan at tawag ng pananagutan sa mga nanunungkulan na ibalik sa atin ang ating kalayaan at kapanatagaan.
Jag San Mateo
pag-uulat ng anumang paglabag sa karapatang pantao na maaaring mangyari roon. Isa si Jun Diocades sa mga lumahok sa workshop, at ayon sa kanya, magagamit niya ang mga natutuhan niya sa kanyang paglilingkod bilang purok chairperson sa kanilang barangay. “Sa pagse-search ng bahay ng tao, isa pala dapat ako sa magiging witness. Kaya dapat alam ko [ang batas]: kung ano ang dapat hanapin sa search warrant, kung valid ba ito. Kasi kung hindi natin alam ang batas, maaari po tayong mabiktima o maloko.” Dati nang nagsasagawa ang IDEALS, Inc. ng legal rights education sa iba’t ibang komunidad,
Itutuloy sa Pahina 2
BA L ITA
3
PAGHILOM: Ang Pagpursigi ng 12 Kababaihan Para Sa Kanilang Karapatang Pantao Sly Custodio Sa panahong patuloy ang pang-aabuso ng estado sa ating karapatang pantao, paano nito hinuhubog ang ating kahulugan ng pagiging matapang? Inalam ito ng labindalawang kababaihang sa kanilang lakbay patungo sa paghilom bilang mga survivors of human rights violations (HRV survivors). Ang labindalawang kababaihang ito ay mga batch coordinator ng Paghilom, isang programa para sa mga pamilyang biktima ng giyera konta droga, na lumahok sa Project BRAVE. Ang Paghilom ay isang proyekto ng AJ Kalinga Foundation Inc. (AJKF Inc.) para sa pagproseso ng mga pamilya ng HRV survivors ng kanilang hindi kanais-nais na karanasan at trauma. Dahil sa proyektong ito, at sa pangmatagalang pagtutulungan ng AJKF Inc. at IDEALS, Inc. para
sa paglaban para sa karapatang pantao, madali ang naging pakikipag-ugnayan ng dalawang organizasyon para sa Project BRAVE. Kilala bilang “Empowering and Building Resilience Among Victims of Extrajudicial killings and HRV Survivors”, ang Project BRAVE ay nagnanais magbigay-lakas sa mga HRV survivors
upang maging tagapagtanggol ng karapatang pantao. Naganap ito mula Oktubre ng nakaraang taon hanggang Marso nitong taon. Ito ay binubuo ng mga sesyon kung saan napagnilayan ng labindalawang kababaihan ang kanilang mga karanasan at nakapagtalakay ng mga batas na may kaugnayan sa kanilang konteksto.
Paralegal training, dinaluhan ng mga volunteer ng Simbahang Katolika Itinuloy mula sa Pahina 2 pero ayon kay Atty. Callanta, nagbago ang nilalaman ng mga workshop nang dahil sa pandemya. “Kung ano ang issues na laganap sa komunidad, iyon ang isinasama namin [sa mga workshop]. Noong pre-pandemic, illegal arrests o detention at war on
drugs ang tinatalakay namin. Ngayon naman, maliban sa mga iyon, dinagdag din namin ang community quarantine violations at ‘yung mga community pantry.” Ang workshop ay ang ikalawa sa tatlong bahagi ng paralegal
training na ibibigay ng organisasyon para sa Diyosesis ng Marbel. Sa ikatlong sesyon, na gaganapin sa Hulyo 2021, tuturuan naman ang volunteers ng pagdokumento at pagkalap ng ebidensya ng mga paglabag sa karapatang pantao.
Dahil sa Project BRAVE, mas naging panatag ang kanilang mga loob tungo sa paglalakbay sa paghilom sa kanilang mga dinanas, at sa pagiging tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Nang sila’y tanungin tungkol sa kanilang kahulugan ng pagiging matapang, heto ang kanilang sagot: “Mahalaga kasi nagkakaroon ng pagkakaisa… tumatapang [tayo]…nagkaroon ng kakampi na tutulong sa amin na makamit yung hustisya… maipagtanggol [naming] ang sarili dahil may alam na… kung pano sasagot sa tamang paraan. Baka pag nalaman nila na may alam kami, mas hindi kami maaabuso. Lumalakas ang loob ko.” Sa pagtatapos ng Project BRAVE nitong Marso, umaasa ang labindalawang kababaihan na makakapaghimok pa sila mula sa kanilang mga komunidad na sumali sa kanilang grupo ng tagapagtanggol ng karapatang pantao. Nais nilang makapagpasali ng 75% ng kanilang kapwang miyembro sa Paghilom ngayong 2021. Nais din ng mga coordinator na magkaroon ng kumpletong legal documentation para sa lahat ng pamilyang apektado sa giyera kontra droga upang makapagfile para sa reparation pagdating ng tamang panahon.
EDITORIAL BOARD | Program Manager for Media and Communications: Mikhaela Dimpas Editor-in-Chief: Dada Grifon • Associate Editor: Pauline Abello Layout Director: Kel Almazan • Cartoonist: Mariannel Crisostomo Infographics: Soleil Vinoya, Jeyra Morallo Writers: Pauline Abello, Jag San Mateo, Jeyra Morallo, Sly Custodio
Ang Dignidad tabloid ay inilimbag ng IDEALS, Inc. mula 2018 upang ibahagi ang mahahalagang balita at kwento sa ating lipunan. Layunin nitong mulatin at palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng katotohanan at kaalaman ukol sa karapatang pantao.
2 2 0 2 N A L A HAL
Jeyra Morallo
‘Pinas. Ayon sa tion season sa ec el g an na a teng halalan dam pinakaimportan g Halalan pero an ga m go sa ba a is pa ay on 22 nakaharap Halos isang ta eleksyon sa 20 sad mula sa ki na uu ap yo an ta o ag an ag m pa ang amalakad kung ilang eksperto, masamang pam ay magdidikta at to n ni yo lta ps su ru re ko moto. Ang ya at patuloy na pa ba talaga bu an em sa kasaysayan. ng nd ila pa ka ng a ng tn ku ro sa gi ang napapaisip nating krisis. Pe ing mamamayan am ar m o, at er ng ibang lid
PAG-ASA SA 2022 Bagamat marami ang nag-aalinlang na bumoto sa 2022, marami pa rin ang hindi nawawalan ng pag-asa sa halalan. Ani first-time voter na si Sophia Mariano, nagparehistro siya sa kabila ng panganib na dala ng pandemya dahil ang pagiging botante ay importanteng aspeto ng kanyang pagiging Pilipino. Dagdag pa niya, dahil sa sitwasyon ng bansa ngayon, mas kailangan natin kumilos at tuparin ang responsibilidad na bumoto para sa ikauunlad ng bansa. Para naman sa 20-anyos na si Edcel Guidado, boboto siya dahil gusto niyang mag-ambag sa bansa at sa demokrasya. “Yung isang boto, pwede siyang mag-decide kung anong klase ng administrasyon magkakaroon ang Pilipinas, ang ganda lang sa pakiramdam,” aniya. “Napaka-importanteng bagay nya kasi lahat tayo involve sa magiging outcome.” Sa tingin ni Edcel, importante na ang mga lider na ihahalal natin sa 2022 ay taong tunay na mapagkakatiwalaan. Dapat daw kayang tuparin ang kanyang mga pangako at may konkretong plano para sa COVID-19 krisis. “Hindi lang lip service,” giit niya. Ang hanap naman ni Sophia na lider ay taong inuuna ang kapakanan ng mga taong piinaglilingkuran niya, imbis na pansariling interes. Dagdag niya, “I believe that the issue regarding EJK, Red-tagging, decriminalization of drugs, West Philippine Sea, and misogyny are the ones that the next administration should focus on.” Para kay Sophia, mahalaga ang parte ng kabataan sa gaganapin na halalan dahil sila ang kinabukasan ng bansa. Sang-ayon dito si Edcel, na nag-mungkahi sa mga kabataan na gamitin ang social media para sa pagkalat ng maasahang impormasyon kaugnay ng halalan. “Napakahalaga ng boses nila dahil kadalasan mas pinagkakatiwalaan na ng mga tao kung ano ang nakikita sa social media. So, we, as a youth kailangan responsible kung ano ang ipapakalat sa social media,” aniya.
issue I believe that the ging, g a -t d e R , K J E g in regard rugs, d f o n io t a z li a in decrim ea, and S e in p ip il h P t s e W ones that e h t e r a y n y g o is m tion a r t is in m d a t x e n the should focus on. TO VOTE OR NOT TO VOTE Ang karapatan bumoto o suffrage ay isa sa mga pinakaimportanteng karapatan ng bawat Pilipino. Nakasaad ito sa Konstitusyon ng Pilipinas at kasama sa Universal Declaration of Human Rights para masiguro na buhay ang demokrasya at ang kapangyarihan ng gobyerno ay galing sa taumbayan. Ayon sa batas, lahat ng Pilipino edad 18 pataas ay pwedeng bumoto. Sa pamamagitan ng pagpili ng mga lider o taong magrerepresenta sa kanila sa gobyerno, may kapangyarihan ang mamamayan para impluwensyahan o diktahan kung paano ang pamamalakad sa bansa.
Para sa maasahang impormasyon sa eleksyon o mga kaugnay na tanong o concerns, i-like ang ALERTayo 2022 sa Facebook
Ang voter’s registration para sa #Halalan2022 ay hanggang September 30, 2021
Ano ang mga kailangan kong dalhin para magparehistro?
face shield face mask
valid I.D.
Kung ikaw ay isang overseas voter...
Kung ikaw ay gumamit ng iRehistro voter’s registration
Kung ikaw ay gumamit ng Mobile app voter’s registration
Ano ang mga pwedeng maituring na Valid ID?
6
l athal ai n
MAGTANONG KAY TISYA HUSTISYA Tuloy tuloy pa rin ang inisyatibo ng IDEALS na Tisya Hustisya, na isang online legal consultation chatbot kung saan maaaring makausap at maka-chat ng sinumang Pilipino nangangailangan ang mga abogado na kasapi ng IDEALS para humingi ng legal advice. Kung nais mong kumunsulta, hanapin lamang ang aming official facebook page na Tisya Hustisya (facebook.com/TisyaHustisya) at mag-PM o Send Message. Bukas ang live chat kasama ang mga abogado mula 8AM hanggang 4PM araw-araw. Ang serbisyo namin ay naka-first come, first serve basis ngunit sinisigurado namin na sasagutin namin ang lahat ng mga katanungan. Nananatiling bukas ang mga hotline: 0953 382 6935 (Globe at TM) at 0951 077 4412 (Smart, TNT, at Sun) para sa mga walang access sa internet
Maam Tisya, tanong ko lang po kung may laban ako sa employer ko kung 4 months pa lang ako sa trabaho ay tinanggal na nila ako? Nakadepende ito kung may just or authorized cause sa pagtanggal saiyo sa trabaho at kung ikaw ay dumaan sa due process. Sa ilalim ng Article 297 ng Labor Code, ang mga itinuturing na Just Cause ay ang mga sumusunod: • Paggawa ng seryosong maling gawain o sadyang hindi pagsunod ng empleyado sa isang utos ng maypagawa o employer o kanyang kinatawan na legal at may kaugnayan sa trabaho ng empleyado; • Garapal at paulit-ulit na pagpapabaya ng empleyado sa kanyang mga tungkulin; • Pangloloko o sadyang paglabag ng empleyado sa tiwalang ibinigay sa kanyan ng kanyang maypagawa o employer o ng kinatawan ng kanyang maypagawa o employer; • Paggawa ng krimen o pagkakasala ng empleyado laban sa pagkatao ng kanyang maypagawa o ng sinomang miyembro ng pamilya ng maypagawa o ng kinatawan ng maypagawa; • Iba pang sanhi na may pagkahalintulad sa mga sumusunod Sa ilalim naman ng Article 298 ng Labor Code, ang mga sumusunod ay ang mga tinatawag nating Authorized Cause: • • • •
Instalasyon ng mga labor-saving devices; Kalabisan o Redundancy; Retrenchment para makaiwas sa losses; Pagsara o pagtigil ng operasyon ng kumpanya.
Karagdagan dito, upang maituring na balido ang pagsisisante, kailangang magkaroon ng notice and hearing para sa empleyado.
Boses sa gilid ng kalsada ngayong pandemya Pauline Abello
Sa tulong ng Martha’s Kitchen, miyembro ng Kariton Coalition, nakapaghatid ng pagkain at tulong para sa mga kapus-palad na apektado ng pandemya. Ang tahanan ang nagsisilbing unang linya ng depensa at panangga laban sa pandemya ngunit paano ang mga kababayan nating walang tirahan? May programa ba para sa kanila? Naririnig kaya ang kanilang hinaing? Paano sila nabubuhay sa pangaraw-araw? Ang mga tao at pamilya na nabubuhay sa lansangan ang isa sa pinaka bulnerableng sektor sa panahon ng pandemya. Hindi lamang sila walang bahay na panangga sa sakit at klima, sila din ay bulnerable sa abuso at pagka-huli ng otoridad kaugnay ng pagpapatupad sa iba’t ibang protocols at operasyon. Kaya naman, naisipan ng isang pangkat ng mga indibidwal mula sa iba`t ibang mga simbahan at mga organisasyon na bumuo ng isang grupo upang marinig ang kanilang boses at kumatawan sa mga indibidwal na walang tirahan sa kalye at nagtataguyod para sa kanilang mga karapatan, pagsasama, at paglakas. Sila ay ang Kariton Coalition. Adhikain ng koalisyon ang ma-protektahan ang karapatang pantao, at maiangat ang dignidad ng mga taong naglalagi sa lansangan, o mga individuals experiencing homelessness o street dwellers. Nilalayon din ng koalisyon na mabigyan ng representasyon ang mga indibidwal na ito sa iba’t ibang sangay ng gobyerno at sa pangkalahatang publiko.
Tulad na lamang ni “John”, hindi niya tunay na pangalan, isang boluntaryo mula sa Martha’s Hot Kitchen, na nagbahagi ng kanyang kwento ukol sa pagsali sa Kariton Coalition. “Nakilala ko ang grupo at ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng social media noong naglaan ang aning kumpanya ng tulong pinansyal sa grupo noong April 2020. Subalit noong Oktubre 2020 lamang ako nagdesisyon na personal na ipagamit ang oras, kakayahan, at kagamitan sa kadahilanan na ang aking kasanayan ay nakatuon sa “rehabilitation” (long-term reform) at hindi sa “response” (immediate needs)” wika nito. Dagdag pa niya, mas nagkaroon siya ng mas malalim na pang-unawa sa naidulot ng pandemya sa kabuhayan, kalusugan, at pangarap ng mga biktima ng kahirapan. Sa pagbabahagi ng pagkain mula sa Martha’s Hot Kitchen at Kariton Coalition ay nabibigyan ng nutrisyon at pagkain ang mga kababayan natin sa lansangan. Ang paghahandog ng tulong at serbisyo ay isang anyo ng pakikipag-kapwa na siyang higit nilang kailangan. Tubig, bigas, tinapay at kung anu ano pa ang tanging sandata nila sa araw-araw. Dahil kalam ng sikmura ang tangi nilang kalaban, hindi ang pandemya.