Dignidad 5 | August Issue

Page 1

ISSUE 5 AUGUST 2019 EDITORYAL

TUMANGAN SA PALAD NG HUSTISYA

mga mayaman at makapangyarihan ay pinakakawalan lamang. Due process, ika nga nila. Kahit gaano pa kabigat ang kanilang pagkakasala, maaari nilang paikutin o pabilisin ang sistema sa pamamagitan ng kanilang pera o kapangyarihan. Tingnan Ang salitang hustisya ay palasak na sa ating wika dahil laganap itong sinasabi ang mga napatunayang taksil at lalo na sa mga balita. Madalas mang marinig, tila malabo at mailap ang magnanakaw sa taumbayan, tulad nina Imee Marcos, Bong Revilla, Juan konsepto nito depende sa karanasan at panahon natin. Hiram ang salitang hustisya sa garantiya na mas mapabubuti nito Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Gloria salitang Latin na ‘justitia.’ Ang likas ang pagbibigay ng hustisya. Sa Arroyo. Dinepensahan naman ni Sen. na tawag natin dito sa Filipino ay kasalukuyan, kahit walang hatol ay Bato de la Rosa ang pulitikong si ‘katarungan’ na mula naman sa pinapatay parin ang mga mahihirap. Antonio Sanchez na isang rapist at salitang ugat na ‘tarong’ na ang Tulad kung paano iutos ni Pangulong murderer. Dapat daw itong bigyan ng kahulugan ay nararapat, tama, o Duterte na pumatay sa isa pang pagkakataon. patas. Ang katarungan ay isang kanyang kampanya kontra Pero bakit ang pagtutuwid o pagsasatama ng isang droga. Pinapatay rin ang mga mahihirap, mga magsasaka at mga hindi pwedeng maling gawain. Ang pagtingin natin sa sistema katutubo. bigyan ng ng hudikatura at katarungan ay ang Kung sila ang pagkulong sa may sala, ang pagbansag humihingi ng hustisya bilang criminal at biktima. sa mga human rights Ngunit ang katarungan o hustisya violations na ito, wala ay karapatan ng bawat tao at dapat namang pakialam na patas itong ibigay sa lahat. Pero sa ang pamahalaan sa ating bansa, mistulang may dalawang hinaing nila. mukha ang hustisya - isang para sa Sa kabilang mahirap at isang para sa mayaman. banda, ang Ang mga mahihirap na nabansagang kriminal, kumusta ang sitwasyon nila sa kulungan? Ano ang sitwasyon ng mga naiwan nilang pamilya? Ilan lamang ito sa mga pag-uusig na dapat ring pakinggan para mas makaguhit tayo ng mas matalas na pagtingin sa mga taong nasa piitan. Ayon sa mga datos, umaabot sa humigit 188,278 ang bilang ng inmates sa bansa. Malaking porsyento dito ay mga pre-trial detainees kung saan hindi pa napapatunayan na sila ay may sala. Dahil sa napakabagal na proseso ng pag-usad ng kaso, nagtitiis sila sa piitan. Kamakailan ay muling ikinampanya ng administrasyon ang pagbabalik ng death penalty. Ngunit walang

pagkakataon? Mas mailap ang hustisya at due process of law sa mga kababayan nating nasa laylayan. Kung hindi naihahatid ng pamahalaan ang hustisya sa mahihirap, lalo sila dapat na panagutin. Responsibilidad ng ating pamahalaan ang masiguro na ang katarungan ay nabibigay ng patas sa lahat. Maging anuman ang katayuan sa buhay, mayroon kang karapatan na makakuha ng due process kung ikaw ay nahatulan at mabigyan ng hustisya kung ikaw naman ay biktima. Kaya ang simbolo ng hustisya ay nakapiring at dapat na walang kinikilingan. Pero paano kung ang nagpapatupad ng hustisya ang siyang lumalabag sa kanyang tungkulin? Tandaan na tayong mga mamamayan ang walang piring. Tayo ang mulat sa katotohanan ng umiiral na sistema at sitwasyon ng hudikatura sa bansa. Kung gayon, dapat na mas lalo nating pagtibayin ang ating mga sarili at maningil sa ating mga karapatan. Kung ito ay ipinagkakait sa atin, mas lalong kailangan nating magkapit-bisig para angkinin ang para sa atin. Ang tunay na lakas ng hustisya ay nasa palad ng taumbayan. Hawak rin natin ang hatol ng magiging bukas. Kaya kailangan nating manindigan at patuloy na tumangan ng hustisya.


2 | DIGNIDAD

ISSUE 5 | AUGUST 2019

Naulilang ina, lumalaban para makamit ang hustisya

Jerico Daracan Nasa hinuha pa rin ni Nanette ang dapat sanang maaliwalas na kinabukasang naghihintay para sa panganay niyang anak na si Aldrin.

Sabi niya, gusto ng anak na guminhawa ang buhay nilang pamilya. Pero wala na si Aldrin para isakatuparan ang pangarap na ito. “Pupunta na dapat siya sa Saudi para magtrabaho bilang isang skilled welder, kaso pinatay siya,” ani Nanette. Sa edad na tatlumpu’t isa, tumutulong si Aldrin na itaguyod ang kaniyang pamilya. Wala kasing permanenteng hanap-buhay si Nanette. Kaya naman, katuwang si Aldrin ng kanyang ama sa pagtatrabaho. Para sa naulilang ina, mahirap na lubusang tanggapin ang masaklap na pangyayaring ginawa sa kanyang anak. “Tao ang anak ko na pinaslang nila. Inalisan siya ng karapatang mabuhay,” wika niya. Halos dalawang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon, hindi pa rin kilala ang salarin sa pagpatay kay Aldrin. Oktubre noong taong 2017 nang dumating ang pitong naka-maskarang lalaki habang kasama ni Aldrin ang kanyang mga kaibigan. Nakasakay ang mga ‘di kilalang lalaki sa motorskilo. Tinanong ‘diumano ng mga lalaki ang pangalan ng kaniyang anak habang nakaluhod sa kalsada. “Pinaluhod siya sa kalsada tapos tinanong ang pangalan niya. Kahit ilang beses siya nagmakaawa, binaril pa rin siya,” aniya. Walang nagawa ang pagmamakaawa ni Aldrin. Anim na tama nang baril ang natamo niya matapos nito. NASAAN ANG DUE PROCESS? Tulad ng marami pang biktima ng

kampanya kontra droga ni Pangulong Duterte, naniniwala si Nanette na hindi makatarungan ang ginawang pagpatay sa kaniyang anak. Inamin niya na nasubukang gumamit ng kanyang anak ng droga para sa kanyang trabaho. Pero hindi raw ito sapat na dahilan para kitilin ang karapatan ng anak na mabuhay.

Tao kami na may karapatang mabuhay. Dapat may due process kung magkasala man at pantay na hustisya ang dapat ibinibigay ng gobyerno natin sa lahat. Mayaman man o mahirap.

man o mahirap, ayon sa ating batas,” aniya. Giit niya, hindi tamang solusyon ang karahasan at pagpatay dahil inaalisan nito ng isa pang pagkakataon ang mga biktima na magbago. Hinaing din ni Nanette, tila mga numero na lamang daw kung ituring ng kapulisan ang mga binawian ng buhay. “Huwag tayong magbilangan kung isang libo, dalawang libo, dalawang daan, sampu, o isang adik ang pinaslang dahil may pamilyang maghahanap at iiyak para sa kanila—

pamilyang nagpapahalaga sa buhay nila,” aniya. PATULOY NA TITINDIG PARA SA HUSTISYA “Manlalaban talaga ako katulad ng ginawa kong paglaban simula nang gabing pinatay ang anak ko hanggang makamtan namin ang hustisya,” pahayag niya nang tanungin kung hanggang kailan siya patuloy na lalaban. Naging aktibo si Nanette sa pagtulong sa mga naulilang pamilya dahil rin sa extrajudicial killings sa ilalim ng kampanya kontra droga ni Duterte. Bilang isang nanay din na naulila, naiintindihan daw niya ang bigat ng pakiramdam ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga pinaslang. Dahil dito, bumibisita siya sa iba’t ibang komunidad upang magbahagi ng kaniyang kwento at makiramay sa

mga naulila. Makakamit lang daw nila ang hustisya “kung mahuhuli o mapaparusahan ang mga gumawa, nag-utos, at ang utak ng mga pagpaslang.” Pinalalakas din ni Nanette ang loob ng ibang pamilya ng biktima sa pamamagitan ng paghikayat sa legal na pagdodokumento o legal documentation ng kanilang karanasan. Sa pamamagitan ng pagdodokumento sa mga paglabag sa karapatang pantao at mga pagpaslang, naniniwala siya na mapapanagot nila ang salarin at makakamit ang hustisya. “Kahit na makuha ko na ang hustisya para sa aking anak, hindi pa rin ako titigil sa paglaban dahil ipaglalaban ko rin ang ibang mga pamilyang naulila na hindi nakapagsasalita para sa kanilang sarili,” ani Nanette.

Alam mo ba kung ano ang transitional justice? Ang Transitional Justice ay lehitimong paraan ng pagtugon sa mga paglabag sa karapatang pantao at paghahatid ng hustisya para sa mga biktima. Ayon sa United Nations, isa itong mekanismo para mapanagot ang mga may sala at makakuha ng “reparasyon” ang mga biktima. Sa nakalipas na 25 taon, ang pagpapairal nito ay naging epektibo para mapahalagahan ang dignidad ng bawat tao.

Ipakita ang iyong suporta sa mga paring inakusahan ng sedisyon! Mag-post ng iyong mga mensahe at gamitin ang hashtag na #TayoAngSimbahan.

Tayo ang Simbahan


Resist: Mga katolikong grupo, nakiisa sa mga obispo at paring inakusahan ng sedisyon Sulat ni Amanda Lingao | Kuha ni Patricia Leuterio

Lubos ang pag-suporta ng Katolikong komunidad sa mga miyembro ng simbahan na sinampahan ng Pulisya ng kasong sedition at inciting to sedition noong Hulyo. Taimtim na nagdarasal sina Fr. Robert Reyes, Fr. Albert Alejo, at Fr. Flavie Villanueva sa misa sa Christ the King Seminary. Sila ay kabilang sa 36 na sinampahan ng PNP-CIDG ng kasong sedition.

Sa harap ng diumanong “fabricated” o gawa-gawa raw na mga akusasyon laban sa ilang miyembro ng simbahan at ng oposisyon, naglunsad ang ilang grupong Katoliko ng kabi-kabilang pagkilos upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa mga inakusahang obispo, pari, at layko. Daan-daang tao ang nagpulong sa misa sa Christ the King Seminary noong Agosto 6 at kilos protesta sa harap ng Department of Justice (DOJ) noong Agusto 9 upang suportahan sina Fr. Albert “Bert” Alejo, Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, Fr. Robert Reyes,

Br. Armin Luistro, Obispo Honesto Ongtioco, Obispo Pablo Virgilio “Ambo” David, Obispo Teodoro Bacani Jr., at Arsobispo Socrates Villegas. Kabilang ang walo sa 36 na katao na sinampahan ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng mga kasong sedition, inciting to sedition, cyber libel, at iba pa. Ang kasong isinampa ay kaugnay ng mga videos mula sa seryeng “Ang totoong narcolist videos” na inupload online kung saan idinadawit diumano ang mga kamag-anak ni Pangulong

Rodrigo Duterte sa ilegal na droga. Sila ay inaakusahan ng pakikipagsabwatan sa oposisyon upang maialis sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit ayon sa kanilang tagasuporta, paraan lamang ang mga kasong ito upang patahimikin ang mga kritiko ng administrasyong Duterte. Sa unang hearing ng preliminary investigation sa kaso noong Agusto 9, nagpulong ang mga relihiyosong grupo at tagasuporta ng oposisyon sa harap ng DOJ, bitbit ang mga kartelong

“Ang katotohanan ay hindi sedisyon!,” mariing sigaw ng mga grupong Katoliko at oposisyon na nagtipon sa harap ng Department of Justice, Agosto 9, simula ng preliminary investigation sa kaso.WSW

Daan-daang tao ang nagpulong sa misa sa Christ the King Seminary noong Agosto 6 at kilos protesta sa harap ng Department of Justice (DOJ) noong Agusto 9 upang suportahan ang mga taong simbahan na inakusahan ng sedition.

Puno ang Christ the King Seminary sa Quezon City ng mga Katolikong sumusuporta sa mga pari, obispo, at laykong nasamapahan ng kasong sedisyon.

laman ang salitang “Ang katotohanan ay hindi sedisyon” at “hintuan mga pekeng kaso laban sa mamamayang Pilipino.” Ayon sa The People’s Choice, isang grupo ng mga Layko, malinaw raw na hangarin lamang ng administrasyon na tanggalin lahat ng mga kumukontra sa kanilang mga marahas na polisiya. Ilang araw lang bago ang protesta sa DOJ ay naglungsad rin ng isang solidarity mass at candle lighting ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines, kung saan dumalo sina Fr. Alejo, Fr. Reyes,

at Fr. Villanueva. Batid ang pakikiisa ng komunidad sa mga pari at obispo sa pagkapuno ng simbahan. “Let me challenge you with a short and simple – but maybe a very difficult – word in our times: Resist. Do not be afraid,” ika ni Fr. Danny Pilario sa kaniyang homilya. Maliban rito ay ilang diyosesis na rin ang nakapaglunsad ng misa para sa mga inakusahang obispo, pari, at layko.

Taas kamaong kumakanta ng Pilipinas kong Mahal ang mga dumalo sa Solidarity mass sa Christ the King Seminary. Ang kantang ito ay karaniwang kinakanta sa mga protesta o rally.

Masugid na nanawagan si Father Albert Alejo sa mga Katoliko na patuloy na lumaban. Ika niya, hindi sapat na gumawa lamang ng maganda at hanapin ang katotohanan. Kailangan tutulan rin ang kasinungalingan.

“Resist Political Repression” ang panawagan ng ilang naka maskarang rallyista na tumungo sa simula ng preliminary investigation ng kaso laban sa mga lider ng simabahan at ng oposisyon.


DIGNIDAD

6 | DIGNIDAD

ISSUE 5 | AUGUST 2019

Kaisa ng katutubo Hans Bautista

ANG AGOSTO AY BUWAN NG WIKA AT MGA KATUTUBO. Ang wika ay tulay sa ating pagkakawatak at pagkakaiba. Dahil sa wika, napag-uugnay ang bawat Pilipino at nagiging buo tayo bilang isang bayan. Pero, paano nga ba mapauusbong ang ating wika kung mismong ang mga lider ang siyang unang tumutulak na huwag ito bigyan ng pansin? Kamakailan lamang, pinaboran ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Korte Suprema ang pagpapatanggal ng mga asignaturang Panitikang Filipino sa lahat ng mga pampublikong pamantasan at kolehiyo. Giit nila, natututunan na raw ito sa mga mabababang antas. Isa rin sa mga dahilan ng nasabing desisyon ay para sa layuning gawing

internationally-ready ang mga estudyante. Hindi man masama ang layunin, mas mainam ring suriin na ang ganitong pagtingin ay naka-angkla sa kolonyal na sistema na nakasanayan ng ating bansa kung saan mas tinuturing nating export goods ang mga mamamayan. Bilang pagtutol dito, nagkaroon ng malawakang protesta upang tutulan ang desisyong ito. Ang pagtanggal dito ay isyu ng pagbubura sa kultura na mayroon ang ating bayan sa aspeto ng wika. Sa panahon ngayon, nakikita natin na mas pinapaboran ang kulturang kanluranin at hindi sa sariling kulturang mayroon tayo. Bukod dito, ipinasara rin ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga alternatibong paaralang itinatag para sa

Sa hindi paglimot Raevene Morillo

ANG PAG-ALALA AT PAGKALIMOT AY ANG MGA PANGUNAHING GAWAIN NG ATING ISIP. Ayon sa mga pagsusuri, likas sa ating utak ang makalimot dahil may limitasyon lamang ang kapasidad nitong magtaglay ng memorya sa mahabang panahon. Nabibitbit lang ng isang tao ang mga partikular na gunita na may labis na saya, lungkot, poot, o trauma. Tumatatak man ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay pumupusyaw ang mga alaala. Kahit gaano ka pa katalas ang isip sa pagkabisado, wala pa ring garantiya na matatandaan ng ating isipan ang kabuuan ng ating karanasan. Kaya, hindi maaaring dumepende na lamang sa pagiging pansamantala ng ating alaala. Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng rekord o

dokumentasyon. Maaaring sa paraan ng panulat o gamit ang video o audio recorder. Sa ganitong paraan, mas

Sa pamamagitan ng sistematikong pag-alala at pagbahagi ng kuwento ng mga naabuso, pinahahalagahan natin ang mga buhay at dignidad ng mga biktima.

lumalapit sa pagiging eksakto ng paglapat ng katotohanan at mahalaga ang katotohanan lalo na sa pagkakamit ng hustisya.

mga kapatid nating mga Lumad. Ayon sa kanila, may layuning ihanda ang mga kabataang lumad sa mga praktikal na mga kasanayan na kinakailangan para sa kanilang ikauunlad tulad ng pagsulat at pagbasa, pagiintindi sa matematika, sa kasaysayan ng bayan, at iba pa. Bukod pa sa pagpatay na ginagawa ng mga militar ay kinikitilan din sila ng kaparaanan para maging edukado. Ang pakikibaka ng ating mga katutubong kapatid ay isang indikasyon ng limitadong serbisyo sa lugar nila at nakakapanghinayang tignan na kailangan pang makipagagaw buhay para lang mapakinggan sila. Ang paggamit ng puwersa laban sa mga katutubo ay manipestasyon ng pagkatakot ng pamahalaan sa pagpapausbong ng kultura at kaisipan ng mga katutubo.

Taliwas ang mga ginagawa ng gobyerno sa kung ano ang ating ipinagdiriwang na dapat sana ay pagpapaigting at pagpupunyagi sa kultura at kontribusyon ng ating mga kapatid na katutubo. Lingid sa ating kaalaman, ang mga katutubo ay nagsisilbing mga protektor ng ating kalikasan, ang nagsisilbing mga magsasaka at mga mangingisda, ngunit sila mismo ay hindi pinagtutuunan ng pansin ng ating mga kababayan. Dapat ay protektahan natin di lamang ang kanilang kultura at wika, kundi ang kanilang karapatan bilang mga tao. Simbolo ng katapangan, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa ang kinakatawan ng mga wika ng ating bayan, at kaakibat ng mga prinsipyong ito ay ang pagpapalakas ng mga tao na siyang nagpapaganda at nagpapayabong sa mga wikang ito.

Ang paggamit ng puwersa laban sa mga katutubo ay manipestasyon ng pagkatakot ng pamahalaan sa pagpapausbong ng kultura at kaisipan ng mga katutubo.

Sa konteksto ngayon na laganap ang karahasan, mas dapat paigtingin ang kahalagahan ng legal documentation. Isang mahalagang hakbang ito patungo sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao, mga uri ng pang-aabuso, mga krimen at iba pang karahasan. Sa kasalukuyan, ang kampanya kontra droga ni Pangulong Duterte ay naghatid ng iba’t-ibang uri ng paglabag sa karapatang tao na nakikita sa sa pamamagitan ng illegal arrest, enforced disappearances o kaya naman ay extrajudicial killings. Kapag tayo ay nakaranas o nakasaksi ng mga pangyayaring ito, hindi natin mapagkakait ang labis na poot at takot. Ito ang panahon upang patalasin at patalimin natin ang kapangyarihan nang panulat sa legal documentation. Ang pagkolekta ng mga kuwento ang magpapatunay ng katotohanan na may mahalagang papel para sa transitional at restorative justice. Makatutulong rin ito sa pag-uusig ng mga may sala, at pagkakakilanlan ng mga biktima sakaling magkaroon ng reparasyon. Higit sa lahat, ang

pagbabahagi sa pamamagitan ng dokumentasyon ang magsisilbing boses at lakas ng mga biktima at ng kanilang pamilya. Mula sa mga ito, may kapasidad na ma-memorialize o maging permante ang katotohanang nailahad. Nagkakaroon ng mapanghahawakang ebidensya ang biktima o pamilya nito. Halimbawa nito ay kung papaano nakakuha ng pondong pang-recompense ang mga biktima at pamilya ng mga biktima noong Martial Law mula sa Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB). Dahil sa dokumentasyon, naipamahagi sa kanila ang pondo upang makatulong sa kanilang pangangailangan. Nananalig tayo sa katotohanan ng kwento lalo na ng mga nasa laylayan ng ating bayan. Sa pamamagitan ng sistematikong pag-aalala at pagbahagi ng kuwento ng mga naabuso, pinahahalagahan natin ang mga buhay at dignidad ng mga biktima. Ito ang humahabi at nagpapatatag sa kasaysayan ng ating bansa.

MAY MGA KWENTO O LARAWAN KA BANG NAIS NA IBAHAGI? TUMATANGGAP ANG DIGNIDAD NG MGA KONTRIBUSYON! Mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-PM sa IDEALS Inc. Facebook Page.

NEWS / COLUMN / COMICS 7 | DIGNIDAD

DIGNIDAD

ISSUE 5 | AUGUST 2019

ITANONG MO KAY ATTORNEY

Dear Attorney,

KOMIKS BUHAY COMMUTER

Magandang araw Attorney. Ako po si Nikki, 26 na taong gulang, may asawa at nakatira sa valenzuela city. Apat na taon na po kaming mag asawa ni Andre at may isang anak. Noong Agosto 15 ng 2013, nahuli ko po ang asawa ko na may kabit at bumili siya ng bahay sa kabilang barangay para dun itago ito. Labis akong nasaktan at di ko masikmura ang kanyang pagtataksil. Gusto ko po sana kasuhan siya at makipaghiwalay. Ano po ang dapat kong ikaso at pano po maging legal ang paghihiwalay namin? Dear Nikki, Salamat po sa inyong tanong. Maari niyo pong kasuhan ng concubinage ang inyong asawa. Sa ilalim ng batas, ang concubinage o pagkakaroon ng sekswal na relasyon ng isang kasal na lalaki sa babae na hindi niya asawa at pagbabahay dito ay isang krimen na may parusang kulong sa lalaki at destierro o pagbabawal sa babaeng kabit na pumunta sa lugar ng pamilya ng lalaki. Kung gusto niyo naman maging legal ang inyong paghihiwalay,

maari kayo magfile ng legal separation sa korte, ito ay ang paghihiwalay sa tirahan at ari-arian ng mag-asawa ngunit mananatili silang mag-asawa o may bisa pa ang kanilang kasal at wala silang karapatan na mag-asawa muli. Ayon sa Article 55 ng Family Code, isa sa grounds for legal separation ay ang sexual infidelity o ang sekswal na pagtataksil. Lubos na gumagalang, Atty. AMB

May mga nais ka bang itanong kay attorney?

mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-pm sa ideals inc. facebook page.

EDITORIAL STAFF EDITOR-IN-CHIEF Dada Grifon LAYOUT DIRECTOR Mikhaela Dimpas CARTOONIST Bladimer Usi INFOGRAPHICS Amanda Lingao WRITERS Dada Grifon, Amanda Lingao, Raevene Morillo, Hans Bautista, Jerico Daracan PHOTOS Patricia Leuterio RESEARCH Yurik Bugaring



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.